1. Natutuhan Ko Nang Tratuhin Nang Wasto ang Aking Tungkulin

Ni Liu Qiang, Tsina

Ipinanganak ako sa isang ordinaryong pamilya ng magsasaka, at habang lumalaki ako, palagi kong nakikita ang nanay ko na nagluluto at naglilinis, at hindi ko kailanman nakita ang tatay ko na nagluluto o gumagawa ng anumang gawaing-bahay. Ganoon din ang lolo ko. Minsan kapag wala ang lola ko sa buong araw, mas gugustuhin pa ng lolo kong magutom kaysa magluto, dahil naniniwala siyang gawaing pambabae ang pagluluto. Nakita ko na sa karamihan ng mga pamilya, “ang mga lalaki ang mga nagtatrabaho sa labas ng bahay at ang mga babae ang nag-aasikaso sa mga gawaing-bahay”: Ang mga babae ang nagluluto sa bahay, habang abala naman ang mga lalaki sa pagtatrabaho sa labas. Pagkatapos kong ikasal, natural na inako ng asawa ko ang lahat ng gawaing-bahay. Kung minsan, pinapagawa niya ako ng ilang gawaing-bahay, pero palagi akong umaayaw at nag-aatubiling gawin ito. Lagi kong iniisip na ang pagluluto at paggawa ng gawaing-bahay ay mga gawain para sa mga babae. at pinatindi ng lahat ng nakikita’t naririnig ko ang ideya na “Yung mga lalaki ang pang-trabaho sa labas, at mga babae ang pambahay.”

Noong tag-araw ng 2020, sinabi sa akin ng lider na may isang pangkat na agarang nangangailangan ng mga host, at tinanong ako kung handa akong pumunta at mag-host. Wala akong sinabi, pero sa isip-isip ko, “Hindi pa ako nakagawa kahit kailan ng tungkulin sa pagpapatuloy, at hindi rin naman ako marunong magluto.” Pero dahil isinaalang-alang ko ang agarang pangangailangan ng mga tao, pumayag pa rin ako. Sa panahon ng paggawa ko ng tungkulin sa pagpapatuloy, araw-araw akong nasa kusina, naghuhugas ng pinggan at naglilinis, at naiisip ko, “Tungkulin ito para sa mga sister; bakit sa akin pa ito ipinapagawa? Saka, nakakahiya para sa isang lalaking nasa hustong gulang na tulad ko na pumunta nang madalas sa palengke para mamili ng mga gulay at kung minsan kailangan pang makipagtawaran sa mga nagtitinda ng gulay at prutas!” Sa tuwing pupunta ako sa palengke para mamili ng gulay, nababagabag ako, dahil natatakot akong maliitin ako ng iba. Lagi na lang akong nagmamadaling pumasok at lumabas, ayaw kong magtagal doon. Kung minsan, may ilang brother ang nagsasabing masyadong maalat o matabang ang gulay, at napapahiya ako at nangangatwiran sa loob-loob ko, “Sa bahay, asawa ko naman talaga ang laging gumagawa ng mga gawaing-bahay at nagluluto, hindi ako! Isa pa, lalaki ako, at mga gawain ito ng babae, kaya normal lang na hindi ako magaling dito. Bakit hindi ninyo ako maintindihan?” Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagdaramdam, iniisip kung kailan kaya matatapos ang tungkuling ito. Madalas kong makita ang mga brother na nag-uusap at nagtatawanan tungkol sa gawain, pero hindi ko kayang maging masaya. Pakiramdam ko ay may pasan-pasan akong mabigat na bato sa likod ko, at inaasam ko na lang ang araw na hindi ko na kailangang gawin ang tungkuling ito. Noong mga araw na iyon, hindi ko na sineryoso ang pagluluto, at puro noodles na lang ang niluluto ko tuwing umaga. Nakikita kong kaunti lang ang kinakain nila, pero hindi ko kailanman tinanong kung nasanay na ba sila sa pagkain. Noong panahong iyon, maraming repolyo, kaya ang alam ko lang gawin ay pakuluan ito, at kahit na kaunti lang ang kinakain ng mga kapatid, wala akong pakialam. Naisip ko na lang, “Kahit paano mo lutuin, hindi naman talaga sasarap ang repolyo.” Kalaunan, iitinalaga sa ibang tungkulin ang mga kapatid at umalis sila, pero hiniling sa akin ng superbisor na ipagpatuloy ang tungkulin ng pagpapatuloy. Talagang hindi ko maintindihan, “Bakit kaya sa akin pa, na isang lalaking nasa hustong gulang, palaging hinihiling na gumawa ng tungkulin ng pagpapatuloy? Ang pagluluto, paglalaba, at paglilinis ay mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga sister. Hindi kaya magtaka ang iba, ‘Bakit isang brother ang gumagawa ng tungkuling ito?’ Paano ko malalampasan ang kahihiyang ito?” Kapag naiisip ko ito, pakiramdam ko ay mas mababa ako sa iba. Noong panahong iyon, nasa masamang kalagayan ako, at pakiramdam ko ay napahiya talaga ako. Kung bibitiwan ko ang tungkulin ng pagpapatuloy, pakiramdam ko ay hindi iyon makatwiran, pero kung ipagpapatuloy ko naman, hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Sa panlabas, ginagawa ko ang tungkulin ko, pero sa loob-loob ko ay nasusukol ako, at hindi ako naging maagap o masigasig sa anumang ginagawa ko. Nakikita kong kailangan nang maglinis, pero hindi ko ginagawa, at ilang beses, hindi na natiis ng iba kaya tumulong na silang maglinis. Hindi ko rin agad naibibilad ang mga pagkaing ipinadala ng iglesia, kaya naman, napapanis ang pagkain at kailangan nang itapon. Nang malaman ito ng lider, sinabi niya sa akin, “Inamag na lahat ng pagkain. Kung naging maingat ka lang sana, naibilad mo na sana ang dapat ibilad, at tiniyak na makain na sa tamang oras ang pagkaing nasisira, hindi sana ito nasayang. Sa ganitong mga problemang nangyayari, kailangan nating pagnilayan ang ating saloobin sa ating tungkulin.” Nang marinig ko ang sinabing ito ng lider, medyo nakonsensiya ako. Talagang dahil sa kapabayaan ko kaya nasira ang pagkain, pero nagsimula na naman akong gumawa ng mga dahilan sa sarili ko, “Sa bahay, ang nanay at asawa ko ang laging nagbibilad ng pagkain, hindi ko naman talaga ginagawa iyon. Ang ipagawa sa akin ang mga bagay na ito ay sobrang nakakahiya!” Lagi kong pakiramdam na para akong ipinapahiya, at ayaw kong pagtiisan ang sitwasyong ito, kaya umasa na lang ako na sana ay magsaayos ang lider ng ibang tungkulin na gagawin ko. Naging sobrang negatibo ako na hindi ko na alam ang sasabihin kapag nagdarasal sa Diyos. at kapag nagbabasa ako ng mga salita ng Diyos, wala akong nakukuhang liwanag. Araw-araw, pagod na pagod ako, at parang hindi ako makahinga.

Sa isang pagtitipon, napansin ng isang sister na masama ang kalagayan ko kaya pinaalalahanan niya akong pagnilayan ang sarili ko at matuto ng mga aral. Isang araw, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ano ang isang tungkulin? Ang atas na ipinagkatiwala ng Diyos sa tao ay ang tungkulin na dapat gampanan ng tao. Anuman ang ipinagkatiwala Niya sa iyo ay ang tungkulin na dapat mong gampanan. … Kailangang mahanap at matukoy ng isang tao ang kanyang sariling papel at posisyon—iyan ang ginagawa ng isang taong mayroong katwiran. Pagkatapos ay dapat niyang gampanan nang maayos ang kanyang tungkulin nang may matibay na praktikal na saloobin upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at palugurin Siya. Kung ang isang tao ay mayroong ganitong saloobin habang ginagampanan niya ang kanyang tungkulin, ang kanyang puso ay magiging matatag at payapa, matatanggap niya ang katotohanan sa kanyang tungkulin, at unti-unti niyang magagampanan ang kanyang tungkulin alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Magagawa niyang iwaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon, magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, at gampanan nang sapat ang kanyang tungkulin. Ito ang paraan upang makamtan ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung magagawa mong tunay na gugulin ang iyong sarili para sa Diyos at gampanan ang iyong tungkulin nang may tamang kaisipan, isang kaisipan na nagmamahal at nagpapalugod sa Kanya, ikaw ay pangungunahan at gagabayan ng gawain ng Banal na Espiritu, ikaw ay magiging handang isagawa ang katotohanan at kumilos alinsunod sa mga prinsipyo habang ginagampanan mo ang iyong tungkulin, at ikaw ay magiging isang tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Sa ganitong paraan, lubos mong maipamumuhay ang tunay na wangis ng tao. Ang buhay ng mga tao ay unti-unting lumalago habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin. Yaong mga hindi gumaganap ng mga tungkulin ay hindi makakamit ang katotohanan at ang buhay, kahit gaano karaming taon pa silang nananalig, dahil wala silang pagpapala ng Diyos. Pinagpapala lamang ng Diyos yaong mga tunay na ginugugol ang kanilang sarili para sa Kanya at ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa abot ng kanilang makakaya. Anumang tungkulin ang ginagampanan mo, anuman ang magagawa mo, ituring mo itong responsabilidad at tungkulin mo, tanggapin ito at gawin ito nang maayos. Paano mo ito gagawin nang maayos? Sa pamamagitan ng paggawa rito nang eksakto sa hinihingi ng Diyos—nang buong puso mo, nang buong pag-iisip mo, at nang buong kalakasan mo. Dapat mong pagnilay-nilayan ang mga salitang ito at isipin kung paano mo magagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na anuman ang atas na ibigay sa mga tao, dapat itong ituring bilang kanilang responsabilidad at tungkulin, at dapat nilang gawin ito nang buong puso at isipan. Tanging kapag nakatuon sa pagpapalugod sa Diyos ang kanilang kaisipan sa paggawa ng tungkulin saka nila makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Pero inakala ko na ang tungkulin ng pagpapatuloy ay gawain para sa mga sister, at dahil isa akong brother, hindi ko dapat ginagawa ang tungkuling ito. Pakiramdam ko, ang pag-uutos sa akin na gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy ay nangangahulugang minamaliit at hinahamak ako. Dahil sa maling pananaw na ito, wala akong kahit katiting na kaseryosohan o pananagutan sa aking tungkulin, at kapag nagho-host ng mga kapatid, palagi na lang akong nagluluto ng noodles o naglalaga ng repolyo. Nakita kong hindi ito gusto ng mga brother, pero hindi ko man lang inisip na baguhin ang luto para matiyak na makakakain sila nang masarap at mabubusog. Hindi rin ako naglilinis sa tamang oras, at hindi ko rin agad inaasikaso ang mga pagkaing ipinadadala ng iglesia, kaya nasisira lang. Paano ko masasabing ginagawa ko ang tungkulin ko nang buong puso at lakas? Malinaw na kapabayaan at pagiging pabasta-basta ito! Hindi ko pinahalagahan ang pagkakataong ibinigay sa akin ng iglesia para gawin ang tungkulin ko, at patuloy pa akong nagrereklamo, lumalaban, at nagiging pabasta-basta. Talagang nakapagpalungkot at nakabigo ito sa Diyos! Kung hindi ako magbabago, mawawala rin sa akin sa huli ang pagkakataong gumawa ng tungkulin. Nang mapagtanto ko ito, nagpasya ako na mula noon, handa na akong isagawa ang mga salita ng Diyos at gawin nang buong-puso ang tungkulin ko ng pagpapatuloy. Kaya nagsimula akong maag-aral magluto, naging mas aktibo ako sa paglilinis, at sinikap kong gawin nang maayos ang lahat ng gawaing kaugnay sa tungkulin ng pagpapatuloy.

Kalaunan, may nabasa akong ilang salita ng Diyos, at nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa pinakaugat ng palagi kong paglaban sa pagho-host. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung bibigyan ka ng tungkuling gagampanan at noong simula ay hindi mo kayang magpasakop, hanggang saan ka na nakapagpapasakop ngayon? Halimbawa, isa kang brother, at kung hihingin sa iyong magluto ng pagkain at maghugas ng mga pinggan para sa ibang kapatid araw-araw, magpapasakop ka ba? (Tingin ko, oo.) Siguro kaya mo iyon sa maikling panahon, ngunit kung hihingin sa iyong gawin ang tungkuling ito nang pangmatagalan, magpapasakop ka ba? (Puwedeng magpasakop ako paminsan-minsan, pero sa paglipas ng panahon, maaaring hindi ko na magawa iyon.) Ibig sabihin niyon ay hindi ka nagpasakop. Ano ang nagdudulot sa mga tao na hindi magpasakop? (Ito ay dahil may mga tradisyonal na kuru-kuro sa puso ng mga tao. Iniisip nilang dapat magtrabaho ang mga lalaki sa labas ng bahay, at ang mga babae ang dapat na mag-asikaso ng mga gawaing bahay, na trabaho ng babae ang pagluluto at mapapahiya ang isang lalaki sa pagluluto. Iyon ang dahilan kung bakit hindi madaling magpasakop.) Tama iyan. May pangkasarian na diskriminasyon pagdating sa hatian ng trabaho. Iniisip ng mga lalaki, ‘Kaming mga lalaki ay dapat na nasa labas at naghahanapbuhay. Ang mga bagay na tulad ng pagluluto at paghuhugas ay dapat na gawin ng mga babae. Hindi kami dapat piliting gawin ito.’ Ngunit ngayon ay mga espesyal na sitwasyon ito, at hinihingi sa iyong gawin ito, kaya ano ang gagawin mo? Anong mga emosyonal na problema ang dapat mong malampasan bago ka makapagpasakop? Ito ang pinakapunto ng isyu. Dapat mong malampasan ang pangkasarian na pandidiskrimina mo. Walang gawaing dapat gawin ng mga lalaki, at walang gawaing dapat gawin ng mga babae. Huwag mong hatiin ang trabaho sa ganitong paraan. Hindi dapat tukuyin ang tungkuling ginagampanan ng mga tao ayon sa kanilang kasarian. Maaari mong hatiin ang trabaho sa ganitong paraan sa iyong sariling tahanan at pang-araw-araw na buhay, ngunit ngayon ay may kinalaman ito sa iyong tungkulin, kaya paano mo ito dapat bigyang-kahulugan? Dapat mong tanggapin ang tungkuling ito mula sa Diyos at akuin ito, at baguhin ang mga maling pananaw na nasa loob mo. Dapat mong sabihin, ‘Totoo na lalaki ako, ngunit isa akong miyembro ng iglesia at isang nilikha sa mga mata ng Diyos. Gagawin ko ang anumang iaatas sa akin ng iglesia; hindi hinahati ang mga bagay ayon sa kasarian.’ Una, dapat mong bitiwan ang mga mali mong pananaw, pagkatapos ay tanggapin ang iyong tungkulin. Ang pagtanggap ba sa iyong tungkulin ay tunay na pagpapasakop? (Hindi.) Sa mga susunod na araw, kung may magsasabing masyadong maalat ang luto mo, o medyo matabang ito, o magsasabing hindi maayos ang pagkakaluto mo sa isang pagkain at ayaw niya itong kainin, o magsasabi sa iyong magluto ng bagong putahe, matatanggap mo ba ito? Sa puntong iyon ay maaasiwa ka, at maiisip mo, ‘Isa akong lalaking may respeto sa sarili, at ibinaba ko na ang sarili ko sa pagluluto ng pagkain para sa lahat ng mga kapatid na ito, subalit ipinaaalam pa rin nila ang lahat ng problemang ito. Wala na talaga akong natitirang pride.’ Sa puntong ito, ayaw mo nang magpasakop, hindi ba? (Ayaw ko na.) Problema ito. Sa tuwing hindi ka makapagpapasakop, dulot ito ng isang tiwaling disposisyon na nabubunyag at nagdudulot ng problema, at nagdudulot sa iyong hindi makapagsagawa ng katotohanan at makapagpasakop sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Mayroong Buhay Pagpasok). “Ang mga lalaki ay may mga ganitong sobenismong kaisipan, at minamaliit nila ang ilang gawain tulad ng pag-aalaga ng mga bata, pagliligpit sa bahay, paglalaba, at paglilinis. Ang ilan ay talagang matindi ang sobenismo, at nayayamot sa mga gawaing-bahay na ito, ayaw nilang gawin ang mga ito, o kung gagawin man nila ang mga ito, ginagawa nila ito nang labag sa kanilang loob, natatakot na hahamakin sila ng iba. Iniisip nila, ‘Kung palagi kong ginagawa ang mga gawaing-bahay na ito, hindi kaya ako maging binabae?’ Anong kaisipan at pananaw ang kumokontrol nito? Hindi ba’t may problema sa kaisipan nila? (Oo, mayroon.) May problema ang kaisipan nila. Tingnan ang ilang rehiyon kung saan ang mga lalaki ay palaging nakasuot ng apron at nagluluto. Pag-uwi ng babae mula sa trabaho, hinahainan siya ng lalaki ng pagkain, sinasabing, ‘Heto, kumain ka na. Masarap talaga ito; niluto ko ang lahat ng paborito mo ngayon.’ Angkop lang na kainin ng babae ang nakahandang pagkain, at angkop lang na ihanda ito ng lalaki, nang hindi kailanman nararamdaman na isa siyang maybahay. Sa sandaling lumabas siya at tinanggal ang kanyang apron, hindi ba’t lalaki pa rin siya? Sa ilang rehiyon kung saan talagang malubha ang sobenismo, hindi maikakailang pinalayaw sila ng pagkokondisyon at impluwensiya ng pamilya. Iniligtas o ipinahamak ba sila ng pagkokondisyong ito? (Ipinahamak sila nito.) Ito ay nakapipinsala sa kanila. … Ang mga kaisipan at pananaw na ikinikintal ng mga magulang ay nakakaapekto sa mga pinakapangunahin at pinakasimpleng tuntunin sa pamumuhay, pati na sa ilang maling pananaw tungkol sa mga tao. Kung ibubuod, ang lahat ng ito ay binubuo ng pagkokondisyon ng pamilya sa mga kaisipan ng mga tao. Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang epekto ng mga ito sa buhay ng isang tao sa panahon ng kanilang pananampalataya sa Diyos at pag-iral, o kung gaano kalaking problema at abala ang idinudulot ng mga ito, likas na may partikular na kaugnayan ang mga ito sa ideolohikal na pagtuturo ng mga magulang(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (14)). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pakiramdam kong pagkasupil at pasakit sa paggawa ng tungkulin ng pagpapatuloy, at ang kawalan ko ng pagpapasakop, ay pangunahing dulot ng walang katotohanang pananaw na “Ang mga lalaki ang dapat na nagtatrabaho sa labas ng tahanan at ang mga babae ang dapat na nag-aasikaso ng gawaing-bahay.” Dati, nagsasaka kami sa amin, at ang nanay at asawa ko, pagkatapos magtrabaho sa labas, ay umuuwi at kailangan pang maglaba, magluto, at magpakain ng mga hayop. Sobrang abala nila na halos hindi na nila kayang makasabay sa gawain. Nakita ko ito pero hindi man lang ako tumulong. Iniisip ko na ang paglalaba, pagluluto, at paggawa ng gawaing-bahay ay pawang gawaing pambabae, at kailangan lang ng mga lalaki na kumita ng pera para suportahan ang pamilya at gawin ang mga trabaho sa labas. Naisip ko na kung ang mga lalaki ang gumagawa ng gawaing-bahay, walang silbi ang tingin sa kanila at minamaliit ng mga tao. Sa pamumuhay sa ganitong pananaw, bihira akong tumulong sa gawaing-bahay at kulang ako sa pag-aalaga at malasakit sa pamilya ko. Matapos matagpuan ang Diyos, nang hilingin sa aking gumawa ng tungkulin ng pagpapatuloy, inisip ko na ang paglilinis, pamimili ng mga gulay, at pagluluto ay mga tungkulin para sa mga sister, at hindi dapat ipinapagawa sa mga brother ang mga gampaning ito. Dahil sa impluwensya ng kaisipang ito na mas angat ang mga lalaki, nakaramdam ako ng paglaban at hindi ko sineryoso ang tungkulin ko. Ang pagpunta sa palengke para mamili ng mga gulay, ang pakikipagtawaran sa mga nagtitinda nito, at ang pagbili ng murang gulay na maganda ang kalidad ay isang normal na bagay lang naman. Pero lagi kong pakiramdam na nakakahiya ito, at natatakot akong maliitin ng iba. Kapag nagluluto, nagluluto lang ako ng kung ano ang gusto kong iluto. nang hindi man lang isinasaalang-alang ang mga brother kung sanay na sila rito. Dahil sa paglaban ko sa tungkulin ng pagpapatuloy, ni hindi ako naglilinis kahit na kinakailangan ito. Talagang wala akong pagkatao at katwiran! Lubusan nang binaluktot ang pag-iisip ko ng kaisipang ito na mas angat ang mga lalaki. Naisip ko na ang mga tungkulin ay galing sa Diyos, na wala itong pagkakaiba sa katayuan, kasarian, o edad, at dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos, ituring bilang isang responsabilidad na dapat pakaingatan at mahalin, at tapat na ilaan ang sarili ko sa aking tungkulin para mapalugod ang Diyos. Pero namuhay ako ayon sa kaisipang “Ang mga lalaki ang dapat na nagtatrabaho sa labas ng tahanan at ang mga babae ang dapat na nag-aasikaso ng gawaing-bahay.” Ang sariling damdamin ko lang ang isinaalang-alang ko. at hindi kailanman kung ano talaga ang responsabilidad at tungkulin ko. Wala akong kahit katiting na pagpapasakop, Hindi ba’t kinakalaban ko ang Diyos sa ganito? Nang mapagtanto ko ito, labis akong nagsisi at nakonsensya, kaya lumapit ako sa Diyos at nanalangin, “Diyos ko, Dahil kontrolado ako ng kaisipang ‘Ang mga lalaki ang dapat na nagtatrabaho sa labas ng tahanan at ang mga babae ang dapat na nag-aasikaso ng gawaing-bahay,’ wala akong ipinakitang kahit katiting na pagpapasakop sa paggawa ng tungkulin sa pagpapatuloy. at palagi pa Kitang kinakalaban. Naging masyado po akong walang katwiran! Diyos ko, nagkamali po ako, at handa po akong magsisi sa Iyo.”

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at naunawaan ko ang pamantayan ng Diyos sa pagsukat sa mga tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Walang anumang partikular na sinasabi ang Diyos hinggil sa mga kasarian ng sangkatauhan, dahil ang mga lalaki at babae ay parehong mga nilikha ng Diyos at mula sa Diyos. Gaya nga ng pariralang sinasabi ng sangkatauhan, ‘Magkasinghalaga ang palad at ang likod ng kamay’—walang partikular na pagkiling ang Diyos sa mga lalaki o babae, wala rin Siyang partikular na mga hinihingi sa anumang kasarian, magkapareho lang ang mga kasariang ito. Samakatuwid, ginagamit ng Diyos ang parehong iilang pamantayan upang hatulan ka, lalaki ka man o babae—titingnan Niya kung anong uri ng pagkataong diwa ang taglay mo, kung ano ang landas na iyong tinatahak, kung ano ang saloobin mo sa katotohanan, kung minamahal mo ang katotohanan, kung ikaw ay may-takot-sa-Diyos na puso, at kung kaya mong magpasakop sa Kanya. Kapag pumipili ng isang tao at nililinang siya upang gumawa ng isang partikular na tungkulin o magsakatuparan ng isang partikular na responsabilidad, hindi tinitingnan ng Diyos kung isa siyang lalaki o babae. Itinataas ng Diyos ang ranggo ng mga tao at ginagamit sila, lalaki man sila o babae, sa pamamagitan ng pagtingin kung mayroon silang konsensiya at katwiran, kung pasok ba sa pamantayan ang kakayahan nila, kung tinatanggap nila ang katotohanan at kung ano ang landas na kanilang tinatahak. Siyempre, kapag inililigtas at ginagawang perpekto ang sangkatauhan, hindi humihinto ang Diyos upang isaalang-alang ang kanilang kasarian. Kung isa kang babae, hindi isinasaalang-alang ng Diyos kung ikaw ay malinis, mabait, malumanay, o kung mabuti ang asal mo, at hindi Niya sinusuri ang mga lalaki batay sa kanilang kalakasan at pagkalalaki—hindi ito ang mga pamantayan sa pagsusuri ng Diyos sa mga lalaki at babae(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na matuwid ang disposisyon ng Diyos, at hindi Niya tinatrato nang iba ang mga tao batay sa kanilang kasarian. Noong nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, wala Siyang diskriminasyon sa kasarian nila, at pareho lang ang pagmamahal at pangangalaga ng Diyos sa kanila, walang anumang paboritismo. Ang mga salitang binibigkas ng Diyos sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan ay para sa lahat ng tao, anuman ang nasyonalidad, lahi, o kasarian. Sa karanasan ko, nakita ko rin na hindi tumitingin sa kasarian ang sambahayan ng Diyos sa pag-aangat at paggamit ng mga tao, kundi nagsasaalang-alang Siya batay sa kung mahal ba ng isang tao ang katotohanan at kung mayroon ba itong konsensiya at katwiran, at sa pagtingin sa kanyang tinatahak na landas. Walang tuntunin na nagsasabing dapat mga brother ang maging mga lider at manggagawa, at mga sister naman ang dapat gumawa ng tungkulin ng pagpapatuloy. Halimbawa, may kilala akong isang brother na gumagawa rin ng tungkulin ng pagpapatuloy, at sa tuwing may oras siya, nagtutuon siya sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Sa mga pagtitipon, nagagawa niyang magtapat sa pakikipagbahaginan tungkol sa kanyang kalagayan at mga paghihirap, at kapag nahaharap sa mga problema, hinahanap niya ang katotohanan at nagtutuon sa pagsasagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Ginawa ng kapatid na ito ang kanyang tungkulin nang hindi napipigilan ng kasarian. Pagkatapos ay napagtanto ko na mali at sukdulan ang mamuhay ayon sa kakatwang pananaw na ito ng pagiging mas angat ng mga lalaki, at na lubusan itong sumasalungat sa mga salita ng Diyos. Matapos maunawaan ang mga katotohanang ito, nagkaroon ako ng kaunting pagkakilala sa kaisipang ito na mas angat ang mga lalaki at handa ko na itong itakwil mula sa aking puso. Lubusan ko na ring nagawang tanggapin ang tungkulin ko ng pagpapatuloy.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mas maraming salita ng Diyos, at naging mas malinaw sa akin kung paano gagawin nang maayos ang tungkuling ito ng pagpapatuloy. Sabi ng Diyos: “Magkapareho ang mga prinsipyong kailangan mong maunawaan at ang mga katotohanang kailangan mong isagawa anuman ang tungkuling iyong ginagampanan. Hinilingan ka mang maging isang lider o manggagawa, o nagluluto ka man ng mga putahe bilang punong-abala, o kung hinilingan ka mang asikasuhin ang ilang panlabas na usapin o gumawa ng pisikal na gawain, ang mga katotohanang prinsipyo na dapat sundin sa pagganap ng iba’t ibang tungkuling ito ay magkakapareho, dahil kailangang nakabatay ang mga ito sa katotohanan at sa mga salita ng Diyos. Ano kung gayon ang pinakamalaki at pangunahin sa mga prinsipyong ito? Ito ay ang ilaan ang puso, isipan, at pagsisikap ng isang tao sa pagganap ng kanyang tungkulin nang mabuti, at gampanan ito nang abot sa kinakailangang pamantayan. … Halimbawa, kung ikaw ang nangangasiwa sa paghahanda ng pagkain para sa iyong mga kapatid, iyon ay ang tungkulin mo. Paano mo dapat tratuhin ang trabahong ito? (Dapat kong hanapin ang mga katotohanang prinsipyo.) Paano mo hahanapin ang mga katotohanang prinsipyo? May kinalaman ito sa realidad at sa katotohanan. Kailangan mong pag-isipan kung paano isasagawa ang katotohanan, kung paano gagampanan nang mabuti ang tungkuling ito, at kung aling mga aspeto ng katotohanan ang nakapaloob sa tungkuling ito. Ang unang hakbang, una sa lahat, ay kailangan mong malaman na, ‘Hindi ako nagluluto para sa sarili ko. Tungkulin ko ang ginagawa kong ito.’ Ang aspektong nakapaloob dito ay pangitain. Paano naman ang ikalawang hakbang? (Kailangan kong pag-isipan kung paano lulutuin nang maayos ang pagkain.) Ano ang pamantayan para sa pagluluto nang maayos? (Kailangan kong hanapin ang mga hinihingi ng Diyos.) Tama iyan. Tanging ang mga hinihingi ng Diyos ang katotohanan, ang pamantayan, at ang prinsipyo. Ang pagluluto alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos ay isang aspeto ng katotohanan. Una sa lahat ay kailangan mong isaalang-alang ang aspetong ito ng katotohanan, at pagkatapos ay pag-isipan na, ‘Ibinigay sa akin ng Diyos ang tungkuling ito upang gampanan ko. Ano ang pamantayang hinihingi ng Diyos?’ Ang saligang ito ay kinakailangan. Kung gayon ay paano ka dapat magluto upang maabot mo ang pamantayan ng Diyos? Ang pagkaing lulutuin mo ay dapat na masustansya, masarap, malinis, at hindi nakasasama sa katawan—ang mga ito ang mga detalyeng nakapaloob. Basta’t magluluto ka alinsunod sa prinsipyong ito, ang pagkaing lulutuin mo ay maihahanda alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos. Bakit Ko ito sinasabi? Dahil hinanap mo ang mga prinsipyo ng tungkuling ito at hindi ka lumagpas sa saklaw na itinakda ng Diyos. Ito ang tamang paraan ng pagluluto. Nagawa mo na nang mabuti ang iyong tungkulin, at nagawa mo ito nang katanggap-tanggap(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang ng mga Katotohanang Prinsipyo Magagampanan Nang Mabuti ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na anuman ang tungkuling ginagawa natin, dapat tayong magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo, at dapat nating ibuhos ang ating buong puso at pagsisikap para gawin ito nang maayos ayon sa mga salita ng Diyos. Halimbawa, sa paggawa ko ng tungkulin ng pagpapatuloy, kung hindi maayos ang pagkakahanda sa pagkain, na naging dahilan para ayaw itong kainin ng iba o nagdulot ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan, kung gayon, hindi ko nagawa nang maayos ang tungkulin ko. Pagdating sa pagkain, dapat kong ibilad ang kailangang ibilad, at ihain agad ang dapat kainin kaagad para maiwasang masayang ito. Isa pa, sa Tsina, ang bansang pinakamatinding lumalaban sa Diyos, dapat tayong laging manatiling mapagmatyag sa ating tungkulin ng pagpapatuloy, maging mapagmasid sa ating kapaligiran, at tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kapatid. Matapos maunawaan ito, noong pumunta ako sa palengke para mamili uli ng mga gulay, inisip ko kung paano makakabili ng maganda ang kalidad at abot-kayang mga produkto, at wala na akong pakialam sa kung ano ang iisipin ng iba. Ginawa kong prinsipyo na maghanda ng pagkaing masarap, masustansya, at nakapagpapalusog, at para sa mga putaheng hindi ko alam lutuin, nagtatanong ako sa mga kapatid o nanonood ng mga tutorial para matuto. Pagkaraan ng ilang panahon, parehong bumuti nang malaki ang kalagayan ng pagluluto at kalinisan sa bahay. Kalaunan, nakipagtulungan ako sa isang brother sa pagkukumpuni ng mga electronics, at nagkukusa na akong gawin ang pagluluto at mga gawaing-bahay. Kung minsan, kapag pumupunta ang mga kapatid sa bahay namin, hindi nila maiwasang purihin kami, sinasabi ang mga bagay tulad ng, “Napakalinis naman ng bahay ninyo!” at “Mukhang napakasarap ng pagkaing ito.” Pagkarinig sa mga ito, nagpasalamat ako sa Diyos mula sa kaibuturan ng aking puso.

Ngayon, naunawaan ko na ang mga tungkulin ay atas ng Diyos sa sangkatauhan, at ito ay isang responsabilidad at obligasyon na dapat nating tuparin, anuman ang kasarian, at dapat natin itong tanggapin nang walang pasubali at gawin ang lahat ng ating makakaya para tuparin ito. Naunawaan ko rin na hindi mahalaga kung anong tungkulin ang ginagawa natin, ang mahalaga ay ang hanapin natin ang katotohanan sa ating mga tungkulin at lutasin ang ating mga tiwaling disposisyon. Ang paghahangad na magsagawa ayon sa mga katotohanang prinsipyo ang siyang pinakamahalaga. Ang mga pagbabago at nakamit kong ito ay pawang resulta ng paggabay sa akin ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sumunod:  2. Anong Disposisyon ang Nag-uudyok sa Isang Taong Makipagtalo at Gumawa ng mga Dahilan?

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger