49. Mga Pagninilay Matapos Mapungusan
Noong 2023, nahalal ako bilang isang lider pandistrito. Naramdaman kong may malaking responsabilidad ko. Nagpupunta ako sa iba’t ibang iglesia araw-araw, maagap na tinutugunan ang anumang isyung makita ko. Pagkaraan ng ilang panahon, nagbunga ng kaunting resulta ang gawain ng pag-aalis ng iglesia, at nagsimula ring magkaroon ng pag-usad ang iba pang mga gampanin. Medyo naging kampante ako, iniisip na nakagawa ako ng kaunting aktuwal na gawain. Kalaunan, nang sinubaybayan ng nakatataas na lider na si Sister Chenxi, ang gawain, tinukoy niya na mabagal ang pag-usad ng gawain ng halalan, na hindi pa natatapos ang paghahalal ng mga lider at diyakono, nahahadlangan ang gawain sa iglesia, at hindi rin umuusad ang gawain ng ebanghelyo. Nang marinig kong sinabi ito ni Chenxi, bagama’t medyo nahiya ako, tunay naman talaga ang mga isyung ito, at hindi ko mapagkakaila ang mga ito. Kaya sinimulan kong subaybayan ang mga gampaning ito. Pagkatapos ng kaunting pagsisikap, parehong nagkaroon ng kaunting pag-usad ang gawain ng halalan at ang gawain ng ebanghelyo, at naisip ko, “Simula nang tinukoy ni Chenxi ang mga isyung ito, sinusubaybayan ko na ang gawain, naiharap na ang mga lider at diyakono, at napahusay ang gawain ng ebanghelyo kumpara noong nakaraang buwan. Sa pagkakataong ito, siguradong hindi na niya babanggitin na mayroon akong anumang problema.”
Kalaunan, nang muling nagtanong si Chenxi tungkol sa pag-usad ng gawain sa halalan, ibinahagi ko sa kanya ang nalalaman ko tungkol sa sitwasyon, pero sa gulat ko, sinabi niya, “Ngayong naiharap na ang mga lider at diyakono, nakolekta na ba nang maayos ang kanilang mga resume at pagsusuri? Kailan magsisimula ang pormal na halalan?” Nang marinig kong sinabi ito ni Chenxi, bigla akong nabalisa, iniisip na, “Kahit pa sinusubaybayan ko ang gawain ng halalan sa bawat iglesia, hindi ako sigurado kung nakolekta na bang lahat ang mga resume at pagsusuri, o kung kailan mangyayari ang pormal na halalan.” Mabilis kong sinabi, “Kailangan pa itong subaybayan.” Pagkatapos ay tinanong ni Chenxi, “Sa saklaw ng iyong responsabilidad, marami pang lider at diyakono ang kinakailangan at nahahadlangan ang gawain—bakit hindi ka kumikilos nang may higit na pagmamadali tungkol dito? Nariyan din ang gawain ng ebanghelyo. Ilang iglesia ang matagal nang hindi nagkakaroon ng anumang resulta. Alam mo ba kung ano talaga ang problema? Ano ang ginagawa mo para malutas ito? Hindi maganda ang resulta ng gawain ng ebanghelyo sa buong lugar mo ngayon.” Nang marinig ko ito, nakaramdam ako ng paglaban, iniisip na, “Matapos mong tukuyin ang mga paglihis sa aming gawain kamakailan, hindi ba’t kaagad naming sinubaybayan at nilutas ang mga bagay ito? Nagsasakripisyo kami at hindi kami naging tamad. Kailangan din naman ng panahon para maipatupad ang mga gawain, hindi ba? Bukod pa riyan, hindi ba’t may pag-usad na sa gawain ng ebanghelyo at gawain ng halalan kamakailan? Bakit pinupungusan mo pa rin kami? Para bang anuman ang gawin namin, hindi pa rin ito sapat para sa iyo. Hindi ba’t sadya mo lang kaming pinupuntirya at naghahanap ng mga kamaliang mapupuna?” Habang mas iniisip ko ang tungkol dito, mas lalo akong nakaramdam ng panlalaban, at sa inis, sinabi kong, “Malinaw na wala akong mga kapabilidad sa gawain at na hindi nagbubunga ng magagandang resulta ang tungkulin ko. Mas mabuti pang tanggalin na lang ako!” Nang makita akong ganoon, sinabi ni Chenxi na hindi ko tinatanggap ang katotohanan, at na kapag may mga problema sa gawain, hindi ko hinahanap ang katotohanan para itama ang mga paglihis, kundi sa halip ay nakararamdam ng paglaban at pagtutol. Pero anuman ang sabihin niya, ayaw ko nang makinig, at yumuko na lang ako, pakiramdam ko ay labis akong naagrabyado. Naisip ko, “Talagang nagsisikap ako nang husto nitong mga nakaraang araw. Hindi ba’t sinusubaybayan ko nga nitong mga panahong ito ang gawain? Hindi ba’t paggawa ito ng aktuwal na gawain? Sa tingin mo ay hindi pa rin ito sapat, at sinasabi mo pa nga na hindi ko tinatanggap ang katotohanan, kaya kung kailangan akong tanggalin, gawin mo na lang ito, at tanggalin ako! Masyadong mataas ang mga hinihingi ng tungkulin ng isang lider, at malinaw na hindi ko matutugunan ang mga ito!” Pagkatapos ng insidenteng ito, talagang sumama ang loob ko. Habang nagpapakalma ako para pagnilayan ang aking sarili, napagtanto ko na ang pagtukoy ni Chenxi sa mga problema ko ay hindi para pahirapin ang mga bagay-bagay para sa akin, ni hindi rin para gawin akong katatawanan, kundi dahil iniisip niya ang tungkol sa gawain ng iglesia Bakit hindi ko iyon matanggap? Pumunta ako sa harapan ng Diyos at nanalangin, “O Makapangyarihang Diyos, tinukoy ng sister ang mga isyu sa tungkulin ko ngayon at talagang nahihirapan akong tanggapin ito. Gusto ko palaging makipagtalo at pangatwiranan ang sarili ko, at pakiramdam ko ay palagi akong naaagrabyado. O Diyos, pakiusap bigyang-liwanag at gabayan mo ako para maunawaan ko ang aking sarili.”
Sa aking paghahanap, nakita ko na inilalantad ng Diyos ang mga pag-uugali ng mga anticristo na hindi tumatanggap sa katotohanan, at iniugnay ang mga ito sa aking sarili. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kapag ang isang anticristo ay pinupungusan, ang unang ginagawa niya ay labanan at tanggihan ito sa kaibuturan ng kanyang puso. Nilalabanan niya iyon. At bakit ganoon? Ito ay dahil ang mga anticristo, sa kanilang kalikasang diwa, ay tutol at namumuhi sa katotohanan, at hindi talaga nila tinatanggap ang katotohanan. Natural, ang diwa at disposisyon ng isang anticristo ay humahadlang sa kanya na aminin ang sarili niyang mga pagkakamali o aminin ang sarili niyang tiwaling disposisyon. Batay sa dalawang katunayang ito, ang saloobin ng isang anticristo kapag pinupungusan ay ang tanggihan at salungatin ito, nang ganap at lubusan. Kinasusuklaman at nilalabanan niya iyon sa kaibuturan ng kanyang puso, at wala siya ni katiting na bahid ng pagtanggap o pagpapasakop, lalo na ng anumang tunay na pagninilay o pagsisisi. Kapag ang isang anticristo ay pinupungusan, sinuman ang gumagawa niyon, tungkol saan man iyon, gaano man katindi ang dahilan kaya siya ang sinisisi sa bagay na iyon, gaano man kalantad ang pagkakamali niya, gaano kalaki ang kasamaang nagawa niya, o ano ang ibinubunga ng kanyang kasamaan para sa gawain ng iglesia—hindi isinasaalang-alang ng anticristo ang alinman dito. Para sa isang anticristo, pinupuntirya siya ng nagpupungos sa kanya, o hinahanapan siya ng mali para pahirapan siya. Maaari pa ngang isipin ng anticristo na inaapi siya at ipinapahiya, na hindi siya itinatrato bilang tao, at na hinahamak siya at kinukutya. Matapos pungusan ang isang anticristo, hindi niya pinagninilayan kailanman kung ano talaga ang nagawa niyang mali, anong uri ng tiwaling disposisyon ang naipakita niya, at kung hinanap niya ba ang mga prinsipyo kung saan siya dapat tumalima, kung kumilos ba siya alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, o tinupad ang kanyang mga responsabilidad hinggil sa usapin kung saan siya pinupungusan. Hindi niya sinusuri o pinagninilayan ang alinman dito, ni hindi niya isinasaalang-alang at pinag-iisipan ang mga isyung ito. Sa halip, tinatrato niya ang pagpupungos ayon sa sarili niyang kagustuhan at nang may pagkamainitin ng ulo. Sa tuwing pinupungusan ang isang anticristo, mapupuspos siya ng galit, pagsuway, at sama ng loob, at hindi makikinig sa payo ng sinuman. Hindi niya tinatanggap ang mapungusan, at hindi niya nagagawang bumalik sa harap ng Diyos para kilalanin at pagnilayan ang kanyang sarili, para itama ang kanyang mga kilos na labag sa mga prinsipyo, tulad ng pagiging pabasta-basta o panggugulo sa kanyang tungkulin, ni hindi niya ginagamit ang pagkakataong ito para lutasin ang kanyang sariling tiwaling disposisyon. Sa halip, naghahanap siya ng mga dahilan para ipagtanggol ang kanyang sarili, para mapawalang-sala ang sarili niya, at magsasabi pa nga siya ng mga bagay na nagpapasimula ng alitan at nag-uudyok sa iba. Sa madaling salita, kapag pinupungusan ang mga anticristo, ang mga espesipiko nilang pagpapamalas ay pagsuway, pagkadismaya, paglaban, at pagsalungat, at nagkakaroon ng ilang reklamo sa puso nila: ‘Napakalaki ng kabayarang ibinigay ko at napakarami ko nang nagawang trabaho. Kahit na hindi ko sinunod ang mga prinsipyo o hinanap ang katotohanan sa ilang bagay, hindi ko ginawa itong lahat para lang sa sarili ko! Kahit na nakapagdulot pa ako ng ilang pinsala sa gawain ng iglesia, hindi ko sinadyang gawin iyon! Sino ba ang hindi nagkakamali? Hindi ninyo puwedeng sunggaban ang mga pagkakamali ko at walang-tigil akong pungusan nang hindi isinasaalang-alang ang mga kahinaan ko, at nang walang pagmamalasakit sa lagay ng loob ko o sa kumpiyansa ko sa sarili ko. Walang pagmamahal ang sambahayan ng diyos para sa mga tao at sobra itong hindi makatarungan! Bukod pa roon, pinupungusan ninyo ako dahil sa isang napakaliit na pagkakamali—hindi ba’t nangangahulugan itong hindi maganda ang tingin ninyo sa akin at gusto ninyo akong itiwalag?’ Kapag pinupungusan ang mga anticristo, ang unang nasa isip nila ay hindi ang pagnilayan kung ano ang nagawa nilang mali o ang tiwaling disposisyong ibinunyag nila, kundi ang makipagtalo, ipaliwanag at pangatwiranan ang sarili nila, habang bumubuo ng mga haka-haka” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabindalawang Aytem). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kahit gaano pa manggulo at mang-abala ang mga anticristo sa gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi sila nakararamdam ng pagkakonsensiya, at kapag pinupungusan sila, nakararamdam lang sila ng paglaban at pinangangatwiranan ang sarili nila, palaging sinusubukang depensahan ang kaso nila, hindi tinatanggap o inaamin ang mga pagkakamali nila. Itinuturing pa nga nila ang pagpupungos ng mga kapatid bilang pamumuna o pagpapahirap ng mga bagay-bagay para sa kanila. Dulot ito ng kalikasan ng mga anticristo na pagiging tutol at namumuhi sa katotohanan. Sa pagbabalik-tanaw, noong pinupungusan ako, hindi ba’t ang naibunyag ko ay ang disposisyon din ng pagiging tutol sa katotohanan? Tinukoy ng nakatataas na lider na mabagal ang pag-usad ng aming gawain sa halalan, at na naging pasibo at matamlay ako sa pagtupad ng aking mga tungkulin. Tinukoy rin niya na hindi naging epektibo ang kabuuang gawain ng ebanghelyo sa saklaw ng aming responsabilidad. Katunayan ang lahat ng ito. Tinukoy niya ang mga problema sa aming gawain at ginabayan kami para itama ang mga paglihis na ito. Ito ay para protektahan ang gawain ng iglesia. Dapat ay tinanggap ko ito at pinagnilayan ang mga isyu sa aking gawain, at pagkatapos ay kaagad na itinama ang mga ito. Gayumpaman, bukod sa hindi ako nagnilay sa aking sarili, kundi namuhay nang kampante. Nakaramdam ako ng paglaban at inayawan ko ang nakatataas na lider, palaging nakikipagtalo at pinangangatwiran ang sarili ko sa loob-loob ko, iniisip na ang pagtukoy niya sa aking mga isyu ay dahil lang sa ayaw niya sa akin, at na sinasadya lang niya na punahin ang mga pagkakamali ko. Naisip ko pa nga na napakataas ng mga hinihingi ng tungkulin ng pamumuno, kaya naging negatibo at suwail ako, sinabing wala akong mga kapabilidad sa gawain at mas mabuti pang tanggalin na ako sa hindi ko pagtupad sa aking tungkulin. Ang hindi ko pagtupad sa tungkulin, at pagkukunwari pang wala akong kakayahan at pagsuko nito, ay talagang kawalan ng katwiran. Hindi ba’t ang mga ibinunyag ko ay disposisyon mismo ng isang anticristo na pagtutol at pagkamuhi sa katotohanan? Naisip ko ang tungkol sa isang anticristong pinatalsik sa iglesia. Palagi siyang gumagawa nang naaayon sa kanyang sariling kagustuhan, at kapag lumilitaw ang mga problema na nakapipinsala sa gawain ng iglesia, hindi siya nakararamdam ng pagsisisi, ni hindi niya tinatanggap ang pagpupungos, gabay, o tulong ng mga kapatid. Maging pagkatapos niyon, hindi niya itinatama ang sarili niya at patuloy lang na nakikipagtalo at humihiyaw laban sa kanila. Sa huli, itiniwalag siya mula sa iglesia dahil sa marami niyang masamang gawa. Kung magpapatuloy ako sa pagtanggi na tumanggap ng pagpupungos, o ng tamang payo ng mga kapatid, nagdudulot ng seryosong pinsala sa gawain ng iglesia, sa huli, ako ay mabubunyag at matitiwalag din ng Diyos tulad ng isang anticristo! Sa pagkakatanto na ako rin ay may mga pag-uugali ng isang anticristo at disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan, nagsimula akong matakot. Tahimik akong nanalangin sa Diyos, hinihiling sa Kanyang iadya ako mula sa paggawa ng masama at paglaban sa Kanya.
Pagkatapos manalangin, naisip ko, “Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paggawa ng aktuwal na gawain?” Sa aking paghahanap, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Hindi mahalaga kung gaano ka katalentado, kung anong antas ng kakayahan at edukasyon ang taglay mo, kung gaano karaming islogan ang kaya mong isigaw, o kung gaano karaming salita at doktrina ang naaarok mo; hindi alintana kung gaano ka man kaabala o kapagod sa isang araw, o kung gaano kalayo na ang iyong nalakbay, kung ilang iglesia na ang iyong binisita, o kung gaano kalaking panganib ang iyong hinarap at pagdurusang tiniis—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung ginagampanan mo ba ang iyong gawain nang ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, kung tumpak mo bang naipatutupad ang mga pagsasaayos na iyon; kung, sa ilalim ng iyong pamumuno, ay nakikilahok ka ba sa bawat partikular na gawain na iyong responsabilidad, at kung ilang tunay na isyu ang talagang nalutas mo; kung ilang indibidwal ang nakaunawa sa mga katotohanang prinsipyo dahil sa iyong pamumuno at paggabay, at kung gaano umusad at umunlad ang gawain ng iglesia—ang mahalaga ay kung nakamit mo ba o hindi ang mga resultang ito. Anuman ang partikular na gawaing kinabibilangan mo, ang mahalaga ay kung palagi ka bang sumusubaybay at nagdidirekta ng gawain sa halip na umaastang mataas at makapangyarihan at nag-uutos lamang. Bukod dito, ang mahalaga rin ay kung may buhay pagpasok ka ba o wala habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, kung kaya mo bang harapin ang mga usapin nang ayon sa mga prinsipyo, kung may patotoo ka ba ng pagsasagawa sa katotohanan, at kung kaya mo bang pangasiwaan at lutasin ang mga tunay na isyung kinakaharap ng hinirang na mga tao ng Diyos. Ang ganitong mga bagay at iba pang katulad nito ay pawang mga pamantayan sa pagsusuri kung tinutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (9)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na sinusukat ng Diyos kung ang isang lider o manggagawa ba ay gumagawa ng aktuwal na gawain hindi sa pamamagitan ng kung gaano karaming pagdurusa o gaano karaming sakripisyo ang tila tiniis ng isang tao, kundi batay sa kung gaano karaming paghihirap at problema sa gawain ang nalutas niya, kung gaano kaepektibo ang gawain, at kung gaano siya kahusay sa kanyang tungkulin. Pero palagi akong umaasa sa sarili kong mga kuru-kuro at imahinasyon, iniisip na kahit ano pa man ang kalalabasan, kahusayan, o pag-usad, basta’t hindi ako naging tamad, nagpapakaabala araw-araw, at ang mga kinakailangang gawain ay naisasakatuparan sa tamang panahon, gumagawa ako ng aktuwal na gawain. Kaya, nang tinukoy ng nakatataas na lider na hindi ako gumagawa ng aktuwal na gawain, pakiramdam ko ay naagrabyado ako, at ayaw kong tanggapin ito at gusto kong makipagtalo. Sa pagninilay sa sarili ko batay sa mga salita ng Diyos, nakita ko na kahit abala ako araw-araw, hindi ko naman hinahanap ang mga katotohanang prinsipyo para lutasin ang marami sa mga tunay na isyu, lalo na sa halalan ng mga lider at diyakono. Bagama’t nagsulat ako ng mga liham para hikayatin ang mga tao, kadalasan ay nagpapabasta-basta lang ako, sumisigaw lang ng mga islogan at sumusubaybay sa mga bagay-bagay sa isang simpleng paraan. Bihira akong magtanong tungkol sa kung kumusta ang pagpapatupad ng iglesia pagkatapos, kung kumusta ang pag-usad, at kung anong mga paghihirap ang hindi pa nalulutas, na nagdulot sa mabagal na pag-usad sa halalan at napakababang kahusayan sa gawain. Nangyari din ang parehong problema sa pagsusubaybay ko sa gawain ng ebanghelyo. Sa panlabas, mukhang madalas kong sinubaybayan ang gawain, pero kadalasan, pagpapasa lang ito ng impormasyon pataas at pababa. Bihira akong magtanong tungkol sa mga partikular na umiiral na problema, at lalong bihira kong lutasin ang mga ito sa tamang oras, kaya naging hindi mabisa ang gawain. Hindi ito paggawa ng aktuwal na gawain. Sa paggawa ng aking tungkulin nang ganito, nagpapabasta-basta lang ako, sa diwa ay sinusubukang linlangin ang mga tao at dayain ang Diyos. Hinihingi sa atin ng Diyos na gawin natin ang ating mga tungkulin sa paraang nagsasaalang-alang sa Kanyang mga layunin, at na tumuon tayo sa pagiging mahusay at epektibo. Sa paggawa lang nito natin magagawa ang ating mga tungkulin nang pasok sa pamantayan. Paimbabaw ko lang na ipinatupad ang gawain at hindi ako lumutas ng mga tunay na problema, na nagdulot sa kawalan ng tunay na pag-usad o mga resulta sa gawain sa saklaw ng aking mga responsabilidad. Kung magpapatuloy ito, mauuwi lang ako sa pagkabunyag bilang isang huwad na lider at matatanggal. Sa pagkatanto sa mga bagay na ito, kinamuhian ko ang sarili ko, at tahimik na nagpasiya sa sarili ko na, “Kapag ginawa kong muli ang aking tungkulin, kailangan ko ito gawin nang may kasipagan at buong dedikasyon, at dapat akong tumuon sa kahusayan at mga tunay na resulta sa pagsasakatuparan ng gawain, para maisulong ang gawain sa lalong madaling panahon.” Kalaunan, kapag nagpapatupad ng gawain ng ebanghelyo, nakipagbahaginan ako sa mga lider at diyakono tungkol sa layunin ng Diyos sa pagliligtas sa tao gayundin sa kahalagahan ng pangangaral ng ebanghelyo, at inakay ko sila para aktuwal na makilahok sa gawain ng ebanghelyo. Naunawaan ng mga kapatid ang kahalagahan ng pangangaral ng ebanghelyo at aktibong gumawa sa gawain ng ebanghelyo, at kalaunan, nagkaroon ng kaunting pag-usad ang gawain ng ebanghelyo. Sa gawain ng halalan, sinubaybayan ko rin at nilutas ang mga problema sa tamang oras, at makalipas ng ilang panahon, karamihan sa mga lider ng iglesia at diyakono ay nahalal, at ang gawain ng iglesia ay nakapagpatuloy na nang normal.
Kalaunan, nagbasa pa ako ng mga salita ng Diyos: “Pagdating sa pagpupungos, ano ang dapat malaman ng mga tao kahit papaano? Dapat maranasan ang pagkakapungos para magampanan ang tungkulin ng isang tao sa paraang pasok sa pamantayan—hindi puwedeng wala ito. Isa itong bagay na dapat harapin ng mga tao sa araw-araw at maranasan nang madalas para magtamo ng kaligtasan sa kanilang pananalig sa Diyos. Walang sinuman ang maaaring hindi mapungusan. Ang pagkakapungos ba sa isang tao ay isang bagay na may kinalaman sa kanyang mga kinabukasan at kapalaran? (Hindi.) Para saan ba ang pagpupungos sa isang tao? Ito ba ay para kondenahin siya? (Hindi, ito ay para tulungan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan at magawa ang kanilang tungkulin ayon sa mga prinsipyo.) Tama iyon. Iyon ang pinakatamang pagkaunawa ukol dito. Ang pagpupungos sa isang tao ay isang uri ng disiplina, isang uri ng pagtutuwid, at likas na isa rin itong uri ng pagtulong at pagsagip sa mga tao. Ang pagkakapungos ay nagtutulot sa iyo na mabago mo nang maagap ang maling paghahangad mo. Tinutulutan ka nitong agarang matanto ang mga problemang kasalukuyang mayroon ka, at tinutulutan kang makita nang maagap ang mga tiwaling disposisyong ipinapakita mo. Anu’t anupaman, nakakatulong sa iyo ang pagkakapungos na malaman mo ang iyong mga pagkakamali at magawa mo ang iyong mga tungkulin ayon sa mga prinsipyo, maagap ka nitong pinipigilan na makapagdulot ng mga pagkalihis at na maligaw, at pinipigilan ka nito na makapagdulot ng mga kalamidad. Hindi ba’t ito ang pinakamalaking tulong sa mga tao, ang kanilang pinakamalaking pagsagip? Dapat magawang tratuhin nang tama ng mga may konsensiya at katwiran ang pagkakapungos” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikawalong Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang kahalagahan ng mapungos, at na ang mapungos ay isang mahalagang karanasan para sa isang tao na gawin ang kanilang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan. Kapag napapansin ng mga kapatid ang mga problema o paglihis sa aming mga tungkulin, ang kakayahan nilang matukoy ang aming mga problema at mapungos o malantad kami sa tamang panahon ay nakatutulong sa aming mapagtanto ang mga problema at maitama ang mga ito kaagad. Ito ay pagprotekta sa gawain ng iglesia at pagbibigay ng tunay na tulong sa amin. Naisip ko ang tungkol sa paulit-ulit na pagtukoy ng mga nakatataas na lider sa mga problema sa aming gawain ay hindi para pahirapin ang mga bagay-bagay para sa akin o ipahiya ako, kundi para tulungan akong mapagtanto ang mga puwang at paglihis sa gawain ko, nagbibigay-daan sa akin na magawa ang gawain ng iglesia nang mas mahusay sa hinaharap, at para din tulungan akong makilala ang tiwaling disposisyon ko na pagiging pabasta-basta sa aking tungkulin. Sa sandaling iyon, talagang napagtanto ko na ang pagpupungos ay hindi lang kapaki-pakinabang para sa buhay pagpasok ng mga tao, kundi para tulungan din silang kaagad na itama ang kanilang mga paglihis at problema sa kanilang mga tungkulin, para mapigilan silang gawin ang gusto nila at maiwasang mapinsala ang gawain ng iglesia. Ang mapungos ay pagmamahal at pagliligtas ng Diyos! Kalaunan, nang sinubaybayan ng nakatataas na lider ang aking gawain, patuloy niyang tinukoy ang aking mga isyu, at bagaman minsan, gusto ko pa ring makipagtalo, napagtanto ko na ang pagsubaybay ng lider sa gawain ko ay paggabay niya sa akin, pagtuturo sa akin kung paano pumasok sa mga prinsipyo sa gawain ko, at kaya sa puso ko, hindi ako nakaramdam ng pagiging kasingmapanlaban.
Hindi nagtagal, pinadalhan ako ng nakatataas na lider ng isang liham na sinasabing nagiging pasibo ako sa pagsusubaybay sa gawain ng ebanghelyo, at na ipinagsasawalang-bahala ko ang gawain ng ebanghelyo at ipinapasa ang lahat ng paghihirap sa mga manggagawa ng ebanghelyo. Pagkabasa ng liham, hindi ko mapigilang makipagtalo sa aking puso, “Paano mo nasabing ipinagsasawalang-bahala ko ito? Hindi naging epektibo ang gawain ng ebanghelyo, at naging balisa at nadismaya ako dahil dito. Nagsikap ako para pasiglahin ang gawain ng ebanghelyo nitong mga nakalipas na araw, at nagbigay ako ng pagbabahagi at tulong kaugnay sa mga lumitaw na isyu. Paano mo nasabing hindi ako nakikisali sa gawain ng ebanghelyo?” Sa sandaling iyon, napagtanto kong nagsisimula na naman akong magbunyag ng disposisyon ng pagiging tutol sa katotohanan, at naisip ko, “Siguradong tinukoy ng liham ng pamunuan ang isang problema, kaya kailangan muna akong magkaroon ng pagpapahalaga sa katwiran at magpasakop.” Kaya tahimik akong nanalangin sa aking puso, hinihiling sa Diyos na gabayan ako para magpasakop. Pagkatapos ay naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko noon tungkol sa kung paano pangangasiwaan ang mapungos, at kaya kaagad kong hinanap ito para basahin. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kaya ano ba mismo ang isang mapagpasakop na saloobin? Una, kailangan mong magkaroon ng positibong saloobin: Kapag pinupungusan ka, hindi mo muna sinusuri ang tama at mali—tinatanggap mo lang ito, nang may pusong nagpapasakop. Halimbawa, maaaring may magsabi na may ginawa kang mali. Bagama’t hindi mo nauunawaan sa puso mo, at hindi mo alam kung ano ang ginawa mong mali, gayunman, tinatanggap mo pa rin ito. Ang pagtanggap ay pangunahing isang positibong saloobin. Bukod pa rito, mayroong isang saloobin na bahagyang mas negatibo—ang manatiling tahimik at huwag gumawa ng anumang paglaban. Anong uri ng mga pag-uugali ang kaakibat nito? Hindi ka nangangatwiran, nagtatanggol sa iyong sarili, o gumagawa ng mga obhetibong dahilan para sa sarili mo. Kung palagi kang nagdadahilan at nangangatwiran para sa sarili mo, at ipinapasa ang pananagutan sa ibang tao, paglaban ba iyon? Iyon ay isang disposisyon ng paghihimagsik. Hindi ka dapat tumanggi, lumaban, o mangatwiran. Kahit na may batayan ang pangangatwiran mo, iyon ba ang katotohanan? Isa iyong obhetibong dahilan ng tao, hindi ang katotohanan. Hindi ka tinatanong tungkol sa mga obhetibong dahilan—kung bakit nangyari ang bagay na ito, o kung paano nagkaganito—sa halip, sinasabi sa iyo na ang kalikasan ng kilos na iyon ay hindi naaayon sa katotohanan. Kung mayroon kang kaalaman sa ganitong antas, talagang magagawa mong tumanggap at hindi lumaban. Ang pagkakaroon muna ng mapagpasakop na saloobin kapag nangyayari sa iyo ang mga bagay-bagay ang susi. … Kapag nahaharap sa pagpupungos, anong mga kilos ang bumubuo sa isang tumatanggap at mapagpasakop na saloobin? Kahit papaano, dapat may katinuan ka at nagtataglay ng katwiran. Dapat ka munang magpasakop, at hindi mo dapat labanan o tanggihan ito, at dapat tratuhin mo ito nang may pagkamakatwiran. Sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng pinakabatayan na antas ng katwiran. Kung nais mong matamo ang pagtanggap at pagpapasakop, dapat mong maunawaan ang katotohanan. Hindi simpleng bagay na maunawaan ang katotohanan. Una, dapat mong tanggapin ang mga bagay mula sa Diyos: Sa pinakamaliit na batayan, dapat mong malaman na ang mapungusan ay isang bagay na pinahihintulutan ng Diyos na mangyari sa iyo, o na nagmumula ito sa Diyos. Ganap man na makatwiran o hindi ang pagpupungos, dapat kang magtaglay ng tumatanggap at mapagpasakop na saloobin. Isa itong pagpapamalas ng pagpapasakop sa Diyos, at kasabay nito, ito ay pagtanggap din sa pagsisiyasat ng Diyos. Kung patuloy ka lang na mangangatwiran at magtatanggol ng sarili mo, iniisip na ang pagpupungos ay nagmumula sa tao at hindi sa Diyos, kung gayon ay baluktot ang pagkaarok mo. Una, hindi mo tinanggap ang pagsisiyasat ng Diyos, at pangalawa, wala kang mapagpasakop na saloobin o mapagpasakop na pag-uugali sa sitwasyong inihanda ng Diyos para sa iyo. Ito ay isang taong hindi nagpapasakop sa Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan Para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na kapag pinupungos tayo, hindi natin dapat suriin ang tama at mali o subukang makipagtalo at pangatwiranan ang sarili natin, kundi sa halip ay magsimulang tumanggap at magpasakop. Kahit pa hindi natin nauunawaan, dapat nating harapin ang bagay na ito nang may saloobin ng paghahanap at pagpapasakop. Ito ang pagpapahalaga sa katwiran na mayroon dapat ang isang tao. Ang pagpupungos na ito na kinaharap ko ay pinahintulutan ng Diyos, at dapat ko itong tanggapin mula sa Diyos. Bagaman hindi ko pa alam ang aking mga problema, hindi ko dapat subukang makipagtalo o pangatwiranan ang aking sarili. Sa halip, dapat akong manahimik at maghanap nang may pagpapakumbaba, at magnilay sa mga paglihis at problema sa gawain ko. Ito ang tamang saloobin na dapat mayroon ako kapag humaharap sa pagpupungos. Nang mas pinag-isipan ko pa ito, bagaman karaniwan kong sinusubaybayan ang gawain ng ebanghelyo, hindi ako gumagawa ng maraming detalyadong gampanin. Halimbawa, hindi ko kailanman partikular na tiningnan o nilutas ang mga isyung kinahaharap ng mga manggagawa ng ebanghelyo kapag nangangaral at nagpapatotoo sila sa Diyos. Hindi ba’t ito mismo ang sinasabi ng nakatataas na lider tungkol sa hindi pakikilahok sa mga detalye ng gawain at pagsasawalang-bahala sa gawain ng ebanghelyo? Sa pagkakatanto sa mga bagay na ito, tinanggap ko ang gabay ng lider mula sa aking puso. Sunod, aktuwal kong sinubaybayan ang mga manggagawa ng ebanghelyo, at kapag may nangyayaring mga isyu, kaagad ako humahanap ng mga kaugnay na katotohanan at nakikipagbahaginan ng mga solusyon. Unti-unti, nagsimulang bumuti ang gawain ng ebanghelyo.
Sa pagdanas sa maraming ulit na pagpupungos, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa aking disposisyong anticristo, na tutol sa katotohanan, at napagtanto ko na dahil may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, madalas nilang ginagawa ang mga tungkulin nila nang pabasta-basta, at na kung hindi natin tatanggapin ang pagpupungos at sa halip ay nakararamdam tayo ng paglaban at pagsuway, magdadala lang ito ng matinding pinsala sa gawain. Mismong ang paulit-ulit na pagpupungos na ito na kinaayawan ko ang nagprotekta sa akin, pinahihintulutan akong maiwasan na tumahak sa maling landas ng isang huwad na lider. Ang mapungusan ay talagang kapaki-pakinabang sa pagganap ko ng aking tungkulin!