68. Ang Pasakit na Idinulot ng Pagkokompara ng Aking Sarili sa Iba

Ni Xu Tao, Tsina

Noong 2023, ako ang nagdidilig sa mga baguhan sa iglesia. Sa pamamagitan ng pagsasanay, nagawa kong maarok ang kaunting prinsipyo sa iba’t ibang aspekto. Hindi pa nasanay nang matagal ang mga kapareha kong sister, at kaugnay sa mga paghihirap na hinarap nila sa kanilang mga tungkulin o personal na buhay pagpasok, lumalapit sila sa akin para magpatulong na lutasin ang mga iyon. Nadama ko na may kaunting presensiya ako sa pangkat, at nasiyahan ako na inaasahan at hinahangaan ako ng iba. Isang araw, bigla akong nakatanggap ng mensahe mula sa superbisor, hinihiling sa akin na suriin ang mga sermon ng ebanghelyo. Hindi ko maiwasang bahagyang mabahala, “Naarok ko na ang kaunting prinsipyo sa pagdidilig sa mga baguhan, at pakiramdam ko ay talagang gamay ko na ang tungkuling ito, pero kung kukuha ako ng isang bagong tungkulin, kakailanganin ko na namang magsanay at mag-aral sa simula, at kung hindi ko magagawa nang maayos ang tungkuling ito at pagkatapos ay matatanggal ako, ano ang iisipin sa akin ng mga kapatid? Hindi ba’t lubos akong mapapahiya?” Pagkatapos itong pag-isipang mabuti, nadama kong mas ligtas ako sa kasalukuyan kong tungkulin. Pero nang naisip ko kung paano ito isinaayos ng iglesia, naramdaman ko na kung tatanggi ako ay magmumukha akong lubos na walang katwiran, kaya atubuli akong nagpasakop.

Noong una, ginabayan ako ni Sister Yu Xin sa pag-aaral ng mga prinsipyo. Sabay kaming naghahanap ng impormasyon kapag may hindi ako naunawaan, at unti-unti, nagsimula kong maarok ang ilang prinsipyo sa pagtatasa ng mga sermon. Naisip ko, “Mukhang may kakayahan ako sa tungkuling ito.” Makalipas ang ilang araw, sumali sa pangkat si Sister Qing Ming. Noong una, hindi masyadong ibinahagi ni Qing Ming ang mga opinyon niya, pero makalipas ang isang linggo, napansin ko na mabilis humuhusay si Qing Ming. Habang hindi pa ako nakakakita ng anumang problema sa sermon pagkatapos namin itong basahin, natukoy na niya ang mga isyu nito. Sa ilang sunod-sunod na sermon, siya ang unang nakatutukoy ng mga problema. Hindi ko maiwasang makadama ng krisis, “Mas huling sumali si Qing Ming kaysa sa akin pero mas mabilis siyang umuusad. Kung magpapatuloy ito, hindi ba’t lalo niya akong mapag-iiwanan? Hindi ba’t magiging ako ang pinakamahina sa pangkat dahil doon?” Nakaramdam ako ng labis na pagkabahala sa pag-iisip nito. Kalaunan, noong magkasama naming sinuri ang mga sermon, nag-alala ako na hindi ko matutukoy ang mga isyu o baka hindi tumpak ang mga pananaw ko. Minsan, pagkatapos naming basahin ang isang sermon, habang pinag-iisipan ko pa ang mga bagay-bagay, magsisimula na si Qing Ming na ibahagi ang kanyang mga makatwirang pananaw. Sumasang-ayon si Yu Xin sa mga pagsusuri niya, at noong nakita ko sina Yu Xin at Qing Ming na nagtatawanan at tinatalakay ang mga ito nang magkasama, nadama kong naglaho ako sa eksena, at napupuno ako ng damdamin ng pagsupil at kagustuhang umalis. Nagsimula pa nga akong maghinala, “Kung balang araw ay darating ang superbisor sa isang pagtitipon at makita ang kawalan ko ng pag-usad, iisipin kaya niya na wala akong kakayahan at na nagkamali siya sa pagtatalaga sa akin sa tungkuling ito? Kung tanggalin ako dahil sa aking mahinang kakayahan, lubos akong mapapahiya!” Hindi ko maiwasang maalala ang panahong ginagawa ko ang aking tungkulin ng pagdidilig sa mga baguhan. Noon, ako ang bida sa pangkat, at ang mga kapareha kong sister ay humihingi sa akin ng tulong sa mga isyu sa gawain, at kadalasan, ang mga mungkahi ko ang ginagamit sa mga talakayan. Pero ngayon, ako ang naging pinakamahina sa pangkat! Hindi ko talaga matanggap na ganito ako kakulang. Habang mas iniisip ko ito, mas nagsisisi ako, iniisip na “Kung alam ko lang na ganito ang mga mangyayari, hindi ko sana tinanggap ang tungkuling ito at ipinahiya ang sarili ko!” Sa ilang sunod-sunod na araw, naipit ako sa kalagayan ng pagkasira ng loob. Naging mas pasibo ako sa aking tungkulin at hindi ko makilatis ang mga isyu kapag sinusuri ang mga sermon. Napagtanto kong hindi tama ang kalagayan ko, kaya lumapit ako sa Diyos nang nananalangin, “Diyos ko, nakadarama ako ng labis na pagkanegatibo, at kahit ang pag-iisip na itatalaga ako sa ibang tungkulin dahil sa mahinang kakayahan ko ay nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng pagkapahiya. Ayaw kong mamuhay sa kalagayang ito at manipulahin ni Satanas. Pakiusap, gabayan Mo ako palabas sa kalagayang ito.”

Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Lahat ng tao ay may ilang maling kalagayan sa loob nila, gaya ng pagiging negatibo, kahinaan, kawalan ng pag-asa, at karupukan; o mayroon silang masasamang intensyon; o palagi silang nababagabag ng kanilang pride, mga makasariling pagnanais, at pansariling interes; o iniisip nila na may mahina silang kakayahan, at dumaranas sila ng ilang negatibong kalagayan. Magiging napakahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu kung palagi kang namumuhay sa ganitong mga kalagayan. Kung mahirap para sa iyo na matamo ang gawain ng Banal na Espiritu, magiging kaunti ang mga aktibong elemento sa loob mo, at lilitaw ang mga negatibong elemento at guguluhin ka. Palaging umaasa ang mga tao sa kanilang sariling kalooban para supilin ang mga negatibo at masamang kalagayang iyon, ngunit gaano man nila ito supilin, hindi nila ito maiwawaksi. Ang pangunahing dahilan nito ay dahil hindi lubusang makilatis ng mga tao ang mga negatibo at masamang bagay na ito; hindi nila makita nang malinaw ang diwa ng mga iyon. Kaya nagiging napakahirap para sa kanila na maghimagsik laban sa laman at kay Satanas. Dagdag pa roon, palaging naiipit ang mga tao sa mga negatibo, malungkot, at malubhang kalagayang ito, at hindi sila nananalangin o tumitingala sa Diyos, sa halip ay iniraraos lang nila ang mga ito. Bilang resulta, hindi gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, at dahil dito ay hindi nila nauunawaan ang katotohanan, wala silang landas sa lahat ng kanilang ginagawa, at hindi nila nakikita nang malinaw ang anumang bagay. Napakaraming negatibo at masamang bagay sa loob mo, at pinuno na nito ang puso mo, kaya madalas kang negatibo, malungkot ang espiritu, at palayo ka nang palayo sa Diyos, at nanghihina nang nanghihina. Kung hindi mo makakamit ang kaliwanagan at gawain ng Banal na Espiritu, hindi mo matatakasan ang mga kalagayang ito, at hindi magbabago ang negatibo mong kalagayan, dahil kung hindi gumagawa sa iyo ang Banal na Espiritu, hindi ka makakahanap ng landas. Dahil sa dalawang kadahilanang ito, napakahirap para sa iyo na iwaksi ang iyong negatibong kalagayan at pumasok sa isang normal na kalagayan. … Ganap na naglalaman ng mga satanikong bagay ang puso ng mga tao. Malinaw itong nakikita ng lahat. Kung hindi mo aalisin ang mga bagay na ito, kung hindi mo magagawang iwaksi ang mga negatibong kalagayang ito, hindi mo mababago ang iyong sarili sa wangis ng isang bata at hindi mo mahaharap ang Diyos sa isang masigla, kaibig-ibig, inosente, simple, tapat, at dalisay na paraan. Kaya, magiging mahirap para sa iyo na makamit ang gawain ng Banal na Espiritu o ang katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Sa pagninilay-nilay sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na kung ginagawa ng isang tao ang kanyang tungkulin nang walang dalisay at matapat na puso, at palaging nagkakalkula alang-alang sa kanyang pride at katayuan sa halip na tumuon sa kanyang tungkulin, napakahirap na tanggapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa pagbabalik-tanaw, inisip ko kung bakit madalas na blangko ang utak ko sa nakalipas na ilang araw, kung bakit hindi ko makilatis kung may mga isyu ba sa mga sermon, at kung bakit hindi ko madama ang gabay ng Banal na Espiritu. Ito pala ay dahil naging abnormal ang relasyon ko sa Diyos. Nagbalik-tanaw ako noong una kong simulang suriin ang mga sermon, at napagtanto ko na hindi ko naisip kung paano sangkapan ng mga katotohanang prinsipyo ang sarili ko para magawa nang maayos ang tungkulin ko, at sa halip, okupado ako ng aking pride, katayuan, at pagpapahalaga sa presensiya ko sa pangkat. Kapag magkasama naming sinusuri ang mga sermon at nakita kong umuusad nang mas mabilis si Qing Ming kaysa sa akin, nakakaramdam ako ng krisis. Palagi akong natatakot na malalampasan ako ni Qing Ming at maiiwan ako sa ilalim. Nang makita kong pinag-iisipan ko pa rin ang mga bagay-bagay samantalang ipinapahayag na ni Qing Ming ang mga pananaw niya at nakukuha ang pagsang-ayon ni Yun Xin, nadama kong napakababa ko na gusto kong takasan ang sitwasyong ito, at pinagsisihan ko pa na kinuha ko itong gawaing nakabatay sa teksto. Pawang pride at katayuan ang laman ng isip ko, at wala ako ni katiting na sinseridad sa Diyos. Itinaas ako ng Diyos para pasanin ang gayong kahalagang tungkulin, at dapat kong taimtim na pag-aralan at arukin kaagad ang mga prinsipyo para piliin ang mahahalagang sermon na magpapatotoo sa Diyos. Saka ko lang mapapalugod ang Diyos. Pero dahil mali ang mga motibo ko sa aking tungkulin, at hindi ko inilagay sa tamang lugar ang puso ko, hindi ko matanggap ang pamumuno at gabay ng Diyos. Sa tinagal-tagal, wala akong naging pag-usad Hindi lang ako nagdusa ng mga kawalan sa buhay ko, kundi naantala rin ang gawain ng iglesia. Kung nagpatuloy akong tumuon sa pride at katayuan nang hindi inaasikaso ang mga wastong responsabilidad ko, mawawalan ako ng tungkulin. Sa pagninilay ko rito, nakadama ako ng takot, kaya lumapit ako sa Diyos upang maghandog ng panalangin ng pagsisisi, “Diyos ko, hindi ko naaasikaso ang mga wastong responsabilidad ko, at patuloy akong naghahangad ng reputasyon at katayuan, na nagpapagalit sa Iyo. Diyos ko, ayaw ko nang magpatuloy sa maling landas na ito, handa akong gawin ang tungkulin ko nang praktikal sa hinaharap, at hinihiling ko na siyasatin Mo ang puso ko.”

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag may opinyon o kaunting kaliwanagan ang isang tao at ibinahagi niya iyon sa iyo sa isang pagbabahaginan, o kapag isinagawa niya ang isang bagay ayon sa prinsipyo nito, at nakita mong hindi masama ang resulta, hindi ba’t pagtatamo iyon ng isang bagay? Ito ay pagpapakita sa iyo ng pabor. Ang pagtutulungan sa gitna ng mga kapatid ay isang proseso ng pagbabalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng kalakasan ng iba. Ginagamit mo ang iyong mga kalakasan upang punan ang mga pagkukulang ng iba, at ginagamit ng iba ang kanilang mga kalakasan upang punan ang iyong mga kakulangan. Ito ang ibig sabihin ng pagbalanse ng mga kahinaan ng isa sa pamamagitan ng kalakasan ng iba at ng maayos na pagtutulungan. Kapag maayos na nagtutulungan ang mga tao, saka lang sila mapagpapala sa harap ng Diyos, at habang mas dinaranas nila ang mga bagay, mas higit na realidad ang kanilang tataglayin, at habang mas higit nilang tinatahak ang kanilang landas, mas nagliliwanag ito, at mas lalong napapanatag ang pakiramdam nila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tungkol sa Maayos na Pakikipagtulungan). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, mas sumigla ang puso ko. Naunawaan ko na ang pagsasaayos ng Diyos para magtulungan kami ni Qing Ming ay sumalamin sa Kanyang layunin. Ipinangaral na noon ni Qing Ming ang ebanghelyo at may mahusay siyang pagkaunawa sa karaniwang mga pangrelihiyong kuru-kuro, kaya noong tinukoy niya ang mga isyung napansin niya, perpekto nitong napunan ang mga pagkukulang ko, tinutulungan akong maunawaan at maarok kaagad ang mga kuru-kuro at kalagayan ng mga relihiyosong tao. Hindi ba’t nagkakamit ako ng malaking pakinabang mula rito? Pagkatapos maunawaan ang layunin ng Diyos, medyo nakahinga ako nang maluwag. Sa mga sumunod naming mga pagsusuri sa sermon, tumigil ako sa patuloy na pagkokompara ng sarili ko kay Qing Ming, sa halip, nakinig muna ako sa mga opinyon niya sa mga isyung hindi ko mismo makilatis, at sa pagsasagawa nang ganito, hindi na ako napigilan ng pag-aalala sa pride ko. Sa ilang panahon ng pagsasagawa, umusad ako nang kaunti at nakadama ako ng higit na kagaanan at kalayaan sa tungkulin ko.

Makalipas ang ilang panahon, isa pang sister, si Fang Hua, ang sumali sa pangkat namin. Medyo matagal nang nanampalataya sa Diyos si Fang Hua, at sa mga pagsusuri namin ng sermon nang magkasama, mabilis na nagawang matukoy ni Fang Hua ang mga isyu sa mga sermon at makatwiran at nakakakumbinsing ipinahayag ang mga iyon. Samantala, naupo lang ako sa tabi, pakiramdam ko ay wala akong maiaambag. Magulo ang puso ko, at hindi ako mapalagay. Unti-unti, napansin ko na hinahangaan ng mga kapareha kong sister si Fang Hua. Hinahanap nila ang kanyang paggabay tuwing nahaharap sila sa isang bagay na hindi nila nauunawaan, at nakadama ako ng kaunting pagkabalisa sa puso ko, habang iniisip ko, “Mas magaling si Fang Hua sa akin sa lahat ng bagay. Hindi ba’t ginagawa na naman ako nitong pinakamababa sa aming pangkat?” Napansin ng dalawa kong sister ang maling kalagayan ko at ginamit nila ang mga salita ng Diyos para tulungan ako, pero hindi ko kayang makinig, at nagpatuloy akong mamuhay sa kalagayan ng pagiging negatibo at mapanlaban. Sa mga pagsusuri ng sermon, hindi ko makilatis ang mga problema. Naisip ko, “Mahina ang kakayahan ko at wala akong masyadong maiambag sa pangkat. Mas mabuting manatili na lang ako sa isang sulok at iwasang kausapin ang kahit sino upang hindi ako mapahiya.” Sa gabi, papalit-palit ako ng puwesto, hindi ako makatulog at nararamdaman ko ang sakit at pagpapahirap. Noong sandaling iyon, sa wakas ay napagtanto ko na pawang walang kabuluhan at hungkag ang pride at katayuan at paghanga ng mga tao na pinahalagahan ko, at hindi kayang mabawasan ni katiting ng mga iyon ang paghihirap sa aking kaluluwa. Talagang nangungulila ako sa mga araw na kasama ko ang presensiya ng Diyos, dahil naramdaman ko ang kapayapaan at kagalakan sa aking kaluluwa na hindi ko ipagpapalit sa anumang bagay. Wala akong nadama kundi pagkamuhi sa aking pagrerebelde at kawalang abilidad na maghimagsik laban sa aking laman at magsagawa ng katotohanan. Ako lang ang may kasalanan kung bakit kinamuhian ako ng Diyos at iniwan sa kadiliman. Sa aking paghihirap, lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, alam kong mali ang landas na tinatahak ko. Palagi kong hinahangad ang reputasyon at katayuan para makuha ang paghanga ng iba. Ayaw ko nang malansi ni Satanas nang ganito. Pakiusap, tulungan Mo akong maghimagsik laban sa tiwaling disposisyon ko.” Nang sumunod na umaga, ipinagtapat ko sa isa sa mga kapareha kong sister ang aking kalagayan. Sinabi niya sa akin, “Ang isyu sa iyo ay hindi ang mahinang kakayahan mo. Kundi mali ang landas na tinatahak mo. Palagi mong hinahangad ang reputasyon at katayuan at ikinukompara ang sarili mo sa iba.” Ibinahagi rin ng sister ang kanyang mga karanasan at nakakita ng isang sipi ng mga salita ng Diyos upang tulungan ako. Binasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Huwag hayaan ang sinuman na isipin na ang kanyang sarili ay perpekto, bantog, marangal, o namumukod-tangi sa iba pa; ang lahat ng ito ay dulot ng mapagmataas na disposisyon at kamangmangan ng tao. Ang palaging pag-iisip na katangi-tangi ang sarili—ito ay sanhi ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagagawang tanggapin ang kanyang mga pagkukulang, at hindi kailanman nagagawang harapin ang kanyang mga pagkakamali at pagkabigo—dulot ito ng isang mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman pagpapahintulot sa iba na maging mas mataas sa kanila, o maging mas mahusay sa kanila—dulot ito ng mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa mga kalakasan ng iba na malampasan o mahigitan ang sa kanila—dahil ito sa mapagmataas na disposisyon; hindi kailanman nagpapahintulot sa iba na magtaglay ng mas mabubuting kaisipan, mungkahi, at pananaw kaysa sa kanila, at kapag natuklasan nila na mas magaling ang iba kaysa sa kanila, nagiging negatibo, ayaw magsalita, nakararamdam ng pagkabagabag at panlulumo, at nagiging balisa—ang lahat ng ito ay dulot ng isang mapagmataas na disposisyon. Dahil sa mapagmataas na disposisyon, maaaring maging maingat ka sa pagpoprotekta sa iyong reputasyon, hindi mo magawang tanggapin ang pagtatama ng iba, hindi mo magawang harapin ang mga pagkukulang mo, at hindi magawang tanggapin ang iyong mga sariling kabiguan at pagkakamali. Higit pa riyan, kapag may sinumang mas mahusay sa iyo, maaari itong maging sanhi upang umusbong ang pagkamuhi at inggit sa iyong puso, at makararamdam ka na napipigil ka, kung kaya’t hindi mo nais na gawin ang iyong tungkulin at nagiging pabasta-basta ka sa pagtupad nito. Ang isang mapagmataas na disposisyon ay maaaring magbunga ng pag-usbong ng ganitong mga asal at gawi sa iyo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Sa pamamagitan ng paglalantad ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko kung bakit tuwing nakikipag-ugnayan ako sa mga tao na mas mahusay ang kakayahan kaysa sa akin, humahantong ako sa pagkalugmok sa negatibong kalagayan, at gusto ko pa ngang talikuran ang tungkulin ko at ipagkanulo ang Diyos. Dahil ito sa labis na mapagmataas na kalikasan ko at sa palaging paghahangad ko sa pagpapahalaga ng iba sa presensiya ko. Kapag nakita ko ang iba na mas malakas o mas mahusay ang kakayahan kaysa sa akin, at naramdaman ko na hindi ko kayang maging angat sa kanila, nararamdaman kong may kulang sa akin, nalulugmok ako sa kalagayan ng pagkanegatibo, at nililimitahan ko ang sarili ko. Sa realidad, ang kakayahan ng lahat, mahusay man o mahina, ay itinalaga ng Diyos. Sa aking palagiang mga pagkokompara ng sarili ko sa iba at sa naramdaman kong pagkanegatibo noong nagkulang ako, hindi ba’t nilalabanan ko ang Diyos at nabibigong magpasakop sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos? Nakita ko kung gaano talaga ako naging mayabang!

Kalaunan, lalo pa akong nagnilay-nilay, tinatanong ang sarili ko, “Bakit, kahit na gusto kong gawin nang maayos ang tungkulin ko, hindi ko maiwasang palagiang hanapin ang pride at katayuan?” Patuloy kong hinanap ang katotohanan upang lutasin ito. Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Para sa mga anticristo, ang katayuan at reputasyon ang buhay nila. Paano man sila mabuhay, ano man ang kapaligiran na tinitirhan nila, ano man ang gawain na kanilang ginagawa, ano man ang kanilang hinahangad, ano man ang kanilang mga layon, ano man ang direksyon ng kanilang buhay, umiikot ang lahat ng ito sa pagkakaroon ng magandang reputasyon at mataas na katayuan. At hindi nagbabago ang pakay na ito; hinding-hindi nila kayang isantabi ang gayong mga bagay. Ito ang totoong mukha ng mga anticristo, at ang kanilang diwa. Maaari mo silang ilagay sa isang sinaunang gubat sa pusod ng kabundukan, at hindi pa rin nila isasantabi ang paghahangad nila sa reputasyon at katayuan. Maaari mo silang ilagay sa gitna ng anumang grupo ng mga tao, at ang pawang maiisip nila ay reputasyon at katayuan pa rin. Kahit na naniniwala rin sa Diyos ang mga anticristo, itinuturing nila ang paghahangad sa reputasyon at katayuan bilang katumbas ng pananalig sa Diyos at tinatrato ang dalawang bagay na ito nang magkapantay. Ibig sabihin, habang tinatahak nila ang landas ng pananalig sa Diyos, hinahangad din nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan. Masasabi na sa puso ng mga anticristo, ang paghahangad ng katotohanan sa kanilang pananalig sa Diyos ay ang paghahangad sa reputasyon at katayuan, at ang paghahangad sa reputasyon at katayuan ay ang paghahangad din sa katotohanan; ang magkamit ng reputasyon at katayuan ay ang magkamit ng katotohanan at buhay. Kung nararamdaman nila na wala silang kasikatan, pakinabang, o katayuan, na walang tumitingala sa kanila, nagpapahalaga sa kanila, o sumusunod sa kanila, sobrang bigong-bigo sila, naniniwala silang wala nang saysay pang maniwala sa Diyos, wala na itong kabuluhan, at sinasabi nila sa kanilang sarili na, ‘Bigo ba ang gayong pananalig sa diyos? Hindi ba’t wala na akong pag-asa?’ Madalas na kinakalkula nila ang gayong mga bagay sa kanilang puso. Kinakalkula nila kung paano sila makalilikha ng sariling puwang sa sambahayan ng Diyos, kung paano sila maaaring magkaroon ng matayog na reputasyon sa iglesia, kung paano nila mapapakinig ang mga tao kapag nagsasalita sila, at mapapasuporta sa kanila kapag kumikilos sila, kung paano nila mapapasunod sa kanila ang mga tao nasaan man sila, at kung paano sila magkakaroon ng maimpluwensiyang tinig sa iglesia, at ng kasikatan, pakinabang, at katayuan—talagang pinagtutuunan nila ang gayong mga bagay sa puso nila. Ang mga ito ang hinahangad ng gayong mga tao(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na tunay na pinahahalagahan ng mga anticristo ang reputasyon at katayuan. Sinuman ang kasama nila o anumang tungkulin ang ginagawa nila sa sambahayan ng Diyos, palagi nilang iniisip ang kanilang reputasyon at katayuan. Tinatrato nila ang reputasyon at katayuan bilang layon ng kanilang paghahangad at bilang buhay pa nga nila. Kapag hindi sila nakatanggap ng paghanga o respeto ng iba, at nawala ang kanilang lugar sa puso ng iba, nawawalan sila ng motibasyon na gawin ang mga tungkulin nila. Sa pagtingin ko sa sarili ko batay rito, nakita ko na ang pag-uugali ko at ang landas na tinahak ko ay tulad lang din ng sa anticristo. Sa pagbabalik-tanaw, nakita ko na sinuman ang kasama ko, ang mga kaisipan ko ay hindi kailanman tungkol sa kung paano buong pusong gawin nang maayos ang tungkulin ko, at na iniisip ko lamang kung makakamit ko ba ang paghanga ng mga tao at kung may maganda ba akong imahe at presensiya sa puso ng iba. Kapag hindi natugunan ang pagnanais ko para sa pride at katayuan, at naramdaman ko na hindi ako ang may huling pasya o may presensiya sa grupo, nagiging negatibo at pasibo ako, at nawawalan ako ng motibasyong gawin ang tungkulin ko, at iniisip ko pa ngang bitiwan ang tungkulin ko at ipagkanulo ang Diyos. Noong ginagawa ko ang mga tungkulin ng pagdidilig, anumang isyu ang talakayin, kadalasan, tinatanggap ng lahat ang mga pananaw at mungkahi ko, naramdaman kong may presensiya ako at may huling pasya, at natugunan ang banidad ko. Kaya naging napakaaktibo ko sa aking tungkulin, at gaano mang presyur ang mayroon sa gawain, hindi ako kailanman nagrereklamo. Pero magmula nang simulan ang mga pagsusuri sa sermon, nakita ko na mas mahusay kaysa sa akin ang lahat ng kapareha kong sister, at naramdaman kong ako ang naging pinakamahina sa pangkat. Dahil dito, hindi natugunan ang pagnanais ko para sa pride at katayuan, kaya nawala ang motibasyon kong gawin ang tungkulin ko, at gusto kong bitiwan ang tungkuling ito. Palagi akong naghahangad ng reputasyon at katayuan, at tinatahak ang maling landas. “Nagsusumikap ang tao na umangat; dumadaloy ang tubig pababa.” “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” “Mas mabuting maging isang malaking isda sa isang maliit na lawa.” Malalim na nag-ugat sa puso ko ang mga satanikong prinsipyo na ito ng pananatiling buhay, at itinuring ko ang reputasyon at katayuan bilang layon ko sa paghahangad ko at pinahalagahan ko ang mga bagay na ito bilang aking buhay. Kung wala ang paghanga ng mga tao, pakiramdam ko ay parang kinuha ang buhay ko. Alam na alam ko sa aking puso na isang mahalagang gampanin sa iglesia ang pagsusuri sa sermon, pero hindi ko inilagay ang puso ko sa tungkuling ito. Pawang reputasyon at katayuan lang ang iniisip ko, at dahil dito, kapag nagsusuri ng mga sermon, hindi ko makilatis ang mga problema, at hindi nagbunga ng anumang resulta ang tungkulin ko. Tiyak na nagpagalit sa Diyos ang ganitong paggawa ko sa aking tungkulin. Sa pagninilay-nilay sa mga bagay na ito, nagsimulang makaramdam ang manhid kong puso, nakaramdam ako ng kaunting takot sa puso ko, at bukod dito, nakaramdam ako ng pagkakonsensiya at pagkakautang. Lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, salamat sa Iyong paglalantad at paghahatol sa akin sa pamamagitan ng Iyong mga salita para makilala ko ang maling landas na tinatahak ko. Ito ang pagliligtas Mo sa akin. Diyos ko, hindi ko na hinihiling na hangarin ang mga walang kabuluhang bagay na ito. Gusto kong magsisi sa Iyo, at simula ngayon, gagawin ko na ang tungkulin ko nang praktikal para makabawi sa mga pagsalangsang ko.”

Sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at naunawaan ko ang Kanyang mga layunin at hinihingi sa mga tao. Sabi ng Diyos: “Kung ginawa kang hangal ng Diyos, kung gayon ay may katuturan sa iyong kahangalan; kung ginawa ka Niyang matalino, kung gayon ay may katuturan sa iyong katalinuhan. Anumang talento ang ibinibigay ng Diyos sa iyo, anuman ang iyong mga kalakasan, gaano man kataas ang iyong IQ, lahat ng ito ay may layon para sa Diyos. Ang lahat ng bagay na ito ay pauna nang itinalaga ng Diyos. Ang papel na ginagampanan mo sa iyong buhay at ang tungkuling ginagawa mo ay matagal na panahon nang paunang itinalaga ng Diyos. Nakikita ng ilang tao na ang iba ay nagtataglay ng mga kalakasan na wala sa kanila at hindi sila nasisiyahan. Gusto nilang baguhin ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng ibayong pag-aaral, ibayong pagtuklas, at pagiging mas masikap. Ngunit may limitasyon ang maaaring matamo ng kanilang sigasig, at hindi nila mahihigitan ang mga may kaloob at kadalubhasaan. Gaano ka man lumaban, wala itong saysay. Inorden ng Diyos kung magiging ano ka, at walang magagawa ang sinuman para baguhin ito. Saan ka man magaling, doon ka dapat magsumikap. Anuman ang tungkuling nababagay sa iyo ay ang tungkulin na dapat mong gampanan. Huwag mong subukang ipilit ang iyong sarili sa mga larangang hindi saklaw ng iyong mga kasanayan at huwag mainggit sa iba. May kanya-kanyang tungkulin ang bawat tao. Huwag mong isiping magagawa mo ang lahat nang mabuti, o na mas perpekto ka o mas mahusay kaysa sa iba, na palaging gustong palitan ang iba at ibida ang sarili. Isa itong tiwaling disposisyon. May mga nag-iisip na hindi sila mahusay sa anumang bagay, at na wala talaga silang mga kasanayan. Kung ganoon ang kaso, kailangan mo lamang maging isang taong nakikinig at nagpapasakop sa isang praktikal na paraan. Gawin mo ang makakaya mo at gawin ito nang maayos, nang buong lakas mo. Sapat na iyon. Malulugod na ang Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyong Dapat Gumabay sa Asal ng Isang Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang kakayahang mayroon ako ay itinakda ng Diyos, na dapat kong gawin ang lahat ng makakaya ko para magawa ang mga tungkulin ko ayon sa aking kakayahan, at na tinutugunan nito ang mga layunin ng Diyos. Pero dahil mali ang mga pananaw ko sa kung ano ang hahangarin ko, palagi akong may sariling mga ambisyon at pagnanais. Tuwing nakikita ko ang iba na may mas mahusay na kakayahan kaysa sa akin, nadidismaya ako at palaging ikinukompara ang sarili ko sa kanila, at palagi ko silang gustong lampasan at makamit ang paghanga ng mga tao. Hindi ako nagpasakop sa pagtatakda ng Diyos, at gusto ko palaging lampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Hindi ba’t sinasalungat ko ang Diyos dito? Kasabay nito, naunawaan ko rin na hindi tinitingnan ng Diyos kung mahusay ba o mahina ang kakayahan ng isang tao, sa halip, tinitingnan Niya ang saloobin ng isang tao sa mga tungkulin nito, kung mayroon ba siyang pagpapahalaga sa responsabilidad, at kung magagawa ba niya ang kanyang mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung may mahinang kakayahan ang isang tao, pero kaya niyang makinig, magpasakop, at gawin nang praktikal ang kanyang mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo, kung gayon ay matatanggap pa rin niya ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang ilang tao ay may mahusay na kakayahan at naaarok kaagad ang mga bagay, pero kapag ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin, palagi silang tuso, kumikilos nang pabasta-basta, at nagpapakatamad. Hindi sila nagpapakita ng pagpapahalaga sa responsabilidad sa kanilang mga tungkulin, at kinamumuhian ng Diyos ang gayong mga tao. Mula ngayon, anuman ang kakayahan ng mga taong nakapalibot sa akin, hindi ko maikukompara ang sarili ko sa iba, dahil binigyan ng Diyos ng iba’t ibang kakayahan ang bawat tao at may iba’t ibang hinihingi sa kanila. Maaaring bahagyang kulang ang kakayahan ko, pero kaya kong gawin ang tungkulin ko nang buong husay ayon sa kakayahan ko at maayos na makipagtulungan sa lahat. Saka ko lamang magagawa ang mga tungkulin ko nang may kapayapaan at katiyakan. Sa pamamagitan ng gabay ng mga salita ng Diyos, unti-unting bumuti ang kalagayan ko, at mas napanatag ako at napalaya. Simula noon, isinapuso ko ang aking mga tungkulin, at makalipas ang ilang panahon, nagsimulang magbunga ng ilang resulta ang mga tungkulin ko. Sa puso ko ay pinasalamatan ko ang Diyos.

Kalaunan, hinirang ako bilang isang tagapangaral. Noong nakita kong mas bata sa akin ang mga kapareha kong sister at na may mas mahuhusay silang kakayahan kaysa sa akin, hindi ko maiwasang makadama ng kaunting presyur. Noong nagbabahaginan kami at magkakasamang partikular na isinasagawa ang gawain, nakita ko na malinaw na naibahagi ng mga kapareha kong sister ang katotohanan, nagbibigay daan sa mga tao na madali itong maunawaan. Sa pagkukompara, ang pahayag ko ay hindi gaanong malinaw o komprehensibo, at nagsimula kong limitahan ang sarili ko, iniisip na, “Sa aking kakayahan, magagawa ko bang gawin nang maayos ang tungkuling ito?” Sa puntong ito, napagtanto ko na mali na naman ang kalagayan ko, at sa puso ko ay tahimik akong nanalangin, “Diyos ko, ayaw ko nang ikompara ang sarili ko sa iba, at ayaw kong manatili sa aking tiwaling disposisyon at hayaan ang sarili kong lansihin ni Satanas. Pakiusap, protektahan Mo ako.” Nabasa ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Kapag kaya ng mga tao na makatwirang harapin ang sarili nilang kakayahan at pagkatapos ay tumpak na tukuyin ang kanilang sariling posisyon, kumikilos bilang mga nilikha na gusto ng Diyos sa isang praktikal na paraan, ginagawa nang wasto ang dapat nilang gawin batay sa likas nilang kakayahan, at inilalaan ang kanilang katapatan at ang lahat ng kanilang pagsisikap, nakakamit nila ang kaluguran ng Diyos(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (7)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, mas sumigla ang puso ko. Itinakda ng Diyos ang kakayahang mayroon ako, at dapat kong tingnan ito nang tama at tukuyin ang sarili kong posisyon. Nagkaloob ang Diyos ng iba’t ibang kakayahan sa bawat isa sa atin, at iba-iba rin ang mga hinihingi Niya sa atin. Kapag nakikipagtulungan tayo sa ating mga tungkulin, dapat ay pinupunan natin ang mga kalakasan ng bawat isa at bumabawi sa mga kahinaan ng isa’t isa. May kanya-kanyang magagamit na kalakasan ang bawat tao, at tanging sa pagsubok ko na gawin ang makakaya ko sa pakikipagtulungan saka aayon sa mga layunin ng Diyos ang pagganap ko sa aking mga tungkulin. Kalaunan, kapag nakikipagtulungan sa aming mga tungkulin, kapag nakikita ko ang mga sister ko na gumagawa nang mas mahusay kaysa sa akin, sinusubukan kong matuto sa kanilang mga kalakasan upang punan ang sarili kong mga kakulangan, at kapag nagsasagawa ako sa ganitong paraan, mas lalo akong napapanatag at napapalaya. Ang pagkamit ko ng ganitong pagkaunawa at pagpasok ay pawang dahil sa mga salita ng Diyos.

Sinundan:  64. Paano Makawala sa mga Nakakapigil na Emosyon

Sumunod:  69. Binibitiwan Ang Mga Pag-aalala sa Karamdaman

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger