42. Bakit sinasabi na iyong mga sumailalim lamang sa pagbabago ng disposisyon ang kalipikadong maglingkod sa Diyos

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi isang simpleng gampanin. Ang mga taong hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng mga salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas, na nagpapatunay na ang paglilingkod mo sa Diyos ay ang pag-aalay mo lang ng sarili mong mabubuting intensiyon, na ang paglilingkod mo ay batay sa iyong satanikong kalikasan. Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong karakter, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong iniisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan ng Diyos; lubos kang gumagawa nang naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Matatawag ba itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang buhay disposisyon mo ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, magiging mas mapagmatigas ito dahil sa paglilingkod mo, at sa gayon ay lubos na mapapalalim ang iyong tiwaling disposisyon, at sa gayon, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong karakter, at karanasang mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ang mga ito ang karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo ng tao. Ang mga taong tulad nito ay mga Pariseo at mga opisyal ng relihiyon. Kung hindi sila mamumulat at magsisisi ngayon, tiyak na magiging mga huwad na cristo at mga anticristo sila na nanlilihis ng mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang nabanggit na mga huwad na cristo at mga anticristo. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa sarili nilang karakter at kumikilos ayon sa sarili nilang kalooban, nanganganib silang maitiwalag anumang oras. Ang mga umaasa sa kanilang maraming taon ng karanasan para maglingkod sa Diyos upang makuha ang loob ng ibang tao, mapangaralan at malimitahan sila, at magkaroon ng mataas na katayuan—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nagtatapat ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman tinatalikuran ang mga pakinabang ng katayuan—ang mga taong ito ay babagsak sa harap ng Diyos. Sila ay mga kauri ni Pablo, nagpapalagay na nakatataas sila at ipinagmamalaki sa iba ang kanilang mga kredensiyal. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang mga taong tulad nito. Ang gayong paglilingkod ay katumbas ng paggambala sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay palaging kumakapit sa luma. Kumakapit sila sa mga kuru-kuro ng nakalipas, sa lahat ng bagay mula sa nakaraan. Malaking sagabal ito sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo iwawaksi ang mga ito, sisirain ng mga bagay na ito ang buong buhay mo. Kahit na mabali ang mga binti mo sa pagpaparoo’t parito, mabali ang likod mo sa pagtatrabaho, o kahit pa maging martir ka alang-alang sa “paglilingkod” sa Diyos, hindi ka sasang-ayunan ng Diyos kahit kaunti. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang taong gumagawa ng masama.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Mabuwag ang Paglilingkod na Panrelihiyon

Ang mga paglihis sa gawain ng mga sumailalim sa pagpupungos, paghatol at pagkastigo ay mas maliit, at ang pagpapahayag ng kanilang gawain ay mas lalong tumpak. Ang mga umaasa sa kanilang naturalesa sa gawain ay may napakalalaking paglihis. Ang gawain ng mga taong hindi nagawang perpekto ay nagpapahayag ng kanilang labis na naturalesa, na nagiging isang napakalaking balakid sa gawain ng Banal na Espiritu. Gaano man kagaling ang kakayahan ng isang tao, kailangan din siyang magdaan sa pagpupungos at paghatol bago niya magawa ang gawain ng atas ng Diyos. Kung hindi pa siya dumaan sa gayong paghatol, ang kanyang gawain, gaano man kahusay ginawa, ay hindi maaaring maging katugma ng mga prinsipyo ng katotohanan at palaging isang produkto ng kanyang sariling naturalesa at kabutihan bilang tao. Ang gawain ng mga nagdaan na sa pagpupungos at paghatol ay mas lalong tumpak kaysa sa gawain ng mga hindi pa napungusan at nahatulan. Iyong mga hindi pa nagdaan sa paghatol ay walang ipinapahayag kundi ang laman at mga saloobin ng tao, na may kahalong maraming katalinuhan at likas na talento ng tao. Hindi ito ang tumpak na pagpapahayag ng tao sa gawain ng Diyos. Iyong mga sumusunod sa gayong mga tao ay inihaharap sa kanila ng kanilang likas na kakayahan. Dahil napakaraming ipinapahayag ng mga ito na kabatiran at karanasan ng tao, na halos walang kaugnayan sa orihinal na layunin ng Diyos at masyadong lihis dito, ang gawain ng ganitong uri ng tao ay hindi maaaring dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos, kundi sa halip ay dinadala sila sa harap ng tao. Kaya, ang mga hindi pa dumaan sa paghatol at pagkastigo ay hindi kalipikadong magsagawa ng gawaing atas ng Diyos. Ang gawain ng isang manggagawa na pasok sa pamantayan ay maaaring dalhin ang mga tao sa tamang daan at tulungan silang makapasok nang mas malalim tungo sa katotohanan. Ang kanyang gawain ay maaaring dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos. Dagdag pa rito, ang gawaing kanyang ginagawa ay maaaring mag-iba-iba sa bawat indibidwal at hindi nakatali sa mga regulasyon, na nagtutulot sa mga tao na magkaroon ng laya at kalayaan, unti-unting paglago sa buhay, at unti-unting magkaroon ng mas malalim na pagpasok sa katotohanan. Ang gawain ng isang manggagawang hindi pasok sa pamantayan ay malayong-malayo. Ang kanyang gawain ay kahangalan. Maaari lamang niyang dalhin ang mga tao sa mga regulasyon, at ang hinihingi niya sa mga tao ay hindi nag-iiba-iba sa bawat indibidwal; hindi siya gumagawa ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng mga tao. Sa ganitong uri ng gawain, napakaraming regulasyon at napakaraming doktrina, at hindi nito madadala ang mga tao sa realidad, ni sa normal na pagsasagawa ng paglago sa buhay. Maaari lamang nitong bigyang-kakayahan ang mga tao na sumunod sa ilang regulasyon na walang halaga. Ang gayong paggabay ay nagliligaw sa mga tao. Inaakay ka niya na maging katulad niya, dinadala ka tungo sa kung ano ang mayroon siya at kung ano siya. Upang makilatis ng mga tagasunod kung pasok ba sa pamantayan ang mga lider, ang susi ay ang tumingin sa landas kung saan nila inaakay ang iba at sa mga resulta ng kanilang gawain, at tingnan kung ang mga tagasunod ay tumatanggap ng mga prinsipyo alinsunod sa katotohanan, at kung tumatanggap sila ng mga paraan ng pagsasagawa na angkop sa kanilang pagbabago. Dapat kang magkaroon ng pagkilatis sa iba’t ibang gawain ng iba’t ibang uri ng mga tao; hindi ka dapat maging isang naguguluhang tagasunod. May kaugnayan ito sa pagpasok ng mga tao. Kung hindi mo makilatis kung aling pamumuno ng tao ang may landas at alin ang wala, madali kang malilihis. Lahat ng ito ay may tuwirang kaugnayan sa iyong sariling buhay. Napakaraming naturalesa sa gawain ng mga taong hindi nagawang perpekto; napakarami nitong kahalong kagustuhan ng tao. Kung ano sila ay naturalesa—likas silang ganito. Hindi iyon buhay matapos mapungusan o realidad matapos mabago. Paano masusuportahan ng gayong tao ang mga naghahangad ng buhay? Ang buhay na orihinal na taglay ng tao ay ang kanyang likas na talino o talento. Ang ganitong uri ng talino o talento ay napakalayo sa eksaktong mga hinihingi ng Diyos sa tao. Kung ang isang tao ay hindi pa nagawang perpekto at hindi pa napupungusan ang kanyang mga tiwaling disposisyon, magkakaroon ng malaking puwang sa pagitan ng kanyang ipinapahayag at ng katotohanan; ang kanyang ipinapahayag ay mahahaluan ng malalabong bagay, tulad ng kanyang imahinasyon at karanasan ng isang panig lamang. Dagdag pa rito, anuman ang kanyang ginagawa, pakiramdam ng mga tao ay walang pangkalahatang layon at walang katotohanan na angkop para pasukin ng lahat ng tao. Karamihan sa hinihingi sa mga tao ay hindi nila kayang gawin, na para bang mga isda sila na pinipilit na mabuhay sa lupa. Ito ang gawain ng kagustuhan ng tao. Ang mga tiwaling disposisyon ng tao, kanyang mga saloobin, at kanyang mga kuru-kuro ay laganap sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan. Ang tao ay hindi isinisilang na may likas na ugali na isagawa ang katotohanan, ni wala siyang likas na ugali na unawain nang tuwiran ang katotohanan. Idagdag pa riyan ang mga tiwaling disposisyon ng tao—kapag gumagawa ang ganitong uri ng natural na tao, hindi ba ito nakakagambala? Ngunit ang isang tao na nagawang perpekto ay may karanasan sa katotohanan na dapat maunawaan ng mga tao, at pagkakilala tungkol sa kanyang mga tiwaling disposisyon. Ang malalabo at mga di-praktikal na bagay sa kanyang gawain ay unti-unting mababawasan, nagiging kaunti ang mga adulterasyon ng tao, at lalo pang napapalapit ang kanyang gawain at paglilingkod sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Sa gayon, nakapasok na ang kanyang gawain sa katotohanang realidad at naging makatotohanan na rin ang kanyang gawain. Ang mga saloobin sa isipan ng tao lalo na ay sagabal sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang tao ay may masaganang imahinasyon at makatwirang lohika, at nagkaroon na siya ng mahabang karanasan sa pangangasiwa sa mga usapin. Kung ang mga aspektong ito ng tao ay hindi dumaraan sa pagpupungos at pagwawasto, lahat ng ito ay mga balakid sa gawain. Samakatwid, hindi makakamit ng gawain ng tao ang pinakamataas na antas ng katumpakan, lalo na ng gawain ng mga taong hindi nagawang perpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Iyong mga nabago na ang disposisyon ay mayroong may-takot-sa-Diyos na puso, at unti-unting nababawasan ang kanilang mga paraan ng paghihimagsik laban sa Diyos. Bukod dito, sa paggampan sa kanilang mga tungkulin, hindi na kailangang mag-alala ang iba sa kanila, ni hindi kailangan ng Banal na Espiritu na palaging gumawa ng gawain ng pagdidisiplina sa kanila. Sa pangkalahatan ay kaya nilang magpasakop sa Diyos, nakaaayon sa katotohanan ang mga pananaw nila sa mga bagay-bagay, at wala silang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos ni anumang maluluhong pagnanais sa Kanya. Ang ibig sabihin ng lahat ng ito ay naging kaayon na sila ng Diyos. Ipagpalagay na may nag-abot ng gawain sa iyo. Hindi mo kailangan ang sinuman para pamahalaan ka, para pangasiwaan ka. Matatapos mo nang maayos ang gawaing ito sa pamamagitan lamang ng salita ng Diyos at ng panalangin. Sa panahon ng gawaing ito, matitiyak mo na hindi ka pabasta-basta, mapagmataas, o mapagmagaling, na hindi mo iginigiit na ikaw ang may huling pasya, at na hindi mo nililimitahan ang sinuman. Nagagawa mong tulungan ang iba nang may pagmamahal, tinutulungan silang makakuha ng panustos at mga pakinabang, at maaakay mo sila na pumasok sa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Higit pa rito, sa panahon ng gawaing ito ay hindi ka nagpapakana para sa katayuan o alang-alang sa sarili mong mga interes; hindi ka nagpapasasa sa mga pakinabang ng katayuan; hindi ka nagsasalita para sa iyong sarili; at paano man ang pagtrato sa iyo ng sinuman, nagagawa mong harapin nang tama ang kanyang pagtrato sa iyo. Nangangahulugan ito na ikaw ay isang tao na medyo may tayog. Hindi simpleng bagay para sa isang tao na pumasan ng gawain at dalhin ang mga hinirang ng Diyos sa realidad ng salita ng Diyos. Hindi ito magagawa kung wala ang katotohanang realidad. Maraming umaasa sa kanilang mga kaloob upang gumawa ang bumabagsak at nabibigo. Ang mga taong hindi nagtataglay ng katotohanan ay lubusang hindi maaasahan, lalo na kung hindi nila nabago ang kanilang mga disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahangad sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon

Ang mga taong nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naunawaan na ang katotohanan, nakikilatis nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa katotohanang prinsipyo, at kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ibinubunyag. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga kuru-kuro ay naibubunyag, nagagawa nilang kumilatis at maghimagsik laban sa laman. Ganito naipapamalas ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing pagpapamalas ng mga taong dumaan sa pagbabago ng disposisyon ay nagagawa nilang maunawaan nang malinaw ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may relatibong katumpakan at hindi sila kasingdalas na nagbubunyag ng katiwalian. Karaniwan, ang mga nagbago na ang disposisyon ay mukhang partikular na makatwiran at nakakakilatis, at dahil sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, hindi sila gaanong nagbubunyag ng pagmamagaling o kayabangan. Nauunawaan nila nang malinaw at nakikilatis ang marami sa katiwaliang nabunyag sa kanila, kaya hindi sila nagiging mayabang. Nagagawa nilang magkaroon ng isang maingat na pagkaarok sa kung anong posisyon ang dapat nilang kunin, kung ano ang dapat nilang gawin para maituring na isang tao na may katwiran, kung paano manatiling tapat sa tungkulin, kung ano ang sasabihin at kung ano ang hindi sasabihin, at kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa aling partikular na mga tao. Kaya, ang mga taong nagbago ang mga disposisyon ay medyo makatwiran, at ang ganoong mga tao lamang ang tunay na nagsasabuhay ng wangis ng tao. Dahil nauunawaan nila ang katotohanan, nagagawa nilang magsalita at tingnan ang mga usapin alinsunod sa katotohanan, at sa lahat ng ginagawa nila, may prinsipyo sila, hindi sila nasasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao, anumang pangyayari o bagay, at may sarili silang mga pananaw, at kaya nilang itaguyod ang mga katotohanang prinsipyo. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, alam nila kung paano gawin nang maayos ang kanilang mga tungkulin at kung paano kumilos sa paraang nakalulugod sa Diyos. Iyong mga nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin sa panlabas upang maging maganda ang tingin sa kanila ng iba; malinaw sa puso nila kung ano ang gagawin para mapalugod ang Diyos. Kung gayon, sa panlabas maaaring tila hindi sila gaanong masigasig o hindi nakagawa ng maraming dakilang bagay, ngunit ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at nagbubunga ng mga tunay na resulta. Iyong mga nagbago ang mga disposisyon ay tiyak na nagtataglay ng napakaraming katotohanang realidad, at ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga prinsipyo ng pagkilos. Ang mga hindi nagkamit ng katotohanan ay talagang hindi nagkamit ng anumang pagbabago sa buhay disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

Sa relihiyon, maraming taong nagdurusa nang husto sa buong buhay nila: Sinusupil nila ang kanilang katawan at pinapasan ang kanilang krus, at patuloy pa silang nagdurusa at nagtitiis kapag nasa bingit na ng kamatayan! Nag-aayuno pa rin ang ilan sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay pinagkakaitan nila ang kanilang sarili ng masasarap na pagkain at magagarang damit, nakatuon lang sa pagdurusa. Nagagawa nilang supilin ang kanilang katawan at maghimagsik laban sa kanilang laman. Kapuri-puri ang diwa nilang magtiis ng pagdurusa. Ngunit ang kanilang mentalidad, ang kanilang mga kuru-kuro, ang kanilang mental na pananaw, at ang dati nilang kalikasan ay hindi pa napungusan kahit kaunti. Wala silang tunay na pagkakilala tungkol sa kanilang sarili. Ang wangis ng Diyos na nasa kanilang isipan ay ang tradisyonal na imahe ng isang kathang-isip na diyos. Ang determinasyon nilang magdusa para sa Diyos ay nagmumula sa kanilang kasigasigan at mabuting personalidad ng kanilang pagkatao. Kahit nananampalataya sila sa Diyos, hindi nila Siya nauunawaan ni hindi nila alam ang Kanyang mga layunin. Pikit-mata lamang silang gumagawa at nagdurusa para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng anumang halaga ang pagkilatis, halos walang pakialam kung paano titiyakin na talagang tinutupad ng kanilang paglilingkod ang mga layunin ng Diyos, lalo nang wala silang kamalayan kung paano magkamit ng pagkakilala tungkol sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos sa Kanyang likas na wangis, kundi isang Diyos na inilarawan nila sa kanilang isip, isang Diyos na nabalitaan lamang nila, o nabasa lamang nila sa mga nakasulat na alamat. Pagkatapos ay ginagamit nila ang kanilang mayayabong na imahinasyon at pagiging deboto upang magdusa para sa Diyos at isagawa ang gawain ng Diyos na nais gawin ng Diyos. Lubhang hindi tumpak ang kanilang paglilingkod, kaya nga halos walang sinuman sa kanila ang tunay na nagagawang maglingkod sa Diyos alinsunod sa mga layunin ng Diyos. Gaano man sila kahandang magdusa, ang orihinal nilang pananaw sa paglilingkod at ang wangis ng Diyos sa kanilang isipan ay hindi nagbabago, dahil hindi pa sila sumasailalim sa paghatol, pagkastigo, pagpipino, at pagpeperpekto ng Diyos, ni hindi sila nagabayan ng sinuman gamit ang katotohanan. Kahit nananampalataya sila kay Jesus na Tagapagligtas, walang sinuman sa kanila ang nakakita sa Tagapagligtas kailanman. Nalalaman lamang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Dahil dito, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lamang ng arbitraryong paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa sarili niyang ama. Ano, sa bandang huli, ang makakamit ng gayong uri ng paglilingkod? At sino ang sasang-ayon dito? Mula simula hanggang wakas, ganoon pa rin ang kanilang paglilingkod sa kabuuan; tumatanggap lamang sila ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lamang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang naturalesa at sa kanilang sariling mga kagustuhan. Anong gantimpala ang idudulot nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Jesus, ay hindi alam kung paano maglingkod alinsunod sa mga layunin ng Diyos; nalaman lamang niya ito sa bandang huli, noong matanda na siya. Ano na lang kaya ang masasabi tungkol sa mga taong bulag na hindi pa nakaranas ng kahit kaunting pagpupungos, at walang sinumang gumagabay sa kanila? Hindi ba kagaya ng sa mga taong bulag na ito ang paglilingkod ng marami sa inyo ngayon? Lahat ng hindi pa nakatanggap ng paghatol, hindi pa nakatanggap ng pagpupungos, at hindi pa nagbago—hindi ba’t lahat sila ay yaong hindi pa ganap na nalupig? Ano ang silbi ng gayong mga tao? Kung ang iyong mentalidad, iyong pagkakilala tungkol sa buhay, at iyong pagkakilala tungkol sa Diyos ay hindi nagpapakita ng bagong pagbabago at wala ka talagang napapala, hindi ka magkakamit kailanman ng anumang resulta sa iyong paglilingkod! Kung wala kang pangitain at bagong kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, ikaw ay hindi nalupig. Ang pagsunod mo sa Diyos, kung gayon, ay magiging katulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno: maliit ang halaga! Dahil mismo sa walang patotoo sa kanilang ginagawa kaya Ko sinasabi na walang saysay ang kanilang paglilingkod! Ang mga taong ito ay nagdurusa at gumugugol ng oras sa bilangguan sa buong buhay nila, lagi silang matiisin, mapagmahal, nagpapasan ng krus, at sinisiraan sila at itinatakwil ng mundo—nagdaranas ng lahat ng hirap. Bagama’t masunurin sila hanggang sa pinakahuli, hindi pa rin sila nalupig, at walang maibahaging patotoo na nalupig na sila. Nagdusa na sila nang malaki, ngunit sa kanilang kalooban ay ni hindi man lamang nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang dating mentalidad, mga dating kuru-kuro, mga relihiyosong gawi, kaalamang gawa ng tao, at pag-iisip ng tao ang napungusan. Wala sila ni katiting na pahiwatig ng bagong kaalaman sa kanilang kalooban. Wala ni katiting ng kanilang pagkakilala tungkol sa Diyos ang totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa mga layunin ng Diyos. Paglilingkod ba ito sa Diyos? Anuman ang pagkakilala mo tungkol sa Diyos noong araw, kung ganoon pa rin iyon ngayon at patuloy mong ibinabatay ang iyong pagkakilala sa Diyos sa sarili mong mga kuru-kuro at pag-iisip anuman ang ginagawa ng Diyos, na ang ibig sabihin ay kung wala kang taglay na bago at tunay na pagkakilala tungkol sa Diyos at kung nabigo kang makilala ang likas na wangis at disposisyon ng Diyos, kung ang iyong pagkakilala sa Diyos ay ginagabayan pa rin ng pyudal at mapamahiing pag-iisip at mga imahinasyon at kuru-kuro pa rin ng tao, hindi ka pa nalupig. Ang lahat ng maraming salitang sinasabi Ko ngayon sa iyo ay para ipaalam sa iyo, para akayin ka ng kaalamang ito sa isang mas bago at tumpak na pagkakilala; ang mga ito ay para pungusan din ang mga lumang kuru-kuro at mga lumang kaalaman mo, upang magtaglay ka ng bagong kaalaman. Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, ang iyong kaalaman ay lubhang magbabago. Basta’t kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos na may pusong mapagpasakop, babaligtad ang iyong pananaw. Basta’t nagagawa mong tanggapin ang paulit-ulit na mga pagkastigo, unti-unting magbabago ang iyong dating mentalidad. Basta’t lubos na napalitan ng bago ang iyong dating mentalidad, magbabago rin ang iyong pagsasagawa ayon dito. Sa ganitong paraan, ang iyong paglilingkod ay lalong magiging tumpak, lalong magagawang tugunan ang mga layunin ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Totoong Kuwentong Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (3)

Sa mga mata ng Diyos, ang lahat ng bagay na ginagawa ng bawat tao na nananampalataya sa Diyos ay salungat sa katotohanan, hindi naaayon sa salita ng Diyos, at mapanlaban sa Kanya. Maaaring hindi rin ninyo ito matanggap, at masabing: “Pinaglilingkuran namin ang Diyos, sinasamba ang Diyos, ginagawa ang aming mga tungkulin sa sambahayan ng Diyos. Napakarami na naming nagawa, lahat ay alinsunod sa mga salita at hinihingi ng Diyos, at naaayon sa mga pagsasaayos ng gawain. Paano masasabing nilalabanan at ipinagkakanulo namin ang Diyos? Bakit Mo palaging pinapahina ang aming loob? Nahirapan kami nang husto na talikuran ang aming pamilya at mga karera at magpasyang sumunod sa Diyos, kaya paano Mo nagagawang sabihan kami nang ganito?” Ang layunin ng pagsasalita nang ganito ay para maunawaan ng lahat: Ang pagkakaroon ng kaunting mabuting pag-uugali, pagtalikod sa isang bagay, o pagdanas ng ilang paghihirap ay hindi nangangahulugang nagbago na ang mapagkanulong kalikasan ng isang tao—hindi ito nagbago! Ang pagdurusa ay kinakailangan, gayundin ang paggawa ng iyong tungkulin, pero ang katunayan na kaya mong magdusa o gawin ang iyong tungkulin ay hindi nangangahulugang hindi na umiiral ang mga tiwaling disposisyon sa loob mo. Ito ay dahil walang sinuman ang sumailalim sa isang tunay na pagbabago sa kanilang panloob na buhay disposisyon, walang sinuman ang naging isang tao na nagpapasakop sa Diyos, at ang lahat ay malayo pa rin sa pagtugon sa mga layunin ng Diyos, at kaya hindi pa natutugunan ang pamantayan para sa pagtamo ng kaligtasan. Ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos ay masyadong may karumihan, ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay labis na nabubunyag. Maraming tao ang nagiging mga lider o manggagawa; bagama’t naglilingkod sila sa Diyos, nilalabanan din nila Siya. Ano ang ibig sabihin nito? Ito ay na sinasadya nilang sumalungat sa mga salita ng Diyos, sumalungat sa katotohanan, at hindi sila nagsasagawa ayon sa mga pagnanais ng Diyos. Iginigiit nilang kumilos ayon sa sarili nilang kalooban, para makamit ang sarili nilang mga balak at pakay, upang sila ang may hawak ng kapangyarihan at nagpapasya, at para itatag ang sarili nilang mga nagsasariling kaharian at ipagkanulo ang Diyos. Kaya, tumahak sila sa landas ni Satanas. Ito ang kahulugan ng paglilingkod sa Diyos pero paglaban din sa Kanya. Nauunawaan ba ninyo ngayon? (Oo.)

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Pagsasagawa Tungo sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao

Sa sandaling talagang maunawaan mo ang katotohanan at simulan mong mahalin ito mula sa iyong kalooban, magiging madali na sa iyo na gawin ang mga bagay na nakaaayon sa katotohanan. Gagawin mo ang iyong tungkulin at isasagawa ang katotohanan nang normal—nang wala pa ngang kahirap-hirap at nang may kagalakan, at mararamdaman mo na mangangailangan ng malaking pagsisikap ang paggawa ng anumang negatibo. Ito ay dahil nangibabaw na ang katotohanan sa puso mo. Kung talagang nauunawaan mo ang mga katotohanan tungkol sa buhay ng tao, magkakaroon ka ng landas na susundan pagdating sa kung anong uri ng tao dapat maging, kung paano maging isang taong bukas at matuwid, at isang taong matapat, gayundin kung paano maging isang taong nagpapatotoo sa Diyos at naglilingkod sa Kanya. At sa sandaling maunawaan mo ang mga katotohanang ito, hindi ka na muling makagagawa kailanman ng masasamang gawa na lumalaban sa Kanya, ni hindi mo na kailanman gagampanan ang papel ng isang huwad na lider, isang huwad na manggagawa, o isang anticristo. Kahit na subukan kang ilihis ni Satanas, o sulsulan ka ng sinumang masama, hindi ka gagawa ng kasamaan o lalaban sa Diyos; sinuman ang sumubok na manlihis sa iyo o manulsol sa iyo, hindi ka gagawa ng kasamaan. Kung makakamit ng mga tao ang katotohanan at magiging buhay nila ang katotohanan, magagawa nilang kamuhian ang kasamaan at makaramdam ng pagkasuklam sa mga negatibong bagay, at magiging mahirap para sa kanila na gumawa ng kasamaan. Ito ay dahil nagbago na ang kanilang mga buhay disposisyon at nagawa na silang perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pamamagitan Lamang ng Paghahangad sa Katotohanan Matatamo ng Isang Tao ang Pagbabago sa Kanyang Disposisyon

Kaugnay na mga Himno

Tanging ang mga Kapalagayang-loob ng Diyos ang Karapat-dapat na Maglingkod sa Kanya

Sinundan:  41. Paano maglingkod at magpatotoo sa Diyos alinsunod sa Kanyang layunin

Sumunod:  43. Bakit iyong mga tunay lang na nagmamahal sa Diyos ang magagawa Niyang perpekto

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 14: Sa paniniwala n’yo sa Kanya, lahat kayo ay may mga sariling ideya at opinyon. Sa tingin ko ang mga ideya nyo at teyorya, ay pawang mga pakiramdam ng pansariling kamalayan, at puro ilusyon lamang ninyo sa mga bagay-bagay. Naniniwala kaming mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, dahil naayon ang lahat ng yon sa syensya. Malinaw na nagbibigay ang ating bansa ng materyalista at ebolusyonistang edukasyon mula paaralang elementarya hanggang sa unibersidad. Sa tingin n’yo bakit? Yun ay para ipalaganap ang ateista at ebolusyonistang pag-iisip sa lahat ng kabataan sa murang edad, para lumayo sila sa relihiyon at ganun na rin sa pamahiin, at ng sa ganun siyentipiko at maayos nilang maipaliwanag ang lahat ng katanungan. Isang halimbawa ang, tanong tungkol sa pinagmulan ng buhay. Ignorante at makaluma ang mga tao sa nakaraan, at naniwala sa mga kwentong gaya ng paghihiwalay ni Pangu sa langit at lupa, at paglikha ni Nüwa sa mga tao. Ang mga taga-kanluran naman, ay naniwalang ang Diyos ang lumikha sa sangkatauhan. Ang totoo, mitolohiya lang at alamat ang lahat ng ito, at hindi naaayon sa syensya. Mula nang lumitaw ang teorya ng ebolusyon na nagpaliwanag sa pinagmulan ng sangkatauhan, kung paano nagmula ang tao sa mga unggoy, pinabulaanan ng teorya ng ebolusyon ang alamat ng paglikha ng Diyos sa tao. Nalikha ang lahat ng bagay sa natural na pamamaraan. Yun lamang ang katotohanan. Kaya nga Kailangan nating maniwala sa syensya, at sa teorya ng ebolusyon. Kayong lahat ay mga edukado at maraming nalalaman. Kaya bakit kayo naniniwala sa Diyos? Kaya n’yo bang sabihin sa’min ang inyong pananaw?

Sagot: Naniniwala kayong mga Komunista na ang materyalismo at teorya ng ebolusyon ang katotohanan, at kinikilala n’yo sina Marx at Darwin....

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger