51. Ang Pagdurusa na Dumarating sa Atin ay Pagmamahal Din ng Diyos

Ni Zhou Hui, Tsina

Noong labimpitong taong gulang ako, pumanaw ang tatay ko dahil sa karamdaman, at hindi nagtagal, nabulag naman ang nanay ko. Para alagaan ang nanay ko, kinailangan kong mag-asawa at magsimula ng isang pamilya. Pagkatapos ng kasal, nakita kong hindi nakaririwasa ang pamilya ng asawa ko. Itinago sa akin ng asawa ko na nagkaroon siya ng maraming utang, at madalas magpunta ang mga tao sa bahay namin para maningil. Dahil dito, madalas akong bumuntung-hininga at umiyak. Puno ako ng sakit at kawalang magawa. Hindi nagtagal, isang kamag-anak ang nangaral sa akin ng ebanghelyo ng Diyos ng mga huling araw. Nakita ko na nagpapahayag ang Diyos ng katotohanan at nagsasakatuparan ng gawain ng pagliligtas sa mga tao. Para bang nakaapuhap ako ng magsasalba sa akin, at tumingin ako sa Diyos at ipinagkatiwala ang lahat ng mga paghihirap ng pamilya ko sa Kanya. Unti-unti, medyo bumuti ang mga bagay-bagay sa bahay, at lihim akong nagpasalamat sa Diyos sa puso ko. Kalaunan, nagkasakit ang aking asawa at pumanaw. Ginastos namin ang lahat ng aming ipon at wala sa mga kaibigan o kamag-anak ang tumulong sa amin. Nalaman ko na hindi maaasahan ang mga tao. Nang naharap ako sa mga paghihirap sa buhay, nanalangin at umasa ako sa Diyos, at nakita ko ang ilan sa mga pagpapala ng Diyos. Mahina at sakitin ang anak ko noong bata pa siya, pero matapos pumanaw ng aking asawa, hindi na siya kasingdalas na magkasakit. Unti-unti na ring bumubuti ang aking neurasthenia. Ang minimum living allowance, na hindi ko makuha dati dahil wala akong perang pambili ng mga regalo para sa mga opisyal, ay naibigay rin. Nakita ko ang awa at proteksiyon ng Diyos, at labis ang pasasalamat ko sa Kanya, at mas nakatiyak pa ako na ang Diyos ang tanging maaasahan natin. Kaya mas ginanahan pa ako sa aking paghahangad. Naisip ko na basta’t ginagawa ko nang maayos ang aking tungkulin, palagi tayong poprotektahan ng Diyos, at na magiging maayos ang lahat nang walang sakuna o kasawian sa aming pamilya. Noong panahong iyon, ginagawa ko ang makakaya ko sa bawat tungkuling isinaayos ng iglesia para sa akin, at kahit pa nangangahulugan ito ng pagsailalim sa mga panganib ng pagdadala ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, hindi ako tumanggi. Madalas kong sabihin sa aking anak na babae ang tungkol sa mga kamangha-manghang gawa at biyaya ng Diyos, at tuwing may oras ako, binabasa ko ang mga salita ng Diyos sa kanya. Kalaunan, nagpasya ang anak ko na isuko ang kanyang pag-aaral at ilaan ang sarili niya sa tungkulin.

Isang araw noong Abril 2020, biglang nagbalik ang aking anak mula sa ibang lugar kung saan niya ginagawa ang kanyang tungkulin at sabi niya ay nakararamdam siya ng kaunting pananakit sa kanyang puso at na kailangan niyang manatili sa bahay at magpahinga ng ilang araw. Hindi ako masyadong nag-isip noong una. Naisip ko, “Mahina na siya noon pa, at minsan ay nagkakaroon siya ng mga palpitasyon kapag medyo pagod siya. Kailangan niya lang magpahinga, at magiging maayos din siya.” Makalipas ng ilang araw, bumuti nang kaunti ang kalusugan ng aking anak, at umalis siya para gawin ang kanyang tungkulin. Pero hindi nagtagal, bumalik muli siya. Sabi niya na paminsan-minsan, kapag umaalis siya para gawin ang kanyang mga tungkulin at kararating lang niya sa tahanang matutuluyan, hindi siya makahinga at kumikibot ang kanyang buong katawan. Dinala ko siya sa ospital para magpatingin, at sinabi ng doktor na mayroon siyang congenital heart disease, at walang espesyal na gamot para sa kondisyong ito, at mapangangasiwaan lang ito sa pamamagitan ng pag-aalaga. Sinabi rin ng doktor na kung hindi siya nakararanas ng madalas nap ag-atake, mananatiling medyo matatag ang kanyang kondisyon, pero kung palagi siyang inaatake, maaaring bumigay kaagad ang kanyang katawan, at kung lumala na talaga ito, kakailangin niyang operahan. Nang marinig kung gaano kaseryoso ang kondisyon ng anak ko, kinabahan ako at napuno ako ng hindi kaaya-ayang pakiramdam. “Paano naging ganoon kaseryoso ang kondisyon ng anak ko? Bakit hindi siya pinrotektahan ng Diyos? Nasa edad 20 pa lang siya! Paano kung patuloy siyang magkakasakit? Hindi ba’t tuluyan nang bibigay ang katawan niya?” Palagi akong balisa, natatakot na baka mas lumala pa ang kondisyon ng aking anak. Madalas aking manalangin sa Diyos, ipinagkakatiwala ang karamdaman ng anak ko sa Kanya. Naisip ko na makapangyarihan sa lahat ang Diyos, at basta’t may pananalig kami sa Kanya at natutuhan namin ang mga aral sa sitwasyong ito, gagaling ang kanyang karamdaman. Isang beses, nang nagpunta kami ng anak ko sa isang pagtitipon, inatake siya pagkadating na pagkadating namin sa tahanang matutuluyan. Nanginginig ang buo niyang katawan, hirap na huminga, at mapulang-mapula ang kanyang mukha. Parang naghahabol siya ng kanyang hininga at na mamamatay na siya. Parang dinudurog ang puso ko na makitang ganito ang anak ko, at nag-umapaw ang mga reklamo sa aking puso, “Isinuko ng aking anak ang kanyang pag-aaral para gawin ang tungkulin niya nang full-time, kaya paano siya nagkaroon ng gayong kalalang karamdaman? Pahihirapan ba ang anak ko ng kondisyong ito buong buhay niya? Paano kung palagi siyang aatakihin ng karamdamang ito at hindi na niya kayaning mabuhay? Kung iiwan ako ng aking anak, paano ako mabubuhay nang mag-isa? Dapat na minamahal at kinahahabagan ng Diyos ang mga tao, kung ganoon, bakit hindi Niya kami pinrotektahan?” Nakaramdam ng pagkakasupil at hinanakit ang puso ko dahil sa mga kaisipang ito, at minsan umiiyak ako nang lihim sa gabi. Nalugmok ako sa pagiging negatibo at mga reklamo, tumigil ako sa pagsasapuso sa aking mga tungkulin, at iniwan ko ang karamihan ng gawain ko sa aking kapareha. Halos hindi ko nga nasusulyapan ang binabasa ko kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, nagpabasta-basta lang ako sa mga panalangin ko, at naging malayo ako sa Diyos. Nakita ako ng anak ko nang ganito at sinabi niya sa akin, “Inay, ang karamdamang ito ay isang bagay na kailangan kong maranasan. Nakikita ko na nalulugmok ka sa pagiging negatibo at mga reklamo, at na nagtayo ka ng hadlang sa pagitan ng puso mo at ng Diyos. Kailangan mong hanapin ang mga salita ng Diyos para malutas ito.” Napagtanto ko rin na mali ang aking kalagayan, kaya nanalangin ako sa Diyos at ipinahayag ang aking mga damdamin, “O Diyos, labis akong nagdurusa ngayon. Nag-aalala ako na hindi bubuti ang kondisyon ng anak ko at na patuloy lang itong lulubha. Ano ang gagawin ko kung hindi makaliligtas dito ang anak? Alam ko na pinahintulutan Mo ang karamdaman ng anak ko, pero hindi ko nauunawaan ang Iyong layunin. Pakiusap gabayan Mo ako para matutuhan ang mga aral at tulungan Mo akong makalabas mula sa sakit na ito.”

Isang umaga, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Maraming tao na madalas magkasakit, at gaano man sila manalangin sa Diyos, hindi pa rin sila gumagaling. Gaano man nila kagustong mawala ang karamdaman nila, hindi nila kaya. Minsan, maaari pa nga silang maharap sa mga agaw-buhay na sitwasyon at napipilitan sila na diretsong harapin ang mga ito. Sa katunayan, kung ang isang tao ay talagang may pananalig sa Diyos sa kanyang puso, una sa lahat, dapat ay alam niyang nasa mga kamay ng Diyos ang haba ng buhay ng isang tao. Ang panahon ng kapanganakan at kamatayan ng isang tao ay paunang inorden ng Diyos. Kapag nagbibigay ng karamdaman ang Diyos sa mga tao, may dahilan sa likod nito—may kabuluhan ito. Ang nararamdaman nila ay karamdaman, ngunit, ang totoo, ang naipagkaloob sa kanila ay biyaya, hindi karamdaman. Una sa lahat, kailangang kilalanin at tiyakin ng mga tao ang katunayang ito, at seryosohin ito. Kapag nagkakasakit ang mga tao, maaari silang lumapit nang madalas sa Diyos, at tiyakin na gawin nila ang nararapat, nang may pagsisinop at pag-iingat, at tratuhin ang kanilang tungkulin nang may higit na pag-iingat at kasipagan kaysa sa iba. Pagdating sa mga tao, ito ay isang proteksyon, hindi mga kadena. Ito ay isang pamamaraan sa pasibong aspekto. Dagdag pa riyan, ang haba ng buhay ng bawat tao ay paunang inorden ng Diyos. Maaaring nakamamatay ang isang karamdaman mula sa pananaw ng medisina, ngunit sa pananaw ng Diyos, kung kailangan mo pang mabuhay at hindi pa ito ang iyong oras, hindi ka mamamatay kahit gusto mo. Kung mayroon kang atas mula sa Diyos, at hindi pa tapos ang iyong misyon, hindi ka mamamatay, kahit na magkaroon ka ng isang karamdaman na nakamamatay—hindi ka pa kukunin ng Diyos. Kahit hindi ka magdasal at maghanap ng katotohanan, at hindi mo ipagamot ang iyong karamdaman, o kahit maantala ang iyong pagpapagamot, hindi ka mamamatay. Totoo ito lalo na sa mga taong may mahalagang atas mula sa Diyos: Kapag hindi pa tapos ang kanilang misyon, anumang karamdaman ang dumapo sa kanila, hindi sila agad mamamatay; mabubuhay sila hanggang sa huling sandali ng pagtatapos ng misyon. May ganito ka bang pananalig?(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, labis akong napanatag, at naging mas payapa ang aking puso. Ang buhay at kamatayan ng isang tao ay lahat pauna nang itinakda ng Diyos. Walang kuwenta ang pag-aalala ko. Kung hindi nakompleto ng anak ko ang kanyang misyon, kahit magkaroon pa siya ng nakamamatay na sakit, hindi siya mamamatay. At kung nakompleto na niya ang kanyang misyon, hindi ko siya mapananatili kung oras na niya. Naisip ko noong nasa mabuting kalusugan ang asawa at ama ko, pero bigla silang nagkasakit at hindi nagtagal ay pumanaw samantalang ang biyenan kong babae ay palaging maysakit, pero nabubuhay pa rin sa edad niyang nasa walumpu. Ang oras ng kamatayan ng isang tao ay walang kaugnayan sa kung maysakit siya. Depende ito sa kataas-taasang kapangyarihan at pagtatakda ng Diyos. Kinailangan kong tingnan ang mga bagay-bagay ayon sa mga salita ng Diyos, hanapin ang katotohanan, at matutuhan ang mga aral mula sa sitwasyong ito.

Kalaunan, sinikap kong unawain kung bakit nahaharap ako sa gayong sitwasyon. Nahanap ko ang “Ang mga Prinsipyo sa Pagdaan sa mga Pagsubok at Pagpipino,” at nakita ang sipi na ito ng mga salita ng Diyos: “Sa kanilang pananampalataya sa Diyos, ang hinahanap ng mga tao ay makakuha ng mga pagpapala para sa hinaharap; ito ang kanilang layon sa kanilang pananampalataya. Lahat ng tao ay may ganitong intensyon at inaasam, subalit ang katiwalian sa kanilang kalikasan ay dapat malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa alinmang aspekto na ang mga tao ay hindi nadalisay at nagbubunyag ng katiwalian, ito ang mga aspekto kung saan dapat silang mapino—ito ang pagsasaayos ng Diyos. Inihahanda ng Diyos ang isang kapaligiran para sa iyo, pinipilit kang maging pino roon nang sa gayon ay malaman mo ang iyong sariling katiwalian. Sa huli, umaabot ka sa punto kung saan gugustuhin mong isuko ang iyong mga plano at mga pagnanais at magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos kahit pa nangangahulugan ito ng pagkamatay. Samakatwid, kung ang mga tao ay hindi sasailalim sa ilang taon ng pagpipino, kung hindi sila magtitiis ng itinakdang dami ng pagdurusa, hindi nila maaalis sa sarili nila ang paglilimita ng katiwalian ng laman sa kanilang mga saloobin at sa kanilang mga puso. Sa alinmang aspekto, ang mga tao ay napipigilan pa rin ng kanilang satanikong kalikasan, at sa alinmang aspekto na mayroon pa rin silang sarili nilang mga ninanais at hinihingi, ito ang mga aspekto kung saan dapat silang magdusa. Sa pagdurusa lamang natututunan ang mga aral, ibig sabihin ay nakakamit ang katotohanan, at nauunawaan ang mga layunin ng Diyos. Sa katunayan, maraming katotohanan ang nauunawaan sa pagdanas ng pagdurusa at pagsubok. Walang nakakaunawa sa mga layunin ng Diyos, walang nakakakilala sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat at sa karunungan ng Diyos, o walang nagpapahalaga sa matuwid na disposisyon ng Diyos kapag nasa isang maginhawa at magaan na kapaligiran o kapag ang mga kaganapan ay kaaya-aya. Iyon ay imposible!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, mas naunawaan ko pa nang kaunti ang layunin ng Diyos. Dahil masyadong maraming dumi sa pananalig ng mga tao, dapat itong mabunyag sa pamamagitan ng mga pagsubok at pagpipino. Sa pagpipino lang maipapakita ng isang tao ang kanyang tunay na tayog, at doon lang niya malalaman ang kanyang katiwalian. Dati, nagawa kong talikuran ang mga bagay-bagay, igugol ang sarili ko, at gawin ang aking tungkulin. Ni hindi ko iniwasan ang mapanganib na tungkulin ng paglilipat ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, at dinala rin ang aking anak sa harap ng Diyos, kaya akala ko ay napakahusay kong ginagawa ang aking paghahangad. Inakala kong makikita ng Diyos ang mga sakripisyo at paggugol ko at tiyak na kahahabagan Niya kami, at babantayan at poprotektahan Niya kami. Pero nang nagkaroon ng sakit sa puso ang anak ko, at patuloy itong umaatake at nanghina siya, hindi ko makita ang pag-aalaga at proteksiyon ng Diyos, at nabunyag ang aking tunay na tayog. Naging negatibo at mapaghinanakit ako. Sinubukan ko pa ngang makipagtalo sa Diyos, binabanggit ang mga dati kong sakripisyo at paggugol, at tumigil ako sa pagsasapuso sa aking tungkulin. Nakita ko na ang pananalig ko sa Diyos ay tungkol lang pala talaga sa kagustuhan kong magkamit ng biyaya at mga pakinabang mula sa Kanya, at na hindi talaga ako isang tao na taos-pusong nananampalataya sa Diyos at naghahangad sa katotohanan. Noon ko lang napagtanto na ang masisidhing layunin ng Diyos ay nasa karamdaman ng anak ko, at na isinaayos ng Diyos ang mga pangyayaring ito para dalisayin at baguhin ang katiwalian at karumihan sa kaibuturan ko. Hindi na ako puwedeng maging negatibo at antagoniko. Kailangan kong bumaling sa mga salita ng Diyos para malutas ang mga maling layunin at pananaw sa aking pananampalataya. Matapos maunawaan ang layunin ng Diyos, medyo nagawa kong makapagpasakop sa Kanya, at nabawasan ang sakit sa aking puso.

Pagkatapos ay nagbasa ako ng dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahangad sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tunay na daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga nananampalataya sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso? Ang mga baboy ay hindi naghahangad ng buhay ng tao, hindi nila hinahangad na maging malinis, at hindi nila nauunawaan kung ano ang buhay. Bawat araw, pagkatapos nilang kumain nang busog, natutulog na sila. Naibigay Ko na sa iyo ang tunay na daan, gayunman ay hindi mo ito nakamtan: Wala kang anuman. Handa ka bang magpatuloy sa ganitong buhay, ang buhay ng isang baboy? Ano pang silbi na mabuhay ang mga gayong tao? Ang iyong buhay ay kasumpa-sumpa at walang-dangal, nabubuhay ka sa gitna ng karumihan at kahalayan, at hindi mo hinahangad ang anumang layon; hindi ba’t ang iyong buhay ang pinakahamak sa lahat? Mayroon ka bang lakas ng loob na humarap sa Diyos? Kung magpapatuloy ka na dumanas sa ganitong paraan, hindi ba’t wala kang matatamo? Ang tunay na daan ay naibigay na sa iyo, ngunit kung makakamit mo ito sa kasukdulan o hindi ay nakasalalay sa iyong pansariling paghahangad(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). “Napupuno ng lakas ang ilang tao sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay maghahatid sa kanila ng mga pagpapala, ngunit nawawala ang lahat ng sigla sa sandaling makita nila na kailangan nilang dumanas ng mga pagpipino. Iyan ba ang paniniwala sa Diyos? Sa huli, kailangan kang ganap at lubos na magpasakop sa harap ng Diyos sa iyong pananampalataya. Naniniwala ka sa Diyos ngunit mayroon ka pa ring mga hinihiling sa Kanya, marami ka pa ring mga relihiyosong kuru-kuro na hindi mo mabitawan, mga personal na interes na hindi mo mapakawalan, at naghahangad ka pa rin ng mga pagpapala ng laman at nais mong sagipin ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa—lahat ng ito ay mga pag-uugali ng mga tao na may maling pananaw. Kahit may pananampalataya sa Diyos ang mga taong may mga relihiyosong paniniwala, hindi sila naghahangad na baguhin ang kanilang disposisyon at hindi sila naghahangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, kundi ang tanging hinahangad nila ay ang mga interes ng kanilang laman. Marami sa inyo ang may pananampalatayang nabibilang sa kategorya ng mga relihiyosong pananalig; hindi iyan tunay na pananampalataya sa Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Ang inilarawan ng Diyos ay ang mismong kalagayan ko. Nanampalataya ako sa Diyos nang wala akong magawa at nasasaktan, at nakita ko ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, kaya itinuring ko ang Diyos bilang Siyang maaasahan ko para tulungan ako at pagaanin ang mga paghihirap ko. Lalo na nang pumanaw ang asawa ko at naiwan akong mag-isa kasama ang anak ko, mas lalo ko pang itinuring ang Diyos bilang huli kong pag-asa. Naniwala ako na basta’t taos-puso akong nananampalataya sa Diyos at ginagawa ang mga tungkulin ko nang maayos, poprotektahan kami ng Diyos at pananatilihin Niya kaming ligtas. Nanampalataya ako sa Diyos nang may mga ganitong kuru-kuro, kaya nang binantayan at pinrotektahan kami ng Diyos at hindi kami nagdusa ng mga kamalasan, naging handa akong talikuran at igugol ang sarili ko, at ginanahan ako sa paggawa ng aking tungkulin. Nang nakita kong lumalala ang karamdaman ng anak ko at hindi siya pinagagaling ng Diyos, pinanghinaan ako ng loob at nadismaya, at nagbago kaagad ang aking saloobin. Lumabas ang pagiging negatibo at mga reklamo ko, at binanggit ko pa ang aking mga sakripisyo at paggugol para subukang makipagtalo sa Diyos, iniisip na hindi dapat kami tinatrato nang ganito ng Diyos. Hindi ko na gustong isapuso ang mga tungkulin ko. Naging negatibo at antagoniko ako sa Diyos. Noon ko lang nakita na nananampalataya pala ako sa Diyos para lang gamitin Siya upang lutasin ang aking mga paghihirap at upang bantayan Niya kami, protektahan kami, at bigyan kami ng mapayapang buhay. Ang mga taon ko ng pagsasakripisyo at paggugol ay hindi talaga taos-puso. Napuno ako ng mga hindi makatwirang hinihingi at magagarbong pagnanais sa Diyos. Sinusubukan kong makipagtawaran sa Diyos, para linlangin Siya. Talagang wala akong katwiran! Noong nagsisimula pa lang akong manampalataya sa Diyos, mababa ang tayog ko, at ang Diyos, sa Kanyang awa, ay pinagkalooban kami ng kaunting biyaya. Espesyal na biyaya na ito ng Diyos, pero hindi kailanman nasiyahan ang kasakiman ko. Palagi kong gustong binibiyayaan ako ng Diyos, at kapag hindi ko nakikita ang biyaya ng Diyos, nagiging mapanlaban ako sa Kanya. Talagang wala akong pagkatao! Bagaman tinanggap ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagbabasa ng mga salita ng Diyos araw-araw, at, pagdating sa doktrina, nauunawaan ko na ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghahatol at pagdadalisay ng mga tao, ang mga pananaw ko tungkol sa pananalig ay nanatiling nakatali sa Panahon ng Biyaya. Ginusto ko lang na patuloy na humingi ng biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos. Wala akong pinagkaiba sa mga relihiyosong komunidad na gusto lang kumain ng mga tinapay nila hanggang sa mabusog, isang hindi mananampalataya na nananampalataya lang sa relihiyon. Kung magpapatuloy ako sa ganitong uri ng pananampalataya, hindi ko kailanman matatamo ang katotohanan, at hindi magbabago ang disposisyon ko, at kung hindi ako magsisisi, hindi ako kailanman maliligtas.

Kalaunan, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos at nagkamit ng dalisay na pagkakaunawa sa pagmamahal ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat ay madalas na suriin ng mga tao ang anumang bagay sa kanilang puso na hindi kaayon ng Diyos, o na isang maling pagkaunawa sa Kanya. Paano ba nagkakaroon ng mga maling pagkaunawa? Bakit nagkakamali ng pagkaunawa ang mga tao sa Diyos? (Dahil naaapektuhan ang sarili nilang interes.) Matapos makita ng mga tao ang mga totoong pangyayari tungkol sa pagpapalayas sa mga Hudyo mula sa Judea, nasaktan sila, at sinabing, ‘Noong una, mahal na mahal ng Diyos ang mga Israelita. Inakay Niya sila palabas ng Ehipto at itinawid sa Dagat na Pula, binigyan sila ng manna mula sa kalangitan at tubig-bukal na maiinom, pagkatapos ay personal Niya silang binigyan ng mga batas para pamunuan sila, at tinuruan sila kung paano mamuhay. Nag-uumapaw ang pagmamahal ng Diyos para sa tao—lubhang pinagpala ang mga taong nabuhay noon! Paanong biglang nagbago ang saloobin ng Diyos sa kanila sa isang kisap-mata? Saan napunta ang lahat ng Kanyang pagmamahal?’ Hindi ito matanggap ng mga tao, at nagsimula silang magduda, sinasabing, ‘Ang Diyos ba ay pag-ibig o hindi? Bakit hindi na makita pa ang orihinal Niyang saloobin sa mga Israelita? Naglahong parang bula ang Kanyang pagmamahal. May pagmamahal ba Siya kahit kaunti?’ Dito nagsisimula ang maling pagkaunawa ng mga tao. Ano ang konteksto kung saan bumubuo ng mga maling pagkaunawa ang mga tao? Dahil kaya ito sa hindi kaayon ng mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao ang mga kilos ng Diyos? Ang katunayan bang ito ang nagiging sanhi para magkamali ang tao ng pagkaunawa sa Diyos? Hindi ba’t nagkakaroon ng maling pagkaunawa ang mga tao sa Diyos dahil nililimitahan nila ang Kanyang pagmamahal? Iniisip nilang, ‘Ang Diyos ay pag-ibig. Samakatwid, dapat Niyang alagaan at protektahan ang mga tao, at buhusan sila ng biyaya at mga pagpapala. Ganito ang pagmamahal ng Diyos! Gusto ko kapag minamahal ng Diyos ang mga tao nang ganito. Lalo kong nakikita kung gaano minahal ng Diyos ang mga tao nang itawid Niya sila sa Dagat na Pula. Lubos na pinagpala ang mga tao noon! Nais ko sanang maging isa sa kanila.’ Kapag wiling-wili ka sa kuwentong ito, tinatrato mo ang pagmamahal na ibinunyag ng Diyos sa sandaling iyon bilang pinakamataas na katotohanan, at ang nag-iisang palatandaan ng Kanyang diwa. Nililimitahan mo Siya sa iyong puso, at tinutukoy mo na ang lahat ng ginawa ng Diyos nang sandaling iyon ang pinakamataas na katotohanan. Iniisip mong ito ang pinakakaibig-ibig na katangian ng Diyos, at ang siyang pinakanagdudulot sa mga tao na igalang at katakutan Siya, at na ito ang pagmamahal ng Diyos. Ang totoo niyan, ang mga kilos mismo ng Diyos ay positibo, pero dahil sa iyong paglilimita, ang mga ito ay naging mga kuru-kuro sa iyong isipan, at naging basehan ng kung paano mo tinutukoy ang Diyos. Dahil sa mga ito ay nagkakamali ka ng pagkaunawa sa pagmamahal ng Diyos, na para bang wala nang anupaman ito kundi awa, malasakit, proteksyon, patnubay, biyaya, at mga pagpapala—na para bang iyon lang ang pagmamahal ng Diyos. Bakit labis mong pinahahalagahan ang mga aspektong ito ng pag-ibig? Dahil ba nauugnay ito sa pansarili mong interes? (Oo, ganoon nga.) Sa aling mga pansariling interes ito nauugnay? (Sa mga layaw ng laman at isang maginhawang buhay.) Kapag nananampalataya ang mga tao sa Diyos, gusto nilang matamo ang mga bagay na ito mula sa Kanya, pero hindi ang iba pang bagay. Ayaw isipin ng mga tao ang tungkol sa paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, pagpipino, pagdurusa para sa Diyos, pagtalikod sa mga bagay at paggugol ng kanilang sarili, o maging pagsasakripisyo ng kanilang sariling buhay. Gusto lang ng mga tao na tamasahin ang pagmamahal, malasakit, proteksyon, at gabay ng Diyos, kaya tinutukoy nila na ang pagmamahal ng Diyos ang tanging katangian ng Kanyang diwa, at ang nag-iisa Niyang diwa. Hindi ba’t ang mga bagay na ginawa ng Diyos noong itinawid Niya ang mga Israelita sa Dagat na Pula ang pinagmulan ng mga kuru-kuro ng mga tao? (Oo, ang mga ito ang pinagmulan.) Lumikha ito ng konteksto kung saan bumuo ang mga tao ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Kung bumuo sila ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, matatamo ba nila ang isang tunay na pagkaunawa tungkol sa gawain at disposisyon ng Diyos? Malinaw na hindi lamang sa hindi nila ito mauunawaan, kundi magkakamali rin sila ng interpretasyon dito at bubuo ng mga kuru-kuro tungkol dito. Pinatutunayan nito na masyadong makitid ang pag-unawa ng tao, at hindi ito tunay na pagkaunawa. Dahil hindi ito ang katotohanan, kundi isang uri ng pagmamahal at pagkaunawa na sinusuri at binibigyang-kahulugan ng mga tao mula sa Diyos batay sa kanilang sariling mga kuru-kuro, imahinasyon, at makasariling hangarin; hindi ito naaayon sa tunay na diwa ng Diyos. Sa ano pang mga paraan minamahal ng Diyos ang mga tao bukod sa awa, pagliligtas, malasakit, proteksyon, at pagdinig sa kanilang mga panalangin? (Sa pamamagitan ng pagtutuwid, pagdidisiplina, pagpupungos, paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino.) Tama iyon. Ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa maraming paraan: sa pamamagitan ng pamamalo, pagdidisiplina, pagsasaway, gayundin ng paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, pagpipino, at iba pa. Ang lahat ng ito ay aspekto ng pagmamahal ng Diyos. Tanging ang perspektibang ito ang komprehensibo at naaayon sa katotohanan. Kung nauunawaan mo ito, kapag sinusuri mo na ang iyong sarili at napagtatantong mayroon kang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, hindi ba’t magagawa mo nang kilalanin ang iyong mga pagkabaluktot, at pagbutihan ang pagninilay-nilay kung saan ka nagkamali? Hindi ba’t matutulungan ka nitong lutasin ang iyong mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos? (Oo, makakatulong ito.) Upang magawa ito, dapat mong hanapin ang katotohanan. Hangga’t hinahanap ng mga tao ang katotohanan, mapapawi nila ang kanilang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, at sa sandaling mapawi na nila ang kanilang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, makapagpapasakop na sila sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos). Pagkabasa sa mga salita ng Diyos, sa wakas ay napagtanto ko na ang dahilan kung bakit ganoon katindi ang reaksiyon ko sa karamdaman ng anak ko, at labis ang pagkanegatibo ko at sakit nito sa akin ay dahil nilimitahan ko ang pagmamahal ng Diyos. Noong wala akong magawa, nanalangin ako sa Diyos, at nakita ko ang Kanyang pag-aalaga at proteksiyon, kaya nagsimula akong umasa sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon, at nilimitahan ko ang Diyos bilang isang maawaing Diyos na nagbibigay ng kapayapaan at kagalakan sa mga tao. Inakala ko na basta’s nananalangin ang mga tao sa Diyos sa panahon ng problema, magbubukas ang Diyos ng daan para sa kanila at tutulungan sila sa anumang sandali o lugar. Inakala ko na ganito lang ang pagmamahal ng Diyos. Nang maysakit ang anak ko, nanampalataya ako na dahil mahal ng Diyos ang mga tao, tiyak na pagagalingin niya ang aking anak, pero nang hindi gumaling ang karamdaman ng anak ko, nagsimula kong pagdudahan ang pagmamahal ng Diyos at puno ako ng mga reklamo sa Kanya. Sinukat ko ang pagmamahal ng Diyos batay sa kung kapaki-pakinabang ito sa akin. Nang nakita ko ang pag-aalaga at proteksiyon ng Diyos sa amin, kinilala ko ito bilang Kanyang pagmamahal, pero nang ang isinaayos ng Diyos na sitwasyon ay hindi umaayon sa mga pagnanais ko at hindi kapaki-pakinabang sa akin, tumanggi akong tanggapin ito at hindi ito kinilala bilang pagmamahal ng Diyos. Nakita ko na ang pagkaunawa ko sa pagmamahal ng Diyos ay lubos na may pagkiling at baluktot, at na talagang hindi ito naaayon sa katotohanan! Ngayon, ipinahahayag ng Diyos ang mga salita, at ginagawa Niya ang gawain ng paghatol at pagdadalisay, hindi ang gawain ng pagkakaloob ng biyaya sa mga tao. Kapag unang nanampalataya ang mga tao sa Diyos at mababa ang kanilang tayog, kinahahabagan sila ng Diyos at pinagkakalooban sila ng ilang biyaya at mga pagpapala. Isa itong paraan ng pagpapahayag ng Diyos ng Kanyang pagmamahal. Kapag naunawaan na ng mga tao ang kaunting katotohanan at lumago sa kanilang tayog, nagsasaayos ang Diyos ng iba’t ibang sitwasyon ayon sa kanilang tayog para subukan at pinuhin sila. Nagbibigay-daan ito na makilala ng mga tao ang kanilang sarili at ang Diyos sa iba’t ibang sitwasyon, na humahantong sa pagbabago sa kanilang disposisyon, at nagbibigay-daan din ito sa mga taong maunawaan ang katotohanan at matamo ang pagliligtas ng Diyos. Lalo pa nga itong pagmamahal ng Diyos. Bagaman pareho kaming nagdusa nang kaunti mula sa karamdaman ng aking anak, ibinunyag nito ang karumihan sa pananalig ko, at nakita ko na ang pagkaunawa ko sa gawain ng Diyos ay puno ng mga kuru-kuro at imahinasyon at nagawa kong itama ang mga ito sa oras. Napagtanto rin ng aking anak na ang kanyang mga pagsisikap at paggugol ay para magkamit ng mga pagpapala, at na nananampalataya siya sa diyos ng mga sarili niyang kuru-kuro, at binago niya ang mga mali niyang pananaw sa pananalig at napalapit siya sa Diyos. Ito ang pagmamahal at pagliligtas ng Diyos para sa amin. Sa pagkakatanto sa mga bagay na ito, nawala ang mga reklamo at maling pagkaunawa ko sa Diyos, at nagkaroon ako ng kakayahang gawin ang mga tungkulin ko nang normal.

Kalaunan, nahanap ko ang isang landas ng pagsasagawa sa mga salitang ito ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Naniniwala ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, kaya kailangan na mayroon kang mapagmahal-sa-Diyos na puso. Dapat mong iwaksi ang iyong tiwaling disposisyon, kailangan mong hangaring tugunan ang mga layunin ng Diyos, at kailangan mong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha. Dahil naniniwala at sumusunod ka sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi ka dapat gumawa ng mga personal na pagpili o paghingi, at dapat mong makamit ang katugunan sa mga layunin ng Diyos. Dahil ikaw ay nilikha, dapat kang magpasakop sa Panginoong lumikha sa iyo, sapagkat ikaw ay likas na walang kapamahalaan sa iyong sarili, at walang likas na kakayahang kontrolin ang sarili mong tadhana. Dahil isa kang taong naniniwala sa Diyos, dapat kang maghangad ng pagkabanal at pagbabago(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Pagkabasa sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na sa ating pananalig, hindi natin dapat hangarin na magtamasa ng biyaya ng Diyos o palaging hingin na mahalin Niya tayo. Sa halip, dapat tayong tumayo sa posisyon ng mga nilikha para maranasan ang gawain ng Diyos, at para maranasan ang lahat ng tao, pangyayari, at mga bagay na isinaayos ng Diyos. Kahit pa dumating ang mga pagdurusa at pagsubok, kapag hindi natin nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, dapat tayong magpasakop, magdasal, at palaging maghanap, magnilay sa mga tiwaling disposisyon na ibinubunyag natin, magsisi, at magbago, at panghawakan ang mga tungkulin natin para mapalugod ang Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang nilikha. Namuhay lang ako dati sa mga kumportableng kapaligiran. Para akong isang bulaklak sa loob ng isang greenhouse, hindi makatatagal sa ulan at hangin. Masyado akong marupok at may mababang tayog, at sa kaunting paghihirap lang, nagiging negatibo ako at nanghihina, at kapag humaharap sa mga pagsubok at pagpipino, hindi talaga ako makapanindigan. Matapos kong pagdaanan ang sitwasyong ito, bahagyang lumago ang tayog ko, nagkamit ako ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong katiwalian, at nagkaroon din ako nang mas mabuting pagkaunawa sa gawain ng Diyos. Naging napakalaking pakinabang talaga nito sa akin!

Ngayon, kahit hindi pa lubusang gumagaling ang sakit ng aking anak at umaatake pa rin ito paminsan-minsan, at nalulungkot ako at nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang nagkakasakit, hindi na ako gaanong napipigil nito, at nagagawa ko na ang aking mga tungkulin nang normal. Ang pagbabagong ito at pagkaunawang ito ay dumating bilang resulta ng mga salita ng Diyos.

Sinundan:  50. Sino ang Humahadlang sa Akin sa Landas Patungo sa Kaharian ng Langit?

Sumunod:  52. Ang Nakamit Ko Mula sa Pagkakatanggal

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger