84. Mga Pagninilay Pagkatapos Mapungusan

Ni Yang Fu, Tsina

Isang araw, nakatanggap ako ng liham mula sa isang brother na nagsasabing mayroon siyang kaunting problema sa kanyang mga tungkulin at hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya nais niyang tanungin ang opinyon ko. Pagkatapos kong basahin ang liham, hindi ko napigilang hangaan ang sarili ko. Naisip ko, “Halos dalawang taon na mula nang lisanin ko ang iglesiang iyon, pero humihingi pa rin ng payo sa akin ang mga kapatid ko kapag nakakaranas sila ng mga problemang hindi nila kayang lutasin. Sigura nga ay may taglay akong ilang katotohanang realidad at mas nakakaunawa ako kaysa sa kanila.” Naalala ko noong panahon ng tungkulin ko bilang lider sa iglesiang iyon, bagama’t hindi pa ganoon katagal mula nang ako ay manampalataya sa Diyos, kapag may mga problema o paghihirap ang aking mga kapatid, nakakahanap ako ng mga katumbas na sipi ng mga salita ng Diyos para makatulong sa kanila. Karamihan sa kanila ay handang lumapit sa akin para maghanap ng payo at makipagbahaginan kapag may problema sila, at sinang-ayunan nila kung paano ko ginampanan ang tungkulin ko bilang isang lider. Makatwiran lang na hinanap ng aking brother ang opinyon ko noong nagkaroon siya ng problema at natakot na magkamali sa pagsasagawa, dahil mababa ang kanyang tayog. Napakasaya ko nang maisip ko iyon, at hindi ko napigilang ngumiti nang may pagmamalaki. Nagkataong napansin ni Brother Wang ang ngiti ko at sinabi niyang, “Anong nagpapasaya sa iyo na ganyan ang ngiti mo?” Kaya sinabi ko sa kanya ang tungkol sa liham mula sa aking brother, at sinabi ko rin sa kanya na gusto kong tumugon. Akala ko ay sasang-ayon siya, pero sa hindi inaasahan, seryoso niyang sinabi sa akin na, “Napakataas ng tingin sa iyo ng mga kapatid mo sa iglesiang iyon! Mula nang makilala kita, napansin kong labis na nakadepende sa iyo ang lahat ng tao sa iglesiang iyon. Lumalapit sila sa iyo para sa lahat ng bagay, tinatanong ang opinyon mo, at labis mong ikinatutuwa ang kanilang suporta, at pumapayag ka sa anumang hiling nila. Naisaalang-alang mo ba ang kalikasan at kahihinatnan ng paggawa ng iyong tungkulin sa ganitong paraan? Sa halip na pagnilayan ang iyong sarili at makipagbahaginan sa iyong mga kapatid kung paano magdasal at magtiwala sa Diyos o turuan sila kung paano hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag nahaharap sila sa mga paghihirap, ibinibigay mo sa mga kapatid mo ang iyong mga solusyon para hangaan ka nila, sambahin ka, at mawalan ng puwang sa kanilang mga puso ang Diyos. Nasa landas ka ng isang anticristo!” Parang isang mabigat na dagok ang mga salita ni Brother Wang. Nabigla ako. Ang mga sinabi niya ay talagang matalim at tumatagos. Sa sandaling iyon, hindi ko ito matanggap. Naguluhan ang puso ko. Naisip ko, “Hindi naman siguro ganoon kasama iyon. Ginagampanan ko ang tungkulin ko na lutasin ang mga problema at paghihirap para sa aking mga kapatid, at nakamit ko ang ilang resulta kaugnay nito. Ang gawain sa iglesiang iyon ay hindi ganoon ka-epektibo noong una. Nang simulan ko ang aking tungkulin bilang lider, nagsimulang gumawa ng kanilang tungkulin ang karamihan sa mga kapatid na hindi gumagawa ng kanilang mga tungkulin noon, unti-unti kaming nakahikayat ng ilang tao sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, at bumuti ang bawat aspekto ng gawain. Bukod pa riyan, hindi ako sumalungat sa mga pagsasaayos ng gawain at gumawa ng ibang bagay, ni hindi ako nagtangkang magtatag ng sarili kong kaharian. Paano niya nasabing tinatahak ko ang landas ng isang anticristo? Ang pagtulong sa aking mga kapatid na mas mababa ang tayog para lutasin ang mga problema sa kanilang mga tungkulin ay dapat ituring na isang mabuting gawa. Pero sinasabi niya na itinataas ko ang aking sarili at tinatahak ko ang landas ng isang anticristo; hindi ba’t pinapalaki lang nito ang mga bagay at inilalarawan ako nang mali?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nadidismaya. Hindi ko matanggap ang sinabi sa akin ni Brother Wang. Sa panahong iyon, naisip ko kung paanong sa nakaraan, kapag hindi ko matanggap ang pagpupungos, humahantong lang ito sa aking kahihiyan. Naisip ko rin ang siping ito ng salita ng Diyos: “Kapag nahaharap sa mga problema sa tunay na buhay, paano mo dapat alamin at unawain ang awtoridad ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan? Kapag naharap ka sa ganitong mga problema at hindi mo alam kung paano unawain, harapin, at danasin ang mga ito, anong saloobin ang dapat mong taglayin upang ipakita ang iyong intensyong magpasakop, ang iyong pagnanais na magpasakop, at ang realidad ng iyong pagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos? Una, dapat mong matutuhan ang maghintay; sunod, dapat mong matutuhang maghanap; kasunod, dapat mong matutuhang magpasakop(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Napagtanto ko na ang pagpupungos na ito para sa akin ay may taglay na layunin ng Diyos. Hindi alintana kung nauunawaan ko man o hindi, kailangan ko pa ring tanggapin at sundin. Kung totoo man ang sinabi ni Brother Wang, na nagpapakitang gilas ako, at dahil dito, humahanga at sumasamba sa akin ang mga kapatid sa halip na sumandig sa Diyos at humanap ng mga katotohanang prinsipyo, at tinatahak ko ang landas ng isang anticristo, labis na mapanganib ito. Nang maisip ko iyon, hindi na ako lumaban sa aking puso. Nagdasal ako sa Diyos at tinanggap ito. Sinabi ko kay Brother Wang na, “Bagama’t hindi ko pa napagtanto kung gaano kabigat ang aking problema, dahil itinuro mo ito, hahanapin ko ang katotohanan tungkol sa bagay na ito.” Pagkatapos niyon, nagsimula akong kumalma at magnilay sa aking mga kilos.

Naalala ko na hindi naglaon nang ako ay magsimulang manampalataya sa Diyos, nakita ko kung gaano kasaya ang mga kapatid kapag nagbabahaginan ang mga lider at manggagawa tungkol sa katotohanan para lutasin ang kanilang mga problema at paghihirap, at kung gaano nila kagustong dumalo sa mga ganoong pagtitipon at humingi ng mga solusyon. Labis akong nainggit, at umasa akong maging katulad ng mga lider at manggagawang iyon at makapagbahagi tungkol sa katotohanan upang lutasin ang mga problema ng aking mga kapatid para maging mataas ang tingin nila sa akin at sang-ayunan nila ako. Kaya, dala ang layunin at pagnanais na iyon, sinimulan kong magtuon sa pagbabasa ng salita ng Diyos, aktibong dumalo sa mga pagtitipon at kapag may mga problema o paghihirap ang aking mga kapatid, hinahanap ko ang katotohanan para matulungan sila. Ang masigasig kong paghahangad ang nakakuha ng kanilang pagsang-ayon, at sinabi ng lahat na kaya kong magdusa at magbayad ng halaga sa aking mga tungkulin, at na alam ko kung paano isagawa ang katotohanan. Kalaunan, napili ako bilang lider ng iglesia, at ginampanan ko ang aking mga tungkulin nang may higit na sigasig at pagsusumikap. Sa lahat ng bagay, kabilang na ang pagdalo sa pagtitipon ng grupo at paglutas sa mga problema at paghihirap ng mga tao, palagi akong nangunguna, at kailanman ay hindi ako nagpapahuli. Kahit na minsan ay nakakaramdam ako ng pagiging negatibo at panghihina, palagi kong inaayos agad ang kalagayan ko at aktibong ginagawa ang gawain ng iglesia para makita ng mga kapatid ko na ako ay isang lider na pasok sa pamantayan. Naalala ko minsan, may isang sister na pinipigilan ng kanyang asawa. Hind siya makadalo nang normal sa mga pagtitipon o makagawa ng kanyang mga tungkulin, at nakaramdam siya ng pagiging negatibo at panghihina. Nang malaman ko ito, naisip ko, “May katulad din akong karanasan. Alam kong magagamit ko ang praktikal na karanasan ko para matulungan ko siya na mas mabilis na makawala sa kanyang pagiging negatibo, at maipapakita nito sa mga kapatid ko na kaya kong lutasin ang mga problema at taglay ko ang mga katotohanang realidad.” Kaya, naghanap ako ng mga sipi ng salita ng Diyos na tumutugon sa kanyang kalagayan at iniugnay ko ang mga ito sa sarili kong karanasan para makapagbahagi sa kanya. Para masigurong makikita niya na mayroon akong tayog, ibinahagi ko lang ang tungkol sa positibong pagsasagawa sa aking pakikipagbahaginan at hindi ko binanggit ang katiwalian na aking ibinunyag, ang aking pagiging negatibo, o ang aking kahinaan. Nagbigay-inspirasyon sa kanya ang aking pakikipagbahaginan at labis na bumuti ang kanyang kalagayan. Pagkatapos niyon, sinabi niya sa lahat sa isang pagtitipon na, “Alam ni Brother Yang kung paano isagawa ang katotohanan at mayroon siyang tayog. Sa kabila ng matinding pag-uusig sa kanyang anak, nanindigan siya sa kanyang patotoo, at nagpatuloy siya sa pangangaral ng ebanghelyo at pagpapatotoo sa Diyos. Nakaramdam lang ako ng inspirasyon matapos marinig ang kanyang pagbabahagi.” Nang marinig ko iyon, labis akong natuwa nang palihim. Kalaunan, ginugol ko ang lahat ng oras ko sa pagtulong sa aking mga kapatid. Kapag nababalitaan ko ang tungkol sa isang lider ng grupo na pabaya sa kanyang tungkulin at hindi nilulutas ang mga aktuwal na problema, o ang isang kapatid na nasa masamang kalagayan at hindi nagagampanan nang normal ang kanyang mga tungkulin, pumupunta ako para personal na ayusin ito. Sinuong ko ang hangin, ulan, init, at lamig, kailanman ay hindi ako nagpabaya, at hindi ako napapalagay hangga’t hindi nalulutas at naaayos ang kanilang mga problema. Naalala ko minsan, nabalitaan kong may isang tao na bumuo ng paksyon sa iglesia at nagbubulalas ng pagkanegatibo. Walang pagkilatis ang ilang kapatid, at mayroon silang mga pagkiling at hindi sila makapagtrabaho nang nagkakasundo. Agad akong pumunta para makipagbahaginan sa kanila. Isiniwalat at hinimay ko ang pag-uugali ng taong iyon at pinahinto ko ang kanyang masasamang gawa. Sa pamamagitan ng aking pagbabahagi, nagkaroon ng pagkilatis ang mga kapatid at hindi na sila nailihis at naabala ng taong iyon. Dahil dito, patuloy na bumuti ang impresyon sa akin ng aking mga kapatid. Binanggit pa ako ng ilang kapatid, sinabi nilang, “Alam na alam ni Brother Yang kung paano isagawa ang katotohanan, nakikita niya ang mga tao at bagay nang mas malinaw kaysa sa atin, at may lalim ang kanyang mga salita. Dapat mong aminin na kaya niyang lutasin ang anumang problema!” Napakasaya ko nang marinig ko iyon, pakiramdam ko ay ginagawa ko nang maayos ang trabaho ko. Hindi ko namalayan, nasa kalagayan na pala ako ng paghanga sa sarili. Kalaunan, sinadya ko ring magpasikat sa harap ng aking mga kapatid, sinasabi ko na, “Naging napakatuso at mapanlinlang ng taong iyon at nagpapakalat siya ng mga nakalilinlang na kasinungalingan sa iglesia. Imposible siyang makilatis nang walang pagkaunawa sa katotohanan, pero buti na lang, nakita ko kung sino talaga siya at nagawa kong ibahagi at isiwalat ang kanyang pag-uugali. Maaaring nagawa niyang ilihis ang ibang tao, pero hindi ako.” Matapos marinig ang pagbabahagi ko, mataas ang naging tingin sa akin ng isang brother. Kalaunan, tuwing may mga problema siya, lumalapit siya sa akin para malutas ang mga ito. Madalas din akong magsalita sa harap ng mga kapatid ko tungkol sa kung paano ako nagdasal sa Diyos para hanapin ang Kanyang layunin sa aking mga tungkulin at kung paano ako nagdusa at nagbayad ng halaga, para patunayan na may taglay akong pananalig at alam kong isagawa ang katotohanan. Minsan, nagtungo kami ni Brother Zhang para diligan ang mga baguhan, at naisip ko, “Naging lider ako sa dati kong iglesia, at lubos kong nauunawaan ang kalagayan ng mga taong nasa relihiyon, kaya talagang mahusay ako sa pagdidilig ng mga baguhan.” Nang magtanong ang mga baguhan, masigla akong nagsalita at nagbahagi sa kanila ng sarili kong karanasan sa pagbabago ng aking mga kuru-kuro. Pero sa pagbabahagi ko, binanggit ko lang kung paano ko hinanap at tinanggap ang katotohanan, at hindi ko sinabi kung paano ko isinara ang iglesia at nilabanan ang Diyos dahil sa sarili kong mga kuru-kuro dahil natakot akong mawala ang magandang impresyon nila sa akin. Nakita kong tumango nang may pagsang-ayon ang mga baguhang ito habang pinapakinggan ang aking pagbabahagi, at taos-puso kong naramdaman na pasok sa pamantayan at katanggap-tanggap sa Diyos ang paraan ng paggawa ko ng aking mga tungkulin. Matapos marinig ang pagbabahagi ko, naiinggit na sinabi ng mga baguhan sa akin na, “Pagkatapos ng yugtong ito ng pakikisalamuha, sa tingin ko ay mas higit ang pasanin mo kaysa kay Brother Zhang, mas detalyado kang magbahagi; mas madaling maunawaan ang pagbabahagi mo at mas nakakapukaw ka ng sigasig.” Nang marinig kong sinabi ito ng mga baguhan, lalo kong naisip na taglay ko ang ilang katotohanang realidad. Kalaunan, nilisan ko ang iglesiang iyon para punan ang pangangailangan sa tungkulin sa ibang lugar, pero paminsan-minsan ay painag-uusapan pa rin ako ng mga baguhang iyon. “Bakit wala rito si Brother Yang? Malaki ang naitutulong ng pagbabahagi niya sa amin.” Nang mabalitaan ko iyon, hindi ko maiwasang mag-isip, “Para bang, bukod sa paglutas ng mga problema sa buhay pagpasok ng mga kapatid ko, kaya ko ring lutasin ang mga relihiyosong kuru-kuro ng mga baguhan. Talaga ngang isa akong mahusay na taong may talento sa iglesia.” Sa panahong iyon, hindi ko naisip na magnilay man lang tungkol sa landas ko. Pakiramdam ko ay mayroon talaga akong tayog, alam kong isagawa ang katotohanan at tapat ako sa aking mga tungkulin, kaya naman tinitingala at hinahangaan ako ng aking mga kapatid. Namuhay ako sa sitwasyon ng paghanga sa sarili nang walang anumang kamalayan sa sarili. Pagkatapos ng sinabi sa akin ni Brother Wang, at nang ihambing ito sa pag-uugali ko noon, doon ko lamang napagtanto na naging napakayabang ko at wala akong katwiran. Palagi kong itinataas ang aking sarili at palaging nagpapakitang gilas. Hindi ko talaga kilala ang sarili ko!

Pagkatapos niyon, masigasig akong nagbasa ng salita ng Diyos tungkol sa pagtataas at pagpapatotoo sa sarili para mapagnilayan at maunawaan ang aking sarili. Nabasa ko ang siping ito ng salita ng Diyos: “Itinataas at pinapatotohanan ang kanilang sarili, ibinibida ang mga sarili nila, sinisikap na tingalain at sambahin sila ng mga tao—may kakayahan sa mga bagay na ito ang tiwaling sangkatauhan. Ganito ang likas na reaksiyon ng mga tao kapag pinamamahalaan sila ng mga satanikong kalikasan nila, at karaniwan ito sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Paano karaniwang itinataas at pinapatotohanan ng mga tao ang kanilang sarili? Paano nila natatamo ang pakay na tingalain at sambahin sila ng mga tao? Nagpapatotoo sila sa kung gaano karaming gawain ang nagawa nila, kung gaano sila nagdusa, kung gaano nila ginugol ang mga sarili nila, at kung anong halaga ang binayaran nila. Ginagamit nila ang mga bagay na ito bilang kapital kung saan itinataas nila ang mga sarili nila, na nagbibigay sa kanila ng mas mataas, mas matatag, mas ligtas na lugar sa pag-iisip ng mga tao, upang mas maraming tao ang magpapahalaga, titingala, hahanga, at gayundin ang sasamba, gagalang, at susunod sa kanila. Upang matamo ang pakay na ito, maraming bagay na ginagawa ang mga tao na nagpapatotoo sa Diyos sa panlabas, pero sa totoo lang ay nagtataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Makatwiran bang kumilos nang ganoon? Lampas sila sa saklaw ng pagkamakatwiran at wala silang kahihiyan, ibig sabihin, walang kahihiyan silang nagpapatotoo sa nagawa nila para sa Diyos at kung gaano sila nagdusa para sa Kanya. Ibinibida pa nga nila ang kanilang mga kaloob, mga talento, karanasan, mga natatanging kasanayan, matatalinong diskarte sa mga makamundong transaksiyon, ang mga paraang ginagamit nila upang paglaruan ang mga tao, at iba pa. Ang kaparaanan nila ng pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili ay upang ipangalandakan ang sarili nila at maliitin ang iba. Nagbabalatkayo at nagpapanggap din sila, ikinukubli ang mga kahinaan, mga kakulangan, at mga kapintasan nila sa mga tao upang ang tanging nakikita ng mga ito ay ang kanilang luningning. Hindi man lamang sila nangangahas na sabihin sa ibang tao kapag nakararamdam sila ng pagkanegatibo; salat sila sa tapang na magtapat at makipagbahaginan sa mga ito, at kapag may ginawa silang anumang mali, ginagawa nila ang lahat-lahat upang ikubli at pagtakpan ito. Hindi nila kailanman binabanggit ang pinsalang naidulot nila sa gawain ng iglesia sa takbo ng paggawa ng tungkulin nila. Kapag may nagawa silang maliit na ambag o natamong ilang maliit na tagumpay, gayunman, mabilis sila sa pagpapakitang-gilas nito. Hindi sila makapaghintay na ipaalam sa buong daigdig kung gaano sila may kakayahan, kung gaano kataas ang kakayahan nila, kung gaano sila katangi-tangi, at kung gaano sila mas magaling kaysa sa mga normal na tao. Hindi ba’t isa itong paraan ng pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili? Ang pagtataas at pagpapatotoo ba sa sarili ay isang bagay na ginagawa ng isang taong may konsensiya at katwiran? Hindi. Kaya kapag ginagawa ito ng mga tao, anong disposisyon ang karaniwang nabubunyag? Kayabangan. Ito ang isa sa mga pangunahing disposisyon na nabubunyag, na sinusundan ng panlilinlang, na kinasasangkutan ng paggawa ng lahat ng maaari upang gawing mataas ang pagpapahalaga sa kanila ng ibang mga tao. Hindi mabubutasan ang kanilang mga salita at malinaw na naglalaman ng mga motibasyon at pakana, nagpapakitang-gilas sila, gayumpaman ay nais nilang itago ang katunayang ito. Ang kalalabasan ng kung ano ang sinasabi nila ay na pinararamdam sa mga tao na mas mahusay sila kaysa sa iba, na wala silang sinumang kapantay, na ang lahat ng iba ay nakabababa sa kanila. At ang kalalabasang ito ay hindi ba natatamo sa pamamagitan ng mga pakubling paraan? Anong disposisyon ang nasa likod ng gayong mga paraan? At mayroon bang anumang mga sangkap ng kabuktutan? (Mayroon.) Isa itong uri ng buktot na disposisyon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Pinagnilayan ko ang mga salita ng Diyos at inihambing ko ang mga ito sa sarili kong mga kilos. Nakita ko na nakagawian ko nang itaas ang sarili ko at magpakitang gilas sa aking mga tungkulin at tunay ngang nasa landas ako ng isang anticristo. Naalala ko noong nagsisimula pa lang akong manampalataya sa Diyos. Nang makita ko kung paano hinahangaan at tinitingala ng mga tao ang mga lider at manggagawa dahil sa kanilang pagbabahagi, nainggit ako. Para makamit ang respeto at paghanga ng aking mga kapatid, handa akong magdusa at magsumikap. Nang magkaroon na ng mga resulta ang gawain ko, madalas akong nagpapatotoo sa harap ng aking mga kapatid kung paano ako nagdusa at nagbayad ng halaga, kung paano ako nagsumikap sa aking mga tungkulin, at kung paano ko isinagawa ang katotohanan, pero hindi ko kailanman binanggit ang aking pagiging negatibo, kahinaan, paghihimagsik, at paglaban dahil labis akong natakot na makilatis ako ng mga tao at mabansagan akong isang lider na walang kakayahan. Ang inisip ko lang ay kung paano ko maitataguyod ang aking imahe sa puso ng aking mga kapatid, at ginamit ko ang aking tungkulin bilang pagkakataon na maitaas ang aking sarili at magpasikat para respetuhin at hangaan ako ng lahat ng aking mga kapatid. Hindi ba’t tinatahak ko ang landas ng anticristo na lumalaban sa Diyos? Pero manhid ako at hindi ko man lang ito namalayan. Hindi pa rin ako nahiya sa paghanga sa sarili ko at sa pagpapasikat habang iniisip na taglay ko ang mga katotohanang realidad. Wala akong pagkatao o katwiran. Kinasusuklaman at kinapopootan ng Diyos ang ginawa ko. Nang mapagtanto ko ito, nakaramdam ako ng malalim na pagsisisi sa sarili. Talagang naramdaman ko na hindi ako karapat-dapat mabuhay sa harap ng Diyos, lalo na ang tumanggap ng kaligtasan mula sa Diyos.

Nagsimula akong magnilay matapos kong mapagtanto ang mga bagay na ito: “Bakit ba palagi akong nagtataas ng aking sarili at nagpapasikat nang hindi ko namamalayan? Bakit ko ba tinatahak ang landas ng isang anticristo, gumagawa ng kasamaan at lumalaban sa Diyos? Ano ang dahilan?” Habang naghahanap ako, nabasa ko ang mga siping ito ng salita ng Diyos: “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa mga layunin ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang pagkakataon mong pagtaksilan ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong kalikasan na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para itaas mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito para ilagay mo ang iyong sarili sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para dakilain mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). “Partikular na iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at maging sentro sila ng atensiyon ng mga ito. Gusto nilang magkaroon ng puwang sa puso ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang larawang ipinakikita nila. Himayin natin ang kanilang kalikasan mula sa mga pag-uugaling ito. Ano ang kanilang likas na pagkatao? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at palalo. Hindi talaga nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nagnanais na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin ang mga ito, at magkaroon ng puwang sa puso ng mga ito. Ito ang klasikong larawan ni Satanas. Ang namumukod na mga aspekto ng kanilang kalikasan ay kayabangan at kapalaluan, ang pag-ayaw na sambahin ang Diyos, at ang pagnanais na sambahin ng iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pagtingin sa kanilang kalikasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). Sa pamamagitan ng paglantad ng salita ng Diyos, naunawaan ko na nais kong hangaan ako sa lahat ng bagay at magkaroon ng mataas na posisyon sa puso ng mga tao dahil kontrolado ako ng aking mapagmataas at palalong satanikong kalikasan. Tinatahak ko ang landas ng anticristo na lumalaban sa Diyos. Mula sa simula ng mga tungkulin ko, hindi ako nahihiyang magpasikat sa harap ng aking mga kapatid tungkol sa kung paano ako nagdusa at nagbayad ng halaga para sa tungkulin ko, kung paano ako naghimagsik laban sa laman, at kung paano ko hinanap ang katotohanan para lutasin ang mga problema, na may layong ipakita na nakahihigit ako sa mga karaniwang tao at mas mahusay ako kaysa sa iba. Nais kong hangaan at sambahin ako ng mga tao. Naisip ko si Pablo, at kung paano niya ginamit ang kanyang pangangaral at gawain para ipakita ang kanyang mga kaloob at kaalaman, nagpasikat para hangaan siya ng iba, at nagtungo siya sa iba’t ibang iglesia para magpatotoo kung gaano siya nagtrabaho at nagdusa para sa Panginoon upang makuha ang loob ng mga tao at mabihag ang mga puso ng mga tao. Sa kanyang gawain at mga liham, hindi siya nagpatotoo sa katotohanang ipinahayag ng Panginoong Jesus, ni nagpatotoo sa pagiging kaibig-ibig ng Panginoong Jesus o nanghikayat sa mga mananampalataya na sundin ang mga salita ng Panginoon. Sa halip, binaluktot niya ang mga salita ng Panginoong Jesus batay sa kanyang sariling mga opinyon. Para matugunan ang sarili niyang mga ambisyon at pagnanais, nagtrabaho si Pablo na nakasandig sa kanyang mapagmataas at palalong satanikong disposisyon para sambahin siya ng iba at mapasunod niya ang lahat. Sa wakas, walang kahihiyang nagpatotoo si Pablo na siya ay namuhay bilang cristo at kinuha niya ang lugar ng Panginoong Jesus sa puso ng mga tao. Nabulag niya ang mga henerasyon ng mananampalataya sa Panginoon para pakinggan ng mga tao ang kanyang mga salita at hindi pagtuunan ang salita ng Panginoon, at tinahak niya ang landas ng paglaban sa Diyos. Nakita ko na ang aking mga kilos ay katulad ng kay Pablo. Sa ilalim ng kontrol ng aking mapagmataas at palalong satanikong kalikasan, itinaas ko ang aking sarili, nagpasikat sa lahat ng pagkakataon, at hinikayat ang mga taong sambahin ako. Dahil dito, nawalan ng puwang ang Diyos sa puso ng aking mga kapatid, at kapag may mga nangyayari, hindi sila sumasandig sa Diyos o humahanap ng mga katotohanang prinsipyo. Sa halip, sumandig sila sa akin, na para bang taglay ko ang katotohanan. Kung magpapatuloy ako sa ganitong paraan, hindi ba’t inilalapit ko sa akin ang aking mga kapatid? Ito ay isang bagay na sumasalungat sa disposisyon ng Diyos! Nang mapagtanto ko ito, nabalot ng takot ang puso ko. Hindi ko kailanman naisip na dahil ginagampanan ko ang aking mga tungkulin nang may mapagmataas at palalong kalikasan ay makakagawa ako ng ganoon kasasamang bagay na lumalaban sa Diyos!

Pagkatapos, nagbasa ako ng isa pang sipi ng salita ng Diyos: “Ang ilang mga tao ay maaaring gumagamit ng kanilang mga katungkulan upang paulit-ulit na magpatotoo tungkol sa kanilang mga sarili, magtataas sa kanilang mga sarili, at makipag-agawan sa Diyos para sa mga tao at katungkulan. Gumagamit sila ng sari-saring paraan at hakbang para sambahin sila ng mga tao, palaging sinusubukang makuha ang mga tao at kontrolin sila. Ang mga iba nga ay sinasadya pang ilihis ang mga tao para isiping sila ay Diyos upang maaari silang tratuhing parang Diyos. Hinding-hindi nila sasabihin sa mga tao na sila ay naging tiwali na—na sila rin ay tiwali at mayabang, na huwag silang sambahin, na ga’no man kahusay ang ginagawa nila, ito ay dahil lamang sa pagtataas ng Diyos at ginagawa lamang nila ang dapat nilang gawin. Bakit hindi nila sinasabi ang mga bagay na ito? Dahil lubha silang natatakot na mawala ang kanilang lugar sa puso ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong tulad nila ay hindi kailanman dumakila sa Diyos at hindi kailanman sumaksi tungkol sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I). Tumagos sa aking puso ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Binigyan ako ng pagkakataon ng sambahayan ng Diyos na maging isang lider, para maisagawa kong magbahagi ng katotohanan para malutas ang mga problema sa buhay pagpasok ng aking mga kapatid, at magabayan ang mga tao sa pag-unawa ng katotohanan, pagkilala sa Diyos, at pagpapasakop sa Diyos. Pero, sa halip na pagtuunan ang pagdadakila at pagpapatotoo sa Diyos, ginamit ko ang aking tungkulin para magpasikat at tugunan ang sarili kong mga ambisyon at pagnanais. Dahil sa aking pamumuno, sinamba at hinangaan ako ng lahat ng aking mga kapatid; kapag may mga nangyayari, sa akin sila sumasandig sa halip na sa Diyos at hindi nila hinahangad ang mga katotohanang prinsipyo. Kung magpapatuloy ako sa ganitong paraan, hindi ba’t inilalapit ko lang ang mga tao sa akin? Ang Diyos ay kataas-taasan, banal, at dakila, pero tiniis niya ang matinding kahihiyan na magkatawang tao para iligtas ang sangkatauhan, Ginawa Niya ang kanyang gawain sa mapagkumbaba at tagong paraan kasama ang mga tao, at ipinahayag Niya ang katotohanan nang hindi Siya nakikilala para tustusan at gabayan ang mga tao, ibinigay ang lahat para sa sangkatauhan. Hindi kailanman nagtangkang magpasikat ang Diyos. Tunay na kahanga-hanga ang Kanyang kalikasan. Ako ay mas mababa pa kaysa sa isang uod, at ginawa akong labis na tiwali ni Satanas na wala na akong wangis ng tao, pero nais kong hangaan at sambahin ako ng iba. Wala talaga akong kahihiyan, at hindi ko alam ang tamang lugar ko! Habang pinagninilayan ko ang mga nagawa ko, nakaramdam ako ng pagkasuklam at pagkahiya, pati na rin ng pagsisisi at pagkamuhi sa sarili. Nabigo akong matumbasan ang biyaya at labis na kagalakan ng Diyos sa nagdaang ilang taon. Dahil sa masasamang gawang ito, karapat-dapat akong sumpain at parusahan!

Kalaunan, nagbasa ako ng dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Naunawaan ko na kung ano ang pagdadakila at pagpapatotoo sa Diyos, at nakahanap ako ng mga paraan ng pagsasagawa para malutas ang problema ng pagtataas sa sarili at pagtahak sa landas ng isang anticristo. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahin kang magsalita tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, at kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat din kayong magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibunyag sa inyong karanasan, kung gaano na kayo nagdusa, kung gaano karaming bagay ang ginawa ninyo upang labanan ang Diyos, at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos. Magsalita kung gaano karaming tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat magpatotoo para sa Diyos at suklian Siya para sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng diwa ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag pag-usapan ang tungkol sa mga walang kabuluhang teorya. Magsalita kayo nang mas praktikal; magsalita kayo nang mula sa puso. Ganito ninyo dapat danasin ang mga bagay-bagay. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at hungkag na teorya para magpakitang-gilas; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan, at mas magsalita nang mula sa puso; ito ay pinakakapaki-pakinabang sa iba, at pinakanararapat na makita nila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). “Kung gayon, anong paraan ng pagkilos ang hindi pagtataas at pagpapatotoo sa sarili? Kung magpapakitang-gilas ka at magpapatotoo sa iyong sarili tungkol sa isang partikular na bagay, makakamit mo ang resulta na mapataas ang tingin sa iyo ng ilang tao at sambahin ka. Subalit kung inilalantad mo ang iyong sarili at ibinabahagi ang kaalaman mo sa sarili tungkol sa parehong bagay na iyon, iba ang kalikasan nito. Hindi ba’t totoo ito? Ang paglalantad sa sarili ng isang tao para pag-usapan ang tungkol sa kaalaman niya sa sarili ay isang bagay na dapat tinataglay ng ordinaryong pagkatao. Positibong bagay ito. Kung talagang kilala mo ang iyong sarili at tama, tunay, at tumpak ang sinasabi mo tungkol sa iyong kalagayan; kung nagsasalita ka tungkol sa kaalaman na ganap na nakabatay sa mga salita ng Diyos; kung iyong mga nakikinig sa iyo ay napabubuti at nakikinabang dito; at kung nagpapatotoo ka sa gawain ng Diyos at niluluwalhati Siya, iyon ay pagpapatotoo sa Diyos. Kung, sa paglalantad mo sa iyong sarili, marami kang nababanggit tungkol sa iyong mga kalakasan, kung paano ka nagdusa, at nagbayad ng halaga, at nanatiling matatag sa iyong patotoo, at dahil dito, may mataas na opinyon sa iyo ang mga tao at sinasamba ka, pagpapatotoo ito sa iyong sarili. Kailangan mong masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pag-uugaling ito. Halimbawa, ang pagpapaliwanag kung gaano ka kahina at kanegatibo noong nahaharap ka sa mga pagsubok, at kung paanong, pagkatapos mong manalangin at hanapin ang katotohanan, sa wakas ay naunawaan mo na ang layunin ng Diyos, nagkaroon ng pananalig, at naging matatag sa iyong patotoo, ay pagdadakila at pagpapatotoo sa Diyos. Ito ay ganap na hindi pagpapakitang-gilas at pagpapatotoo sa iyong sarili. Samakatwid, kung nagpapakitang-gilas at nagpapatotoo ka man sa iyong sarili o hindi, higit sa lahat ay nakabatay sa kung nagsasalita ka ba tungkol sa iyong mga tunay na karanasan, at kung nakamit mo ba ang epekto ng pagpapatotoo sa Diyos; kailangan ding tingnan kung ano ang iyong mga layunin at mithiin kapag nagsasalita ka tungkol sa iyong patotoong batay sa karanasan. Sa paggawa nito ay mapapadali ang pagtukoy kung anong uri ng pag-uugali ang iyong ginagawa. Kung may tamang layunin ka kapag nagpapatotoo ka, kahit na may mataas na opinyon sa iyo at sumasamba sa iyo ang mga tao, hindi talaga problema iyon. Kung may maling layunin ka, kahit walang may mataas na tingin sa iyo o sumasamba sa iyo, problema pa rin ito—at kung ang mga tao ay may mataas na tingin sa iyo at sumasamba sa iyo, kung gayon, mas malaking problema iyon. Samakatwid, hindi ka maaaring tumingin lang sa mga resulta para matukoy kung ang isang tao ay nagtataas at nagpapatotoo sa sarili niya. Dapat pangunahin mong tingnan ang layunin niya; nababatay sa mga layunin ang tamang paraan ng pagkilala sa dalawang pag-uugaling ito. Kung susubukin mo lang na kilatisin ito batay sa mga resulta, maaaring mali mong maaakusahan ang mabubuting tao. Nagbabahagi ang ilang tao ng partikular na tunay na patotoo, at ang iba naman ay nagkakaroon ng mataas na opinyon sa kanila at sinasamba sila—masasabi mo ba na nagpapatotoo ang mga taong iyon sa sarili nila? Hindi, hindi mo masasabi iyon. Walang problema sa mga taong iyon, ang patotoong ibinabahagi nila at ang tungkuling ginagawa nila ay kapaki-pakinabang sa iba, at ang mga hangal at mangmang na tao lang na may baluktot na pag-arok ang sumasamba sa ibang tao. Ang susi sa pagkilatis kung ang mga tao ay nagtataas at nagpapatotoo sa sarili nila o hindi ay ang pagtingin sa layunin ng nagsasalita. Kung ang layunin mo ay ang ipakita sa lahat kung paano nabunyag ang iyong katiwalian, at kung paano ka nagbago, at para makinabang ang iba mula rito, taimtim at totoo ang iyong mga salita, at naaayon sa mga katunayan. Tama ang gayong mga layunin, at hindi ka nagpapakitang-gilas o nagpapatotoo sa iyong sarili. Kung ang iyong layunin ay ang ipakita sa lahat na may mga tunay na karanasan ka, at na nagbago ka na at nagtataglay ng katotohanang realidad, para mapataas ang tingin nila sa iyo at sambahin ka nila, mali ang mga layuning ito. Iyon ay pagpapakitang-gilas at pagpapatotoo sa iyong sarili. Kung ang patotoong batay sa karanasan na binabanggit mo ay huwad, may halong kasinungalingan, at nilalayong linlangin ang mga tao, para pigilan silang makita ang tunay mong kalagayan, at para pigilang mabunyag sa iba ang mga layunin, katiwalian, kahinaan, o pagiging negatibo mo, kung gayon, mapanlinlang at mapanlihis ang gayong mga salita. Huwad na patotoo ito, panloloko ito sa Diyos at nagdudulot ng kahihiyan sa Diyos, at pinakakinamumuhian ito ng Diyos sa lahat(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Naunawaan ko mula sa mga salita ng Diyos na para dakilain at patotohanan ang Diyos, kailangan muna nating magkaroon ng tamang layunin at magsalita nang tapat. Tungkol naman sa kung anong pagrerebelde, kahinaan, at mga tiwaling disposisyon ang ibinubunyag natin sa ating mga karanasan, kung paano natin pinagnilayan at kinilala ang ating mga sarili ayon sa mga salita ng Diyos, kung paano natin tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos, at kung anong tunay na kaalaman ang nakamit natin tungkol sa Diyos, kailangan nating malayang makipagbahaginan. Dagdag pa rito, dapat palagi nating pagnilayan ang ating mga kilos, kaisipan at ideya. Kapag nais nating itaas ang ating mga sarili at magpasikat, kailangan nating magdasal at maghimagsik laban sa ating mga sarili, magkaroon ng mga tamang layunin, malaman at mapanatili ang ating tamang lugar, madalas na maging bukas sa mga kapatid para maisiwalat ang ating sariling katiwalian, at gamitin ang sarili nating kaalaman sa salita ng Diyos na batay sa karanasan para dakilain at patotohanan ang Diyos. Ito ang katwirang dapat taglayin ng mga nilikha at ang tungkulin na dapat nilang gampanan.

Nang mapagtanto ko ito, sinabi ko kay Brother Wang na, “Ang paggabay mo ang tumulong sa akin na magnilay at makilala ang aking sarili. Ito ang pagmamahal ng Diyos para sa akin. Ngayon ay mayroon na akong ilang pagkaunawa sa tiwaling disposisyon ko, handa akong magsisi sa Diyos at himayin at ilantad ang aking sarili sa harap ng aking mga kapatid.” Kalaunan, nang sumulat ako pabalik sa aking kapatid, ibinunyag ko kung paano ko itinaas ang sarili ko at kung paano ako nagpasikat sa nakalipas na ilang taon, ang mga maling layunin ko, at na tinahak ko ang landas ng isang anticristo. Inilantad, isiniwalat, at hinimay ko ang mga bagay na ito kasama ang aking kapatid, para makilatis ng mga kapatid ang aking katiwalian at masasamang gawa at hindi na sila humanga at hindi ko na sila mailihis. Ginabayan ko rin sila na sumandig sa Diyos sa lahat ng bagay at humanap ng mga landas ng pagsasagawa sa salita ng Diyos, at kahit sa pakikipagbahaginan sa iba, dapat nilang taglayin ang mga tamang layunin, tanggapin ang lahat ng bagay na mula sa Diyos, tanggapin lamang ang pakikipagbahaginan na naaayon sa salita ng Diyos at sa katotohanan, at huwag sambahin o sundin ang sinumang tao dahil ito ang landas na dapat tahakin ng mga tunay na nananampalataya sa Diyos at naghahangad ng katotohanan. Nang matapos ko ang aking liham, nakaramdam ako ng kapanatagan at kapayapaang hindi ko naranasan noon.

Kalaunan, sinadya kong isagawa ang salita ng Diyos sa aking mga tungkulin. Kapag nagbubunga ng mga resulta ang gawain ko at pinupuri ako ng aking mga kapatid, at nais kong itaas muli ang sarili ko at magpasikat, agad akong nagdadasal sa Diyos, ginagamit ko ang salita ng Diyos para magnilay at maunawaan ang disposisyon ng anticristo na aking naibunyag, naghihimagsik laban sa mga maling layunin ko sa tamang oras, at nagsasagawa ayon sa salita ng Diyos. Dahan-dahan, medyo napigilan ang mapagmataas at palalong satanikong disposisyon ko, at hindi ko na itinaas ang aking sarili o nagpasikat katulad ng dati. Minsan, pumunta ako sa isang pagtitipon, at sinabi ng isang kapatid na, “Ang pagbabahagi ng katuwang mo ay hindi nagbibigay ng ganoong landas gaya ng sa iyo. …” Nang marinig ko iyon, nagsimula akong makaramdam ng pagmamataas, pero agad kong napagtanto na mali ang kalagayan ko at nakaramdam ako ng kaunting takot, kaya ibinunyag ko kung paano ko itinaas ang sarili ko at kung paano ako nagpasikat noon at pati na rin ang mga kinahinatnan nito, at kung paano ko tinanggap kalaunan ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos at nakilala ang aking sarili. Hinimay at ibinunyag ko ang lahat ng bagay na ito para makita ng aking mga kapatid ang tunay na tayog ko at ang pangit na katunayan ng katiwalian ko, at sinabi ko sa lahat na hindi ako nakahihigit kaninuman, at na ang mga resulta ng aking tungkulin ay nakamit sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu. Pagkatapos ng aking pagbabahagi, nagawa na ng aking mga kapatid na tratuhin ako nang tama, hindi na nila ako tinitingala o hinahangaan, at labis akong napanatag. Bagama’t marami pa akong taglay na tiwaling disposisyon, naniniwala ako na hangga’t nakatuon ako sa pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, madalas na pinagninilayan ang aking mga layunin, hinahanap ang katotohanan sa lahat ng bagay, at ginagamit ang salita ng Diyos bilang pamantayan sa aking mga kilos at asal, matatanggap ko ang patnubay ng Diyos, unti-unting maaalis ang aking katiwalian, at tatahakin ko ang landas ng kaligtasan.

Sinundan:  83. Pagbitaw sa Pagkaramdam ng Pagkakautang sa Aking Anak

Sumunod:  85. Paano Ba Makalaya sa mga Gapos ng Salapi

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger