41. Nabunyag ang Pagkamapanlinlang Ko Dahil sa Isang Maliit na Bagay
Sa pagtatapos ng Nobyembre 2023, nakipagtulungan ako sa dalawang sister para pangasiwaan ang gawain ng pagdidilig sa ilang iglesia. Sa tuwing binubuod namin ang mga paglihis at problema sa aming gawain, labis akong nakakaramdam ng presyur. Hindi masyadong mahusay ang mga kapabilidad ko sa gawain, medyo mabagal akong makapansin ng mga problema, at hindi ako kasimbilis mag-isip at kasinghusay ng kakayahan ng dalawang sister na katuwang ko. Halimbawa, minsan hindi regular na nagtitipon ang mga baguhan, magbabanggit ang mga tagadilig ang ilang obhektibong dahilan, ituturo lamang ang mga problema ng mga baguhan, at hindi nila pagninilayan kung mayroon ba silang anumang mga paglihis sa kanilang mga tungkulin. Dahil kulang ako sa pagkilatis, nagpapadala na lang ako sa sinasabi ng mga tagadilig at nakatuon lang sa mga baguhan. Gayumpaman, nagagawa ng mga katuwang kong sister na suriin ang mga detalye ng mga problemang binanggit ng mga tagadilig, natutukoy ang ugat ng mga problema. Nagresulta ito sa mas epektibong paglutas ng problema. Sa tuwing ikinukumpara ko ang sarili ko sa mga sister, pakiramdam ko ay kulang ako, at bagama’t walang sinasabi ang mga sister, nahihiya ako. Palagi akong nag-aalala, “Ano kaya ang iisipin nila sa akin? Sasabihin kaya nilang wala akong gaanong naging pag-usad kahit matagal na akong nagsasanay? Iisipin kaya nilang kulang ako sa kakayahan?” Labis akong nasusupil sa tuwing binubuod namin ang aming gawain, at ayaw na ayaw kong harapin ang mga sitwasyong ito.
Isang araw noong Enero 2024, nagtipon kami para ibuod ang aming gawain. Naisip ko, “Hindi ako puwedeng maunang magbahagi sa pagkakataong ito. Hihintayin kong mailahad ng mga sister ang kanilang mga buod, at saka ako huling magsasalita. Pagkatapos nilang maibuod ang karamihan sa mga punto, kung may mga karaniwang isyu, magbibigay na lang ako ng maikling buod sa dulo. Sa ganoong paraan, hindi nila mabibisto kung ano talaga ako.” Kaya nang tanungin ni Sister An Ran kung sino ang unang magbibigay ng kanilang buod, nanatili akong tahimik. Pagkatapos niyon, nagsimulang magbigay ng detalyadong buod si An Ran tungkol sa bawat iglesia at bawat problema. Habang nagiging mas detalyado ang kanyang mga buod, lalo akong kinakabahan, iniisip na, “Pagkatapos magbigay ni An Ran ng ganoon kasusing buod, hindi ba magmumukhang kulang ang simpleng pagbabahagi ko? Sasabihin kaya nilang kulang ako sa kabatiran at may mahinang kakayahan?” Hindi ako makatutok sa mga problemang binubuod ni An Ran dahil hindi ako mapakali. Pagkaraan ng ilang sandali, natapos magsalita si An Ran, at nagpatuloy si Yang Xi pagkatapos niya. Bagama’t hindi kasingkomprehensibo ng kay An Ran ang buod ni Yang Xi, nagawa niyang tukuyin ang ilang mahahalagang isyu sa gawain ng pagdidilig. Sa puntong ito, talagang kinakabahan ako, at pakiramdam ko ay mabilis na lumilipas ang oras. Hindi nagtagal, natapos din si Yang Xi, at sinabi niya, “Ang mga isyung naroroon sa mga iglesiang ito ay medyo magkakatulad.” Sumang-ayon si An Ran, sinasabing, “Totoo.” Nang marinig ko ang sinabi ng mga sister, sinamantala ko ang isang pagkakataon, iniisip na, “Dahil sinasabi nilang lahat na magkakatulad ang mga isyu, ibig bang sabihin ay hindi ko na kailangang magbigay ng buod? Sa ganitong paraan, maiiwasan kong mapahiya dahil sa simpleng pakikipagbahaginan.” Mabilis kong sinamantala ang pagkakataon para sabihing, “Ang buod ko ay tungkol din sa mga isyung ito, katulad ng sa inyo.” Nang tingnan ko ang orasan, nakita kong lampas na ng hatinggabi, at tila medyo pagod na ang lahat. Kaya naisip ko, “Ngayong inaantok na ang lahat, kahit na mapansin nilang simple ang buod ko, maaaring isipin nilang dahil lang iyon sa hindi ako malinaw mag-isip. Sa ganitong paraan, makararaos ako.” Kaya sinabi ko, “Masyado nang gabi ngayon, at medyo nahihilo na ako. Ang buod ko ay katulad ng sa inyo, kaya sasabihin ko na lang ito nang pahapyaw.” Ngunit sa hindi inaasahan, sinabi ni An Ran, “Hindi magkakamit ng magagandang resulta ang pagbubuod ngayon, gawin na lang natin ito bukas ng umaga.” Ngunit naisip ko, “Bukas ng umaga, kapag mas masigla na ang lahat, agad nilang maririnig kung gaano kasimple ang buod ko. Ano na lang ang iisipin nila sa akin noon? Mas mabuti pang magbuod na ako ngayon, para maging simple man ang buod ko, baka-sakaling hindi nila mapansin. Sa ganitong paraan, maiiwasan kong mapahiya kahit kaunti.” Mabilis kong sinabi, “Tapusin na lang natin ang buod ngayong gabi, may iba pa tayong gawain bukas ng umaga.” Nanahimik ang mga sister bilang tugon, mukhang inaantok habang patuloy na nakikinig sa aking buod. Pagkatapos magsalita, sa wakas ay nakahinga ako nang maluwag.
Kalaunan, sa isang pagtitipon, ibinahagi ko ang karanasang ito habang tinatalakay ang aking kalagayan. Habang nagsasalita, napagtanto kong masyado ko palang pinahirapan ang sarili ko dahil lang sa pagbubuod ng gawain! Tinukoy rin ito sa akin ng mga katuwang kong sister, sinasabing, “Tingnan mo kung paanong nagkabuhol-buhol na ang mga iniisip mo sa sobrang pag-iisip! Alam mo ba kung bakit hindi mo matukoy ang mga problema? Dahil lang iyan sa nakatuon ka sa pagprotekta sa iyong imahe, at wala sa tamang gampanin ang iyong isipan.” Totoo nga ang sinabi ng mga sister. Kamakailan, hindi naging maganda ang pagkaepektibo ng aming gawain, at hindi ko iniisip kung paano malinaw na maibubuod ang mga problema at paglihis at makakamit ang mga epektibong solusyon, ni hindi ko isinasaalang-alang kung paano natuklasan at ibinuod ng aking mga katuwang na sister ang mga problema at matuto mula sa kanila. Sa halip, itinuon ko ang lahat ng aking iniisip sa kung paano poprotektahan ang aking imahe at katayuan. Sa puntong ito, naalala ko ang isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan na nabasa ko ilang araw na ang nakalipas, na sumipi ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na humimay sa isang kalagayang halos katulad ng sa akin. Mabilis ko itong hinanap para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagkatao ng mga anticristo ay hindi matapat, ibig sabihin ay hindi sila nagpapakatotoo kahit kaunti. Lahat ng sinasabi at ginagawa nila ay may karumihan at nagtataglay ng sarili nilang mga intensiyon at layon, at nakatago sa lahat ng ito ang kanilang mga hindi masabi at napakasamang panlalansi at pakana. Kaya naman ang mga salita at kilos ng mga anticristo ay lubos na kontaminado at punong-puno ng kawalang-katotohanan. Gaano man sila magsalita, imposibleng malaman kung alin sa kanilang mga sinasabi ang totoo, alin ang hindi totoo, kung alin ang tama, at alin ang mali. Ito ay dahil hindi sila matapat, at ang kanilang isipan ay lubhang komplikado, puno ng mga mapanlinlang na pakana at sagana sa mga panlalansi. Wala silang sinasabi nang prangkahan. Hindi nila sinasabi na ang isa ay isa, ang dalawa ay dalawa, ang oo ay oo, at ang hindi ay hindi. Sa halip, sa lahat ng bagay, paligoy-ligoy sila at pinag-iisipang mabuti nang ilang beses ang mga bagay-bagay sa kanilang isipan, pinag-aaralan ang mga kahihinatnan, tinitimbang ang mga pakinabang at kawalan mula sa bawat anggulo. Pagkatapos, binabago nila ang gusto nilang sabihin gamit ang wika kaya lahat ng sinasabi nila ay medyo masalimuot sa pandinig. Ang matatapat na tao ay hindi nauunawaan kailanman ang kanilang sinasabi at madali nilang malinlang at maloko ang mga ito, at sinumang nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan sa gayong mga tao ay napapagod at nahihirapan. Hindi nila sinasabi kailanman na ang isa ay isa at ang dalawa ay dalawa, hindi nila sinasabi kailanman ang kanilang iniisip, at hindi nila inilalarawan kailanman ang mga bagay-bagay sa kung ano talaga ang mga ito. Lahat ng sinasabi nila ay hindi maarok, at ang mga layon at intensiyon ng kanilang mga kilos ay napakakomplikado. Kung malantad ang katotohanan—kung mahalata sila ng ibang mga tao, at mabisto sila—agad silang nagtatahi ng isa pang kasinungalingan para makalusot” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Ekskorsus). Inilantad ng Diyos ang isang partikular na uri ng mga taong may disposisyon ng isang anticristo. Kulang sila ng anumang elemento ng katapatan sa kanilang mga salita at kilos, palagi silang kumikilos nang may mga personal na layunin at tunguhin, at ang kanilang mga iniisip ay buhol-buhol. Kahit ang isang simpleng bagay ay nagiging komplikado sa kanila. Napakamapanlinlang ng kanilang disposisyon. Ako mismo ang uri ng taong inilantad ng Diyos. Habang nagbubuod ng gawain, dahil hindi ako nakatukoy ng maraming problema, nag-alala akong mamaliitin ako ng ibang mga sister dahil sa kasimplehan ng aking pakikipagbahaginan, kaya nagsimula akong mag-isip ng mga plano at pakana, iniisip na maaari akong maghintay hanggang matapos ang mga sister sa kanilang pakikipagbahaginan at pagkatapos ay magbigay ng pangkalahatang pakikipagbahaginan sa huli. Nang makita kong natukoy ng mga sister ang mga paglihis at mahahalagang isyu sa gawain, para maiwasan na matuklasan nilang simple ang aking pagkaunawa sa isyu at mapahiya ko ang sarili ko, kahit na may mga isyung hindi ko napansin, sumang-ayon pa rin ako sa mga sinabi ng mga sister, inaangking ang buod ko ay katulad ng sa kanila. Pinili ko pa ngang magbuod noong inaantok na ang lahat sa pagtatangkang ipaisip sa kanila na ang kasimplehan ng aking buod ay hindi ko kasalanan, bagkus ay dahil sa dis-oras na ng gabi at sa hindi ko malinaw na pag-iisip. Nang iminungkahi ni An Ran na magbuod na lang kinabukasan para magkaroon ng mas magagandang resulta, natakot akong kung palalampasin ko ang pagkakataong iyon, hindi na ako makalulusot, kaya iginiit kong magbuod noong gabing iyon, idinadahilang ang pagpapaliban ay makaaantala sa gawain kinabukasan. Napagtanto kong ang aking mga iniisip, salita, at kilos ay walang anumang bakas ng katapatan, at buhol-buhol na ang aking isipan. Sa katotohanan, gaano man karaming problema ang kaya kong matukoy, dapat sana ay nagsalita ako nang tapat, at kung may mga isyung hindi ko natukoy, maaari kong hanapin ang sarili kong mga paglihis at punan ang mga ito pagkatapos. Ngunit ginawa kong komplikado ang bagay na ito. Pakiramdam ko ay kailangan kong timbangin nang matagal ang bawat salitang bibitiwan ko bago ko pa ito sabihin, at lahat ng aking iniisip ay umiikot sa kung paano ako hindi mapapahiya. Puno ng mga mapanlinlang na pakana ang aking isipan, at napakamapanlinlang ko!
Kalaunan, sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa kung bakit ako nagiging mapanlinlang at sa kalikasan at mga kahihinatnan ng pagiging mapanlinlang. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ano sa tingin ninyo—hindi ba’t nakapapagod ang buhay para sa mga mapanlinlang na tao? Iginugugol nila ang buong panahon nila sa pagsisinungaling, pagkatapos ay sa higit pang pagsisinungaling upang pagtakpan ang mga iyon, at sa pandaraya. Sila ang nagdudulot ng kapagurang ito sa kanilang mga sarili. Alam nila na nakakapagod mabuhay nang ganito—kaya bakit gusto pa rin nilang maging mapanlinlang, at ayaw maging matapat? Napag-isipan na ba ninyo ang tanong na ito? Isa itong kahihinatnan ng pagkakalinlang sa mga tao ng kanilang mga satanikong kalikasan; pinipigilan sila nitong talikdan ang ganitong uri ng buhay, ang ganitong uri ng disposisyon. Payag ang mga taong tanggapin ang maloko nang ganito at mamuhay rito; ayaw nilang isagawa ang katotohanan at tahakin ang landas ng liwanag. Sa palagay mo ay nakakapagod ang mamuhay nang ganito at na hindi kinakailangang kumilos nang ganito—ngunit iniisip ng mga mapanlinlang na tao na kailangang-kailangan ito. Iniisip nilang ang hindi paggawa rito ay magdudulot sa kanila ng kahihiyan, na mapipinsala rin nito ang kanilang imahe, kanilang reputasyon, at kanilang mga interes, at na napakalaki ng mawawala sa kanila. Pinahahalagahan nila ang mga bagay na ito, pinahahalagahan nila ang sarili nilang imahe, sarili nilang reputasyon at katayuan. Ito ang tunay na mukha ng mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan. Sa madaling salita, kapag ayaw ng mga taong maging matapat o isagawa ang katotohanan, ito ay dahil hindi nila minamahal ang katotohanan. Sa puso nila, pinahahalagahan nila ang mga bagay na tulad ng reputasyon at katayuan, mahilig silang sumunod sa mga makamundong kalakaran, at nabubuhay sila sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Isa itong problema sa kanilang kalikasan. Mayroong mga tao ngayon na maraming taon nang nananampalataya sa Diyos, na nakarinig na ng maraming sermon, at nakaaalam kung patungkol saan ang pananampalataya sa Diyos. Ngunit hindi pa rin nila isinasagawa ang katotohanan, at hindi pa sila nagbabago kahit kaunti—bakit ganito? Ito ay dahil hindi nila minamahal ang katotohanan. Kahit pa nauunawaan nga nila nang kaunti ang katotohanan, hindi pa rin nila ito naisasagawa. Para sa gayong mga tao, kahit pa gaano karaming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, mawawalan ito ng kabuluhan. Maliligtas ba ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan? Talagang imposible ito. Ang hindi pagmamahal sa katotohanan ay isang problema sa puso ng isang tao, sa kalikasan ng isang tao. Hindi ito malulutas. Ang usapin ng kung ang isang tao ay maliligtas sa kanyang pananampalataya ay pangunahing nakasalalay sa kung minamahal niya ang katotohanan o hindi. Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan ang kayang tumanggap sa katotohanan; tanging sila ang makatitiis ng paghihirap at makapagbabayad ng halaga alang-alang sa katotohanan, at tanging sila ang makapagdarasal sa Diyos at makaaasa sa Kanya. Tanging sila ang makapaghahanap sa katotohanan at makapagninilay at makakikilala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, magkakaroon ng lakas ng loob na maghimagsik laban sa laman, at makapagtatamo ng pagsasagawa sa katotohanan at pagpapasakop sa Diyos. Tanging ang mga nagmamahal sa katotohanan ang makapaghahangad dito nang ganito, makatatahak sa landas ng kaligtasan, at makapagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Walang ibang landas maliban dito. Napakahirap nitong tanggapin para sa mga hindi nagmamahal sa katotohanan. Ito ay dahil, sa kanilang mga kalikasan, tutol sila sa katotohanan at namumuhi rito. Kung nais nilang tumigil sa paglaban sa Diyos o hindi gumawa ng kasamaan, labis silang mahihirapang gawin iyon, dahil sila ay kay Satanas at naging mga diyablo at kaaway na sila ng Diyos. Inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan, hindi Niya inililigtas ang mga diyablo o si Satanas. May ilang taong nagtatanong na: ‘Talagang nauunawaan ko ang katotohanan. Hindi ko lang ito maisagawa. Ano ang dapat kong gawin?’ Isa itong taong hindi nagmamahal sa katotohanan. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan, hindi niya ito maisasagawa kahit pa nauunawaan niya ito, dahil sa kaibuturan, ayaw niyang gawin iyon at hindi niya gusto ang katotohanan. Ang gayong tao ay hindi na maililigtas. Sinasabi ng ilang tao: ‘Sa tingin ko ay maraming mawawala sa iyo sa pagiging matapat na tao, kaya ayaw kong maging ganoon. Kailanman ay hindi nawawalan ang mga mapanlinlang na tao—nakikinabang pa nga sila sa pananamantala sa iba. Kaya mas gugustuhin kong maging mapanlinlang na tao. Ayaw kong ipaalam sa iba ang mga pribado kong gawain, na hayaan silang maintindihan o maunawaan ako. Ang aking kapalaran ay dapat na nasa sarili kong mga kamay.’ Sige, kung ganoon—subukan mo iyon at tingnan mo. Tingnan mo kung anong uri ng resulta ang kahihinatnan mo; tingnan mo kung sino ang mapupunta sa impiyerno at sino ang maparurusahan sa huli” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong ang mga taong mapanlinlang ay likas na hindi nagmamahal sa katotohanan at ayaw magsagawa ng pagiging matapat. Ginugugol nila ang kanilang mga araw sa pagkakalkula at panlilinlang para protektahan ang kanilang imahe at katayuan, kaya namumuhay sila ng isang buhay na nakapapagod at puno ng pasakit. Lahat ito ay sanhi ng pagpapahirap at panlilinlang ng kanilang satanikong kalikasan. Ang pagbubuod ng gawain para matukoy ang mga problema at paglihis ay para mapabuti ang gawain ng pagdidilig sa hinaharap, ngunit palagi akong nag-aalala na mamaliitin ako ng mga sister dahil sa kasimplehan ng aking buod, kaya palagi akong nagkakalkula at nagpaplano. Malinaw na wala akong natukoy na anumang problema, gayumpaman hindi ako nangahas na magsalita nang tapat. Iminungkahi ng mga sister na katulungan ko na para magbunga ng resulta ang isang buod, dapat kaming magbuod kapag may sapat kaming lakas. Alam kong makikinabang ang gawain sa mungkahi ng sister, ngunit gumamit pa rin ako ng panlilinlang para hindi mapahiya. Napakamapanlinlang ko! Sa panlabas, tila nagpapakana ako laban sa ibang tao, ngunit sa diwa, sinusubukan kong linlangin ang Diyos. Tulad ng sinabi ng mga katuwang kong sister, sa panahon ng pagbubuod ng gawain, hindi ako nakatuon sa tamang gampanin, ni hindi ko ginagamit ang buod para matukoy ang mga problema at paglihis para mapabuti ang gawain sa hinaharap. Sa halip, ang tanging iniisip ko lang ay ang aking personal na imahe at katayuan, masusing nagpapakana para pagtakpan ang aking mga pagkukulang. Hindi lamang nakapapagod ang paraan ng aking pamumuhay, kundi hindi ko rin makakamit ang kaliwanagan o patnubay ng Diyos. Sa katunayan, hindi lang ako naging mapanlinlang at mandaraya sa partikular na sesyon ng pagbubuod na ito. Kahit sa aming mga regular na talakayan, madalas akong kumikilos nang mapanlinlang para maiwasang mailantad ang aking mga pagkukulang. Para sa mga isyung hindi ko natukoy, uulitin ko lang ang sinasabi ng mga sister o hahanap ng ilang dahilan na maganda pakinggan para magpalusot. Naisip ko kung paanong nagpahayag ang Diyos ng napakaraming katotohanan, ginagabayan tayong hangarin ang katotohanan, maging matapat, at isabuhay ang mga normal na wangis ng tao, ngunit palagi akong sumasalungat sa mga kahingian ng Diyos at namumuhay ayon sa aking satanikong disposisyon. Sa panlabas, mahigpit ang aking balatkayo para hindi makita ng aking mga katuwang na sister ang aking mga pagkukulang, at napanatili ko ang panandaliang pakiramdam ng imahe at katayuan. Ngunit sinisiyasat ng Diyos ang lahat. Ang mapanlinlang na disposisyong ipinapakita ko, kasama ang aking kasuklam-suklam na layuning protektahan ang aking mga interes, ay naging dahilan ng pagkasuklam at pagkapoot sa akin ng Diyos. Naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, ‘Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anumang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal, at sinasang-ayunan Niya ang mga simple at matapat. Kung nagpatuloy akong mamuhay ayon sa aking mapanlinlang na disposisyon, at patuloy na sinubukang linlangin ang mga tao at ang Diyos nang hindi isinasagawa ang pagiging matapat, sa huli ay aabandonahin at ititiwalag ako ng Diyos.
Kalaunan, natagpuan ko ang isang landas ng pagsasagawa at pagpasok sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging matapat ang nagpapatunay na tunay Niyang kinapopootan at hindi gusto ang mga taong mapanlinlang. Ang pag-ayaw ng Diyos sa mga taong mapanlinlang ay pag-ayaw sa kanilang paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, kanilang mga disposisyon, kanilang mga intensyon, at kanilang mga pamamaraan ng pandaraya; ayaw ng Diyos ang lahat ng bagay na ito. Kung ang mga taong mapanlinlang ay nagagawang tanggapin ang katotohanan, aminin ang kanilang mga mapanlinlang na disposisyon, at handa silang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, sila man ay may pag-asang maligtas—sapagkat pantay-pantay ang pagtrato ng Diyos sa lahat ng tao, at gayundin ang katotohanan. Kaya nga, kung nais nating maging mga taong nagbibigay-lugod sa Diyos, ang unang bagay na kailangan nating gawin ay baguhin ang ating mga prinsipyo ng pag-asal. Hindi na tayo maaaring mamuhay pa ayon sa mga satanikong pilosopiya, hindi na tayo magraraos sa pamamagitan ng mga pagsisinungaling at pandaraya. Kailangan nating iwaksi ang lahat ng ating kasinungalingan at maging matatapat na tao. Sa gayon ay magbabago ang pagtingin sa atin ng Diyos. Dati-rati, laging umaasa ang mga tao sa mga pagsisinungaling, pagkukunwari, at pandaraya habang namumuhay kasama ang iba, at gumagamit sila ng mga satanikong pilosopiya bilang batayan ng kanilang pag-iral, ng kanilang buhay, at ng kanilang saligan para sa kanilang pag-asal. Isang bagay ito na kinasusuklaman ng Diyos. Sa mga walang pananampalataya, kung prangka kang magsalita, sinasabi mo ang katotohanan, at isa kang matapat na tao, sisiraan ka, huhusgahan, at tatalikdan. Kaya sumusunod ka sa mga makamundong kalakaran at namumuhay ayon sa mga satanikong pilosopiya; lalo ka pang humuhusay sa pagsisinungaling, at mas lalong nagiging mapanlinlang. Natututo ka ring gumamit ng mga tusong kaparaanan para makamtan ang iyong mga layon at protektahan ang iyong sarili. Mas lalo kang nagiging maunlad sa mundo ni Satanas, at dahil dito, palalim nang palalim ang pagkahulog mo sa kasalanan hanggang sa hindi mo na mapalaya ang iyong sarili. Sa sambahayan ng Diyos, eksaktong kabaligtaran niyon ang mga bagay-bagay. Kapag mas nagsisinungaling ka at gumagamit ng mga mapanlinlang na pamamaraan, mas mayayamot sa iyo ang mga taong hinirang ng Diyos at tatalikdan ka. Kung ayaw mong magsisi at nakakapit ka pa rin sa mga satanikong pilosopiya at lohika, at kung gumagamit ka ng mga pandaraya at gumagamit ng mga detalyadong pakana para magbalatkayo at magpanggap, malamang na mabubunyag at matitiwalag ka. Ito ay dahil kinapopootan ng Diyos ang mga taong mapanlinlang. Tanging matatapat na tao ang maaaring umunlad sa sambahayan ng Diyos, at ang mga taong mapanlinlang ay tatalikdan at ititiwalag sa huli. Lahat ng ito ay pauna nang itinalaga ng Diyos. Matatapat na tao lang ang maaaring magkaroon ng bahagi sa kaharian ng langit. Kung hindi ka magsisikap na maging matapat na tao, at kung hindi ka dumaranas at nagsasagawa sa direksyon ng paghahanap sa katotohanan, kung hindi mo ilalantad ang sarili mong kapangitan, at kung hindi mo ilalantad ang iyong sarili, hinding-hindi mo matatanggap ang gawain ng Banal na Espiritu at matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Matapat). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto kong hinihingi sa atin ng Diyos na isagawa ang katotohanan at maging matatapat na tao. Dapat nating matanggap ang pagsisiyasat ng Diyos kapag dumarating ang mga sitwasyon, kailangan nating magbago mula sa ugat ng ating mga layunin kapag nagsasalita at kumikilos, at hindi tayo dapat manlinlang ng iba o ng Diyos para protektahan ang ating sariling mga interes ng laman, imahe, o katayuan. Sa halip, dapat nating isagawa ang katotohanan at magsanay na maging matatapat na tao. Kapag nagsasalita at kumikilos tayo, dapat tayong maging prangka at tapat, nang walang anumang pagtatago o pagkukunwari. Ang gayong mga tao lamang ang makakakuha ng pagsang-ayon ng Diyos. Sa hinaharap, kailangan kong magsagawa ng pagiging matapat na tao, hindi na ako maaaring magbalatkayo o magtakip ng aking mga pagkukulang, kailangan kong sabihin kung ano lang ang alam ko, at kapag nalantad na ang aking mga depekto at kakulangan, kailangan kong ibuod ang aking mga paglihis at matuto mula sa mga kalakasan ng iba. Kalaunan, nang oras na para magbahagi ng mga opinyon habang nagbubuod ng gawain kasama ang mga sister, hindi na ako gaanong napipigilan. Sinasabi ko kapag hindi ko naiintindihan ang mga bagay-bagay at nagtatapat ako at humihingi ng tulong sa mga sister. Hindi ako minaliit ng mga sister, at sa halip, ginabayan nila ako at tinulungan. Sa kanilang tulong, nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkaunawa sa ugat ng ilang isyu, at nagsimula na rin akong makahanap ng ilang landas para sa pagbubuod ng gawain at paglutas ng mga problema.
Kalaunan, hinanap ko kung paano magsasagawa at papasok pagdating sa problemang ito: Palagi kong naiisip na mas mahina ang kakayahan ko kaysa sa mga katuwang kong sister, at lalo na kapag nagbubuod ng mga problema, hindi ko matukoy ang mga problema tulad ng mga sister, kaya palagi akong nalilimitahan kapag nakikipagtulungan sa kanila. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sinasabi ng susunod na linya ng awit, ‘Kahit mahina ang kakayahan ko, mayroon akong tapat na puso.’ Ang mga salitang ito ay napakatotoo pakinggan, at sinasabi ng mga ito ang isang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Anong hinihingi? Na kung kulang sa kakayahan ang mga tao, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo, sa halip dapat silang magtaglay ng tapat na puso, at kung mayroon sila noon, makatatanggap sila ng pagsang-ayon ng Diyos. Anuman ang iyong sitwasyon o pinagmulan, dapat kang maging matapat na tao, nagsasabi nang tapat, kumikilos nang tapat, nagagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at isipan, maging tapat sa pagganap ng iyong tungkulin, hindi magpabaya, hindi maging tuso o mapanlinlang na tao, hindi magsinungaling o manlinlang, at hindi magpaligoy-ligoy sa pagsasalita. Kailangan mong kumilos ayon sa katotohanan at maging isang taong naghahangad sa katotohanan. Maraming tao ang nag-iisip na mababa ang kanilang kakayahan, at hindi nila kailanman maayos na nagagampanan ang kanilang tungkulin o naaabot ang pamantayan. Ibinubuhos nila ang lahat-lahat nila sa kanilang ginagawa, ngunit hindi nila kailanman maunawaan ang mga prinsipyo, at hindi pa rin sila makapagtamo ng napakagagandang resulta. Sa huli, ang nagagawa na lamang nila ay dumaing na sadyang napakababa ng kanilang kakayahan, at sila ay nagiging negatibo. Kaya, hindi na ba makasusulong kung mababa ang kakayahan ng isang tao? Ang pagkakaroon ng mababang kakayahan ay hindi isang nakamamatay na sakit, at hindi kailanman sinabi ng Diyos na hindi Niya ililigtas ang mga taong may mababang kakayahan. Tulad ng sinabi noon ng Diyos, nagdadalamhati Siya sa mga taong matatapat ngunit mangmang. Anong ibig sabihin ng pagiging mangmang? Sa maraming kaso, ang kamangmangan ay nagmumula sa pagiging mababa ang kakayahan. Kapag mababa ang kakayahan ng mga tao, may mababaw silang pagkaunawa sa katotohanan. Hindi ito sapat na partikular o praktikal, at kadalasang limitado ito sa isang paimbabaw o literal na pagkaunawa—limitado ito sa doktrina at mga regulasyon. Iyon ang dahilan kung kaya’t hindi nila makita nang malinaw ang maraming problema, at hindi kailanman maunawaan ang mga prinsipyo habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, o mahusay na magawa ang kanilang tungkulin. Ayaw ba ng Diyos, kung gayon, sa mga taong may mababang kakayahan? (Gusto Niya.) Anong landas at direksiyon ang itinuturo ng Diyos na tuntunin ng mga tao? (Na maging isang matapat na tao.) Maaari ka bang maging matapat na tao kung sasabihin mo lamang ito? (Hindi, kailangang mayroon kang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao.) Ano ang mga pagpapamalas ng isang matapat na tao? Una, ang hindi pagkakaroon ng pagdududa sa mga salita ng Diyos. Isa iyon sa mga pagpapamalas ng isang matapat na tao. Bukod dito, ang pinakamahalagang pagpapamalas ay ang paghahanap at pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay—ito ang pinakamahalaga. Sinasabi mong ikaw ay matapat, pero palagi mong iniiwasang isipin ang mga salita ng Diyos at ginagawa lang ang anumang gusto mo. Pagpapamalas ba iyon ng isang matapat na tao? Sinasabi mo, ‘Bagama’t mahina ang kakayahan ko, mayroon akong matapat na puso.’ Gayumpaman, kapag may tungkulin na itinalaga sa iyo, natatakot kang magdusa at magpasan ng responsabilidad kung hindi mo ito magagawa nang maayos, kaya nagpapalusot ka para iwasan ang tungkulin mo o nagmumungkahi ka na iba na lang ang gumawa nito. Pagpapamalas ba ito ng isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Kung gayon, paano dapat umasal ang isang matapat na tao? Dapat siyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, maging tapat sa tungkulin na dapat niyang gampanan, at magsikap na matugunan ang mga layunin ng Diyos. Naipapamalas ito sa iba’t ibang paraan: Ang isa ay ang pagtanggap sa iyong tungkulin nang may matapat na puso, hindi isinasaalang-alang ang mga interes ng iyong laman, hindi nagiging walang sigla sa iyong tungkulin, at hindi nagpapakana para sa sarili mong pakinabang. Iyon ang mga pagpapamalas ng katapatan. Ang isa pa ay ang paggampan nang maayos sa iyong tungkulin nang buong puso at buong lakas mo, paggawa sa mga bagay-bagay nang tama, at pagsasapuso at pagmamahal sa iyong tungkulin para bigyang-kasiyahan ang Diyos. Ito ang mga pagpapamalas na dapat mayroon ang isang matapat na tao habang ginagampanan ang kanyang tungkulin” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ang mga salita ng Diyos ay parang isang mainit na agos na nagbigay-aliw sa aking puso at ipinakita ng mga ito sa akin ang isang landas ng pagsasagawa. Sinasabi ng Diyos na ang pagkakaroon ng mahinang kakayahan ay hindi ang pangunahing isyu, at pangunahing tinitingnan ng Diyos kung ang isang tao ay may matapat na puso sa kanyang tungkulin, at kung kaya ba niyang gawin ang kanyang tungkulin nang may katapatan at makipagtulungan sa abot ng kanyang makakaya. Kahit na makaharap tayo ng isang bagay na hindi natin naiintindihan o alam kung paano gawin, dapat tayong mas manalangin sa Diyos at hanapin ang Kanyang patnubay, tumuon sa paghahanap ng mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay, at makipagbahaginan sa mga kapatid na ating katulungan. Kapag nagkamit na tayo ng pagkaunawa, dapat tayong magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo at hindi protektahan ang ating mga personal na interes, imahe, o katayuan, at sa halip, dapat nating ibigay ang ating buong makakaya sa anumang bahagi na kaya nating gampanan. Ito ang matapat na wangis ng tao na inaasahan ng Diyos na maisabuhay natin, at ito rin ang landas ng pagsasagawa na ipinakita sa atin ng Diyos para magawa nang maayos ang ating mga tungkulin. Sa katunayan, ang mga sister na katuwang ko ay nakakahanap ng mga detalyadong problema at paglihis hindi lang dahil mas mahusay ang kanilang kakayahan, kundi dahil din sa naglaan sila ng pagsisikap at talagang pinag-isipan nang mabuti ang mga bagay-bagay. Karaniwan lang ang kakayahan ko, at sa panahon ng mga pagbubuod ng gawain, hindi matahimik ang aking puso, at palagi akong nag-iisip kung paano poprotektahan ang aking reputasyon at katayuan sa halip na tumuon sa gawain. Bukod pa riyan, hindi rin tama ang aking saloobin sa aking tungkulin, at dahil itinuturing kong labis na nakakapagod ang pag-iisip sa mga problema, ayaw kong maglaan ng pagsisikap. Dahil dito, kaunting-kaunti lang ang mga problemang kaya kong matagpuan, at hindi ko man lang maipakita nang lubusan ang mga kapabilidad na mayroon ako. Sa katotohanan, alam na alam ng mga sister na katuwang ko ang aking kakayahan, ngunit hindi nila ako kailanman minaliit dahil sa mahina kong kakayahan. Sa halip, madalas nila akong hinihikayat na tingnan nang tama ang aking mga pagkukulang at mas ipakita ang aking mga kalakasan. Kapag napapansin nila ang mga problema sa akin, matiyaga nila akong ginagabayan at tinutulungan, at tinuturuan nila ako kung paano tingnan ang mga bagay-bagay batay sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan. Sa pamamagitan ng kanilang matiyagang pagtulong, natagpuan ko ang ilang landas sa aking gawain. Isinaayos ng Diyos na makipagtulungan ako sa mga sister na ito sa aking tungkulin, kaya kailangan kong makipagtulungan nang maayos nang may pusong mapagpasalamat para matupad namin nang magkakasama ang aming mga tungkulin at bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi na ako puwedeng malimitahan pa ng aking mahinang kakayahan at kailangan kong ituwid ang aking mga layunin at gamitin ang aking mga kalakasan.
Nang magsagawa ako at pumasok ayon sa mga salita ng Diyos, kaya ko nang patahimikin ang aking isipan at mag-isip nang mabuti kapag nagbubuod ng gawain o tumatalakay ng mga isyu. Minsan, nagkukusa akong ipahayag ang aking mga opinyon, sinasabi kung ano ang alam ko. Bagama’t inilantad nito ang marami sa aking mga pagkukulang, at medyo nahiya ako, kaya ko nang harapin nang wasto ang bagay na ito ngayon. Ang pagsasagawa ng pagiging matapat na tao ay nagpasaya sa akin at nagbigay sa akin ng pakiramdam ng liberasyon at kalayaan. Salamat sa Diyos!