4. Pagkatapos na Mapatalsik ang Tiyo ko

Ni Ye Qiu, Tsina

Ang tiyo ko ay isang manggagamot ng tradisyonal na medisinang Tsino. Noong sampung taong gulang ako, naaksidente ako at hindi ko mapigilang sumuka ng dugo, at ang tiyo ko ang nagligtas sa akin sa kritikal na sandali. Palagi kong naaalala ang kabutihang ito na nagligtas ng buhay ko, at naisip ko na kailangan kong suklian nang tama ang tiyo ko paglaki ko. Noong 2008, pumanaw ang tatay ko dahil sa karamdaman. Noong labis ang kalungkutan ng aming buong pamilya, ipinangaral sa amin ng tiyo ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Bukod sa binigyan kami nito ng masasandigan, binigyan din kami nito ng pagkakataon na hangarin ang katotohanan at kamtin ang kaligtasan, kaya lalo pa akong nagpapasalamat sa tiyo ko. Dahil sa pagkamatay ng tatay ko, mahirap para sa nanay ko na matustusan ang mga gastusin sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid. Kaya naman, dinala ako ng tiyo ko sa bahay niya, kung saan puwede akong manampalataya sa Diyos habang nag-aaral din ng medisina kasama niya. Tumira ako at kumain sa bahay niya. Hindi gaanong maayos ang kalusugan ko, at madalas na naghahanda ng masusustansyang pagkain ang tiyo ko para sa akin. Tinrato niya ako na parang sarili niyang anak, kaya puno ako ng pasasalamat sa kanya at naisip na kung magkakaroon siya ng anumang suliranin sa hinaharap, hangga’t ito ay isang bagay na kaya kong itulong sa kanya, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para gawin ito.

Noong 2011, tinukoy ng iglesia na isang masamang tao ang tiyo ko. Siya ay mayabang, palalo, nagsasanhi ng mga di-makatwirang problema, at hindi tumatanggap sa katotohanan kahit kaunti. Pinahirapan niya ang mga taong nagbibigay sa kanya ng mga suhestiyon at madalas niyang hinuhusgahan, inaatake, at kinokondena ang mga lider at manggagawa. Nag-udyok siya ng mga alitan sa pagitan ng mga kapatid at mga lider, na nagsanhi ng matitinding kaguluhan sa buhay iglesia at sa gawain. Masyado niyang nasusupil ang mga kapatid na hindi na sila naglakas-loob na makisalamuha sa kanya, at tumanggi siyang magsisi sa kabila ng paulit-ulit na pagbabahaginan. Nagpasya ang iglesia na patalsikin siya. Noong panahong iyon, tinanong ng lider kung pumayag ba akong pirmahan ang pangalan ko, at talagang nagtalo ang kalooban ko. Halatang-halata ang pag-uugali ng tiyo ko; maging ako ay napaluha sa kanyang panghahamak at mga pag-atake. Pero naisip ko, “Kung pipirmahan ko ang pangalan ko at malalaman niya, ano na lang ang iisipin niya sa akin? Iniligtas ng tiyo ko ang buhay ko noong maliit pa ako, ipinangaral niya sa amin ang ebanghelyo, at tinuruan ako tungkol sa medisina. Napakaraming kabutihan ang ipinakita niya sa akin, at kung pipirma ako, hindi ba’t sasabihin niyang wala akong puso at walang utang na loob?” Noong panahong iyon, binasa ng lider ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na talagang nakaantig sa akin. Sabi ng Diyos: “Anong prinsipyo ang dapat pagbatayan ng pagtrato ng mga tao sa iba ayon sa hinihingi ng mga salita ng Diyos? Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin. Mahal ng Diyos ang mga naghahangad ng katotohanan at nakasusunod sa Kanyang kalooban; ito rin ang mga taong dapat nating mahalin. Ang mga hindi nakasusunod sa kalooban ng Diyos, mga napopoot at naghihimagsik laban sa Diyos—ito ang mga taong kinasusuklaman ng Diyos, at dapat din natin silang kasuklaman. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao. … Noong Kapanahunan ng Biyaya, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Sino ang Aking ina? At sino-sino ang Aking mga kapatid?’ ‘Sapagkat sinumang gumagawa ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit, ay siyang Aking kapatid na lalaki at Aking kapatid na babae, at ina.’ Umiiral na ang mga salitang ito noon pang Kapanahunan ng Biyaya, at lalo pang mas malinaw ang mga salita ng Diyos ngayon: ‘Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.’ Diretsahan ang mga salitang ito, ngunit madalas na hindi naaarok ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga ito(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, medyo nakonsensiya ako. Malinaw na umasal gaya ng isang masamang tao ang tiyo ko, pero ayaw ko pa ring ipirma ang pangalan ko. Hindi ba’t kinukunsinti ko ang kanyang patuloy na panggagambala at panggugulo sa iglesia? Hindi ako dapat kumilos batay sa pagmamahal, sa halip, dapat akong magsagawa ayon sa mga salita ng Diyos, “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos.” Pagkatapos, pinirmahan ko ang pangalan ko.

Noong 2012, naglabas ang iglesia ng isang abiso tungkol sa pagpapatalsik sa tiyo ko, at palagi akong natatakot na harapin siya. Kalaunan, nang malaman ng tiyo ko na pumirma ako, pinagalitan niya ako dahil sa kawalan ng pagkilatis at tinawag akong isang hangal! Nang marinig ko ang sinabi niyang iyon, alam kong hindi man lang niya pinagnilayan o inunawa ang kanyang masasamang gawa, pero napaisip pa rin ako kung naging masyado ba akong walang puso at walang utang na loob sa kanya sa pagpirma sa pangalan ko. Kalaunan, dahil sa mga pangangailangan ng tungkulin ko, umalis ako sa tahanan ng tiyo ko. Bagaman hindi ko na kailangang humarap pa sa tiyo ko, nananatili pa rin sa isipan ko ang mga salita niya nang pagalitan niya ako. Lalo na, kalaunan, may nangyari na nagparamdam sa akin na mas lalo akong nagkautang sa tiyo ko, at sa huli, nakagawa ako ng isang bagay na laban sa Diyos.

Bago ang pagtatapos ng 2016, ginagampanan ko ang aking tungkulin nang malayo sa amin at isinugod ako ng mga kapatid sa ospital dahil sa malubhang pneumonia at pleural effusion. Humangos ang tiyo ko tungong ospital at walang sawa akong inalagaan, gumugol ng pera at pagod. Napakababa ng presyon ng dugo ko, at ginamot niya ako gamit ang acupressure. Pagkatapos akong madischarge naghanda pa siya ng tradisyonal na medisinang Tsino para tulungan akong makabawi. Nang makita kong mabuti pa rin siya sa akin sa kabila ng pagpirma ko sa pagpapatalsik sa kanya, lalong tumindi ang naramdaman kong pagkakonsensiya sa kanya. Sa panahong iyon, sinabi ng tiyo ko kung paanong nagpatuloy siya sa pangangaral ng ebanghelyo sa mga nakalipas na taon kahit pagkatapos niyang mapatalsik, nagdadala ng ilang tao sa Diyos. Inaresto pa nga siya ng CCP dahil sa kanyang pangangaral ng ebanghelyo, ipinahalughog din ang bahay niya, kinumpiska ang kanyang mga ari-arian, at ipinasara ang kanyang parmasya. Nawalan siya ng mahigit 100,000 yuan. Sa kabila ng pang-uusig ng malaking pulang dragon, hindi niya ibinunyag kung saan nakatago ang mga aklat ng mga salita ng Diyos. Gayumpaman, nang magpakita sa kanya ang CCP ng mga larawan at inutusan siyang ituro ang mga kapatid, inamin niya na ang isa sa mga sister ay isang lider. Ito ang lider na nagpatalsik sa kanya ilang taon na ang nakararaan. Matapos sabihin sa akin ang lahat ng ito, sinumbatan niya ako na wala akong konsensiya, sinasabi na itinuring niya ako na parang anak at inalagaan niya ako na parang tatay ko siya, pero bilang kapalit, hindi ako nagpakita ng anumang damdamin ng tao at kumilos ako na parang isang walang-awang hayop. Nang marinig ko siyang magsalita tungkol sa mga bagay na ito, nakaramdam ako ng pagkakautang sa kanya at nakisimpatiya rin ako sa kanya. Noong panahong iyon, nagkataong nabalitaan ko na sinasabi ng mga nakatataas na lider na kung ang mga pinatalsik ay nagpakita ng pagsisisi at nagpatuloy sa pananampalataya sa Diyos at pangangaral ng ebanghelyo, maaari silang tanggaping muli sa iglesia. Dahil dito, naalala ko ang tiyo ko. Naisip ko, kahit na pinatalsik siya, ipinapangaral pa rin niya ang ebanghelyo nitong mga nakalipas na taon. Nang arestuhin at tanungin ng CCP, hindi pa rin niya itinatwa ang Diyos. Kaya hindi ba’t posible na tanggaping muli sa iglesia ang tiyo ko? Kahit na ipinangaral lang niya ang ebanghelyo at nagtrabaho siya para makabawi sa mga dati niyang maling gawain, ayos na iyon. Pagkatapos niyon, kung higit na makikipagbahaginan sa kanya ang iba ng mga salita ng Diyos, hindi kaya’t unti-unti siyang makapagsisimulang magnilay-nilay sa kasamaang nagawa niya at makakapagkamit ng pagsisisi at pagbabago? Kung maipapasok ko siyang muli sa iglesia, hindi ba’t makikita niya na may kaunti akong konsensiya at hindi naman ganoon kawalang utang na loob na tao? Nang sumagi ito sa isip ko, pakiramdam ko ay parang nakahanap ako ng pagkakataon na makabawi sa mga maling nagawa ko at masuklian ang kanyang kabutihan. Kaya sumulat ako sa lider, iniuulat ang tungkol sa mabubuting pag-uugali ng tiyo ko. Pero pagdating sa pagtuturo niya sa larawan ng lider ng iglesia sa mga pulis, at pagrereklamo niya sa harap ko at pagsesermon sa akin, hindi ko isinali ang lahat ng iyon. Kalaunan, nagsaayos ang mga lider ng isang tao na makikipagkita sa tiyo ko para tingnan kung natugunan ba niya ang mga pamantayan para mapabalik sa iglesia. Pagkalipas ng ilang araw, sinabi sa akin ng isang sister, “Nang pumunta kami sa tiyo mo at tinanong namin siya kung paano siya nagnilay sa kanyang sarili at paano niya sinubukang kilalanin ang sarili niya, nagalit siya nang husto at sinabing, ‘Hindi talaga kayo naririto para siyasatin ang mga katunayan. Pinagtatakpan lang ninyo ng mga lider ang isa’t isa; magkakasabwat kayong lahat dito.’ Mukhang susuntukin na niya kami, at ang tiya mo ang patuloy na nakikiusap sa kanya na huwag gawin iyon at pinipigilan siya. Pagkatapos, sinimulan niyang imuwestra ang mga kamay niya at malakas na nagreklamo tungkol sa nakalipas, naghahanap ng mga kamalian at tumatangging magpatawad, inaatake at hinuhusgahan ang mga lider. Nakita namin na wala talaga siyang pang-unawa sa sarili at hindi siya karapat-dapat na tanggaping muli sa iglesia.” Nakipagbahaginan din sa akin ang sister tungkol sa pagkilatis at malinaw na pag-unawa sa diwa ng tito ko, at tinanong niya ako kung paano ko naunawaan ang usapin. Sa harap ng pag-uugali ng tiyo ko, wala akong ibang masabi; tunay nga siyang hindi karapat-dapat na tanggapin.

Kalaunan, naghanap ako ng mga salita ng Diyos na may kaugnayan sa aking mga isyu. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. May ilang tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon lamang, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi lubos na mapaminsala rin ang kanilang kalikasan. Hindi lamang inihahayag ng kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod pa rito, ang totoong mga diyablo at mga Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang alisin; dapat gamitan ng walang-awang saloobin, ng saloobin ng pagtanggi, ang dapat gamitin para sa mga alipin na ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at yaong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan). “Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong mapaghimagsik laban sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananalig, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo para sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila mapag-iba ang mabuti sa masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hangarin ang mga layunin ng Diyos o magawang ituring bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga katapusan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng konsensiya at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa pagpapahalaga sa katarungan? Kung kaayon ka ng mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba mapaghimagsik kung gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Aktuwal bang nagtataglay ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng pagkakonsensiya ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Nakaramdam ako ng matinding paghatol sa mga salita ng Diyos. Ilang taon nang napatalsik ang tiyo ko. Kung mayroon siyang kaunting konsensiya o katwiran, pagkatapos gumawa ng napakaraming bagay na nakapinsala sa mga tao, nakagambala at nakagulo sa buhay iglesia, at lumaban sa Diyos, nakonsensiya sana siya. Dapat sana ay nagnilay siya sa kanyang sarili, nakadama ng panghihinayang, at nagsisi. Lalo na, nakipagbahaginan kami ng mga kapatid sa kanya at tinukoy namin ang mga isyu niya noong panahong iyon, pero wala pa rin siyang anumang pagkaunawa sa sarili niya, kinamuhian pa nga niya ako sa mga nakalipas na taon at mas nagalit pa sa lider. Naniwala siya na ang pagpapatalsik sa kanya ay kasalanan lang ng iba, nagkikimkim ng sama ng loob sa lider na nagpatalsik sa kanya at itinuturo pa nga ang larawan nito sa mga pulis. Pagkatapos, patuloy niyang ipinakalat ang kanyang mga pagkiling laban sa lider, kinokondena ito bilang isang huwad na lider at anticristo. Malinaw na may diwa siya ng isang masamang tao, na ang kalikasan niya ay tutol at namumuhi sa katotohanan, at na hindi siya kailanman magsisisi at magbabago. Nahaharap sa gayong tunay na masamang tao, patuloy kong binigyang-diin ang pagkakaroon ng konsensiya at pagsusukli sa kanyang kabutihan, ipinagtatanggol pa nga siya at nagsasalita nang mabuti tungkol sa kanya, umaasa na matatanggap siyang muli sa iglesia. Tunay akong bulag at hangal, hindi matukoy ang mabuti sa masama. Hindi ba’t sinusubukan kong magpalakas kay Satanas, pumapanig sa mga masasamang tao at lumalaban sa Diyos?

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkaroon ng kaunting pagkaunawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Noon ko lalong naramdaman na hindi na dapat tanggaping muli ang tiyo ko sa iglesia. Sabi ng Diyos: “Wala Akong pakialam kung gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga kalipikasyon, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano mo man pinabuti ang iyong asal; hangga’t hindi mo natutugunan ang Aking mga hinihingi, hindi mo kailanman makakamit ang Aking papuri. Iwaksi mo na sa lalong madaling panahon ang lahat ng iyong ideya at kalkulasyon, at simulang seryosohin ang Aking mga hinihingi; kung hindi, gagawin Kong abo ang lahat ng tao nang sa gayon ay tuluyang wakasan ang Aking gawain at, sa pinakamalala ay mauuwi sa wala ang Aking mga taon ng paggawa at pagdurusa, sapagkat hindi Ko maaaring dalhin sa Aking kaharian o isama sa susunod na kapanahunan ang Aking mga kaaway at yaong mga tao na umaalingasaw sa kasamaan at nagtataglay pa rin ng dating wangis ni Satanas(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naramdaman ko ang banal, matuwid, at hindi nalalabag na disposisyon ng Diyos, at naunawaan ko rin ang mga prinsipyo na mayroon ang Diyos sa pagtrato sa mga tao. Nang marinig kong sinabi ng mga nakatataas na lider na kung ang mga pinatalsik ay nagpatuloy sa pananampalataya sa Diyos, nagpatuloy sa pangangaral ng ebanghelyo, at nagpakita ng pagsisisi, maaari silang muling tanggapin sa iglesia, ikinumpara ko ito sa panlabas na pag-uugali ng tiyo ko. Inakala ko na nagpatuloy siya sa pangangaral ng ebanghelyo pagkatapos mapatalsik at na hindi niya itinatwa ang Diyos sa ilalim ng pang-aaresto at pang-uusig ng malaking pulang dragon, kaya naman naisip ko na maaari pa rin siyang tanggapin sa kabila ng kawalan niya ng pagkaunawa at pagninilay-nilay sa sarili. Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na may mga pamantayan ang Diyos para sa pagsukat ng mga tao, at may mga prinsipyo rin ang iglesia para sa pagtanggap ng mga tao. Lalo na para sa mga napatalsik noon dahil sa paggawa ng masama, napakahalagang suriin kung tunay ba nilang naunawaan ang kanilang masasamang gawa at nagsisi at nagbago. Kung hindi pa, hinding-hindi sila maaaring tanggaping muli sa iglesia. Matapos mapatalsik ang tiyo ko, bagaman nagpatuloy siya sa pangangaral ng ebanghelyo, na nagpapakita ng ilang mabuting pag-uugali, hindi niya napagnilayan o naunawaan ang kanyang mga dating masamang gawa o tiwaling kalikasan kahit kaunti. Gaano man makipagbahaginan sa kanya ang iba at tukuyin ng mga ito ang mga isyu niya o pungusan at ilantad siya, wala siyang anumang pagkatanto, nagiging mapanlaban pa siya sa sinumang humihimok sa kanya na magnilay-nilay sa sarili, nagpapakalat ng mga pagkiling laban sa mga lider, nililihis ang mga tao, at ginagambala at ginugulo ang buhay iglesia. Ang gayong halatang masamang tao at diyablo ay ganap na pinatalsik dahil sa pagiging matuwid ng Diyos. Katulad lang ito ng sinasabi ng Diyos: “Sapagkat hindi Ko maaaring dalhin sa Aking kaharian o isama sa susunod na kapanahunan ang Aking mga kaaway at yaong mga tao na umaalingasaw sa kasamaan at nagtataglay pa rin ng dating wangis ni Satanas.” Pero nagsalita pa rin ako para sa kanya, gusto ko siyang matanggap muli sa iglesia. Hindi ba’t kinokontra ko ang Diyos? Nang mapagtanto ko ito, lalo kong naramdaman na hindi ko nauunawaan ang katotohanan at lubha akong naging mangmang at hangal!

Kalaunan, dahil kailangan ko pa ring makabawi mula sa aking karamdaman, madalas akong nakikisalamuha sa tiyo ko. Naging mas malala pa ang pag-uugali niya; bukod sa hinusgahan niya ang mga lider, mapagmataas din siyang nagsalita at hinusgahan niya ang taong ginamit ng Banal na Espiritu. Dahil dito, mas malinaw kong nakita ang kanyang diwa ng pagkamuhi sa katotohanan at pagiging kaaway ng Diyos. Nakonsensiya rin ako at nagsisi dahil minsan ko na siyang ipinagtanggol. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, “Bakit ba noon pa man ay gusto kong suklian ang isang napakasamang tao para sa kanyang kabutihan?” Hindi ko kailanman mahanap ang dahilan hanggang sa nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos kalaunan at nalaman ko ang pinakaugat ng problema. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga pahayag sa wastong asal gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay hindi eksaktong sinasabi sa mga tao kung ano ang mga responsabilidad nila sa lipunan at sa sangkatauhan. Sa halip, paraan ang mga ito upang pigilan ang mga tao at puwersahang humingi sa kanila para kumilos at mag-isip sila sa partikular na paraan, gusto man nila o hindi, at kahit ano pa ang sitwasyon o konteksto ng pagsapit sa kanila ng mga kabutihang ito. Maraming halimbawang katulad nito mula sa sinaunang Tsina. Halimbawa, ang isang nagugutom na pulubing batang lalaki ay inampon ng isang pamilya na nagpakain, nagbihis, nagsanay sa kanya sa martial arts, at nagturo sa kanya ng lahat ng uri ng kaalaman. Naghintay ang pamilya na lumaki siya, at pagkatapos ay sinimulang gamitin siya bilang mapagkakakitaan, pinalalabas siya para gumawa ng masama, pumatay ng mga tao, at gumawa ng mga bagay na ayaw niyang gawin. Kung titingnan mo ang kuwento niya batay sa lahat ng pabor na natanggap niya, kung gayon ay mabuting bagay ang pagkakaligtas sa kanya. Pero kung iisipin mo ang mga napilitan siyang gawin kalaunan, mabuti ba talaga ito o masama? (Masama ito.) Pero sa ilalim ng pagkokondisyon ng tradisyonal na kultura gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi nakikita ng mga tao ang pagkakaiba nito. Sa panlabas, mukhang walang pagpipilian ang batang lalaki kundi gumawa ng masasamang bagay at manakit ng mga tao, maging mamamatay-tao—mga bagay na hindi gugustuhing gawin ng karamihan. Ngunit hindi ba’t ang katunayang ginawa niya ang masasamang bagay na ito at pumatay siya ayon sa utos ng kanyang amo, sa kaibuturan, ay nagmumula sa kanyang pagnanais na suklian ang kanyang amo para sa kabutihan nito? Partikular na dahil sa pagkokondisyon ng tradisyonal na kultura ng Tsina gaya ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,’ hindi mapigilan ng mga taong maimpluwensiyahan at makontrol ng mga ideyang ito. Ang paraan ng kanilang pagkilos, at ang mga layunin at motibasyon sa likod ng mga pagkilos nila ay tiyak na napipigilan ng mga ito. Nang malagay sa ganoong sitwasyon ang batang lalaki, ano kaya ang unang naisip niya? ‘Iniligtas ako ng pamilyang ito, at naging mabuti sila sa akin. Hindi pwedeng hindi ako tumanaw ng utang na loob, dapat kong suklian ang kanilang kabutihan. Utang ko ang buhay ko sa kanila, kaya dapat ko itong ilaan sa kanila. Dapat kong gawin ang anumang hinihingi nila sa akin, kahit pa nangangahulugan iyon ng paggawa ng masama at pagpatay ng mga tao. Hindi ko pwedeng isaalang-alang kung tama ba ito o mali, dapat ko lang suklian ang kabutihan nila. Karapat-dapat pa ba akong matawag na tao kung hindi ko gagawin ito?’ Dahil dito, kahit kailan naisin ng pamilya na pumatay siya ng isang tao o gumawa ng masama, ginagawa niya ito nang walang pag-aatubili o pasubali. Kaya, hindi ba’t ang kanyang pag-uugali, mga ikinikilos, at ang kanyang walang pag-aalinlangang pagsunod ay pawang dinidiktahan ng ideya at pananaw na ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? Hindi ba’t isinasakatuparan niya ang pamantayang iyon ng moralidad? (Oo.) Ano ang nakikita mo mula sa halimbawang ito? Mabuti ba o hindi ang kasabihang ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? (Hindi, walang prinsipyo rito.) Ang totoo, ang isang taong nagsusukli sa kabutihan ay mayroon namang prinsipyo. Ito ay ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian. Kung may gumagawa sa iyo ng kabutihan, dapat mo itong suklian. Kung hindi mo ito magagawa, hindi ka tao at wala kang masasabi kung ikaw ay kokondenahin dahil dito. Ayon sa kasabihan: ‘Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal,’ pero sa sitwasyong ito, ang natanggap ng batang lalaki ay hindi munting kabutihan bagkus ay isang kabutihang nagligtas ng buhay niya, kaya mas higit ang dahilan niyang suklian din ito ng buhay. Hindi niya alam kung ano ang mga limitasyon o mga prinsipyo ng pagsusukli sa kabutihan. Naniniwala siya na ang kanyang buhay ay ibinigay sa kanya ng pamilyang iyon, kaya dapat niya itong ilaan sa kanila bilang kapalit, at gawin ang anumang hinihingi nila sa kanya, kasama na ang pagpatay o iba pang paggawa ng kasamaan. Ang ganitong paraan ng pagsusukli sa kabutihan ay walang mga prinsipyo o limitasyon. Naging kasabwat siya ng masasama at sa paggawa nito ay sinira niya ang kanyang sarili. Tama bang suklian niya ang kabutihan sa ganitong paraan? Hinding-hindi. Kahangalan ang ganitong pagsasagawa ng mga bagay-bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na noon pa ay palagi akong nakakaramdam ng pagkakautang at pagkakonsensiya sa tiyo ko at gusto kong makabawi sa mga maling nagawa ko at suklian siya sa kanyang kabutihan. Ito ay pangunahing dahil sa nakagapos at napipigilan ako ng moral na pag-iisip ng “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,” at “Ang isang patak ng kabutihan ay dapat suklian ng umaagos na bukal.” Naniwala ako na kung may nagbigay sa akin ng tulong sa panahong kailangang-kailangan ko ito o nagligtas ng buhay ko sa panahon ng krisis, kailangan kong tandaan ang kabutihang ito magpakailanman at suklian ito nang tama sa hinaharap. Sa paggawa lang nito ako magkakaroon ng konsensiya at pagkatao. Kung hindi ako marunong magsukli ng kabutihan, isa akong taong walang utang na loob at walang pagkatao, at itataboy ako at tatawagin akong isang walang utang na loob na sawimpalad. Halimbawa na lang, ang nanay ko. Mayroon siyang apat na kapatid, at nahihirapan sa pananalapi ang pamilya niya noon. Para masuportahan ang pag-aaral ng aking panganay na tiyuhin, isinuko ng aking bunsong tiyuhin at ng aking ina ang kanilang pagkakataon na makapagpatuloy sa pag-aaral. Sa huli, ang aking panganay na tiyuhin ay nakakuha ng matatag na trabaho, at noong una, umasa ang pamilya na tutulong siyang suportahan ang kanyang mga kapatid. Gayumpaman, bukod sa nabigo siyang tumulong sa kanyang mga kapatid, hindi rin niya sinuportahan ang sarili niyang nanay. Tinawag siyang walang utang na loob ng lahat ng kamag-anak at kaibigan namin, at siya ay naging isang taong itinataboy ng lahat. Lumaki ako sa ganitong kapaligiran, kaya pakiramdam ko ay dapat akong maging taong may konsensiya sa hinaharap, isang taong marunong magsukli ng kabutihan. Ang impluwensiya ng ganitong kaisipan ang naging dahilan kung bakit hindi ko kayang makilatis ang tama sa mali o makilatis kung anong uri ng tao ang sinusuklian ko kapag may nangyayari sa akin, at wala akong pakialam kung naaayon ba ang mga kilos ko sa mga katotohanang prinsipyo. Hangga’t may nagpapakita sa akin ng kabutihan, nakakaramdam ako ng udyok na tandaan at suklian ito. Katulad na lang ng sa tiyuhin ko, noong oras na para pirmahan ko ang aking pangalan para mapatalsik siya, dahil iniligtas niya ang buhay ko, ipinangaral sa amin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, at itinuring ako na parang sarili niyang anak, nahirapan akong pumirma dahil sa kabutihang ito. Natakot ako na kung gagawin ko iyon, magiging isa akong taong walang utang na loob, na walang konsensiya. Bagaman pumirma ako sa huli, hindi matahimik ang konsensiya ko tungkol dito, at nakaramdam ako ng pagkakautang sa kanya. At saka, noong may sakit ako habang ginagawa ang aking tungkulin malayo sa bahay, nagmadaling pumunta ang tiyo ko at naglaan siya ng maraming pera at pagod sa pag-aalaga sa akin, na mas lalong nagpakonsensiya sa akin. Kaya naman, pagkatapos kong marinig ang pagbabahaginan ng mga nakatataas na lider tungkol sa mga prinsipyo ng pagtanggap ng mga tao, gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para suklian ang tiyo ko. Bilang resulta, bagaman malinaw na hindi nagnilay ang tiyo ko o hindi niya naunawaan ang kasamaang nagawa niya sa nakalipas na ilang taon, at nagkimkim pa nga siya ng sama ng loob tungkol sa pagpapatalsik sa kanya at itinuro niya sa malaking pulang dragon ang lider ng iglesia na nagpatalsik sa kanya, dahil kontrolado ako ng pag-iisip na “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian,” nagsalita ako nang mabuti tungkol sa kanya sa harap ng mga lider, pinagtatakpan at itinatago ang kanyang masamang pag-uugali, umaasang matatanggap siyang muli sa iglesia, pahihintulutan akong mabayaran ang pagkakautang ko. Napagtanto ko na ang tradisyonal na pag-iisip ng “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian” ay pumipigil sa akin, kaya hindi ko magawang tukuyin ang mabuti sa masama, tama sa mali. Dahil dito, kumilos ako nang walang anumang prinsipyo o pinakamababang moral na pamantayan. Ngayon, ito ang panahon ng pagdadalisay ng iglesia at pag-aalis mula sa iglesia ng masasamang tao, mga anticristo at mga hindi mananampalataya. Kung nakatuon pa rin ako sa pagkakaroon ng konsensiya at pagsusukli sa kabutihan ng masasamang tao, gustong tanggapin silang muli sa iglesia, hindi ba’t nagiging kasabwat ako ng masasamang tao at nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan? Paanong naiiba ang pag-uugali ko sa kalikasang inilarawan ng Diyos bilang ang pulubing pumapatay para masuklian ang kabutihan? Sa pagkaunawang ito, malinaw kong nakita ang maling paniniwala at lason ng tradisyonal na moral na pag-iisip ng “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.” Ito ay isang ganap na mapanlihis at mapagtiwaling maling paniniwala.

Pagkatapos, nagbasa ako ng higit pang mga salita ng Diyos: “Ang tradisyonal na pangkultural na konsepto na ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’ ay kailangang kilatisin. Ang pinakamahalagang bahagi ay ang salitang ‘kabutihan’—paano mo dapat tingnan ang kabutihang ito? Anong aspekto at kalikasan ng kabutihan ang pinatutungkulan nito? Ano ang kabuluhan ng ‘Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian’? Dapat alamin ng mga tao ang mga sagot sa mga tanong na ito, at sa anumang pagkakataon ay hindi sila dapat mapigilan ng ideyang ito ng pagsusukli ng kabutihan—para sa sinumang naghahangad sa katotohanan, ito ay lubos na mahalaga. Ano ang ‘kabutihan’ ayon sa mga kuru-kuro ng tao? Sa mas mababang antas, ang kabutihan ay ang pagtulong sa iyo ng isang tao kapag may problema ka. Halimbawa, ang pagbibigay sa iyo ng isang tao ng isang mangkok ng kanin kapag gutom na gutom ka, o isang bote ng tubig kapag uhaw na uhaw ka, o pag-alalay sa iyong makatayo kapag nadapa ka at hindi makabangon. Lahat ito ay paggawa ng kabutihan. Ang dakilang paggawa ng kabutihan ay ang pagliligtas sa iyo ng isang tao kapag nasa desperado kang kalagayan—iyon ay kabutihan na nakapagliligtas ng buhay. Kapag nasa mortal kang panganib at may tumutulong sa iyong makaiwas sa kamatayan, sa esensya ay sinasagip niya ang iyong buhay. Ang mga ito ay ilan sa mga bagay na sa tingin ng mga tao ay ‘kabutihan.’ Ang ganitong uri ng kabutihan ay higit na nalalagpasan ang anumang maliliit at materyal na pabor—ito ay dakilang kabutihan na hindi masusukat sa pera o materyal na mga bagay. Ang mga nakatatanggap nito ay nakararamdam ng pasasalamat na imposibleng maipahayag sa iilang salita lamang ng pagpapasalamat. Ngunit tumpak ba na sukatin ng mga tao ang kabutihan sa ganitong paraan? (Hindi.) Bakit sinasabi mong hindi ito tumpak? (Dahil ang panukat na ito ay nakabatay sa mga pamantayan ng tradisyonal na kultura.) Ito ay isang sagot na batay sa teorya at doktrina, at bagama’t mukhang tama ito, hindi nito natutukoy ang diwa ng usapin. Kaya, paano ito maipapaliwanag ng isang tao sa mga praktikal na termino? Pag-isipan itong mabuti. Kamakailan, nabalitaan Ko ang tungkol sa isang video online ng isang lalaking nakalaglag ng pitaka nang hindi niya namamalayan. Isang maliit na aso ang nakapulot sa pitaka at hinabol ang lalaki, at nang makita ito ng lalaki, binugbog niya ang aso dahil sa pagnanakaw nito ng kanyang pitaka. Kakatwa, hindi ba? Mas wala pang moralidad ang lalaking iyon kaysa sa aso! Ang ikinilos ng aso ay ganap na alinsunod sa mga pamantayang pangmoralidad ng tao. Ang isang tao ay makasisigaw sana ng ‘Nalaglag ang pitaka mo!’ Ngunit dahil hindi nakapagsasalita ang aso, tahimik lang nitong pinulot ang pitaka at sumunod sa lalaki. Kaya, kung ang isang aso ay kayang isakatuparan ang ilan sa mabubuting asal na hinihikayat ng tradisyonal na kultura, ano ang sinasabi nito tungkol sa mga tao? Ang mga tao ay ipinanganak na may konsensiya at katwiran, kaya mas may kakayahan silang gawin ang mga bagay na ito. Hangga’t may konsensiya ang isang tao, maisasakatuparan niya ang mga ganitong uri ng responsabilidad at obligasyon. Hindi na kailangang magsumikap o magbayad ng halaga, kaunting pagsisikap lang ang kinakailangan nito at paggawa lang ito ng isang bagay na nakatutulong, isang bagay na kapaki-pakinabang sa iba. Ngunit ang kalikasan ba ng ganitong kilos ay talagang maituturing na ‘kabutihan’? Umaabot ba ito sa antas ng paggawa ng kabutihan? (Hindi.) Dahil hindi, kailangan pa bang pag-usapan ng mga tao ang pagsukli rito? Hindi na ito kakailanganin(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). “Kung gusto kang iligtas ng Diyos, kahit kaninong serbisyo pa ang gamitin Niya upang maisakatuparan ito, dapat mo munang pasalamatan ang Diyos at tanggapin ito na mula sa Diyos. Hindi mo dapat idirekta lang sa mga tao ang iyong pasasalamat, lalong huwag mong ialay ang iyong buhay sa isang tao bilang pasasalamat. Isa itong malaking pagkakamali. Ang mahalaga ay mapagpasalamat ang iyong puso sa Diyos, at tinatanggap mo ito mula sa Kanya(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng bagong pagkaunawa at depinisyon ng “kabutihan” na tinutukoy sa pariralang “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian.” Madalas kong isipin noon na kung may nag-abot ng tulong sa akin o nagligtas pa nga ng buhay ko kapag naharap ako sa mga suliranin o panganib, o kapag delikado ang buhay ko, isa itong malaking kabutihan na dapat kong tandaan at suklian sa hinaharap. Ngayon, sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang lahat ng ito ay hindi puwedeng tawaging kabutihan; ito ay simpleng likas na gawi ng mga tao, isang bagay na kayang gawin ng sinumang may konsensiya. Tungkol sa tiyo ko, bilang isang doktor, ang iligtas ang buhay ko nang makita niyang nasa panganib ako ay talagang normal lang at responsabilidad niya ito. Higit pa rito, ang hininga kong ito ay nagmumula sa Diyos, at ang buhay at kamatayan ko ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Hindi lang ako buhay dahil iniligtas ako ng tiyo ko. Matapos pumanaw ang tatay ko, noong nahirapan ang nanay ko na mabayaran ang mataas na halaga ng pagkakaroon ng maraming anak, pinaaral ako ng tiyo ko ng medisina kasama niya at pinakain at pinatira ako sa bahay niya, at nang makita niyang mahina ang kalusugan ko, binigyan niya ako ng masusustansyang pagkain. Inalagaan niya rin ako pagkalipas ng ilang taon noong maospital ako. Lahat ng ito ay kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at dapat kong tanggapin ang mga ito mula sa Diyos. Isa pa, ipinangaral sa amin ng tiyo ko ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, na siyang kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos din ng Diyos. Ang Nag-iisang dapat kong pasalamatan ay ang Diyos! Nang maunawaan ko ito, sa wakas ay naibsan ang pagkakonsensiyang naramdaman ko sa tiyo ko.

Sa pamamagitan ng karanasang ito, malinaw kong nakita ang maling paniniwala ng tradisyonal na moral na pag-iisip ng “Ang kabutihang natanggap ay dapat na buong-pasasalamat na suklian” at kung paano nito ginagapos at pinipinsala ang mga tao. Kung wala ito, ipinagpatuloy ko sana ang pagbabayad ng kabutihan nang walang pinipili, nang walang mga prinsipyo o pinakamababang moral na pamantayan, nilalabanan pa nga ang Diyos nang hindi ito namamalayan. Ang mga salita ng Diyos ang nagdala sa akin sa pagkatantong ito. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  3. Ang Ipalaganap ang Ebanghelyo ang Aking Hindi Matitinag na Tungkulin

Sumunod:  5. Isang Hindi Mapapawing Sakit

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger