Kabanata 107

Kapag umaabot sa isang antas ng kahigpitan ang Aking mga salita, lumalayo ang karamihan sa mga tao dahil sa mga ito—at sa mismong sandaling ito ibinubunyag ang Aking mga panganay na anak. Akin nang nasabi na hindi Ako nag-aangat ng isa mang daliri, kundi ginagamit Ko lamang ang Aking mga salita upang maisakatuparan ang lahat ng bagay. Gamit ang Aking mga salita, winawasak Ko ang lahat ng Aking kinamumuhian, at ginagamit Ko rin ang mga ito upang perpektuhin ang Aking mga panganay na anak. (Kapag binibigkas ang Aking mga salita, iyon ang mismong oras kung kailan umaalingawngaw ang pitong kulog, at iyon din ang oras kung kailan nagbabagong-anyo Ako at ang Aking mga panganay na anak at pumapasok kami sa espirituwal na mundo.) Nang sabihin Ko na ang Aking Espiritu ay personal na nagsasagawa ng gawain, ang ibig Kong sabihin ay ang Aking mga salita ang tumutupad sa lahat. Ganap nitong ipinapakita kung saan nakasalalay ang Aking pagkamakapangyarihan-sa-lahat, at samakatwid ay lalong ginagawang malinaw ang layunin kung bakit Ko sinasabi ang bawat pangungusap at ang tungkuling ginagampanan ng bawat pangungusap. Sinabi Ko nang ang bawat salitang sinasabi Ko sa loob ng Aking pagkatao ay isang aspekto ng Aking pagpapamalas. Kaya, ang lahat ng taong hindi makatitiyak at hindi talaga naniniwala sa Aking sinasabi sa loob ng Aking normal na pagkatao ay dapat na maalis! Paulit-ulit Ko nang binigyang-diin na ang Aking normal na pagkatao ay isang kailangang-kailangang aspeto ng Aking kumpletong pagka-Diyos, datapuwat napakaraming tao ang nananatiling nakatuon sa ganap Kong pagka-Diyos habang binabalewala ang Aking pagkatao. Ikaw ay bulag! Sinasabi mo na hindi Ako tumutugma sa iyong mga kuru-kuro, at na ang persona na Ako ay hindi tumutugma sa iyong diyos. Maaari bang manatili ang gayong mga tao sa Aking kaharian? Papatayin kita sa pamamagitan ng isang tadyak lamang! Hinahamon kita na maghimagsik pa laban sa Akin! Hinahamon kita na magpatuloy na maging napakatigas ang ulo! Hindi tugma ang Aking ngiti sa iyong mga kuru-kuro, hindi kasiya-siya sa iyong pandinig ang Aking pananalita, at hindi kapaki-pakinabang sa iyo ang Aking mga pagkilos—tama ba Ako? Ang lahat ng bagay na ito ay dapat na umaayon sa mga kagustuhan mo. Ganyan ba ang Diyos? At nais pa rin ba ng gayong mga tao na manatili sa Aking sambahayan at tumanggap ng mga pagpapala sa Aking kaharian? Hindi ka ba nangangarap nang gising? Kailan pa naging ganoon kagila-gilalas ang mga bagay-bagay! Ayaw mong magpasakop sa Akin, ngunit nais mo pa ring tumanggap ng mga pagpapala mula sa Akin. Sinasabi Ko sa iyo: Hindi maaari! Gaya ng maraming ulit Ko nang sinabi, ang mga pumapasok sa Aking kaharian at tumatanggap ng mga pagpapala ay dapat na mga taong Aking minamahal. Bakit Ko binibigyang-diin ang mga salitang ito? Alam Ko at nauunawaan Ko kung ano ang iniisip ng bawat tao; hindi Ko kailangang tukuyin isa-isa ang kanilang mga iniisip. Ibubunyag ang mga totoo nilang anyo sa pamamagitan ng Aking mga salita ng paghatol, at ang lahat ay hahawakan ang kanilang ulo at mapait na tatangis sa harap ng Aking hukumang-luklukan. Ito ay isang malinaw na katunayan, at walang makababago rito! Sa katapusan, isa-isa Ko silang papapasukin sa walang-hanggang hukay. Ito ang panghuling bunga na nais Kong matamo sa Aking paghatol sa mga diyablo at mga Satanas. Dapat Akong gumamit ng paghatol at mga atas administratibo para harapin ang bawat tao, at ganito Ko kinakastigo ang mga tao. Mayroon ba kayong totoong kabatiran tungkol dito? Hindi Ako nagbibigay ng dahilan kay Satanas; ginagamit Ko lamang ang Aking tungkod na bakal para paluin ito hanggang sa malapit na itong mamatay at paulit-ulit na nagmamakaawa. Kaya kapag binabasa ng mga tao ang Aking mga salita ng paghatol, hindi nila mauunawaan ang mga ito ni bahagya, ngunit mula sa Aking pananaw, bawat linya at bawat pangungusap ay isang pagpapatupad ng Aking mga atas administratibo. Ito ay isang malinaw na katunayan.

Yamang nabanggit Ko na ngayon ang paghatol, may kinalaman ang paksang ito sa luklukan ng paghatol. Dati, malimit ninyong sinasabi na tatanggap kayo ng paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo. Mayroon kayong kaunting pagkaunawa tungkol sa paghatol, ngunit hindi ninyo maguni-guni ang luklukan ng paghatol. Siguro iniisip ng ilang tao na ang luklukan ng paghatol ay isang pisikal na bagay: Maaari nila itong maguni-guni bilang isang malaking hapag, o siguro ay inilalarawan nila ito sa isip nila bilang luklukan ng isang hukom gaya ng nasa sekular na mundo. Siyempre, sa Aking paliwanag sa sandaling ito, hindi Ko itatanggi ang inyong nasabi na, ngunit para sa Akin, ang mga bagay-bagay na nasa mga imahinasyon ng mga tao ay mayroon pa ring simbolikong kahulugan. Kaya, ang puwang sa pagitan ng mga guni-guni ng mga tao at ng Aking ibig sabihin ay kasinglawak pa rin ng layo sa pagitan ng langit at lupa. Sa mga kuru-kuro ng mga tao, maraming taong nagpapatirapa sa harap ng luklukan ng paghatol, mapait na tumatangis habang hawak ang kanilang ulo at nagmamakaawa. Ito na ang rurok ng pantaong guni-guni at walang sinuman ang makakaguni-guni ng anumang higit pa riyan. Ano kung gayon ang luklukan ng paghatol? Bago Ko ibunyag ang hiwagang ito, dapat ninyong itatwa ang lahat ng inyong inakala dati; saka lamang maaabot ang Aking nilalayon. Ito lamang ang paraan para mapawi ang inyong mga kuru-kuro at mga iniisip sa usaping ito. Kapag nagsasalita Ako, dapat kayong magtuon ng pansin sa lahat ng panahon. Hindi kayo dapat maging pabaya kailanman. Naitatag na ang Aking luklukan ng paghatol mula nang likhain ang mundo. Sa mga kapanahunan at mga henerasyong nakalipas, marami nang tao ang nangamatay sa harap nito, at marami na ring bumangon sa harap nito, bumabalik sa buhay. Masasabi rin na mula simula hanggang katapusan, hindi kailanman humihinto ang Aking paghatol, kaya’t palaging umiiral ang Aking luklukan ng paghatol. Kapag binabanggit ang luklukan ng paghatol, nakararamdam ang lahat ng tao ng bakas ng takot. Siyempre, mula sa nasabi Ko na sa itaas, wala kayong kaalam-alam kung ano itong luklukan ng paghatol. Ang luklukan ng paghatol at ang paghatol ay sabay na umiiral, ngunit ang dalawa ay may magkaibang uri ng sangkap. (Dito, ang “sangkap” ay hindi tumutukoy sa isang pisikal na bagay, kundi sa mga salita. Hindi nakikita ng mga tao ni kaunti ang sangkap na ito.) Ang paghatol ay tumutukoy sa Aking mga salita. (Mahigpit o malumanay man ang mga iyon, ang mga iyon ay kasamang lahat sa Aking paghatol. Kaya, anumang lumalabas mula sa Aking bibig ay paghatol.) Dati, hinati ng mga tao ang Aking mga salita sa maraming iba’t ibang uri, kabilang ang mga salita ng paghatol, malumanay na mga salita, at mga salitang nagbibigay-buhay. Ngayon, Aking lilinawin para sa inyo na ang paghatol at ang Aking mga salita ay magkaugnay. Ibig sabihin, ang paghatol ay Aking mga salita, at ang Aking mga salita ay paghatol; hinding-hindi kayo dapat magsalita tungkol sa mga iyon nang magkahiwalay. Iniisip ng mga tao na ang mabibigat na salita ay paghatol, ngunit isang bahagi lang nito ang nauunawaan nila. Lahat ng Aking sinasabi ay paghatol. Ang simula ng paghatol na sinabi sa nakalipas ay tumutukoy kung kailan opisyal na nagsimulang gumawa ang Aking Espiritu sa bawat lugar at nagpatupad ng Aking mga atas administratibo. Sa pangungusap na ito, ang “paghatol” ay tumutukoy sa realidad. Ngayon ay Aking ipaliliwanag ang luklukan ng paghatol: Bakit Ko sinasabi na ang hukumang-luklukan ay umiiral mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan? At bakit Ko sinasabi na kasama ito ng paghatol? Nagkamit na ba kayo ng kaunting pagkaunawa mula sa Aking paliwanag tungkol sa paghatol? Ang hukumang-luklukan ay tumutukoy sa persona na Ako. Mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan, Ako ay laging bumibigkas at nagsasalita. Ako ay nabubuhay magpakailanman, kaya ang Aking luklukan ng paghatol at ang Aking paghatol ay magpakailanmang magkasamang umiiral. Dapat malinaw na ito ngayon! Sa imahinasyon ng mga tao, tinuturing Ako bilang isang bagay, ngunit sa bagay na ito, hindi Ko kayo sinisisi ni kinokondena. Inaasam Ko lamang na magkaroon kayo ng pusong nagpapasakop at tanggapin ang Aking paghahayag, at malaman mula rito na Ako ang Diyos Mismo na sumasakop sa lahat.

Ang Aking mga salita ay ganap na di-mawari ng mga tao, ang Aking mga yapak ay imposible nilang matagpuan, at ang Aking mga layunin ay imposible nilang matarok. Kaya, ang puntong naabot ninyo ngayon (ang makatanggap ng Aking paghahayag at ang kakayahan, sa pamamagitan nito, na maarok ang Aking mga layunin at makasunod sa Aking mga yapak) ay ganap na bunga ng Aking kagila-gilalas na mga gawa, ng Aking biyaya, at ng Aking habag. Isang araw, hahayaan Ko pang makita ninyo ang Aking karunungan, makita kung ano nang nagawa Ko gamit ang mga kamay Ko, at makita ang pagiging kamangha-mangha ng Aking gawain. Pagdating ng araw na iyon, ang disenyo ng Aking buong plano ng pamamahala ay ganap na ibubunyag sa harap ninyo. Sa buong sansinukob, ipinamamalas araw-araw ang mga bahagi ng Aking kagila-gilalas na mga gawa, at ang lahat ay naglilingkod upang maaaring matupad ang Aking plano ng pamamahala. Kapag ganap na itong naipamalas, makikita ninyo kung anong uri ng mga tao ang Akin nang isinaayos upang magserbisyo, anong uri ng mga tao ang Akin nang isinaayos para tuparin ang Aking kalooban, ano ang Akin nang nakamit sa pamamagitan ng paggamit kay Satanas, ano ang Akin nang natupad na mag-isa, anong uri ng mga tao ang tumatangis, anong uri ng mga tao ang nagngangalit ang mga ngipin, anong uri ng mga tao ang masasawi, at anong uri ng mga tao ang daranas ng kapahamakan. Ang “nasasawi” ay tumutukoy sa mga itatapon sa lawa ng apoy at asupre at ganap na susunugin; ang “nasasadlak sa perdisyon” ay tumutukoy sa mga itatapon sa walang-hanggang hukay para manlupaypay roon nang walang hanggan. Kaya, huwag ninyong isipin na ang nasasawi at nasasadlak sa perdisyon ay magkatulad; sa kabaligtaran, ang dalawa ay magkaibang-magkaiba. Ang mga tagapagserbisyo na umaalis sa Aking pangalan ngayon ay masasadlak sa perdisyon, at iyong mga hindi sa Aking pangalan ay masasawi. Samakatwid, iyong mga nasasadlak sa perdisyon ay pagpupurihin sa Akin nang magpasawalang hanggan pagkatapos ng Aking paghatol; ngunit ang mga taong iyon ay hindi kailanman maaalisan ng Aking pagkastigo, at lagi nilang tatanggapin ang Aking pamumuno. Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang walang-hanggang hukay ang kamay na Aking ginagamit upang kastiguhin ang mga tao. Sinasabi Ko rin na ang lahat ay nasa Aking mga kamay. Kahit na sinabi Kong “ang walang-hanggang hukay” ay tumutukoy sa impluwensya ni Satanas, ito rin ay nasa Aking mga kamay, na Aking ginagamit upang kastiguhin ang mga tao. Kaya, ang lahat ay pinamamahalaan sa Aking mga kamay, at walang mga pagkakasalungatan. Ang Aking mga salita ay hindi binibigkas nang walang-ingat; ang lahat ng ito ay maingat at magkakatugma. Ang mga ito ay hinding-hindi gawa-gawa lamang o binigkas nang walang-ingat, at dapat paniwalaan ng lahat ang Aking mga salita. Sa hinaharap, magdurusa kayo dahil dito. Dahil sa Aking mga salita, maraming tao ang nanlalamig o nawawalan ng pag-asa, o nabibigo, o mapait na lumuluha, o tumatangis. Magkakaroon ng lahat ng uri ng mga pagtugon. Isang araw, pag-urong ng lahat ng taong kinamumuhian Ko, matutupad ang Aking gawain. Sa hinaharap, maraming tao ang babagsak dahil sa mga panganay na anak, at sa katapusan, silang lahat ay aatras nang paisa-isang hakbang. Sa madaling salita, ang Aking sambahayan ay unti-unting magiging banal, at lahat ng uri ng demonyo ay dahan-dahang uurong mula sa Aking panig, umaalis nang tahimik, mapagpasakop, at walang anumang hinaing. Pagkatapos niyan, ang Aking mga panganay na anak ay mabubunyag na lahat, at Aking sisimulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Saka lamang magiging mga haring kasama Ko at mamumuno sa ibabaw ng buong sansinukob ang Aking mga panganay na anak. Ang mga ito ang mga hakbang ng Aking gawain, at bumubuo ang mga ito ng mahalagang bahagi ng Aking plano ng pamamahala. Huwag kayong mabigong mapansin ito, kung hindi ay magkakamali kayo.

Kung kailan naipamamalas sa inyo ang Aking mga salita ay ang sandali na Aking sinisimulan ang Aking gawain. Wala kahit isa sa Aking mga salita ang hindi matutupad. Para sa Akin, ang isang araw ay parang isang libong taon, at ang isang libong taon ay parang isang araw. Ano ang pagtanaw ninyo rito? Ang inyong pagkaintindi sa oras ay ibang-iba mula sa Akin, dahil Aking kinokontrol ang mundo ng sansinukob, at Aking tinutupad ang lahat ng bagay. Ang Aking gawain ay ginagawa araw-araw, paisa-isang hakbang, at yugtu-yugto; bukod pa roon, ang pagsulong ng Aking gawain ay hindi humihinto kahit isang saglit: Patuloy itong ginagawa sa bawat sandali. Simula nang likhain ang mundo, hindi kailanman huminto ang Aking mga salita. Palagi Akong nagsasalita at palaging nagsasatinig ng Aking mga pagbigkas. Ganito pa rin hanggang ngayon, at mananatili itong hindi nagbabago sa hinaharap. Gayunpaman, ang Aking panahon ay maingat na nakaplano at organisado, at napakaayos nito. Aking gagawin kung ano ang kailangan Kong gawin kapag kailangan Kong gawin ito (sa Akin, ang lahat ay palalayain, lahat ay magiging malaya), at hindi ito nakagagambala kahit kaunti sa mga hakbang ng Aking gawain. Maaari Kong ayusin ang bawat tao sa Aking sambahayan; maaari Kong isaayos ang lahat ng tao sa mundo. Gayumpaman, hindi Ako abala ni kaunti, dahil ang Aking Espiritu ay gumagawa at pumupuno sa bawat dako, at dahil Ako ang nag-iisang Diyos Mismo at ang buong sansinukob ay nasa Aking mga kamay. Malinaw nitong ipinakikita na Ako ay makapangyarihan sa lahat, na Ako ay marunong, at na pinupuno ng Aking kaluwalhatian ang bawat sulok ng sansinukob.

Sinundan:  Kabanata 106

Sumunod:  Kabanata 108

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger