b. Ang pinsala at mga kahihinatnang idinudulot sa sangkatauhan ng paggamit ng kapangyarihan ng tiwaling mga tao

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Mula nang magsimula ang mga agham panlipunan, inokupa ng agham at kaalaman ang puso ng mga tao. Pagkatapos, ang agham at kaalaman ay naging mga kagamitan para sa paghahari sa mga tao, nagdudulot na mawalan sila ng sapat na puwang para sambahin ang Diyos, at na mawalan ng mas kakaunting mga kondisyon na paborable para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay bumaba nang lalo pang mas mababa sa puso ng lahat ng tao. Kung walang puwang para sa Diyos sa kanilang puso, ang panloob na mundo ng mga tao ay madilim, walang pag-asa, at hungkag. Pagkatapos nito, lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at politiko upang magpahayag ng mga teorya ng agham panlipunan, ng teorya ng ebolusyon ng tao, at ng iba pang mga teorya na sumasalungat sa katotohanan na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, upang punuin ang puso at isip ng mga tao. At sa ganitong paraan, ang mga naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay lalo pang nangaunti, at ang mga naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at ang Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga mito at alamat. Ang dignidad ng Diyos at ang kadakilaan ng Diyos ay kumupas na sa puso ng mga tao, at ang pag-iral ng Diyos at ang doktrina na ang Diyos ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay ay kumupas na sa puso ng mga tao. Ang pananatiling buhay ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bansa at mga bayan ay hindi na mahalaga sa kanila, at namumuhay ang sangkatauhan sa isang hungkag na mundo na ang iniintindi lamang ay pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang nagkukusang hanapin kung saan ginagawa ngayon ng Diyos ang Kanyang gawain, o hanapin kung paanong Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan at ang nagsasaayos sa hantungan ng sangkatauhan. At sa ganitong paraan, nang hindi namamalayan ng tao, ang sibilisasyon ng tao ay nababawasan nang nababawasan ng kakayahang tugunan ang mga kagustuhan ng tao, at maraming tao pa nga ang nakararamdam sa halip na, sa pamumuhay sa ganitong mundo, sila ay hindi gaanong masaya kung ihahambing sa mga taong yumao na. Maging ang mga tao ng mga dating napakasibilisadong bansa ay nagpapahayag ng mga ganitong hinaing. Sapagkat kung wala ang gabay ng Diyos, kahit pa pigain ng mga pinuno at sosyolohista ang mga utak nila para maingatan ang sibilisasyon ng tao, wala itong silbi. Walang tao ang makapupuno sa kahungkagan sa mga puso ng mga tao, dahil walang tao ang maaaring maging buhay ng tao, at walang teoryang panlipunan ang maaaring magpalaya sa tao mula sa mga problema ng kahungkagan. Ang agham, kaalaman, kalayaan, demokrasya, kasiyahan, at kaginhawahan ay nagdadala lamang ng pansamantalang konsuwelo sa tao. Kahit pa mayroong ganitong mga bagay, hindi pa rin maiwasan ng sangkatauhan na magkasala at dumaing sa pagiging hindi patas ng lipunan. Hindi mahahadlangan ng pagkakaroon ng mga bagay na ito ang pag-aasam at pagnanais ng sangkatauhan na tumuklas. Ito ay dahil ang tao ay nilalang ng Diyos at ang mga walang katuturang sakripisyo at pagtuklas ng sangkatauhan ay magdudulot lamang ng patindi nang patinding pagkabagabag sa tao, at magdulot na ang tao ay palagiang malagay sa pangamba, nang hindi nalalaman kung paano haharapin ang kinabukasan ng sangkatauhan o kung paano haharapin ang landas sa hinaharap, hanggang sa puntong ang sangkatauhan ay natatakot pa nga sa agham, natatakot sa kaalaman, at lalong natatakot sa pakiramdam ng kahungkagan. Sa mundong ito, ikaw man ay nakatira sa isang malayang bansa o sa isang bansa na walang mga karapatang pantao, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang kapalaran ng sangkatauhan. Ikaw man ang pinuno o ang pinamumunuan, ikaw ay ganap na walang kakayahang takasan ang pagnanais na tuklasin ang kapalaran, mga hiwaga, at hantungan ng sangkatauhan, lalo nang wala kang kakayahang takasan ang di-maipaliwanag na pakiramdam ng kahungkagan. Ang gayong mga penomeno, na karaniwan sa buong sangkatauhan, ay tinatawag ng mga sosyologo na mga panlipunang penomeno, ngunit walang dakilang tao ang maaaring lumitaw upang lutasin ang mga gayong problema. Kung tutuusin, ang tao ay tao, at ang katayuan at buhay ng Diyos ay hindi mapapalitan ng sinuman. Ang kailangan ng sangkatauhan ay hindi lang ang isang patas na lipunan kung saan ang lahat ng tao ay kumakain nang sapat, pantay-pantay, at malaya; ang kailangan ng sangkatauhan ay ang pagliligtas ng Diyos at ang Kanyang pagtutustos ng buhay sa kanila. Kapag natatanggap ng sangkatauhan ang itinutustos na buhay ng Diyos at ang pagliligtas ng Diyos, saka lamang malulutas ang kanilang mga pangangailangan, pagnanais na tumuklas, at ang kahungkagan sa mga puso nila. Kung ang mga tao ng isang bansa o ng isang bayan ay hindi makatanggap ng pagliligtas at pagbabantay ng Diyos, ang gayong bansa o bayan ay uusad patungo sa paglubog, patungo sa kadiliman, at bilang resulta, lilipulin ito ng Diyos.

Marahil ang iyong bansa ay kasalukuyang umuunlad, ngunit kung idudulot mo na ang iyong mga tao ay lumayo sa Diyos, pagkakaitan nang pagkakaitan ng mga pagpapala ng Diyos ang bansa mo, ang sibilisasyon nito ay yuyurakan nang yuyurakan ng tao, at hindi magtatagal, ang mga tao nito ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. Sa ganitong paraan, masisira ang kapalaran ng isang bansa nang hindi namamalayan. Ang Diyos ay magbabangon ng mga makapangyarihang bansa upang kontrahin ang mga bansang isinumpa ng Diyos, at maaaring burahin pa nga ang mga ito sa balat ng lupa. Ang susi sa pag-unlad o pagbagsak ng isang bansa o bayan ay kung ang mga pinuno nito ay sumasamba ba sa Diyos, at kung inaakay ba nila ang kanilang mga tao para mapalapit sa Diyos at sambahin Siya. Pero sa huling kapanahunang ito, dahil ang mga taong sinserong naghahanap at sumasamba sa Diyos ay pakaunti nang pakaunti, nagbibigay ang Diyos ng natatanging pabor sa mga bansa kung saan ang Kristiyanismo ang relihiyon ng estado. Tinitipon Niya ang mga bansang iyon upang bumuo ng medyo makatarungang kampo sa mundo, habang ang mga bansang ateista at ang mga bansang hindi sumasamba sa tunay na Diyos ay nagiging kalaban ng makatarungang kampo. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay hindi lamang may isang lugar sa sangkatauhan kung saan magagampanan Niya ang Kanyang gawain, pero kasabay nito, nagkakamit din Siya ng mga bansang nagpapatupad ng makatarungang awtoridad, na nagtutulot na makapagpataw ng mga parusa at paghihigpit sa mga bansang lumalaban sa Kanya. Sa kabila nito, hindi pa rin nagagawa ng Diyos na magkamit ng mas maraming tao para sumamba sa Kanya, sapagkat ang sangkatauhan ay lumihis nang napakalayo sa Kanya, at nakalimutan na ang Diyos sa loob ng napakatagal na panahon, at sa mundong ito ay may mga bansa lang na nagpapatupad ng katarungan at lumalaban sa kawalan ng katarungan. Ngunit malayo ito sa pag-abot sa mga kagustuhan ng Diyos, sapagkat walang mga pinuno ng bansa ang magpapahintulot sa Diyos na maghari sa kanilang mga tao, at walang partidong pampulitika ng anumang bansa ang magtitipon ng mga tao nito para sambahin ang Diyos; nawalan ang Diyos ng Kanyang nararapat na lugar sa puso ng bawat bansa, bawat bayan, bawat namumunong partido, at maging sa puso ng bawat tao. Kahit na umiiral ang ilang makatarungang puwersa sa mundong ito, ang anumang pamunuan kung saan ang Diyos ay walang lugar sa puso ng tao ay napakarupok, at isang politikal na eksena nang walang pagpapala ng Diyos, ay magulo at hindi makayanan kahit ang isang dagok. Para sa sangkatauhan, ang kawalan ng pagpapala ng Diyos ay katumbas ng kawalan ng araw. Gaano man kasigasig ang mga namumuno na gumawa ng mga kontribusyon sa kanilang mga tao, gaano man karami ang mga makatarungang pagpupulong na isinasagawa ng sangkatauhan, wala sa mga ito ang makakapagpabalik ng agos o makakapagbago ng kapalaran ng sangkatauhan. Naniniwala ang tao na ang isang bansa kung saan ang mga tao ay may sapat na pagkain at kasuotan, kung saan sila ay magkakasamang namumuhay nang payapa, ay isang mabuting bansa, at may mabuting pamunuan. Subalit hindi ito ang palagay ng Diyos. Naniniwala Siya na ang isang bansa kung saan walang sinuman ang sumasamba sa Kanya ay Kanyang lilipulin. Ang mga iniisip ng tao ay palaging ibang-iba sa mga iniisip ng Diyos. Kaya, kung ang pinuno ng isang bansa ay hindi sumasamba sa Diyos, ang kapalaran ng bansang ito ay magiging isang malaking trahedya, at ang bansang ito ay mawawalan ng hantungan.

Hindi nakikibahagi ang Diyos sa pulitika ng sangkatauhan, ngunit kinokontrol Niya ang kapalaran ng bawat bansa at bayan, kinokontrol ang mundong ito at kinokontrol ang buong sansinukob. Ang kapalaran ng sangkatauhan at ang plano ng Diyos ay malapit na magkaugnay, at walang tao, bansa, o bayan ang makakatakas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Para malaman ang kapalaran ng sangkatauhan, dapat lumapit ang isang tao sa harap ng Diyos. Idudulot ng Diyos na ang sangkatauhan na sumusunod at sumasamba sa Kanya na maging masagana at idudulot Niya na ang mga lumalaban at tumatanggi sa Kanya na manghina at masawi.

Gunitain ninyo ang eksena sa Bibliya nang wasakin ng Diyos ang Sodoma at isipin din ninyo kung paano naging haligi ng asin ang asawa ni Lot. Gunitain ninyo kung paano nagsisi at nagtapat ng kanilang mga kasalanan ang mga tao ng Ninive na suot ang tela ng sako at nang may abo. Gunitain ninyo kung ano ang kinalabasan ng mga Hudyo matapos nilang ipako si Jesus sa krus 2,000 taon na ang nakakaraan—sila ay pinatalsik mula sa Israel at tumakas papunta sa mga bansa sa buong mundo, marami ang pinatay, at ang buong bayan ng mga Hudyo ay sumailalim sa wala pang katulad na pasakit ng pagkalipol ng kanilang bansa. Ipinako nila ang Diyos sa krus—gumawa sila ng isang karumal-dumal na kasalanan—at ginalit nila ang disposisyon ng Diyos. Kailangan nilang pagbayaran ang kanilang ginawa at pasanin ang lahat ng kinahinatnan ng kanilang mga pagkilos. Kinondena nila ang Diyos, itinakwil ang Diyos, at kaya naman iisa lamang ang kanilang naging kapalaran: ang maparusahan ng Diyos. Ito ang mapait na kinahinatnan at sakuna na idinulot ng kanilang mga pinuno sa kanilang bansa at bayan.

Ngayon, ang Diyos ay bumalik sa gitna ng tao upang gawin ang Kanyang gawain, at ang Kanyang unang hinintuan sa Kanyang gawain ay ang pinakatipikal na halimbawa ng mga diktadurya: ang Tsina, ang matatag na balwarte ng ateismo. Nagkamit ang Diyos ng isang pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang karunungan at kapangyarihan. Sa panahong ito, tinutugis Siya ng namumunong partido ng Tsina gamit ang lahat ng paraan at sumailalim Siya sa lahat ng uri ng pagdurusa, nang walang lugar na mapagpapahingahan ng Kanyang ulo, at nang walang masisilungan. Sa kabila nito, ipinagpapatuloy pa rin ng Diyos ang gawaing Kanyang nilalayong gawin: magsalita, bumigkas, at magpalaganap ng ebanghelyo. Walang tao ang makakaarok sa pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos. Sa Tsina, na isang bansang itinuturing ang Diyos bilang isang kaaway, hindi kailanman itinigil ng Diyos ang Kanyang gawain. Sa halip, mas maraming tao ang tumanggap ng Kanyang gawain at salita, dahil inililigtas ng Diyos ang bawat isang miyembro ng sangkatauhan hanggang sa pinakasukdulang punto na maaari. Naniniwala tayong lahat na walang bansa o puwersa ang makakahadlang sa nilalayon ng Diyos na isakatuparan, at na iyong mga sumusubok na humadlang sa gawain ng Diyos, na lumalaban sa salita ng Diyos, at na nanggugulo at sumusubok na sirain ang plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Kung ang isang tao ay lumalaban sa gawain ng Diyos, ipapatapon siya ng Diyos sa impiyerno; kung ang isang bansa ay lumalaban sa gawain ng Diyos, wawasakin ito ng Diyos; kung ang isang bayan ay tumitindig upang tutulan ang gawain ng Diyos, ito ay buburahin ng Diyos sa daigdig na ito at wawakasan ang pag-iral nito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Ang sinaunang kultural na kasaysayan at kaalamang sumasaklaw sa ilang libong taon ay mahigpit na nagsara sa mga kaisipan at kuru-kuro ng tao at sa pananaw ng kanyang isipan kaya hindi tinatablan at hindi nabubulok[1] ang mga ito. Naninirahan ang mga tao sa ikalabing-walong bilog ng impiyerno, para lamang silang naitaboy ng Diyos sa mga bartolina, kung saan hindi kailanman nakikita ang liwanag. Naapi na nang husto ng pyudal na pag-iisip ang mga tao kaya halos hindi sila makahinga at nasasakal sila. Wala sila ni katiting na lakas upang lumaban; ang ginagawa lamang nila ay magtiis at magtiis nang tahimik…. Walang sinumang nangahas kailanman na ipaglaban o ipagtanggol ang katarungan at pagiging patas; namumuhay lamang ang mga tao ng isang buhay na mas masahol pa sa hayop, sa ilalim ng mga paghampas at pang-aabuso ng pyudal na etika, araw-araw, at taon-taon. Hindi nila naisip kailanman na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa mundo ng tao. Para bagang napabagsak na ang mga tao hanggang sa maging para silang mga dahong nalaglag sa taglagas, lanta, sira ang kulay, at manipis. Matagal nang nawala ang alaala ng mga tao; walang magawang naninirahan sila sa impiyerno na tinatawag na mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang mawasak sila kasama ang impiyernong ito, na para bang ang huling araw na pinakahihintay nila ay ang araw na ang tao ay “magtatamasa ng payapang kapahingahan.” Nadala na ng pyudal na etika ang buhay ng tao sa “Hades,” na lalong nagpahina sa kakayahan ng tao na lumaban. Lahat ng uri ng pang-aapi ay tumutulak sa tao, nang paunti-unti, hanggang sa mahulog ito sa Hades, at tumutulak sa tao nang palayo nang palayo mula sa Diyos kaya ngayon ay nadarama nito na isang ganap na estranghero ang Diyos sa kanya, at nagmamadali itong iwasan Siya kapag sila ay nagkatagpo. Hindi Siya pinapansin ng tao at iniiwan Siyang nakatayong mag-isa sa isang tabi, na para bang hindi pa Siya nakilala ng tao kailanman, na hindi pa Siya nakita dati. … Ang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura ay patagong ninakaw ang tao mula sa presensiya ng Diyos at ipinasa siya sa hari ng mga diyablo at sa mga supling nito. Nadala na ng Apat na Aklat at Limang Klasiko[a] ang mga kaisipan at mga kuru-kuro ng tao sa isa pang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang higit pa siyang sumamba kaysa dati sa mga nagtipon ng Apat na Aklat at Limang Klasiko na ito, at bilang resulta upang lalo pang palalain ang kanyang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Walang kaalam-alam ang tao, walang-awang pinalayas ng hari ng mga diyablo ang Diyos mula sa kanyang puso at pagkatapos ay tuwang-tuwang matagumpay nito mismong inokupa ang kanyang puso. Mula noon, nag-angkin na ang tao ng pangit na kaluluwa at ng mukha ng hari ng mga diyablo. Napuno ng pagkamuhi sa Diyos ang kanyang dibdib, at kumalat ang pagiging mapaminsala ng hari ng mga diyablo sa kalooban ng tao araw-araw hanggang sa lubos na siyang nalamon nito. Wala na ni katiting na kalayaan ang tao at walang paraang makalaya mula sa mga gusot ng hari ng mga diyablo. Wala siyang nagawa kundi ang mabihag sa mismong lugar na iyon, sumuko at magpasakop sa presensiya nito. Noong araw, nang bata pa ang puso ng tao, itinanim doon ng hari ng mga diyablo ang binhi ng tumor ng ateismo, na nagtuturo sa kanya ng mga maling kaisipan gaya ng “mag-aral ng siyensya at teknolohiya; isakatuparan ang Apat na Modernisasyon; at wala talagang Diyos.” Hindi lamang iyan, ipinapahayag nito sa bawat pagkakataon, “Umasa tayo sa ating kasipagan para makabuo tayo ng magandang bayan,” na hinihiling sa bawat tao na maging handa mula pagkabata na makapagserbisyo para sa kanilang bansa. Dinala ang tao, nang walang kamalay-malay, sa presensiya nito, at walang pag-aatubiling kinakamkam nito ang buong kredito (ibig sabihin ay ang kreditong nauukol sa Diyos sa paghawak sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay) para sa sarili nito. Wala itong anumang pakiramdam ng kahihiyan kailanman. Bukod pa rito, walang kahihiyan nitong sinusunggaban ang mga tao ng Diyos at hinihila sila pabalik sa bahay nito, kung saan tumatalon ito na parang daga papunta sa ibabaw ng mesa at pinasasamba ang tao rito bilang “Diyos.” Napakasalbahe nito! Iskandaloso itong sumisigaw ng mga bagay na nakakagulat, tulad ng: “Wala talagang Diyos. Ang hangin ay nililikha ng mga pagbabago na pinamamahalaan ng mga batas ng kalikasan; ang ulan ay dumarating kapag ang singaw ng tubig, na sumasalubong sa malalamig na temperatura, ay sumasailalim sa kondensasyon at bumabagsak bilang mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa mga heolohikal na pagbabago; ang tagtuyot ay sanhi ng pagkatuyo sa hangin na dulot ng pagkakahati ng mga nucleon particle sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay mga natural na penomenon. Nasaan, sa lahat ng ito, ang gawa ng Diyos?” Mayroon pa nga iyong mga sumisigaw ng mga kahiya-hiyang pahayag na gaya ng sumusunod: “Ang tao ay nagmula sa unggoy noong unang panahon, at ang mundo ngayon ay nagmumula sa sinaunang lipunan na nagsimula humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pag-unlad o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng mga mamamayan nito.” Palihim nitong ipinagagawa sa tao na isabit ito sa dingding o ipatong ito sa mesa upang sambahin ito at magbigay-handog dito. Kasabay ng pagsigaw nito ng, “Walang Diyos,” itinataas nito ang sarili bilang diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa, samantalang nakatayo sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Hindi talaga makatwiran! Sagad sa buto itong kamumuhian ng sinuman. Tila mortal na magkaaway sila ng Diyos, at na hindi maaaring magkasama silang dalawa. Nagbabalak itong itaboy ang Diyos palayo samantalang ito ay malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas.[2] Hari nga ito ng mga diyablo! Paano matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hangga’t hindi nito nagugulo ang gawain ng Diyos at iniiwan itong ganap na magulo,[3] na para bang nais nitong labanan ang Diyos hanggang sa huli, hanggang sa parehas mawasak ang dalawang panig, na sadyang nilalabanan ang Diyos at higit na gumigiit. Matagal nang lubusang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha, at ngayon ay labis na itong nagulumihanan at natadtad ng mga problema,[4] subalit hindi pa rin nababawasan ang pagkamuhi nito sa Diyos, na para bang huhupa lamang ang pagkamuhing tinimpi sa puso nito kapag nilamon na nito nang buo ang Diyos sa isang subuan. Paano natin matitiis ito, ang kaaway na ito ng Diyos! Tanging ang pagpuksa at ganap na paglipol lamang dito matutupad ang inaasam natin sa buhay. Paanong hahayaan itong patuloy na kumilos nang walang pagpipigil? Nagawa nitong tiwali ang tao hanggang sa ang tao ay hindi na alam ang langit-araw, at naging manhid at mapurol ang isip. Nawalan na ng normal na katwiran ang tao. Bakit hindi natin ialay ang buo nating pagkatao para sirain at sunugin ito upang maalis ang lahat ng alalahanin sa hinaharap at tulutan ang gawain ng Diyos na umabot sa walang-katumbas na kaningningan sa lalong madaling panahon? Naparito sa mundo ng tao ang grupong ito ng mga tampalasan at ginulo ito nang husto. Nadala na nila ang tao sa bingit ng isang bangin, lihim na nagpaplanong itulak siya pababa upang magkadurog-durog para malamon nila ang bangkay nito pagkatapos. Walang saysay silang umaasang wasakin ang plano ng Diyos at makipagkompetensiya sa Kanya, na sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan.[5] Hindi madaling gawin iyon! Kunsabagay ay nakahanda na ang krus para sa hari ng mga diyablo, na may kagagawan ng pinakamasasamang krimen. Hindi nabibilang ang Diyos sa krus. Ibinato na Niya ito sa diyablo. Matagal nang nanalo ang Diyos at hindi na nakakaramdam ng kalungkutan sa mga kasalanan ng sangkatauhan, ngunit maghahatid Siya ng kaligtasan sa buong sangkatauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok (7)

Mga Talababa:

1. Ang “hindi nabubulok” ay nilayon bilang panunudyo dito, na ibig sabihin ay maigting ang mga tao sa kanilang kaalaman, kultura, at espirituwal na pananaw.

2. Ang “malayang gumagala, nang hindi nasasakop ng batas” ay nagpapahiwatig na nagagalit at naghuhuramentado ang diyablo.

3. Ang “ganap na magulo” ay tumutukoy sa kung paanong hindi makayanang tingnan ang marahas na pag-uugali ng diyablo.

4. Ang “labis na itong nagulumihanan at natadtad ng mga problema” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.

5. Ang ibig sabihin ng “sapalarang isinusugal ang lahat nang minsanan” ay itaya ang lahat ng pera ng isang tao sa pag-asang manalo sa huli. Ito ay isang metapora para sa masama at karumal-dumal na mga pakana ng diyablo. Ginagamit ang pahayag na ito nang patuya.

a. Ang Apat na Aklat at Limang Klasiko ay mapagkakatiwalaang tumpak na mga aklat ng Confucianism sa China.


Sa loob ng ilang libong taon ng katiwalian, ang mga tao ay pawang naging manhid at mapurol ang isip; silang lahat ay naging masasamang demonyo na sumasalungat sa Diyos, hanggang sa punto na ang kanilang paghihimagsik laban sa Diyos ay naisulat sa mga talaan ng kasaysayan, at na maging ang mga tao mismo ay hindi kayang magbigay ng buong salaysay ng kanilang mapaghimagsik na pag-uugali—sapagkat sila ay malalim na ginawang tiwali ni Satanas, at iniligaw ni Satanas kung kaya’t hindi na nila alam kung saan babaling. Kahit ngayon, ipinagkakanulo pa rin ng mga tao ang Diyos. Kapag nakikita nila ang Diyos, ipinagkakanulo nila Siya, at kapag hindi nila nakikita ang Diyos, ipinagkakanulo rin nila Siya. Mayroon pa ngang mga taong, matapos masaksihan ang mga sumpa ng Diyos at ang Kanyang poot, nagkakanulo pa rin sa Kanya. Kaya sinasabi Ko na ang katwiran ng tao ay nawalan na ng orihinal nitong silbi, at na ang konsensiya ng tao ay nawalan na rin ng orihinal nitong silbi. Sa Aking mga mata, ang mga tao ay pawang mga hayop na nakadamit-tao at makamandag na mga ahas. Gaano man kakaawa-awa nila subukang magpakita sa harap ng Aking mga mata, hindi Ako kailanman magiging mahabagin sa kanila, sapagkat wala silang anumang pagkaarok sa pagkakaiba ng itim at puti, at walang sinuman sa kanila ang nakauunawa sa pagkakaiba ng katotohanan at ng hindi katotohanan. Ang kanilang katwiran ay napakamanhid, ngunit nagnanais pa rin silang magtamo ng mga pagpapala; ang kanilang pagkatao ay napakahamak, ngunit nagnanais pa rin silang humawak ng kapangyarihan bilang mga hari. Sino ang maaari nilang pagharian, nang may gayong katwiran? Paano sila makakaupo sa mga trono nang may gayong pagkatao? Ang mga tao ay tunay na walang kahihiyan! Sila ay mga walang-kwenta na labis ang pagtingin sa sarili! Iminumungkahi Ko na kayong nagnanais na magtamo ng mga pagpapala ay humanap muna ng salamin at tingnan ninyo ang sarili ninyong pangit na repleksiyon. Mayroon ka ba ng kinakailangan para maging isang hari? Mayroon ka ba ng mga katangian ng mukha ng isang makatatanggap ng mga pagpapala? Walang kahit katiting na pagbabago sa iyong disposisyon at hindi mo naisagawa ang anumang katotohanan, ngunit nagnanais ka pa rin ng isang napakagandang bukas. Isa itong ganap na kahibangan! Ang tao, na isinilang sa gayong napakaruming lupain, ay labis nang nahawaan ng lipunan, nakondisyon na siya ng mga etikang piyudal, at natanggap niya ang edukasyon ng “mga institusyon ng mas mataas na pag-aaral.” Ang kaisipang paurong, tiwaling moralidad, mababang-uring pananaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, lubos na walang halagang pag-iral, at mga mababang-uring kaugalian at pang-araw-araw na buhay—lubhang nanghihimasok na sa puso ng tao ang lahat ng mga bagay na ito, at lubhang pinipinsala at inaatake ang kanyang konsensiya. Bilang resulta, mas lalong lumalayo ang tao mula sa Diyos, at mas lalong nagiging laban sa Kanya. Lalong nagiging mas walang awa ang disposisyon ng tao sa bawat araw, at wala ni isang tao ang nagkukusang isuko ang anumang bagay para sa Diyos, wala ni isang tao ang nagkukusang magpasakop sa Diyos, at lalong wala ni isang taong nagkukusang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa halip, hinahangad ng tao ang kasiyahan hangga’t gusto niya sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at walang pakundangang ginagawang tiwali ang kanyang laman sa putikan. Ang tao, na namumuhay sa kadiliman, ay walang pagnanais na isagawa ang katotohanan kahit kapag naririnig niya ito, at wala siyang tendensiyang maghanap kahit na nakikita niyang nagpakita na ang Diyos. Paanong magkakaroon ng anumang puwang sa kaligtasan ang isang tiwaling sangkatauhang tulad nito? Paano mabubuhay sa liwanag ang isang bulok na sangkatauhang tulad nito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Manatiling Hindi Nagbabago sa Disposisyon ay Pagiging Kaaway ng Diyos

Ang mga tao ay walang iba kundi ang Aking mga kaaway. Ang mga tao ang masasama na sumasalungat at naghihimagsik laban sa Akin. Ang mga tao ay walang iba kundi ang mga anak ng masama na Aking isinumpa. Ang mga tao ay walang iba kundi ang mga inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang mga tao ay walang iba kundi ang pamana ng masamang diyablo na noon pa man ay itinaboy Ko na at direktang kaaway Ko. Sapagkat ang kalangitan sa itaas ng buong sangkatauhan ay malabo at madilim, wala ni katiting na impresyon ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa sukdulang kadiliman, kaya ni hindi makita ng isang nabubuhay rito ang kanyang nakaunat na kamay na nasa kanyang harapan o ang araw kapag siya ay nakatingala. Ang daan na kanyang tinatapakan, na maputik at puro lubak, ay paliku-liko; nagkalat ang mga bangkay sa buong lupain. Ang madidilim na sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malalamig at nasa lilim na sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. Sa lahat ng dako, kawan-kawan na pumaparoo’t parito ang mga demonyo sa gitna ng mga tao. Ang mga inapo ng lahat ng klase ng mga halimaw, na natatakpan ng dumi, ay subsob sa matinding labanan, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga panahon, sa gayong mundo, sa gayong “paraiso sa lupa,” saan tutungo ang isang tao upang maghanap ng mga kagalakan sa buhay? Saan makakapunta ang isang tao upang mahanap ang kanyang hantungan sa buhay? Ang sangkatauhan, na matagal nang tinatapakan ni Satanas, ay isang tagapagtanghal na gumaganap sa imahe ni Satanas—higit pa riyan, ang sangkatauhan ang pagsasakatawan ni Satanas, at nagsisilbing katibayan na “matunog na nagpapatotoo” kay Satanas. Paano makakapagpatotoo sa Diyos ang gayong lahi ng tao, ang gayong pangkat ng masamang latak, ang gayong supling ng isang tiwaling pamilya ng tao? Saan galing ang Aking kaluwalhatian? Mayroon bang anumang patotoo sa Akin na mababanggit? Sapagkat ang kaaway na kumakalaban sa Akin, at na ginawang tiwali ang sangkatauhan, ay naangkin na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong unang panahon at pinuspos ng Aking kaluwalhatian at Aking pagsasabuhay—at dinungisan sila. Naagaw nito ang Aking kaluwalhatian, at ang tanging itinanim nito sa tao ay lason na lubhang nahaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Sa simula, nilikha Ko ang sangkatauhan; ibig sabihin, nilikha Ko ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Pinagkalooban siya ng anyo at wangis, nag-uumapaw sa sigla, nag-uumapaw sa lakas, at higit pa riyan, kapiling siya ng Aking kaluwalhatian. Iyan ang maluwalhating araw nang likhain Ko ang tao. Pagkatapos niyan, ginawa si Eba mula sa katawan ni Adan, at siya man ay ninuno ng tao. Kaya, ang mga taong nilikha Ko ay puno ng Aking hininga at nag-uumapaw sa Aking kaluwalhatian. Si Adan ay orihinal na “isinilang” mula sa Aking kamay at siyang kumakatawan sa Aking wangis. Sa gayon, ang likas na kahulugan ng “Adan” ay isang nilalang na Aking nilikha na puspos ng Aking masiglang lakas, puspos ng Aking kaluwalhatian, may anyo at wangis, may isang espiritu at hininga. Siya lamang ang nilikha na may angking espiritu na may kapabilidad na kumatawan sa Akin at taglayin ang Aking wangis, at nakatanggap ng Aking hininga. Sa simula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking inorden, kaya ang likas na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikha na magpapatuloy ng Aking kaluwalhatian, at puno ng Aking sigla at higit na pinagkalooban ng Aking kaluwalhatian. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking wangis, sapagkat siya ang ikalawang taong nilikha sa Aking wangis. Ang likas na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao na may espiritu, laman, at buto. Siya ang ikalawang patotoo Ko at Aking ikalawang wangis sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang mga mahalaga at dalisay sa sangkatauhan, at sila ay orihinal na mga buhay na nilalang na pinagkalooban ng mga espiritu. Gayunman, tinapakan at binihag ng masama ang mga inapo ng mga ninuno ng sangkatauhan, at isinadlak ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at idinulot ito upang hindi na maniwala ang mga inapo sa Aking pag-iral. Mas karumal-dumal pa ay na, habang ginagawang tiwali ng masama ang mga tao at tinatapakan sila, malupit nitong inagaw ang Aking kaluwalhatian, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na inihip Ko sa kanila, ang Aking buong kaluwalhatian sa mundo ng tao, at lahat ng dugo ng puso na Aking ginugol sa sangkatauhan. Wala na sa liwanag ang sangkatauhan, naiwala na nila ang lahat ng Aking ipinagkaloob sa kanila, at itinapon na nila ang kaluwalhatiang Aking ipinagkaloob sa kanila. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng buong sangnilikha? Paano sila maniniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking kaluwalhatian sa ibabaw ng lupa? Paano ituturing ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na kinatakutan ng sarili nilang mga ninuno bilang Panginoon na lumikha sa kanila? Ang kaawa-awang mga apong ito ay aktuwal na “inialay” nang may malaking pagkabukas-palad sa masama ang kaluwalhatian, ang wangis, at ang patotoong ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila umaasa para manatiling buhay; at hindi nila binibigyang-pansin kahit kaunti ang presensiya ng masama, at ibinibigay nila ang Aking buong kaluwalhatian dito. Hindi ba’t ito mismo ang pinagmulan ng terminong “masamang latak”? Paano tataglayin ng gayong sangkatauhan, gayong masasamang demonyo, gayong mga bangkay na naglalakad, gayong mga Satanas, gayong mga kaaway Ko ang Aking kaluwalhatian? Babawiin Ko ang Aking kaluwalhatian, babawiin Ko ang Aking patotoo sa gitna ng tao, at lahat ng orihinal na Akin at ang ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—ganap Kong lulupigin ang tao. Gayunman, dapat mong malaman na ang mga taong Aking nilikha ay mga dalisay na tao na taglay ang Aking wangis at Aking kaluwalhatian. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni hindi sila natapakan nito, kundi purong pagpapamalas Ko lamang, malaya sa pinakakaunting bahid ng lason ni Satanas. Kaya naman, ipinapaalam Ko sa lahat ng tao: ang tanging nais Ko ay ang mga dalisay na nilikha ng Aking kamay, at ang minamahal Ko at hindi nabibilang sa anupamang ibang nilalang, at masisiyahan Ako sa kanila at ituturing Ko silang Aking kaluwalhatian, gayunman, ang nais Ko ay hindi ang sangkatauhang nagawang tiwali ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layon Kong bawiin ang Aking kaluwalhatian sa mundo ng tao, ganap Kong lulupigin ang nanatiling buhay sa sangkatauhan, bilang katunayan ng Aking kaluwalhatian sa pagtalo kay Satanas. Ang Aking patotoo lamang ang tinatanggap Ko bilang Aking kristalisasyon, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking layunin.

Umunlad ang sangkatauhan sa loob ng sampu-sampung libong taon hanggang sa ngayon. Subalit ang sangkatauhang nilikha Ko sa simula ay matagal nang nabaon sa pagkabulok, at ang sangkatauhan ay hindi na ang sangkatauhang hangad Ko, at sa gayon, sa Aking paningin, ang tao ay matagal nang humintong matawag na sangkatauhan. Sa halip, siya ang masamang latak ng sangkatauhan na nabihag ni Satanas, isang bulok na naglalakad na bangkay na pinamamahayan ni Satanas at ibinibihis ni Satanas sa sarili nito. Sadyang hindi naniniwala ang tao sa Aking pag-iral, at hindi rin ito sumasalubong sa Aking pagparito. Ang sangkatauhan ay nag-aatubiling humaharap lamang sa Aking mga hinihingi sa pabasta-bastang pamamaraan, pansamantalang sumasang-ayon sa mga iyon, at hindi taos-pusong nakikibahagi sa Akin sa mabubuti at masasamang panahon. Dahil ang tingin ng tao sa Akin ay imposible Akong maunawaan, napipilitan lang itong ngumiti sa Akin, na nagbubunyag ng asal ng paninipsip sa may kapangyarihan, sapagkat walang alam ang tao tungkol sa Aking gawain, lalo na sa Aking mga layunin sa kasalukuyan. Magtatapat Ako sa inyo: Pagdating ng araw, ang paghihirap ng sinumang sumasamba sa Akin ay magiging mas madaling tiisin kaysa sa inyo. Ang laki ng inyong pananalig sa Akin, sa totoo lang, ay hindi nakahihigit kaysa kay Job—kahit ang pananalig ng mga Pariseong Hudyo ay nakahihigit sa inyo—kaya naman, kung dumating ang araw ng apoy, magiging mas malubha ang inyong mga araw kaysa sa pagsasaway na natanggap ng mga Pariseo mula kay Jesus, kaysa sa pagdurusa na dinanas ng 250 pinunong kumontra kay Moises, at kaysa sa paglalagablab ng mga apoy na dinanas ng Sodoma sa panahon ng pagkawasak nito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

Yaong sa mga diyablo ay pawang nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang pananaw nila sa buhay at mga salawikain ay pangunahing nagmumula sa mga kasabihan ni Satanas, tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba,” “Ang tao ay namamatay para sa kayamanan, gaya ng mga ibon para sa pagkain,” at iba pang gayong mga maling kaisipan. Ang mga salitang sinambit ng yaong mga diyablong hari, mga dakilang personalidad, at mga pilosopo ay ang naging mismong buhay ng tao. Lalo na, karamihan sa mga salita ni Confucius, na itinataas ng mga Tsino bilang isang “pantas,” ay naging buhay na ng tao. Mayroon ding mga bantog na kasabihan ng Budismo at Taoismo, at ang mga klasikong kasabihan na madalas ulitin ng iba’t ibang tanyag na tao. Lahat ng ito ay mga pagbubuod ng mga pilosopiya ni Satanas at kalikasan ni Satanas. Ang mga ito rin ang pinakamahusay na paglalarawan at paliwanag tungkol sa kalikasan ni Satanas. Ang mga lason na ito na naikintal sa mga puso ng sangkatauhan ay pawang nagmumula kay Satanas, at wala sa mga ito ang nagmumula sa Diyos. Ang mga maladiyablong salita na iyon ay diretsahan ding kumokontra sa salita ng Diyos. Napakalinaw na ang mga realidad ng lahat ng positibong bagay ay nagmumula sa Diyos, at lahat ng negatibong bagay na lumalason sa tao ay nagmumula kay Satanas. Samakatwid, makikilatis mo ang kalikasan ng isang tao at kung kanino siya kabilang sa pamamagitan ng pagtingin sa pananaw niya sa buhay at mga pinahahalagahan. Ginagawang tiwali ni Satanas ang tao sa pamamagitan ng edukasyon at pagkokondisyon ng mga pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang mga maladiyablong salita ay naging buhay at kalikasan na ng tao. “Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba” ay isang sikat na satanikong kasabihan na nanuot na sa lahat ng tao at naging pinakabuhay nila. May iba pang mga salita ng pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na katulad nito. Ginagamit ni Satanas ang tradisyonal na kultura ng bawat bayan para turuan, iligaw, at gawing tiwali ang mga tao, nagsasanhi sa sangkatauhan na mahulog sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa huli, malipol ng Diyos dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan nila ang Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Maliban sa paggamit ng lahat ng iba’t ibang tuklas at kongklusyon ng siyensya upang iligaw ang tao, ginagamit din ni Satanas ang siyensya bilang isang kaparaanan upang walang pakundangang wasakin at pagsamantalahan ang kapaligirang tinitirhang bigay ng Diyos sa tao. Ginagawa ito ni Satanas sa ilalim ng huwad na kadahilanan na kung nagsasagawa ang tao ng siyentipikong pananaliksik, ang tirahang kapaligiran ng tao at ang kalidad ng buhay ay patuloy na aangat, at bukod pa riyan, ang intensiyon ng siyentipikong pag-unlad ay upang tugunan ang patuloy na materyal na mga pangangailangan ng tao na dumarami araw-araw at ang pangangailangan nilang patuloy na iangat ang kalidad ng kanilang buhay. Ito ang teoretikal na batayan ng pagpapaunlad ni Satanas sa siyensya. Gayunman, ano ang naidulot ng siyensya sa sangkatauhan? Ang kapaligiran bang tinitirhan natin—at ang kapaligirang tinitirhan ng buong sangkatauhan—ay hindi narumihan? Hindi ba narumihan ang hanging nilalanghap ng sangkatauhan? Hindi ba narumihan ang tubig na iniinom natin? Organiko at natural pa rin ba ang pagkaing kinakain natin? Karamihan sa mga butil at gulay ay genetically modified, napalago ang mga ito gamit ang pataba, at ang ilan ay mga variant na nilikha gamit ang siyensya. Hindi na natural ang mga gulay at prutas na kinakain natin. Kahit ang natural na mga itlog ay hindi na madaling matagpuan, at hindi na gaya ng dati ang lasa ng mga itlog, dahil naiproseso na ng tinatawag ni Satanas na siyensya. Kung titingnan ang buong sitwasyon, nawasak at narumihan na ang buong atmospera; ang mga kabundukan, lawa, kagubatan, ilog, karagatan, at lahat ng nasa ibabaw at ilalim ng lupa ay pawang nawasak ng tinatawag na mga tagumpay ng siyensya. Sa madaling salita, ang buong kapaligirang ekolohikal at tinitirhang kapaligiran na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay nawasak at nasira na ng tinatawag na siyensya. Bagama’t nakamit na ng maraming tao ang inaasam nila noon pa man pagdating sa kalidad ng buhay na hinahangad nila, na binibigyang-kasiyahan kapwa ang kanilang mga pagnanais at ang kanilang laman, ang kapaligirang tinitirhan ng tao, sa esensya, ay nawasak at nasira na ng iba’t ibang “tagumpay” na dulot ng siyensya. Ngayon, wala na tayong karapatang huminga ng kahit katiting na malinis na hangin. Hindi ba ito ang dalamhati ng sangkatauhan? Mayroon pa bang masasabing anumang kaligayahang natitira para sa tao, kung kailangan niyang manirahan sa ganitong uri ng espasyo? Naninirahan ang tao sa ganitong uri ng espasyo, gayumpaman, sa simula’t sapul, ang kapaligirang tinitirhan ng tao ay nilikha ng Diyos para sa tao. Ang tubig na iniinom ng mga tao, ang hanging nilalanghap ng mga tao, ang iba’t ibang pagkaing kinakain ng mga tao, gayundin ang iba’t ibang halaman at mga buhay na nilalang, at kahit ang mga kabundukan, lawa, at karagatan—bawat bahagi ng tirahang kapaligirang ito ay bigay ng Diyos sa tao; ito ay likas, gumagana alinsunod sa isang likas na batas na inilatag ng Diyos. Kung wala ang siyensya, susunod pa rin ang sangkatauhan sa mga pamamaraang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos, matatamasa nila ang lahat ng orihinal at natural, at sila ay magiging napakasaya. Gayunman, lahat ng ito ay nawasak at nasira na ngayon ni Satanas; ang pangunahing tinitirhang espasyo ng tao ay hindi na orihinal. Ngunit walang sinumang nakakatukoy kung ano ang nagsanhi nito o kung paano ito nangyari, at mas marami pang tao ang nagbibigay-kahulugan at tumatrato sa siyensya gamit ang mga ideyang ikinintal sa kanila ni Satanas. Hindi ba ito labis na kasuklam-suklam at kaawa-awa? Ngayong nagawang tiwali ni Satanas ang espasyo kung saan umiiral ang sangkatauhan, gayundin ang kanilang kapaligirang tinitirhan, tungo sa ganitong kalagayan, at sa patuloy na pagsulong ng sangkatauhan sa ganitong paraan, kailangan pa bang personal na lipulin ng Diyos ang sangkatauhang ito sa lupa? Kung patuloy na susulong ang sangkatauhan sa ganitong paraan, anong direksiyon ang tatahakin ng mga ito? (Malilipol sila.) Paano sila malilipol? Bukod pa sa sakim na paghahangad ng mga tao sa kasikatan at pakinabang, patuloy na nagsasagawa ang sangkatauhan ng siyentipikong paggalugad at malalim na nagsasaliksik, at pagkatapos ay walang-tigil na kumikilos sa isang paraan na tumutugon sa kanilang sariling mga materyal na pangangailangan at pagnanais; ano kung gayon ang mga kahihinatnan sa tao? Una sa lahat, sira na ang balanse ng ekolohiya, at kapag nangyari ito, ang mga organo sa loob ng katawan ng mga tao ay nababahiran at napipinsala ng di-balanseng kapaligirang ito, at ang iba’t ibang nakahahawang sakit at salot ay lumalaganap sa buong mundo. Hindi ba totoo na isang sitwasyon ito ngayon na walang kontrol ang tao? Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung hindi sumusunod ang sangkatauhan sa Diyos, kundi palaging sumusunod kay Satanas sa ganitong paraan—na ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang sarili, ginagamit ang siyensya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap ng buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng pamamaraan upang patuloy na mabuhay—napagtatanto ba ninyo kung ano ang magiging kinalabasan ng sangkatauhan? Likas na maglalaho ang sangkatauhan: Nang hakbang-hakbang, sumusulong ang sangkatauhan tungo sa pagkalipol, tungo sa sarili nilang pagkalipol! Hindi ba ito pagdudulot ng pagkawasak sa kanilang sarili? At hindi ba ito ang kahihinatnan ng pag-unlad ng siyensya? Ngayon ay tila baga ang siyensya ay isang uri ng mahiwagang inuming naihanda ni Satanas para sa tao, nang sa gayon kapag sinusubukan mong kilatisin ang mga bagay-bagay ay ginagawa mo ito nang may kalabuan; gaano ka man tumingin nang husto, hindi mo makikita nang malinaw ang mga bagay-bagay, at gaano mo man pagsikapan, hindi mo mauunawaan ang mga ito. Gayunman, ginagamit ni Satanas ang pangalan ng siyensya upang panabikin ka at ganap na kontrolin, nagiging dahilan para paisa-isang humakbang ang sangkatauhan tungo sa kailaliman at tungo sa kamatayan. At dahil dito, malinaw na makikita ng mga tao na ang totoo, ang paglipol sa sangkatauhan ay kagagawan ni Satanas—si Satanas ang pasimuno.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Kaugnay na mga Himno

Hawak ng Diyos ang Kapalaran ng Bawat Bansa at Lahi

Dapat Parusahan ang mga Taong Ginagalit ang Disposisyon ng Diyos

Sinundan:  a. Ang panlilihis at pagtiwali ni Satanas sa tao ang ugat ng kadiliman at kasamaan sa mundo

Sumunod:  c. Paano tinatapos ng Diyos ang madilim na kapanahunan ng pamumuno ni Satanas sa mga huling araw

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger