12. Mga Pagninilay Matapos Maaresto

Ni Yu Lu, Tsina

Noong 2018, nahalal ako bilang lider sa iglesia. Noong panahong iyon, paulit-ulit na pinipigilan at pinahihirapan ni Li Hua ang iba, at ginugulo niya ang buhay sa iglesia. Kinailangan naming ilantad at himayin ang pag-uugali niya bilang isang masamang tao gamit ang mga salita ng Diyos. Hiniling sa akin ni Lin Ru, ang kapatid na kapareha ko, na samahan ko siya. Habang nakikipagbahaginan kami kay Li Hua at inilalantad siya, hindi niya ito tinanggap. Ubod ng sama ng ugali niya. Hindi na nga niya inamin ang masasamang gawa niya, tinitigan pa niya kami nang masama at ipinagtanggol ang kanyang sarili. Nang makita ko ang malupit na tingin niya, nakaramdam ako ng kaunting takot. Sa puso ko, patuloy akong nanalangin sa Diyos at humiling ng Kanyang pamumuno. Noong panahong iyon, binuksan ko ang kompyuter at nakita ko ang isang sipi mula sa mga salita ng Diyos na tugmang-tugma sa pag-uugali ni Li Hua. Magkasama namin itong binasa, at pagkatapos ay inilantad ko ang masasamang gawa niya, maging ang mga kontradiksiyon sa kanyang mga pahayag sa magkakaibang insidente at ang paulit-ulit niyang pag-uugali. Sama-sama ring inilantad ng iba pang mga kapatid ang pag-uugali niya at saka lang siya nakumbinsi. Pagkaalis ni Li Hua, sinabi ng isang sister, “Nang makita ko ang ugali ng masamang taong ito kanina, medyo natakot talaga ako. Kung hindi ninyo siya inilantad, hindi talaga siya makukumbinsi.” Nang marinig ko ito, kahit sinabi kong, “Salamat sa Diyos, pamumuno itong lahat ng Diyos,” sa puso ko ay naging masaya talaga ako. Pakiramdam ko ay mayroon talaga akong kaunting kapabilidad sa gawain. Makaraan ang ilang sandali, nagsagawa ako ng isang pagtitipon para sa mga manggagawa ng gawaing nakabatay sa teksto. Dahil wala akong lubos na pagkaarok sa mga prinsipyo ng gawaing nakabatay sa teksto, natakot ako na baka hindi ako makapagbahagi nang malinaw at hamakin ako ng mga tao. Kaya sa puso ko, patuloy akong nanalangin sa Diyos, humihingi ng Kanyang gabay. Pagkatapos, binasa ko ang mga prinsipyo kasama sila, ibinahagi ang kaunti kong pagkaarok, at nakipagbahaginan at nilutas ang mga problema at paglihis sa kanilang gawain. Alam na ng lahat kung paano gawin ang gawain pagkatapos noon. Masayang sinabi ng ilang kapatid na medyo nakatulong sa kanila ang aking pagbabahagi. Nang makita kong nagkamit ako ng kaunting resulta sa paggawa ng tungkulin ko noong panahong iyon, at humanga sa akin ang lahat ng kapatid, sa loob-loob ko ay labis akong nalugod sa aking sarili. “Sa hinaharap, kailangan ko silang tulungang lumutas ng mas maraming problema. Sa ganitong paraan, tiyak na mas hahangaan pa ako ng lahat.” Hindi naglaon, isinaayos ng mga nakatataas na lider na maging responsable ako sa ilang mahirap na gampanin. Noong una, pakiramdam ko ay napakahirap ng mga ito at imposibleng tapusin. Nakipagbahaginan ang mga lider sa akin tungkol kay Moises na pinangunahan ang mga Israelita sa pagtawid sa Dagat na Pula at ang mga salita ng Diyos kaugnay sa pananalig. Pagkatapos noon, nagkaroon ako ng determinasyong tapusin ang gawain. Nang naharap ako sa mga paghihirap sa proseso ng paggawa nito at hindi ko alam kung ano ang gagawin, maraming ulit akong nanalangin sa Diyos at hinanap ang mga katotohanang prinsipyo. Unti-unti, matagumpay na natapos ang gawain. Hindi ko napigilang humanga sa aking sarili, iniisip na walang paghihirap na hindi ko kakayanin. Kalaunan, kapag nahaharap ang mga kapatid sa mga paghihirap sa kanilang mga tungkulin at nawawalan ng pananalig, ipinagyayabang ko ang sarili ko sa harap nila, “Wala iyang mga paghihirap ninyo. Mas maliit ang mga iyan kaysa sa mga paghihirap na mayroon ako sa paggawa ng aking tungkulin.” Pagkatapos, mahaba-haba kong ikukuwento kung paano ako umasa sa Diyos para lutasin ang mga paghihirap na kinaharap ko sa paggawa ng aking tungkulin. Gayumpaman, hindi ko binanggit ang mga sarili kong kalagayan ng pagkanegatibo, kawalan ng pananalig at maging ang pagnanais kong sumuko sa prosesong ito. Matapos ang usapan, nagkaroon ako ng kaunting kamalayan sa aking puso. Hindi ba’t ito ay pagtataas sa sarili at pagpapasikat? Pero sa kabilang banda, “Ikinuwento ko rin naman kung paano ako umasa sa Diyos para lutasin ang mga problema at paghihirap. Hindi ito maituturing na pagpapasikat.” Lalo na nang makita ko ang mga ekspresyon ng inggit at paghanga sa mukha ng mga kapatid, nadama ko na nauunawaan ko nga ang katotohanan at na may kaunti akong kapabilidad sa gawain.

Minsan, nagpunta ako sa isang pagtitipon. Sinabi ni Sister Liu Li na responsable sa gawain ng pag-aalis iglesia na, “May isang lider ng iglesia na nag-ulat na may isang taong medyo masama ang pag-uugali. Nakipagbahaginan siya rito, pero hindi lang nito tinanggihang tanggapin iyon at sinubukang ipagtanggol ang sarili, sinubukan din nitong makakuha ng bentaha laban sa kanya. Kung makahaharap ko ang gayong tao, hindi ko alam kung paano makikipagbahaginan sa kanya at mailalantad siya. Sa puso ko, medyo matatakot ako.” Naisip ko, “Kailangan kong sabihin sa iyo kung paano ko inilalantad ang masasamang tao, para may matutuhan ka.” Pagkatapos ay nagsalita lang ako tungkol sa kung paano ko inilantad si Li Hua, kung paanong hindi niya ito tinanggap, at kung paanong lubusan siyang nakumbinsi sa wakas. Habang mas nagsasalita ako, mas sumisigla ako. Bagama’t nabanggit ko rin na medyo naduwag at natakot ako noong panahong iyon, binanggit ko lang ito nang pahapyaw. Pagkatapos makinig ni Liu Li, tumingin siya sa akin nang may inggit at paghanga at sinabing, “Kung ako ang nasa lugar mo, hindi ko malalaman kung paano siya ilalantad.” Nang marinig kong sabihin niya ito, naging nakapakasaya ko. Labis ko itong nagustuhan. Noong panahong iyon, lalo pang lumakas ang pagnanais kong magpasikat. Sa tuwing bumabalik ako mula sa isang pagtitipon, sinasabi ko kay Lin Ru ang lahat ng problemang natuklasan ko sa iglesia at kung paano ko nilutas ang mga iyon. Madalas sabihin ni Lin Ru, “Totoo iyan, napakahusay mo sa pagtuklas at paglutas ng mga problema! Kung ako iyan, baka hindi ko matuklasan ang mga problema, lalo na ang masolusyunan ang mga ito.” Pagkatapos noon, tuwing may kinakaharap na anuman si Lin Ru, tinatanong niya ako kung paano ito haharapin at lulutasin. Hinihintay niya akong bumalik para pangasiwaan maging ang maliliit na bagay. Mahina ang kalusugan ko, at sinabi sa akin ni Lin Ru, “Dapat mong alagaan ang iyong kalusugan. Kapag bumigay ang katawan mo, sino ang gagawa ng gawain ng ating iglesia?” Palagi akong binibigyan ng masusustansiyang pagkain ng mga kapatid na nakakasama ko sa gawain, at lalo pang lumakas ang pakiramdam ko na ako ang haligi ng iglesia. Kalaunan, dumarating at hinahanap ako ng lahat ng kapatid para ibahagi ang kanilang mga problema at hingin ang aking mga opinyon. Sa bawat pagtitipon, nag-uunahan ang mga kapatid na magtanong sa akin. Nakaramdam ako ng lubos na kaluguran sa aking puso, iniisip na, “Mukhang kailangang-kailangan ako sa gawain ng iglesiang ito. Kung hindi ako ang mamumuno, talagang hindi ito uusad!” Naisip ko ang gawain ng buong iglesia: Gaano man kalaki o kaliit ang bagay, ako ang kailangang gumawa ng huling desisyon. Kaya, pakiramdam ko ay napakahalaga ko. Pero dahil hindi ko kailanman pinagnilayan at inunawa ang sarili ko, nagalit sa akin ang Diyos.

Isang gabi ng Hunyo 2021, natutulog ako sa bahay. Isang pangkat ng mga pulis ang gumiba sa pinto at nagmamadaling pumasok, hinahalughog ang aking bahay. Dinala rin nila ako sa panlalawigang himpilang nangangasiwa ng mga kaso para sa interogasyon. Ipinosas nila ako sa isang upuan. Medyo natakot ako. Nag-alala ako kung bubugbugin ba ako o sesentensiyahang makulong. Sa puso ko, hindi ako naglakas-loob na iwan ang Diyos, at patuloy akong nanawagan sa Diyos na huwag akong hayaang maging Hudas. Sa ilang araw na iyon ng interogasyon, palagi kong iniisip na, “Ano ang layunin ng Diyos sa pagdadala ng ganitong kapaligiran sa akin? May nagawa ba ako na hindi alinsunod sa layunin ng Diyos?” Inutusan ako ng mga pulis na sabihin sa kanila ang impormasyon kaugnay sa iglesia, pero wala akong sinabing anuman. Sarkastikong sinabi sa akin ng pulis, “Hindi ba’t isang maliit na lider ka lang? Ikaw ang namamahala sa dose-dosenang tao, at kaya mong isaayos ang mga bagay-bagay ayon sa gusto mo. Masarap sa pakiramdam na kinikilala ka, ano? Isa kang matapang na maliit na lider para magpasikat dito!” Nagulat ako, at nanalangin sa aking puso, “Mahal kong Diyos, bakit sinabi iyon ng pulis sa akin? Pakiusap, bigyang-liwanag Mo ako.” Pagkatapos manalangin, binalikan ko ang iba’t ibang inasal ko sa paggawa ng aking tungkulin noong panahong iyon. Noong nagpunta ako sa iba’t ibang pagtitipon ng pangkat, nag-uunahan ang lahat ng kapatid para tanungin ako kung paano pangangasiwaan ang mga problema at lulutasin ang mga paghihirap. Sa aking puso, ikinasiya ko ito. Ang kapatid na nakapareha ko ay labis ding nakaasa sa akin. Malaki o maliit man ang bagay, palagi siyang humihingi ng aking opinion. Pakiramdam ko ay kailangang-kailangan ako sa gawain ng iglesia, at na kailangan kong mamuno at gumawa ng lahat ng huling desisyon sa lahat ng bagay. Ito ang nagbigay sa akin ng tunay na pakiramdam ng pagkilala. Hindi ba’t dinadala ko ang mga kapatid sa harap ko? Nakikipagkompitensiya sa Diyos ang mga anticristo para sa katayuan at mga tao. Sa huli, dinadala nila ang mga tao sa harap nila. Ang kalikasan ba ng ginagawa ko ay hindi katulad ng sa isang anticristo? Doon ko lang napagtanto na sinimulan ko nang tahakin ang landas ng mga anticristo. Nagdudulot ito ng pagkasuklam at pagkamuhi ng Diyos. Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong natatakot. Nanalangin ako sa Diyos, “Mahal kong Diyos! Nagkamali ako. Kung hindi pa ako inaresto ng mga pulis, hindi ko pa sana napagnilayan at naunawaan ang landas na tinatahak ko. Naging napakamanhid ko! Ang pagkakaarestong ito ay ang pagmamahal Mo na dumarating sa akin, at ang pagdurusang karapat-dapat sa akin. Handa akong tanggapin ito. Kahit ilang taon pa ako masentensiyahang makulong, magpapasakop ako.” Sa loob ng mahigit sampung araw na idinetene ako, patuloy akong nakaramdam ng panghihinayang at paninisi sa sarili. Kinamuhian ko ang sarili ko sa pagiging masyadong manhid at sa paggawa ng mga bagay na lumalaban sa Diyos nang hindi ito namamalayan. Nang napagtibay ko nang hindi ko ipagkakanulo ang Diyos, at na hindi ko ipagkakanulo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos o ang mga kapatid, kahit ibig sabihin pa niyon ay mamamatay ako sa kulungan, dumating muli sa akin ang pagmamahal ng Diyos. Naghanda ang mga pulis para ipadala ako sa kulungan. Una, dinala nila ako sa ospital para sa isang pisikal na eksaminasyon. Sa hindi inaasahan, lumabas sa resulta ng pregnancy test na buntis ako, kaya hindi ako tinanggap ng kulungan. Pagkatapos ng labindalawang araw ng pagkakadetene, nag-aplay ang pulisya para palayain ako sa piyansa habang nakabinbin ang paglilitis. Kalaunan, nalaman ko na hindi naman pala talaga ako buntis. Nakita ko ang mga kahanga-hangang gawa ng Diyos, at napuno ang puso ko ng pasasalamat sa Kanya. Kasabay nito, naramdaman ko ring masyadong malaki ang pagkakautang ko sa Diyos.

Pagkatapos makalaya, nagsimula akong magnilay sa lahat ng ginawa ko sa pagtupad sa aking tungkulin. Sa totoo lang, alam ko ang tunay na tayog ko. Kung hindi dahil sa kaliwanagan at pamumuno ng Diyos, hindi ko magagawa nang maayos ang aking tungkulin. Pero ginamit ko ang kaliwanagan ng Diyos bilang kapital para ipagyabang ang aking sarili, at dinala ang mga kapatid sa harap ko. Nagdulot ito ng pagkasuklam sa Diyos. Nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Itinataas at pinapatotohanan ang kanilang sarili, ibinibida ang mga sarili nila, sinisikap na tingalain at sambahin sila ng mga tao—may kakayahan sa mga bagay na ito ang tiwaling sangkatauhan. Ganito ang likas na reaksiyon ng mga tao kapag pinamamahalaan sila ng mga satanikong kalikasan nila, at karaniwan ito sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Paano karaniwang itinataas at pinapatotohanan ng mga tao ang kanilang sarili? Paano nila natatamo ang pakay na tingalain at sambahin sila ng mga tao? Nagpapatotoo sila sa kung gaano karaming gawain ang nagawa nila, kung gaano sila nagdusa, kung gaano nila ginugol ang mga sarili nila, at kung anong halaga ang binayaran nila. Ginagamit nila ang mga bagay na ito bilang kapital kung saan itinataas nila ang mga sarili nila, na nagbibigay sa kanila ng mas mataas, mas matatag, mas ligtas na lugar sa pag-iisip ng mga tao, upang mas maraming tao ang magpapahalaga, titingala, hahanga, at gayundin ang sasamba, gagalang, at susunod sa kanila. Upang matamo ang pakay na ito, maraming bagay na ginagawa ang mga tao na nagpapatotoo sa Diyos sa panlabas, pero sa totoo lang ay nagtataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Makatwiran bang kumilos nang ganoon? Lampas sila sa saklaw ng pagkamakatwiran at wala silang kahihiyan, ibig sabihin, walang kahihiyan silang nagpapatotoo sa nagawa nila para sa Diyos at kung gaano sila nagdusa para sa Kanya. Ibinibida pa nga nila ang kanilang mga kaloob, mga talento, karanasan, mga natatanging kasanayan, matatalinong diskarte sa mga makamundong transaksiyon, ang mga paraang ginagamit nila upang paglaruan ang mga tao, at iba pa. Ang kaparaanan nila ng pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili ay upang ipangalandakan ang sarili nila at maliitin ang iba. Nagbabalatkayo at nagpapanggap din sila, ikinukubli ang mga kahinaan, mga kakulangan, at mga kapintasan nila sa mga tao upang ang tanging nakikita ng mga ito ay ang kanilang luningning. Hindi man lamang sila nangangahas na sabihin sa ibang tao kapag nakararamdam sila ng pagkanegatibo; salat sila sa tapang na magtapat at makipagbahaginan sa mga ito, at kapag may ginawa silang anumang mali, ginagawa nila ang lahat-lahat upang ikubli at pagtakpan ito. Hindi nila kailanman binabanggit ang pinsalang naidulot nila sa gawain ng iglesia sa takbo ng paggawa ng tungkulin nila. Kapag may nagawa silang maliit na ambag o natamong ilang maliit na tagumpay, gayunman, mabilis sila sa pagpapakitang-gilas nito. Hindi sila makapaghintay na ipaalam sa buong daigdig kung gaano sila may kakayahan, kung gaano kataas ang kakayahan nila, kung gaano sila katangi-tangi, at kung gaano sila mas magaling kaysa sa mga normal na tao. Hindi ba’t isa itong paraan ng pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili? Ang pagtataas at pagpapatotoo ba sa sarili ay isang bagay na ginagawa ng isang taong may konsensiya at katwiran? Hindi. Kaya kapag ginagawa ito ng mga tao, anong disposisyon ang karaniwang nabubunyag? Kayabangan. Ito ang isa sa mga pangunahing disposisyon na nabubunyag, na sinusundan ng panlilinlang, na kinasasangkutan ng paggawa ng lahat ng maaari upang gawing mataas ang pagpapahalaga sa kanila ng ibang mga tao. Hindi mabubutasan ang kanilang mga salita at malinaw na naglalaman ng mga motibasyon at pakana, nagpapakitang-gilas sila, gayumpaman ay nais nilang itago ang katunayang ito. Ang kalalabasan ng kung ano ang sinasabi nila ay na pinararamdam sa mga tao na mas mahusay sila kaysa sa iba, na wala silang sinumang kapantay, na ang lahat ng iba ay nakabababa sa kanila. At ang kalalabasang ito ay hindi ba natatamo sa pamamagitan ng mga pakubling paraan? Anong disposisyon ang nasa likod ng gayong mga paraan? At mayroon bang anumang mga sangkap ng kabuktutan? (Mayroon.) Isa itong uri ng buktot na disposisyon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Sinabi ng Diyos na gusto ng mga tiwaling tao na pataasin ang tingin ng mga tao sa kanila at tingalain sila. Kapag nakakakuha sila ng kaunting resulta mula sa paggawa ng kanilang tungkulin, ginagamit nila itong kapital para magpasikat. Napakanatural nilang ipinagyayabang ang sarili nila sa harap ng mga tao. Binalikan ko ang panahong ginagawa ko ang tungkulin ng lider. Noong nakita kong hindi naglalakas-loob ang mga taong responsable sa gawaing pag-aalis na ilantad ang isang masamang tao, para mapataas ang tingin nila sa akin, ipinagyabang ko kung paano ko inilantad ang isang masamang tao at nakumbinsi ito. Detalyadong-detalyado kong inilarawan ang proseso, pero pahapyaw ko lang na binanggit ang sarili kong karuwagan at takot. Nang marinig nila iyon, nainggit at humanga silang lahat sa akin. Kapag nahaharap ang mga kapatid sa mga paghihirap sa paggawa ng kanilang tungkulin at nawawalan ng pananalig, nakikipagbahaginan ako tungkol sa kung paano ko napagtagumpayan ang mga paghihirap at maayos na natapos ang gawain para makita nila ang kapabilidad ko sa gawain. Tiningala ako ng mga kapatid matapos marinig ito. Nagpasikat din ako sa harap ng kapatid na nakapareha ko. Sa tuwing natatapos ko ang pangangasiwa sa gawain ng iglesia, sinasabi ko sa kanya kung paano ko natuklasan ang mga problema at nakipagbahaginan para lutasin ang mga iyon. Dahil dito, naging palaasa siya sa akin sa parehong malalaki o maliliit na usapin. Dahil mahina ang kalusugan ko, nabahala siya na baka labis akong mapagod na hindi ko magawa nang normal ang tungkulin ko, kaya’t inilaan niya ang lahat ng masasarap at masusustansiyang pagkain para sa akin. Nakita ko kung paano ko itinaas ang aking sarili at nagpasikat sa bawat pagkakataon, pinatataas ang tingin ng iba sa akin at pinatitingala sila sa akin. Ito ay kagustuhang magkaroon ng katayuan sa puso ng mga tao! Ang mga tungkulin ng isang lider ay ang dakilain ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, at dalhin ang mga kapatid sa harap ng Diyos. Ito ang layunin ng Diyos. Pero dinala ko ang lahat ng kapatid sa harap ko. Wala talaga akong pagkatao, at lubos akong walang konsensiya at katwiran!

Nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag naging mayabang ang kalikasan at diwa ng mga tao, maaari silang madalas na maghimagsik at lumaban sa Diyos, hindi makinig sa Kanyang mga salita, bumuo ng mga kuru-kuro tungkol sa Kanya, gumawa ng mga bagay na nagtataksil sa Kanya, at mga bagay na nagtataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Sinasabi mo na hindi ka mayabang, ngunit ipagpalagay na binigyan ka ng isang iglesia at tinulutan kang pamunuan ito; ipagpalagay nang hindi kita pinungusan, at na wala ni isa sa pamilya ng Diyos ang pumuna o tumulong sa iyo: Matapos mo itong pamunuan sandali, dadalhin mo ang mga tao sa iyong paanan at pasusunurin sa iyo, kahit hanggang sa puntong hinahangaan at pinipintuho ka. At bakit mo gagawin iyon? Matutukoy ito sa iyong kalikasan; ito ay walang iba kundi isang likas na paghahayag. Hindi mo kailangang matutunan ito mula sa iba, ni hindi nila kailangang ituro ito sa iyo. Hindi mo kailangan ang iba na turuan ka o pilitin kang gawin ito; likas na nangyayari ang ganitong klaseng sitwasyon. Ang lahat ng ginagawa mo ay naglalayong itaas ka, purihin ka, sambahin ka, sumunod sa iyo, at makinig sa iyo sa lahat ng bagay. Ang pagpapahintulot sa iyo na maging isang lider ay likas na nagbubunga ng sitwasyong ito, at hindi ito mababago. At paano nagkakaroon ng sitwasyong ito? Ito ay itinatakda ng mapagmataas na kalikasan ng tao. Ang pagpapamalas ng kayabangan ay paghihimagsik at paglaban sa Diyos. Kapag ang mga tao ay mapagmataas, palalo, at mapagmagaling, magtatayo sila ng kani-kanyang mga nagsasariling kaharian at gawin ang mga bagay-bagay sa anumang paraang gusto nila. Aakayin din nila ang iba na magpakontrol sa kanila at magpasakop sa kanila. Para magkaroon ang mga tao ng kakayahang gawin ang gayong mga mapagmataas na bagay, pinatutunayan lang niyon na ang diwa ng kanilang mapagmataas na kalikasan ay katulad ng kay Satanas; katulad ito ng sa arkanghel. Kapag umabot ang kanilang kayabangan at kapalaluan sa isang partikular na antas, wala nang magiging puwang sa puso nila para sa Diyos, at isasantabi nila ang Diyos. Pagkatapos ninanais nilang maging Diyos, pinasusunod ang mga tao sa kanila, at sila ay nagiging arkanghel. Kung taglay mo ang gayong satanikong mapagmataas na kalikasan, hindi magkakaroon ng puwang ang Diyos sa iyong puso. Kahit naniniwala ka pa sa Diyos, hindi ka na kikilalanin pa ng Diyos, ituturing ka Niya bilang isang masamang tao, at ititiwalag ka(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Mayabang na Kalikasan ang Nasa Ugat ng Paglaban ng Tao sa Diyos). Sinabi ng Diyos na dahil ang mga tao ay may mapagmataas na kalikasan, gagawa sila ng mga bagay na lumalaban at naghihimagsik sa Diyos. Ito ang likas na naibubunyag ng mga tao. Naalala ko noong nagsisimula pa lang ako na maging isang lider, nakaranas ako ng ilang problema at paghihirap sa aking gawain. Salamat sa kaliwanagan at pamumuno ng Diyos, nagkaroon ng ilang resulta ang aking gawain, pero hindi ko ibinigay ang karangalan sa Diyos. Sa halip, ginawa ko itong kapital para magpasikat. Naisip ko, “Kaya kong lutasin ang problemang ito at pangasiwaan ang paghihirap na iyon”; pakiramdam ko ay nauunawaan ko na ang katotohanan at alam ko kung paano gumawa. Dahil dito, mas lalo pa akong naging mapagmataas. Dahil nagpasikat ako sa bawat pagkakataon habang ginagawa ang aking tungkulin, nang dumating ang mga problema sa aking mga kapatid, hindi sila nanalangin sa Diyos at umasa sa Diyos. Sa halip, umasa sila sa akin para lutasin ang mga ito. Walang kahihiyan ko pang inakala na mas nauunawaan ko ang katotohanan kaysa sa iba, na ako ang haligi ng iglesia, na ako ang namumuno, at na kailangang-kailangan ako sa iglesia. Sa puntong ito, nakita ko kung gaano ako naging hangal at katawa-tawa. Napakamapagmataas ko na wala man lang akong kahit katiting na katwiran! Naisip ko si Pablo. Dahil labis siyang mapagmataas, palagi siyang nagpapatotoo sa kanyang sarili tungkol sa kung gaano karaming tao ang nakamtan niya sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, gaano kalayo ang kanyang nilakbay, at gaano siyang nagdusa, at sa wakas ay nagpatotoo siya na para sa kanya, ang mabuhay ay cristo. Sinalungat niya ang disposisyon ng Diyos at pinarusahan siya ng Diyos. Hindi ko ba tinatahak ang landas ni Pablo? Kung hindi ako magsisisi, magiging katulad ng kay Pablo ang kalalabasan ko.

Pagkatapos niyon, patuloy kong hinanap ang katotohanan at pinagnilayan ang aking mga problema. Nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang salitang ‘kaluwalhatian’ ay hindi nabibilang sa mga tao. Para lamang ito sa Diyos, sa Lumikha, at walang kinalaman sa mga nilikhang tao. Kahit magsumikap at makipagtulungan ang mga tao, nasa ilalim pa rin sila ng pamumuno ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung walang gawain ng Banal na Espiritu, ano ang magagawa ng mga tao? Ang salitang ‘patotoo’ ay hindi rin nabibilang sa mga tao. Maging ang pangngalang ‘patotoo’ o ang pandiwang ‘magpatotoo,’ ang mga salitang ito ay parehong walang kinalaman sa mga nilikhang tao. Tanging ang Lumikha ang karapat-dapat na patotohanan at karapat-dapat sa patotoo ng mga tao. Itinakda ito ng pagkakakilanlan, katayuan, at diwa ng Diyos, at ito rin ay dahil ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay nagmumula sa mga pagsisikap ng Diyos, at karapat-dapat na magkaroon nito ang Diyos. Talagang limitado ang magagawa ng mga tao, at bunga ng kaliwanagan, pamumuno, at patnubay ng Banal na Espiritu ang lahat ng ito. Tungkol sa kalikasan ng tao, nagiging mayabang ang mga tao kapag nakakaunawa na sila ng ilang katotohanan at nakakagawa ng kaunting gawain. Kung wala sa kanila ang paghatol at pagkastigo mula sa Diyos, walang sinumang makakapagtamo ng pagpapasakop sa Diyos at makakapagpatotoo sa Kanya. Bilang resulta sa paunang pagtatakda ng Diyos, puwedeng mayroong ilang kaloob o espesyal na talento ang mga tao, natuto ng isang propesyon o ilang kasanayan, o mayroong kaunting katalinuhan, at kaya nagiging sobrang yabang nila, at palaging nagnanais na magbahagi ang Diyos ng Kanyang kaluwalhatian at patotoo sa kanila. Hindi ba’t hindi ito makatwiran? Ito ay labis-labis na hindi makatwiran. Ipinapakita nito na nakatayo sila sa maling posisyon. Itinuturing nila ang sarili nila hindi bilang mga tao, kundi bilang isang natatanging uri, bilang mga superhuman(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Unang Bahagi)). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, medyo nahiya ako. Ang kaluwalhatian at patotoo ay walang kinalaman sa mga tao. Ang Lumikha lang ang karapat-dapat pag-ukulan ng patotoo. Dumanas ng matinding pasakit ang Diyos para iligtas ang sangkatauhan. Inusig ng CCP, pinagtawanan ng mundo, at kinondena at siniraan ng mga relihiyosong komunidad, noon pa man ay tahimik itong tiniis ng Diyos. Nagbayad ang Diyos ng napakalaking halaga para sa atin. Hindi natin ito kayang maipahayag sa mga salita. Ako ay isang maliit na nilalang lamang. Kahit nakagagawa ako ng kaunting tungkulin, limitado ang mga ito. Katulad lang ito noong inilantad ko ang masamang taong si Li Hua. Ang Diyos ang umakay sa akin para matagpuan ang mga angkop na salita ng Diyos, at ang masamang tao ay nakumbinsi lang nang inilantad din siya ng mga kapatid. Nang naharap ako sa mga paghihirap sa aking tungkulin, ang Diyos ang kaagad na nagsaayos ng mga lider para makipagbahaginan sa akin. Naunawaan ko ang mga layunin ng Diyos mula sa Kanyang mga salita, at doon lang ako nagkaroon ng pananalig. Ang lahat ng ito ay ginawa ng Diyos. Wala akong ginawang anumang karapat-dapat sa papuri nang ako lang. Kung hindi dahil sa pamumuno ng Diyos, hindi ko marahil makakamit ang magagandang resulta sa paggawa ng aking tungkulin. Pero inangkin ko ang lahat ng kredito para dito. Ako ay tunay na mapagmataas at walang katwiran! Napakaseryoso ng aking tiwaling disposisyon, pero hindi ako inabandona o itiniwalag ng Diyos dahil sa aking masasamang gawa. Ang Diyos ang nag-ayos ng kapaligiran kung saan ako inaresto, para pahintuin ako sa aking landasin at patigilin ako sa paggawa ng masama. Ginamit din Niya ang bibig ng isang pulis para mapagnilayan ko at maunawaan ko ang aking sarili. Napakaganda at napakabuti ng diwa ng Diyos! Tunay ko ring naranasan na ang Diyos lang ang karapat-dapat sa papuri at patotoo ng mga tao! Kalaunan, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung gayon, anong paraan ng pagkilos ang hindi pagtataas at pagpapatotoo sa sarili? Kung magpapakitang-gilas ka at magpapatotoo sa iyong sarili tungkol sa isang partikular na bagay, makakamit mo ang resulta na mapataas ang tingin sa iyo ng ilang tao at sambahin ka. Subalit kung inilalantad mo ang iyong sarili at ibinabahagi ang kaalaman mo sa sarili tungkol sa parehong bagay na iyon, iba ang kalikasan nito. Hindi ba’t totoo ito? Ang paglalantad sa sarili ng isang tao para pag-usapan ang tungkol sa kaalaman niya sa sarili ay isang bagay na dapat tinataglay ng ordinaryong pagkatao. Positibong bagay ito. Kung talagang kilala mo ang iyong sarili at tama, tunay, at tumpak ang sinasabi mo tungkol sa iyong kalagayan; kung nagsasalita ka tungkol sa kaalaman na ganap na nakabatay sa mga salita ng Diyos; kung iyong mga nakikinig sa iyo ay napabubuti at nakikinabang dito; at kung nagpapatotoo ka sa gawain ng Diyos at niluluwalhati Siya, iyon ay pagpapatotoo sa Diyos. Kung, sa paglalantad mo sa iyong sarili, marami kang nababanggit tungkol sa iyong mga kalakasan, kung paano ka nagdusa, at nagbayad ng halaga, at nanatiling matatag sa iyong patotoo, at dahil dito, may mataas na opinyon sa iyo ang mga tao at sinasamba ka, pagpapatotoo ito sa iyong sarili. Kailangan mong masabi ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang pag-uugaling ito(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, natagpuan ko ang isang landas para dakilain ang Diyos at magpatotoo sa Diyos. Naunawaan ko rin ang pagkakaiba sa pagitan ng pagpapatotoo sa Diyos at pagpapasikat. Pareho itong may kinalaman sa pagbabahagi ng mga sariling karanasan ng isang tao, pero ang pangunahing pagkakaiba ay nasa mga layunin at mga resultang nakamit ng isang tao. Sa proseso ng pagbabahaginan, dapat tayong magsalita tungkol sa sarili nating tunay na kalagayan at ang tiwaling disposisyong nabunyag natin, isama ito sa mga salita ng Diyos para ilantad ang sarili nating katiwalian, at sa huli ay magsalita tungkol sa kung anong mga landas ng pagsasagawa ang natagpuan natin at anong mga pagkaunawa sa Diyos ang nakamit natin. Tanging sa pagbabahagi sa ganitong paraan tayo dumadakila at nagpapatotoo sa Diyos. Kung nagsasalita lang tayo tungkol sa kung paano natin nalutas ang mga problema at kung paano tayo nanindigan sa ating patotoo kapag nangyayari sa atin ang mga bagay-bagay, at nagsasalita lang tungkol sa ating mabubuting bahagi nang hindi inilalantad ang sarili nating katiwalian, ang ganitong uri ng pagbabahagi ay pagpapasikat lang. Noong nagsalita ako tungkol sa aking karanasan, hindi ako naging bukas at hindi ko inilantad ang katiwaliang nabunyag ko. Sa bawat pagkakataon, ang lahat ng ipinahayag ko sa harap ng mga kapatid ay positibo at aktibong pagpasok. Dahil dito, inisip ng mga kapatid na mayroon akong pananalig at nagawa kong lumutas ng mga problema. Ang ginagawa ko ay pagtataas sa aking sarili at pagpapasikat.

Pagkatapos, isinaayos ng iglesia na gumawa ako ng gawaing nakabatay sa teksto. Isang araw, tinalakay ko ang gawain kasama si Sister Ding Ning, na aking nakapareha. Sinabi ni Ding Ning, “Sa palagay ko, hindi kasinlinaw ng sa iyo ang paraan ng pagpapahayag ko sa liham ng komunikasyong isinulat ko para sa mga kapatid. Sa tingin ko ay napakaganda ng pagkakasulat ng liham mo.” Pagkatapos magsalita ni Ding Ning, naging napakasaya ko. Gusto ko na namang magpasikat kung paano ko isinulat ang mga liham ng komunikasyon. Sa sandaling iyon, nagkaroon ako ng realisasyon: Hindi ba’t kagustuhan ko na naman itong magpasikat? Kaya sinabi ko kay Ding Ning, “Sa totoo lang, nagkaroon din ako ng mga paghihirap sa proseso ng pagsulat. Minsan, hindi ko alam kung paano ipahayag ang aking sarili. May isinulat ako, binura ko ito, at sumulat ng iba pa, at minsan ay gusto ko nang sumuko. Kalaunan, nanalangin ako sa Diyos para magnilay kung bakit hindi ako makapagsulat nang maayos. Habang naghahanap at nag-iisip-isip, naunawaan ko na kapag nagsusulat ako, mali ang aking layunin. Hindi ako nagsusulat para gawin nang maayos ang aking tungkulin—gusto ko lang magsulat nang maayos para mapahanga sa akin ang iba. Kaya nanalangin ako sa Diyos na kahit paano pa ito naisulat, basta’t naglalaman ito ng mga prinsipyo at mauunawaan ito ng mga kapatid, sapat na iyon. Nang nagsagawa ako nang ganito at nagsulat muli, nagkaroon ako ng ilang ideya at naipahayag ko nang malinaw ang ibig kong sabihin. Naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: ‘Nagpapakita Ako sa banal na kaharian, at itinatago ang Aking Sarili mula sa lupain ng karumihan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 29). Sa panahong iyon, naunawaan ko ang kahulugan ng pangungusap na ito. Noong mayroon akong mga maling layunin at ginustong gamitin ang pagsusulat ng liham para magpasikat, ikinubli ng Diyos ang mukha Niya sa akin, at anumang sulatin ko, hindi talaga ito naging maganda. Pero nang nagtakda ako ng tamang kaisipan, at nagsulat para magkamit ng mga resulta, nagawa ko itong isulat nang maayos sa pamumuno ng Diyos.” Pagkatapos itong marinig ni Ding Ning, sinabi niyang alam na niya kung paano ito gawin. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, talagang napanatag ang aking puso.

Pagkatapos niyon, kapag kasama ko ang aking mga kapatid, sinasadya kong maging bukas, inilalantad ang mga sarili kong tiwaling disposisyon at ang paraan ng pagtataas ko sa aking sarili at pagpapakitang-gilas ko noon, at pagsasalita tungkol sa kung paano inihanda ng Diyos ang kapaligiran para iligtas at baguhin ako. Dahil dito, nagkaroon ng pagkilatis ang mga kapatid sa akin, at nagawa nilang maunawaan ang pagliligtas ng Diyos sa mga tao. Pagkatapos niyon, kapag ginagawa ko ang aking tungkulin, hindi ko na itinataas ang aking sarili at nagpapasikat katulad ng dati. Na nagawa kong magbago nang ganito ay resulta ng pamumuno ng mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  11. Maghanap at Makakatagpo Ka

Sumunod:  16. Nakakapagtuon na Ako Ngayon sa Aking Tungkulin

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger