40. Pamamaalam sa Mapapait na Taon ng Paghahabol sa Pera, Kasikatan, at Pakinabang

Ni Xu Fei, Tsina

Isinilang ako sa isang ordinaryong pamilya mula sa probinsya, at ang kondisyon ng aming pamumuhay ay talagang karaniwan lamang. Isang guro ang kapitbahay ko, at maraming henerasyon nang mayaman ang pamilya niya at lubos silang iginagalang. Talagang naiinggit ako. Noong bata pa ako, noodles ang kinakain ng mga kapitbahay namin, samantalang tinapay na mais lang ang kayang kainin ng aking pamilya. Kapag naglalakad ang mga kapitbahay sa kalasada, masigla silang binabati ng mga taga-nayon, pero kaunting pagbati lang na pabasta-basta ang ibinibigay nila sa amin. Nang makita ko kung gaano kaayos at kalinis manamit ang mga anak ng kapitbahay, at pagkatapos ay tiningnan ko ang sarili kong lumang-lumang cotton-padded na jacket, hiyang-hiya akong tumayo kasama sila, pakiramdam ko ay napakababa ko. Naisip ko na, “Kapag lumaki ako, kikita ako ng kaunting pera para bumuti ang kondisyon ng pamumuhay ng aking pamilya, para makapamuhay kami ng magandang buhay, para respetuhin kami ng iba.” Noong ako ay labinlimang taong gulang, nahatulan ang aking ama ng pitong taong pagkakulong dahil sa isyung pampulitika. Dahil walang pera o kapangyarihan ang pamilya namin, pati tiyuhin ko ay inapi kami, at pinasaktan pa niya sa tiyahin ko ang nanay ko dahil lang sa maliliit na bagay. Nang makita ko ito, napuno ang puso ko ng pagkamuhi, at lalo nitong pinatindi ang pagnanais kong kumita ng pera, dahil pakiramdam ko ay tanging sa pagiging mayaman matatapos ang pang-aapi sa amin. Madalas kong naririnig na sinasabi ng mga tao na, “Hindi nakikipaglaban ang mahihirap sa mayayaman, at hindi nakikipagkompetensiya ang mayayaman sa mga opisyal. Kayang durugin ng mayayaman ang mahihirap gamit ang pera, at kayang ipapatay ng isang opisyal ang isang mahirap na tao gamit ang isang salita.” Naisip ko na, “Tanging sa pagkakaroon ng pera magkakaroon ang isang tao ng kapangyarihan at katayuan, at hindi siya mamaliitin o aapihin. Kailangan kong kumita ng pera!” Kalaunan, narinig ko na maaari akong kumita ng pera bilang isang drayber ng taxi, kaya nagpunta ako para kumuha ng lisensya ko sa pagmamaneho. Pagkatapos magmaneho ng taxi ng ilang panahon, naramdaman kong hindi sapat ang kinikita kong pera, kaya nagsimula akong magtrabaho sa sales sa isang kompanya, at nagawa kong kumita ng libo-libong yuan na komisyon sa pamamagitan ng pagsasara ng isang kasunduan. Para kumita ng mas maraming komisyon, ginugol ko ang karamihan sa oras ko sa pagtatawag, at kahit pagod na pagod na ako at nahihilo, hindi ako nagpahinga. Kahit namaos na ang lalamunan ko, hindi ako tumigil para uminom ng tubig. Basta gusto ng kliyente, pupunta ako anumang oras. Minsan umuuwi ako ng hatinggabi, pagod na pagod, pero kapag naiisip ko ang libo-libong yuan na kikitain kong komisyon kapag naisara ang kasunduan, hindi ko na gaanong ramdam ang pagod.

Pagkatapos magpakasal noong 2002, nagbukas kami ng asawa ko ng isang restaurant para mapabuti ang kondisyon ng pamumuhay ng aming pamilya. Noong 2003, sumiklab ang SARS, at matapos ang mahigit isang taong operasyon, hindi kumikita ang restaurant, kaya inilipat namin ito. Hindi ako kontento na mabigo lang nang ganito, kaya nagbukas kami ng isa pang restaurant, pero sa huli, dahil sa iba’t ibang kadahilanan, hindi namin naipagpatuloy ang pagpapatakbo nito. Nasaktan ako at nawalan ng pag-asa, pero hindi ako handang sumuko, kaya sinabi ko sa sarili ko na, “Para sa kapakanan ng buhay ng pamilya ko, at para matigil ang pangmamaliit sa amin ng mga tao, hindi ako puwedeng sumuko nang basta-basta. Kailangan kong magpatuloy sa pagsisikap. Ayaw kong tanggapin na hindi ko kayang kumita ng pera!” Kalaunan, nagbukas kami ng asawa ko ng isa pang restaurant, at araw-araw kaming abalang-abala na hindi na ako nakakatulog bago maghatinggabi. Para makatipid sa isa pang empleyado, naghugas na rin ako ng mga pinggan, naglampaso ng mga sahig, at naglinis kahit buntis na ako sa pangalawang anak ko, at nang isang buwan na ang anak ko, bumalik ako para magtrabaho sa restaurant. Sa paglipas ng panahon, lalo pang naging abala ang restaurant, na may dose-dosenang mesa para sa mga bisita araw-araw, at kailangan kong maging abala sa pag-aasikaso sa mga bisita. Sa tag-araw, madalas sumasakit ang ulo ko dahil sa init, at abalang-abala kami na wala na akong oras para uminom ng tubig. Pagod na pagod ang katawan at isipan ko. Pero nang makita kong kumita kami ng mahigit 10,000 yuan sa isang araw, talagang natuwa ako, at naisip ko na kahit gaano man kahirap o nakakapagod ang mga bagay, magiging sulit naman ang lahat ng ito. Sa pamamagitan ng aming pagsisikap, hindi lang kami nakabili ng sasakyan at bahay, kundi nagawa rin naming makapag-ipon ng kaunting pera. Naisip ko na, “Pagkatapos ng maraming taong ito ng paghihirap, maaari na akong magtaas-noo at mamuhay nang may dignidad.” Kalaunan, nagbukas ang asawa ko ng isang investment company at nagtayo pa ng isang pabrika sa aming bayan. Napakalaki ng aming kinikita na hindi na namin ito mabilang. Sinabi ng anak ko sa akin na, “Nanay, puno ng pera ang likod ng kotse ni Tatay!” Maraming tao ang nagsimulang sumubok na mapalapit sa amin, at palaging may tumutulong sa gawain sa bahay. Maging ang mga opisyal ng gobyerno ay dumalaw para makipag-usap sa amin. Kapag naglalakad ako sa kalsada, binabati ako ng mga tao mula sa malayo, at kapag pinag-uusapan ako ng mga tao, nagbibigay sila ng lubos na pagsang-ayon, at sinasabi rin nila sa mga magulang ko na, “Talagang kahanga-hanga ang anak ninyong babae; sa loob lang ng isang taon ay nakapagpatayo na siya ng tatlong bahay, at dagdag pa rito ang dalawang pabrika, at ang restaurant na itinayo niya sa lungsod! Kahanga-hanga!” Talagang nasiyahan ako nang marinig kong sabihin ito ng mga tao, at naisip ko na, “Napakasayang magkaroon ng pera. Sa wakas ay makakapagdala na ako ng karangalan sa mga magulang ko! Kailangang palaging maghangad ng mas mataas, dahil kapag may pera ka, nagsisimulang mag-iba ang tingin sa iyo ng mga tao. Sabi nga nila, ‘Kapag mahirap ka sa lungsod, walang may pakialam sa iyo, pero kung mayaman ka sa kabundukan, makakahanap ka ng mga kamag-anak na hindi mo alam na mayroon ka!’ Matapos ang mga taong ito ng pagsisikap, sa wakas ay maaari ko nang itaas ang aking noo.”

Masaya akong namuhay nang ganito sa loob ng dalawa o tatlong taon, pero kahit na mayroon kaming pera, ari-arian, at lahat ng kailangan namin, at maayos ang takbo ng restaurant, kompanya, at mga pabrika, palagi akong nakakaramdam ng kahungkagan sa puso ko. Madalas lumabas ang asawa ko kasama ang mga kliyente para kumain, uminom, at magsaya, at madalas ay buong gabi siya sa labas. Lalo siyang naging madalang sa bahay, at hindi na inaalagaan ang mga bata. Bihira na rin kaming magsalo-salo sa pagkain bilang pamilya. Nagkaroon nga kami ng pera, pero nawala naman sa amin ang pakiramdam ng isang tahanan. Nakaramdam ako sa puso ko ng magkakahalong emosyon, at ng malalim na pagkabagabag. Kapag may libreng oras ako, naiinip ako, at wala akong magawa kundi magpalakad-lakad para magpalipas ng oras Hindi nagtagal, bumagsak ang mga investment ng asawa ko, at ikinulong siya dahil sa pagkakasangkot niya sa isang kasong pinansiyal. Hindi na rin makapagpatuloy ng operasyon ang pabrika, at lumabas na winaldas ng namamahala sa kompanya ang sampu-sampung milyong pondo, kaya wala kaming nagawa kundi ibenta ang aming mga sasakyan at ari-arian para mabayaran ang mga utang. Kailangan ding ibenta pati ang restaurant na pinatakbo ko. Pagkatapos ng insidenteng ito sa pamilya namin, lumayo sa amin ang mga kaibigan at kamag-anak, na tinitingnan kami nang malamig at kinukutya. Sa gitna ng aking pagdurusa, nalaman ko na nagtataksil ang asawa ko. Pakiramdam ko ay parang bigla akong tinamaan ng kidlat. Naging mahirap para sa aking tanggapin ang lahat ng pagbabagon ito sa kapalaran namin, at sumigaw ako sa puso ko, “Diyos ko, ito ba ang kapalaran ko?” Labis akong nagdalamhati at nawalan ng pag-asa na ilang gabi akong hindi makatulog, at wala akong mapagsabihan ng sakit sa puso ko.

Hindi ko matanggap na nasira ang lahat ng taon ng pagsusumikap ko, kaya gusto kong humanap ng taong makakasama sa pagbubukas ng isang pabrika. Pero kailanman ay hindi ako nakahanap ng angkop na tao, kaya nangutang ako para bumili ng sasakyan at nagsimula ng negosyong pagta-taxi para kumita ng pera. Dahil sa aking pagiging matipid, tuloy-tuloy na pag-iisip, maling pagkain, at kakulangan sa tulog, tumigas ang mga daluyan ng dugo ko, at nagsimula akong magkaroon ng mataas na kolesterol at altapresyon. Nagkaroon din ako ng mga bukol sa thyroid. Kalaunan, lalo pang lumala ang kalusugan ko. Nagluluha ang mga mata ko kapag nahahanginan, nanlalabo ang paningin ko, at madalas din akong makaramdam ng pananakit ng ulo at paninikip ng dibdib. Kapag matindi na ang sakit ng ulo ko, napipilitan akong magmaneho na ang isang kamay ay nakahawak sa batok at ang isa naman ay nasa manibela. Hindi ko inasahan na pagkalipas ng dalawang taon, mananakaw ng pamangkin ko ang lahat ng perang kinita ko sa pagmamaneho. At sa isang iglap, naglaho ang mga ipon ko na pinagpaguran kong kitain nang maraming taon. Labis akong nasaktan at wala akong magawa. Sa huli, hindi na kinaya ng katawan ko, at kinailangan kong huminto at magpahinga para makabawi ng lakas. Sa aking tahimik na pag-iisa, naisip ko na, “Nagsikap ako nang husto para kumita ng pera sa loob ng maraming taon, pero sa huli, wala akong napala at nauwi ako sa pakakaroon ng katawang puno ng karamdaman. Itinadhana ba na gugulin ko ang buhay ko nang hindi kumikita ng pera?” Sa aking pagdurusa, habang ako ay naghihirap sa bingit ng kawalan ng pag-asa, dumating sa akin ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw.

Noong Marso 2021, isang kaibigan ang nagpatotoo sa akin tungkol sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, sinabi niyang nagkatawang tao muli ang Diyos at nagsagawa ng isang panibagong yugto ng gawain, at na nagpapahayag Siya ng mga salita para hatulan at dalisayin ang mga tao, na sa huli ay maibabalik ang mga tao sa wangis na ayon sa orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, at maibabalik ang buhay ng tao sa kung paano ito sa Hardin ng Eden. Talagang natuwa ako nang marinig ko ito, at pagkatapos ng isang yugto ng imbestigasyon, tinanggap ko ang panibagong gawain ng Diyos: “Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para tustusan ang lahat ng bagay, kapwa buhay at walang buhay, na dinadala ang lahat sa magandang kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay isang katunayan na walang makakaisip o makakaarok, at ang mga katunayang ito na hindi maarok ang siya mismong pagpapamalas, at katibayan, ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayo’y may lihim Akong sasabihin sa iyo: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay di-maarok ng sinumang nilikha. Gayon ito ngayon, tulad noon, at magkakagayon pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na sasabihin Ko ay ito: Ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng nilikha ay ang Diyos; gaano man ang kanilang pagkakaiba sa anyo o kayarian, at ano mang uri ka ng buhay na nilalang, walang nilalang ang maaaring sumalungat sa landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Gayunman, ang nais Ko lang ay maunawaan ito ng tao: Kung walang pangangalaga, proteksyon, at panustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, gaano man katindi ang kanyang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung wala ang panustos ng buhay mula sa Diyos, nawawalan ng pagpapahalaga ang tao sa buhay at ng kahulugan ng buhay. Paano matutulutan ng Diyos na sayangin ng tao ang halaga ng Kanyang buhay, na walang inaalala? At tulad ng nasabi Ko dati: Huwag kalimutan na ang Diyos ang pinagmumulan ng iyong buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig, at naunawaan ko na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay at ang kumokontrol sa kapalaran ng sangkatauhan. Gaano man sila magsikap, hindi matatamo ng mga tao ang mga hindi itinakda ng Diyos para sa kanila. Inakala ko na may kakayahan ang aking mga kamay tulad ng sa iba at kung kayang gawin ng iba, kaya ko rin. Pero pagkatapos ng lahat ng taon ng pagsisikap ko, kahit na kumita ako ng pera, at nagawa kong magkaroon ng mga sasakyan, ari-arian, isang kompanya, at mga yaman, kung kailan nagsisimula pa lang akong magkaroon ng kaunting tagumpay, biglang naglaho ang lahat, at kalaunan, ninakaw ng pamangkin ko ang perang kinita ko sa pagmamaneho ng taxi sa loob ng dalawang taon. Naunawaan ko na sa wakas na hindi mababago ng mga tao ang kanilang kapalaran, at na sa buhay na ito, hindi ko makakamtan ang mga bagay na hindi itinakda para sa akin, kahit gaano man ako magsikap. Nang mapagtanto ko ito, sa wakas ay naging payapa na ang puso ko, at nakaramdam ako ng kapanatagan. Namuhay ako sa matinding pasakit dahil hindi ko kinilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at palagi kong nilalabanan ang aking kapalaran. Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ay itinakda ng Diyos, at na ako ay isang hamak na nilikha lamang at dapat magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos.

Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Sa kalawakan ng mundo, ang mga karagatan ay nagiging mga kaparangan, at ang mga kaparangan ay nagiging mga karagatan, nang napakaraming beses. Maliban sa Kanya na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay sa gitna ng lahat ng bagay, walang sinuman ang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhang ito. Walang sinumang ‘makapangyarihang tao’ ang magpapakapagod o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan ng mundo ng tao. Naghihinagpis ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan, nagdadalamhati Siya sa pagbagsak ng sangkatauhan, at nasasaktan Siya na unti-unting naglalakad ang sangkatauhan patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). “Ang sangkatauhan, na lumayo mula sa panustos ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat, ay hindi nakakaalam kung ano ang layon ng kanilang pag-iral, subalit takot pa rin sa kamatayan. Wala silang tulong o masasandalan, ngunit atubili pa ring ipikit ang kanilang mga mata, at nagpapakatatag sila para mapanatili ang katawan na walang kamalayan ng isang kaluluwa, habang namumuhay sila para lang iraos ang buhay sa mundong ito. Sa ganitong paraan ka namumuhay, walang pag-asa, walang layunin na tulad ng iba. Tanging ang Banal na Isa ng alamat ang magliligtas sa mga tao, na habang nananaghoy sa kanilang pagdurusa, ay lubhang umaasam sa Kanyang pagdating. Ang gayong paniniwala ay matagal nang hindi pa rin nagaganap sa mga yaong walang kamalayan. Gayumpaman, patuloy pa ring inaasam ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan sa lahat ay may habag sa mga taong ito na nagdurusa nang labis; kasabay nito, nakakaramdam Siya ng pagkasuya sa mga taong ito na talagang walang anumang kamalayan, dahil kinailangan Niyang maghintay ng sagot sa napakatagal na panahon mula sa mga tao. Hangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu, at bigyan ka ng tubig at pagkain, upang magising ka at hindi ka na mauhaw o magutom. Kapag pagod ka na at nararamdaman mo ang kapanglawan ng mundong ito, huwag magulumihanan, huwag manangis. Yayakapin ng Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagbantay, ang iyong pagdating anumang oras. Siya ay lagi sa iyong tabi upang bantayan ka, naghihintay sa iyong pagbabalik. Hinihintay Niya ang araw na biglang babalik ang iyong alaala: na matatanto mo na ikaw ay nagmula sa Diyos, at minsan ay nawalan ka ng direksyon, at minsan ay nawalan ka ng malay sa daan at minsan ay nagkaroon ng ‘ama,’ na matatanto mo, bukod pa riyan, na ang Makapangyarihan sa lahat ay laging nagmamasid, naghihintay nang napakatagal na panahon sa iyong pagbabalik. Matagal na Siyang nagmamasid nang may masidhing pananabik, naghihintay ng tugon na hindi dumarating. Ang Kanyang pagmamasid at paghihintay ay hindi matutumbasan, at ang mga ito ay para sa kapakanan ng puso at espiritu ng tao. Marahil ang pagmamasid at paghihintay na ito ay walang tiyak na katapusan, at marahil ang mga ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman kung saan talaga naroroon ang iyong puso at espiritu sa mismong sandaling ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, labis akong naantig at napuno ako ng mainit na damdamin. Napagtanto ko na matagal nang naghihintay ang Diyos sa pagbabalik ko. Sa simula, ang paghahangad lang ng pera ang laman ng isipan, at ang inisip ko lang ay pera, pera, pera! Sa pagitan ng pagbubukas ng aming restaurant at ng pagkabigo ng aming investment company, at kasama na rin ang malalamig na pagtingin ng mga kaibigan at kamag-anak, at ang pagtataksil ng asawa ko, lahat ng bagay na ito ay nagdulot sa akin ng matinding pasakit at kawalan ng pag-asa na umabot sa puntong gusto ko pa ngang mamatay. Pero nang maisip ko ang matatanda at ang mga bata sa bahay, binitiwan ko ang iniisip ko na kitilin ang sarili kong buhay. Kalaunan, nang magmaneho ako ng taxi, madalas na sumasakit ang ulo ko, at kahit umabot na ng 170mmHg ang presyon ng dugo ko, hindi ko magawang huminto at magpahinga. Para makamtan ang kasikatan at pakinabang, at para tumaas ang tingin ng iba sa akin, pinilit kong ipagpatuloy ang pagkita ng pera sa kabila ng karamdaman ko. Naisip ko ang isang kasamahan na nagmamaneho isang araw pero na-stroke at namatay kinabukasan. Pero hindi pa ako nakaranas ng anumang aksidente. Ang lahat ng ito ay ang pag-aaruga at proteksiyon ng Diyos. Nasa pinakamababang punto ako ng aking buhay. Nalugi ang mga negosyo ng pamilya, nagtaksil sa akin ang asawa ko, malamig ang pagtrato sa akin ng aking mga kaibigan at kamag-anak, at maging ang nanay ko ay kasal lang ng kanyang apo ang inaalala at hindi ako pinapansin. Ipinakita sa akin ng lahat ng bagay na ito na pagdating talaga sa usaping ito, pera at mga pakinabang lang ang inaalala ng mga tao, at ang totoo, wala talagang pagmamahal sa pamilya. Sa aking pagdurusa at kawalan ng magawa, dumating sa akin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, at narinig ko ang tinig ng Diyos at bumalik ako sa Kanya. Matapos maranasan ito, nakita ko na tahimik akong binabantayan at pinoprotektahan ng Diyos, at naramdaman ko ang Kanyang tunay na pagmamahal.

Sa unang kalahati ng 2022, ginagampanan ko ang mga tungkulin ko sa iglesia, at aktibo akong nangangaral ng ebanghelyo sa aking mga kaibigan at kamag-anak, dinadala ko sila palapit sa Diyos. Nakaramdam ako ng malalim na kasiyahan sa puso ko. Kalaunan, binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Nangingibabaw ito sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng tahimik na pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? Marahil, ang mga tao ay walang katulad na antas ng kaalamang batay sa karanasan sa kasabihang ito, ngunit ang lahat ay mayroong magkakaibang mga antas ng interpretasyon at pagkilala sa kasabihang ito batay sa mga bagay na nangyari sa kanilang paligid at sa kanilang mga sariling karanasan. Hindi ba’t ganito ang sitwasyon? Gaano man karami ang karanasan ng isang tao sa kasabihang ito, ano ang negatibong epekto na maaaring maidulot nito sa puso ng isang tao? Nabubunyag ang isang bagay sa pamamagitan ng disposisyon ng mga tao sa mundong ito, kasama na ang bawat isa sa inyo. Ano ito? Ito ay pagsamba sa pera. Mahirap bang alisin ito mula sa puso ng isang tao? Napakahirap nito! Tila sadyang napakalalim ng pagtitiwali ni Satanas sa mga tao! Ginagamit ni Satanas ang pera upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa pera at sambahin ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa pera? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang pera, na ang kahit isang araw na walang pera ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming pera ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba’t ang maraming tao ay nawawalan ng kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming pera? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sumusunod sa Diyos para lamang sa pera? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan at pakinabang upang kontrolin ang isipan ng mga tao, idinudulot sa mga tao na wala nang ibang isipin kundi ang dalawang bagay na ito. Nagsusumikap sila para sa kasikatan at pakinabang, nagdaranas ng mga paghihirap para sa kasikatan at pakinabang, nagtitiis ng kahihiyan at nagbubuhat ng mabibigat na pasanin para sa kasikatan at pakinabang, nagsasakripisyo ng lahat ng mayroon sila para sa kasikatan at pakinabang, at gagawa ng kahit anong paghuhusga o pagpapasya para sa kasikatan at pakinabang. Sa ganitong paraan, naglalagay si Satanas ng mga di-nakikitang kadena sa mga tao, at, suot-suot ang mga kadenang ito, wala silang lakas ni tapang na makaalpas. Dala nila ang mga kadenang ito nang hindi nila nalalaman at patuloy silang naglalakad nang may matinding paghihirap. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito, lumilihis ang sangkatauhan mula sa Diyos at ipinagkakanulo Siya at lalo silang nagiging buktot. Sa ganitong paraan, sunud-sunod na nawawasak ang mga henerasyon sa gitna ng kasikatan at pakinabang ni Satanas. Kung titingnan ngayon ang mga kilos ni Satanas, hindi ba lubos na kasuklam-suklam ang masasamang motibo nito? Marahil ay hindi pa rin ninyo malinaw na nakikita ngayon ang masasamang motibo ni Satanas dahil iniisip ninyo na mawawalan ng kabuluhan ang buhay kung walang kasikatan at pakinabang, at iniisip ninyo na kung tatalikuran ng mga tao ang kasikatan at pakinabang, hindi na nila makikita ang daan sa kanilang harapan, hindi na nila makikita ang kanilang mga layon, at magiging madilim, malabo at mapanglaw ang kanilang hinaharap. Ngunit, unti-unti, balang araw ay mauunawaan ninyong lahat na ang kasikatan at pakinabang ay malalaking kadenang inilalagay ni Satanas sa tao. Pagdating ng araw na iyon, lubusan mong lalabanan ang pagkontrol ni Satanas at ang mga kadenang dinadala sa iyo ni Satanas. Pagdating ng oras na nais mong palayain ang sarili mo mula sa lahat ng bagay na ito na ikinintal sa iyo ni Satanas, ganap kang hihiwalay kay Satanas at talagang kamumuhian mo ang lahat ng naidulot ni Satanas sa iyo. Saka ka lamang magkakaroon ng tunay na pagmamahal at pananabik sa Diyos(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Malinaw na ipinaliliwanag ng mga salita ng Diyos ang ugat ng pagdurusa ng tao. Namumuhay ang mga tao sa paghahabol sa pera, kasikatan, at pakinabang. Ito ay mga di-nakikitang tanikala na inilagay ni Satanas sa mga tao, na nag-uudyok sa mga taong maging bulag sa paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang, kahit pa umabot sa punto na isasakripisyo ang lahat, at sa huli, nilalayo nila ang kanilang mga sarili sa Diyos, at ipinagkakanulo Siya. Naimpluwensiyahan ako ng mga lason ni Satanas, namumuhay ako sa mga pananaw na “Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,” “Pera ang nagpapaikot sa mundo,” at “Dapat ay may lakas ang mga tao na ipaglaban ang kanilang dignidad,” at nagkaroon ako ng pera, kasikatan, at nakamit ko ang layon ng aking paghahangad. Mula pagkabata, naniwala ako na kung mayroon lang akong pera, makakamit ko ang lahat, magkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at hahangaan. Para kumita ng malaki at makilala, nagbenta ako ng mga paninda sa kalye, nagmaneho ng taxi, at nagtrabaho sa sales, at pagkatapos kong magpakasal, nagbukas ako ng isang restaurant. Pagkatapos ng bawat kabiguan, tumanggi akong sumuko. Para makatipid sa pagkuha ng isa pang empleyado, nagtrabaho pa nga ako sa restaurant isang araw bago ako manganak. Nang magpatingin ako, sinabi ng doktor na kulang sa oxygen ang anak ko at iminungkahi niyang pumunta ako sa ospital para sa oxygen, pero para makatipid, hindi ako pumunta, na naging dahilan para isilang ang anak ko na may brain hypoxia at kinailangang ilagay sa isang neonatal incubator. Para kumita ng pera, ginugol ko ang mga araw ko sa pagbabanat ng buto mula umaga hanggang gabi. Nagawa kong kumita ng kaunting pera, pero niloko ako ng asawa ko, at sa huli, nagkawatak-watak ang aming pamilya, at nauwi ako sa pagkakaroon ng katawan na puno ng mga karamdaman. Naranasan ko mismo kung paano ginamit ni Satanas ang mga di-nakikitang tanikala ng kasikatan at pakinabang para kontrolin ako, na naging dahilan para hindi ako makawala, at mamuhay ako sa matinding pagdurusa Nakaramdam ako ng matinding takot nang inalala ko ang panahong iyon dahil muntik na akong mamatay sa aking paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang. Kung hindi dahil sa pagkalinga at proteksiyon ng Diyos, hindi ko na alam kung saan ako mamamatay. Sa pagbabalik-tanaw ko rito, pansamantala kong natamo ang paghanga at respeto ng iba sa paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang, pero sa huli, walang saysay ang lahat ng ito. Kung nagpatuloy ako sa landas na ito, magdudulot lang ako ng walang katapusang pasakit sa sarili ko, at tuluyan na akong lalamunin ni Satanas. Medyo natakot ako nang mapagtanto ko ito, at naging handa akong bitawan ang pera, kasikatan, at pakinabang, at sumunod sa Diyos nang wasto.

Kalaunan, nagbasa ako ng mas marami pang salita ng Diyos: “Bilang mga nilikha, dapat gampanan ng mga tao ang tungkulin nila, at saka lamang sila makatatanggap ng pagsang-ayon ng Lumikha. Namumuhay ang mga nilikha sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ito ay ganap na natural at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang paggampan ng mga tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa lupa; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa lupa, tanging ang grupo ng mga taong tunay at taos-pusong gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha ang siyang mga nagpapasakop sa Lumikha. Hindi sumusunod sa mga makamundong kalakaran ang grupong ito; nagpapasakop sila sa pamumuno at pamamatnubay ng Diyos, nakikinig lamang sa mga salita ng Lumikha, tumatanggap sa mga katotohanang ipinapahayag ng Lumikha, at namumuhay ayon sa mga salita ng Lumikha. Ito ang pinakatunay, pinakamatunog na patotoo, at ito ang pinakamagandang patotoo ng pananampalataya sa Diyos. Ang matupad ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap bilang isang kuwento na pupurihin ng lahat ng tao. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng tumutupad sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat na tandaan—ito ay isang positibong bagay(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)). Labis akong nagdusa sa paghahangad ko ng pera, kasikatan, at pakinabang, at namuhay ako sa matinding kahungkagan at pagdurusa, at nagkaroon pa ng malubhang karamdaman, pero ang salita ng Diyos ang nagpaunawa sa akin ng katotohanan at ang nagbukas ng aking mga mata sa mga mapaminsalang layunin ni Satanas na ipahamak ang mga tao. Nakita ko ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos sa mga tao. Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng direksyon, pinigilan akong magpatuloy sa maling landas. Nakita ko na ang mga tao sa paligid ko ay namumuhay rin sa gitna ng pasakit ng paghahagad sa pera, kasikatan, at pakinabang, at nais kong magpatotoo sa pagmamahal ng Diyos at sa Kanyang pagliligtas sa akin para ang mga dumaranas ng kaparehong mga bagay na aking pinagdaanan ay makalaya rin sa kanilang pagdurusa, at magkaroon ng pagkakataong tanggapin ang mga salita ng Diyos at maligtas ng Diyos.

Isang araw, hindi nagtagal, biglang nakipag-ugnayan sa akin ang isang kaibigan na dati kong katrabaho sa isang proyekto at sinabi niya na, “Tipunin mong muli ang iyong mga empleyado at pagtrabahuhin mo na sila! Kumikita na ako ngayon ng 200,000 hanggang 300,000 yuan kada taon. Hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa kompanya, basta gawin mo na lang ang iyong bahagi. Mas mahusay ka sa negosyo kaysa sa akin, kaya tiyak na kikita ka ng maraming pera.” Nang marinig ko ito, medyo nainggit ako at natukso. Kapag nagtatrabaho ako sa mga proyekto dati, kailangang ako mismo ang makipag-ugnayan sa mga kompanya at mag-asikaso ng negosyo, pero ngayon, kailangan ko lang pamunuan ang pangkat ko at kikita na ako ng maraming pera. Hindi ko sinasadyang maisip na, “Malaki ang kinikita nilang pera bawat buwan, kaya kung makikipagtulungan ako sa kanila, dapat ay kumita rin ako ng malaki. Hirap na hirap na akong makaraos at sobra-sobra na ang utang ko ngayon. Alam ng lahat ang sitwasyon ko, kaya kung hindi ko itutuloy ito, kukutyain at aalipustahin ba nila ako nang hindi ko alam?” Pero naisip ko na, “Kung makikipagtulungan ako sa kanila sa mga proyekto, hindi ko na magagawang manampalataya sa Diyos at magagampanan nang maayos ang mga tungkulin ko, at manganganib akong mapalayo sa Diyos.” Nang isipin ko ang masasakit na araw na iyon, ayaw ko nang ulitin ang mga parehong pagkakamali. Nasasaktan at naguguluhan, nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, ayaw kong mapalayo sa Iyo. Paki-gabayan ako.” Pagkatapos magdasal, naisip ko ang mga hirap at ginhawang pinagdaanan ko noon. Nang ako ay lubos na nagdurusa at walang magawa, biniyayaan ako ng Diyos, ginabayan ako na makalapit sa Kanya, at ginamit ang Kanyang mga salita para akayin ako, na naging dahilan para mapagtanto ko na ang buhay ng isang tao, mahirap man o mayaman, ay nasa ilalim lahat ng pagpapasya ng Diyos, hindi alintana kung gaano man kalaki ang taglay niyang kayamanan. Dahil dito, nagkaroon ako ng kaunting pagkaunawa sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos at nakalabas ako mula sa aking pagdurusa. Mapalad ako na nagagampanan ko ang tungkulin ko bilang isang nilikha, at ito ay pagtataas at biyaya ng Diyos sa akin. Kung nagpatuloy ako sa paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang, mabibigo akong masuklian ang pagmamahal ng Diyos at ang Kanyang masisidhing layunin para sa akin. Pagkatapos ng maingat na pag-iisip, tinanggihan ko ang alok ng kaibigan ko. Kalaunan, gaano man nila ako subukang hikayatin, nanindigan ang puso ko. Buo na ang pasya ko na hindi ko na iiwan ang Diyos para muling maghangad ng pera, kasikatan, at pakinabang. Nais kong manampalataya sa Diyos nang wasto, maayos na gampanan ang mga tungkulin ko, at suklian ang pagmamahal ng Diyos. Mula noon, ginagampanan ko na ang mga tungkulin ko sa iglesia. Salamat sa Diyos!

Sinundan:  39. Hindi Ko na Nararamdamang Mababa Ako

Sumunod:  41. Ang Paghahanap ng Landas para Malutas ang Aking Mapagmataas na Disposisyon

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger