61. Isang Pagpili sa Gitna ng Pag-uusig ng Pamilya

Ni Qin Fang, Tsina

May masaya akong pamilya noon. Namuhay kami nang hindi nag-aalala sa pagkain at pananamit. Pero sa mga unang yugto ng ikalawang pagbubuntis ko, hindi ko namalayang nakainom ako ng tradisyonal na gamot Tsino na nagpapaganda ng sirkulasyon ng dugo, na halos naging sanhi ng pagkalaglag ng sanggol na dinadala ko, pero kalaunan, sa tulong ng medisina, matagumpay kong naipanganak ang aking anak na lalaki. Bagaman ligtas kaming mag-ina, nabasa ko online na ang pag-inom ng gamot habang buntis ay maaaring magdulot ng dwarfism sa bata. Naging mabigat na pasanin ito sa aking puso. Tuwing nakikita kong mas matatangkad ang ibang batang mas bata kaysa sa anak ko, nakararamdam ako ng matinding kirot sa aking puso, at madalas akong nabubuhay nang sinisisi ang sarili ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong lumuha dahil dito. Noong Oktubre 2013, isang kamag-anak ko ang nagpatotoo sa akin ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ipinabasa niya sa akin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos na pinamagatang “Ang Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao.” May isang partikular na seksiyon doon na lubos na tumatak sa akin. Sabi ng Diyos: “Mula sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mo nang gampanan ang iyong mga responsabilidad. Alang-alang sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong maaaring pinagmulan, at anumang paglalakbay ang maaaring nasa iyong harapan, walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Lubos akong naantig ng mga salita ng Diyos. Nalaman ko na ang buhay ng tao ay mula sa Diyos, na hindi kontrolado ng isang tao kung anong uri ng anak ang mayroon siya, at na ang lahat ng ito ay bahagi ng katas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Sa sandaling iyon, hindi ko napigilang maiyak at ibuhos ang lahat ng sakit at pag-aalala ko sa Diyos. Nakaramdam ako ng paglaya sa aking puso na hindi ko pa naramdaman noon. Kalaunan, sa pagbasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko rin na ang kasarian, itsura, at tangkad ng isang tao sa mundong ito ay lahat pauna nang itinakda ng Diyos at hindi naaapektuhan ng mga panlabas na sitwasyon. Kung inorden ng Diyos na magiging malusog ang aking anak, kahit uminom pa ako ng gamot, hindi ito makaaapekto sa kanyang kalusugan. Naramdaman ko na ang mga salita ng Diyos ay isang nagpapagaling na gamot na nag-alis sa mga natatagong problema ko, at nakaramdam ako ng labis na kagaanan at paglaya sa puso ko.

Anim na buwan pagkatapos tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nagsimula na akong gumawa ng mga tungkulin sa iglesia. Noong una, hindi ito tinutulan ng asawa ko. Pero noong Mayo 2014, nakita niya sa TV at sa internet ang lahat ng negatibong propagandang ikinakalat ng CCP para siraan, lapastanganin, at siraang-puri ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sinimulan niya akong hadlangan sa aking pananalig. Sinira pa nga niya ang MP5 player na ginagamit ko para basahin ang mga salita ng Diyos, sinasabing, “Tingnan mo ang mga sinasabi nila online. Tinututulan ng estado ang pananalig mo sa Makapangyarihang Diyos, at aarestuhin ka ng kapulisan. Kapag nahuli ka, magiging napakalaking kahihiyan ito! Sinasabi rin sa internet na inaabandona ng mga nananampalataya sa Diyos ang kanilang pamilya at hindi sila namumuhay nang normal.” Sumagot ako, “Sa buong panahong ito na nagsimula akong manampalataya sa Diyos, inabandona ko ba ang pamilya ko o tumigil ba akong mamuhay nang normal? Binubuo lang ang mga pagtitipon namin ng sama-sama naming pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at nakita mo na ito mismo. Wala kaming ginagawang labag sa batas, kaya’t legal ba para sa kapulisan na arestuhin kami? Iyong mga nagnanakaw, nanloloob, nagsusugal, at nasasangkot sa prostitusyon ay hindi hinuhuli, pero partikular nilang inaaresto ang mga mananampalataya. Hindi ba’t pagbabaligtad ito sa tama at mali?” Pero kahit anong sabihin ko, talagang ayaw pa ring makinig ng asawa ko. Kalaunan, patuloy niya akong inusig dahil sa pananalig ko sa Diyos, at tuwing malungkot siya, binabanggit niya ang pananalig ko sa Diyos. Tuwing umuuwi siya galing trabaho at nakikita niyang wala ako sa bahay, bigla siyang sumasabog sa galit, isinisigaw, “Paano tayo patuloy na mabubuhay nang ganito? Kung patuloy kang mananampalataya nang ganito, tatawagan ko ang pulis!” Madalas siyang umuuwi nang lasing sa gabi at sinisigawan ako, hinahalughog ang mga gamit ko para hanapin ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, sinasabing sisirain niya ang mga iyon. Sinasabunutan niya pa nga ako at kinaladkad ako sa sahig, pinipilit akong umalis sa kalaliman ng gabi. Galit na galit ako, iniisip, “Ang pananalig ko sa Diyos ay simpleng pakikipagtipon lang sa mga kapatid para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, pero ganito ako tinatrato ng asawa ko—ganap siyang diyablo!” Dahil sa tindi ng galit ko, naisip ko ring lumayas, pero kapag naiisip ko ang dalawa kong batang anak, at kung paanong ayaw kong masira ang pinaghirapan kong pagsasama naming mag-asawa, nagtiis ako. Pero sa hindi inaasahan, lalong tumindi ang pag-uusig ng asawa ko.

Noong Pebrero 16, 2016, matapos ang pananghalian, naghanda akong lumabas para dumalo sa isang pagtitipon, nang sumigaw ang asawa ko, “Lalabas ka na naman? Hindi ka namumuhay nang normal!” Sumagot ako, “Anong ibig mong sabihin na hindi ako namumuhay nang normal? Wala naman akong inantalang anuman dito sa bahay. Nagluto ako, at naglinis ng bahay, at kailangan ko rin ng oras para sa sarili ko.” Bubuksan ko pa lang ang pinto nang bigla niya itong kinandado at hinarang ako sa pag-alis, binabantaan ako gamit ang cellphone niya, sinasabing, “Kapag lumabas ka pa uli, tatawag ako sa pulis!” Pagkasabi niyon, pinindot niya ang numerong pang-emerhensiya 110. Labis akong kinabahan. Nang nakita kong pipindutin na niya ang berdeng dial button, dali-dali kong sinabi, “Kapag itinuloy mo iyang tawag na iyan ngayon, alam mo ba kung ano ang mangyayari pagkatapos? May kabayaran ang paggawa ng kasamaan!” Nanginig ang kamay niya sandali habang hawak ang cellphone, saka niya isinara ang interface ng pagtawag, at ibinulalas sa silakbo ng galit, “Hindi ko na kayang mabuhay nang ganito! Hindi na ako papasok sa trabaho ngayon. Kailangan mong pumili ngayon din! Tatawagan ko ang tatay mo at ang nanay ko para pag-usapan ang diborsiyo!” Pagkatapos ay tinawagan niya ang aking mga magulang at ang kanyang ina. Hindi ko alam ang gagawin ko at nanghina talaga ako. Habang tinitingnan ko ang litrato ng aming pamilya sa dingding, hindi ko napigilang mag-isip, “Hindi naging madali para sa atin na marating ang puntong ito. Mahirap ang naging buhay namin noon, at bihira kaming magkasama ng asawa ko dahil sa trabaho niya. Pero ngayong may maayos na siyang trabaho, nakalipat na kami sa malaking bahay, wala nang mga alalahanin ang aming buhay, at parehong matalino at malusog ang aming mga anak. Talagang nagtagumpay kami pagdating sa kapwa pamilya at propesyon namin. Kung magdidiborsiyo kami, mawawala ang lahat ng ito sa akin. Bagaman nahaharap ako sa kaunting pag-uusig dahil sa pananampalataya ko sa Diyos, kahit papaano ay buo pa rin ang pamilya ko, at may parehong ama at ina ang mga bata. Paano kami basta na lang magdidiborsiyo? Ayaw ko talagang umabot sa puntong iyon.” Nagsisi ako na hindi ko siya napigilan sa pagtawag sa aking mga magulang. Kung nakapagsalita lang sana ako ng pampalubag-loob at pumayag na huwag munang lumabas ng ilang araw, baka hindi niya nabanggit ang diborsiyo. Hindi ko alam kung paano ko malalampasan ang lahat ng ito, kaya nanalangin ako sa Diyos, umaasang gagabayan Niya ako. Sa sandaling iyon, naalala ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Walang tao, ang humahawak sa araro, at lumilingon sa likod, ang karapat-dapat sa kaharian ng Diyos(Lucas 9:62). Pakiramdam ko ay parang may sinag ng liwanag na tumagos sa puso ko at bigla itong nagliwanag. Naisip ko, “Hindi ba’t masyado ko lang isinasaalang-alang ang aking laman? Sa pagitan ng pamilya ko at pananalig, natatakot akong mawala sa akin ang aking pamilya at nagsisisi ako na hindi ako nagsalita ng pampalubag-loob sa asawa ko. Nakikipagkompromiso ako sa kanya at sinusubukang panatilihin ang aking pamilya kapalit ng pagkakanulo sa Diyos. Paano ako nagpapatotoo sa Diyos?” Naalala ko ang mga araw na labis akong nagdusa dahil sa mga isyung kaugnay sa aking anak na lalaki, at napaisip ako, “Kung hindi dahil sa pagliligtas ng Diyos sa akin, paano ako makapamumuhay nang malaya ngayon? Hindi ako dapat na maging walang utang na loob o mawalan ng konsensiya.” Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig. Anuman ang susunod na mangyayari, kahit na magdiborsiyo talaga kami, pipiliin ko pa ring manampalataya sa Iyo at gampanan ang aking tungkulin.” Pagkatapos kong manalangin, nakaramdam ako ng paglaya sa aking puso.

Nang hapon ding iyon, dumating ang tatay ko, ang dalawa kong nakababatang kapatid na babae, at ang mga biyenan ko. Naniwala lahat sila sa asawa ko at inusig ako kasama niya. Sa huli, ang tatay at mga kapatid ko ay sapilitan akong kinaladkad pasakay sa kotse at dinala pabalik sa aming bayan. Sa bahay ng mga magulang ko, araw-araw nila akong ginigipit. Nakita ng tatay ko na iginigiit kong manampalataya sa Diyos, at isang araw sa pananghalian, sinabi niya, “Matindi ang ginagawang panunupil at pag-aresto ng estado sa mga nananampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Kapag naaresto ka at nasentensiyahan ng ilang taong pagkakakulong, sa palagay mo ba ay gugustuhin ka pa rin ng asawa mo? Mawawala sa iyo ang tahanan mo sa huli. Bakit mo kailangang magdusa nang ganito? Makinig ka sa amin, isuko mo na ang pananalig mong ito. Sinasabi sa TV na laban sa estado ang iyong grupo, kaya’t ano ang mapapala mo sa pagkontra sa estado? Tingnan mo ang pamilya mo ngayon, Mayroon kang bahay at kotse, at matatalino at may mabubuting asal ang dalawa mong anak. Bakit mo isinusuko ang gayong kagandang buhay para patuloy na manampalataya sa Diyos? Hindi mo alam kung gaano ka pinagpala!” Habang lalo ko siyang pinakikinggan, mas lalo akong nagagalit. Ano ba ang pinagsasasabi niya, tinatawag akong laban sa estado? Ano ang ibig sabihin ng kontra sa estado? Malinaw na sinasabi sa mga salita ng Diyos: “Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng tao, ngunit kinokontrol Niya ang kapalaran ng bawat bansa at nasyon, kinokontrol Niya ang mundong ito at ang buong sansinukob(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Mahigpit at seryoso kong sinabi: “‘Tay, ang pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan lang na binabasa namin ang mga salita ng Diyos at nagtitipon kami para magbahaginan sa katotohanan. Ginagabayan tayo ng Diyos para tahakin ang tamang landas at mamuhay ng normal na pagkatao. Paano kami magiging laban sa estado? Hindi ka dapat maniwala sa mga walang basehang tsismis!” Pero ang nanay ko, nang makita niyang hindi ako nakikinig, ay sinigawan ako: “Kung ipagpapatuloy mo iyan, maaaresto ka at mawawala sa iyo ang lahat. Ano na lang ang mangyayari sa buhay mo pagkatapos? Kung gusto mo ng pananalig, sumama ka na lang sa akin sa katedral para manampalataya sa Diyos sa Tatlong-Sarili!” Sinabi ko, “Hindi inaaresto ng CCP ang mga tao sa katedral dahil sumusunod iyong mga nasa katedral sa CCP. Sinasabi nilang nananampalataya sila sa Panginoong Jesus, pero ang totoo, nakikinig sila sa tao at nanampalataya sa tao, hindi nananampalataya sa Diyos. Ang tunay na daan ay palaging inuusig. Nang gumawa ang Panginoong Jesus sa Judea, siniraan at kinondena Siya ng gobyernong Roman at ng mga Pariseo. Ang mga disipulong sumunod sa Panginoon ay inaresto at inusig din ng gobyernong Roman dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Masasabi mo bang ang Panginoong Jesus ay hindi ang tunay na Diyos, at hindi rin ang tunay na daan? Ngayon, nananampalataya kami sa tunay na Diyos, hindi maiiwasang mahaharap kami sa mga pag-aresto at pag-uusig mula sa satanikong gobyernong ng CCP. Nay, ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at Siya ay Diyos na gumagawa ng isang panibagong yugto ng gawain batay sa pundasyon ng Kapanahunan ng Biyaya. Dumating Siya para ganap na iligtas ang sangkatauhan. Ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay nangangahulugang sumusunod tayo sa bagong gawain ng Diyos. Para magawa mong manampalataya sa Panginoong Jesus, hindi ba’t dahil ito sa maraming misyonaryong nagpunta sa Tsina, tinalikuran ang pamilya at propesyon nila para ipangaral ang ebanghelyo?” Nang makita ng tatay ko ang matatag kong paninindigan, pinigil niya ako at marahas akong kinuwestiyon, “Ibig mong sabihin wala ka nang balak umurong, at na ipipilit mo ang pagkapit sa iyong pananalig? Bilang iyong mga magulang, ginagawa namin ito para sa sarili mong kabutihan. Kapag naaresto ka, huwag mo kaming sisisihin na hindi ka namin binalaan! Kapag hindi ka nakinig sa amin at nagpatuloy pa rin sa pananalig mong ito, itatakwil kita. Bahala ka na saan ka man pumunta pagkatapos ng diborsiyo. Hindi ka na bahagi ng pamilyang ito!” Pagkatapos magsalita ni Tatay, nagsimula siyang lumuha. Nang makita ko ang labis niyang kalungkutan, napaiyak din ako. Tahimik akong nanalangin sa Diyos sa aking puso: “Makapangyarihang Diyos, pakiusap, patatahimikin Mo ang puso ko sa Iyong harapan. Hindi ko alam kung paano haharapin ang ganitong sitwasyon. Pakiusap, bigyan Mo ako ng pananalig at gabayan Mo ako.” Pagkatapos manalangin, naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Sa paggabay ng mga salita ng Diyos, bigla kong napagtanto na bagaman tila sinusubukan akong hikayatin ng aking tatay, ang totoo ay ginagamit ni Satanas ang aking pagmamahal para hilahin ako sa panig nito, tinatangkang hikayatin akong iwan ang Diyos at ipagkanulo Siya. Kung papanig ako sa tatay ko, hindi ba’t lalabas na nahulog lang ako sa mga pakana ni Satanas? Bigla kong naalala ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit kaysa sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin(Mateo 10:37). Lahat ng mayroon ako ay galing sa Diyos, at ang buhay ko ay mula rin sa Kanya. Ang manampalataya sa Diyos at sumamba sa Kanya ay ganap na likas at makatwiran, kaya’t hindi ko kayang abandonahin ang pananalig ko Diyos para lang isaalang-alang ang damdamin ng tatay ko. Naisip ko rin ang karanasan ni Pedro. Ninais ng mga magulang ni Pedro na maghangad siya ng propesyon bilang isang opisyal at magkamit ng tagumpay at katanyagan, at tinutulan at hinadlangan nila si Pedro sa pananampalataya sa Diyos at paggugol ng sarili niya para sa Diyos. Pero pinili ni Pedro na manampalataya sa Diyos at sumunod sa Kanya, determinadong iwan ang kanyang mga magulang. Sa pag-alala ko rito, nagkaroon ako ng pananalig at lumakas ang paninindigan kong sumunod sa Diyos. Anuman ang sabihin ng tatay ko, kinailangan kong makilatis ang mga pakana ni Satanas at huwag magpalinlang. Nakita ng tatay ko na hindi ako umiimik at marahas niya akong pinilit muli, “Kung gayon ay desidido ka na rito; wala nang makapipigil sa iyo?” Nang may buong katatagan, sinabi kong, “Wala talaga. Determinado kong ipagpapatuloy ang pananalig ko sa Diyos; tumatanggi akong maging walang utang na loob. Dati, palagi akong nag-aalalang magiging unano ang anak ko. Nabuhay ako sa takot, sakit, at pagkakonsensiya araw-araw. Noong panahong iyon, lahat kayo ay pinayuhan akong hayaan na lang na mangyari ang mangyayari, pero ang sakit sa puso ko ay isang bagay na ako lang ang nakauunawa. Kalaunan, tinanggap ko ang bagong gawain ng Diyos, binasa ang Kanyang mga salita, at naunawaan ang katotohanan, at noon lang naibsan ang sakit sa puso ko. Kung hindi ako iniligtas ng Diyos, malay natin, baka isang araw hindi ko na kayanin ito at piliin ko na lang mamatay, at sa gayon ay mawawala sa inyo ang inyong anak. Hindi ba’t gusto ninyo ang pinakamabuti para sa akin?” Nang makita ng tatay ko ang paninindigan ko, tahimik siyang nagmukmok.

Paglaon, nakita ako ng aking tatay na palihim na nagbabasa muli ng mga salita ng Diyos at galit niyang sinabi: “Kung magpapatuloy ka pa rin sa pananampalataya sa Diyos mo nang ganito, tatawagan ko ang pulis, ipaaaresto kita, at ipabubugbog kita sa kanila hanggang mawalan ka ng ulirat! Hindi ako naniniwalang hindi ka magbabago!” Nakita kong namumula sa galit ang mga mata ng tatay ko at madilim ang kanyang ekspresyon. Para lang pigilan ako na manampalataya sa Diyos, handa pa nga siyang ipadala ako sa kulungan para magdusa sa pagpapahirap ng CCP. Paanong naging napakalupit niya? Ito ba talaga ang amang matagal ko nang kilala? Hindi ba’t naging kasabwat na siya ng CCP at isang alipin ni Satanas? Nakita ko na ang diwa ng tatay ko ay ang pagkamuhi at pagsalungat sa Diyos. Naalala ko ang isang pangungusap ng mga salita ng Diyos: “Mahalin kung ano ang minamahal ng Diyos, at kamuhian kung ano ang kinamumuhian ng Diyos: Ito ang prinsipyong dapat sundin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagkilala Lamang sa Sariling mga Maling Pananaw ng Isang Tao Siya Tunay na Makapagbabago). Iyong mga tunay na nananampalataya sa Diyos ay ang mga taong dapat kong mahalin. Iyong mga namumuhi sa Diyos at sumasalungat sa Kanya ay mga kaaway ng Diyos. Mga diyablo sila. Kinapopootan sila ng Diyos, kaya’t dapat ko rin silang tanggihan. Kailangan kong mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, hindi napipigilan ng mga magulang ko, at determinadong sumusunod sa Diyos!

Nanatili ako sa bahay ng mga magulang ko sa loob ng dalawa’t kalahating buwan. Pagbalik ko sa bahay, inakala ng asawa ko na hindi na ako nananampalataya sa Diyos, kaya labis na lumambot ang pakikitungo niya sa akin. Makalipas ang may dalawang linggo, nalaman niyang patuloy pa rin akong nananampalataya sa Diyos at marahas niyang sinabi, “Dumadalo ka pa rin sa mga pagtitipon at nananampalataya ka pa rin sa Diyos? Lumayas ka rito!” Pagkasabi niya nito, humakbang siya papunta sa pinto, binuksan ito, at sinigawan ako, “Lumayas ka! Hindi ka na bahagi ng pamilyang ito. Pumunta ka kung saan mo gustong pumunta!” Sa totoo lang, ayaw ko talagang umalis ng bahay, at gusto ko lang na magpanggap sa kanya. Lumakad ako patungong kuwarto, kumuha ng maleta mula sa aparador, at nagsimulang iorganisa ang mga damit ko at iempake ang mga ito. Naisip ko, “Kapag nakita niyang ineempake ko ang mga damit ko, marahil ay maaalala niya ang pinagsamahan namin bilang mag-asawa. Kung makikita niyang aalis talaga ako, baka lang makipagkompromiso siya.” Sa hindi inaasahan, pumasok mula sa sala ang asawa ko at hinablot ang maleta mula sa akin. Ibinuhos ang lahat ng damit sa kama, at sinimulang halughugin ang mga ito habang minumura ako, sinasabing, “Tingnan ko kung kinuha mo ang lahat ng mahalagang gamit sa bahay ko!” Galit na galit ako nang makita ang mga kinalat na damit ng asawa ko. Paano niya nagawang sabihin ang gayong mga bagay sa akin matapos ang sampung taon naming pagsasama? Tinatrato niya ako na parang isang magnanakaw, at labis na nanlamig ang aking puso. Ibinalik ko ang mga damit sa loob ng maleta at humakbang palabas ng pintuan. Habang pinagninilayan kung ano ang nangyari, kumirot ang aking puso, at hindi ko napigilang umiyak, habang naiisip ko, “Talagang walang puso ang asawa ko! Tinatahak ko ang tamang landas sa buhay sa pananampalataya sa Diyos, pero pinipilit niya muli akong lumayas. Ganito ba tuluyang mawawasak ang aking pamilya?” Nananalangin ako sa Diyos: “O Diyos ko, labis akong nahihirapan na manampalataya sa Iyo. Napakahina ng aking puso. Hindi ko alam kung paano tatahakin ang landas sa hinaharap. Pakiusap gabayan Mo ko.” Pagkatapos ng lahat ng ito, tumuloy ako sa bahay ng isang sister.

Kinabukasan ng hapon, hindi ako mapakali. Naisip ko ang anak kong lalaki na limang taong gulang pa lang at hindi pa kailanman nawalay sa akin. Kakayanin ba niya talaga na wala ako sa piling niya? Naiisip ko pa lang ang maliit at malambot na mukha ng aking anak at ang kinabukasan niya, nadudurog na sa ilang libong piraso ang puso ko. Nag-alala ako, paano kung hanapin niya ang nanay niya? Gagawa kaya ng isang bagay ang asawa ko dahil sa galit? Madadamay ba sa lahat ng ito ang iglesia o ang mga kapatid? Noong gabing iyon, bumalik ako sa bahay. Naroon ang aking mga biyenan, at isinama ng asawa ko ang mga bata sa labas para kumain. Sinabi ng biyenan kong babae, “Nag-alala talaga kaming lahat sa iyo nang umalis ka. Mamuhay ka na lang nang normal at itigil mo na ang pananalig mong ito! Kailangan mo ba talagang gawin ang lahat ng kaguluhang ito at mauwi sa pagdidiborsiyo?” Mahinahon akong sumagot, “‘Nay, hindi sa ayaw kong mamuhay nang normal, kundi hindi ako matanggap ng iyong anak.” Balisang sinabi ng aking biyenan na babae, “Maaaring wala lang ang diborsiyo sa matatanda, pero ang problema ay ang mga bata ang magdurusa. Napakabata pa nila. Pakiusap, kailangan mong isipin ang mga bata.” Labis akong nalungkot nang narinig kong sabihin ito ng aking biyenan, at napuno ng luha ang aking mga mata. Ang totoo, pinakanag-aalala ako sa mga bata. Ano ang mangyayari sa buhay nila kung aalis ako? Hindi nagtagal, bumalik ang asawa ko kasama ang mga bata. Pagpasok na pagpasok nila, nakita ako ng mga bata at lumakad sila papunta sa akin. Pero sumigaw ang asawa ko, pinagbabawalan silang lumapit sa akin, at sinabihan ang anak naming babae na patulugin na ang kapatid niya. Nang makita ko ang mga bata na masunuring pumasok sa kuwarto, naramdaman kong walang silbi ang aking mga pangamba at pag-aalala. Ang Diyos ang pinagmulan ng buhay ng tao, at Siya ang namamahala at may hawak ng kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang kapalaran ng aking mga anak sa hinaharap ay nasa mga pamamatnugot at pagsasaayos din ng Diyos. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain. Mula nang umiral ang tao sa simula, palagi nang ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain sa ganitong paraan, pinamamahalaan ang sansinukob, at pinangangasiwaan ang mga batas ng pagbabago para sa lahat ng bagay at ang takbo ng kanilang paggalaw. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na namumuhay siya sa ilalim ng pamamatnugot ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay hawak ng Diyos, at lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man sa lahat ng ito o hindi, ang anuman at ang lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito humahawak ng kataas-taasang kapangyarihan ang Diyos sa lahat ng bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Bawat isa sa atin ay namumuhay ayon sa landas ng buhay na inorden ng Diyos mula sa sandaling tayo ay ipinanganak, ginagampanan ang kani-kanyang papel. Ang mga uri ng sitwasyong nararanasan natin sa buhay ay bahagi lahat ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Wala lang talagang kapangyarihan ang mga tao na baguhin ang alinman dito. Anong mga paghihirap ang pagdaraanan ng aking mga anak at anong mga pagpapala ang tatamasahin nila habang lumalaki sila, kung paano sila tatratuhin ng mga tao, at kung ano ang magiging pisikal na kondisyon nila—ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Hindi magbabago ang kapalaran ng aking mga anak dahil lang sa pag-aalaga at pagkalinga ko, ni hindi rin maaapektuhan ng pag-alis ko ang paglaki nila. Matagal nang isinaayos ng Diyos kung ano ang magiging kapalaran ng aking mga anak. Ang pag-aalaga ng aking anak na babae sa kanyang kapatid na lalaki noong araw na iyon ay tila nagsasabi sa akin na kayang mabuhay ng sinuman nang wala ang isa pa, at na ang bawat isa ay may kanya-kanyang paraan ng pamumuhay. Anuman ang edad, ang Diyos ang namamatnugot at nagsasaayos sa lahat ng tao, pangyayari, at bagay, at naghahanda ng angkop na kapaligiran para sa paglago ng bawat isa. Nang naisip ko ito, nakaramdam ako ng kapanatagan, at naging handa akong ipagkatiwala ang aking mga anak sa Diyos. Laking gulat ko, na matapos matulog ng mga bata, binuksan muli ng asawa ko ang pinto at sinubukan akong palayasin, at tumigil lang siya sa paggawa ng eksena matapos siyang pakalmahin ng aking mga biyenan.

Noong gabing iyon, humiga ako sa kama, pinagninilayan ang mga nangyari. Dahil naniwala ang aking asawa sa mga walang basehang tsismis at maladiyablong salita na ikinakalat ng CCP, natakot siyang maapektuhan nito ang sarili niyang mga interes kaya nagalit siya. Nang walang pagpapahalaga sa ugnayan naming mag-asawa, paulit-ulit niya akong inusig para pilitin akong talikuran ang aking pananalig, sa pamamagitan man ng pagpapaalis sa akin sa bahay o pagbabanta ng diborsiyo. Ginamit niya rin ang aking mga magulang para subukan akong kontrolin at bantayan, at ilang beses din niya akong pinalayas sa bahay. Matapos kong makilala ang Diyos, hindi ko pinabayaan ang pamilya ko o mga anak ko, pero tinrato niya ako nang ganoon. Paano magkakaroon ng anumang tunay na pagmamahal sa pagitan ng mga tao? Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Bakit minamahal ng isang lalaki ang kanyang asawa? Bakit minamahal ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? Bakit mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak? Anong uring mga layon ang tunay na kinikimkim ng mga tao? Ang layon ba nila ay hindi upang matugunan ang sarili nilang mga plano at mga makasariling pagnanais?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Ganap na totoo ang mga salita ng Diyos. Ang mga relasyon sa pagitan ng mga tao ay nakabatay lahat sa mga interes, at tungkol ito lahat sa paggamit sa isa’t isa para matugunan ang mga makasarili nilang pagnanais. Dati, mabuti ang naging pagtrato sa akin ng aking asawa dahil hindi ko pinanghimasukan ang kanyang mga interes, inalagaan ko ang pamilya sa abot ng aking makakaya, higit akong naging mapagsaalang-alang sa kanya, at tinulungan ko siyang magkaroon ng dangal. Pero ngayong nananampalataya na ako sa Diyos at ginagawa ang tungkulin ko, at nasa panganib ako na maaresto ng CCP sa anumang sandali, na maaaring madamay siya, ganap siyang nagbago at naging ibang tao. Nang nakita kong nabunyag ang katotohanan, napaisip ako kung paano pa magkakaroon ng anumang pagmamahalan sa pagitan ng mga tao. Ilang ulit akong pinalayas ng asawa ko, pero ginusto ko pa ring isalba ang pagsasama namin, dahil naniwala akong “Kapag ikinasal ang lalaki at babae, malalim ang pagmamahalang nag-uugnay sa kanila.” Hindi ko napagtanto na isa lang pala itong pag-aasam sa panig ko. Habang mas iniisip ko ito, mas napagtatanto ko kung gaano ako naging hangal! Palagi kong sinisikap na pangalagaan ang pamilyang ito, at dahil sa pag-uusig ng asawa ko, bihira akong kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, limitado ang mga pakikipagtitipon ko, at hindi ko magawa ang anumang tungkulin. Paanong naging tunay na pananalig ito sa Diyos? Bukod pa rito, kung hindi ko magagawa ang aking tungkulin, hindi ko mararanasan ang mga salita ng Diyos, at kung hindi ko makakamit ang katotohanan, paano ako maliligtas ng Diyos? Sinasabi ng Diyos na ang paggawa sa tungkulin ng isang tao ang tanging paraan para maligtas, dahil sa paggawa niya ng tungkulin, may maraming pagkakataon para makamit ang katotohanan at may maraming sandali kung kailan matatanggap ng isang tao ang gawain at gabay ng Banal na Espiritu. Ang paghahangad sa katotohanan habang ginagawa ang tungkulin ng isang tao ay nagpapahintulot sa kanyang iwaksi ang kanyang tiwaling disposisyon at magkamit ng mas maraming pagkakataon para maperpekto ng Diyos. Ang pananampalataya sa Diyos at paggawa sa tungkulin ng isang tao ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang bagay na magagawa niya! Kinailangan kong pumili sa pagitan ng pamilya ko at ng pananalig ko. Kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, gusto kong gawin ang tungkulin ko. Pakiusap, buksan Mo ang isang landas para sa akin. Handa kong ialay sa Iyo nang buo ang aking sarili.”

Kalaunan, isa pang insidente ang nagpatatag sa aking determinasyong umalis ng bahay at gawin ang aking tungkulin. Isang araw, makalipas ang may dalawang linggo, umuwi ako sa bahay matapos ang isang pagtitipon at nagluluto ako nang lumapit sa likuran ko ang asawa ko at hinablot ang buhok ko, tinatanong ako, “Lumabas ka na naman ba para magtipon para sa pananalig mo sa Diyos?” Nang hindi ako sumagot, muli niyang hinablot nang malakas ang buhok ko, na nagdulot ng kirot sa anit ko. Sinabi ko, “Hangga’t may hininga ako, mananampalataya ako sa Diyos!” Galit na galit ang asawa ko at sumigaw, “Naniniwala ka bang papatayin kita ngayon?” Pagkatapos ay itinulak niya ako nang malakas, kumuha ng kutsilyo ng prutas mula sa paminggalan, ipinulupot ang kanan niyang braso sa leeg ko habang hawak ng kaliwa niyang kamay ang kutsilyo. Idiniin niya ang likod ng kutsilyo sa leeg ko at isinigaw, “Gusto talaga kitang patayin!” Sa desperasyon, dali-dali kong tinawag ang aking anak na babae, inuudyukan siyang tawagan ang lola niya. Sa puntong iyon, ibinagsak ng asawa ko ang kutsilyo sa hapag kainan. Ipinakita nitong lahat sa akin ang diwa ng asawa ko na pagkamuhi sa Diyos, at na handa talaga siyang patayin ako para pigilan akong manampalataya sa Diyos. Talagang isa siyang masamang tao at isang diyablo! Paano ka magkakaroon ng anumang kasiyahan sa pamumuhay kasama ng gayong diyablo? Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Walang ugnayan sa pagitan ng isang nananampalatayang esposo at ng isang walang pananampalatayang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga nananampalatayang anak at mga walang pananampalatayang magulang; ganap na hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, ang mga tao ay may pagmamahal sa laman at pamilya, ngunit sa sandaling pumasok sila sa pamamahinga, wala nang magiging anumang pagmamahal sa laman at pamilya. Yaong mga gumagawa ng kanilang tungkulin ay mga kaaway ng mga yaong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin; yaong mga nagmamahal sa Diyos at yaong mga napopoot sa Kanya ay magkasalungat sa isa’t isa. Yaong mga papasok sa pamamahinga at yaong mga mawawasak na ay dalawang di-magkaayong uri ng mga nilikha. Ang mga nilikha na tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magagawang makaligtas, habang yaong mga hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magiging mga pakay ng pagkawasak; higit pa rito, magtatagal ito hanggang sa kawalang-hanggan. Minamahal mo ba ang iyong esposo upang matupad ang tungkulin mo bilang isang nilikhang nilalang? Minamahal mo ba ang iyong esposa upang tuparin ang tungkulin mo bilang isang nilikhang nilalang? Masunurin ka ba sa mga walang pananampalatayang magulang upang tuparin ang tungkulin mo bilang isang nilikhang nilalang? Tama ba o mali ang pananaw ng tao hinggil sa paniniwala sa Diyos? Bakit ka naniniwala sa Diyos? Ano ang nais mong makamit? Paano mo minamahal ang Diyos? Yaong mga hindi makatupad sa kanilang mga tungkulin bilang mga nilikhang nilalang, at hindi makagawa ng sagarang pagsisikap, ay magiging mga pakay ng pagkawasak. May mga pisikal na ugnayang umiiral sa pagitan ng mga tao ng ngayon, gayundin ang mga pagkakaugnay sa dugo, ngunit sa hinaharap, babasagin ang lahat ng ito. Hindi magkatugma ang mga mananampalataya at ang mga walang pananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa. Yaong mga nasa pamamahinga ay maniniwala na may Diyos at magpapasakop sa Diyos, samantalang yaong mga mapaghimagsik laban sa Diyos ay pawang mawawasak. Hindi na iiral sa lupa ang mga pamilya; paano pa magkakaroon ng mga magulang o mga anak o mga ugnayan ng mag-asawa? Ang mismong hindi pagkakatugma ng paniniwala at di-paniniwala ay lubos na papatid sa gayong mga pisikal na ugnayan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Likas na hindi magkatugma ang mga mananampalataya at mga walang pananampalataya, at magkaibang-magkaiba ang mga landas na tinatahak nila. Hindi nanampalataya ang asawa ko sa Diyos at namumuhi pa nga siya sa Kanya; isa talaga siyang diyablo. Hindi nagdadala ng anumang kaligayahan ang mamuhay kasama niya, dahil hindi lang ako nagdurusa sa pag-uusig niya, kundi nahahadlangan din ako sa paghahangad ko sa katotohanan at paglago sa buhay. Hindi ko magawa ang tungkulin ko bilang isang nilikha, at sa huli, mapapahamak din ako katulad niya. Isang araw noong Hulyo 2016, nag-iwan ako ng sulat para sa asawa ko na nagsasabing, “Aalis na ako. Huwag mo na akong hanapin kailanman!” Sa sandaling lumabas ako ng pinto, nakaramdam ako ng paglaya sa aking puso, at nagpasya akong gagawin nang maayos ang tungkulin ko para mapalugod ang Diyos.

Sa lahat ng ito, ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananalig at lakas, ginagabayan ako sa bawat hakbang palabas mula sa madilim na impluwensiya ng pamilya ko, at binibigyang-daan ako na sundan ang Diyos at gawin ang tungkulin ko. Ang lahat ng ito ay resulta ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  59. Ano ang Nasa likod ng Pag-aatubiling Magbuhat ng Pasanin

Sumunod:  63. Matapos Magsakit Ang Bata Kong Anak na Lalaki

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger