88. Paano Ako Nakalaya Mula sa mga Gapos ng Kasikatan at Pakinabang

Ni Su Mi, Tsina

Noong 2002, labingwalong taong gulang ako at nagtatrabaho sa isang pabrika ng damit. Sa tuwing nakakakita ako ng mga bida sa drama sa TV na nakabihis nang maganda at sunod sa moda, suot ang mga alahas na ginto at pilak, nakatira sa mararangyang mansyon at nagmamaneho ng magagarang sasakyan, nakatatanggap ng mainit na pagsalubong at pamamaalam saanman sila magpunta, at napakagarbong tingnan, naiinggit ako sa ganoong uri ng buhay. Nangarap ako na kapag nagsimula na akong magkapamilya, magtatrabaho ako nang husto para mamuhay nang marangya at kagalang-galang. Para makamit ang pangarap ko, hindi nagtagal pagkatapos naming ikasal, lumipat kami ng asawa ko para magtrabaho. Para kumita ng mas maraming pera, kahit pito o walong buwan na akong buntis, nagtatrabaho pa rin ako nang mahigit sampung oras sa isang araw sa pananahi ng mga damit. Dahil sa matagal na pagkapagod, lubhang humina ang kalusugan ko, at nabawasan ako ng mahigit anim na kilo. Ang asawa ko naman, dahil sa matagal na pag-upo at hindi sapat na pag-inom ng tubig, ay nagkaroon ng mga bato sa bato, at hindi na siya makapagtrabaho kasama ko sa paggawa ng mga damit. Kalaunan, nakakuha ng trabaho ang asawa ko sa isang kumpanya, at hindi nagtagal, nakuha niya ang tiwala ng boss. Ipinagkatiwala sa kanya ng boss ang maraming gawain sa kumpanya, at pagkatapos ng ilang taon, nakapag-ipon kami, at umutang kami para makabili ng bahay sa siyudad. Maayos ang takbo ng karera ng asawa ko, at binalak din naming bumili ng kotse. Sa tuwing umuuwi kami sa aming bayan, hinahangaan kami ng ibang mga taganayon dahil sa pag-aayos namin sa siyudad sa ganoong kabatang edad, at sinabi nilang may kakayahan kami. Nang marinig ang gayong papuri, sobrang ipinagmalaki ko ito, at para bang nakalutang ako sa alapaap. Inisip kong napakasarap magkapera—saanman ako magpunta, hinahangaan at pinupuri ako. Pero unti-unti, nakaramdam ako ng di-maipaliwanag na kahungkagan sa loob ko. Namimili ako ng mga damit na mataas ang uri at mga produktong pang-alaga sa balat, o kaya ay naglalakbay ako at nagpo-post ng mga litrato sa social media, pero walang makapuno sa kahungkagan sa puso ko. Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko, “Talaga bang nagsumikap ako nang husto para kumita ng pera para lang kumain, manamit, at mamuhay nang maayos, at makuha ang paghanga ng mga tao? Pero bakit pakiramdam ko ay hungkag pa rin ako sa loob-loob ko matapos matamo ang lahat ng ito?” Ganito ko iniraos ang buhay, pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako sa buhay.

Noong 2019, nasangkot ang kumpanya ng asawa ko sa isang alitan sa pananalapi. Ang asawa ko ang namamahala sa pananalapi ng kumpanya, kaya nadamay rin siya. Kinailangan naming magbigay ng 400,000 yuan bilang bayad-pinsala. Idinemanda rin ang asawa ko sa korte at sinentensiyahan ng apat at kalahating taong pagkakakulong. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Ang asawa ko ang haligi ng aming pamilya. Nang makulong siya, wala nang kumikita para suportahan kami. Kailangan pa rin naming magbayad ng sangla buwan-buwan, kasama pa ang mga gastusin sa pag-aaral ng dalawa naming anak at mga pang-araw-araw na pangangailangan. Nangutang din kami ng malaking pera para ibayad sa pinsala. Lahat ng pasaning ito ay sa akin lang napunta. Bukod sa pasanin sa pananalapi, kinailangan ko ring tiisin ang mapanlait at mapanghamak na tingin ng mga tao sa paligid ko. Pakiramdam ko ay isang pagdurusa ang mabuhay, at naisip kong mas mabuti pang mamatay na lang. Pero iyon mismo ang panahong kailangang-kailangan ako ng dalawa kong anak para alagaan sila, kaya hindi ko matiis na iwanan sila. Halos araw-araw ay umiiyak ako, at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas. Noong pakiramdam ko ay wala na akong mapupuntahan, ipinangaral sa akin ng nanay ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa pagbabahaginan ng mga kapatid, naunawaan ko na sa simula, ang mga tao sa Halamanan ng Eden ay walang mga alalahanin, kalungkutan, o pasakit. Pero matapos silang gawing tiwali ni Satanas, nagkaroon ang mga tao ng iba’t ibang ambisyon, pagnanais, at mga maling pananaw sa kanilang mga hinahangad. Kaya naman mayroong labis na pagdurusa at pagkabagabag. Sa pagkakataong ito, naparito ang Diyos upang gumawa para palayain ang sangkatauhan mula sa pinsala ni Satanas at ibalik ang buhay na dating mayroon ang sangkatauhan sa Halamanan ng Eden. Tanging sa pagtanggap lamang sa pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw makalalaya ang isang tao mula sa pinsala ni Satanas at matatamo ang pagliligtas ng Diyos. Pakiramdam ko ay nakahanap ako ng masasandalan, at lubhang nabawasan ang sakit sa puso ko. Naging handa akong dumalo sa mga pagtitipon at magbasa ng mga salita ng Diyos.

Pagkatapos niyon, dumadalo ako sa mga pagtitipon habang gumagawa ng mga damit. Dahil magaling akong gumawa ng mga damit, bukod sa naging sapat ang perang kinikita ko sa pang-araw-araw na gastusin, nagbigay-daan din ito para makapag-ipon ako nang kaunti. Nagsimula akong magplano para sa hinaharap, iniisip na, “Kung magpapatuloy ako sa pagtatrabaho ng ilang taon pa, magkakapera ako, at hindi na ako mamaliitin at pagtatawanan ng iba dahil sa pagiging mahirap.” Pero kailangan kong dumalo sa mga pagtitipon nang tatlong beses sa isang linggo, at kahit na kapaki-pakinabang ito para sa buhay pagpasok ko, nabawasan naman ang oras ko sa trabaho at mas maliit ang kinikita ko kaysa dati. Kaya naisip ko, “Puwede kayang isang beses na lang sa isang linggo ako makipagtipon? Sa ganoong paraan, magagawa kong kumita ng ilang libong yuan pa kada buwan, at kahit mabayaran ko na ang sangla, may sosobra pa rin akong pera. Kung mag-iipon ako ng ilang taon, mababayaran ko ang mga utang ko, at kung makakabili pa ako ng kotse, mas magkakadignidad ako kapag lumalabas.” Kalaunan, sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa mga kapatid sa mga pagtitipon, napagtanto ko na kung tututukan ko lang ang pagkita ng pera at hindi ako makadadalo nang regular sa mga pagtitipon, lalo lang akong mapapalayo sa Diyos. Paano ko pa matatanggap ang pangangalaga at proteksyon ng Diyos? Kapag dumating ang mga sakuna, hindi mabibili ng pera ang buhay ng isang tao! Naalala kong narinig ko na napakalaki ng kita sa paggawa ng mga damit na proteksiyon noong panahon ng pandemya, at may ilang taong nagtrabaho araw at gabi para kumita ng pera, at nauwi sa kanilang pagkamatay sa pabrika. Medyo marami-rami ang ganitong kaso. Kailangan kong matukoy ang mga pakana ni Satanas at hindi masayang ang pagkakataong magkamit ng buhay para lang sa pera. Kailangan kong magpatuloy sa regular na pagdalo sa mga pagtitipon. Noong una, nakakadalo pa ako sa mga pagtitipon nang tatlong beses sa isang linggo, pero sa katagalan, nang mabawasan nang malaki ang buwanang sahod ko dahil mas kaunti na ang trabaho ko, nagsimula akong mag-alala, “Ang pagdalo sa mas maraming pagtitipon ay makakatulong sa akin na maunawaan ang mas maraming katotohanan at makikinabang ang buhay pagpasok ko, pero sa puntong ito, maraming order ang pabrika, mataas ang bayad, at ito ang perpektong panahon para kumita ng pera. Kung palalampasin ko ang panahong ito, magiging mahirap ang negosyo kalaunan, at hindi na gaanong kikita ang mga damit na gagawin ko. Hindi, kailangan kong unahin ang pera ngayon. Dadalo na lang ako sa mas maraming pagtitipon kapag hindi na abala sa pabrika sa panahon na hindi kasagsagan.” Kaya nagpasya akong dumalo sa mga pagtitipon nang dalawang beses sa isang linggo. Pagkatapos ng bawat pagtitipon, nagmamadali akong pumunta sa pabrika para magtrabaho, at kahit tapos na sa trabaho ang iba, tuloy pa rin ako. Noong panahong iyon, wala akong oras para magbasa ng mga salita ng Diyos, at ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa Diyos kapag nagdadasal ako, kaya lumayo nang lumayo ang puso ko sa Kanya.

Kalaunan, sa panahon na hindi kasagsagan, nagsara nang pansamantala ang pabrika. Puwede ko sanang gamitin ang pahinga para dumalo sa mas maraming pagtitipon at sangkapan ang sarili ko ng mas maraming katotohanan, pero gusto kong mabilis na kumita ng mas maraming pera para mabawi ang paghangang natatanggap ko noong mayaman pa ako, kaya pumunta ako sa ibang pabrika para gumawa ng mga damit pamproteksiyon. Minsan, para mas lumaki ang kita, pinapatagal ko ang oras ng pag-uwi ko, at pag-uwi ko, naghihintay na sa akin ang aking sister para makipagtipon. Pero sumasakit ang buong katawan ko pagkatapos ng maghapong trabaho, at sumasakit nang sobra ang mga braso ko na hindi ko na maitaas ang mga ito. Gusto ko na lang magpahinga nang maaga, kaya hindi nagiging epektibo ang mga pagtitipon. Para kumita pa, gumigising ako ng 5:30 ng umaga araw-araw para magluto ng almusal, at para makatipid ng oras, dinadala ko ang tanghalian ko sa pabrika. Dahil matagal akong hindi regular na kumakain, at dahil laging malamig ang tanghalian ko, isang araw, makalipas ang isang buwan, bigla akong nagsuka at nagtae nang malubha. Sinabi ng doktor na mayroon akong acute gastroenteritis, at medyo malubha ito, at kailangan kong manatili sa bahay para magpagaling. Habang nakahiga sa kama, nagsimula akong mag-isip-isip, “Hindi ako regular na gumagawa ng mga debosyonal o dumadalo sa mga pagtitipon. Nakatuon lang ako sa pagkita ng pera at pamumuhay nang maganda para makamit ang paghanga ng mga tao. Naaayon ba ito sa kalooban ng Diyos?” Sa isang pagtitipon, binasahan ako ng isang sister ng isang sipi ng mga salita ng Diyos na partikular na tumutugon sa kalagayan ko: “Ang pananampalataya ni Job sa Diyos ay hindi sa pangalan lamang; siya ang huwarang kinatawan ng isang sinserong mananampalataya. Nanalangin siya sa Diyos sa lahat ng bagay. Hindi siya mapalagay dahil sa pagkakatuwaan ng kanyang mga anak, at nagdarasal siya sa Diyos at ipinagkakatiwala niya ang mga ito sa Diyos. Talagang madalas niyang ipagdasal kung paano palalakihin ang kanyang mga alagang hayop. Ipinagkatiwala niya ang lahat sa mga kamay ng Diyos. Kung siya ay naging tulad ng isang walang pananampalataya, na palaging nagpaplano at kinakalkula ang pagpapalaki ng kanyang mga alagang hayop ayon sa kalooban ng tao, nang umaasa lamang sa kanyang sariling pag-iisip at imahinasyon at nag-iisip nang maigi upang makamit ang mga pinlano niyang layon, kung gayon, kahit pa nakaranas siya ng maraming kabiguan at dagok, magagawa ba niyang makita ang mga kamay ng Diyos at ang kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos? … Bakit labis na nag-iisip ang mga tao gamit ang kanilang pamamaraan upang makamit ang kanilang mga mithiin sa halip na umasa sa Diyos? Kapag sila ay nagpaplano, hinahanap ba nila ang mga pagnanais ng Diyos? Mayroon ba silang nagpapasakop na pag-uugali, sinasabing, ‘Hindi ko alam kung ano ang gagawin ng Diyos. Gagawin ko muna ang planong ito, ang kalkulasyong ito, ngunit hindi ko alam kung makakamit ba ng planong ito o hindi ang aking layon; isa lamang itong plano. Kung makakamit nito ang aking layon, isa itong pagpapalang mula sa Diyos. Kung hindi, ito ay dahil sa aking sariling pagkabulag; ang aking plano ay hindi alinsunod sa mga layunin ng Diyos’? Mayroon ba silang ganitong uri ng pag-uugali? (Wala.) Kung gayon, paano lumilitaw ang ganitong mga pagkilos? Ang mga ito ay mga imahinasyon at kuru-kuro ng tao, mga pagnanais ng tao, di-makatwirang hinihingi ng tao sa Diyos; nagmumula ang mga ito sa mga tiwaling disposisyon. Ito ay isang aspekto. Dagdag pa rito, ang ganitong mga tao ba ay may pusong nagpapasakop sa Diyos? (Wala.) Paano mo nakikita na wala silang pusong nagpapasakop sa Diyos? (Nakakaramdam sila ng labis na pangangailangang makamit ang mga planong ginawa nila.) Anong disposisyon ito? Ito ay pagmamataas at paghihimagsik. Naniniwala silang pinagpapala sila ng Diyos, ngunit kapag mayroon silang sarili nilang mga pagnanais at kalkulasyon, isinasantabi nila ang Diyos; ito ay isang mapagmataas na disposisyon. Nagpapasakop ba sila kapag isinasantabi nila ang Diyos? Hindi, at wala sa kanilang puso ang Diyos. Hindi talaga nila isinasaalang-alang kung paanong may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos ang Diyos sa mga bagay, lalo na kung paano Niya nais gawin ang mga bagay. Hindi nila isinasaalang-alang ang mga bagay na ito. Ano ang makikita mula rito? Hindi sila naghahanap ng kahit ano, ni hindi sila nagpapasakop, at ni walang may-takot-sa-Diyos na puso. Gumagawa muna sila ng mga sariling plano, at pagkatapos ay kumikilos at nagtatrabaho silang mabuti ayon sa kanilang mga plano, umaasa sa mga pamamaraan ng tao, imahinasyon, at kuru-kuro nang hindi man lamang iniisip ang mga layunin ng Diyos. Pagdating sa pagpapalaki ng mga alagang hayop, dapat malaman kahit papaano ng mga tao sa kanilang puso na ‘kailangang subukan ng mga tao ang kanilang makakaya na gawin, ang nararapat na gawin at magpasakop sa kalooban ng Langit,’ na ang ibig sabihin ay: ‘Tutuparin ko ang aking mga responsabilidad na pakainin ang mga alagang-hayop, hindi ko sila hahayaang magkulang sa nutrisyon, o manigas sa lamig, o magutom, o magkasakit. Ang bilang ng kanilang magiging supling sa susunod na taon ay nasa mga kamay na ng Diyos; hindi ko ito alam, hindi ko ito hinihingi, at hindi ako gagawa ng mga plano. Nasa sa Diyos na ang lahat ng bagay na ito.’ Kung pinipilit nilang umasa sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao upang kumilos, mayroon ba silang pag-uugaling nagpapasakop sa Diyos? (Wala.) Alin sa dalawang pagkilos na ito ang nagmumula sa kalooban ng tao, at alin ang nagpapasakop sa Diyos? (Ang una ay nagmumula sa kalooban ng tao, at siyang pamamaraan ng mga hindi mananampalataya; ang ikalawang pamamaraan ay nagmumula sa mga taos na nananampalataya sa Diyos at naghahanap sa katotohanan.) Lahat sila ay nananampalataya sa Diyos, at ginagawa nilang lahat ang parehong bagay, ngunit ang motibo, pinagmumulan, at layon ng kanilang mga pagkilos, pati na ang kanilang mga prinsipyo, ay magkakaiba. Kaya naman, ang landas na tinatahak ng mga tao ay makikita(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang mga Prinsipyo ng Pagsasagawa ng Pagpapasakop sa Diyos). Ibinahagi ng sister na si Job ay isang taong tunay na nananampalataya sa Diyos. Sa buhay, anuman ang mangyari, wala siyang mga personal na plano o intensyon at hindi siya kumikilos ayon sa sarili niyang kalooban. Sa lahat ng bagay, nagpasakop siya sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Pero kung titingnan natin ang ating sarili, bagama’t nananampalataya tayo sa Diyos, hindi tayo tunay na naniniwala sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Palagi nating gustong umasa sa sarili nating mga pagsisikap para baguhin ang ating tadhana, at bilang resulta, namumuhay tayo sa pagdurusa at pagkapagod. Panay ang tango ko habang nakikinig sa pagbabahagi ng sister. Naisip ko kung paanong bago ko natagpuan ang Diyos, palagi kong gustong umasa sa sarili kong mga pagsisikap at sumubsob sa pagtatrabaho para yumaman. Pero sa huli, hindi na nga ako yumaman, nagkaroon pa ako ng maraming utang. Ngayon, gusto kong umasa sa aking mga kasanayan sa pananahi para makapagtrabaho nang mas marami at kumita ng pera. Gusto kong ibalik ang dati kong marangyang pamumuhay, kaya nagtrabaho ako ng lampas sa oras at ginawa ang lahat para kumita ng pera, pero nauwi lang sa pagpapakapagod at pagkakasakit ko, at ang perang kinita ko ay halos naubos lang sa mga gastusing medikal. Ang aking tadhana ay isang bagay na hindi ko kayang planuhin o kalkulahin para sa aking sarili. Hindi ko makukuha ang kasikatan at pakinabang na ninanais ko sa pamamagitan lang ng sarili kong mga pagsisikap, at ang lahat ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Ngayong natagpuan ko na ang Diyos, kung hindi pa rin ako maniniwala sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at patuloy akong aasa sa sarili kong mga pagsisikap para subukang baguhin ang aking tadhana, kung gayon ay magiging katulad lang ako ng isang walang pananampalataya. Ako ay magiging isang hindi mananampalataya. Nang maunawaan ito, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, naging napakamapaghimagsik ko po. Handa po akong ipagkatiwala ang lahat sa Iyong mga kamay.” Pagkatapos niyon, regular na akong dumalo sa mga pagtitipon at ginawa ang mga tungkulin ko sa abot ng aking makakaya.

Isang araw, sa panahon ng aking mga debosyonal, nakinig ako sa isang himno ng mga salita ng Diyos, na pinamagatang “Nanaghoy ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan”:

1  Sa kalawakan ng mundo, ang mga karagatan ay nagiging mga kaparangan, at ang mga kaparangan ay nagiging mga karagatan, nang napakaraming beses. Maliban sa Kanya na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay sa gitna ng lahat ng bagay, walang sinuman ang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhang ito. Walang sinumang “makapangyarihang tao” ang magpapakapagod o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan ng mundo ng tao. Naghihinagpis ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan, nagdadalamhati Siya sa pagbagsak ng sangkatauhan, at nasasaktan Siya na unti-unting naglalakad ang sangkatauhan patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Wala pang sinumang nag-iisip tungkol dito: Saan maaaring tumungo ang gayong sangkatauhan, na yaong lubusang dumurog sa puso ng Diyos at tumalikod sa Kanya para hanapin ang masama?

2  Ito mismo ang dahilan kung bakit walang sumusubok na damhin ang poot ng Diyos, kung bakit walang naghahanap sa daang nakakalugod sa Diyos o sumusubok na mapalapit sa Diyos, at lalong higit na walang sinuman ang nagtatangkang pahalagahan ang pagdadalamhati at pasakit ng Diyos. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, ang tao ay nagpapatuloy sa kanyang sariling landas, patuloy na tinatalikuran ang Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip sa, kapag ipinilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo, paano tatratuhin ng Diyos ang sangkatauhang ito na labis na nagbabalewala sa Kanya?

3  Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalaala at panghihikayat ng Diyos sa tao ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang isang kalamidad na wala pang katulad, isang kalamidad na hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao, hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi isang kaparusahan na pumupuntirya sa kaluluwa ng tao. Kailangan mong malaman ito: Anong klase ng galit ang pakakawalan ng Diyos kapag hindi natupad ang plano Niya, at kapag hindi nasuklian ang Kanyang mga paalaala at panghihikayat? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o nalalaman ng sinumang nilikha. Kaya sinasabi Ko, ang kalamidad na ito ay wala pang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang sangkatauhan, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatwid, walang makakaunawa sa mga masusing layunin at taimtim na pag-aasam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Habang pinag-iisipan ko nang mabuti ang mga liriko, naramdaman kong nananaghoy ang Diyos para sa kinabukasan at hantungan ng sangkatauhan, at kasabay nito, patuloy na nagpapaalala at nanghihikayat sa sangkatauhan. Umaasa Siyang lalapit ang mga tao sa Kanyang harapan at tatanggapin ang Kanyang pagliligtas, at hindi mananatiling matigas ang ulo at iiwasan ang Kanyang pagliligtas. Ang mga salitang ito ay taos-pusong mga pagpapahayag ng Diyos, at bawat salita ay totoo at tunay. Naisip ko kung paanong pagkatapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nalaman ko na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa tadhana ng tao, at sa pamamagitan lamang ng paniniwala sa Diyos at pagsamba sa Kanya maaaring mamuhay nang may kabuluhan ang isang tao. Pero para mamuhay nang marangya at makamit ang paghanga ng iba, ibinuhos ko ang buong puso ko sa aking trabaho. Itinuring kong isang pasanin ang mga pagtitipon, at palayo nang palayo ang relasyon ko sa Diyos. Kung hindi dumating sa akin ang sakit, nakalubog pa rin sana ako sa kumunoy ng paghahabol sa pera, hindi makaahon. Sa pag-iisip nito, nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, nais ko pong magsisi at makalaya mula sa pagkakagapos ng pera, pero wala po akong kapangyarihang palayain ang sarili ko. Pakiusap, gabayan Mo po ako.” Pagkatapos ay naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Kailangan mong makinig! Yaong matatalino ay dapat madaliang gumising sa katotohanan! Bitawan ang anumang bagay na hindi mo handang talikuran. Muli Kong sinasabi sa iyo na ang gayong mga bagay ay talagang nakasasama sa iyong buhay, at walang kapakinabangan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 14). Ipinatanto sa akin ng mga salita ng Diyos na ang paghahangad ng kayamanan, kasikatan, at pakinabang ay hahantong sa pagkawasak ng aking buhay. Katulad ng asawa ni Lot, noong wawasakin na ng Diyos ang Sodoma, hindi niya mabitawan ang kanyang mga ari-arian at nagpumilit siyang lumingon, at bilang resulta, naging haliging asin siya. Kung sa mga agarang pakinabang lang ako tututok, at hindi hahangarin ang katotohanan o maghahanap ng pagbabago ng disposisyon, kapag natapos na ang gawain ng Diyos, mawawala sa akin ang pagkakataong maligtas. Sa pag-unawa sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan at sa Kanyang apurahang hangarin na iligtas ang mga tao, nagpasya akong dumalo sa mga pagtitipon nang mas madalas at kumain at uminom ng mas marami sa mga salita ng Diyos. Kalaunan, dumalo ako nang madalas sa mga pagtitipon kasama ang mga kapatid para makipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos. Bawat araw ay nakakaramdam ako ng kasiyahan at kalayaan, at mabilis ding bumuti ang kalusugan ko. Ang paniniwala sa Diyos at pagbabasa ng Kanyang mga salita, sa pakiramdam ko ay mas makabuluhan kaysa sa walang katapusang pagpapagal para sa pera.

Kalaunan, umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko, at ang tiyahin ko, na dati ay masayang bumabati sa akin mula sa malayo, ay umiwas ng tingin at hindi ako pinansin. Ang nakababata kong kapatid, na dati ay naglalabas ng sama ng loob at nagtitiwala sa akin, ay hindi na nagtatapat sa akin pagkatapos maghirap ang pamilya ko. Nagbitaw pa nga siya ng ilang mapanuyang komento tungkol sa akin, sinasadya man o hindi. Nag-iwan ito sa akin ng hindi magandang pakiramdam. Dati, saanman ako magpunta, hinahangaan ako, pero ngayong wala na akong pera, iba na ang tingin sa akin ng tiyahin ko, at kahit ang nakababata kong kapatid ay hindi na ako sineseryoso. Mukhang mas mabuting magkapera—kapag may pera ka, doon ka lang seseryosohin ng mga tao, at hindi dapat mamuhay ang isang tao para maliitin. Kaya nagpasya akong bumalik sa trabaho at kumita ng pera. Pero naisip ko na kapag nagsimula akong magtrabaho, maaantala nito ang pagdalo ko sa mga pagtitipon at ang pagkain at pag-inom ko ng mga salita ng Diyos, at muling lalayo ang puso ko sa Diyos. Pero kung hindi ako magtatrabaho, hindi ako magkakapera at mamaliitin ako ng mga tao. Naipit ako sa alanganin. Sa huli, naisip ko na basta’t regular akong dumadalo sa mga pagtitipon, siguradong makikisimpatya sa akin ang Diyos dahil isa akong baguhan at mura pa ang tayog ko, at puwede akong magdahan-dahan sa paghahangad sa katotohanan. Kaya bumalik ako sa pagtatrabaho sa pabrika ng damit.

Noong una, nakakadalo pa ako nang regular sa mga pagtitipon, pero kalaunan, nang mapagtanto kong mas mababa ang sahod ko kaysa sa mga kasamahan ko, nagsimula akong mag-isip-isip, “Paano ko masusulit ang bawat sandali para mapabilis ang pananahi ko at kumita ng mas maraming pera?” Ang puso ko ay ganap na naging abala sa trabaho. Noong panahong iyon, iniraraos ko lang ang mga pagtitipon, at sa sandaling matapos ang mga pagtitipon, agad akong nagmamadali papunta sa pabrika. Sa pabrika, walang kapaguran kong inaapakan ang pedal ng makinang panahi, at pakiramdam ko pa nga ay masyadong mabagal ang makina. Sa ganoon lang, bumalik ako sa dati kong paraan ng pamumuhay, at tulad ng isang makina, walang tigil akong nagtrabaho para kumita ng pera. Wala akong oras para kumain o uminom ng mga salita ng Diyos, at pakiramdam ko ay palayo ako nang palayo sa Diyos. Minsan, nakokonsensiya ako, iniisip na, “Bakit hindi ko mabitawan ang pera? Bakit napakasinungaling ko sa harap ng Diyos at bakit palagi kong hindi tinutupad ang salita ko?” Galit na galit ako sa sarili ko na gusto ko na lang sampalin ang sarili kong mukha. Lumapit ako sa Diyos sa panalangin, “O Diyos, gusto ko pong wastong dumalo sa mga pagtitipon at kumain at uminom ng Iyong mga salita, pero hindi ko mabitawan ang pagnanais kong kumita ng pera. Pakiusap, akayin Mo po ako palabas sa bitag ng pera.”

Isang araw sa isang pagtitipon, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Pilosopiya ni Satanas ang ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo.’ Nangingibabaw ito sa buong sangkatauhan, sa bawat lipunan ng mga tao; maaari ninyong sabihin na ito ay isang kalakaran. Ito ay dahil ikinintal ito sa puso ng bawat isang tao, na sa una ay hindi tinanggap ang kasabihang ito, ngunit pagkatapos ay binigyan ito ng tahimik na pagtanggap noong maranasan na nila ang tunay na buhay, at nagsimula nilang maramdaman na totoo nga ang mga salitang ito. Hindi ba ito proseso ni Satanas na ginagawang tiwali ang mga tao? … Ginagamit ni Satanas ang pera upang tuksuhin ang mga tao, at tiwaliin silang sumamba sa pera at sambahin ang mga materyal na bagay. At paano naipapamalas sa mga tao ang pagsambang ito sa pera? Inaakala ba ninyo na hindi niyo kayang manatiling buhay sa mundong ito nang walang pera, na ang kahit isang araw na walang pera ay imposible? Ang katayuan ng mga tao ay base sa kung gaano karaming pera ang mayroon sila, gayundin ang paggalang na karapat-dapat sa kanila. Ang mga likod ng mahihirap ay nakayuko sa hiya, habang nagpapakasasa ang mayayaman sa kanilang mataas na katayuan. Nakatayo sila nang tuwid at nagmamalaki, nagsasalita nang malakas at namumuhay nang may pagmamataas. Ano ba ang dinadala ng kasabihan at kalakarang ito sa mga tao? Hindi ba totoo na gagawin ng marami ang anumang sakripisyo para makakuha ng pera? Hindi ba’t ang maraming tao ay nawawalan ng kanilang dignidad at integridad sa paghahanap ng mas maraming pera? Hindi ba marami ang mga taong nawawalan ng pagkakataon na gampanan ang kanilang tungkulin at sumusunod sa Diyos para lamang sa pera? Hindi ba ang pagkawala ng pagkakataong matamo ang katotohanan at maligtas ang pinakamalaki sa lahat ng nawala sa mga tao? Hindi ba’t masama si Satanas sa paggamit sa pamamaraang ito at sa kasabihang ito upang gawing tiwali ang tao hanggang sa ganitong antas? Hindi ba ito malisyosong pandaraya? Habang sumusulong ka mula sa pagtutol sa popular na kasabihang ito tungo sa pagtanggap dito bilang katotohanan sa huli, lubos na nahuhulog ang iyong puso sa kamay ni Satanas, at kung gayon ay naipapamuhay ang kasabihang ito nang hindi mo namamalayan. Gaano ka naapektuhan ng kasabihang ito? Maaaring alam mo ang tunay na daan, at maaari ring alam mo ang katotohanan, subalit wala kang kapangyarihang hangarin ito. Maaari mong malaman nang malinaw na ang mga salita ng Diyos ay katotohanan, ngunit hindi ka handang magbayad ng halaga, o magdusa upang makamtan ang katotohanan. Sa halip, mas gugustuhin mong isakripisyo ang iyong sariling kinabukasan at tadhana upang kalabanin ang Diyos hanggang sa katapus-tapusan. Anuman ang sinasabi ng Diyos, anuman ang ginagawa ng Diyos, gaano man kalalim at kadakila ang pagmamahal ng Diyos sa iyo, sa abot ng makakaya mong maunawaan ito, mapagmatigas mo pa ring ipipilit ang sarili mong landas at babayaran ang halaga para sa kasabihang ito. Ibig sabihin, naloko at nakontrol na ng kasabihang ito ang iyong mga iniisip, nailigaw na nito ang iyong pag-uugali, at mas gusto mo pang hayaan itong pagharian ang iyong kapalaran kaysa isantabi mo ang iyong paghahangad na yumaman. Kayang kumilos ng mga tao nang ganoon, kaya silang kontrolin at manipulahin ng mga salita ni Satanas—hindi ba ibig sabihin nito ay nailigaw at nagawa na silang tiwali ni Satanas? Hindi pa ba nag-uugat ang pilosopiya at paraan ng pag-iisip ni Satanas, at ang disposisyon ni Satanas, sa puso mo? Kapag pikit-mata mong hinangad na yumaman, at tinalikdan mo ang paghahanap ng katotohanan, hindi ba nagtagumpay na si Satanas sa layunin nitong iligaw ka?(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V). “Sa katunayan, gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man kamakatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao, ay hindi mapaghihiwalay na nauugnay sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawat tao, at ang mga ito ay mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Ano ang dalawang salitang ito? Ang mga ito ay ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Gumagamit si Satanas ng isang napakabanayad na paraan, isang paraan na lubos na naaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, at na hindi masyadong agresibo, para magdulot sa mga tao na tanggapin nila nang hindi nila namamalayan ang mga gawi at batas nito upang manatiling buhay, makagawa ng mga layon sa buhay at direksyon sa buhay, at magtaglay ng mga adhikain sa buhay. Gaano man tila kataas pakinggan ang mga salitang ginagamit ng mga tao para pag-usapan ang mga adhikain nila sa buhay, ang mga adhikain na ito ay mahigpit na nauugnay sa ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Ang lahat ng hinahabol ng sinumang dakila o sikat na tao—o, sa katunayan, ng sinumang tao—sa buong buhay niya ay nauugnay lang sa dalawang salitang ito: ‘kasikatan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng kasikatan at pakinabang, may kapital sila na magagamit nila para magtamasa ng mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang magsaya sa buhay. Iniisip nila na sa sandaling mayroon na silang kasikatan at pakinabang, may kapital na silang magagamit para maghangad ng kasiyahan at makibahagi sa walang-pakundangang pagtatamasa ng laman. Alang-alang sa kasikatan at pakinabang na ito na ninanais nila, ang mga tao ay kusang-loob, hindi man namamalayan, na ibinibigay kay Satanas ang kanilang mga katawan, puso, at maging ang lahat ng mayroon sila, kasama na ang kanilang kinabukasan at kapalaran. Ginagawa nila ito nang walang pag-aatubili, ni wala ni isang sandali ng pagdududa, at hindi kailanman natutunan na bawiin ang lahat ng minsang mayroon sila. Mapapanatili ba ng mga tao ang anumang kontrol sa kanilang mga sarili sa sandaling isuko na nila ang kanilang sarili kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila ay ganap at lubos na nalugmok sa isang putikan, at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI). Nagbahagi ang isang sister, “Ginagamit ni Satanas ang kasikatan, pakinabang, at pera para gawing tiwali at igapos ang mga tao. Ang mga lason tulad ng ‘Hindi kalahatan ang pera, ngunit kapag wala ito, wala kang magagawa,’ ‘Kapag may pera ka, nasa iyo na ang lahat,’ at ‘Pera ang nagpapaikot sa mundo’ ay naging laganap na kalakaran sa lipunan ngayon at mga panuntunang ipinamumuhay ng mga tao. Naniniwala ang mga tao na habang mas marami kang pera, mas mataas ang iyong katayuan, at mas kagalang-galang at maluwalhati ang buhay na iyong ipinamumuhay, kaya para makamit ang layuning ito, handa silang gawin ang lahat, para kumita ng pera. Sa sandaling mahulog ang mga tao sa bitag ni Satanas, nawawalan sila ng kontrol sa kanilang sarili. Nagiging kontrolado sila ni Satanas sa katawan at isipan, at wala na silang oras para hangarin ang katotohanan o sambahin ang Diyos. Lalong nagiging nakapapagod ang buhay, at lalo silang napapalayo sa Diyos.” Pagkatapos makinig sa pagbabahagi ng sister, napagtanto kong ganoon din ako. Ang pangarap ko noon pa man ay ang yumaman, at inakala kong ito ang magbibigay-daan sa akin na mamuhay nang maligaya. Para makamit ito, sumubsob ako sa pagtatrabaho para kumita ng pera, at ibinuhos ko ang lahat ng lakas ko rito. Kahit noong buntis ako, lampas sa oras ako magtrabaho. Kalaunan, isang hindi inaasahang alitan sa pananalapi ang nangyari. Nasentensiyahan ang asawa ko na makulong, nagkautang ang aming pamilya, at biglang bumaligtad ang buhay ko. Natakot akong maliitin ako ng iba kung makikita nila ang pagbagsak ko, kaya lalo pa akong sumubsob sa pagtatrabaho para kumita ng pera. Matapos kong matagpuan ang Diyos, alam na alam ko na nagkatawang-tao ang Diyos para ipahayag ang katotohanan upang iligtas ang mga tao sa mga huling araw, na ito ay isang pagkakataong minsan lang sa sanlibong taon, at dapat akong dumalo sa mas maraming pagtitipon at kumain at uminom ng mas marami sa mga salita ng Diyos, para mas marami akong maunawaang katotohanan. Pero ang puso ko ay puno ng pagnanais para sa pera, kasikatan, at pakinabang, at inisip kong makakaapekto sa abilidad kong kumita ng pera ang pagdalo sa mga pagtitipon, kaya palagi kong pinipiling dumalo sa mas kaunting pagtitipon, o kung minsan ay hindi na dumadalo. Kapag hindi abala ang pabrika na karaniwan kong pinagtatrabahuhan, nagtatrabaho ako sa ibang pabrika, at kahit na pinagod ko ang sarili ko hanggang sa magkasakit ako, tumanggi akong magbago. Nang makita kong hindi maganda ang pakikitungo sa akin ng pamilya ko, pinili kong kumita ng pera para isalba ang aking reputasyon. Ginagamit ni Satanas ang pera, kasikatan, at pakinabang para igapos ako nang mahigpit, ikinukulong ako sa kanilang kumunoy, kung saan hindi ako makaahon. Pinahalagahan ko ang paghahangad ng pera, kasikatan, at pakinabang nang higit pa sa paghahangad ng katotohanan, at mas mahalaga pa kaysa sa buhay mismo. Kung nagpatuloy ako sa landas na ito nang hindi nagbabago, sa huli ay mawawala sa akin ang pagkakataong maligtas. Noon ko lang malinaw na nakita ang masasamang intensyon ni Satanas na gawing tiwali ang mga tao gamit ang pera, kasikatan, at pakinabang. At naunawaan ko na binigyan ako ng Diyos ng isang kasanayan para mabuhay ako sa mundo at matustusan ang sarili ko, pero hindi para gamitin ko ang kasanayang iyon para tugunan ang aking matinding ambisyon para sa kasikatan, pakinabang, at katayuan. Ang pagiging kontento sa pagkakaroon lang ng damit at pagkain ay nagpapagaan sa pamumuhay, at nag-iiwan ng sapat na oras para sa pagsamba sa Diyos. Matapos kong maunawaan ang mga bagay na ito, ayaw ko nang sumubsob sa pagtatrabaho at magpaloko at mapinsala ni Satanas, at naging handa akong wastong dumalo sa mga pagtitipon at hangarin ang katotohanan.

Pagkatapos, nagnilay-nilay din ako, “Talaga bang matatamo ko ang kasikatan at pakinabang na ninanais ko sa pamamagitan ng sarili kong mga pagsisikap?” Naalala kong sinabi ng Diyos: “Anuman ang iyong maaaring pinagmulan, at anumang paglalakbay ang maaaring nasa iyong harapan, walang makakatakas sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang makakakontrol sa sarili nilang kapalaran, dahil Siya lamang na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ang may kakayahan sa gayong gawain(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao). Ang tadhana ng isang tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at hindi ito mababago sa pamamagitan lamang ng sariling pagsisikap. Ang uri ng buhay na ipinamumuhay ko, maluwalhati at prestihiyoso man o dukha at pangkaraniwan, ay hindi isang bagay na kaya kong pagpasyahan, at dapat akong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Tanging sa paghahangad ng katotohanan, at pagwawaksi sa satanikong tiwaling disposisyon, magiging isang tao akong sinasang-ayunan ng Diyos. Ang ganoong buhay lamang ang may halaga at makabuluhan. Pagkatapos, hindi na ako gaanong sumubsob sa pagtatrabaho para kumita ng pera, at regular na akong nakadalo sa mga pagtitipon at nakakain at nakainom ng mga salita ng Diyos.

Noong 2020, sinabi ng lider ng iglesia na maraming baguhan ang napagbalik-loob, at tinanong niya ako kung handa akong diligan sila. Naisip ko, “Kung didiligan ko ang mga baguhan, wala na akong oras para magtrabaho at kumita ng pera. Ano na ang gagawin ko kapag naubos na ang pera ko? Ang pagbabalik sa dati kong maluwalhating mga araw ay imposible na. Pero isa rin itong kritikal na sandali para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at kung walang magdidilig sa kanila, ang mga baguhang ito na hindi nakauunawa sa katotohanan ay maaaring agawin ni Satanas anumang oras.” Naisip ko kung paanong noong una kong natagpuan ang Diyos at wala akong nauunawaan, kung hindi naglaan ng oras at lakas ang mga kapatid para diligan at suportahan ako sa tamang panahon, hindi ako magiging tiyak sa tunay na Diyos, ni hindi ko matatanggap ang pagliligtas ng Diyos. Kaya ngayon na dumating sa akin ang tungkuling ito, kung tatanggi ako, hindi ba’t lubos akong mawawalan ng konsensiya? Pagkatapos ay nakakita ako ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Dapat hangarin ng tao na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at hindi dapat masiyahan sa kanyang kasalukuyang mga kalagayan. Upang maisabuhay ang imahe ni Pedro, dapat niyang taglayin ang kaalaman at mga karanasan ni Pedro. Dapat hangarin ng tao ang mga bagay na mas matatayog at mas malalalim. Dapat niyang hangarin ang isang mas malalim, mas dalisay na pagmamahal sa Diyos, at isang buhay na may kabuluhan at kahulugan. Ito lamang ang buhay; sa ganito lamang magiging katulad kay Pedro ang tao. Dapat kang tumuon sa maagap na pagpasok sa positibong panig, at hindi ka dapat maging pasibo at hayaan ang iyong sarili na umurong para lang sa pagkakaroon ng pansamantalang ginhawa habang binabalewala ang mas malalim, mas detalyado, at mas praktikal na mga katotohanan. Dapat kang magtaglay ng praktikal na pagmamahal, at dapat kang humanap ng lahat ng posibleng paraan upang mapalaya ang iyong sarili mula sa dekadente at walang-pakialam na pamumuhay na walang pinagkaiba sa paraan ng pamumuhay ng isang hayop. Dapat mong isabuhay ang isang buhay na may kabuluhan at halaga, at hindi mo dapat linlangin ang iyong sarili o ituring ang iyong buhay na parang isang laruan na dapat paglaruan. Para sa lahat ng may determinasyon at nagmamahal sa Diyos, walang katotohanang hindi matatamo at walang katarungan na hindi nila mapaninindigan. Paano mo dapat ipamuhay ang iyong buhay? Paano mo ba dapat ibigin ang Diyos, at gamitin ang pag-ibig na ito para matugunan ang Kanyang mga layunin? Wala nang mas mahalagang bagay sa iyong buhay. Higit sa lahat, ikaw ay dapat magkaroon ng ganitong uri ng determinasyon at pagtitiyaga, at hindi dapat maging tulad ng mga walang lakas ng loob. Dapat mong matutunan kung paano maranasan ang isang makahulugang buhay, at maranasan ang makahulugang mga katotohanan, at hindi dapat ituring ang iyong sarili nang pabasta-basta sa ganitong paraan. Ang iyong buhay ay lilipas nang hindi mo namamalayan; pagkatapos niyon, magkakaroon ka pa rin ba ng ganitong uri ng oportunidad na mahalin ang Diyos? Maaari bang mahalin ng tao ang Diyos pagkatapos niyang bawian ng buhay? Dapat kang magkaroon ng determinasyon at ng konsensiya na katulad ng kay Pedro. Ang buhay mo ay dapat na maging makahulugan, at hindi mo dapat pinaglalaruan ang iyong sarili. Bilang isang tao, at bilang isang tao na naghahangad sa Diyos, dapat magawa mong isaalang-alang at harapin ang buhay mo nang maingat—isinasaalang-alang kung paano mo dapat ialay ang iyong sarili sa Diyos, kung paano ka magkakaroon ng isang mas makabuluhang pananalig sa Diyos, at dahil sa iniibig mo ang Diyos, paano mo Siya dapat ibigin sa paraang mas dalisay, mas maganda, at mas mabuti(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na dapat hangarin ng isang tao ang katotohanan at mamuhay nang makabuluhan, tulad ni Pedro, na namumuhay para lamang sa paghahangad na mahalin ang Diyos, at tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, at sa ganitong paraan lamang matatanggap ng isang tao ang pagsang-ayon ng Diyos. Dati, nagsikap akong magtrabaho para magkaroon ng mataas na kalidad ng buhay at makuha ang paghanga ng mga tao, pero sa huli, lahat ng pagsisikap ko ay nauwi sa wala. Naubos ang lahat ng pera ng aming pamilya, at nagkautang pa kami, at nagkasakit pa ang katawan ko dahil sa pagod. Bagama’t nakamit ko ang kasikatan at pakinabang, natanggap ang paghanga at papuri ng mga tao, at nasiyahan ang aking banidad, hindi napunan ng mababaw na mga bagay na ito ang kahungkagan sa puso ko. Mula nang matagpuan ko ang Diyos, namuhay ako ng buhay iglesia at nakipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos kasama ang mga kapatid, naunawaan ko ang ilang katotohanan, at nagkamit ng katatagan, kapayapaan, at pagtitiwala ang puso ko. Lalo na noong ginagawa ko ang aking tungkulin, madalas akong nakalalapit sa harap ng Diyos, nakapagbabasa ng Kanyang mga salita, at nakatatanggap ng kaliwanagan at patnubay ng Kanyang mga salita, at nakaramdam ako ng malaking kagalakan sa aking puso. Sa tuwing mayroon akong anumang isyu sa aking kalagayan, nakikipagbahaginan sa akin ang mga kapatid sa tamang oras. Nagkamit din ako ng kaunting pagkaunawa sa aking tiwaling disposisyon, at naramdaman kong mabilis ang aking paglago sa buhay. Napagtanto ko na tanging sa paggawa ng aking tungkulin, mauunawaan ko ang mas maraming katotohanan at makapamumuhay nang makabuluhan. Aktibong ginagawa ng mga kapatid ang kanilang mga tungkulin, at nakatuon sila sa paghahangad ng katotohanan at paglutas sa kanilang mga tiwaling disposisyon habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin. Kung hindi ko pa rin hahangarin ang katotohanan, kung gayon, sa mga pagsubok sa hinaharap, kung walang mga salita ng Diyos bilang aking pundasyon, malamang na magrereklamo ako, at baka maghimagsik pa nga at labanan ang Diyos, at mawala sa akin ang pagkakataong maligtas. Pagkatapos ay mapupunta ako sa sakuna, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Nang maisip ko ito, nagpasya akong gawin nang maayos ang aking tungkulin. Kinabukasan, sinabi ko sa lider na handa akong diligan ang mga baguhan. Pagkatapos niyon, buong puso kong inilaan ang sarili ko sa aking tungkulin at huminto na ako sa pagtatrabaho. Nang makita kong hindi aktibong dumadalo sa mga pagtitipon ang mga baguhan, nakipagbahaginan ako sa kanila gamit ang aking mga karanasan, at napukaw ang kanilang sigasig.

Kalaunan, nakita ng biyenan kong babae na hindi maganda ang kalusugan ko at sinabihan akong ingatan ang aking kalusugan at huwag mag-alala sa mga utang, dahil siya, ang biyenan kong lalaki, at ang hipag ko na ang bahala sa mga ito. Ginamit ko ang perang kinita ko sa pagtatrabaho para bayaran ang sangla, at nababayaran ko ito sa tamang oras bawat buwan. Alam kong ito ang pag-ibig ng Diyos, at lalo pang tumibay ang pananalig ko sa Diyos. Salamat sa Diyos sa pagliligtas sa akin mula sa kapangyarihan ni Satanas. Handa akong gawin nang wasto ang aking mga tungkulin sa mga darating na araw, at hangarin ang katotohanan upang makamit ang pagbabago ng disposisyon.

Sinundan:  86. Ano ang mga Ikinababahala Ko Nang Umiwas Ako sa Aking Mga Tungkulin

Sumunod:  89. Sa Likod ng Takot na Mag-ulat ng mga Problema

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger