20. Ang Pagbitaw sa Aking mga Pangamba at Alalahanin Tungkol sa Karamdaman

Ni Zi Cheng, Tsina

Noong Abril 2024, lumala ang mga sakit ng ulo ko, at pagkagising ko sa umaga, nagsisimula kong maramdamang namamaga at masakit ang ulo ko, na nagdudulot sa akin na makaramdam ng panlalabo at kaunting pagkahilo. Sa gabi, madalas na namamanhid ang mga braso at kamay ko, at labis ding sumasakit ang leeg ko na hindi ko mabaling ang ulo ko. Naisip ko na, “Nakaranas na ako noon ng mga sakit ng ulo, pero kadalasan ay gumagaling na ito sa umaga. Bakit nitong huli, pakiramdam ko ay namamaga at mabigat ang ulo ko kapag nagigising ako?” Pumunta ako sa ospital para sa isang check-up, at sinabi ng doktor na hindi sapat ang suplay ng dugo sa utak ko, at na mataas din ang presyon ng dugo ko. Ito ay isang karaniwang sakit na nakamamatay para sa matatanda, at kung hindi ito magagamot, maaari itong mauwi sa kamatayan. Agad akong binigyan ng doktor ng oral liquid para inumin. Ininom ko ang gamot, na nakakaramdam ng kaunting kaba, iniisip na, “Ganoon ba talaga ito kaseryoso? Paano ito nangyari? Sinusubukan ba ng doktor na takutin ako? Bukod pa rito, nananampalataya ako sa Diyos, at sinusubaybayan at pinoprotektahan Niya ako!” Kaya kumuha lang ako ng ilang gamot.

Pagkalipas ng ilang panahon, hindi bumuti ang sakit ng ulo ko. Naghanap ako ng ilang impormasyon sa online, at natuklasan ko na kung lalala ang altapresyon, maaari itong humantong sa pagdurugo ng utak, at ang kakulangan sa suplay ng dugo sa utak ay maaari pang humantong sa ischemic stroke. Napakaraming namamatay sa sakit na ito. Nang makita ko ito, nakaramdam ako ng bugso ng pagkabalisa sa puso ko. Patuloy akong nakakaramdam ng pagkahilo at panlalabo ng isip. Palagi rin akong inaantok, at hinding-hindi ako nagkaroon ng anumang lakas. Pati ang typing speed ko ay labis na bumagal, at ang mga reaksyon ko ay mas mabagal. Naalala ko na noong ako ay walong taon, nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang tatay ko. Unang nakaramdam ng sakit ng ulo ang tatay ko nang siya ay magkasakit, at makalipas ang ilang araw, nagsimula siyang magpakita ng mga senyales ng dementia, at namanhid ang mga braso at binti niya. Matapos ang ilan pang araw, naparalisa ang isang bahagi ng katawan niya dahil sa stroke. Pagkatapos ng ilang buwan ng gamutan, pumanaw pa rin siya. Biglang lumitaw ang mga pangamba at alalahanin ko, at napaisip ako, “Makakaranas din ba ako ng stroke katulad ng tatay ko? Kung makakaranas ako ng stroke, hindi ba’t katapusan ko na iyon? Paano ko pa hahangarin ang katotohanan at gagampanan ang aking tungkulin? Kung mapaparalisa ang kalahating bahagi ng katawan ko katulad ng tatay ko, hindi lamang sa hindi ko magagampanan ang tungkulin ko, kundi maaari pa akong bawian ng buhay balang araw. Pagkatapos manampalataya sa Diyos nang maraming taon, mawawala lang ba sa akin ang pagkakataong maligtas? Halos 60 na ako at mayroon akong mga malalang kondisyon tulad ng rheumatoid arthritis, at mga isyu sa cervical at lumbar spine. Ako ang responsable sa gawain ng ebanghelyo sa ilang iglesia, pero sa dami ng dapat gawin, kung patuloy kong papagurin ang sarili ko, lalala ba ang kondisyon ko?” Pagkatapos ay naalala ko ang isang tao na nanghuhula na nakatrabaho ko noong bata-bata pa ako. Binasa niya ang palad ko, at sinabi niyang mamamatay ako dahil sa isang karamdaman sa edad na 60. Hindi ko ito sineryoso noong panahong iyon, pero habang papalapit na ako sa edad na iyon, maaari nga kayang totoo na mabubuhay lang ako hanggang 60? Naramdaman ko na kung talagang mamamatay ako, hindi ko na masasaksihan ang kagandahan ng kaharian ng Diyos. Naguluhan ako at nalungkot sa mga kaisipang ito, at nagreklamo pa nga, “Ginagampanan ko naman ang tungkulin ko sa lahat ng taong ito, kahit na may mga karamdaman ako; bakit hindi inalis ng Diyos ang sakit ko?” Habang lalo ko itong iniisip, lalo akong nasisiraan ng loob. Kaya inayos ko ang iskedyul ng pagtulog ko, at sinubukan kong magpahinga hangga’t kaya ko. Nag-ehersisyo rin ako, at naghanap ako ng mga tradisyonal na lunas para makatulong sa gamutan ko. Bago ko pa ito namalayan, ang mga kaisipan ko ay nakatuon na sa pag-aalaga ng aking katawan, at hindi na ako nakaramdam ng pagpapahalaga sa pasanin sa mga tungkulin ko. Nag-alala lang ako na ang labis na pagtatrabaho ay maaari talagang maging sanhi ng kamatayan ko. Dahil napakabagal ng pagsubaybay ko sa gawain, unti-unting humina ang bisa ng gawain ng ebanghelyo, pero hindi ako nakaramdam ng agarang pangangailangan para malutas ang mga problema, na nagdulot ng halos pagtigil ng gawain ng ebanghelyo sa ilang iglesia. Naisip ko pa na, “Tumatanda na ako, at napakarami ng aking karamdaman. Baka kailangan kong sabihin sa mga lider na uuwi ako para gampanan ang aking mga tungkulin, para kung lumala man ang kondisyon ko, may pamilyang mag-aalaga sa akin.” Pagkatapos, ang ilang manggagawa ng ebanghelyo na nasa ilalim ng aking pangangasiwa ay nasa hindi magagandang kalagayan lahat, at patuloy na humihina ang bisa ng gawain ng ebanghelyo. Nakaramdam ako ng kaunting takot, nagpagtanto kong hindi tama ang kalagayan ko, at pagkatapos, agad akong lumapit sa Diyos para magdasal. “Diyos ko, dahil na-diagnose akong may kakulangan sa suplay ng dugo sa aking utak at may altapresyon, natatakot ako na baka ma-stroke ako at maparalisa, at mamatay ako tulad ng nangyari sa aking ama. Dahil dito, ayaw ko nang magsikap o mag-alala tungkol sa aking mga tungkulin, na naging dahilan para labis na humina ang bisa ng gawain ng ebanghelyo. Diyos ko, handa akong magsisi at maghanap ng katotohanan para malutas ang aking mga pangamba at alalahanin tungkol sa karamdaman. Gabayan Mo po ako.”

Pagkatapos, sinadya kong maghanap ng mga salita ng Diyos tungkol sa karamdaman para basahin. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Nariyan din ang mga taong hindi maganda ang kalusugan, na mahina ang pangangatawan at kulang sa enerhiya, na madalas na may malubha o kaunting karamdaman, na hindi man lamang magawa ang mga pangunahing bagay na kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay, na hindi kayang mabuhay o kumilos tulad ng mga normal na tao. Ang gayong mga tao ay madalas na hindi komportable at hindi maayos ang pakiramdam habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin; ang ilan ay mahina ang pangangatawan, ang ilan ay may tunay na mga karamdaman, at siyempre, may ilan na may natuklasan nang sakit at kung anong posibleng sakit. Dahil may gayon silang praktikal na pisikal na mga paghihirap, ang gayong mga tao ay madalas na nalulubog sa mga negatibong emosyon at nakakaramdam ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala. Ano ang kanilang ikinababagabag, ikinababalisa, at ipinag-aalala? Nag-aalala sila na kung magpapatuloy sila sa pagganap sa kanilang tungkulin nang ganito, ginugugol ang kanilang sarili at nagpapakaabala para sa Diyos nang ganito, at palaging napapagod nang ganito, lalo bang hihina nang hihina ang kanilang kalusugan? Kapag sila ay nasa edad 40 o 50 na, mararatay na lang ba sila sa kama? May basehan ba ang mga pag-aalalang ito? May magbibigay ba ng kongkretong paraan para harapin ito? Sino ang magiging responsable rito? Sino ang mananagot? Ang mga taong may mahinang kalusugan at hindi maayos na pangangatawan ay nababagabag, nababalisa, at nag-aalala sa mga ganitong bagay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). “Kahit pa ang kapanganakan, pagtanda, karamdaman at kamatayan ay palaging kapiling ng sangkatauhan at hindi maiiwasan sa buhay, may mga taong mayroong partikular na kalagayang pisikal o espesyal na karamdaman, gumaganap man sila ng kanilang mga tungkulin o hindi, na nalulugmok sa pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala dahil sa mga paghihirap at sakit ng kanilang laman; nag-aalala sila sa kanilang karamdaman, inaalala nila ang maraming hirap na maaaring idulot sa kanila ng kanilang karamdaman, kung magiging malubha ba ang kanilang karamdaman, kung ano ba ang mga kahihinatnan kung magiging malubha nga ito, at kung mamamatay ba sila dahil dito. Sa mga espesyal na sitwasyon at partikular na konteksto, ang serye ng mga katanungang ito ay nagsasanhi sa kanila na malubog sa pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala at hindi sila makaahon; may ilan pa nga na nabubuhay sa kalagayan ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala dahil sa malubhang karamdaman na alam na nilang mayroon sila o dahil sa natatagong karamdamang hindi nila maiwasan, at sila ay naiimpluwensiyahan, naaapektuhan, at nakokontrol ng mga negatibong emosyong ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Ang inilantad ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Nakita ko na marami akong karamdaman, at sinabi rin ng doktor na mayroon akong sakit na nakamamatay, at natuklasan ko na hindi nakatulong ang mga gamot. Bilang resulta, namuhay ako sa patuloy na kalagayan ng pangamba at pag-aalala, at itinuon ko ang lahat ng aking kaisipan sa pag-aalaga ng aking katawan. Hindi na ako nakaramdam ng pagpapahalaga sa pasanin sa aking mga tungkulin, at ayaw ko nang magsikap o magsakripisyo. Natakot ako na habang nagsusumikap ako, lalong lalala ang kondisyon ko ng kakulangan sa suplay ng dugo sa aking utak at altapresyon, at na kapag nakaranas ako ng ischemic stroke, hindi ko na magagampanan ang mga tungkulin ko. Noong panahong iyon, araw-araw akong nakakaramdam ng pamamanhid sa mga braso at kamay ko, at nag-alala ako na kung lalala ang mga sintomas na ito, mapaparalisa ang kalahating bahagi ng aking katawan tulad ng aking ama at mamamatay rin ako kalaunan. Kung hindi man ako mamatay at maging isang lantang gulay paano ko gagampanan ang mga tungkulin ko at paano ako maghahanda ng mabubuting gawa para maligtas at makapasok sa kaharian ng langit? Naalala ko rin na noong bata ako, may nagsabi sa akin ng kapalaran ko at sinabing mamamatay ako dahil sa karamdaman sa edad na 60, at ngayong papalapit na ako sa edad na 60, mas nag-aalala ako kung talaga bang mamamatay ako. Namuhay ako sa kalagayan ng pangamba at pag-aalala, at hindi ako nakatuon sa mga tungkulin ko. Nang lumitaw ang mga problema sa gawain ko, hindi ako nakaramdam ng agarang pangangailangang lutasin ang mga ito, na nagdulot ng matinding paghina ng bisa ng gawain ng ebanghelyo. Agad akong lumapit sa Diyos para hanapin ang katotohanan at lutasin ang aking mga pangamba at alalahanin.

Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag ikaw ay may sakit, ito ay upang ilantad ang lahat ng iyong hindi makatwirang mga hinihingi at iyong hindi makatotohanang mga imahinasyon at kuru-kuro tungkol sa Diyos, at ito rin ay upang subukin ang iyong pananampalataya sa Diyos at pagpapasakop sa Kanya. Kung papasa ka sa pagsubok na may ganitong mga bagay, mayroon kang tunay na patotoo at tunay na ebidensya sa iyong pananampalataya sa Diyos, katapatan sa Kanya, at pagpapasakop sa Kanya. Ito ang nais ng Diyos, at ito ang dapat taglayin at ipamuhay ng isang nilikha. Hindi ba’t pawang positibo ang mga bagay na ito? (Oo.) Ang lahat ng ito ay mga bagay na dapat hangarin ng mga tao. Bukod dito, kung tinutulutan ka ng Diyos na magkasakit, hindi ba’t maaari din Niyang bawiin ang iyong sakit anumang oras at saanmang lugar? (Oo.) Kayang bawiin ng Diyos ang iyong sakit anumang oras at saanmang lugar, kaya hindi ba’t kaya rin Niyang panatilihin ang sakit sa iyong katawan at hindi ito kailanman mawala? (Oo.) At kung idudulot ng Diyos na hindi mawala ang mismong sakit na ito sa iyo kailanman, magagampanan mo pa ba ang iyong tungkulin? Kaya mo bang panatilihin ang iyong pananampalataya sa Diyos? Hindi ba’t ito ay isang pagsubok? (Oo.) Kung ikaw ay magkakasakit at gagaling pagkatapos ng ilang buwan, hindi nasusubok ang iyong pananampalataya sa Diyos at ang iyong katapatan at pagpapasakop sa Kanya, at ikaw ay walang patotoo. Madaling magtiis ng sakit sa loob ng ilang buwan, ngunit kung ang iyong sakit ay magtatagal nang dalawa o tatlong taon, at ang iyong pananampalataya at ang iyong pagnanais na maging mapagpasakop at tapat sa Diyos ay hindi magbabago, bagkus ay lalo pa ngang magiging totoo, hindi ba’t ito ay nagpapakita na ikaw ay lumago na sa buhay? Hindi ba’t ikaw ang aani nito? (Oo.) Kaya, habang ang isang taong tunay na naghahangad sa katotohanan ay may sakit, siya ay sumasailalim at personal na dumaranas ng maraming pakinabang na dulot ng kanyang pagkakasakit. Hindi siya balisang nagsisikap na maalpasan ang kanyang karamdaman o nag-aalala kung ano ba ang magiging resulta kung magtatagal ang kanyang karamdaman, kung anong mga problema ang idudulot nito, kung lalala ba ito, o kung mamamatay ba siya—hindi siya nag-aalala sa mga bagay na ito. Bukod sa hindi siya nag-aalala sa mga bagay na ito, nagagawa niyang makapasok nang positibo, at magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos, at maging tunay na mapagpasakop at tapat sa Kanya. Sa pagsasagawa sa ganitong paraan, siya ay nagkakaroon ng patotoo, at ito rin ay lubos na nakakatulong sa kanyang buhay pagpasok at pagbabago ng disposisyon, at nagtatatag ng matibay na pundasyon para sa kanyang pagkakamit ng kaligtasan. Napakaganda niyon!(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (4)). “Nais ng Diyos na iligtas at linisin ka sa pamamagitan ng sakit. Ano ang nais Niyang linisin sa iyo? Nais Niyang linisin ang lahat ng iyong labis-labis na mga pagnanais at hinihingi sa Diyos, at pati na rin ang iba’t ibang pagkakalkula, paghuhusga, at plano na ginagawa mo anuman ang kapalit upang makaligtas ka at mabuhay. Hindi hinihingi ng Diyos na gumawa ka ng mga plano, hindi Niya hinihingi na manghusga ka, at hindi ka Niya pinahihintulutan na magkaroon ng anumang mga labis-labis na pagnanais sa Kanya; hinihingi lamang Niyang magpasakop ka sa Kanya, at sa iyong pagsasagawa at pagdanas ng pagpapasakop, na malaman mo ang iyong sariling saloobin sa pagkakasakit, at malaman mo ang iyong saloobin sa mga kondisyong ito sa katawan na itinatakda Niya sa iyo, pati na rin ang iyong mga personal na kahilingan. Kapag nalaman mo na ang mga bagay na ito, mapapahalagahan mo na kung gaano kakapaki-pakinabang sa iyo na isinaayos ng Diyos ang mga kondisyon ng karamdaman para sa iyo o na ibinigay Niya sa iyo ang mga kondisyong ito sa katawan; at mapapahalagahan mo kung gaano nakatutulong ang mga ito sa pagbabago ng iyong disposisyon, sa pagkakamit mo ng kaligtasan, at sa iyong buhay pagpasok. Kaya nga, kapag dumadapo ang karamdaman, hindi mo dapat palaging isipin kung paano mo ito maiiwasan o matatakasan o matatanggihan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang layunin ng Diyos. Ang pagpaparanas sa akin ng Diyos ng karamdaman, naging matagal man o mabilis ang paggaling mula sa kondisyong iyon, at pinagaling man ako ng Diyos o hindi, ay ang pagnanais ng Diyos na makita kung may tunay akong pagpapasakop sa aking karamdaman. Nais ng Diyos na suriin kung mayroon akong katapatan sa aking mga tungkulin, at higit sa lahat, para dalisayin at baguhin ang aking tiwaling disposisyon. Pero nang marinig kong sinabi ng doktor na mayroon akong nakamamatay na sakit, agad akong bumagsak sa isang kalagayan ng pangamba at pag-aalala. Natakot akong lumala ang karamdaman ko, o humantong pa sa pagkaparalisa ng kalahating katawan, at natakot ako na kung lumala pa ang kondisyon ko at mamatay ako, hindi ako maliligtas at makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi lamang ako walang pananalig at pagpapasakop sa Diyos, kundi ginamit ko rin ang pag-alis ko sa bahay para gampanan ang aking mga tungkulin bilang isang kapalit para subukang makipagtalo sa Diyos. Nagreklamo ako sa Diyos dahil hindi Niya inalis ang karamdaman ko, at naisip ko pang talikuran ang gawain ng iglesia na hawak ko para umuwi at gampanan ang mga tungkulin ko sa bahay. Sa anong paraan ako nagkaroon ng anumang pagpapasakop o katapatan sa Diyos? Nang magkaroon ako ng panandaliang banayad na pananakit ng ulo dati, nakayanan ko pa ring magpatuloy sa aking mga tungkulin, at naramdaman kong medyo tapat ako sa Diyos, pero nang suriin ko ang kondisyon ko ngayong taon at natuklasan ko na kung hindi magagamot, maaari itong magdulot ng kamatayan, ayaw ko nang magsakripisyo sa aking mga tungkulin, at naging mabagal at pabaya ako sa aking mga tungkulin, na labis na nakaantala sa gawain ng ebanghelyo ng ilang iglesia. Nakita ko kung gaano ako naging napakamakasarili at kasuklam-suklam, at kung paanong wala akong tunay na pagpapasakop sa Diyos. Ibinunyag ako nang lubusan ng karamdamang ito, at kung hindi ito dumapo sa akin, malamang na ipinatong ko ang isang korona ng katapatan at pagpapasakop sa Diyos sa aking ulo nang walang kahihiyan. Ginagamit ng Diyos ang aking karamdaman para dalisayin at iligtas ako. Ang karamdamang ito ay isang masaganang piging na inihanda para sa akin ng Diyos! Sa pagkaunawa sa layunin ng Diyos, mas napanatag ang aking puso. Kaya nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, kung bubuti man o lalala ang karamdaman ko, handa akong isantabi ang mga pangamba at alalahanin ko, magpasakop sa Iyong mga pamamatnugot at pagsasaayos, at agad na ilaan ang aking puso sa mga tungkulin ko. Nawa ay gabayan Mo ako upang patuloy akong magnilay sa aking sarili at matuto ng mga aral.”

Muli akong nagnilay sa aking sarili. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit pagkatapos ng napakaraming taon ng pananampalataya sa Diyos, nang hindi bumuti ang aking karamdaman, natagpuan ko ang aking sarili na nawawalan ng pananalig sa Diyos at walang motibasyon sa aking mga tungkulin. Sa aking pagninilay, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Ang inyong katapatan ay sa salita lamang, ang inyong kaalaman ay galing sa pag-iisip at kuru-kuro, ang inyong mga pagsusumikap ay alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala ng langit, kaya nga paano kayo kailangang manampalataya? Kahit ngayon, nagbibingi-bingihan pa rin kayo sa bawat isang salita ng katotohanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). Talagang tinamaan ako ng mga salita ng Diyos pagdating sa mga kasuklam-suklam na layunin ko. Para bang maraming taon ko nang ginagampanan ang mga tungkulin ko, nagsasakripisyo ako at ginugugol ang aking sarili, pero sa loob, layunin kong magkamit ng mga pagpapala. Inisip ko na dahil ipinagpatuloy ko ang aking mga tungkulin habang may sakit ako sa lahat ng mga taon na ito, kahit na wala akong merito, kahit papaano ay nagsumikap naman ako, at sinubukan kong gamitin ang mga bagay na ito bilang kapital para makipagtawaran sa Diyos para sa mga pagpapala ng kaharian ng langit. Nang makita kong maaaring humantong sa pagkaparalisa o maging sa kamatayan ang kondisyon ko, at malapit nang maglaho ang pag-asa kong makapasok sa kaharian ng langit, ang kalikasan kong nagkakanulo sa Diyos ay ganap nang naisiwalat. Nagsimula akong mawalan ng pagpapahalaga sa pasanin sa mga tungkulin ko, at ang isip ko ay nakatuon sa paghahanap ng mga tradisyonal na lunas para sa karamdaman ko. Ayaw ko nang maabala sa paglutas ng paghina ng bisa ng gawain ng ebanghelyo, at natatakot lamang ako na kung ako ay labis na magsusumikap at mamamatay, hindi ko matatanggap ang mga pagpapala ng kaharian ng langit. Isinaalang-alang ko pa nga ang alternatibong plano ko at naisip kong isuko ang mga gampanin at umuwi na lang sa bahay. Nakita ko na wala talaga akong katapatan, at na ginagawa ko ang mga tungkulin ko para lamang magkamit ng mga pagpapala. Kung hindi dahil sa pagkakabunyag sa akin sa pamamagitan ng karamdamang ito, hindi ko nalaman ang aking mga kasuklam-suklam na layunin ng paghahangad ng mga pagpapala sa aking pananalig, o ang mga hindi makatwirang hinihingi ko sa Diyos. Para sa isang katulad ko, na puno ng mga tiwaling disposisyon, ang pagnanais na makapasok pa rin sa kaharian at magtamasa ng mga pagpapala ng Diyos ay tunay na nakakahiya! Nakaramdam ako ng pagkakautang at pagsisisi. Isa akong nilikha, at ang paggampan sa aking mga tungkulin ay ganap na likas at may katwiran. Labis kong tinamasa ang pagtustos ng katotohanan mula sa Diyos, kaya dapat kong tuparin ang mga tungkulin ko nang walang kondisyon para masuklian ko ang pagmamahal ng Diyos.

Kalaunan, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas malinaw kong naunawaan ang kamatayan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang usapin ng kamatayan ay may kalikasang katulad ng sa iba pang mga bagay. Hindi ang mga tao ang magdedesisyon para sa kanilang sarili, at lalong hindi ito mababago ng kalooban ng tao. Ang kamatayan ay katulad ng anumang mahalagang pangyayari sa buhay: Ito ay ganap na nasa ilalim ng paunang pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Kung ang isang tao ay magmamakaawang mamatay, maaaring hindi siya mamatay; kung magmamakaawa siyang mabuhay, maaaring hindi siya mabuhay. Lahat ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at paunang pagtatakda ng Diyos, at ito ay binabago at pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos, ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya nga, kung sakaling ikaw ay magkasakit nang malubha, ng nakamamatay na sakit, hindi tiyak na ikaw ay mamamatay—sino ang nagdedesisyon kung mamamatay ka ba o hindi? (Ang Diyos.) Ang Diyos ang nagdedesisyon. At dahil ang Diyos ang nagdedesisyon at hindi kayang pagdesisyonan ng tao ang gayong bagay, ano ang ikinababalisa at ikinababagabag ng mga tao? Parang kung sino ang mga magulang mo, at kung kailan at saan ka ipinapanganak—hindi mo rin mapipili ang mga bagay na ito. Ang pinakamatalinong gawin sa mga bagay na ito ay ang hayaan itong umagos sa natural nitong daloy, ang magpasakop, at huwag pumili, huwag gumugol ng anumang kaisipan o lakas sa bagay na ito, at huwag mabagabag, mabalisa, o mag-alala tungkol dito. Dahil hindi kayang pumili ng mga tao para sa kanilang sarili, ang paggugol ng maraming lakas at kaisipan sa bagay na ito ay kahangalan at kawalan ng karunungan. Ang dapat gawin ng mga tao kapag nahaharap sa napakahalagang usapin ng kamatayan ay ang hindi mabagabag, o maligalig, o mangamba dahil dito, kundi ano? Ang mga tao ay dapat maghintay, tama ba? (Oo.) Tama? Ang paghihintay ba ay nangangahulugan ng paghihintay sa kamatayan? Paghihintay na mamatay habang nahaharap sa kamatayan? Tama ba iyon? (Hindi, dapat positibo itong harapin ng mga tao at sila ay magpasakop.) Tama, hindi ito nangangahulugan ng paghihintay sa kamatayan. Huwag kang matakot sa kamatayan, at huwag mong gamitin ang iyong buong lakas sa pag-iisip ng kamatayan. Huwag mong isipin buong araw, ‘Mamamatay ba ako? Kailan ako mamamatay? Ano ang gagawin ko pagkatapos kong mamatay?’ Huwag mo na itong isipin pa. May ilang nagsasabi, ‘Bakit hindi ko ito pag-iisipan? Bakit hindi ko ito pag-iisipan kapag malapit na akong mamatay?’ Dahil hindi alam kung mamamatay ka ba o hindi, at hindi alam kung pahihintulutan ka ba ng Diyos na mamatay—ang mga bagay na ito ay hindi batid. Partikular na hindi batid kung kailan ka mamamatay, saan ka mamamatay, anong oras ka mamamatay, o kung ano ang mararamdaman ng iyong katawan kapag ikaw ay namatay. Sa pagpiga sa iyong utak sa pag-iisip at pagninilay-nilay tungkol sa mga bagay na hindi mo alam at pagkabalisa at pag-aalala tungkol sa mga ito, hindi ba’t nagiging hangal ka? Dahil nagiging hangal ka, hindi mo dapat pigain ang iyong utak tungkol sa mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (4)). “Sinusunod mo ang Diyos at sinasabing nananalig ka sa Kanya, ngunit kasabay nito, kinokontrol at ginugulo ka ng mga pamahiin. Kaya mo pa ngang sundin ang mga ikinintal na kaisipan ng mga pamahiin sa mga tao, at ang mas malala pa riyan, ang ilan sa inyo ay natatakot sa mga kaisipan at katunayang ito na kaugnay ng mga pamahiin. Ito ang pinakamalaking kalapastanganan sa Diyos. Bukod sa hindi ka makapagpapatotoo para sa Diyos, sinusunod mo rin si Satanas sa paglaban sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos—ito ay kalapastanganan sa Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (16)). Ang paghatol ng mga salita ng Diyos ay nagdulot sa akin na makaramdam ng takot. Naisip ko kung paanong lumala ang kondisyon ko kamakailan, nang sabihin ng doktor na mayroon akong nakamamatay na karamdaman, at naalala ko ang sinabi ng isang manghuhula dati—na mamamatay ako dahil sa karamdaman sa edad na 60, at agad kong natagpuan ang sarili kong namumuhay sa isang kalagayan ng pangamba at pag-aalala. Natakot ako na baka mamatay talaga ako, kaya sinubukan ko ang lahat ng uri ng mga gamutan, umaasang mabilis akong gagaling sa sakit na ito. Nang balikan ko ngayon, nakita ko na tunay akong bulag at mangmang! Nasa mga kamay ng Diyos ang buhay at kamatayan ko, at nasa pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos kung kailan at paano ako mamamatay. Kung may sakit man ako o wala, kapag dumating ang aking takdang oras, mamamatay ako, kahit na wala akong sakit. Pero kung hindi ko pa naaabot ang takdang oras, kahit magkaroon pa ako ng malubhang karamdaman, hindi ako mamamatay. Pero hindi ko naunawaan ang awtoridad at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at ako ay naimpluwensiyahan at naguluhan sa sinabi ng isang manghuhula, natakot akong mangyayari nga talaga ang sinabi niya. Nasaan ang lugar ng Diyos sa puso ko? Hindi ba’t itinatanggi ko ang pagtatakda at kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa ganitong paraan? Kalapastangan ito laban sa Diyos! Talagang naguluhan ako, at nais ko pang sampalin ang sarili ko. Naisip ko ang aking ama, na gumugol ng maraming pera sa mga gamutan pero nabigong magamot ang kanyang karamdaman. Pumanaw siya sa edad na 40. Iyon ang kapalaran niya. Nang dumating ang kanyang takdang oras, walang sinuman ang makapagpanatili sa kanyang buhay. Sa kabilang banda, nakita ko rin na ang lolo ng isang sister ay mahigit 10 taon nang may cancer. Sinabi ng mga doktor na hindi na siya mabubuhay nang matagal, pero nabuhay pa siya nang maraming taon pagkatapos ng kanyang diagnosis nang walang gamutan. Kahit lampas na sa 70 taon, regular pa rin siyang pumupunta sa palengke. Bagama’t mayroon akong ilang karamdaman, kung lalala man ang mga kondisyon ko, kung hahantong man ito sa stroke o maging sa pagkaparalisa at kamatayan, ang mga bagay na ito ay hindi ko mahuhulaan o makokontrol. Pero natagpuan ko ang sarili kong nakakulong sa pangamba at pag-aalala, wala akong pusong gampanan ang aking mga tungkulin. Hindi ba’t naging hangal ako dito? Kung mabubuhay man ako o mamamatay, dapat akong magpasakop sa pagtatakda at sa mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi ako dapat mag-alala o mangamba sa mga bagay na hindi ko kayang hulaan o kontrolin. Dahil normal pa ring gumagana ang isip ko, at may lakas pa rin akong gampanan ang aking mga tungkulin, kailangan kong agad na baguhin ang kalagayan ko, ayusin ang mentalidad ko, ilaan ang aking puso sa mga tungkulin ko, gawin ang aking makakaya para lutasin ang mga isyu sa gawain ng ebanghelyo, lutasin ang mga negatibong kalagayan ng mga kapatid, hikayatin silang mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo sa Diyos, at magdala ng mas maraming tao na uhaw sa pagpapakita ng Diyos sa Kanyang sambahayan para tumanggap ng Kanyang pagliligtas. Sa ganitong paraan, kahit na mamatay ako, wala akong pagsisisihan.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ano ang halaga ng buhay ng isang tao? Ito ba ay para lamang sa pagpapakasasa sa laman tulad ng pagkain, pag-inom, at pagpapakaaliw? (Hindi.) Kung gayon, ano ito? Mangyaring ibahagi ang inyong mga saloobin. (Upang matupad ang tungkulin ng isang nilikha, ito man lang ay dapat na makamit ng isang tao sa kanyang buhay.) Tama iyan. … Sa isang aspekto, ito ay tungkol sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa isa pa, ito ay tungkol sa paggawa ng lahat ng bagay na saklaw ng iyong abilidad at kapasidad sa abot ng iyong makakaya, kahit umabot man lang sa punto kung saan hindi ka inuusig ng iyong konsensiya, kung saan maaaring maging payapa ang konsensiya mo at mapatunayang katanggap-tanggap ka sa paningin ng iba. Dagdag pa rito, sa buong buhay mo, saang pamilya ka man isinilang, anuman ang pinag-aralan mo, o ang iyong kakayahan, dapat mayroon kang pag-unawa sa mga prinsipyo na dapat maunawaan ng mga tao sa buhay. Halimbawa, anong uri ng landas ang dapat tahakin ng mga tao, paano sila dapat mamuhay, at paano mamuhay nang makabuluhan—dapat mong tuklasin kahit kaunti ang tunay na halaga ng buhay. Hindi maaaring ipamuhay nang walang kabuluhan ang buhay na ito, at hindi maaaring pumarito sa mundong ito ang isang tao nang walang kabuluhan. Sa isa pang aspekto, habang nabubuhay ka, dapat mong tuparin ang iyong misyon; ito ang pinakamahalaga. Hindi ang pagtapos ng isang malaking misyon, tungkulin, o responsabilidad ang pag-uusapan natin, pero kahit papaano, dapat may maisakatuparan ka. Halimbawa, sa iglesia, ibinubuhos ng ilang tao ang lahat ng kanilang pagsisikap sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, inilalaan ang lakas ng kanilang buong buhay, nagbabayad ng malaking halaga, at nakapagpapabalik-loob ng maraming tao. Dahil dito, pakiramdam nila ay hindi naging walang kabuluhan ang buhay nila, at na mayroon silang halaga at kapanatagan. Kapag nahaharap sa sakit o kamatayan, kapag ibinubuod ang kanilang buong buhay at ginugunita ang lahat ng kanilang ginawa, ang landas na kanilang tinahak, napapanatag ang kanilang puso. Hindi sila nakokonsensiya o nagsisisi. … Ang halaga ng buhay ng tao at ang tamang landas na susundin ay kinabibilangan ng pagsasakatuparan ng isang mahalagang bagay at pagtatapos ng isa o maraming trabahong may halaga. Hindi ito tinatawag na propesyon; ito ay tinatawag na tamang landas, at tinatawag din itong wastong gampanin. Sabihin mo sa Akin, sulit ba para sa isang tao na magbayad ng anumang halaga para matapos ang ilang gawain na may halaga, mamuhay nang makabuluhan at may halaga, at hangarin at tamuhin ang katotohanan? Kung talagang ninanais mong hangarin ang pagkanunawa sa katotohanan, na tahakin ang tamang landas sa buhay, na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin, at mamuhay ng isang mahalaga at makabuluhang buhay, kung gayon, hindi ka mag-aatubiling ibigay ang lahat ng lakas mo, magbayad ng lahat ng halaga, at ibigay ang lahat ng iyong oras at kabuuan ng mga araw mo. Kung makaranas ka ng kaunting karamdaman sa panahong ito, hindi ito mahalaga, hindi ka nito madudurog. Hindi ba’t mas nakahihigit ito sa habambuhay na kaginhawahan, kalayaan, at kawalang-ginagawa, tinutustusan ang pisikal na katawan hanggang sa puntong busog at malusog na ito, at sa huli ay nagkakamit ng mahabang buhay? (Oo.) Alin sa dalawang mapagpipiliang ito ang isang buhay na may halaga? Alin ang makapagbibigay ng kaginhawahan at ng walang pagsisisihan sa mga tao kapag naharap sila sa kamatayan sa pinakahuli? (Ang makapamuhay nang makabuluhan.) Ang makapamuhay nang makabuluhan. Ibig sabihin nito, sa puso mo, may makakamit ka at mabibigyang-ginhawa ka(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (6)). Sa ilalim ng patnubay ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung paano maaaring mamuhay ang isang tao nang may kabuluhan at halaga, at labis na nahikayat ang puso ko. Isa akong tao na ginawang tiwali ni Satanas, pero ngayon, itinaas ako ng Diyos, at kaya kong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha, mamuhay para mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo sa Lumikha, at gabayan ang mga namumuhay sa pagdurusa at kadiliman patungo sa Diyos para tumanggap ng Kanyang pagliligtas. Isa itong mahalaga at makabuluhang bagay! Tayo ay mas mababa pa sa alikabok, pero tinatrato tayo ng Diyos nang may biyaya. Tinatamasa natin ang pagtustos ng napakaraming salita ng Diyos, nauunawaan ang napakaraming katotohanan at mga hiwaga, ginagampanan ang tungkulin ng isang nilikha, at maaaring maligtas ng Diyos at malampasan ang malalaking kalamidad. Anong napakalaking biyaya ito! Kung palalampasin natin ang pagkakataong ito ng hindi kapani-paniwalang bihira, magiging isa itong napakalaking pagsisisi. Kung aalagaan ko lang ang katawan ko, at ayaw ko namang magsikap o magsakripisyo sa aking tungkulin, kahit na mapanumbalik ko pa ang kalusugan ko, kung hindi ko naman nagampanan nang maayos ang tungkulin ko at nawalan ako ng silbi bilang isang nilikha, hindi ba’t mamumuhay ako na parang isang naglalakad na bangkay? Ang sakit ng kaluluwa ay isang bagay na hindi maaaring tumbasan. Pagkatapos niyon, agad kong ibinahagi ang mga layunin ng Diyos sa mga manggagawa ng ebanghelyo, at nang matuklasan ko ang mga problema at paglihis sa kanilang gawain ng ebanghelyo, ibinahagi ko agad ang mga solusyon, at unti-unting nagsimulang bumuti ang gawain ng ebanghelyo. Makalipas ang dalawang buwan, dumoble ang mga resulta ng gawain ng ebanghelyo sa mga iglesiang ito. Pagkatapos niyon, tumigil na akong uminom ng mga gamot, bumalik sa normal ang presyon ng dugo ko, at hindi na namamaga o sumasakit ang ulo ko. Kapag hindi abala ang gawain, nagpapahinga pa ako nang kaunti, at paminsan-minsan, kapag abala ang gawain at kailangan kong magpuyat, paggising ko sa umaga, hindi na ako nakakaramdam ng labis na pamamaga at sakit ng ulo tulad nang dati. Tumigil na rin ang pamamanhid ng mga braso at kamay ko sa gabi, at tunay akong nagpapasalamat sa Diyos.

Kalaunan, nakatanggap ako ng isang liham mula sa mga nakatataas na lider, hinihiling nilang maging responsable ako sa pagsubabay sa gawain ng ebanghelyo ng mahigit sa isang dosenang iglesia. Nang mabasa ko ang liham, naisip ko na, “Ang pagsubaybay sa gawain ng ebanghelyo ng napakaraming iglesia ay mangangailangan ng mas malaking halagang dapat bayaran, higit na pagsisikap, at mas maraming lakas ng isipan. Kung labis kong gagamitin ang utak ko, babalik ba ang karamdaman ko?” Nang maisip ko ito, napagtanto kong may mali sa kalagayan ko. Hindi ba’t kalalabas ko lang mula sa mga pangamba at alalahanin tungkol sa aking karamdaman? Bakit nag-aalala na naman ako? Kaya nagdasal ako sa Diyos, handang magpasakop. Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ikaw man ay may karamdaman o dinaranas na sakit, hangga’t may natitira kang hininga, hangga’t ikaw ay nabubuhay pa, hangga’t ikaw ay nakapagsasalita at nakapaglalakad pa, may enerhiya ka pa para gampanan ang tungkulin mo, at dapat ay mabuti ang asal mo sa paggampan mo ng iyong tungkulin nang praktikal. Hindi mo dapat talikuran ang tungkulin ng isang nilikha o ang responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Lumikha. Hangga’t hindi ka pa patay, dapat mong tapusin ang iyong tungkulin at tuparin ito nang maayos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananalig at lakas, at hangga’t nabubuhay ako, nakakapagsalita at nakakapaglakad, kailangan kong maging masunurin at mapagkumbaba, at tuparin ang tungkulin ng isang nilikha. Nang maisip ko ito, halos magaling na ang mga karamdaman ko sa puntong ito, at bagama’t medyo mas mabigat ang trabaho, maaari kong ayusin ang aking iskedyul nang makatwiran, at kung babalik man ang mga karamdaman ko sa hinaharap, hahayaan ko ang Diyos na mamatnugot at magsaayos sa akin ayon sa Kanyang kagustuhan. Kaya nagpadala ako ng tugon sa mga lider, sinabi kong handa akong sundin ang mga pagsasaayos ng iglesia, at makipagtulungan sa lahat nang may pagkakaisa para magampanan nang maayos ang tungkulin.

Sinundan:  19. Kapag Namamayani ang Pagnanasa sa Katayuan

Sumunod:  27. Ang Pagkakatuklas na may Isang Taong Nagkanulo sa Diyos Matapos Mahuli at Pahirapan

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger