11. Bakit dapat gampanan nang maayos ng mga mananampalataya sa Diyos ang kanilang mga tungkulin

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Gumagawa ang Diyos para pamahalaan at iligtas ang sangkatauhan, kaya siyempre, mayroon Siyang mga hinihingi sa kanila. Ang mga hinihinging ito ang tungkulin ng tao. Malinaw na ang tungkulin ng tao ay nagmumula sa gawain ng Diyos at sa mga hinihingi Niya sa sangkatauhan. Anuman ang tungkuling ginagampanan ng tao, ito ang pinakanararapat na bagay, at ang pinakamaganda at pinakamakatarungang bagay sa gitna ng sangkatauhan. Bilang mga nilikha, dapat gampanan ng mga tao ang tungkulin nila, at saka lamang sila makatatanggap ng pagsang-ayon ng Lumikha. Namumuhay ang mga nilikha sa ilalim ng kapamahalaan ng Lumikha, at tinatanggap nila ang lahat ng ibinibigay ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos, kaya dapat nilang tuparin ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon. Ito ay ganap na likas at may katwiran, at inorden ng Diyos. Mula rito ay makikita na, ang paggampan ng tao sa tungkulin ng isang nilikha ay mas makatarungan, maganda, at marangal kaysa sa anumang iba pang bagay na nagawa habang namumuhay sa mundo ng tao; wala sa sangkatauhan ang mas makabuluhan o karapat-dapat, at walang nagdudulot ng mas malaking kabuluhan at halaga sa buhay ng isang nilikhang tao, kaysa sa paggampan sa tungkulin ng isang nilikha. Sa lupa, tanging ang grupo ng mga taong tunay at taos-pusong gumaganap ng tungkulin ng isang nilikha ang siyang mga nagpapasakop sa Lumikha. Hindi sumusunod sa mga makamundong kalakaran ang grupong ito; nagpapasakop sila sa pamumuno at pamamatnubay ng Diyos, nakikinig lamang sa mga salita ng Lumikha, tumatanggap sa mga katotohanang ipinapahayag ng Lumikha, at namumuhay ayon sa mga salita ng Lumikha. Ito ang pinakatunay, pinakamatunog na patotoo, at ito ang pinakamagandang patotoo ng pananampalataya sa Diyos. Ang magampanan ng isang nilikha ang tungkulin ng isang nilikha, ang mabigyang-kasiyahan ang Lumikha, ay ang pinakamagandang bagay sa gitna ng sangkatauhan, at isa itong bagay na dapat ipalaganap sa gitna ng sangkatauhan bilang isang kuwento na pupurihin. Anumang ipinagkakatiwala ng Lumikha sa mga nilikha ay dapat nilang tanggapin nang walang kondisyon; para sa sangkatauhan, ito ay isang usapin ng kapwa kaligayahan at pribilehiyo, at para sa lahat ng gumagampan sa tungkulin ng isang nilikha, wala nang ibang mas maganda o karapat-dapat na tandaan—ito ay isang positibong bagay. … Bilang isang nilikha, kapag humarap ang isang tao sa Lumikha, kailangan niyang gampanan ang kanyang tungkulin. Ito ay isang bagay na talagang nararapat gawin, at ito ang responsabilidad na dapat tuparin ng tao. Sa batayan na ginagampanan ng mga nilikha ang kanilang mga tungkulin, nakagawa ang Lumikha ng mas higit na dakilang gawain sa sangkatauhan, isinakatuparan Niya ang isang karagdagang hakbang ng gawain sa tao. At anong gawain iyon? Tinutustusan Niya ang sangkatauhan ng katotohanan, na tinutulutan silang makamit ang katotohanan mula sa Diyos habang ginagampanan nila ang kanilang mga tungkulin at sa ganoong paraan ay naiwawaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nadadalisay sila, natutugunan nila ang mga layunin ng Diyos at tumatahak na sila sa tamang landas ng buhay, at, sa huli, nagagawa nilang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, magtamo ng ganap na kaligtasan, at hindi na mapasailalim sa mga pagpapahirap ni Satanas. Ito ang panghuling epektong nilalayon ng Diyos na makamit sa pamamagitan ng pagpapagampan sa mga tao ng mga tungkulin. Samakatwid, sa proseso ng pagganap sa iyong tungkulin, hindi lamang ipinapakilatis ng Diyos sa iyo nang malinaw ang isang bagay at ipinapaunawa ang kaunting katotohanan, ni hindi ka lamang Niya hinahayaang matamasa ang biyaya at mga pagpapala na natatanggap mo sa pamamagitan ng paggampan sa iyong tungkulin bilang isang nilikha. Bagkus, pinahihintulutan ka Niyang madalisay at maligtas, at, sa huli, ay makapamuhay sa liwanag ng mukha ng Lumikha.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasiyam na Aytem (Ikapitong Bahagi)

Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at mga debotong Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating isipan at katawan para sa katuparan ng atas ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral dahil sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Kung ang mga isipan at katawan natin ay hindi inilalaan para sa atas ng Diyos at sa makatarungang adhikain ng sangkatauhan, ang ating mga kaluluwa ay mahihiya sa harap ng mga naging martir para sa atas ng Diyos, at lalo nang mas mahihiya sa harap ng Diyos, na nagtustos sa atin ng lahat ng bagay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Sa sambahayan ng Diyos, palaging napag-uusapan ang pagtanggap sa atas ng Diyos at paggampan nang maayos sa tungkulin ng isang tao. Kaya, paano nabubuo ang tungkulin? Sa malawak na pananalita, nabubuo ito bilang bunga ng gawain ng pamamahala ng Diyos na naghahatid ng pagliligtas sa sangkatauhan. Sa partikular na pananalita, habang isinasakatuparan sa gitna ng tao ang gawain ng pamamahala ng Diyos, lumilitaw ang iba’t ibang uri ng gawain, at kinakailangan ng lahat ng ito na gawin ng mga tao ang parte nila at tapusin ang mga ito. Sa ganitong paraan, nabubuo ang mga responsabilidad at mga misyon ng mga tao, at ang mga responsabilidad at mga misyon na ito ang mga tungkuling iginagawad ng Diyos sa mga tao. Sa sambahayan ng Diyos, ang iba’t ibang uri ng gawain na nangangailangan na gawin ng mga tao ang parte nila ang mga tungkuling dapat nilang gampanan. Kaya’t may mga pagkakaiba ba sa pagitan ng mga tungkulin kung ang pag-uusapan ay kung alin ang higit na mabuti at higit na masama, mataas at mababa, malaki at maliit? Hindi umiiral ang ganoong mga pagkakaiba; hangga’t ang isang bagay ay may kinalaman sa gawain ng pamamahala ng Diyos, isang pangangailangan sa gawain ng Kanyang sambahayan, at kinakailangan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Diyos, ito ay tungkulin ng isang tao. Ito ang pinagmulan at depinisyon ng tungkulin. Kung wala ang gawain ng pamamahala ng Diyos, magkakaroon kaya ang mga tao sa lupa—paano man sila nabubuhay—ng mga tungkulin? Hindi. Ngayon ay malinaw na ninyong nakikita. Saan nauugnay ang tungkulin ng isang tao? (Nauugnay ito sa gawain ng pamamahala ng Diyos para sa pagliligtas ng sangkatauhan.) Tama iyan. Direktang magkaugnay ang mga tungkulin ng sangkatauhan, ang mga tungkulin ng mga nilikha, at ang gawain ng pamamahala ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatauhan. Masasabi na kapag wala ang pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, at kapag wala ang gawain ng pamamahala ng nagkatawang-taong Diyos na inilunsad Niya sa sangkatauhan, walang magiging anumang tungkulin ang mga tao. Nagmumula ang mga tungkulin sa gawain ng Diyos; ito ang hinihingi ng Diyos sa mga tao. Kung titingnan ito mula sa perspektibang ito, mahalaga ang tungkulin para sa bawat tao na sumusunod sa Diyos, hindi ba? Ito ay napakahalaga. Sa malawakang antas, nakikibahagi ka sa gawain ng plano ng pamamahala ng Diyos; sa mas partikular, gumagawa ka nang naaayon sa mga pangangailangan ng iba’t ibang aytem ng gawain na isinasakatuparan ng Diyos sa iba’t ibang panahon at sa iba’t ibang grupo ng tao. Kahit ano pa ang iyong tungkulin, ito ay isang misyon na ibinigay sa iyo ng Diyos. Minsan ay maaaring hinihingi sa iyo na bantayan o pangalagaan mo ang isang mahalagang bagay. Hindi ito isang malaking usapin—masasabi lamang na responsabilidad mo ito—subalit isa itong gampanin na ibinigay sa iyo ng Diyos, tinanggap mo ito mula sa Kanya, at ito ngayon ay tungkulin mo. Kung pag-uusapan ang ugat ng usapin, ang tungkulin ng isang tao ay ipinagkatiwala ng Diyos. Pangunahin na kabilang dito ang pangangaral ng ebanghelyo, pagpapatotoo, paggawa ng mga video, at pagiging lider o manggagawa ng iglesia, o maaaring ito ay isang mas mapanganib na gawain o mas mahalagang gawain. Ano’t anuman, hangga’t may kinalaman ito sa gawain ng Diyos at sa mga pangangailangan ng gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat tanggapin ito ng mga tao mula sa Diyos bilang isang tungkulin. Ang tungkulin, sa mas malawak na perspektiba, ay ang misyon ng isang tao, isang atas na ipinagkatiwala ng Diyos; sa mas partikular, ito ang iyong responsabilidad, ang iyong obligasyon. Dahil ito ang iyong misyon, isang atas na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, at ang iyong responsabilidad at obligasyon, ang paggampan sa iyong tungkulin ay walang kinalaman sa iyong mga personal na usapin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ang Paggampan ng Isang Tao sa Kanyang Tungkulin nang Pasok sa Pamantayan?

Ngayon ay kailangang malinaw na sa inyo ang pangitaing ito: Ang paggampan ng tungkulin ninyo ang unang priyoridad sa pananampalataya sa Diyos. Ang pinakamahalagang aspekto ng pananampalataya sa Diyos ngayon ay ang paggampan sa tungkulin. Kung hindi magagampanan nang maayos ang inyong tungkulin, hindi kayo magkakaroon ng realidad. Habang gumagampan ng tungkulin, nauunawaan ng mga tao ang mga layunin ng Diyos, at kaya nilang unti-unting magkaroon ng normal na kaugnayan sa Kanya; kaya nilang unti-unting tukuyin ang kanilang mga problema, at kilalanin ang kanilang tiwaling disposisyon at diwa. Kasabay niyon, sa pamamagitan ng proseso ng pagninilay-nilay sa kanilang sarili, kaya ng mga tao na unti-unting tuklasin kung ano talaga ang mga hinihingi sa kanila ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ngayon kung ano talaga ang sinasampalatayaan ninyo kapag sumasampalataya kayo sa Diyos? Sa katunayan, ito ay pananampalataya sa katotohanan at pagkamit sa katotohanan. Ang paggampan sa tungkulin ay nagbibigay-kakayahan sa inyo na makamit ang katotohanan at buhay. Hindi makakamit ang katotohanan at buhay kung wala ang paggampan sa tungkulin. Maaari ka bang magkaroon ng anumang realidad kung nananampalataya ka sa Diyos nang hindi gumagampan ng tungkulin? (Hindi.) Hindi maaari. Kaya, kung hindi mo gagampanan nang maayos ang iyong tungkulin, hindi mo makakamit ang katotohanan. Sa sandaling matiwalag ka, magpapahiwatig ito na nabigo ka sa pananampalataya mo sa Diyos. Kahit sinasabi mo pa rin na nananampalataya ka sa Kanya, mawawalan na ng kabuluhan ang pananampalataya mo. Ito ay isang bagay na dapat matalos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa mga Katotohanang Prinsipyo Maaaring Magampanan Nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin

Ang paggampan ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa katunayan, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa loob ng tao, na ibig sabihin ay, iyong likas na posible para sa tao. Saka natutupad ang kanyang tungkulin. Tungkol naman sa mga kakulangan sa paglilingkod ng tao, ang mga ito ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapasailalim niya sa paghatol; hindi nakapipigil o nakaaapekto ang mga ito sa tungkulin ng tao. Iyong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga kakulangan sa kanilang paglilingkod ang pinakaduwag sa lahat. Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay kumikilos nang pabasta-basta, naiwala na nila ang gampaning dapat taglayin ng isang nilikha. Ang gayong mga tao ay kilala bilang “mga walang-kabuluhan”; sila ay mga walang-silbing basura. Paano matatawag na mga nilikha ang gayong mga tao sa tunay na kahulugan? Hindi ba’t mga bulok silang bagay na maningning sa labas ngunit bulok sa loob? Kung tinatawag ng isang tao ang kanyang sarili na Diyos subalit hindi niya magawang ipahayag kung ano ang pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, walang-dudang hindi siya Diyos, sapagkat wala siyang diwa ng Diyos, at iyong likas na nagagawa ng Diyos ay hindi umiiral sa kanya. Kung mawala sa tao ang likas na kaya niya, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang nilikha o humarap sa Diyos at paglingkuran Siya, lalong hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o na mabantayan, maprotektahan, at magawang perpekto ng Diyos. Maraming hindi na pinagtiwalaan ng Diyos ang tuluyan nang nawalan ng biyaya ng Diyos. Hindi lang nila hindi kinamumuhian ang kanilang masasamang gawa, kundi tahasan nilang ipinakakalat ang ideya na ang daan ng Diyos ay mali, at iyong mga mapaghimagsik ay ikinakaila pa ang pag-iral ng Diyos. Paano magkakaroon ng karapatan ang gayong mga tao, na nagtataglay ng gayong paghihimagsik, na matamasa ang biyaya ng Diyos? Iyong mga hindi tumutupad ng kanilang tungkulin ay napakamapaghimagsik sa Diyos, at malaki ang pagkakautang sa Kanya, subalit sa halip ay bumabatikos sila na mali ang Diyos. Paanong angkop ang gayong tao na magawang perpekto? Hindi ba’t ito ang tanda ng pagtitiwalag at pagpaparusa? Ang mga taong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin sa harap ng Diyos ay nagkasala na ng pinakakahindik-hindik na krimen, krimeng kahit kamatayan ay hindi sapat na kaparusahan, subalit may gana pa silang makipagtalo sa Diyos at magtangkang makipaglaban sa Kanya. Ano ang halaga ng paggawang perpekto sa gayong mga tao? Kung nabibigo ang mga tao na tuparin ang kanilang tungkulin, dapat silang makonsensiya at makadama ng pagkakautang; dapat nilang kamuhian ang kanilang kahinaan at kawalang-silbi, ang kanilang pagiging mapaghimagsik at katiwalian, at higit pa rito, dapat nilang ibigay ang lahat sa Diyos, maging ang buhay nila. Saka lamang sila magiging mga nilikha na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong mga tao lamang ang angkop na magtamasa ng mga pagpapala at pangako ng Diyos, at magawa Niyang perpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao

Ngayon, kung ano ang hinihingi sa inyo na kamtin ay hindi mga karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao, at ang kailangang gawin ng lahat ng tao. Kung kayo ay walang kakayahan na gumampan man lamang sa inyong tungkulin, o gumampan dito nang maayos, hindi ba’t pinahihirapan ninyo lamang ang inyong mga sarili? Hindi ba’t hinahanap ninyo ang kamatayan? Paano pa kayo makakaasa na magkaroon ng hinaharap at kinabukasan? Ang gawain ng Diyos ay ginagawa para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay ibinibigay alang-alang sa pamamahala ng Diyos. Pagkatapos gawin ng Diyos ang lahat ng nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging ganap na dedikado sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang debosyon, at hindi dapat magpalamon sa napakaraming kuru-kuro, o maupo nang walang-kibo at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang debosyon sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya alang-alang sa pamamahala ng Diyos? Nakarating na ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin ngunit hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig ngunit hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga pakay ng perdisyon? Inialay na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa sangkatauhan, kaya bakit, ngayon, wala pa ring kakayahan ang tao na masigasig na gampanan ang ilang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga hinihingi ng Diyos ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Lubhang mahalaga kung paano mo dapat ituring ang mga atas ng Diyos. Isa itong napakaseryosong bagay. Kung hindi mo kayang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa iyo, hindi ka karapat-dapat na mabuhay sa Kanyang presensiya at dapat mong tanggapin ang iyong kaparusahan. Ganap na likas at may katwiran na tapusin ng tao ang mga atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanya. Ito ang pinakamataas na responsabilidad ng tao, at kasinghalaga nito ang kanyang mismong buhay. Kung binabalewala mo ang mga atas ng Diyos, ito ay ang pinakamalubhang pagkakanulo sa Diyos. Sa paggawa nito, mas kasuklam-suklam ka kaysa kay Hudas, at dapat kang sumpain. Dapat magkamit ang tao ng lubos na pagkaunawa sa kung paano tratuhin ang mga atas ng Diyos at, kahit papaano, dapat niyang maunawaan na: Ang pagkakatiwala ng Diyos sa tao ng mga atas ay ang Kanyang pagtataas sa tao, at isang uri ng espesyal na biyaya na ipinapakita Niya sa tao, ito ang pinakamaluwalhati sa lahat ng bagay, at ang lahat ng iba pang bagay ay maaaring abandonahin—maging ang sariling buhay ng isang tao—pero dapat matupad ang mga atas ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay nakatatanggap ng mga pagpapala o napupunta sa aba. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang bokasyong mula sa langit, at dapat niya itong gampanan nang hindi naghahanap ng gantimpala, at nang walang mga kondisyon o dahilan. Ito lang ang matatawag na paggampan sa tungkulin ng isang tao. Ang pagtanggap ng mga pagpapala ay tumutukoy sa mga pagpapalang natatamasa ng isang tao kapag siya ay ginawang perpekto matapos makaranas ng paghatol. Ang mapunta sa aba ay tumutukoy sa kaparusahang natatanggap ng isang tao kapag ang kanyang disposisyon ay hindi nagbago matapos siyang sumailalim sa pagkastigo at paghatol—ibig sabihin, kapag hindi siya ginagawang perpekto. Ngunit nakatatanggap man sila ng mga pagpapala o napupunta sa aba, dapat tuparin ng mga nilikha ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahangad sa Diyos. Hindi mo dapat gampanan ang iyong tungkulin alang-alang sa pagtanggap ng mga pagpapala, at hindi ka dapat tumangging gampanan ang tungkulin mo dahil sa takot na mapunta sa aba. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang paggampan ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya ginagampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang paghihimagsik. Sa pamamagitan ng proseso ng paggampan ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas ginagampanan mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan ang makakamit mo, at magiging mas praktikal ang iyong pagpapahayag. Iyong mga pabasta-basta sa paggampan ng kanilang tungkulin at hindi hinahanap ang katotohanan ay ititiwalag sa bandang huli, sapagkat ang gayong mga tao ay hindi gumagampan ng kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi nagsasagawa ng katotohanan sa paggampan ng kanilang tungkulin. Sila iyong mga nananatiling hindi nagbabago at mapupunta sa aba. Hindi lamang hindi dalisay ang kanilang mga pagpapahayag, kundi masama ang lahat ng kanilang ipinapahayag.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao

Bawat isa sa inyo ay dapat tumupad nang maayos sa inyong sariling tungkulin nang may bukas at matapat na puso, at maging handang magbayad ng anumang halagang kinakailangan. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi tatratuhin nang di-patas ng Diyos ang sinuman na nagdusa o nagbayad ng halaga para sa Kanya. Ang ganitong uri ng paninindigan ay karapat-dapat na panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan lamang mapapanatag ang isipan Ko ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong hindi Ko mapapanatag ang Aking isipan, at kayo’y magpakailanmang magiging mga pinag-uukulan ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensiya at maibibigay ang lahat-lahat para sa Akin, na ibinubuhos ang buong pagsisikap para sa Aking gawain, at nag-uukol ng buong buhay na lakas sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t madalas na lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Hantungan

Ngayon, mahal Ko ang sinumang makakasunod sa Aking kalooban, ang sinumang makapagsasaalang-alang sa Aking mga pasanin, at ang sinumang makakapag-alay ng kanyang buong pagkatao para sa Akin nang may sinseridad at pagiging totoo. Patuloy Ko siyang liliwanagan, at hindi Ko siya hahayaang iwan Ako. Madalas Kong sabihin, “Kayong mga taos-pusong gumugugol para sa Akin, kayo ay tiyak na labis Kong pagpapalain.” Ano ang tinutukoy ng “pagpapalain”? Alam mo ba? Sa konteksto ng kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, tumutukoy ito sa mga pasaning ibinibigay Ko sa iyo. Para sa lahat ng nagagawang bumalikat ng pasanin para sa iglesia, at taos-pusong inaalay ang kanilang sarili para sa Akin, ang kanilang mga pasanin at kanilang sinseridad ay kapwa mga pagpapalang nagmumula sa Akin. Dagdag pa rito, ang mga paghahayag na itinutustos Ko sa kalooban nila ay isa ring pagpapala mula sa Akin. Ito ay dahil iyong mga walang pasanin ngayon ay hindi Ko paunang itinadhana at hinirang; sumapit na ang Aking mga sumpa sa kanila. Sa madaling salita, iyong mga paunang itinadhana at hinirang Ko ay may bahagi sa mga positibong aspekto ng Aking naipahayag, samantalang iyong mga hindi Ko paunang itinadhana at hinirang ay makakabahagi lamang sa mga negatibong aspekto ng Aking mga salita.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 82

Ngayon, yaong mga may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, sila ay gagamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahangad sa Akin, makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang maghimagsik laban sa kanilang sarili, sila ay Aking aariin at magmamana sila ng kasaganaan ng Aking kaharian. Tatandaan Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, tatanggapin Ko ang mga gumugugol ng kanilang sarili para sa Akin, at pagkakalooban Ko ng mga bagay na tatamasahin nila yaong mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nagtatamasa sa Aking mga salita; magiging mga haligi sila ng Aking kaharian, pagyayamanin sila nang hindi masukat sa Aking sambahayan, at walang maikukumpara sa kanila. Tinanggap na ba ninyo kailanman ang mga pagpapalang inihanda para sa inyo? Hinangad na ba ninyo kailanman ang mga pangakong binitiwan para sa inyo? Kayo, sa ilalim ng gabay ng Aking liwanag, ay makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, hindi mawawala sa inyo ang gabay ng liwanag. Kayo ang magiging mga panginoon ng lahat ng bagay. Kayo ay magiging mga mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng bansa ng malaking pulang dragon, kayo ay tatayo sa gitna ng di-mabilang na tao bilang patunay ng Aking tagumpay. Kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at magsisinag kayo ng Aking maluwalhating liwanag sa loob ng buong sansinukob.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 19

Sinundan:  10. Paano danasin ang mga pagsubok at pagpipino

Sumunod:  12. Paano ba magagampanan ng isang tao ang kanyang tungkulin nang pasok sa pamantayan

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 15: Tinawag ng mga pambansang lider ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang mga kulto, at ang Banal na Biblia ay tinawag nilang aklat ng kulto. Kinikilala ng lahat ang mga katotohanang ito. Kung bakit naman binansagan ng sentrong gobyerno ang mga Kristiyanong bahay-iglesia, at sa partikular Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos bilang mga kulto, sa pagkaintindi ko at ayon sa pagsisiyasat, ganito ang pakiwari ko dyan: Lahat ng magpatunay na ang Diyos ang lumikha sa lahat, ang magsabing ang Diyos ang Tagapaglikha, na Siya ang lumikha sa sangkatauhan, ang magpatotoong Siya ang naghahari sa lahat ng bagay, ang magsabing ang Diyos ang Panginoon ng sansinukob, at nagkokontrol sa sanlibutan, at sinumang magsasabi sa sangkatauhan na ang Diyos lamang ang tingalain, sa Diyos lamang magpailalim, at Diyos lamang ang sambahin, ang lahat ng ito ay mga kulto. Lahat ng nagpapatunay na ang Diyos ay makatwiran, banal at dakila, at sumasaksi sa pag-ibig at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan, kumukondena kay Satanas bilang demonyong nagpapasama sa mga tao, at bilang masamang pwersa na naghahari sa mundo, lalo na yung direktang umaatake at bumabatikos sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagsasabing nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sumasaksi para kay Cristong nagkatawang-tao, at nagsasabi ng mga salita at gawain ng ordinaryong tao na parang yun ang pagpapakita at gawain ng Tagapagligtas, at nagpapakalat, at nagpapatunay na ang mga salitang inihayag ni Cristo ang katotohanan, yung tumatawag sa mga, tao para tanggapin ang Diyos, para lumapit sa Kanya, at magpaubaya, at yung hindi sumusunod sa Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagpapatunay na ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at pinakamataas sa lahat, at nagsasabing, ang Banal na Bibilia, ang salita ng Diyos at Ang, Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ang katotohanan, at yung kumikilos para kalabanin ang Marxismo-Leninismo at ang ideyolohiya at teorya ng Partido Komunista, kulto ang lahat ng ito. Lahat ng nagtuturo at sumasaksi para kay Cristo ng mga huling araw, lahat ng nangangaral na nagbalik na ang Diyos, na dahilan para tanggapin ng tao ang pagliligtas ng Diyos, at yung tumatawag sa tao para iwan ang lahat at sumunod sa Kanya bilang tanging daan para makapasok sa kaharian ng langit, kulto ang lahat ng ito. Ito ang aking pagkaunawa sa pagbabansag ng sentrong gobyerno sa lahat ng Kristiyanong bahay-iglesia, partikular na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, bilang mga kulto. Sa Tsina, ang Partido Komunista ang may kontrol. Ang Partido Komunista ay Marxista-Leninista, at ateistang partido politikal na sumasalungat sa lahat ng teismo. Dinedeklara ng Partido Komunista na mga kulto ang lahat ng relihiyosong grupo na naniniwala sa Diyos. Ipinakikita nito ang ganap na awtoridad ng Partido Komunista. Ang Partido Komunista lang ang dakila, kapuri-puri, at ang tama. Ang kahit na anong kumakalaban o sumasalungat sa Marxismo-Leninismo ay maituturing na mali; Yun ang isang bagay na gustong ipagbawal ng Partido Komunista. Sa bansang Tsina, dapat kilalanin ang Marxismo-Leninismo at ang Partido Komunista bilang dakila. Meron bang hindi tama sa sinasabi kong ito? Kayong mga taga-Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ay lantarang nagkakalat na nagbalik na ang Diyos, ang Diyos ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Pinatutunayan n’yo rin na naghahayag ng katotohanan ang Makapangyarihang Diyos para dalisayin ang tao, para iligtas ang tao, na dumating na sa lupa ang kaharian ng langit. Nagresulta ito ng pagkakagulo at paghihiwalay ng mga relihiyosong grupo, at pinamumunuan ang maraming tao, para mapalapit sa Makapangyarihang Diyos. Nagdulot ito ng pambihirang sensasyon sa Tsina, at nagdala ng matinding kalituhan at pagkabalisa sa lipunan. Sa ginagawa n’yo, ginugulo n’yo ang publiko hindi ba? Kaya idineklara ng sentrong gobyerno, na may sala Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagiging isang kulto, at nagsasagawa ng pag-atake at panunupil. Naloko kayong lahat at naligaw ng landas. Umaasa ang gobyerno na wala kayong sasayanging oras, sa pagsisisi, sa paglayo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pagsali sa Iglesia ng Three-Self. Sa ganitong paraan, hindi na kayo ituturing na mga kriminal ng gobyerno.

Sagot: Malinaw n’yong naipaliwanag ang basehan ng Partido Komunista sa pagbabansag sa mga kulto. Pero nadarama ko na ang pagkalaban ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger