Tanong 8: Sabi mo, hindi talaga nagsisi si Pablo kailanman. Pero sabi ni Pablo, ang nabuhay siya na parang Cristo. Pa’no mo iinterpretahin ’yan?

Sagot: Sabi ni Pablo, nabuhay siya na parang Cristo, pero sabi lang niya ’yon. Hindi ito patotoo ng Banal na Espiritu at hindi suportado ng mga salita ng Panginoong Jesus. Hindi sinabi ng iba pang mga apostol na nabuhay si Pablo na parang Cristo. Kung ibabatay lang ito sa mga salita ni Pablo, hindi kapani-paniwala! Wala sa mga sinaunang banal at propeta ang nangahas na sabihin na para sa kanila, nabuhay sila na parang Cristo. Si Pablo lang ang nangahas na sabihin ’yon. Kung gayon, nakikita natin na napakayabang ni Pablo at wala sa katwiran. Noong Kapanahunan ng Biyaya, pinatotohanan lang ng Banal na Espiritu na ang Panginoong Jesus ang Cristo. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ang disposisyon na Kanyang ipinahayag, at lahat ng mayroon at kung ano Siya ay lubos na nagpatunay na ang Kanyang pagkatao ay yaong sa Cristo. Si Pablo ang pangunahing nagalit sa katotohanan at kumalaban sa Diyos. Sabi niya, nabuhay siyang parang Cristo; ipinapakita niyan na ni hindi niya kilala ang Cristo. Sa tanong na ’to, tingnan natin ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos.

Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo….(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang kalabisan tungkol dito, sapagka’t Siya ay may taglay ng diwa ng Diyos, at may taglay ng disposisyon ng Diyos, at may karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga Cristo ang tinatawag sa mga sarili nila, subalit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi pati na rin ang partikular na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain kasama ng tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at katawanin nang mahusay ang Diyos, at makapagbigay ng buhay sa tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).

Mula sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo. Si Cristo ay Espiritu ng Diyos na naging tao. Si Cristo ay ang pagpapakita ng Diyos, ibig sabihin, ang katawang-tao ng diyos pag bumaba Siya para gawin ang Kanyang gawain. Kung gayon, si Cristo ay Diyos. Mabibigyan ni Cristo ng katotohanan at buhay ang tao; Maipapahayag Niya ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang karunungan ng Kanyang gawain. Si Cristo ang matuwid at banal na Diyos Mismo. Ang buhay ni Cristo ay likas na taglay Niya. Siya ang Diyos na nagkatawang-tao mula nang Siya ay isilang. Hindi Siya nagiging Diyos sa kalagitnaan ng pagbaba sa landas ng pananampalataya. Siya na Cristo nang isilang ay magiging Cristo magpakailanman. Yaong mga hindi Cristo nang isilang ay hindi kailanman magiging Cristo. Gaano man sundin ng mga tao ang katotohanan, hindi sila magiging Cristo. Ang buhay ng Cristo ay isang bagay na di-taglay o di-matatamo ng sinumang nilikha o di-nilikhang nilalang kailanman. Sabi ni Pablo, nabuhay siya na parang Cristo. Kung gayon taglay ba niya ang disposisyon ng Diyos at lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos? Maaari ba siyang magpahayag ng mga katotohanan para iligtas ang sangkatauhan? Kung taglay niya ang buhay ng Cristo, ba’t nagkakasala pa rin siya at kinakalaban niya ang Panginoong Jesus? Inamin ni Pablo mismo na siya ang “pinakamatindi sa lahat ng makasalanan.” Pa’no mabubuhay na parang Cristo ang makasalanan? Di ba ’yan kalapastanganan sa Diyos? Sinasabi mo ba na ang mga taong naglilingkod nang husto ay puwedeng maging Cristo? Di ba kalokohan ’yan? Si Pablo ang orihinal na unang kumalaban kay Cristo. Alam ’yan ng lahat. Nang tumanda na siya, pinatotohanan niya na nabuhay siya na parang Cristo, at nagtangkang pumalit kay Jesucristo. Pa’no magiging Cristo ang habambuhay na anticristo, ang kampon ni Satanas? Sabi ni Pablo, nabuhay siya na parang Cristo. Maling-mali ’yan! Pagpapalawak ’yan ng kanyang masamang ambisyon! Lubos nitong inilantad ang hangarin ni Pablo na maging Diyos. Gusto niyang pumalit sa lugar ng Panginoong Jesus sa puso ng mga tao. Patunay ’yan na ang totoong pagkatao ni Pablo ay sa anticristo, at nabuhay siya na isang anticristo.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Sinundan:  Tanong 7: Sabi mo, hindi dinakila o pinatotohanan ni Pablo ang Panginoong Jesus. Hindi ko tanggap ang sinasabi mo. Napakaraming isinulat ni Pablo. Hindi pa puro patotoo ang mga ’yon sa Panginoong Jesus?

Sumunod:  Tanong 1: Hindi ko maintindihan, kung ang Kidlat ng Silanganan ang tunay na daan, bakit napakatindi ng pagtutol do’n ng CCP? Bakit galit din ’yong tinutuligsa ng mga pinuno ng relihiyon? Hindi sa hindi pa inusig ng CCP ang mga pastor at elder. Pero pagdating sa Kidlat ng Silanganan, bakit pwedeng pareho ang opinyon at saloobin ng CCP at ng mga pastor at elder na naglilingkod sa Diyos? Ano ba talaga ang dahilan no’n?

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

I-type ang hinahanap mong term sa search box

Connect with us on Messenger
Mga Nilalaman
Mga Setting
Mga Aklat
Hanapin
mga Video