54. Sa Likod ng Aking mga Kasinungalingan

Ni Yang Rui, Tsina

Noong Enero 2021, nahalal ako bilang isang mangangaral. Pagkalipas ng tatlong buwan o higit pa, dahil sa mahinang kapabilidad sa gawain ay hindi ko mahusay na nagampanan ang gawain at itinalaga akong muli bilang isang lider ng iglesia. Napakalungkot ko noong panahong iyon, “Itinalaga akong muli; ano kaya ang iisipin sa akin ng mga kapatid kapag nalaman nila? Iisipin kaya nila na hindi ko hinahangad ang katotohanan at wala akong anumang kapabilidad sa gawain? Mamaliitin kaya nila ako? Kung hindi ko magawa nang maayos ang gawain ng isang lider ng iglesia at matanggal ako, tuluyan nang masisira ang magandang imahe ko sa kanilang mga puso.” Pagkaisip ko nito, talagang hindi ko na magawang hikayatin ang aking sarili. Pagkatapos, nang gawin ko ang aking tungkulin, nagsinungaling ako at nagpanggap para protektahan ang aking imahe sa isipan ng iba.

Noong Mayo, dumating ang mga nakatataas na lider para subaybayan ang iba’t ibang aytem ng gawain sa iglesia. Nakahanap sila ng ilang salita ng Diyos na naglalantad sa mga huwad na lider na hindi gumagawa ng tunay na gawain, at ibinahagi nila ito sa amin. Naisip ko, “Bakit ipinapakita sa amin ng mga lider ang mga salita ng Diyos tungkol sa paksang ito? Alam kaya nila na hindi ako gumagawa ng tunay na gawain sa panahong ito, at babala ba ito sa akin na kung magpapatuloy ako sa hindi maayos na paggawa ay matatanggal ako? Kamakailan lang, ibinaba ang ranggo ko dahil sa mahinang kapabilidad ko sa gawain. Kung matanggal akong muli, tiyak na sasabihin ng mga kapatid na talagang wala akong kakayahan. Magiging kahiya-hiya talaga iyon! Hindi maaari. Hindi ko hahayaang maliitin ako ng mga kapatid. Kailangan kong magsikap at magkamit ng ilang resulta.” Noong panahong iyon, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon kasama ang aking mga grupo at nakikipagbahaginan sa kanila. Nang makita kong nahihirapan ang mga kapatid sa pangangaral ng ebanghelyo, sinubukan kong lutasin agad ang mga ito, ngunit pagkatapos ng ilang beses na pakikipagbahaginan, walang naging malinaw na mga resulta. Nagpadala ng liham ang mga lider para alamin ang tungkol sa gawain ng ebanghelyo. Nais kong iulat ang mga isyung ito sa mga lider, ngunit naisip ko kung paanong lahat ng iyon ay mga dati nang problema na hindi pa rin nalulutas. Kung iuulat ko ang mga ito, sasabihin kaya ng mga lider na wala akong kapabilidad sa gawain at hindi ko kayang lutasin ang mga tunay na problema, at tatanggalin ako? Hindi ba’t lubusan akong mapapahiya? Kaya, salungat sa aking iniisip, sinabi ko, “Wala pa akong nakitang anumang problema o paglihis sa ngayon, ngunit iuulat ko ang mga ito kung may makita ako kalaunan.” Pagkatapos tumugon, hindi mapakali ang puso ko, “Hindi ba’t nagsisinungaling ako at nanlilinlang? Pero kung sasabihin ko ang totoo, malalaman ng mga lider na hindi ko kayang lumutas ng mga problema at hindi ako makagawa ng tunay na gawain. Tiyak na tatanggalin nila ako.” Kaya, hindi ako nagnilay-nilay sa aking sarili.

Noong Hulyo, nagpadala sa amin ang iglesia ng tatlong dokumento ng pag-aalis. Pinaalalahanan ako ng sister na katuwang ko na basahin agad ang mga ito, ngunit hindi ko ito pinansin. Pagkalipas ng isang buwan, dumating si Sister Zhang Yu sa aming iglesia para kumustahin ang mga dokumento ng pag-aalis. Nag-alala ako na kung malaman ni Zhang Yu na matagal naantala ang mga dokumentong ito dahil hindi ko sinuri ang mga ito sa tamang oras, sasabihin kaya niya na hinahadlangan ko ang gawain ng paglilinis, at na isa akong huwad na lider? Pagkalipas ng ilang sandali, tinanong ako ni Zhang Yu kung naisumite na ba ang mga dokumentong ito. Lubos akong nakonsensiya, “Kung sasabihin ko ang totoo na ako ang nakaantala sa mga ito, tiyak na sasabihin ni Zhang Yu na hinadlangan ko ang gawain ng paglilinis. Kung maiuulat ito sa mga nakatataas na lider at pagkatapos ay matanggal ako, magiging napakakahiya-kahiya niyon!” Pinagtakpan ko ang sarili ko at sinabing, “Ang ilang lider at diyakono ay hindi pa pumipirma para sa paglilinis.” Sinabi ni Zhang Yu, “Napakahalaga ng gawain ng paglilinis. Kailangan mong magmadali at papirmahin sila nang walang pagkaantala.” Namula ang mukha ko, at nag-aalangan kong sinabi, “Sige.” Bagama’t wala nang ibang sinabi si Zhang Yu, ang puso ko ay matagal na hindi mapakali, at inusig ako ng aking konsensiya, “Malinaw na kasalanan ko ang hindi pagsusuri kaagad sa mga dokumento para sa paglilinis, ngunit ipinasa ko ang responsabilidad sa iba. Hindi ba’t binabaluktot ko ang mga katunayan at nagsisinungaling?” Nag-alala akong malalantad ang aking kasinungalingan, at hindi ako mapakali at kinabahan ako. Labis din akong nabagabag: Bakit napakahirap magsabi ng totoo?

Pagkatapos, naging abala ako gaya ng dati, ngunit pagdating sa paggawa ng aking tungkulin, paikot-ikot lang ako at madaling-madali. Wala akong makitang anumang problema at walang anumang aytem ng gawain ang nagkaroon ng bunga. Kalaunan, dumating sa isang pagtitipon ang isang nakatataas na lider para alamin ang tungkol sa gawain. Sinagot ko ang bawat tanong niya nang may labis na pag-iingat, at kinumpirma ko rin ang aking mga sagot sa aking katuwang, na nakaupo sa tabi ko, dahil hindi ko masagot ang ilang tanong dahil hindi ko nauunawaan ang mga detalye ng ilang gampanin. Nang tanungin ako ng lider kung ano ang kalagayan ko, itinago ko ang totoo, at direktang pinungusan ako ng lider, “Natuklasan kong hindi ka gumagawa ng tunay na gawain. Kapag nag-uulat ka tungkol sa gawain, palagi mong inuulat ang mabuti at pinagtatakpan ang masamang balita, kaya hindi maunawaan ng iba kung ano ba talaga ang nangyayari sa gawain. Isinaayos ng iglesia na itigil mo muna ang iyong mga tungkulin para makapagnilay-nilay ka sa iyong sarili.” Nang marinig kong tinukoy ng lider ang mga problema ko, pakiramdam ko ay lubusan akong napahiya, na gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

Pagkatapos akong tanggalin, nanghina ako nang husto at napagtanto kong napakasama ng kalagayan ko. Kaya lumapit ako sa harap ng Diyos para manalangin, na nawa’y bigyang-liwanag Niya ako at gabayan akong maunawaan ang aking tiwaling diwa. Isang araw, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Madalas ginagamit ng mga anticristo ang pamamaraan ng pagsisinungaling sa ang Itaas at pagtatago ng mga bagay-bagay sa mga mababa sa kanila para maiwasan ang pagpupungos ng ang Itaas. … Kung lumilitaw ang ilang problema sa gawain ng iglesia, alam ng mga anticristo na tiyak silang mapupungusan, o matatanggal pa nga kapag nalaman ng ang Itaas ang tungkol sa mga isyu, kaya, itinatago nila ang mga problema, at hindi iniuulat ang mga ito sa ang Itaas. Wala silang anumang pakialam kung ano ang epekto o pinsalang maidudulot ng mga problemang iyon sa gawain ng sambahayan ng Diyos kung hindi malulutas ang mga ito; wala silang malasakit sa kahit anong kawalan na mararanasan ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi nila iniisip kung anong paraan ng pagkilos ang makakabuti sa gawain ng sambahayan ng Diyos o makakapagpalugod sa Diyos; isinasaalang-alang lamang nila ang kanilang sariling reputasyon at katayuan, kung paano sila titingnan at tatratuhin ng ang Itaas, at kung paano nila pangangalagaan ang kanilang reputasyon at katayuan upang hindi maapektuhan ang mga ito. Sa ganitong paraan tinitingnan ng mga anticristo ang mga bagay-bagay at pinag-iisipan ang mga problema, at ganap itong kumakatawan sa kanilang disposisyon. Kaya, tiyak na hindi makatotohanang iuulat ng mga anticristo ang mga problema na umiiral sa loob ng iglesia, o na lumilitaw sa kanilang gawain. Anuman ang gawain nila, anumang paghihirap ang kinakaharap nila, o kung nahaharap sila sa mga sitwasyon na hindi nila alam kung paano pangasiwaan, o kung saan hindi nila alam kung ano ang gagawing pagpapasya, habang isinasakatuparan ang gawain na iyon, pagtatakpan at itatago nila ito, natatakot sila na sasabihin ng ang Itaas na masyadong mahina ang kanilang kakayahan, o na malalaman ng ang Itaas ang kanilang tunay na sitwasyon, o pupungusan sila ng ang Itaas dahil hindi nila maagap na pinangasiwaan at nilutas ang mga paghihirap o sitwasyong iyon. Binabalewala ng mga anticristo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang gawain ng iglesia upang maiwasan ang pagpupungos ng ang Itaas. Hindi sila nag-aatubiling isakripisyo ang gawain at mga interes ng iglesia para lang mapanatili ang kanilang katayuan at kabuhayan, at para matiyak na mayroong magandang impresyon tungkol sa kanila ang ang Itaas. Wala silang pakialam kung naaantala o naaapektuhan ba nila ang pag-usad ng gawain ng iglesia, at mas lalong wala silang pakialam tungkol sa buhay pagpasok ng mga hinirang ng Diyos. Anuman ang mga suliraning kinakaharap ng mga kapatid, o anuman ang mga problemang umiiral pagdating sa kanilang buhay pagpasok, hindi kayang lutasin ng mga anticristo ang mga ito, at hindi sila kokonsulta sa ang Itaas(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikatlong Bahagi)). Inilalantad ng Diyos na palaging gustong lumikha ng mga anticristo ng isang perpektong imahe sa puso ng mga tao, at takot na takot silang matuklasan ng iba ang kanilang mga kakulangan at pagkukulang. Para maprotektahan ang kanilang reputasyon at katayuan, at mapigilan ang iba na makilatis sila, binabalot nila ang kanilang sarili, nagpapanggap, at nagsisinungaling sa bawat pagkakataon para linlangin at lokohin ang mga tao, wala silang pakialam kahit kaunti kung mapinsala man ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Sila ay sukdulang makasarili, kasuklam-suklam, baliko at mapanlinlang. Nang ikumpara ko ang sarili kong pag-uugali sa iba’t ibang paraan ng pagkilos ng mga anticristo, sunud-sunod na larawan ang lumitaw sa aking isipan. Nag-alala ako na kung sasabihin ko sa mga lider ang tungkol sa aking mga aktuwal na paghihirap at mga problemang natuklasan ko sa gawain, sasabihin ng mga lider na mayroon akong mahinang kakayahan at hindi ko kaya ang gawain, mamaliitin ako, o tatanggalin pa nga ako. Kung magkagayon, lubusan akong mapapahiya. Kaya, pinagtakpan ko ang aking sarili at wala akong sinabi ni isang salita tungkol sa mga paglihis at problema sa gawain. Inakala kong sa ganitong paraan ay hindi matutuklasan ng mga lider ang aking mga problema. Nang magtanong ang mga lider tungkol sa mga paglihis at problema sa gawain ng ebanghelyo, dapat ay matapat akong tumugon, ngunit sinadya kong ilihim ang mga paglihis at problema para maprotektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Nang itanong ni Zhang Yu kung naisumite na ba ang mga dokumento para sa pag-aalis, naisip ko na kung sasabihin ko ang totoo na ako ang nakaantala sa mga iyon, kapag nalaman iyon ng mga nakatataas na lider, manganganib na tanggalin ako, at tuluyan nang masisira ang magandang imahe ko sa isipan ng iba. Kaya, binaluktot ko ang mga katunayan at ipinasa ang sisi sa iba. Napagtanto ko kung gaano ako naging mapanlinlang! Ako ay nagsinungaling, nanlinlang, gumamit ng mga ilusyon para lokohin at iligaw ang mga tao, nilalansi sila para makuha ang tiwala at kabutihang-loob nila. Ang mga kilos ko ay walang pinagkaiba sa mga kilos ng mga anticristo—talagang napakabuktot at kasuklam-suklam ko! Inakala kong matalino ako, at na makakalusot ako sa pagsisinungaling at pandaraya sa ganitong paraan. Pero sinisiyasat ng Diyos ang lahat ng bagay, at nakita Niya nang napakalinaw ang mga mapanlinlang kong intensiyon at mga panlalansing ginawa ko, at kinondena Niya ang lahat ng iyon. Kung hindi ako nagsisi at nagpatuloy akong maging baliko at mapanlinlang, sa huli ay matitiwalag at mapaparusahan lang ako.

Kalaunan, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Kapag nanlilinlang ang mga tao, sa anong mga layunin ito nag-uugat? Anong mithiin ang sinusubukan nilang makamit? Walang pasubali, ito ay para magkamit ng katanyagan, pakinabang at katayuan; sa madaling sabi, ito ay alang-alang sa sarili nilang mga interes. At ano ang pinakaugat ng paghahangad sa mga pansariling interes? Ito ay dahil nakikita ng mga tao ang mga pansarili nilang interes bilang mas mahalaga kaysa sa lahat ng iba pa. Nanlilinlang sila upang makinabang sila, at sa gayon ay nabubunyag ang kanilang mapanlinlang na disposisyon. Paano dapat lutasin ang problemang ito? Kailangan mo munang kilatisin at alamin kung ano ba ang mga interes, kung ano ba mismo ang idinudulot ng mga ito sa mga tao, at kung ano ba ang mga kahihinatnan ng paghahangad sa mga ito. Kung hindi mo ito maunawaan, madaling sabihin na tatalikuran mo ang mga ito pero mahirap itong gawin. Kung hindi nauunawaan ng mga tao ang katotohanan, wala nang iba pang mas mahirap talikuran para sa kanila kaysa sa sarili nilang mga interes. Iyon ay dahil ang mga pilosopiya nila sa buhay ay ‘Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba’ at ‘Ang tao ay namamatay para sa kayamanan, gaya ng mga ibon para sa pagkain.’ Malinaw na nabubuhay sila para sa sarili nilang mga interes. Iniisip ng mga tao na kung wala ang sarili nilang mga interes—na kung mawawala ang kanilang mga interes—hindi sila mabubuhay. Ito ay na para bang hindi maihihiwalay ang buhay nila sa sarili nilang mga interes, kaya nga karamihan sa mga tao ay bulag sa lahat maliban sa sarili nilang mga interes. Mas mataas ang tingin nila sa sarili nilang mga interes kaysa sa anumang ibang bagay, nabubuhay lang sila para sa sarili nilang mga interes, at ang pagdudulot sa kanilang isuko ang sarili nilang mga interes ay para na ring paghiling sa kanila na isuko nila ang buhay nila. Kaya, ano ang dapat gawin sa gayong mga sitwasyon? Dapat tanggapin ng mga tao ang katotohanan. Makikita lamang ng mga tao ang diwa ng sarili nilang mga interes kapag naunawaan nila ang katotohanan; saka lamang sila makapagsisimulang bitiwan at maghimagsik laban sa mga ito, at magawang tiisin ang sakit na pakawalan ang mga bagay na labis nilang mahal. At kapag kaya mo nang gawin ito at talikuran ang mga sarili mong interes, mas mapapanatag ka at mas magiging payapa ang iyong puso, at kapag nagawa mo iyon ay nadaig mo na ang laman. Kung kumakapit ka sa iyong mga interes at tumatanggi kang isuko ang mga iyon, at kung hindi mo tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, sa iyong puso ay maaari mong sabihin na, ‘Ano bang masama kung magsikap akong makinabang at umayaw akong mawalan? Hindi naman ako pinarusahan ng Diyos, at ano ba ang magagawa ng mga tao sa akin?’ Walang sinumang makagagawa ng anumang bagay sa iyo, pero sa ganitong pananalig sa Diyos, mabibigo ka sa huli na matamo ang katotohanan at ang buhay. Magiging isang napakalaking kawalan ito para sa iyo—hindi ka makapagtatamo ng kaligtasan. May mas matindi pa bang panghihinayang? Ito ang kasasapitan sa huli ng paghahangad mo para sa sarili mong mga interes. Kung kasikatan, pakinabang at katayuan lamang ang hahangarin ng mga tao—kung sariling mga interes lamang ang hahangarin nila—hindi nila kailanman matatamo ang katotohanan at ang buhay, at sila ang mawawalan sa huli(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pag-unawa sa Disposisyon ng Isang Tao ang Pundasyon ng Pagbabago Nito). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na palagi akong kumikilos nang mapanlinlang dahil isinasaalang-alang ko ang sarili kong reputasyon at katayuan sa bawat pagkakataon. Mula pa pagkabata, nakondisyon na ako ng mga satanikong lason, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” “Kailangan ng mga tao ang kanilang pagpapahalaga sa sarili, tulad ng pangangailangan ng puno sa balakbak nito,” at “Habang nabubuhay ang puno para sa balat nito, nabubuhay naman ang tao para sa kanyang mukha.” Naging mga prinsipyo na ang mga satanikong batas na ito na namamahala sa sariling asal ko at umaakay sa akin na magsinungaling at manlinlang nang paulit-ulit para sa kapakanan ng sarili kong reputasyon at katayuan. Nang malinaw kong natuklasan ang mga paglihis at problema sa gawain at hindi ko alam kung paano lulutasin ang mga ito, nagsinungaling ako sa mga lider, sinabing wala akong natuklasang anumang problema. Nang malinaw na ako ang nakaantala sa gawain ng pag-aalis, binaluktot ko ang mga katunayan at ipinasa ang sisi sa iba. Nakita kong nagsinungaling at nandaya ako laban sa konsensiya ko para maprotektahan ang aking reputasyon at katayuan. Talagang napakamakasarili at ubod ng sama ko! Naisip ko ang sinasabi ng Bibliya: “Kayo ay sa inyong amang diyablo, at ang mga nasa ng inyong ama ay inyong gagawin. … Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa sarili niya: sapagkat siya ay isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). Tanging ang diyablo lang ang laging nagsisinungaling at hindi kailanman nagsasabi ng kahit isang salita ng katotohanan: Ang diwa ng diyablo ay pagsisinungaling. Hinihingi sa atin ng Diyos na maging matatapat na tao at magsabi nang totoo, pero nagsinungaling ako at nandaya nang paulit-ulit para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan. Nananampalataya ako sa Diyos pero hindi ko isinagawa ang katotohanan, sa halip ay namuhay ako ayon sa mga satanikong batas ng pamumuhay, sinusubukang lansihin ang Diyos, at labanan Siya. Kung hindi ako magsisisi, sa huli ay mapaparusahan lang ako ng Diyos. Nagpatirapa ako sa harap ng Diyos at nanalangin, “Mahal kong Diyos, nakita ko na na napakamapanlinlang ng aking kalikasan, at na ako ay isang buhay na Satanas na walang kahit katiting na integridad o dignidad. Talagang kinasusuklaman Mo ako. Ayaw ko nang labanan Ka pa. Handa akong isagawa ang katotohanan, maging isang matapat na tao, at isabuhay ang isang tunay na wangis ng tao.”

Pagkatapos ay nagbasa pa ako ng mas maraming salita ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga pagkukulang, iyong mga kapintasan, iyong mga pagkakamali, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at makipagbahaginan tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito sa loob mo. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang balakid, na siyang pinakamahirap malampasan. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang pagpapanggap, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at matapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang sisiyasating mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mabibitiwan mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Pagkabasa ng mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Para malutas ang problema ng pagsisinungaling, kailangan mong maging isang matapat na tao, magawang magtapat at ilahad ang anumang katiwalian o kakulangan sa halip na pagtakpan ang mga ito, at maghanap ng pakikipagbahaginan sa iyong mga kapatid kung mayroon kang anumang mga paghihirap, natututo mula sa kalakasan ng isa’t isa para mapunan ang mga kahinaan. Ang paggawa ng iyong tungkulin sa ganitong paraan ay makapagtatamo ng magagandang resulta, kapaki-pakinabang ito sa iyong buhay pagpasok, at kapaki-pakinabang din sa gawain ng iglesia. Bukod pa rito, naunawaan ko rin na ang sambahayan ng Diyos ay nagtatanggal ng mga tao ayon sa mga prinsipyo. Walang sinuman ang basta-basta na lang tatanggalin dahil sa kanilang mga kakulangan o paglihis; sa halip, ang pagtatanggal ay tinitimbang batay sa kung hinahangad ba nila ang katotohanan at kung gumagawa ba sila ng tunay na gawain. Tatanggalin lamang sila kung hindi nila hinahangad ang katotohanan at hindi sila gumagawa ng tunay na gawain. Kung maliit ang kanilang tayog at mahina ang kanilang kakayahan, at talagang hindi nila kaya ang gampanin, itatalaga silang muli sa ibang mga tungkulin batay sa kanilang tayog at kakayahan. Katulad lang noong itinalaga akong muli mula sa pagiging mangangaral para maging isang lider ng iglesia. Itinalaga lang akong muli dahil mahina ang aking kapabilidad sa gawain at hindi ko kayang pasanin ang gawain. Isinasaalang-alang ng mga pagsasaayos na ito ang gawain ng iglesia, at kapaki-pakinabang din sa aking buhay pagpasok. Gayunpaman, wala akong pagkakilala sa mga bagay-bagay, naghinala ako, at nagkamali ako ng pagkaunawa. Wala talaga akong konsensiya! Naisip ko kung paano ako namuhay noon para sa reputasyon at katayuan, nagsisinungaling at nanlalansi ng mga kapatid ko habang iniisip na napakatalino ko. Naniwala akong sa paggamit ng kasinungalingan para pagtakpan ang katotohanan, mapapanatili ko ang aking katayuan. Hindi ko napagtanto na sinisiyasat ng Diyos ang kaibuturan ng puso ng mga tao. Dahil sa panlilinlang at panlalansi ko, hindi lang naantala ang gawain, dumanas din ako ng matinding pagdurusa sa pamamagitan ng pamumuhay sa pagkakagapos ng tiwaling disposisyon ko, nawalan ng integridad at dignidad, at namuhay nang sobrang nakakapagod. Sa hinaharap, kailangan kong mamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, at nang may kamalayan kong ilalantad ang sarili kong katiwalian, hindi na poprotektahan ang aking reputasyon at katayuan.

Noong Hulyo 2022, muli akong nahalal bilang isang lider sa iglesia. Minsan, sumulat ang mga nakatataas na lider para itanong kung bakit napakabagal ng pag-usad ng gawain ng pag-aalis. Naisip ko, “Kung sasabihin kong naantala ang pag-usad dahil hindi ko gaanong naaarok ang mga prinsipyo ng pagkilatis sa mga tao, mamaliitin kaya ako ng mga lider?” Noong oras na iyon, naisip ko ang pinsalang naidulot ko sa gawain dahil sa aking panlilinlang, para lang maprotektahan ang aking reputasyon at katayuan, at sinabi ko sa mga lider ang totoo. Nakahanap ang mga lider ng ilang kaugnay na prinsipyo para sa mga paghihirap ko, at naglipat sila ng isang sister para tulungan ako, kaya nagkaroon ako ng ilang landas na susundan habang ginagawa ko ang gawain ng pag-aalis. Pagkatapos ng karanasang ito, naunawaan ko na hindi gaanong nakakapagod ang buhay kapag nagsasabi ka ng totoo at hindi namumuhay ayon sa mapanlinlang na disposisyon, at mas napalaya ang puso ko. Gaya ng sinabi ng Diyos: “Kapag nagsasalita ka, napakarami mong pasikot-sikot, masyado kang nag-iisip, at namumuhay nang nakakapagod, lahat ng ito ay para protektahan ang sarili mong reputasyon at pride! Nalulugod ba ang Diyos sa pag-asal mo nang ganito? Pinakakinasusuklaman ng Diyos ang mga taong mapanlinlang. Kung gusto mong maging malaya sa impluwensiya ni Satanas at makamit ang kaligtasan, kailangan mong tanggapin ang katotohanan. Una ay kailangan mong magsimula sa pagiging isang matapat na tao. Maging prangka, sabihin ang totoo, huwag magpalimita sa iyong mga damdamin, iwaksi ang iyong pagkukunwari at panlalansi, at magsalita at pangasiwaan ang mga bagay nang may prinsipyo—isa itong madali at masayang paraan ng pamumuhay, at makapamumuhay ka sa harap ng Diyos(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng Isang Tiwaling Disposisyon).

Sinundan:  53. Ang mga Kahihinatnan ng Pananampalatayang Nakabase sa mga Kuru-kuro at Imahinasyon

Sumunod:  55. Kung Paano Ako Nakalaya Mula sa mga Tukso ng Pera, Kasikatan, at Pakinabang

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger