37. Paano Ko Napagtagumpayan Ang Mga Mapanlumong Emosyon Ko

Ni Hua Shuang, Tsina

Noong Disyembre 2023, nahalal ako bilang isang lider ng distrito. Araw-araw, maraming gampanin ang kinakailangang subaybayan at ipatupad. Noong una, maayos naman ang pag-iisip ko. Alam ko na marami akong kakulangan, kaya pinagtuunan ko ang pagbabasa ng mga liham na paggabay mula sa mga nakatataas na lider para makahanap ng mga landas pasulong. Tinalakay ko rin ang mga usapin at nakipag-ugnayan ako sa mga katuwang ko, at unti-unti, natutuhan ko kung paano subaybayan ang gawain. Makalipas ang ilang araw, sinabi ng mga katuwang ko na sa katapusan ng buwan ay kailangan naming magsulat ng isang ulat tungkol sa gawain. Kitang-kita kaagad na maraming aytem ang iuulat, gaya ng tungkol sa pag-usad ng bawat gampanin at kung may mga problema o paglihis ba sa mga iyon, pati na rin ang mga kakulangan at paghihirap sa mga tungkulin ng mga kapatid at kung kumusta na ang mga kalagayan nila. Kailangan naming suriin at magkamit ng kalinawan sa lahat ng isyung ito at iba pa. Kailangan din naming magsulat ng mga plano at solusyon sa gawain. Bigla akong nagsimulang makaramdam ng tunay na pagkairita, iniisip na, “Napakarami namang detalye ang kailangang ilagay sa ulat ng gawain; gaano karaming pagsisikap at lakas ng pag-iisip ang kakailanganin nito?” Habang higit akong nagbabasa, higit akong nakararamdam ng pagkabigla. Lalo na noong nakita ko ang mga gampanin na hindi ako pamilyar at ang mga nauugnay na prinsipyo at propesyonal na kasanayan na kailangang paglaanan ko ng oras at pagsisikap para pag-aralan at makasanayan ko, naisip ko, “Kasisimula ko pa lang sa tungkuling ito, kaya, kung hindi ko matapos ang ulat sa gawain ng buwan na ito, makaaasa pa rin ako sa mga katuwang ko. Pero sa susunod na buwan, hindi ba’t ako na lang mag-isa ang mag-aasikaso nito? Mangangailangan iyon ng napakaraming pagsisikap at sobrang makakaabala!” Naguluhan ako sa pag-iisip ng mga nakatambak na gawain sa nakalipas na ilang araw, at gusto ko talagang takasan ang tungkuling ito. Alam kong hindi umaayon sa mga layunin ng Diyos ang mga kaisipang ito, kaya nagdasal ako sa Diyos habang sinusubukang alamin kung paano magpatuloy. Pero minsan, kapag naririnig ko ang mga sister ko na tinatalakay ang mga problema sa gawain, sinasadya kong magsuot ng headphone para makinig sa mga himno at hindi sumali sa mga talakayan nila. Sa ganitong paraan, hindi ko kakailanganing isipin kung paano lutasin ang mga problema o mag-alala at pagurin ang sarili ko.

Habang sinusuri ko nang mas mabuti ang gawain, napagtatanto ko na kinapapalooban ng maraming detalye ang bawat gampanin, at na ang lahat ng iyon ay nangangailangan ng maingat na pag-iisip para matukoy ang mga solusyon at magkamit ng magagandang resulta. Mas marami ang trabahong ito kaysa sa dati kong tungkuling may isang gampanin, kaya nakaramdam ako ng sobrang paglaban, iniisip na, “Bakit ko naman papagurin ang sarili ko at mag-aalala nang sobra? Mas mabuting gawin ang tungkuling may isang gampanin. Noon, hindi ko kailangang harapin sa araw-araw ang sobrang presyur!” Habang higit akong naghahanap ng pisikal na kaginhawahan, higit na nakapapagod ang pakiramdam ng pagiging isang lider. Nakaramdam ako ng sobrang panlulumo at pagkabahala, at madalas na mainitin ang ulo ko. Kapag tinatalakay sa akin ng mga katuwang ko ang gawain, sasagot lang ako nang maikli at pabasta-basta, at pagkatapos, magpapakaabala na lang ako sa mga sarili kong gampanin. Napagtanto ko na hindi tama ang kalagayan ko, kaya nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos ko, palagi akong nagrereklamo kung gaano nakakapagod ang tungkuling ito. Naghahanap ako ng kaginhawahan para sa laman ko at hindi ko magawa nang masaya ang tungkulin ko. Ayaw kong manatili sa kalagayang ito. Pakiusap, gabayan Mo ako na maunawaan ang tiwaling disposisyon ko.” Kalaunan, nagbasa ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa kalagayan ko. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sinasabi ng ilang tao, ‘Sinasabi ng lahat na malaya at napakawalan na ang mga nananalig, na partikular na masaya, tahimik, at maligaya ang buhay ng mga nananalig. Bakit hindi ako makapamuhay nang kasingsaya at kasingtahimik ng iba? Bakit wala akong nararamdamang anumang ligaya? Bakit pakiramdam ko ay labis akong napipigilan at pagod na pagod? Bakit ang sasaya ng buhay ng ibang tao? Bakit napakamiserable ng buhay ko?’ Sabihin ninyo sa Akin, ano ang sanhi nito? Ano ang nagdulot ng kanilang pagkapigil (Hindi nasiyahan ang pisikal nilang katawan at nagdusa ang kanilang laman.) Kapag nagdurusa ang pisikal na katawan ng isang tao at pakiramdam niya ay ginawan ito ng mali, kung matatanggap niya ito sa kanyang puso at isipan, hindi ba’t madarama niyang hindi na masyadong matindi ang kanyang pisikal na pagdurusa? Kung may kaginhawahan, kapayapaan, at kaligayahan sa kanyang puso at isipan, madarama pa ba niyang napipigilan siya? (Hindi.) Kaya, hindi tamang sabihin na ang pagkapigil ay dulot ng pisikal na pagdurusa. Kung umuusbong ang pagkapigil dahil sa labis-labis na pisikal na pagdurusa, hindi ba’t nagdurusa kayo? Pakiramdam ba ninyo ay napipigilan kayo dahil hindi ninyo magawa ang gusto ninyo? Nakukulong ba kayo sa mga emosyon na pagkapigill dahil hindi ninyo magawa ang gusto ninyo? (Hindi.) Abala ba kayo sa inyong pang-araw-araw na gawain? (Medyo abala.) Medyo abala nga kayong lahat, na nagtatrabaho mula bukang-liwayway hanggang dapit-hapon. Bukod sa pagtulog at pagkain, ginugugol ninyo ang halos buong araw ninyo sa harap ng computer, pinapagod ang inyong mga mata at utak, at labis na pinapagod ang inyong katawan, pero pakiramdam mo ba ay napipigilan ka? Magdudulot ba sa iyo ng pagkapigil ang pagod na ito? (Hindi.) Ano ang sanhi ng pagkapigil ng mga tao? Tiyak na hindi ito dahil sa pisikal na pagkapagod, kung gayon, ano ang nagsasanhi nito? Kung palaging naghahangad ng pisikal na kasiyahan at kaginhawahan ang mga tao, at ayaw nilang magdusa, kung gayon, maging ang katiting na pisikal na pagdurusa at dagdag na pagod, o ang pagdurusa nang medyo higit kaysa sa iba ay magpaparamdam sa kanila ng pagkapigil. Isa ito sa mga sanhi ng pagkapigil. Kung hindi ituturing ng mga tao ang kaunting pisikal na pagdurusa bilang isang malaking bagay, at hindi sila maghahangad ng pisikal na kaginhawahan, sa halip ay hahangarin nila ang katotohanan at hahangaring tuparin ang kanilang mga tungkulin upang mapalugod ang Diyos, kadalasan ay hindi sila makadarama ng pisikal na pagdurusa. Kahit pa minsan ay mararamdaman nilang medyo abala, pagod, o patang-pata sila, pagkatapos nilang makatulog nang kaunti at magising nang may panibagong sigla, magpapatuloy sila sa kanilang gawain. Magtutuon sila sa kanilang mga tungkulin at sa kanilang gawain; hindi nila ituturing ang kaunting pisikal na pagkapagod na malaking isyu. Subalit, kapag umuusbong ang isang problema sa pag-iisip ng mga tao at palagi silang naghahangad ng pisikal na kaginhawahan, anumang oras na medyo maagrabyado o hindi makuntento ang kanilang katawan ay uusbong ang ilang negatibong emosyon sa kanila. Kaya, bakit laging nakukulong sa negatibong emosyong ito na pagkapigil ang ganitong uri ng tao, na palaging gustong gawin ang gusto niya at bigyang-layaw ang kanyang laman at magpakasaya sa buhay, sa tuwing hindi siya kontento? (Ito ay dahil naghahangad siya ng kaginhawahan at pisikal na kasiyahan.) Totoo iyan sa ilang tao(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Pagkatapos mabasa ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na naghahangad ako ng kaginhawahan ng laman at nakararamdam ako ng kawalan ng pisikal na kasiyahan, kaya namuhay ako sa mga negatibong emosyon ng panlulumo at pagkasira ng loob at palagi akong nakararamdam ng pagkabahala at pagkairita sa mga tungkulin ko. Dati, kapag ginagawa ko ang tungkulin na may isang gampanin, hindi masyadong mabigat ang trabaho, at may kasanayan din ako rito, kaya naramdaman ko na kumportable ako. Hindi nakararamdam ng pagod ang katawan ko, ni nabibigatan ang puso ko. Ngayon, bilang isang lider, kailangan kong pangasiwaan ang maraming gawain at mas maraming aalalahanin, at mas maraming problema ang kailangan kong isaalang-alang at lutasin. Marami sa mga gampanin ay hindi pamilyar, at hindi ko alam kung paano lutasin ang mga isyung ito, kaya kailangang kong matuto sa simula. Nagdulot ito sa akin upang makaramdam ng panlulumo, pagkairita, at ng kagustuhang takasan ang sitwasyong ito. Sa katunayan, kung uunahin ko ang tungkulin ko sa halip na hangarin ang pisikal na kaginhawahan at kaalwanan, kung ganoon, kahit na makaramdam ako ng pagod, kakayanin ko pa rin. Napagtanto ko na naligaw na ang pag-iisip ko.

Kalaunan, naghanap ako ng mga salita ng Diyos na naglalantad kung bakit nakararamdam ng panlulumo ang mga tao at binasa ko ang mga iyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “May ilang tao na sadyang ayaw gawin ang kanilang mga tungkulin at magbahagi tungkol sa katotohanan. Hindi sila umangkop sa buhay-iglesia, hindi nila kayang umangkop dito, at pakiramdam nila palagi ay miserable sila at walang magawa. Kung gayon, sasabihin Ko sa mga taong iyon: Dapat kang magmadali at umalis. Pumunta ka sa sekular na mundo para hanapin ang mga sarili mong layunin at direksiyon, at mamuhay sa paraang gusto mo. Hindi kailanman pinipilit ng sambahayan ng Diyos ang sinuman. … palaging nararamdaman ng mga ganitong tao na napipigilan sila. Sa madaling salita, ang kahilingan nila ay na mabigyang-layaw nila ang kanilang laman at matugunan ang kanilang mga ninanais. Masyado silang makasarili, gusto nilang gawin ang lahat nang ayon sa sarili nilang mga kapritso at sa paraang gusto nila, nang binabalewala ang mga patakaran at hindi inaasikaso ang mga bagay-bagay nang ayon sa mga prinsipyo, basta lamang ginagawa ang mga bagay-bagay ayon sa sarili nilang mga damdamin, kagustuhan, at ninanais, at kumikilos batay sa sarili nilang mga interes. Wala silang normal na pagkatao at hindi inaasikaso ng ganitong mga tao ang nauukol nilang gawain. Iyong mga tao na hindi inaasikaso ang nauukol nilang gawain ay nakakaramdam ng pagkapigil sa lahat ng kanilang ginagawa, saanman sila magpunta. Kahit pa mamuhay sila nang mag-isa, mararamdaman nilang napipigilan sila. Sa maayos na salita, walang magandang maaasahan sa mga taong ito at hindi nila inaasikaso ang nauukol nilang gawain. Para mas maging tumpak, hindi normal ang kanilang pagkatao, at medyo mahina silang mag-isip. Paano mailalarawan ang mga taong inaasikaso ang nauukol nilang gawain? Sila ay mga taong tinitingnan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, kasuotan, tirahan, at transportasyon sa isang simpleng paraan. Hanggat naaabot ng mga ito ang isang normal na pamantayan, sapat na iyon para sa kanila. Mas inaalala nila ang landas nila sa buhay, ang kanilang misyon bilang mga tao, ang kanilang pananaw sa buhay at mga pagpapahalaga. Ano ang maghapong pinag-iisipan ng mga taong hindi maaasahan? Palagi nilang pinag-iisipan kung paano magpapakatamad, kung paano manlilinlang para makatakas sila sa responsabilidad, kung paano kakain nang mabuti at magpapakasaya, kung paano mamumuhay nang maginhawa at komportable ang katawan, nang hindi isinasaalang-alang ang mga nauukol na bagay. Kaya, pakiramdam nila ay napipigilan sila sa sitwasyon at kapaligiran ng paggawa sa kanilang mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga tao na matuto ng ilang karaniwan at propesyonal na kaalamang may kinalaman sa kanilang mga tungkulin, para mas maayos nilang magampanan ang mga ito. Hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga tao na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang madalas nang sa gayon ay magkamit sila ng mas maayos na pagkaunawa sa katotohanan, makapasok sa katotohanang realidad, at malaman kung ano ang mga prinsipyo sa bawat pagkilos. Ang lahat ng ito na ibinabahagi at binabanggit ng sambahayan ng Diyos ay may kaugnayan sa mga paksa, praktikal na mga bagay, at iba pa, na nasa saklaw ng buhay ng mga tao at ng paggampan nila sa kanilang tungkulin, at nilalayon ng mga ito na matulungan ang mga taong maasikaso ang nauukol nilang gawain at matahak ang tamang landas. Ang mga indibidwal na ito na hindi inaasikaso ang kanilang nauukol na gawain at na ginagawa ang gusto nila ay hindi nagnanais na gawin ang mga nauukol na bagay na ito. Ang sukdulang layon na ninanais nilang makamit sa paggawa ng anumang gusto nila ay ang pisikal na kaginhawahan, kasiyahan, at kaluwagan, at ang hindi mapigilan o maagrabyado sa anumang paraan. Ito ay ang sapat na makakain ng anumang gusto nila, at magawa ang gusto nila. Dahil sa kanilang karakter at kanilang mga panloob na hinahangad kaya madalas nilang nararamdaman na napipigilan sila. Paano ka man magbahagi sa kanila tungkol sa katotohanan, hindi sila magbabago, at hindi malulutas ang kanilang pagkapigil. Ganoon lang talaga silang klase ng tao; mga bagay lang sila na hindi nag-aasikaso ng kanilang nauukol na gawain(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Pagkatapos kong mabasa ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay napagtanto ko na ang mga palaging nagbibigay-layaw sa kaginhawahan at tinutugunan ang mga pagnanais nila sa laman ay hindi gumagawa ng kanilang wastong gawain at walang patutunguhan. Gusto lang mamuhay ng gayong mga tao nang ayon sa mga sariling pagnanais nila, pero pagdating sa paggawa ng wastong gawain, sila ay hindi mapagkakatiwalaan at tamad, nakararamdam ng panlulumo at pagiging miserable kapag kailangan nilang mag-alala o pahirapan ang laman nila. Walang konsensiya at katwiran ang mga taong ito. Tiningnan ko ang kamakailan kong kalagayan dahil dito. Nang makita ko na araw-araw, kailangan kong isipin at lutasin ang mga isyu at paghihirap sa iba’t ibang gampanin, at na nangangailangan ito ng matinding lakas ng pag-iisip, nagsimula akong mag-asam ng mas madali at simpleng tungkulin para maging mas kumportable ang katawan ko. Kapag naririnig ko na tinatalakay ng mga katuwang ko ang gawain, sinasadya kong magsuot ng headphones para makinig sa mga himno at iniiwasan kong sumali sa talakayan. Nang lapitan ako ng mga sister ko para talakayin ang mga isyu sa gawain, ayaw kong makilahok at iniiwasan ko sila hanggang kaya ko, at kung talagang hindi ko ito maiwasan, sasagot lang ako nang maikli at pabasta-basta, na humahantong sa mga pagkakamali sa pagpapatupad ng mga gampanin, at sa pangangailangang ulitin ang gawain. Ito ang mga kinahinatnan ng pagbibigay-layaw sa laman ko. Naisip ko ang mga taong ginagawa ang wastong gawain nila. Kapag hinihingi ng mga tungkulin nila na mag-alala o mahirapan sila, o kung kailangan nilang matuto at sangkapan ang sarili nila ng kaalaman at mga propesyonal na kasanayan, masaya silang naglalaan ng oras at lakas nila, at naghahangad silang isagawa ang mga tungkulin nila para mapalugod ang Diyos. Ako, sa kabilang banda, ay patuloy na naghahangad ng kaginhawahan at kaalwanan, at kapag hinihingi sa akin ng mga tungkulin na mag-alala o pahirapan ang sarili ko, nanlalaban ako at iniiwasan ko ang mga iyon. Pinakitaan ako ng Diyos ng biyaya sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong maging isang lider, at kapaki-pakinabang ito sa buhay paglago ko, dahil ang pagiging isang lider ay humihingi sa isang tao na makilahok sa iba’t ibang gampanin at sangkapan ang sarili niya ng lahat ng uri ng prinsipyo, at kapag nahaharap siya sa mga paghihirap, napipilitan siyang hanapin ang mga katotohanang prinsipyo, higit pang magdasal, at higit pang umasa sa Diyos. Kasabay nito, kinapapalooban ito ng pagkatuto ng mga nauugnay na propesyonal na kasanayan at kaalaman, at ng pagpapalawak sa pagkaunawa at karanasan ng isang tao, pinahihintulutan siya na magsanay sa iba’t ibang aspekto at mas mabilis na lumago. Kung kayang lumago ng isang tao at magpasan ng isang gampanin sa sambahayan ng Diyos, isa siyang kapaki-pakinabang na tao. Pero patuloy akong nagbibigay-layaw sa mga kaginhawahan ng laman, nagnanais na manatiling pisikal na maalwan, at hindi handang maglaan ng anumang pagsisikap o kaisipan sa anumang bagay. Hindi ba’t ako ay ganap na isang walang silbi? Hindi nakapagtataka na sinasabi ng Diyos na “walang patutunguhan,” “abnormal sa pagkatao nila,” at “mababaw ang pag-iisip” ng gayong mga tao. Nang napagtanto ko ito, nakita ko kung gaano kaawa-awa ang paraan ng pamumuhay ko, kaya nagdasal ako sa Diyos at nagpasya, “O Diyos ko, handa akong maghimagsik laban sa laman ko at tumuon sa mga wastong tungkulin ko. Sa mga tungkulin ko, hahanapin ko ang mga katotohanang prinsipyo at mag-aaral ako ng mga propesyonal na kasanayan at kaalaman para punan ang iba’t ibang kahinaan ko, at sisikapin kong maging isang kapaki-pakinabang na tao sa sambahayan Mo!” Pagkatapos noon, medyo nagbago ang takbo ng pag-iisip ko. Malaki rin ang ibinuti ng kalagayan ko sa paggawa ng mga tungkulin ko, at hindi na ako nakararamdam ng panlulumo o pagkairita gaya noon. Bagamat marami akong kailangang gawin na gawain araw-araw, ginawa ko ang makakaya ko, at kapag nahaharap ako sa isang bagay na hindi ko alam kung paano gawin, nagsasangkap ako ng mga nauugnay na katotohanang prinsipyo at propesyonal na kasanayan at kaalaman. Kapag nakakakita ako ng mga problema sa gawain, binabanggit ko ang mga iyon at tinatalakay ang mga solusyon sa mga katuwang ko.

Akala ko ay nalutas na ang mga mapanlumo kong emosyon. Iyon ay hanggang isang araw, makalipas ang isang buwan, nang nagpadala ng isang liham ang mga nakatataas na lider. Sinabi nito na isang sister sa distrito namin ang pinupunterya ng pulisya. Partikular na pinangalanan ng pulisya ang taong ito para arestuhin, at kailangan naming ipagbigay-alam kaagad sa sister, na sinasabihan siyang magtago. Pagkatapos, nakatanggap kami ng isa pang liham. Sinabi nito na isinailalim sa planadong pag-aresto ng CCP ang mga iglesia sa malapit. Damay rito ang maraming kapatid sa lugar na pinangangasiwaan ko. Nang mabalitaan ko ang dalawang balitang ito, naramdaman ko na parang bigla akong sinasakluban ng madidilim na ulap, at muli, nalugmok ako sa kalagayan ng panlulumo at kalungkutan. Lumikha ng malalaking balakid ang mga pag-arestong ito sa iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, at maraming tao ang naharap sa mga banta sa kaligtasan at hindi magawa nang normal ang mga tungkulin nila. Alam ko na para maisagawa nang maayos ang gawain ng iglesia, kailangan kong maglaan ng higit pang kaisipan at pagsisikap. Nang isipin ko ang mga paghihirap na ito, nakaramdam ako ng matinding presyur, at lalo na nang makita ko ang tila walang katapusang agos ng mga problema sa gawain na hindi kailanman ganap na malulutas, nakaramdam ako ng pagkaparalisa at wala akong motibasyong gawin ang anuman, pero wala akong ibang pagpipilian kundi ang magpatuloy nang walang magawa sa gawain ko. Minsan, isang katuwang ang nagpaalala sa akin na may isang liham na hindi ko pa nasasagot, at hindi ko maiwasang magsungit sa kanya, “Wala pa akong oras para sumagot!” Pagkatapos ko itong sabihin, napagtanto ko na ibinubunton ko sa tungkulin ko ang mga pagkadismaya ko, at na lubos itong walang katwiran. Atubili kong inilabas ang liham at sinagot ito. Pagkatapos noon, may ilan pang pagkakataon na naging iritable ako dahil sa tumatambak ang lahat ng gawain at marahas akong nagsalita sa mga sister ko. Sa pagninilay-nilay ko sa sarili ko, napagtanto ko na namumuhay na naman ako sa mga negatibong emosyon ng panlulumo dahil sa mga alalahanin at pasakit sa aking laman.

Binasa ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa loob ng maraming taon, ang mga kaisipang sinasandigan ng mga tao para sa pananatili ng kanilang buhay ay unti-unting sumisira sa kanilang puso hanggang sa punto na sila ay maging taksil, duwag, at kasuklam-suklam. Hindi lamang sila kulang sa tibay ng kalooban at determinasyon, ngunit naging sakim, mayabang, at matigas din ang ulo nila. Walang-wala silang anumang paninindigan na dumaraig sa sarili, at higit pa riyan, wala silang katiting na tapang na iwaksi ang mga paghihigpit ng madidilim na impluwensiya. Ang saloobin at buhay ng mga tao ay bulok na bulok kaya ang kanilang mga pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos ay napakapangit pa rin, at kahit kapag nagsasalita ang mga tao tungkol sa kanilang mga pananaw sa pananampalataya sa Diyos, talagang hindi iyon matitiis pakinggan. Ang lahat ng tao ay duwag, walang kakayahan, kasuklam-suklam, at marupok. Wala silang nadaramang pagkasuklam para sa mga puwersa ng kadiliman, at wala silang nadaramang pagmamahal para sa liwanag at katotohanan; sa halip, ginagawa nila ang kanilang makakaya upang mapatalsik ang mga ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Panghambing?). “Kontento ka na ba sa pamumuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, nang may kapayapaan at kagalakan, at kaunting makalamang kaginhawahan? Hindi ba’t ikaw ang pinakamababa sa lahat ng tao? Wala nang mas hahangal pa kaysa sa mga yaong nakakita sa kaligtasan ngunit hindi hinangad na makamit ito; sila ay mga taong nagpapakasasa sa laman at nasisiyahan kay Satanas. Umaasa ka na ang iyong pananalig sa Diyos ay hindi magsasanhi ng anumang mga hamon o mga kapighatian, o ng kahit katiting na paghihirap. Lagi mong hinahangad ang mga bagay na iyon na walang-halaga, at hindi mo pinahahalagahan ang buhay, sa halip ay inuuna mo ang iyong sariling malabis na kaisipan bago ang katotohanan. Ikaw ay napakawalang-halaga! Nabubuhay ka na parang isang baboy—ano nga ba ang pagkakaiba sa pagitan mo, at ng mga baboy at mga aso? Hindi ba’t lahat niyaong hindi naghahangad sa katotohanan, at sa halip ay iniibig ang laman, ay pawang mga hayop? Hindi ba’t ang mga patay na walang mga espiritu ay mga naglalakad na mga bangkay? … Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tunay na daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang anuman. Handa ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano pang silbi na mabuhay ang mga gayong tao? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi mo hinahangad ang anumang layon; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na humarap sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas sa ganitong paraan, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tunay na daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahangad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, pinagnilayan ko kung bakit ako masyadong tumuon sa pisikal na kaalwanan at kaginhawahan, at nakita ko na ito ay dahil naimpluwensiyahan at nalason ako ng mga kautusan ni Satanas ng pananatiling buhay gaya ng “Tamasahin mo ang buhay habang buhay ka pa,” at “Magpakasaya ka na ngayon, bukas ka na mag-alala.” Tinrato ko ang mga ideyang ito bilang mga salita ng karunungan. Kapares ng tamad kong kalikasan, natatakot ako sa paghihirap at pagkapagod magmula sa pagkabata ko. Ginawa kong layon ko ang isang buhay na maginhawa at maalwan, at ayaw kong gumawa o mamuhay sa isang paraan na masyado akong mapapagod. Iniwasan kong magpasan ng sobrang presyur sa sarili ko, kontento ako basta’t kaya kong mamuhay nang walang pangamba, at ginawa kong pang-araw-araw na pokus ko ang mabusog, uminom, at matulog nang sapat. Nadala ko sa mga tungkulin ko ang saloobing ito. Sa pagkakataong ito, dahil nahadlangan ang iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia dahil sa mga pag-aresto ng CCP at ng pangangailangan kong maglaan ng mas maraming oras at pagsisikap para tuparin ang tungkulin ko, hindi ko maiwasang magreklamo at humiyaw sa paghihirap. Nagsimula kong asamin ang mga araw nang pinangangasiwaan ko lang ang isang tungkuling may isang gampanin, at napagtanto ko na ang pananalig ko sa Diyos ay batay sa isang pagnanais na magbigay ng kaunti pero gustong tumanggap ng maraming pagpapala. Nang maraming isyu at paghihirap sa tungkulin ko na humingi sa akin na magnilay-nilay kung paano pagbahaginan at lutasin ang mga iyon, at kinailangan akong magtiis ng pisikal na alalahanin at paghihirap, nakaramdam ako ng panlalaban at unti-unting nagalit, umabot pa nga ako hanggang sa puntong ibinubunton ko sa mga katuwang ko ang pagkadismaya ko. Tunay na wala akong pagkatao! Ganap na tama at wasto para sa akin, na isang nilikha, na gawin ang tungkulin ko, at isang paraan din ito para maghanda ng mabubuting gawa para sa sarili ko. Sa pamamagitan ng paggawa ng tungkulin ko at paghahangad sa katotohanan, maiwawaksi ko ang mga tiwaling disposisyon ko, at magkakamit ako ng kaligtasan. Pero pakiramdam ko ay nanghihimasok sa pisikal na kaginhawahan ko ang pagiging isang lider, kaya kumilos ako nang walang katwiran at mapanlaban. Tunay na wala akong katwiran! Lagi kong hinangad na tugunan ang laman ko, paulit-ulit akong nakaramdam ng panlalaban sa tungkulin ko, pabasta-basta kong pinangasiwaan ang tungkulin ko, ginambala at ginulo ang gawain ng iglesia, at paulit-ulit na sumalangsang.

Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Ang bawat taong nasa hustong gulang ay kailangang magpasan ng mga responsabilidad ng isang taong nasa hustong gulang, gaano mang kagipitan ang harapin niya, gaya ng mga paghihirap, karamdaman, at maging ng iba’t ibang suliranin—ito ay mga bagay na dapat danasin at pasanin ng lahat ng tao. Ang mga ito ay bahagi ng buhay ng isang normal na tao. Kung hindi mo kayang magdala ng bigat ng pagkagipit o magtiis ng pagdurusa, nangangahulungan iyon na masyado kang marupok at walang silbi. Ang sinumang nabubuhay ay kailangang pasanin ang pagdurusang ito, at walang sinuman ang makaiiwas dito. Sa lipunan man o sa sambahayan ng Diyos, pare-pareho lang para sa lahat. Ito ang responsabilidad na dapat mong pasanin, ang mabigat na dalahing dapat ay buhat-buhat ng isang taong nasa hustong gulang, ang bagay na dapat niyang isabalikat, at hindi mo ito dapat iwasan. … Sa isang aspekto, kailangan mong matutunang pasanin ang mga responsabilidad at obligasyon na dapat taglayin at isagawa ng mga taong nasa hustong gulang. Sa isa pang aspekto, dapat mong matutunang mamuhay nang nakakasundo ang iba sa iyong kapaligirang pinamumuhayan at pinagtatrabahuhan nang may normal na pagkatao. Huwag mong basta na lang gawin ang gusto mo. Ano ang layunin ng mamuhay nang nakakasundo ang iba? Ito ay para mas mabuting matapos ang gawain at mas mabuting matupad ang mga obligasyon at responsabilidad na dapat mong tapusin at tuparin bilang isang taong nasa hustong gulang, ang mabawasan ang mga kawalang idinudulot ng mga problemang kinakaharap mo sa iyong gawain, at ang labis na mapabuti ang mga resulta at mapabilis ang iyong gawain. Ito ang dapat mong matamo. Kung nagtataglay ka ng normal na pagkatao, dapat mo itong makamit kapag gumagawa ka sa gitna ng iba pang mga tao. Pagdating naman sa kagipitan sa trabaho, nanggagaling man ito sa Itaas o sa sambahayan ng Diyos, o kung kagipitan ito na iniaatang sa iyo ng iyong mga kapatid, isa itong bagay na dapat mong pasanin. Hindi mo maaaring sabihin na, ‘Sobra-sobra itong kagipitang ito, kaya hindi ko ito gagawin. Naghahanap lang ako ng kalibangan, kadalian, kaligayahan, at kaginhawahan sa paggawa ng aking tungkulin at paggawa sa sambahayan ng Diyos.’ Hindi ito uubra; hindi ito isang kaisipan na dapat taglayin ng isang normal na taong nasa hustong gulang, at ang sambahayan ng Diyos ay hindi isang lugar para magpakasasa ka sa kaginhawahan. Ang bawat tao ay nagpapasan ng kaunting kagipitan at pakikipagsapalaran sa kanyang buhay at gawain. Sa anumang trabaho, lalo na sa paggampan ng iyong tungkulin sa sambahayan ng Diyos, dapat mong pagsikapang makakuha ng pinakamagagandang resulta. Sa mas mataas na antas, ito ang itinuturo at hinihingi ng Diyos. Sa mas mababang antas, ito ang saloobin, pananaw, pamantayan, at prinsipyo na dapat taglayin ng bawat tao sa kanyang asal at mga kilos(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Sinasabi ng Diyos na bilang isa na nasa hustong gulang, dapat pasanin ng isang tao ang mga responsabilidad at obligasyon ng isang nasa hustong gulang, at ito man ay mga paghihirap sa buhay o sa tungkulin niya, ang presyur ang isang bagay na dapat harapin at tiisin ng isang nasa hustong gulang, hindi isang bagay na dapat takasan o iwasan. Sa sambahayan ng Diyos, ang mga taos-pusong gumagawa ng tungkulin nila ay may puso para mapalugod ang Diyos kapag nahaharap sa presyur o paghihirap sa gawain na humihinging magdusa ang laman nila. Kaya nilang magdasal sa Diyos, hanapin ang katotohanan, at maghimagsik laban sa laman nila; taimtim at praktikal sila sa tungkulin nila, at pinagsisikapan nilang makamit ang pinakamagagandang resulta. May pagpapahalaga sa responsabilidad at umaayon sa mga layunin ng Diyos ang gayong mga tao. Pero namumuhay ako sa pamamagitan ng tamad, walang ambisyon, at masasamang kaisipan. Hindi ko nagawang tiisin ang anumang paghihirap, at nasa landas ako para maging wala talagang halaga. Sa totoo lang, wala akong silbi at ni hindi ako nararapat na tawagin na tao. Sa katunayan, mabuting bagay ang pagdurusa sa laman at pagtitiis ng kaunting presyur, dahil nauudyukan ako nitong higit na magsikap sa pagninilay-nilay sa katotohanan, na kapaki-pakinabang sa buhay paglago ko. Bagamat marami akong pagkukulang at hindi ko pa rin malutas ang ilang komplikadong isyu, hindi ko dapat iwasan ang mga bagay na ito kundi dapat akong maging responsableng tao, magdasal nang higit pa at umasa sa Diyos nang higit pa, hanapin ang katotohanan kasama ng mga katuwang ko para lutasin ang mga isyu, at gawin ang lahat ng makakaya ko. Dahil sa pagkaunawa ko sa mga hinihingi at inaasam ng Diyos sa mga nasa hustong gulang, medyo nagbago ang pag-iisip ko, at umasa akong maging isang responsableng nasa hustong gulang. Kalaunan, noong nagpadala ng mga liham ang mga nakatataas na lider para subaybayan ang iba’t ibang gampanin, hindi na ako nakaramdam ng panlalaban o pagkairita, at natutukoy ko na responsabilidad ko ang mga bagay na ito, at naging handa akong gawin ang abot ng makakaya ko para isakatuparan ang pangunahin kong gawain.

Makalipas ang ilang panahon, naging mas abala ang gawain, at noong mahigpit na sinubaybayan ng mga nakatataas na lider ang gawain, nakaramdam pa rin ako ng presyur, pero napagtanto ko rin na ang pangangasiwa ng mga lider ay para suportahan ako sa paggawa ko ng tungkulin ko nang maayos, at na ang pangangasiwang ito ay maaaring magbabala at magpaalala sa akin para higit pang magsikap sa tungkulin ko, pinipigilan akong magbigay-layaw sa pisikal na kaginhawahan at magpakatamad sa tungkulin ko, at inuudyukan akong pagbutihin ang pagiging episyente ko sa tungkulin ko. Nakilahok din ako sa gawain na pinangangasiwaan ng mga katuwang ko, at nagbahaginan kami at magkakasamang naghanap ng mga solusyon. Minsan, kapag nakakakita ako ng mga tambak na problema na kailangan ng detalyadong pagbabahaginan para malutas, nagbubunyag pa rin ako ng mga emosyon ng panlulumo at pagkairita, pero agad akong nakapaghihimagsik laban sa maling kalagayan ko, pinagsasabihan ko ang sarili ko sa pagsasabing, “Nasa hustong gulang na ako, at dapat akong magkaroon ng pagpapahalaga sa responsabilidad at sa pagtitiyaga ng isang nasa hustong gulang, magtiis ng presyur, at sumulong.” Nagdasal din ako sa Diyos, hinihingi sa Kanyang panatilihin ang puso ko na nakatuon sa tungkulin ko at sa paggawa ng wastong gawain. Pagkatapos, ayon sa mga prinsipyo, uunahin ko at lulutasin ang mga problema nang isa-isa. Para sa mga isyung hindi ko pa dinanas dati, pinag-aaralan ko ang mga nauugnay na propesyonal na materyal, sinasangkapan ko ang sarili ko ng mga katotohanang prinsipyo, at nagdarasal ako habang pinagninilayan kung ano mismo ang mga ugat ng mga problema. Sa ganitong paraan, unti-unting nalulutas ang mga problema. Noong makita ko na hindi maganda ang kalagayan ng mga kapatid ko at naaapektuhan ang mga tungkulin nila, hinanap ko kaagad ang mga salita ng Diyos para magbahagi sa kanila ng mga solusyon. Bagamat nangangailangan ito ng kaunti pang pagsisikap at pagdurusa, nakaramdam ako ng labis na kasiyahan. Dahil madalas akong nakikipag-ugnayan sa mga kapatid tungkol sa iba’t ibang problema sa gawain, at pinagninilayan ko ang mga nauugnay na katotohanan at prinsipyo, patuloy na bumuti ang kalagayan ko, at humusay ang espirituwal na pagkilatis ko. Nakita ko rin nang mas tumpak ang mga problema kaysa sa dati, at unti-unti, naarok ko ang ilang prinsipyo at landas. Naranasan ko nang personal ang katotohanan ng sinasabi ng Diyos: “Kung isa kang taong may paninindigan, kung kaya mong ituring na mga mithiin at layunin ng iyong paghahangad ang mga responsabilidad at obligasyong dapat pasanin ng mga tao, ang mga bagay na kailangan makamit ng mga taong may normal na pagkatao, at ang mga bagay na dapat maisakatuparan ng mga taong nasa hustong gulang bilang ang mga pakay at layon mo sa paghahangad, at kung kaya mong pasanin ang iyong mga responsabilidad, anumang halaga ang iyong ibayad at anumang pasakit ang iyong tiisin ay hindi ka magrereklamo, at hangga’t nakikilala mo na ito ay mga hinihingi at layunin ng Diyos, magagawa mong tiisin ang anumang pagdurusa at tuparin ang iyong tungkulin. Sa panahong iyon, magiging iba ang kalagayan ng iyong pag-iisip; sa puso mo, makadarama ka ng kapayapaan at katatagan, at makararanas ka ng kasiyahan. Kita mo, kung magagawa ng mga tao nang normal ang kanilang mga tungkulin, mapapasan ang atas ng Diyos, at matatahak ang tamang landas sa buhay, sa loob ng puso nila, nakakaramdam sila ng kapayapaan at kagalakan, at nakakaranas ng katatagan at kasiyahan. Kung higit pa nilang mahahangad ang katotohanan at maaabot ang punto kung saan kumikilos sila nang ayon sa mga prinsipyo at ginagampanan nila nang maayos ang kanilang mga tungkulin, sumailalim na sila sa ilang pagbabago(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (5)). Noong isinapuso ko ang paglutas sa mga isyu sa tungkulin ko, natututo nang nakatuon kung saan ako kulang, at ginagawa ang makakaya ko para tuparin ang mga responsabilidad ko, hindi na nakaramdam ng pasakit ang puso ko kundi mas napanatag pa. Mas bihira na akong makaramdam ng mga emosyon ng panlulumo, at kahit na lumilitaw ang mga ito nang paminsan-minsan, hindi na ako naaapektuhan ng mga ito. Hindi ko namamalayan, nagsimula na akong tumuon sa mga wastong bagay, at nagkamit ako ng pagpapahalaga sa pasanin sa mga tungkulin ko. Nangyari ang lahat ng pagbabagong ito sa akin dahil sa mga salita ng Diyos. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  36. Ang Paggawa ng Tungkulin nang Maayos Ng Isang Tao ay ang Misyong Ipinagkatiwala ng Diyos

Sumunod:  39. Hindi Ko na Nararamdamang Mababa Ako

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger