21. Paano madaig ang tukso ni Satanas

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang pagtatayo ng kaharian ay tuwirang nakatuon sa espirituwal na mundo. Ibig sabihin, ang kalagayan ng digmaan sa espirituwal na mundo ay ibinubunyag nang tuwiran sa gitna ng lahat ng Aking mga tao, at sapat na ito upang ipakita na hindi lamang sa loob ng iglesia, kundi pati na at lalo na sa Kapanahunan ng Kaharian, bawat tao ay palaging nasa digmaan. Bagama’t umiiral sila sa mga pisikal na katawan, ang espirituwal na mundo ay tuwirang ibinubunyag, at nakikipag-ugnayan sila sa buhay sa espirituwal na mundo. Sa gayon, kapag nagsisimula kayong maging deboto sa Akin, kailangan ninyong maghanda nang wasto para sa susunod na bahagi ng Aking gawain. Dapat ninyong ibigay ang buong puso ninyo; saka lamang ninyo mapapalugod ang Aking puso. Wala Akong pakialam sa naunang nangyari sa iglesia; ngayon, ito ay nasa kaharian. Sa Aking plano, palagiang nakasunod si Satanas sa bawat hakbang at, bilang mapaghahambingan ng Aking karunungan, ay laging sinusubukang makahanap ng mga paraan upang gambalain ang Aking orihinal na plano. Subalit maaari ba Akong sumuko sa mga pakana nito? Mayroon bang anumang bagay sa langit at lupa ang hindi nagsisilbi bilang Aking gamit-panserbisyo? Posible bang ang mga pakana ni Satanas ay maging eksepsiyon? Dito mismo nagtatagpo ang Aking karunungan; ito mismo ang kamangha-mangha sa Aking mga gawa, at ito ang prinsipyo ng pagpapatakbo para sa Aking buong plano ng pamamahala. Sa panahon ng pagtatayo ng kaharian, hindi Ko pa rin iniiwasan ang mga pakana ni Satanas, kundi patuloy Kong ginagawa ang gawaing kailangan Kong gawin. Sa gitna ng sansinukob at lahat ng bagay, pinili Ko na ang mga gawa ni Satanas bilang Aking hambingan. Hindi ba ito pagpapamalas ng Aking karunungan? Hindi ba ito mismo ang kamangha-mangha tungkol sa Aking gawain?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 8

Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay tunay na kinakailangan, at may pambihirang kabuluhan, dahil ang lahat ng ginagawa Niya sa tao ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala at pagliligtas sa sangkatauhan. Natural lamang na ang gawaing ginawa ng Diyos kay Job ay hindi naiiba, kahit na si Job ay perpekto at matuwid sa paningin ng Diyos. Sa madaling salita, kahit ano pa ang ginagawa ng Diyos o ang paraan na ginagamit Niya para gawin ito, kahit ano pa ang halaga, o kahit ano pa ang Kanyang nilalayon, ang layunin ng Kanyang mga kilos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang layunin ay upang ipasok sa tao ang mga salita ng Diyos, pati na rin ang mga hinihingi at ang mga layunin ng Diyos para sa tao; sa madaling salita, ito ay upang ipasok sa tao ang lahat ng pinaniniwalaan ng Diyos na mga positibong bagay alinsunod sa Kanyang mga hakbang, na nagbibigay sa tao ng pagkaunawa sa puso ng Diyos at pagkaintindi at pagkaarok sa diwa ng Diyos, at nagpapahintulot sa tao na magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at sa gayon ay matamo ng tao ang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan—ang lahat ng ito ay isang aspekto ng layunin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ang isa pang aspekto ay, dahil si Satanas ang hambingan at nagsisilbing gamit-panserbisyo sa gawain ng Diyos, ang tao ay madalas na ibinibigay kay Satanas; ito ang paraan na ginagamit ng Diyos para tulutang makita ng tao sa mga tukso at pag-atake ni Satanas ang kabuktutan, kapangitan, at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas, na nagiging dahilan upang kamuhian ng tao si Satanas at malaman at makilatis ang mga negatibong bagay. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa tao na unti-unting mapalaya ang kanyang sarili mula sa kontrol, mga akusasyon, panggugulo, at pag-atake ni Satanas. Nagpapatuloy ito hanggang sa—sa pamamagitan ng pagsandal sa mga salita ng Diyos, sa kanyang pagkakilala sa Diyos, sa kanyang pagpapasakop sa Diyos, sa kanyang pananalig sa Diyos, at sa kanyang pagkatakot sa Diyos—ganap na nagtatagumpay ang tao laban sa mga pag-atake at akusasyon ni Satanas; saka lamang siya lubusang maiaadya mula sa kapangyarihan ni Satanas. Ang pag-adya sa mga tao ay nangangahulugan na nadeklara ang pagkatalo ni Satanas, ito ay nangangahulugan na hindi na sila ang pagkain sa bibig ni Satanas, na hindi na sila lalamunin ni Satanas, at na sa halip ay tinalikuran sila ni Satanas. Ito ay dahil ang mga gayong tao ay matuwid, dahil may pananalig, may pagpapasakop, at may takot sila sa Diyos, at dahil ganap silang humiwalay kay Satanas. Nagdadala sila ng kahihiyan kay Satanas, ginagawa nilang duwag si Satanas, at lubusan nilang tinatalo si Satanas. Ang kanilang pananalig sa pagsunod sa Diyos, at ang pagpapasakop at takot nila sa Diyos ang tumatalo kay Satanas, at nagiging dahilan kung bakit ganap silang binibitiwan ni Satanas. Ang mga taong tulad nito lamang ang tunay na nakamit ng Diyos, at ito ang pinakalayon ng Diyos sa pagliligtas sa tao. Para sa lahat ng sumusunod sa Diyos, kung nais nilang mailigtas, at nais nilang ganap na makamit ng Diyos, kung gayon, dapat silang maharap sa mga tukso at pag-atake na parehong malalaki at maliliit galing kay Satanas. Ang mga taong nakalalampas sa mga tukso at pag-atake na ito at nagagawang ganap na magtagumpay laban kay Satanas ay ang mga nailigtas. Ibig sabihin, ang mga taong iniligtas ng Diyos ay iyong mga sumailalim sa mga pagsubok ng Diyos, at ang mga taong tinukso at inatake ni Satanas nang hindi mabilang na pagkakataon. Nauunawaan ng mga taong iniligtas ng Diyos ang mga layunin at mga hinihingi ng Diyos, at nagagawa nilang magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hindi nila tinatalikuran ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan sa gitna ng mga panunukso ni Satanas. Ang mga nailigtas ng Diyos ay nagtataglay ng pagkamatapat, sila ay may mabubuting puso, napaghihiwalay nila ang pagmamahal at pagkamuhi, may pagpapahalaga sila sa katarungan at sila ay makatwiran, at nagagawa nilang magpakita ng pagsasaalang-alang sa Diyos at pahalagahan ang lahat ng sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi naigagapos, namamanmanan, napararatangan, o naaabuso ni Satanas; sila ay ganap na malaya, sila ay ganap na napalaya at napakawalan na. Si Job ay isa talagang tao ng kalayaan, at ito mismo ang kabuluhan ng pagbigay ng Diyos sa kanya kay Satanas.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Kapag hindi pa nailigtas ang mga tao, ang mga buhay nila ay madalas na ginugulo, at kinokontrol pa nga, ni Satanas. Sa madaling salita, ang mga tao na hindi pa naililigtas ay mga bilanggo ni Satanas, sila ay walang kalayaan, hindi pa sila binibitawan ni Satanas, sila ay hindi kalipikado at walang karapatan na sumamba sa Diyos, at sila ay labis na tinutugis at nilulusob nang malupit ni Satanas. Ang ganitong mga tao ay walang kaligayahan na masasabi, wala silang karapatan sa isang normal na pag-iral na masasabi, at lalong wala silang dignidad na masasabi. Kung ikaw ay maninindigan at makikipaglaban kay Satanas, gamit ang iyong pananalig, at pagpapasakop sa Diyos at takot sa Diyos, bilang iyong mga sandata na gagamitin para sa isang buhay-at-kamatayan na pakikipaglaban kay Satanas, kung saan sukdulan mong matatalo si Satanas na magiging dahilan ng pag-urong ng buntot nito at pagiging duwag sa tuwing makikita ka, saka lang nito ganap na aabandonahin ang mga atake at akusasyon nito laban sa iyo, at sa puntong iyon, ikaw ay maliligtas at lalaya. Kung ikaw ay determinado lang na lubusang humiwalay mula kay Satanas, ngunit wala kang mga epektibong sandata para talunin si Satanas, ikaw ay nasa malaking panganib pa rin. Sa paglipas ng panahon, kapag ikaw ay lubhang napahirapan na ni Satanas na wala nang natitirang lakas sa iyo, ngunit hindi mo pa rin magawang magpatotoo, hindi pa rin tuluyang napapalaya ang iyong sarili mula sa mga paratang at paglusob ni Satanas laban sa iyo, magiging maliit lamang ang pag-asa na maililigtas ka. Sa huli, ibig sabihin, kapag ipinapahayag na ang kongklusyon ng gawain ng Diyos, kung mahigpit ka pa ring hawak ni Satanas, kung saan hindi mo magawang makalaya, hindi ka na kailanman magkakaroon ng pagkakataon o pag-asa. Kung gayon, ang ipinapahiwatig nito ay magiging ganap na mga bihag ni Satanas ang ganitong mga tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Noong unang dinanas ni Job ang kanyang pagsubok, kinuha sa kanya ang lahat ng kanyang ari-arian at ang lahat ng kanyang anak, subalit hindi siya nanlumo o nagsabi ng anumang bagay na sumasalungat sa Diyos dahil dito. Napagtagumpayan niya ang mga panunukso ni Satanas, at napagtagumpayan niya ang kanyang mga ari-arian, ang kanyang mga anak, at ang pagsubok ng pagkawala ng lahat ng panlabas na bagay, na ang ibig sabihin ay nagawa niyang magpasakop sa pagkuha ng Diyos ng mga bagay mula sa kanya at nagawa rin niyang magbigay ng pasasalamat at papuri sa Diyos dahil sa ginawa ng Diyos. Ganito ang asal ni Job sa panahon ng unang panunukso ni Satanas, at ganito rin ang patotoo ni Job sa panahon ng unang pagsubok ng Diyos. Sa ikalawang pagsubok, iniunat ni Satanas ang kamay nito upang pahirapan si Job, at kahit na naranasan ni Job ang mas matindi pang sakit kaysa sa naranasan niya noon, namangha pa rin ang mga tao sa kanyang patotoo. Ginamit niya ang katatagan ng kanyang loob, pananalig, at pagpapasakop sa Diyos, pati na ang kanyang takot sa Diyos, upang muling matalo si Satanas, at muling kinilala at tinanggap ng Diyos ang kanyang asal at ang kanyang patotoo. Sa panahon ng panunuksong ito, ginamit ni Job ang kanyang aktuwal na asal upang ipahayag kay Satanas na hindi kayang baguhin ng sakit ng laman ang kanyang pananalig at pagpapasakop sa Diyos o alisin ang kanyang pagkamalapit sa Diyos at may-takot-sa-Diyos na puso; hindi niya tatalikuran ang Diyos o isusuko ang kanyang sariling pagiging perpekto at matuwid dahil nahaharap siya sa kamatayan. Dahil sa hindi natitinag na determinasyon ni Job ay naging duwag si Satanas, dahil sa kanyang pananalig ay napuno ng takot at pangamba si Satanas, at ang tindi ng kanyang pakikipaglaban sa buhay-at-kamatayang tunggalian laban kay Satanas ay nagbunga ng malalim na pagkamuhi at hinanakit kay Satanas; dahil sa kanyang pagiging perpekto at matuwid ay wala nang magawa si Satanas sa kanya, kung kaya’t tinalikuran ni Satanas ang pag-atake nito sa kanya at binitiwan ang mga paratang nito laban kay Job na inilatag nito sa harap ng Diyos na si Jehova. Nangahulugan ito na napagtagumpayan ni Job ang mundo, napagtagumpayan niya ang laman, napagtagumpayan niya si Satanas, at napagtagumpayan niya ang kamatayan; siya ay isang taong ganap at lubos na nasa panig ng Diyos. Sa panahon ng dalawang pagsubok na ito, nanindigan si Job sa kanyang patotoo, tunay niyang isinabuhay ang kanyang pagiging perpekto at matuwid, at lumawak ang saklaw ng mga prinsipyo niya sa pamumuhay nang may pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Matapos maranasan ni Job ang dalawang pagsubok na ito, nagkaroon ng mas mayamang karanasan ang buhay niya, at dahil sa karanasang ito, naging mas husto ang kanyang pag-iisip at mas marunong siya, naging mas malakas siya, nagkaroon ng mas matibay na pananalig, at mas nagtiwala siya sa pagiging tama at pagiging karapat-dapat ng integridad na pinanghahawakan niya. Ang mga pagsubok ng Diyos na si Jehova kay Job ay nagbigay-kakayahan sa kanya na malalim na maranasan at maramdaman ang pangangalaga ng Diyos sa tao, at ipinaramdam nito sa kanya ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos, at magmula noon ay nagkamit ng parehong pagsasaalang-alang at pagmamahal para sa Diyos ang kanyang takot sa Diyos. Ang mga pagsubok ng Diyos na si Jehova ay hindi lamang hindi nagtaboy kay Job nang malayo mula sa Kanya, kundi mas naglapit ng puso ni Job sa Diyos. Nang umabot sa sukdulan ang sakit sa laman na tiniis ni Job, ang pagmamalasakit na nadama niya mula sa Diyos na si Jehova ay nagtulak sa kanya na di-maiwasang sumpain ang araw ng kanyang kapanganakan. Ang ganitong asal ay hindi matagal na pinagplanuhan, kundi isang natural na pagbubunyag ng pagsasaalang-alang at pagmamahal na may pagpapahalaga para sa Diyos mula sa kaibuturan ng kanyang puso; ang natural na pagbubunyag na ito na nagmula sa kanyang pagsasaalang-alang at pagmamahal na may pagpapahalaga para sa Diyos. Ibig sabihin, dahil kinamuhian niya ang kanyang sarili, at hindi niya nais, at hindi niya matitiis na saktan ang Diyos, kaya umabot ang kanyang pagsasaalang-alang at pagmamahal na may pagpapahalaga sa punto ng pagtalikod sa sarili. Sa oras na ito, kinuha ni Job ang kanyang matagal nang pagsamba at pananabik sa Diyos at pagkagiliw sa Diyos at itinaas ang mga ito sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal na may pagpapahalaga. Kasabay nito, kinuha rin niya ang kanyang pananalig at pagpapasakop sa Diyos at takot sa Diyos at itinaas ang mga ito sa antas ng pagsasaalang-alang at pagmamahal na may pagpapahalaga. Hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na gumawa ng anumang bagay na magdudulot ng pinsala sa Diyos, hindi niya pinahintulutan ang kanyang sarili na gumawa ng anumang asal na makakasakit sa Diyos, at hindi niya pinayagan ang kanyang sarili na magdala ng anumang dalamhati, pighati, o kahit na kalungkutan sa Diyos para sa sarili niyang kapakanan. Sa paningin ng Diyos, bagama’t si Job ay ang dati pa ring Job, ang kanyang pananalig, pagpapasakop, at takot sa Diyos ay nagdala ng ganap na kaluguran at kasiyahan sa Diyos. Noong oras na ito, nakamit ni Job ang pagiging perpekto na inasahan ng Diyos na makakamit niya; siya ay naging isang tao na tunay ngang karapat-dapat na tawaging “perpekto at matuwid” sa paningin ng Diyos. Ang kanyang mga matuwid na gawa ang nagbigay-daan sa kanya na madaig si Satanas at manindigan sa kanyang patotoo para sa Diyos. Gayundin, ang kanyang matutuwid na gawa ay ginawa siyang perpekto, at tinulutang mapataas at mapangibabaw ang halaga ng kanyang buhay, at naging dahilan din ang mga ito upang siya ay maging ang kauna-unahang tao na hindi na aatakihin at tutuksuhin ni Satanas. Dahil si Job ay matuwid, siya ay pinaratangan at tinukso ni Satanas; dahil si Job ay matuwid, siya ay ibinigay kay Satanas; at dahil si Job ay matuwid, napagtagumpayan at tinalo niya si Satanas, at siya ay nanindigan sa kanyang patotoo. Simula noon, si Job ang naging kauna-unahang tao na hindi na kailanman muling ibibigay kay Satanas; talagang humarap siya sa trono ng Diyos at namuhay sa liwanag, sa ilalim ng mga pagpapala ng Diyos nang walang pagmamanman o pang-aabuso ni Satanas…. Siya ay naging isang tunay na tao sa paningin ng Diyos; siya ay napalaya …

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Noong nagdurusa nang labis si Job sa ilalim ng pamiminsala ni Satanas, ngunit hindi pa rin niya itinakwil ang pangalan ng Diyos na si Jehova, ang asawa niya ang unang nagpakita at umatake kay Job, ginagampanan ang papel ni Satanas sa paraang makikita ng tao. Inilalarawan ito sa orihinal na teksto nang ganito: “Nang magkagayo’y sinabi ng kanyang asawa sa kanya, ‘Pinananatili mo pa rin ba ang iyong integridad? itakwil mo ang Diyos, at mamatay ka’” (Job 2:9). Ang mga ito ang mga salitang sinabi ni Satanas habang ginagampanan ang papel ng isang tao. Ang mga salitang ito ay naghatid ng pag-atake at paratang, pati na rin pang-aakit, panunukso, at paninirang-puri. Matapos mabigo sa pag-atake sa laman ni Job, direkta namang inatake ni Satanas ang integridad ni Job, na gustong gamitin ito upang isuko ni Job ang kanyang integridad, talikuran ang Diyos, at hindi na magpatuloy sa pamumuhay. Tulad nito, gusto ring gamitin ni Satanas ang mga salitang ito upang akitin si Job: Kung itinakwil ni Job ang pangalan ni Jehova, hindi niya kailangang pagtiisan ang ganoong paghihirap; maaari niyang mapalaya ang kanyang sarili mula sa paghihirap ng laman. Nahaharap sa payo ng kanyang asawa, pinagsabihan siya ni Job sa pagsasabing, “Ikaw ay nagsasalita na gaya ng pagsasalita ng isa sa mga hangal na babae. Ano? tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng kasawian?” (Job 2:10). Ang mga salitang ito ay isang pagkaunawa na matagal nang pinanghawakan ni Job; ngunit sa sandali lamang na ito napatunayan ang katotohanan ng pagkaunawang ito.

Noong pinayuhan siya ng kanyang asawa na itakwil ang Diyos at mamatay, ang ibig niyang sabihin ay: “Ganito ka tratuhin ng diyos mo, bakit hindi mo siya talikuran? Ano’t nabubuhay ka pa rin? Lubhang hindi patas sa iyo ang iyong diyos, pero palagi mo pa ring sinasabi, ‘Purihin ang pangalan ni Jehova.’ Paano siya makakapagdala ng kasawian sa iyo samantalang pinupuri mo ang pangalan niya? Magmadali ka at talikuran mo ang pangalan ng diyos, at huwag ka nang sumunod sa kanya. Sa ganitong paraan, matatapos ang mga problema mo.” Sa sandaling ito, muling nabuo ang patotoo ni Job na ninais na makita ng Diyos. Walang karaniwang tao na makapagpapatotoo nang ganito, at hindi rin natin ito nababasa sa anumang mga kuwento sa Bibliya—ngunit nakita na ito ng Diyos bago pa man sinabi ni Job ang mga naturang salita. Gusto lamang gamitin ng Diyos ang pagkakataong ito upang pahintulutan si Job na patunayan sa lahat na ang Diyos ay tama. Nang maharap sa payo ng kanyang asawa, hindi lamang hindi isinuko ni Job ang kanyang integridad o kaya ay tumalikod sa Diyos, kundi sinabi rin niya sa kanyang asawa, “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng kasawian?” May bigat ba ang mga salitang ito? Dito, mayroon lamang isang katunayan na kayang magpatunay sa bigat ng mga salitang ito. Ang bigat ng mga salitang ito ay na sinasang-ayunan ng Diyos ang mga ito sa Kanyang puso, ang mga ito ang ninais ng Diyos, ang mga ito ang ginustong marinig ng Diyos, at ang mga ito ang kinalabasang hinangad na makita ng Diyos; ang mga salitang ito rin ang kaibuturan ng patotoo ni Job. Dito, napatunayan ang pagiging perpekto, pagkamatuwid, pagkakaroon ng takot sa Diyos, at pag-iwas ni Job sa kasamaan. Ang kahalagahan ni Job ay nakasalalay sa kung paano, nang tuksuhin siya, at kahit noong puno ang kanyang buong katawan ng mga namamagang pigsa, noong pinagtiisan niya ang sukdulang paghihirap, at noong pinayuhan siya ng kanyang asawa at mga kamag-anak, nasabi pa rin niya ang ganoong mga salita. Sa madaling salita, sa kanyang puso, naniniwala siya na kahit ano pang mga tukso, o gaano man kabigat ang mga kapighatian o ang paghihirap, kahit pa dumating ang kamatayan sa kanya, hindi niya tatalikuran ang Diyos o aabandonahin ang daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Samakatwid, nakikita mo na hawak ng Diyos ang pinakamahalagang lugar sa kanyang puso, at na ang Diyos lamang ang nasa kanyang puso. Dahil dito kaya mababasa natin ang gayong mga paglalarawan sa kanya sa Kasulatan bilang: Sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job sa pamamagitan ng kanyang mga labi. Siya ay hindi lamang di-nagkasala sa kanyang mga labi, kundi maging sa kanyang puso, hindi siya nagreklamo tungkol sa Diyos. Hindi siya nagsabi ng mga salita na nagpalungkot sa puso ng Diyos, ni hindi siya gumawa ng anumang bagay na sumalungat sa Diyos. Hindi lamang pinuri ng kanyang bibig ang pangalan ng Diyos, ngunit sa kanyang puso ay pinuri rin niya ang pangalan ng Diyos; ang kanyang bibig at puso ay iisa. Ito ang tunay na Job na nakita ng Diyos, at ito ang mismong dahilan kung bakit pinahalagahan ng Diyos si Job.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Ang pananalig, at pagpapasakop ni Job, at ang kanyang patotoo ng pagdaig kay Satanas ay pinagkukunan ng malaking tulong at panghihikayat ng mga tao. Kay Job, sila ay nakakakita ng pag-asa para sa kanilang sariling kaligtasan, at nakikita nila na sa pamamagitan ng pananalig, at pagpapasakop at takot sa Diyos, ganap na posibleng talunin si Satanas at manaig laban kay Satanas. Nakikita nila na hangga’t nagpapasakop sila sa kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, at hangga’t taglay nila ang determinasyon at pananalig na hindi talikuran ang Diyos kahit na mawala sa kanila ang lahat, maaari silang magdala ng kahihiyan at pagkatalo kay Satanas, at nakikita nilang kailangan lamang nilang taglayin ang determinasyon at tiyaga upang manindigan sa kanilang patotoo—kahit na ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanilang mga buhay—upang maduwag at umurong nang mabilis si Satanas. Ang patotoo ni Job ay isang babala sa mga sumusunod na henerasyon, at ang babalang ito ay nagsasabi sa kanila na kung hindi nila tatalunin si Satanas, hindi nila kailanman magagawang makawala sa mga paratang at panggugulo ni Satanas, at hindi rin nila kailanman magagawang takasan ang mga pang-aatake at pang-aabuso ni Satanas. Ang patotoo ni Job ay nagbigay-liwanag din sa mga sumunod na henerasyon. Itinuturo ng kaliwanagang ito sa mga tao na kung sila ay magiging mga perpekto at matuwid na tao, saka lang nila magagawang matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan; itinuturo nito sa kanila na tanging kung sila ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan, saka lamang sila makakapagbigay ng malakas at matunog na patotoo para sa Diyos; tanging kung sila ay nagbibigay ng malakas at matunog na patotoo para sa Diyos sila hindi kailanman makokontrol ni Satanas at makapamumuhay sa ilalim ng paggabay at proteksyon ng Diyos—at doon lamang sila tunay na maililigtas. Ang karakter ni Job at ang kanyang paghahangad sa buhay ay dapat tularan ng lahat ng naghahangad ng kaligtasan. Ang kanyang isinabuhay sa kanyang buong buhay at ang kanyang mga pagpapamalas sa panahon ng kanyang mga pagsubok ay mahahalagang kayamanan para sa lahat ng naghahangad sa daan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Si Pedro ay deboto sa Akin sa loob ng maraming taon, subalit hindi siya naghimutok ni nagkaroon ng pusong nagrereklamo kailanman; kahit si Job ay hindi niya kapantay, at, sa lahat ng kapanahunan, lahat ng banal ay malayong-malayo kung ikokompara kay Pedro. Hindi lamang niya hinangad na makilala Ako, kundi nakilala rin niya Ako nang isinasakatuparan ni Satanas ang mga pakana nito. Kaya naman, ang maraming taon ng paglilingkod ni Pedro sa Akin ay alinsunod sa Aking mga layunin, at sa kadahilanang ito, hindi siya kailanman nagamit ni Satanas. Natuto si Pedro mula sa pananalig ni Job, subalit malinaw niya ring nakilatis ang mga pagkukulang ni Job. Bagama’t malaki ang pananalig ni Job, kulang siya sa kaalaman tungkol sa mga usapin sa espirituwal na mundo, kaya marami siyang sinabing mga salita na hindi tumugma sa realidad; ipinapakita nito na ang kaalaman ni Job ay nanatiling mababaw at hindi makapagkakamit ng pagkaperpekto. Samakatwid, palaging nakatuon si Pedro sa pagsisikap na arukin ang mga damdamin sa loob ng kanyang espiritu, at palagi niyang binibigyang-pansin ang “pagmamasid” sa mga paggalaw ng espirituwal na mundo. Bilang resulta, hindi lamang siya nakapagkamit ng kaunting kamalayan sa mga layunin Ko, kundi nagkaroon din siya ng kaunting kaalaman tungkol sa mga pakana ni Satanas. Dahil dito, siya ang pinakanakakakilala sa Akin kaysa kaninuman sa lahat ng kapanahunan.

Mula sa karanasan ni Pedro, hindi mahirap makita na kung nais Akong makilala ng mga tao, kailangan nilang tumuon sa maingat na pagsisikap na maarok kung ano ang nasa loob ng espiritu, sa halip na “maglaan” ng partikular na dami sa Akin sa panlabas; ito ay pangalawang usapin lamang. Kung hindi mo Ako kilala, kung gayon, lahat ng pananalig, pagmamahal, at katapatang binabanggit mo ay mga ilusyon at bula lamang, at tiyak na magiging isa kang tao na naghahambog sa Aking harapan ngunit hindi kilala ang kanyang sarili. Sa gayon, minsan ka pang mabibitag ni Satanas at hindi ka makakaalpas; magiging isa kang anak ng perdisyon at isang tao na masasawi. Gayunman, kung tinatrato mo nang walang pakialam ang Aking mga salita, walang dudang lumalaban ka sa Akin. Ito ay totoo. Makabubuting tumingin ka sa pamamagitan ng tarangkahan ng espirituwal na mundo sa marami at iba-ibang espiritung nakastigo Ko—dahil sino sa kanila ang hindi nakaranas nito dahil sa kanilang pagtrato sa Aking mga salita nang negatibo at walang pakialam, hindi tinatanggap ang mga ito? Sino sa kanila ang hindi mapangutya sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi sumubok na maghanap ng mali sa Aking mga salita? Sino sa kanila ang hindi gumamit ng Aking mga salita bilang “mga sandatang pananggalang” para “protektahan” ang sarili nila? Hindi sila naghangad ng pagkilala sa Akin sa pamamagitan ng Aking mga salita, kundi ginamit lang ang mga ito at pinaglaruan ang mga ito na para bang ang mga ito ay mga laruan. Sa aspektong ito, hindi ba nila Ako direktang nilalabanan? Sino ang Aking mga salita? Sino ang Aking Espiritu? Napakaraming beses Ko nang naitanong sa inyo ang gayong mga bagay, subalit nagkaroon na ba kayo ng mas mataas at malinaw na mga kabatiran tungkol sa mga ito? Talaga bang naranasan na ninyo ang mga ito? Minsan Ko pa kayong pinapaalalahanan: Kung hindi ninyo kilala ang Aking mga salita, ni hindi ninyo tinatanggap ang mga ito, ni hindi ninyo isinasagawa ang mga ito, siguradong magiging mga pakay kayo ng Aking pagkastigo! Siguradong magiging mga biktima kayo ni Satanas!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 8

Nang sabihin ng Diyos: “Ang kalagayan ng digmaan sa espirituwal na mundo ay ibinubunyag nang tuwiran sa gitna ng lahat ng Aking mga tao,” ang ibig Niyang sabihin ay kapag tumahak ang mga tao sa tamang landas at nagsimula silang kilalanin ang Diyos, hindi lang mayroong tukso ni Satanas sa kalooban mismo ng mga tao, kundi mayroon ding tukso ni Satanas sa loob ng iglesia. Gayumpaman, isa itong landas na dapat tahakin ng lahat, kaya walang sinuman ang kailangang mabahala. Dumarating ang tukso ni Satanas sa ilang anyo, tulad ng pagtrato sa mga salita ng Diyos nang may kawalang-pakialam at pag-abandona sa mga ito, at pagsasabi ng mga negatibong bagay para pahinain ang pagkapositibo ng ibang mga tao; gayumpaman, ang isang taong gumagawa ng gayong mga bagay ay hindi makakahikayat sa iba na pumanig sa kanya. Mahirap itong kilatisin. Ang pangunahing dahilan nito ay: Ang gayong tao ay maaaring aktibo pa rin sa pagdalo sa mga pagtitipon, pero hindi malinaw sa kanya ang mga pangitain. Kung hindi mag-iingat ang iglesia laban sa kanya, ang pagkanegatibo niya ay maaaring maging sanhi para ang buong iglesia ay tumugon nang matamlay sa Diyos, at sa gayon ay hindi magbigay-pansin sa mga salita ng Diyos. Mangangahulugan ito ng pagkasadlak sa tukso ni Satanas. Hindi direktang nilalabanan ng gayong tao ang Diyos, pero dahil hindi niya maarok ang mga salita ng Diyos at hindi niya kilala ang Diyos, bumibigkas siya ng mga reklamo, at umuusbong ang mga hinaing sa puso niya. Sinasabi niyang inabandona na siya ng Diyos at samakatwid ay wala siyang kapabilidad na makatanggap ng kaliwanagan at pagtanglaw. Nais niyang lumisan, pero medyo natatakot siya, at sinasabi niya na ang gawain ng Diyos ay hindi nagmumula sa Diyos kundi, sa pananaw niya, ay ang gawain ng masasamang espiritu.

Bakit napakadalas banggitin ng Diyos si Pedro? At bakit Niya sinasabi na kahit si Job ay malayong makapantay sa kanya? Sa pagsasabi ng gayon, hindi lamang bibigyang-pansin ng mga tao ang mga gawa ni Pedro, kundi isasantabi rin nila ang lahat ng huwarang nasa kanilang puso—maging ang huwaran ni Job, na taglay ang pinakamalaking pananalig, ay hindi sapat. Sa ganitong paraan lamang maaaring magkamit ng mas magandang resulta, kung saan nagagawang bitiwan ng mga tao ang lahat sa pagsisikap na gayahin si Pedro, at, sa paggawa nito, mas lubusang makilala ang Diyos. Ipinapakita ng Diyos sa mga tao ang landas ng pagsasagawang tinahak ni Pedro para makilala ang Diyos, at ang layuning gawin iyon ay para bigyan ng reperensiya ang mga tao. Pagkatapos ay nagpapatuloy ang Diyos na ipropesiya ang isa sa mga paraan na tutuksuhin ni Satanas ang mga tao nang sabihin Niyang: “Gayunman, kung tinatrato mo nang walang pakialam ang Aking mga salita, walang dudang lumalaban ka sa Akin. Ito ay totoo.” Sa mga salitang ito, ipinopropesiya ng Diyos ang mga pakanang susubuking gamitin ni Satanas at binabalaan ang mga tao na dapat silang mag-ingat. Hindi posibleng mawalan ng pakialam ang lahat sa mga salita ng Diyos, subalit magkagayunman, may ilang taong mabibihag ng tuksong ito. Samakatwid, sa huli, muling binibigyang-diin ng Diyos: “Kung hindi ninyo kilala ang Aking mga salita, ni hindi ninyo tinatanggap ang mga ito, ni hindi ninyo isinasagawa ang mga ito, siguradong magiging mga pakay kayo ng Aking pagkastigo! Siguradong magiging mga biktima kayo ni Satanas!” Ito ang payo ng Diyos sa tao—subalit sa huli, tulad ng propesiya ng Diyos, tiyak na magiging mga biktima ni Satanas ang isang bahagi ng mga tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagsisiwalat sa mga Misteryo ng “Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob,” Kabanata 8

Mateo 4:8–11  Muli Siyang dinala ng diyablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kanya ang lahat ng mga kaharian sa sanlibutan, at ang kaluwalhatian nila; at sinabi nito sa Kanya, “Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung Ikaw ay magpapatirapa at sasambahin Mo ako.” Nang magkagayo’y sinabi sa kanya ni Jesus, “Humayo ka, Satanas: sapagkat nasusulat, ‘Sa Panginoon mong Diyos ay dapat sumamba ka, at Siya lamang ang iyong dapat paglingkuran.’” Nang magkagayo’y iniwan Siya ng diyablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at Siya’y pinaglingkuran.

Ang diyablong si Satanas, na nabigo sa dalawang nakalipas na pakana nito, ay sumubok na muli: Ipinakita nito ang lahat ng kaharian ng mundo at ang kaluwalhatian ng mga ito sa Panginoong Jesus at hinilingan Siyang sambahin ito. Ano ang nakikita mo sa tunay na mukha ng diyablo mula sa sitwasyong ito? Hindi ba tunay na walang kahihiyan ang diyablong si Satanas? (Oo.) Paano ito naging walang kahihiyan? Ang lahat ay nilikha ng Diyos, ngunit bumaling si Satanas at ipinakita nito ang lahat ng bagay sa Diyos, sinabi nito, “Tingnan mo ang kayamanan at kaluwalhatian ng lahat ng kahariang ito. Lahat ng ito ay ibibigay ko sa iyo kung sasambahin mo ako.” Hindi ba ito isang lubos na pagpapalitan ng papel? Hindi ba’t walang kahihiyan si Satanas? Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, ngunit tinatamasa ba Niya ang mga bagay na ito? Ipinagkaloob ng Diyos ang lahat ng bagay sa sangkatauhan, ngunit ang mga ito ay gustong sunggaban ni Satanas at pagkasunggab sa mga ito ay sinabi nito sa Diyos, “Sambahin mo ako! Sambahin mo ako at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito.” Ito ang pangit na mukha ni Satanas; ito ay tunay na walang kahihiyan! Hindi nga alam ni Satanas ang kahulugan ng salitang “kahihiyan.” Ito ay isa pang halimbawa ng kabuktutan nito. Hindi man lang nito alam kung ano ang kahihiyan. Malinaw na alam ni Satanas na ang lahat ay nilikha ng Diyos at Siya ang namamahala at may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Alam nito na ang lahat ng bagay ay pag-aari ng Diyos, hindi ng tao, at lalong hindi ni Satanas, ngunit ang diyablong si Satanas ay walang-kahihiyang sinabing ibibigay nito ang lahat sa Diyos. Hindi ba’t isa pa itong halimbawa na kumikilos si Satanas sa paraang baligho at walang kahihiyan? Idinulot nito na lalong kamuhian ng Diyos si Satanas, hindi ba? Ngunit anuman ang subukang gawin ni Satanas, nalinlang ba ang Panginoong Jesus? Ano ang sinabi ng Panginoong Jesus? (“Sa Panginoon mong Diyos ay dapat sumamba ka, at Siya lamang ang iyong dapat paglingkuran.”) Mayroon bang praktikal na kahulugan ang mga salitang ito? (Oo.) Anong uri ng praktikal na kahulugan? Nakikita natin ang kabuktutan at kawalang kahihiyan ni Satanas sa pananalita nito. Kaya kung sinamba ng sangkatauhan si Satanas, ano kaya ang kalalabasan? Matatamo kaya ng tao ang kayamanan at karangyaan ng lahat ng kaharian? (Hindi.) Ano ang kanyang matatamo? Magiging kasingwalang-kahihiyan at kasingkatawa-tawa ba siya gaya ni Satanas? (Oo.) Wala siyang ipagkakaiba kay Satanas kung gayon. Kaya naman, ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus ay napakahalaga para sa bawat tao: “Sa Panginoon mong Diyos ay dapat sumamba ka, at Siya lamang ang iyong dapat paglingkuran.” Nangangahulugan ito na maliban sa Panginoon, maliban sa Diyos Mismo, kung maglilingkod ka sa iba pa, kung sasambahin mo ang diyablong si Satanas, kung gayon ay malulublob ka sa parehong karumihan gaya ng kay Satanas. Makikibahagi ka kung gayon sa kawalang kahihiyan at kabuktutan ni Satanas, at kagaya lamang ni Satanas, tutuksuhin at tutuligsain mo ang Diyos. Kung gayon, ano ang iyong kalalabasan? Ikaw ay kasusuklaman ng Diyos, hahampasin ng Diyos, at wawasakin ng Diyos. Matapos mabigong tuksuhin ni Satanas ang Panginoong Jesus nang ilang beses, sumubok ba ito ulit? Hindi na sumubok ulit si Satanas at umalis na ito pagkatapos. Ano ang pinatutunayan nito? Pinatutunayan nito na ang buktot na kalikasan ni Satanas, ang pagiging mapaminsala nito, at ang pagiging baligho at katawa-tawa nito ay hindi karapat-dapat na banggitin pa sa harap ng Diyos. Tinalo ng Panginoong Jesus si Satanas sa pamamagitan lamang ng tatlong pangungusap, matapos nito ay umalis ito na bahag ang buntot, labis na nahihiyang ipakita ang mukha nito, at hindi nito muling tinukso ang Panginoong Jesus. Dahil napagtagumpayan na ng Panginoong Jesus ang panunuksong ito ni Satanas, kaya na Niya ngayon, nang walang hadlang, na ipagpatuloy ang gawain na gagawin Niya, ang gawaing papasanin Niya. Ang lahat ba ng ginawa at sinabi ng Panginoong Jesus sa sitwasyong ito ay nagtataglay ng anumang praktikal na kahulugan para sa bawat tao sa kasalukuyang panahon? (Oo.) Anong uri ng praktikal na kahulugan? Ang pagtalo ba kay Satanas ay madaling gawin? Kailangan bang magkaroon ang mga tao ng malinaw na pagkaunawa sa buktot na kalikasan ni Satanas? Kailangan bang magkaroon ang mga tao ng tumpak na pagkaunawa sa mga panunukso ni Satanas? (Oo.) Kapag nararanasan mo ang mga tukso ni Satanas, kung natatalos mo ang buktot na kalikasan ni Satanas, hindi ba’t magagawa mong talunin ito? Kung alam mo ang pagiging baligho at katawa-tawa ni Satanas, mananatili ka pa rin ba sa panig ni Satanas at aatakehin mo ang Diyos kasama si Satanas? Kung nauunawaan mo na ang pagiging mapaminsala at kawalang-kahihiyan ni Satanas ay nabubunyag sa iyo—kung malinaw mong kinikilala at nauunawaan ang katunayang ito—aatakehin at tutuksuhin mo pa rin ba ang Diyos sa ganitong paraan? (Hindi.) Ano ang gagawin ninyo? (Maghihimagsik kami laban kay Satanas at itatakwil ito.) Iyon ba ay isang bagay na madaling gawin? Hindi ito madali. Para magawa ito, dapat magdasal nang madalas ang mga tao; dapat madalas silang lumapit sa harap ng Diyos at suriin ang kanilang mga sarili. At dapat nilang hayaang sumapit sa kanila ang pagdidisiplina ng Diyos at ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Sa ganitong paraan lamang dahan-dahang makakaalpas ang mga tao mula sa panlilihis at pagkontrol ni Satanas.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V

Sa kasalukuyan, marami bang tukso para sa mga taong namumuhay sa lipunang ito? Pinapalibutan ka ng mga tukso mula sa lahat ng panig, lahat ng uri ng masasamang kalakaran, lahat ng uri ng diskurso, lahat ng uri ng kaisipan at pananaw, pati na lahat ng uri ng panlilihis at pang-aakit mula sa lahat ng uri ng tao, lahat ng uri ng malademonyong mukha na isinusuot ng lahat ng uri ng tao. Ang lahat ng ito ay mga tuksong kinakaharap mo. Halimbawa, maaaring gumawa ng mga pabor ang mga tao para sa iyo, subukang isali ka sa pagkita ng pera, bigyan ka ng mga regalo, suyuin ka, alukin ka ng mga trabaho, subukang kaibiganin ka, subukang makipag-date sa iyo o isama kang sumayaw, bigyan ka ng pera—ang mga ito ay pawang mga tukso, at kung hindi ka mag-iingat, maaaring maging patibong ang lahat ng ito. Kung hindi nasasangkapan ang kalooban mo ng ilang katotohanan at wala kang anumang tunay na tayog, hindi mo makikita ang totoong katangian ng mga bagay na ito, at magiging mga bitag at tukso ang mga ito para sa iyo. Sa isang banda, kung hindi mo taglay ang katotohanan, hindi mo makikilatis ang mga pakana ni Satanas, at hindi mo matatalos ang mga satanikong mukha ng iba’t ibang uri ng tao. Hindi mo madadaig si Satanas, hindi ka makapaghihimagsik laban sa laman, at hindi ka magkakaroon ng pagpapasakop sa Diyos. Sa kabilang banda naman, sa kawalan ng katotohanang realidad, hindi mo magagawang labanan ang lahat ng iba’t ibang masamang kalakaran, masamang pananaw, at kakatwang kaisipan at kasabihan. Kapag nahaharap sa mga ito, ito ay magiging parang isang biglaang paglamig. Marahil ay magkakaroon ka lang ng sipon, o maaaring magkasakit ka nang mas malubha—maaari kang dumanas ng posibleng nakamamatay na cold stroke,[a] na marahil ay maging sanhi para tumigil ka sa pananampalataya. Kung wala kang katotohanan, malilito at maguguluhan ka na sa ilang salita pa lamang ng mga Satanas at ng mga diyablo ng mundong walang pananampalataya. Mapapaisip ka kung dapat ka bang manampalataya sa Diyos o hindi at kung tama ba ang gayong pananalig. Maaaring, sa pagtitipon ngayon, nasa mabuting kalagayan ka, pero bukas, uuwi ka at manonood ng ilang episode ng isang palabas sa telebisyon, at sa gayon ay naakit ka palayo. Sa gabi, nakakalimutan mo pa ngang magdasal bago matulog, at ang isipan mo ay puno ng kuwento ng naturang palabas sa telebisyon. Kung patuloy kang manonood sa loob ng dalawang araw, malayo na sa Diyos ang puso mo. Ayaw mo nang basahin ang salita ng Diyos o magbahagi tungkol sa katotohanan, at ayaw mong magdasal sa Diyos. Sa puso mo, palagi mong sinasabi, “Kailan ba ako makagagawa ng isang bagay? Kailan ko masisimulan ang isang mahalagang adhikain? Sa ganoong paraan, kahit papaano, hindi mawawalan ng saysay ang buhay ko!” Nagbago ba ang puso mo? Noong una, gusto mong mas maunawaan ang katotohanan para maipangaral mo ang ebanghelyo at makapagpatotoo ka sa Diyos. Bakit nagbago ka na ngayon? Sa pamamagitan lamang ng panonood ng mga pelikula at programa sa telebisyon, tinutulutan mo si Satanas na mabihag ang puso mo. Talagang mababa nga ang tayog mo. Sa tingin mo ba ay mayroon kang tayog para labanan ang masasamang kalakarang ito? Ngayon, nagpapakita ng biyaya sa iyo ang Diyos at dinadala ka Niya sa Kanyang sambahayan para magawa mo ang iyong tungkulin. Huwag mong kalimutan ang tayog mo. Sa kasalukuyan, isa kang bulaklak sa greenhouse, hindi makayanan ang hangin at ulan sa labas. Kung hindi makikilala at makakayanan ng mga tao ang mga tuksong ito, maaari silang bihagin ni Satanas anumang oras, sa anumang lugar. Ganoon ang mababang tayog at kahabag-habag na kalagayan ng tao. Sapagkat hindi ka nagtataglay ng katotohanang realidad at wala kang pagkaunawa sa katotohanan, ang lahat ng salita ni Satanas ay lason sa iyo. Kung papapasukin mo ang mga ito sa iyong puso, mabibitag ka sa loob ng mga ito. Sa puso mo, sinasabi mo, “Tatakpan ko ang aking mga tainga at isasara ang aking mga mata,” pero hindi mo matatakasan ang panunukso ni Satanas. Hindi ka namumuhay sa hungkag na espasyo. Kung naririnig mo ang mga salita ni Satanas, hindi mo magagawang lumaban. Mahuhulog ka sa bitag. Bagama’t sinusumpa mo ang sarili mo sa dasal, wala itong magiging silbi. Hindi mo kayang lumaban. Ang gayong mga bagay ay nakakaimpluwensiya sa iyong mga kaisipan at nakakaimpluwensiya sa iyong mga kilos. Mahahadlangan ng mga ito ang landas ng iyong paghahangad sa katotohanan. Maaari ka pa ngang kontrolin ng mga ito, pigilan ka sa paggugol ng iyong sarili para sa Diyos, gawin kang negatibo at mahina, at ilayo ka sa Diyos, at pagkatapos ay lubos kang masisira at mawawalan ng lahat ng pag-asa.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Madalas na Pagbabasa Lamang ng mga Salita ng Diyos at Pagninilay sa Katotohanan Maaaring Magkaroon ng Landas na Susundin

Talababa:

a. Cold stroke, isang terminong ginagamit sa tradisyonal na Chinese medicine na tumutukoy sa malubha, nakamamatay na lamig sa loob ng katawan dulot ng mga panlabas na elemento.


Ang pagtanggap at pagsunod kay Cristo sa anumang bansa ay may kaakibat na ilang dami ng pag-uusig at kapighatian. Kailangan mong laging kumilos nang may pag-iingat at manalangin at bumaling sa Diyos, at dapat mayroon ka ring karunungan at katalinuhan. Anumang bansa at kapaligirang panlipunan ang kinaroroonan mo, magkakaroon ng mga akmang sitwasyon na inihanda at isinaayos ng Diyos para sa iyo. Nakadepende ang lahat sa kung hinahangad ba ng isang tao o hindi ang katotohanan. Nagdadala ng mga tukso sa mga tao ang isang komportableng kapaligiran, habang ang pagpapahirap at pag-uusig ay nagdadala rin ng mga tukso—at mga pagsubok siyempre. May mga pagsubok ba sa isang komportableng kapaligiran kung gayon? Mayroon ding mga pagsubok ng Diyos. Inihanda ng Diyos ang komportableng kapaligirang ito para sa iyo, at ang lahat ay nakadepende sa kung paano mo ito daranasin—kung ikaw ba ay mabibitag ng mga patibong at mga tukso ni Satanas sa bawat pagkakataon, o kung magagawa mo bang pagtagumpayan ang mga bagay na ito sa lahat ng aspekto at magpatotoo para sa Diyos, nang pinanghahawakan mo ang iyong katapatan at tungkulin. Ang lahat ng ito ay nakadepende sa kung paano mo ito daranasin at sa mga pagpili mong gagawin. Ang kapaligiran na nararanasan ng mga kapatid sa mainland China ay medyo mas mahirap. Binigyan sila ng Diyos ng mas mabigat na pasanin at naghanda Siya para sa kanila ng isang kapaligiran na medyo mas mahirap. Ang ipinagkaloob Niya sa kanila ay mas marami rin kaysa sa iba. Habang mas mahirap ang kapaligiran at mas malaki ang mga pagsubok na inihahanda ng Diyos, mas maraming nakakamit ang mga tao. Ngunit sa isang komportableng kapaligiran, nakakaranas din ang mga tao ng mga tukso sa bawat pagkakataon at sumasailalim sa mga pagsubok, at marami ring ibinigay ang Diyos sa iyo. Kung kaya mong pagtagumpayan ang tukso sa tuwing nahaharap ka rito, hindi mas kaunti ang makakamit mo kaysa sa iyong mga kapatid na nakararanas ng pagpapahirap at pag-uusig. Kailangan mo ring hangarin ang katotohanan at magkaroon ng tayog upang mapagtagumpayan ang mga tuksong iyon. Halimbawa, ang mga bagay na gaya ng pagtitipon kasama ang iyong pamilya, pagkakaroon ng masasarap na pagkain at inumin, libangan at kaaliwan, at mga kalakarang panlipunan na nagbibigay-ginhawa at nagpapababa sa laman ay pawang mga tukso para sa iyo. Kapag nahaharap ka sa mga tuksong ito, hindi lamang makikita ng iyong mga mata ang mga ito, kundi guguluhin at pupukawin din ng mga ito ang iyong puso. Kapag sinusunod mo ang mga makamundong bagay at kalakaran, iyan ang panahon na dumarating sa iyo ang mga tukso ni Satanas. Masasabi rin na ito ang panahon na dumarating sa iyo ang mga pagsubok ng Diyos. Kakailanganin mong pumili kung paano tutugon sa mga tukso at pagsubok na ito, at ito ang oras na sinusubok at ibinubunyag ka ng Diyos. Ito ang panahon na ang mga sinabi ng Diyos sa iyo at ang mga katotohanang naunawaan mo ay dapat na magkaroon ng bisa. Kung hinahangad mo ang katotohanan at mayroon kang tunay na pananalig sa Diyos sa puso mo, magagawa mong mapagtagumpayan ang mga tuksong ito at makapanindigan at makapagpatotoo sa Diyos sa mga pagsubok na inihanda Niya para sa iyo. Gayumpaman, kung sa halip na mahalin ang katotohanan ay minamahal mo ang mundo, ang mga kalakaran, nagpapakasasa sa kaginhawahan at nagbibigay-kasiyahan sa iyong laman, at ang isang buhay na walang kabuluhan, susundin mo ang mga makamundong bagay na ito. Mag-iimbot ka sa mga bagay na ito at maaakit ka sa mga ito at magiging pag-aari ka ng mga ito. Paunti-unti, mawawalan ng interes ang puso mo sa pananampalataya sa Diyos, magiging tutol ka sa katotohanan, at pagkatapos, sa gitna ng tukso, bibihagin ka ni Satanas. Sa pagsubok na gaya nito, mawawala ang iyong patotoo. Maraming tao ang nakapakinig na ng maraming sermon at gumagawa ng kanilang mga tungkulin ngunit nakakaramdam pa rin ng kahungkagan sa loob nila. Gustong-gusto pa rin nilang sundan ang mga sikat na tao, humabol sa mga uso, manood ng mga programang pang-aliw sa TV, at may iba pa nga na tuloy-tuloy na nanonood ng mga palabas hanggang sa puntong nagpupuyat sila sa gabi at natutulog sa umaga. Naglalaro pa nga ng mga video game ang ilang kabataan. Sa kabuuan, hindi sila nag-aatubiling magbayad ng anumang halaga at nahuhumaling na naghahangad ng mga usong bagay na ito. At bakit ganito? Ito ay dahil hindi nila nakamit ang katotohanan. May partikular na pakiramdam ang mga taong hindi nagkamit ng katotohanan, na tila ba walang malaking pagkakaiba sa pagitan ng pananampalataya at ng hindi pananampalataya sa Diyos. Nakakaramdam pa rin sila ng kahungkagan sa kanilang puso at na walang saysay ang kanilang buhay. Kung sumusunod sila sa mga uso, nararamdaman nilang medyo mas makabuluhan at masagana ang buhay nila, at na medyo mas masaya sila sa bawat araw. Kung nananampalataya sila sa Diyos at hindi sila sumusunod sa mga kalakaran, nararamdaman pa rin nilang ang buhay ay walang kabuluhan at walang saysay. Ito ay dahil hindi nila minamahal ang katotohanan. Dagdag pa rito, tiyak na masasabi na hindi nauunawaan ng mga taong ito ang katotohanan kahit kaunti at na wala silang katotohanang realidad. Samakatwid, hindi nila kayang mabuhay nang hindi sumusunod sa mga uso. Ang ilang tao ay hindi kailanman naghangad ng katotohanan at hindi sila nakatuon kahit kapag ginagawa nila ang kanilang mga tungkulin. Hindi sila makapanindigan sa sandaling maharap sila sa mga tukso, at sa malao’t madali ay aatras sila. Ang ilang tao ay napakasigasig at may determinasyon kapag sinisimulan nilang gawin ang kanilang mga tungkulin, ngunit ayaw na nilang gawin ang mga ito kapag nahaharap sila sa mga tukso, at nagiging pabasta-basta sila at mapagwalang-bahala. Walang patotoo rito. Kung kaya nilang bitiwan ang kanilang mga tungkulin sa sandaling maharap sila sa tukso at piliin ang anumang gusto nila, kung gayon, wala silang patotoo. Kung darating ang isa pang tukso, maaaring itatwa nila ang Diyos at naising sundan ang mga makamundong kalakaran at iwan ang iglesia. At kung darating pa ang isa pang tukso, magsisimula silang magduda sa Diyos at hindi man lang makatiyak sa kanilang puso kung Siya ba ay umiiral o hindi, at maniniwala pa nga na sila ay nagmula sa mga unggoy. Kung gayon ay ganap na silang mabibihag ni Satanas. Kung, kapag nahaharap sa sunud-sunod na tukso, hindi sila nananalangin sa Diyos o naghahanap sa katotohanan, at iniisip lamang nila ang kapalaran ng kanilang laman, at bilang resulta ay bigo silang manindigan sa kanilang patotoo, at unti-unti silang kinakaladkad ni Satanas papunta sa impiyerno at sa kalaliman ng kamatayan, ibibigay ng Diyos ang taong ito kay Satanas, at hindi na siya magkakaroon ng anumang pagkakataon na maligtas. Sabihin ninyo sa Akin, mahalaga bang hangarin ang katotohanan? (Mahalaga ito.) Napakahalaga ng katotohanan. Anong silbi ang magagawa ng katotohanan? Sa pinakamababa, magbibigay-daan ito sa iyo na makilatis ang mga pakana ni Satanas kapag nahaharap ka sa tukso, na malaman kung ano ang dapat mong gawin at ang hindi mo dapat gawin, at kung ano ang dapat mong piliin. Sa pinakamababa, magbibigay-daan ito sa iyo na malaman ang mga bagay na ito. Ang pinakamahalagang bagay ay bibigyang-kakayahan ka ng katotohanan na makapanindigan sa tukso at manatiling matatag at hindi natitinag. Magagawa mong panghawakan ang tungkuling ibinigay ng Diyos sa iyo, maging deboto sa iyong tungkulin, at itakwil si Satanas, at magagawa mong manindigan sa iyong patotoo sa gitna ng mga pagsubok gaya ng ginawa ni Job. Sa pinakamababa, ito ang dapat na makamit ng mga tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sa lupa, lahat ng uri ng masasamang espiritu ay walang-tigil sa paggala sa paghahanap ng mapagpapahingahan; walang-tigil ang mga ito sa paghahanap ng mga bangkay ng mga maaari nilang lamunin. Aking mga tao! Kailangan kayong manatili sa loob ng Aking pangangalaga at proteksyon. Huwag maging mapagpalayaw kailanman! Huwag kumilos nang padalos-dalos kailanman! Dapat mong ialay ang iyong katapatan sa Aking sambahayan, at sa katapatan mo lamang malalabanan ang mga pakana ng mga diyablo. Anuman ang mangyari, hindi ka dapat kumilos na tulad noong araw, na gumagawa ng isang bagay sa Aking harapan at ng iba naman sa Aking likuran; kung kikilos ka sa ganitong paraan, hindi ka na puwedeng matubos. Hindi ba higit pa sa sapat ang nabigkas Kong mga salita na tulad ng mga ito? Ito ay dahil mismo sa hindi maitama ang dating kalikasan ng tao kaya kinailangan Ko siyang paulit-ulit na paalalahanan. Huwag mainip! Ang sinasabi Ko ay pawang para sa kapakanan ng inyong tadhana! Isang mabaho at maruming lugar ang kailangan mismo ni Satanas; kapag mas hindi na kayo matutubos pa at mas mapagpalayaw kayo, tumatangging magpasakop sa pagpigil, ang lahat ng uri ng maruruming espiritu ay mas gagamit ng anumang pagkakataon na pumasok sa inyo. Kung nakarating na kayo sa puntong ito, ang inyong katapatan ay magiging walang-kabuluhang satsat lamang, wala itong anumang realidad, at lalamunin ng maruruming espiritu ang inyong determinasyon at magiging pagrerebelde ito at mga pakana ni Satanas upang gambalain ang Aking gawain, sa gayon ay hahampasin Ko kayo sa anumang oras at saanmang lugar. Walang sinuman ang nakakaunawa sa bigat ng sitwasyong ito; talagang nagbibingi-bingihan lamang sila rito, at hindi man lamang sila nag-iingat. Hindi Ko tinatandaan ang ginawa noong araw; talaga bang naghihintay ka pa ring maging maluwag Ako sa iyo sa pamamagitan ng “hindi pagtanda” muli? Bagama’t tinutulan na Ako ng mga tao, hindi Ko sila sisisihin, sapagkat napakaliit ng kanilang tayog, kaya nga hindi Ako nagtakda ng mga sobrang mataas na hinihingi sa kanila. Ang tanging hinihiling Ko ay huwag silang maging mapagpalayaw, at na magpasakop sila sa pagpipigil. Maaari kayang lampas ito sa inyong kapasidad na tugunan ang iisang tuntuning ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob, Kabanata 10

Ang bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa mga tao sa panlabas ay mukhang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panggugulo ng tao. Ngunit sa likod ng bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi ng mga ito sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo para sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubok, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang kinaharap ni Job ay ang mga kilos at mga panggugulo ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod nito ay isang labanan. Halimbawa, kung ikaw ay may pagkiling laban sa iyong mga kapatid, magkakaroon ka ng mga salita na nais mong sabihin—mga salita na sa pakiramdam mo ay hindi magugustuhan ng Diyos—ngunit kung hindi mo sasabihin ang mga ito, makararamdam ka ng pagkabagabag sa kalooban mo, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang labanan sa kalooban mo: “Magsasalita ba ako o hindi?” Ito ang labanan. Kaya, sa lahat ng bagay na nakakatagpo mo ay may labanan. Kapag may labanan sa iyong kalooban, gumagawa ang Diyos sa iyo sa pamamagitan ng iyong aktuwal na pakikipagtulungan at aktuwal na pagdurusa, at sa huli ay magagawa mong bitiwan ang usapin sa loob mo, at ang galit mo ay likas na mawawala. Ito rin ang bunga ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos. Sa lahat ng ginagawa ng mga tao, kinakailangan ng partikular na dami ng dugo ng kanilang puso. Kung walang aktuwal na pagdurusa, hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang Diyos; hindi man lamang sila nakakaabot sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, at naglilitanya lamang sila ng mga hungkag na islogan! Mabibigyang-kasiyahan ba ng mga hungkag na islogang ito ang Diyos? Kapag naglalaban sa espirituwal na mundo ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo para sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo. Bagama’t maaaring mukhang hindi mahalaga ang mga ito sa panlabas, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, ipinakikita ng mga ito kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo ang Diyos, makakapanindigan ka sa iyong patotoo para sa Kanya, at kung hindi mo naisagawa ang pagmamahal sa Diyos, ipinapakita nito na ikaw ay hindi isang taong nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa! Sa lahat ng bagay na nangyayari sa mga tao, kailangan sila ng Diyos na manindigan sa kanilang patotoo para sa Kanya. Bagama’t walang malaking nangyayari sa iyo sa sandaling ito at hindi ka nagbibigay ng malaking patotoo, ang lahat ng detalye ng iyong pang-araw-araw na buhay ay nauugnay sa patotoo sa Diyos. Kung makakamit mo ang paghanga ng iyong mga kapatid, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga walang pananampalataya, at humanga sa lahat ng iyong ginagawa, at makitang ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, kung gayon ay ito na ang iyong magiging patotoo. Kahit wala kang kabatiran at mababa ang iyong kakayahan, sa pamamagitan ng pagperpekto sa iyo ng Diyos, nagagawa mong bigyan Siya ng kasiyahan at isaalang-alang ang Kanyang mga layunin, na ipinapakita sa iba ang dakilang gawaing nagawa Niya sa mga tao na may pinakamabababang kakayahan. Kapag nakikilala ng mga tao ang Diyos at nagiging mga mananagumpay sila sa harap ni Satanas, na lubhang tapat sa Diyos, wala nang iba pang mas may gulugod kaysa sa grupong ito ng mga tao, at ito ang pinakadakilang patotoo. Bagama’t hindi mo kayang gumawa ng dakilang gawain, kaya mong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi mabitiwan ng iba ang kanilang mga kuru-kuro, ngunit kaya mo; hindi kaya ng iba na magpatotoo sa Diyos sa panahon ng kanilang aktuwal na mga karanasan, ngunit magagamit mo ang iyong aktuwal na tayog at mga pagkilos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at magbigay ng matunog na patotoo para sa Kanya. Ito lamang ang mabibilang na aktuwal na pagmamahal sa Diyos. Kung hindi mo ito kayang gawin, kung gayon ay hindi ka nagpapatotoo sa gitna ng mga miyembro ng iyong pamilya, sa gitna ng iyong mga kapatid, o sa harap ng mga tao sa mundo. Kung hindi mo kayang magpatotoo sa harap ni Satanas, tatawanan ka ni Satanas, ituturing ka nito bilang isang katatawanan, bilang isang laruan, at madalas ka nitong pagmumukhaing hangal at guguluhin ang isip mo. Sa hinaharap, maaaring sumapit sa iyo ang malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal mo ang Diyos nang may tunay na puso, at kung, gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, anuman ang mangyari sa iyo, nagagawa mong manindigan sa iyong patotoo, at nagagawa mong bigyang-kasiyahan ang Diyos, kung gayon, pagiginhawahin ang iyong puso, at hindi ka matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na iyong makakatagpo sa hinaharap. Hindi ninyo nakikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari lamang ninyong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa mga kalagayan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawain—dapat kayong tumuon sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at dapat kayong magbigay ng malakas at matunog na patotoo at sa gayon ay magbigay-kahihiyan kay Satanas. Bagama’t hindi makakahanap ng kasiyahan ang iyong laman at magdurusa, maghahatid ka ng kasiyahan sa Diyos at magdadala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magbubukas ang Diyos ng isang landas sa harap mo. Kapag, isang araw, dumating ang isang malaking pagsubok, babagsak ang iba, ngunit makatatayo ka pa rin nang matatag: Dahil sa halaga na iyong binayaran, poprotektahan ka ng Diyos upang matatag kang makatayo at hindi bumagsak.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Anong mga pagsubok ang kaya ninyong tiisin ngayon? Mangangahas ba kayong sabihin na mayroon kayong pundasyon? Kaya ba ninyong manindigan kapag nahaharap sa mga tukso? Ang mga tukso ng pagtugis at pang-uusig ng mga Satanas, halimbawa, o ng katayuan at katanyagan, ng pag-aasawa, o kayamanan—kaya ba ninyong lampasan ang mga tuksong ito? (Sa isang antas ay malalampasan namin ang ilan sa mga ito.) Ilang antas ng mga tukso ang mayroon? At aling antas ng tukso ang kaya ninyong lampasan? Halimbawa, maaaring hindi ka natatakot kapag nababalitaan mong may inaresto dahil sa pananampalataya sa Diyos, at maaaring hindi ka natatakot kapag nakikita mong inaaresto at pinapahirapan ang iba—ngunit kapag ikaw ang inaresto, kapag nasumpungan mo ang iyong sarili sa sitwasyong ito, kaya mo bang manindigan? Isa itong malaking tukso, hindi ba? Sabihin natin, halimbawa, may kakilala kang isang tao, isang taong may mabuting pagkatao, na masigasig sa kanyang pananalig sa Diyos, na tinalikuran ang pamilya at propesyon para magawa ang kanyang tungkulin at dumanas siya ng labis na paghihirap: Biglang dumating ang isang araw na inaresto at sinentensiyahan siyang makulong dahil sa kanyang pananalig sa Diyos, at pagkatapos ay nabalitaan mong binugbog siya hanggang sa mamatay. Isa ba itong tukso para sa iyo? Ano ang magiging reaksiyon mo kapag nangyari ito sa iyo? Paano mo ito dapat danasin? Hahanapin mo ba ang katotohanan? Paano mo hahanapin ang katotohanan? Sa panahon ng gayong tukso, paano ka makapaninindigan, at makauunawa sa layunin ng Diyos, at paano mo makakamit ang katotohanan mula rito? Naisaalang-alang mo na ba ang gayong mga bagay? Madali bang lampasan ang gayong mga tukso? Di-pangkaraniwan ba ang mga iyon? Paano ba dapat danasin ang mga bagay na di-pangkaraniwan at sumasalungat sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao? Kung wala kang landas, magrereklamo ka ba? Magagawa mo bang hanapin ang katotohanan sa mga salita ng Diyos at makilatis ang diwa ng mga problema? Magagamit mo ba ang katotohanan para matukoy ang mga tamang prinsipyo ng pagsasagawa? Hindi ba’t ito ang dapat na makita sa mga naghahangad sa katotohanan? Paano mo makikilala ang gawain ng Diyos? Paano ka dapat dumanas para magawang makamtan ang mga bunga ng paghatol, pagdadalisay, pagliligtas at pagpeperpekto ng Diyos? Anong mga katotohanan ang dapat na maunawaan para malutas ang napakaraming kuru-kuro at mga hinaing ng mga tao laban sa Diyos? Ano ang mga pinakakapaki-pakinabang na katotohanan na dapat mong isangkap sa iyong sarili, ang mga katotohanang magtutulot sa iyo na makapanindigan sa gitna ng iba’t ibang pagsubok? Gaano kalaki ang tayog ninyo ngayon? Anong antas ng mga tukso ang kaya ninyong lampasan? Mayroon ba kayong anumang katiyakan tungkol dito sa inyong puso? Kung wala, hindi natin masasabi. Kasasabi lang ninyo na “sa isang antas ay malalampasan ninyo ang ilan sa mga ito.” Magulo ang mga katagang ito. Dapat malinaw sa inyo kung anong uri ng tayog mayroon kayo, kung anong mga katotohanan ang naisangkap na ninyo sa inyong sarili, anong mga tukso ang kaya ninyong lagpasan, at anong mga pagsubok ang kaya ninyong tanggapin, pati na aling mga katotohanan ang dapat mong taglayin, paanong dapat mong makilala ang gawain ng Diyos, at aling landas ang dapat mong piliin upang mapalugod mo ang Diyos sa panahon ng mga partikular na pagsubok—dapat mayroon kang magandang ideya tungkol sa lahat ng ito. Kapag nahaharap ka sa isang bagay na hindi akma sa iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, paano mo ito daranasin? Sa gayong mga bagay, paano mo dapat sangkapan ang iyong sarili ng katotohanan—at kung aling mga aspekto ng katotohanan—upang malagpasan ito nang maayos, hindi lang nilulutas ang iyong mga kuru-kuro, kundi kinakamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos—hindi ba’t ito ang dapat mong hanapin? Anong uri ng mga tukso ang karaniwan ninyong nararanasan? (Katayuan, kasikatan, pakinabang, kayamanan, mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae.) Ang mga ito, sa pangkalahatan, ang karaniwan. At patungkol sa tayog ninyo ngayon, sa aling mga tukso ninyo nagagawang pigilan ang sarili at manindigan? Taglay ba ninyo ang tunay na tayog ng pagdaig sa mga tuksong ito? Talaga bang magagarantiya ninyo na gagawin ninyo nang maayos ang inyong tungkulin, at hindi gagawa ng anumang bagay na lalabag sa katotohanan, o na nakagagambala at nakagugulo, o lumalaban at mapanghimagsik, o nakakapagpalungkot sa Diyos? (Hindi.) Kaya ano ang dapat ninyong gawin upang magampanan nang maayos ang inyong tungkulin? Una, dapat mong suriin ang iyong sarili sa lahat ng bagay, upang makita kung ang iyong mga kilos ay alinsunod sa mga katotohanang prinsipyo, kung mayroon pa bang mga aspekto kung saan ka pabasta-basta, at kung anong mga pag-uugali at pagsasagawa mo ang pinamamahalaan ng mga maling kaisipan at pananaw. Kung mayroon man, kailangang-kailangan na hanapin mo ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Dagdag pa rito, pagdating sa mga bagay na hindi mo namamalayan, dapat kang magbahagi tungkol sa katotohanan batay sa paglalantad ng mga salita ng Diyos at hanapin mo ang katotohanan para lutasin ang mga ito. Kung pinupungusan ka, dapat mo itong tanggapin at magpasakop ka. Hangga’t ang mga nagpupungos sa iyo ay nagsasalita ayon sa mga katunayan, hinding-hindi mo dapat subukang makipagtalo o maglahad ng mga tila kapani-paniwalang pagbibigay-katwiran; dapat mong hanapin ang katotohanan at pagnilayan ang iyong mga problema. Tanging sa pagsasagawa sa ganitong paraan mo makikilala ang iyong sarili at tunay na makapagsisisi. Dapat makamit ng mga tao ang mga hinihingi ng dalawang aspektong ito ng mga bagay at magkaroon ng tunay na pagpasok. Sa ganitong paraan, makakamit nila ang pagkaunawa sa katotohanan at makakapasok sila sa realidad, at magagampanan nila ang kanilang tungkulin nang pasok sa pamantayan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan ng Pagbibigay ng Isang Tao ng Puso Niya sa Diyos, Makakamit Niya ang Katotohanan

Sa pang-araw-araw na buhay, nakatatagpo ang mga tao ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay, nakakaranas ng lahat ng uri ng suliranin, at nahaharap din sa maraming tukso. Kung hindi nila taglay ang katotohanan at hindi sila nagdarasal at naghahanap, mahihirapan silang kumawala sa tukso. Halimbawa na lang, ang relasyon ng mga lalaki at babae. Hindi napaglalabanan ng ilang tao ang gayong mga tukso, at nadadapa sila sa sandaling maharap sila sa ganitong uri ng sitwasyon. Hindi ba’t ipinakikita nitong masyadong maliit ang kanilang tayog? Ganito kaawa-awa ang mga taong hindi nagtataglay ng katotohanan at hindi talaga sila nagpapatotoo. Ang ilang tao ay nahuhulog sa tukso kapag nahaharap sa mga sitwasyong may kaugnayan sa pera. Kapag nakakikita sila ng ibang taong may pera, nagrereklamo sila, “Bakit ang dami-dami nilang pera at napakahirap ko? Hindi ito patas!” Nagrereklamo sila kapag nangyayari ito sa kanila, at hindi nila matanggap ito mula sa Diyos o makapagpasakop sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. May ilang tao rin na palaging nakatuon sa katayuan, at kapag naharap sa ganitong uri ng tukso, hindi nila ito mapagtagumpayan. Halimbawa, kapag ang gayong tao ay nirekrut ng mga walang pananampalataya para maging isang opisyal, at pinangakuan siya ng maraming benepisyo, hindi siya makapaninindigan—gusto lang niyang maging isang opisyal. Sa katunayan, nakapagpasya na siya, pero sinasabi pa rin niyang gusto niyang hanapin ang mga layunin ng Diyos. Taos-puso ba ang mga salitang ito? Malinaw na napagpasyahan niya sa kanyang puso na maging isang opisyal, pero natatakot siyang mawala ang mga pagpapalang nagmumula sa pananampalataya sa Diyos, kaya gusto niyang hanapin ang Diyos at magdasal sa Kanya, hinihiling pa nga sa Diyos na bigyan siya ng mga pagsubok. Ano ang saysay ng pagsubok sa iyo ng Diyos? Pinili mo na ang maging isang opisyal; sa usaping ito, nahulog ka na—kailangan ka pa bang subukin? Hindi ka man lang karapat-dapat na subukin ng Diyos—napakaliit ng iyong tayog na nakakaawa. At nakapili ka na sa iyong puso, kaya kahit subukin ka pa Niya, wala itong silbi. Sa katunayan, nang mangyari ito, pinagmamasdan ka ng Banal na Espiritu mula sa tabi, sinisiyasat ang kaloob-looban mong saloobin at pinapanood kung paano ka pumili. Ito ay ang pagsubok sa iyo ng Diyos. Ang ilang tao, kapag nakakakita sila ng pakinabang, hindi sila nakikipaglaban o nakikipag-agawan para dito. Sinasabi nila sa kanilang sarili, “Sapat na ang mayroon ako; labis ang kabutihang ipinakita ng Diyos sa akin. Hindi mahalaga sa akin ang makakain ng masasarap na pagkain o makapagdamit nang maganda; nakatuon lang ako sa paghahangad sa katotohanan para makamit ang Diyos. Nakamit ko ang katotohanan mula sa Diyos at nagtamasa ng maraming biyaya. Sa katunayan, hindi man lang ako karapat-dapat sa mga bagay na ito.” Sinisiyasat ng Banal na Espiritu ang puso ng mga tao. Kung hinahangad ng gayong mga tao ang katotohanan, lalo pa silang bibigyang-liwanag ng Banal na Espiritu, bibigyang-kakayahan silang higit na makaunawa, gagawing mas malinaw sa kanila ang katotohanan, at bibigyan sila ng higit na lakas sa kanilang puso. Pero ang mga kasuklam-suklam at mababang-uring taong iyon na walang pagkatao ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para ipaglaban ang anumang pakinabang na nakikita nila sa sambahayan ng Diyos. Iniisip nila, “Kung hindi ko ipaglalaban ang mga pakinabang na ito, makukuha ito ng ibang tao at mawawalan ako.” Kung mabigo silang makuha ang mga pakinabang, may lakas ng loob pa nga silang magmura sa mga tao at gumanti sa mga ito. Nakikita na ganitong uri ng hamak na nilalang ang mga taong ito, naghahanda ang Banal na Espiritu ng mga kapaligiran para ihayag sila, at inilalantad nila ang sarili nilang kapangitan. Ang mga taong tulad nito ay ititiwalag at parurusahan. Kahit gaano katagal na silang sumasampalataya, wala itong magagawa para sa kanila. Wala silang makakamit. Sa maraming pagkakataon, kapag nagpapakita ang Banal na Espiritu ng kabutihan sa mga tao, natatamo nila ito kung kailan hindi nila ito inaasahan. Kung hindi ka Niya pinakikitaan ng kabutihan, mangyayari din ang iyong kaparusahan kung kailan hindi mo ito inaasahan. Ganito kamapanganib ang mga bagay-bagay para doon sa mga tao na hindi naghahangad sa katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananampalataya sa Diyos, Pinakamahalagang Bagay ang Pagkakamit ng Katotohanan

Kung hindi mo namamalayan ang mga tuksong nakahaharap mo, hindi mo maayos na nahaharap ang mga ito at hindi ka nakakagawa ng mga tamang pagpapasya, kung gayon, ang mga tuksong ito ay magdudulot sa iyo ng pighati at pagdurusa. Halimbawa, maaaring bigyan ka ng mga kapatid ng espesyal na materyal na pagtrato, kabilang ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkain, damit, tirahan, at mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kung ang karaniwan mong ginagamit ay mas maganda kaysa sa ibinibigay nila sa iyo, na minamaliit mo, maaaring hindi mo tanggapin ang kanilang mga regalo. Gayumpaman, kung makakilala ka ng isang mayamang tao at binigyan ka niya ng magagandang damit, at sinabing hindi niya isinusuot ang mga ito, makapaninindigan ka ba sa harap ng gayong tukso? Maaaring pag-iisipan mo ang sitwasyon, sasabihin sa iyong sarili na, “Mayaman siya, at balewala sa kanya ang mga damit na ito. Hindi naman niya isinusuot ang mga ito. Kung hindi niya ibibigay ang mga ito sa akin, itatambak na lamang niya ang mga ito sa kung saan. Kaya, tatanggapin ko ang mga ito.” Ano ang tingin mo sa desisyong iyon? (Tinatamasa na namin ang mga pakinabang ng katayuan.) Bakit ito pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan? (Dahil tinanggap namin ang magagandang bagay.) Pagtatamasa ba sa mga pakinabang ng katayuan ang tanggapin lang ang magagandang bagay na inaalok sa iyo? Kung inalok sa iyo ang isang ordinaryong bagay, pero talagang ito ang kailangan mo at kaya tinanggap mo ito, maituturing din ba itong pagtatamasa sa mga pakinabang ng katayuan? (Oo. Sa tuwing tinatanggap namin ang mga bagay mula sa iba upang tugunan ang aming mga makasariling pagnanais, maituturing ito.) Mukhang hindi malinaw sa iyo ito. Ni minsan ba ay naisip mo ito: Kung hindi ka isang lider at wala kang katayuan, iaalok pa rin ba niya ang regalong ito? (Hindi.) Tiyak na hindi. Isa kang lider kaya niya ibinibigay ang regalong ito sa iyo. Nagbago na ang kalikasan ng bagay na ito. Hindi ito karaniwang kawanggawa, at narito ang problema. Kung tatanungin mo siya, “Kung hindi ako lider, kundi isang ordinaryong kapatid lamang, bibigyan mo ba ako ng gayong regalo? Kung kailangan ng isang kapatid ang bagay na ito, ibibigay mo ba ito sa kanya?” Sasabihin niyang, “Hindi ko ito magagawa. Hindi ako pwedeng basta-basta na lang magbigay ng mga bagay-bagay kahit kanino. Ibinigay ko ito sa iyo dahil ikaw ang lider ko. Kung wala kang ganitong espesyal na katayuan, bakit kita bibigyan ng gayong regalo?” Ngayon, tingnan mo kung paano ka nabigong unawain ang sitwasyon. Naniwala ka sa kanya noong sinabi niyang hindi niya ginagamit ang magandang damit na iyon, pero nililinlang ka niya. Ang layon niya ay tanggapin mo ang kanyang regalo upang, sa hinaharap, maging mabuti ka sa kanya at mag-iba ang tingin mo sa kanya. Ito ang intensyon sa likod ng kanyang regalo. Ang totoo, alam mo sa iyong puso na hindi ka niya bibigyan ng gayong regalo kung wala kang katayuan, ngunit tinanggap mo pa rin ito. Sa salita, sinasabi mo, “Salamat sa Diyos. Tinatanggap ko ang regalong ito mula sa Diyos, ito ay kabutihan ng Diyos sa akin.” Hindi mo lamang tinatamasa ang mga pakinabang ng katayuan, kundi tinatamasa mo rin ang mga bagay ng mga hinirang ng Diyos, na para bang karapat-dapat ka sa mga ito. Hindi ba’t kawalan ng kahihiyan iyon? Kung ang tao ay walang konsensiya at walang anumang kahihiyan, kung gayon ay iyon ang problema. Isa lang ba itong usapin ng pag-uugali? Mali lang ba talaga na tanggapin ang mga bagay mula sa iba at tama ba na tanggihan ang mga ito? Ano ang dapat ninyong gawin kapag naharap kayo sa gayong sitwasyon? Dapat mong tanungin ang nagreregalo kung umaayon ba sa mga prinsipyo ang ginagawa niya. Sabihin mo sa kanya, “Hanapin natin sa salita ng Diyos o sa mga atas administratibo ng iglesia at tingnan natin kung ang ginagawa mo ay alinsunod sa mga prinsipyo. Kung hindi, hindi ko matatanggap ang regalong iyon.” Kung pagkatapos niyang magsiyasat ay malalaman niyang ang kanyang kilos ay hindi alinsunod sa mga prinsipyo, ngunit nais pa rin niyang ibigay sa iyo ang regalo, ano ang dapat mong gawin? Dapat kang kumilos ayon sa mga prinsipyo. Hindi ito kayang mapagtagumpayan ng karamihan sa mga tao. Nananabik silang mabigyan ng iba ng higit pa, at nais nilang matamasa ang higit na espesyal na pagtrato. Kung ikaw ay isang tamang tao, dapat kang magdasal kaagad sa Diyos kapag naharap sa gayong sitwasyon, sabihin mo, “Diyos ko, ang kinakaharap ko ngayon ay tiyak na naglalaman ng Iyong mabubuting layunin. Isa itong aral na inihanda Mo para sa akin. Handa akong hanapin ang katotohanan at magsagawa ayon sa mga prinsipyo.” Masyadong matindi ang mga tuksong kinakaharap ng mga may katayuan, at sa sandaling may dumating na tukso, mahirap ngang malampasan ito. Kailangan mo ang tulong ng Diyos, at sa gayon ka lamang mapoprotektahan ng Diyos. Dapat kang manalangin sa Diyos, at dapat mo ring hanapin ang katotohanan, madalas na pagnilayan ang iyong sarili, at magawang tanggihan ang mga tukso. Sa ganitong paraan, magiging panatag at payapa ang pakiramdam mo. Gayumpaman, kung mananalangin ka lamang pagkatapos mong tanggapin ang mga bagay na ibinigay sa iyo ng hinirang na mga tao ng Diyos, makakaramdam ka pa rin ba ng kapayapaan at kapanatagan? (Hindi.) Ano ang iisipin ng Diyos sa iyo kung gayon? Malulugod ba ang Diyos sa mga kilos mo, o masusuklam Siya? Masusuklam Siya sa mga kilos mo, na katumbas ng pagpapasasa sa mga pakinabang ng katayuan. Isa lang ba itong problema ng kung tinatanggap mo ang isang bagay? (Hindi.) Kung gayon, nasaan ang problema? Ang problema ay matatagpuan sa mga opinyon at saloobin na pinanghahawakan mo kapag kinakaharap ang gayong sitwasyon. Nagpapasya ka ba nang ikaw lang o hinahanap mo ba ang katotohanan? Mayroon ka bang anumang pamantayan ng konsensiya? Mayroon ka bang may-takot-sa-Diyos na puso kahit kaunti? Nagdarasal ka ba sa Diyos kapag nakakaharap mo ang sitwasyon? Hinahangad mo bang matugunan muna ang mga sarili mong pagnanais, o nagdarasal ka ba at hinahanap muna ang mga layunin ng Diyos? Kahit ang usaping ito lang ay kaya nang magbunyag ng mga tao. Paano mo dapat harapin ang gayong sitwasyon? Dapat mayroon kang mga prinsipyo ng pagsasagawa. Una, sa panlabas, dapat mong tanggihan ang mga espesyal na materyal na pabor na ito, ang mga tuksong ito. Kahit na inalok ka ng isang bagay na talagang gusto mo o siyang mismong bagay na kailangan mo, dapat mo ring tanggihan ito. Ano ang ibig sabihin ng mga materyal na bagay? Ang pagkain, damit, at tirahan, at ang mga bagay na gamit sa pang-araw-araw ay kasama lahat. Ang mga espesyal na materyal na pabor na ito ay dapat tanggihan. Bakit kailangan mong tanggihan ang mga ito? Ang paggawa ba niyon ay isang usapin lamang ng kung paano ka kumilos? Hindi, usapin ito ng iyong saloobin na nakikipagtulungan. Kung gusto mong isagawa ang katotohanan, palugurin ang Diyos, at iwasan ang tukso, kailangan mo munang magkaroon ng ganitong saloobin na nakikipagtulungan. Sa ganitong saloobin, magagawa mong iwasan ang tukso, at magiging payapa ang konsensiya mo. Kung iaalok sa iyo ang isang bagay na gusto mo at tatanggapin mo ito, medyo mararamdaman ng puso mo ang pagsaway ng iyong konsensiya. Gayumpaman, dahil sa mga palusot mo at pangangatwiran sa sarili, sasabihin mo na dapat kang mabigyan ng bagay na ito, na nararapat ito sa iyo, at sa panahong ito, ang iyong pagkaramdam ng konsensiya ay hindi magiging tumpak o malinaw. Kung minsan, maaaring maimpluwensiyahan ng mga partikular na katwiran at pagdadahilan o kaisipan at pananaw ang iyong konsensiya, na siyang panahon kung kailan mahirap mapansin ang pakiramdam ng iyong konsensiya. Kaya, isa bang maaasahang pamantayan ang iyong konsensiya? Hindi. Isa itong pang-alerto na nagbababala sa mga tao. Anong uri ng babala ang ibinibigay nito? Na walang seguridad sa pag-asa sa mga nararamdaman lamang ng konsensiya; dapat ding hanapin ng isang tao ang mga katotohanang prinsipyo. Iyon ang mapagkakatiwalaan. Kung walang katotohanang pipigil sa kanila, maaari pa ring mahulog sa tukso ang mga tao, nagbibigay ng iba’t ibang dahilan at palusot para magpasasa sa mga pakinabang ng katayuan. Samakatwid, bilang lider, dapat mong sundin sa puso mo ang isang prinsipyong ito: Sa bawat pagkakataon ay iniiwasan at tinatanggihan ko ang anumang espesyal na pagtrato; hinding-hindi ko ito tinatanggap. Ang ganap na pagtanggi ang pang-unang kinakailangan sa pag-iwas sa kasamaan. Kung taglay mo ang pang-unang kinakailangan sa pag-iwas sa kasamaan, ikaw ay nasa ilalim na ng proteksyon ng Diyos sa isang antas. At kung mayroon kang gayong mga prinsipyo ng pagsasagawa at pinanghahawakan mo ang mga ito, isinasagawa mo na ang katotohanan at binibigyang-kasiyahan ang Diyos. Tinatahak mo na ang tamang landas. Kapag tinatahak mo ang tamang landas at nabibigyang-kasiyahan mo na ang Diyos, kakailanganin pa rin bang suriin ang iyong konsensiya? Ang pagkilos ayon sa mga prinsipyo at pagsasagawa ng katotohanan ay mas mataas kaysa sa mga pamantayan ng konsensiya. Kung ang isang tao ay may determinasyong makipagtulungan at kaya niyang kumilos nang ayon sa mga prinsipyo, napalugod na niya ang Diyos. Ito ang pamantayang hinihingi ng Diyos sa tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Lutasin ang mga Tukso at Gapos ng Katayuan

Dapat madalas kayong humarap sa Diyos, kumain at uminom at magnilay-nilay sa Kanyang mga salita, at dapat ninyong tanggapin ang Kanyang disiplina at pagpupungos, at matutong magpasakop sa Kanyang mga pamamatnugot at pagsasaayos, kumukuha ng mga aral mula sa lahat ng nangyayari—napakamahalaga nito. Dapat kang makapagpasakop sa lahat ng kapaligiran, tao, pangyayari, at bagay na inihanda ng Diyos para sa iyo, at pagdating sa mga bagay na hindi mo lubos maarok, dapat kang madalas na manalangin at maghanap ng katotohanan; sa pamamagitan lamang ng pag-unawa sa mga layunin ng Diyos ka makahahanap ng isang daan pasulong. Dapat kang magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso. Gawin ang dapat mong gawin nang maingat at nang may pag-iingat, at mamuhay sa harap ng Diyos nang may pusong nagpapasakop sa Diyos. Madalas na patahimikin ang sarili mo sa harap Niya, at huwag maging mapagpalayaw. Kahit papaano man lang, kapag may nangyayari sa iyo, patahimikin muna ang iyong sarili, pagkatapos ay magmadaling manalangin, at sa pamamagitan ng pananalangin at paghahanap at paghihintay, mauunawaan mo ang mga layunin ng Diyos. Hindi ba’t isa itong saloobin ng pagkatakot sa Diyos? Kung natatakot at nagpapasakop ka sa Diyos sa puso mo, at napatatahimik mo ang iyong sarili sa harap Niya at sinusubukan mong arukin ang Kanyang mga layunin, kung gayon, sa ganitong uri ng pakikipagtulungan at pagsasagawa, mapoprotektahan ka, at hindi ka matutukso, ni hindi ka gagawa ng anumang bagay na makagagambala o makagugulo sa gawain ng iglesia. Hanapin ang katotohanan sa mga bagay na hindi mo malinaw na nakikita. Huwag bulag na manghusga o maglabas ng mga pagkondena. Sa ganitong paraan, hindi ka kamumuhian ng Diyos, o itataboy Niya. Kung mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso, matatakot kang magkasala sa Kanya, at kung may isang bagay na tumutukso sa iyo, mamumuhay ka sa harap ng Diyos nang may kilabot at pangamba, at mananabik kang magpasakop sa Kanya at palugurin Siya sa lahat ng bagay. Sa sandaling magkaroon ka ng gayong pagsasagawa at magawa mong mamuhay nang madalas sa gayong kalagayan, madalas na lumalapit sa harap ng Diyos at madalas na pinapatahimik ang iyong sarili sa harap Niya, saka mo lang hindi namamalayang maiiwasan ang tukso at masasamang bagay. Kung walang may-takot-sa-Diyos na puso, o may pusong wala sa harapan Niya, may ilang kasamaan na makakaya mong gawin. Mayroon kang mga tiwaling disposisyon, at hindi mo makontrol ang mga ito, kaya’t kaya mong gumawa ng kasamaan kahit na ayaw mo. Hindi ba’t magiging malubha ang mga kahihinatnan kung sakaling gagawa ka ng gayong kasamaan na bumubuo ng pagkagambala at kaguluhan? Sa mga banayad na kaso, pupungusan ka, at sa malulubhang kaso, itataboy ka ng Diyos, at patatalsikin ka sa iglesia. Gayumpaman, kung mayroon kang pusong nagpapasakop sa Diyos, at madalas na napatatahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at kung natatakot at nangangamba ka sa Diyos, hindi ba’t magagawa mong manatiling malayo sa maraming masamang bagay? Kung natatakot ka sa Diyos at sinasabing, “Nangangamba ako sa Diyos; natatakot akong masalungat Siya, magambala ko ang Kanyang gawain at maudyukan ko ang Kanyang pagkasuklam,” hindi ba’t isa itong normal na saloobin at isang normal na kalagayan na dapat taglay mo? Ano ang makapagdudulot ng iyong pangamba? Ang iyong pangamba ay magmumula sa isang may-takot-sa-Diyos na puso. Kung may puso kang nangangamba sa Diyos, iiwas at lalayo ka sa masasamang bagay kapag nakita mo ang mga ito, at sa gayon ay mapoprotektahan ka. Maaari bang matakot sa Diyos ang isang taong walang pusong nangangamba sa Diyos? Maiiwasan ba nito ang kasamaan? (Hindi.) Hindi ba’t walang-takot na mapangahas sila, ang mga hindi natatakot sa Diyos at hindi nangangamba sa Kanya? Maaari bang pigilan ang mga walang-takot na mapangahas na tao? (Hindi.) At hindi ba’t gagawin ng mga taong hindi mapigilan ang anumang naiisip nila nang padalos-dalos? Ano ang mga bagay na ginagawa ng mga tao kapag kumikilos sila ayon sa sarili nilang kagustuhan, sa kanilang kasigasigan, sa kanilang mga tiwaling disposisyon? Sa nakikita ng Diyos, masasamang bagay ang mga ito. Kaya, dapat malinaw ninyong makita na mabuting bagay para sa tao na magkaroon ng pusong nangangamba sa Diyos—kung mayroon nito, matatakot ang isang tao sa Diyos. Kapag ang isang tao ay may Diyos sa puso niya at kayang matakot sa Diyos, magagawa niyang manatiling malayo sa masasamang bagay. Ang ganitong mga tao lang ang may pag-asang mailigtas.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos Makatatahak ang Isang Tao sa Landas ng Kaligtasan

Sa panahon ng gawain ng Kanyang patuloy na pagtutustos at suporta sa tao, sinasabi ng Diyos ang kabuuan ng Kanyang mga layunin at mga hinihingi sa tao, at ipinakikita Niya ang Kanyang mga gawa, disposisyon, at mga tinataglay ng Diyos at ang Kanyang pagiging Diyos sa tao. Ang layunin ay upang sangkapan ang tao ng tayog, at pahintulutan ang tao na makamit ang iba’t ibang katotohanan mula sa Diyos habang sumusunod sa Kanya—mga katotohanan na siyang mga makapangyarihang sandatang ibinibigay ng Diyos sa tao upang labanan si Satanas. Kapag nabigyan na ng sandata, dapat harapin ng tao ang mga pagsubok ng Diyos. Ang Diyos ay maraming paraan at daan para sa pagsubok ng tao ngunit bawat isa sa mga ito ay nangangailangan ng “kooperasyon” ng kaaway ng Diyos: si Satanas. Ibig sabihin, matapos bigyan ang tao ng mga makapangyarihang sandata upang labanan si Satanas, ibinibigay ng Diyos ang tao kay Satanas at hinahayaan si Satanas na “subukin” ang tayog ng tao. Kung makakalabas ang tao mula sa mga hanay ng pakikipaglaban na inihanda ni Satanas, kung kaya niyang tumakas mula sa pagkubkob ni Satanas at manatiling buhay, ang tao ay makakapasa sa pagsubok. Ngunit kung ang tao ay mabigong umalis sa mga hanay ng pakikipaglaban ni Satanas, at nasupil siya ni Satanas, kung gayon, hindi siya makakapasa sa pagsubok. Anumang aspekto ng tao ang sinusubok ng Diyos, ang mga pamantayan ng Kanyang mga pagsubok ay kung maninindigan o hindi ang tao sa patotoo nito kapag inatake ito ni Satanas, at kung itatakwil nito o hindi ang Diyos at susuko at magpapasailalim ito kay Satanas habang nasa bitag ni Satanas. Maaaring sabihin na ang pagkaligtas o hindi sa tao ay nakasalalay sa kung kaya niyang mapagtagumpayan at talunin si Satanas, at ang kakayanan niya na makamtan ang kanyang kalayaan ay nakasalalay sa kanyang kakayahang hawakan, nang mag-isa, ang mga sandatang ibinigay sa kanya ng Diyos upang mapagtagumpayan ang gapos ni Satanas, upang ganap na mawalan ng pag-asa si Satanas at talikuran siya. Kung mawawalan ng pag-asa si Satanas at bibitawan ang isang tao, ang ibig sabihin nito ay hinding-hindi na nito muling susubukan na kunin ang taong ito mula sa Diyos, hinding-hindi na muling pararatangan at guguluhin ang taong ito, hinding-hindi na siya muling pipinsalain nang walang-pakundangan o aatakihin; tanging ang ganitong tao lamang ang tunay na nakamit ng Diyos. Ito ang buong proseso kung paano nakakamit ng Diyos ang isang tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Kaugnay na mga Eksena ng Pelikula

Paano Ako Makakawala sa Aking Pagkalulong sa Gaming?

Kaugnay na mga Himno

Kailangan Mong Magpatotoo sa Diyos sa Lahat ng Bagay

Tanging ang mga Lubos na Dumadaig kay Satanas ang Makakamit ng Diyos

Sinundan:  20. Paano danasin ang pag-uusig at mga kapighatian

Sumunod:  22. Paano tingnan ang buhay at kamatayan

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger