17. Paano harapin ang karamdaman at pasakit

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Una sa lahat, dapat maunawaan ng mga tao kung saan nagmula ang mga pasakit na dinaranas ng tao sa buong buhay—kapanganakan, katandaan, karamdaman at kamatayan—at kung bakit dinaranas ng tao ang mga bagay na ito. Noong unang likhain ng Diyos ang tao, hindi ba’t malaya ang tao mula sa mga pasakit na ito? Kaya, saan nagmula ang mga pasakit na ito na sinimulang danasin ng tao kalaunan? Nagmula ang mga ito kay Satanas. Lumitaw ang mga pasakit na ito pagkatapos tuksuhin at gawing tiwali ni Satanas ang tao, at kalaunan ay malugmok ang tao. Ang mga pasakit, pag-aalala, at kahungkagan ng laman ng tao, at ang lahat ng kalunos-lunos na bagay sa mundo ng tao—lumitaw ang lahat ng ito pagkatapos gawing tiwali ni Satanas ang tao. Pagkatapos gawing tiwali ni Satanas, nagkaroon ang tao ng mga satanikong disposisyon, at kaya lalo siyang nagiging masama, lalong lumalala ang kanyang karamdaman, lalong tumitindi ang kanyang pasakit, at lalong tumitindi ang pakiramdam niya na ang mundo ay hungkag at miserable, na imposibleng mabuhay sa mundong ito, at na ang pamumuhay sa mundong ito ay lalong nawawalan ng pag-asa. Kaya, ang mga pasakit na ito ay pawang idinulot ni Satanas sa tao, at lumitaw pagkatapos gawing tiwali ni Satanas ang tao at malugmok ang tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo

Maraming taong madalas magkasakit, at gaano man sila manalangin sa Diyos, hindi pa rin sila gumagaling. Gusto nilang makalaya mula sa karamdaman nila, pero hindi nila kaya. Minsan, maaari pa nga silang maharap sa mga agaw-buhay na sitwasyon at napipilitan silang direktang harapin ang mga ito. Sa katunayan, kung ang isang tao ay may tunay na pananalig sa Diyos sa kanyang puso, una sa lahat, dapat ay alam niyang nasa mga kamay ng Diyos ang habang-buhay ng isang tao, at na ang panahon ng kapanganakan at kamatayan ng isang tao ay paunang inorden ng Diyos. Kapag nagbibigay ng karamdaman ang Diyos sa mga tao, may dahilan para dito, at may kahulugan sa likod nito. Ang nararamdaman nila ay karamdaman, ngunit, ang totoo, ang naipagkaloob sa kanila ay biyaya, hindi karamdaman. Una sa lahat, kailangan itong malaman at matiyak ng mga tao, at seryosohin ito. Kapag nagkakasakit ang mga tao, lalapit sila nang madalas sa Diyos, at gagawin nila ang nararapat nang may pagsisinop at pag-iingat, at tatratuhin ang kanilang tungkulin nang may higit na pag-iingat at pagkataimtim kaysa sa iba. Ito ay isang proteksyon para sa mga tao, hindi mga kadena. Ito ay isang pagharap sa negatibong aspekto. Dagdag pa riyan, ang habang-buhay ng bawat tao ay paunang inorden ng Diyos. Maaaring nakamamatay ang isang karamdaman mula sa pananaw ng medisina, ngunit sa pananaw ng Diyos, kung hindi pa tapos ang iyong habang-buhay at hindi pa ito ang iyong oras, hindi ka mamamatay kahit gusto mo. Kung mayroon kang atas mula sa Diyos, at hindi pa tapos ang iyong misyon, hindi ka mamamatay, kahit na magkaroon ka ng isang karamdaman na nakamamatay—hindi ka pa kukunin ng Diyos. Kahit hindi ka magdasal at maghanap sa katotohanan, at hindi mo inaasikaso ang pagpapagamot ng iyong karamdaman, o kahit maantala ang iyong pagpapagamot, hindi ka mamamatay. Totoo ito lalo na sa mga taong may mahalagang atas mula sa Diyos. Kapag hindi pa tapos ang kanilang misyon, anumang karamdaman ang dumapo sa kanila, hindi sila agad mamamatay; mabubuhay sila hanggang sa huling sandali ng pagtatapos ng misyon. May ganito ka bang pananalig? Kung wala, mabababaw na panalangin lang ang iaalay mo sa Diyos at sasabihing, “Diyos ko, kailangan kong matapos ang atas na ibinigay Mo sa akin. Nais kong gugulin ang mga huling araw ko nang may debosyon sa Iyo, nang walang iniiwang mga pagsisisihan. Dapat Mo akong protektahan!” Bagama’t ganito ka magdasal, kung wala kang inisyatibang hanapin ang katotohanan, hindi ka magkakaroon ng determinasyon at lakas na maging deboto. Kung hindi ka handang magbayad ng totoong halaga, at madalas mong ginagamit ang ganitong uri ng palusot at ganitong pamamaraan para manalangin sa Diyos at makipagtawaran sa Kanya, ito ba ay isang taong naghahangad sa katotohanan? Kung pagagalingin ang iyong karamdaman, magagawa mo ba talagang gawin nang maayos ang iyong tungkulin? Hindi laging ganoon. Ang katunayan ay, kung nakikipagtawaran ka man upang mapagaling ang iyong karamdaman at hindi ka mamatay, o may iba ka pang intensyon o layon dito, sa pananaw ng Diyos, hangga’t kaya mong gawin ang iyong tungkulin, hangga’t nagagamit ka pa, at hangga’t nagpasya ang Diyos na gagamitin ka pa rin Niya, kung gayon, ibig sabihin nito ay hindi ka dapat mamatay. Hindi ka maaaring mamatay kahit na gustuhin mo. Ang totoong panganib ay na kung gagawa ka ng gulo nang walang ingat, gagawin mo ang lahat ng uri ng masamang gawa, at gagalitin ang disposisyon ng Diyos, mamamatay ka nang maaga—iikli ang iyong buhay. Ang habang-buhay ng tao ay paunang inorden ng Diyos bago pa man ang paglikha sa mundo. Kung magagawa ng mga tao na magpasakop sa mga pagsasaayos at pamamatnugot ng Diyos, may karamdaman man sila o wala, at nasa mabuti man o masamang lagay ang kanilang kalusugan, mabubuhay sila nang ayon sa bilang ng mga taon na paunang inorden ng Diyos. May ganito ka bang pananalig? Kung kinikilala mo lamang ito sa doktrina, wala kang tunay na pananalig, at walang saysay na magsabi ng anumang masasarap pakinggan na salita; kung kinukumpirma mo mula sa kaibuturan ng iyong puso na ito ay paunang pag-orden ng Diyos, at na sadyang ganito gumagawa ang Diyos, kung gayon, natural na magbabago ang iyong pagsasagawa. Siyempre, ang tao ay dapat magkaroon ng sentido komun tungkol sa pangangalaga sa kanyang kalusugan sa pang-araw-araw na buhay kahit pa magkasakit siya o hindi. Ito ang likas na pakiramdam na ibinigay ng Diyos sa tao. Ito ang katwiran at sentido komun na dapat taglay ng tao sa loob ng malayang kalooban na ibinigay sa kanya ng Diyos. Kapag may sakit ka, dapat mong maunawaan ang ilang sentido komun patungkol sa pangangalaga sa kalusugan at pagpapagamot para harapin ang karamdamang ito—ito ang dapat mong gawin. Gayunman, ang pagharap sa iyong karamdaman sa ganitong paraan ay hindi naglalayong hamunin ang habang-buhay na paunang inorden ng Diyos para sa iyo, ni hindi ito para igarantiya na maipamumuhay mo ang haba-ng buhay na pauna Niyang inorden para sa iyo. Ano ang ibig sabihin nito? Maaari itong sabihin nang ganito: Sa negatibong panig, kahit hindi mo sineseryoso ang iyong karamdaman, ginagawa mo pa rin ang iyong tungkulin kung paano mo dapat gawin iyon, at nagpapahinga nang kaunti pa kaysa sa iba, nang hindi inaantala ang iyong tungkulin, kung gayon, hindi lulubha ang iyong karamdaman, at hindi mo ikamamatay ito. Nakasalalay ito sa ginagawa ng Diyos. Sa madaling salita, sa pananaw ng Diyos, kung ang habang-buhay mo na paunang inorden ay hindi pa natatapos, kahit magkasakit ka, hindi ka Niya tutulutang mamatay. Kung hindi nakamamatay ang iyong karamdaman, ngunit dumating na ang iyong takdang oras, sa anumang sandali, kukunin ka na ng Diyos. Hindi ba’t ganap lang itong nakasalalay sa iisang kaisipan mula sa Diyos? Ito ay ganap na nakasalalay sa Kanyang paunang pag-orden! Ganito mo dapat tingnan ang bagay na ito. Maaari mong gawin ang iyong bahagi at magpunta ka sa doktor, uminom ng gamot, pangalagaan ang iyong kalusugan, at mag-ehersisyo, ngunit kailangan mong maunawaan sa iyong kaibuturan na ang buhay ng tao ay nasa mga kamay ng Diyos, ang habang-buhay niya ay paunang inorden ng Diyos at walang sinumang maaaring lumagpas sa kung ano ang paunang inorden ng Diyos. Kung wala kang taglay kahit kaunti ng pag-unawang ito, ang totoo ay hindi ka aktuwal na nananampalataya sa Diyos, at wala kang tunay na pananalig sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Ang Makapangyarihang Diyos, ang Pinuno ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang luklukan. Naghahari Siya sa sansinukob at sa lahat ng bagay, at ginagabayan Niya tayo sa buong daigdig. Sa lahat ng oras, maging malapit sa Kanya, at lumapit sa harap Niya nang may katahimikan, nang hindi pinalalampas kailanman ni isang sandali—palaging may mga aral na matututuhan. Ang nakapalibot na kapaligiran, mga tao, pangyayari, at bagay ay umiiral sa pahintulot ng Kanyang luklukan. Huwag kailanman hayaang magkaroon ng hinaing sa inyong puso, kung hindi ay hindi ipagkakaloob sa inyo ng Diyos ang Kanyang biyaya. Kapag sumapit sa iyo ang karamdaman, ito ay pagmamahal ng Diyos, at ang Kanyang mabubuting layunin ay tiyak na nakapaloob dito. Bagama’t medyo nahihirapan nga ang iyong laman, huwag mong tanggapin ang mga ideya mula kay Satanas. Purihin ang Diyos sa gitna ng iyong karamdaman at tamasahin ang Diyos sa gitna ng iyong papuri. Huwag mawalan ng pag-asa kapag nagkaroon ka ng karamdaman, patuloy na maghanap nang maghanap at huwag sumuko, at tatanglawan at bibigyang-liwanag ka ng Diyos. Kumusta ang naging pananalig ni Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang manggagamot na lubos na makapangyarihan! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Hangga’t may natitira kang hininga, hindi ka hahayaan ng Diyos na mamatay.

Nasa ating kalooban ang muling nabuhay na buhay ni Cristo. Tunay na kulang tayo sa pananalig sa presensiya ng Diyos: Nawa’y pagkalooban tayo ng Diyos ng tunay na pananalig sa loob natin. Tunay ngang matamis ang salita ng Diyos! Ang salita ng Diyos ay napaka-epektibong gamot! Ipinapahiya nito ang mga diyablo at si Satanas! Ang pag-arok sa salita ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng suporta. Mabilis na kumikilos ang Kanyang salita para iligtas ang ating puso! Iwinawaksi nito ang lahat ng bagay at pinapayapa ang lahat. Ang pananalig ay parang isang trosong tulay: Yaong mga kumakapit sa buhay at takot sa kamatayan ay mahihirapang tumawid dito, ngunit yaong mga handang isakripisyo ang buhay nila ay makakatawid, nang matatag na naglalakad at walang pangamba. Kung ang tao ay nagkikimkim ng mga duwag at matatakuting kaisipan, iyon ay dahil niloko siya ni Satanas; natatakot ito na tatawirin natin ang tulay ng pananalig upang makapasok sa Diyos. Palaging sinusubukan ni Satanas ang lahat ng posibleng paraan para ipadala sa atin ang mga kaisipan nito. Dapat nating ipanalangin sa Diyos sa bawat sandali na tanglawan at bigyang-liwanag tayo, sumandig sa Diyos sa bawat sandali na linisin ang lason ni Satanas mula sa ating kalooban, magsanay na lumapit sa Diyos sa loob ng ating espiritu sa bawat sandali, at hayaan ang Diyos na gumamit ng kapangyarihan at umokupa sa ating buong katauhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 6

Paano mo dapat danasin ang karamdaman kapag dumarating ito? Dapat kang lumapit sa Diyos at manalangin, hanapin at arukin ang layunin ng Diyos; dapat mong suriin ang iyong sarili para malaman kung ano ang nagawa mong salungat sa katotohanan, at kung anong mga tiwaling disposisyon sa iyo ang hindi pa nalulutas. Hindi malulutas ang iyong mga tiwaling disposisyon nang hindi ka sumasailalim sa pagdurusa. Sa pamamagitan lamang ng pagkapanday sa pagdurusa maaaring hindi maging mapagpalayaw ang mga tao, at magagawang mamuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras. Kapag nagdurusa ang isang tao, palagi siyang nagdarasal. Hindi niya naiisip na tumuon sa pagkain, pananamit, at iba pang mga kasiyahan; palagi siyang nagdarasal sa kanyang puso, sinusuri ang kanyang sarili para malaman kung may mali siyang nagawa kamakailan o kung sumalungat ba siya sa katotohanan sa ilang paraan. Karaniwan, kapag humaharap ka sa isang malubhang karamdaman o kakaibang sakit na nagdudulot sa iyo ng matinding pagdurusa, hindi ito nagkakataon lang. Ang layunin ng Diyos ay kapwa nasa iyong karamdaman at sa iyong magandang kalusugan. Sa pangkalahatan, kapag gumagawa ang Banal na Espiritu at maayos ang katawan mo, kaya mong hanapin ang Diyos, pero tumitigil ka sa paghahanap sa Diyos kapag nagkakasakit at nagdurusa ka, ni hindi mo rin alam kung paano Siya hanapin. Namumuhay ka sa kalagayang may karamdaman, palaging pinag-iisipan kung ano ang gamutang mas mabilis na makapagpapagaling sa iyo. Naiinggit ka sa mga taong walang sakit sa ganitong mga pagkakataon, at gusto mong mawala ang iyong karamdaman sa lalong madaling panahon. Isa itong emosyon ng pagiging salungat nang may pagkanegatibo. Minsan, kapag nagkakasakit ang mga tao, iniisip nila, “Idinulot ko ba ang karamdamang ito sa pamamagitan ng sarili kong kamangmangan, o narito ba ang layunin ng Diyos?” Hindi talaga ito malinaw sa kanila. Sa katunayan, normal naman ang ilang karamdaman, tulad ng pagkaginaw o pag-init sa loob ng katawan, o trangkaso. Kapag pinahihirapan ka ng isang matinding karamdaman na biglaang nagpapabagsak sa iyo, na nagpapamukhang mas masahol ang buhay kaysa kamatayan, ang gayong karamdaman ay hindi nagkakataon lang: Ito ay dahil sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Nagdarasal ka ba sa Diyos at naghahanap mula sa Kanya kapag nahaharap ka sa karamdaman at pagdurusa? Paano gumagawa ang Banal na Espiritu para gabayan ka at akayin ka? Binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka lang ba Niya? Hindi lang iyon ang Kanyang pamamaraan; susubukin at pipinuhin ka rin Niya. Paano sinusubok ng Diyos ang mga tao? Hindi ba’t sinusubok Niya ang mga tao sa pamamagitan ng pagdudulot ng pagdurusa sa kanila? Kalakip ng mga pagsubok ang pagdurusa. Kung hindi dahil sa mga pagsubok, paano magdurusa ang mga tao? At kung walang pagdurusa ng mga pagsubok, paano magbabago ang mga tao? Kalakip ng mga pagsubok ang pagdurusa—kung kaya ng mga taong magpasakop sa Diyos, gagawa ang Banal na Espiritu. Minsan, binibigyan ng Diyos ang mga tao ng kaunting pagdurusa; kung hindi, hindi nila malalaman ang posisyon nila sa sansinukob, at magiging lubhang mapagmataas. Ang problema ng mga tiwaling disposisyon ay hindi malulutas sa pamamagitan lang ng pagbabahagi ng ibang tao tungkol sa katotohanan; kailangan mo ring tanggapin ang katotohanan bago ito ganap na malutas. Maaaring tukuyin ng iba ang mga isyu mo, at maaaring alam mo mismo ang mga ito, pero hindi mo kayang baguhin ang mga ito. Gaano ka man umasa sa iyong determinasyon para pigilan ang iyong sarili, kahit pa sampalin mo ang sarili mong mukha, paluin ang iyong sarili sa ulo, iuntog ang iyong sarili sa pader, at saktan ang iyong sariling laman—wala sa mga ito ang makakalutas sa mga isyu mo. Dahil may mga satanikong disposisyon sa loob mo na patuloy na nagpapahirap at gumugulo sa iyo, nagbibigay sa iyo ng lahat ng uri ng mga kaisipan at ideya, mabubunyag ang mga tiwali mong disposisyon. Kung hindi mo mismo hahanapin ang katotohanan at lulutasin ang mga ito, dapat kang pinuhin sa pamamagitan ng mga sakit. Ang ilan sa inyo ay labis na nagdurusa sa pagpipinong ito kaya hindi na ninyo ito makayanan, at nagsisimula kayong manalangin at maghanap. Kapag wala kang karamdaman, masyado kang mapagpalayaw at labis na mapagmataas. Kapag nagkakasakit ka, umaamo ka—kaya mo pa rin bang maging labis na mapagmataas sa oras na iyon? Kapag halos wala kang sapat na lakas para magsalita, makapagsesermon ka pa rin ba sa iba o makapagmamataas? Sa mga pagkakataong tulad niyon, hindi ka humihingi; hinihiling mo lang na mawala ang iyong pagdurusa, na hindi iniisip ang anumang pagkain, damit, o kasiyahan. Karamihan sa inyo ay hindi pa iyon nararamdaman, pero mauunawaan ninyo iyon kapag naramdaman na ninyo. Sa ngayon ay may ilang taong palaging nakikipaglaban para sa katayuan, para sa mga kasiyahan ng laman, at para sa mga sarili nilang interes. Ang lahat ng ito ay dahil masyado silang komportable, masyadong kaunti ang kanilang pagdurusa, at hinahamak nila ang sarili nila. Pagpipino sa pamamagitan ng paghihirap ang naghihintay sa mga taong ito!

Kung minsan, maghahanda ang Diyos ng ilang sitwasyon para sa iyo, pinupungusan ka sa pamamagitan ng mga tao sa paligid mo at pinagdurusa ka, idinudulot na matuto ka ng mga aral at nagbibigay-daan sa iyo na maunawaan ang katotohanan at makita kung ano talaga ang mga bagay-bagay. Ginagawa na ng Diyos ang gawaing ito ngayon; hinahayaan Niya na magkaroon ng ilang karamdaman at pagdurusa ang iyong laman, upang madalas kang makalapit sa Kanya para hanapin ang katotohanan, magnilay sa iyong sarili, at matuto ng mga aral, at sa gayon ay nagagawa mong lutasin ang mga tiwali mong disposisyon at tuparin nang maayos ang iyong tungkulin. Halimbawa, madalas sabihin ni Pablo na mayroon siyang tinik sa kanyang laman—ano ang tinik na ito? Isa itong uri ng karamdaman, at hindi niya ito matakasan. Alam na alam niya kung ano ang karamdamang ito, na nakapuntirya ito sa kanyang disposisyon at kalikasan. Kung hindi nakabaon sa kanya ang tinik na ito, kung hindi siya patuloy na kinapitan ng karamdamang ito, maaaring, sa anumang lugar at sandali, magtatag siya ng sarili niyang kaharian, ngunit sa karamdamang ito ay hindi siya nagkaroon ng lakas para doon. Samakatwid, kalimitan, ang karamdaman ay isang uri ng “pananggalang na payong” para sa mga tao. Kung wala kang karamdaman, kung ano-ano ang maiisip mo, at magsasalita at kikilos ka nang walang anumang pagpigil, nag-uumapaw sa sigla, at malamang na makagawa ka ng kung anong uri ng kasamaan at makapagdulot ng kung anong uri ng problema. Madaling mawala ang katwiran ng mga tao kapag sila ay labis na mapagmataas at mapagpalayaw. Pagsisisihan nila kapag nakagawa sila ng kasamaan, pero sa sandaling iyon, mawawala ito sa kanilang kontrol. Iyon ang dahilan kung bakit ang pagkakaroon ng kaunting karamdaman ay isang mabuting bagay, isang proteksyon para sa mga tao. Maaaring malutas mo ang lahat ng problema ng ibang tao at maaayos mo ang lahat ng problema sa sarili mong pag-iisip, pero wala kang magagawa kapag hindi ka pa gumagaling sa isang karamdaman. Ang pagkakasakit ay talagang wala sa iyong kontrol. Kung magkakasakit ka at imposible itong magamot, iyon ang pagdurusang dapat mong tiisin. Huwag mong subukang alisin ito; kailangan mo munang magpasakop, magdasal sa Diyos, at hanapin ang mga pagnanais ng Diyos. Sabihin mo, “O Diyos, alam kong ako ay tiwali at masama ang aking kalikasan. Kaya kong gumawa ng mga bagay na mapaghimagsik at lumalaban sa Iyo, mga bagay na nakasasakit at nagdudulot sa Iyo ng pasakit. Napakagandang ibinigay Mo sa akin ang karamdamang ito. Dapat akong magpasakop. Pakiusap, bigyang-liwanag Mo ako, pahintulutan akong maunawaan kung ano ang layunin Mo, at kung ano ang gusto Mong baguhin at gawing perpekto sa akin. Hiling ko lang na patnubayan Mo ako, para maunawaan ko ang katotohanan at matahak ko ang tamang landas ng buhay.” Kailangan mong maghanap at magdasal. Hindi ka puwedeng maguluhan, sa paniniwalang walang anuman ang pagkakasakit, na hindi maaaring ito ang disiplinang iyong natatanggap dahil sa pagsalungat sa Diyos. Huwag kang padalos-dalos sa paghusga. Kung isa ka talagang taong nasa puso ang Diyos, anuman ang iyong makaharap, huwag mong hayaang makalagpas ito sa iyo. Dapat kang magdasal at maghanap, arukin mo ang pagnanais ng Diyos sa bawat bagay, at matutong magpasakop sa Diyos. Kapag nakikita ng Diyos na kaya mong magpasakop at na mayroon kang pusong nagpapasakop sa Diyos, iibsan Niya ang iyong pagdurusa. Nilalayong makamit ng Diyos ang gayong mga epekto sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, Pinakamahalagang Bagay ang Pagkakamit ng Katotohanan

Ang ilang tao ay nagkakasakit nang malubha—hindi makayanan ang pasakit nila, at ang ilan ay nahaharap pa sa kamatayan. Paano nila dapat harapin ang ganitong uri ng sitwasyon? Sa maraming pagkakataon, ang mga pagsubok ng Diyos ay mga pasaning ibinibigay Niya sa mga tao. Gaano man kabigat ang pasaning inilagay sa iyo ng Diyos, iyan ang pasaning dapat mong buhatin, sapagkat nauunawaan ka ng Diyos, at alam Niyang kaya mong pasanin ito. Ang pasaning bigay sa iyo ng Diyos ay hindi hihigit sa iyong tayog o sa mga limitasyon ng iyong pagtitiis, at walang duda na makakaya mong pasanin iyon. Anumang uri ng pasanin ang ibinibigay sa iyo ng Diyos, anumang uri ng pagsubok, tandaan mo ang isang bagay: Nauunawaan mo man o hindi ang mga layunin ng Diyos at binibigyang-liwanag at tinatanglawan ka man o hindi ng Banal na Espiritu pagkatapos mong manalangin, pagdidisiplina o pagbibigay-babala man sa iyo ng Diyos ang pagsubok na ito o hindi, hindi mahalaga kung hindi mo ito nauunawaan—basta’t hindi ka nagpapaliban sa paggawa ng iyong tungkulin at tapat mong napanghahawakan ang iyong tungkulin, malulugod ang Diyos, at maninindigan ka sa iyong patotoo. Kapag ang ilang tao ay nagdurusa mula sa isang malubhang sakit at mamamatay na, iniisip nila, “Para mismo makaiwas sa kamatayan kaya ako nagsimulang manampalataya sa Diyos, pero lumalabas na kahit pagkatapos ng lahat ng taong ito ng paggampan sa aking tungkulin, hahayaan Niya pa rin akong mamatay. Hindi ba’t nangangahulugan iyon na walang saysay ang paggampan ko sa aking tungkulin? Dapat muna akong humanap ng paraan para mapagamot ang aking sakit, at pagkatapos ay tuparin ang mga hindi ko pa natutupad na pagnanais, at huwag nang mag-aksaya ng oras at tamasahin ang mga bagay na hindi ko kailanman natamasa sa buhay na ito. Titigil muna ako sa paggampan sa aking tungkulin sa ngayon.” Anong saloobin ito? Ilang taon mo nang ginagawa ang iyong tungkulin, nakinig ka na sa lahat ng sermon na ito, at hindi mo pa rin nauunawaan ang katotohanan. Ibinabagsak ka, pinaluluhod ka, at ibinubunyag ka ng isang pagsubok. Karapat-dapat ba ang gayong tao sa mga damdamin ng pagmamalasakit ng Diyos? (Hindi sila karapat-dapat.) Ganap silang walang katapatan. Kaya ano ang tawag sa tungkuling ilang taon na nilang ginagawa? Tinatawag itong “pagtatrabaho,” at nagsusumikap lang sila. Kung, sa iyong pananalig sa Diyos at paghahangad sa katotohanan, nasasabi mong, “Itulot man ng Diyos ang karamdaman o anumang hindi kaaya-ayang pangyayari na sumapit sa akin—anuman ang gawin ng Diyos—kailangan kong magpasakop, at manatili sa aking lugar bilang isang nilikha. Bago ang lahat, kailangan kong isagawa ang aspektong ito ng katotohanan—ang pagpapasakop—dapat ko itong ipatupad, at isabuhay ang realidad ng pagpapasakop sa Diyos. Bukod pa rito, hindi ko dapat isantabi ang inatas sa akin ng Diyos at ang tungkuling dapat kong gawin. Kahit sa aking huling hininga, kailangan kong panghawakan ang aking tungkulin,” hindi ba’t pagpapatotoo ito? Kapag mayroon kang ganitong uri ng determinasyon at ganitong uri ng kalagayan, magrereklamo ka pa rin ba tungkol sa Diyos? Hindi, hindi ka magrereklamo. Sa gayong pagkakataon, iisipin mo sa iyong sarili, “Ibinibigay sa akin ng Diyos ang hiningang ito, tinustusan at pinrotektahan Niya ako sa lahat ng taong ito, inilayo Niya ako sa labis na pasakit, binigyan ako ng maraming biyaya, at maraming katotohanan. Naunawaan ko na ang mga katotohanan at misteryo na hindi naunawaan ng mga tao sa loob ng lahat ng kapanahunan at henerasyon. Napakarami kong nakamit mula sa Diyos, kaya kailangan kong suklian ang Diyos! Dati-rati, mababa ang tayog ko, hindi ko alam ang mas makakabuti, at palagi akong gumagawa ng mga bagay na nakakasakit sa Diyos. Maaaring wala na akong mga pagkakataon para suklian ang Diyos sa hinaharap. Gaano man kahabang panahon ang natitira sa akin para mabuhay, kailangan kong ialay ang kaunting lakas na mayroon ako, at ialay sa Diyos ang lahat ng aking makakaya, upang makita ng Diyos na lahat ng taon ng pagtustos Niya para sa akin ay hindi nawalan ng saysay, kundi nagkaroon ng bunga, at nang sa gayon ay makapaghatid ako ng kapanatagan sa Diyos, at hindi ko na Siya saktan o biguin.” Ano ang tingin mo roon? Huwag mong isipin kung paano iligtas ang sarili mo o tumakas, na iniisip, “Kailan gagaling ang karamdamang ito? Kapag gumaling ito, gagawin ko ang aking makakaya para gawin ang aking tungkulin at maging deboto. Paano ako magiging deboto kapag may karamdaman ako? Paano ko magagawa ang tungkulin ng isang nilikha?” Hangga’t mayroon kang isang hininga, hindi mo ba kayang gawin ang iyong tungkulin? Hangga’t mayroon kang isang hininga, kaya mo bang hindi bigyang-kahihiyan ang Diyos? Hangga’t mayroon kang isang hininga, hangga’t matino ang iyong pag-iisip, kaya mo bang hindi magreklamo tungkol sa Diyos? (Oo.) Madaling sabihing “Oo” ngayon, pero kapag tunay kang nagkasakit, sasabihin mong “Hindi ito madali.” Kaya, kailangan ninyong hangarin ang katotohanan, madalas na magsumikap sa katotohanan, at higit na pagnilayan kung paano ninyo matutugunan ang mga layunin ng Diyos, paano ninyo masusuklian ang pagmamahal ng Diyos, at paano ninyo matutupad ang tungkulin ng isang nilikha. Ano ang isang nilikha? Ang responsabilidad ba ng isang nilikha ay makinig lamang sa mga salita ng Diyos? Hindi—iyon ay para din isabuhay ang mga salita ng Diyos. Binigyan ka na ng Diyos ng napakaraming katotohanan, napakaraming daan, at napakaraming buhay, para maisabuhay mo ang mga bagay na ito, at magpatotoo ka para sa Kanya. Ito ang dapat gawin ng isang nilikha, at ito ang responsabilidad at obligasyon mo. Dapat mong pagnilayan nang madalas ang mga bagay na ito; kung lagi mong pagninilayan ang mga ito, lalalim ka sa lahat ng aspekto ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Maaaring Magkaroon ng Landas na Susundin

Kapag nagkakasakit ang ilang tao, pinipiga nila ang utak nila para gumamit ng samu’t saring paraan upang magamot ang kanilang mga karamdaman, ngunit anumang paggamot ang gawin, hindi sila gumagaling. Habang lalo silang ginagamot, lalong lumalala ang karamdaman. Sa halip na manalangin sa Diyos para siyasatin kung ano mismo ang nangyayari sa sakit, at hanapin ang pinag-uugatan nito, sila na mismo ang kumikilos. Nauuwi sila sa paggamit ng napakaraming paraan at paggastos nang malaki, ngunit nabibigo pa rin silang mapagamot ang kanilang sakit. Pagkatapos, ilang panahon matapos silang sumuko sa pagpapagamot, gumagaling ang karamdaman nila nang hindi nila namamalayan, at hindi nila alam kung paano ito nangyari. May ilang taong nagkakaroon ng hindi kapansin-pansing sakit at hindi talaga nila ito inaalala, ngunit isang araw lumalala ang kondisyon nila at bigla na lang silang namamatay. Ano ang nangyayari dito? Hindi iyon maarok ng mga tao. Sa katunayan, mula sa pananaw ng Diyos, natapos na ang misyon ng taong iyon sa mundong ito, kaya kinuha na Niya ito. Madalas sinasabi ng mga tao, “Hindi mamamatay ang mga tao kung wala silang sakit.” Totoo ba talaga iyon? May mga tao na, pagkatapos masuri sa ospital, ay napag-alamang walang sakit, at talagang malusog sila, ngunit namatay sila makalipas ang ilang araw. Ang tawag dito ay pagkamatay nang walang sakit. Maraming ganoong tao. Ibig sabihin nito, umabot na sila sa dulo ng kanilang buhay, at kinuha na sila pabalik ng espirituwal na mundo. May ilang tao na nagkaroon ng kanser at tuberkulosis ngunit nakaligtas at umabot pa hanggang pitumpu o walumpung taong gulang. Marami-raming ganoong tao. Ang lahat ng ito ay nakadepende sa pag-orden ng Diyos. Ang pagkakaroon ng ganitong pagkaunawa ay tunay na pananalig sa Diyos. Kung may sakit ka at kailangan mong uminom ng gamot upang mapangasiwaan ang iyong kondisyon, uminom ka lang ng gamot o mag-ehersisyo kung kinakailangan, nagrerelaks at kalmado itong pinangangasiwaan. Ano ang tingin mo sa saloobing ito? Ito ay isang saloobin ng tunay na pananalig sa Diyos. Ipagpalagay na hindi ka umiinom ng gamot, hindi ka nagpapaturok, hindi ka nag-eehersisyo, hindi mo inaalagaan ang iyong kalusugan, at pagkatapos ay alalang-alala ka pa rin, nananalangin sa lahat ng oras, “O Diyos, ayokong mamatay. Hindi pa natatapos ang aking misyon. Nais kong tuparin nang maayos ang aking mga tungkulin at tapusin ang Iyong atas. Kung mamamatay ako, hindi ko matatapos ang ibinigay Mong gawain. Ayokong may pagsisihan. Diyos ko, pakiusap, pakinggan Mo ang aking mga panalangin; hayaan Mo akong mabuhay nang sa gayon ay matupad ko nang maayos ang aking mga tungkulin at matapos ang Iyong atas. Nais kong papurihan Ka magpakailanpaman at makita agad ang araw na magkamit Ka ng kaluwalhatian.” Batay sa lahat ng nakikita sa panlabas, hindi ka umiinom ng gamot o nagpapaturok—mukhang napakalakas mo at puno ka ng pananalig sa Diyos. Ang totoo ay mas maliit pa sa binhi ng mustasa ang iyong pananalig. Takot na takot ka sa kamatayan, at wala kang pananalig sa Diyos. Bakit wala kang pananalig? Paano ito nangyari? Sadyang hindi nauunawaan ng mga tao ang saloobin, mga prinsipyo, at mga paraan ng pakikitungo ng Lumikha sa mga nilikha, kaya ginagamit nila ang kanilang sariling limitadong pananaw, at ang kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, para hulaan kung ano ang gagawin ng Diyos. Gusto nilang makipagpustahan sa Diyos upang makita kung pagagalingin ba sila ng Diyos at hahayaan silang mabuhay nang matagal. Hindi ba’t kahangalan ito? Kung papayagan ka ng Diyos na mabuhay, hindi ka mamamatay kahit na gaano pa kalala ang maging sakit mo. Kung hindi ka papayagan ng Diyos na mabuhay, kahit na wala kang sakit, mamamatay ka pa rin kung iyon ang nakatakda. Ang haba ng iyong buhay ay paunang inorden ng Diyos. Kung nakikita mo nang malinaw ang usaping ito, ipinapakita nito na nauunawaan mo ang katotohanan at mayroon kang tunay na pananalig. Kaya, hinahayaan ba ng Diyos na basta magkasakit ang mga tao? Hindi iyon nagkataon; isang paraan iyon upang pinuhin ang kanilang pananalig. Dapat na tiisin ng mga tao ang paghihirap na ito. Kung hahayaan Niyang magkasakit ka, huwag mong subukang takasan iyon; kung hindi naman, huwag mong hilingin iyon. Lahat ay nasa mga kamay ng Lumikha, at kailangang matutunan ng mga tao na hayaan na gumalaw nang natural ang mga bagay-bagay. Ano ang natural? Walang anumang bagay na natural ang nagkataon lamang; lahat ng iyon ay nagmumula sa Diyos. Ito ang totoo. Sa mga taong dumaranas ng parehong karamdaman, ang ilan ay namamatay at ang iba naman ay nabubuhay; ang lahat ng ito ay paunang inorden ng Diyos. Kung mabubuhay ka, nagpapatunay iyon na hindi mo pa natapos ang misyong ibinigay sa iyo ng Diyos. Dapat mong pagsumikapang tapusin ito at pahalagahan ang panahong ito; huwag mong sayangin iyon. Ganito iyon. Kung may sakit ka, huwag mong subukang takasan ito, at kung wala kang sakit, huwag mo itong hilingin. Hindi mo makukuha ang isang bagay sa simpleng paghiling, ni maiiwasan mo ang isang bagay sa simpleng pagtangkang takasan ito. Walang sinumang makapagbabago sa itinakda ng Diyos na Kanyang gagawin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

May ilang tao na palaging nag-aalala tungkol sa kanilang karamdaman, sinasabi nila, “Makakaya ko kayang tiisin kung lumala ang sakit ko? Kung lumubha ang kalagayan ko, ikamamatay ko ba ito? Nagpasakop na ako sa Diyos, kaya hahayaan ba ng Diyos na kunin ng sakit na ito ang buhay ko? Kailangan ko bang magpaopera para sa sakit na ito? At kung magpapaopera ako, mamamatay ba ako sa operating table?” Ano ang silbi ng pag-iisip tungkol sa mga bagay na ito? Dapat kang magdasal sa Diyos at hanapin mo ang katotohanan. Kung aasa ka sa sarili mo, tiyak na hindi mo ito kakayaning tiisin. Walang gustong magtiis ng karamdaman, at walang taong napapangiti, nagagalak nang husto, at nagsasaya kapag siya ay nagkakasakit. Walang taong ganito dahil hindi ito normal na pagkatao. Kapag nagkakasakit ang mga normal na tao, lahat sila ay nagdurusa at nababagabag, at may isang partikular na hangganan sa kung ano ang kaya nilang tiisin. Ngunit kung palaging gustong umasa ng mga tao sa sarili nilang lakas para maalis ang kanilang sakit at takasan ito, ano ang magiging huling resulta? Hindi lang nila hindi maiibsan ang kanilang pagdurusa, kundi lalo pa silang magdurusa at mababagabag. Iyon ang dahilan kung bakit habang mas nagdurusa ka sa sakit, mas dapat mong hanapin ang katotohanan, at hanapin kung paano magsagawa alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Habang mas nagdurusa ka sa sakit, mas dapat kang lumapit sa harapan ng Diyos at kilalanin ang sarili mong katiwalian at ang iyong mga di-makatwirang hinihingi sa Diyos. Habang mas nagdurusa ka sa sakit, mas sinusubok ang iyong tunay na pagpapasakop. Samakatwid, kung kaya mo pa ring magpasakop sa mga pamamatnugot ng Diyos habang nagtitiis ng sakit, at kaya mong hindi magreklamo tungkol sa Diyos at bitiwan din ang iyong mga di-makatwirang hinihingi sa Kanya kahit na mayroon kang nakamamatay na sakit, ipinapakita nito na isa kang taong taos-pusong naghahangad sa katotohanan at nagpapasakop sa Diyos, na mayroon kang patotoo, at na ang iyong katapatan at pagpapasakop sa Diyos ay tunay, na ang mga ito ay hindi mga islogan o doktrina, at sa halip ay nakakatagal sa pagsubok. Ito ang dapat isagawa ng mga tao kapag nagkakasakit sila. Kapag nagkakasakit ka, sa isang banda, ito ay upang ibunyag ang lahat ng iyong mga di-makatwirang hinihingi, pati na ang iyong mga hindi makatotohanang imahinasyon at kuru-kuro tungkol sa Diyos, at sa kabilang banda, ito ay upang subukin ang iyong pananalig sa Diyos at pagpapasakop sa Kanya. Kung papasa ka sa pagsubok sa mga aspektong ito, mayroon kang tunay na patotoo at tunay na ebidensya ng iyong pananalig sa Diyos, katapatan sa Kanya, at pagpapasakop sa Kanya. Ito ang nais ng Diyos, at ito ang dapat taglayin at ipamuhay ng isang nilikha. Hindi ba’t pawang positibo ang mga bagay na ito? (Oo.) Ang lahat ng ito ay mga bagay na dapat hangarin ng mga tao. Higit pa rito, kung kaya ng Diyos na hayaan kang magkasakit, hindi ba’t kaya Niya ring alisin ang sakit mo sa anumang oras at lugar? (Oo.) Kaya hindi ba’t kaya Niya ring gawin na manatili sa iyo ang sakit at hindi ito mawala? (Oo.) At kung gagawin ng Diyos na manatili sa iyo ang sakit mo, magagawa mo pa rin bang gampanan ang tungkulin mo? Magagawa mo pa rin bang kumapit sa iyong pananampalataya sa Diyos? Hindi ba’t magiging pagsubok ito sa iyo? (Oo.) Kung magkakasakit ka at gagaling pagkatapos ng ilang araw o isa o dalawang buwan, at hindi pa naibubunyag kung ano ang lagay ng iyong pananalig sa Diyos at ang iyong katapatan at pagpapasakop sa Kanya, kung gayon ay hindi matutukoy kung mayroon kang patotoo o wala. Madali para sa isang tao na tiisin ang isang sakit na tumatagal lamang ng ilang araw o isa o dalawang buwan. Ngunit kung magpapatuloy ang sakit sa loob ng dalawa o tatlong taon, at hindi magbabago ang iyong pananalig at ang iyong pagpapasakop at katapatan sa Diyos, kundi sa halip ay magiging lalong praktikal, hindi ba’t magkakaroon ka ng patotoo kung gayon? (Oo.) Ito ay paglago sa buhay, at ito ay isang pakinabang. Kaya, habang may sakit ang isang taong tunay na naghahangad ng katotohanan, nararanasan niya ang iba’t ibang pakinabang na dulot ng kanyang karamdaman, at hindi siya nagmamadaling maalis ito. Hindi siya nag-aalala kung anong mga kahihinatnan o problema ang idudulot kung magtatagal ang kanyang sakit, kung lalala ba ito, o kung mamamatay ba siya. Habang hindi nag-aalala sa mga bagay na ito, nagagawa rin niyang pumasok nang aktibo, at hanapin ang katotohanan upang malutas ang kanyang mga tiwaling disposisyon at ang kanyang mga hindi makatwirang kahilingan sa Diyos, at sa gayon ay makamit ang tunay na pananalig, katapatan, at pagpapasakop sa Diyos. Nagkakaroon siya ng patotoo, at marami rin siyang nakakamit pagdating sa kanyang buhay pagpasok at pagbabago ng disposisyon, at nagtatatag siya ng isang matibay na pundasyon para sa kanyang pagtatamo ng kaligtasan. Napakaganda niyon! Higit pa rito, ang isang sakit ay maaaring malubha o hindi, ngunit sa alinmang kaso, ito ay isang pagsubok at pagpipino para sa mga tao. Ang ilang karamdaman ay hindi nagtatagal at nagagawa itong tiisin ng mga tao. Habang nararanasan ng mga tao ang gayong mga karamdaman, hindi sila nawawalan ng pananalig sa Diyos, hindi sila nagrereklamo, at sila ay mapagpasakop sa Diyos. Ang kanilang mga pagpapamalas, sa pangkalahatan, ay pasok sa pamantayan, at pagkatapos itong maranasan, mayroon silang nakamit at medyo kontento sila. Ganito ang kaso sa mga karaniwang karamdaman. Gayumpaman, may ilang karamdaman, sa kabila ng pagbuti pagkatapos ng isang panahon ng paggamot, na bumabalik at lumalala, hanggang sa ang sakit ay maging napakalubha na kahit ang malalaking ospital ay hindi na ito kayang gamutin, at ang taong nagdurusa rito ay maaaring humarap sa kamatayan anumang sandali. Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na limitado na lang ang natitirang oras nila para mabuhay, na hindi na ito ang panahon na wala silang sakit at malayo pa ang kamatayan, at na sa halip ay nahaharap na sila sa katapusan ng kanilang mga araw—ibig sabihin, nahaharap sila sa pinakamahirap at pinakakritikal na sandali sa kanilang buhay: ang kamatayan. Bawat tao ay nakakaramdam ng pagkabagabag, pagkabalisa, pag-aalala, at kawalan ng magawa kapag papalapit na sa kanila ang kamatayan—ito ang huli at pinakamahirap na sandali sa buhay ng isang tao. Habang lalong kinatatakutan ng mga tao ang kamatayan, lalong lumalapit sa kanila ang kamatayan, at habang lalo nilang ayaw harapin ang kamatayan, lalo itong dumadagan sa kanila. Ano ang dapat nilang gawin? … Ang kamatayan ang pinakamasakit sa lahat, at kapag naiisip niya ito, parang may kutsilyong ipinipilipit sa kanyang puso, at hindi niya mapigilang mapaluha. Dati, noong hindi pa malubha ang sakit niya, iniisip niyang hindi nakakatakot ang kamatayan: “Sino ba ang hindi humaharap sa kamatayan? Kung mamatay ako, mamamatay ako!” Gayumpaman, ngayon ay napagtatanto niya na hindi madaling sabihin ang mga salitang ito. Kapag talagang napipinto na ang kamatayan, habang lalo niya itong iniisip, lalo siyang nakakaramdam ng takot, kawalan ng magawa, at pasakit. Ngunit kahit na ayaw niyang mamatay, ano ang magagawa niya? Kailangan pa rin niyang mamatay; walang sinuman ang makakatakas dito. Binibitag ng kamatayan ang mga tao; sa kanilang puso, ayaw nilang mamatay, ngunit pinupuno ng kamatayan ang kanilang puso at isipan. Talaga bang makatitiyak ka kung kailan ka mamamatay? Sinasabi ng ilang tao na nagpahula na sila at alam nila ang taon, buwan, at araw ng kanilang kamatayan. Talaga bang makatitiyak ka tungkol diyan? (Hindi.) Hindi ka makatitiyak kung kailan ka mamamatay—at hindi ito ang pinakamahalagang bagay. Ang susi ay kung ano ang magiging saloobin mo kung ang iyong sakit ay maaaring maging sanhi ng iyong napipintong kamatayan. Ito ay isang katanungang dapat mong pagnilay-nilayan at pag-isipan. Haharapin mo ba ang kamatayan nang may saloobin ng pagpapasakop, o haharapin mo ba ang kamatayan nang may saloobin ng pagtutol, pagtanggi, o pag-ayaw? Anong saloobin ang dapat mayroon ka? (Isang saloobin ng pagpapasakop.) Ang pagpapasakop na ito ay hindi makakamit at maisasagawa sa pagsasabi lang ng salita. Paano mo makakamit ang pagpapasakop na ito? Anong pag-unawa ang kailangang mayroon ka bago ka maging handang magpasakop? Hindi ito simple, hindi ba? (Hindi nga.) Kaya sabihin ninyo kung ano ang nasa inyong puso. (Kung magkasakit man ako nang malubha, iisipin ko na kahit mamatay man ako talaga, narito ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at dahil napakatiwali ng tao, kung mamatay man ako, ito ay pagiging matuwid ng Diyos, at walang karapatan ang tao na hingin sa Diyos na protektahan siya mula sa kamatayan. Iisipin ko rin na nakita ko na ang tamang landas sa buhay at nakaunawa rin ako ng maraming katotohanan sa pamamagitan ng pananampalataya sa Diyos, kaya kahit mamatay man ako noon din, magiging sulit ang lahat.) Ito ba ang tamang paraan ng pag-iisip? Masasabi bang mayroon itong isang tiyak na teoretikal na batayan? (Oo.) Sino pa ang magsasalita? (Kung isang araw ay magkasakit man ako talaga at haharap na sa kamatayan, ito rin ay kataas-taasang kapangyarihan at paunang pag-orden ng Diyos, at gaano man ako mag-alala o mabalisa, wala itong magiging silbi. Gugugulin ko ang kaunting panahong natitira sa akin sa pagtutuon sa kung paano ko magagampanan nang maayos ang aking tungkulin. Sa ganoong paraan, kahit mamatay ako, wala akong pagsisisihan. Ang pagkakaroon ng kaunting pagpapasakop sa Diyos sa aking mga huling araw ay mas mainam kaysa sa mamuhay sa takot at sindak.) Ano ang tingin mo sa ganitong pagkaunawa? Hindi ba’t mas mainam ito nang kaunti? (Oo.) Tama; ganito mo dapat tingnan ang usapin ng kamatayan. Ang lahat ay haharap sa kamatayan sa buhay nila, ibig sabihin, ang kamatayan ang kakaharapin ng lahat sa dulo ng kanilang paglalakbay. Ngunit, may iba’t ibang kalikasan ang kamatayan. Isa rito ay na, sa oras na pauna nang inorden ng Diyos, nakumpleto na ng isang tao ang sarili niyang misyon at tinutuldukan na ng Diyos ang kanyang pisikal na buhay, kaya nagwawakas na ang kanyang pisikal na buhay, bagama’t hindi ito nangangahulugang tapos na ang kanyang buhay. Kapag hindi na umiiral ang laman ng isang tao, tapos na ang kanyang buhay—ganito ba ang nangyayari? (Hindi.) Ang anyo ng magiging pag-iral ng iyong buhay pagkatapos ng kamatayan ay nakasalalay sa kung paano mo tinatrato ang gawain at mga salita ng Diyos habang ikaw ay nabubuhay pa—ito ay napakahalaga. Ang anyo ng iyong magiging pag-iral pagkatapos ng kamatayan, o kung ikaw ba ay iiral o hindi, ay nakasalalay sa iyong saloobin sa Diyos at sa katotohanan habang ikaw ay nabubuhay pa. Kung habang ikaw ay nabubuhay pa, kapag nahaharap ka sa kamatayan at sa lahat ng uri ng karamdaman, ang iyong saloobin sa katotohanan ay isang saloobin ng paghihimagsik, pagsalungat, at pagtutol, kung gayon ay sa anong paraan ka iiral kapag natapos na ang pisikal mong buhay? Tiyak na iiral ka sa ibang anyo, at tiyak na hindi magpapatuloy ang iyong buhay. Sa kabaligtaran, kung habang ikaw ay nabubuhay pa, kapag may kamalayan ka sa laman, ang iyong saloobin sa katotohanan at sa Diyos ay isang saloobin ng pagpapasakop at katapatan at mayroon kang tunay na pananalig, kung gayon, kahit na matapos ang iyong pisikal na buhay, ang iyong buhay ay patuloy pa rin na iiral sa ibang anyo sa ibang mundo. Ito ang depinisyon ng kamatayan. May isa pang puntong idaragdag: Ang usapin ng kamatayan ay kapareho ng kalikasan ng anumang iba pang malaking pangyayari sa buhay; wala sa mga bagay na ito ang nakasalalay sa pagpili ng tao, lalo nang hindi ito mababago ng kalooban ng tao, sa halip, lahat ng ito ay nasa ilalim ng paunang pag-orden at kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha. Kung magmamakaawa ang isang tao para sa kamatayan, hindi naman nangangahulugang mamamatay siya; kung magmamakaawa siyang mabuhay, hindi naman nangangahulugang mabubuhay siya. Ang lahat ng ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at paunang pag-orden ng Diyos, at ito ay binabago at pinagpapasyahan ng awtoridad ng Diyos, ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Kaya, kahit na magkaroon ka ng malubha o posibleng nakamamatay na sakit, hindi naman nangangahulugang mamamatay ka. Sino ang nagpapasya tungkol sa iyong kamatayan? (Ang Diyos.) Ang Diyos; hindi kayang pagpasyahan ng mga tao ang katunayang ito, tulad ng hindi mo maaaring piliin kung sino ang iyong mga magulang, o ang oras at lugar ng iyong kapanganakan. Pagdating sa mga usapin ng karamdaman at kamatayan, ang pinakamatalinong paraan ay ang hayaan na lang ang natural na takbo ng mga bagay at magpasakop, ang huwag gumawa ng mga pagpili, at ang huwag gumugol ng anumang pag-iisip o lakas sa mga usaping ito, o makaramdam ng pagkabagabag, pagkabalisa, o pag-aalala tungkol sa mga ito. Dahil hindi kayang pumili ng mga tao para sa kanilang sarili, ang paggugol ng napakaraming lakas at pag-iisip sa mga usaping ito ay kahangalan at hindi matalino.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (4)

May ilang taong palaging nagdarasal na pagalingin sila ng Diyos kapag nagsisimula silang magkasakit, pero sa kalaunan, kapag nakikita nilang hindi bumubuti ang kondisyon nila pagkatapos magdasal, nalulugmok sila sa kanilang karamdaman, at palaging nagrereklamo sa kanilang sarili, “Walang anumang mabuting naidulot sa akin ang pananampalataya sa Diyos. May sakit ako, at ayaw akong pagalingin ng Diyos!” Hindi ito tunay na pananalig. Wala talagang pagpapasakop dito, at ang nagiging resulta nito ay ang kanilang kamatayan, sa sandaling matapos na sila sa pagrereklamo. Ito ang pagpuksa ng Diyos sa kanilang laman at pagpapadala sa kanila sa impiyerno; ito na ang katapusan ng lahat para sa kanila. Hindi nila natamo ang pagkakataon na maligtas sa buhay na ito, at kailangang mapunta sa impiyerno ang kanilang mga kaluluwa. Ito ang huling yugto sa gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan, at kung matitiwalag ang isang tao, hinding-hindi na siya magkakaroon ng isa pang pagkakataon. Kung mamamatay ka habang ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas, ang kamatayang ito ay isang kaparusahan, hindi isang pangkaraniwang kamatayan. Ang mga taong namamatay bilang kaparusahan ay wala nang pagkakataong maligtas. Hindi ba’t patuloy na pinarurusahan si Pablo sa Hades? Dalawang libong taon na, at naroon pa rin siya, pinarurusahan! Mas masahol pa kung alam mong mali ang ginagawa mo, at mas malala pa ang magiging kaparusahan.

Sinasabi ng ilang tao, “Madalas akong magkasakit kamakailan, palagi akong nagdurusa at nasasaktan. Palagi akong nakararanas ng ilang bagay na hindi naaayon sa gusto ko, at hindi ko nadarama ang gawain ng Banal na Espiritu.” Tama iyan; ganito mismo gumagawa ang Banal na Espiritu kadalasan—hindi mo ito mararamdaman. Ito ay pagpipino. Minsan ay bibigyang-liwanag ka ng Banal na Espiritu at tutulutan kang maunawaan ang katotohanan. Minsan ay magsasaayos ang Diyos ng isang kapaligiran para sa iyo para subukan mong arukin at pagbulayan nang mag-isa nang sa gayon maunawaan mo ang mga layunin ng Diyos, sinusubok ka, pinapanday ka, at sinasanay ka sa kapaligirang iyon, pinalalago ka—ganito gumagawa ang Diyos sa mga tao. Wala kayong kaalaman nang magdaan kayo sa mga bagay-bagay noon dahil hindi ninyo pinagtuunan ang paghahanap sa katotohanan sa inyong puso. Kapag hindi nauunawaan ng isang tao ang katotohanan, hindi niya nakikita kung ano talaga ang anumang bagay at palaging baluktot ang kanyang pag-unawa. Katulad lang ito ng kapag nagkakasakit ang isang tao at naniniwalang ito ang pagdidisiplina sa kanya ng Diyos, gayong sa katunayan, ang ilang karamdaman ay gawa ng tao, dulot ng kawalan ng pagkaunawa sa mga panuntunan sa pamumuhay. Kapag kumakain ka nang walang pakundangang kawalang-ingat at hindi mo nauunawaan ang malusog na pamumuhay, nagkakaroon ka ng iba’t ibang sakit. Subalit sinasabi mong pagdidisiplina ito ng Diyos, gayong sa katunayan, nangyari ito dahil sa sarili mong kamangmangan. Pero gayumpaman, tao man ang sanhi ng isang karamdaman o ipinagkaloob ito ng Banal na Espiritu, isa itong espesyal na kabutihang mula sa Diyos; layon nitong matuto ka ng aral, at kailangan mong magpasalamat sa Diyos at hindi magreklamo. Ang bawat pagrereklamo mo ay nag-iiwan ng mantsa, at isa iyong kasalanang hindi mabubura! Kapag nagrereklamo ka, gaano katagal ang aabutin para mabago mo ang iyong kalagayan? Kung medyo negatibo ka, maaaring makabangon ka sa loob ng dalawang linggo o isang buwan. Gayumpaman, kung magrereklamo ka—isang pahayag na nagpapahiwatig ng negatibong emosyon at isang direktang pagrereklamo tungkol sa Diyos—maaaring hindi ka makabangon sa loob ng kalahating taon o isang buong taon pa nga, dahil tumigil na sa paggawa ang Banal na Espiritu. Kaya, anuman ang mangyari sa isang tao, ang magreklamo siya at direktang magreklamo tungkol sa Diyos ay isang napakaseryosong usapin, na nagpapahirap sa kanya na makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Napakasama ng palagiang pagrereklamo mo! Pinatutunayan nito na hindi mo minamahal ang katotohanan at hindi mo hinahanap ang katotohanan para lutasin ang mga bagay-bagay, lalong hindi ka lumalapit sa harap ng Diyos para magdasal. Paano mo makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu? Kung patuloy ka lang sa pagrereklamo at hindi mo tinatanggap ang katotohanan kahit kaunti, mahahayag ka bilang isang hindi mananampalataya. Gaano karaming pagsisikap ang dapat ibigay ng isang tao sa pagdarasal para maitama ang kanyang pag-iisip at magkamit ng kaunting gawain ng Banal na Espiritu? Hindi madaling bagay ang lubos na mabago ang isang pag-iisip. Magagawa lang ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan at pagtatamo ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, Pinakamahalagang Bagay ang Pagkakamit ng Katotohanan

Anumang sakit ang dumapo sa matandang laman ng isang tao, kung gaano ito katinding nagdurusa, o kung magagamot ba ang sakit na ito—wala sa mga ito ang nakasalalay sa kanila, lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Diyos. Kapag sumapit sa iyo ang sakit, makapagpasakop ka man sa mga pamamatnugot ng Diyos o hindi, handa ka mang tanggapin ang katunayang ito o hindi, nasa iyong katawan pa rin ang sakit; hindi mo ito maaalis. Kaya, lumilipas pa rin ang mga araw harapin mo man ang iyong karamdaman nang positibo o negatibo, at hindi mo mababago ang katunayan na nasa iyong katawan ang sakit na ito. Gayumpaman, maaari mong piliin kung ano ang iyong magiging saloobin dito. Kaya, anong pagpili ang gagawin ng isang matalinong tao? … Kapag ang mga taong naghahangad sa katotohanan ay nahaharap sa sakit, nalulugmok ba sila sa mga emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala? (Hindi.) Paano nila hinaharap ang pagkakasakit? (Una, nagagawa nilang magpasakop, at habang sila ay may sakit, hinahanap nilang maunawaan ang mga layunin ng Diyos at pagnilayan kung anong mga tiwaling disposisyon ang mayroon sila.) Tama ang pagninilay sa iyong sarili sa ganitong paraan, at ang magawang lutasin ang iyong mga tiwaling disposisyon ang siyang susi, ngunit kapag nangangailangan ng pagpapagamot ang isang karamdaman, kailangan mo pa ring magpagamot. Kung ito ay talagang isang malubhang karamdaman, ang hindi agarang pagpapagamot ay makakaantala sa iyong paggaling. Sa isang banda, dapat mong lutasin ang problema ng iyong mga tiwaling disposisyon, at sa kabilang banda, kailangan mo pa ring magpagamot para sa anumang karamdaman na nangangailangan nito—ito ang ginagawa ng isang matalinong tao. Kapag nagkakasakit ang mga hangal na tao, hindi nila alam na pagnilayan at subukang kilalanin ang kanilang sarili, ni hindi nila hinahanap ang katotohanan. Ang tanging ginagawa nila ay mag-alala at mamuhay sa kanilang karamdaman, iniisip nila, “Naku po, gagaling pa kaya ako mula sa sakit na ito? Sana pagalingin ako ng Diyos. Kung hindi ako pagagalingin ng Diyos, tiyak na mamamatay ako! Hindi ba’t labis akong magdurusa kapag namatay ako?” Anuman ang sakit na dumapo sa isang hangal na tao, hindi niya kailanman hinahanap ang katotohanan, at palagi niyang hindi makilatis ang mga usapin ng karamdaman at buhay at kamatayan. Sa sandaling magkasakit siya, nakadarama siya ng pagkabagabag, pag-aalala, pagkanegatibo, at ayaw na niyang gawin ang kanyang tungkulin. Gayumpaman, ang isang matalinong tao ay kayang hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay. Kahit pagdating sa pagkakasakit ng iba at pagkakaroon ng patotoong batay sa karanasan, kaya pa rin niyang tanggapin ang katotohanan at matuto ng mga aral sa pamamagitan nito, at sa gayon ay kaya niyang makilatis ang mga usapin ng pagkakasakit o pagharap sa kamatayan sa isang antas. Iyong mga hindi naghahanap sa katotohanan ay hindi ito hinahanap kahit na sila mismo ang magkasakit, at bilang resulta, namumuhay sila sa kanilang karamdaman, sinisisi ang lahat para dito, na napakapanganib. Pagdating sa usapin ng karamdaman, anong pagkaunawa at kabatiran ang dapat taglayin ng mga tao? Una sa lahat, iiwasan ba ng karamdaman ang isang tao dahil nakakaramdam siya ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala? (Hindi.) Kung kailan magkakasakit ang isang tao, at kung kailan siya magkakaroon ng malubha o seryosong karamdaman—sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t pauna nang itinakda ang mga bagay na ito? Tiyak na ganoon nga. Pagkatapos ng isang buong buhay ng karanasan, maraming tao ang nakabubuo ng kongklusyon na “Ang kapalaran ng tao ay itinakda ng Langit.” At bagama’t hindi alam ng mga tao kung ano ang magiging takbo ng kanilang buong buhay, kayang makita ng mga walang pananampalatayang manghuhula at mambabasa ng mukha ang malaking bahagi ng habambuhay na tadhana ng isang tao, kaya lubos na nagiging kumbinsido ang mga tao. Mula sa mga bagay na ito, makukumpirma rin na ang lahat ay pauna nang inorden ng Diyos. Samakatwid, kailanman makaharap ng isang tao ang anumang bagay sa kanyang buhay o kung kailan man siya magkaroon ng malubhang karamdaman, nakatadhanang mangyari ito. Kapag kumakain ang mga tao ng parehong pagkain, at halos pareho ang ginagawang trabaho at tinitiis na mga paghihirap at pagkapagod, bakit ang ilang tao ay nagkakasakit nang malubha samantalang ang iba ay hindi nagkakasakit? Sinasabi ng mga walang pananampalataya na “nakatadhana itong mangyari,” kaya ano ang sinasabi natin tungkol dito sa sambahayan ng Diyos gamit ang mga salitang naaayon sa katotohanan? Lahat ng ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos; pauna na itong inorden ng Diyos. Samakatwid, anuman ang iyong kinakain at iniinom at anumang kapaligiran ang iyong tinitirhan, ang mga bagay na ito ay talagang walang kinalaman sa kung kailan ka magkakaroon ng malubha o seryosong karamdaman. Kung ang isang tao ay itinadhana ng Diyos na maging malusog, kahit na napakahirap ng kanyang mga kondisyon sa pamumuhay at kapaligiran sa gawain, hindi siya magkakaroon ng malubhang karamdaman. Kung nakatadhana siyang magkasakit, kahit na maganda ang kanyang mga kondisyon sa pamumuhay, magkakasakit pa rin siya. Samakatwid, anuman ang sakit na dumapo sa isang tao, hindi siya dapat palaging maghanap ng mga obhetibong dahilan, at palaging isipin na ito ay dulot ng mahirap na kondisyon sa pamumuhay o pagkapagod na may kaugnayan sa gawain—ito ay hindi tama. Sinasabi Ko sa iyo, ang lahat ng iba’t ibang pagkain na nilikha ng Diyos para sa tao ay mga pagkain na nararapat na kainin ng tao; huwag lamang maging malabis sa pagkain nito, at sa halip ay kumain lang nang sapat. Kailangan mong matutunan kung paano alagaan ang iyong kalusugan, ngunit ang palaging pagnanais na pag-aralan kung paano maiiwasan ang sakit ay mali. Gaya ng sinabi natin kanina, kung ano ang magiging kalagayan ng kalusugan ng isang tao sa isang partikular na edad at kung siya ba ay magkakaroon ng malalang sakit ay pawang isinasaayos ng Diyos. Kahit ang ilang walang pananampalataya ay kayang sabihin kung kailan magkakasakit ang isang tao at kung kailan siya mamamatay sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang palad, mukha, o birth chart, at kahit sila ay naniniwala na ang lahat ng ito ay pauna nang itinakda. Kung hindi ka naniniwala sa kataas-taasang kapangyarihan at paunang pag-orden ng Diyos sa kabila ng pananampalataya sa Diyos at madalas na pakikinig sa mga sermon at sa pagbabahaginan tungkol sa katotohanan, kung gayon ay sadyang isa kang hindi mananampalataya, at ang iyong kakayahan ay mas mahina pa kaysa sa mga walang pananampalataya na naniniwala sa tadhana. Kung tunay kang nananampalataya na ang lahat ay nasa mga kamay ng Diyos, dapat mong paniwalaan na ang lahat ng bagay na ito—ang malulubhang sakit, malalalang sakit, mga simpleng sakit, o kung kumusta ang pisikal na kondisyon ng isang tao—ay nasasailalim sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at na ang paglitaw ng isang malubhang sakit at kung ano ba ang kalagayan ng kalusugan ng isang tao sa isang partikular na edad ay hindi mga bagay na nangyayari nang nagkataon lang. Isa itong uri ng positibo at tumpak na pag-unawa. Ito ba ay ayon sa katotohanan? (Oo.) Ito ay ayon sa katotohanan, ito ang katotohanan. Dapat mong tanggapin ito, at ang iyong saloobin at mga pananaw sa bagay na ito ay dapat na magbago. At ano ang nalulutas sa sandaling magbago ang mga bagay na ito? Hindi ba’t nalulutas na ang iyong mga damdamin ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala? Kahit papaano man lang, ang iyong mga negatibong emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala tungkol sa pagkakasakit ay nalulutas sa kognitibong antas. Dahil binago ng katotohanang ito ang iyong mga kaisipan at pananaw, nalulutas nito ang iyong mga negatibong emosyon. Isang aspekto ito: Hindi mababago ng kalooban ng tao kung magkakasakit ba ang isang tao o hindi, kung anong malubhang sakit ang dadapo sa kanya, at kung ano ang kalagayan ng kalusugan niya sa bawat yugto ng kanyang buhay, kundi ito ay pawang pauna nang inorden ng Diyos. Sinasabi ng ilang tao, “Ayaw kong magkasakit. Ayos lang ba kung hilingin ko sa Diyos na alisin sa akin ang sakit na ito at hayaan akong iwasan ang kalamidad na ito?” Sa tingin ba ninyo ay ayos lang iyon? (Hindi.) Sinasabi ninyo ito nang may gayong katiyakan, ngunit walang sinuman ang kayang makilatis ang mga bagay na ito. May ilang tao na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang may debosyon at may determinasyong hangarin ang katotohanan, at napakahalaga nila para sa ilang aytem ng gawain sa sambahayan ng Diyos. Kung magkaroon sila ng malubhang karamdaman, makakaapekto ito sa kanilang lakas at sigla, at makakaapekto sa paggampan nila sa kanilang gawain at tungkulin. Sa ganoong kaso, maaaring alisin ng Diyos ang kanilang karamdaman, dahil dapat maging responsable ang Diyos para sa Kanyang sariling gawain. Sinumang pinagkatiwalaan ng atas ng Diyos ay hindi magkakaroon ng malubhang karamdaman na makakaantala sa kanilang gawain. Kung talagang magkasakit man sila, hindi ba’t kaya silang pagalingin ng Diyos sa isang salita lamang? Maaaring mag-isip ang Diyos: “Napakaabala ng gawain ngayon, hindi Ko maaaring hayaang danasin nila ang sakit na ito. Inaalis Ko ito sa kanila.” Napakadali nito para sa Diyos. Ngunit sino ang pinagpala nang ganito? Sinumang tunay na may gayong determinasyon at debosyon, at tunay na makakagampan ng mahalagang papel sa gawain ng sambahayan ng Diyos, ay maaaring makatanggap ng pagpapalang ito at hindi na makaranas ng matinding pagdurusa mula sa karamdaman. Isantabi natin ang paksang iyan at pag-usapan natin ang tungkol sa pagkakasakit; ito ay isang bagay na mararanasan ng karamihan ng tao sa kanilang buhay. Kaya naman, kung anong uri ng sakit ang mararanasan ng isang tao, at kung ano ang magiging lagay ng kalusugan niya, sa isang partikular na oras o edad ay pawang mga bagay na isinasaayos ng Diyos at hindi maaaring ang mga tao ang magpasya ng mga bagay na ito; tulad ng kung kailan ipinanganak ang isang tao, hindi sila ang maaaring magpasya nito. Kaya hindi ba’t kahangalan na mabagabag, mabalisa, at mag-alala sa mga bagay na hindi naman ikaw ang makapagpapasya? (Oo.) Dapat simulan ng mga tao na lutasin ang mga bagay na kaya nilang lutasin, at para naman sa mga bagay na hindi nila kayang gawin, dapat nilang hintayin ang Diyos; dapat magpasakop nang tahimik ang mga tao at humingi sa Diyos ng proteksyon—ito ang kaisipang dapat taglayin ng mga tao. Kapag talagang dumating na ang sakit at malapit na ang kamatayan, ang mga tao ay dapat magpasakop, at hindi magreklamo, maghimagsik laban sa Diyos, o magsabi ng mga bagay na lumalapastangan o umaatake sa Diyos. Sa halip, ang mga tao ay dapat na lumugar sa kanilang wastong posisyon bilang mga nilikha at danasin at unawain ang lahat ng nagmumula sa Diyos—hindi nila dapat subukan na pumili ng mga bagay para sa kanilang sarili. Maaari itong maging isang espesyal na karanasan na nagpapasagana sa iyong buhay, at hindi naman ito masamang bagay, hindi ba? Kaya naman, pagdating sa pagkakasakit, kapag nalulutas nang una sa lahat ang mga maling kaisipan at pananaw ng mga tao ukol sa pinagmulan ng sakit, hindi na sila mag-aalala tungkol dito. Bukod dito, ang mga tao ay walang kapangyarihan na kontrolin ang mga bagay na nalalaman o hindi nalalaman, at wala rin silang kakayahang kontrolin ang mga ito, sapagkat lahat ng bagay na ito ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos. Ang saloobin at prinsipyo ng pagsasagawa na dapat mayroon ang mga tao ay ang maghintay at magpasakop. Mula sa pagkaunawa hanggang sa pagsasagawa, ang lahat ay dapat gawin ayon sa mga katotohanang prinsipyo—ito ang paghahangad sa katotohanan.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (4)

Ikaw man ay may karamdaman o may pasakit, hangga’t may natitira kang hininga, hangga’t ikaw ay nabubuhay pa, hangga’t ikaw ay nakapagsasalita at nakapaglalakad pa, may enerhiya ka pa para gawin ang tungkulin mo, at dapat ay taimtim at praktikal ka sa paggampan ng tungkulin mo. Hindi mo dapat talikuran ang tungkulin ng isang nilikha o ang responsabilidad na ibinigay sa iyo ng Lumikha. Hangga’t hindi ka pa patay, dapat mong tapusin ang iyong tungkulin at tuparin ito nang maayos. May mga taong nagsasabi, “Itong mga bagay na sinasabi Mo ay wala gaanong konsiderasyon. May sakit ako at napakasama ng pakiramdam ko!” Kapag napakasama ng pakiramdam mo, maaari kang magpahinga, at maaari mong alagaan ang iyong sarili at magpagamot ka. Kung nais mo pa ring patuloy na gawin ang iyong tungkulin, maaari mong bawasan ang dami ng iyong trabaho at gumawa ka ng naaangkop na tungkulin, isang tungkulin na hindi nakakaapekto sa iyong paggaling. Patutunayan nitong sa puso mo ay hindi mo iniwan ang tungkulin mo, na ang puso mo ay hindi lumayo sa Diyos, na hindi mo itinanggi ang pangalan ng Diyos sa iyong puso, at na hindi mo tinalikuran sa puso mo ang pagnanais na maging isang wastong nilikha. May mga taong nagsasabi, “Kung nagawa ko na ang lahat ng iyan, aalisin ba ng Diyos itong karamdaman ko?” Aalisin ba Niya? (Hindi tiyak ito.) Kung aalisin man ng Diyos ang sakit mo o hindi, kung gagamutin ka man ng Diyos o hindi, ang ginagawa mo ay ang dapat gawin ng isang nilikha. Binibigyang-kakayahan ka man o hindi ng iyong pisikal na kondisyon na pumasan ng anumang gawain at tinutulutan ka man o hindi na gawin ang iyong tungkulin, ang iyong puso ay hindi dapat lumayo sa Diyos, at sa puso mo ay hindi mo dapat talikuran ang iyong tungkulin. Sa ganitong paraan, matutupad mo ang iyong mga responsabilidad, obligasyon, at tungkulin—ito ang katapatan na dapat mong itaguyod. Hindi mo dapat isipin na dapat kang pagalingin ng Diyos dahil nahihirapan kang kumilos o magsalita pagkatapos magkasakit at sa gayon ay hindi mo magawa nang normal ang iyong tungkulin, at pagkatapos ay naising itatwa ang Diyos, talikuran ang iyong tungkulin, at iwan ang Diyos kung hindi Niya ito gagawin. Kung gagawin mo ito, ano ang kalikasan nito? (Pagkakanulo sa Diyos.) Ito ay pagkakanulo! Kapag malusog, ang ilang tao ay madalas na lumalapit sa Diyos para manalangin, at gumagawa rin nang kaunti sa kanilang mga tungkulin. Pagkatapos nilang magkasakit, inaasahan nilang pagagalingin sila ng Diyos; inilalagak nila ang kanilang pag-asa sa Diyos at patuloy na nananalangin para dito. Gayumpaman, pagkatapos lumipas ang ilang panahon at hindi sila pinagaling ng Diyos, nawawalan sila ng pag-asa sa Diyos; tinatalikuran nila ang Diyos sa kaibuturan ng kanilang mga puso at isinusuko nila ang kanilang mga tungkulin. Mayroon ding ilang tao na hindi tumatalikod sa Diyos kapag hindi malubha ang kanilang karamdaman at hindi sila pinagagaling ng Diyos, ngunit kapag nagkasakit sila nang malubha, o kapag malapit nang mamatay, at natitiyak nila na talagang hindi sila pagagalingin ng Diyos, at naghintay sila sa lahat ng panahong ito para lang maharap sa kamatayan, tinatalikuran at itinatatwa nila ang Diyos sa kanilang puso. Naniniwala sila na kung hindi sila pinagaling ng Diyos, tiyak na hindi umiiral ang Diyos; na kung hindi sila pinagaling ng Diyos, ang Diyos ay hindi talaga Diyos, at hindi karapat-dapat na sampalatayanan. Dahil hindi sila pinagaling ng Diyos, pinagsisisihan nila ang pananampalataya sa Diyos, at humihinto sila sa pananampalataya sa Kanya. Hindi ba’t ito ay pagkakanulo sa Diyos? Ito ay isang malubhang pagkakanulo sa Diyos. Kaya, hindi mo talaga dapat hayaan ang sarili mo na umabot sa puntong iyon—tanging ang mga nagpapasakop sa Diyos hanggang sa kamatayan ang may totoong pananalig.

Kapag dumadapo ang karamdaman sa mga tao, anong landas ang dapat nilang sundan? Paano sila dapat pumili? Hindi dapat malubog ang mga tao sa pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala, iniisip ang sarili nilang mga kinabukasan at mga daan palabas. Sa halip, habang mas nalalagay sa ganitong mga panahon at ganitong mga espesyal na sitwasyon at konteksto ang mga tao, at habang mas nalalagay sila sa ganitong mga personal na paghihirap, mas higit nilang dapat hanapin ang katotohanan at hangarin ang katotohanan. Sa ganitong paraan lamang magkakabisa at hindi masasayang ang mga sermon na iyo nang narinig noon at ang mga katotohanan na iyo nang naunawaan. Habang mas nalalagay ka sa ganitong mga paghihirap, mas lalong dapat mong bitiwan ang sarili mong mga kahilingan at magpasakop ka sa mga pamamatnugot ng Diyos. Ang layunin ng Diyos sa paghahanda ng ganitong uri ng sitwasyon at pagsasaayos ng mga kondisyon na ito para sa iyo ay hindi para malubog ka sa mga emosyon ng pagkabagabag, pagkabalisa, at pag-aalala, at hindi ito upang subukin mo ang Diyos kung pagagalingin ka ba Niya talaga kapag dinapuan ka ng sakit, nang sa gayon ay malaman ang katunayan ng usapin; inihahanda ng Diyos ang mga espesyal na sitwasyon at kondisyong ito para sa iyo upang matutunan mo ang mga praktikal na aral sa gayong mga sitwasyon at kondisyon, makamit mo ang mas malalim na pagpasok sa katotohanan at sa pagpapasakop sa Diyos, at upang mas malinaw at tumpak mong malaman kung paano pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng tao, pangyayari, at bagay. Ang mga kapalaran ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos; nararamdaman man ito ng mga tao o hindi, tunay man nila itong namamalayan o hindi, dapat silang magpasakop at huwag lumaban, huwag tumanggi, at lalong huwag subukin ang Diyos. Mamamatay ka alinman ang mangyari, at kung lalabanan, tatanggihan, at susubukin mo ang Diyos, alam na alam na kung ano ang iyong huling kalalabasan. Sa kabaligtaran, ipagpalagay na kapag nakararanas ka ng karamdaman, kaya mong hanapin kung paano dapat magpasakop ang isang nilikha sa mga pamamatnugot ng Lumikha, hanapin kung anong mga aral ang nais ng Diyos na matutunan mo at kung alin sa mga tiwali mong disposisyon ang nais ng Diyos na makilala mo sa sitwasyong ito na nangyari sa iyo, at sa gayon ay maunawaan ang mga layunin ng Diyos, at magbigay ng isang magandang patotoo para matugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Kung magsasagawa ka sa ganitong paraan, makakamit mo ang tunay na pagpapasakop sa Diyos. Kapag isinasaayos ng Diyos na ikaw ay magkasakit, ng malubhang sakit man o simple, ang layunin Niya sa paggawa nito ay hindi para iparanas sa iyo ang lahat ng aspekto ng pagkakasakit, ang pinsalang idinudulot ng sakit sa iyo, ang iba’t ibang abala at paghihirap na idinudulot ng sakit sa iyo, at ang iba’t ibang pakiramdam na ibinibigay sa iyo ng sakit—hindi layunin ng Diyos na maranasan mo ang sakit sa proseso ng pagkakasakit. Sa halip, ang layunin Niya ay para matuto ka ng mga aral mula sa sakit, matuto kung paano maarok ang mga layunin ng Diyos, malaman ang mga tiwaling disposisyon na iyong nabubunyag at ang mga maling saloobing mayroon ka tungkol sa Diyos kapag ikaw ay may sakit, at matutunan mong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, para magawa mong magkamit ng tunay na pagpapasakop sa Diyos at magawa mong manindigan sa iyong patotoo—ito ay lubhang mahalaga. Nais ng Diyos na iligtas at linisin ka sa pamamagitan ng sakit. Ano ang gusto Niyang linisin sa iyo? Gusto Niyang linisin ang lahat ng iyong labis-labis na mga pagnanais at hinihinging ipinapataw mo sa Diyos, at pati na rin ang iba’t ibang pagkakalkula, paghuhusga, at plano na ginagawa mo anuman ang kapalit upang mabuhay ka at manatiling buhay. Hindi tinutulutan ng Diyos na gumawa ka ng mga plano, hindi Niya tinutulutan na manghusga ka, at hindi ka Niya tinutulutan na magnais ng anumang labis-labis mula sa Kanya; hinihingi lamang Niyang magpasakop ka sa Kanya, at sa iyong pagsasagawa at pagdanas ng pagpapasakop, malaman mo ang iyong sariling saloobin sa pagkakasakit at ang iyong saloobin sa mga kondisyong ito sa katawan na ibinibigay Niya sa iyo, pati na rin ang iyong mga personal na kahilingan. Kapag nalaman mo na ang mga bagay na ito, mapapahalagahan mo na kung gaano kakapaki-pakinabang para sa iyo na inihanda ng Diyos ang mga sitwasyon ng karamdaman o na ibinigay Niya sa iyo ang mga kondisyong ito sa katawan; at mapapahalagahan mo kung gaano nakatutulong ang mga ito sa pagbabago ng iyong disposisyon, sa pagkakamit mo ng kaligtasan, at sa iyong buhay pagpasok. Kaya nga, kapag sumasapit sa iyo ang karamdaman, hindi mo dapat palaging isipin kung paano mo ito maaalis o matatakasan o matatanggihan. … Kapag nahaharap sa karamdaman, maaari kang aktibong magpagamot, ngunit dapat ka ring magkaroon ng pusong nagpapasakop sa Diyos. Sa anumang antas magagamot ang karamdaman, mapagagaling man ito o hindi—anuman ang maging resulta, dapat kang magpasakop nang walang reklamo. Ito ang saloobin na dapat mayroon ka, sapagkat ikaw ay isang nilikha at wala kang ibang pagpipilian. Hindi mo puwedeng sabihing, “Kung gagaling ako sa sakit na ito, saka ako maniniwala na ito ay dahil sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, ngunit kung hindi ako gagaling, hindi ako masisiyahan sa Diyos. Bakit ba ako binigyan ng Diyos ng sakit na ito? Bakit ba hindi Niya pinagagaling ang sakit na ito? Bakit ba ako ang nagkasakit at hindi ang iba? Hindi ko ito matatanggap! Bakit ko ba kailangang mamatay nang maaga, sa ganitong murang edad? Bakit ba nakakapagpatuloy na mabuhay ang ibang tao? Bakit?” Walang bakit—ito ay pamamatnugot ng Diyos. Isinaayos at pinlano Niya ang mga bagay nang ganito. Walang dahilan, at hindi mo dapat itanong kung bakit. Ang pagtatanong kung bakit ay mapaghimagsik na pananalita, at hindi ito dapat itanong ng isang nilikha. Kung itatanong mo kung bakit, masasabi lamang na sobra kang mapaghimagsik, sobrang matigas ang kalooban. Kapag hindi ka kontento sa isang bagay, o hindi ginagawa ng Diyos ang nais mo o hindi ka Niya hinahayaan sa gusto mo, hindi ka nasisiyahan, naghihinanakit ka, at palagi mong itinatanong kung bakit. Kaya, ipagpalagay na tinatanong ka ng Diyos, “Bilang isang nilikha, bakit hindi mo ginampanan nang maayos ang iyong tungkulin? Bakit hindi mo ginampanan ang iyong tungkulin nang may debosyon?” Paano ka sasagot? Kung sasabihin mo, “Walang bakit, ganito lang talaga ako,” katanggap-tanggap ba ang sagot na ito? (Hindi.) Katanggap-tanggap na kausapin ka ng Diyos nang ganoon, ngunit hindi katanggap-tanggap na kausapin mo ang Diyos nang ganoon. Ikaw ay nasa maling posisyon, at ikaw ay ganap na walang katwiran. Ang mga tao ay mga nilikha—anuman ang mga paghihirap na makaharap nila, ganap na likas at may katwiran na dapat silang magpasakop sa mga pagsasaayos at pamamatnugot ng Lumikha. Katulad lang ito ng kung paano ka ipinanganak at pinalaki ng iyong mga magulang, at sa gayon ay ganap na likas at may katwiran para sa iyo na tawagin silang ina at ama—ito ang nararapat. Kaya, pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng bagay na ito para sa iyo at, magdulot man ang mga ito na magtamasa ka ng mga pagpapala o magdusa sa mga paghihirap, dapat kang magpasakop. Ito rin ay ganap na likas at may katwiran, at wala kang mapagpipilian sa usaping ito. Kung makakapagpasakop ka hanggang sa pinakadulo, makakamit mo ang kaligtasan gaya ng ginawa ni Pedro. Gayumpaman, kung magrereklamo ka tungkol sa Diyos, tatalikuran mo ang Diyos, at ipagkakanulo ang Diyos dahil sa isang pansamantalang karamdaman, ang lahat ng nauna mong pagtalikod at paggugol, at ang mga halagang ibinayad mo sa paggawa ng iyong tungkulin ay mauuwi sa wala. Ito ay dahil ang lahat ng nakaraan mong pagpapagal ay alang-alang sa pagtamo ng mga pagpapala at isang korona; hindi mo tinutupad nang maayos ang tungkulin ng isang nilikha mula sa posisyon nito, ni hindi mo hinangad ang katotohanan para baguhin ang iyong intensyong makapagtamo ng mga pagpapala o ang iyong mga tiwaling disposisyon. Naging dahilan ito para ipagkanulo mo ang Diyos bilang resulta ng iyong karamdaman, kung kaya’t ang iyong kalalabasan ay magiging katulad ng kay Pablo: sa huli ay makakatanggap ng kaparusahan. Kung, sa pagharap mo sa karamdaman at kamatayan, ay nakakapagpasakop ka pa rin nang walang anumang reklamo, nagpapatunay ito na ang lahat ng halagang ibinayad mo at ang lahat ng iyong paggugol ay inialay nang kusang-loob, at na ikaw ay sinsero sa Diyos at mapagpasakop sa Kanya. Sa huli, ang iyong pagpapasakop ay magdadala sa iyong buhay ng pananalig sa Diyos sa isang perpektong pagwawakas, at sasang-ayunan ng Diyos. Samakatwid, ang isang karamdaman ay maaaring magdulot sa iyo ng magandang kalalabasan, at maaari rin itong magdulot sa iyo ng masamang kalalabasan; ang uri ng wakas na sasapitin mo ay nakasalalay sa landas na iyong sinusundan at kung ano ang iyong saloobin sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (3)

Walang sinuman ang gumugugol ng buong buhay nila nang walang paghihirap. Nagdurusa ang ilang tao pagdating sa buhay-pamilya nila, nagdurusa ang ilan pagdating sa trabaho nila, nagdurusa ang ilan pagdating sa buhay may-asawa nila, at nagdurusa ang ilan pagdating sa pisikal na karamdaman. Dapat dumanas ng kaunting paghihirap ang lahat. Sinasabi ng ilan, “Bakit kailangang magdusa ng mga tao? Napakaganda sana kung mamumuhay tayo nang mapayapa at masaya sa buong buhay natin. Hindi ba puwedeng hindi na lang tayo magdusa?” Hindi—dapat magdusa ang lahat. Ang pagdurusa ay nagbibigay-kakayahan sa bawat tao na maranasan ang napakaraming damdamin ng pisikal na buhay, maging positibo man o negatibo ang mga damdaming ito; binibigyan ka ng pagdurusa ng iba’t ibang uri ng damdamin at kaalamang batay sa karanasan. Para sa iyo, ang mga ito ay pawang mga karanasan sa buhay. Iyon ay isang aspekto—nilalayon nitong payamanin ang karanasan sa buhay ng mga tao. Kung nagagawa mong hanapin ang katotohanan at unawain ang layunin ng Diyos mula rito, kung gayon ay mas mapapalapit ka sa pamantayang hinihingi sa iyo ng Diyos. Ang isa pang aspekto ay na ito ang responsabilidad na ibinibigay ng Diyos sa tao. Anong responsabilidad? Ito ang pagdurusa na dapat mong maranasan. Kung makakaya mong pasanin ang pagdurusang ito at tiisin ito, ito ay patotoo, at hindi isang bagay na nakakahiya. Kapag nagkakasakit sila, natatakot ang ilang tao na malalaman ito ng ibang tao; iniisip nila na isang nakakahiyang bagay ang magkasakit, samantalang ang totoo, walang dapat ikahiya. Bilang isang normal na tao, kung, kapag nagkakasakit ka, makakapagpasakop ka sa mga pagsasaayos ng Diyos at matitiis mo ang lahat ng uri ng sakit, at nagagawa mo pa ring gampanan nang normal ang iyong tungkulin at kumpletuhin ang mga atas na ibinigay sa iyo ng Diyos, isa ba itong mabuting bagay o masamang bagay? Isa itong mabuting bagay. Ito ay patotoo ng pagpapasakop sa Diyos at ng paggawa sa iyong tungkulin nang may debosyon—isa itong patotoo na nagpapahiya kay Satanas at nagtatagumpay laban dito. Samakatwid, anuman ang uri ng pagdurusang dinaranas mo, ito ang dapat tanggapin ng bawat nilikha at bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos at dito sila dapat magpasakop. Ganito mo dapat unawain ito, at kailangan mong matuto ng mga aral at makamit ang tunay na pagpapasakop sa Diyos—ito ay naaayon sa mga layunin ng Diyos, at ito ang orihinal na nilayon ng Diyos. Ganito isinasaayos ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa bawat nilikha. Ang paglalagay sa iyo ng Diyos sa gayong kapaligiran ng paghihirap at pagbibigay sa iyo ng gayong mga kondisyon ay katumbas ng pagbibigay sa iyo ng isang responsabilidad, isang obligasyon, at isang atas—dapat mong tanggapin ang mga ito. Hindi ba’t ito ang katotohanan? (Ito nga.) Hangga’t galing ito sa Diyos, hangga’t may ganitong hinihingi sa iyo ang Diyos at may ganitong layunin para sa iyo, ito ang katotohanan. Bakit nasasabing katotohanan ito? Ito ay dahil kung mararanasan mo ang mga salita ng Diyos at makakamit ang katotohanan, magagawa mong lutasin ang iyong mga tiwaling disposisyon, ang iyong mga kuru-kuro at ang paghihimagsik mo, para kapag muli kang maharap sa mga paghihirap hindi ka lalabag sa mga pagnanais ng Diyos o maghihimagsik laban sa Diyos, ibig sabihin, maisasagawa mo ang katotohanan at makapagpapasakop ka sa Diyos. Sa ganitong paraan, makapagpapatotoo ka at mabibigyang-kakahiyan mo si Satanas, at magagawa mong kamtin ang katotohanan at tamuhin ang kaligtasan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (1)

Kaugnay na mga Patotoong Batay sa Karanasan

Ibinunyag Ako ng Pagkakaroon ng Covid

Nakalaya Mula sa Pagkabalisa sa Aking mga Karamdaman

Ibang Uri ng Pagpapala

Kaugnay na mga Himno

Ang Pagsapit ng Karamdaman ay Pag-ibig ng Diyos

Sinundan:  16. Bakit sinasabing ang paggampan ng mga tungkulin ang pinakamahusay na naghahayag sa mga tao

Sumunod:  18. Paano harapin ang mga ugnayan na makapamilya at makalaman

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 10: Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan. Kung maaresto at mabilanggo kayo dahil sa pananalig sa Makapangyarihang Diyos, manganganib ang buhay n’yo. Nakita na ng CCP na lahat ng nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay walang salang mga alagad ni Cristo sa mga huling araw na mga disipulo at apostol ni Cristo. Ang lubhang pinangangambahan ng CCP ay ang mga pahayag at patotoo sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao na ipinahayag ni Cristo sa mga huling araw, pati na ang matatag na grupong sumusunod kay Cristo sa mga huling araw. Napag-aralan na namin ang kasaysayan ng Kristiyanismo. Ang lubhang pinangambahan ng imperyong Romano ay ang mga disipulo at apostol ni Jesus. Kaya nang hulihin ang mga taong ito, pinagpapatay sila sa iba’t ibang pamamaraan. Ngayon, kung hindi ginawa ang mga hakbang na ito para supilin at lubos na ipagbawal ang grupong ito ng mga tao na sumusunod sa Cristo ng mga huling araw, ilang taon pa lang, mapapailalim sa kanila ang lahat ng iba’t ibang relihiyon. Sa ngayon, ang ilang pangunahing grupong Kristiyano sa China ay napailalim na ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kung hindi inimbento ng CCP ang ilang opinyon ng publiko at nagpakana ng Kaso sa Zhaoyuan, darating siguro ang araw na mapapailalim ang iba’t ibang relihiyon sa mundo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Kapag napailalim sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng iba’t ibang relihiyon, lubhang makakasama ’yan sa pamamahala ng CCP. Sa gayon, matatag ang determinasyon ng Central Committee na gamitin ang lahat ng puwersa para lubos na ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa loob ng maikling panahon. Dapat n’yong malaman, ang paglitaw ng Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nabalita sa China, malaking balita rin ito sa mundo. Dahil gumawa kayo ng napakalaking hakbang, paanong hindi galit na maglulunsad ng malakihang pagsupil at pag-aresto ang CCP laban sa inyo? Kung kailangan n’yong maniwala sa Diyos, maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo. Talagang bawal kayong manalig sa Makapangyarihang Diyos. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hindi kabilang ng Kristiyanismo, hindi n’yo ba alam ’yan?

Sagot: Kasasabi n’yo lang ng mismong dahilan kaya sinusupil ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero hindi ba n’yo alam kung...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger