33. Ang mga pagbabagong idinudulot sa mga tao ng pagkakamit sa katotohanan

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang katotohanan ang realidad ng lahat ng positibong bagay. Maaari itong maging buhay ng isang tao at ang direksiyon na kanyang tinatahak; maaari nitong tulutan ang isang tao na iwaksi ang kanyang mga tiwaling disposisyon, na matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan, na maging isang taong nagpapasakop sa Diyos, pasok sa pamantayan bilang isang nilikha, at isang taong minamahal ng Diyos at katanggap-tanggap para sa Diyos. … Dahil ang katotohanan ang nakahandang saklolo at panustos ng mga tao, at maaaring maging buhay nila, dapat nilang tratuhin ang katotohanan bilang ang pinakamahalagang bagay. Sapagkat kailangan nilang umasa sa katotohanan upang mabuhay, upang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, upang matakot sa Kanya at umiwas sa kasamaan, at upang mahanap sa pang-araw-araw na buhay nila ang landas ng pagsasagawa at maarok ang mga prinsipyo ng pagsasagawa, nang natatamo ang pagpapasakop sa Diyos; dapat ding umasa sa katotohanan ang mga tao upang maiwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon, upang maging isang taong nailigtas at isang nilikhang pasok sa pamantayan.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikasampung Aytem (Ikapitong Bahagi)

Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang buhay Niya, ang lahat ng kung ano Siya at kung ano ang mayroon Siya, para maisabuhay ito ng tao, para makuha ng tao ang lahat ng kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon ang Diyos, at ang mga katotohanang ipinagkaloob Niya sa tao, at gawing direksiyon at layon ng buhay ng tao ang mga ito, upang magawa ng tao na mamuhay nang ayon sa mga salita ng Diyos, at magawa nitong buhay nito ang Kanyang mga salita. Sa ganitong paraan, hindi ba’t masasabi na ipinagkaloob ng Diyos ang buhay Niya sa tao nang libre upang ito ay maging buhay nito? (Oo.) Kung ganoon, ano ba ang nakukuha ng tao mula sa Diyos? Ang mga inaasahan Niya? Ang mga pangako Niya? O ano? Ang nakukuha ng tao mula sa Diyos ay hindi hungkag na salita, ito ay ang buhay ng Diyos! Kasabay ng pagkakaloob ng Diyos ng buhay sa tao, ang tanging hinihingi Niya sa tao ay na gawin nitong sarili nitong buhay ang buhay ng Diyos at isabuhay ito. Kapag nakikita ng Diyos na isinabuhay mo ang buhay na ito, masisiyahan Siya; ito lang ang hinihingi Niya. Kaya, ang nakakamit ng tao mula sa Diyos ay isang bagay na walang katumbas na halaga, pero kasabay ng pagkakaloob ng Diyos sa tao ng bagay na walang katumbas na halaga, wala Siyang nakukuhang anuman. Ang pinakanakikinabang ay ang tao; nakakamit ng tao ang pinakamalaking ani, at ang tao ang pinakanakikinabang. Kasabay ng pagtanggap ng tao sa mga salita ng Diyos bilang kanyang buhay, nauunawaan niya ang katotohanan at mayroon siyang mga prinsipyo at pundasyon para sa pag-asal niya, kaya mayroon siyang direksiyon para sa landas ng buhay niya. Ang tao ay hindi na nalilihis o nagagapos ni Satanas, ni hindi siya nalilihis o napagsasamantalahan ng masasamang tao; hindi na siya nadurumihan o naaakit ng masasamang kalakaran. Malaya at pinalaya siyang nabubuhay sa pagitan ng langit at lupa; tunay siyang nakapamumuhay sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at hindi siya kailanman pagmamalupitang muli ng anumang masama o madilim na puwersa. Ibig sabihin, habang isinasabuhay ng tao ang ganitong uri ng buhay, hindi na siya nagdurusa ng pasakit, at wala siyang mga suliranin; masaya, malaya at maginhawa siyang namumuhay. Mayroon siyang normal na ugnayan sa Diyos; hindi siya naghihimagsik laban sa Diyos, ni lumalaban sa Diyos. Tunay siyang nagpapasakop sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, sa loob at labas ay namumuhay siya sa paraang ganap na may katwiran, mayroon siyang katotohanan at pagkatao, at nagiging isa siyang tao sa bawat kahulugan ng salita.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Tao ang Pinakamalaking Nakikinabang sa Plano ng Pamamahala ng Diyos

Kapag tinatanggap ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, pumapasok din sila sa realidad ng mga salita ng Diyos, at nagagawa nilang tingnan at pag-isipan ang mga katanungan gamit ang katotohanan, at lutasin ang mga isyu gamit ang katotohanan. Kapag nalutas na ng mga tao ang iba’t iba nilang kuru-kuro at maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, agad nilang mapapabuti ang kanilang ugnayan sa Diyos habang inihahanda naman ang kanilang daan tungo sa buhay pagpasok. Kapag nakakamit ng mga tao ang gayong mga pagbabago, ano ang nangyayari sa kanilang ugnayan sa Diyos? Nagiging isang ugnayan ito ng mga nilikha at ng Lumikha. Sa isang ugnayang nasa ganitong antas, walang pakikipagtunggali, walang pagsubok, at walang masyadong paghihimagsik; mas mapagpasakop, maunawain, masambahin, tapat, at matapat ang mga tao sa Diyos, at tunay silang may takot sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paglutas Lamang sa mga Kuru-kuro ng Isang Tao Siya Makakapagsimula sa Tamang Landas ng Pananampalataya sa Diyos (1)

Kapag nag-uugat sa puso mo ang mga salita ng Diyos, magagawa mong isagawa ang katotohanan. Habang isinasabuhay mo ang ilang realidad ng mga salita ng Diyos, makikita mo ang mga panlabas na usapin nang may matinding pagkaunawa at kalinawan. Magkakaroon ka ng tumpak na pagsusuri, pagkaunawa, at pagkilatis sa masasamang kalakaran, sa paraan ng pananatiling buhay ng sangkatauhan, sa sarili mong buhay may-asawa at pamilya, sa iba’t ibang ugnayang interpersonal, at sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Saan nagmumula ang tumpak na pagkaunawa, pagsusuri, at pagkilatis na ito? Nagmumula ito sa mga salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ang pinagmulan—ito ay dahil natanggap mo ang panustos ng mga salita ng Diyos. At ano ang landas? Nagkakamit ka ng karanasan sa mga salita ng Diyos, nagagawa mong maranasan ang katotohanan, at nakakamit mo mula sa Diyos ang karunungang makakilatis ng mabuti at masama at ang abilidad na maunawaan ang masasamang kalakaran. Ang pinakamahalaga, ano pa ang nakakamit mo? (Buhay.) Doktrina lamang ang sabihing nakakamit mo ang buhay. Ano pa ang nakakamit mo? Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karanasan sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay, makikita mo kung paano pinamamatnugutan ng Diyos ang lahat ng bagay; at makikita mo kung ano ang mga layunin ng Diyos sa iba’t ibang tao, pangyayari, at bagay; at makikita mo kung ano ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang karunungan ng Diyos, at kung ano ang Kanyang paraan at mga prinsipyo sa paggawa ng mga bagay; at makikita mo rin ang karunungan sa kung paano tinatrato ng Diyos ang iba’t ibang uri ng mga tao—dapat mong makita ang mga bagay na ito para makilala ang Lumikha.

—Pagbabahagi ng Diyos

Kapag nakakaranas ang mga tao hanggang sa araw na ang kanilang pananaw sa buhay at ang kahulugan at batayan ng kanilang pag-iral ay lubusang nagbago na, ibig sabihin, nagbago na sila hanggang sa kanilang pinakabuto at naging ibang tao na, hindi ba’t kahanga-hanga ito? Ito ay malaking pagbabago, isang nakakayanig-ng-mundo na pagbabago. Nakararating ka sa isang punto kung saan hindi na mahalaga sa iyo kung mayroon ka mang kasikatan, katayuan, kayamanan, mga kalayawan, o kapangyarihan at kaluwalhatian ng mundo—madali mong mabibitiwan ang lahat ng iyon. Saka ka lamang maituturing na may wangis ng isang tao. Ang mga tao na sa huli ay gagawing ganap ng Diyos ay isang grupong katulad nito; nabubuhay sila para sa katotohanan, nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay para sa kung ano ang makatarungan. Ito ang wangis ng isang tunay na tao.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Kapag ang mga tao ay tunay na nakakikilala sa Diyos, nakakaunawa sa katotohanan, at nakakamit ang katotohanan, nagkakaroon ng tunay na pagbabago sa kanilang pananaw sa mundo at pagtingin sa buhay, kasunod nito, isang tunay na pagbabago rin ang nagaganap sa kanilang buhay disposisyon. Kapag ang mga tao ay may mga tamang layon sa buhay, nagagawang hangarin ang katotohanan, at umaasal ayon sa katotohanan, kapag ganap silang nagpapasakop sa Diyos at namumuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag at maliwanag ang pakiramdam nila sa kaibuturan ng kanilang puso, at walang kadiliman sa kanilang puso, at kapag nakakapamuhay sila nang lubos na malaya at napalaya sa presensya ng Diyos, saka lamang sila nagkakamit ng tunay na buhay ng tao, at tanging ang gayong mga tao ang nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang naunawaan at nakamit mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Kapag nakamit mo ang pagsang-ayon ng Kataas-taasang Diyos—ang Lumikha, at sinabi Niyang isa kang nilikha na pasok sa pamantayan, at na isinasabuhay mo ang wangis ng tao, saka lamang magiging pinakamakabuluhan ang iyong buhay. Ang masang-ayunan ng Diyos ay nangangahulugang nakamit mo na ang katotohanan, at na isa kang taong nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Sa mundo ngayon na pinaghaharian ni Satanas, at sa buong panahon ng hindi bababa sa libo-libong taon ng kasaysayan, sino sa kalipunan ng buong sangkatauhan ang nagkamit ng tunay na buhay ng tao? Walang sinuman. Sapagkat labis na ginawang tiwali ni Satanas ang mga tao, at namumuhay sila ayon sa mga pilosopiya ni Satanas, at lahat ng ginagawa nila ay laban sa Diyos, at ang kanilang bawat sinasabi at teorya ay nagmumula sa katiwalian ni Satanas, at ang mismong kabaligtaran ng mga salita ng Diyos, sa gayon, sila mismo ang mga uri na sumasalungat sa Diyos. Kung hindi nila tatanggapin ang pagliligtas ng Diyos, malulugmok silang lahat sa perdisyon at pagkawasak, na walang maituturing na buhay ng tao kahit kaunti. Hinahangad nila ang kasikatan at pakinabang, hinahangad na maging mga dakila o kilalang indibidwal, at umaasang “maipapasa ang kanilang mga pangalan sa mga susunod pang henerasyon,” at “malagay sa kasaysayan sa lahat ng kapanahunan.” Mga maladiyablong salita ang mga ito, at lubos na walang basehan. Ang bawat dakila o tanyag na tao, sa katunayan, ay kauri ni Satanas, at matagal nang nailugmok sa ikalabingwalong antas ng impiyerno para sa kaparusahan, hinding-hindi na muling isisilang. Sinasamba ng tiwaling sangkatauhan ang mga taong ito, tinatanggap ang kanilang mga maladiyablong salita at kanilang mga maling kaisipan, at nagiging biktima ng mga diyablo at ni Satanas. Dapat sambahin ng mga nilikha ang Lumikha, at iyon ay ganap na likas at may katwiran. Ito ay dahil ang Diyos lamang ang katotohanan, at kinokontrol ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay, at Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Kung hindi nananampalataya sa Diyos at hindi nagpapasakop sa Diyos ang mga tao, hindi nila makakamit ang katotohanan. Kung hinahangad mo ang katotohanan at nabubuhay ka nang alinsunod sa mga salita ng Diyos, saka ka lang, sa kaibuturan ng iyong puso, makararamdam ng kaliwanagan at kapanatagan, at magtatamasa rin ng walang-katulad na tamis. Kapag nangyari iyon, tunay mo nang nakamit ang buhay.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

Sa sandaling makamit ng mga tao ang katotohanan, tuluyan nang magbabago ang kanilang pananaw sa mga bagay-bagay, ganap na umaayon sa mga salita ng Diyos at nagiging kaayon ng Diyos. Kapag naabot na ang puntong ito, hindi na sila magrerebelde laban sa Diyos, at hindi na sila kakastiguhin o hahatulan ng Diyos, at hindi na rin sila kamumuhian ng Diyos. Ito ay dahil hindi na sila magiging mga kaaway ng Diyos, hindi na sila titindig nang salungat sa Diyos, at sa gayon, ang Diyos ay tunay at nararapat nang magiging ang Lumikha sa Kanyang mga nilikha. Magbabalik na ang mga tao sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at tatamasahin ng Diyos ang pagsamba, pagpapasakop, at pagkatakot mula sa mga tao na dapat Niyang taglayin. Sa ganitong paraan, natural na nagiging maayos ang lahat. … Kapag nagagawa mong umasal ayon sa mga salita ng Diyos, at naunawaan at naarok mo na ang mga katotohanang prinsipyo, nangangahulugan itong alam mo kung paano umasal, at naging isang tunay na tao ka na. Ito ang pundasyon sa tamang pag-asal; tanging ang mga taong tulad nito ang nagsasabuhay ng isang buhay na may halaga, tanging sila ang karapat-dapat na mabuhay, at tanging sila ang hindi dapat mamatay.

—Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Paano Hangarin ang Katotohanan (8)

Kung ang isang tao ay may katotohanang realidad bilang buhay niya, paano iyon maipapamalas? Una sa lahat, magagawa niyang magpasakop sa Diyos, at isabuhay ang wangis ng tao; magiging isa siyang matapat na tao, isang taong nagbago ang buhay disposisyon. May ilang katangian ang pagbabago sa buhay disposisyon. Ang unang katangian ay ang makapagpasakop sa mga bagay na tama at ayon sa katotohanan. Sinuman ang nagbibigay ng opinyon, matanda man o bata, nakakasundo mo man sila o hindi, kilala man ninyo sila o hindi, pamilyar man kayo sa kanila o hindi, maganda man ang relasyon ninyo sa kanila o masama, basta’t ang sinasabi nila ay tama, ayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang sa gawain ng sambahayan ng Diyos, magagawa mong pakinggan, gamitin, at tanggapin ito, nang hindi naiimpluwensiyahan ng iba pang bagay. Ang magawang tumanggap at magpasakop sa mga bagay na tama at ayon sa katotohanan ang unang katangian. Ang pangalawang katangian ay ang magawang hanapin ang katotohanan kapag may nangyayari; hindi lamang ito tungkol sa magawang tanggapin ang katotohanan, tungkol din ito sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi pagharap sa mga bagay ayon sa sarili mong kalooban. Anuman ang mangyari sa iyo, magagawa mong maghanap kapag hindi mo makita nang malinaw ang mga bagay-bagay, at tingnan kung paano kumilos at magsagawa sa paraang ayon sa mga katotohanang prinsipyo at tumutugon sa mga hinihingi ng Diyos. Ang pangatlong katangian ay ang magawang isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos anuman ang isyung kinakaharap mo, at maghimagsik laban sa laman para makamit ang pagpapasakop sa Diyos. Magagawa mong isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos anuman ang tungkuling ginagawa mo. Anuman ang mga hinihingi ng Diyos para sa tungkuling ito, magagawa mong kumilos ayon sa mga hinihinging iyon habang ginagawa ito, at kumilos para mapalugod ang Diyos. Dapat mong maarok ang prinsipyong ito, at dapat mo ring gampanan ang iyong tungkulin nang responsable at nang may debosyon. Ito ang ibig sabihin ng pagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos. Kung hindi mo alam kung paano isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos o paano palugurin ang Diyos sa isang partikular na bagay, kailangan mong maghanap. Dapat ninyong ikumpara ang inyong mga sarili sa tatlong katangiang ito ng disposisyonal na pagbabago, at alamin kung taglay ninyo ang mga katangiang ito o hindi. Kung may praktikal na karanasan kayo at mga landas ng pagsasagawa sa tatlong aspektong ito, mahaharap ninyo ang bagay-bagay nang may prinsipyo.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Maiwawaksi ng Isang Tao ang mga Gapos ng mga Tiwaling Disposisyon

Kapag ang katotohanan ay naging buhay mo na, kung makakita ka ng sinumang lumalapastangan sa Diyos, hindi natatakot sa Diyos, pabasta-basta habang gumagampan sa tungkulin nila, o nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng iglesia, magagawa mo silang pakitunguhan ayon sa mga katotohanang prinsipyo, kinikilatis ang mga dapat kilatisin, at inilalantad ang mga dapat ilantad. Kung hindi pa naging buhay mo ang katotohanan, at namumuhay ka pa rin sa iyong mga satanikong disposisyon, kung gayon, kapag nakakita ka ng masasamang tao at mga diyablo na nagdudulot ng mga paggambala at panggugulo sa gawain ng iglesia, magbubulag-bulagan at magbibingi-bingihan ka, at babalewalain mo ito, nang hindi nakakaramdam ng anumang panunumbat mula sa iyong konsensiya. Iisipin mo pa nga na sinuman ang magdulot ng mga kaguluhan sa gawain ng iglesia, wala itong kinalaman sa iyo. Gaano man kalaki ang pinsalang idinudulot sa gawain ng iglesia at sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, wala kang pakialam o hindi ka magtatanong tungkol dito, o hindi ka makakaramdam ng anumang panunumbat mula sa iyong konsensiya. Sa gayong sitwasyon, isa kang taong walang konsensiya o katwiran, isang hindi mananampalataya, isang trabahador. Kinakain mo ang sa Diyos, iniinom mo ang sa Diyos, at tinatamasa mo ang lahat ng nagmumula sa Diyos, ngunit pakiramdam mo ay walang kinalaman sa iyo ang anumang pinsalang dumarating sa mga interes ng sambahayan ng Diyos—ginagawa ka nitong isang taksil na kumakampi sa mga tagalabas para sa ikakapahamak ng sarili mong mga kasama, ang tipo na walang utang ng loob sa tumutulong dito. Kung hindi mo pangangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos, tao ka pa ba? Isa kang demonyong nakalusot sa iglesia. Nagkukunwari kang nananampalataya sa Diyos, nagpapanggap na isa sa hinirang na mga tao ng Diyos, at gusto mong maging palamunin sa sambahayan ng Diyos—hindi ka kawangis ng isang tao, at malinaw na isa kang hindi mananampalataya. Iyong mga tunay na nananampalataya sa Diyos, kahit hindi pa nila nakakamit ang katotohanan at buhay, kahit papaano ay papanig sila sa Diyos sa kanilang pananalita at mga kilos; kahit papaano, hindi sila mananatiling walang ginagawa kapag nakikita nilang napipinsala ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Kung susubukan nilang balewalain ito, makakaramdam ng panunumbat at hindi mapapalagay ang kanilang konsensiya, at sasabihin nila sa kanilang sarili, “Hindi ako puwedeng basta na lang umupo at walang gawin. Dapat akong tumayo at magsalita, dapat kong tuparin ang aking responsabilidad. Dapat akong humarap para ilantad at pigilan ang masamang gawang ito, para pangalagaan ang mga interes ng sambahayan ng Diyos mula sa pinsala, at para tiyakin na hindi nagugulo ang buhay iglesia.” Kung naging buhay mo na sa iyong puso ang katotohanan, hindi ka lang magkakaroon ng ganitong lakas ng loob at determinasyon, kundi magagawa mo ring arukin ang usaping ito. Higit pa rito, magagawa mong tuparin ang nararapat mong bahagi ng responsabilidad para sa gawain ng Diyos at para sa mga interes ng Kanyang sambahayan, at sa ganitong paraan, matutupad nang maayos ang tungkulin mo. Kung kaya mong ituring ang tungkulin mo bilang sarili mong responsabilidad at obligasyon, at bilang atas ng Diyos, at pakiramdam mo ay sa ganitong paraan mo lang natutugunan ang sarili mong konsensiya at hindi binibigo ang Diyos, hindi ba isinasabuhay mo na ang integridad at dignidad ng normal na pagkatao kung gayon? Ang iyong mga gawa at pag-uugali ay magiging “matakot sa Diyos at umiwas sa kasamaan” na sinasabi ng Diyos. Isasagawa mo ang diwa ng mga salitang ito at isasabuhay mo ang realidad ng mga ito. Kapag naging buhay ng isang tao ang katotohanan, nagagawa na niyang isabuhay ang mga realidad na ito.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang ginagawa ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at pumapasok sa realidad ng lahat ng aspekto ng katotohanan, siya ay isang taong ginawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na nagkamit ng epekto sa kanya: Ang mga salita ng Diyos ay naging buhay niya, at nakamit niya ang katotohanan at nagagawa niyang mamuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanyang laman—iyon ay, ang orihinal na pundasyon ng kanyang pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, saka lamang sila magiging mga bagong tao. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay ng mga tao, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang paglalantad at mga hinihingi sa mga tao, at ang mga pamantayan para sa buhay ng tao na hinihingi ng Diyos na matugunan ng mga tao ay maging buhay nila, kung namumuhay ang mga tao alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinilang ang gayong mga tao at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ito ang landas ng paghahangad ni Pedro sa katotohanan. Ito ang landas ng magawang perpekto. Ginawang perpekto si Pedro ng mga salita ng Diyos, at nagkamit siya ng buhay mula sa mga salita ng Diyos, ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at saka lang siya naging isang tao na nagkamit ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro

Kaugnay na mga Himno

Ipinagkaloob ng Diyos ang Buhay Niya sa Tao nang Libre

Ito ang Wangis ng Isang Tunay na Tao

Sinundan:  32. Paano tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos

Sumunod:  34. Ano ang pagpapasakop sa Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 2: Matagal na naming narinig na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpatotoo na tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. At Siya ang Makapangyarihang Diyos! Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at gumaganap sa Kanyang gawaing paghatol sa mga huling araw, ngunit karamihan sa mga tao ng mga relihiyosong lipunan ay naniniwala lahat na babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap. Ito ay dahil malinaw na nagsabi ang Panginoong Jesus na: “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian” (Mateo 24:30). Ipinropesiya rin ng Libro ng Pahayag: “Narito, Siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa Kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa Kanya” (Pahayag 1:7). Pinananatili ko rin ang paniniwalang babalik ang Panginoon sa pamamagitan ng pagbaba nang nasa mga alapaap upang direkta tayong dalhin sakaharian ng langit. Tinatanggihan namin ang Panginoong Jesus na hindi bumaba nang nasa mga alapaap. Sinasabi ninyo na ang pagbabalik ng Panginoon ay pagbabalik sa katawang-tao at pagbaba nang palihim. Ngunit walang nakakaalam tungkol dito. Gayunman, ang lantarang pagbaba ng Panginoonnang nasa mga alapaap ay ganap! Kaya hinihintay naming bumaba ang Panginoonnang nasa mga alapaap at lantarang magpakita upang dalhin tayo nang direkta sa kaharian ng langit. Tama ba ang aming pag-unawa o hindi?

Sagot: Pagdating sa paghihintay sa Panginoon na bumaba nang nasa mga alapaap, hindi tayo dapat umasa sa mga paniniwala at imahinasyon ng...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger