52. Ang Nakamit Ko Mula sa Pagkakatanggal

Ni Zhang Liang, Tsina

Noong 2016, nahalal ako bilang isang lider ng iglesia. Naging katuwang ko si Sister Zhang Jing para maging responsable sa gawain ng iglesia. Mahigit dalawang taon pa lamang akong nananampalataya sa Diyos noong panahong iyon. Matagal na panahon nang lider si Zhang Jing at may malawak siyang karanasan sa gawain. Dagdag pa rito, napakalinaw ng pakikipagbahaginan niya sa mga pagtitipon. Anumang mga paghihirap na mayroon ang mga kapatid, mabilis niyang nahahanap ang mga salita ng Diyos na may kaugnayan dito para makapagbahaginan at matulungan sila. Talagang hinahangaan siya ng lahat. Inggit na inggit ako kay Zhang Jing, at umasa akong balang-araw ay magiging katulad ko siya at makukuha ko ang paghanga at pagsang-ayon ng lahat. Pagkatapos ng isang yugto ng pagsisikap, kapag nadidiskubre kong may sinumang nasa anumang uri ng kalagayan sa mga pagtitipon, mabilis ko ring nahahanap ang ilang salita ng Diyos at naibabahagi gamit ang sarili kong mga karanasan o ilang halimbawa. Ang aking mga kapatid ay masinsinang nakikinig at gumagawa ng mga tala. Napakasaya ko na makita ang tagpong ito, at naramdaman kong talagang sinasang-ayunan ako ng mga kapatid ko. Dahil dito ay mas masigla akong nakipagbahaginan.

Minsan, sama-samang iniulat ng ilang kapatid sa iglesia ang isang huwad na lider. Hindi ko alam kung paano ito haharapin noong panahong iyon, kaya taimtim akong nagdasal sa Diyos, at pagkatapos ay naghanap ako ng pagbabahaginan kasama ang mga kapatid ko. Sa wakas, natanggal ang huwad na lider, at bumalik sa normal ang gawain ng iglesia. Pagkatapos ng insidenteng ito, nagsimula akong humanga sa sarili ko: “Nalutas ko ang ganito kakomplikadong problema sa loob ng ilang araw. Kailangan kong ipakita sa mga kapatid ko kung paano ito gawin. Sa kabila ng aking murang edad at ng maikling panahon ng pananampalataya ko sa Diyos, kaya ko pa ring mangasiwa ng mga komplikadong problema.” Sa mga pagtitipon, masigla kong tinatalakay kung paano ko inasikaso ang liham ng pag-uulat, pero hindi ko binanggit ang mga detalye kung paano ako namumuhay sa gitna ng mga paghihirap noong panahong iyon, kung paanong hindi ko makilatis ang mga bagay-bagay, at kung paanong ako ay naging negatibo. Pangunahin kong binigyang-diin kung gaano kakomplikado ang insidente, kung gaano kasama ang pagkatao ng huwad na lider, at kung paano ko hinanap ang katotohanan, nananatiling kalmado at walang takot para malutas ang problema. Noong panahong iyon, taimtim na nakinig ang lahat. Habang pinagmamasdan ko ang naiinggit na tingin sa kanilang mga mata, nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko. Lalo ko pa talagang naramdaman na may kapabilidad ako sa gawain. Sa isa pang pagkakataon, nalimitahan ang isang sister sa paggampan ng kanyang tungkulin dahil hinahadlangan siya ng mga kapamilya niya na walang pananampalataya. Tinalakay ko kung paano ako inusig ng asawa ko dahil sa pananampalataya sa Diyos, at kung paanong sa huli ay iniwan ko ang aking pamilya at ginugol ko ang lahat ng oras ko sa paggampan ng aking tungkulin. Ikinuwento ko nang sobrang detalyado kung gaano ako nagdusa, kung paano ako nagpasya, at kung paano ko iniwan ang pamilya ko. Pagkatapos makinig sa akin, talagang hinangaan ako ng sister. Sinabi niya, “Nagawa mong manindigan kahit lubha kang inusig ng asawa mo. Nagdusa ka talaga nang labis. Tunay na mayroon kang determinasyon!” Sinabi ng ibang kapatid na, “Talagang alam mo kung paano danasin ang mga bagay-bagay. Mas naghahangad ka ng katotohanan kaysa sa amin. Bakit kaya hindi namin maisagawa ang katotohanan?” Noong panahong iyon, sinabi ko na, “Pare-pareho ang ating katiwalian. Basta’t handa tayong magsagawa ng katotohanan, papatnubayan tayo ng Diyos.” Gayumpaman, sa puso ko, labis ko pa ring hinangaan ang sarili ko. Nadama ko na naghahangad ako ng katotohanan, at may mas mataas na tayog kaysa sa mga kapatid ko. Kung hindi, paano ko nagawang iwanan ang pamilya ko para gampanan ang tungkulin ko? At bakit inihalal ako ng lahat bilang isang lider? Sa totoo lang, noong dinaranas ko ang pag-uusig ng asawa ko, labis ang aking pagkanegatibo at panghihina. Pansamantala ko pa ngang isinuko ang tungkulin ko. Gayumpaman, dinaanan ko lang ang lahat ng ito, o tuluyan ko na itong hindi binanggit. Pakiramdam ko, “Kung sasabihin ko ang lahat, siguradong iisipin ng lahat na wala akong tayog, at na hindi ako mas mahusay kaysa sa kanila. Kung gayon, sino pa ang hahanga sa akin sa hinaharap? Gayundin, kung mas magsasalita ako tungkol sa positibong pagsasagawa, mapalalakas din niyon ang loob ng mga kapatid ko. Wala namang mali roon.” Kaya naman, hindi ko na ito pinag-isipan pa. Sa pangkalahatan, kapag nakikipagbahaginan sa mga pagtitipon ay sinasadya kong mas magsalita tungkol sa mga positibong pagkaunawa, pero hindi ko binabanggit ang sarili kong mga tiwaling disposisyon at masasamang kaisipan at ideya. Bilang alternatibo, nagsasalita na lang ako sa payak na paraan tungkol sa mga pangkalahatang panlabas na katiwalian, na ibinubunyag ng lahat. Natakot ako na kung malaman ng mga tao, hindi na nila ako hahangaan. Sinabi ko rin, nang sinasadya at hindi sinasadya, kung gaano kaabala ang gawain ko, kung gaano karami ang mga bagay na kailangan kong gawin, at kung paanong palagi akong nagtatrabaho hanggang gabing-gabi na. Pagkatapos ay naniwala ang mga kapatid ko na kaya kong magtiis ng pagdurusa at magbayad ng halaga, at na nagdala ako ng pasanin sa paggampan ng aking tungkulin. Sinabi rin nila na kaya kong makipagbahaginan tungkol sa katotohanan para malutas ang mga problema, at na isa akong taong naghangad ng katotohanan. Humanga at umasa silang lahat sa akin. Kalaunan, natuklasan ko na tuwing nakikipagtipon ako sa mga katrabaho ko, ibinubuhos lang ng bawat isa ang lahat ng problema sa kanilang gawain nang minsanan at pagkatapos ay hindi na sila masyadong nagsasalita. Sa buong pagtitipon, ako lang ang nagsasalita tungkol sa mga bagay-bagay Naramdaman ko na may mali rito—hindi ba’t ang mga pagtitipon ay naging lugar na kung saan ako lang ang puwedeng magsalita? Nang magkaroon sila ng mga paghihirap, hindi nila hinanap ang katotohanan, kundi hinintay lang nila ako na lutasin ang mga ito. Hindi ba’t sa ganitong paraan ay lumalapit sila sa akin? Sinabi ko sa kanila na dapat silang higit pang magdasal sa Diyos, higit pang maghanap at makipagbahaginan, at huwag lamang umasa sa mga tao. Gayumpaman, pagkatapos niyon ay nanatili pa rin silang ganoon.

Kalaunan, natanggal ako dahil palagi akong nagbubulalas ng mga salita at doktrina para magpasikat sa mga pagtitipon at pagbabahaginan, na hindi nalulutas ang mga problema, at hindi nakakakuha ng mga resulta ang gawain ko. Noong panahong iyon, hindi ko ito masyadong pinag-isipan. Naisip ko na kung tinanggal ako dahil hindi ako nakagawa ng tunay na gawain, ganoon talaga iyon: dapat lang akong matanggal. Ano’t anuman, ibinigay ko ang lahat, at hindi ako nagpabaya o nagpakatuso. Gayumpaman, hindi ko inasahan na pagkatapos kong matanggal, may ilang kapatid na hindi pumayag, at tinanong nila kung bakit ako tinanggal ng mga lider. Hiniling sa akin ng mga lider na pagnilayang mabuti ang sarili kong mga problema. Doon ko naramdaman ang takot. Naisip ko, “Natanggal ako dahil sa kung paano ko ginampanan ang gawain ko, at ngayon ipinagtatanggol ako ng mga kapatid ko laban sa kung anong nakikita nilang kawalan ng katarungan at pinoprotektahan ako. Hindi ba’t inilapit ko lang sila sa akin? Ito ay pagtahak sa landas ng mga anticristo!” Habang lalo kong iniisip, lalo akong natakot. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko, at taimtim akong nagdasal sa Diyos, “Mahal kong Diyos, iniwan ko ang pamilya at trabaho ko, at nais kong gampanan nang maayos ang aking tungkulin. Hindi ko inasahan na bukod sa mabibigo akong gampanan nang maayos ang tungkulin ko, inilalapit ko rin ang mga tao sa akin. Talagang mapaghimagsik ako! Mahal kong Diyos, hinihiling kong patnubayan Mo ako para maunawaan ang mga problema ko para makapagsisi at makapagbago ako.”

Kasunod nito, nagsimula akong magnilay sa sarili ko. Sa paghahanap ng kasagutan, nabasa ko ang mg salitang ito ng Diyos: “Itinataas at pinatototohanan ang kanilang sarili, ibinibida ang mga sarili nila, sinisikap na pataasin ang tingin sa kanila at sambahin sila ng mga tao—may kapabilidad sa mga bagay na ito ang tiwaling sangkatauhan. Ganito ang likas na reaksiyon ng mga tao kapag pinamamahalaan sila ng mga satanikong kalikasan nila, at karaniwan ito sa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Paano karaniwang itinataas at pinatototohanan ng mga tao ang kanilang sarili? Paano nila natatamo ang pakay na gawing mataas ang tingin sa kanila at sambahin sila ng mga tao? Nagpapatotoo sila sa kung gaano karaming gawain ang nagawa nila, kung gaano sila nagdusa, kung gaano nila ginugol ang sarili nila, at kung anong halaga ang binayaran nila. Itinataas nila ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa kanilang kapital, na nagbibigay sa kanila ng mas mataas, mas matatag, mas ligtas na lugar sa isipan ng mga tao, upang mas maraming tao ang magpapahalaga, tataas ang tingin, hahanga, at gayundin ang sasamba, titingala, at susunod sa kanila. Upang matamo ang pakay na ito, maraming bagay na ginagawa ang mga tao na nagpapatotoo sa Diyos sa panlabas, pero sa totoo lang ay nagtataas at nagpapatotoo sa kanilang sarili. Makatwiran ba ang kumilos nang ganoon? Lampas sila sa saklaw ng pagkamakatwiran at wala silang kahihiyan, ibig sabihin, walang kahihiyan silang nagpapatotoo sa nagawa nila para sa Diyos at kung gaano sila nagdusa para sa Kanya. Ibinibida pa nga nila ang kanilang mga kaloob, mga talento, karanasan, mga natatanging kasanayan, matatalinong diskarte sa mga makamundong pakikitungo, ang mga paraang ginagamit nila upang paglaruan ang mga tao, at iba pa. Ang kaparaanan nila ng pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili ay ang ipangalandakan ang sarili nila at maliitin ang iba. Nagbabalatkayo sila at pinapaganda nila ang sarili nilang imahe, ikinukubli ang mga kahinaan, mga kakulangan, at mga kapintasan nila sa mga tao upang ang tanging nakikita ng mga ito ay ang kanilang luningning. Hindi man lang sila nangangahas na magsabi sa ibang tao kapag nakararamdam sila ng pagkanegatibo; salat sila sa tapang na magtapat at makipagbahaginan sa mga ito, at kapag may ginawa silang anumang mali, ginagawa nila ang lahat-lahat upang ikubli at pagtakpan ito. Hindi nila kailanman binabanggit ang pinsalang naidulot nila sa gawain ng iglesia sa takbo ng paggawa ng tungkulin nila. Kapag may nagawa silang maliit na ambag o natamong ilang maliit na tagumpay, gayunman, mabilis sila sa pagpapakitang-gilas nito. Hindi sila makapaghintay na ipaalam sa buong daigdig kung gaano kahusay ang kapabilidad nila, kung gaano kataas ang kakayahan nila, kung gaano sila katangi-tangi, at kung gaano sila mas magaling kaysa sa mga normal na tao. Hindi ba’t isa itong paraan ng pagtataas at pagpapatotoo sa kanilang sarili? Ang pagtataas at pagpapatotoo ba sa sarili ay isang bagay na ginagawa ng isang taong may konsensiya at katwiran? Hindi. Kaya kapag ginagawa ito ng mga tao, anong disposisyon ang karaniwang nabubunyag? Kayabangan. Ito ang isa sa mga pangunahing disposisyon na nabubunyag, na sinusundan ng panlilinlang, na kinasasangkutan ng paggawa ng lahat ng maaari upang gawing mataas ang pagpapahalaga sa kanila ng ibang mga tao. Ang kanilang mga salita ay hindi mabubutasan at malinaw na naglalaman ng mga motibasyon at pakana, nagpapakitang-gilas sila, gayumpaman ay nais nilang itago ang katunayang ito. Ang kalalabasan ng kung ano ang sinasabi nila ay na pinararamdam sa mga tao na mas mahusay sila kaysa sa iba, na wala silang sinumang kapantay, na ang lahat ng iba ay nakabababa sa kanila. At ang kalalabasang ito ay hindi ba natatamo sa pamamagitan ng mga pakubling paraan? Anong disposisyon ang nasa likod ng gayong mga paraan? At mayroon bang anumang mga sangkap ng kabuktutan? (Mayroon.) Isa itong uri ng buktot na disposisyon(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, pinagnilayan ko na pagkatapos akong matanggal, ang pangunahing dahilan kung bakit hindi ito pinayagan ng mga kapatid ko ay dahil madalas kong itinataas at ipinangangalandakan ang sarili ko, at hindi ako nagtapat tungkol sa mga sarili kong kakulangan at katiwalian, na nagbigay-daan para ang makita lamang ng lahat ay ang mabuti kong katangian. Nakipaglaban sila para sa akin sa inakala nilang kawalan ng katarungan dahil lamang nailihis ko sila. Naisip ko ang tungkol sa pag-aasikaso ko ng liham ng pag-uulat. Sa simula, nalito rin ako, at hindi ko alam kung paano ito aasikasuhin. Kalaunan, nalutas ko lang ang problema sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal sa Diyos, at paghahanap, pagtalakay, at pakikipagtulungan sa mga kapatid ko. Gayumpaman, sa harap nila, detalyado kong ipinaliwanag kung paano ako naghanap ng kasagutan, kung paano ko nakilatis ang huwad na lider batay sa mga katotohanang prinsipyo, at kung paanong sa wakas ay naasikaso at nalutas ko ito. Ang lahat ng aking itinampok ay tungkol sa kung ano ang nagawa ko, para magkaroon ang lahat ng panibagong pagtingin sa akin. Palagi ko ring sinasamantala ang mga pagkakataon para ikuwento kung paano ako nakaranas ng pag-uusig mula sa pamilya ko para ipangalandakan ang sarili ko. Detalyado kong ikinuwento kung paano ako inusig at kung gaano ako nagdusa, pero dinaanan ko lamang ang sarili kong mga kahinaan. Hindi man lang ako nagbanggit ng kahit isang salita tungkol sa kung paano ko tinalikuran ang tungkulin ko at ipinagkanulo ang Diyos, para isipin ng lahat na mayroon akong tayog at marunong dumanas ng mga bagay-bagay. Madalas ko ring ipinangangalandakan kung paano ako nagdusa at nagbayad ng halaga sa paggampan ng tungkulin ko, at sinadya kong higit na magkuwento tungkol sa positibong paraan ng pagsasagawa at pagpasok. Itinago ko ang sarili kong pagkanegatibo at mga paghihirap para magkamaling isipin ng mga tao na higit kong hinangad ang katotohanan kaysa sa kanila at mayroon akong realidad. Ginamit ko ang mga ilusyon na ito para dayain at lokohin ang mga kapatid ko. Tunay ngang napakabuktot at ubod ng sama ko! Tiningala at hinangaan ako ng mga kapatid ko dahil niloko ko sila. Nagsalita pa nga sila para protektahan ako nang tanggalin ako ng iglesia ayon sa mga prinsipyo dahil hindi ako nakagawa ng tunay na gawain. Ang lahat ng ito ay mga kinahinatnan ng pagtataas at pangangalandakan ko sa sarili ko. Paano ito naging paggampan sa tungkulin ko? Hayagan kong nilalabanan ang Diyos at pinipinsala ang mga kapatid ko! Naisip ko kung paanong wala akong nagawang anumang kabutihan para sa mga kapatid ko noong naging lider ako, sa halip ay inililihis at pinipinsala ko sila, at talagang nakaramdam ako ng labis na kalungkutan sa puso ko.

Noong panahong iyon, taimtim akong nagdarasal sa Diyos araw-araw, hinihiling ang tulong ng Diyos sa paglutas ng mga problema ko. Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Partikular na iniidolo ng ilang tao si Pablo. Gusto nilang lumabas at magbigay ng mga talumpati at gumawa, gusto nilang dumadalo sa mga pagtitipon at mangaral, at gusto nila na pinakikinggan sila ng mga tao, sinasamba sila, at maging sentro sila ng atensiyon ng mga ito. Gusto nilang magkaroon ng puwang sa puso ng iba, at natutuwa sila kapag pinahahalagahan ng iba ang imaheng ipinakikita nila. Himayin natin ang kanilang kalikasan mula sa mga pag-uugaling ito. Ano ang kanilang kalikasan? Kung ganito talaga silang kumilos, sapat na iyan upang ipakita na sila ay mayabang at palalo. Hindi talaga nila sinasamba ang Diyos; naghahangad sila ng mas mataas na katayuan at nagnanais na magkaroon ng awtoridad sa iba, na ariin ang mga ito, at magkaroon ng puwang sa puso ng mga ito. Ito ang klasikong imahe ni Satanas. Ang mga namumukod-tanging aspekto ng kanilang kalikasan ay na mapagmataas at palalo sila, hindi nila sinasamba ang Diyos, at sinusubukan nilang pasambahin sa kanila ang iba. Ang gayong mga pag-uugali ay maaaring magbigay sa iyo ng napakalinaw na pananaw sa kanilang kalikasan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao). “Kung tunay mong nauunawaan ang katotohanan sa iyong puso, malalaman mo kung paano isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos, at natural na matatahak ang landas ng paghahangad ng katotohanan. Kung tama ang landas na tinatahak mo, at nakaayon ito sa mga layunin ng Diyos, hindi ka iiwanan ng gawain ng Banal na Espiritu—kung magkagayon ay mababawasan nang mababawasan ang posibilidad na ipagkakanulo mo ang Diyos. Kung wala ang katotohanan, madaling gumawa ng masama, at gagawin mo iyon kahit ayaw mo. Halimbawa, kung mayroon kang mapagmataas at palalo na disposisyon, walang kaibahan kung sabihan kang huwag kalabanin ang Diyos, hindi mo mapipigilan ang sarili mo, hindi ito sakop ng kontrol mo. Hindi mo gagawin ito nang sadya; gagawin mo ito dahil nangingibabaw ang iyong kalikasan na pagmamataas at kapalaluan. Dahil sa iyong pagmamataas at kapalaluan, hahamakin mo ang Diyos at hindi mo Siya bibigyan ng halaga; magiging dahilan ang mga ito para itaas mo ang iyong sarili, palaging ibandera ang iyong sarili; magiging dahilan ang mga ito para hamakin mo ang iba, para wala nang matira sa puso mo kundi ang sarili mo; nanakawin ng mga ito ang puwang ng Diyos sa puso mo, at sa huli ay magiging sanhi ang mga ito na umupo ka sa puwesto ng Diyos at hingin sa mga tao na magpasakop sila sa iyo, at magiging dahilan para ipagpitagan mo ang sarili mong mga kaisipan, ideya at kuru-kuro bilang katotohanan. Napakaraming kasamaan ang ginagawa ng mga tao dahil nangingibabaw ang kanilang mapagmataas at palalong kalikasan!(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). Habang pinag-iisipan ko nang mabuti ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na palagi kong nais na nakasentro ang mga tao sa akin dahil napakayabang ng kalikasan ko. Hindi ko naunawaan ang aking pagkakakilanlan o katayuan, at ayaw kong maging isang karaniwang tao, na matatag na ginagampanan ang aking tungkulin. Sa halip, saanman ako magpunta, nais kong hangaan at sambahin ako ng mga tao. Para makamit ang layuning ito, palagi akong nagbubulalas ng mga salita at doktrina sa mga pagtitipon para ipangalandakan ang sarili ko, para isipin ng mga tao na taglay ko ang katotohanang realidad. Palagi ko ring ipinangangalandakan kung paano ko nalulutas ang mga problema, tinitiis ang pagdurusa, at ginugugol ang aking sarili. Sinadya kong itago ang mga katiwaliang naibunyag ko at ang aking pagkanegatibo at kahinaan. Ipinakita ko sa mga tao ang ilusyon ng pagiging labis na determinado at masigasig sa paghahangad ng katotohanan para makuha nang may panlilinlang ang paghanga ng mga kapatid ko. Naging dahilan ito para isipin ng mga kapatid ko na taglay ko ang katotohanang realidad at kaya kong lutasin ang mga problema. Kapag may mga bagay na dumarating sa kanila, hindi sila nagdadasal sa Diyos at naghahanap ng katotohanan, at sa halip ay umaasa sila sa akin para lutasin ito. Nakipaglaban pa nga sila sa inakala nilang kawalan ng katarungan noong ako ay natanggal. Kung iisipin, isa akong lider sa iglesia. Ang mga bagay tulad ng pag-aasikaso ng mga liham ng pag-uulat at paglutas ng mga problema ay pawang bahagi ng pangunahing gawain ko. Higit pa rito, nagawa kong pangasiwaan nang maayos ang bagay-bagay dahil taglay ko ang pamumuno ng Diyos at ang pagbabahagi at tulong ng aking mga kapatid. Doon lamang makakamit ang mga resultang ito. Wala akong anumang makakamit kung aasa ako sa sarili ko. Talagang wala akong kapital na karapat-dapat ipangalandakan. Bukod dito, medyo nagdusa ako nang maranasan ko ang pag-uusig ng aking pamilya, pero kung nananampalataya sa Diyos ang isang tao at sumusunod sa Diyos sa bansa kung saan naghahari ang CCP, kailangan niyang tiisin ang mga paghihirap na ito. Ito ay para maligtas ako. Higit pa rito, madalas akong mahina at negatibo, at minsan ko nang tinalikuran ang aking mga tungkulin at ipinagkanulo ang Diyos. Kung hindi dahil sa pamumuno ng mga salita ng Diyos, hindi ko sana nagawang mag-isang manindigan. Gayumpaman, hindi ko dinakila ang Diyos at hindi ako nagpatotoo tungkol sa Diyos. Sa halip, itinaas ko ang sarili ko. Natuwa pa nga ako at naging kasiya-siya sa akin nang hangaan ako ng lahat. Tunay ngang wala akong kahihiyan kahit kaunti! Nakita ko na walang lugar ang Diyos sa puso ko, ni wala akong pinakamaliit na bakas ng isang may-takot-sa-Diyos na puso. Hayagan akong isang tiwaling tao, na wala man lang katotohanang realidad, pero sinubukan ko pa ring maghanap ng mga palihim na paraan para itaas at ipangalandakan ang sarili ko, ninanais na magkaroon ng sarili kong lugar sa mga puso ng mga kapatid ko. Tunay ngang napakayabang ko at walang katwiran! Pagkatapos ay naisip ko si Pablo, at kung paano siya naging labis na mayabang at palalo. Palagi niyang nais na hangaan at sambahin siya ng mga tao. Sa sandaling makagawa siya ng kaunting gawain, ipangangalandakan niya kung paano siya nagdusa at kung gaano siya katapat, pero hindi siya kailanman nagpatotoo sa mga salita ng Panginoong Jesus. Sa huli, sinabi pa niya na, “Para sa akin ang mabuhay ay si Cristo.” Ito ay matinding kayabangan at kalapastanganan. Sinalungat niya ang diposisyon ng Diyos at tinamo niya ang matuwid na kaparusahan ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos, sa wakas ay nakita ko na ang aking pag-uugali sa paggawa ko ng mga bagay, at ang diposisyong naibunyag ko, ay katulad ng kay Pablo. Tinahak ko ang landas ng mga anticristo, na nilalabanan ang Diyos. Kinondena ito ng Diyos. Labis akong natakot sa puso ko. Hindi ko inasahan na matapos ang ilang taon na pananampalataya sa Diyos, mauuwi ako bilang isang taong lumaban sa Diyos. Ililigtas pa rin kaya ako ng Diyos? Gagamitin ba Niya ang pagtatanggal na ito para ibunyag at itiwalag ako? Habang lalo kong iniisip, lalo akong nagdadalamhati. Kaya nagdasal ako sa Diyos, hinihiling sa Kanya na bigyang-liwanag ako para maunawaan ko ang Kanyang layunin.

Kalaunan, nagbasa ako ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sadyang sensitibo ang mga tao patungkol sa sarili nilang kalalabasan at hantungan, at sa mga pagbabago sa pagkakatalaga ng kanilang tungkulin at sa pagkakatanggal mula sa kanilang tungkulin. Malimit na nagkakaroon ng maling konklusyon ang ilang tao tungkol sa gayong mga bagay, iniisip na sa sandaling matanggal sila at wala na silang katayuan, o kapag sinasabi ng Diyos na ayaw na Niya sa kanila at hindi Niya sila gusto, kung gayon ay katapusan na nila. Ito ang nagiging pagtukoy nila. Naniniwala silang, ‘Wala nang kabuluhang sumampalataya sa Diyos, ayaw sa akin ng Diyos, at nakatakda na ang aking kalalabasan, kaya ano pa ang saysay na mabuhay?’ Pagkarinig ng iba sa gayong mga kaisipan, iniisip nilang makatwiran at marangal ang mga ito—pero anong uri ba talaga ito ng pag-iisip? Ito ay paghihimagsik laban sa Diyos, at pagsuko sa kawalan ng pag-asa. Bakit sila nawawalan ng pag-asa? Ito ay dahil hindi nila nauunawaan ang mga layunin ng Diyos, hindi nila malinaw na nakikita kung paano inililigtas ng Diyos ang mga tao, at wala silang tunay na pananalig sa Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (1)). “Kapag naririnig mo ang isang pahayag ng pagkondena mula sa Diyos, iniisip mo na, dahil kinondena na ng Diyos, pinabayaan na ng Diyos ang mga tao, at hindi na sila maliligtas, at dahil dito ay nagiging negatibo ka, at pinababayaan ang iyong sarili sa kawalang-pag-asa. Maling pag-unawa ito sa Diyos. Sa katunayan, hindi pinabayaan ng Diyos ang mga tao. Nagkamali sila ng pag-unawa sa Diyos at pinabayaan nila ang kanilang sarili. Wala nang mas kritikal pa kaysa sa kapag pinababayaan ng mga tao ang kanilang sarili, gaya ng natupad sa mga salita ng Lumang Tipan: ‘Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa’ (Kawikaan 10:21). Wala nang mas hahangal pang pag-uugali kaysa kapag hinahayaan ng mga tao ang kanilang sarili na mawalan ng pag-asa. Kung minsan ay may nababasa kang mga salita ng Diyos na tila tumutukoy sa mga tao; sa katunayan, hindi tumutukoy ang mga ito sa sinuman, kundi pagpapahayag ang mga iyon ng mga layunin at opinyon ng Diyos. Ang mga ito ay mga salita ng katotohanan at prinsipyo, hindi tumutukoy ang mga ito sa sinuman. Ang mga salitang binigkas ng Diyos sa mga panahon ng galit o pagkapoot ay kumakatawan din sa disposisyon ng Diyos, ang mga salitang ito ay ang katotohanan, at bukod pa riyan, mga prinsipyo. Dapat itong maunawaan ng mga tao. Ang layon ng Diyos sa pagsasabi nito ay para tulutan ang mga tao na maunawaan ang katotohanan, at maunawaan ang mga prinsipyo; talagang hindi ito para tukuyin ang sinuman. Wala itong kinalaman sa huling hantungan at gantimpala ng mga tao, lalong hindi ang mga ito ang huling kaparusahan ng mga tao. Ang mga ito ay mga salita lamang na sinalita para hatulan at pungusan ang mga tao, ang mga ito ay resulta ng pagkagalit sa mga taong hindi tumutugon sa Kanyang mga ekspektasyon, at sinasalita ang mga ito para gisingin ang mga tao, para pakilusin sila, at ang mga ito ay mga salitang nagmumula sa puso ng Diyos. Gayumpaman, ang ilang tao ay nadadapa at tinatalikuran ang Diyos dahil sa iisang pahayag ng paghatol mula sa Diyos. Hindi alam ng ganitong mga tao kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi sila tinatablan ng katwiran, hindi nila talaga tinatanggap ang katotohanan(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (1)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang masusing layunin ng Diyos. Kapag dumarating sa atin ang kabiguan at pagkabunyag, hindi ito nangangahulugan na tayo ay matitiwalag. Kung mahahanap natin ang katotohanan sa gitna ng kabiguan, matututo ng mga aral, at tunay na magsisisi, ito, para sa atin, ang kaligtasan. Naisip ko kung paano ko palaging itinataas at ipinangangalandakan ang sarili ko habang ginagampanan ang tungkulin ko. Sa buong panahong iyon, tinatahak ko ang landas ng mga anticristo nang hindi ito namamalayan. Nang tinanggal ako sa pagkakataong ito, ang tanging naisip ko, dahil hindi ako nakakagawa ng tunay na gawain, iibahin ang tungkulin ko at ayos lang iyon. Hindi talaga ako nagnilay sa sarili ko. Tanging nang paalalahanan ako ng mga lider na magnilay sa aking sarili, at sa pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos, naunawaan ko na matagal ko nang tinatahak ang maling landas, at gumagawa ako ng kasamaan at nilalabanan ang Diyos. Talagang napakamanhid ko! Para sa akin, ang pagtatanggal na ito ay napakalaking proteksiyon. Gumagawa ako ng kasamaan at bigla ako nitong pinahinto. Kung hindi, baka tuluyan na akong naparusahan at baka wala pa rin akong kamalay-malay sa nangyayari. Nakita ko na ang kabiguan at pagkabunyag ay hindi nangangahulugan ng pagkatiwalag—sa halip, ito ay para maunawaan ko ang aking sarili at makamit ang pagsisisi at pagbabago. Naranasan ko ang masusing layunin ng Diyos, at labis akong naantig. Napakarami kong nagawang bagay na lumaban sa Diyos pero hindi pa rin Niya inabandona ang aking kaligtasan. Tunay nga itong pagmamahal ng Diyos! Hindi na mali ang pagkaunawa ko sa Diyos, at handa akong magsisi sa Diyos.

Kalaunan, nagbasa ako ng mas marami pang salita ng Diyos: “Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahin kang magsalita tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, at kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat din kayong magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibunyag sa inyong karanasan, kung gaano na kayo nagdusa, kung gaano karaming bagay ang ginawa ninyo upang labanan ang Diyos, at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos. Magsalita kung gaano karaming tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat magpatotoo para sa Diyos at suklian Siya para sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng diwa ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag pag-usapan ang tungkol sa mga hungkag na teorya. Magsalita kayo nang mas praktikal; magsalita kayo nang mula sa puso. Ganito ninyo dapat danasin ang mga bagay-bagay. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at hungkag na teorya para magpakitang-gilas; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katwiran. Dapat ay magsalita kayo nang higit tungkol sa mga tunay na bagay mula sa aktuwal ninyong karanasan, at mas magsalita nang mula sa puso; ito ay pinakakapaki-pakinabang sa iba, at pinakanararapat na makita nila(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahanap sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon). “Kung gayon, anong paraan ng pagkilos ang hindi pagtataas at pagpapatotoo sa sarili? Kung magpapakitang-gilas ka at magpapatotoo sa iyong sarili tungkol sa isang partikular na bagay, makakamit mo ang resulta na mapataas ang tingin sa iyo ng ilang tao at sambahin ka. Subalit kung inilalantad mo ang iyong sarili at ibinabahagi ang pagkakilala mo sa sarili tungkol sa parehong bagay na iyon, iba ang kalikasan nito. Hindi ba’t totoo ito? Ang paglalantad sa sarili ng isang tao para pag-usapan ang tungkol sa pagkakilala niya sa sarili ay isang bagay na dapat tinataglay ng ordinaryong pagkatao. Positibong bagay ito. Kung talagang kilala mo ang iyong sarili at tama, tunay, at tumpak ang sinasabi mo tungkol sa iyong kalagayan; kung nagsasalita ka tungkol sa pagkakilala na ganap na nakabatay sa mga salita ng Diyos; kung iyong mga nakikinig sa iyo ay napapabuti at nakikinabang dito; at kung nagpapatotoo ka sa gawain ng Diyos at niluluwalhati mo Siya, iyon ay pagpapatotoo sa Diyos. … Ang susi sa pagkilatis kung ang mga tao ay nagtataas at nagpapatotoo sa sarili nila o hindi ay ang pagtingin sa layunin ng nagsasalita. Kung ang layunin mo ay ang ipakita sa lahat kung paano nabunyag ang iyong katiwalian, at kung paano ka nagbago, at para makinabang ang iba mula rito, kung gayon, ang iyong mga salita ay taimtim at totoo, at naaayon sa mga katunayan. Tama ang gayong mga layunin, at hindi ka nagpapakitang-gilas o nagpapatotoo sa iyong sarili. Kung ang iyong layunin ay ang ipakita sa lahat na may mga tunay na karanasan ka, at na nagbago ka na at nagtataglay ng katotohanang realidad, para mapataas ang tingin nila sa iyo at sambahin ka nila, mali ang mga layuning ito. Iyon ay pagpapakitang-gilas at pagpapatotoo sa iyong sarili. Kung ang patotoong batay sa karanasan na binabanggit mo ay huwad, may halong kasinungalingan, at naglalayong linlangin ang mga tao, para pigilan silang makita ang tunay mong kalagayan, at para pigilang mabunyag sa iba ang mga layunin, katiwalian, kahinaan, o pagkanegatibo mo, kung gayon, mapanlinlang at mapanlihis ang gayong mga salita. Huwad na patotoo ito, panloloko ito sa Diyos at nagbibigay ng kahihiyan sa Diyos, at pinakakinamumuhian ito ng Diyos sa lahat. May mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga kalagayang ito, at lahat ng ito ay matutukoy batay sa layunin(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaapat na Aytem: Itinataas at Pinatototohanan Nila ang Kanilang Sarili). Mula sa mga salita ng Diyos, natagpuan ko ang isang landas ng pagsasagawa. Kapag ginagampanan ko ang tungkulin ko, kailangan kong itakda ang tamang layunin, at sadyang dakilain ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, at parangalan ang Diyos bilang dakila sa puso ko. Kapag nagsasalita ako tungkol sa karanasan ko, kailangan kong magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso. Sa sarili ko mang pagkanegatibo at kahinaan, o ang pagkakabunyag ng sarili kong katiwalian, kailangan ko palaging magbukas ng saloobin tungkol dito at ilantad ito para magkaroon ng pagkilatis ang aking mga kapatid sa ganitong uri ng tiwaling disposisyon, malaman nila kung paano ito uunawain at lulutasin, at makakuha sila ng pagpapatibay at mga pakinabang mula sa aking karanasan. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng pagbubukas at paglalantad ng aking sarili, malinaw na makikita ng aking mga kapatid ang tunay kong tayog at ang katotohanan ng aking katiwalian, at na taglay ko rin ang maraming katiwalian na naibunyag ng iba, na ang ilan sa aking mga tiwaling disposisyon ay maaaring mas matindi pa kaysa sa ibang tao, at na talagang hindi ako karapat-dapat hangaan at sambahin ng iba. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay pagprotekta rin sa sarili ko.

Nang maunawaan ko ito, naisip ko kung paanong sinabi ng mga lider na walang pagkilatis sa akin ang lahat at hiniling sa aking magnilay sa sarili ko. Kaya nais kong magtapat tungkol aking pagninilay sa sarili at kaalaman ko sa aking sarili sa panahong ito sa mga pagtitipon at ilantad ang katiwalian na naibunyag ko. Sa ganitong paraan, makikilatis ako ng lahat. Gayumpaman, nang dumating na ang oras para aktuwal na magsalita, may kaunting pagtatalo sa puso ko, “Kung malalaman ng lahat ng kapatid ko ang mga bagay na ito na naibunyag ko at ang mga pag-uugali ko, ano kaya ang iisipin nila tungkol sa akin? Sasabihin ba nila na isa akong ipokrito mula pa noon? Tatanggihan ba nila ako?” Pagkatapos medyo hindi ako naging handang magbukas ng saloobin at makipagbahaginan. Noong panahong iyon, naalala ko ang pakikipagbahaginan ng Diyos tungkol sa pagsisisi ng mga tao sa Nineve. Sabi ng Diyos: “Ang ‘Ang paglayo sa masamang gawi ng isang tao’ ay nangangahulugan na hindi na muling gagawin ng taong tinutukoy ang mga gawaing iyon magpakailanman. Sa madaling salita, hindi na siya kailanman muling kikilos sa masamang paraang ito; ang paraan, pinagmulan, motibo, intensyon at prinsipyo ng kanyang mga pagkilos ay nagbagong lahat; hindi na niya kailanman muling gagamitin ang mga pamamaraan at mga prinsipyong ito upang magdulot ng kasiyahan at kaligayahan sa kanyang mga puso. Ang ‘iniwan’ sa ‘iniwan ang karahasan sa mga kamay ng isang tao’ ay nangangahulugan na binitawan o isinantabi, upang ganap na makawala sa nakaraan at hindi na kailanman muling balikan. Nang iwanan ng mga taga-Ninive ang karahasan sa kanilang mga kamay, pinatunayan at kinatawan nito ang tunay nilang pagsisisi. Pinagmamasdan ng Diyos ang panlabas na anyo ng mga tao, gayundin ang kanilang mga puso. Nang mapansin ng Diyos ang tunay na pagsisisi sa puso ng mga taga-Ninive nang walang pag-aalinlangan, at napansin din na tinalikdan na nila ang kanilang masasamang gawi at iniwan ang karahasan sa kanilang mga kamay, binago Niya ang Kanyang puso(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II). Nagsisi sa Diyos ang mga tao ng Nineve nang nakasuot ng sako at nakaupo sa abo. Tinalikuran nila ang kanilang masasamang pamamaraan noon at hindi na muling gumawa ng masasamang gawa. Sa huli, nakuha nila ang awa ng Diyos. Sa kabaligtaran, nasabi ko lang ang tungkol sa kagustuhan kong magsisi. Pero nang aktuwal na dumating sa akin ang isang sitwasyon, ninais ko lang protektahang muli ang sarili kong kahihiyan. Hindi ito tunay na pagsisisi! Kailangan kong bitawan ang sarili kong kahihiyan, at magtapat tungkol sa katotohanan ng aking katiwalian sa mga kapatid ko. Kailangang hayaan kong malinaw na makita ng lahat ang tunay kong tayog, para hindi na nila ako hangaan o sambahin, at maunawaan nila ang pagiging matuwid ng Diyos mula sa kabiguan ko, na magsisilbing babala sa kanila. Nang mapagtanto ko ito, nagtapat ako at ibinahagi ko kung ano ang naibunyag ko at kung paano ako umasal mula nang ako ay maging isang lider: kung paano ko itinaas at ipinangalandakan ang aking sarili. Pagkatapos kong makipagbahaginan, nadama kong labis na lumaya ang puso ko.

Makalipas ang ilang araw, nagsaayos ang mga nakatataas na lider ng isang tungkulin para sa akin. Noong panahong iyon, labis akong nasabik na napaiyak ako. Hindi ko kailanman inasahan na kapag tunay akong nagsisi sa Diyos, masisilayan ko ang Kanyang nakangiting mukha. Hindi ako inabandona ng Diyos, ni hindi Niya ako tinrato ayon sa aking mga pagsalangsang. Labis akong naantig. Palihim akong nagpasya, “Sa hinaharap, kailangan kong magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso kapag ginagampanan ko ang tungkulin ko, sadyang dakilain ang Diyos, at magpatotoo sa Diyos, gawin ang aking makakaya para hangarin ang katotohanan, gampanan ang aking mga tungkulin sa praktikal na paraan, at tigilan ang pagpapangalandakan sa aking sarili.” Kalaunan, nang gampanan ko ang mga tungkulin ko, nagpakita ako ng mas higit na pagpipigil. Tuwing nais kong ipangalandakan ang sarili ko, sinasadya kong magdasal sa Diyos, tinatanggap ang Kanyang pagsisiyasat, naghihimagsik laban sa aking maling mga layunin, at hindi na kumikilos alinsunod sa aking mga tiwaling disposisyon. Nang magsagawa ako sa ganitong paraan, nakaramdam ako ng labis na kapanatagan sa puso.

Sinundan:  51. Ang Pagdurusa na Dumarating sa Atin ay Pagmamahal Din ng Diyos

Sumunod:  53. Ang mga Kahihinatnan ng Pananampalatayang Nakabase sa mga Kuru-kuro at Imahinasyon

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger