77. Bakit Palagi Akong Umaasa sa Iba sa Paggawa ng Aking Tungkulin?

Ni Wu Nan, Tsina

Noong Mayo 2023, napili ako bilang lider ng iglesia. Nang naisip ko kung paanong ang pagiging isang lider ay nangangahulugang pagiging responsable sa lahat ng aspekto ng gawain, at na hindi pa ako kailanman naging lider noon at hindi ako pamilyar sa iba’t ibang gawain, inisip ko kung gaano kaya karaming pagsisikap ang kakailanganin para magawa ang trabaho nang maayos at kung anong uri ng halaga ang dapat kong bayaran. Naisip kong magpalusot para tanggihan ang posisyon, pero pinili ako ng mga kapatid at hindi magiging masyadong makatwiran ang magpalusot at tumanggi. Nang iniisip ito, hindi na ako nagsabi pa ng kahit ano. Nakita ko na ang sister na kasama ko sa gawain, si Chen Jing, ay maraming taon nang lider at pamilyar na siya sa lahat ng aspekto ng gawain, kaya tinatanong ko si Chen Jing tuwing may gusto akong malaman, at sinasabi niya sa akin kung paano pangasiwaan ang mga bagay-bagay. Pakiramdam ko ay napakapalad ko na magkaroon ng tulong niya. Dati, kapag ginagawa ko ang pang-isahang gampanin, ako ang pangunahing puwersa at ako mismo ang kailangang mag-isip ng lahat, pero ngayong nakikipagtulungan si Chen Jing sa akin, pinangangasiwaan at nilulutas niya ang mahihirap at komplikadong problema, kaya kailangan ko lang sundin ang pamumuno niya at tulungan siya. Bagaman may kabigatan ang gawain, hindi ko naramdamang napakahirap nito dahil nariyan si Chen Jing. Responsable si Chen Jing sa mas maraming gawain kaysa sa akin, at minsan nakikita kong medyo nalulula siya, at naiisip ko, “Dahil hindi ako pamilyar sa gawaing responsable si Chen Jing, hindi ko siya matutulungan, at saka, matagal na siyang lider, kaya iyong mga may kakayahang gumawa ng mas maraming gawain ay dapat gumawa ng mas marami!” Kaya kapag nahaharap si Chen Jing sa mga paghihirap sa kanyang gawain, paminsan-minsan lang ako nagbibigay ng kaunting opinyon at hindi ko naman talaga iniintindi ang mga isyu.

Isang araw ng Agosto, biglang iniangat ng posisyon si Chen Jing. Nang marinig kong ililipat si Chen Jing, agad akong nakaramdam ng presyur. Ilang buwan pa lang akong nagsasanay at maraming bagay pa akong hindi alam pangasiwaan. Noong nariyan pa si Chen Jing, nakapagtatanong ako sa kanya tuwing nahaharap ako sa mga paghihirap, kaya paano ko mapapasan ang lahat ng responsabilidad na ito kung aalis siya? Ayaw kong umalis si Chen Jing, pero isinaayos na ito ng mga nakatataas na lider, kaya kailangan ko itong tanggapin. Pero nalulula at sumasama ang timpla ko naiisip ko pa lang na pangangasiwaan ko ang lahat ng gawain nang mag-isa, naisip ko, “Wala akong pagkaarok sa gawain kung saan responsable si Chen Jing, at kailangan ko pang pag-aralan ang lahat mula sa simula. Gaano karaming pagdurusa ang kailangan kong tiisin? Anong uri ng halaga ang kailangan kong bayaran?” Pakiramdam ko ay sobra akong nasusupil. Pagkaalis ni Chen Jing, kinailangang ako mismo ang mag-ulat ng gawain, pero dahil hindi ko tinanong o inintindi ang tungkol sa marami sa mga gampanin habang naroroon pa si Chen Jing, hindi ako naging pamilyar sa mga gampaning ito at kinailangan kong gumugol ng maraming oras para pag-aralan at unawain ang mga ito, pagod na pagod ang aking katawan at lalo pang lupaypay ang aking isipan, at hindi ko napigilang makaramdam ng paglaban at di-kasiyahan sa mga nakatataas na lider. Naisip ko, “Bakit hindi ninyo isinasaalang-alang ang mga bagay mula sa perspektiba ko? Hindi pa ako kailanman naging lider at saglit pa lang akong nagsasanay, kaya hindi ko maisasagawa nang mag-isa ang tungkuling ito. Si Chen Jing ay matagal nang lider at bihasa na sa lahat ng aspekto ng gawain, bakit ninyo siya inilipat at iniwan akong mag-isa rito?” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nakaramdam ng sakit at pagkakasupil. Pakiramdam ko ay parang may malaking batong nakadagan sa aking dibdib, na nagpapahirap sa aking huminga. Napagtanto kong tinutugunan ko na naman ang aking laman, kaya nanalangin ako sa Diyos sa aking puso, hinihiling sa Diyos na bigyang-liwanag at gabayan ako para makilala ko ang sarili ko at makapagpasakop.

Sa isa sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ang unang reaksiyon ng mga anticristo kapag nahaharap sa mga salita, mga utos ni Cristo, o sa mga prinsipyong Kanyang ibinabahagi—sa sandaling magdulot ito ng suliranin sa kanila o kinakailangan nilang magdusa o magbayad ng halaga—ay paglaban at pagtanggi, nakadarama sila ng pagkasuklam sa kanilang puso. Gayumpaman, pagdating sa mga bagay na nais nilang gawin o na may pakinabang sa kanila, iba ang kanilang saloobin. Ang mga anticristo ay nagnanais na mamuhay nang komportable at na mamukod-tangi, ngunit sila ba ay masaya at nagagalak na tumatanggap kapag nahaharap sila sa pagdurusa ng laman, sa pangangailangang magbayad ng halaga, o kahit sa panganib na mapasama ang loob ng iba? Kaya ba nilang makamit ang ganap na pagpapasakop sa oras na iyon? Hinding-hindi; ang kanilang saloobin ay ganap na pagsuway at pagtutol. Kapag ang mga tulad ng mga anticristo ay nahaharap sa mga bagay na ayaw nilang gawin, sa mga bagay na hindi tugma sa kanilang mga kagustuhan, panlasa, o sariling interes, ang kanilang saloobin sa mga salita ni Cristo ay nagiging ganap na pagtanggi at paglaban, nang walang bahid ng pagpapasakop(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikaapat na Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na tinatrato ng mga anticristo ang mga sitwasyong pinamatnugutan at isinaayos Niya ayon sa kanilang mga kagustuhan at pagnanais, palaging isinasaalang-alang kung makikinabang ba ang laman nila, tumatanggap at nagpapasakop lang sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa kanila, at kapag ang isang sitwasyon ay hindi kapaki-pakinabang sa kanila o nagdudulot sa kanila ng pagdurusa, hindi sila makapagpasakop, at nagrereklamo pa nga sila at nakararamdam ng paglaban, nagpapahayag ng mga hinaing laban sa Diyos. Umaasal ako na katulad ng isang anticristo sa aking mga tungkulin, isinaalang-alang ko lang muna ang mga interes ng aking laman. Noong nakikipagtulungan ako kay Chen Jing, pinangasiwaan at nilutas niya ang lahat ng paghihirap, kaya hindi ko kinailangang masyadong magsikap, at nagawa kong tumanggap at magpasakop. Matapos iangat ang posisyon ni Chen Jing at kinailangan kong pangasiwaan ang gawain ng iglesia nang mag-isa, kinailangan ko talagang magdusa at magbayad ng halaga sa lahat ng aspekto ng gawain, at kaya hindi ako makapagpasakop. Hindi ko gustong umalis si Chen Jing, at nagreklamo ako na hindi nakikisimpatiya ang mga lider sa mga paghihirap ko. Bagaman tila abala ako sa aking mga tungkulin, puno ng paglaban at mga reklamo ang aking puso, at palagi kong nararamdaman na napakabigat ng presyur sa paggawa ng tungkuling ito. Sa pagninilay kung paanong inilipat ng mga nakatataas na lider si Chen Jing batay sa mga pangangailangan ng gawain ng iglesia, napagtanto ko na ang pagsasaayos na ito ay naaayon sa mga prinsipyo, pero may paglaban ako at hindi ako nasiyahan. Ito ay hindi pagpapasakop sa katotohanan kundi paglaban sa Diyos.

Pagkatapos, naisip ko rin kung paanong mahigit tatlong buwan ko nang ginagawa ang mga tungkulin sa pamumuno, pero hindi ko pa rin maarok ang mga gawaing kinakailangan sa isang lider ng iglesia. Hindi ko na nga nauunawaan ang gawain kung saan responsable noon si Chen Jing, bahagya ko pa lang na nauunawaan ang gawaing nakaatas sa akin ngayon. Nitong nakaraang ilang buwan, namumuhay ako sa kalagayan ng pagpapasasa sa kaginhawahan at pagpapabasta-basta nang wala masyadong pagkauunawa. Nabasa ko ang mga salita ng Diyos kaugnay sa aking kalagayan: “Kung palaging naghahanap ng pisikal na kaginhawahan at kasiyahan ang mga tao, kung palagi silang naghahangad ng pisikal na kasiyahan at kaginhawahan, at ayaw nilang magdusa, maging ang katiting na pisikal na pagdurusa, ang pagdurusa nang medyo higit sa iba, o ang pagkaramdam na nagtrabaho sila nang mas mabigat kaysa karaniwan, ay magpaparamdam sa kanila ng pagkapigil. Isa ito sa mga sanhi ng pagkapigil. Kung hindi ituturing ng mga tao ang kaunting pisikal na pagdurusa bilang isang malaking bagay, at hindi sila maghahangad ng pisikal na kaginhawahan, sa halip ay hahangarin nila ang katotohanan at gugustuhing tuparin ang kanilang mga tungkulin upang mapalugod ang Diyos, kadalasan ay hindi sila makadarama ng pisikal na pagdurusa. Kahit pa paminsan-minsan ay mararamdaman nilang medyo abala, pagod, o patang-pata sila, pagkatapos nilang matulog ay magigising sila na mas magaan ang pakiramdam, at pagkatapos ay magpapatuloy sila sa kanilang gawain. Magtutuon sila sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang gawain; hindi nila ituturing ang kaunting pisikal na pagkapagod na malaking isyu. Subalit, kapag umuusbong ang isang problema sa pag-iisip ng mga tao at palagi silang naghahangad ng pisikal na kaginhawahan, anumang oras na medyo maagrabyado o hindi makuntento ang kanilang katawan ay uusbong ang ilang negatibong emosyon sa kanila(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). “Anumang gawain ang ibigay sa kanila—mahalaga man iyon o pangkaraniwan, mahirap o simple—lagi silang pabasta-basta at tuso at nagpapakatamad. Kapag lumilitaw ang mga problema, sinisikap nilang ipasa ang kanilang responsabilidad sa ibang tao, hindi sila umaako ng pananagutan, at nais nilang patuloy na mamuhay sa kanilang parasitikong buhay. Hindi ba mga walang silbing basura sila? Sa lipunan, sino ang hindi kailangang umasa sa kanilang sarili para maghanap-buhay? Kapag umabot na sa hustong gulang ang isang tao, kailangan na niyang tustusan ang kanyang sarili. Natupad na ng kanyang mga magulang ang kanilang responsabilidad. Kahit handa ang kanyang mga magulang na suportahan siya, hindi siya komportable roon. Dapat niyang mapagtanto na tapos na ang mga magulang niya sa misyon ng mga ito na pagpapalaki sa kanya, at na siya ay nasa hustong gulang na at may malusog na katawan, at dapat magawa niyang mamuhay nang mag-isa. Hindi ba’t ito ang pinakamababang katwiran na dapat mayroon ang isang taong nasa hustong gulang? Kung talagang may katwiran ang isang tao, hindi siya maaaring patuloy na manghingi sa kanyang mga magulang; matatakot siya na pagtawanan ng iba, na mapahiya. Kaya, may katwiran ba ang isang taong mahilig sa ginhawa at namumuhi sa gawain? (Wala.) Lagi niyang gustong makuha ang isang bagay nang walang kapalit; hindi niya kailanman gustong tuparin ang anumang responsabilidad, hinihiling na mahulog na lang mula sa langit ang matatamis na pagkain at mahulog sa kanyang bibig; gusto niyang makakain palagi nang tatlong beses sa isang araw, magkaroon ng isang taong magsisilbi sa kanya, at magtamasa ng masasarap na pagkain at inumin nang walang ginagawa ni katiting na gawain. Hindi ba ganito ang pag-iisip ng isang parasito? At may konsensiya at katwiran ba ang mga taong parang parasito? Mayroon ba silang integridad at dignidad? Talagang wala. Lahat sila ay mga pabigat na walang silbi, lahat ay mga hayop na walang konsensiya o katwiran. Walang sinuman sa kanila ang angkop na manatili sa sambahayan ng Diyos(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)). Sinasabi ng Diyos na ang isang taong may normal na katwiran, kapag umabot na sa hustong gulang at kaya nang mamuhay mag-isa, ay dapat magawang suportahan ang sarili niya sa pamamagitan ng sarili niyang trabaho, pero ang isang taong mahilig sa kaluwagan at namumuhi sa gawain, kahit na kaya nilang mabuhay, ay aayaw na gumawa at mamumuhay na palamunin ng mga magulang nila. Ang gayong mga tao ay parang mga linta. Wala silang integridad at dignidad, at hindi karapat-dapat na mabuhay. Umaasal din ako na parang mga taong iyon na palamunin ng kanilang mga magulang, tulad nang inilalantad ng Diyos. Noong gumagawa ako kasama si Chen Jing, wala akong motibasyon at umaasa sa kanya sa lahat ng bagay, at kapag nagkakaroon ng mga paghihirap at problema sa gawain ng iglesia, ipinapasa ko ang mga ito kay Chen Jing para lutasin niya, nang sa gayon ay hindi na ako kailangang magsikap at makapagpahinga na lang. Pagkatapos mailipat si Chen Jing, nakita kong kailangang ako mismo ang mag-alala tungkol sa at mag-asikaso ng lahat ng gawain, kaya nakadama ako ng sakit at pagsupil, at ayaw kong tumanggap at magpasakop, at ginusto ko pa ngang mapanatili si Chen Jing para hindi ko na kailanganing magdusa at magbayad ng halaga. Sabi ng Diyos: “Magtutuon sila sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang gawain; hindi nila ituturing ang kaunting pisikal na pagkapagod na malaking isyu. Subalit, kapag umuusbong ang isang problema sa pag-iisip ng mga tao at palagi silang naghahangad ng pisikal na kaginhawahan, anumang oras na medyo maagrabyado o hindi makuntento ang kanilang katawan ay uusbong ang ilang negatibong emosyon sa kanila(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Napakatamad ng laman ko na kapag tumitindi ang presyur sa gawain, nakadarama ako ng pagpigil at paglaban. Ang pangunahing isyu ko ay nasa aking mga kaisipan at pananaw. Ang pag-iindoktrina ni Satanas ng mga ideya ng: “Maigsi ang buhay, kaya magpakasaya habang kaya,” at “Bigyang-kasiyahan ang sarili habang buhay ka pa” ay kumontrol sa akin, ginawa akong napakamakasarili at tamad, gusto lang na magpasasa ng laman, umasa sa iba, at tamasahin ang bunga ng pagtatrabaho nila. Ayaw kong ako mismo ang magdusa ng anumang paghihirap, at gusto ko lang mamuhay na parang isang linta, o pabigat na palamunin ng mga magulang niya, naniniwalang kumportable ang mamuhay nang ganito. Nitong nakaraang ilang buwan, naging maginhawa ang aking laman, para hindi ako nakagawa ng anumang pag-usad sa aking tungkulin, at nagkamit ako ng napakakaunting katotohanan. Bilang isang lider, dapat sana ay pinapasan ko ang lahat ng gawain kasama ng aking katuwang, pero naging tamad ako, nagpapasasa sa mga kaginhawahan ng laman, at nag-aambag ng kaunti sa aking tungkulin, at hindi pa nga ako nagtatrabaho nang pasok sa pamantayan. Naisip ko kung paanong ang mga pabigat na palamunin ng mga magulang nila sa sekular na mundo ay nagpapasasa sa laman, pero namumuhay nang walang integridad at dignidad at hinahamak ng lahat, at ikinahihiya rin ng mga magulang nila na magkaroon ang mga ito ng gayong mga anak. Kung hindi ko babaguhin ang tamad at parasitikong pag-iisip na ito, tiyak na kasusuklaman at kamumuhian ako ng Diyos, ititiwalag mula sa hanay niyong mga gumagawa ng tungkulin nila, at mawawalan ng pagkakataong maligtas. Dahil nakita ko kung gaano kaseryoso ang mga kahihinatnan kapag namumuhay sa mga kaisipan at pananaw ni Satanas, ginusto kong sumandig sa Diyos para baguhin ang kalagayan sa paggawa ko ng aking tungkulin.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng isang landas ng pagsasagawa. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung isa kang taong may paninindigan, kung kaya mong ituring na mga mithiin at layunin ng iyong paghahangad ang mga responsabilidad at obligasyong dapat pasanin ng mga tao, ang mga bagay na kailangan makamit ng mga taong may normal na pagkatao, at ang mga bagay na dapat maisakatuparan ng mga taong nasa hustong gulang, at kung kaya mong pasanin ang iyong mga responsabilidad, anumang halaga ang iyong ibayad at anumang pasakit ang iyong tiisin ay hindi ka magrereklamo, at hangga’t nakikilala mo na ito ay mga hinihingi at layunin ng Diyos, magagawa mong tiisin ang anumang pagdurusa at tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Sa panahong iyon, ano ang magiging kalagayan ng iyong pag-iisip? Ito ay mag-iiba; makadarama ka ng kapayapaan at katatagan sa iyong puso, at makararanas ka ng kasiyahan. Kita mo, sa pamamagitan lang ng pagnanais na magsabuhay ng normal na pagkatao, at ng paghahangad sa mga responsabilidad, obligasyon, at misyon na dapat pasanin at isagawa ng mga taong may normal na pagkatao, ay nakadarama ng kapayapaan at kasiyahan sa kanilang puso ang mga tao, at nakararanas sila ng ligaya. Hindi pa nga sila umaabot sa punto kung saan isinasagawa nila ang mga bagay-bagay nang ayon sa mga prinsipyo at nagtatamo sila ng katotohanan, pero sumailalim na sila sa ilang pagbabago. Ang gayong mga tao ang nagtataglay ng konsensiya at katwiran; sila ay matutuwid na taong kayang mapagtagumpayan ang anumang paghihirap at isagawa ang anumang gampanin. Sila ang mabubuting kawal ni Cristo, sumailalim na sila sa pagsasanay, at walang paghihirap na makadadaig sa kanila. Sabihin ninyo sa Akin, ano ang tingin ninyo sa ganoong asal? Hindi ba’t mayroong tibay ng loob ang mga taong ito? (Mayroon.) Mayroon nga silang tibay ng loob, at hinahangaan sila ng mga tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Itinuro sa akin ng mga salita ng Diyos ang isang landas ng pagsasagawa. Bilang isang taong nasa hustong gulang na may konsensiya at katwiran, anuman ang mga paghihirap na lumilitaw sa gawain, dapat niyang pasanin ang presyur at akuin ang gawain. Iyong mga gumagawa lang ng mga tungkulin nila nang maayos bilang mga nilikha ang mga taong matuwid at marangal. Naisip ko kung paanong noong inutusan ng Diyos si Noe na gumawa ng arka, ni hindi pa nga nakakita kahit kailan si Noe kung ano ang itsura ng arka, at naharap siya sa mga hindi-pa-nararanasang paghihirap, pero hindi niya inisip kung gaano karaming pagdurusa ang titiisin niya o ang halagang kailangan niyang bayaran, at nakatuon lang siya sa kung paano tatapusin ang atas na ibinigay sa kanya ng Diyos. Noong panahong iyon, wala pang mga makabagong makina, at kinailangan ni Noe na maghanap ng kahoy, magputol ng mga puno, at gawing mga kagamitan sa paggawa ng barko ang mga ito, at wala sa mga hakbang na ito ang simple o madali tulad ng maaari nating isipin. Pero sa isipan ni Noe, may isang kaisipan lang, iyon ay kung paano itatayo kaagad ang arka ayon sa mga espesipikasyong ibinigay ng Diyos. Sa pagkukumpara sa karakter ni Noe sa akin, nakaramdam ako ng kahihiyan. Napakalinaw na ipinahayag ng Diyos ang lahat ng prinsipyong kaugnay sa tungkulin kong ito. Kung may mga hindi kasiguraduhan, maaari akong humingi ng gabay mula sa mga nakatataas na lider, at may maraming propesyonal na kaalaman na maaari kong sanggunian at pag-aralan. Basta’t gugugol ako ng mas maraming oras at pagsisikap, magagawa ko nang maayos ang aking tungkulin. Sa paggawa ng tungkulin ng isang lider, dapat sana ay ginagawa ko ang iba’t ibang gawain, pero dahil sa katamaran at kawalan ko ng motibasyon, wala akong pakialam sa gawain ni Chen Jing, at hindi ako nakisangkot dito. Pero ngayong nailipat na si Chen Jing, napipilitan akong magkaroon ng pagpapahalaga sa pasanin para subaybayan ang gawain at lutasin ang mga problema, na makatutulong at makapagtataguyod sa pagsasagawa ko ng katotohanan at pagpasok sa aking mga prinsipyo. Kung hindi nailipat si Chen Jing, namumuhay pa rin sana ako sa kalagayan ng nakaasa sa iba, at hindi sana ako masyadong nakausad, ni hindi sana ako nakapag-isip at nakalutas ng mga problema nang mag-isa. Ang mas pag-unawa pa sa layunin ng Diyos ang labis na nagpagaan sa mga mapaniil kong emosyon.

Isang araw ng Setyembre, nang mabalitaan kong sabay-sabay na naaresto ang ilang kapatid ng CCP, agad akong nakaramdam ng pagkalula, iniisip na, “Dati, si Chen Jing ang palaging nangangasiwa sa mga kinahihinatnan ng mga pag-aresto sa iglesia, pero ngayon, ako na mismo ang kailangang mangasiwa rito, at kailangan ko ring magbahagi ng katotohanan at lutasin ang mga kalagayan ng mga kapatid na namumuhay sa takot. Kakailanganin kong magsikap nang husto at magbayad ng napakalaking halaga! Magiging mahirap ito. Mas mabuti sana kung hindi na umalis si Chen Jing, hindi ko na sana kailangang mahirapan para dito.” Nang maisip ko ito, napagtanto ko na muli na naman akong namumuhay sa kalagayan ng pagtugon sa laman, kaya tahimik akong nanalangin sa Diyos. Naisip ko ang tungkol sa mga pag-aresto sa mga kapatid, at na ang layunin ng Diyos ay para mapangasiwaan ko nang maayos ang mga kinahinatnan sa lalong madaling panahon para maprotektahan ang kaligtasan ng mga aklat ng mga salita ng Diyos at ang mga kapatid, at para masuportahan at matulungan ang mga kapatid na negatibo at mahina. Bagaman maaaring pisikal itong nakapapagod, ang biglaang sitwasyong ito ay isang pagsubok para sa akin, at maaari nitong sanayin ang abilidad kong pangasiwaan ang mga bagay-bagay nang mag-isa. Nang naiisip ito, kaagad kong tinalakay at isinaayos ang mga bagay-bagay kasama ang mga kapatid, nagtanong kung ligtas ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, agad na isinaayos ang paglilipat ng mga kapatid na nasa panganib, at humingi ng gabay sa mga nakatataas na lider kung may anumang mga hindi kasiguraduhan. Mabilis na napangasiwaan ang mga kinahinatnan, at hindi napinsala nang malaki ang mga interes ng iglesia. Kalaunan, nang naharap muli ang iglesia sa mga pag-aresto, alam ko na kung paano pangasiwaan ito.

Ang pagtatalaga ng aking kapareha sa ibang tungkulin ang nagbunyag sa aking kalikasan na nagpapasasa sa kaginhawahan, at ipinakita rin nito sa akin kung gaano ako naging palaasa sa iba. Nang hindi nararanasan ang gayong sitwasyon, hindi sana ako nakagawa ng anumang progreso sa ngayon. Ang aking kasalukuyang pagkaunawa at mga natamo ay bunga ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  76. Ang Pagtutustos Ba sa mga Magulang ay isang Misyong Ipinagkatiwala ng Diyos?

Sumunod:  78. Napalaya Ko Ang Aking Sarili Mula sa Panunupil

Kaugnay na Nilalaman

45. Pamumuhay sa Harap ng Diyos

Ni Yongsui, South KoreaSabi ng Makapangyarihang Diyos, “Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger