58. Ano Ba Talaga ang Itinatago ng Pag-iwas sa Pangangasiwa?

Ni Lin Wei, Tsina

Noong Hunyo 2021, nahalal ako bilang isang mangangaral. Noong una, hindi ako pamilyar sa gawain ko, kaya mapagpakumbaba akong nag-aral mula sa mga katrabaho ko. Pagkalipas ng ilang panahon, ilan sa gawain sa mga iglesiang nasa ilalim ng responsabilidad ko ang nagbunga ng ilang resulta. Gayumpaman, may ilang gawain na hindi masyadong nagkaroon ng pag-usad. Sa isang pagtitipon, tinanong sa akin ng isang nakatataas na lider, “Anong gawain ang nagawa mo sa panahong ito? Kumusta ang pag-usad ng iba’t ibang aytem ng gawain sa iglesia?” Naisip ko, “Mula nang pangasiwaan ko ang gawain, hindi nagkaroon ng pag-usad sa paglilinang ng mga tagadilig. Hindi ko muna ito babanggitin sa ngayon, baka sakaling sabihin ng lider na hindi ako gumagawa nang maayos at hamakin ako. Pero nagkaroon ng ilang resulta sa gawain ng ebanghelyo at sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Kung tatalakayin ko ang tungkol sa mga ito, tiyak na magkakaroon ng magandang impresyon sa akin ang lider, at iisipin na may kapabilidad ako sa tungkulin.” Samakatwid, tinalakay ko lang ang gawaing nagtamo ng mga resulta. Hindi ko inasahan na pagkatapos ay tatanungin ako ng lider kung kumusta ang pag-usad ng paglilinang ng mga tagadilig. Naisip ko, “Kung matutuklasan ng lider na hindi ako nakahanap ng sinumang kandidatong angkop para sa paglilinang, sasabihin ba niyang wala akong kapabilidad sa gawain?” Kaya sinabi ko, “Naghahanap ako ng mga tao ngayon.” Pagkarinig dito, hindi na nagtanong nang mas detalyado ang lider. Hinikayat lang niya akong maglinang ng mga tao sa lalong madaling panahon. Lihim akong masaya sa puso ko, iniisip na sa wakas ay nakalusot ako. Sa hindi inaasahan, tinanong ulit ako ng lider, “Mayroon bang anumang panganib sa seguridad sa mga bahay na pinagtitipunan?” Kinabahan ako sa sandaling marinig ko ito. May ilang bahay nga na may mga panganib sa seguridad, pero dahil hindi kami makahanap ng mga angkop na bahay, patuloy lang naming pinagtitiyagaan ang mga iyon. Kung sasabihin ko ang totoo, ano ang iisipin sa akin ng lider? Sasabihin ba niyang sadya kong nilabag ang mga prinsipyo at hindi isinaalang-alang ang kaligtasan? Pupungusan ba niya ako? Noong oras na iyon, medyo nairita ako sa loob ko, “Bakit ba siya nagtatanong ng gayong mga detalyadong tanong?” Kaya nagsinungaling ako at sinabi ko, “May gayong sitwasyon, pero minsan lang namin iyon ginamit. Pagbalik ko, babaguhin ko ito.” Tila nakilatis ng lider ang iniisip ko. Pinungusan niya ako, sinasabing, “Alam na alam mong hindi ligtas ang bahay na pinagtitipunan pero patuloy mo pa rin itong ginagamit. Kung may anumang mangyayari, hindi lubos maisip ang mga kahihinatnan! Masisikmura mo ba ang mga iyon? Gayundin, wala pang nakikitang mga tagadilig na angkop para sa paglilinang. Hindi ba’t pag-antala ito sa gawain?” Nang marinig kong sinabi ito ng lider, lalo pa akong nataranta, “Natuklasan ng lider ang napakaraming problema sa akin sa unang beses niya akong nakilala. Ano pa ang mukhang maihaharap ko? Sasabihin ba ng lider na hindi ko kaya ang tungkulin?” Kasabay niyon, tahimik ko ring ipinagtanggol ang sarili ko, “Hindi pa ako masyadong matagal naging responsable sa gawain, kaya mauunawaan na may ilang gawaing hindi nagawa nang maayos. Hindi ba’t nagbunga ng ilang resulta ang ibang gawain ko? Dapat mo akong bigyan ng kaunting oras para dahan-dahan ko itong magawa.” Nagpaliwanag ako sa pamamagitan ng pagsasabing kasisimula ko pa lang magsanay at hindi ko pa rin nauunawaan ang ilang prinsipyo. Nakinig ang lider at pagkatapos ay nagbahagi sa akin tungkol sa ilang prinsipyo. Lumipas ang usapin.

Pagkalipas ng ilang araw, pumunta ang nakatataas na lider na iyon sa iglesia namin para mag-asikaso ng ilang usapin. Pahapyaw niyang tinanong kung ilang lider at manggagawa sa lugar ng responsabilidad ko ang puwedeng iangat at linangin, at kung may sinumang kailangang tanggalin o italaga sa ibang tungkulin Naisip ko, “Noong nakaraan nang alamin ng lider ang tungkol sa gawain, marami sa mga problema at paglihis ko ang nalantad. Bakit ba nagtatanong na naman siya? Hindi ako madalas nakikipag-ugnayan sa ilan sa mga lider at manggagawa, at hindi ako masyadong sigurado kung puwede silang iangat at linangin. Tungkol naman sa mga lider at manggagawang iyon na hindi nakakakuha ng magagandang resulta sa paggawa ng mga tungkulin nila, hindi ko matitimbang sa ngayon kung kailangan silang maitalaga sa ibang tungkulin. Ano ang dapat kong sabihin? Kung sasabihin kong hindi ko alam, iisipin ng lider na hindi ako gumagawa ng tunay na gawain. Kung sasabihin kong alam ko nga, hindi ako makakapagsalita nang malinaw tungkol sa mga detalye.” Samakatwid, sumagot ako sa isang pabasta-bastang paraan, “Hindi ko ito makilatis, hindi ko ito matitimbang nang maayos.” Nakita ng lider na wala siyang makukuhang sagot sa mga tanong, at hindi na nagtanong pa. Pagkatapos niyon, napagtanto kong mali ang saloobin ko, at nakadama ako ng kaunting paninisi sa sarili. Gusto lang maunawaan ng lider ang mga partikular na detalye ng gawain ng iglesia, at hindi totoo na wala akong anumang nauunawaan. Bakit ba hindi na lang ako magsalita nang matapat?

Kinabukasan, hinanap ako ng lider para sa pagbabahaginan at tinanong niya sa akin, “Bakit hindi ka nagsalita nang totoo noong iniuulat ang sitwasyon sa gawain, at bakit ayaw mong pangasiwaan at kumustahin ng mga tao ang gawaing nasa ilalim ng responsabilidad mo? Anong disposisyon ito?” Nang marinig ko ito, kumabog ang puso ko sa dibdib ko. “Ano na ngayon ang iisipin sa akin ng lider? Hindi ako gumagawa ng tunay na gawain, at hindi ko rin siya hinayaang pangasiwaan ang gawain. Tiyak na isa itong malubhang isyu!” Samakatwid, maingat akong sumagot, “Napagtanto ko lang na naging medyo mapanlinlang ako.” Taimtim na sinabi ng lider, “May mapanlinlang na disposisyon ka nga. Pero mapanlaban ang pakiramdam mo sa gawain ng pangangasiwa at hindi mo hinahayaan ang mga tao na maunawaan ang pag-usad ng gawain. Hinahadlangan nito ang pagpapatupad ng gawain ng iglesia. Ibinubunyag nito ang disposisyon ng isang anticristo. Dapat mong pagnilayan nang mabuti ang sarili mo!” Nang marinig ko ang mga salita ng lider, medyo natakot ang puso ko. Hindi ko inasahan na masyadong malubha ang kalikasan ng problema. Nagdasal ako sa Diyos sa puso ko at hiningi sa Diyos na akayin akong maunawaan ang sarili kong mga problema. Kalaunan, hinanap ng lider ang isang sipi ng mga salita ng Diyos para sa akin, na nagbigay sa akin ng kaunting pagkaunawa sa sarili kong tiwaling disposisyon. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Anumang gawain ang ginagawa ng isang anticristo, natatakot siya na mas marami pang malalaman ang ang Itaas tungkol dito at magtatanong. Kung magtatanong ang ang Itaas tungkol sa kalagayan ng gawain o sa pamamahala sa mga tauhan, magbibigay lang siya ng pabasta-bastang pag-uulat ng ilang walang-kabuluhang bagay, ilang bagay na pinaniniwalaan niyang ayos lang na malaman ng ang Itaas, na walang mga magiging kahihinatnang dulot ng pagkaalam nila nito. Kung magtatanong ang ang Itaas tungkol sa iba pa nito, maniniwala siya na nakikialam ang mga ito sa kanyang tungkulin at sa kanyang ‘mga panloob na usapin.’ Wala na siyang sasabihin pa sa mga ito, kundi magpapanggap na walang alam, manlilinlang at pagtatakpan ang mga bagay-bagay. … kaya ano ang layon niya sa paggawa ng gawain? Ito ay tungkol sa pagsiguro sa kanyang katayuan at kabuhayan. Anuman ang masasamang bagay na ginagawa niya, hindi niya sinasabi sa mga tao ang intensiyon at motibo sa kanyang ginagawa. Dapat niyang panatilihing lubos na lihim ang mga iyon; klasipikadong impormasyon ang mga bagay na iyon sa kanya. Ano ang pinakasensitibong paksa para sa mga taong tulad nito? Ito ay kapag tinanong mo sila, ‘Ano ang ginagawa mo kamakailan? Nagbunga ba ng anumang resulta ang pagganap mo sa iyong tungkulin? Nagkaroon ba ng anumang paggambala o panggugulo sa lugar na sakop ng iyong gawain? Paano mo pinangasiwaan ang mga ito? Nasa wastong kalagayan ka ba sa iyong gawain? Ginagawa mo ba nang tapat ang iyong tungkulin? Nagdulot ba ng mga kawalan sa mga interes ng sambahayan ng Diyos ang mga ginawa mong desisyon sa gawain? Natanggal na ba ang mga lider na hindi pasok sa pamantayan? Iniangat at nilinang na ba ang mga taong may mahusay na kakayahan na medyo naghahangad sa katotohanan? Sinupil mo ba ang mga taong naging suwail sa iyo? Anong kaalaman ang mayroon ka sa iyong tiwaling disposisyon? Anong uri ng tao ka?’ Ang mga ito ang mga paksa na pinakasensitibo sa kanila. Pinaka-kinatatakutan nila na maitanong sa kanila ang mga ito, kaya, sa halip na hintayin kang tanungin mo sila, magmamadali silang maghanap ng ibang paksa para pagtakpan ang mga ito. Gusto ka nilang iligaw sa lahat ng paraan, pinipigilan kang malaman kung ano talaga ang sitwasyong ito, sa kasalukuyang kalagayan nito. Palagi ka nilang pinananatili sa dilim, palagi kang pinipigilang malaman kung gaano kalayo na talaga ang naabot nila sa kanilang gawain. Walang katiting na pagiging hayag doon. May tunay na pananalig ba sa Diyos ang gayong mga tao? May takot ba sila sa Diyos? Wala. Hindi sila kailanman maagap na nag-uulat ng tungkol sa gawain, ni hindi sila maagap na nag-uulat tungkol sa mga aberya sa kanilang gawain; hindi sila kailanman nagtatanong, naghahanap, o nagiging bukas tungkol sa mga hamon at kalituhan na naranasan nila sa kanilang gawain, kundi sa halip ay nagagawa pang pagtakpan ang mga bagay na iyon, niloloko at nililinlang ang ibang tao. Walang anumang pagiging hayag sa lahat ng kanilang gawain, at kapag pinilit lang sila ng ang Itaas na magbigay ng isang makatotohanang ulat at paliwanag na may pag-aatubili silang magsasabi nang kaunti. Mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa magsalita tungkol sa anumang isyu na may kinalaman sa kanilang reputasyon at katayuan—mamamatay sila bago magbigay ng isang salita tungkol doon. Sa halip, nagpapanggap silang hindi nakakaunawa. Hindi ba’t disposisyon iyon ng isang anticristo?(Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikawalong Aytem (Ikalawang Bahagi)). Mula sa mga salita ng Diyos, nakita ko na palaging natatakot ang mga anticristo na magtanong ang Itaas tungkol sa gawain nila at malaman ang tungkol sa kalagayan ng gawain nila. Matindi silang natatakot sa mga bagay na hindi nila nagawa, o sa mga kapintasan at pagkukulang nila, sa pagkakalantad. Para protektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan, ginugugol nila ang lahat ng pagsisikap nila sa mga pagtatakip at panlalansi para hindi matuklasan ng mga tao ang totoo. Nagbalik-tanaw ako sa sarili ko. Ganoon din ako. Nang subukan ng lider na alamin ang tungkol sa gawain ko, para patunayang may kapabilidad ako sa gawain, nagkusa akong iulat sa lider ang gawain na nagbunga ng mga resulta. Gayumpaman, pinanatili kong tikom ang bibig ko tungkol sa gawaing hindi nagbunga ng mga resulta. Nang tanungin ako ng lider tungkol sa pag-usad ng paglilinang sa mga tagadilig, kahit na alam na alam kong namumuhay ako sa gitna ng mga paghihirap at hindi gumagawa ng tunay na gawain, natakot ako na kung sasabihin ko ang totoo, pupungusan ako ng lider, kaya naging mapanlinlang ako, at sinabing kasalukuyan itong ginagawa, maling pinapaniwala ang lider na gumagawa ako ng tunay na gawain. Sa ganitong paraan, naisip kong mapoprotektahan ko ang imahe ko sa isip ng lider. Nang tanungin ng lider kung ligtas ang mga bahay na pinagtitipunan, nag-alala ako na kung malalaman ng lider ang tunay na sitwasyon, pupungusan niya ako dahil sa pagkilos nang walang mga prinsipyo kung kaya’t pinagtakpan ko ang mga katunayan at nanlito, iniiwasan ang mahahalagang aspekto ng isyu para ipaisip sa lider na nabigo lang akong kumilos ayon sa mga prinsipyo sa isang pagkakataong ito. Niloko ko ang lider at sinubukang makalusot dito. Nang pungusan at ilantad ako ng lider, nakita ko na hindi ko na ito puwedeng pagtakpan. Natakot akong mapahiya kung kaya’t naghanap ako ng mga palusot, sinasabing hindi ko pa masyadong matagal ginagawa ang tungkulin ko at hindi ko nauunawaan ang mga prinsipyo. Dagdag pa rito, nang tanungin ako ng nakatataas na lider tungkol sa mga lider at manggagawa sa lugar ng responsabilidad ko, kahit na alam na alam kong hindi ko nauunawaan ang ilang tao, naging pabasta-basta ako, sinasabing hindi ko sila makilatis at makilala. Nakita ko na para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, nagpasasa ako sa panlilinlang at mga panlalansi sa bawat pagkakataon para pagtakpan ang mga paglihis at kapintasan sa gawain. Talagang naging masyado akong tuso at mapanlinlang! Ang totoo, napakawasto para sa mga lider na magtanong tungkol sa sitwasyon ng gawain. Normal din na magkaroon ng mga paglihis at problema sa gawain. Basta’t kaya kong maunawaan ang mga aspektong hindi ko nagawa at baguhin ang mga iyon, ayos lang iyon. Gayumpaman, hindi ko nagawang tratuhin nang tama ang mga iyon at hindi ko inisip kung paano gagawin ang mga bagay-bagay para maging kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia. Sa halip, para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, lantaran akong nagpasasa sa panlilinlang at panlalansi. Inilaan ko ang lahat ng pagsisikap ko sa pagtatakip sa mga paglihis at kapintasan sa gawain. Matindi akong natakot na matuklasan ng lider ang mga iyon. Ang naging resulta nito, hindi naunawaan ng lider ang mga problema sa gawain, at hindi siya nakapagbahagi at hindi niya nalutas agad ang mga iyon. Nakakahadlang sa gawain ng iglesia ang ginagawa ko. Nilalabanan ko ang Diyos! Talagang wala akong may-takot-sa-Diyos na puso. Disposisyon ng anticristo ang ibinunyag ko.

Kalaunan, nabasa ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, at nagkamit ng kaunting pagkaunawa sa pinsala at mga kahihinatnan ng paghahangad sa reputasyon at katayuan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung ikaw ay isang taong nagmamahal sa katotohanan, titiisin mo ang iba’t ibang paghihirap upang maisagawa ang katotohanan. Kahit pa ang ibig sabihin nito ay pagsasakripisyo ng iyong reputasyon, katayuan, at pagtitiis ng pangungutya at pamamahiya ng iba, hindi mo ito iindahin—basta’t nagagawa mong isagawa ang katotohanan at palugurin ang Diyos, sapat na ito. Pinipili ng mga nagmamahal sa katotohanan na isagawa ang katotohanan at maging matapat. Ito ang tamang landas at ito ay pinagpapala ng Diyos. Kung hindi minamahal ng isang tao ang katotohanan, ano ang pinipili niya? Pinipili niyang gumamit ng mga kasinungalingan upang panindigan ang kanyang reputasyon, katayuan, dignidad, at integridad. Mas pipiliin niyang maging mapanlinlang, at kasuklaman at itakwil ng Diyos. Itinatakwil ng gayong tao ang katotohanan at ang Diyos. Pinipili niya ang sarili niyang reputasyon at katayuan; nais niyang maging mapanlinlang. Wala siyang pakialam kung nalulugod ang Diyos o hindi o kung ililigtas siya ng Diyos. Maliligtas pa rin ba ng Diyos ang gayong tao? Tiyak na hindi, dahil pinili niya ang maling landas. Makapamumuhay lang siya sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya; makapamumuhay lamang siya ng buhay na puno ng pasakit dahil sa pagsisinungaling at pagtatakip sa mga ito at pagpipiga sa kanyang utak upang ipagtanggol ang sarili niya araw-araw. Kung iniisip mong maitataguyod ng kasinungalingan ang reputasyon, katayuan, banidad, at pride na ninanais mo, lubos kang nagkakamali. Ang totoo, sa pamamagitan ng pagsisinungaling, hindi ka lang bigong mapanatili ang banidad at pride mo, at ang dignidad at integridad mo, kundi mas matindi pa, napapalagpas mo ang pagkakataong isagawa ang katotohanan at maging isang matapat na tao. Kahit na nagawa mong protektahan sa sandaling iyon ang iyong reputasyon, katayuan, banidad, at pride, isinakripisyo mo ang katotohanan at ipinagkanulo ang Diyos. Ibig sabihin nito ay ganap nang nawala sa iyo ang pagkakataon na mailigtas at maperpekto Niya, na siyang pinakamalaking kawalan at panghabang-buhay mong pagsisisihan. Hindi ito mauunawaan kailanman ng mga mapanlinlang(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Isang Matapat na Tao Lamang ang Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko, na minamahal ng Diyos ang matatapat na tao, pero kinapopootan at kinasusuklaman ang mga mapanlinlang na tao. Kung palaging gumagamit ang isang tao ng mga kasinungalingan at panlalansi para protektahan ang sarili niyang reputasyon at katayuan, isa siyang mapanlinlang na tao at hindi maliligtas. Nang pag-isipan ko ito, tinanong at kinumusta ng lider ang gawain para magkaroon siya ng pagkaarok sa kalagayan ng iglesia. Ang sinumang may kahit kaunting katwiran ay dapat na sumagot nang totoo. Gayumpaman, matindi ang takot ko na matuklasan ng lider ang tungkol sa mga paglihis at problema sa gawain ko at na maapektuhan nito ang magandang impresyon sa akin sa isip ng lider. Iniulat ko lang ang magagandang balita, hindi binabanggit ang anumang problema, at nanlito ako para pagtakpan ang mga bagay-bagay. Halimbawa, ang usapin ng paglilinang ng mga tao. Alam na alam kong namumuhay ako sa mga paghihirap at hindi ko ito ipinatupad, pero nagsinungaling ako at sinabing umuusad ako rito. Nariyan din ang usapin ng bahay na pinagtitipunan. Ginamit ko ito nang labag sa mga prinsipyo nang hindi lang miminsan, at ang mga ito ay mga intensyonal at sinadyang paglabag. Gayumpaman, tuso akong nangatwiran sa lider, sinasabing hindi ko nauunawaan ang mga prinsipyo. Dahil hindi ko sinabi ang totoo, hindi maunawaan ng lider ang tunay na sitwasyon, at imposible niyang malutas agad ang iba’t ibang problema at paglihis sa gawain. Sa sandaling magkaroon ng mga problema, mahahadlangan ng mga iyon ang gawain. Sa paggawa nito, nilalabanan ko ang Diyos. Idinudulot ko sa Diyos na mapoot sa akin. Umasa ako sa mga kasinungalingan para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan sa pamamagitan ng pagtatago sa mga katunayan. Inisip ko na mapoprotektahan ko ang sarili kong reputasyon at katayuan sa pamamagitan ng panloloko sa mga tao. Gayumpaman, pinatunayan ng mga katunayan na sa tuwing nagsisinungaling at nanlalansi ako, nakikilatis ako ng lider. Bukod sa nabigo akong protektahan ang reputasyon at katayuan ko, sa huli ay lalo kong pinagmukhang hangal ang sarili ko. Dahil nagsinungaling at nanlansi ako, sumailalim sa pag-uusig ang konsensiya ko. Naisip ko ang mga huwad na lider at anticristong iyon na nabunyag at natiwalag. Para protektahan ang sarili nilang reputasyon at katayuan at magtaguyod ng imahe nila sa puso ng mga tao, hindi nila tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos kapag ginagawa ang tungkulin nila, at hindi nila tinatanggap ang pangangasiwa ng mga kapatid nila. Kahit na lubos nilang nagugulo ang gawain, pinagtatakpan pa rin nila ito para walang ibang makaalam. Ang resulta, malubha nilang napipinsala ang gawain ng iglesia, at sa huli, tinatanggal at tinitiwalag sila. Hindi ba’t kapareho ng sa kanila ang pag-uugali ko? Para protektahan ang sarili kong reputasyon at katayuan, paulit-ulit akong naging mapanlinlang para pagtakpan ang mga paglihis at kapintasan sa gawain ko. Dinaya ko ang mga tao at sinubukang lansihin ang Diyos. Kung hindi ako magsisisi, tiyak na maitataboy ako ng Diyos, at mawawalan ng pagkakataong maligtas.

Sa debosyonal ko, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Pinangangasiwaan, inoobserbahan, at sinusubukang unawain ng sambahayan ng Diyos ang mga taong gumagawa ng tungkulin. Kaya ba ninyong tanggapin ang prinsipyong ito ng sambahayan ng Diyos? (Oo.) Isang magandang bagay kung matatanggap mong pangasiwaan, obserbahan, at subukang unawain ka ng sambahayan ng Diyos. Makakatulong ito sa pagtupad mo sa iyong tungkulin, sa pagkakaroon mo ng kakayanang magawa ang iyong tungkulin nang pasok sa pamantayan at para matugunan ang mga layunin ng Diyos. Kapaki-pakinabang at nakakatulong ito sa iyo, nang wala talagang negatibong epekto. Kapag naunawaan mo na ang prinsipyong ito, hindi ba’t hindi ka na makakaramdam ng paglaban o pagbabantay laban sa pangangasiwa ng mga lider, manggagawa, at mga taong hinirang ng Diyos? Bagama’t paminsan-minsan ay sinusubukan kang unawain ng isang tao, inoobserbahan ka, at pinangangasiwaan ang gawain mo, hindi mo ito dapat personalin. Bakit Ko sinasabi ito? Dahil ang mga gampaning nasa iyo ngayon, ang tungkuling ginagampanan mo, at anumang gawaing ginagawa mo ay hindi mga pribadong gawain o personal na trabaho ng sinumang tao; may kinalaman ang mga ito sa gawain ng sambahayan ng Diyos at may kaugnayan sa isang bahagi ng gawain ng Diyos. Samakatwid, kapag may sinumang gumugugol ng kaunting oras para pangasiwaan o obserbahan ka, o umuunawa sa iyo nang malalim, sumusubok na kausapin ka nang masinsinan at tuklasin kung ano ang naging kalagayan mo sa panahong ito, at kapag medyo mabagsik pa kung minsan ang kanilang saloobin, at pinupungusan, dinidisiplina, at pinagsasabihan ka nila nang kaunti, lahat ng ito ay dahil matapat at responsable sila sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Hindi ka dapat magkaroon ng anumang negatibong saloobin o emosyon tungkol dito. Ano ang ibig sabihin kung kaya mo itong tanggapin kapag pinapangasiwaan, inoobserbahan, at sinusubukan kang unawain ng iba? Na sa puso mo, tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos. Kung hindi mo tinatanggap ang pangangasiwa, pag-oobserba, at pagtatangka ng mga tao na unawain ka—kung ayaw mong tanggapin ang lahat ng ito—magagawa mo bang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos? Ang pagsisiyasat ng Diyos ay mas detalyado, malalim, at tumpak kaysa kapag sinusubukan ng mga tao na unawain ka; ang mga hinihingi ng Diyos ay mas partikular, mahigpit, at malalim. Kung hindi mo matanggap ang mapangasiwaan ng hinirang na mga tao ng Diyos, walang kabuluhang mga salita lamang ba ang pahayag mo na kaya mong tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos? Para magawa mong tanggapin ang pagsisiyasat at pagsusuri ng Diyos, dapat mo munang tanggapin ang mapangasiwaan ng sambahayan ng Diyos, ng mga lider at manggagawa, o ng mga kapatid(Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (7)). Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang lahat ng tao ay may tiwaling disposisyon, at madalas ay kusang pabasta-basta kapag ginagawa ang mga tungkulin nila. Madalas din silang gumagawa ng mga bagay na lumalabag sa mga prinsipyo batay sa sarili nilang mga ideya, sinisira ang gawain ng iglesia. Bago matamo ang katotohanan, walang sinuman ang maaasahan. Samakatwid, kapag ginagawa natin ang mga tungkulin natin, dapat nating tanggapin ang pangangasiwa ng mga lider at mga kapatid natin. Kapaki-pakinabang ito kapwa sa gawain ng iglesia at sa personal na buhay pagpasok natin. Katulad lang ito ng pagkakataong ito, nang dahil sa agad na pagkakatuklas at pangungumusta ng lider tungkol sa gawain, natuklasan ko sa wakas na hindi umusad ang sarili kong gawain sa paglilinang ng mga tao, at nakahahadlang na ito sa gawain. Nang kumustahin at alamin ng lider ang tungkol sa gawain ay saka lang ako nakaramdam ng pagmamadali, at ginusto ko itong ipatupad agad-agad para maiwasang makapagdulot ng malaking pinsala sa gawain. Dagdag pa rito, pumili ako ng mga bahay na pagtitipunan nang hindi nakabatay sa prinsipyo. Kung hindi sa paulit-ulit na pagtatanong ng lider, patuloy kong pagbibigyan ang sarili ko at kikilos nang labag sa mga prinsipyo. Sa sandaling dumating sa amin ang mga pag-aresto ng malaking pulang dragon at masira ang gawain ng iglesia, mahuhuli na ang lahat para sa mga pagsisisi. Dagdag pa rito, hindi ko naunawaan ang sitwasyon ng mga lider ng iglesia. Ang ilan na dapat na nalinang ay hindi nalinang, habang hindi malinaw sa akin kung sino ang dapat matanggal. Lubos akong naguguluhan. Kahit na ganito ang kaso, sinubukan ko pa ring pagtakpan ang mga bagay-bagay. Kung hindi nagtanong ang lider tungkol sa gawain, kailanman ay hindi ko mapagtatanto na napakaraming paglihis at kapintasan sa paggampan sa tungkulin ko, at hindi ako mababalisa at hindi sasama ang loob ko para baguhin ang mga bagay-bagay. Para naman sa sarili ko, malamang na malamang na maitatalaga ako sa ibang tungkulin o matatanggal dahil hindi ako gumagawa ng mahusay na gawain. Nakita ko na kung wala ang agad na pangungumusta at pagtuklas ng nakatataas na lider tungkol sa gawain, hindi ko talaga magagawa ang tungkulin ko nang ayon sa mga prinsipyo. Makagagawa lang ako ng kasamaan at lalaban sa Diyos nang umaasa sa tiwaling disposisyon ko. Ngayon ko lang naunawaan na kapag pinangangasiwaan at sinusuri ng lider ang gawain ko, hindi niya ako hinahamak, ni sadyang ipinapahiya. Sa halip, tinutupad niya ang mga responsabilidad niya sa gawain niya. Tinutulungan niya akong gawin nang maayos ang tungkulin ko, at pinoprotektahan ang mga interes ng iglesia. Isa itong positibong bagay. Gayumpaman, naging mapanlaban ang pakiramdam ko rito, at sinubukan kong tumakas. Sa paggawa nito, naging tutol ako sa katotohanan. Nilabanan ko ang Diyos! Hindi ko puwedeng ipagpatuloy ang pagsasaalang-alang sa sarili kong imahe at katayuan at takasan ang gawain ng pangangasiwa ng lider. Kailangan kong tratuhin nang tama ang mga paglihis at kapintasan sa gawain ko. Pagkatapos, binago ko ang pinagtitipunang bahay na may panganib sa seguridad, at iniulat sa lider ang aktuwal na mga sitwasyon at paghihirap sa paglilinang sa mga tagadilig. Tinukoy ng lider na hindi ko sinasala ang mga tao nang ayon sa mga prinsipyo, at na masyadong mataas ang mga hinihingi ko sa mga tao. Nagbahagi rin siya sa akin tungkol sa mga prinsipyo, at sinala ang mga tao kasama ko. Sa huli, pumili kami ng mga taong may kapabilidad na malinang.

Kalaunan, nagbasa ako ng mas marami pang salita ng Diyos: “Dapat mong hanapin ang katotohanan upang malutas ang anumang problemang lumilitaw, anuman iyon, at huwag magbalatkayo o magkunwari para sa iba sa anumang paraan. Ang iyong mga pagkukulang, iyong mga kapintasan, iyong mga pagkakamali, iyong mga tiwaling disposisyon—maging ganap na bukas tungkol sa lahat ng ito, at makipagbahaginan tungkol sa lahat ng ito. Huwag mong itago ang mga ito sa loob mo. Ang pagkatutong buksan ang iyong sarili ang unang hakbang tungo sa buhay pagpasok, at ito ang unang balakid, na siyang pinakamahirap malampasan. Kapag nalampasan mo na ito, madali nang pumasok sa katotohanan. Ano ang ipinahihiwatig ng paggawa sa hakbang na ito? Nangangahulugan ito na binubuksan mo ang puso mo at ipinapakita ang lahat ng nasa loob mo, mabuti o masama, positibo o negatibo; inilalantad ang iyong sarili para makita ng iba at ng Diyos; walang itinatago sa Diyos, walang pinagtatakpan, walang pagpapanggap, walang panlilinlang at panloloko, at bukas at matapat din maging sa ibang mga tao. Sa ganitong paraan, nabubuhay ka sa liwanag, at hindi ka lamang sisiyasating mabuti ng Diyos, kundi makikita rin ng ibang mga tao na kumikilos ka nang may prinsipyo at may antas ng kalinawan. Hindi mo kailangang gumamit ng anumang mga pamamaraan para protektahan ang iyong reputasyon, imahe, at katayuan, ni hindi mo kailangang pagtakpan o ikubli ang iyong mga pagkakamali. Hindi mo kailangang makisangkot sa mga walang saysay na pagsisikap na ito. Kung mabibitiwan mo ang mga bagay na ito, labis kang mapapahinga, mamumuhay ka nang hindi napipigilan o walang pasakit, at mamumuhay ka nang lubusan sa liwanag(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). “Huwag kang laging gumawa ng mga bagay para sa sarili mong kapakanan at huwag mong palagiang isaalang-alang ang iyong mga sariling interes; huwag mong isaalang-alang ang mga interes ng tao, at huwag isipin ang iyong sariling pride, reputasyon, at katayuan. Kailangan mo munang isaalang-alang ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, at unahin ang mga iyon. Dapat kang maging mapagsaalang-alang sa mga layunin ng Diyos at magsimula sa pagbubulay-bulay kung mayroon ba o walang karumihan sa paggampan mo sa iyong tungkulin, kung ikaw ba ay naging tapat, kung natupad mo ang iyong mga responsabilidad, at kung naibigay mo ang lahat mo, gayundin kung buong-puso mo bang iniisip o hindi ang iyong tungkulin at ang gawain ng iglesia. Kailangan mong isaalang-alang ang mga bagay na ito. Kung madalas mong isipin ang mga ito at unawain ang mga ito, magiging mas madali para sa iyo na gampanan nang maayos ang iyong tungkulin(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Itinuro ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa para magawa nang maayos ang tungkulin natin. Kailangan nating tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos, at hindi gumamit ng mga pailalim na pamamaraan o panlalansi alang-alang sa sarili nating reputasyon at katayuan. Kailangan nating unahin ang mga interes ng iglesia, at agad na magtapat at maghanap tungkol sa mga bagay na hindi natin nauunawaan o kayang gawin. Dapat huwag nating pagtakpan ang sarili natin o magpanggap tungkol sa gawain na hindi nagawa nang maayos, at kailangan nating kumilos sa paraang pinakakapaki-pakinabang sa gawain. Sa ganitong paraan, hindi nakakapagod ang pag-asal, at puwede nating makamit ang pagsang-ayon ng Diyos sa paggampan ng mga tungkulin natin.

Kalaunan, nakikipagkita man sa akin ang mga lider para malaman ang tungkol sa gawain o nagpapadala ng sulat para kumustahin ang gawain, palagi akong sadyang naghihimagsik laban sa sarili kong tiwaling disposisyon at itinatakda ang tamang saloobin. Minsan, nagpadala ng sulat ang mga nakatataas na lider, humihingi sa amin na mag-ulat tungkol sa ilang aytem ng gawain, at, kung may anumang aytem ng gawain na hindi nagbunga ng magagandang resulta, kailangan naming magbigay ng paliwanag sa dahilan. Naisip ko, “Sa nakaraang dalawang linggo, naging abala ako sa pagpapatupad sa gawain ng pag-aalis. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong kumustahin ang ibang gawain. Isa sa mga iglesia ang kulang ng mga lider, at hindi pa rin nagkakaroon ng anumang halalan. Hindi ko pa rin talaga nakukumusta ang gawain ng pagdidilig at ang gawain ng ebanghelyo. Wala ako masyadong alam sa nangyayari sa mga aspektong ito ng gawain. Paano ako magpapasa ng isang ulat gayong napakaraming trabaho ang hindi nagawa? Kung matutuklasan ng mga lider, sasabihin ba nilang hindi ako gumagawa ng tunay na gawain at wala akong kapasidad sa trabahong ito? Bakit hindi ko na lang hindi iulat ang mga trabahong hindi nagawa sa ngayon, at iulat ang mga iyon kapag nagawa ko na?” Pagkatapos ay nagbago ang isip ko at naisip ko, “Mali ito! Hindi ba’t sinusubukan kong pagtakpan ang mga katunayan, maging mapanlinlang, at manlansi?” Sa oras na ito, napagtanto kong hindi tama ang kalagayan ko. Dali-dali akong nagdasal sa Diyos. Naalala ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Yaong mga may kakayahang isagawa ang katotohanan ay kayang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa mga bagay na kanilang ginagawa. Kapag tinatanggap mo ang pagsisiyasat ng Diyos, maitutuwid ang puso mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Makakamit Lamang ang Kalayaan at Pagpapalaya sa Pamamagitan ng Pagwawaksi sa Sariling Tiwaling Disposisyon). Tama iyon. Hinihingi ng Diyos na dapat nating gawin ang lahat ng bagay sa harapan ng Diyos at tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos. Hindi na ako puwedeng gumawa ng mga bagay-bagay sa harapan ng mga tao, at maging mapanlinlang at manlansi para purihin nila. Naidudulot nito ang pagkapoot ng Diyos. Kahit ano pa ang isipin sa akin ng iba, kailangan kong isagawa ang pagiging isang matapat na tao ayon sa mga salita ng Diyos. Dapat na maging maliwanag at perpektong nakaayon sa mga katunayan ang mga bagay-bagay. Ito lang ang ayon sa layunin ng Diyos. Pagkatapos ay nagdasal ako sa Diyos, “Mahal kong Diyos, hindi ko nagawa nang maayos ang ilang gawain at gusto ko itong pagtakpan sa pamamagitan ng hindi pag-uulat dito. Nawa ay akayin Mo ako na bitiwan ang reputasyon at katayuan, isagawa ang katotohanan para maging isang matapat na tao, at iulat nang totoo ang sitwasyon sa mga lider.” Pagkatapos magdasal, isinulat ko nang totoo ang kalagayan ng lahat ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia at ipinasa ito sa mga lider. Pagkatapos, dali-dali kong ibinuod ang sarili kong mga problema at paglihis, at patuloy na kinumusta at sinubaybayan ang mga gampaning ito. Sa huli, natapos kong ipatupad ang lahat ng gawain na hindi natapos. Sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ganitong paraan, napalagay nang husto ang puso ko. Kalaunan, ilan sa gawain sa mga iglesiang nasa ilalim ng responsabilidad ko ang hindi naipatupad nang nasa oras. Dahil sa tuloy-tuloy na mga pangungumusta at pangangasiwa ng mga lider, nagawa nila akong hikayating gawin agad ang gawain at baguhin ang mga bagay-bagay. Kapag nakakakita ako ng mga problemang hindi ko malutas, agad ko ring iniuulat ang mga iyon sa mga lider, at nagbibigay sila ng landas ng pagsasagawa. Binigyan nila ako ng maraming gabay at tulong sa gawain ko. Ngayon, tinatanggap ko ang pangangasiwa at pagsubaybay ng mga lider sa gawain ko mula sa kaibuturan ng puso ko.

Sa pamamagitan ng pagbubunyag na ito, nakita ko sa wakas na sa kalikasan ko, hindi ko minamahal ang katotohanan. Alang-alang sa reputasyon at katayuan, nagawa ko pa ngang magsinungaling, manlansi, pagtakpan ang mga kapintasan sa gawain, at takasan ang pangangasiwa ng mga lider. Tinatahak ko ang landas ng mga anticristo! Kasabay niyon, napagtanto ko rin na kung gagawin ko ang tungkulin ko nang wala ang pangangasiwa ng mga lider at manggagawa, hindi ko talaga magagawa nang maayos ang gawain. Naging napakakapaki-pakinabang sa akin ng gawain ng pangangasiwa ng mga lider at manggagawa!

Sinundan:  57. Nang si Mama ay Makulong

Sumunod:  59. Binitiwan Ko ang mga Damdamin na May Pagkakautang Ako sa mga Anak Ko

Kaugnay na Nilalaman

44. Nakauwi na Ako

Ni Chu Keen Pong, Malaysia Mahigit isang dekada akong nanalig sa Panginoon at naglingkod sa iglesia nang dalawang taon, at pagkatapos ay...

69. Pagbabalik sa Tamang Daan

Ni Chen Guang, USASabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi simpleng gawain. Ang mga hindi nagbabago ang tiwaling...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger