92. Ang Kabaitan ba ng mga Magulang ay Isang Utang na Hindi Kailanman Mababayaran?
Lumaki ako sa isang mahirap na pamilyang magsasaka. Inampon ako ng mga magulang ko noong halos kuwarenta anyos na sila. Mula noong nagkaisip ako, nakikita ko na nagpapakahirap ang mga magulang ko para kumita ng pera para itaguyod ang aming pamilya. Gumigising ang tatay ko bago magbukang-liwayway para magtrabaho buong taon, at nagtatrabaho siya sa labas sa kainitan ng mga araw ng Hunyo para kumita ng pera para suportahan ang pag-aaral ko. Ganoon din ang nanay ko. Kapag may sakit siya, hindi niya magawang gumastos ng pera para magpagamot; araw-araw siyang pumupunta sa kanal para pumutol ng dayami para ipakain sa mga kuneho, para kumita ng pera na pambayad sa matrikula ko. Labis akong nababagabag sa kalagayan ng mga magulang ko, kaya ipinasiya ko na magiging mabuting anak ako sa kanila paglaki ko. Nang lumaki na ako, madalas kong sinasabi sa sarili ko na iwasan ang sitwasyon kung saan “gusto ng anak na alagaan ang kanyang mga magulang, pero wala na ang mga magulang niya.” Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong maging mabuting anak sa mga magulang ko, at na hinding-hindi ako dapat magkaroon ng anumang pagsisisihan pagdating sa pagiging mabuting anak sa mga magulang ko. Kalaunan, isinuko ko ang taong mahal ko at pinili ang kasalukuyan kong asawa, na nanirahan kasama ng aking pamilya, alinsunod sa kagustuhan ng mga magulang ko.
Noong 2011, biglang pumanaw ang tatay ko. Lumisan siya bago ako nagkaroon ng pagkakataon na ipakita sa kanya ang paggalang ko bilang isang anak. Naisip ko, “Kahit maging gaano pa ito kahirap, magiging mabuting anak ako sa nanay ko sa maayos na paraan. Ayaw ko nang magkaroon pa ng pagsisisi.” Madalas akong bumibili ng mga nutritional supplement at mga bagay para sa nanay ko. Noong 2012, ipinangaral sa akin ng nanay ko ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pagkalipas ng anim na buwan, madalas na akong lumalabas para dumalo sa mga pagtitipon at gumagawa ng mga tungkulin ko. Pinuna sa pahiwatig at nang tahasan ng asawa ko ang nanay ko dahil sa pangangaral nito sa akin ng ebanghelyo, at sinadya pa nga niyang kutyain at tuyain ang nanay ko sa harapan ko. Galit kong sinigawan ang asawa ko dahil sa sobrang galit ko, at sa tuwing nangyayari ito, nakikita kong umiiwas na lang ang nanay ko, nasasaktan at walang magawa. Kalaunan, tumindi pa ang pang-uusig sa akin ng asawa ko, at sinasaktan at pinagagalitan pa niya ako. Tiniis din ng nanay ko ang mga panlalait at pasakit kasama ko, at pakiramdam ko, napakalaki ng utang na loob ko sa nanay ko. Sa pagtatapos ng 2015, nahalal ako bilang isang mangangaral. Isang beses, sa sobrang abala ko sa aking mga tungkulin, hindi ako nakauwi nang halos isang linggo. Nakipagsabwatan ang asawa ko sa mga kamag-anak para guluhin ang nanay ko, at nagbanta rin na isusuplong ang mga lider at manggagawa ng iglesia. Napilitan akong itigil ang paggawa ng tungkulin ko at umuwi para pangalagaan ang kapaligiran. Pagkauwi ko, huminto sa pagtatrabaho ang asawa ko at nanatili sa bahay para matyagan ako. Nakaramdam ako ng labis na pagtutol dito, pero hindi ako nangahas na makipagtalo sa kanya sa harap ng nanay ko. Tiniis ko na lang ang masakit na panunupil. Naisip ko kung paanong palaging hinihiya at tinutuya ng asawa ko ang nanay ko mula nang magsimula akong manampalataya ako sa Diyos, at labis akong nabagabag, na para bang dinudurog ang puso ko. Pakiramdam ko, hindi ko na nga naipararanas sa nanay ko ang masayang katandaan, dinudulutan ko pa siya ng maraming sama ng loob at pasakit. Dahil doon, wala na akong determinasyon na lumabas at gawin pa ang tungkulin ko. Nakipagbahaginan sa akin ang nanay ko, sinasabing dapat akong sumandig sa Diyos para maranasan ang kapaligirang ito, pero nag-aalala ako na kung lalabas ulit ako para gawin ang tungkulin ko, uusigin na naman ako ng asawa ko, at hindi ko alam kung gaano pa karaming sama ng loob ang dapat tiisin ng nanay ko. Kaya, nanatili ako sa bahay, at lumala nang lumala ang kalagayan ko. Kalaunan, hiniling ng mga kapatid ko sa anak ko na ipaabot ang isang mensahe sa akin, pinaaalalahanan ako na manalangin sa Diyos at higit na sumandig sa Diyos sa ganitong uri ng kapaligiran. Umiyak ako at nanalangin sa Diyos. Binigyang-liwanag at ginabayan ako ng mga salita ng Diyos, at nanumbalik ang determinasyon ko. Kalaunan, gumawa ang Diyos ng paraan para makalaya ako. Sinabihan ang asawa ko ng kumpanyang nag-recruit sa kanya na bumalik sa trabaho, at muli na naman akong makadadalo sa mga pagtitipon. Hindi nagtagal, muli ko nang ginagawa ang tungkulin ng isang lider, at sa tuwing may libreng oras ako, nakikipagbahaginan ako tungkol sa mga salita ng Diyos kasama ang nanay ko, at nagkaroon ako ng pananalig sa Diyos.
Noong 2016, inaresto ang sister na katuwang ko. Magkapitbahay rin kami, at kaya may mga panganib na rin sa kaligtasan ko. Kinailangan kong umalis ng bahay at magtago. Kinausap ko ang asawa ko tungkol sa pag-alis ko para magtago, pero, hindi kapani-paniwala, ilang araw pa lang pagkaalis ko ng bahay, pumunta siya sa istasyon ng pulis at isinuplong ako dahil sa pananampalataya sa Diyos at pag-alis sa bahay. Sinimulan akong imbestigahan ng mga pulis, kaya lalo pa akong hindi makauwi. Naisip ko na kung hindi na ako makakauwi, hindi ko na makikita ang nanay ko—paano ko siya aalagaan at paano ako magiging mabuting anak sa kanya? Yumao na ang tatay ko, at inuusig kami ng asawa ko nang ganito. Pagkaalis ko, hindi ko alam kung anong uri ng pang-aabuso ang gagawin niya sa nanay ko. Ako lang ang nag-iisang kamag-anak ng nanay ko. Magiging labis siyang miserable kung hindi niya ako kasama, at hindi niya ito kakayanin. Pero kung maaaresto ako kapag umuwi ako, magagawa ko bang manindigan? Labis na nasasaktan at naguguluhan ang puso ko, kaya nanalangin ako sa Diyos at nagmakaawa sa Kanya na gabayan Niya ako habang dinaranas ko ang kapaligirang ito. Isang araw, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung saan pupunta ang isang tao, ano ang gagawin niya, sino o ano ang kanyang makakatagpo, ano ang sasabihin niya, at ano ang mangyayari sa kanya sa bawat araw—mahuhulaan ba ng mga tao ang alinman sa mga bagay na ito? Maaaring sabihin na maliban sa hindi mahuhulaan ng mga tao ang lahat ng pangyayaring ito, higit pa rito, hindi nila makokontrol kung paano uusad ang mga bagay na ito. Sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao, ang mga di-mahuhulaang pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, mga karaniwang kaganapan na ang mga ito. Ang kaganapan nitong ‘maliliit na usapin ng pang-araw-araw na buhay’ at ang mga paraan at mga batas ng pag-unlad ng mga ito, ay palagiang pagpapaalala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang sapalaran, at na ang proseso ng bawat pag-unlad, ang pagiging di-maiiwasan ng bawat pangyayari ay hindi mababago ayon sa kagustuhan ng tao. Ang kaganapan ng bawat pangyayari ay naghahatid ng isang babala ng Lumikha para sa sangkatauhan, at nagbibigay rin ito ng mensahe na hindi maaaring makontrol ng mga tao ang kanilang sariling kapalaran. Kasabay nito, pagpapabulaanan din ito sa ambisyon at pagnanais ng sangkatauhan na walang saysay na pag-asang ilagay sa sarili nilang mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang pagpapabulaanang ito ay parang isang malakas na sampal sa mukha na paulit-ulit na humahampas sa sangkatauhan, na pumipilit sa mga tao na pagnilay-nilayan kung sino mismo ang may kataas-taasang kapangyarihan at kontrol sa kapalaran nila. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay palagiang nasisira at nadudurog, hindi rin maiwasan ng mga tao na di-sinasadyang tumugma sa mga pagsasaayos ng kapalaran, at tanggapin ang realidad, ang kalooban ng Langit, at ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Mula sa paulit-ulit na kaganapan ng ‘maliliit na usapin ng pang-araw-araw na buhay’ sa mga kapalaran ng buong buhay ng lahat ng tao, walang bagay na hindi nagbubunyag sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha; walang anumang hindi nagpapaabot ng mensahe na ‘ang awtoridad ng Lumikha ay hindi mahihigitan,’ na hindi nagpapahayag ng di-nagbabagong katotohanan na ‘ang awtoridad ng Lumikha ang pinakamataas’” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng nangyayari araw-araw; hindi kayang hulaan o kontrolin ng mga tao ang mga bagay na ito. Dapat akong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Naisip ko kung paano inaresto ng mga pulis ang sister na katuwang ko, kung paano ako isinuplong ng asawa ko sa istasyon ng pulis, at kung paano ako tinutugis ng mga pulis at hindi makauwi. Ang sunud-sunod na pangyayaring ito ay hindi isang bagay na maaari kong nahulaan; ang lahat ng ito ay ipinahintulot ng Diyos. Kailangan kong tanggapin ang tunay na kapaligirang ito. Nagbalik-tanaw ako sa panahon mula nang manampalataya ako sa Diyos, labis na nalungkot ang puso ko nang makita kong inuusig at ipinahihiya ng asawa ako ang ang nanay ko, at ayaw kong lumabas para gawin ang tungkulin ko dahil natatakot akong uusigin ang nanay ko. Natatakot din ako na pag-alis ko, wala nang mag-aalaga sa kanya sa pagtanda niya. Nang maisip ko ito, naunawaan ko na palagi akong nabibilanggo sa pagmamahal sa pamilya, at hindi ko magawang maayos na hangarin ang katotohanan o gawin ang tungkulin ko. Sa ganitong kapaligiran na dumating sa akin ngayon, na ang ibig sabihin ay hindi ako makakauwi, ang layunin ng Diyos ay na dapat kong ilaan ang puso ko sa tungkulin ko, na makabubuti sa aking buhay paglago. Bukod pa riyan, isa akong lider ng iglesia. Kung hindi ako aalis ng bahay, gagamitin ng mga pulis ang nanay ko para pagbantaan ako sa sandaling maaresto ako. Magagawa ko bang manindigan? Kung hindi ko makayanan ang pagpapahirap at ako ay maging Hudas, na ipinagkakanulo ang Diyos, kung gayon ay lubusan akong ititiwalag ng Diyos. Matapos ang matagal na pag-iisip, nagpasya akong gawin ang tungkulin ko nang malayo sa bahay. Nang malayo ako sa bahay, sa tuwing umuulan, naiisip ko, “Madulas ang lupa sa bakuran namin—paano kung madulas ang nanay ko at walang tutulong sa kanya?” Sa panahon ng anihan ng trigo, nag-aalala ako, “Paano aanihin ng nanay ko ang mga pananim nang mag-isa? Hindi ko alam kung tutulungan siya ng asawa ko.” Noong Chinese New Year, hinawakan ko ang pagkaing inihanda ng pamilyang nagho-host nang may luha sa aking mga mata. “Nakakakain ako nang maayos nang malayo sa bahay, pero hindi ko alam kung maayos ba ang nanay ko sa bahay. Pagagalitan at aabusuhin ba siya ng asawa ko? Sa mga kapistahan, ang ibang mga pamilya ay muling nagkakasama-sama, pero iniwan kong mag-isa ang nanay ko sa bahay. Siguradong namamanglaw siya at nalulungkot, at kailangan pa niyang tiisin ang pangungutya ng aming mga kamag-anak at kaibigan. Napakalaki talaga ng utang na loob ko sa nanay ko!” Habang mas iniisip ko ito, mas lalo akong nahihirapan, at nawalan na ako ng ganang gawin ang tungkulin ko. Umiyak ako at nanalangin sa Diyos, nagmamakaawang ilabas Niya ako sa negatibong kalagayang ito.
Isang araw, sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos: “Anuman ang gawin, isipin, o planuhin mo, hindi mahalaga ang mga bagay na iyon. Ang mahalaga ay kung kaya mong unawain at tunay na paniwalaan na ang lahat ng nilikha ay nasa mga kamay ng Diyos. Taglay ng ilang magulang ang pagpapala at tadhanang makapagtamasa ng kaligayahan sa tahanan at ng saya ng isang malaki at masaganang pamilya. Kataas-taasang kapangyarihan ito ng Diyos, at isa itong pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa kanila. May ilang magulang na walang ganitong tadhana; hindi ito isinaayos ng Diyos para sa kanila. Hindi sila pinagpalang matamasa ang pagkakaroon ng isang masayang pamilya, o matamasa ang pananatili ng kanilang mga anak sa piling nila. Pamamatnugot ito ng Diyos at hindi ito maipipilit ng mga tao. Anuman ang mangyari, sa huli, pagdating sa paggalang sa magulang, kahit papaano ay dapat na magkaroon ang mga tao ng mentalidad ng pagpapasakop. Kung pinahihintulutan ng kapaligiran at may paraan ka upang gawin ito, maaari mong ipakita ang paggalang sa iyong mga magulang. Kung hindi pinahihintulutan ng kapaligiran at wala kang paraan, huwag mong subukang ipilit ito—ano ang tawag dito? (Pagpapasakop.) Pagpapasakop ang tawag dito. Paano ba nagkakaroon ng ganitong pagpapasakop? Ano ba ang batayan ng pagpapasakop? Ito ay nakabatay sa lahat ng bagay na ito na isinasaayos ng Diyos at pinamamahalaan ng Diyos. Bagama’t maaaring naisin ng mga taong pumili, hindi nila magagawa iyon, wala silang karapatang pumili, at dapat silang magpasakop. Kapag nararamdaman mong dapat magpasakop ang mga tao at na ang lahat ng bagay ay pinamamatnugutan ng Diyos, hindi ba’t mas nagiging kalmado ang iyong puso? (Oo.) Kung gayon ay makararamdam pa rin ba ng pang-uusig ang iyong konsensiya? Hindi na ito palaging makararamdam ng pang-uusig, at hindi na mangingibabaw sa iyo ang ideya ng hindi pagpapakita ng paggalang sa iyong mga magulang. Paminsan-minsan, maaari mo pa rin itong maisip dahil ang mga ito ay normal na kaisipan o instintong nakapaloob sa pagkatao, at walang sinumang makaiiwas sa mga ito” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). Matapos pagnilayan ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko na ang Diyos ay nagsaayos ng magkakaibang kapalaran para sa bawat isang tao, at walang kapangyarihan ang mga tao na baguhin ang anuman. Kung itinakda ng Diyos na hindi magtamasa ang nanay ko ng biyaya ng pagkakaroon ng mga anak sa tabi niya, kung gayon gaano pa man ako magsikap, hindi ko mababago ang anuman. Naisip ko kung paanong lagi kaming magkasama ng nanay ko mula pagkabata ko, hindi kami naghiwalay kahit minsan. Kalaunan, dahil sa pananampalataya ko sa Diyos, tinugis ako ng mga pulis at kinailangan kong umalis ng bahay. Ito ay pagsasaayos at paunang pagtatalaga ng Diyos. Nang inuusig ng asawa ko ang nanay ko sa bahay, ito ay isang bagay na kailangan niyang maranasan. Gayumpaman, hindi ko naunawaan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at palagi akong nag-aalala na nag-iisa at nagdurusa ang nanay ko. Naapektuhan ang kalagayan ko sa paggawa ng tungkulin, at nahulog ako sa pasakit at kadiliman. Ngayon ay napagtanto ko na dahil ngayon ay wala nang pagkakataon para maging mabuting anak sa aking ina, ako ay dapat na magpasakop at tumanggap sa kapaligirang ito. Nananampalataya ang nanay ko sa Diyos. Kahit malayo siya sa akin, kasama pa rin niya ang Diyos, at gagabayan kami ng Diyos sa pagtahak namin sa aming mga landas sa hinaharap. Naniniwala ako na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Nang maisip ko ito, tahimik akong nanalangin sa Diyos, handang magpasakop. Ipinagkatiwala ko ang nanay ko sa Diyos, upang gabayan Niya siya habang dinaranas niya ang pag-uusig mula sa aming pamilya. Kalaunan, nagkataong nabasa ko ang isang artikulo ng patotoong batay sa karanasan na isinulat ng nanay ko. Nabasa ko na kapag wala ako sa tabi niya at nanghihina siya, nananalangin siya sa Diyos, at pumupunta ang mga kapatid niya sa bahay namin para makipagbahaginan tungkol sa mga salita ng Diyos at tulungan siya. Matapos niyang maunawaan ang layunin ng Diyos, unti-unti siyang nakaahon mula sa kanyang pagkanegatibo at kahinaan. Labis akong nagpapasalamat sa Diyos.
Noong 2022, muling sumambulat ang pandaigdigang pandemya. Nang makita kong maraming matatanda ang namamatay dahil sa pandemya, nagsimula na naman akong mag-alala, “Kung mahawaan ang nanay ko sa pandemya, may mag-aalaga ba sa kanya? Malalampasan niya kaya ito? Kung nasa tabi niya ako, dinadalhan siya ng tubig at gamot, at nagbabahagi tungkol sa mga salita ng Diyos para palakasin ang loob niya, hindi siya labis na magdurusa sa puso niya.” Sana makabalik ako at makita ko ang nanay ko! Gusto ko talagang ikuwento sa kanya ang tungkol sa mga karanasan ko sa mga nakalipas na taon at kung gaano katindi ang pananabik sa kanya. Hindi nagtagal, nagkasakit ako, at lalo pa akong nanabik sa nanay ko habang nakahiga ako sa kama. Nag-alala ako na kung mamatay siya, hindi ko na siya makikita pang muli, at nangatwiran ako sa Diyos sa puso ko, “O Diyos, bakit puwedeng muling makasama ng iba ang kanilang mga pamilya pero kailangan kong mawalay sa aking nanay? Alam Mo na iba ang sitwasyon ko kaysa sa iba. Ako lang ang nag-iisang anak sa pamilya, pero ngayon, hindi ko siya maalagaan hanggang sa mamatay siya. Kung mamatay siyang mag-isa, uusigin ako ng konsensiya ko, at mararamdaman kong napakawalang puso ko at walang utang na loob. Alam kong mali ang ganitong pag-iisip, pero hindi ko alam kung paano ito mararanasan. Gabayan Mo nawa ako.” Naisip ko kung paanong palaging ang mga salita ng Diyos ang nagbibigay-liwanag at umaakay sa akin mula sa aking pagkanegatibo at kahinaaan sa bawat pagkakataon, at kung paanong naranasan din ng nanay ko ang pamumuno at proteksyon ng Diyos sa bahay. Pareho naming tinatamasa ang pagmamahal ng Diyos. Napakarami nang ipinagkaloob sa amin ng Diyos, pero hindi ko alam kung paano Siya babayaran, at bagkus ay nagreklamo pa ako tungkol sa Kanya. Talagang wala akong konsensiya! Nanalangin ako sa Diyos, na handang taimtim na hanapin ang katotohanan para malutas ang sarili kong mga problema.
Isang araw, narinig ko ang isang pagbasa ng mga salita ng Diyos: “Patungkol sa mga tao, hindi mahalaga kung metikuloso kang inalagaan ng iyong mga magulang o inaruga ka nila nang mabuti, sa alinmang paraan, ginagampanan lang nila ang kanilang responsabilidad at obligasyon. Anuman ang dahilan kung bakit ka nila pinalaki, responsabilidad nila ito—dahil ipinanganak ka nila, dapat silang maging responsable sa iyo. Batay rito, maituturing bang kabutihan ang lahat ng ginawa ng iyong mga magulang para sa iyo? Hindi maaari, hindi ba? (Tama.) Ang pagtupad ng iyong mga magulang sa kanilang responsabilidad sa iyo ay hindi maituturing na kabutihan, kaya kung tinutupad nila ang kanilang responsabilidad sa isang bulaklak o sa isang halaman, dinidiligan at pinatataba ito, maituturing ba iyon na kabutihan? (Hindi.) Higit pa ngang malayo iyon sa pagiging mabuti. Ang mga bulaklak at halaman ay mas tumutubo nang maayos kapag nasa labas—kung ang mga ito ay itinatanim sa lupa, nang may hangin, araw, at ulan, mas lalong lumalago ang mga ito. Hindi tumutubo ang mga ito nang kasingganda kapag itinanim sa isang paso sa loob ng bahay, hindi tulad ng pagtubo ng mga ito sa labas! Sa anumang uri ng pamilya isinilang ang isang tao, inorden ito ng Diyos. Ikaw ay isang taong nagtataglay ng buhay, at inaako ng Diyos ang responsabilidad sa bawat buhay, tinutulutan ang mga tao na mabuhay, at sumunod sa batas na sinusunod ng lahat ng nilalang. Sadya lamang na bilang isang tao, namumuhay ka sa kapaligiran kung saan ka pinalaki ng iyong mga magulang, kaya dapat ay lumaki ka sa kapaligirang iyon. Na isinilang ka sa kapaligirang iyon ay dahil sa pag-orden ng Diyos; na pinalaki ka ng mga magulang mo hanggang sa hustong gulang ay dahil din sa pag-orden ng Diyos. Sa alinmang paraan, sa pamamagitan ng pagpapalaki sa iyo, tinutupad ng iyong mga magulang ang isang responsabilidad at obligasyon. Ang palakihin ka hanggang sa hustong gulang ay obligasyon at responsabilidad nila, at hindi ito matatawag na kabutihan. Dahil hindi ito matatawag na kabutihan, masasabi ba na isa itong bagay na dapat mong matamasa? (Oo.) Ito ay isang uri ng karapatan na dapat mong matamasa. Dapat kang palakihin ng iyong mga magulang, dahil bago ka umabot sa hustong gulang, ang papel na ginagampanan mo ay ang pagiging isang anak na pinalalaki. Samakatwid, tinutupad lang ng iyong mga magulang ang responsabilidad nila sa iyo at tinatanggap mo lang ito, ngunit tiyak na hindi nito ibig sabihin na tumatanggap ka ng biyaya o kabutihan mula sa kanila. Para sa anumang buhay na nilalang, ang pagbubuntis at pag-aalaga sa mga supling, pag-aanak, at pagpapalaki sa susunod na henerasyon ay isang uri ng responsabilidad. Halimbawa, ang mga ibon, baka, tupa, at maging ang mga tigre ay kailangang mag-alaga sa kanilang mga supling pagkatapos nilang manganak. Walang buhay na nilalang na hindi nagpapalaki ng kanilang mga supling. Posibleng mayroong ilang eksepsiyon, ngunit nananatiling hindi natin alam ang mga ito. Ito ay isang likas na penomena sa pag-iral ng mga buhay na nilalang, ito ay isang likas na gawi ng mga buhay na nilalang, at hindi ito maiuugnay sa kabutihan. Sumusunod lamang sila sa batas na itinakda ng Lumikha para sa mga hayop at sangkatauhan. Samakatwid, ang pagpapalaki sa iyo ng iyong mga magulang ay hindi isang kabutihan. Batay rito, masasabi na hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang. Tinutupad nila ang kanilang responsabilidad sa iyo. Gaano man karaming dugo ng kanilang puso ang kanilang iginugugol para sa iyo at gaano kalaking pera man ang ginugugol nila sa iyo, hindi nila dapat hilingin sa iyo na suklian sila, dahil ito ang kanilang responsabilidad bilang mga magulang. Dahil ito ay isang responsabilidad at isang obligasyon, dapat na libre ito, at hindi sila dapat humingi ng kabayaran. Sa pagpapalaki sa iyo, ginagampanan lamang ng iyong mga magulang ang kanilang responsabilidad at obligasyon, at hindi ito dapat binabayaran, at hindi ito dapat isang transaksiyon. Kaya, hindi mo kailangang harapin ang iyong mga magulang o pangasiwaan ang iyong relasyon sa kanila ayon sa ideya ng pagsukli sa kanila. Kung talaga ngang tinatrato mo ang iyong mga magulang, sinusuklian sila, at pinangangasiwaan ang iyong relasyon sa kanila ayon sa ideyang ito, hindi iyon makatao. Kasabay nito, malamang na mapipigilan at magagapos ka ng mga damdamin ng iyong laman, at mahihirapan kang makalabas sa mga gusot na ito, hanggang sa maaaring maligaw ka pa. Hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang, kaya wala kang obligasyon na isakatuparan ang lahat ng ekspektasyon nila. Wala kang obligasyong magbayad para sa mga ekspektasyon nila. Maaari silang magkaroon ng sarili nilang mga ekspektasyon, pero dapat mong gawin ang sarili mong mga pagpili. Naghanda ang Diyos ng isang landas sa buhay para sa iyo, nagsaayos Siya ng isang tadhana para sa iyo, at ang mga bagay na ito ay walang anumang kinalaman sa mga magulang mo. … Kung pinahihintulutan ka ng iyong mga sitwasyon na magampanan nang kaunti ang responsabilidad mo sa kanila, kung gayon ay gawin mo ito. Kung hindi mo magagampanan ang iyong obligasyon sa kanila dahil sa iyong kapaligiran at mga sitwasyon, kung gayon ay hindi mo na ito kailangang masyadong pag-isipan, at hindi mo dapat isipin na may utang ka sa kanila, dahil hindi mo pinagkakautangan ang iyong mga magulang. Hindi mahalaga kung maging mabuting anak ka sa iyong mga magulang, o gampanan mo ang iyong responsabilidad sa kanila, pinanghahawakan mo lang ang perspektiba ng isang anak at ginagampanan ang kaunting responsabilidad mo sa mga taong minsang nagsilang at nagpalaki sa iyo. Ngunit tiyak na hindi mo ito maaaring gawin mula sa perspektiba ng pagsukli sa kanila, o mula sa perspektiba ng ‘Ang mga magulang mo ang mga nagtaguyod sa iyo, at kailangan mo silang suklian, dapat mong suklian ang kanilang kabutihan’” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). Pagkatapos pakinggan ang mga salita ng Diyos, bigla kong naunawaan na itinuring ko palang isang utang ng kabaitan ang pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang. Pakiramdam ko ay kailangan ko itong bayaran, kahit kailan pa, pero ang pananaw na ito ay talagang hindi naaayon sa katotohanan. Sa katunayan, responsabilidad at obligasyon ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak. Hindi talaga ito isang kabaitan. Tulad ng mga hayop na nagpapalaki ng kanilang mga supling, isa itong likas na ugali, at isang hindi maiiwasang batas ng pag-iral. Nang likhain ng Diyos ang tao, nagsaayos Siya ng angkop na kapaligiran ng pamilya para mabuhay ang tao. Tingnan mo ako bilang halimbawa. Namatay ang aking biyolohikal na nanay nang kasisilang ko pa lang, at pagkatapos ay inampon ako ng aking foster parents. Sa panlabas, parang ang mga magulang ko ang nag-alaga at nagpalaki sa akin, pero ang totoo, ang buhay ko ay galing sa Diyos. Ang dahilan kung bakit ako nakaligtas sa lahat ng taon na ito ay dahil binabantayan at pinoprotektahan ako ng Diyos. Naaalala ko noong bata ako, naipit ang binti ko sa isang malaking bentilador na ginagamit para sa pagtatahip ng trigo, pero hindi ako naging baldado. Bago ang high school entrance examination, nagbisikleta ako para tingnan ang silid ng pagsusulit, at naipit ako sa pagitan ng dalawang kotse at muntik nang mabangga. Wala ang nanay ko sa tabi ko noon, pero walang nangyaring masama sa akin. Naisip ko ulit ang aking biyolohikal na nanay. Iniluwal niya ako sa mundong ito at pagkatapos ay pumanaw na, at na ang pagpapalaki sa akin ng mga umampong magulang ko ay dahil sa paunang pagtatalaga at pamamatnugot ng Diyos. Kapag pinalalaki ng mga magulang ang kanilang mga anak, tinutupad lang nila ang kanilang responsabilidad, hindi sila gumagawa ng kabutihan sa kanilang mga anak, at hindi kailangang suklian ng mga anak ang anumang kabutihan. Dahil hindi ko naunawaan ang katotohanan tungkol dito, at palagi akong naaapektuhan ng mga nakalilinlang na ideyang ikinintal sa akin ni Satanas, tulad ng “Ang pagmamahal ng magulang ay kasinglalim ng dagat,” at “Ang isang taong walang galang sa magulang ay mas mababa pa kaysa sa hayop,” palaging nagugulo ang kalagayan ko kapag ginagawa ko ang tungkulin ko nang malayo sa bahay. Mula nang isilang ako hanggang ngayon, palagi kong tinatamasa ang pangangalaga, proteksyon, at lahat ng itinustos ng Diyos. Ngayon ay nagagawa ko pa ring mabiyayaan ng Diyos, sumusunod sa Kanya, ginagawa ang tungkulin ko, at tinatamasa ang minsan-sa-sanlibong taon na pagkakataon para maligtas ng Diyos. Gayumpaman, hindi ko napagtanto na dapat kong gawin nang maayos ang tungkulin ko para suklian ang pagmamahal ng Diyos, kundi sa halip ay iniisip ko lang na suklian ang kabaitan ng aking mga magulang sa pagpapalaki sa akin. Kahit pagdating sa pagpili ng tungkulin ko, palagi ko itong tinitimbang batay sa paunang kondisyon ng kung magiging mabuting anak ba ako sa nanay ko. Labis akong naguguluhan! Tinanggap ko ang mga tradisyonal na pananaw na ikinintal sa akin ni Satanas at hangal na ginustong suklian ang “kabaitang” ito. Anong lubos na katangahan! Nang maunawaan ko ito, mas nakaramdam ako ng kalayaan. Habang unti-unti kong binibitiwan ang pag-aalala ko sa nanay ko, nakatanggap ako ng sulat mula sa aking anak na babae. Sinabi dito na nagsimula na siyang gumawa ng tungkulin sa iglesia, na maayos din ang kalusugan niya, at na regular siyang nagtitipon at nagbabasa ng mga salita ng Diyos sa bahay. Sa sandaling iyon, nakaramdam ako ng labis na pagkaantig at paninisi sa sarili na ni hindi ko mailarawan ang pakiramdam. Sa puso ko, sinabi ko sa Diyos, “O Diyos, nagpapasalamat ako sa Iyo! Nakikita ko na lahat ng isinaayos Mo para sa akin ay napakabuti, at talagang hindi ako karapat-dapat na tumanggap ng gayong kalaking pagmamahal at awa mula sa Iyo. Kinamumuhian ko ang sarili ko sa hindi pagkakaroon ng sapat na pananalig sa Iyo. O Diyos, sa Iyo ako may pinakamalaking pagkakautang, hindi sa aking mga kamag-anak. Mula ngayon, tiyak na itutuon ko ang aking puso sa maayos na paggawa ng tungkulin ko, at hindi na idudulot na Ikaw ay mabalisa o mag-alala pa.”
Kalaunan, mas marami pa akong nabasang mga salita ng Diyos, at ang kalagayan ko ng pagkakautang na loob sa aking nanay ay ganap na nalutas. Sabi ng Diyos: “Tinatalikuran ng ilang tao ang kanilang mga pamilya dahil nananampalataya sila sa Diyos at gumagampan ng kanilang mga tungkulin. Nagiging tanyag sila dahil dito at madalas na hinahalughog ng pamahalaan ang mga bahay nila, ginigipit ang kanilang mga magulang, at pinagbabantaan pa nga ang mga ito upang isuko sila. Pinag-uusapan sila ng lahat ng kapitbahay nila, sinasabing, ‘Walang konsensiya ang taong ito. Wala siyang pakialam sa kanyang matatandang magulang. Bukod sa walang galang sa magulang, nagdudulot pa siya ng napakaraming problema sa mga ito. Bukod sa walang galang sa magulang’ Naaayon ba sa katotohanan ang alinman sa mga salitang ito? (Hindi.) Ngunit hindi ba’t ang lahat ng salitang ito ay itinuturing na tama sa mga mata ng mga walang pananampalataya? Sa mga walang pananampalataya, iniisip nilang ito ang pinakalehitimo at pinakamakatwirang paraan ng pagtingin dito, at na naaayon ito sa etika ng tao, at alinsunod sa mga pamantayan ng pag-asal ng tao. Gaano man karaming nilalaman ang kalakip ng mga pamantayang ito, katulad ng kung paano magpakita ng paggalang sa magulang, kung paano sila aalagaan sa kanilang pagtanda at isasaayos ang kanilang mga libing, o kung gaano kalaki ang isusukli sa kanila, at naaayon man ang mga pamantayang ito sa katotohanan o hindi, sa mga mata ng mga walang pananampalataya, mga positibong bagay ang mga ito, positibong enerhiya ang mga ito, tama ang mga ito, at itinuturing ang mga ito na hindi mapipintasan sa lahat ng grupo ng tao. Sa mga walang pananampalataya, ang mga ito ang mga pamantayang dapat ipamuhay ng mga tao, at kailangan mong gawin ang mga bagay na ito upang maging isang sapat na mabuting tao sa kanilang puso. Bago ka nanampalataya sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, hindi ba’t matibay mo ring pinaniwalaan na ang gayong asal ay pagiging isang mabuting tao? (Oo.) Dagdag pa, ginamit mo rin ang mga bagay na ito upang suriin at pigilan ang sarili mo, at hiningi mo sa sarili mong maging ganitong uri ng tao. … Gayumpaman, pagkatapos mong pakinggan ang mga salita ng Diyos at ang Kanyang mga sermon, nagsimulang magbago ang iyong pananaw, at naunawaan mong kailangang mong talikdan ang lahat ng bagay upang gampanan ang iyong tungkulin bilang isang nilikha, at na hinihingi ng Diyos sa mga tao na umasal sa ganitong paraan. Bago ka nakatiyak na ang paggampan sa iyong tungkulin bilang isang nilikha ang katotohanan, inakala mong dapat kang magpakita ng paggalang sa iyong magulang, ngunit pakiramdam mo rin ay dapat mong gampanan ang iyong tungkulin bilang isang nilikha, at nagtalo ang kalooban mo. Sa pamamagitan ng patuloy na pagdidilig at pagpapastol ng mga salita ng Diyos, unti-unti mong naunawaan ang katotohanan, at saka mo napagtantong ang paggampan sa iyong tungkulin bilang isang nilikha ay ganap na likas at may katwiran. Magpahanggang sa araw na ito, nagawa nang tanggapin ng maraming tao ang katotohanan at lubos na talikuran ang mga pamantayan ng pag-asal mula sa mga tradisyonal na kuru-kuro at imahinasyon ng tao. Kapag lubos mo nang nabitiwan ang mga bagay na ito, hindi ka na mapipigilan ng mga salita ng panghuhusga at pagkokondena mula sa mga walang pananampalataya kapag sumusunod ka sa Diyos at ginagampanan ang iyong tungkulin bilang isang nilikha, at madali mong maiwawaksi ang mga iyon” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Katotohanang Realidad?). “Sa ngayon, dahil ang Diyos ay gumagawa, at dahil ipinapahayag Niya ang katotohanan para sabihin sa mga tao ang katotohanan ng lahat ng katunayang ito, at para bigyan sila ng kakayahang maunawaan ang katotohanan, pagkatapos mong maunawaan ang katotohanan, hindi na magpapabigat sa iyo ang mga nakalilinlang na ideya at pananaw na ito, at hindi mo na gagamitin ang mga ito bilang gabay sa kung paano mo pangasiwaan ang relasyon mo sa mga magulang mo. Sa puntong ito, magiging mas matiwasay ang buhay mo. Ang maluwag na pamumuhay ay hindi nangangahulugan na hindi mo alam kung ano ang iyong mga responsabilidad at obligasyon—alam mo pa rin ang mga bagay na ito. Depende lang ito sa kung aling perspektiba at mga pamamaraan ang pipiliin mo sa pagharap sa iyong mga responsabilidad at obligasyon. Ang isang landas ay ang piliin ang damdamin, at harapin ang mga bagay na ito nang emosyonal, at nang batay sa mga pamamaraan, ideya, at pananaw na itinuturo ni Satanas sa tao. Ang isa pang landas ay ang harapin ang mga bagay na ito batay sa mga salitang itinuro ng Diyos sa tao. … Kung susunod ka sa isang aspekto ng mga katotohanang prinsipyo o sa isang ideya at pananaw na wasto at nagmumula sa Diyos, magiging napakaluwag ng buhay mo. Hindi na mahahadlangan ng opinyon ng publiko, o ng kamalayan ng iyong konsensiya, o ng bigat ng iyong damdamin kung paano mo pinangangasiwaan ang relasyon mo sa iyong mga magulang; sa halip, bibigyang-kakayahan ka ng mga katotohanang prinsipyong ito na harapin at pangasiwaan ang relasyong ito sa tama at makatwirang paraan. Kung kikilos ka ayon sa mga katotohanang prinsipyo na ibinigay ng Diyos sa tao, kahit na punahin ka ng mga tao habang nakatalikod ka, madarama mo pa rin na ikaw ay payapa at matatag at hindi naaapektuhan sa kaibuturan ng puso mo. Kahit papaano, hindi mo kagagalitan ang iyong sarili dahil sa pagiging isang walang malasakit na ingrata o hindi mo na mararamdaman ang pang-uusig ng iyong konsensiya sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ay dahil malalaman mo na ang lahat ng iyong kilos ay alinsunod sa mga pamamaraan na itinuro sa iyo ng Diyos, at na nakikinig at nagpapasakop ka sa mga salita ng Diyos, at sumusunod sa Kanyang daan. Ang pakikinig sa mga salita ng Diyos at pagsunod sa Kanyang daan ay ang konsensiyang dapat taglayin ng mga tao higit sa lahat. Magiging tunay na tao ka lamang kapag nagagawa mo ang mga bagay na ito. Kung hindi mo pa natamo ang mga bagay na ito, kung gayon ay isa kang walang malasakit na ingrata” (Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Sikaping Matamo ang Katotohanan (17)). Palagi kong nararamdaman na may utang na loob ako sa nanay ko dahil hindi nagbago ang perspektiba ko sa mga bagay-bagay. Noong hindi pa ako nananampalataya sa Diyos, tinanggap ko ang mga tradisyonal na ideya ni Satanas tulad ng “Ang paggalang sa magulang ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat,” at “Ang isang taong walang galang sa magulang ay mas mababa pa kaysa sa hayop.” Naniwala ako na bilang isang taong nabubuhay sa mundo, dapat ko munang ituring ang paggalang sa mga magulang bilang ang pinakamahalagang prinsipyo sa aking sariling asal, at na kung hindi ko ito maisakatuparan, hindi ako karapat-dapat na tawaging tao. Dahil dito, pinili kong magpakasal sa isang lalaking maninirahan kasama ng aking pamilya, at makakasama kong mag-alaga sa mga magulang ko. Pagkatapos kong magsimulang manampalataya sa Diyos, namuhay pa rin ako ayon sa mga pananaw na ito. Nang makita kong inuusig ng asawa ko ang nanay ko, naramdaman ko na bilang isang anak, hindi ko nagawang magtamasa ang nanay ko ng kaligayahan kasama ko, kundi sa halip ay idinulot ko pa na magdusa siya dahil sa akin. Naramdaman kong binigo ko siya. Kalaunan, dahil inusig ako ng asawa ko at gumawa siya ng gulo, nanatili ako sa bahay para pangalagaan ang kapaligiran. Nang makita kong labis na nagdurusa ang nanay ko dahil sa akin, lalo ko pang sinisi ang sarili ko at ayaw ko nang gawin ang mga tungkulin ko. Ang mga tradisyonal na ideyang ito ay parang mga hindi nakikitang lubid na mahigpit na gumagapos sa akin, na nagdudulot sa akin na paulit-ulit na makipagkompromiso kaugnay sa aking tungkulin. Naging hadlang ang mga ito sa paghahangad ko ng buhay paglago. Partikular, noong kumakalat ang pandemya, nag-aalala ako na baka mahawaan ang nanay ko at hindi ko siya maalagaan sa tabi ng kanyang higaan, kaya naramdaman kong may utang na loob ako sa kanya. Nagreklamo pa nga ako sa Diyos sa puso ko dahil hindi Niya ako binigyan ng pagkakataong maging mabuting anak sa aking nanay. Ngayon ko lang nakita nang malinaw na ang mga bagay na ikinintal sa akin ni Satanas tulad ng “Ang paggalang sa magulang ay isang katangiang dapat taglayin nang higit sa lahat,” at “Ang isang taong walang galang sa magulang ay mas mababa pa kaysa sa hayop” ay hindi lang naging dahilan para panghinaan ako ng loob sa paghahangad sa katotohanan kahit alam ko ang tungkol dito, kundi naging dahilan din ito para maghimagsik ako at labanan ko ang Diyos. Tunay na si Satanas ay lubos na buktot, kasuklam-suklam, at masama, at talagang labis ako nitong pininsala. Sa totoo lang, ang mga tunay na salarin na pumigil sa akin na samahan ang aking nanay sa landas ng pananampalataya sa Diyos ay ang Partido Komunista ng Tsina, at si Satanas na diyablo! Ang mga mananampalataya sa Diyos ay umaalis ng bahay para gumawa ng mga tungkulin hindi dahil ayaw namin sa aming mga pamilya, o dahil malupit kami, kundi dahil hindi kami pinahihintulutan ng buktot na partidong iyon na sumunod sa tunay na Diyos at tumahak sa tamang landas. Nagkakalat ito ng mga walang batayang tsismis para siraan ang iglesia, na nagiging sanhi para usigin at hadlangan kami ng mga walang pananampalatayang miyembro ng pamilya. Pero ako ay naguguluhan at walang pagkilatis, at hindi ko matalos ang buktot na diwa ni Satanas; nagreklamo pa nga ako na hindi angkop ang mga pagsasaayos ng Diyos. Talagang hindi ko makilala ang tama sa mali! Hindi na ako maaaring magapos at malinlang pa ng mga tradisyonal na ideyang ito, at kailangan kong tratuhin ang nanay ko ayon sa mga salita ng Diyos. Ang nanay ko at ako ay parehong mga nilikha, at pareho kaming maaaring manampalataya sa Diyos at sumunod sa Diyos, at mamuhay para gawin nang maayos ang mga tungkulin ng mga nilikha. Ito ay isa nang napakalaking pagtataas at biyaya na ibinigay sa amin ng Diyos. Magkikita man kaming muli sa buhay na ito o hindi, nais ko lamang magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos at una sa lahat ay palugurin ang Diyos at gawin nang maayos ang tungkulin ko. Nang maunawaan ko ang lahat ng ito, tuluyan ko nang binitiwan ang aking mga pag-aalala at pagkakautang na loob sa aking nanay. Minsan, kapag naiisip ko ang nanay ko, naiisip ko ang mga salita ng Diyos: “Na kung gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at kung gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos, at na walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … (6)). Pagkatapos, tahimik akong nananalangin sa Diyos, ipinagkakatiwala ang aking nanay sa Diyos, at pinapanatag ang aking puso para gawin ang tungkulin ko.
Sa pamamagitan ng karanasang ito, ang paglalantad ng mga salita ng Diyos ang nagpakita sa akin nang malinaw sa pagkakagapos at pinsala na idinulot sa akin ng tradisyonal na kultura, tinulungan ako nitong unti-unting bitiwan ang aking mga pag-aalala at pagkakautang na loob sa aking ina, at nagbigay ito ng kalayaan sa aking puso. Salamat sa Diyos!