52. Paglutas sa Pagkasalaula Para Matupad ang Tungkulin ng Isang Tao

Ni Li Jingxin, Tsina

Madalas akong maglakbay sa ibang mga lugar para kumuha ng mga litrato at video na materyal na ginagamit sa paggawa ng mga video ng iglesia. Noong nagsisimula pa lang ako, nagagawa kong piliin nang mabuti ang mga materyal na ito batay sa mga prinsipyo, pero kalaunan, dumami ang mga materyal. Kung minsan ay kumukuha ako buong araw, at sa oras na makauwi ako, pagod na pagod na ako, at kapag nakikita kong masyadong maraming materyal na pagbubukud-bukurin, hindi ko na ito masyadong gustong gawin. Dahil ang pagpili ng mga materyal ay humihingi ng pagsusuri sa mga iyon ayon sa mga prinsipyo, at pagsasaalang-alang din sa gamit at halaga ng bawat isa, at sa partikular, sa mga litrato ay kailangan mong suriin nang isa-isa ang bawat kuha, ayaw kong gumugol ng napakaraming oras at lakas dito, dahil pakiramdam ko ay masyado itong nakakapagod. Kaya kalaunan, kapag pinagbubukod-bukod ang mga materyal, pinapasadahan ko lang ang mga iyon. Basta’t hindi masyadong magulo ang background at ayos naman ang itsura nito, puwede na ito para sa akin. Kapag hindi ako sigurado tungkol sa ilang materyal, ibinibigay ko na lang ang mga iyon sa superbisor. Sa ganitong paraan, hindi ko na kailangang suriin ang mga iyon batay sa mga prinsipyo o gumugol ng matinding pagsisikap. Natatandaan ko, minsan, pagkatapos magkuha, mabilis ko lang pinasadahan ang mga materyal at sinala ang mas magagandang kuha, at pagkatapos ay ibinigay ko na ang mga iyon sa superbisor. Sinuri ng superbisor ang mga iyon at sinabing sangkatlo sa mga ipinasa ko ay hindi pasok sa pamantayan. Kung hindi magulo ang kuha, wala naman sa pokus, o hindi maganda ang komposisyon, at sinabi rin niyang halos doble ang itinagal ng pagsusuri sa mga ipinasa ko kaysa sa ipinasa ng ibang mga tao. Pagkarinig dito, nahiya at nakonsensiya ako. Pero wala akong gaanong kaalaman sa mga isyu ko, at kapag kumukuha ng mga materyal na kailangan ng mas mataas na pamantayan, hindi ko mapigilang maging pabasta-basta pa rin. Ang pagkuha sa ganitong mga uri ng mga materyal ay humihingi ng tumpak na kontrol sa mga anggulo, at ng palagiang pagbabago sa direksyon ng pagkuha. Naisip kong masyadong nakakapagod isipin ang lahat ng ito, at na basta’t mukhang halos tama naman ito, ayos na ito. Dahil hindi ako masigasig sa gawain ko, ang ilan sa mga materyal ay hindi naaayon sa mga prinsipyo at hindi puwedeng gamitin, at wala pa nga sa pokus ang ilang kuha. Ang gawaing dapat sana ay natapos na sa isang gawaan ay kinailangang ulitin. Hindi nagtagal pagkatapos niyon, mahigpit akong pinungusan. Tinalakay ng superbisor ang kamakailan kong pag-uugali sa tungkulin ko, at pinungusan niya ako dahil sa paggawa sa tungkulin ko sa paraang gusto ko at sa isang pabasta-bastang paraan. Palaging kinakailangang ulitin ang mga materyal na kinuhanan ko, inaaksaya ang malaking pagod ng mga manggagawa at mga kasangkapan. Sinabi niyang ginagambala at ginugulo ko ang gawain ng potograpiya at hinikayat akong malalim na pagnilayan ang saloobin ko sa tungkulin ko. Pagkaalis ng superbisor, sumama ang loob ko at nakonsensiya ako nang husto. Kaya, lumapit ako sa Diyos at nagdasal sa Kanya. Hiningi ko sa Diyos na patnubayan akong makilala ang sarili ko at malutas ang pabasta-bastang kalagayang ito sa tungkulin ko.

Kalaunan, hinanap ko ang mga salita ng Diyos na partikular na nauugnay sa isyu ko. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung hindi mo isinasapuso ang iyong tungkulin, ni hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo, kung naguguluhan o nalilito ka, kung ginagawa mo lamang ang mga bagay sa pinakamadaling paraan para sa iyo, kung gayon, anong uri ng mentalidad ito? Ito ay paggawa ng mga bagay-bagay nang pabasta-basta. Kung hindi ka tapat sa tungkulin mo, kung wala kang pagpapahalaga sa iyong responsabilidad dito, o anumang pagpapahalaga na misyon mo ito, magagampanan mo ba nang maayos ang tungkulin mo? Magagampanan mo ba ang tungkulin mo nang pasok sa pamantayan? At kung hindi mo magagampanan ang tungkulin mo nang pasok sa pamantayan, makapapasok ka ba sa katotohanang realidad? Talagang hindi. Kung, sa tuwing ginagampanan mo ang iyong tungkulin, hindi ka masigasig, ayaw mong magsikap, at iniraraos mo lang ang iyong tungkulin, na parang hindi nag-iisip na tila naglalaro ka lang, hindi ba’t problema ito? Ano ang mapapala mo sa pagganap ng iyong tungkulin sa ganitong paraan? Sa huli, makikita ng mga tao na kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, wala kang pagpapahalaga sa responsabilidad, na pabasta-basta ka, at iniraraos mo lang ang tungkulin—kung magkagayon, nanganganib kang maitiwalag. Sinisiyasat ng Diyos ang buong proseso ng paggampan mo sa iyong tungkulin, at ano ang sasabihin ng Diyos? (Ang taong ito ay hindi karapat-dapat sa Kanyang atas o sa Kanyang pagtitiwala.) Sasabihin ng Diyos na hindi ka mapagkakatiwalaan, at na dapat kang maitiwalag. At kaya, anumang tungkulin ang ginagampanan mo, mahalaga o karaniwan man ito, kung hindi mo isinasapuso ang gawaing ipinagkatiwala sa iyo o tinutupad ang iyong responsabilidad, at kung hindi mo ito itinuturing bilang atas ng Diyos, o inaako ito bilang sarili mong tungkulin at obligasyon, palaging ginagawa ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta, kung gayon, magiging problema ito. ‘Hindi mapagkakatiwalaan’—tutukuyin ng dalawang salitang ito kung paano mo ginagawa ang iyong tungkulin. Ang ibig sabihin ng mga ito ay na hindi naaayon sa pamantayan ang iyong pagganap sa iyong tungkulin, at na itiniwalag ka, at sinasabi ng Diyos na hindi pasok sa pamantayan ang karakter mo. Kung ipinagkatiwala sa iyo ang isang bagay pero ito ang saloobin mo rito at ganito mo ito pinangangasiwaan, aatasan ka pa ba ng karagdagang mga tungkulin sa hinaharap? Maipagkakatiwala ba sa iyo ang anumang bagay na mahalaga? Hinding-hindi, maliban na lang kung magpakita ka ng tunay na pagsisisi. Gayumpaman, sa kaibuturan, palaging magkikimkim ng kaunting kawalan ng tiwala at kawalan ng kasiyahan ang Diyos sa iyo. Magiging problema ito, hindi ba? Maaari kang mawalan ng anumang pagkakataong gampanan ang iyong tungkulin, at maaaring hindi ka maliligtas(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang mismong kalagayan ko. Sadyang hindi buong-puso ang pagsisikap na iginugugol ko sa paggawa ng tungkulin ko, kailanman ay hindi ko isinasapuso ang paggawa sa mga bagay-bagay, at kumikilos ako nang pabasta-basta at iresponsable. Ang ganitong mga tao ay may masamang karakter, hindi mapagkakatiwalaan at hindi maaasahan. Ngayon, mapalad akong natanggap ko ang ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw at magawa ang tungkulin ko sa iglesia. Ito ay pagtataas nang husto sa akin ng Diyos. Pero sa tungkulin ko, nilalaktawan ko ang mga hakbang at hindi buong-pusong ginagawa ang mga bagay-bagay. Kailanman ay hindi ko gustong magbayad ng halaga o kumilos ayon sa mga prinsipyo. Kapag pumipili ng mga materyal, iniraraos ko lang ang mga gawain, at kapag hindi ako sigurado, hindi ako humahanap ng mga prinsipyo para suriin nang mabuti ang mga iyon, at sa halip, direkta ko lang ibinibigay ang mga iyon sa superbisor. Dahil dito, gumugol ang superbisor ng mahabang panahon at matinding pagsisikap sa pagsusuri at pagsasala sa mga materyal na kinuhanan ko at sa pagtutukoy sa mga isyu sa mga materyal na ito. Nagpabigat ito sa kanya nang hindi kinakailangan. Nang maharap sa pagkukuwestiyon ng superbisor, medyo nakonsensiya lang ako, pero pagkatapos, hindi ko pinagnilayan ang sarili ko. Kapag nagkukuha ng mga materyal na kailangang tumugon sa mas matataas na pamantayan, patuloy akong lumalaktaw sa mga hakbang, at hindi sumusunod sa mga prinsipyong hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Sa bawat pagkakataon, nilalayon ko lang abutin ang “puwede na.” Humantong ito sa maraming materyal na hindi naaayon sa mga prinsipyo. Bukod sa nakadagdag ito sa gawaing kailangang suriin ng superbisor, dahil dito ay kinailangan ko ring ulitin ang gawain, at naantala ang ilang apurahang kinakailangang materyal dahil sa mga pag-uulit. Talagang hindi ko ginagawa ang tungkulin ko, gumagawa ako ng masama at lumilikha ng mga pagkagambala at pagkakagulo. Ipinagkatiwala sa akin ng iglesia ang gampaning ito, pero lumalaktaw ako sa mga hakbang at nagpapakapabasta-basta. Hindi ko talaga isinaalang-alang ang pagiging epektibo ng gawain. Napagtanto kong wala akong may-takot-sa-Diyos na puso o anuman, at na hindi ako isang taong karapat-dapat pagkatiwalaan o asahan.

Kalaunan, nang mabasa ko ang pagbabahaginan ng Diyos tungkol sa saloobin ni Noe sa atas ng Diyos, nagkamit ako ng kaunti pang pagkaunawa sa sarili ko. Sabi ng Diyos: “Iilang mensahe lang ang narinig ni Noe, at noong panahong iyon ay hindi nagpahayag ng maraming salita ang Diyos, kung kaya walang dudang maraming katotohanan ang hindi naunawaan ni Noe. Hindi niya naiintindihan ang makabagong siyensya o makabagong kaalaman. Isa siyang napakaordinaryong tao, isang hindi kapansin-pansing miyembro ng lipi ng tao. Subalit sa isang aspekto, hindi siya katulad ng sinupaman: Marunong siyang sumunod sa mga salita ng Diyos, marunong siyang tumalima at sumunod sa mga salita ng Diyos, alam niya kung ano ang wastong posisyon ng tao, at nagawa niyang tunay na maniwala at magpasakop sa mga salita ng Diyos—wala nang iba. Ang mga simpleng prinsipyong ito ay sapat na para tulutan si Noe na isakatuparan ang lahat ng ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos, at nagtiyaga siya rito hindi lamang sa loob ng ilang buwan, ni ilang taon, ni ilang dekada, kundi sa loob ng mahigit isang siglo. Hindi ba kagila-gilalas ang numerong ito? Sino ang ibang makagagawa nito maliban kay Noe? (Walang iba.) At bakit wala? Sinasabi ng ilang tao na ito ay dahil sa hindi pagkaunawa sa katotohanan—ngunit hindi iyan alinsunod sa katunayan. Ilang katotohanan ang naunawaan ni Noe? Bakit nakaya ni Noe ang lahat ng ito? Nabasa na ng mga mananampalataya ngayon ang marami sa mga salita ng Diyos, nauunawaan nila ang ilang katotohanan—kaya bakit hindi nila ito makayang gawin? Sinasabi ng iba na ito ay dahil sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao—ngunit wala bang tiwaling disposisyon si Noe? Bakit nagawa ito ni Noe, pero hindi ng mga tao ngayon? (Dahil ang mga tao sa kasalukuyan ay hindi naniniwala sa mga salita ng Diyos, hindi nila itinuturing ni sinusunod ang mga iyon bilang katotohanan.) At bakit hindi nila maituring na katotohanan ang mga salita ng Diyos? Bakit hindi nila kayang sumunod sa mga salita ng Diyos? (Wala silang isang may-takot-sa-Diyos na puso.) Kaya kapag walang pagkaunawa ang mga tao sa katotohanan, at hindi pa nila naririnig ang maraming katotohanan, paano lumilitaw sa kanila ang isang may-takot-sa-Diyos na puso? (Dapat magkaroon sila ng pagkatao at konsensiya.) Tama iyan. Sa pagkatao ng mga tao, kailangan ay mayroon ng dalawang pinakamahahalagang bagay sa lahat: Ang una ay konsensiya, at ang pangalawa ay ang katwiran ng normal na pagkatao. Ang pagkakaroon ng konsensiya at katwiran ng normal na pagkatao ang pinakamababang pamantayan sa pagiging isang tao; ito ang pinakamababa at pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat sa isang tao. Ngunit wala nito ang mga tao sa kasalukuyan, kaya nga gaano man karaming katotohanan ang naririnig at nauunawaan nila, hindi nila maarok ang pagkakaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso. Kaya ano ang esensiyal na pagkakaiba ng mga tao sa kasalukuyan kay Noe? (Wala silang pagkatao.) At ano ang diwa ng kawalan ng pagkatao na ito? (Mga hayop at demonyo sila.) Hindi magandang pakinggan ang ‘mga hayop at demonyo,’ pero naaayon ito sa mga katunayan; ang isang mas magalang na paraan ng pagsasabi niyon ay na wala silang pagkatao. Ang mga taong walang pagkatao at katwiran ay hindi mga tao, masahol pa nga sila sa mga hayop. Kaya nakumpleto ni Noe ang atas ng Diyos ay dahil nang marinig ni Noe ang mga salita ng Diyos, nagawa niyang mahigpit na isapuso ang mga ito; para sa kanya, ang atas ng Diyos ay isang panghabambuhay na gawain, matibay ang kanyang pananalig, hindi nagbago ang kanyang kahandaan sa loob ng isang daang taon. Iyon ay dahil mayroon siyang may-takot-sa-Diyos na puso, isa siyang tunay na tao, at siya ay may ganap na katwiran na ipinagkatiwala ng Diyos ang pagbubuo ng arka sa kanya. Ang mga taong may pagkatao at katwiran na katulad ni Noe ay bihirang-bihira, napakahirap makatagpo ng gayong tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalawang Ekskorsus). Isinakatuparan ni Noe ang atas ng Diyos nang hindi lumalaktaw sa mga hakbang at nang ginagawa ang lahat, nananatiling matatag sa mga pagsisikap niya nang 120 taon, at sa huli, ginawa niya ang arko at tinupad ang atas ng Diyos. May konsensiya at katwiran si Noe. Isa siyang taong may pagkatao. Pero pagkatapos ay naisip ko ang sarili ko. Kapag pumipili ng mga materyal, pinapasadahan ko lang ang mga iyon, iniraraos lang ang gawain. Hindi ko iniisip kung paano gagawin nang maayos ang tungkulin ko, iyon ay, sa pamamagitan ng pagsusuri kung saan hindi umaayon ang mga materyal sa mga prinsipyo, o pagtutukoy kung saan ako nagkukulang at nangangailangan ng pagbuti, o sa pamamagitan ng pag-iisip kung paano tutuparin ang mga responsabilidad ko. Sa halip, ang tingin ko sa tungkulin ko ay isang pasanin at ipinasa ko ang mas masasalimuot na gampanin sa superbisor. Samantala, naghanap ako ng mga paraan para maghinay-hinay. Sa anong paraan ako nagkaroon ng anumang pagkatao? Ginawa ko ang tungkulin ko sa pamamagitan ng paggugol ng pinakamaliit na pagsisikap na maaari, nang hindi isinasaalang-alang ang lahat ng hinihingi ng sambahayan ng Diyos o ang magiging epekto ng pag-uugali ko sa gawain. Mas masahol pa ang kinimkim kong saloobin na ito sa gawain ko kaysa sa saloobin ng isang walang pananampalatayang nagtatrabaho para sa amo niya. Naisip ko kung gaano karaming pagdidilig at panustos ang tinamasa ko mula sa mga salita ng Diyos, at kung paanong ibinigay sa atin ng Diyos ang lahat ng kailangan natin para manatiling buhay, pero nabigo pa rin akong tuparin ang responsabilidad ko bilang isang nilikha. Ang idinulot ko lang sa gawain ng iglesia ay mga pagkagambala at pagkakagulo. Nakadama ako ng matinding pagsisisi sa puso ko at nagdasal ako sa Diyos, handang baguhin ang pabasta-basta kong saloobin at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Pagkatapos, naging mas alisto akong iwasan ang mga karaniwang isyu sa tungkulin ko. Mas naging maingat din ako kapag pumipili ng mga materyal.

Pagkalipas ng ilang panahon, isinaayos ng superbisor na kumuha ako ng isang video. Napakasaya ko nang una kong matanggap ang atas, at naisip ko, “Sa pagkakataong ito, kailangan kong maghanda nang maayos at gumawa ng magandang obra.” Pero medyo kulang pa rin ako pagdating sa mga kasanayan ko, at kinailangan kong gumugol ng panahon sa pagsasaliksik at pag-aaral. Sa simula, aktibo akong nakakapag-aral at nakakapagsanay, pero pagkalipas ng ilang araw, hindi pa rin ideyal ang video na nakuhanan ko, at kinailangan kong gumugol ng mas maraming oras at pagsisikap sa pag-aaral at pagsasaliksik. Nagsimula akong makaramdam na masyado itong mahirap, kaya, gumawa na lang ako ng ilang maliit na pagbabago sa orihinal na obra, at itinuring ko na “puwede na” ito. Nang matapos ko ito, ipinakita ko ito sa katuwang kong brother. Napansin niyang hindi pulido ang video at may ilang isyu sa transisyon, at iminungkahi niyang kuhanan ko ulit ang mga parteng ito. Naisip kong masyado itong magiging mahirap, kaya sinabi ko sa kanya, “Talagang limitado ang nakatakdang oras para sa video na ito, ipasa na lang natin ito nang ganito. Ito na rin naman ang pinakamaayos na magagawa ko gamit ang mga kasanayan ko.” Dahil nakikitang mapilit ako sa bagay na ito, hindi na pinagpilitan pa ng brother ang bagay na iyon. Kalaunan, sinabi sa akin ng superbisor, “Nagpapakapabasta-basta ka sa tungkulin mo, may salaula kang saloobin, at talagang burara ang gawa mo. Hindi ka na kailangan para sa gampaning ito!” Kahit na maikling komento lang ito, para itong kutsilyong tumatagos sa puso ko. Pakiramdam ko ay matibay pa ring nakadikit sa akin ang bansag na pagiging pabasta-basta. Hindi ko maunawaan—sadya kong sinusubukang lutasin ang pabasta-basta kong saloobin, kaya bakit hindi nagkaroon ng anumang pagbabago at bakit nagpapakapabasta-basta pa rin ako sa tungkulin ko? Nagdasal ako sa Diyos, at hiningi ko sa Kanyang patnubayan ako para maunawaan ko ang ugat ng problema. Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at sa wakas ay nagkamit ako ng kaunting kalinawan tungkol sa mga isyu ko. Sabi ng Diyos: “Isang bagay sa loob ng isang tiwaling disposisyon ang pagharap sa mga bagay-bagay nang walang galang at iresponsable: Kasalaulaan ang madalas na tawag ng mga tao rito. Sa lahat ng bagay na kanilang ginagawa, ginagawa nila ito sa puntong ‘tama lang iyan’ at ‘puwede na’; ito ay isang saloobin ng ‘siguro,’ ‘posible,’ at ‘malamang’; ginagawa nila ang mga bagay-bagay nang pabasta-basta, nasisiyahan na silang gumawa sa pinakamababang paraan, at nasisiyahang gumawa nang walang kaplanu-plano; wala silang nakikitang dahilan para seryosohin ang mga bagay-bagay o maging metikuloso, at lalong wala silang nakikitang dahilan para hanapin ang mga katotohanang prinsipyo. Hindi ba ito isang bagay na nasa loob ng isang tiwaling disposisyon? Pagpapamalas ba ito ng normal na pagkatao? Hindi. Tama lamang na tawagin itong kayabangan, at angkop na angkop ding tawagin itong bulok—ngunit para maunawaan ito nang malinaw, ang tanging salitang puwede na ay ‘salaula.’ Karamihan ng mga tao ay may kasalaulaan sa loob nila, iba-iba lamang ang antas. Sa lahat ng bagay, nais nilang gawin ang mga bagay-bagay sa pabasta-basta at walang ingat na paraan, at may bakas ng panlilinlang sa lahat ng ginagawa nila. Dinadaya nila ang iba tuwing may pagkakataon sila, nilalaktawan ang ilang hakbang hangga’t kaya nila, nagtitipid ng oras kapag kaya nila. Iniisip nila sa kanilang sarili, ‘Hangga’t maiiwasan kong mabunyag, at walang idinudulot na mga problema, at hindi ako pinananagot, mairaraos ko ito. Hindi ko kailangang gumawa ng isang napakagandang trabaho, masyadong abala iyon!’ Ang gayong mga tao ay walang natututuhang kasanayan, at hindi sila nagsisikap o nagdurusa at nagbabayad ng halaga sa pag-aaral nila. Gusto lang nilang mababaw na matutunan ang isang paksa at pagkatapos ay tinatawag ang sarili nila na bihasa roon, naniniwala na natutuhan na nila ang lahat ng dapat malaman, at pagkatapos ay umaasa sila rito upang iraos lang ang gawain. Hindi ba ito ang saloobin ng mga tao sa ibang mga tao, pangyayari, at bagay? Maganda ba ang ganitong pag-uugali? Hindi. Sa madaling salita, ito ay ang ‘makaraos lang.’ Ang gayong kasalaulaan ay umiiral sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Ang mga taong may kasalaulaan sa kanilang pagkatao ay may pananaw at saloobing ‘makaraos lang’ sa anumang bagay na ginagawa nila. Nagagawa ba nang tama ng gayong mga tao ang kanilang tungkulin? Hindi. Nagagawa ba nila ang mga bagay-bagay nang may prinsipyo? Lalong malamang na hindi(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Iyon pala, kaya sa tungkulin ko ay madalas na hindi ko sineseryoso ang mga bagay-bagay o sinusunod ang mga prinsipyo, at hindi buong-pusong ginagawa ang mga bagay-bagay, nilalayon lang na maabot ang “puwede na” o “tama lang,” ay dahil masyadong malubha ang pagiging imoral ko. Nang magbalik-tanaw ako, napagtanto kong palagi akong nagpapakapabasta-basta sa tungkulin ko, lumalaktaw sa mga hakbang saanman maaari. Hindi ako nagkaroon ng mga prinsipyo sa paraan ng paggawa ko sa mga bagay-bagay. Kailanman ay hindi ko ginustong pagsikapan na pag-isipan nang mabuti ang mga bagay-bagay o hangarin ang mga pinakamagandang resulta, iniisip na basta’t hindi ako nagdudulot ng anumang malalaking isyu o natatanggal, ayos lang ang mga bagay-bagay. Nakakaraos lang ako sa sambahayan ng Diyos, nagpapakabatugan. Halimbawa, noong kumukuha ako ng mga materyal, kung gumugol ako ng mas matinding pagsisikap at mas pinag-isipan ko nang mabuti ang mga prinsipyo, naging mas mahusay sana ang trabaho ko, pero sa halip, kontento na ako sa “katanggap-tanggap” lang o “puwede na.” Ginamit ko pa ngang palusot ang kawalan ko ng pagkaunawa sa mga prinsipyo para ipasa sa superbisor ang materyal na nahirapan akong suriin. Nang hingin sa akin ng superbisor na kumuha ng isang video, malinaw kong alam na may mga problema sa video, at iminungkahi ng katuwang kong brother na muling magkuha, pero ayaw ko pa ring gumugol ng karagdagang pagsisikap o magbayad ng halaga, at naisip ko na puwede na ang nabuo ko. Gusto ko lang itong iraos nang matapos na ito. Napagtanto kong talagang malubha ang pagiging imoral ko, at na palagi kong sinusubukang lumaktaw sa mga hakbang sa tungkulin ko. Nagresulta ito sa mga materyal na hindi pasok sa pamantayan at nakaantala sa pag-usad ng gawain. Talagang nakakapinsala kapwa sa iba at sa sarili ko ang paggawa sa tungkulin ko nang may ganoong imoralidad!

Pagkatapos, nagbasa ako ng marami pang mga salita ng Diyos: “Lubhang mahalaga kung paano mo dapat ituring ang mga atas ng Diyos. Isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, hindi ka angkop na mamuhay sa Kanyang presensiya at dapat mong tanggapin ang iyong kaparusahan. Ganap na likas at may katwiran na tapusin ng mga tao ang mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanila mismong mga buhay. Kung kaswal mo lang na tinatrato ang mga atas ng Diyos, ito ay isang napakalubhang pagkakanulo sa Diyos. Dito, mas kasuklam-suklam ka kaysa kay Hudas, at dapat kang sumpain. Dapat matamo ng mga tao ang lubos na pagkaunawa sa kung paano tatratuhin ang mga atas ng Diyos at kahit papaano, dapat nilang maunawaan: ang pagkakatiwala ng Diyos sa tao ng mga atas ay ang Kanyang pagtataas sa tao, ang Kanyang espesyal na pagpapakita ng biyaya sa tao, ito ang pinakamaluwalhati sa lahat ng bagay, at ang lahat ng iba pang bagay ay maaaring abandonahin—maging ang sariling buhay ng isang tao—pero dapat makompleto ang mga atas ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). “Sa panlabas, tila walang anumang mga seryosong problema ang ilang tao sa buong panahon na ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Wala silang ginagawang lantarang kasamaan; hindi sila nagdudulot ng mga pagkagambala o pagkakagulo, o tumatahak sa landas ng mga anticristo. Sa pagganap ng kanilang mga tungkulin, wala silang anumang malalaking pagkakamali o problema ng prinsipyo na dumarating, gayunman, nang hindi nila namamalayan, sa loob ng ilang maiikling taon ay nabubunyag sila bilang mga hindi talaga tumatanggap ng katotohanan, bilang isa sa mga hindi mananampalataya. Bakit ganito? Hindi makakita ng isyu ang iba, subalit sinusuri ng Diyos ang kaloob-looban ng puso ng mga taong ito, at nakikita Niya ang problema. Noon pa man ay pabasta-basta na sila at walang pagsisisi sa pagganap nila sa kanilang mga tungkulin. Habang lumilipas ang panahon, natural silang nabubunyag. Ano ang ibig sabihin ng manatiling hindi nagsisisi? Nangangahulugan ito na kahit na nagampanan nila ang mga tungkulin nila hanggang sa matapos, palagi silang may maling saloobin sa mga ito, isang pag-uugali ng pagiging pabasta-basta, isang kaswal na pag-uugali, at hindi sila kailanman maingat, lalong hindi nila ibinibigay ang buong puso nila sa kanilang mga tungkulin. Maaari silang magsikap nang kaunti, ngunit gumagawa lamang sila nang wala sa loob. Hindi nila ibinibigay ang lahat nila sa kanilang mga tungkulin, at walang katapusan ang kanilang mga paglabag. Sa mga mata ng Diyos, hindi sila kailanman nagsisi; noon pa man ay pabasta-basta na sila, at kailanman ay walang anumang pagbabago sa kanila—ibig sabihin, hindi sila tumatalikod sa kasamaang nasa kanilang mga kamay at nagsisisi sa Kanya. Hindi nakikita ng Diyos sa kanila ang saloobing nagsisisi, at hindi Niya nakikita ang pagbaligtad sa kanilang pag-uugali. Patuloy sila sa pagturing sa kanilang mga tungkulin at sa mga atas ng Diyos nang may gayong pag-uugali at gayong pamamaraan. Sa buong panahong ito, walang pagbabago sa sutil at hindi mabaling disposisyon na ito, at, higit pa rito, hindi nila kailanman nadama na may pagkakautang sila sa Diyos, hindi kailanman nadama na ang kanilang pagiging pabasta-basta ay isang paglabag, isang masamang gawain. Sa kanilang puso, walang pagkakautang, walang pagkakonsensiya, walang panunumbat sa sarili, at mas lalong walang pagbibintang sa sarili. At, sa pagdaan ng panahon, nakikita ng Diyos na wala nang lunas ang ganitong uri ng tao. Anuman ang sabihin ng Diyos, at gaano man karaming pangaral ang marinig niya o gaano karaming katotohanan ang maunawaan niya, hindi naantig ang kanyang puso at hindi nabago o nabaligtad ang kanyang pag-uugali. Nakita ito ng Diyos at sinabing: ‘Walang pag-asa para sa taong ito. Wala sa sinasabi Ko ang nakakaantig sa kanyang puso, at wala sa sinasabi Ko ang makakapagpabago sa kanya. Walang paraan upang baguhin siya. Hindi nababagay ang taong ito na gampanan ang kanyang tungkulin, at hindi siya nababagay magtrabaho sa Aking sambahayan.’ Bakit ito sinasabi ng Diyos? Ito ay dahil kapag ginagampanan niya ang kanyang tungkulin at nagtatrabaho palagi na lang siyang pabasta-basta. Kahit gaano pa siya pungusan, at gaano man karaming pagtitimpi at pasensiya ang igawad sa kanya, wala itong epekto at hindi siya nito tunay na mapagsisi o mapagbago. Hindi siya nito magawang gawin nang mabuti ang tungkulin niya, hindi siya matulutan nito na pumasok sa landas ng paghahangad sa katotohanan. Kaya ang taong ito ay wala nang lunas. Kapag nagpasya ang Diyos na ang isang tao ay wala nang lunas, pananatilihin pa rin ba Niya ang mahigpit na pagkakahawak sa taong ito? Hindi Niya ito gagawin. Bibitiwan siya ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, Naunawaan ko na bilang isang nilikha, lubhang natural at makatwiran lang na tanggapin natin ang atas ng Diyos at tuparin ang tungkulin natin bilang mga nilikha, at dapat na buong-puso at masipag natin itong tuparin. Kung tatratuhin natin ang tungkulin natin nang may pabaya o hindi seryosong saloobin, pagkakanulo iyon sa Diyos at karapat-dapat sa kaparusahan. Kahit na ginagawa ko ang tungkulin ko sa iglesia, hindi ako tunay na nakatuon sa paggawa nito nang maayos. Palagi akong nagpapakapabasta-basta, pinipili ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng paggawa sa mga bagay-bagay. Kahit kapag alam kong may mga problema, binabalewala ko ang mga iyon at nagkukunwaring hindi ko iyon napapansin. Sa huli ay nagdulot ito ng mga pagkagambala at pagkakagulo sa gawain, at ni hindi ako nagtatrabaho sa paraang pasok sa pamantayan. Pinungusan at pinaalalahanan ako ng superbisor na gawin nang maayos ang tungkulin ko, pero nanatiling matigas ang ulo ko, kumikilos dala ng tiwaling disposisyon ko. Talagang matigas ang kalooban ko! Palagi kong tinatrato ang tungkulin ko nang may di-seryoso at iresponsableng saloobin. Kung hindi ko ito pagbabayaran, siguradong ititiwalag ako ng Diyos sa huli. Naisip ko kung paanong napakasipag ng katuwang kong brother sa tungkulin niya at pinagninilayan niya nang mabuti ang mga prinsipyo. Palagi niyang sinusuri nang paulit-ulit ang mga materyal niya, sinisigurong walang mga isyu bago ipasa ang mga iyon. Dahil doon, magaganda ang resultang ibinubunga ng tungkulin niya, nang kaunting-kaunti lang ang mga pagkakamali o paglihis. Pero kapag ginagawa ko ang tungkulin ko, palagi kong kailangang ulitin ang mga bagay-bagay, at patuloy na nagkakaroon ng mga isyu. Nakita ko na hindi ako mapagkakatiwalaan at na wala akong integridad at dignidad.

Kalaunan, nakahanap ako sa mga salita ng Diyos ng isang landas para magawa nang maayos ang tungkulin ko. Nabasa ko na sinasabi ng salita ng Diyos: “Kakaunti ang mga oportunidad sa ngayon para gumanap sa isang tungkulin, kaya dapat mong sunggaban ang mga iyon kung kaya mo. Kapag naharap ka sa isang tungkulin, doon ka mismo dapat magsumikap; doon mo dapat ialay ang sarili mo, gugulin ang sarili mo para sa Diyos, at doon mo kinakailangang magbayad ng halaga. Huwag kang maglihim, magkimkim ng anumang mga pakana, mag-atubili, o magplano ng pagtakas. Kung ikaw ay nagiging maluwag, mapagkalkula o tuso at nagpapakatamad, malamang na hindi maging maganda ang trabaho mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpasok sa Buhay ay Nagsisimula sa Pagganap ng Tungkulin). “Kapag ginagampanan ng mga tao ang kanilang tungkulin, sa katunayan, ginagawa nila ang dapat nilang gawin. Kung ginagawa mo ito sa harap ng Diyos, kung ginagampanan mo ang iyong tungkulin at nagpapasakop ka sa Diyos nang may pag-uugali ng katapatan at may puso, hindi ba’t mas magiging tama ang ugaling ito? Kaya paano mo dapat gamitin ang ugaling ito sa iyong pang-araw-araw na buhay? Dapat mong gawing realidad mo ang ‘pagsamba sa Diyos nang may puso at katapatan.’ Tuwing gusto mong magpakakupad at iraos lamang ang gawain, tuwing gusto mong kumilos sa tusong paraan at maging tamad, at tuwing naaabala ka o mas ginugustong magpakasaya na lamang, dapat mong isaalang-alang: ‘Sa pagkilos nang ganito, ako ba ay nagiging di-mapagkakatiwalaan? Ganito ba ang pagsasapuso ko sa paggawa ng aking tungkulin? Ako ba ay nagiging di-tapat sa paggawa nito? Sa paggawa nito, nabibigo ba akong tuparin ang inaasahan sa akin sa atas na naipagkatiwala ng Diyos sa akin?’ Ganito ka dapat magnilay sa sarili mo. Kung malalaman mo na ikaw ay palaging pabasta-basta sa iyong tungkulin, na ikaw ay hindi tapat, at na nasaktan mo ang Diyos, ano ang dapat mong gawin? Dapat mong sabihing, ‘Nadama ko sa sandaling iyon na may mali rito, pero hindi ko ito itinuring na problema; pinahapyawan ko lang iyon nang walang-ingat. Ngayon ko lang natanto na talagang ako ay naging pabasta-basta, na hindi ko natupad ang aking responsabilidad. Talagang wala akong konsensiya at katwiran!’ Natuklasan mo ang problema at nakilala mo nang kaunti ang iyong sarili—kaya ngayon, dapat mong baguhin nang lubusan ang sarili mo! Ang iyong saloobin sa pagganap sa iyong tungkulin ay mali. Nawalan ka ng ingat doon, tulad ng pagkakaroon ng dagdag na trabaho, at hindi mo isinapuso iyon. Kung muli kang pabasta-basta na katulad nito, dapat kang manalangin sa Diyos at hayaan Siyang disiplinahin at ituwid ka. Dapat magkaroon ka ng gayong kalooban sa paggawa ng iyong tungkulin. Saka ka lamang tunay na makapagsisisi. Makapagbabago ka lamang nang lubusan kapag malinis ang iyong konsensiya at nagbago na ang iyong saloobin sa pagganap mo sa iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Magkakaroon ng Daan Pasulong). Sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko na dapat magawa ang mga tungkulin natin sa harapan ng Diyos, at na kailangan ng isang matapat na saloobin para magawa ito nang maayos. Kapag nararamdaman natin ang kagustuhang lumaktaw sa mga hakbang o maging pabasta-basta, dapat nating pagnilayan kung naging masipag at responsable ba tayo sa mga tungkulin natin o kung karapat-dapat ba sa tiwala ng Diyos ang mga kilos natin. Sa pamamagitan ng higit pang pagninilay sa sarili natin, mababawasan natin ang mga pabasta-basta nating kilos. Makakabawas din ito sa mga kawalang naidudulot sa gawain. Sa madaling salita, dapat nating lubos na gamitin ang mga abilidad natin, nang ginagawa ang lahat. Sa ganitong paraan natin magagawa nang maayos ang mga tungkulin natin.

Noong Mayo 2023, nangangasiwa ako ng ilang teknikal na gawain. Dahil bago ako sa tungkuling ito, wala ako ng ilang teknikal na kasanayan, at pagdating sa mga problemang iniuulat ng mga kapatid, hindi lubos ang pagkaunawa ko sa kung ano ang nangyayari, at hindi malinaw sa akin ang mga detalye. Hinihingi nito sa aking isa-isang lutasin ang mga problema at hanapin ang mga dahilan ng isyu. Minsan, kapag maraming isyu, natutukso akong maging pabasta-basta ulit, pero nagagawa kong sadyang makapaghimagsik laban sa mga bugso ng damdamin na iyon. Natatandaan ko, minsan, pumalya ang isang kagamitan ng isang sister, at tinanong niya sa akin kung bakit ito nangyari. Hindi ako masyadong pamilyar sa kagamitang ito, kaya kakailanganin ng oras at pagsisikap para talagang lutasin ang problema at alamin ang isyu, at naisip kong magbigay na lang ng nagtatantiyang tugon batay sa nauunawaan ko. Pero pagkatapos isulat ang tugon, hindi ako mapakali dahil napagtanto kong pabasta-basta na naman ako. Naalala ko kung paanong nakapagdulot ng mga kawalan sa gawain ang dati kong pabasta-bastang pagharap sa tungkulin ko, at alam kong kung patuloy akong magiging pabasta-basta, hindi nito malulutas ang aktuwal na problema, at sa huli, magdudulot ito ng maraming pagpapabalik-balik, at maapektuhan ang paggamit ng sister sa kagamitan, na makakaantala sa gawain. Kailangan kong gawin ang pinakamakakaya ko para lubos na linawin ang isyu bago sumagot sa sister. Pagkatapos, dumaan ako sa proseso ng paglutas sa mga problema at nahanap ko ang dahilan ng isyu. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, napanatag ako. Kalaunan, kapag nahaharap sa mga isyung hindi ko kayang pangasiwaan, humihingi ako ng payo sa mga kapatid, at tumutugon lang pagkatapos kumpirmahin ang solusyon. Pagkatapos magsagawa sa ganitong paraan nang ilang panahon, nagbago ang saloobin ko sa tungkulin ko, at nagkaroon ako ng malaking pag-usad sa mga teknikal na kasanayan ko. Bagaman hindi malalim ang pagkaunawa ko ngayon sa tiwaling disposisyon ko, handa akong umasa sa Diyos para lutasin ang pagiging imoral ko at gawin ang tungkulin ko nang pasok sa pamantayan.

Sinundan:  51. Kung Bakit Itinago Ko ang Kalituhan Ko

Sumunod:  53. Pagtakas sa Pagkulong ng Pamilya Ko

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger