31. Hindi Ko Na Inaalala Kung Magkakaanak Pa Ako

Ni Zhihui, Tsina

Pagkatapos kong magpakasal, naging napakaabala ng mga tungkulin ko, kaya naisip ko na kung mabubuntis ako at magkakaanak, kakailanganin kong paikutin ang mga araw ko rito at mawawalan ako ng oras o lakas na gampanan ang mga tungkulin ko at gugulin ang sarili para sa Diyos, kaya nagpasya muna ako noon na ipagpaliban ang pagkakaroon ng mga anak at bigyang-prayoridad ang mga tungkulin ko. Makalipas ang ilang taon, nagkasakit ang mga magulang ko, at naging abala ako sa pag-aalaga sa kanila hanggang sa pareho silang pumanaw. Pagkatapos ng kanilang pagpanaw, bigla akong nagkaroon ng alalahanin na wala ako noon. Naisip ko kung paanong nasa tabi ako ng mga magulang ko para alagaan sila noong sila ay nagkasakit, pero naisip ko kung sino ang magiging handang mag-alaga sa akin sa aking pagtanda o kapag ako ay nagkasakit kung wala naman akong anak. Pero paminsan-minsan lang itong sumasagi sa isip ko at hindi naman talaga nito naapektuhan ang tungkulin ko, kaya hindi ko ito gaanong binigyan ng pansin.

Makalipas ang ilang panahon, bigla akong nakaranas ng matinding pananakit ng puson dahil sa buwanang dalaw. Napakasakit nito na napasuka ako. Matagal na akong nakararanas ng pananakit ng puson dahil sa buwanang dalaw, pero hindi pa ito kailanman naging ganito kasakit. Pumunta ako sa ospital para magpatingin, at na-diagnose ako na may adenomyosis at uterine fibroids, at lumaki na ng limang sentimetro ang fibroids. Sinabi ng doktor na mahirap gamutin ang kondisyong ito, na lalo pang lalala ang pananakit ng puson habang tumatagal, na maaari itong maging napakasakit na baka maisip ko pang magpakamatay, at na sa huli, kakailanganin ko nang ipatanggal ang matris ko. Nang malaman ng doktor na wala pa akong anak, hinimok niya akong magkaanak agad, at sinabi niya na kung ayaw ko raw magkaanak pagkatapos niyon, maaari ko nang ipatanggal ang matris ko. Noong panahong iyon, hindi ko ito masyadong pinag-isipan, at inakala ko na masyado lang seryoso ang doktor. Pagkauwi ko, naghanap ako ng maraming impormasyon online tungkol sa karamdamang ito, at gumugol ako ng kaunting pera sa pagpapakonsulta sa isang espesyalista sa Beijing. Hindi ko inasahan na magiging komplikadong kondisyon ito, at nalaman ko na mahirap nga talaga itong gamutin. Ang kakailanganin ko raw ay regular na uminom ng hormone para makontrol ito at mapigilan ang mabilis nitong paglala, o kakailanganin ko nang ipatanggal ang matris ko. Sa mga sumunod na araw, lalo pang lumala ang kondisyon ko. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot at kalungkutan, naisip ko na, “Tiyak na lalong lalala at sasakit ang karamdamang ito habang tumatagal. Kung ipapatanggal ko ang matris ko, hinding-hindi na ako magkakaanak kahit na nasa tatatlumpuing taon pa lang ako. Pero sa ngayon, may mga tungkulin pa ako, at napakaabala ko araw-araw. Paano ako makakahanap ng oras o lakas para magkaanak at magpalaki ng bata? Bukod pa rito, sinabi ng Panginoong Jesus na: ‘Datapuwa’t sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon!(Mateo 24:19). Malapit nang matapos ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan, at dumating na rin ang malalaking kalamidad. Ano ang mangyayari kung masisira ko ang pagkakataon kong maghangad ng katotohanan at maligtas dahil nagkaanak ako? Pero kung hindi ako magkakaanak ngayon, kapag natanggal na ang matris ko, hindi na ako magkakaroon pa ng anak. Kung gayon, sino ang mag-aalaga sa akin sa pagtanda ko?” Namuhay ako sa pagkabagabag at pagkabalisa, nag-alala ako na lalong lumala ang kondisyon ko at na ipatatanggal ang matris ko. Palagi akong nalulumbay, at wala akong motibasyon para gampanan ang mga tungkulin ko. Nasa matinding kalagayan ng pagdurusa ang puso ko. Nagdasal ako at humingi ng tulong sa Diyos tungkol sa mga paghihirap ko. Paano ako magsasagawa sa paraan na naaayon sa layunin ng Diyos?

Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t nakatadhana na ang pagkakasakit ng isang tao, kung ano ang magiging lagay ng kalusugan niya sa isang partikular na edad, at kung siya ba ay dadapuan ng malubha o seryosong karamdaman? Nakatadhana na nga iyon, at tiyak na iyon. Hindi natin pag-uusapan ngayon kung paanong pauna nang itinatakda ng Diyos ang mga bagay para sa iyo; malinaw na alam ng lahat ang hitsura, ang mga katangian ng mukha, ang hugis ng katawan at ang petsa ng kapanganakan ng mga tao. Ang mga walang pananampalatayang manghuhula, astrologo, at nakakabasa ng mga bituin at palad ng mga tao, ay nalalaman batay sa mga palad, mukha, at petsa ng kapanganakan ng mga tao kung kailan sasapit sa mga ito ang sakuna, at kung kailan mahaharap ang mga ito sa pagkasawi—ang mga bagay na ito ay nakatakda na. … kung ano ang magiging kalagayan ng kalusugan ng isang tao sa isang partikular na edad at kung siya ba ay magkakaroon ng malubhang sakit ay pawang isinasaayos ng Diyos. Ang mga walang pananampalataya ay hindi naniniwala sa Diyos at naghahanap sila ng tao na kayang alamin ang mga bagay na ito batay sa mga palad, petsa ng kapanganakan, at mukha, at pinaniniwalaan nila ang mga bagay na ito. Nananalig ka sa Diyos at madalas kang makinig sa mga sermon at makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, kaya kung hindi ka naniniwala rito, ikaw ay walang iba kundi isang taong hindi nananampalataya. Kung tunay kang nananalig na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, dapat mong paniwalaan na ang mga bagay na ito—ang malulubhang sakit, malalalang sakit, mga simpleng sakit, at ang kalusugan—ay lahat nasasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang paglitaw ng isang malubhang sakit at kung ano ba ang magiging kalagayan ng kalusugan ng isang tao sa isang partikular na edad ay hindi mga bagay na nangyayari nang nagkataon lang, at ang maunawaan ito ay ang magkaroon ng positibo at tumpak na pag-unawa(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (4)). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang pagsilang, pagtanda, karamdaman, at kamatayan ng isang tao ay itinakdang lahat ng Diyos. Kung gaano katinding pagdurusa ang daranasin ng isang tao sa buong buhay niya, anong karamdaman at paghihirap ang kanyang pagdaraanan, at kung ilang pagpapala ang kanyang tatamasahin, lahat ito ay itinakda ng Diyos, at walang sinuman ang makakatakas dito. Palagi akong nag-aalala kung lalala pa ang karamdaman ko, kung hindi ko na makakayanan ang sakit na kakailanganin ko nang ipatanggal ang matris ko, at kung anong klaseng pagdurusa ang haharapin ko sa hinaharap kung wala akong anak. Sa totoo lang, hindi naman kailangan ang lahat ng alalahaning ito. Kung talagang kakailanganin kong ipatanggal ang matris ko at wala akong magiging anak, ito na ang magiging kapalaran ko. Hindi ito isang bagay na malulutas sa pamamagitan ng pag-aalala at pagkabagabag ko. Kung ano ang lagay ng kondisyon ko at kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ko—ang lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Diyos. Dapat ko itong harapin nang kalmado at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Higit pa rito, hindi naman banta sa buhay ko ang karamdamang ito, kaya hindi ko dapat gugulin ang mga araw ko sa pagkabagabag at pagkabalisa rito. Ang pinakamahalagang bagay ay hangarin ang katotohanan, hanapin ang layunin ng Diyos sa sitwasyong ito at matutunang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Nang maisip ko ito ay bahagyang nabawasan ang pagkabagabag ko. Pero minsan ay iniisip ko pa rin, “Paano kung mawala na ang kakayahan kong magkaanak at hindi na talaga ako magkaroon ng anak? Ano na ang gagawin ko kapag tumanda ako o nagkasakit? Dapat bang magkaroon na ako ng anak ngayon? Pero makakaapekto ba ang pagkakaroon ng anak sa paghahangad ko ng katotohanan at sa kaligtasan ko?”

Isang araw, nagbasa ako ng mga salita ng Diyos: “Tungkol naman sa pag-aasawa, dapat mong bitiwan ang mga pasaning dapat mong bitiwan. Kalayaan mong piliin na hindi mag-asawa, kalayaan mo rin na piliing pumasok sa pag-aasawa, at ang pagpili na magkaroon ng maraming anak ay kalayaan mo rin. Anuman ang iyong pipiliin, ito ay kalayaan mo. Sa isang banda, ang pagpiling pumasok sa pag-aasawa ay hindi nangangahulugan na nasuklian mo na ang kabutihan ng iyong mga magulang o natupad na ang iyong tungkulin bilang anak; siyempre, ang piliing hindi mag-asawa ay hindi rin nangangahulugan na sinasalungat mo ang iyong mga magulang. Sa kabilang banda, ang pagpiling mag-asawa o magkaroon ng maraming anak ay hindi paghihimagsik laban sa Diyos, ni pagsalungat sa Kanya. Hindi ka kokondenahin dahil dito. Hindi rin magiging dahilan ang pagpiling hindi mag-asawa na magkakaloob sa iyo ang Diyos ng kaligtasan sa huli. Sa madaling salita, ikaw man ay walang asawa, may asawa, o mayroong maraming anak, hindi itatakda ng Diyos batay sa mga salik na ito kung maliligtas ka ba sa huli. Hindi tinitingnan ng Diyos ang iyong katayuan sa pag-aasawa; tinitingnan lamang Niya kung hinahangad mo ba ang katotohanan, ang iyong saloobin sa pagganap ng iyong mga tungkulin, kung gaano karaming katotohanan ang iyong tinanggap at kung sa gaano karaming katotohanan ka nagpasakop, at kung kumikilos ka ba ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa huli, isasantabi rin ng Diyos ang iyong katayuan sa pag-aasawa upang suriin ang landas sa buhay, ang mga prinsipyong ipinamumuhay mo, at ang mga patakarang sinusunod mo sa pag-iral, upang matukoy kung ikaw ba ay maliligtas. … Tungkol naman sa kung gaano karami ang anak mo pagkatapos pumasok sa buhay may asawa, ito ay pauna nang itinalaga ng Diyos, ngunit maaari ka ring magpasya para sa iyong sarili batay sa iyong aktuwal na mga sitwasyon at paghahangad. Hindi ka papatawan ng Diyos ng mga patakaran. Ipagpalagay na isa kang milyonaryo, multimilyunaryo, o bilyonaryo, at sinasabi mo na, ‘Hindi problema para sa akin ang magkaroon ng walo o sampung anak. Hindi makokompromiso ng pagpapalaki ng maraming anak ang lakas ko sa pagganap ng aking mga tungkulin.’ Kung hindi ka natatakot sa abala, sige, gawin mo at magkaroon ka ng maraming anak; hindi ka kokondenahin ng Diyos. Hindi babaguhin ng Diyos ang Kanyang saloobin patungkol sa iyong kaligtasan dahil lang sa mga saloobin mo sa pag-aasawa. Ganoon iyon. Malinaw ba ito? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (16)). Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, bigla kong naunawaan na ang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anak ay isang kalayaang ibinigay ng Diyos sa mga tao. Hindi kinokondena ng Diyos ang mga tao dahil lang nag-asawa sila o nagkaroon ng anak. Ang paghatol ng Diyos kung maliligtas ang isang tao ay pangunahing nakabatay sa saloobin nila sa kanilang tungkulin, at kung naghahangad sila ng katotohanan at nagpapasakop sa katotohanan. Kahit hindi mag-asawa o magkaanak ang isang tao, kung hindi niya hinahangad ang katotohanan at hindi niya nilulutas ang kanyang tiwaling disposisyon, sa huli, hindi pa rin siya maliligtas. Ang totoo, hindi tinitingnan ng Diyos ang mga nakikitang sakripisyo o kilos ng isang tao. Maaaring piliin ng mga tao na magkaanak o manatiling walang asawa, at anuman ang piliin nila sa usaping ito, hindi sila kinokondena ng Diyos. Ito ang kanilang kalayaan at karapatan. Gayumpaman, kailangang nakabatay sa aktuwal na sitwasyon ng isang tao ang ganitong mga usapin. Kung ang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anak ay makakaapekto sa paghahangad ng katotohanan at sa tungkulin ng isang tao, dapat na niyang isantabi ang mga bagay na ito at unahin ang kanyang tungkulin. Ngayon ay isang mahalagang sandali sa gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan, at tanging sa pamamagitan ng maayos na paggampan sa tungkulin ko at ng paghahangad ng katotohanan ako magkakaroon ng pagkakataong maligtas. Kung magkakaanak ako para lang maalagaan ako sa hinaharap, at ginugol ko ang lahat ng aking lakas sa pagpapalaki ng anak ko, maaapektuhan talaga nito ang paghahagad ko ng katotohanan at ang tungkulin ko. Ang pagkakaroon ng mga anak ay kalayaan at karapatan na ibinigay ng Diyos, pero kailangan kong tukuyin kung ano ang mas mahalaga, at sa ngayon, ang paghahangad at pagkakamit ng katotohanan ang pinakamahalaga. Nang maisip ko ito, bumalot sa puso ko ang pakiramdam ng kalayaan, at nalaman ko na kung paano tratuhin ang usaping ito ng pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anak.

Nang maging handa akong magpasakop, isang araw ay bigla akong kinontak ng isang kamag-anak, sinabi niya na may lugar na nag-aalok ng libreng body conditioning, at tinanong niya kung nais kong pumunta. Nagkataon na hindi ako masyadong abala sa tungkulin ko noong panahong iyon, kaya nagpasya akong pumunta at tingnan. Makalipas ang ilang buwan, bumuti ang kondisyon ko nang hindi inaasahan. Pumunta ako sa ospital para magpatingin, at ipinakita ng ulat na lumiit ng tatlong setimentro ang fibroids. Hindi ko inasahan na bubuti ang kondisyon ko nang hindi ako gumagastos ng kahit isang sentimo. Nagpasalamat ako sa Diyos sa kaibuturan ng puso ko. Habang pumupunta ako para sa body conditioning, nakita ko na karamihan sa mga naroon ay matatandang lalaki at babae, at tinanong ko sila kung mayroon silang mga anak na nag-aalaga sa kanila. May ilan na nagsabi na bukod sa hindi sila inaalagaan ng kanilang mga anak, kailangan pa nilang gamitin ang pensyon nila para suportahan ang kanilang mga anak. Ang ilan, na halos pitumpung taong gulang na, ay kailangan pa ring mag-alaga ng apo, hinahatid at sinusundo ang kanilang mga apo sa paaralan. Takot silang magkasakit dahil takot silang magdamdam ang kanilang mga anak sa kanila, kaya madalas silang pumupunta roon para magpa-conditioning. Bigla kong napagtanto na ang pagkakaroon ng mga anak ay hindi laging nangangahulugan na maaalagaan ka, at sa katunayan, kapag tumanda ang isang tao, baka siya pa ang kailangang mag-alaga sa kanyang mga anak at apo. Labis na naantig ang puso ko.

Isang araw, nagbasa ako ng mas marami pang salita ng Diyos: “Ano ang silbi ng pagpapalaki ng mga anak? Hindi ito para sa sarili mong mga pakay, kundi isang responsabilidad at obligasyon na ibinigay sa iyo ng Diyos. Ang isang aspekto ay na ang pagpapalaki ng mga anak ay kabilang sa likas na gawi ng tao, habang ang isa pang aspekto ay na isa itong parte ng responsabilidad ng tao. Nagpapasya kang mag-anak dahil sa likas na gawi at responsabilidad, hindi para maghanda sa iyong pagtanda at para maalagaan ka kapag matanda ka na. Hindi ba’t tama ang pananaw na ito? (Oo.) Maiiwasan ba ng mga taong walang anak ang pagtanda? Talaga bang nangangahulugan na magiging miserable ang isang tao sa pagtanda? Hindi naman palagi, hindi ba? Maaari pa ring mabuhay hanggang sa katandaan ang mga taong walang anak, at ang ilan pa nga ay malusog, masaya sa kanilang mga huling taon sa buhay, at mapayapang pumapanaw. Tiyak bang magtatamasa ng kaligayahan at kalusugan sa kanilang mga huling taon sa buhay ang mga taong may anak? (Hindi naman palagi.) Kung gayon, ang kalusugan, kaligayahan, at sitwasyon sa pamumuhay ng mga magulang na nasa katandaan na, pati na rin ang kalidad ng kanilang materyal na buhay, ay wala talagang gaanong kinalaman sa pagiging mabuting anak sa kanila ng kanilang mga anak, at walang direktang kaugnayan sa pagitan ng dalawa. Ang iyong sitwasyon sa pamumuhay, kalidad ng buhay, at pisikal na kondisyon sa pagtanda ay may kaugnayan sa kung ano ang inorden ng Diyos para sa iyo at sa kapaligirang isinasaayos Niyang pamuhayan mo, at walang direktang kaugnayan ang mga ito sa kung mabuting anak ba ang iyong mga anak o hindi. Hindi obligasyon ng iyong mga anak na pasanin ang responsabilidad para sa iyong sitwasyon sa pamumuhay sa iyong katandaan. Hindi ba’t tama iyon? (Oo.) … Dapat kang umako ng responsabilidad at dalhin ang pasanin para sa sarili mong buhay at pananatiling buhay hangga’t kaya mo, at hindi mo ito dapat ipasa sa iba, lalo na sa iyong mga anak. Dapat mong maagap at wastong harapin ang buhay na hindi kasama ang iyong mga anak at wala ang tulong nila, at kahit malayo ka pa sa mga anak mo, kaya mo pa ring haraping mag-isa ang anumang idinudulot sa iyo ng buhay(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). “Kung gaano katagal na itinadhanang magkasama ang mga magulang at ang kanilang mga anak, at kung gaano karami ang makakamit nila mula sa kanilang mga anak—tinatawag ito ng mga hindi mananampalataya na ‘pagtanggap ng tulong’ o ‘hindi pagtanggap ng tulong.’ Hindi natin alam kung ano ang ibig sabihin nito. Sa huli, kung makakaasa ba ang isang tao sa kanyang mga anak, sa simpleng pananalita, ay pauna nang itinakda at inorden ng Diyos. Hindi naman sa para bang ang lahat ng bagay ay nagaganap nang ayon mismo sa nais mo. Siyempre, gusto ng lahat na maging maayos ang mga bagay-bagay at makinabang sila mula sa kanilang mga anak. Pero bakit hindi mo kailanman inisip kung nakatadhana ka ba para doon, kung nakasulat ba ito sa iyong tadhana? Kung hanggang kailan magtatagal ang ugnayan ninyo ng mga anak mo, kung magkakaroon ba ng koneksiyon sa iyong mga anak ang anumang trabahong gawin mo sa buhay, kung isinaayos ba ng Diyos na makilahok sa mahahalagang pangyayari sa buhay mo ang mga anak mo, at kung makakasama ba ang mga anak mo kapag dumanas ka ng isang mahalagang pangyayari sa buhay—ang lahat ng ito ay nakasalalay sa ordinasyon ng Diyos. Kung hindi ito inorden ng Diyos, pagkatapos mong palakihin ang mga anak mo hanggang sa hustong gulang, kahit pa hindi mo sila paalisin sa bahay, pagdating ng panahon ay kusa silang aalis. Isa itong bagay na kailangang maunawaan ng mga tao. Kung hindi mo kayang maunawaan ang bagay na ito, palagi kang kakapit sa mga pansarili mong ninanasa at hinihingi, at magtatatag ka ng iba’t ibang panuntunan at tatanggap ng iba’t ibang ideolohiya alang-alang sa sarili mong pisikal na kasiyahan. Ano ang mangyayari sa huli? Matutuklasan mo kapag namatay ka na. Marami kang nagawang kahangalan sa buhay mo, at marami kang naisip na hindi makatotohanang bagay na hindi umaayon sa mga katunayan o sa ordinasyon ng Diyos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (19)). Ipinaunawa sa akin ng mga salita ng Diyos na ang pagkakaroon ng mga anak ay isang likas na katangian ng tao at isa ring responsabilidad, at na hindi dapat umasa ang isang tao sa kanyang mga anak para alagaan siya sa kanyang pagtanda. Ang magiging kalagayan ng isang tao sa kanyang mga huling taon, kung ito man ay may kaakibat na higit na pagdurusa o higit na kalusugan at kaligayahan, ay hindi nakasalalay sa pagkakaroon ng mga anak, kundi sa pagtatakda ng Diyos. Kailangang akuin ng mga tao ang responsabilidad ng kanilang pagtanda ayon sa kanilang mga kapabilidad, harapin nang mag-isa ang mga hamon ng buhay, at huwag umasa sa kanilang mga anak para sa mga bagay na ito. Sa pagninilay ko sa aking sarili, napagtanto ko na nag-aalala ako na hindi na ako magkakaanak kung lalala ang kondisyon ko at matatanggal ang matris ko. Nag-alala rin ako kung sino ang mag-aalaga sa akin kapag tumanda ako o nagkasakit. Kaya namuhay ako sa kalagayan ng pagkabagabag at pagkabalisa. Ang pinanghawakan ko ay ang tradisyonal na ideya na “Magpalaki ng mga anak na mag-aalaga sa iyo sa pagtanda,” kung saan ang dahilan ko sa pagkakaroon ng mga anak ay para matiyak ang seguridad ko sa aking pagtanda, at para may mag-alaga sa akin kapag ako ay tumanda. Ang pinagtuunan ko lamang ay ang sarili kong kapakinabangan, na naglalayong humingi mula sa kanila. Isa itong ganap na makasariling pananaw. Dagdag pa rito, kung paano ginugol ng bawat tao ang kanilang pagtanda ay naitakda na ng Diyos, at wala itong kinalaman sa kung may mga anak ba ang isang tao. May ilang matatandang malulusog at may pensyon, pero ang kanilang mga anak ay baon sa utang, kaya bukod sa hindi nila kailangan ang pag-aalaga ng kanilang mga anak, sa halip ay sila pa ang sumusuporta sa kanilang mga anak. Para sa ilang tao, pagkatapos nilang tumanda at magkasakit, ang kanilang mga anak ay walang pagkatao at ayaw silang alagaan, at kapag nagkasakit sila, ang ibang kamag-anak ang tumutulong na mag-alaga sa kanila. Nakita ko na ang pagkakaroon ng mga anak ay hindi gumagarantiya ng seguridad. Kung paano namumuhay ang isang tao sa kanyang pagtanda, at kung siya ba ay kasama at inaalagaan ng kanyang mga anak ay nakasalalay lahat sa pagtatakda ng Diyos. Nang maisip ko kung paanong nagtatrabaho ang asawa ko sa ibang lugar, at ginagampanan ko ang aking tungkulin, bagaman wala akong kasama na mag-aalaga sa akin, natutunan kong umasa sa Diyos kapag may sakit at nahihirapan ako. Ang mga salita ng Diyos ang gumabay sa akin sa aking mga paghihirap. Lubos na bumuti ang kalusugan ko. Lahat ng ito ay biyaya at awa ng Diyos. Kahit hindi ako magkaanak sa hinaharap, maaari pa rin akong mamuhay nang maayos sa pamamagitan ng pagsandig sa Diyos. Pero palagi akong nag-aalala noon kung ano ang gagawin ko kung wala akong anak na mag-aalaga sa akin sa hinaharap, na naging dahilan para mamuhay ako sa pagkabalisa at pag-aalala, at hindi ko na rin nahimok ang sarili ko na gampanan ang aking tungkulin. Hindi ba’t sinasaktan ko lang ang aking sarili at hindi ako nagtitiwala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos? Nanampalataya ako sa Diyos pero hindi ako umasa sa Kanya ni hindi ko naunawaan ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Namumuhay ako sa tradisyonal na kultura ni Satanas. Hindi ba’t ang mga pananaw ko ay tulad ng sa mga hindi mananampalataya? Pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, napanatag ako. Hindi ako dapat mag-alala tungkol sa hinaharap, at dapat kong ipagkatiwala ang sarili ko sa mga kamay ng Diyos. Anuman ang maging kalagayan ko sa aking mga huling taon, magpapasakop ako sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ang paggampan sa aking tungkulin para mapalugod ang Diyos at ang paghahangad ng kaligtasan ay ang pinakamahalagang bagay, at ito rin ang pinakamakatotohanan.

Kalaunan, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung ginugugol mo ang pinakamaiinam mong taon sa pag-iisip na makahanap ng magandang trabaho o ng mapapangasawa, na umaasang magtamasa ng buhay ng laman habang naniniwala sa Diyos, na gawin pareho nang sabay ang mga ito, pagkaraan ng ilang taon, maaari kang makahanap ng mapapangasawa, magpakasal, magkaanak, at magtatag ng isang tahanan at isang propesyon, ngunit wala kang makakamit sa paniniwala sa Diyos sa lahat ng taon na iyon, wala kang matatamong anumang katotohanan, magiging hungkag ang puso mo, at lilipas na ang pinakamaiinam na taon sa buhay mo. Kapag gugunitain mo ito sa edad na kwarenta, mayroon ka nang pamilya, mga anak, at hindi ka nag-iisa, ngunit kakailanganin mong suportahan ang iyong pamilya. Iyan ang isang kadena na hindi ka makahuhulagpos. Kung nais mong gampanan ang iyong tungkulin, kailangan mong gawin iyon habang nakagapos ka sa mga responsabilidad mo sa iyong pamilya. Gaano man kataba ang puso mo, hindi mo maaaring pagsabayin ang dalawang iyon—hindi mo buong-pusong masusundan ang Diyos at magagampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Maraming tao ang tumatalikod sa pamilya at sa mga makamundong bagay, ngunit matapos maniwala sa Diyos nang ilang taon, ang tangi pa rin nilang hinahangad ay katanyagan, pakinabang, at katayuan. Hindi pa nila natatamo ang katotohanan, at ni wala silang anumang tunay na patotoo batay sa karanasan. Katulad ito ng pagsasayang nila ng kanilang oras. Kapag ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin ngayon, hindi nila maunawaan kahit ang isang maliit na bahagi ng katotohanan, at kapag may nangyayari sa kanila, hindi nila alam kung paano ito danasin—kaya nagsisimula silang humikbi, at napupuno sila ng lubos na pagsisisi. Kapag ginugunita nila ang umpisa, sa lahat ng kabataang sama-samang namumuhay ng mga buhay-iglesia, gumaganap sa kanilang mga tungkulin, kumakanta ng mga himno at sama-samang pumupuri Diyos, iniisip nila kung gaano kaganda ang mga panahong iyon, at kung gaano nila kagustong balikan ang panahong iyon! Sa kasamaang-palad, sa mundong ito ay walang gamot para sa panghihinayang. Walang makapagbabalik sa oras, kahit gustuhin pa nila. Walang paraan para bumalik sa simula at ulitin ang naging buhay. Kaya nga, kapag nakalagpas na ang isang pagkakataon, hindi na ito maibabalik pa. Ang buhay ng isang tao ay tumatagal lamang nang ilang dekada, kung makalagpas sa iyo ang mainam na panahong ito para hangarin ang katotohanan, walang saysay ang iyong magiging panghihinayang. … Sa ngayon, tamang-tama lang ang dating ninyo para sa magandang sandaling ito—ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ito ang kaisa-isang pagkakataon ng mga tao na maligtas at magawang perpekto ng Diyos. Ginagawa ninyong lahat ang inyong mga tungkulin sa mahalagang sandaling ito ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Talagang ito ang kakaibang pagdadakila ng Diyos sa inyo. Anumang larangan ang pinag-aralan mo, o anong aspeto ng kaalaman ang taglay mo, o anong mga kaloob o kadalubhasaan ang mayroon ka, anuman ang sitwasyon, nagpapakita ng biyaya sa iyo ang Diyos sa pamamagitan ng pagtutulot sa iyo na gamitin ang kadalubhasaang ito para gawin ang tungkulin sa Kanyang sambahayan. Iyan ay isang pagkakataon na bihirang dumating(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagbabayad ng Halaga Para Makamit ang Katotohanan ay Mayroong Malaking Kabuluhan). Ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw ay isang huling pagkakataon. Wala nang pangalawa o pangatlong pagkakataon. Ang oras sa ngayon ay isang kritikal na oras para sa Diyos para maipahayag ang katotohanan at mailigtas at maperpekto ang mga tao. Ang katunayan na nagawa kong tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw sa ganitong tamang edad ng buhay ko, na nagawa kong ilaan nang buo ang sarili ko para tuparin ang mga tungkulin ko, nang walang anumang pasanin o komplikasyon, at na nagawa ko ring hangarin ang katotohanan at pagbabago ng disposisyon sa aking mga tungkulin ay tunay na biyaya ng Diyos. Dapat kong ilaan ang pinakamainam kong oras at lakas sa pangangaral ng ebanghelyo at paghahangad ng katotohanan at kaligtasan. Kung magkakaanak ako, dahil pumanaw na ang mga magulang ko, at ang mga biyenan at asawa ko ay hindi nananampalataya sa Diyos, walang makakatulong sa akin sa pag-aalaga ng bata, at ako mismo ang kailangang mag-alaga sa kanya. Mangingibabaw sa isip ko ang anak ko, at magdadala ito ng mas maraming pasanin at komplikasyon sa akin. Magkakaroon ako ng napakakaunting oras at lakas para hangarin ang katotohanan o gampanan ang aking mga tungkulin. Kung gugugulin ko ang lahat ng pinakamainam kong oras at lakas sa pagkakaroon ng anak, mawawala sa akin ang pinakamainam na pagkakataon para maperpekto ako ng Diyos. Sa huli, hindi ko makakamtan ang katotohanan o matutupad ang mga tungkulin ko, masasayang ko ang pagkakataon kong maligtas, at pagdating ng panahong iyon, huli na para magsisi.

Kalaunan, nagbasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at labis na naantig ang puso ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Hindi nauunawaan ng mga walang pananampalataya kung ano ang pinakamakabuluhang bagay na magagawa ng isang tao sa kanyang buhay, ngunit may naiintindihan kayo tungkol dito, hindi ba? (Oo.) Ang pagtanggap sa kung ano ang ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos at ang pagtupad sa inyong sariling misyon—ito ang mga pinakaimportanteng bagay. Ang mga tungkuling ginagampanan ninyo ngayon ay mahalaga! Maaaring hindi mo nakikita ang mga resulta sa ngayon, at maaaring hindi ka nakatatanggap ng magagandang epekto mula sa mga ito sa ngayon, ngunit hindi magtatagal ay magbubunga ang mga ito. Sa katagalan, kapag maayos na ginawa ang gawaing ito, ang kontribusyon na magagawa nito sa sangkatauhan ay imposibleng masukat gamit ang pera. Ang mga ganoong tunay na patotoo ay mas mamahalin at mahalaga pa kaysa anumang bagay, at ang mga ito ay mananatili magpasawalang-hanggan. Ito ang mabubuting gawa ng bawat taong sumusunod sa Diyos, at ang mga ito ay karapat-dapat sa pag-alala. Ang lahat ng bagay sa buhay ng tao ay walang saysay at hindi karapat-dapat sa pag-alala, maliban na lang sa pananampalataya sa Diyos, paghahangad sa katotohanan, at pagtupad sa kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Kahit pa nagawa mo na ang pinakakamangha-manghang tagumpay; kahit pa nakapunta at nakabalik ka na mula sa Buwan; kahit pa nakagawa ka na ng mga pagsulong sa siyensya na nakapagbigay ng ilang kapakinabangan o tulong sa sangkatauhan, ito ay walang saysay at ang lahat ng ito ay lilipas. Ano ang tanging bagay na hindi lilipas? (Ang salita ng Diyos.) Tanging ang salita ng Diyos, ang mga patotoo sa Diyos, ang lahat ng patotoo at gawaing nagpapatotoo para sa Lumikha, at ang mabubuting gawa ng mga tao ang hindi lilipas. Ang mga ito ay mananatili magpakailanman, at ang mga ito ay napakahalaga. Kaya nga, iwaksi ninyo ang lahat ng inyong limitasyon, isagawa ninyo ang matinding pagsusumikap na ito, at huwag ninyong hayaan ang inyong sarili na mahadlangan ng kung sinumang mga tao, at anumang mga pangyayari, at mga bagay; buong-puso ninyong igugol ang inyong sarili para sa Diyos, at ibuhos ang lahat ng inyong enerhiya at pagsisikap sa pagganap ng inyong mga tungkulin. Ito ang bagay na pinakapinagpapala ng Diyos sa lahat, at sulit ito gaano man karami ang paghihirap!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagganap Lamang Nang Maayos sa Tungkulin ng Isang Nilikha Mayroong Halaga ang Buhay). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang paggampan sa tungkulin ng isang nilikha, ang pag-aalay ng lakas para sa pagpapalawak ng ebanghelyo ng kaharian, at ang pagdadala ng mas maraming tao sa harap ng Diyos, ay ang pinakamararangal na bagay at mga bagay na lubos na tumutugon sa pagsang-ayon ng Diyos. Ang kakayahang gampanan ang mga tungkuling nakabatay sa teksto, at pumili ng mas maraming mahuhusay na artikulo ng patotoong batay sa karanasan para patotohanan ang mga resulta ng gawain ng Diyos sa mga tao, na nagbibigay-daan para makilala ng mas maraming tao ang Diyos at makabalik sa Kanyang presensiya, ay patotoo sa Diyos, isang bagay na sinasang-ayunan ng Diyos, at sulit anumang pagdurusa ang maranasan ko rito. Ang gawain ng Diyos na pagliligtas ng sangkatauhan ay malapit nang matapos, at nagsimula na ang pinakamalalaking sakuna. Ni hindi ko nga alam kung ano ang mangyayari bukas o kung kailan darating ang sakuna, pero nagpaplano pa rin ako para sa hinaharap at iniisip ko pa ring magkaroon ng mga anak na mag-aalaga sa akin sa pagtanda. Ang lahat ng aking pagkabalisa at pag-aalala tungkol sa hinaharap ay hindi kinakailangan. Ngayon ay maaari ko nang ilaan nang buo ang sarili ko sa aking mga tungkulin, nang walang anumang pasanin o komplikasyon. Maaari ko ring hangarin ang katotohanan at ang pagbabago ng disposisyon habang ginagampanan ko ang mga tungkulin ko. Ang lahat ng ito ay biyaya ng Diyos. Dapat kong pahalagahan ang kasalukuyang pagkakataong ito para hangarin ang katotohanan at kaligtasan, at ilaan ang lahat ng aking lakas at oras sa mga tungkulin ko at sa pagpapatotoo sa Diyos. Kung mauunawaan ko ang ilang katotohanan at maililigtas ng Diyos, hindi mawawalan ng saysay ang buhay ko. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, binitawan ko ang pagkabalisa at ang mga alalahanin sa puso ko, at lalo pang tumibay ang pananalig ko na mabuhay para magampanan nang maayos ang mga tungkulin ko. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  30. Paano Ako Tumigil sa Pagkainggit sa mga Taong may Talento

Sumunod:  32. Pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa Aking Ama

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger