88. Paano Itaguyod ang Tungkulin ng Isang Tao sa Gitna ng Kahirapan

Ni Wu Fan, Tsina

Noong Hunyo 2022, nalaman kong naaresto ng mga pulis ang mahigit tatlumpung kapatid, kasama na ang ilang lider. Maraming kapatid at ang mga bahay kung saan ginaganap ang mga pagtitipon ang naharap sa mga panganib sa seguridad, at agarang kinakailangang mailipat ang mga aklat ng mga salita ng Diyos. Isinaayos ng mga lider na pumunta ako at ang dalawang sister sa Iglesia ng Chenguang para pangasiwaan ang resulta ng mga pang-aaresto. Naisip ko, “May rekord ako ng krimen mula sa mga dating pang-aaresto, at palagi akong tinutugis ng Partido Komunista sa mga nagdaang taon. Kung pupunta ako para pangasiwaan ang resulta ng mga pang-aaresto, hindi maiiwasang kakailanganin kong lumabas sa maraming tao, at kakailanganin kong makipag-ugnayan sa mga taong may mga panganib sa seguridad. Kung maaaresto ulit ako, talagang hindi maghihinay-hinay sa akin ang Partido Komunista. Kahit na hindi nila ako bugbugin hanggang sa mamatay ako, malamang na bibigyan nila ako ng walo hanggang sampung taon na sentensiya. Ngayong malapit nang matapos ang gawain ng Diyos, paano kung bugbugin ako ng mga pulis hanggang sa mamatay o mabaldado ako? Hindi ba’t mapupunta sa wala ang lahat ng taon ko ng pagtalikod sa pamilya at propesyon ko, at ang lahat ng paggugol ko? Paano ako maliligtas at makakapasok sa kaharian ng langit?” Pero habang iniisip ko ito, medyo nakonsensiya ako, naiisip na, “Iniisip ko pa rin ang sarili ko sa ganitong oras. Masyado akong nagiging makasarili.” Naalala ko ang ilan sa mga salita ng Diyos: “Ang gawain ng Diyos ay ginagawa para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay ibinibigay para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos. Pagkatapos na nagawa ng Diyos ang lahat ng nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging pursigido sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang katapatan, at hindi dapat magpasasa sa napakaraming kuru-kuro, o maupo nang walang-kibo at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang katapatan sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos? Nakarating na ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin ngunit hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig ngunit hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga layon ng kapahamakan? Nailaan na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa tao, kaya bakit, ngayon, hindi pa rin magampanan ng tao nang masigasig ang kanyang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga kinakailangan Niya ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao). Nang pinag-iisipan ang mga salita ng Diyos, matindi akong inusig ng konsensiya ko. Nagkukumahog na inuusig ng Partido Komunista ang iglesia, nanganganib ang mga kapatid at apurahang kailangang masabihan na magtago, kailangan ding mailipat ang mga aklat ng mga salita ng Diyos, at napakarami ring gawain ng iglesia na kailangang apurahang pangasiwaan. Sa ganitong oras, kinakailangang tumindig ang isang tao at agad na pangasiwaan ang resulta ng mga pang-aaresto at bawasan ang mga kawalan. Alinsunod ito sa layunin ng Diyos. Pero isinasaalang-alang ko lang ang sarili kong seguridad, hindi ko talaga isinasaalang-alang ang gawain ng Diyos, at hindi isinasaalang-alang ang layunin ng Diyos. Talagang wala akong konsensiya, at nagiging masyado akong makasarili at kasuklam-suklam! Kaya, tinanggap ko ang tungkuling ito, at tinalakay sa dalawang sister ang mga partikular na detalye kung paano papangasiwaan ang resulta ng mga pang-aaresto.

Isang gabi, sinabi ng isang sister na may ikinabit sa electric scooter niya, kaya agad namin itong tiningnan, at natuklasan naming kinabitan ng mga tracker ang pareho naming scooter, na nangangahulugang maaaring tinutugis na kami ng mga pulis at na sa anumang sandali ay puwede kaming maaresto. Nabalisa at nabagabag ako, at biglang bumalik sa akin ang mga imahe ng mga pagpapahirap na kasunod ng isang dating pang-aaresto. Noong dati akong maaresto, pinahirapan ako ng mga pulis para puwersahin akong ipagkanulo ang mga pondo ng iglesia at ang mga kapatid, gumagamit ng isang uri ng malupit at pinahabang panahon ng kawalan ng tulog kung saan pilit nila akong pinanatiling gising nang buong araw, binubugbog o tinatakot ako sa tuwing magsisimula akong makatulog. Ginawa nila ito nang tuloy-tuloy sa loob ng dalawampung araw. Pinahirapan nila ako hanggang sa puntong mas masahol pa ang mabuhay kaysa sa mamatay, at kung hindi dahil sa pagmamalasakit at proteksiyon ng Diyos, matagal na sana akong namatay. Minumulto pa rin ako ng alaala nito. Naisip ko rin kung paanong, sa puntong ito, lagpas animnapung taong gulang na ako at mahina ang kalusugan, may sakit sa puso at mataas na presyon ng dugo, at napaisip ako, “Kung maaaresto ulit ako, kakayanin ko ba ang pagpapahirap at malulupit na pambubugbog?” Pinapahirapan ng Partido Komunista ang mga mananampalataya sa anumang posibleng pamamaraan, binubugbog sila hanggang sa mamatay nang hindi humaharap sa anumang mga kahihinatnan. Kung mabubugbog ako hanggang sa mamatay o mabaldado ako, paano na ako makakasampalataya sa Diyos o makakagawa ng mga tungkulin ko? Naisip ko, “Hindi bale na, ititigil ko na lang ang paggawa sa mga tungkulin ko sa ngayon at maghahanap ako ng lugar na mapagtataguan. Mas ligtas sa ganoong paraan.” Nagreklamo rin ako na hindi isinaayos ng mga lider ang tungkuling ito sa ibang tao. Tutal, paano nila mahahayaan ang isang taong tulad ko na nanganganib ang seguridad na pangasiwaan ang resulta ng mga pang-aaresto? Habang mas nag-iisip ako nang ganito, lalong nanlulumo ang puso ko. Kalaunan, napagtanto kong mali ang kalagayan ko, kaya nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, masyadong maliit ang pananalig ko. Nang matuklasan ko ang mga tracker sa mga scooter, nalugmok ako sa takot at ginusto kong magtago na parang isang pagong na nagtatago sa bahay nito. Talagang makasarili ako. O Diyos, handa akong umasa sa Iyo, bumaling sa Iyo, at danasin ang sitwasyong ito nang may pananalig, at sana ay patnubayan Mo akong magnilay-nilay at matukoy ang mga isyu ko.” Pagkatapos magdasal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Hangga’t hindi nararanasan ng mga tao ang gawain ng Diyos at nauunawaan ang katotohanan, ang kalikasan ni Satanas ang namamahala at nagdodomina sa kanilang kalooban. Ano ba ang partikular na nakapaloob sa kalikasang iyon? Halimbawa, bakit ka makasarili? Bakit mo pinoprotektahan ang sarili mong katayuan? Bakit ka mayroong gayong katitinding damdamin? Bakit ka nasisiyahan sa mga di-matutuwid na bagay na iyon? Bakit gusto mo ang mga kasamaang iyon? Ano ang batayan ng pagkahilig mo sa mga ganoong bagay? Saan nagmumula ang mga bagay na ito? Bakit ka masayang-masaya na tanggapin ang mga ito? Sa ngayon, naunawaan na ninyong lahat na ang pangunahing dahilan sa likod ng lahat ng bagay na ito ay dahil nasa kalooban ng tao ang lason ni Satanas. Kaya, ano ang lason ni Satanas? Paano ito maipapahayag? Halimbawa, kung magtatanong ka ng, ‘Paano dapat mamuhay ang mga tao? Para saan ba dapat nabubuhay ang mga tao?’ sasagot ang mga tao: ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba.’ Ipinahahayag ng nag-iisang pariralang ito ang pinakaugat ng problema. Ang pilosopiya at lohika ni Satanas ay naging buhay na ng mga tao. Anuman ang hinahangad ng mga tao, ginagawa nila ito para sa kanilang sarili—kaya’t nabubuhay lamang sila para sa kanilang sarili. ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’—ito ang pilosopiya sa buhay ng tao, at kinakatawan din nito ang kalikasan ng tao. Naging kalikasan na ng tiwaling sangkatauhan ang mga salitang ito at ang mga ito ang tunay na larawan ng satanikong kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Ang satanikong kalikasang ito na ang naging batayan para sa pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Sa loob ng ilang libong taon, namuhay ang tiwaling sangkatauhan ayon sa kamandag na ito ni Satanas, hanggang sa kasalukuyang panahon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro). Mula sa paglalantad ng mga salita ng Diyos, napagtanto ko na sa tuwing mahaharap ako sa isang mapanganib na sitwasyon, palagi kong iniisip ang sarili ko, at nasa ugat nito ang mga satanikong lason na tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” at “Huwag tumulong kung walang gantimpala,” dahil malalim akong naimpluwensiyahan ng mga ideyang ito. Ang mga kasabihang ito ang naging pamantayan para sa pagkilos at pag-asal ko. Sa pamumuhay ayon sa mga kaisipan at pananaw na ito, naging makasarili ako at inuudyukan ng pansariling interes, tinatanggap ang pagkakamit ng pakinabang at pag-iwas sa kawalan bilang mga prinsipyo ko. Noong dati akong nagtatrabaho sa lipunan, ganito ako kung umasal, pinipili pa nga ang mga kaibigan ko batay sa kung sino ang puwede kong mapakinabangan. Pagkatapos matagpuan ang Diyos at simulan ang mga tungkulin ko, sarili ko pa rin ang tanging isinasaalang-alang ko, mas pinipiling gawin ang madadaling gampanin na pinapahalagahan ng mga lider. Kapag komportable ang sitwasyon, kaya kong magtiis ng pagdurusa at gugulin ang sarili ko sa paggawa ng mga tungkulin ko, pero kapag nagiging mabigat ang sitwasyon at may kinalaman sa personal na seguridad, sariling mga interes ko lang ang inisiip ko at wala talaga akong pakialam sa gawain ng iglesia. Nang isaayos ng mga lider na pangasiwaan ko ang resulta ng mga pang-aaresto, ang unang inalala ko ay ang sarili kong seguridad, at lalo na nang matuklasan kong kinabitan ng mga tracker ang mga scooter namin, lalo pa akong nag-alala na sinusubaybayan ako ng mga pulis, at sa panganib na anumang sandali ay puwede akong maaresto o mawalan ng buhay. Naisip ko pa ngang talikuran ang mga tungkulin ko at magtago para unahin ang sarili kong pananatiling buhay. Sarili ko lang ang iniisip ko, binabalewala ang gawain ng iglesia o kung maaaresto ba ang mga kapatid. Masyado akong makasarili at kasuklam-suklam! Oras ang kalaban sa pangangasiwa sa gawain ng resulta ng mga pang-aaresto, at sa napakahalagang oras na tulad nito, ang sinumang may konsensiya at katwiran ay titindig para protektahan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at gagawin ang lahat ng makakaya niya para mabawasan ang mga kawalan. Kahit na nangangahulugan itong maaaresto, makukulong, o mawawalan siya ng buhay, pipiliin niyang protektahan ang gawain ng iglesia para pagaanin ang puso ng Diyos. Pero ako naman, nang maharap sa panganib, ginusto kong tumakbo at magtago na parang isang pagong na nagtatago sa bahay nito. Sa anong paraan ako nagkaroon ng anumang pagkatao? Nang mapagtanto ko ito, nahiya at nagsisi ako nang husto, at kinapootan ko ang sarili ko. Ayaw ko nang tumakbo mula sa sitwasyong ito, at handa akong magpasakop at pangasiwaan nang mabuti ang gawain ng resulta ng mga pang-aaresto.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kahit gaano pa ‘kamakapangyarihan’ si Satanas, kahit gaano pa ito kapangahas at kaambisyoso, kahit gaano pa katindi ang abilidad nito para magdulot ng pinsala, kahit gaano pa kalawak ang mga paraan para gawing tiwali at akitin nito ang tao, kahit gaano pa kagaling ang mga pandaraya at mga pakana nito sa pananakot sa tao, kahit gaano pa pabago-bago ang anyo ng pag-iral nito, hindi pa ito kailanman nakalikha ng kahit isang buhay na nilalang, hindi pa kailanman nakapagtakda ng mga batas at patakaran para sa pag-iral ng lahat ng bagay, at hindi pa kailanman nakapaghari o nakakontrol ng anumang bagay, may buhay man o wala. Sa loob ng kosmos at sa kalangitan, wala ni isang tao o bagay ang naisilang mula rito, o umiiral nang dahil dito; wala ni isang tao o bagay ang pinaghaharian nito, o kinokontrol nito. Sa kabaligtaran, hindi lamang nito kailangang magpasailalim sa kapamahalaan ng Diyos, kundi higit pa rito, ay kailangang magpasakop sa lahat ng atas at kautusan ng Diyos. Kung walang pahintulot ang Diyos, mahirap para kay Satanas na hipuin kahit na ang isang patak ng tubig o butil ng buhangin sa lupa; kung walang pahintulot ang Diyos, ni hindi malaya si Satanas na galawin man lamang ang mga langgam sa lupa, lalo na ang sangkatauhan, na nilikha ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, mas mababa pa si Satanas sa mga liryo ng kabundukan, sa mga ibon na lumilipad sa himpapawid, sa mga isda sa karagatan, at sa mga uod sa lupa. Ang papel nito sa lahat ng bagay ay para pagsilbihan ang lahat ng bagay, para pagsilbihan ang sangkatauhan, at para pagsilbihan ang gawain ng Diyos at ang Kanyang plano ng pamamahala(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Talagang may awtoridad at kapangyarihan ang mga salita ng Diyos. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, napuno ako ng pananalig, napapagtanto na kahit gaano pa kalaganap ang Partido Komunista, nasa mga kamay pa rin ito ng Diyos. Isa lang itong kasangkapang panserbisyo na ginagamit ng Diyos para gawing perpekto ang Kanyang hinirang na mga tao. Ang lahat ng ginagawa nito ay nasa saklaw ng pahintulot ng Diyos, at kung hindi ito pahihintulutan ng Diyos, hindi nito mapipinsala ang sinuman. Kahit na makaharap ko mismo ang mga pulis, hindi ako mahuhuli. Naalala ko ilang taon na ang nakakalipas, nang maraming lider at manggagawa sa lugar namin ang naaresto, at dumadalo pa rin kami sa mga pagtitipon nang walang kamalay-malay. Biglang dumating ang mahigit sampung pulis at kumatok sa pinto. Patuloy silang kumakatok nang ilang minuto, at patuloy lang kaming nagdarasal at hindi namin binubuksan ang pinto. Pagkalipas ng kalahating oras, inakala ng mga pulis na walang tao sa bahay at naglagay ng dalawang pulis na bantay, habang umalis na ang iba. Kalaunan, dumungaw kami mula sa bintana, at noong hindi nakatuon ang pansin ng mga pulis, kinuha namin ang pagkakataon para tumakas. Sa isa pang pagkakataon, nang matapos namin ang isang pagtitipon, at kakaalis lang namin ng isang brother, nakulong ng mga pulis sa kuwarto ang dalawang sister. Dali-daling kinuha ng mga sister ang mga computer at nagtago sila sa ilalim ng kama, pero kahit na nasa harapan na sila mismo ng mga pulis, hindi sila nakita. Mula sa mga katunayang ito, nakita ko ang pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos, at nalaman kong ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos. Kahit na nakabitan na ng tracker ang scooter ko, hindi sa mga pulis nakadepende kung mahuhuli ako o hindi; sa Diyos ito nakadepende. Kung papahintulutan ako ng Diyos na maaresto ng mga pulis, kahit saan pa ako magtago, hindi ako makakatakas. Kinailangan kong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Nang mapagtanto ko ito, napanatag at kumalma ang puso ko, at hindi na ako masyadong pinanghinaan ng loob o natakot. Pagkatapos ay ipinagpatuloy namin ang gawain ng resulta ng mga pang-aaresto, ligtas na inililipat ang lahat ng aklat ng mga salita ng Diyos at inililipat ang mga kapatid sa mga ligtas na lugar para gawin ang mga tungkulin nila.

Pagkatapos isaayos ang gawain ng iglesiang ito, pumunta ako sa isa pang iglesia para pangasiwaan doon ang gawain ng resulta ng mga pang-aaresto. Nakahanap ako ng dalawang superbisor para talakayin kung paano mabilis na maibabalik sa normal ang gawain ng iglesia. Pero laking gulat ko, nakabitan din ng tracker ang isa sa mga scooter ng mga superbisor, at binisita pa nga ng mga pulis ang tirahan namin para mag-imbestiga. Binalot na naman kami ng tensiyonadong kapaligiran at talagang napigilan ako. Parang multo ang Partido Komunista, walang humpay na nang-aaresto at nang-uusig ng mga mananampalataya, ginugulo at sinisira ang gawain ng iglesia. Talagang kasumpa-sumpa at kakonde-kondena ito! Kinabukasan, nakatanggap ako ng isang liham galing sa nakatataas na pamunuan, na nagsasaayos na asikasuhin ko at ng isang sister ang isang liham ng pag-uulat. Iniulat ng liham na may isang anticristong nasa kapangyarihan sa iglesia, na naniniil at nagpapahirap sa mga tao, at nagdudulot ng kaguluhan sa iglesia. Sinabi nila na apurahan ang usapin at hiningi sa aking asikasuhin ito kaagad. Ayaw kong pumunta at nagreklamo ako tungkol sa taong nagsulat ng liham, iniisip na, “Mabigat na nga ang sitwasyon dito, at sa lahat ng oras, ngayon mo pa piniling magsulat ng liham ng pag-uulat. Abala na nga kami sa pagsasaayos sa gawain ng resulta ng mga pang-aaresto, at ngayon, dumadagdag ka pa sa kaguluhan!” Sa mismong sandaling iyon, nalaman kong dalawang taong naaresto ang naging mga Hudas, at na pareho nila akong kilala. Kinuwestiyon pa nga sila ng mga pulis tungkol sa akin at hindi ko alam kung gaano karaming impormasyon ang ibinunyag nila sa mga pulis tungkol sa akin. Naisip ko, “Tinutugis na ako ng mga pulis, kung lalabas ulit ako sa maraming tao, hindi ba’t inilalagay ko lang ang sarili ko sa tiyak na kapahamakan? Kung mahuhuli ako, hindi ako papakawalan ng mga pulis nang ganoon lang. Kahit na hindi nila ako bugbugin hanggang sa mamatay ako, siguradong iiwanan nila akong baldado.” Labis na nagkasalungat ang damdamin ko, “May kaugnayan sa gawain ng iglesia ang pag-aasikaso sa liham ng pag-uulat, at kung hindi agad mahaharap ang mga anticristo at masasamang taong ito, magdudulot ito ng mas malaking kaguluhan, at patuloy na masisiil at mapapahirapan ang mga kapatid. Pero ilang iglesia ang sangkot sa liham ng pag-uulat na ito at hinihingi nito ang pagsisiyasat at pagkumpirma sa lugar nila, at kung lalabas ako sa maraming tao para gawin iyon, manganganib akong maaresto sa malao’t madali!” Dahil sa iniisip kong ito, kabadong-kabado ako at talagang hindi ko magawang kumalma. Kaya, nagdasal ako sa Diyos, hinihingi sa Kanyang bigyan ako ng pananalig at lakas. Pagkatapos magdasal, naalala ko ang mga salita ng Diyos na nagbabanggit kung paano naging martir ang mga alagad ng Panginoong Jesus para sa Kanya. Mabilis kong nahanap ang mga salitang ito para basahin.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—sinapit nila ang lahat ng uri ng kamatayan. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Binitay ba sila nang naaayon sa batas para sa mga krimen nila? Hindi. Ipinapalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon, pero hindi ito tinanggap ng mga tao ng mundo, at sa halip ay kinondena, binugbog, at pinagalitan sila, at pinatay pa nga sila—ganyan kung paano sila minartir. … Ang totoo, ganito namatay ang kanilang mga katawan at sumakabilang-buhay; ito ang paraan nila ng paglisan sa mundo ng tao, ngunit hindi iyon nangangahulugan na ganoon din ang kanilang kinalabasan. Anuman ang paraan ng kanilang kamatayan at paglisan o kung paano man ito naganap, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtukoy sa pangwakas na mga kinalabasan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ginamit nila mismo ang mga kaparaanang iyon upang kondenahin ang mundong ito at upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang tiyakin sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, na ang gawain ng pagtutubos sa buong sangkatauhan na ginawa Niya ay nagpapahintulot sa sangkatauhang ito na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katunayang ito magpakailanman. Yaong mga naging martir dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, hanggang sa anong punto nila tinupad ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pangangaral sa Ebanghelyo ay ang Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). “Kapag malinaw na alam ng mga tapat sa Diyos na mapanganib ang isang kapaligiran, hinaharap pa rin nila ang panganib ng paggawa sa gawain ng pangangasiwa sa mga kasunod na gawain, at sinisikap nilang panatilihing kakaunti lang ang mga kawalan sa sambahayan ng Diyos bago sila mismo ang umatras. Hindi nila inuuna ang kanilang sariling seguridad. Sabihin mo sa Akin, sa buktot na bansang ito ng malaking pulang dragon, sino ang makatitiyak na walang anumang panganib sa pananampalataya sa Diyos at sa paggawa ng isang tungkulin? Anuman ang tungkuling akuin ng isang tao, may nakapaloob na panganib dito—gayumpaman, ang pagganap sa tungkulin ay iniatas ng Diyos, at habang sinusunod ang Diyos, dapat akuin ng isang tao ang panganib sa paggawa ng kanyang tungkulin. Dapat gumamit ng karunungan ang isang tao, at kailangan niyang gumamit ng mga hakbang para matiyak ang kanyang seguridad, ngunit hindi niya dapat unahin ang pansarili niyang seguridad. Dapat niyang isaalang-alang ang layunin ng Diyos, unahin ang gawain ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ang pagkumpleto sa atas ng Diyos sa kanila ang pinakamahalaga, at ito ang prayoridad. Pangunahing prayoridad ng mga anticristo ang kanilang personal na seguridad; naniniwala sila na walang anumang kinalaman sa kanila ang iba pang bagay. Wala silang pakialam kapag may nangyayari sa ibang tao, kahit sino man ito. Hangga’t walang masamang nangyayari sa mismong mga anticristo, panatag ang pakiramdam nila. Wala silang anumang katapatan, na natutukoy sa kalikasang diwa ng mga anticristo(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikalawang Bahagi)). Noong Kapanahunan ng Biyaya, nagpatotoo ang mga alagad ng Panginoong Jesus tungkol sa Kanya at ipinalaganap ang ebanghelyo, at para dito, handa silang ibuwis ang mga buhay nila. Halimbawa, ipinako nang patiwarik sa krus si Pedro para sa Diyos, nanatiling tapat hanggang kamatayan, pinagbabato si Esteban hanggang sa mamatay siya dahil sa pagpapakalat sa ebanghelyo ng Panginoong Jesus, at iba pa. Buhay nila ang ibinayad nila para ipakalat ang salita ng Diyos at patotohanan ang Kanyang gawain sa mundo. Kahit na inusig sila at namatay sa laman, mahalaga at makabuluhan ang mga kamatayan nila, at natanggap nila ang pagsang-ayon ng Diyos. Naisip ko kung paanong, sa mga huling araw, maraming tunay na mananampalatayang sumusunod sa Diyos ang naaresto at nagtiis ng malupit na pagpapahirap dahil sa pagpapakalat at pagpapatotoo sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ang ilan ay binugbog hanggang mamatay, at ang iba naman ay nabaldado, pero mas pipiliin nilang igugol ang buhay nila sa kulungan kaysa sa itatwa ang Diyos o ipagkanulo Siya. Mas pipiliin nilang mamatay kaysa sa maging mga Hudas. Sa huli, nagpatotoo sila na siyang nagwagi laban kay Satanas. Ngayon, apurahang kinakailangan ng iglesia ng isang taong mangangasiwa sa gawain nito, pero palagi kong inuuna ang sarili kong seguridad at inuuna ang buhay ko higit sa lahat. Hindi ako tapat ni mapagpasakop sa Diyos, lalong hindi man lang nakakapagpatotoo sa Kanya. Ano ang kabuluhan ng pagpapahaba nang ganito sa hindi marangal na pag-iral ko, nang hindi ginagawa ang mga tungkulin ko? Napagtanto ko rin na baluktot ang pagkaunawa ko, dahil palagi kong inaalala na kung mabubugbog ako hanggang sa mamatay o mabaldado ako, mawawala na sa akin ang pagkakataon kong maligtas, pero sa realidad, ang pagkakaligtas ay tumutukoy sa pagdanas sa gawain ng Diyos hanggang sa puntong kaya na ng isang tao na iwaksi ang tiwaling disposisyon niya at magtamo ng tunay na pagpapasakop sa Diyos. Kung hindi ko kayang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at kung hindi ko hahangarin ang katotohanan at gagawin nang maayos ang mga tungkulin ko, ni iwawaksi ang tiwaling disposisyon ko sa sitwasyong isinaayos ng Diyos, kundi sa halip ay pipiliin kong tumakbo at magtago na parang isang pagong na nagtatago sa bahay nito, kung gayon, tunay na mawawala ang pagkakataon kong maligtas. Nang mapagtanto ko ito, nagpasya kong magpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at na kahit ano pang sitwasyon ang maaari kong harapin sa hinaharap, magsisimula ako sa pamamagitan ng pagtupad nang maayos sa mga tungkulin at responsabilidad ko. Kung isang araw ay maaaresto nga ako, iyon din ay pahihintulutan ng Diyos, at tutularan ko ang halimbawa ng mga alagad ng Panginoong Jesus, at magiging tapat ako sa Diyos hanggang kamatayan. Kaya, nagbalatkayo ako, at habang pinapangasiwaan ang resulta ng mga pang-aaresto, gumawa rin ako para kumpirmahin ang liham ng pag-uulat. Kalaunan, pagkatapos ng pagkumpirma, nalaman kong karamihan sa mga nilalaman ng liham ng pag-uulat ay hindi tumutugma sa mga katunayan, at na isang maliit na bahagi nito ay paninirang-puri at maling pagpaparatang. Nalaman ko rin na ang taong sumulat ng liham ng pag-uulat ay madalas na walang tigil na tumutuon sa mga tao at bagay, nagsisimula ng gulo, at naghahasik ng hindi pagkakasundo, na gumaganti siya sa sinumang nagwawasto sa kanya, at na mapaminsala ang pagkatao niya. Sa huli, kasama ang pagsang-ayon ng karamihan sa mga miyembro ng iglesia, pinatalsik siya mula sa iglesia.

Sa pamamagitan ng karanasang ito ng pangangasiwa sa resulta ng mga pang-aaresto, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa makasariling kalikasan ko, at nakita ko rin na napakatalino ng gawain ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mga pang-aresto at pang-uusig ng CCP upang magserbisyo para sa paggawang perpekto sa Kanyang hinirang na mga tao, at upang ibunyag din ang iba’t ibang uri ng mga tao. Halimbawa, maraming lider at manggagawa at kapatid sa iglesia ang naaresto sa pagkakataong ito, at ang ilan, para protektahan ang sarili nila sa di-kanais-nais na sitwasyong ito, ay masyadong natakot na gawin ang mga tungkulin nila, habang ang iba, pagkatapos maaresto, ay naging mga Hudas para iligtas ang buhay nila, ipinagkakanulo ang mga kapatid nila, at pumipirma pa nga sa “Tatlong Pahayag” para itatwa at ipagkanulo ang Diyos. Pero may ilang tao, na, pagkatapos maaresto, at dumaan sa pagkokondisyon ng isip, pamimilit, panghihikayat, at pagpapahirap ng malaking pulang dragon, ay hindi pa rin nawawalan ng pananalig sa Diyos. Mas pinili nilang tapusin ang sentensiya nila sa kulungan at mahatulan sa halip na maging mga Hudas, nangangakong hindi ipagkakanulo ang Diyos kahit hanggang kamatayan. Nagbigay sila ng maganda at matunog na patotoo tungkol sa Diyos, at kahit na masyado silang nagdusa sa laman, natanggap ng mga patotoo nila ang pagsang-ayon ng Diyos at tinandaan Niya sila. Sa ganitong paraan, kinaklasipika ng Diyos ang bawat tao ayon sa uri nito. Bagaman inaaresto at inuusig pa rin kami ng malaking pulang dragon, nagpatuloy ang gawain ng iglesia gaya ng nakagawian, at ang mga kapatid na nanganganib, pati na ang mga aklat ng salita ng Diyos, ay ligtas nang nailipat lahat, at ang mga masamang tao at hindi mananampalatayang nagdulot ng pagkagambala at pagkakagulo ay napaalis na sa iglesia. Binigyang-daan ako ng sitwasyon ito na masaksihan ang mga kamangha-manghang gawa ng Diyos, at na ang lahat ng gawain ng Diyos ay ginagawa ng Diyos Mismo. Lumago ang pananalig ko sa Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  87. Napinsala ng Edukasyong May Mataas na Pressure ang Aking Anak

Sumunod:  89. Mga Pagninilay-nilay Tungkol sa Paghihirap Ko sa Isang Karamdaman

Kaugnay na Nilalaman

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger