Kabanata 105

Dahil sa mga prinsipyo sa likod ng Aking mga salita, at dahil sa pamamaraan ng Aking paggawa, itinatatwa Ako ng mga tao; ito ang layunin ng Aking pagsasalita nang napakatagal (nakatuon ito sa lahat ng supling ng malaking pulang dragon). Ito ang matalinong pamamaraan ng Aking gawain; ito ang Aking paghatol sa malaking pulang dragon. Ito ang Aking estratehiya, at wala ni isang tao ang lubusang makakaunawa rito. Sa bawat mahalagang pagbabago—ibig sabihin, sa bawat yugto ng paglipat ng Aking plano ng pamamahala—ilang tao ang dapat itiwalag; itinitiwalag sila ayon sa pagkakasunod-sunod ng Aking gawain. Sa ganitong paraan lamang gumagana ang Aking buong plano ng pamamahala. Pagkatapos Kong maitapon isa-isa ang mga taong nais Kong itiwalag, sinisimulan Ko naman ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Gayunpaman, ito ang huling pagtitiwalag (at ibig sabihin nito ay sa loob ng mga iglesia sa China), at ito rin ang panahon kung kailan maititiwalag ang pinakamalaking bilang ng mga tao habang dumaraan sa isang yugto ng paglipat mula nang likhain ang mundo. Sa lahat ng kapanahunan, sa tuwing itinitiwalag ang mga tao, mayroong isang bahagi na itinitira para magserbisyo para sa susunod na gawain. Ngunit ang pagkakataong ito ay hindi gaya ng mga nakaraang panahon; malinis at mabilis ito. Ito ang pinakamatindi at pinakakompleto sa lahat ng panahon. Kahit na pagkatapos ng pagbabasa sa Aking mga salita, karamihan sa mga tao ay sinusubukang sapilitang alisin ang pagdududa sa kanilang mga isipan, sa huli ay hindi nila ito napagtatagumpayan, at katapus-tapusan ay bumabagsak sila sa kanilang pakikibaka. Hindi sila ang magpapasya nito, dahil sila na Aking mga paunang itinadhana ay hindi makatatakas at ang mga hindi Ko paunang itinadhana ay sadyang hindi Ko mapahalagahan. Ang mga taong minamahal Ko ay kailangang iyong mga tinitingnan Ko nang may pabor; kung hindi, wala ni isang tao ang maaaring malayang umalis at pumasok sa Aking kaharian; ito ang Aking pamalong bakal, at ito lamang ang makapangyarihang patotoo at lubos na pagpapamalas ng pagsasakatuparan ng Aking mga atas administratibo. Hindi ito isang bagay na matutupad mo sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng panloob na motibasyon. Bakit Ko nasabing si Satanas ay bumagsak na, wala nang kapangyarihan? Noong una ay may lakas ito, ngunit ito ay nasa Aking mga kamay; kung sasabihin Ko ritong humiga, dapat itong humiga, kung sasabihin Ko ritong bumangon para magserbisyo para sa Akin, dapat itong bumangon at magserbisyo para sa Akin, at gawin ito nang mabuti. Hindi sa gusto itong gawin ni Satanas; ito ay dahil pinamamahalaan ng Aking pamalong bakal si Satanas, at sa ganitong paraan lamang ito ganap na nakukumbinsi. Pinamamahalaan ito ng Aking mga atas administratibo, at taglay Ko ang Aking dakilang kapangyarihan, kaya si Satanas ay hindi maaaring hindi lubos na makumbinsi; dapat itong tapak-tapakan sa ilalim ng Aking tuntungan, nang may maamo itong pagpapasakop. Sa nakalipas, noong ito ay nagseserbisyo para sa Aking mga anak, sukdulang mapangahas si Satanas at sadya silang inaapi, umaasang sa pamamagitan niyon ay maipapahiya Ako at sinasabing wala Akong kakayahan. Napakabulag! Papatayin kita sa pagyurak! Tingnan natin na ipakita mong muli ang walang-pigil na pagmamataas na iyan! Tingnan natin na mangahas kang tingnang muli nang malamig ang Aking mga anak! Habang nagiging mas matapat ang mga tao, at habang mas nakikinig sila sa Aking mga salita at nagpapasakop sa Akin, mas inaapi at inihihiwalay mo sila (ang tinutukoy Ko rito ay ang pagtitipon mo ng iyong mga kasabwat upang bumuo ng isang pangkat). Ngayon ang iyong mga araw ng walang-pigil na pagmamataas ay natatapos na, at unti-unti na Akong nakikipagtuos sa iyo; hindi Ko hahayaang matakasan mo ang kahit katiting ng iyong nagawa. Ngayon hindi ikaw—Satanas—ang humahawak ng kapangyarihan; sa halip ay nabawi Ko na ang kapangyarihang iyon, at ang panahon para tawagin ang Aking mga anak para harapin ka ay dumating na. Dapat kang maging masunurin, at huwag lumaban nang kahit kaunti. Gaano man kaayos ang naging asal mo sa harapan Ko noon, hindi iyon makakatulong sa iyo ngayon. Kung hindi ka kabilang sa Aking mga minamahal, kung gayon ay ayaw Ko sa iyo. Hindi katanggap-tanggap ang higit sa isa kaysa sa kailangan, ito dapat ay ang bilang na Aking paunang itinadhana; at kung mas kaunti ng isa kaysa sa kailangan ay mas malala. Satanas—huwag maging mapanggambala! Maaari kayang hindi malinaw sa Aking sariling puso kung sino ang Aking minamahal at kung sino ang Aking kinamumuhian? Kailangan ba kita upang magpaalala sa Akin? Maisisilang ba ni Satanas ang Aking mga anak? Lahat ay baligho! Lahat ay kasuklam-suklam! Lubusan at ganap Kong itatapon lahat. Kahit isa ay hindi kailangan, ang lahat ay dapat na itaboy! Ang anim na libong taon na plano ng pamamahala ay nasa katapusan na, ang Aking gawain ay tapos na, at dapat Kong tapusin ang kawan na ito ng mga hayop at mga halimaw!

Ang mga naniniwala sa Aking mga salita at nagsasagawa sa mga ito ay silang tiyak na Aking minamahal; hindi Ko tatalikuran ang kahit isa sa kanila, at hindi Ko hahayaang mawala ang kahit isa. Kaya, sila na mga panganay na anak ay hindi kailangang mag-alala palagi. Yamang ito ay Aking ipinagkaloob, walang sinumang makapag-aalis nito, at tiyak na ipagkakaloob Ko ito sa Aking mga pinagpapala. Sila na itinuturing Kong karapat-dapat (bago ang paglikha ng mundo) ay Aking pinagpapala (ngayon). Ito ang paraan kung paano Ako gumagawa, at ito rin ang pangunahing prinsipyo ng bawat sugnay ng Aking mga atas administratibo, at walang sinuman ang dapat magbago nito; wala nang isa pang salita ang maidaragdag, ni isa pang pangungusap, lalong wala kahit isang salita o pangungusap ang maaaring alisin. Malimit Kong sinasabi noon na ang Aking persona ay nagpapakita sa inyo. Ano kung gayon ang Aking “persona,” at paano ba ito nagpapakita? Ito ba ay tumutukoy lamang sa Aking persona? O nangangahulugan lang ba ito ng bawat pangungusap na Aking sinasabi? Ang dalawang aspetong ito, bagama’t kailangang-kailangan, ay bumubuo lamang ng isang maliit na bahagi; ibig sabihin, hindi bumubuo ang mga ito ng isang ganap na pagpapaliwanag ng Aking persona. Kabilang sa Aking persona ang Aking sarili sa laman, ang Aking mga salita, at maging ang Aking mga gawa, ngunit ang pinakatumpak na paliwanag ay ang Aking mga panganay na anak at Ako ay ang Aking persona. Ibig sabihin, isang grupo ng mga kolektibong taong-Cristo, na humahawak ng kapangyarihan bilang mga hari, ang Aking persona. Dahil dito, bawat isa sa mga panganay na anak ay kailangang-kailangan at bahagi ng Aking persona, at kaya Aking binibigyang-diin na ang bilang ng mga tao ay hindi maaaring higit sa isa kaysa sa kailangan (kaya nagbibigay-kahihiyan sa Aking pangalan), at lalo pa ngang mahalaga, hindi ito maaaring mabawasan ng isa (na hindi Ako kayang ganap na maipamalas). Bukod dito, paulit-ulit Kong binibigyang-diin na ang mga panganay na anak ay ang Aking mga pinakamamahal, Aking kayamanan, at ang kristalisasyon ng Aking anim na libong taon na plano ng pamamahala; sila lamang ang maaaring kumatawan sa Aking perpekto at lubos na pagpapamalas. Ako Mismo lamang ang maaaring maging lubos na pagpapamalas ng Aking persona; tanging kapag kasama Ko ang mga panganay na anak maaaring masabi na Ako Mismo ay isang perpekto at ganap na pagpapamalas. Kaya may mahigpit Akong mga hinihingi sa Aking mga panganay na anak, nang walang bagay na kinakaligtaan, at paulit-ulit Kong pinuputol at pinapatay ang lahat bukod sa Aking mga panganay na anak; ito ang ugat ng lahat ng Aking nasabi na, at ito ang pinakalayon ng Aking maraming salita. Bukod pa rito, muli’t muli Kong binibigyang-diin na sila dapat ay mga taong nakita Kong karapat-dapat, na personal Kong pinili magmula nang likhain ang mundo. Paano kung gayon maipaliliwanag ang salitang “pagpapakita”? Ito ba ay tungkol sa panahon kung kailan pumapasok sa espirituwal na mundo ang isang tao? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na ito ay ang panahon na ang Aking sarili sa laman ay pinahiran, o ang panahon kung kailan ay nakita nila ang Aking sarili sa laman, ngunit mali ang lahat ng ito; hindi man lamang malapit. Ang “pagpapakita” ayon sa orihinal nitong kahulugan ay hindi mahirap unawain, ngunit mas mahirap itong unawain ayon sa Aking pakahulugan. Maaaring masabi kung gayon: Nang likhain Ko ang sangkatauhan at ilagay Ko ang Aking kakayahan sa grupong ito ng mga tao na Aking minahal, ang grupong ito ng mga tao ay ang Aking persona. Kung sasabihin ito sa ibang paraan, nagpakita na ang Aking persona sa panahong iyon. Hindi sa ang Aking persona ay nagpakita pagkatapos tanggapin ang pangalang ito; bagkus ay nagpakita ito matapos Kong paunang itinadhana ang pangkat na ito ng mga tao, dahil taglay nila ang Aking kakayahan (hindi nagbabago ang kalikasan nila, at bahagi pa rin sila ng Aking persona). Kaya ang Aking persona, mula pa noong nilikha ang mundo hanggang sa kasalukuyan, ay laging nagpapakita. Naniniwala ang karamihan ng tao sa kuru-kuro na ang Aking sarili sa laman ay ang Aking persona, na talagang hindi totoo; ang palagay na yaon ay nagmula lamang sa kanilang mga kaisipan at kuru-kuro. Kung ang Aking sarili sa laman lamang ang Aking persona, hindi niyon maipapahiya si Satanas. Hindi nito makakayang luwalhatiin ang Aking pangalan, at sa katunayan ito ay magkakaroon ng kasalungat na epekto, kaya magbibigay-kahihiyan sa Aking pangalan, at magiging isang marka ng pagbibigay-kahihiyan ni Satanas sa Aking pangalan sa lahat ng kapanahunan. Ako ang marunong na Diyos Mismo, at hindi Ako kailanman gagawa ng gayong kahangalan.

Ang Aking gawain ay dapat magbunga, at higit pa roon, dapat mayroong pamamaraan sa Aking pananalita; lahat ng Aking mga salita at mga pagbigkas ay sinasabi kasama ng Aking Espiritu, at nagsasalita Ako ayon sa lahat ng ginagawa ng Aking Espiritu. Kaya lahat ay dapat, sa pamamagitan ng Aking mga salita, maramdaman ang Aking Espiritu, makita kung ano ang ginagawa ng Aking Espiritu, at makita kung ano mismo ang gusto Kong gawin; batay sa Aking mga salita, dapat nilang makita ang paraan kung paano Ako gumagawa, at makita kung ano ang mga prinsipyo ng Aking buong plano ng pamamahala. Pinagmamasdan Ko ang buong larawan ng sansinukob: Bawat tao, bawat pangyayari, at bawat lugar ay pawang kumikilos sa Aking palad. Walang nangangahas na sumalungat sa Aking plano; lahat ay sumusulong bawat hakbang ayon sa kaayusang Aking tinukoy. Ito ang Aking dakilang kapangyarihan; narito ang karunungan ng pamamahala sa Aking buong plano. Walang lubos na makauunawa o malinaw na makapagpapaliwanag; lahat ay personal Kong ginagawa, at Ako lamang ang nagkokontrol.

Sinundan:  Kabanata 104

Sumunod:  Kabanata 106

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger