64. Paano Makawala sa mga Nakakapigil na Emosyon

Ni Tong Ling, Tsina

Noong Setyembre 2023, responsable ako sa gawain ng pagdidilig ng ilang iglesia. Pagkalipas ng ilang panahon, mas maraming tao ang tumanggap sa bagong gawain ng Diyos, kaya naman nangailangan ng mas marami pang tagadilig ang mga iglesiang ito. Araw-araw, dagdag pa sa pagdidilig sa mga baguhan, kailangan ko ring linangin ang mga bagong napiling tagadilig. Dahil lahat sila ay kakasimula pa lang magsanay, kailangan ko silang praktikal na turuan sa bawat aspekto, at bigyan ng detalyadong pagbabahagi. Sa umaga, lumalabas ako para magdilig sa mga baguhan, at sa gabi naman, kailangan kong makipagbahaginan tungkol sa mga isyu at suliraning kinakaharap ng mga tagadilig. Minsan, umaabot ng ilang oras ang pakikipagbahaginan tungkol sa iisang isyu, at kung minsan, kapag masasama ang kalagayan nila, kailangan kong maghanap ng mga salita ng Diyos para ibahagi at lutasin ang mga isyu nila, kaya, madalas akong mapuyat. Sa paglipas ng panahon, naramdaman kong malaking abala pala ang maglinang ng mga tao. Napapagod ako rito nang husto, hindi lang ang katawan ko, kundi pati na rin ang isipan ko. Simula nang maglinang ako ng mga tagadilig, hindi na balanse ang trabaho at pahinga ko. Minsan, gusto kong sabihin sa kanila na iwan akong mag-isa, pero nag-alala ako na baka makaramdam sila ng pagkapigil dahil dito, kaya hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko. Noong panahong iyon, talamak ang pang-aaresto ng CCP sa mga mananampalataya, at natakot at naging negatibo ang mga baguhan sa ilalim ng pangangalaga ng tagadilig na si Tian Yun. Kinailangan kong makipag-usap kay Tian Yun halos araw-araw tungkol sa mga isyu ng mga baguhan at palagi akong kinakabahan. Sumulat sa akin ang lider ng pangkat para hingin sa akin na bumuo ng plano, tinatantiya kung gaano katagal kailangang linangin ang mga tagadilig bago sila makapagdilig ng mga baguhan nang mag-isa. Habang tinitingnan ko ang lahat ng suliranin sa gawain, at ang maraming liham tungkol sa pinapasubaybay na gawain, hindi ko na kinaya pa. Naisip ko, “Higit na mas magaan noong nagdidilig lang ako ng mga baguhan dati. Bagaman maraming baguhan ang kailangang diligan, kahit papaano ay may libreng oras ako, at kung minsan ay nakakapagkuwentuhan pa ako sa mga host sister. Simula nang maglinang ako ng mga tagadilig, hindi na ako nakakakatulog nang maaga sa gabi at kinakailangan kong gumising nang maaga. Nasira ang balanse ng trabaho at pahinga ko, at kinailangan kong gumugol ng labis na mental at pisikal na pagsisikap. Kailan matatapos ang mga araw na ito? Kung magpapatuloy ito, hindi ba’t tuluyang bibigay ang katawan ko? Siguro kailangan kong kausapin ang lider at sabihin sa kanya na hindi ko kayang gawin ang tungkuling ito at hilingin na bumalik ako sa isang gampanin lang?” Pero naisip ko, “Bagong pili ang lahat ng tagadilig sa mga iglesiang ito, at hindi pa nila naaarok ang mga prinsipyo ng pagdidilig sa mga baguhan. Kung magbibitiw ako ngayon, hindi ba’t tinatalikuran ko na ang tungkulin ko at ipinagkakanulo ko ang Diyos?” Nang maisip ko ito, hindi ako nangahas na magbitiw, pero hindi ko inilaan ang sarili ko sa gawain ng paglilinang gaya ng dati. Halimbawa, sa paglilinang kay Tian Yun, alam kong kakasimula pa lang niyang magsanay, at pinakamainam ang direkta siyang gabayan sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan tungkol sa mga isyu at suliranin sa mga baguhan, pero ayaw kong magsikap nang husto, kaya sinuri ko na lang ang mga kalagayan ng mga baguhan kasama siya, tinulungan siyang maghanap ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos, at hinayaan siyang magbahagi at lumutas sa mga isyu nang mag-isa. Minsan, malinaw kong nakikita na nasa masasamang kalagayan ang ilang tagadilig, pero nagbubulag-bulagan ako, iniisip na, “Abala na nga ako sa pagdidilig sa mga baguhan. Kung magtatanong ako tungkol sa mga kalagayan ninyo, tiyak na masasabak ako sa sangkaterba pang problema, at kakailanganin kong magdala ng gayong pasanin sa isipan at makipagbahaginan para lutasin ang mga isyung ito. Sobrang nakakapagod sa utak iyon!” Kaya, binabalewala ko na lang ang mga bagay na ito. May mga tanong sa akin ang ilang tagadilig at hindi ako nakikipagbahaginan sa kanila nang kasing-aktibo gaya ng dati, at hinahayaan ko na lang silang mag-isa na magdasal sa Diyos at umasa sa Diyos para maghanap ng mga solusyon. Makalipas ang ilang panahon, nasadlak sa masasamang kalagayan ang ilang tagadilig dahil sa kawalan nila ng kakayahang lutasin ang mga isyu ng mga baguhan, at nalulugmok sila sa mga suliranin nila. Nang makita ko na napakaraming isyung dapat lutasin, talagang napigilan at nasaktan ako, at palagi kong gustong takasan ang kapaligirang ito.

Isang araw, nabalitaan ko na itinalaga sa ibang tungkulin si Sister Lu Mei dahil sa mahinang kakayahan, at na nabawasan ang bigat ng gawain niya. Naisip ko, “Kung makakagawa rin ako ng mas magaan na tungkulin, hindi ko na kailangang mag-alala nang husto o magtiis ng labis na pagdurusa.” Nang sandaling iyon, bigla kong napagtanto na mali ang kalagayan ko, at naisip ko, “Hindi ba’t ipinagkakanulo ko ang Diyos dahil palagi kong nais na talikuran ang tungkulin ko?” Nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, napakabuktot ng mga iniisip ko. Itinaas Mo ako para gawin ang gayong napakahalagang tungkulin, pero wala akong pasasalamat at naiinggit ako sa sister na itinalaga sa ibang tungkulin. Hindi ko talaga alam kung ano ang makakabuti para sa akin! O Diyos, Ginagawa ko ang tungkulin ko nang labag sa loob, palaging nakakaramdam ng sobrang pagod sa katawan at pag-iisip. Alam kong mali ang kalagayang ito, pero hindi ko pa rin alam kung paano ito lutasin. Pakiusap, gabayan Mo ako palabas sa kalagayang ito.” Pagkatapos niyon, kinausap ko ang lider tungkol sa kalagayan ko. Nakahanap siya ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin, at nag-iwan ng malalim na impresyon sa akin ang ilan sa mga salitang ito: “Nariyan din kapag palaging nagrereklamo ang mga tao tungkol sa mga paghihirap habang ginagawa ang tungkulin nila, kapag ayaw nilang gumugol ng anumang pagsisikap, kapag, sa sandaling magkaroon sila ng kaunting libreng oras ay nagpapahinga sila, nakikipagdaldalan, o nakikisali sa paglilibang at pagsasaya. At kapag dumarami na ang gawain at nasisira nito ang takbo at nakagawian nila sa mga buhay nila, hindi sila nasisiyahan at nakokontento rito. Nagmamaktol at nagrereklamo sila, at nagiging pabasta-basta sila sa paggawa ng kanilang tungkulin. Pag-iimbot ito sa mga kaginhawahan ng laman, hindi ba?(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (2)). Ang inilantad ng mga salita ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Noong una, noong nagdidilig ako ng mga baguhan, magaan lang ang trabaho at hindi gaanong nakakapagod sa katawan, kaya handa akong makipagtulungan. Pero habang dumarami ang trabaho, at kinailangan ko na ring maglinang ng mga tagadilig at lutasin ang mga isyu nila sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan, pakiramdam ko ay nagdurusa ang katawan ko, kaya hindi ako masaya, umangal at nagreklamo ako, at ginusto ko pa ngang talikuran ang tungkulin ko. Hindi ba’t ang mga ito ay mga pagpapamalas lang ng pag-iimbot ko para sa pisikal na kaginhawahan?

Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na ganap na tumugma sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung palaging naghahanap ng pisikal na kaginhawahan at kasiyahan ang mga tao, kung palagi silang naghahangad ng pisikal na kasiyahan at kaginhawahan, at ayaw nilang magdusa, maging ang katiting na pisikal na pagdurusa, ang pagdurusa nang medyo higit sa iba, o ang pagkaramdam na nagtrabaho sila nang mas mabigat kaysa karaniwan, ay magpaparamdam sa kanila ng pagkapigil. Isa ito sa mga sanhi ng pagkapigil. Kung hindi ituturing ng mga tao ang kaunting pisikal na pagdurusa bilang isang malaking bagay, at hindi sila maghahangad ng pisikal na kaginhawahan, sa halip ay hahangarin nila ang katotohanan at gugustuhing tuparin ang kanilang mga tungkulin upang mapalugod ang Diyos, kadalasan ay hindi sila makadarama ng pisikal na pagdurusa. Kahit pa paminsan-minsan ay mararamdaman nilang medyo abala, pagod, o patang-pata sila, pagkatapos nilang matulog ay magigising sila na mas magaan ang pakiramdam, at pagkatapos ay magpapatuloy sila sa kanilang gawain. Magtutuon sila sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang gawain; hindi nila ituturing ang kaunting pisikal na pagkapagod na malaking isyu. Subalit, kapag umuusbong ang isang problema sa pag-iisip ng mga tao at palagi silang naghahangad ng pisikal na kaginhawahan, anumang oras na medyo maagrabyado o hindi makuntento ang kanilang katawan ay uusbong ang ilang negatibong emosyon sa kanila. Kaya, bakit laging nakukulong sa negatibong emosyong ito na pagkapigil ang ganitong uri ng tao, na palaging gustong gawin ang gusto niya at bigyang-layaw ang kanyang laman at magpakasaya sa buhay, sa tuwing hindi siya kontento? (Ito ay dahil naghahangad siya ng kaginhawahan at pisikal na kasiyahan.) Totoo iyan sa ilang tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng mas malinaw na pagkaunawa sa kalagayan ko. Palagi akong napipigilan at nasasaktan dahil patuloy kong hinahangad ang pisikal na kaginhawahan at kasiyahan, at ayaw kong magdusa ang katawan ko kahit kaunti. Mali ang direksyon at mga layon ng paghahangad ko. Kung ang layon ng paghahangad ko ay ang gawin nang maayos ang tungkulin ko para mapalugod ang Diyos, at itinuring ko ang tungkulin ko bilang responsabilidad at obligasyon ko, kung gayon, magiging handa sana akong magtiis ng anumang pagdurusa para gawin nang maayos ang tungkulin ko, at hindi sana ako mapipigilan dahil lang sa kaunting pagdurusa. Noong magaan pa ang trabaho at kaunti lang ang pisikal na pagdurusa, kaya ko pang magpasakop, pero nang dumami ang trabaho at kinailangan kong magpigil sa laman ko, nakaramdam ako ng sobrang pagod sa katawan at pag-iisip, na para bang dinadaganan ako ng isang bundok. Nagreklamo ako na masyadong nakakapagod at puno ng pasakit ang tungkuling ito, at itinuring ko ito nang pabasta-basta at iresponsable. Inasam ko pa nga na maitalaga ako sa isang mas magaang tungkulin, at palagi kong ninanais na hindi ko kakailanganing dumaan sa labis na pisikal na pagdurusa, at na makakagawa ako ng madaling tungkulin at maililigtas pa rin ng Diyos sa huli. Hindi ba’t nangangarap lang ako nang gising?

Kalaunan, naisip ko: “Napakaraming taon ko nang nananampalataya sa Diyos at palagi kong ginagawa ang tungkulin ko sa iglesia, kaya, bakit kapag nahaharap ako sa ilang suliranin at kaunting presyur sa tungkulin ko, napipigilan ako at naiisip ko pang talikuran ang tungkulin ko?” Nabasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Upang maabot ang pagkaunawa sa mga kalikasan, bukod sa pagtuklas sa mga bagay na kinagigiliwan ng mga tao sa kanilang mga kalikasan, kailangan ding tuklasin ang ilan sa mga pinakamahalagang aspektong may kinalaman sa kanilang kalikasan. Halimbawa, ang mga pananaw ng mga tao sa mga bagay-bagay, ang mga pamamaraan at mga layon ng mga tao sa buhay, ang mga pinahahalagahan ng mga tao sa buhay at pananaw sa buhay, pati na rin ang mga palagay at ideya nila sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa katotohanan. Lahat ng ito ay umiiral sa kaibuturan ng kaluluwa ng mga tao at may direktang kaugnayan ang mga ito sa pagbabago ng disposisyon. Ano, kung gayon, ang pananaw sa buhay ng tiwaling sangkatauhan? Masasabi na ito iyon: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang sarili; sa deretsahang salita, nabubuhay sila para sa laman. Nabubuhay sila para lamang kumain. Paano naiiba ang pag-iral na ito sa pag-iral ng mga hayop? Walang anumang halaga sa pamumuhay nang ganito, at lalong wala itong anumang kabuluhan. Ang pananaw sa buhay ng isang tao ay tungkol sa kung saan ka umaasa para mabuhay sa mundo, para saan ka nabubuhay, at paano ka namumuhay—at ang lahat ng ito ay mga bagay na may kinalaman sa diwa ng kalikasan ng tao. Sa pamamagitan ng paghihimay sa kalikasan mga tao, makikita mo na lahat ng tao ay lumalaban sa Diyos. Mga diyablo silang lahat at walang totoong mabuting tao(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao). “Ang laman ng tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay ang mapinsala ang kanyang buhay—at kapag ito nga ay ganap na nagtagumpay, mawawala ang iyong buhay. Ang laman ay kay Satanas. Palaging may maluluhong pagnanais sa loob nito, palagi itong nag-iisip para sa sarili nito, at palagi itong nagnanais ng kapanatagan at gustong magpakasasa sa kaginhawahan, na walang pagkabalisa at pakiramdam ng pag-aapura, nalulugmok sa katamaran, at kung tutugunan mo ito hanggang sa isang partikular na punto, sa huli ay lalamunin ka nito. Na ang ibig sabihin, kung bibigyang-kasiyahan ninyo ito ngayon, hihilingin nito sa iyo na palugurin uli ito sa susunod. Lagi itong may maluluhong pagnanasa at mga bagong kahilingan, at sinasamantala ang iyong pagkabuyo sa laman upang gawin kang mas pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito kailanman malalampasan, sisirain mo ang iyong sarili sa huli. Kung makakapagkamit ka ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano ang iyong kalalabasan sa huli, ay nakasalalay sa kung paano mo isinasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at ikaw ay hinirang at itinalaga, ngunit kung ngayon ay ayaw mo Siyang bigyang-kasiyahan, ayaw mong isagawa ang katotohanan, ayaw mong maghimagsik laban sa iyong sariling laman nang may tunay na mapagmahal-sa-Diyos na puso, sa huli ay ipapahamak mo ang iyong sarili, at sa gayon ay magtitiis ka ng matinding sakit. Kung lagi mong pinagbibigyan ang laman, dahan-dahan kang lulunukin ni Satanas, at iiwan kang walang buhay, o haplos ng Espiritu, hanggang dumating ang araw na ganap nang madilim ang kalooban mo. Kapag nabubuhay ka sa kadiliman, bibihagin ka ni Satanas, hindi mo na taglay ang Diyos sa puso mo, at sa panahong iyon ay ikakaila mo ang pag-iral ng Diyos at iiwanan Siya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa ugat at malulubhang kahihinatnan ng pag-iimbot ng kaginhawahan at kagaanan. Namuhay ako ayon sa mga nakalilinlang na ideya at pananaw tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Ang buhay ay tungkol lamang sa pagkain at pananamit,” at “Tratuhin mo nang maayos ang iyong sarili, at magalak sa iyong buhay.” Ayaw kong magtiis ng kahit kaunting pagdurusa sa tungkulin ko, at pinlano at isinaalang-alang ko ang lahat ng bagay nang isinasaisip ang pisikal kong kaginhawahan. Isinaayos ng iglesia na magdilig ako ng mga baguhan at maglinang ng mga tagadilig. Ito ang responsabilidad ko. Pero palagi kong nararamdaman na sobrang nakakapagod ang tungkulin ko at na nagdulot ito sa akin ng mga kawalan, kaya ginagawa ko ito nang pabasta-basta. Kahit na nakakakita ako ng ilang tagadilig na may masasamang kalagayan, hindi ako nakikipagbahaginan sa kanila para lutasin ang mga kalagayan nila. Natatakot ang ilang baguhan na maaresto, kaya naging negatibo at mahina sila, at si Tian Yun, na kakasimula lang magsanay, ay hindi makapagbahaginan tungkol sa katotohanan nang malinaw. Dapat sana ay ginabayan ko siya para kasamang suportahan ang mga baguhan, pero nag-imbot ako ng pisikal na kaginhawahan at hindi ko aktuwal na ginabayan si Tian Yun para makipagbahaginan sa mga baguhan, kaya hindi pa rin nalulutas ang mga isyu ng mga baguhan, at nalulugmok si Tian Yun sa mga suliranin. Hindi lang nito napinsala ang buhay ng mga baguhan, kundi naantala rin nito ang paglilinang sa mga tagadilig, at samantala, namuhay ako sa kadiliman at hindi matiis na pasakit, halos tinatalikuran na ang tungkulin ko at ipinagkakanulo ang Diyos. Noon ko lang nakita kung gaano kalubha ang mga kahihinatnan ng pag-iimbot sa kaginhawahan. Kung hindi ako magbabago, mapapahamak ako sa huli. Nilinang ako ng sambahayan ng Diyos sa loob ng napakaraming taon, pero ngayong maraming baguhan sa iglesia ang nangangailangan ng pagdidilig, hindi ko iniisip kung paano magbayad ng halaga para madiligan nang maayos ang mga baguhan at malinang ang mga tagadilig. Sa halip, iniiwasan ko ang mahirap na gawain, at sa mga kritikal na sandali, umaatras ako sa harap ng paghihirap at nagiging tamad pa ako. Tunay akong makasarili at kasuklam-suklam! Kasabay nito, naunawaan ko rin na isinaayos ng Diyos ang kapaligirang ito hindi para sadyang pahirapan ako, kundi para gamitin ito upang ibunyag ang katiwalian ko, at himukin akong maghimagsik laban sa laman ko, alisin ko sa sarili ko ang mga napakabuktot na kaisipan at pananaw na ito na ikinintal ni Satanas, mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, at hangarin ang pagiging isang taong may pagkatao. Ito ay pagliligtas ng Diyos sa akin!

Pagkatapos, binasa kong muli ang mga salita ng Diyos: “Ang mga tunay na nananampalataya sa Diyos ay lahat ng mga indibidwal na nag-aasikaso ng kanilang nauukol na gawain, lahat sila ay handang gampanan ang kanilang mga tungkulin, kaya nilang magpasan ng isang gawain at gawin iyon nang maayos ayon sa kanilang kakayahan at sa mga patakaran ng sambahayan ng Diyos. Siyempre, sa simula ay maaaring maging mahirap masanay sa buhay na ito. Maaari mong maramdamang pagod na pagod ang iyong katawan at isip. Subalit, kung talagang may paninindigan kang makipagtulungan at handa kang maging isang normal at mabuting tao, at na magtamo ng kaligtasan, kailangan mong magbayad ng kaunting halaga at hayaan ang Diyos na disiplinahin ka. Kapag nahihimok kang maging sutil, kailangan mong maghimagsik laban dito at bitiwan ito, paunti-unting bawasan ang iyong pagkasutil at mga makasariling ninanasa. Dapat kang humingi ng tulong ng Diyos sa mahahalagang bagay, sa mahahalagang oras, at sa mahahalagang gampanin. Kung tunay kang may paninindigan, dapat mong hilingin sa Diyos na ituwid at disiplinahin ka, at na bigyang-liwanag ka upang maunawaan mo ang katotohanan, sa ganoong paraan ay makakukuha ka ng mas magagandang resulta. Kung tunay kang may paninindigan, at magdarasal ka sa Diyos sa Kanyang presensya at magsusumamo ka sa Kanya, kikilos ang Diyos. Babaguhin Niya ang iyong kalagayan at mga iniisip. Kung gagawa nang kaunti ang Banal na Espiritu, aantigin ka nang kaunti, at bibigyang-liwanag ka nang kaunti, magbabago ang iyong puso, at magbabago ang iyong kalagayan. Kapag nangyari ang pagbabagong ito, madarama mong ang pamumuhay nang ganito ay hindi nakapipigil. Ang pagkapigil mong kalagayan at mga emosyon ay magbabago at mababawasan, at magiging iba ang mga ito sa dati. Madarama mong ang pamumuhay nang ganito ay hindi nakakapagod. Masisiyahan kang gampanan ang iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Madarama mo na magandang mamuhay, umasal, at gumampan ng iyong tungkulin sa ganitong paraan, nagtitiis ng mga paghihirap at nagbabayad ng halaga, sumusunod sa mga patakaran, at ginagawa ang mga bagay-bagay nang ayon sa mga prinsipyo. Madarama mong ito ang uri ng buhay na dapat mayroon ang mga normal na tao. Kapag namumuhay ka ayon sa katotohanan at ginagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin, madarama mong panatag at payapa ang iyong puso, at na makabuluhan ang iyong buhay. … Ang bawat taong nasa hustong gulang ay kailangang magpasan ng mga responsabilidad ng isang taong nasa hustong gulang, gaano mang kagipitan ang harapin niya, gaya ng mga paghihirap, karamdaman, at maging ng iba’t ibang suliranin—ito ay mga bagay na dapat danasin at pasanin ng lahat ng tao. Ang mga ito ay bahagi ng buhay ng isang normal na tao. Kung hindi mo kayang magdala ng bigat ng pagkagipit o magtiis ng pagdurusa, nangangahulungan iyon na masyado kang marupok at walang silbi. Ang sinumang nabubuhay ay kailangang pasanin ang pagdurusang ito, at walang sinuman ang makaiiwas dito. Sa lipunan man o sa sambahayan ng Diyos, pare-pareho lang para sa lahat. Ito ang responsabilidad na dapat mong pasanin, ang mabigat na dalahing dapat ay buhat-buhat ng isang taong nasa hustong gulang, ang bagay na dapat niyang isabalikat, at hindi mo ito dapat iwasan. Kung palagi mong sinusubukang takasan o iwaksi ang lahat ng ito, lalabas ang iyong mga emosyon ng pagkapigil, at palagi kang magagapos ng mga iyon. Subalit, kung kaya mong maunawaan nang wasto at matanggap ang lahat ng ito, at makita ito bilang isang kinakailangang bahagi ng iyong buhay at pag-iral, hindi dapat maging dahilan ang mga isyung ito upang magkaroon ka ng mga negatibong emosyon. Sa isang aspekto, kailangan mong matutunang pasanin ang mga responsabilidad at obligasyon na dapat taglayin at isagawa ng mga taong nasa hustong gulang. Sa isa pang aspekto, dapat mong matutunang mamuhay nang nakakasundo ang iba sa iyong kapaligirang pinamumuhayan at pinagtatrabahuhan nang may normal na pagkatao. Huwag mong basta na lang gawin ang gusto mo. Ano ang layunin ng mamuhay nang nakakasundo ang iba? Ito ay para mas mabuting matapos ang gawain at mas mabuting matupad ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat mong tapusin at tuparin bilang isang taong nasa hustong gulang, ang mabawasan ang mga kawalang idinudulot ng mga problemang kinakaharap mo sa iyong gawain, at ang labis na mapabuti ang mga resulta at mapabilis ang iyong gawain. Ito ang dapat mong matamo. Kung nagtataglay ka ng normal na pagkatao, dapat mo itong makamit kapag gumagawa ka sa gitna ng iba pang mga tao. Pagdating naman sa kagipitan sa trabaho, nanggagaling man ito sa Itaas o sa sambahayan ng Diyos, o kung kagipitan ito na iniaatang sa iyo ng iyong mga kapatid, isa itong bagay na dapat mong pasanin. Hindi mo maaaring sabihin na, ‘Sobra-sobra itong kagipitang ito, kaya hindi ko ito gagawin. Naghahanap lang ako ng kalibangan, kadalian, kaligayahan, at kaginhawahan sa paggawa ng aking tungkulin at paggawa sa sambahayan ng Diyos.’ Hindi ito uubra; hindi ito isang kaisipan na dapat taglayin ng isang normal na taong nasa hustong gulang, at ang sambahayan ng Diyos ay hindi isang lugar para magpakasasa ka sa kaginhawahan. Ang bawat tao ay nagpapasan ng kaunting kagipitan at pakikipagsapalaran sa kanyang buhay at gawain. Sa anumang trabaho, lalo na sa paggampan ng iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos, dapat mong pagsikapang makakuha ng pinakamagagandang resulta(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang mga hinihingi ng Diyos para sa mga tao. Bilang isang taong nasa hustong gulang na may normal na pagkatao, dapat pasanin ng isang tao ang kanyang mga responsabilidad at gawin nang maayos ang kanyang mga tungkulin, na nangangailangan ng pagdurusa, pagbabayad ng halaga, at pagsusumikap sa mga katotohanang prinsipyo. Hindi niya dapat palaging isaalang-alang ang kanyang laman. Ito ang saloobin na dapat taglayin ng isang tao sa kanyang mga tungkulin. Naisip ko kung paanong nagseserbisyo ang ilang kapatid bilang mga lider, superbisor, manggagawa ng ebanghelyo, o gumagawa ng mga tungkulin ng pangkalahatang usapin sa iglesia, at kung paanong, kahit ano pa ang edad nila, pinapasan nilang lahat ang sarili nilang gawain at tinutupad ang mga responsabilidad nila, samantalang palagi akong nagrereklamo at nabibigong pumasan sa sarili kong responsabilidad at tungkulin. Nakaramdam ako ng sobrang hiya. Matapos sundan ang Diyos sa loob ng napakaraming taon at tamasahin ang labis na pagdidilig at pagtutustos mula sa mga salita ng Diyos, hindi ko isinaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, at palagi kong gustong mag-imbot ng pisikal na kaginhawahan. Tunay na hindi ako karapat-dapat na tawaging tao! Isinaayos ng iglesia na magdilig ako ng mga baguhan at maglinang din ng mga tagadilig. Ito ay pagtataas ng Diyos sa akin. Dapat kong isaalang-alang kung paano gawin nang maayos ang tungkulin ko, at mabilis na linangin ang mga tagadilig. Naunawaan ko rin na anuman ang mga suliranin o gaano man ako magdusa, hindi ito dahilan para tanggihan ko ang atas ko, at lalong hindi ito dapat maging dahilan para makaramdam ako ng pagpipigil. Sa halip, dapat akong umasa sa Diyos at maghanap sa katotohanan para lutasin ang mga suliraning ito.

Makalipas ang ilang panahon, nalaman ko na ang isang baguhan, si Sister Tingting, ay may mahusay na pagkaarok at naaangkop siyang linangin. Gayumpaman, dahil naglilinang na ako ng ilang tagadilig, at responsable pa ako sa pagdidilig ng mga baguhan, kung lilinangin ko rin Tingting, mas magiging kaunti ang oras ko para makapagpahinga. Dagdag pa rito, anim na buwan pa lang na nananampalataya si Tingting, at hindi pa siya nakakaunawa ng maraming katotohanan, at mangangailangan ng labis na pagsisikap para linangin siya, kaya nagpasya akong ipaubaya sa ibang mga tagadilig ang paglilinang sa kanya. Kalaunan, napagtanto ko na mali ang kalagayan kong ito, at na ayaw ko pa ring mag-alala tungkol sa mga bagay-bagay, magbayad ng halaga, o makaramdam ng sobrang pagod at magdusa. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “May nangyari na kinakailangan kang magtiis ng hirap, kung kailan dapat mong maunawaan kung ano ang mga layunin ng Diyos at kung paano mo dapat isaalang-alang ang Kanyang mga layunin. Hindi mo dapat bigyang-kasiyahan ang iyong sarili: Pagkaitan mo muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasuklam-suklam pa kaysa sa laman. Kailangan mong sikapin na mabigyan-kasiyahan ang Diyos, at dapat mong tuparin ang iyong tungkulin. Dahil sa gayong mga kaisipan, dadalhan ka ng Diyos ng natatanging kaliwanagan sa bagay na ito, at makakahanap din ng kaginhawahan ang puso mo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Napagtanto ko na hindi ko lang dapat sinusunod ang kaginhawahan ng laman ko. Dapat kong isaalang-alang kung paano mapalugod ang Diyos at makabuti sa gawain iglesia. Si Tingting ay may mahusay na kakayahan, dalisay na pagkaunawa, at malakas na motibasyon para maghanap, at kung malilinang siya, maaari siyang pumasan ng kaunting gawain. Kailangan ko siyang maisalang sa mga tungkulin sa lalong madaling panahon. Makakabuti ito sa gawain at makakatulong din sa paglago ng buhay niya. Pagkatapos, nagsikap akong makahanap ng oras para makipagbahaginan kay Tingting at gabayan siya kung paano gawin ang tungkulin ng pagdidilig. Bagaman minsan ay sobra akong napapagod at nahaharap sa mga suliranin, hindi na ako napipigilan, kundi sa halip ay naghihimagsik ako laban sa laman ko para aktuwal na makipagtulungan. Ang pagbabago kong ito ay bunga ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  63. Matapos Magsakit Ang Bata Kong Anak na Lalaki

Sumunod:  68. Ang Pasakit na Idinulot ng Pagkokompara ng Aking Sarili sa Iba

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger