16. Bakit sinasabing ang paggampan ng mga tungkulin ang pinakamahusay na naghahayag sa mga tao
Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw
Lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos ay nagsasanay na ngayon na gumampan sa kanilang mga tungkulin, at sa pamamagitan ng paggampan ng mga tao sa kanilang tungkulin, ginagawang perpekto ng Diyos ang isang grupo ng mga tao at itinitiwalag ang isa pa. Kaya, ang paggampan ng tungkulin ang nagbubunyag sa bawat uri ng tao, at ang bawat uri ng mapanlinlang na tao, hindi mananampalataya, at masamang tao ay nabubunyag at natitiwalag sa paggampan ng kanilang tungkulin. Ang mga gumagampan sa kanilang mga tungkulin nang may debosyon ay matatapat na tao; ang mga palaging pabasta-basta ay mapanlinlang, tusong mga tao, at sila ay mga hindi mananampalataya; at yaong mga nagiging dahilan ng mga paggambala at panggugulo sa paggawa ng kanilang mga tungkulin at tumatangging magsisi kahit kaunti ay masasamang tao at mga anticristo. Ngayon, umiiral pa rin ang maraming uri ng problema sa marami sa mga gumagampan ng mga tungkulin. Ang ilan ay laging napakapasibo sa kanilang mga tungkulin, laging nakaupo at naghihintay at umaasa sa iba. Anong uri ng saloobin iyan? Pagiging iresponsable. Isinaayos ng sambahayan ng Diyos na gumampan ka ng isang tungkulin, ngunit ilang araw ang lumipas at wala ka pa ring nagagawang anumang kongkretong gawain. Hindi ka nakikita sa lugar ng trabaho, at hindi ka nahahanap ng maraming tao kapag mayroon silang mga problemang kinakailangang lutasin. Hindi mo pinasan ang gawaing ito. Kung magtatanong ang isang lider tungkol sa gawain, ano ang sasabihin mo sa kanya? Alam na alam mo na ito ay gawaing dapat mong gawin, pero hindi mo ito ginagawa. Ano ba ang iniisip mo? Hindi ka ba gumagawa ng anumang gawain dahil wala kang kakayahan dito? O sakim ka lang sa kaginhawahan? Ano mismo ang saloobing mayroon ka sa iyong tungkulin? Nagsasalita ka lang tungkol sa mga salita at doktrina at sinasabi mo lang ang mga bagay na masarap pakinggan, ngunit wala kang ginagawang aktuwal na gawain. Kung ayaw mong gampanan ang iyong tungkulin, dapat kang magbitiw. Huwag kang manatili sa iyong posisyon habang hindi gumagawa ng anumang totoong gawain. Hindi ba’t sa paggawa nito ay pinipinsala mo ang mga taong hinirang ng Diyos at inaantala ang gawain ng iglesia? Sa paraan ng iyong pagsasalita, tila nauunawaan mo ang lahat ng klase ng doktrina, pero kapag hiniling sa iyo na gampanan ang isang tungkulin, pabaya ka, at hindi mo ito isinasapuso kahit kaunti. Iyan ba ay taos-pusong paggugol ng sarili para sa Diyos? Hindi ka sinsero pagdating sa Diyos, pero nagkukunwari kang may sinseridad. Kaya mo ba Siyang linlangin? Sa paraan ng iyong karaniwang pagsasalita, tila mayroong malaking pananalig, at inaasam mo pa ngang maging haligi ng iglesia at maging pundasyon nito. Ngunit kapag ginagampanan mo ang isang tungkulin, mas wala kang silbi kaysa sa isang palito ng posporo. Hindi ba’t pagtatangka ito na sadyang linlangin ang Diyos? Alam mo ba kung ano ang mangyayari sa iyo sa pagtatangkang linlangin ang Diyos? Itataboy at ititiwalag ka Niya! Lahat ng tao ay nabubunyag sa paggampan sa kanilang mga tungkulin—hangga’t ang isang tao ay umako ng isang tungkulin, hindi magtatagal bago mabunyag kung siya ba ay isang matapat na tao o isang mapanlinlang na tao at kung siya ba ay nagmamahal sa katotohanan o hindi. Iyong mga nagmamahal sa katotohanan ay kayang taos-pusong gampanan ang kanilang mga tungkulin at itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos. Iyong mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi itinataguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos kahit kaunti, at iresponsable sila sa paggampan sa kanilang mga tungkulin. Agad itong malinaw sa mga taong may matalas na pang-unawa. Sinumang hindi maayos ang paggampan sa tungkulin ay hindi nagmamahal sa katotohanan o hindi isang matapat na tao; ang mga gayong tao ay pawang mabubunyag at matitiwalag. Para magampanan nang maayos ang kanilang tungkulin, dapat magkaroon ang mga tao ng pakiramdam ng responsabilidad at magdala ng pasanin. Sa ganitong paraan, tiyak na magagawa nang maayos ang gawain. Ang nakakabahala ay kapag ang isang tao ay hindi nagdadala ng pasanin o walang pakiramdam ng responsabilidad, at kailangang himukin para kumilos; kapag palagi siyang pabasta-basta; at kapag sinusubukan niyang ipasa ang sisi sa iba kapag lumilitaw ang mga problema, humahantong sa mga pagkaantala sa pagkalutas ng mga ito. Kung gayon, magagawa pa rin kaya nang maayos ang gawain? Maaari kayang magbunga ng anumang resulta ang paggampan nila sa kanilang tungkulin kung ganito? Ayaw nilang gawin ang anumang isinasaayos ng iglesia na gawin nila, at kapag nakikita nila ang ibang tao na nangangailangan ng tulong sa ginagawa ng mga ito, hindi nila pinapansin ang mga ito. Kapag inutusan silang gumawa ng isang bagay ay saka lang sila napipilitang gawin ito nang kaunti. Hindi ito paggampan ng tungkulin—ito ay pagiging isang upahang trabahador! Kapag ang isang upahang trabahador ay nagtatrabaho para sa isang amo, sumasahod siya hangga’t nasa trabaho siya, kumikita ng pera batay sa kung ilang oras man siyang nagtrabaho; naghihintay na lang siyang makasahod. Natatakot siyang gumawa ng anumang trabahong hindi nakikita ng kanyang amo, natatakot siyang hindi magantimpalaan sa anumang ginawa niya. Gusto lamang niyang gumawa ng trabaho kung saan napapansin siya. Ipinapakita nito na wala siyang katapatan. Madalas, hindi kayo makasagot kapag tinatanong kayo tungkol sa mga isyu sa gawain. Lahat kayo ay nakibahagi sa gawain, subalit hindi ninyo kailanman tinanong kung kumusta ang gawain, at hindi ninyo kailanman pinag-isipan nang mabuti ang tungkol dito. Sa katunayan, dahil sa inyong kakayahan at kaalaman, hindi dapat mangyari na wala kayong alam. Kaya bakit walang masabi ang karamihan sa inyo tungkol sa gawain? Posibleng dahil hindi talaga ninyo alam ang sasabihin—hindi ninyo alam kung maayos ba ang takbo ng mga bagay-bagay o hindi. May dalawang dahilan para dito: Una ay hindi ninyo isinapuso ang mga bagay na ito kahit kaunti; hindi kayo kailanman nagkaroon ng malasakit sa mga ito, at itinuring lamang ang mga ito bilang mga gampaning dapat tapusin. Ang isa pa ay iresponsable kayo at ayaw ninyong magmalasakit sa mga bagay na ito. Kung tunay kang nagmalasakit, at talagang isinapuso mo ang mga ito, magkakaroon ka ng mga pananaw at opinyon sa lahat ng isyu. Ang kawalan ng mga opinyon o pananaw ay kadalasang bunga ng kawalan ng pakialam at pagsasawalang-bahala, at ng hindi pag-ako ng anumang responsabilidad. Hindi mo isinasapuso ang iyong tungkulin, hindi ka umaako ng anumang responsabilidad para dito, hindi ka handang magbayad ng halaga o magtanong kung kumusta na ang mga bagay-bagay, ayaw mong mag-alala, at ayaw mong gumugol ng mas maraming lakas; kontento ka na lamang sa pagiging isang tau-tauhan. Wala itong ipinagkaiba sa isang walang pananampalataya na nagtatrabaho para sa kanyang amo. Inaayawan ng Diyos at hindi Niya tinatanggap ang ganitong paggampan ng tungkulin. Hindi nito makakamit ang Kanyang pagsang-ayon.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lang ng Pagiging Isang Matapat na Tao Makapagsasabuhay ng Tunay na Wangis ng Tao ang Isang Tao
Naihahayag sa paggampan ng tungkulin ng isang tao kung siya ay tunay na nananampalataya sa Diyos. Upang matukoy kung hinahangad ng isang tao ang katotohanan, obserbahan ninyo kung ginagampanan niya ang kanyang tungkulin nang may prinsipyo. Ang ilang tao ay walang anumang prinsipyo kapag gumagampan ng mga tungkulin nila. Palagi nilang sinusunod ang sarili nilang kagustuhan at kumikilos sila nang walang pakundangan. Hindi ba’t ito ay pagiging pabaya? Hindi ba’t nililinlang nila ang Diyos? Kahit kailan ba ay naisaalang-alang na ninyo ang mga kahihinatnan ng gayong pag-uugali? Sa paggampan ninyo sa inyong tungkulin, talagang wala kayong ipinapakitang pagsasaalang-alang para sa mga layunin ng Diyos, at kayo ay manhid. Hindi kayo episyente sa lahat ng ginagawa ninyo, kulang kayo ng kahit katiting na buong-pusong dedikasyon at pagsisikap. Matatamo ba ninyo ang pagsang-ayon ng Diyos sa ganitong paraan? Maraming tao ang gumagampan sa kanilang mga tungkulin nang labag sa loob, at hindi nila kayang magpursige. Hindi nila matiis ang kahit katiting na pagdurusa at lagi nilang nararamdaman na nadisbentaha sila nang malaki, hindi rin nila hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga suliranin. Magagawa ba nilang sumunod sa Diyos hanggang sa huli sa paggampan ng kanilang mga tungkulin sa ganitong paraan? Ayos lang ba na maging pabaya sa anumang ginagawa nila? Magiging katanggap-tanggap ba ito sa konsensiya? Kahit na sukatin ayon sa pamantayan ng tao, hindi pasok sa pamantayan ang gayong asal—kaya maaari ba itong ituring na pasok sa pamantayan na paggampan sa tungkulin? Kung gagampanan mo ang tungkulin mo sa ganitong paraan, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan. Hindi magiging pasok sa pamantayan kahit ang pagtatrabaho mo. Kung magkagayon, paano mo makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos? Sa paggampan ng kanilang mga tungkulin, maraming tao ang natatakot sa paghihirap, masyadong tamad, at nag-iimbot ng pisikal na kaginhawahan. Hindi sila kailanman nagbabayad ng halaga upang matuto ng mga propesyonal na kasanayan, at hindi nila isinasapuso ang pagbubulay-bulay sa katotohanan sa mga salita ng Diyos. Naniniwala sila na kapag nagiging pabasta-basta sila sa ganitong paraan, nakakaiwas sila sa abala—hindi nila kailangang gumawa ng anumang pagsasaliksik o humingi ng payo sa iba, hindi nila kailangang gamitin ang kanilang isip o gumugol ng mental na pagsisikap, at nakatitipid sila ng napakalaking pagsisikap, hindi nagtitiis ng anumang pisikal na paghihirap, at nagagawa pa rin nilang tapusin ang gampanin. Ngunit sa huli, ang mga resulta ay hindi pasok sa pamantayan. Kung pupungusan mo sila, hindi sila handang tumanggap, at patuloy na nakikipagtalo, sinasabing, “Hindi ako naging tamad o walang ginagawa, natapos ang gampanin—bakit mo ako hinahanapan ng mali? Hindi ba’t masyado ka lang nambubusisi? Maayos na ang paggawa ko sa ganitong paggampan sa tungkulin ko. Paanong hindi ka pa nasisiyahan?” Tingin ba ninyo ay makakausad pa ang ganitong mga tao? Palagi silang pabasta-basta kapag ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin habang puno ng mga palusot. Kapag may lumilitaw na mga problema ay ayaw nilang punahin sila ng sinuman. Anong klaseng disposisyon ito? Hindi ba’t isa itong satanikong disposisyon? Magagampanan ba ng mga tao ang kanilang mga tungkulin nang pasok sa pamantayan kapag gayon ang kanilang disposisyon? Mapapalugod ba nila ang Diyos? Ganito ba ninyo ginagampanan ang inyong tungkulin? Sa panlabas ay mukhang abala kayo, nakikipagtulungan nang maayos sa iba nang walang anumang pagtatalo. Gayumpaman, wala sa inyo ang nagsusumikap sa inyong tungkulin, hindi ninyo ito pinag-iisipan nang mabuti, o ni hindi kayo nag-aabala tungkol dito. Wala sa inyo ang nawawalan ng ganang kumain o hindi nakakatulog dahil hindi ninyo nagampanan nang mabuti ang inyong tungkulin. Wala sa inyo ang naghahanap sa katotohanan o sumusunod sa mga prinsipyo upang lutasin ang mga problema. Lahat kayo ay nakararaos lamang at kumikilos nang pabasta-basta. Kakaunti lang sa inyo ang umaako ng tunay na responsabilidad sa inyong tungkulin. Anuman ang mga suliraning dumarating, hindi kayo nagtitipon-tipon upang taimtim na magdasal at maghanap ng katotohanan o hindi ninyo hinaharap ang mga problema at nilulutas ang mga ito nang sama-sama. Tinatapos lamang ninyo basta ang isang gampanin at hindi kailanman isinasaalang-alang ang mga resulta, pagkatapos ay malalaman ninyo na kailangan itong ulitin. Ang paggampan nang ganito sa inyong tungkulin ay pagkilos lamang nang pabasta-basta at walang kaibahan sa paggawa ng mga walang pananampalataya sa kanilang mga trabaho. Ito ang mentalidad ng isang taong trabahador. Sa paggampan sa inyong mga tungkulin sa ganitong paraan, hindi ninyo nararanasan ang gawain ng Diyos, hindi rin ninyo taos-pusong iginugugol ang inyong sarili para sa Diyos. Kung hindi ninyo babaguhin ang pag-iisip na ito, sa huli ay mabubunyag at maititiwalag lang kayo.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Isang Tao na Maayos na Gumagampan sa Kanyang Tungkulin Nang Buong Puso, Isipan, at Kaluluwa ang Nagmamahal sa Diyos
May ilang tao na ilang taon nang nagtatrabaho nang hindi man lang nagbabago. Madalas pa rin silang nagiging negatibo at nagrereklamo kapag nahaharap sila sa mga paghihirap, at madalas silang nagbubunyag ng mga tiwaling disposisyon. Kapag pinupungusan sila, bumabaling sila sa pakikipagtalo at mapanlinlang na pangangatwiran, hindi matanggap ang kahit kaunting katotohanan at talagang hindi nagpapasakop sa Diyos. Sa huli, napagbabawalan silang gumampan sa kanilang mga tungkulin. May ilang taong nakasisira sa gawain kapag gumagampan sila sa kanilang mga tungkulin pero hindi sila tumatanggap ng pamumuna, walang-kahihiyan pa nga nilang sinasabi na wala silang nagawang mali at hindi man lang sila nagsisisi. At sa huli, kapag inalisan sila ng sambahayan ng Diyos ng kanilang kalipikasyon na gumampan ng tungkulin at pinaalis sila, nililisan nila ang lugar kung saan nila ginampanan ang kanilang tungkulin nang umiiyak at nagrereklamo. At ganyan sila humahantong sa pagkakatiwalag. Ang paggampan ng tungkulin ay talagang naghahayag sa mga tao. Kadalasan, ang mga tao ay magaling magsalita at malakas sumigaw ng mga islogan, ngunit bakit kapag gumagampan sila ng tungkulin ay hindi sila kumikilos bilang mga tao bagkus ay nagiging mga diyablo? Ito ay dahil ang mga taong walang pagkatao ay mga diyablo saanman sila pumunta; at mga taong hindi tumatanggap sa katotohanan, hindi sila makapaninindigan kahit saan. May ilang taong madalas ay pabasta-basta kung gumampan sa kanilang mga tungkulin, at sinusubukan nilang makipagtalo at magsagawa ng mapanlinlang na pangangatwiran kapag pinupungusan sila. Matapos mapungusan nang paulit-ulit, nakararamdam sila ng kaunting pagnanais na magsisi, kaya nagsisimula silang gumamit ng mga pamamaraan ng pagpipigil sa sarili. Gayunman, sa huli, hindi nila mapigilan ang kanilang sarili, kahit ang panunumpa at pagsumpa sa sarili nila ay hindi nakakatulong. Hindi pa rin nila nilulutas ang problema ng pagiging pabasta-basta nila, ni ang problema ng kanilang pakikipagtalo at pagsasagawa ng mapanlinlang na pangangatwiran. Pagkatapos silang kasuklaman at punahin ng lahat kalaunan, saka lamang sila napipilitang aminin sa wakas na, “May mga tiwaling disposisyon nga ako. Gusto kong magsisi ngunit sadyang hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kapag ginagawa ko ang aking tungkulin, palagi kong isinasaalang-alang ang sarili kong mga interes, ang sarili kong pride at reputasyon, na nagdudulot na madalas akong maghimagsik laban sa Diyos. Gusto kong isagawa ang katotohanan, ngunit hindi ko mabitiwan ang mga intensyon at pagnanais ko; hindi ko magawang maghimagsik laban sa mga iyon. Palagi kong gustong gawin ang mga bagay-bagay ayon sa sarili kong kalooban, palagi akong kumikilos nang tuso at naghahanap ng madaling paraan para hindi mapagod, at nag-iimbot ng kaginhawahan at kasiyahan. Hindi ko matanggap ang mapungusan ako at palagi kong sinusubukang bigyang-katwiran ang aking sarili. Iniisip ko na sapat na ang nagpakapagod ako at nagtiis ng mga paghihirap, kaya humahantong ako sa pakikipagtalo at mapanlinlang na pangangatwiran kapag may sumusubok na pungusan ako, nakakaramdam ng paglaban sa puso. Talagang napakahirap kong pangasiwaan! Paano ko dapat hanapin ang katotohanan para lutasin ang mga problemang ito?” Nagsisimula silang pagbulayan ang mga bagay na ito. Nangangahulugan ito na mayroon silang kaunting pagkaunawa sa kung paano dapat umasal ang mga tao, pati na rin ng kaunting katwiran. Ipagpalagay na ang isang trabahador ay nagsisimula sa isang punto na mag-asikaso ng nararapat niyang gawain at magtuon sa pagbabago ng kanyang disposisyon, at napagtanto niya, “Nakikita ko na ngayon na ako rin ay may mga tiwaling disposisyon, at naging mapagmataas at palalo ako, at walang kakayahang magpasakop sa Diyos. Hindi uubra kung magpapatuloy ako nang ganito. Hindi ko matatamo ang kaligtasan kung hindi ko babaguhin ang aking disposisyon.” Kapag nagsimula siyang mag-isip at sumubok na pagbulayan ang mga bagay na ito, kapag kaya niyang hanapin ang katotohanan para harapin ang mga problemang natutuklasan niya—hindi ba’t magsisimula na siyang baguhin ang kanyang landas? Kung sisimulan niyang baguhin ang kanyang landas, may pag-asa siyang magbago. Ngunit kung kailanman ay hindi niya nilalayong hangarin ang katotohanan, kung wala siyang pagnanais na pagsumikapan ang katotohanan at ang alam lamang niya ay magsumikap at gumawa, naniniwalang ang pagtapos sa kasalukuyan niyang gawain ay pagsasakatuparan na sa kanyang gawain at pagtapos na sa atas ng Diyos—kung naniniwala siyang ang pagsusumikap ay nangangahulugang nagawa na niya ang kanyang tungkulin, nang hindi niya kailanman isinasaalang-alang kung ano ba ang mga hinihingi ng Diyos o kung ano ba ang katotohanang prinsipyo, o kung isa ba siyang taong nagpapasakop sa Diyos, hindi siya kailanman sumusubok na alamin ang alinman sa mga bagay na ito—kung ganito niya harapin ang kanyang tungkulin, makapagtatamo ba siya ng kaligtasan? Hindi. Ang gayong mga tao ay hindi pa nakakatahak sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos, at hindi pa sila nakabubuo ng ugnayan sa Diyos. Nagsusumikap lang sila at nagtatrabaho sa sambahayan ng Diyos, at hindi pa talaga sila tumatahak sa landas ng pagtamo ng kaligtasan kahit kaunti. Ang mga taong tulad nito ay nagtatrabaho lang sa sambahayan ng Diyos, at hindi tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti; hindi sila ang mga pakay ng pagliligtas ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa mga Katotohanang Prinsipyo Maaaring Magampanan Nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin
Kung matapat kang gumugugol para sa Diyos at may mapagmahal-sa-Diyos na puso, paano mo tatratuhin ang mga gampaning nakakapagod, o mga gampaning mabigat o mahirap? Magiging iba ang iyong mentalidad: Pipiliin mong gawin ang anumang gampanin na mahirap at partikular mong hahanapin ang mabibigat na pasanin na isasabalikat, ginagawa kung ano ang ayaw gawin ng ibang tao, at gagawin mo ito dahil lamang sa pagmamahal sa Diyos at para mapalugod Siya. Mapupuno ka ng galak, nang walang anumang bahid ng reklamo. Ang maharap sa nakakapagod at mabibigat na gampanin, o mga gampaning mahirap ay nagbubunyag sa mga tao. Paano ka naiiba sa mga taong tinatanggap ang magagaan at mga kapansin-pansin na gawain lamang? Hindi ka mas mabuti kaysa sa kanila. Hindi ba’t ganoon nga? Ganito mo dapat tingnan ang mga bagay na ito. Kung gayon, ang pinakanagbubunyag sa mga tao kung ano sila ay ang kanilang paggampan sa kanilang tungkulin. Nagsasabi ang ilang tao ng mga bagay na magandang pakinggan sa ilalim ng mga normal na sitwasyon, nagpapahayag na handa silang mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya, ngunit kapag nahaharap sila sa hirap sa paggampan ng kanilang tungkulin, pinawawalan nila ang lahat ng uri ng reklamo at mga negatibong salita. Sila ay mga mapagpaimbabaw. Kung ang isang tao ay nagmamahal sa katotohanan, kapag siya ay nahaharap sa hirap sa paggampan sa kanyang tungkulin, magdarasal siya sa Diyos, hahanapin ang katotohanan, at tatratuhin ang kanyang tungkulin sa isang taimtim na paraan kahit hindi ito angkop na naisaayos. Hindi siya magrereklamo, kahit pa nahaharap sa mabibigat na gampanin, sa mga nakakapagod na gampanin, o sa mahihirap na gawain, at magagawa niya nang maayos ang kanyang mga gawain at magagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Nakadarama siya ng malaking kasiyahan sa paggawa nito, at gumiginhawa ang pakiramdam ng Diyos na makita ito. Ito ang uri ng tao na nakukuha ang pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang isang tao ay napupuno ng mga reklamo sa loob—at mapanlaban at hindi nasisiyahan—kapag kailangan niyang gumawa ng mga gampaning nakakapagod, mabibigat, o mahihirap, at hindi siya pumapayag na punahin o salungatin siya ng sinuman, ang ganoong tao ay hindi isang taong sinserong ginugugol ang sarili niya para sa Diyos. Mabubunyag at matitiwalag lamang siya.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Ang bagay na pinakakapansin-pansing sumasalamin sa ugnayang nagdurugtong sa iyo sa Diyos ay kung paano mo tinatrato ang bagay na ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos at ang tungkuling iniaatas Niya sa iyo, at ang saloobing mayroon ka. Ang pinakakapuna-puna at pinakapraktikal ay ang usaping ito. Naghihintay ang Diyos; gusto Niyang makita ang iyong saloobin. Dapat mong sunggaban ang oportunidad na ito at magmadali kang ipakita ang saloobin mo sa Diyos, tanggapin ang Kanyang atas, at gampanan nang maayos ang iyong tungkulin. Kung kaya mong tuparin nang maayos ang atas na ibinigay sa iyo ng Diyos, ang relasyon mo sa Diyos ay magiging normal. Kung, sa pagkakatiwala sa iyo ng Diyos ng isang gampanin, o pagsasabi sa iyo na gampanan mo ang isang tiyak na tungkulin, ang iyong saloobin ay napakapabasta-basta, at hindi mo ito sineseryoso o itinuturing na mahalaga, hindi ba ito mismo ang kabaligtaran ng pagbibigay ng buong puso at lakas? Magagampanan mo ba nang maayos ang iyong tungkulin sa ganitong paraan? Siguradong hindi. Ang paggampan mo sa tungkulin mo ay tiyak na hindi magiging pasok sa pamantayan. Kaya, napakahalaga ng iyong saloobin kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, pati na ang pamamaraan at landas na iyong pinipili. Gaano man karaming taon silang nananampalataya sa Diyos, ang lahat ng nabibigo pa ngang gampanan nang maayos ang kanilang mga tungkulin ay ititiwalag.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi
Ang pinakaapurahang usaping dapat lutasin ngayon ay kung paano dapat tratuhin ang tungkulin ng isang tao. Dahil ang paggampan sa tungkulin ang pinakanaghahayag kung tunay ba o huwad ang pananampalataya ng isang tao, kung minamahal niya ba o hindi ang katotohanan, kung tama ba o maling landas ang pinipili niya, at kung nagtataglay ba siya o hindi ng konsensiya at katwiran. Mabubunyag ang lahat ng isyung ito sa paggampan sa tungkulin. Upang lutasin ang isyu na kung paano dapat tratuhin ang tungkulin ng isang tao, una sa lahat ay kailangan mong maunawaan kung ano ba ang tungkulin, pati na kung paano ito gagampanan nang maayos at kung ano ang gagawin kapag naharap ka sa paghihirap habang ginagampanan mo ito, kung aling mga prinsipyo ang dapat mong sundin, at ayon sa aling mga katotohanan ka dapat magsagawa. Kailangan mong maunawaan kung ano ang gagawin kapag mali ang naging pagkaunawa mo sa Diyos at kapag hindi mo mabitiwan ang iyong mga intensyon. Bukod pa rito, sa proseso ng paggampan ng iyong mga tungkulin, dapat mong madalas na pagnilayan kung aling mga mali at balighong kaisipan at pananaw ni Satanas, ang mayroon ka pa rin sa iyong puso na maaaring makaimpluwensiya at makahadlang sa pagtupad mo nang maayos sa tungkulin, ang nagiging sanhi para maghimagsik ka laban sa Diyos at ipagkanulo Siya habang gumagampan ng tungkulin, at nagiging sanhi para mabigo ka sa ipinagkakatiwala ng Diyos sa iyo—dapat mong malaman ang lahat ng ito. Mahalaga ba ang tungkulin sa isang tao? Napakahalaga nito. Ngayon ay kailangang malinaw na sa inyo ang pangitaing ito: Ang paggampan ng tungkulin ninyo ang unang priyoridad sa pananampalataya sa Diyos. Ang pinakamahalagang aspekto ng pananampalataya sa Diyos ngayon ay ang paggampan sa tungkulin. Kung hindi magagampanan nang maayos ang inyong tungkulin, hindi kayo magkakaroon ng realidad. Habang gumagampan ng tungkulin, nauunawaan ng mga tao ang mga layunin ng Diyos, at kaya nilang unti-unting magkaroon ng normal na kaugnayan sa Kanya; kaya nilang unti-unting tukuyin ang kanilang mga problema, at kilalanin ang kanilang tiwaling disposisyon at diwa. Kasabay niyon, sa pamamagitan ng proseso ng pagninilay-nilay sa kanilang sarili, kaya ng mga tao na unti-unting tuklasin kung ano talaga ang mga hinihingi sa kanila ng Diyos. Nauunawaan na ba ninyo ngayon kung ano talaga ang sinasampalatayaan ninyo kapag sumasampalataya kayo sa Diyos? Sa katunayan, ito ay pananampalataya sa katotohanan at pagkamit sa katotohanan. Ang paggampan sa tungkulin ay nagbibigay-kakayahan sa inyo na makamit ang katotohanan at buhay. Hindi makakamit ang katotohanan at buhay kung wala ang paggampan sa tungkulin. Maaari ka bang magkaroon ng anumang realidad kung nananampalataya ka sa Diyos nang hindi gumagampan ng tungkulin? (Hindi.) Hindi maaari. Kaya, kung hindi mo gagampanan nang maayos ang iyong tungkulin, hindi mo makakamit ang katotohanan. Sa sandaling matiwalag ka, magpapahiwatig ito na nabigo ka sa pananampalataya mo sa Diyos. Kahit sinasabi mo pa rin na nananampalataya ka sa Kanya, mawawalan na ng kabuluhan ang pananampalataya mo. Ito ay isang bagay na dapat matalos.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang sa mga Katotohanang Prinsipyo Maaaring Magampanan Nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin
Ngayon na ang oras para mabukod-bukod ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri. Ito ang oras kung kailan ibinubunyag at itinitiwalag ng Diyos ang mga tao. Kung tunay kayong mga mananampalataya sa Diyos, dapat ninyong masikap na hangarin ang katotohanan at gampanan nang maayos ang inyong tungkulin. Kung makapagbabahagi ka ng ilang patotoong batay sa karanasan, pinatutunayan nitong isa kang taong nagmamahal sa katotohanan, at na nagtataglay ka ng ilang katotohanang realidad. Subalit kung hindi ka makapagbabahagi ng anumang patotoong batay sa karanasan, isa kang trabahador at nanganganib kang matiwalag. Kung ginagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin at responsable ka at deboto, isa kang tapat na trabahador at maaari kang manatiling buhay. Sinumang hindi isang tapat na trabahador ay dapat itiwalag. Samakatwid, tanging sa maayos na paggampan lamang ng iyong tungkulin ka makapananatili nang matatag sa sambahayan ng Diyos, at makakapanatiling buhay sa malalaking sakuna. Napakahalaga ng maayos na paggampan sa iyong tungkulin. Kahit papaano man lang, ang mga tao ng sambahayan ng Diyos ay matatapat na tao. Sila ay mga taong mapagkakatiwalaan sa kanilang tungkulin, na kayang tanggapin ang ibinigay na gawain ng Diyos, at na kayang gampanan nang deboto ang kanilang tungkulin. Kung ang mga tao ay walang tunay na pananalig, konsensiya, at katwiran, at kung wala silang pusong natatakot at nagpapasakop sa Diyos, hindi sila naaangkop na gumampan ng mga tungkulin. Kahit pa ginagampanan nila ang kanilang tungkulin, pabasta-basta nila itong ginagawa. Sila ay mga trabahador—mga taong hindi talaga nagsisi. Ang mga trabahador na tulad nito ay ititiwalag sa malao’t madali. Tanging ang mga tapat na trabahador ang mananatiling buhay. Bagaman walang mga katotohanang realidad ang mga tapat na trabahador, may taglay silang konsensiya at katwiran, nagagampanan nila ang kanilang mga tungkulin nang taos-puso, at pinahihintulutan sila ng Diyos na manatiling buhay. Iyong mga nagtataglay ng mga katotohanang realidad, at iyong mga matunog na makapagpapatotoo sa Diyos—ang Kanyang mga tao—ay mananatili ring buhay at dadalhin din sila sa Kanyang kaharian.
—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Para Magampanan Nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin, Dapat Magtaglay man Lang Siya ng Konsensiya at Katwiran