39. Hindi Ko na Nararamdamang Mababa Ako

Ni Debra, Amerika

Mula pa noong bata ako, mahiyain na ako at mabagal mag-isip. Sinasabi ng buong pamilya ko na hindi ako matalino, na mabagal ako. Dagdag pa roon, mahina ang mga abilidad ko sa lengguwahe, kaya madali akong kabahan kapag nagsasalita ako sa harap ng maraming tao. Kapag kinabahan na ako, nabablangko na ang utak ko, kaya, madalas akong nananahimik. Kapag nasa paaralan ako at nagtanong ang guro, masiglang sumasagot ang lahat ng kaklase ko, pero hindi ako maglalakas-loob na magboluntaryong sumagot kahit na alam ko ito. Pasibo lang akong maghihintay na tawagin ako ng guro, o tahimik akong sasagot sa isip ko. Ang pamilya at mga kaibigan ko ay nagsabing lahat na mabagal akong mag-isip at hindi mahusay magsalita. Madalas ding ikuwento sa akin ng tatay ko ang isang istorya tungkol sa kung paanong kailangang magsimula nang lumipad ng mababagal na ibon bago pa ang iba para mapunan ang kawalan nila ng abilidad. Sa paglipas ng panahon, nagsimula ko na ring maramdaman na medyo mabagal ako, at naramdaman ko na hindi sapat ang anumang ginawa ko para magpakitang-gilas sa iba. Samakatwid, talagang lumayo ako sa iba. Pagkatapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos, nakita ko kung gaano kabait ang mga kapatid ko, at naramdaman ko na parang pamilya ko na sila. Nagsalita rin ako at nagkuwento sa mga kapatid ko tungkol sa kalagayan at mga paghihirap ko. Tutulungan at hihikayatin ako ng lahat, at hindi na ako masyadong napipigilan; nakaramdam ng paglaya ang puso ko at puno ito ng kasiyahan. Gayumpaman, nararamdaman ko pa rin na lubos akong napipigilan kapag nagsasalita sa harap ng napakaraming tao. May ilang pagtitipon na marami ang tao, at kapag ako na ang magbabahagi, sobra akong kinakabahan kaya nagsisimula akong manginig. Nagkakagulo-gulo ang kaisipan ko, at nauutal ako sa pagsasalita. Ilang sister ang tumitingin sa akin, at ngumingiti ako na nahihiya. Noong panahong iyon, namumula ang mukha ko sa kahihiyan, at desperado ako na bumuka ang lupa at lamunin ako. Nagsimula akong mag-isip, “Ano kaya ang iniisip sa akin ng mga kapatid ko? Iniisip kaya nila na talagang napakawalang silbi ko? Mukhang kailangan ko nang huwag masyadong magsalita sa hinaharap at hayaan na mas magbahagi ang mga kapatid na may mahusay na kakayahan.” Pagkatapos, sa mga pagtitipon, kapag napakaraming tao, ako ang palaging huling magbabahagi; minsan, hindi talaga ako magbabahagi. Naglalakas-loob lang akong magbahagi gamit ang mga simpleng salita kapag hindi masyadong marami ang tao, o kapag nasa harap ako ng mga kapatid na kilalang-kilala ko. Minsan, nagkamit ako ng ilang resulta sa paggawa ng tungkulin ko, at hiningi sa akin ng superbisor na talakayin ang magagandang daan at pamamaraan para matuto ang lahat mula sa mga iyon at gamitin ang mga iyon bilang sanggunian. Gayumpaman, nang naisip ko ang pagtalakay sa mga bagay-bagay sa harap ng maraming kapatid, talagang natakot ako. Nag-alala ako na kapag dumating na ang oras, kakabahan ako at magsasalita nang malabo—sobrang nakakahiya iyon! Paulit-ulit akong tumanggi sa dahilang wala naman akong anumang mga espesyal na pamamaraan. Kalaunan, nagnilay ako, bakit ako natatakot at umaatras tuwing kailangan kong magsalita sa napakaraming tao?

Minsan, nagbasa ako ng mga salita ng Diyos: “May ilang tao na mabagal mag-isip, hindi mahusay magsalita, at simple ang hitsura simula noong bata sila, kaya ang ibang kapamilya nila at ibang tao sa lipunan ay nagsasabi ng ilang negatibong komento tungkol sa kanila. Halimbawa, sinasabi ng mga tao: ‘Ang batang ito ay mapurol ang isip, mabagal ang reaksiyon niya sa mga bagay-bagay, at nakakaasiwa siyang magsalita. Tingnan mo ang anak ng taong iyon, talagang nabibilog niya ang ulo ng mga tao sa matatamis niyang salita. Pero kapag ang batang ito ay nakakatagpo ng mga tao, hindi niya alam kung ano ang sasabihin o kung paano pasasayahin ang mga tao, at kapag may nagagawa siyang mali, hindi niya alam kung paano ipaliwanag o pangatwiranan ang kanyang sarili. Hangal ang batang ito.’ Sinasabi ito ng kanilang mga magulang, at sinasabi rin ito ng kanilang mga kamag-anak, kaibigan, at guro. Ang kapaligirang ito ay di-halatang nagdudulot ng presyur sa gayong mga indibidwal, nagsasanhing magkaroon sila ng partikular na uri ng kaisipan nang hindi namamalayan. Anong uri ng kaisipan? Pakiramdam nila ay hindi sila kaakit-akit at walang may gusto sa hitsura nila, at na hindi sila nakakakuha ng matataas na grado sa pag-aaral nila at na mabagal ang reaksiyon nila; palagi silang nahihiya na ibuka ang kanilang bibig at magsalita kapag nakikita nila ang iba, at masyado silang nahihiyang magsalita ng pasalamat kapag binibigyan sila ng mga tao ng mga bagay. Iniisip nila, ‘Bakit ba labis akong nakakaasiwang magsalita? Bakit napakamatatas ng ibang tao? Hangal lang talaga ako!’ Hindi namamalayan, iniisip nila na labis silang walang halaga pero hindi pa rin nila matanggap na ganoon sila ka-walang kuwenta, na ganoon sila kahangal. Sa puso nila, madalas nilang itinatanong sa kanilang sarili, ‘Ganoon ba talaga ako kahangal? Ganoon ba talaga ako ka-hindi kanais-nais?’ Hindi sila gusto ng kanilang mga magulang, pati na rin ng kanilang mga kapatid, kanilang mga guro o mga kaklase. At paminsan-minsan, sinasabi ng kanilang mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan na ‘Pandak siya, maliit ang mga mata at ilong niya, at kung ganyan ang hitsura niya, wala siyang masyadong mararating paglaki niya.’ Sa ganitong uri ng kapaligiran, sa una ay nakakaramdam sila ng paglaban sa puso nila at pagkatapos ay unti-unti nilang tinatanggap at kinikilala ang sarili nilang mga pagkukulang at kahinaan, pero kasabay nito ay lumilitaw ang isang negatibong emosyon sa kaibuturan ng kanilang puso. Ano ang tawag sa emosyong ito? Pagiging mas mababa. Ang mga taong nakakaramdam ng pagiging mas mababa ay nakikita lang ang sarili nilang mga pagkukulang at hindi ang kanilang mga kalakasan; palagi nilang nararamdaman na hindi sila kaakit-akit at kagusto-gusto, na ang isip nila ay hindi matalas at na mabagal ang mga reaksiyon nila, at na hindi nila kayang basahin ang mga tao. Sa madaling salita, nararamdaman nila na ganap silang walang sapat na kakayahan. Ang kaisipang ito ng pagiging mas mababa ay dahan-dahang nangingibabaw sa loob ng puso mo, at ito ay nagiging isang emosyon na hindi maiwaksi na gumagapos sa puso mo. Pagkatapos mong lumaki at pumunta sa lipunan, o nagpakasal at nagtatag na ng iyong propesyon, anuman ang iyong pagkakakilanlan at katayuan sa lipunan, ang emosyong ito ng pagiging mas mababa na naitanim sa pagpapalaki sa iyo simula noong bata ka ay nakakaapekto at kumokontrol pa rin sa iyo, ipinadarama sa iyo na mas masahol ka kaysa sa ibang mga tao sa bawat aspekto(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Labis na nauugnay sa kalagayan ko ang mga salita ng Diyos. Magmula pa noong bata ako, tinatawag akong utal at mabagal mag-isip ng mga taong nasa palibot ko; madalas ding sabihin ng pamilya ko, “Tingnan mo kung gaano katalino ang ate mo. Pero sa lagay mo, hindi ka kailanman aakma sa kung saan …” Unti-unti, lalo kong naramdaman na para bang hindi ako masyadong marunong kaysa sa iba, at nagkaroon ako ng inferiority complex. Mula nang bata pa ako hanggang sa pagtanda, hindi ko kailanman naisip na mayroon akong anumang mga kalakasan: Mahihina ang abilidad ko sa pagpapahayag, at mahina rin ang sikolohikal na tibay ko, kaya kinakabahan ako kapag nagsasalita sa harap ng maraming tao, at higit pa roon, hindi ako mabilis mag-isip, kaya hindi ako madalas magsalita at hindi ako nakikilahok sa maraming bagay. Pagkatapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos, palagi akong natatakot na hahamakin ako ng mga kapatid ko dahil wala akong mahusay na abilidad na ipahayag ang sarili ko, at sinusubukan kong magsalita nang kaunti hangga’t maaari para umiwas na mapahiya. Napakapasibo ko kapag nagbabahagi sa oras ng mga pagtitipon, tumatanggi akong talakayin kung ano ang nakamit ko mula sa paggawa ng tungkulin ko, at pinipili kong palaging umatras. Dahil apektado ako ng mga damdamin ng pagiging mababa, nawalan ako ng maraming pagkakataon na makamit ang katotohanan, at ni hindi ko magawa ang mga tungkulin na kaya kong gawin. Naramdaman kong kaawa-awa ang buhay ko, kaya ginusto kong hanapin ang katotohanan para lutasin ang problemang ito.

Isang araw, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Puno ang puso mo ng ganitong emosyon ng pagiging mas mababa at matagal nang umiiral ang emosyong ito, hindi ito isang pansamantalang lagay ng loob. Sa halip, mahigpit nitong kinokontrol ang iyong mga kaisipan mula sa kaibuturan ng iyong kaluluwa, mahigpit nitong tinatakpan ang bibig mo, kaya gaano man katama ang pagkaunawa mo sa mga bagay-bagay, o anuman ang mga pananaw at opinyon mo sa mga tao, pangyayari at bagay, naglalakas-loob ka lang na pag-isipan ang iba’t ibang anggulo nito sa puso mo, hindi ka kailanman naglalakas-loob na magsalita nang malakas para marinig ng iba. Sang-ayunan man ng iba ang sinasabi mo, o itatama, o pupunahin ka, hindi ka maglalakas-loob na harapin o makita ang gayong kalalabasan. Bakit ganito? Ito ay dahil ang emosyon mo ng pagiging mas mababa ay nasa loob mo, nagsasabi sa iyo na, ‘Huwag mong gawin iyan, hindi mo iyan kaya. Wala kang ganyang kakayahan, wala kang ganyang realidad, hindi mo dapat gawin iyan, sadyang hindi ka ganyan. Huwag kang gumawa o mag-isip ng kahit ano ngayon. Magiging totoo ka lang sa sarili mo kung mamumuhay ka sa pagiging mas mababa. Hindi ka kwalipikadong hangarin ang katotohanan o buksan ang puso mo at sabihin ang nais mo at makipag-ugnayan sa iba gaya ng ginagawa ng ibang tao. At iyon ay dahil hindi ka mahusay, hindi ka kasinghusay nila.’ Ang ganitong emosyon ng pagiging mas mababa ang umaakay sa pag-iisip ng mga tao; pinipigilan sila nitong isakatuparan ang mga obligasyon na dapat gampanan ng isang normal na tao at ipamuhay ang buhay ng normal na pagkatao na dapat nilang ipinamumuhay, samantalang itinuturo rin nito ang mga pamamaraan, direksiyon at mga layon ng kung paano nila itinuturing ang mga tao at bagay-bagay, paano sila umaasal at kumikilos. … Nakikita natin mula sa mga partikular na pagpapamalas at pagbubunyag na ito na sa sandaling ang isang negatibong emosyon na ito—ang pakiramdam ng pagiging mas mababa—ay magsimulang umepekto at mag-ugat sa kaibuturan ng puso ng mga tao, kung gayon, maliban sa kung hahangarin nila ang katotohanan, magiging napakahirap para sa kanila na pawiin ito at makawala sa pagpipigil nito, at mapipigilan sila nito sa lahat ng kanilang gagawin. Bagama’t hindi nasisiguro na isang tiwaling disposisyon ang pakiramdam na ito, nagdulot na ito ng malubhang negatibong epekto; malubha nitong pinipinsala ang kanilang pagkatao at may malaking negatibong epekto ito sa iba’t ibang emosyon at sa pananalita at mga kilos ng kanilang normal na pagkatao, kasama ang mga napakalulubhang kahihinatnan. Ang maliit na impluwensiya nito ay makakaapekto sa kanilang katangian, mga kagustuhan at ambisyon; ang malaking impluwensiya nito ay makakaapekto sa kanilang mga layon at direksiyon sa buhay. Sa mga sanhi ng pakiramdam na ito ng pagiging mas mababa, sa proseso nito at sa mga kahihinatnan na idinudulot nito sa isang tao, sa alinmang aspekto mo ito titingnan, hindi ba’t isa itong bagay na dapat bitiwan ng mga tao? (Oo.)” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Noong ikompara ko ang sarili ko sa mga salita ng Diyos, napagtanto ko ang pinsala ng pamumuhay sa mga damdamin ng pagiging mababa. Hindi isang simpleng emosyon ang damdamin ng pagiging mababa, kundi direkta nitong naaapektuhan ang sariling asal at mga kilos mo; ginagapos at tinatali ka nito. Simula noong bata pa ako, sinasabi ng lahat ng nakapaligid sa akin na mabagal akong mag-isip at hindi mahusay magsalita; madalas ding ikuwento ng tatay ko ang istorya tungkol sa kung paanong ang mababagal na ibon ay kailangan nang magsimulang lumipad bago pa ang iba para mapunan ang kawalan nila ng abilidad. Unti-unti, naisip ko na likas akong mabagal kaysa sa iba, kaya, madalas akong nananahimik, at ni hindi ako nangangahas na magkusang gawin ang mga bagay na kaya ko. Positibong bagay dapat ang pagtitipon ng mga kapatid para pagbahaginan ang pagkaarok at pagkaunawa nila sa mga salita ng Diyos, pero palagi kong nararamdaman na hindi ako magaling magsalita, at natatakot ako na kung hindi ako magsasalita nang maayos, hahamakin ako ng mga kapatid ko, kaya hindi ako nangangahas na magsalita at magbahagi kaagad. Minsan, hindi nga ako nangangahas na magbahagi kapag may kaunti akong kaliwanagan at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos. Sa katunayan, kapag nagkamit ka ng ilang resulta sa paggawa ng tungkulin mo, dahil ito sa kaliwanagan at pamumuno ng Banal na Espiritu, at dapat mong sabihin ang tungkol sa mga ito para mas maraming kapatid ang makinabang dito. Gayumpaman, naapektuhan ako ng mga damdamin ng pagiging mababa at nag-alala na kung kabahan ako at hindi makapagsalita nang maayos, mapapahiya ako; sa halip, pinili kong tumakas, nawalan ako ng pagkakataong magsagawa. Ginapos ako ng mga damdamin ng pagiging mababa, dahilan para maramdaman ko na napipigilan ako sa lahat ng ginagawa o sinasabi ko; hindi ko magawang maagap na boluntaryong akuin ang mga pasanin, at hindi ako umusad sa buhay pagpasok ko. Noong nakita ko ang pinsala ng pamumuhay sa ilalim ng mga damdamin ng pagiging mababa, nagdasal ako sa Diyos, “Mahal kong Diyos, mula pagkabata ko hanggang sa pagtanda ko, palagi akong nagagapos ng mga damdamin ng pagiging mababa. Pagkatapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos, napipigilan pa rin ako ng mga ito at hindi ko magawa ang sarili kong tungkulin. Ayaw kong patuloy na mamuhay sa mga damdamin ng pagiging mababa; gusto kong baguhin ang mga bagay-bagay. Nawa ay tulungan Mo akong iwaksi ang mga gapos ng mga negatibong emosyon.”

Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kaya, paano mo tumpak na masusuri at makikilala ang iyong sarili, at paano ka makalalaya sa emosyon ng pagiging mas mababa? Dapat mong gamitin ang mga salita ng Diyos bilang batayan sa pagkamit ng pagkilala sa iyong sarili, pag-alam sa kung ano ang iyong pagkatao, kakayahan, at talento, at kung anong mga kalakasan ang mayroon ka. Halimbawa, ipagpalagay na dati kang mahilig at magaling kumanta, pero palagi kang pinupuna at minamaliit ng ilang tao, sinasabing hindi ka makasabay sa tugtog at na wala ka sa tono, kaya ngayon ay nadarama mo na hindi ka magaling kumanta at hindi ka na naglalakas-loob na gawin ito sa harap ng ibang tao. Dahil mali kang sinuri at hinusgahan ng mga taong iyon na makamundo, ng mga taong magulo ang isip at ordinaryo, nalimitahan ang mga karapatan na nararapat sa iyong pagkatao, at napigilan ang iyong talento. Bilang resulta, ni hindi ka na naglalakas-loob kumanta ng isang awitin, at matapang ka lang na nakakakanta nang malakas at malaya kapag nag-iisa ka. Dahil karaniwan ay nararamdaman mo na masyado kang napipigilan, kapag hindi ka nag-iisa, hindi ka nangangahas na kumanta ng awitin; nangangahas ka lang na kumanta kapag mag-isa ka, tinatamasa ang oras na nagagawa mong kumanta nang malakas at malinaw, at sobrang kaaya-aya at malaya ang pakiramdam mo sa oras na iyon! Hindi ba’t totoo iyon? Dahil sa pinsalang nagawa sa iyo ng mga tao, hindi mo alam at hindi mo malinaw na nakikita kung ano ba talaga ang kaya mong gawin, kung saan ka magaling, at kung saan ka hindi magaling. Sa ganitong sitwasyon, kailangan mong gumawa ng tamang pagsusuri at sukatin nang tama ang iyong sarili batay sa mga salita ng Diyos. Dapat mong pagtibayin kung ano ang natutunan mo at kung saan nakasalalay ang mga kalakasan mo, at humayo ka at gawin mo ang anumang kaya mo; para naman sa mga bagay na hindi mo kayang gawin, ang iyong mga kakulangan at kapintasan, dapat mong pagnilayan at kilalanin ang mga ito, at dapat din na tumpak mong suriin at alamin kung ano ang kakayahan mo, at kung mahusay o mahina ba ito. Kung hindi mo maunawaan o malinaw na makilala ang sarili mong mga problema, kung gayon, hilingin mo sa mga tao sa paligid mo na may pagkaunawa na kilatasin ka. Tumpak man o hindi ang sasabihin nila, kahit papaano ay mabibigyan ka nito ng pagbabatayan at mabibigyan ka nito ng kakayahan na magkaroon ng batayang pagsusuri o paglalarawan sa iyong sarili. Pagkatapos, malulutas mo na ang esensiyal na problema ng negatibong emosyon ng pagiging mas mababa, at unti-unti kang makakaahon mula rito. Ang emosyon ng pagiging mas mababa ay madaling lutasin kung makakakilatis at, mamumulat dito ang isang tao, at kung mahahanap niya ang katotohanan(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (1)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakakita ako ng isang landas ng pagsasagawa. Dapat kong timbangin at suriin ang sarili ako ayon sa mga salita ng Diyos, at hindi maapektuhan ng mga hindi tumpak na pagsusuri ng iba o hayaan silang impluwensiyahan ang sarili kong pananaw sa sarili at paghusga. Naisip ko kung paano sinabi ng Diyos na maaari kong tanungin ang mga kapatid na kilalang-kilala ko tungkol sa ebalwasyon nila sa akin, at pagkatapos ay timbangin nang obhetibo ang sarili ko nang ayon sa mga salita ng Diyos. Samakatwid, tinanong ko ang ilang sister na kilalang-kilala ako. Sinabi nila, “Sa katunayan, hindi ka walang silbi gaya ng sinasabi mo. Karaniwan, mayroon kang sarili mong pagkaarok sa mga prinsipyo na nauugnay sa mga tungkulin mo, at kaya mong talakayin ang ilang pagkaunawa mo sa mga salita ng Diyos. Minsan, kaya mo ring tulungan ang mga kapatid mo. Dapat mong ituring nang tama ang sarili mo.” Nang marinig ko ang ebalwasyon sa akin ng mga sister ko, napagtanto ko na hindi ako kasinghina ng gaya ng inaakala ko. Hindi ako maaaring patuloy na mamuhay sa maling ebalwasyon sa akin ng mga tao at husgahan ng negatibo ang sarili ko. Sa katunayan, hindi totoong wala talaga akong anumang mga kalakasan; bagamat medyo may pagkamahiyain ang personalidad ko at hindi ko masyadong maipahayag ang sarili ko kaysa sa iba, madalas, nagagawa kong ipaliwanag nang malinaw ang ilang bagay, kaya kong makakita ng ilang mabubuting landas ng pagsasagawa sa pagganap sa tungkulin ko, at kaya kong gumanap ng ilang papel. Dapat kong tratuhin nang makatwiran ang mga kakulangan ko. Pagkatapos, kapag may mga negatibo na naman akong kaisipan tungkol sa sarili ko, iisipin ko, “Itinalaga ng Diyos ang mga abilidad sa lengguwahe ng isang tao. Hindi ko maaaring maramdaman na parang mababa ako sa iba dahil sa mga kakulangan ko sa bagay na ito at humantong sa pagiging palaging napipigilan. Dapat kong itakda ang tamang mentalidad at tratuhin ito nang wasto, na sinusubukang gawin ang mga bagay sa abot ng makakaya ko ang mga bagay na kaya kong gawin nang maayos.”

Minsan, sinabi ko sa isang sister ang tungkol sa kalagayan ko. Sinabi niya na ang pangunahing problema ko ay masyado akong nagpapahalaga sa pride, at masyado akong nababahala sa kung ano ang iniisip sa akin ng ibang tao. Naghanap ako ng mga mababasang salita ng Diyos na nauugnay sa paglutas sa ganitong uri ng kalagayan. Sabi ng mga salita ng Diyos: “Kapag madalas sinasabi sa inyo ng mga nakatatanda sa pamilya na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,’ ito ay para bigyan mo ng halaga ang pagpapaganda ng iyong imahe, mamuhay nang kagalang-galang na buhay, at hindi gumawa ng mga bagay na sumisira ng iyong puri. Kaya, ginagabayan ba ng kasabihang ito ang mga tao sa positibo o negatibong paraan? Magagawa ba nitong akayin ka tungo sa katotohanan? Magagawa ba nitong akayin ka na maunawaan ang katotohanan? (Hindi, hindi nito magagawa.) Tiyak na hindi! Ang hinihingi ng Diyos mula sa mga tao ay na maging matapat sila. Kapag ikaw ay sumalangsang, o nakagawa ng mali, o nakagawa ng isang bagay na naghihimagsik laban sa Diyos at lumalabag sa katotohanan, kailangan mong pagnilayan ang sarili mo, alamin ang pagkakamali mo, at himayin ang iyong mga tiwaling disposisyon; tanging sa ganitong paraan mo makakamit ang tunay na pagsisisi, at pagkatapos nito ay kikilos ka nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Anong uri ng pag-iisip ang dapat taglayin ng mga tao para maisagawa ang pagiging matapat? Mayroon bang anumang salungatan sa pagitan ng hinihinging pag-iisip at ng pananaw na inihahalimbawa ng kasabihang, ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’? (Mayroon.) Ano ang salungatan? Ang kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ ay naglalayong bigyang-halaga ng mga tao ang pagsasabuhay ng kanilang maliwanag at makulay na pagkatao at ang paggawa ng mas maraming bagay na nagpapaganda ng imahe nila—sa halip na gumawa ng mga bagay na masama o walang dangal, o maglantad ng kanilang pangit na pagkatao—at pigilan silang mamuhay ng isang buhay na hindi kagalang-galang o marangal. Alang-alang sa pagpapahalaga sa sarili ng isang tao, alang-alang sa pagpapakintab ng kanyang imahe, hindi maaaring sabihin ng isang tao na siya ay lubos na walang halaga, lalong hindi niya masasabi sa iba ang tungkol sa madilim niyang pagkatao at mga kahiya-hiyang aspekto, dahil dapat mamuhay ang isang tao ng isang kagalang-galang at marangal na buhay, at upang magkaroon ng dignidad, kailangan niya ng pagpapahalaga sa sarili, at upang magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili, kailangan niyang magkunwari at magpanggap. Hindi ba’t sumasalungat ito sa pagiging isang matapat na tao? (Oo.) Kapag ikaw ay nagiging isang matapat na tao, nabitiwan mo na ang kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ Kung nais mong maging isang matapat na tao, huwag mong bigyang-importansiya ang iyong imahe; ang imahe ng isang tao ay walang kabuluhan. Sa harap ng katotohanan, dapat ilantad ng isang tao ang sarili, hindi magkunwari o magpakitang-taoe. Dapat ihayag ng isang tao sa Diyos ang tunay niyang mga kaisipan, ang mga pagkakamaling nagawa niya, ang mga aspektong lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at iba pa, at ilantad din ang mga bagay na ito sa mga kapatid. Hindi ito isang usapin ng pamumuhay alang-alang sa pagpapahalaga sa sarili, sa halip, ito ay isang usapin ng pamumuhay para sa pagiging isang matapat na tao, pamumuhay para sa paghahangad sa katotohanan, pamumuhay para maging isang tunay na nilikha, at pamumuhay para bigyang-kasiyahan ang Diyos, at para maligtas. Ngunit kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanang ito, at hindi mo nauunawaan ang layunin ng Diyos, ang mga bagay na ikinokondisyon sa iyo ng iyong pamilya ay may tendensiyang mangibabaw sa puso mo. Kaya, kapag may nagagawa kang mali, pinagtatakpan mo ito at nagpapanggap ka, iniisip na, ‘Hindi ko puwedeng sabihin sa kahit sino ang tungkol dito, at hindi ko rin papayagan ang sinumang nakakaalam ng tungkol dito na magsabi sa mga tao tungkol dito. Kung sinuman sa inyo ang may pagsasabihan, hindi ko kayo basta-bastang palalampasin. Ang pagpapahalaga ko sa sarili ang pangunahing priyoridad. Walang kabuluhan ang mabuhay maliban sa pagpapahalaga sa sarili, na mas mahalaga kaysa anupaman. Kung walang pagpapahalaga sa sarili ang isang tao, mawawalan siya ng dignidad. Kaya hindi ka maaaring magsalita nang makatotohanan, kailangan mong magpanggap, kailangan mong pagtakpan ang mga bagay-bagay, kung hindi, hindi ka na magkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili o dignidad, at mawawalan ng saysay ang buhay mo. Kung walang rumerespeto sa iyo, wala kang kuwenta, isa ka lang basura kung gayon.’ Posible bang maabot ang pagiging isang matapat na tao sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan? Posible bang maging ganap na bukas at himayin ang iyong sarili? (Hindi.) Malinaw na sa paggawa nito, sumusunod ka sa kasabihang ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito’ na ikinondisyon ng iyong pamilya sa iyo. Gayumpaman, kung bibitiwan mo ang kasabihang ito para mahangad ang katotohanan at maisagawa ang katotohanan, hindi ka na maaapektuhan nito, at hindi mo na ito magiging salawikain o prinsipyo sa paggawa ng mga bagay-bagay, at sa halip, ang gagawin mo ay ang mismong kabaligtaran ng kasabihang ito na ‘Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito.’ Hindi ka na mamumuhay alang-alang sa iyong pagpapahalaga sa sarili, o para sa iyong dignidad, kundi sa halip, mamumuhay ka para sa paghahangad sa katotohanan, at pagiging isang matapat na tao, at paghahangad na mabigyang-kasiyahan ang Diyos at mamuhay bilang isang tunay na nilikha. Kung susundin mo ang prinsipyong ito, mabibitiwan mo na ang mga epekto ng pagkokondisyon ng iyong pamilya sa iyo(Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (12)). Nang ikompara ko ang sarili ko sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko kung bakit hindi ako kailanman nangahas na magsalita, o na ipahayag ang sariling opinyon ko. Ang pangunahing isyu ay dahil naapektuhan ako ng mga satanikong lason gaya ng “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito” at “Iniiwan ng tao ang kanyang pangalan saanman siya maglagi, tulad ng pagputak ng gansa saanman ito lumipad.” Itinuring ko na mas mahalaga ang sarili kong pride kaysa sa anumang bagay, at inakala ko na kung mapapahiya ang isang tao, mawawala rin ang dignidad niya. Mabagal akong mag-isip at hindi mahusay ang mga abilidad ko sa lengguwahe, kaya, naramdaman ko na wala akong silbi: naramdaman ko na napakababa ko. Madali akong kabahan kapag nagsasalita ako sa harap ng napakaraming tao, natatakot ako na kung hindi ko maipahayag nang maayos ang sarili ko, hahamakin ako ng mga kapatid ko, kaya pinili ko na manahimik. Kapag may magaganda akong daan at pamamaraan sa paggawa ng tungkulin ko, kailangan kong sabihin ang mga ito sa mga kapatid ko, hindi lang para tulungan ang mga kapatid ko, kundi para mapabuti ang mga resulta nila at ang pagiging episyente nila sa paggawa ng mga tungkulin nila. Gayumpaman, para maingatan ang kahihiyan ko, tumanggi ako at palaging nagdadahilan; napagtanto ko na masyado akong nagpahalaga sa pride ko at palaging isinaalang-alang ang sarili ko. Masyado akong makasarili at ubod ng sama! Ang layunin ng Diyos ay para maging matapat ang mga tao at matuto kung paano magtapat tungkol sa sarili nila, na inilalahad pa nga ang sariling mga pagkukulang at kahinaan nila; hindi nila dapat na patuloy na pagtakpan ang mga bagay-bagay at hindi sila dapat magbalatkayo. Nang naunawaan ko ang layunin at hinihingi ng Diyos, nagdasal ako sa Diyos, “Mahal kong Diyos. Ayaw kong palaging magapos at mapigilan ng pride ko. Gusto kong iwan ang mga negatibong emosyon ko ng pagiging mababa. Nawa ay akayin Mo ako para maisagawa ko ang katotohanan.”

Minsan, dahil nagkamit ako ng ilang resulta sa paggawa ng tungkulin ko, noong ibinubuod namin ang gawain, hiningi ng superbisor na talakayin ko ang tungkol dito. Nang naisip ko ang tungkol sa pagbabahagi sa ganoong karaming tao, medyo natakot ako. Tatanggi na sana ako, nang bigla kong napagtanto na ang mga kapaligirang nangyayari sa akin araw-araw ay pawang dumarating nang may pahintulot ng Diyos. Pagbibigay ito ng Diyos sa akin ng isang pagkakataon para isagawa ang katotohanan, at dapat ko itong harapin. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kung tutulutan mo ang iyong mga depekto at kapintasan na umiral kasama mo, hayaan mo ang mga ito na umiral, o at kahit na makita ng iba ang iyong mga depekto, maaari pa ngang maging kapaki-pakinabang ito sa iyo, at maging isang proteksiyon din, na pipigil sa iyo na maging mayabang at palalo. Siyempre, para sa maraming tao ay kailangan nila ng lakas ng loob para ibunyag ang sarili nilang mga depekto at kapintasan. Sinasabi ng ilang tao, ‘Ibinubunyag ng lahat ng tao ang sarili nilang mga kalakasan at merito. Sino ba ang sadyang magbubunyag ng sarili nilang mga kahinaan at depekto?’ Hindi sa sadya mong ibinubunyag ang mga ito, kundi ay tinutulutan mo ang mga ito na mabunyag. Halimbawa, kung mahiyain ka at madalas kang kinakabahan kapag nagsasalita kapag maraming tao ang nasa paligid, maaari kang magkusa na sabihin sa iba, ‘madali akong kabahan kapag nagsasalita; hinihiling ko lang sa lahat ng maging maunawain at huwag akong hanapan ng kapintasan.’ Nagkukusa kang ibunyag ang iyong mga depekto at kapintasan sa lahat ng tao, para sila ay maging maunawain at mapagparaya sa iyo, at para makilala ka ng lahat. Kapag mas nakikilala ka ng lahat, mas napapanatag ang iyong puso, at mas nababawasan ang pagpipigil sa iyo ng mga depekto at kapintasan mo. Ang totoo, magiging kapaki-pakinabang at makakatulong ito sa iyo. Ang palaging pagtatakip sa iyong mga depekto at kapintasan ay nagpapatunay na ayaw mong umiral kasama ang mga ito. Kung tutulutan mo ang mga ito na umiral kasama mo, kailangan mong ibunyag ang mga ito; huwag mahiya o panghinaan ng loob, at huwag madama na mas mababa ka kaysa sa iba, o isipin na wala kang silbi at walang pag-asang maligtas. Hangga’t kaya mong magsikap na matamo ang katotohanan, at kaya mong gawin ang iyong tungkulin nang buong puso mo, nang buong lakas mo, at nang buong isip mo nang ayon sa mga prinsipyo, at sinsero ang puso mo, at hindi ka nagiging pabasta-basta sa Diyos, may pag-asa kang maligtas(Ang Salita, Vol. VII. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (3)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kung may ilang pagkukulang at problema ang isang tao, hindi siya kinokondena ng Diyos, at hindi ibig sabihin na mas mababa sa iba ang taong ito. Umaasa ang Diyos na kaya nating ituring nang tama ang sarili nating mga kakulangan, at hayaang umiral ang mga ito sa atin. Kung pagtatakpan natin ang mga kakulangan natin dahil takot tayong hamakin ng iba, pagbabalatkayo at panlalansi ito, at palagi tayong mapipigilan, hindi natin magagawang lubos na magamit ang kakayahan natin kahit sa mga bagay na kaya nating gawin. Natural ang pagkamahiyain ko, at madali akong kabahan kapag marami akong kasamang tao; mahina rin ang abilidad ko na ipahayag ang sarili ko. Itinalaga ito ng Diyos. Hindi ko dapat palaging iniisip kung paano huwag kabahan kapag nagsasalita ako o kung ano ang gagawin ko sa mahinang abilidad ko ng paghahayag sa sarili ko. Dapat kong harapin ang Diyos at isagawa ang pagiging isang matapat na tao, na sinasabi kung paano ako eksaktong gumawa at kung ano ang karanasan ko. Basta’t sinusubukan kong gawin ito nang maayos sa abot ng makakaya ko, sapat na iyon. Tahimik akong nagdasal sa Diyos, “Mahal kong Diyos, ayaw kong isaalang-alang ang pride ko. Gusto ko lang ituring ang talakayang ito bilang isang pagkakataon para isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao. Nawa ay akayin Mo ako!” Samakatwid, sinabi ko sa lahat ang mga karanasan ko sa loob ng panahong ito at ang mga pakinabang na nakamit ko sa paggawa ng tungkulin ko. Bagamat kinakabahan ako paminsan-minsan at hindi ganoon kaayos magsalita, hindi ako napigilan nito, at nakaramdam ng paglaya ang puso ko. Pinagnilayan at naunawaan ko ang sarili ko dahil sa mga salita ng Diyos, at unti-unti kong naiwaksi ang mga tali at pagpipigil ng damdamin ng pagiging mas mababa para magawa ko ang tungkulin ko nang may maagap at positibong saloobin. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  37. Paano Ko Napagtagumpayan Ang Mga Mapanlumong Emosyon Ko

Sumunod:  40. Pamamaalam sa Mapapait na Taon ng Paghahabol sa Pera, Kasikatan, at Pakinabang

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger