59. Sa Wakas ay Sinalubong Ko Na ang Pagbabalik ng Panginoon

Ni Chunqiu, Tsina

Isa akong katrabaho sa Lokal na Iglesia. Noong Abril 1997, sa isang pulong ng mga katrabaho, sinabi ni Brother Zhang, ang lider: “Kamakailan, may lumitaw na isang grupo na nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, at talagang napakatindi nila. May malawak silang kaalaman sa Bibliya, at kung hindi tayo masusi at maingat, maaari tayong mailigaw. Sinasabi nila na nagbalik na ang Panginoong Jesus at Siya ang Makapangyarihang Diyos. Hindi na sila nagbabasa ng Bibliya sa kanilang mga pagtitipon kundi mga salita na lang ng Makapangyarihang Diyos. Sabi sa Bibliya: ‘Ang lahat ng kasulatan ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, at mapakikinabangan sa pagdodoktrina, sa pagpupuna, sa pagtatama, sa pagtuturo ng pagiging matuwid’ (2 Timoteo 3:16). Malinaw na sinasabi sa atin ng siping ito mula sa Kasulatan na lahat ng salita sa Bibliya ay kinasihan ng Diyos. Dapat natin itong tandaan na ang lahat ng nasa Bibliya ay salita ng Diyos, at ang Bibliya ang pundasyon ng ating pananalig sa Panginoon, at ang manampalataya sa Panginoon ay manampalataya sa Bibliya. Ang paglihis sa Bibliya ay hindi pananampalataya sa Panginoon—ito ay pagkakanulo sa Kanya!” Pinangalawahan ng lahat ng naroroon ang kanyang mga sinabi bilang pagsang-ayon. Ikinumpas ni Brother Zhang ang kanyang kamay at nagpatuloy, “Dapat ninyo itong tandaan: Gaano man kalalim o kaganda pakinggan ang kanilang mga sermon, kung wala ito sa Bibliya, hindi natin ito dapat paniwalaan. Kahit pa ang sarili ninyong ama o ina ang mangaral nito sa inyo, huwag ninyo itong paniwalaan. Kung pupunta ang mga taong ito sa bahay ninyo para mangaral, itaboy ninyo sila! Kung maligaw kayo at malihis ng landas, hindi kayo kikilalanin ng Panginoong Jesus, at sa panahong iyon, walang maitutulong ang anumang pagtangis.” Noong panahong iyon, wala akong pagkilatis. Naisip ko ang minsang sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwat ang Aking mga salita ay hindi lilipas(Mateo 24:35). At naisip ko, “Ang lahat ng nilalaman ng Bibliya ay mga salita ng Panginoon, kaya paano lilipas ang mga ito? Ang Bibliya ang ating susi para makapasok sa kaharian ng langit, at ito rin ang garantiya ng ating buhay, kaya ang hindi pagbabasa ng Bibliya ay nangangahulugang hindi pananampalataya sa Panginoon.” Pagkatapos, nagpatuloy siya sa pagpapakalat ng ilang kagimbal-gimbal na walang batayang tsismis. Naniwala akong totoo ang mga salita ni Brother Zhang. Para protektahan ang kawan at ipagtanggol ang daan ng Panginoon, pagkauwi ko, sinabi ko sa mga mananampalataya na kailangan nilang mag-ingat laban sa Kidlat ng Silanganan. Pero kalaunan, parami nang parami ang mga kapatid na tumatanggap pa rin sa Kidlat ng Silanganan.

Sa isang pagtitipon, sinabi ni Brother Zhang na si Sister Liu ay natangay na ng Kidlat ng Silanganan. Mahirap ko itong paniwalaan. Si Sister Liu ay pamilyar na pamilyar sa Bibliya at nagbigay ng magagandang sermon. Paanong matatangay ang isang taong may ganoong kakayahan? Kalaunan, si Brother Wang, na madalas mangaral kasama ni Brother Zhang, ay naniwala na rin sa Kidlat ng Silanganan. Nagsimula akong mag-isip, “Sa bawat pagtitipon, sinasabihan kami na huwag tanggapin ang mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan at huwag silang pakinggan o basahin ang kanilang mga aklat. Pero bakit sunud-sunod pa ring naniniwala ang mga kapatid sa Makapangyarihang Diyos? Ano eksakto ang sobrang kaakit-akit sa mga turo ng Kidlat ng Silanganan? Ano ba talaga ang sinasabi ng mga aklat nila? Sina Brother Wang at Sister Liu, at ilan pang mga katrabaho, ay talagang naghangad at may malaking pananalig, at madalas silang mangaral at pamilyar na pamilyar sa Bibliya, kaya paanong napakadali nilang natangay? Ang iglesia namin ay nasa daloy ng pagpapanumbalik, at mas malalim ang aming mga turo kaysa sa ibang mga sekta. Maaari kayang mas malalim pa ang mga turo ng Kidlat ng Silanganan kaysa sa mga turo ng aming Lokal na Iglesia? Kung hindi, bakit pa sunod-sunod na natatangay ang lahat ng tao na ito at ganap na tumatangging bumalik?” Pagkatapos, partikular na nag-organisa si Brother Zhang ng isang pulong-panalangin, pangunahin para manalangin at isumpa ang mga nangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Pakiramdam ko ay hindi ito naaayon sa mga layunin ng Panginoon. Itinuro ng Panginoong Jesus na ang pagkamuhi ay kasinsama ng pagpatay at na dapat nating mahalin ang ating mga kaaway. Hindi ba’t ang ginagawa nila ay paglabag sa mga salita ng Panginoong Jesus? Hindi ako sang-ayon dito, kaya hindi ako sumali.

Sa pagtatapos ng Oktubre 2002, dumating sa bahay ko ang pamangkin kong babae. Sinabi niya na nagbalik na ang Panginoong Jesus, nagpahayag ng katotohanan, at ginagawa ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Sinabi rin niya na ang gawain ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan ay isinagawa sa tatlong yugto. Ang unang yugto ay ang gawaing ginawa ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, ang ikalawang yugto ay ang gawaing ginawa ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang ikatlong yugto ay ang gawaing ginawa ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay hakbang-hakbang na sumusulong, umaangat nang mas mataas bawat oras. Napagtanto kong baka tinanggap na ng pamangkin ko ang Kidlat ng Silanganan, kaya pinutol ko ang sinasabi niya, “Ang unang yugto ay ang Kapanahunan ng Kautusan, at ang ikalawang yugto ay ang Kapanahunan ng Biyaya—kailangan mo ba talagang sabihin ito? Akala mo ba hindi ko pa ito alam? Gaano man karami ang yugto ng gawain, hindi ka maaaring maniwala sa anumang bagay kung wala ang Bibliya! Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo? Huwag kang maniniwala sa anumang bagay maliban sa Bibliya. Bakit hindi ka nakikinig? Sinasabi nilang nagbalik na ang Panginoon. Nasaan ang Panginoon? Sino ang nakakita sa Kanya?” Sinabi ng pamangkin ko, “Nagbalik na ang Panginoon at nagpahayag ng maraming katotohanan. Kung gusto nating makita ang Diyos, dapat tayong maghanap sa Kanyang mga salita. Kung babasahin mo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, maririnig mo ang tinig ng Diyos at makikita ang Kanyang pagpapakita.” Lalo pa akong naging mapanlaban nang marinig kong sinabi niya iyon. Naisip ko kung paanong palaging sinasabi ni Brother Zhang, “Kahit sino pa ang mangaral ng Kidlat ng Silanganan, kung may ipangangaral sila na wala sa Bibliya, gaano man kalalim pakinggan ang pangangaral, hindi tayo maaaring makinig. Kahit pa mula ito sa pamilya o mga kaibigan, hindi pa rin ito katanggap-tanggap.” Kaya nakipagtalo ako sa kanya, “Hindi ba’t lahat ng salita ng Diyos ay nasa Bibliya? Gaano man kalalim o kaganda pakinggan ang anumang pangangaral na wala sa Bibliya, hindi tayo maaaring maniwala rito! Ilang taon ka nang nagbabasa ng Bibliya? Ano ang alam mo? Nailigaw ka at hindi mo nga ito napagtatanto, pero sinusubukan mong mangaral sa akin! Kung naririto ka para dalawin ako, maaari kang manatili nang ilang araw pa, pero kung naririto ka para mangaral sa akin, umalis ka na! Pagkatapos niyan, puputulin ko ang aking kaugnayan sa iyo!” Sinabi ng pamangkin ko, “Tita, pakiusap, siyasatin mo ito! Maraming taon ka nang nananampalataya sa Panginoon at nagdurusa nang labis. Kung hindi mo tatanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, lahat ng pagsisikap mo ay masasayang. Pagkatapos kong tanggapin ang tunay na daan, ikaw ang unang taong naisip ko.” Gaano man sinubukan ng pamangkin kong kumbinsihin ako, hindi talaga ako nakinig, at sa huli, umalis siyang umiiyak. Kalaunan, labis na sumama ang loob ko. Napakalayo ng nilakbay ng pamangkin ko para ipangaral sa akin ang ebanghelyo, pero itinaboy ko siya. Hindi ito naaayon sa mga turo ng Panginoon! Pero pagkatapos ay naisip ko, “Ipinagkanulo niya ang Panginoon, kaya hindi naman talaga mali na itaboy siya.”

Isang araw noong Enero 2003, tumawag ang pamangkin ko at sinabing nalason sa gas ang nanay niya, at gusto niyang bisitahin ko siya. Naisip kong samantalahin ang pagkakataong ito para kausapin siyang muli, at subukang kumbinsihin siyang talikuran ang daan ng Kidlat ng Silanganan. Kinabukasan, binisita ko ang ate ko, at pagkatapos ng hapunan, isang brother ang dumating at magiliw akong binati, pero noong panahong iyon, nag-iingat ako sa kanya. Sinabi ng brother, “Sister, ano ang pananaw mo sa pagdating ng Panginoon?” Sinabi ko, “Kung nananampalataya ka sa Panginoon, maaari nating pag-usapan ang mga bagay mula sa Bibliya, pero kung naririto ka para kumbinsihin akong maniwala sa Kidlat ng Silanganan, wala tayong pag-uusapan. Naniniwala lang ako sa mga salita ng Bibliya, at hindi ako naniniwala sa kahit ano maliban sa Bibliya!” Sinabi ng brother, “Nauunawaan ko ang damdamin mo; kumakapit ako dati sa Bibliya tulad mo. Kaya, pag-usapan natin ang paksang ito ngayon.” Noong sandaling iyon, naalala ko ang sinabi ni Brother Zhang, “Gaano man kalalim o kaganda pakinggan ang kanilang pangangaral, huwag na huwag makikinig dito, para hindi mailigaw.” Kaya gumawa ako ng dahilan at sinabing pagod na ako at nagpahinga na ako. Kinabukasan, dalawang sister ang dumating, at patuloy akong gumawa ng mga dahilan para iwasan at tanggihan sila. Noong oras na iyon, gusto ko na lang umuwi. Gayumpaman, mahigit kalahating talampakan ang kapal ng niyebe sa labas, at tumigil na sa pagbiyahe ang mga bus, kaya hindi ako makaalis. Nakakaramdam ako ng pagkabalisa at hindi ako mapalagay, at tanging ang mga sinabi ni Brother Zhang ang patuloy na tumatakbo sa isip ko. Hinimok ako ng dalawang sister na makinig nang mabuti, kung hindi ay palalampasin ko ang pagkakataong salubungin ang pagdating ng Panginoon. Nagpatuloy ang isa sa kanila, “Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan(Mateo 7:7). Sa Pahayag, sinasabi: ‘Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:7). Kung hindi natin bubuksan ang ating puso sa Diyos, paano Niya tayo bibigyang-liwanag?” Nakita kong bawat isa sa kanila ay kumikilos nang may dignidad, pitagan, at pagmamahal. Gaano man kasama ko sila itinrato, hindi sila kailanman nagalit sa akin, at patuloy lang nila akong ginagabayan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Hindi sila katulad ng sinabi ni Brother Zhang, at hindi na ako nakaramdam ng labis na pagsalungat sa kanila. Sa ikatlong araw, ilang brother at sister ang dumating. Sinabi ko sa kanila, “‘Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos’ (2 Timoteo 3:16). Ang mga salita sa Bibliya ay pawang mga salita ng Diyos, at ang pananampalataya sa Panginoon ay hindi maaaring ihiwalay sa Bibliya. Kung hindi ninyo babasahin ang Bibliya, hindi ba’t lumilihis kayo sa daan ng Panginoon?” Sinabi ng isang brother, “Tingnan muna natin kung sino ang nagsabi ng katagang ‘Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos’ at kung mayroon bang anumang batayan para rito sa mga salita ng Diyos. Hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at ang katagang ‘Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos’ ay sinabi ni Pablo, hindi ng Panginoong Jesus.” Habang sinasabi niya ito, inilabas niya ang Bibliya, at ipinakita sa akin ang talatang “Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos.” Tiningnan ko, at totoo nga, si Pablo ang nagsabi nito, hindi ang Panginoong Jesus. Kadalasan ay nakatuon lang ako sa pagbabasa ng talatang ito, pero paanong hindi ko napansin ang isyung ito?

Pagkatapos, binasa ng isang brother ang isang sipi mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sa akin: “Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Bibliya ay Diyos, at na ang Diyos ay ang Bibliya. Kaya, naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Bibliya ay ang tanging mga salita na binigkas ng Diyos, at lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat ng animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng pagkasi ng Diyos, at isang talaan ng mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang baluktot na pagkaarok ng tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga liham sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga liham ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng isang tao, resulta ang lahat ng ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat ang mga ito para sa mga iglesia, at mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi rin siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga liham ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Corinto, Galacia, at iba pang mga iglesia noong panahong iyon. Kaya ang mga liham ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga liham ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga pagkasi mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga tuwirang pagbigkas ng Banal na Espiritu. Mga salita lamang ito ng pagpapayo, pag-aaliw, at paghihikayat na isinulat niya para sa mga iglesia habang ginagampanan ang kanyang gawain. Kaya isang talaan din ito ng karamihan ng ginawa ni Pablo sa panahong iyon. Isinulat ang mga ito para sa lahat na kapatid sa Panginoon, upang sundin ng mga kapatid sa iglesia sa panahong iyon ang kanyang payo at sumunod sila sa daan ng pagsisisi ng Panginoong Jesus. Hindi sinabi ni Pablo sa anumang paraan na lahat ay kailangang kumain at uminom ng mga bagay na isinulat niya, mga iglesia man sila noong panahong iyon o sa hinaharap, ni hindi niya sinabi na ang kanyang mga salita ay nagmulang lahat sa Diyos. Ayon sa sitwasyon ng iglesia sa panahong iyon, kinausap lang niya ang mga kapatid, at pinayuhan sila, at binigyang-inspirasyon silang maniwala; at nangaral o nagpaalala lang siya sa mga tao at pinayuhan sila. Ang kanyang mga salita ay batay sa kanyang sariling pasanin, at sinuportahan niya ang mga tao sa pamamagitan ng mga salitang ito. Ginampanan niya ang gawain ng isang apostol ng mga iglesia noong panahong iyon, isa siyang manggagawa na ginamit ng Panginoong Jesus, at kaya kailangan niyang tanggapin ang responsibilidad para sa mga iglesia, at kailangan niyang isagawa ang gawain ng mga iglesia, kailangan niyang malaman ang mga sitwasyon ng mga kapatid—at dahil dito, sumulat siya ng mga liham para sa lahat ng kapatid na nasa Panginoon. Lahat ng sinabi niya na nakakapagpatibay at positibo sa mga tao ay tama, pero hindi nito kinatawan ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at hindi nito maaaring katawanin ang Diyos. Napakasamang pagkaunawa at napakalaking kalapastangan ang tratuhin ng mga tao ang mga talaan ng mga karanasan at mga sulat ng isang tao bilang mga salitang sinambit ng Banal na Espiritu sa mga iglesia!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya (3)). Nagpatuloy ang brother, “Napakalinaw ng mga salita ng Diyos. Sa Lumang Tipan, bukod sa mga aklat ng propesiya na inihayag ng Diyos na si Jehova sa mga propeta, karamihan dito ay mga tala ng mga karanasan ng mga tao sa gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan, halimbawa, kung paano lumabas ang mga Israelita sa Ehipto, ang mga karanasan ni Jacob, David, Solomon, at iba pa. Ang lahat ng ito ay mga karanasan ng mga tao at hindi matatawag na kinasihan ng Diyos. Lahat ng mga salitang kinasihan ng Diyos sa Bibliya ay malinaw na minarkahan, ng mga katagang tulad ng ‘Ganito ang sinasabi ni Jehova’ at ‘Ito ang sinasabi ni Jehova.’ Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus, at ang mga salita ng Panginoong Jesus dito ay mga salita ng Diyos. Ang aklat ng Pahayag ay ang pangitaing nakita ni Juan sa isla ng Patmos, at ito ay kinasihan ng Diyos, at ito ay salita ng Diyos. Ang natitira ay mga salita ng mga tao at kaalamang batay sa karanasan, at kahit na ang mga salita ng mga tao ay may kaliwanagan ng Banal na Espiritu, hindi ito matatawag na mga salita ng Diyos o kinasihan ng Diyos. Samakatwid, ang Bibliya ay isa lamang talang pagkasaysayan ng gawain ng Diyos, isang patotoo ng gawain ng Diyos, at hindi lahat ng salita sa Bibliya ay kinasihan ng Diyos. Kung ituturing natin ang lahat ng salita sa Bibliya bilang kinasihan ng Diyos at tatratuhin ang mga ito bilang mga salita ng Diyos, hindi ba’t isa itong kalapastanganan sa Diyos?” Nang marinig kong sinabi ito ng brother, pakiramdam ko ay naliwanagan ang puso ko, at naisip ko, “Kaya ang Bibliya ay hindi lahat kinasihan ng Diyos, may mga salita rin ng mga tao rito. Kung ituturing nating mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao, isa itong kalapastanganan sa Diyos. Hindi ko na maaaring haluan pa ang mga salita ng Diyos ng mga salita ng mga tao. Sa Lokal na Iglesia, wala pang sinuman ang tumukoy nang napakalinaw sa pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng Diyos at ng mga salita ng mga tao. Ito ang unang beses na nakarinig ko ang gayong pagbabahaginan.” Nagpatuloy ang brother, “Inakala ko rin dati na bukod sa Bibliya, wala nang iba pang gawain o mga salita ng Diyos, na lahat ng salita ng Diyos ay nakatala sa Bibliya, at na ang mga salita ng Diyos sa Bibliya ay buo at kumpleto, pero nakaligtaan natin ang isang mahalagang isyu.” Nang marinig kong sinabi niya ito, napukaw ang pagkamausisa ko, at mabilis akong nagtanong: “Anong mahalagang isyu ang nakaligtaan natin?” Tinanong niya ako, “Sabihin mo sa akin, alin ang nauna, ang Diyos o ang Bibliya? Mas dakila ba ang Diyos, o mas dakila ang Bibliya?” Nagulat ako nang itanong niya ito. Wala pang sinumang nagtanong sa akin nito, at talagang hindi ako nakaimik. Pagkatapos ng sandaling pagtigil, naalala kong binabanggit sa unang kabanata ng Genesis ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Nang umiral ang Diyos, wala pang Bibliya, kaya siyempre, nauna ang Diyos. Ibinulalas ko, “Nauna ang Diyos, pagkatapos ang Bibliya. Siyempre mas dakila ang Diyos.” Pagkasabi nito, nakaramdam ako ng kagyat na kaliwanagan, “Lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, kaya tiyak na mas dakila ang Diyos, pero dati, dinakila ko ang Bibliya higit sa Diyos. Hindi ba’t mali iyon?” Nagpatuloy ang brother, “Nauna ang gawain at mga salita ng Diyos, pagkatapos ay ang tala ng Bibliya. Kaya kung lilimitahan natin ang Diyos sa Bibliya at iisiping walang mga salita ng Diyos sa labas ng Bibliya, tama ba ang pananaw na ito? Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus. Sa Juan 16:12–13: ‘Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan.’ Sa Pahayag 2:7: ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia; Ang magtagumpay, ay siya Kong pakakainin ng mula sa punongkahoy ng buhay, na nasa gitna ng paraiso ng Diyos.’ Malinaw na sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na maraming bagay ang hindi pa Niya nasasabi sa mga tao, dahil hindi pa ito kayang pasanin ng mga tao noong panahong iyon. Kaya, kapag nagbalik ang Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mas marami pang salita, at bubuksan Niya ang lahat ng hiwaga ng katotohanan sa sangkatauhan, pinahihintulutan silang maunawaan ito at makapasok dito. Inihula rin sa aklat ng Pahayag na sa mga huling araw, magsasalita ang Banal na Espiritu sa lahat ng iglesia, bubuksan ang maliit na balumbon, at ang nakatagong manna ay ibibigay sa mga tao sa mga huling araw. Kung walang mga salita mula sa Diyos sa labas ng Bibliya, paano matutupad ang mga propesiyang ito? Samakatwid, kapag dumating ang Diyos sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng mas marami pang salita, na wala sa mga ito ang nasa Bibliya.” Nang marinig kong binasa ng brother ang mga talatang ito, naisip kong totoong sinabi ni Jesus ang gayong mga salita. Ang mga salita ng Diyos ay sadyang hindi mauubos at napakasagana. Ang sabihing walang mga salita ng Diyos sa labas ng Bibliya ay talagang hindi naaayon sa mga katunayan. Ang sinabi niya ay umaayon sa Bibliya. Pero naalala ko na sinasabi sa aklat ng Pahayag: “Aking pinapatotohanan sa bawat taong nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito, kung ang sinuman ay magdagdag sa mga bagay na ito, Idadagdag sa kanya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinuman ay mag-alis mula sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, ay aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa punongkahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nakasulat sa aklat na ito(Pahayag 22:18–19). Sinasabi ng mga tao ng Kidlat ng Silanganan na gumawa ang Diyos ng bagong gawain at nagsalita ng mga bagong salita, na nangangahulugang mga salita sa labas ng Bibliya. Hindi ba’t pagdaragdag ito sa Bibliya? Kung tatanggapin ko ang ipinangaral nila, tatanggap ako ng mga salita sa labas ng Bibliya, na isang pagkakanulo sa Panginoon. Kaya gumawa ako ng dahilan at lumabas, hindi na nagnanais pang makinig.

Sa gabi, pabiling-biling ako, hindi makatulog. Naisip ko ang tungkol sa sinabi ng brother na ito, at tungkol sa kung gaano ito kaganda at nakabatay lahat sa Bibliya. Kung ang sinabi ni Brother Zhang na “Wala nang magiging salita ng Diyos sa labas ng Bibliya” ay totoo, kung gayon ay hindi matutupad ang propesiya ng Panginoon, at hindi mabubuksan ang maliit na balumbon. Pero naalala ko kung paanong sinabi ni Brother Zhang sa isang espesyal na pagtitipon na ang mga taong iyon ay bihasa sa Bibliya, at gaano man kalalim o kaganda pakinggan ang kanilang pangangaral, hindi namin sila dapat pakinggan, kaya nag-alala pa rin ako, “Paano kung maniwala ako sa maling bagay?”

Sa ikaapat na araw, sinabi ko sa kanila, “Sinasabi sa Pahayag 22: ‘Aking pinapatotohanan sa bawat taong nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito, kung ang sinuman ay magdagdag sa mga bagay na ito, Idadagdag sa kanya ng Diyos ang mga salot na nakasulat sa aklat na ito: At kung ang sinuman ay mag-alis mula sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, ay aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa punongkahoy ng buhay, at sa bayang banal, na nakasulat sa aklat na ito(Pahayag 22:18–19). Malinaw na sinasabi ng dalawang talatang ito na hindi dapat dagdagan o bawasan ang Bibliya. Binabasa ninyo ang mga salita lang ng Makapangyarihang Diyos—hindi ba’t pagsasaisantabi iyan ng mga salita ng Panginoon? Kung maniwala ako sa maling bagay, hindi lang ako hindi tatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos, kundi maghahatid din ang Diyos ng mga sakuna sa akin.” Pagkarinig nito, ngumiti ang brother at sinabing, “Kaya pala nag-aalala ka sa mga bagay na ito! Ang mga salita ng Diyos ay pawang katotohanan at hindi kailanman lilipas, kahit kailan. Ito ay lubos na totoo. Sinasabi ng Bibliya na walang sinuman ang dapat magdagdag o magbawas sa Bibliya, na nangangahulugang hindi ito maaaring dagdagan ng mga tao, pero kung ang Diyos ay personal na darating para gumawa at magpahayag ng Kanyang mga salita, hindi natin masasabing isa itong pagdaragdag. Tulad ng kung paanong gumawa ang Panginoong Jesus ng bagong gawain at nagpahayag ng mga bagong salita batay sa Kapanahunan ng Kautusan, masasabi ba nating nagdagdag Siya sa Lumang Tipan?” Noong sandaling iyon, naisip ko, “Oo, sinasabi ng Bibliya na walang sinuman ang dapat magdagdag o magbawas sa mga propesiya, pero hindi nito sinasabing hindi na magsasalita ang Diyos ng mga bagong salita.” Noong sandaling iyon, naging maliwanag ang puso ko, at naging medyo interesado ako sa pakikipagbahaginan ng kapatid.

Nagpatuloy ang brother sa pagbabasa sa akin ng mga salita ng Diyos, kaya nakakuha ako ng ilang mas mahusay na pang-unawa tungkol sa panloob na kuwento ng Bibliya at kung paano tratuhin nang maayos ang Bibliya. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang mga regulasyon ba ay kailangang iangkop sa gawain ng Diyos? At ang Diyos ba ay dapat na gumawa ayon sa mga propesiya ng mga propeta? Kung tutuusin, alin ang mas dakila: ang Diyos o ang Bibliya? Bakit kailangang gumawa ang Diyos nang naaayon sa Bibliya? Maaari kaya na walang karapatan ang Diyos na higitan ang Bibliya? Hindi ba maaaring humiwalay ang Diyos sa Bibliya at gumawa ng ibang gawain? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus at ng Kanyang mga disipulo ang araw ng Sabbath? Kung magsasagawa Siya nang isinasaalang-alang ang araw ng Sabbath at nang ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Sabbath nang dumating Siya, at sa halip ay naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, naghati-hati ng tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba wala itong lahat sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung iginalang ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya hindi isinagawa ang mga regulasyong ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Bibliya! Bilang Panginoon ng Sabbath, hindi ba Siya maaaring maging Panginoon din ng Bibliya?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya (1)). “Ang gawain na ginawa ni Jesus sa panahon ng Bagong Tipan ay nagpasimula ng bagong gawain: Hindi Siya gumawa ayon sa gawain ng Lumang Tipan, at hindi rin Niya ginamit ang mga salita na sinabi ni Jehova ng Lumang Tipan. Ginawa Niya ang Kanyang sariling gawain, at gumawa Siya ng mas bagong gawain, at gawain na mas mataas kaysa sa kautusan. Kaya, sinabi Niya: ‘Huwag ninyong isiping Ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: Ako’y naparito hindi upang sirain ito, kundi upang tuparin ang mga ito.’ Kaya alinsunod sa kung ano ang naisakatuparan Niya, maraming mga doktrina ang nasira. Sa araw ng Sabbath, nang dinala Niya ang mga alagad sa mga palayan, sila ay kumuha at kumain ng mga ulo ng butil; hindi Niya sinunod ang Sabbath, at sinabing ‘ang Anak ng tao ay Panginoon maging ng araw ng sabbath.’ Noong panahong iyon, ayon sa mga tuntunin ng mga Israelita, kung sinuman ang hindi mangilin sa Sabbath ay babatuhin hanggang sa kamatayan. Si Jesus, gayunman, ay hindi pumasok sa templo ni nangilin sa Sabbath, at ang Kanyang gawain ay hindi ginawa ni Jehova sa panahon ng Lumang Tipan. Sa ganitong paraan ay nahigitan ng gawain na ginawa ni Jesus ang kautusan ng Lumang Tipan, ito ay mas mataas kaysa rito, at ito ay hindi naaayon dito. Noong Kapanahunan ng Biyaya, hindi gumawa si Jesus ayon sa kautusan ng Lumang Tipan, at humiwalay na sa mga doktrinang iyon. Ngunit mahigpit na kumapit ang mga Israelita sa Bibliya at tinuligsa si Jesus—hindi ba ito pagtanggi sa gawain ni Jesus? Ngayon, mahigpit ding kumakapit ang relihiyosong mundo sa Bibliya, at sinasabi ng ilang tao, ‘Ang Bibliya ay isang banal na aklat at ito ay dapat basahin.’ Sinasabi ng ilang mga tao na, ‘Kailan man, ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring iwaksi. Ang Lumang Tipan ay kasunduan ng Diyos sa mga Israelita, at hindi maaaring isantabi, at ang Sabbath ay dapat laging ipangilin!’ Hindi ba sila katawa-tawa? Bakit hindi ipinangilin ni Jesus ang Sabbath? Siya ba’y nagkakasala? Sino ang maaaring lubos na makaunawa sa mga nasabing bagay? Paano man basahin ng mga tao ang Bibliya, magiging imposibleng malaman ang gawain ng Diyos gamit ang kanilang kakayahang umunawa. Hindi lamang sila hindi makakakuha ng dalisay na kaalaman tungkol sa Diyos, kundi magiging higit na napakasama ng kanilang mga kuru-kuro, kung kaya’t magsisimula silang tumutol sa Diyos. Kung hindi dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos ngayon, mawawasak ang mga tao ng sarili nilang mga kuru-kuro, at sila’y mamamatay sa gitna ng pagkastigo ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya (1)). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, nakipagbahaginan ang brother, “Mula sa mga salita ng Diyos, nauunawaan natin na pagkatapos ng gawain ng Diyos, itinala at tinipon ng mga tao ang mga katunayan ng gawain ng Diyos, at ito ang naging Bibliya. Ang Bibliya ay isa lamang aklat pangkasaysayan, at isang tala ng dalawang naunang yugto ng gawain ng Diyos. Ang Bibliya ay patotoo ng Diyos, na nagsisilbi sa gawain ng Diyos, at hindi ito para limitahan ang gawain ng Diyos. Itinatala ng Lumang Tipan ang gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, pangunahing itinatala kung paano nilikha ng Diyos ang mundo at ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Itinatala ng Bagong Tipan ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, itinatala ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus, tinatawagan ang mga tao na magsisi at mangumpisal, mahalin ang kanilang kapwa gaya ng kanilang sarili, at magpatawad nang makapitumpung ulit na pito, pati na rin ang pagpapatawad ng Panginoong Jesus sa mga kasalanan, pagpapagaling sa maysakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagbuhay sa mga patay, at iba pa. Hindi ba’t ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus ay nasa labas din ng nakatala sa Lumang Tipan? Sa paningin ng tao, hindi ba’t lumampas din ito sa Bibliya? Ngunit hindi ito isang pagdaragdag sa labas ng Bibliya, kundi isang pagtataas sa gawain ng Diyos. Ngayon, dumating na ang Makapangyarihang Diyos, pinagtitibay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya para buksan ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at nagpahayag Siya ng mga bagong salita. Ito ang mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia na inihula sa Pahayag, at nabuksan na ang maliit na balumbon. Paano masasabing may idinagdag sa Bibliya? Ito ay isang ganap na ibang usapin. Kapag nakita ng mga tao na nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan, na naihayag na ang mga hiwaga ng maliit na balumbon, at na ang mga salitang ito ay ang mismong kailangan ng sangkatauhan ngayon— mga katotohanang may kinalaman sa kung maliligtas ba ang sangkatauhan at makakapasok sa kaharian ng langit— babalik pa rin ba ang mga tao sa relihiyon at makikinig sa pangangaral ng Bibliya araw-araw? Tulad ng mga sumunod sa Panginoon sa Kapanahunan ng Biyaya; nang marinig nilang nagpahayag ang Panginoong Jesus ng mga bagong salita at gumawa ng bagong gawain, pupunta pa rin ba sila sa templo para pakinggan ang mga Pariseo na mangaral ng Lumang Tipan? Kung tatanggihan natin ang mga bagong salita ng Diyos dahil ang bagong gawain ng Diyos ay lumalampas o nakahihigit sa Bibliya, hindi ba’t ginagawa natin ang parehong pagkakamali ng mga Pariseo na sumasalungat sa Diyos?” Ganap akong nakumbinsi ng mga salita ng brother, at wala akong pagpapabulaan. Talagang sinamba ko ang Bibliya, at itinaas nang higit sa Diyos. Naunawaan ko rin na ang hindi pagbabasa ng Bibliya ng mga tao ng Kidlat ng Silanganan ay hindi nangangahulugang itinatanggi nila ang Bibliya; sa halip, sumusunod sila sa mga yapak ng gawain ng Diyos. Tulad ng mga sumunod sa Panginoong Jesus na tumuon sa Bagong Tipan at isinantabi ang Lumang Tipan; hindi ito nangangahulugang lumihis sila sa daan ng Diyos. Napagtanto kong hindi na ako maaaring magpatuloy sa maling paraang ito, at na kung ang Makapangyarihang Diyos ay totoong ang nagbalik na Panginoon, at nabigo akong maingat na magsiyasat at pinalampas ko ang pagkakataong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon, hindi ba’t magiging isa akong hangal na birhen? Nanalangin ako sa Panginoon, “Panginoon, kung totoong nagbalik Ka na, handa akong isantabi ang sarili kong mga kuru-kuro at sundin ang kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Kung ito ang Iyong gawain, pakiusap, bigyang-liwanag Mo ako para makilala ko ang Iyong tinig.” Pagkatapos kong manalangin nang ganito, nakaramdam ako ng malaking kapayapaan at kapanatagan sa aking puso.

Pagkatapos, nagbasa pa kami ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos Mismo ang buhay, at ang katotohanan, at sabay na umiiral ang Kanyang buhay at katotohanan. Ang mga walang kakayahang magkamit ng katotohanan ay hindi kailanman magkakamit ang buhay. Kung wala ang patnubay, pag-alalay, at pagtustos ng katotohanan, ang makakamit mo lamang ay mga salita, mga doktrina, at, higit pa rito, kamatayan. Laging naririyan ang buhay ng Diyos, at umiiral nang sabay ang Kanyang katotohanan at buhay. Kung hindi mo matatagpuan ang pinagmulan ng katotohanan, kung gayon ay hindi mo makakamit ang pampalusog ng buhay; kung hindi mo makakamit ang panustos ng buhay, kung gayon tiyak na hindi ka magkakaroon ng katotohanan, at bukod sa mga imahinasyon at mga kuru-kuro, ang kabuuan ng katawan mo ay magiging walang iba kundi ang laman mo—ang umaalingasaw mong laman. Dapat mong malaman na hindi itinuturing na buhay ang mga salita ng mga aklat, hindi maaaring idambana bilang ang katotohanan ang mga talaan ng kasaysayan, at hindi maaaring magsilbing isang ulat ng mga kasalukuyang salita ng Diyos ang mga regulasyon ng nakalipas. Tanging ang mga salitang ipinahayag ng Diyos kapag pumaparito Siya sa lupa at namumuhay kasama ng tao ang katotohanan, ang buhay, ang mga layunin ng Diyos, at ang Kanyang kasalukuyang paraan ng paggawa. Kung kukuhain mo ang mga talaan ng mga salitang sinabi ng Diyos noong mga nagdaang panahon at susunod sa mga ito hanggang ngayon, ikaw ay nagiging isang arkeologo, isang dalubhasa sa mga minanang kasaysayan, sa gayong kaso, ang pinakamainam na paraan ng paglalarawan sa iyo ay isang dalubhasa sa mga relikya ng kasaysayan. Palagi kang naniniwala sa mga bakas ng gawaing ginawa ng Diyos noong mga nagdaang panahon, naniniwala ka lamang sa anino ng Diyos na naiwan mula noong dati Siyang gumawa kasama ng mga tao, at naniniwala lamang sa daang ibinigay ng Diyos sa Kanyang mga tagasunod noong nakalipas na mga panahon, pero hindi ka naniniwala sa oryentasyon ng gawain ng Diyos ngayon, hindi ka naniniwala sa maluwalhating mukha ng Diyos ngayon, at hindi ka naniniwala sa daan ng katotohanan na kasalukuyang inihahayag ng Diyos. Samakatwid, hindi maikakailang nangangarap ka nang gising na ganap nang wala na sa realidad. Kung ngayon ay nananatili ka pa ring nakakapit sa mga salitang walang kakayahang magbigay ng buhay sa mga tao, kung gayon ay isa kang walang pag-asang piraso ng bulok na kahoy, dahil masyado kang makaluma, masyadong suwail, masyadong hindi tinatablan ng katwiran!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng pangmatagalan at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan nakakamit ng tao ang buhay, at ang tanging landas para makilala ang Diyos at sang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka magiging kalipikado na pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka papet at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga regulasyon, ng mga salita, at ng mga gapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno ang mga hindi natustusan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila masisilayan ang Diyos? Nagsisikap ka lamang na panghawakan ang nakaraan, sinusubukan lang na huwag gumalaw at panatilihin ang mga bagay sa kung ano ang mga ito sa ngayon, at hindi sinusubukang baguhin ang umiiral na katayuan at itapon ang kasaysayan, kaya hindi ka ba magiging palaging antagonistiko sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit pasibo kang nakaupo na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka madadala ng mga ito paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga salitang magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay sa iyo. Ang mga salita ng mga kasulatang binabasa mo ay pinagyayaman lamang ang dila mo at hindi mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi ang landas na makapaghahatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo ng pagninilay-nilay ang pagkakaibang ito? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwagang napapaloob dito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung wala ang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Iminumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan). Inilantad ng Diyos ang lahat ng aking kuru-kuro. Alam na alam kong ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, at na ang kasaganaan ng Diyos ay hindi mauubos at hindi kailanman matutuyo. Ngunit matigas ang ulo kong kumapit sa gawaing ginawa ng Panginoong Jesus sa nakaraan. Nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw at gumagawa ng bagong gawain, pero kumakapit pa rin ako sa mga nakaraang salita at gawain ng Panginoon sa kasalukuyang panahon. Hindi ba’t ako ang arkeologong tinutukoy ng Diyos? Hindi na kumakapit ang Panginoon sa Kanyang nakaraang gawain at dumating Siyang muli para gumawa ng bagong gawain, pero kumapit ako sa nakaraang gawain ng Diyos, ginagamit pa nga ito para sukatin ang Kanyang bagong gawain. Hindi ba’t sinasalungat ko ang Diyos dito? Kung kakapit pa rin ako sa Bibliya at hindi tatanggapin ang daan ng buhay na itinutustos ni Cristo sa mga huling araw, kung gayon ang pananampalataya ko sa Panginoon hanggang sa wakas ay hindi magdadala sa akin ng buhay, ni ng pagsang-ayon ng Panginoon, lalong hindi ang payagan akong makapasok sa kaharian ng langit. Tumagos sa puso ko ang mga salita ng Diyos at napuno ako ng kahihiyan. Nag-init ang mukha ko, at nakaramdam ako ng matinding damdamin pagkondena sa aking puso. Noong sandaling iyon, kapwa ako masaya at nahihiya. Masaya ako dahil sa wakas ay nakita ko na ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, pero nahihiya ako dahil naging napakabulag ko, bulag na sumamba sa mga tao, at naniwala sa mga walang batayang tsismis, at dahil paulit-ulit kong tinanggihan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, iniisip na tapat ako sa Panginoon. Naging napakahangal at napakatigas ng ulo ko! Naisip ko noong naniwala ako sa mga walang batayang tsismis at isinara ang iglesia, at hinila ko pa pabalik sa relihiyosong iglesia ang mga kapatid na katatanggap pa lang sa Makapangyarihang Diyos. Gumawa ako ng maraming masasamang bagay. Araw-araw akong abala sa gawain ng Lokal na Iglesia— hindi ba’t ginagawa kong abala ang sarili ko sa pagsalungat sa Diyos at pagkontra sa Kanya? Ang kasamaang ginawa ko ay walang ipinagkaiba sa ginawa ng mga Pariseo o ng mga Saduseong Judio. Isinara ko ang pinto sa kaharian ng langit para sa aking mga kapatid, hindi ako pumasok, at hindi ko rin sila hinayaang pumasok. Gumawa ako ng napakaraming masasamang bagay sa pagsalungat sa Diyos, pero hindi ako hinarap ng Diyos ayon sa aking masasamang gawa, sa halip ay nagsugo Siya ng mga kapatid para ipangaral sa akin ang ebanghelyo, na nagdala sa akin sa harap Niya. Talagang hindi ako karapat-dapat sa ganito kalaking pagmamahal mula sa Diyos! Hindi ko na mapigilan ang paninisi sa sarili at pagkadama ng pagkakasala sa aking puso, at lumuluha, lumuhod ako sa aking kama para manalangin at mangumpisal sa Diyos: “Panginoon, narinig ko ang Iyong tinig, at totoong nagbalik Ka na. Sobrang nasasabik at masaya ako, pero puno rin ako ng pagsisisi. Nagsugo Ka ng mga tao para dalhin sa akin ang mabuting balita, para ipangaral sa akin ang ebanghelyo, pero hindi lang ako hindi nakinig, kundi patuloy pa akong naniwala sa mga walang batayang tsismis at kuru-kurong ikinalat ng mga lider ng relihiyon, at paulit-ulit kong isinara ang pinto sa Iyo. Iniligaw ko rin ang aking mga kapatid at hinarangan sila sa paglapit sa Iyo. Tulad ng mga Pariseo, nilimitahan Kita sa loob ng mga Kasulatan. Diyos ko, nagkamali ako nang husto. Napakabulag ko! Nais kong mangumpisal at magsisi sa Iyo, ayaw ko nang tahakin pa ang landas ng mga Pariseo, at handa akong sumunod sa mga yapak ng Iyong gawain.” Pagkatapos manalangin, nakaramdam ang puso ko nang labis na kaliwanagan at kapanatagan. Para bang naging ibang tao ako.

Sa mga sumunod na araw, sa pamamagitan ng pagtitipon at pakikipagbahaginan ng mga salita ng Diyos kasama ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, lahat ng kalituhan sa aking puso ay nalutas. Lubos kong nakumpirma sa aking puso na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, na matagal ko nang hinihintay. Sobrang napukaw ang puso ko, at gusto kong magmadaling bumalik at ibahagi ang napakagandang balitang ito sa aking mga kapatid. Una akong nagpunta sa bahay ng nanay ko, at makalipas ang isang linggo, naakay ko ang ilang kapatid. Kalaunan, bumalik ako sa aming lugar at ipinangaral ang ebanghelyo kay Sister Li mula sa aking denominasyon. Tuwang-tuwa si Sister Li nang marinig ito at handang siyasatin ang tunay na daan. Pero hindi inaasahan, ginambala siya at hinila pabalik ng mga katrabaho mula sa Lokal na Iglesia.

Kalaunan, nang malaman ng mga katrabaho mula sa Lokal na Iglesia na tinanggap ko na ang Makapangyarihang Diyos, pinatalsik nila ako. Hindi nila ako napigilan at nagpatuloy akong mangaral ng ebanghelyo. Nang makitang hindi nila ako mapigilan, nagsimula silang gumamit ng mga mas malumanay na taktika. Nagsugo sila ng mga tao nang dala-dalawa o tatlu-tatlo sa bahay ko, umiiyak at nagmamakaawang bumalik ako sa Lokal na Iglesia. Humingi sila ng tawad sa akin, sinasabing hindi nila ako dapat pinatalsik. Naisip ko ang lahat ng taon na ginugol ko kasama sila sa pangangaral ng ebanghelyo, sa pagsuporta sa aking mga kapatid, at sa pagdalo sa mga pagtitipon ng mga katrabaho nang magkakasama. Lahat ng alaalang ito ay paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan na parang isang pelikula. Talagang nabagabag ako, kaya nanalangin ako sa Diyos: “Diyos ko, ano ang dapat kong gawin? Mayroon pa rin akong natitirang damdamin para sa kanila at hindi ko ito mabitiwan, pero alam ko ring nagbalik Ka na para gawin ang gawain ng paghatol at paglilinis, at na kung babalik ako sa relihiyon kasama sila, ipagkakanulo Kita. Ayaw kong mabigong mamuhay ayon sa Iyong pagliligtas. Hindi ako maaaring maging isang taong walang konsensiya.” Pagkatapos manalangin, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos na binasa sa akin ng aking brother: “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi nito sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng mga tao, at ang panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Niliwanagan ng mga salita ng Diyos ang puso ko, at sa wakas ay naunawaan ko na ang pagkakaroon nila ng mga kapatid para magmakaawa sa akin at magsabi ng mga pambobola para itaas ako ay naglalaman ng mga pakana ni Satanas. Sinusubukan nilang gamitin ang malumanay na taktikang ito para iligaw ako, para ipagkanulo ko ang Makapangyarihang Diyos at talikuran ang tunay na daan. Hindi ako maaaring matangay ng kanilang mga panlalansi. Nang makita nilang hindi nila ako mahikayat, umalis sila. Pero sa aking pagkagulat, makalipas ang sampung araw, dinala ni Brother Zhang ang mahigit sampung katrabaho sa bahay ko para guluhin ako. Naisip ko sa sarili ko, “Nagbalik na ngayon ang Panginoon, at bilang mga namumuno sa Lokal na Iglesia, hindi lang sila tumatangging tanggapin ito, kundi nagpapakalat pa sila ng mga kuru-kuro at mga panlilinlang para iligaw kami, at kinokondena nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Mga mananampalataya ba talaga sila sa Panginoon?” Ipinangaral ko ang ebanghelyo ng gawain ng Diyos sa mga huling araw sa aking mga kapatid, at lahat ay handang maghanap at magsiyasat. Pero pagkaalis na pagkaalis ko, dumating sila at hinila ang mga ito pabalik. Naisip ko ang mga salita ng Panginoong Jesus, na kinokondena at isinusumpa ang mga Pariseo: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagkat kayo ay hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagkat inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong mapagbabalik-loob; at kung siya ay magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Hindi ba’t ang mga kilos ni Brother Zhang at ng iba pa ay tulad din ng sa mga mapagpaimbabaw na Pariseo? Sa nakalipas, nang makita ng mga Pariseo na nagpahayag ang Panginoong Jesus ng napakaraming katotohanan, at gumawa ng napakaraming himala, hindi sila naghanap kundi sa halip ay nilabanan at kinondena ang Panginoong Jesus. Sumaksi pa nga sila sa kasinungalingan para iligaw ang mga tao at hadlangan sila sa pagsunod sa Panginoon, at ang kanilang kalikasang diwa ay pagkamuhi sa Diyos at sa katotohanan. Ngayon, nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan, at napakaraming tao ang tumanggap at sumunod sa Kanya. Ngunit si Brother Zhang at ang iba pa ay hindi lang tumangging magsiyasat kundi nilabanan at kinondena rin ang Makapangyarihang Diyos, isinara ang iglesia, nagpakalat ng mga walang batayang tsismis at panlilinlang, para takutin ang mga mananampalataya at hadlangan sila sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Hindi sila pumapasok sa kaharian ng langit at pinipigilan din nilang pumasok ang iba. Idinudulot nilang labanan ng iba ang Diyos kasama nila, inaakay sila sa impiyerno. Hindi ba’t sila ay mga Pariseo at mga buhay na demonyo, na humaharang sa iba sa pagpasok sa kaharian ng langit at ginagawa ang mga ito na mga anak ng impiyerno? Nang maisip ko ito, nagawa ko silang makilatis, at malinaw kong nakita ang kanilang lumalaban-sa-Diyos na diwa. Gaano man nila subukang guluhin ako, hindi ako maniniwala sa kanilang mga panlalansi, at determinado akong sundan ang mga yapak ng Kordero.

Ang mga salita ng Diyos ang umakay sa akin para makalaya mula sa pagkaalipin sa mga walang batayang tsismis ng mga lider ng relihiyon, at makilatis ang mga pakana ni Satanas. Pagkatapos noon, aktibo akong sumali sa hanay ng mga nangangaral ng ebanghelyo, at sa pakikipagtulungan sa aking mga kapatid, nakaakay kami ng mahigit tatlumpung tao mula sa Lokal na Iglesia. Dahil nakita ko ang patnubay ng Diyos, lalo pang lumakas ang aking pananalig para sumunod sa Kanya. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!

Sinundan:  57. Ang Aking Natamo sa Pagkakatalaga sa Ibang Tungkulin

Sumunod:  74. Ang Aking mga Hinihiling at Inaasahan sa Aking Anak ay Makasarili Pala

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger