60. Imposible bang Maligtas na May Mahinang Kakayahan?
Noong 2018, gumagawa ako sa graphics sa iglesia, pero dahil sa mahinang kakayahan ko, hindi ko magawa nang maayos ang tungkuling ito, kaya itinalaga ako sa ibang tungkulin. Kalaunan, lumahok ako sa pagsulat ng mga iskrip, at sa pagtatapos ng 2021, muli akong itinalaga sa ibang tungkulin dahil sa mahinang kakayahan ko at mababaw na karanasan ko sa buhay. Habang naghihintay na maisaayos ang isang bagong tungkulin para sa akin, nakita ko ang dalawang sister sa paligid ko na magkasunod na nabigyan ng mga tungkulin. Ang isa ay nahalal bilang lider ng iglesia, at ang isa naman ay itinalagang magdilig ng mga baguhan, at ako lang ang hindi nabigyan ng papel. Habang nakikita kong abala ang mga sister sa kanilang mga tungkulin, nakaramdam ako ng kaunting pagkabalisa. Inakala ko na ang paggawa sa graphics at pagsulat ng mga iskrip ay mga tungkuling ikinasisiya ko at mahusay ako, pero ngayong itinalaga ako sa ibang tungkulin dahil sa mahinang kakayahan ko, anong tungkulin pa ang magagawa ko ngayon? Pagdidilig ng mga baguhan? Hindi ko naunawaan ang katotohanan. Pangangaral ng ebanghelyo? Asiwa ako sa aking pananalita at hindi mahusay sa pakikipag-usap sa mga tao. Maaaring nakita ng mga lider ang mahinang kakayahan ko at hindi nila alam kung anong tungkulin ang isasaayos para sa akin. Habang papalapit sa pagtatapos ang gawain ng Diyos, wala akong magawang anumang tungkulin o maihandang anumang mabubuting gawa, kaya paano ako maililigtas? Habang iniisip ko ito, lalo akong hindi mapalagay.
Kalaunan, makalipas ang halos isang buwan, nagsaayos na sa wakas ang mga lider ng tungkulin para sa akin, itinalaga ako para gawin ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Naging napakasaya ko, iniisip na sa pagkakataong ito, tiyak na magsisikap ako para gawin nang maayos ang aking tungkulin. Pero sa pagsasagawa, napagtanto kong hindi ko kailanman maaarok ang mga prinsipyo. Makailang ulit kong pinag-aralan ang dokumento ng pag-aalis pero hindi ko pa rin alam kung paano ito tatasahin at kaklasipikahin. Minsan, nagbigay ang mga lider ng isang dokumento ng pag-aalis para suriin, at pagkatapos itong basahin ng lahat, isa-isa nilang ibinahagi ang kanilang mga opinyon, pero hindi ko man lang maalala ang lahat ng impormasyon sa dokumento, lalo na ang makapagbigay ng opinyon. Pakiramdam ko ay wala akong magawa at naging negatibo ako, iniisip na, “Bakit napakahina ng kakayahan ko? Mukhang hindi ko rin magagawa nang matagal ang tungkuling ito.” Nang hindi ko namamalayan, medyo nasiraan ako ng loob. Kalaunan, sa tuloy-tuloy na pagsasanay, sa wakas ay nagkaroon ako ng kaunting pag-usad. Noong panahong iyon, ilang sister na matagal nang gumagawa ng mga tungkulin nila sa aming pangkat ang itinalaga sa ibang mga tungkulin, at ang mga kapatid na kasisimula pa lang magsanay ay hindi pa pamilyar sa gawain, kaya pansamantala akong nahalal bilang lider ng pangkat. Nakaramdam ako ng matinding presyur, at natakot ako na kung hindi ko magagawa nang maayos ang trabaho ko, maaapektuhan nito ang mga resulta ng gawain at maitatalaga akong muli sa ibang tungkulin, at na makilala ako ng lahat bilang may mahinang kakayahan, at maaaring matiwalag anumang oras. Para magawa nang maayos ang trabaho, gumawa ako mula madaling-araw hanggang takipsilim, inoorganisa ang mga dokumento ng pag-aalis at sumasagot sa mga tanong ng mga kapatid. Bagaman masigasig akong nakipagtulungan, hindi ko pa rin nagawang asikasuhin ang lahat nang sabay-sabay. Bukod pa rito, nakatuon lang ako sa paggawa ng gawain nang hindi ibinubuod ang mga isyu, ni hindi ko pinangunahan ang lahat para pag-aralan ang mga prinsipyo, na nagresulta sa maling klasipikasyon ng ilang dokumento, na nagpaantala sa gawain ng pag-aalis. Hindi nagtagal, tinanggal ako. Bagaman ginagawa ko pa rin ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia, labis akong nalungkot, iniisip na, “Napakahina ng kakayahan ko na wala akong magawa nang maayos. Wala na talaga akong pag-asa! Maaari akong matiwalag anumang oras.” Nabuhay ako sa kalagayan ng pagtukoy sa sarili ko, ginagawa ang mga tungkulin ko sa isang nakagawiang paraan araw-araw. Nang nakita kong nahaharap sa mga paghihirap sa gawain nila ang mga nakatuwang kong sister, ayaw kong tumulong, iniisip na, “Anong mga problema ang kaya kong makilatis sa mahinang kakayahan ko? Kung may masabi akong mali, hindi ba’t lalo lang nitong mapatutunayan na mahina ang kakayahan ko?” Nagreklamo pa nga ako tungkol sa kung bakit binigyan ng Diyos ng mahusay na kakayahan ang iba, samantalang napakahina ng sa akin. Noong panahong iyon, pinaalalahanan ako ng mga kapatid na pagtuunan ang buhay pagpasok, at na magsulat ng mga artikulong patotoong batay sa karanasan kapag may oras ako, pero naisip ko, “Ang buhay pagpasok ay isang bagay na makakamit lang ng mga taong may mahusay na kakayahan. Sa mahinang kakayahan ko, ano pa ba ang magagawa ko bukod sa maglaan ng kaunting pagsisikap? Bahala na. Dahil inorden ng Diyos na mahina ang kakayahan ko, magpapasakop na lang ako at magsisikap nang kaunti sa iglesia.” Medyo sinukuan ko ang sarili ko. Kalaunan, napagtanto kong mali ang aking kalagayan, kaya nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, ayaw kong umabot sa punto na matitiwalag ako, gusto ko ring pagtuunan ang buhay pagpasok at hangarin ang katotohanan, pero sa mahina kong kakayahan, hindi ko man lang alam kung paano hahanapin ang katotohanan. O Diyos, pakiusap bigyang-liwanag at gabayan Mo ako para maitama ang kalagayang ito.”
Isang araw, habang iniisip ko ang aking mga isyu, bigla kong naalala ang isang linya mula sa isang awitin, “Kahit mahina ang kakayahan ko, mayroon akong tapat na puso.” Naalala kong detalyadong ibinahagi ng Diyos ang tungkol sa linyang ito, kaya kaagad kong hinanap at binasa ang sipi ng mga salita ng Diyos na ito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sinasabi ng susunod na linya ng awit, ‘Kahit mahina ang kakayahan ko, mayroon akong tapat na puso.’ Ang mga salitang ito ay napakatotoo pakinggan, at sinasabi ng mga ito ang isang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Anong hinihingi? Na kung kulang sa kakayahan ang mga tao, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo, pero dapat silang magtaglay ng tapat na puso, at kung mayroon sila noon, makatatanggap sila ng pagsang-ayon ng Diyos. Anuman ang iyong sitwasyon o pinagmulan, dapat kang maging matapat na tao, magsabi nang tapat, kumilos nang tapat, gumampan ng iyong tungkulin nang buong puso at isipan, maging tapat sa iyong tungkulin, hindi mag-shortcut, hindi maging tuso o mapanlinlang na tao, hindi magsinungaling o manlinlang, at hindi magpaligoy-ligoy sa pagsasalita. Kailangan mong kumilos ayon sa katotohanan at maging isang taong naghahangad sa katotohanan. Maraming tao ang nag-iisip na mababa ang kanilang kakayahan, at hindi nila kailanman maayos na nagagampanan ang kanilang tungkulin o naaabot ang pamantayan. Ibinubuhos nila ang lahat-lahat nila sa kanilang ginagawa, ngunit hindi nila kailanman maunawaan ang mga prinsipyo, at hindi pa rin sila makapagbunga ng napakagagandang resulta. Sa huli, ang nagagawa na lamang nila ay dumaing na sadyang napakababa ng kanilang kakayahan, at sila ay nagiging negatibo. Kaya, hindi na ba makasusulong kung mababa ang kakayahan ng isang tao? Ang pagkakaroon ng mababang kakayahan ay hindi isang nakamamatay na sakit, at hindi kailanman sinabi ng Diyos na hindi Niya ililigtas ang mga taong may mababang kakayahan. Tulad ng sinabi noon ng Diyos, nagdadalamhati Siya sa mga taong matatapat ngunit mangmang. Anong ibig sabihin ng pagiging mangmang? Sa maraming kaso, ang kamangmangan ay nagmumula sa pagiging mababa ang kakayahan. Kapag mababa ang kakayahan ng mga tao, may mababaw silang pagkaunawa sa katotohanan. Hindi ito sapat na partikular o praktikal, at kadalasang limitado ito sa isang paimbabaw o literal na pagkaunawa—limitado ito sa doktrina at mga regulasyon. Iyon ang dahilan kung kaya’t hindi nila makita nang malinaw ang maraming problema, at hindi kailanman maunawaan ang mga prinsipyo habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, o mahusay na magawa ang kanilang tungkulin. Ayaw ba ng Diyos, kung gayon, sa mga taong may mababang kakayahan? (Gusto Niya sila.) Anong landas at direksiyon ang itinuturo ng Diyos na tuntunin ng mga tao? (Na maging isang matapat na tao.)” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang mahinang kakayahan ay hindi isang nakamamatay na sakit, at na ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng matapat na puso na nagmamahal sa katotohanan. Maaaring hindi makapagkamit ang gayong mga tao ng napakagagandang resulta sa kanilang tungkulin dahil sa mga isyu sa kanilang kakayahan, pero nakaharap ang puso nila sa Diyos, at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para gampanan nang buong husay ang kanilang tungkulin. Sa ganitong paraan, malulugod ang Diyos. Naisip ko na kahit mahina ang kakayahan ko, hindi ako pinagkaitan ng iglesia ng pagkakataong gawin ang tungkulin ko, kundi sa halip ay itinalaga ako nito sa ibang tungkuling angkop sa akin batay sa kakayahan ko. Kinailangan kong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos, harapin ang tungkuling ito mula sa Diyos nang may matapat na puso, at gawin ang pinakamahusay ko sa bagay na kaya kong gawin. Pero hindi ako pumasok mula sa isang positibong perspektiba, dahil nang makita kong hindi kaagad nagsaayos ang mga lider ng tungkulin para sa akin, inakala ko na dahil ito sa sobrang hina ng kakayahan ko kaya hindi nila alam kung anong tungkulin ang isasaayos nila para sa akin. Dahil dito, ginugol ko ang mga araw ko sa pagkakalugmok sa pagiging negatibo at maling pagkaunawa, nag-aalala tungkol sa aking hinaharap at tadhana. Ang kakulangan ko ng kapabilidad sa gawain ang pumigil sa akin para magawa ang tungkulin ng isang lider ng pangkat, at ang pagtalaga sa akin ng mga lider sa ibang tungkulin ay pawang sa ikabubuti ng gawain ng iglesia, pero inakala ko na paraan ito ng Diyos para ibunyag ako, kaya sinukuan ko na lang ang aking sarili. Nang makita ko na ang mga nakatuwang kong sister ay naharap sa mga problemang hindi nila nauunawaan, hindi ko ginustong masangkot. Nang sinabihan ako ng mga kapatid na magsanay sa pagsulat ng mga artikulong patotoong batay sa karanasan, hindi ko rin ginustong makipagtulungan. Naramdaman ko na dahil sa aking kakayahan, gaano man ako magsikap, magiging puntirya pa rin ako ng pagtitiwalag sa hinaharap, kaya ayaw kong hangarin ang katotohanan at nakuntento na lang ako sa paglalaan ng kaunting pisikal na pagsisikap sa iglesia. Malayo ang pag-uugali ko sa wangis ng isang matapat na tao. Nang mapagtanto ko ito, nagsisi ako na mali ang naging pagkaunawa ko at na nagreklamo ako tungkol sa Diyos at ginusto kong makaalis sa maling kalagayang ito.
Isang araw, napanood ko ang isang video ng patotoong batay sa karanasan na pinamagatang Paano Malulutas ang Madalas na Pagiging Negatibong Dulot ng Mahinang Kakayahan at isang sipi ng mga salita ng Diyos na binanggit doon ang lubos na nakatulong sa akin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sinasabi Ko man na kayo ay paurong o may mahinang kakayahan, pawang totoo ang mga ito. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong talikuran kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang matatalikuran. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod sa kakayahang ito; kung sinasabi mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pag-aasikaso sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa kahuli-hulihan, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung makakamit niya ang mga iyon, sa gayon ay gagawin siyang perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghabol, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang-kibo sa bagay na iyan. Nasabi Ko na ang bawat tao ay may pagkakataong magawang perpekto at may kakayahang magawang perpekto, at ito ay totoo, ngunit hindi mo sinusubukang maging mas mahusay sa iyong paghahangad. Kung hindi mo nakakamit ang tatlong batayang ito, kung gayon sa katapusan, dapat kang itiwalag. Nais Ko na ang lahat ay makahabol, nais Ko na ang lahat ay magkaroon ng gawain at ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at magawang magpasakop hanggang sa pinakahuli, sapagkat ito ang tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa inyo. Kapag nagagampanan na ninyong lahat ang inyong tungkulin, lahat kayo ay magiging perpekto na, magkakaroon din kayo ng matunog na patotoo. Ang lahat niyaong mayroong patotoo ay yaong mga nagiging matagumpay laban kay Satanas at natatamo ang pangako ng Diyos, at sila ang mga mananatili upang manirahan sa kamangha-manghang hantungan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan). Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. May pagkakataon ang lahat na maligtas, at hangga’t taos-pusong naghahangad ang isang tao, hindi siya aabandonahin o ititiwalag ng Diyos dahil lang sa kanyang mahinang kakayahan. Humihingi ang Diyos sa bawat tao ayon sa kanilang kakayahan at tayog. Iyong may mahuhusay na kakayahan at kapabilidad sa gawain ay maaaring maging mga lider o superbisor, at dahil dito, mas mataas din ang mga hinihingi ng Diyos sa kanila, samantalang ang mga hinihingi Niya sa may mahihinang kakayahan ay ayon sa kanilang mga kapabilidad. Pero kumapit ako sa mga kuru-kuro at imahinasyon ko, iniisip na hindi inililigtas ng Diyos ang mga taong may mahinang kakayahan. Nang makita ko ang sarili kong paulit-ulit na itinatalaga sa ibang tungkulin, inakala kong ibinubunyag ako ng Diyos at tinatangka Niya akong pagkaitan ng karapatang gawin ang tungkulin ko, at ginagamit ito bilang pagkakataon para itiwalag ako. Maling pagkakaunawa ito sa Diyos, at mga sarili ko rin itong kuru-kuro at imahinasyon. Sa realidad, hindi ako pinigilan ng sambahayan ng Diyos na gumawa ng aking tungkulin dahil sa mahinang kakayahan ko, kundi ginamit ang mga pagtatalaga sa ibang tungkulin para pahintulutan akong gawin ang mga tungkulin ayon sa saklaw ng aking kakayahan. Sa katunayan, hangga’t taos-puso akong naghahangad, handang magsikap pataas, gawin ang tungkulin ko nang may katapatan sa aking kasalukuyang posisyon, at ginagawa ang lahat ng makakaya ko ayon sa kakayahan ko, matutugunan ko ang mga layunin ng Diyos. Gayumpaman, hindi ko inasikaso ang marapat kong trabaho, at hindi ko rin talaga isinaalang-alang ang puso ng Diyos. Ginugol ko ang mga araw ko sa pag-iisip sa kinabukasan at destinasyon ko, at hindi ako naging kapaki-pakinabang sa tungkulin ko. Kahit na naging mas mataas pa ang kakayahan ko, hindi ko pa rin makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos, at sa huli ay matitiwalag ako. Ang pag-unawa sa layunin ng Diyos ay nagdala ng kalinawan sa puso ko, at naisip ko, “Hindi na ako dapat magkaroon ng maling pagkaunawa at magreklamo tungkol sa Diyos. Kailangan kong tingnan nang tama ang aking kakayahan at maging tapat sa aking tungkulin. Kahit na isang araw maitalaga akong muli sa ibang tungkulin dahil sa mahinang kakayahan ko, dapat kong harapin ito nang tama at huwag magkaroon ng maling pagkaunawa o maging mapagbantay laban sa Diyos.”
Kalaunan, sa isa sa aking mga debosyonal, nakabasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa ugat ng palagian kong pagiging negatibo dahil sa mahinang kakayahan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Nananampalataya ang mga tao sa Diyos upang pagpalain, magantimpalaan, at makoronahan. Hindi ba’t umiiral ito sa puso ng lahat? Isang katunayan na umiiral nga ito. Bagama’t hindi ito madalas tinatalakay ng mga tao, at pinagtatakpan pa nga ang kanilang motibo at ninanais na magtamo ng mga pagpapala, ang paghahangad at motibong ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao ay kailanman ay hindi matinag-tinag. Gaano man karaming espirituwal na teorya ang nauunawaan ng mga tao, anumang kaalaman na batay sa karanasan ang mayroon sila, anumang tungkulin ang kaya nilang gampanan, gaano mang pagdurusa ang tinitiis nila, o gaano man ang halagang binabayaran nila, hinding-hindi nila binibitawan ang motibasyon para sa mga pagpapala na nakatago sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at laging tahimik na nagpapakapagod para dito. Hindi ba’t ito ang bagay na nakabaon sa pinakakaibuturan ng puso ng mga tao? Kung wala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala, ano ang mararamdaman ninyo? Sa anong saloobin ninyo gagampanan ang inyong tungkulin at susundan ang Diyos? Ano kaya ang mangyayari sa mga tao kung mawawala ang motibasyong ito na tumanggap ng mga pagpapala na nakatago sa kanilang puso? Posible na magiging negatibo ang maraming tao, samantalang ang ilan ay mawawalan ng gana sa kanilang mga tungkulin. Mawawalan sila ng interes sa kanilang pananampalataya sa Diyos, na para bang naglaho ang kanilang kaluluwa. Magmumukha silang inalisan ng kanilang puso. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Kong ang motibasyon para sa mga pagpapala ay isang bagay na nakatago sa kaibuturan ng puso ng mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Anim na Pahiwatig ng Paglago sa Buhay). “May isang kasabihan sa mga walang pananampalataya: ‘Walang libreng tanghalian.’ Tinataglay rin ng mga anticristo ang ganitong lohika, iniisip nila, ‘Kung gagawa ako para sa iyo, ano ang ibibigay mo sa akin bilang kapalit? Anong mga pakinabang ang matatamo ko?’ Paano bubuurin ang kalikasang ito? Inuudyukan ito ng mga pakinabang, inuuna ang pakinabang bago ang lahat, at pagiging makasarili at kasuklam-suklam. Ito ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Nananampalataya sila sa Diyos para lamang sa layon na makapagtamo ng pakinabang at mga pagpapala. Kahit na magtiis sila ng kaunting pagdurusa o magbayad ng kaunting halaga, ito ay pawang para makipagtawaran sa Diyos. Napakalaki ng kanilang intensiyon at pagnanais na magtamo ng mga pagpapala at gantimpala, at mahigpit nila itong pinanghahawakan. Wala silang tinatanggap na kahit ano sa maraming katotohanang ipinahayag ng Diyos, sa puso nila ay palagi nilang iniisip na ang pananampalataya sa Diyos ay pawang tungkol sa pagtatamo ng mga pagpapala at pagtitiyak ng isang magandang hantungan, na ito ang pinakamataas na prinsipyo, at na walang makakalampas dito. Iniisip nila na hindi dapat manampalataya ang mga tao sa Diyos maliban na lang para sa kapakanan ng pagkamit ng mga pagpapala, at na kung hindi dahil sa mga pagpapala, ang pananampalataya sa Diyos ay magiging walang kahulugan o halaga, na mawawalan ito ng kahulugan at halaga. Ikinintal ba ng ibang tao ang mga ideyang ito sa mga anticristo? Nagmumula ba ang mga ito sa edukasyon o impluwensiya ng iba? Hindi, itinatakda ang mga ito ng likas na kalikasang diwa ng mga anticristo, na isang bagay na walang sinuman ang makakabago. Sa kabila ng pagsasalita ngayon ng napakaraming salita ng Diyos na nagkatawang-tao, walang tinatanggap na kahit na ano sa mga ito ang mga anticristo, sa halip ay nilalabanan at kinokondena nila ang mga ito. Hindi kailanman magbabago ang kalikasan nila na tutol sa katotohanan at namumuhi rito. Kung hindi sila makakapagbago, ano ang ipinahihiwatig nito? Ipinahihiwatig nito na buktot ang kanilang kalikasan” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Ikalawang Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na ang tanging motibasyon ng mga anticristo ay ang pakinabang. Ang lahat ng ginagawa nila ay batay sa pansariling interes. Kahit pa tila nagsasakripisyo sila nang kaunti at naggugugol ng sarili nila, ito ay kapalit lang ng mga pagpapala at gantimpala mula sa Diyos, at kung hindi sila makatatanggap ng mga pagpapala, nagiging negatibo at lumalaban sila, at nakikipagtalo pa nga at nagpoprotesta laban sa Diyos. Lahat ng ginagawa ng mga anticristo ay para magkamit ng mga pagpapala at kapakinabangan. Hindi ba’t umaasal lang ako na parang isang anticristo? Nanampalataya ako sa Diyos para lang tumanggap ng mga pagpapala at kapakinabangan. Noong bago pa lang akong nananampalataya sa Diyos, napakamasigasig ko sa paggawa ng mga bagay para makamit ang mga pagpapala, isinara ko ang aking tindahan at iniwan ang aking pamilya, at hindi ko kailanman tinanggihan ang anumang tungkuling isinaayos ng iglesia para sa akin. Dahil ito sa pakiramdam ko na mas maraming tungkulin ang ginawa ko, mas maraming mabubuting gawa ang inihanda ko, mas malaki ang mga tsansa kong maligtas sa hinaharap. Pero nang maglaon, dahil sa mahina kong kakayahan, paulit-ulit akong itinalaga sa ibang tungkulin, at nagsimula akong mag-alala, iniisip na hindi ko magagawa nang maayos ang anumang tungkulin o makapaghahanda ng mabubuting gawa, at na maaaring hindi ako makatatanggap ng mga pagpapala sa hinaharap, kaya ako ay naging negatibo, tamad, at sinukuan ko ang sarili ko. Nakita ko na ang pananampalataya ko sa Diyos ay isa lang pagtatangkang makipagtransaksiyon sa Kanya. Talagang makasarili at kasuklam-suklam ako! Kakatalaga pa lang sa akin sa ibang tungkulin, at hindi ako pinagkaitan ng pagkakataong gawin ang mga tungkulin ko, pero nag-alala ako na baka hindi ako makatanggap ng mga pagpapala, kaya naging negatibo ako at nagsimulang magreklamo. Kung isang araw ay talagang sabihin ng Diyos na hindi Niya ako pagpapalain, tiyak na magpoprotesta ako laban sa Kanya. Naisip ko si Pablo. Ang gawain at paggugol niya ay para lang magkamit ng mga pagpapala at isang korona. Binalewala niya ang layunin ng Diyos at hindi naghangad ng pagbabago sa disposisyon, at sa huli, lantaran siyang nagpoprotesta laban sa Diyos at humingi ng mga gantimpala at korona, na sumalungat sa disposisyon ng Diyos at nagresulta sa kaparusahan. Sinusundan ko ang parehong landas ng kay Pablo, at kung hindi ko pinagtuunan ang paghahangad sa katotohanan at nilutas ang marurumi kong intensiyon ng paghahanap ng mga pagpapala, hindi ito magiging isang simpleng usapin tulad ng pagkakatanggal o pagtatalaga sa ibang tungkulin, kundi sa halip ay hahantong ito sa paglaban ko sa Diyos tulad ni Pablo, at matitiwalag ako. Ayaw kong magpatuloy sa maling landas na ito, kaya nanalangin ako sa Diyos, handang magsisi.
Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Pinagpapasyahan Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, dami ng pagdurusa, at lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong matanto na parurusahan ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos. Isa itong bagay na hindi mababago ng sinumang tao” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na sinusukat ng Diyos kung maliligtas ba ang isang tao hindi batay sa kakayahan nito, kundi kung pinagtutuunan ba nito ang paghahangad sa katotohanan sa proseso ng pagsunod sa Kanya, kung nilulutas ba nito ang iba’t iba nitong walang katotohanang mga kaisipan at pananaw at mga tiwaling disposisyon, at kung magiging kaayon ito sa Diyos. Gaano pa man kahusay ang kakayahan ng isang tao, kung hindi niya hinahangad ang katotohanan o hindi binabago ang kanyang disposisyon, sa huli ay ititiwalag siya. Bagaman may ilang taong may mahinang kakayahan, hangga’t may matapat silang puso at handang magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng bagay, sasang-ayunan sila ng Diyos. May mahusay o mahinang kakayahan man ang isang tao, kinakailangan ng lahat na maghangad sa katotohanan at pagtuunan ang pagbabago sa kanilang disposisyon. Hindi ang mga panlabas na kondisyon, pagsisikap, at paggugol ang makapagtatakda sa kalalabasan at destinasyon ng isang tao. Ang susi ay kung masusundan ng isang tao ang daan ng Diyos at maisasabuhay ang realidad ng Kanyang mga salita. Hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Nang nakita ko ang sarili ko na ilang ulit na itinalaga sa ibang mga tungkulin dahil sa mahina kong kakayahan, naisip ko na kahit gaano ako magsikap, mauuwi rin sa wala ang lahat dahil sa mahinang kakayahan ko, at sa huli ay matitiwalag din ako. Kaya naging negatibo at mapagbantay ako, at ibinunton ko pa nga ang pagkadismaya ko sa aking mga tungkulin. Hindi ko hinangad ang katotohanan at hinanap lang ang mga pagpapala, at hindi talaga nagbago ang tiwali kong disposisyon. Ni hindi man lang ako makapagpasakop sa isang simpleng pagtatalaga sa akin sa ibang mga tungkulin, kaya paano ako magsasalita tungkol sa pagkakaligtas? Kung magpapatuloy nang ganito ang mga bagay-bagay, hindi ito dahil sa gusto akong itiwalag ng Diyos, kundi dahil sa mga sarili kong kuru-kuro at imahinasyon, kasama ng aking ambisyon at pagnanais para sa mga pagpapala, na magdadala sa akin sa aking kapahamakan at pagkakatiwalag. Nakita ko na ang hindi pagtingin sa mga usapin ayon sa mga salita ng Diyos ay tunay na sumisira sa pananampalataya ng isang tao.
Isang araw, nabasa ko ang sipi ng mga salita ng Diyos, na lalong nagbigay-linaw sa aking puso. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bakit paunang itinadhana ng Diyos na magkaroon ang mga tao ng lahat ng uri ng mga kakayahan? Bakit hindi binibigyan ng Diyos ang mga tao ng perpektong kakayahan? Ilang aspekto na ba ang napagbahaginan natin tungkol sa kung ano ang mga layunin ng Diyos sa usaping ito at kung paano ito dapat harapin nang tama ng mga tao? Ibuod natin ang mga ito. Ang unang aspekto ay ang tanggapin ito mula sa Diyos. Ito ang pinakabatayang kaisipan at pananaw na dapat taglayin ng mga tao. Ang pangalawang aspekto ay ang kilalanin at suriin kung ano ang iyong kakayahan, at kumilos at gawin ang iyong tungkulin batay sa iyong kakayahan at abilidad. Huwag subukang gumawa ng mga bagay na lampas sa iyong kakayahan at abilidad. Kung ano ang kaya mong gawin, gawin ito nang maingat at sa isang praktikal na paraan, at gawin ito nang maayos. Kung ano ang hindi mo kayang gawin, huwag pilitin ang iyong sarili. Ano ang ikatlong aspekto? (Hindi natin dapat palaging hilingin na baguhin ang ating kakayahan. Kahit na ang ating kakayahan ay katamtaman, mahina, o hindi umiiral, dapat natin itong harapin nang tama. Hindi natin dapat palaging hilingin na patunayan ang sarili natin sa Diyos na mahusay ang kakayahan natin. Hindi ito naaangkop.) Tama iyan. Harapin nang tama ang iyong kakayahan. Huwag magreklamo. Gaano man karami ang ibinigay ng Diyos sa iyo, iyon ang hihingin Niya sa iyo. Kung ano ang hindi ibinigay ng Diyos sa iyo, hindi iyon hihingin ng Diyos sa iyo. Halimbawa, kung binigyan ka ng Diyos ng katamtamang kakayahan o mahinang kakayahan, hindi Niya hinihingi sa iyo na maging isang lider, ulo ng pangkat, o superbisor. Gayumpaman, kung binigyan ka ng Diyos ng husay sa pagsasalita, ng abilidad na ipahayag ang iyong sarili, o ng isang partikular na kaloob, at hinihingi sa iyo na gumawa ng gawain na nauugnay sa kaloob na ito, dapat mo itong gawin nang maayos. Huwag mong biguin ang mga kondisyong ibinigay ng Diyos sa iyo. Dapat kang maging karapat-dapat sa pagkakaloob ng Diyos, nang ganap itong ginagamit at inilalapat ito nang maayos, inilalapat ito sa mga positibong bagay at naglalabas ng mahahalagang resulta ng gawain na kapaki-pakinabang sa sangkatauhan. Magiging napakahusay niyon, hindi ba? (Oo.) Dagdag pa rito, dapat mong malaman na ang Diyos ay may mabubuting layunin sa pagbibigay sa mga tao ng iba’t ibang kakayahan. Dahil mismo gusto kang iligtas ng Diyos, hindi ka Niya binigyan ng labis-labis na mahusay na kakayahan. Naglalaman ito ng masidhing layunin ng Diyos. Ang pagbibigay sa iyo ng Diyos ng katamtaman o mahinang kakayahan ay isang proteksyon para sa iyo. Kung ang mga tao ay may sobra-sobrang mahusay o ekstraordinaryong kakayahan, magiging madali para sa kanila na sumunod sa mundo at kay Satanas, at hindi sila madaling mananampalataya sa Diyos. Tingnan ang mga namumukod-tangi sa iba’t ibang industriya at larangan sa mundo—anong uri sila ng mga tao? Lahat sila ay mga tusong tagapagpakana, mga demonyong hari na mapanggulo. Kung sasabihin mo sa kanila na manampalataya sa Diyos, iniisip nila na, ‘Walang kahahantungan ang pananampalataya sa Diyos—tanging ang mga taong walang kapabilidad ang nananampalataya sa Diyos!’ Ang mga taong may labis-labis na mahusay na kakayahan, magagaling na kapabilidad, at mga pinahusay na taktika ang nakukuha ni Satanas. Namumuhay sila nang ganap na ayon sa kanilang mga tiwaling disposisyon at ganap na para sa mundo. Ang gayong mga tao ay pawang mga diyablong nagkatawang-tao. Sabihin ninyo sa Akin, inililigtas ba ng Diyos ang gayong mga tao? (Hindi.) Kaya, handa ba kayong maging isang demonyong hari na mapanggulo, o handa ba kayong maging mga ordinaryong tao, mga taong may mahinang kakayahan pero kayang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos? (Handa kaming maging mga ordinaryong tao.) … Kung pipiliin mong maging payak at ordinaryong tao na may katamtamang kakayahan, na pinipili na huwag magtamasa ng isang magandang materyal na buhay sa buhay na ito, ayaw maging prominente, hindi napapansin sa mundong ito, at minamaliit ng lahat, pinipili na maging ganitong uri ng tao at pahalagahan o makamit ang pagkakataon para sa kaligtasan na ibinibigay ng Diyos sa mga tao—kung ito ang pinipili mo, kung pipiliin mong maligtas at pipiliin mong hindi sumunod sa mundong ito, at sa puso mo ay ayaw mong mapabilang sa mundong ito kundi gusto mong mapabilang sa Diyos, kung gayon, hindi mo dapat hamakin ang kakayahang ibinigay ng Diyos sa iyo. Kahit na napakahina ng iyong kakayahan o hindi ka binigyan ng Diyos ng anumang kakayahan, dapat masaya mo pa ring tanggapin ang katunayang ito at, nang may mga likas na kondisyon ng iba’t ibang abilidad na ibinigay ng Diyos sa iyo, tuparin ang tungkulin ng isang nilikha. Ang isa pang aspekto ay na kahit na ang kakayahang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay hindi masyadong mahusay—ang kakayahan lang ng mga ordinaryong tao—at ang mga abilidad na ibinibigay Niya sa kanila sa lahat ng aspekto ay katamtaman o mahina pa nga, ang mga pinakabatayang katotohanan na dapat isagawa ng mga tao na itinuturo ng Diyos sa mga tao ay maaari pa ring makamit at matamo kung handa silang isapuso ang pagsasagawa sa mga ito. Kahit na napakahina ng kakayahan mo, at ang iyong abilidad na makaarok, abilidad na tumanggap ng mga bagay, abilidad na gumawa ng mga paghusga, at abilidad na tumukoy ng mga bagay ay napakahina o hindi man lang umiiral, hangga’t tinataglay mo ang pinakabatayang pagkatao at katwiran, ang mga gampanin at trabahong ipinagkakatiwala ng Diyos sa iyo ay maaaring makompleto at magawa nang maayos. Dagdag pa rito, ang pinakabatayang paraan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, na hinihingi ng Diyos sa mga tao, ay isang bagay na kaya mong sundin; isa itong bagay na kaya mong matamo at makamit. Samakatwid, hindi kailanman nilayon ng Diyos na bigyan ka ng napakahusay na kakayahan. Kung binigyan ka ng Diyos ng mahusay na kakayahan at ng ilang espesyal na abilidad, na binibigyang-kakayahan ka na maging isang demonyong hari na mapanggulo sa mundo, hindi ka ililigtas ng Diyos. Kaya na ba ninyong maunawaan ngayon ang puso ng Diyos tungkol sa usaping ito? (Oo.) Kung kaya ninyong maunawaan ang puso ng Diyos, mabuti iyon; mauunawaan ninyo ang katotohanang ito at mahaharap ninyo nang tama ang sarili ninyong kakayahan; wala nang magiging mga paghihirap sa aspektong ito. Mula ngayon, dapat gawin lang ng mga tao ang nararapat nilang gawin. Kahit na isang trabaho lang ito, isapuso at pagsikapan mo na gawin ito nang maayos at huwag mong biguin ang mga inaasahan ng Diyos sa iyo” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na ang kakayahan ng bawat tao ay inorden ng Diyos. Mahusay man o mahina ang kakayahan ng isang tao, ang lahat ng ito ay may mabuting layunin ng Diyos. Maging ang pagkakaroon ng mahinang kakayahan ay proteksiyon ng Diyos sa isang tao. Totoo nga ito. Mayroon akong mapagmataas na disposisyon, at kapag nakakukuha ako ng kaunting resulta sa aking mga tungkulin, nagiging mayabang ako, pakiramdam ko ay mas magaling ako kaysa sa iba, at hinahamak ko pa nga ang iba, nais kong hangaan ako ng mga tao. Gaya ng idinidikta ng kalikasan ko, kung nagkaroon sana ako ng mahusay na kakayahan, baka nauwi ako sa pagtahak sa landas ng isang anticristo. Bagaman ang kakayahan at mga kapabilidad ko sa gawain ay hindi kasinghusay tulad ng sa mga nakatuwang kong sister, naaasikaso ko pa rin ang pag-oorganisa ng mga materyal ng pag-aalis, kaya dapat kong gawin ang aking makakaya ayon sa mga hinihingi ng Diyos— iorganisa ang mga materyal ng pag-aalis ayon sa mga prinsipyo, at gamitin ang ipinagkaloob sa akin ng Diyos para mapalugod Siya.
Kalaunan, nakatanggap ako ng liham mula sa mga lider, na nagsasabing may isang tungkuling kailangang agarang punan ng isang tao sa isang iglesia sa ibang rehiyon, at na gusto nilang isaayos ang pagpunta ko roon. Pagkabasa ko ng liham, kapwa natuwa at nag-alala ako. Natuwa ako dahil ang paggawa sa tungkuling ito ang magpapahintulot sa aking magsanay pa at magiging kapaki-pakinabang ito para sa aking buhay pagpasok, pero nag-alala ako, “Sa kakayahan kong ito, kakayanin ko bang gawin ito? Paano kung hindi ko ito kayanin pangasiwaan at mauwi na naman ito sa pagtatalaga sa akin sa ibang tungkulin?” Napagtanto kong nag-aalala na naman ako tungkol sa aking kinabukasan at destinasyon, kaya nanalangin ako sa Diyos, handang maghimagsik laban sa aking sarili at tingnan ang mga bagay ayon sa Kanyang mga salita. Nabasa ko ang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag kaya ng mga tao na makatwirang harapin ang sarili nilang kakayahan at pagkatapos ay tumpak na tukuyin ang kanilang sariling posisyon, nakakamit nila ang kaluguran ng Diyos sa pamamagitan ng pagkilos bilang mga nilikhang gusto Niya sa isang praktikal na paraan, paggawa nang wasto sa dapat nilang gawin batay sa kanilang likas na kakayahan, at paglalaan ng kanilang katapatan at buong pagsisikap” (Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (7)). Pagkabasa ko sa mga salita ng Diyos, nakaramdam ako ng paglaya sa aking puso. Hindi ko na kayang patuloy na mag-alala at magplano tungkol sa aking hinaharap. Mula noon, dapat ay nakatuon na lang ako sa paggawa ng mga tungkulin ko nang may katapatan, at sa mga bagay na hindi ko nauunawaan o hindi ko alam kung paano gawin, dapat akong mas manalangin pa sa Diyos at humingi ng tulong sa mga kapatid. Kung isang araw ay hindi ko na talaga makayang tugunan ang mga hinihingi dahil sa aking mahinang kakayahan at maitalaga muli sa ibang tungkulin, handa akong magpasakop. Sa pag-iisip na ito, tinanggap ko ang tungkuling ito.
Bagaman marami pa ring pagkukulang at kahinaan sa aking mga tungkulin, at maraming aspektong bigo akong isaalang-alang, hindi na ako nalilimitahan ng aking mahinang kakayahan, at nakararamdam ako ng lubos na kapanatagan habang ginagawa ang mga tungkulin ko. Naranasan ko talaga na tanging sa pagtingin sa mga tao at bagay, at pag-asal at pagkilos nang naaayon sa mga salita ng Diyos at sa katotohanan, ay makakamit ng isang tao ang paglaya at kalayaan. Kaunti pa lang ang karanasan kong ito sa ngayon, at kailangan ko pa ring magsagawa at magdanas pa ng mga salita ng Diyos.