85. Paano Ba Makalaya sa mga Gapos ng Salapi

Ni Mengfan, Tsina

Pumanaw ang mga magulang ko noong bata pa lang ako. Marami kaming magkakapatid sa bahay, napakahirap ng aming pamumuhay, at minaliit kami ng lahat ng kapitbahay. Minsan, kapag nakikipaglaro ako sa mga anak ng kapitbahay, naghahanap ng dahilan ang mga kapitbahay para paalisin ako. Napakalungkot ko at naisip ko na minamaliit kami ng mga tao dahil mahirap kami. Isang tagsibol, nang magsimulang uminit ang panahon, wala akong damit na pamalit na akma sa panahon, kaya patuloy ko pa ring isinusuot ang cotton jacket at butas-butas na pantalon. Kapag naglalakad ako sa mataong lugar, itinuturo ako ng mga tao, sinasabi nilang, “Tingnan ninyo ang kawawang batang ito na ulila na!” Labis akong naiinggit kapag nakikita ko ang ibang tao na masarap ang kinakain at maganda ang kasuotan, at naisip ko na, “Paglaki ko, kikita ako ng maraming pera, para makain at masuot ko kahit anong gusto ko at hindi na nila ako muling maliitin.” Kalaunan, nag-asawa ako, pero mahirap din ang pamilya ng napangasawa ko. Minaliit kami ng mga kamag-anak at kapitbahay, pero naisip ko na, “Basta’t magsumikap tayo, tiyak na mababago natin ang ating sitwasyon at yayaman tayo.” Pumasok kami ng asawa ko sa mga pansamantalang trabaho, nagkaroon ng maliliit na negosyo, at nakipagkalakalan ng mga produktong pang-agrikultura. Kahit ano pa man ito, kapag may nalaman kaming paraan para kumita ng pera, sinusubukan namin ito. Pero makalipas ang ilang taon, nakakaraos lamang kami para mabuhay at halos wala kaming naipong pera. Minsan, habang kumakain kasama ang mga kaibigan, kinutya kami ng isa sa kanila, “Hindi naman sa minamaliit ko kayo, pero kahit na magtrabaho pa kayo nang sampung taon pa, hindi pa rin kayo makakapamuhay tulad ng pamumuhay ko ngayon!” Galit na galit ako sa mga salita niya. Para akong sinampal at uminit ang mukha ko. Naisip ko na, “Itikom mo ang bibig mo. Sabi nga nila, ‘Walang ugat ang kahirapan, at walang binhi ang kayamanan.’ Hindi nakataga sa bato ang kayamanan at kahirapan, at hangga’t nagsusumikap kami, hindi kami mananatiling mahirap habang-buhay!” Sinabi ko sa asawa ko na, “Hindi tayo dapat panghinaan ng loob dahil dito, kailangan natin siyang higitan at paaminin na mali siya.”

Kalaunan, nangutang kami para makapagsimula ng negosyo ng pagbebenta ng mga panindang pakyawan. Para masiyahan ang aming mga mamimili, hinahatid namin ang mga paninda sa kanilang mga bahay, at binubuhat naming mag-asawa ang mga paninda at nagbabahay-bahay para magbenta. Para makakuha kami ng mga mamimili, nagbebenta kami sa kanila sa mababang halaga o kaya ay nagpapautang. May mga mamimili na nagsasalita ng hindi maganda, pero para kumita ng pera, kailangan pa rin naming ngumiti. Nagtatrabaho ako nang hindi bababa sa sampung oras bawat araw, at sa maghapon, labis akong napapagod na hindi ko mapigilang antukin, pero kahit ganoon, hindi ko pa rin hinahayaan ang sarili kong magpahinga. Nang bumuti ang negosyo, pinalawak namin ang aming operasyon. Para makatipid, hindi kami kumuha ng tauhan, at kami na mismo ang nagkakarga at nagbababa ng mga paninda. Sa pagtatapos ng bawat araw, pagod na pagod kami na wala na kaming lakas para mag-usap. Makalipas ang ilang taong ganito, sa wakas ay kumita rin kami ng kaunting pera, nabayaran namin ang aming mga utang, at nakabili kami ng delivery car. Nakapagpatayo pa kami ng bahay at medyo naging kilala kami sa aming lugar. Hinangaan at pinuri kami ng mga kamag-anak at kaibigan dahil sa aming kakayahan at kahusayan. Lahat ng papuri mula sa mga kaibigan at kamag-anak ay nakapagparamdam sa akin ng pagmamalaki, at naisip ko na, “Natapos na rin ang mga araw na minamaliit ako ng mga tao, at ngayon ay kaya ko nang humarap sa iba nang taas-noo. Ang sarap magkaroon ng pera! Habang bata pa ako at kaya ko pang magtrabaho, gusto ko pang kumita ng mas maraming pera, bumili ng mas magandang bahay at sasakyan, at mamuhay nang marangya para lalo akong hangaan ng mga tao!” Pagkatapos niyon, lalo pa akong nagsumikap, at labis akong naging abala na wala na akong oras para kumain nang regular. Kapag nakahiga na ako sa gabi, tumatakbo pa rin sa isip ko ang mga bagay tungkol sa negosyo, at minsan ay buong gabi akong hindi nakakatulog, na kahit ang mga pampatulog ay hindi nakakatulong. Bago pa sumikat ang araw, nakakatanggap na ako ng mga tawag para sa mga delivery, at agad-agad akong lumalabas para asikasuhin ang mga ito. Araw-araw akong balisa. Dahil may ilang panindang madaling magliyab, minsan, kapag natutulog ako sa gabi at nasisinagan ng mga ilaw ng sasakyan ang bahay, inaakala kong may sumiklab na sunog, bigla akong napapabangon at dali-daling lumalabas para tingnan kung may nasusunog. Palagi akong balisa, at labis na nakakapagod ang ganitong pamumuhay. Pero kapag nakikita ko kung gaano kalaki ang kinita ko, natutuwa ako, at iniisip ko na nais ko pang kumita ng mas maraming pera para mapahiya ang mga taong nangmaliit sa akin.

Isang araw, habang wala sa bahay ang asawa ko, mag-isa kong ibinaba ang isang punong trak ng mga paninda, at nang gabing iyon, sumakit nang matindi ang likod ko habang natutulog. Kinaumagahan, napakasakit ng likod ko na hindi ako makayuko, at hirap ako kahit maglakad. Nagpunta ako sa ospital, at sinabi ng doktor na mayroon akong herniated disc. Sinabi niya na kailangan kong magpahinga at hindi na ako puwedeng gumawa ng mabibigat na gawain, at kung muli ko itong mapupuwersa, maaari itong lumala at posibleng humantong sa pagkaparalisa. Labis akong natakot sa sinabi ng doktor. Naisip kong ipaubaya ang negosyo sa asawa ko at magpahinga muna sandali, pero naalala ko kung gaano kapabaya ang asawa ko. Wala siyang pakialam kung magkano binili o magkano ibebenta ang mga paninda, at kung wala ako, hindi gagalaw ang tindahan. Napakaganda ng takbo ng negosyo, na ang pagkawala ng kahit isang araw ay nangangahulugan ng malaking pagkalugi. Naisip kong magpatuloy hangga’t kaya ko, at titigil na lang ako kapag tuluyan na akong bumagsak. Kaya, ipinagpatuloy ko ang pagtatrabaho habang isinisingit ko ang pagpapagamot kapag may pagkakataon. Kalaunan, nagkaroon ako ng sakit sa puso, uterine fibroids, allergic rhinitis, at neurasthenia. Minsan ay buong gabi akong hindi makatulog, naging napakabugnutin ko, at kinaiinisan ko lahat ng tao at bagay sa paligid ko, at madalas akong nagagalit. Kahit na mayroon akong pera, pakiramdam ko ay wala nang saysay ang mabuhay dahil sa hirap ng aking karamdaman. Isang alaala na talagang tumatak sa akin ay noong bisperas ng Spring Festival, nang dis-oras na ng gabi. Sarado na lahat ang mga tindahan sa kalye, at ako na lang ang naiwan sa buong lansangan. Nakita ko ang isang malaking bunton ng mga paninda sa harap ng tindahan na kailangang ilipat sa loob, pero pagod na pagod na ako na wala na akong lakas para maglakad. Nakaramdam ako ng bugso ng kalungkutan at pangungulila, at dumagan pa sa akin ang bigat ng hirap at pagod ng buhay na ito. Habang may luha sa aking mga mata, tumingala ako sa langit at sinambit, “O, Langit! Pagod na pagod na akong mamuhay nang ganito. Talaga bang ang buhay ay tungkol lang sa pagkakaroon ng pera? Ano ang tunay na layunin ng buhay?”

Habang nagdurusa ako sa sakit at pagkalito, noong tagsibol ng 2014, ang aking anak na babae, na kakatanggap pa lamang ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay nangaral sa akin ng ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa panahong iyon, nakabasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na labis na nakaantig sa aking puso. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos na. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Makapangyarihan sa lahat ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nakakaramdam Siya ng pagtutol sa mga taong ito na talagang walang anumang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, at bigyan ka ng tubig at pagkain, upang magising ka at hindi ka na mauhaw o magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman mo ang kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Tatanggapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay Niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsan ay nawalan ka ng direksyon, at minsan ay nawalan ka ng malay sa daan at minsan ay nagkaroon ng ‘ama,’ na matatanto mo, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagmamasid, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Matagal na Siyang nagmamasid nang may masidhing pananabik, naghihintay ng tugon na hindi dumarating. Ang Kanyang pagmamasid at paghihintay ay hindi matutumbasan, at ang mga ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang pagmamasid at paghihintay na ito ay walang tiyak na katapusan, at marahil ang mga ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig, at hindi ko napigilang umiyak. Lumalabas na ang Diyos ay palaging nasa aking tabi, naghihintay sa aking pagbabalik. Labis kong pinagod ang aking sarili at nagkasakit ako dahil sa paghahangad ko ng pera. Ginugol ko ang mga araw ko sa pagiging balisa, at ang buhay ko ay puno ng sakit at kahungkagan. Ginamit ng Diyos ang anak ko para ipangaral sa akin ang ebanghelyo, binigyang-daan akong marinig ang tinig ng Diyos at makabalik sa sambahayan ng Diyos. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko ay parang nakabalik ako sa piling ng aking mga magulang at napuno ang puso ko ng kapayapaan, kapanatagan, at ng pakiramdam na may masasandalan ako.

Nang matagpuan ko ang Diyos, lalo pang bumuti ang kalagayan ng aking isipan, at unti-unti, bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. Bumuti rin ang allergic rhinitis ko, at nakakatulog na ako sa gabi. Alam kong inalis ng Diyos ang aking karamdaman, at napuno ang puso ko ng pasasalamat sa Diyos. Kalaunan, inako ko ang tungkulin ng pagdidilig ng mga baguhan sa iglesia. Sa ganitong paraan, sabay kong ginagampanan ang aking tungkulin at ang pamamahala sa aking negosyo, pero madalas, nakatuon pa rin ang puso ko sa aking negosyo, at inisip ko na ayos lang ito basta’t hindi nito naaantala ang mga pagtitipon kasama ang mga baguhan. Minsan, sa gabi bago ang isang pagtitipon, dumarating ang mga mamimili para kumuha ng mga paninda, at para makabenta nang mas marami, ipinapakita ko sa kanila ang iba pang produkto. Sa oras na makauwi ako, dis-oras na ng gabi, pagod na pagod na ako na sumasakit ang buong katawan ko, at nakakatulog ako habang nagdadasal nang nakaluhod. Dahil hindi ako nakapagpahinga nang maayos, kinabukasan ay inaantok ako sa mga pagtitipon kasama ang mga baguhan. Noong panahong iyon, abala rin sa kanyang negosyo ang isang sister na dinidiligan ko. Palagi siyang nahuhuli sa mga pagtitipon, pero mga salita at doktrina lang ang tinatalakay ko sa kanya at hindi ko nilulutas ang kanyang kalagayan. Minsan, sa mga pagtitipon, iniisip kong magmadaling umuwi para maghatid ng mga paninda sa mga mamimili, nag-aalala ako na kapag naantala ako sa paghahatid ng produkto, na hindi na ito kukunin ng mga mamimili. Hindi mapalagay ang puso ko, at nais ko na lamang matapos agad ang mga pagtitipon. Minsan naman, pumunta sa ibang lugar ang asawa ko para mamili ng mga paninda, at ilang araw siyang wala. Noong mga araw na iyon, kailangan kong diligan ang mga baguhan, at kung lalabas ako para gampanan ang aking tungkulin, kakailanganin kong isara ang tindahan. Naisip ko, “Kaya kong kumita ng mahigit isang libong yuan sa isang araw. Gaano kalaking pera ang mawawala sa akin kung isasara ko ang tindahan ng ilang araw?” Kaya, mapanlinlang kong sinabi sa lider na, “Kung pananatilihin kong nakasara ang tindahan, magdududa ang mga kapitbahay na nananampalataya ako sa Diyos, at maaaring magdulot iyon ng panganib sa seguridad.” Kaya hiniling ko sa lider na siya muna ang magsagawa ng mga pagtitipon para sa mga baguhan kapalit ko. Isang gabi, matapos ang hapunan, bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng tiyan, na naging dahilan para isuka ko lahat ng kinain ko. Noong una, inakala ko na baka dahil ito sa kinain ko, pero pagkatapos kong magsuka, lalo pang lumala ang pagkahilo ko. Dinala ako ng asawa ko sa ospital, at patuloy akong nagdasal sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko, pinahintulutan mong dumapo sa akin ang karamdamang ito ngayon. Pakiusap, bigyang-liwanag Mo ako para maunawaan ko ang Iyong layunin at makita ko kung saan ako nagkamali. Handa akong magsisi.”

Sa aking paghahanap, naalala ko ang isang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Kung maglalatag Ako ng kaunting pera sa harap ninyo ngayon mismo at bibigyan kayo ng kalayaang pumili—at hindi Ko kayo kokondenahin nang dahil sa pinili ninyo—pipiliin ng karamihan sa inyo ang pera at tatalikuran ang katotohanan. Ang mas mababait sa inyo ay tatalikuran ang pera at atubiling pipiliin ang katotohanan, habang yaong mga nag-aalangan ay susunggaban ang pera sa isang kamay at ang katotohanan sa kabilang kamay. Hindi ba kusang lalabas ang tunay ninyong kulay sa ganoon? Sa pagpili sa pagitan ng katotohanan at ng anumang bagay na matapat kayo, ito ang pipiliin ninyong lahat, at magiging pareho pa rin ang ugali ninyo. Hindi ba ganoon? Hindi ba marami sa inyo ang pabago-bago ng pagpili sa pagitan ng tama at mali? Sa lahat ng pakikibaka sa pagitan ng positibo at negatibo, ng itim at puti—sa pagitan ng pamilya at ng Diyos, ng mga anak at ng Diyos, ng pagkakasundo at pagkakawatak, ng kayamanan at kahirapan, ng katayuan at pagiging ordinaryo, ng masuportahan at ng maitakwil, at iba pa—tiyak na hindi kayo mangmang sa mga ginawa ninyong desisyon! Sa pagitan ng nagkakasundong pamilya at ng watak-watak na pamilya, pinili ninyo ang una, at ginawa ninyo iyon nang walang pag-aatubili; sa pagitan ng kayamanan at ng tungkulin, muli ninyong pinili ang una, at ayaw pa nga ninyong magbago ng isip; sa pagitan ng luho at ng kahirapan, pinili ninyo ang una; sa pagpili sa pagitan ng inyong mga anak at asawa, at sa Akin, pinili ninyo ang una; at sa pagitan ng kuru-kuro at ng katotohanan, pinili pa rin ninyo ang una. Nahaharap sa lahat ng klase ng inyong masasamang gawa, talagang nawalan na Ako ng tiwala sa inyo. Talagang manghang-mangha Ako sa kawalan ng kakayahan ng puso ninyo na maging malambot. Ang dugo ng puso na ginugol ko sa loob ng maraming taon ay kagulat-gulat na walang idinulot sa akin kundi ang inyong pang-aabandona at kawalan ng gana, ngunit lumalago ang pag-asa Ko para sa inyo sa bawat araw na lumilipas, dahil ang araw Ko ay ganap nang nailantad sa harapan ng lahat. Ngunit patuloy ninyong hinahanap ang madidilim at masasamang bagay, at ayaw ninyong pakawalan ang mga ito. Ano, kung gayon, ang inyong kalalabasan? Naisaalang-alang na ba ninyo itong mabuti? Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang una pa rin kaya? Bibiguin at palulungkutin pa rin kaya ninyo Ako nang husto? May kaunting pag-aalab pa rin kaya sa puso ninyo? Hindi pa rin kaya ninyo malalaman kung paano aaliwin ang puso Ko? Sa sandaling ito, ano ang pipiliin ninyo?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kanino Ka Matapat?). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos at pag-iisip sa aking pag-uugali, hindi ba’t ako mismo ang taong tinukoy ng Diyos, sinusubukang humawak ng pera sa isang kamay at ng katotohanan sa kabila? Bagama’t nanampalataya ako sa Diyos at gumampan ng aking tungkulin, araw-araw pa ring abala ang isip ko sa negosyo, at palagi kong iniisip kung paano kumita ng mas maraming pera. Ginugol ko ang lahat ng oras ko sa paghahangad ng pera at bihira akong kumain o uminom ng mga salita ng Diyos. Itinuring ko ang aking tungkulin na isang bagay na ginagawa ko lamang sa aking libreng oras, at kapag ginagawa ko ito, pabasta-basta ako, wala sa loob ko ang paggawa. Ang pagkakataon kong makapagsanay sa aking tungkulin ng pagdidilig ng mga baguhan ay pagtataas sa akin ng Diyos, at dapat kong seryosong isaalang-alang kung paano ko magagampanan nang maayos ang aking tungkulin, at kung paano malulutas ang mga kalagayan at paghihirap ng aking mga kapatid. Gayumpaman, hindi ko tinuring ang aking tungkulin bilang aking responsabilidad, at nakatuon lang ang isip ko sa kung paano kumita ng mas maraming pera. Nagpupuyat ako araw-araw para sa negosyo ko, kaya inaantok ako sa mga pagtitipon kasama ang mga baguhan kinabukasan, at nagbabahagi na lamang ako ng mga salita at doktrina. Kahit na mayroon pa akong oras sa mga pagtitipon para higit na makapagbahagi sa mga kapatid, natatakot akong kung matagal matatapos ang mga pagtitipon, maaantala nito ang pagtitinda ko ng mga bagay, kaya minamadali kong tapusin ang mga pagtitipon. Para kumita ng mas maraming pera, nagsinungaling pa ako sa lider, hiniling ko sa kanya na humalili sa akin bilang tagapangasiwa ng mga pagtitipon kasama ang mga baguhan. Bago ko matagpuan ang Diyos, araw-araw akong abala para maghanap ng pera, labis kong pinagod ang sarili ko at nagkaroon ako ng sakit. Nagdusa ako at nasa matinding sakit, umabot pa sa puntong nawalan na ako ng lakas ng loob para mabuhay. Ang Diyos ang nagligtas sa akin at nagpahintulot sa aking marinig ang Kanyang tinig, at dapat kong ipagpasalamat ang kaligtasang mula sa Diyos at samantalahin ang natatanging pagkakataong ito na magampanan nang maayos ang tungkulin ko para palugurin ang Diyos. Pero abala pa rin ang isip ko sa pag-iisip kung paano kumita ng mas maraming pera, at tuwing sumasalungat ang tungkulin ko sa aking mga personal na interes, palagi kong isinasantabi ang aking tungkulin. Talagang makasarili ako at kasuklam-suklam, at wala akong pagkatao! Sabi ng Diyos: “Kung papipiliin kayong muli, ano kaya ang magiging saloobin ninyo? Ang una pa rin kaya?” Dati ay nakatuon lamang ako sa paghahangad ng pera at hindi ko ginampanan nang maayos ang tungkulin ko, pero binigyan ako ng Diyos ng isa pang pagkakataong magpasya. Handa akong umasa sa Diyos, isantabi ang paghahangad ko ng pera, kumain at uminom ng mas maraming salita ng Diyos, hangarin ang katotohanan, at ialay ang aking puso sa tungkulin ko.

Kalaunan, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kapag malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at tila walang-kakayahan, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makapagpapahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Naantig ang puso ko ng mga salita ng Diyos. Padalos-dalos akong nagtrabaho upang kumita ng pera para lamang hangaan ng iba, naniniwalang mapapasaakin ang lahat kapag kumikita ako ng pera. Pero nang dumating ang pagdurusa dulot ng karamdaman, walang nagawa ang pera para mapawi ang sakit. Doon ko lamang napagtanto na, “Kung mawawala sa akin ang buhay ko, ano pa ang silbi ng pagkakaroon ng mas maraming pera? Kung mamamatay ako, ano’ng kabutihang maidudulot ng panandaliang paghanga at papuri ng ibang tao?” Naisip ko ang aking dalawang kapitbahay na mayayaman. Nagkaroon ng leukemia ang isa sa kanila nang siya ay nasa kanyang tatlumpung taon, at sa kabila ng paggugol ng maraming pera, hindi pa rin siya gumaling. Sa huli, iniwan niya ang dalawang maliliit na anak at pumanaw. Ang isa pang kapitbahay, na nasa kanyang apatnapung taon, ay nagkaroon ng cerebral hemorrhage, naging parang lantang gulay ang kanyang kalagayan, at hindi nagtagal ay namatay. Nang makita ko ito, napagtanto ko na walang halaga ng pera ang makakapagpahaba ng buhay ng isang tao, at alam kong hindi ko kayang itaya ang buhay ko sa panganib para lamang kumita ng pera. Pagkatapos, nagsimula akong tumuon sa aking tungkulin. Sa labas ng aking mga tungkulin, sinanay kong patahimikin ang aking sarili sa harap ng Diyos, kumain at uminom ng Kanyang mga salita, at sangkapan ang aking sarili ng katotohanan. Unti-unti, bumuti ang mga resulta ng tungkulin ko, at natagpuan ko rin ang lubos na kasiyahan sa pamumuhay ng buhay iglesia kasama ang lahat.

Isang araw, pagkatapos ng tungkulin ko, bumalik ako sa tindahan, ibinigay sa akin ng asawa ko ang resibo ng mga benta, at napansin kong may ilang bagay na hindi naisama. Nang magtanong ako sa mamimili, napagtanto ko na may ilang bagay na hindi naitala nang tama ng asawa ko. Mayroon ding isang resibo na dapat sana ay nagkakahalaga ng 500 yuan pero 50 yuan lamang ang isinulat niya. Naisip ko na, “Alam ko naman noon pa na pabaya ang asawa ko, madalas ay kulang ang kanyang sinisingil at nagpapamigay pa ng sobrang paninda, at dahil may mga mamimiling bumibili ng mga paninda araw-araw, sa ganitong lagay, walang kahit na anong halaga ng pera ang makakapuno sa aming mga pagkalugi. Parang hindi talaga gagalaw ang tindahan nang wala ako.” Nahirapan akong isantabi ang bagay na ito. Sa sandaling iyon, napagtanto ko na nakatuon na naman ako sa pera, kaya nag-isip akong mabuti, “Alam ko na ang halaga ng perang taglay ng isang tao ay itinakda ng Diyos, kaya bakit palagi akong nahihirapang isantabi ang paghahangad ng pera?” Nabasa ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Nangingibabaw ito sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng hayagang pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? Marahil, ang mga tao ay walang katulad na antas ng kaalamang batay sa karanasan sa kasabihang ito, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyari sa kanilang paligid at sa kanilang mga sariling karanasan. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? Gaano man karami ang karanasan ng isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na maaaring maidulot nito sa puso ng isang tao? Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng mga tao sa mundong ito, kasama na ang bawat isa sa inyo. Ano ito? Ito ay pagsamba sa salapi. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila sadyang napakalalim ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao! Ginagamit ni Satanas ang salapi upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa salapi at ipagpitagan ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa salapi? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang salapi, na ang kahit isang araw na walang salapi ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming salapi ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba isinasakripisyo ng maraming tao ang kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming salapi? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sundin ang Diyos para lamang sa salapi? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang paghahangad ng kayamanan para makuha ang paghanga ng iba ay hindi isang positibong bagay, at ito ang pamamaraan na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao. Nabubuhay ang mga tao para sa pera, at kapag nagkaroon sila ng kaunti, nais nila ng higit pa. Ang pagnanais nila ng kayamanan ay patuloy lang na lumalago, at sa huli, namamatay sila para sa pera, nawawalan sila ng pagkakataong maghangad ng katotohanan at maligtas. Noong bata pa ako, mahirap ang pamilya namin, at kinukutya kami ng mga tao sa paligid, kaya pakiramdam ko ay mas mababa ako kumpara sa iba. Nang lumaki ako at hindi pa rin ako kumikita ng pera, minaliit ako ng mga kaibigan at kamag-anak, at lalo kong naramdaman na kung walang pera, hindi ko makakayanan ang buhay. Kaya ginawa kong layon sa aking buhay ang kumita ng pera. Namuhay ako sa mga lasong “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,” “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” “Ang tao ay namamatay para sa kayamanan, gaya ng mga ibon para sa pagkain,” at iba pang lason na itinatanim ni Satanas sa mga tao. Basta’t kumikita ako ng pera, handa akong tiisin ang anumang paghihirap, at kahit na muntik na akong maparalisa dahil sa herniated disc, hindi pa rin ako nagpahinga. Nag-alala ako na ang hindi pagtatrabaho ay mangangahulugan ng kaunting kita, kaya patuloy kong pinilit ang sarili ko, na para bang nagbibisikleta ako at hindi ako hihinto hangga’t hindi ako natutumba. Sa huli, nagdulot ng labis na sakit ang karamdaman ko na ayaw ko nang mabuhay pa. Kahit na natagpuan ko na ang Diyos, patuloy pa rin akong namuhay sa mga satanikong lason na ito. Kahit na ginagampanan ko ang aking mga tungkulin, nakatuon pa rin ang puso ko sa kung paano kikita ng mas maraming pera, at wala akong sigla sa ginagawa ko at nag-aaksaya lang ako ng oras sa mga pagtitipon. Nagdulot ito ng mga kawalan sa buhay pagpasok ng aking mga kapatid, at wala akong naging pag-usad. Ang pamumuhay sa mga lason ni Satanas ay nagdulot lamang sa akin ng paghihirap at mga pagsalangsang sa paggawa ng aking mga tungkulin. Ang paghangad ng kayamanan para sa paghanga ng iba ay paraan ni Satanas para kontrolin ang mga tao at dalhin sila sa kanilang pagkawasak. Ayaw ko nang matukso pa ni Satanas, sinasayang ang oras ko sa paghahabol ng kayamanan. Kailangan kong ituon ang aking lakas sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at paggawa ng aking mga tungkulin. Pagkatapos niyon, hindi ko na masyadong binigyan ng pansin ang negosyo, at bihira ko nang bisitahin ang tindahan, at mas narelaks ang aking pisikal at mental na kalagayan. Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Bilang isang normal na tao, na naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian upang maging isa sa mga tao ng Diyos ang iyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi naniniwala sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak). Dati, nabubuhay ako para sa laman at sa pera, hinahangad ko ang paghanga ng iba, at tinatahak ko ang landas patungo sa pagkawasak. Ngayon ay nagagawa ko nang sumunod sa Diyos, maghangad ng katotohanan, at tuparin ang aking tungkulin bilang isang nilikha. Ito ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay. Dapat kong ituon ang aking isipan sa paghangad ng katotohanan at sa aking mga tungkulin, at dapat kong gampanan nang maayos ang aking mga tungkulin para masuklian ang pagmamahal ng Diyos.

Isang araw, umuwi ang aking asawa at sinabi sa aking may nagbukas na hypermarket sa aming lugar, at nais ng marketing department na magsimula sa pamamagitan ng paghikayat sa malalaking negosyante para pasiglahin ang negosyo. Nag-aalok sila ng mga kanais-nais na kondisyon para sa malalaking negosyante tulad namin, kabilang ang tatlong taong libreng upa at libreng espasyo sa bodega. Tinalakay ng asawa ko sa akin ang bagay na iyon, nais niyang mag-imbak kami ng mga paninda para ibenta doon, sinasabing tiyak na kikita kami. Medyo natukso ako, naisip ko na, “Hindi ba’t isa itong pambihirang pagkakataon na dumating sa amin? Nagbabayad kami ngayon ng sampu-sampung libong yuan bawat taon para sa upa. Kung maghu-wholesale at retail kami sa bagong pamilihang ito, tiyak na uunlad ang aming negosyo, at kapag kumita kami ng mas malaki, makakabili kami ng mas magandang bahay at sasakyan. Lalo kaming hahangaan at kaiinggitan ng aming mga kamag-anak at kaibigan!” Pero kung sasang-ayon ako, kailangan naming mag-asawa na mamahala ng magkahiwalay na tindahan, at bagama’t mas malaki ang kikitain namin, tiyak na magiging mas abala at pagod kami kaysa dati. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Sa pagninilay sa mga salita ng Diyos, napagtanto kong, “Hindi ba’t ito mismo ay isang tukso mula kay Satanas? Kung magbubukas kami ng isa pang tindahan, maaaring mas lumaki ang kita namin at gumanda ang aming reputasyon, pero mawawalan naman ako ng oras para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos o gampanan ang aking mga tungkulin. Hindi ba’t sisirain nito ang pagkakataon kong maligtas?” Naisip ko ang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ano ang pakikinabangan ng tao, kung makakamtan niya ang buong sanlibutan at maiwawala niya ang kanyang sariling buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kanyang buhay?(Mateo 16:26). Tama talaga ito. Gaano man kalaki ang kitain naming pera, ano’ng silbi nito kung sa huli ay mawawala naman ang buhay ko? Biniyayaan na ako ng Diyos nang sapat, kaya hindi ko na kayang ilaan pa ang oras at lakas ko para kumita ng pera. Nang maunawaan ko ang layunin ng Diyos, hinikayat ko ang asawa kong talikuran na ang ideya ng pagbubukas ng tindahan sa bagong pamilihan. Sa aking gulat, sumang-ayon siya, at nakaramdam ako ng labis na kapanatagan sa puso ko. Ang paglaya ko mula sa mga gapos ng pera ay bunga ng mga salita ng Diyos na kumikilos sa akin!

Sinundan:  84. Mga Pagninilay Pagkatapos Mapungusan

Sumunod:  86. Ang Mga Aral na Natutunan Mula sa Pagsusulat ng Pagsusuri

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger