34. Ano ang pagpapasakop sa Diyos

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang tao ay nilikha ng Diyos, at dapat sumamba sa Diyos, ngunit ang totoo ay tinalikuran niya ang Diyos at sa halip ay sumamba siya kay Satanas. Naging diyos-diyosan si Satanas sa kanyang puso. Sa gayon, nawalan ang Diyos ng lugar sa kanyang puso, na ang ibig sabihin ay nawala ang kahulugan sa likod ng paglikha ng Diyos sa tao. Samakatwid, upang mapanumbalik ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa tao, dapat Niyang maipanumbalik ang orihinal niyang wangis at tanggalin sa tao ang kanyang mga tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang tao mula kay Satanas, dapat siyang iligtas ng Diyos mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan unti-unting maipapanumbalik ng Diyos ang orihinal niyang wangis at papel, at sa wakas, ay mapapanumbalik ang kaharian ng Diyos. Ang ganap na pagkalipol ng yaong mga anak ng paghihimagsik sa huli ay magiging para din sa kapakanan ng pagtutulot sa tao na sambahin nang mas mabuti ang Diyos at mabuhay sa lupa nang mas maayos. Yamang nilikha ng Diyos ang mga tao, idudulot Niya na sumamba sila sa Kanya; yamang ninanais Niyang mapanumbalik ang orihinal na papel ng tao, ganap Niya itong panunumbalikin, at nang walang anumang halo. Ang pagpapanumbalik ng awtoridad Niya ay nangangahulugan ng pagdulot na sumamba at magpasakop ang tao sa Kanya; nangangahulugan ito na gagawin ng Diyos na mabuhay ang tao nang dahil sa Kanya at magdulot na malipol ang mga kaaway Niya bilang bunga ng Kanyang awtoridad. Nangangahulugan ito na idudulot ng Diyos na mamalagi sa gitna ng mga tao ang lahat ng tungkol sa Kanya nang walang paglaban mula kahit kanino. Ang kahariang ninanais itatag ng Diyos ay ang sarili Niyang kaharian. Ang sangkatauhang ninanais Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na nagpapasakop sa Kanya at nagtataglay ng kaluwalhatian Niya. Kung hindi ililigtas ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan, mawawala ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa tao; mawawalan na Siya ng awtoridad sa mga tao, at hindi na magagawang umiral sa lupa ang kaharian Niya. Kung hindi lilipulin ng Diyos yaong mga kaaway na mapaghimagsik laban sa Kanya, hindi Niya magagawang makamit ang ganap Niyang kaluwalhatian, at hindi rin Niya magagawang itatag ang kaharian Niya sa lupa. Ang ganap na lipulin iyong mga kabilang sa sangkatauhan na mapaghimagsik laban sa Kanya, at dalhin sa pamamahinga yaong mga nagawa nang ganap—ang mga ito ang magiging mga tanda ng pagtatapos ng gawain Niya at ng dakilang tagumpay Niya. Kapag napanumbalik na ang mga tao sa orihinal nilang wangis, at kapag kaya na nilang tuparin ang kani-kanilang mga tungkulin, manatili sa sarili nilang mga wastong kinalalagyan, at magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, nakamit na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Pamamahinga

Hinihingi sa pananampalataya sa Diyos ang pagpapasakop sa Diyos—hindi ba’t napakahalaga nito? Bakit napakahalaga ng katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos? Ang pagpapasakop sa Diyos ang responsabilidad, likas na gawi, at pangunahing gampanin ng isang nilikha. Kung wala kang likas na gawi na ito, ng konseptong ito, ng pagkaunawang ito, at hindi mo man lang naaarok ang katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos na siyang pinakabatayan na dapat taglayin ng isang tao sa kanyang pananampalataya sa Diyos, kung gayon, kapag sinasabi mong nauunawaan mo ang maraming katotohanan, hindi ba’t hungkag na salita lang iyon? Pawang hungkag na salita iyon. Kung hindi mo alam kung paano magsalita sa harap ng Diyos, hindi mo alam kung paano kumilos sa paraang makakapagpalugod sa Lumikha, at hindi mo alam kung aling mga kilos iyong mga nagpapakita ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, hindi malalaking isyu ang mga ito; pero kung hindi mo alam na dapat kang magpasakop sa Diyos, hindi ba’t nawala na sa iyo ang likas na gawi ng isang tao? Pagkawala nga ito ng likas na gawi ng isang tao at ng halaga na dapat taglayin ng isang tao. Hindi mo man lang alam ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng tao, ang pangunahing gampanin ng tao—kaawa-awa iyan! Nananampalataya kayong lahat sa Diyos nang hindi bababa sa tatlo hanggang limang taon, pero hindi pa rin ninyo nauunawaan kung paano kayo dapat magpasakop sa Diyos bilang mananampalataya sa Diyos—napakamapanganib ito. Dahil dito, nagiging napakadaling lumaban sa Diyos at ipagkanulo Siya. Hindi alam nina Adan at Eba kung paano magpasakop sa Diyos. Nang sabihin ng Diyos na huwag kainin ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama, ano ang takbo ng isip nila? “Sinabi ng Diyos na huwag kainin ito, pero bakit hindi dapat? Hindi ipinaliwanag ng Diyos kung bakit. Bweno, kung sinabi Niyang huwag itong kainin, hindi ko na lang ito kakainin.” Hindi nila ito sineryoso at itinuring nila ang mga salita ng Diyos nang may saloobin na mapanghamak, ipinagwalang-bahala ang mga ito bilang hindi karapat-dapat na bigyang-pansin. Nang ilihis sila ni Satanas, ano ang sinabi ni Satanas? (“Tunay bang sinabi ng Diyos, ‘Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan?’” (Genesis 3:1).) (“Hindi tiyak na mamamatay kayo: Sapagkat talastas ng Diyos na sa araw na kayo’y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Diyos, na nakakakilala ng mabuti at masama” (Genesis 3:4–5).) Ano ang ibig sabihin ni Satanas sa mga salitang ito? “Sinabi ng Diyos na huwag kainin ang bungang iyon, pero ano ang mangyayari kung kainin mo ito? Hindi tiyak na mamamatay ka.” Kung naging sigurado sina Adan at Eba tungkol sa mga salita ng Diyos at ganap na nagpasakop sa mga ito, malilinlang kaya sila ni Satanas? (Hindi.) Pero wala silang konsepto ng pagpapasakop sa Diyos sa puso nila. Hindi nila naunawaan na dapat magpasakop ang mga tao sa Diyos. Wala silang mga sumusunod na pagkatanto sa puso nila: “Sinabi ng Diyos na huwag itong kainin, kaya kahit sino pa ang magsabi sa akin na kainin ito, hindi ko ito gagawin. Dapat akong sumunod sa mga salita ng Diyos. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit ipinagbawal ito ng Diyos, at dahil hindi ko pa ito nasubukan, hindi ko alam kung talagang magdudulot ng kamatayan ang pagkain nito. Ngunit kung magdudulot man ng kamatayan o hindi ang pagkain nito, kung ano ang hinihingi sa akin ng Diyos, dapat kong itaguyod.” Hindi sumunod sina Adan at Eba sa mga salita ng Diyos, kaya nagpadala sila sa tukso ng ahas, ipinagkanulo nila ang Diyos, at bumagsak sila sa pagkatiwali. Mahalaga ba ang pagpapasakop sa Diyos? (Oo.) Para makamit ang pagpapasakop sa Diyos, hindi mo talaga kailangang maunawaan ang maraming katotohanan, ni kailangang maunawaan ang katotohanan nang napakalalim. Hangga’t mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso at alam mo kung paano magpasakop sa Diyos, puwede mong makamit ang pagpapasakop sa Kanya. Kahit hindi mo lubos na maunawaan kung paano puwedeng makaapekto ang ilang ugali sa kalalabasan mo o kung hanggang saan, ayos lang iyon. Pero dapat mayroon kang katwiran kahit papaano, at dapat kang magtaglay ng puso at saloobin ng pagpapasakop. Ito ang dapat taglayin ng pagkatao mo. Ibig sabihin, dapat mong malaman kung sino ka at kung sino ang Diyos; dapat mong malaman na isa kang nilikha, at ang Diyos ang Lumikha, at kung ano ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong pagkakakilanlan at katayuan at ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Dagdag pa rito, dapat mong malaman kung ano ang nararapat mong gawin at kung ano ang pangunahin mong gampanin. Kung sasabihin mo, “Ang pangunahing gampanin ko ay ang sundin ang mga salita ng Diyos; naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig, at anuman ang ipagawa sa akin ng Diyos, gagawin ko ito,” kung gayon isa itong saloobin ng pagpapasakop. Kung sasabihin mo, “Ang pangunahing gampanin ko ay ang sundin ang mga salita ng Diyos,” pero pagkatapos marinig ang mga salita ng Diyos, magsisimula kang magmuni-muni, “Ano ang ibig sabihin ng Diyos dito? Paano ako makikinabang dito?”—kung palagi mong isinasaalang-alang ang sarili mong mga interes—mali ito. Nasaan ang mali rito? (Nasa pagsisiyasat at pagdududa sa mga salita ng Diyos.) Ibig sabihin nito, lumulugar ka sa maling posisyon. Ang pagsisiyasat sa mga salita ng Diyos ay nagmumula sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao at sa kawalan nila ng pagkaunawa sa katotohanan. Pero ano ang sanhi para lumugar ang isang tao sa maling posisyon? (Kawalan ng pagpapasakop sa loob ng isang tao.) Kung hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop, hindi mo nauunawaan ang katotohanan, at wala kang katwiran, magkakaroon ka ng tendensiya na lumugar sa maling posisyon, palaging nagnanais na maging kapantay ng Diyos, at hindi kailanman nagnanais na lumugar sa posisyon ng isang nilikha at pumirmi para gawin ang sarili mong tungkulin. Iyan ang dahilan kung bakit napakahalaga ng pagpapasakop; ang napakahalagang punto ay kung paano mo ito naiintindihan at nauunawaan. Ipinahayag na ng Diyos ang napakaraming katotohanan, pero dapat maunawaan ng mga tao kung ano ang pinakamataas na katotohanan, na kailangan nilang ganap na magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Lumikha bilang mga nilikha. Ganap na likas at may katwiran para sa mga nilikha na magpasakop sa Lumikha—ito ang mismong nararapat nilang gawin. Hindi kailanman magbabago ang katotohanang ito, anuman ang oras, lugar, taon, o buwan, sa anumang espasyo o heograpikal na kapaligiran. Kahit na maglaho ang mundong ito at ang sangkatauhang ito, at lahat ng bagay kasama ng mga ito, hindi kailanman magbabago ang pahayag na “Ang mga nilikha ay dapat magpasakop sa Lumikha.” Ito ay isang bagay na dapat taglayin ng pagkamakatwiran mo; ito ang unang katotohanan na dapat mong taglayin bilang isang taong nananampalataya sa Diyos.

—Pagbabahagi ng Diyos

Yamang nananampalataya ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng mga salita ng Diyos at sa lahat ng gawain Niya. Ibig sabihin, yamang nananampalataya ka sa Diyos, dapat kang magpasakop sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, kung gayon ay walang ipinagkakaiba kung nananampalataya ka man o hindi. Kung nananampalataya ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi ka kailanman nagpasakop sa Kanya, at hindi mo tinatanggap ang kabuuan ng mga salita Niya, at sa halip ay hinihingi mo sa Diyos na magpasakop Siya sa iyo at kumilos Siya ayon sa mga kuru-kuro mo, kung gayon ay ikaw ang pinakamapanghimagsik sa lahat, isa kang hindi mananampalataya. Paano makapagpapasakop ang ganitong mga tao sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao? Ang pinakamapaghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang tumatangging sumuko sa Diyos at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palagi silang nagkikimkim ng saloobin ng pagkamapanlaban sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman malugod na nagpasakop o nagpakumbaba. Sa harap ng iba, sila ang pinakamapagpahalaga sa sarili, at hindi sila kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nila na pinakamahusay sa pangangaral ng “mga sermon” at ang pinakabihasa sa paggawa ng gawain sa iba. Hindi nila kailanman binibitiwan ang mga “kayamanang” nasa pag-aari nila; sa halip, itinuturing nila ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya na dapat sambahin at ipangaral sa iba, at ginagamit nila ang mga ito para sermunan ang mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay “isang dinastiya ng mga hindi matitinag na bayani,” na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa sambahayan ng Diyos. Itinuturing nilang pinakamataas na tungkulin ang pangangaral ng mga “sermon” (mga doktrina). Bawat taon, bawat salinlahi, mahigpit nilang isinasagawa ang “sagrado at hindi nalalabag” na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging “mga hari” sila sa sambahayan ng Diyos, kumikilos nang walang pakundangan habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng masasamang demonyong ito na magsanib-puwersa para gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko? Kahit ang mga kalahating mapagpasakop lamang ay hindi makapagpapatuloy hanggang sa katapusan, lalong hindi itong mga maniniil na wala ni katiting na pagpapasakop sa mga puso nila! Hindi madaling makakamit ng tao ang gawain ng Diyos. Kahit na ginagamit ang lahat ng lakas na mayroon siya, isang bahagi lamang nito ang makakamit ng tao, na sa huli ay magpapahintulot sa kanya na maperpekto. Paano naman ang mga inapo ng arkanghel, na naghahangad na wasakin ang gawain ng Diyos? Hindi ba’t lalo silang walang pag-asang makamit ng Diyos? Ang layunin Ko sa paggawa ng gawain ng paglupig ay hindi lamang ang manlupig alang-alang sa paglupig, kundi manlupig upang ibunyag ang pagiging matuwid at kalikuan, upang kumuha ng patunay para sa kaparusahan ng tao, upang kondenahin ang masasamang tao, at, lalo na, upang manlupig para sa kapakanan ng pagpeperpekto sa mga sadyang nagpapasakop. Sa huli, ibubukod-bukod ang lahat ayon sa kanilang uri, at ang mga kaisipan at ideya ng mga gagawing perpekto ay mapupuno ng pagpapasakop. Ito ang gawaing magagawa sa huli. Samantala, ang mga puno ng mga pagkilos ng paghihimagsik ay parurusahan at itatapon sa nag-aalab na apoy, at magiging mga layon ng walang hanggang sumpa. Kapag dumating ang oras na iyon, ang “dinastiya ng mga dakila at hindi matitinag na bayani,” na umiral sa buong kapanahunan, ay magiging ang pinakamababa at pinakainiiwasang “dinastiya ng mahina at inutil na mga duwag.” Ito lamang ang makapagbubunyag sa lahat ng pagiging matuwid ng Diyos, at sa disposisyon Niya na hindi kumukunsinti sa anumang pagkakasala ng tao, at tanging ito lamang ang makapagpapalubag ng pagkamuhi sa puso Ko. Hindi ba kayo sumasang-ayon na lubusang makatwiran ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang May Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Habang ang Diyos ay nasa katawang-tao, ang pagpapasakop na hinihingi Niya sa mga tao ay hindi nangangahulugan ng pagpipigil na manghusga o lumaban, na tulad ng iniisip nila; sa halip, hinihingi Niya sa mga tao na gamitin ang Kanyang mga salita bilang kanilang prinsipyong pagbabatayan sa buhay at bilang pundasyon ng kanilang pag-iral, na lubos nilang isagawa ang diwa ng Kanyang mga salita, at lubos nilang tugunan ang Kanyang mga layunin. Ang isang aspekto ng hinihingi sa mga tao na magpasakop sa Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, samantalang ang isa pang aspekto ay tumutukoy sa kakayahang magpasakop sa Kanyang pagiging normal at praktikal. Ang mga ito ay kailangang kapwa absoluto. Yaong mga makakatamo sa dalawang aspektong ito ay lahat ng yaong mayroong tunay na mapagmahal-sa-Diyos na puso. Silang lahat ay mga taong nakamit na ng Diyos, at mahal nilang lahat ang Diyos tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sariling buhay. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may normal at praktikal na pagkatao sa Kanyang gawain. Sa gayon, ang Kanyang panlabas na anyo na kapwa normal at praktikal na pagkatao ay nagiging isang napakalaking pagsubok para sa mga tao; ito ang nagiging pinakamalaki nilang paghihirap. Gayunman, hindi maiiwasan ang pagiging normal at praktikal ng Diyos. Sinubukan Niya ang lahat para makahanap ng solusyon ngunit sa huli ay hindi Niya nagawang alisin sa Kanyang Sarili ang panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao. Ito ay dahil Siya, kung tutuusin, ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang Diyos na Espiritu sa langit. Hindi Siya ang Diyos na hindi nakikita ng mga tao, kundi ang Diyos na nakasuot ng panlabas na anyo ng isang nilikha. Sa gayon, ang pag-aalis sa Kanyang Sarili ng panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao ay hindi magiging madali sa anumang paraan. Samakatwid, anuman ang mangyari, ginagawa pa rin Niya ang gawaing nais Niyang gawin mula sa perspektiba ng katawang-tao. Ang gawaing ito ang pagpapahayag ng normal at praktikal na Diyos, kaya paano magiging ayos lang sa mga tao na hindi magpasakop? Ano ba ang magagawa ng mga tao tungkol sa mga gawa ng Diyos? Ginagawa Niya ang anumang nais Niyang gawin; anuman ang nagpapasaya sa Kanya ay iyon ang masusunod. Kung hindi magpapasakop ang mga tao, ano ang iba pang magagandang planong mayroon sila? Hanggang ngayon, pagpapasakop lamang ang nakapagliligtas sa mga tao; wala nang iba pang matalinong estratehiya. Kung nais ng Diyos na subukin ang mga tao, ano ang magagawa nila tungkol dito? Gayunman, wala sa mga ito ang pagnanais ng Diyos sa langit; ito ay pagnanais ng Diyos na nagkatawang-tao. Nais Niyang gawin ito, kaya walang taong makakapagbago nito. Hindi nanghihimasok ang Diyos sa langit sa ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya hindi ba’t mas lalong dapat magpasakop sa Kanya ang mga tao? Bagama’t Siya ay kapwa praktikal at normal, Siya mismo ay ang Diyos na naging tao. Sinusunod Niya ang mga pagnanais Niya na gawin ang anumang nais Niya. Ipinasa na ng Diyos sa langit ang lahat ng gampanin sa Kanya; kailangan mong magpasakop sa anumang Kanyang ginagawa. Bagama’t mayroon Siyang pagkatao at napakanormal, sadya na Niyang isinaayos ang lahat ng ito, kaya paano Siya nagagawang pandilatan ng mga mata ng mga tao nang may pagtutol? Nais Niyang maging normal, kaya Siya ay normal. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagkatao, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagkatao. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagka-Diyos, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagka-Diyos. Maaari itong tingnan ng mga tao paano man nila naisin, ngunit ang Diyos ay palaging magiging Diyos at ang mga tao ay palaging magiging mga tao. Ang Kanyang diwa ay hindi maitatanggi dahil sa isang maliit na detalye, ni hindi Siya maitutulak palabas ng “persona” ng Diyos dahil sa isang maliit na bagay. Ang mga tao ay may kalayaan ng mga tao, at ang Diyos ay may dignidad ng Diyos; hindi nanghihimasok ang mga ito sa isa’t isa. Hindi ba maaaring bigyan ng mga tao ng kaunting kalayaan ang Diyos? Hindi ba nila mapagbibigyan ang pagiging medyo kaswal ng Diyos? Huwag kayong masyadong mahigpit sa Diyos! Bawat isa ay dapat magparaya sa isa’t isa; kung gayon ay hindi ba malulutas ang lahat? Magkakaroon pa ba ng anumang agwat? Kung hindi makapagpaubaya ang isang tao sa gayon kaliit na bagay, paano pa niya masasabi ang anumang gaya ng “Maaaring maglayag ang isang bangka sa lawak ng puso ng isang punong ministro”? Paano siya magiging isang totoong lalaki? Hindi ang Diyos ang nagpapahirap ng mga bagay-bagay sa mga tao, kundi ang mga tao ang nagpapahirap ng mga bagay-bagay sa Diyos. Palagi nilang pinalalaki ang maliliit na usapin sa pangangasiwa ng mga bagay. Talagang pinalalaki nila ang maliit na bagay, at ito ay isang bagay na talagang hindi nila dapat gawin! Kapag gumagawa ang Diyos sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, ang Kanyang ginagawa ay hindi ang gawain ng tao, kundi ang gawain ng Diyos. Gayunman, hindi nakikita ng mga tao ang diwa ng Kanyang gawain; ang palagi lamang nilang nakikita ay ang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao. Hindi pa sila nakakita ng gayon kadakilang gawain, subalit nakita, sa halip, ang Kanyang karaniwan at normal na pagkatao, at hindi nila ito bibitiwan. Paano ito matatawag na pagpapasakop sa Diyos? Ang Diyos sa langit ay “naging” Diyos na sa lupa ngayon, at ang Diyos sa lupa ay Diyos na sa langit. Hindi mahalaga kung magkapareho ang Kanilang mga panlabas na anyo, ni hindi mahalaga kung paano mismo Sila gumagawa. Sa huli, Siya na gumagawa ng sariling gawain ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Kailangan mong magpasakop naisin mo man o hindi—hindi ito isang bagay na may mapagpipilian ka! Ang Diyos ay dapat na pagpasakupan ng mga tao, at kailangang ganap na magpasakop ang mga tao sa Diyos nang wala ni katiting na pagkukunwari.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Ganap na Nakakapagpasakop sa Pagiging Praktikal ng Diyos ay Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos

Ano ang dapat na saloobin ng mga tao sa Diyos, sa Diyos na nagkatawang-tao, at sa katotohanan? (Dapat kaming makinig, tumanggap, at magpasakop.) Tama iyan. Dapat kayong makinig, tumanggap, at magpasakop. Wala nang mas sisimple pa kaysa rito. Pagkatapos makinig, dapat tanggapin ninyo ito sa inyong puso. Kung hindi ninyo kayang tanggapin ang isang bagay, dapat patuloy kayong maghanap hanggang kaya na ninyo ang ganap na pagtanggap—pagkatapos, sa sandaling matanggap na ninyo ito, dapat kayong magpasakop. Ano ang ibig sabihin ng magpasakop? Ang ibig sabihin nito ay isagawa at tuparin. Huwag isawalang-bahala ang mga bagay pagkatapos marinig ang mga ito, nangangakong gagawin ang mga ito sa panlabas, isinusulat ang mga ito, itinatala ang mga ito sa papel, pinapakinggan ang mga ito gamit ang mga tainga ninyo, pero hindi isinasapuso ang mga ito, at patuloy lang sa dati ninyong gawi at ginagawa kung ano ang gusto ninyo kapag dumating ang oras na kailangan nang kumilos, isinasantabi ang isinulat ninyo at itinuturing itong hindi mahalaga. Hindi ito pagpapasakop. Ang tunay na pagpapasakop sa mga salita ng Diyos ay nangangahulugan ng pakikinig sa mga ito at pag-arok sa mga ito sa inyong puso, at tunay na pagtanggap sa mga ito—pagtanggap sa mga ito bilang hindi maiiwasang responsabilidad. Hindi lang ito bastang pagsasabi na tinatanggap ng isang tao ang mga salita ng Diyos; sa halip, pagtanggap ito sa mga salita Niya nang mula sa puso, ginagawang mga praktikal na pagkilos ang pagtanggap mo sa mga salita Niya at ipinapatupad ang mga salita Niya, nang walang anumang paglihis. Kung ang iniisip mo, kinikilos mo, at ang halagang ibinabayad mo ay lahat para matugunan ang mga hinihingi ng Diyos, pagpapatupad iyan sa mga salita ng Diyos. Ano ang ipinapahiwatig ng “pagpapasakop”? Pagsasagawa at pagpapatupad ang ibig sabihin nito, ginagawang realidad ang mga salita ng Diyos. Kung isusulat mo ang mga salitang sinasabi ng Diyos at ang mga hinihingi Niya sa isang kuwaderno at sa papel, pero hindi mo itinatala ang mga ito sa puso mo, at ginagawa mo ang gusto mo kapag dumating na ang oras para kumilos, at sa panlabas, parang ginawa mo lang ang hiningi ng Diyos, pero ginawa mo ito ayon sa sarili mong kalooban, kung gayon, hindi ito pakikinig, pagtanggap, at pagpapasakop sa mga salita ng Diyos, paghamak ito sa katotohanan, lantarang paglabag sa mga prinsipyo, at pagbabalewala sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos. Paghihimagsik ito.

—Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikatlong Ekskorsus

Iisa at pareho ang pagpapasakop sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos. Ang mga nagpapasakop lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain Niya ay hindi maituturing na mapagpasakop, lalong hindi ang mga hindi tunay na nagpapasakop kundi mga mambobola sa panlabas. Ang lahat ng mga tunay na nagpapasakop sa Diyos ay nagkakamit mula sa gawain at nagtatamo ng pagkaunawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang tunay na nagpapasakop sa Diyos. Nagagawang magkamit ng bagong kaalaman ang ganitong mga tao sa pamamagitan ng bagong gawain, at sumailalim sa mga bagong pagbabago sa pamamagitan ng bagong gawain. Tanging ang mga taong ito lamang ang sinasang-ayunan ng Diyos, tanging ang mga taong ito ang ginagawang perpekto, at tanging ang mga ito lamang ang nagbago ang disposisyon. Ang mga sinasang-ayunan ng Diyos ay ang mga nagagalak na magpasakop sa Diyos, at sa salita at gawain Niya. Ang ganitong mga tao lamang ang mga tamang tao, ang ganitong mga tao lamang ang taos-pusong nagnanais sa Diyos, at taos-pusong naghahangad sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang May Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Ang susi sa pagpapasakop sa Diyos ay ang pagtanggap sa pinakabagong liwanag, at ang magawang tanggapin ito at isagawa ito. Ito lang ang tunay na pagpapasakop. Yaong mga walang determinasyon na manabik sa Diyos ay walang kakayahang sadyang magpasakop sa Kanya, at maaari lamang lumaban sa Diyos bilang kinalabasan ng pagkakontento nila sa kasalukuyang kalagayan. Hindi kayang magpasakop ng tao sa Diyos dahil hawak siya ng dating mga bagay. Ang mga dating bagay ay nakabuo sa loob ng tao ng kung ano-anong uri ng mga kuru-kuro at iba’t ibang imahinasyon tungkol sa Diyos, at ang mga ito ang naging wangis ng diyos sa isipan niya. Sa gayon, ang pinaniniwalaan niya ay ang sarili niyang mga kuru-kuro, at ang mga pamantayan ng sarili niyang imahinasyon. Kung susukatin mo ang Diyos na gumagawa ng praktikal na gawain ngayon sa diyos ng sarili mong imahinasyon, nagmumula kay Satanas ang pananalig mo, at batay sa mga sarili mong kagustuhan—hindi nais ng Diyos ang ganitong uri ng pananalig. Gaano man katayog ang mga kredensyal nila, at gaano man kalaki ang kanilang mga paggugol—kahit na gumugol na sila ng habambuhay na pagsisikap sa paggawa para sa Kanya, at humantong pa nga sa pagpapakamartir—hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang sinumang may ganitong pananalig. Ipinagkakaloob lamang Niya sa kanila ang kaunting biyaya at hinahayaan silang tamasahin ito nang maikling panahon. Ang ganitong mga tao ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan. Hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa kanila, at isa-isang ititiwalag ng Diyos ang bawat isa sa kanila. Bata man o matanda, yaong mga hindi nagpapasakop sa Diyos sa pananalig nila at mayroong mga maling intensiyon ay yaong mga lumalaban at gumagambala, at walang alinlangang ititiwalag ng Diyos ang ganitong mga tao. Yaong mga taong wala ni katiting na pagpapasakop sa Diyos, na kinikilala lamang ang pangalan Niya, at mayroong kaunting pakiramdam sa pagiging malalapitan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, subalit hindi sumasabay sa mga hakbang ng Banal na Espiritu, at hindi nagpapasakop sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—namumuhay ang ganitong mga tao sa gitna ng biyaya ng Diyos, at hindi Niya makakamit o magagawang perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapasakop nila, sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, at pagtamasa nila sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino sa mga buhay nila. Tanging sa pamamagitan ng ganitong pananalig maaaring magbago ang mga disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila maaaring taglayin ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang pagiging hindi kontento sa pamumuhay sa gitna ng biyaya ng Diyos, ang aktibong pananabik at paghahanap sa katotohanan, at paghahangad na makamit ng Diyos—ito ang kahulugan ng pagpapasakop sa Diyos nang may kamalayan, at ito ang mismong uri ng pananalig na nais Niya. Ang mga taong walang ibang ginagawa kundi tamasahin ang biyaya ng Diyos ay hindi maaaring gawing perpekto o mabago; maaari lang silang magtaglay ng paimbabaw na pagpapasakop, pagkamaka-Diyos, pagmamahal, at pagtitiis. Hindi magagawang tunay na makilala ang Diyos ng mga nagtatamasa lamang ng biyaya ng Diyos, at kahit makilala nila ang Diyos, paimbabaw lamang ang pagkakilala nila, at sinasabi nila ang mga bagay na tulad ng “mahal ng Diyos ang tao,” o “may habag ang Diyos sa tao.” Hindi nito kinakatawan ang buhay ng tao, at hindi nangangahulugang tunay na nakikilala ng mga tao ang Diyos. Kung, kapag pinipino sila ng mga salita ng Diyos, o kapag dumarating sa kanila ang mga pagsubok Niya, ay hindi nagagawang magpasakop ng mga tao sa Diyos—kung, sa halip, ay nagiging mapagduda sila, at bumabagsak pa nga—hindi sila mapagpasakop ni katiting. Sa loob nila, maraming patakaran at paghihigpit tungkol sa pananalig sa Diyos, maging mga matagalang karanasan na nakuha nila mula sa maraming taon ng pananalig, o iba’t ibang regulasyon na ginagawang prinsipyo ang Bibliya. Kaya bang magpasakop sa Diyos ng ganitong mga tao? Puspos ang mga taong ito ng mga pantaong bagay—paano sila makapagpapasakop sa Diyos? Ang “pagpapasakop” nila ay batay sa kanilang mga personal na kagustuhan—nanaisin ba ng Diyos ang pagpapasakop na tulad nito? Ito ay pagsunod sa mga regulasyon, hindi pagpapasakop sa Diyos; ito ay pagpapalugod at pagpapakalma sa kanilang mga sarili. Kung sinasabi mong pagpapasakop ito sa Diyos, hindi ka ba lumalapastangan laban sa Kanya?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pananalig Mo sa Diyos, Dapat Kang Magpasakop sa Diyos

Kung kayang bitawan ng mga tao ang mga relihiyosong kuru-kuro, hindi nila gagamitin ang mga isip nila para sukatin ang mga salita at gawain ng Diyos ngayon, at sa halip ay tuwirang magpapasakop. Bagamat ang gawain ng Diyos ngayon ay maliwanag na hindi katulad ng sa nakaraan, nagagawa mo pa ring bitawan ang mga pananaw ng nakalipas at tuwirang magpasakop sa gawain ng Diyos ngayon. Kung may kakayahan kang maunawaan na dapat mong bigyan ng kataas-taasang posisyon ang gawain ng Diyos ngayon, paano man Siya gumawa noong nakaraan, isa kang tao na bumitiw na sa mga kuru-kuro niya, na nagpapasakop sa Diyos, at na kayang magpasakop sa gawain at mga salita ng Diyos at sundan ang mga yapak Niya. Sa ganito, magiging isa kang taong tunay na nagpapasakop sa Diyos. Hindi mo sinusuri o masusing sinisiyasat ang gawain ng Diyos; ito ay para bang nakalimutan na ng Diyos ang dati Niyang gawain, at nakalimutan mo na rin ito. Ang kasalukuyan ay ang kasalukuyan, at ang nakaraan ay ang nakaraan, at yamang ngayon, isinantabi na ng Diyos ang ginawa Niya noong nakalipas, hindi mo dapat pakaisipin ito. Tanging ang ganitong tao lamang ang taong lubos na nagpapasakop sa Diyos at tuluyang bumitiw na sa mga relihiyosong kuru-kuro niya.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging Yaong mga Nakakakilala Lamang sa Kasalukuyang Gawain ng Diyos ang Maaaring Maglingkod sa Diyos

Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawat kapanahunan. Kung magpapasakop ka nang maayos sa gawain ng Diyos sa isang yugto, ngunit sa susunod na yugto ang pagpapasakop mo sa gawain Niya ay salat, o wala kang kakayahang magpasakop, kung gayon ay lilisanin ka ng Diyos. Nakasasabay ka sa Diyos habang ginagawa Niya ang hakbang na ito, at dapat kang magpatuloy na sumabay kapag umakyat Siya sa susunod na hakbang; saka ka lamang magiging isang taong mapagpasakop sa Banal na Espiritu. Yamang nananampalataya ka sa Diyos, dapat na manatili kang hindi nagbabago sa pagpapasakop mo. Hindi maaaring magpasakop ka lamang kapag gusto mo at tumangging magpasakop kapag ayaw mo. Ang ganitong uri ng pagpapasakop ay hindi sinasang-ayunan ng Diyos. Kung hindi ka makasasabay sa pagbabahagi Ko sa bagong gawain, at patuloy na nakahawak sa dating mga kasabihan, paano magkakaroon ng pag-unlad sa buhay mo? Ang gawain ng Diyos ay ang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag nagpapasakop at tumatanggap ka sa mga salita Niya, tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Gumagawa ang Banal na Espiritu nang eksakto sa sinasabi Ko; gawin ang sinabi Ko, at ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Naglalabas Ako ng bagong liwanag upang mapagmasdan ninyo, dinadala kayo sa liwanag ng kasalukuyan, at kapag pumasok ka rito, ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Mayroong ilang maaaring masuwayin, sinasabing, “Basta hindi ko isasagawa ang sinasabi Mo.” Kung gayon, sinasabi Ko sa iyo na nakarating ka na ngayon sa katapusan; ikaw ay natuyo at wala nang buhay. Samakatwid, sa pagdanas ng pagbabago ng disposisyon mo, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa pagsabay sa kasalukuyang liwanag. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumagawa Siya sa iyo sa loob ng kasalukuyang panahon, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas mahigpit mong sinusundan ang kasalukuyang liwanag, mas lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Sa takbo ng sarili mong mga karanasan, aktuwal na danasin ang mga pinagdaanan niya, at tatanggap ka ng mas mataas pang mga bagay. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagsasagawa, mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at isang paraan kung saan lalago ang buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang May Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

Sa pagsukat kung makakapagpasakop ba ang mga tao sa Diyos o hindi, ang susi ay kung mayroon sila o walang anumang labis-labis na pagnanais o lihim na motibo sa Kanya. Kung laging humihiling ang mga tao sa Diyos, pinatutunayan nito na hindi sila mapagpasakop sa Kanya. Anuman ang mangyari sa iyo, kung hindi mo ito tinatanggap mula sa Diyos, at hindi mo hinahanap ang katotohanan, at palagi kang nakikipagtalo para sa iyong sarili at palagi mong nadarama na ikaw lamang ang tama, at kung nagagawa mo pa ngang pagdudahan na ang Diyos ang katotohanan at ang pagiging matuwid Niya, magkakaproblema ka. Ang gayong mga tao ang pinakamayabang at ang pinakamapaghimagsik sa Diyos. Ang mga taong palaging humihingi sa Diyos ay hindi tunay na makapagpapasakop sa Kanya. Kung humihiling ka sa Diyos, pinatutunayan nito na sinusubukan mong makipagtawaran sa Diyos, na pinipili mo ang sarili mong kalooban, at kumikilos ka ayon dito. Ito ay pagkakanulo sa Diyos at kawalan ng pagpapasakop. Kawalan ng katwiran ang mismong paghingi sa Diyos; kung totoong nananampalataya ka na Siya ang Diyos, hindi ka mangangahas na humingi sa Kanya—na hindi ka naman kalipikadong gawin—makatwiran man ang mga ito o hindi. Kung may totoo kang pananampalataya sa Diyos, at naniniwala na Siya ang Diyos, Siya lang ang sasambahin mo at sa Kanya ka lang magpapasakop—wala nang ibang pagpipilian pa. Hindi lamang gumagawa ng sarili nilang mga pagpili ang mga tao ngayon, hinihingi pa nilang kumilos ang Diyos alinsunod sa sarili nilang kagustuhan. Hindi lamang nila hindi pinipiling magpasakop sa Diyos, hinihingi pa nilang magpasakop sa kanila ang Diyos. Hindi ba’t napakawalang katwiran nito? Samakatwid, kung walang totoong pananalig sa loob-loob ng isang tao, at walang matibay na pananampalataya, hindi nila kailanman matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos. Kapag nagagawa na ng mga taong bawasan ang mga hinihingi nila sa Diyos, mayroon na silang mas totoong pananalig at pagpapasakop, at medyo normal ang kanilang katwiran.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Masyadong Maraming Hinihingi ang Tao Mula sa Diyos

Noong gumawa si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang gustong maisakatuparan ng Diyos. Binigyan lang siya ng Diyos ng utos at tinagubilinan siya tungkol sa kung ano ang gagawin niya, nang walang gaanong paliwanag, at nagpatuloy si Noe at ginawa ito. Hindi niya palihim na sinubukang mag-isip-isip kung ano ang mga pagnanais ng Diyos, hindi siya lumaban sa Diyos, at siya ay walang iba kundi buong puso sa kanyang debosyon. Humayo lamang siya at ginawa ito nang may malinis at simpleng puso. Anuman ang ipinagawa ng Diyos, ginawa niya, at ang pagpapasakop at pakikinig sa salita ng Diyos ang pananampalatayang naging pundasyon ng kanyang mga pagkilos. Ganito katapat at kasimple niya tinrato ang atas ng Diyos. Ang kanyang diwa—ang diwa ng kanyang mga pagkilos ay pagpapasakop, hindi pagkakaroon ng anumang pagdududa, hindi paglaban, at higit pa rito, hindi pag-iisip ng mga sarili niyang interes o pakinabang at kawalan. At higit pa, noong sinabi ng Diyos na gugunawin Niya ang mundo sa pamamagitan ng isang baha, hindi tinanong ni Noe kung kailan o sinubukang mag-usisa pa, lalong hindi niya tinanong ang Diyos kung paano Niya mismo gugunawin ang mundo. Gumawa lang si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos. Sa anumang paraan, kung paano siya tinagubilinan ng Diyos na gawin ang arka—at kung anong mga materyales—ganoon niya ito ginawa, at kumilos siya agad sa sandaling nag-utos ang Diyos. Kumilos siya alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos nang may saloobing nagnanais na magbigay-kasiyahan sa Diyos. Ginagawa ba niya ito upang matulungan ang sarili niya na makaiwas sa sakuna? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos kung gaano pa katagal bago gunawin ang mundo? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos o alam ba niya kung gaano katagal gawin ang arka? Hindi rin niya alam iyon. Nagpasakop lamang siya, nakinig, at ginawa ang ipinag-uutos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Kapag nais ng Diyos na pamatnugutan ang isang tao, ang pamamatnugot na ito ay madalas na hindi alinsunod sa mga kuru-kuro ng tao at hindi niya ito kayang maarok, gayon pa man ang mismong pagiging hindi kaalinsunod na ito sa mga kuru-kuro ng tao at pagiging hindi maarok nito ang mga pagsubok at pagsusulit ng Diyos sa tao. Samantala, si Abraham ay nagawang magpakita ng pagpapasakop sa Diyos, na pinakapangunahing kondisyon ng kanyang kakayahang tugunan ang hinihingi ng Diyos. Nang nagawang magpasakop ni Abraham sa hinihingi ng Diyos—nang kanyang ialay si Isaac—saka lamang tunay na napanatag ang Diyos at tunay Niyang kinilala ang sangkatauhan, partikular na si Abraham, na Kanyang hinirang. Saka lamang nakasiguro ang Diyos na ang taong ito na Kanyang hinirang ay isang kailangang-kailangang lider na kayang pumasan ng Kanyang pangako at ng Kanyang susunod na plano ng pamamahala. Kahit na ito ay isang pagsubok at pagsusulit lamang, nasiyahan ang Diyos, naramdaman Niya ang pagmamahal ng tao sa Kanya, at nadama Niya ang pag-aliw ng tao na hindi Niya dating nadama. Noong sandaling itinaas ni Abraham ang kanyang patalim upang patayin si Isaac, pinigilan ba siya ng Diyos? Hindi hinayaan ng Diyos na ialay ni Abraham si Isaac, dahil sadyang walang layunin ang Diyos na bawiin ang buhay ni Isaac. Kaya pinigilan ng Diyos si Abraham sa tamang oras. Para sa Diyos, nakapasa na sa pagsubok ang pagpapasakop ni Abraham, sapat na ang ginawa ni Abraham, at nakita na ng Diyos ang kinalabasan ng Kanyang binalak gawin. Kasiya-siya ba ang kinalabasang ito para sa Diyos? Maaaring sabihin na ang kinalabasan na ito ay kasiya-siya sa Diyos, na ito ang nais ng Diyos, at ito ang inasam ng Diyos na makita. Ito ba ay totoo? Kahit na ginagamit ng Diyos ang iba’t ibang paraan ng pagsubok sa bawat tao sa iba’t ibang konteksto, nakita ng Diyos kay Abraham ang nais Niya; nakita Niyang totoo ang puso ni Abraham at walang pasubali ang kanyang pagpapasakop. Ito mismong pagiging “walang pasubali” na ito ang ninais ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Kaya ngayon, hanggang saan gumawa ang Diyos kay Pedro para mapagtanto nito na dapat isagawa ng mga tao ang pagpapasakop? Binanggit natin dati ang isang bagay na sinabi ni Pedro. Alam mo ba kung ano ito? (“Kung tatratuhin ako ng Diyos na parang laruan, paanong hindi ako magiging handa at kusang-loob?”) Tama, iyan nga. Sa proseso ng pagdanas sa gawain at gabay ng Diyos, nang hindi namamalayan, nabuo kay Pedro ang ganitong pakiramdam: “Hindi ba’t tinatrato ng Diyos ang mga tao na parang mga laruan?” Ngunit ang pakay sa likod ng mga kilos ng Diyos ay talagang hindi para tratuhin ang mga tao na parang mga laruan. Umaasa ang mga tao sa kanilang pantaong perspektiba, pag-iisip, at kaalaman para suriin ang usaping ito at pakiramdam nila ay arbitraryong pinaglalaruan ng Diyos ang mga tao na para bang mga laruan sila. Isang araw ay sinasabi Niyang tama ang paggawa ng mga bagay sa ganitong paraan, at kinabukasan ay sinasabihan Niya ang mga tao na gawin ang mga bagay sa ibang paraan. Nang hindi mo namamalayan, nagsisimula kang makaramdam, “Naku, napakarami nang sinabi ng Diyos. Ano ba talaga ang sinusubukan Niyang gawin?” Nalilito ang mga tao at medyo hindi nila alam ang gagawin. Hindi nila alam kung anong mga pagpili ang gagawin. Sinasabi Ko sa inyo, ito mismo ang pamamaraang ginamit ng Diyos para subukin si Pedro. Ano ang panghuling resulta ng pagsubok na ito? (Nakamit ni Pedro ang pagpapasakop hanggang kamatayan.) Nakamit niya ang pagpapasakop. Ito ang resulta na ginusto ng Diyos, at nakita ito ng Diyos. Ano ang mga salitang binigkas ni Pedro ang nagpapakita sa atin na mapagpasakop siya at lumago sa tayog? Ano ang sinabi ni Pedro? Paano tinanggap at hinarap ni Pedro ang lahat ng ginawa ng Diyos at ang saloobin ng Diyos sa pagtrato sa tao bilang isang laruan? Ano ang saloobin ni Pedro? (Sinabi niya: “Paanong hindi ako magiging handa at kusang-loob?”) Oo, iyan ang saloobin ni Pedro. Iyon mismo ang mga salita niya. Hindi kailanman sasabihin ng mga taong walang karanasan sa mga pagsubok at pagpipino ng Diyos ang mga salitang ito dahil hindi nila nauunawaan ang naratibo ng kuwento rito at hindi nila ito kailanman naranasan. Dahil hindi nila ito naranasan, tiyak na hindi malinaw sa kanila ang usaping ito. Kung hindi malinaw sa kanila ang usaping ito, paano nila ito masasabi nang napakadali? Ang mga salitang ito ay isang bagay na hindi kailanman maiisip ng isang tao. Nasabi ito ni Pedro dahil naranasan niya ang napakaraming pagsubok at pagpipino. Pinagkaitan siya ng Diyos ng napakaraming bagay, ngunit kasabay nito ay binigyan din siya ng maraming bagay. Pagkatapos ibigay ng Diyos, binawi Niya itong muli. Matapos kunin ang mga bagay sa kanya, idinulot ng Diyos na matuto si Pedro na magpasakop at pagkatapos ay muli siyang binigyan. Sa pananaw ng tao, marami sa mga bagay na ginagawa ng Diyos ang tila kapritsoso, na nagbibigay sa mga tao ng ilusyon na tinatrato ng Diyos ang mga tao bilang mga laruan, hindi nirerespeto, at hindi tinatrato ang mga tao bilang mga tao. Iniisip ng mga tao na namumuhay sila nang walang dignidad, na para bang sila ay mga laruan; iniisip nila na hindi sila binibigyan ng Diyos ng karapatan na pumili nang malaya, at na maaaring sabihin ng Diyos ang anumang nais Niya. Kapag may ibinibigay Siya sa iyo, sinasabi Niya, “Nararapat sa iyo ang gantimpalang ito para sa ginawa mo. Ito ang pagpapala ng Diyos.” At kapag may binabawi Siya, may iba Siyang sinasabi. Sa prosesong ito, ano ang dapat gawin ng mga tao? Dapat nilang hanaping maunawaan ang mga layunin ng Diyos. Hindi nilalayon ng Diyos na husgahan mo kung tama o mali Siya, ni hindi Niya nilalayon na subukan mong tukuyin ang kalikasan ng Kanyang mga kilos, lalong hindi para mamuhay ka nang may higit na dignidad sa prosesong ito. Hindi Niya nilalayon na piliin mo ito. Ang papel na ito ay hindi sa iyo. Kaya, ano ang papel mo? Sa proseso ng pagdanas ng mga bagay-bagay, dapat mong matutunang unawain ang mga layunin ng Diyos. Kung hindi mo kayang unawain ang mga layunin ng Diyos at hindi mo kayang tugunan ang mga hinihingi ng Diyos, ang tanging pagpipilian mo ay ang magpasakop. Sa gayong mga sitwasyon, magiging madali ba para sa iyo ang magpasakop? (Hindi.) Hindi madali ang magpasakop. Ito ay isang aral na dapat mong matutunan. Kung madali para sa iyo ang magpasakop, hindi mo kailangang matuto ng mga aral, hindi mo kailangang mapungusan at sumailalim sa mga pagsubok at pagpipino. Dahil mahirap para sa iyo ang magpasakop sa Diyos kaya palagi kang isinasailalim ng Diyos sa mga pagsubok, sinasadyang paglaruan ka na para bang ikaw ay isang laruan. Sa araw na maging madali para sa iyo ang magpasakop sa Diyos, kapag ang pagpapasakop mo sa Diyos ay wala nang hirap o sagabal, kapag nakakapagpasakop ka na nang bukal sa kalooban at nang may galak, nang walang mga sariling pagpili, intensiyon, o kagustuhan, hindi ka itatrato ng Diyos bilang isang laruan at gagawin mo ang eksaktong dapat mong gawin. Kung, isang araw, sasabihin mo, “Tinatrato ako ng Diyos bilang isang laruan at namumuhay ako nang walang dignidad. Hindi ako sumasang-ayon dito at hindi ako magpapasakop,” maaaring iyan ang araw kung kailan susukuan ka ng Diyos. Sa kabilang banda, ipagpalagay na sasabihin mo, “Bagama’t ang mga layunin ng Diyos ay hindi madaling maarok at palaging nagtatago ang Diyos sa akin, ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay tama. Ano pa man ang gawin ng Diyos, bukal sa loob ko na magpasakop. Kahit na hindi ko kayang magpasakop, dapat ko pa ring taglayin ang saloobing ito at hindi ako dapat magreklamo o gumawa ng sariling pagpili. Ito ay dahil isa akong nilikha. Ang tungkulin ko ay magpasakop, nang hindi nagtatangkang ipasa ang responsabilidad. Ang Diyos ang Lumikha, at anuman ang ginagawa ng Diyos ay tama. Hindi ako dapat magkimkim ng kahit anong kuru-kuro o imahinasyon tungkol sa ginagawa ng Diyos. Hindi ito nararapat para sa isang nilikha. Kung nagbibigay ang Diyos sa akin, nagpapasalamat ako sa Kanya. Kung hindi Siya nagbibigay, o kung binabawi Niya ang ibinigay Niya sa akin, nagpapasalamat din ako sa Kanya. Ang mga kilos ng Diyos ay pawang kapaki-pakinabang sa akin; kahit na wala akong nakikitang anumang pakinabang, dapat pa rin akong magpasakop.” Kapag umabot na sa ganitong antas ang tayog mo, hindi ba’t nakamit mo na ang ipinahiwatig ni Pedro nang sabihin niyang, “Paanong hindi ako magiging handa at kusang-loob”? Tanging ang mga nagtataglay ng gayong tayog ang tunay na nakakaunawa sa katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Upang Matupad Nang Maayos ang Tungkulin ng Isang Tao, Pag-unawa sa Katotohanan ang Pinakamahalaga

Dapat maunawaan ng mga tao na may isang pangunahing prinsipyo sa pagtrato sa mga nilikha ang Lumikha, na siya ring pinakamataas na prinsipyo. Kung paano tratuhin ng Lumikha ang mga nilikha ay lubos na nababatay sa Kanyang plano ng pamamahala at sa mga pangangailangan ng Kanyang gawain; hindi Niya kailangang sumangguni kaninuman, ni hindi Niya kailangang matamo ang pagsang-ayon ng sinuman. Anuman ang dapat Niyang gawin at paano man Niya dapat tratuhin ang mga tao, ginagawa Niya, at, anuman ang Kanyang ginagawa o paano man Niya tinatrato ang mga tao, lahat ng ito ay nakaaayon sa mga katotohanang prinsipyo, at sa mga prinsipyo ng pagkilos ng Lumikha. Bilang isang nilikha, ang tanging dapat gawin ay magpasakop sa Lumikha; hindi dapat gumawa ang isang tao ng sarili niyang pagpili. Ito ang katwiran na dapat taglayin ng mga nilikha, at kung hindi ito taglay ng isang tao, hindi siya nararapat tawaging isang tao. Dapat itong maunawaan ng mga tao: Ang Lumikha ay laging magiging ang Lumikha; nasa Kanya ang kapangyarihan at kalipikado Siya na mamatnugot at magkaroon ng kataas-taasang kapangyarihan sa sinumang nilikha ayon sa gusto Niya, at hindi kailangang magkaroon ng dahilan para gawin iyon. Ito ang Kanyang awtoridad. Ang mga nilikha ay walang karapatan at hindi kalipikado na humusga kung tama ba o mali ang anumang bagay na ginagawa ng Lumikha, o kung paano Siya dapat kumilos. Walang nilikha ang may karapatang mamili kung tatanggapin ba niya ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha; at walang nilikha ang may karapatang gumawa ng mga hinihingi sa kung paanong may kataas-taasang kapangyarihan at nagsasaayos ang Lumikha sa kanyang kapalaran. Ito ang pinakamataas na katotohanan. Anuman ang ginawa ng Lumikha sa Kanyang mga nilikha, at paano man Niya ginawa iyon, ang natatanging mga bagay na dapat gawin ng mga nilikhang tao ay: maghanap, magpasakop, kumilala, at tumanggap sa lahat ng bagay na ginawa ng Lumikha. Ang magiging resulta sa huli ay na maisasakatuparan na ng Lumikha ang Kanyang plano ng pamamahala at matatapos na ang Kanyang gawain, at na ang Kanyang plano ng pamamahala ay makakausad na nang walang anumang mga sagabal; samantala, dahil natanggap na ng mga nilikha ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Lumikha at nagpasakop na sila sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos, matatamo na nila ang katotohanan, mauunawaan na ang mga layunin ng Lumikha, at makikilala na ang Kanyang disposisyon. May isa pang prinsipyo na kailangan Kong sabihin sa inyo: Anuman ang ginagawa ng Lumikha, anumang uri ng mga pagpapamalas ang ipinapakita Niya, at malaki man o maliit ang Kanyang ginagawa, Siya pa rin ang Lumikha; samantalang ang buong sangkatauhan, na Kanyang nilikha, anuman ang kanilang nagawa, at gaano man sila katalentado o may kaloob, ay nananatiling mga nilikha. Tungkol naman sa mga taong nilikha, gaano man karaming biyaya at gaano man karaming pagpapala ang natanggap nila mula sa Lumikha, o gaano man kalaking awa, mapagmahal na kabaitan, o mabuting pagtrato, hindi sila dapat maniwala na naiiba sila sa madla, o mag-isip na maaari silang makapantay sa Diyos at na naging mataas ang kanilang ranggo sa gitna ng mga nilikha. Ilang kaloob man ang naigawad sa iyo ng Diyos, o gaano kalaking biyaya ang naibigay Niya sa iyo, o gaano kabait ka man Niya natrato, o kung anong mga espesyal na talento ang ibinigay Niya sa iyo, hindi mo kapital ang mga ito. Ikaw ay isang nilikha, at sa gayon ay magiging isa kang nilikha magpakailanman. Huwag na huwag mong iisipin na, “Isa akong munting bata sa mga kamay ng Diyos. Hinding-hindi ako aabandonahin ng Diyos; ang saloobin ng Diyos sa akin ay lagi nang magiging isang pagmamahal, pagmamalasakit, at magigiliw na paghaplos, na may kasamang malulumanay na bulong ng pagbibigay-ginhawa at panghihikayat.” Bagkus, sa mga mata ng Lumikha, katulad ka ng lahat ng iba pang nilikha; maaari kang gamitin ng Diyos ayon sa Kanyang kagustuhan, at mapamamatnugutan ka rin Niya ayon sa Kanyang kagustuhan, at maaari Niyang isaayos ayon sa Kanyang kagustuhan na gampanan mo ang anumang papel sa lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay. Ito ang kaalamang dapat mayroon ang mga tao, at ang katwirang dapat nilang taglayin. Kung mauunawaan at matatanggap ng mga tao ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, magiging normal ang kanilang ugnayan sa Diyos, at ang pinakanormal na uri ng ugnayan ay maitatatag sa pagitan nila at ng Diyos; kung mauunawaan at matatanggap ng mga tao ang mga salitang ito na sinabi ng Diyos, natural nilang itutuwid ang kanilang posisyon, tatayo sila sa kanilang tamang lugar, mananatili sa kanilang tungkulin, at magpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pag-unawa Lamang sa Katotohanan Malalaman ng Isang Tao ang mga Gawa ng Diyos

Kaugnay na mga Himno

Ang mga Taong Laging May mga Hinihingi sa Diyos ay Hindi Tunay na Makapagpapasakop sa Kanya

Sinundan:  33. Ang mga pagbabagong idinudulot sa mga tao ng pagkakamit sa katotohanan

Sumunod:  35. Ang ugnayan sa pagitan ng pagpapasakop sa Diyos at kaligtasan

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 3: Simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, Kapatid na Zhang, Kapatid na Xu, simula nang pag-aralan natin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, mas lalong kinokondena ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Makapangyarihang Diyos, ginagawa nila ang lahat para hadlangan tayo sa pag-aaral ng totoong daan. Hindi ito naiba sa pagkalaban at pagkondena noon ng mga Judiong Fariseo sa Panginoong Jesus! Nag-iisip-isip ako nitong, bakit dalawang beses na nagpakita ang Diyos sa katawang-tao para gumawa at makalawang nakaharap ang pagkondena at pang-uusig ng lahat ng relihiyon at ng gobyernong ateista? Sa mga huling araw, nagpapakita at gumagawa ang Makapangyarihang Diyos para lamang ipahayag ang katotohanan, sa pagsasalita at paggawa para linisin at iligtas ang sangkatauhan. Bakit matindi ang galit kay Cristo ng mga relihiyon at ng gobyernong Komunista ng Tsina? na pinakikilos pa nila ang media corp at sandatahang puwersa ng pulisya para ikondena, lapastanganin, hulihin at patayin si Cristo? Dahil dito naaalala ko noong narinig ni Haring Herodes na ang Hari ng mga Judio, o ang Panginoong Jesus ay isinilang, ipinapatay niya ang lahat ng lalaking sanggol sa Bet-lehem na wala pang dalawang taong gulang. Mas gugustuhin niyang ipapatay ang libu-libong inosenteng mga sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Noong dumating ang Diyos sa katawang-tao para sa kaligtasan ng sangkatauhan, bakit hindi tinanggap ng mga relihiyon at gobyerno ang Kanyang pagdating kundi galit na galit na kinondena at nilapastangan ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit inubos niya ang kabuhayan ng buong bansa para lang maipako sa krus si Cristo? Bakit napakasama ng sangkatauhan at matindi ang galit laban sa Diyos?

Sagot: Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger