43. Bakit iyong mga tunay lang na nagmamahal sa Diyos ang magagawa Niyang perpekto

Mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ng mga Huling Araw

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay ang mga nagmamahal sa katotohanan, at habang lalo itong isinasagawa ng mga nagmamahal sa katotohanan, mas lalo silang nagkakaroon ng marami nito; habang mas isinasagawa nila ito, mas nagkakaroon sila ng higit pang pagmamahal ng Diyos; at habang mas isinasagawa nila ito, mas pinagpapala sila ng Diyos. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, unti-unti mong makikita ang pag-ibig ng Diyos sa iyo, tulad nang makilala ni Pedro ang Diyos: Sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng karunungang likhain ang langit at lupa at lahat ng bagay, kundi higit pa rito ay may karunungan din Siya na gumawa ng praktikal na gawain sa mga tao. Sinabi ni Pedro na hindi lamang Siya karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao dahil sa Kanyang paglikha ng langit at lupa at lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, dahil sa Kanyang kakayahang likhain ang tao, iligtas ang tao, gawing perpekto ang tao, at ipagkaloob ang Kanyang pag-ibig sa tao. Kaya sinabi rin ni Pedro na maraming bagay na taglay ng Diyos ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Ang paglikha ba ng langit at lupa at lahat ng bagay ang tanging dahilan upang maging karapat-dapat Ka sa pag-ibig ng mga tao? Marami Ka pang tinataglay na kaibig-ibig. Gumagawa at kumikilos Ka sa tunay na buhay, inaantig ng Iyong Espiritu ang kalooban ko, dinidisiplina Mo ako, sinasaway Mo ako—higit pang karapat-dapat ang mga bagay na ito sa pagmamahal.” Kung nais mong makita at maranasan ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon ay dapat kang mag-apuhap at maghanap sa tunay na buhay at dapat maging handang bitiwan ang iyong sariling laman. Dapat mong gawin ang kapasyahang ito. Dapat kang maging isang taong may determinasyon na magagawang magbigay-lugod sa Diyos sa lahat ng bagay, nang hindi nagiging tamad o nag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, nang hindi nabubuhay para sa laman kundi nabubuhay para sa Diyos. Marahil ay hindi mo nabibigyang-lugod ang Diyos sa pagkakataong ito dahil hindi mo nauunawaan ang mga layunin ng Diyos; sa susunod, kahit na kailangan mong maglaan ng kaunting pagsisikap, dapat mo Siyang bigyang-lugod at hindi dapat bigyang-kasiyahan ang laman. Kapag naranasan mo ito sa ganitong paraan, makikilala mo na ang Diyos. Makikita mo na kayang likhain ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng bagay, na Siya ay nagkatawang-tao upang makita Siya ng mga tao sa tunay at nahahawakang paraan, at na nakikisalamuha Siya sa kanila sa tunay at nahahawakang paraan; makikita mo na nagagawa Niyang lumakad sa gitna ng mga tao, at na makakaya ng Kanyang Espiritu na gawing perpekto ang mga tao sa tunay na buhay; makikita mo na magbibigay-daan ang lahat ng ito sa mga tao na makita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig at danasin ang Kanyang pagdidisiplina, ang Kanyang pagtutuwid, at ang Kanyang mga pagpapala. Kung lagi kang nakadaranas sa ganitong paraan, hindi ka mawawalay sa Diyos sa tunay na buhay, at kung isang araw ay naging hindi na normal ang ugnayan mo sa Diyos, magagawa mong dumanas ng pagsaway ng konsensiya at makaramdam ng pagsisisi. Kapag may normal kang relasyon sa Diyos, hindi mo na nanaisin kailanman na iwan ang Diyos, at kung dumating ang araw na sabihin ng Diyos na tatalikuran ka Niya, matatakot ka, at sasabihin na nanaisin mo pang mamatay kaysa talikuran ng Diyos. Sa sandaling maramdaman mo ito, mararamdaman mo na hindi mo kayang lisanin ang Diyos, at sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng isang pundasyon, at tunay na matatamasa ang pag-ibig ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Ang dahilan kung bakit sinasabi na ang mga tunay lamang na nagmamahal sa Diyos ang may pinakamataas na halaga at kahulugan sa kanilang buhay, at tunay na nananampalataya sa Diyos, ay dahil nagagawa ng mga taong ito na mamuhay sa liwanag ng Diyos at nagagawa nilang mamuhay para sa gawain at pamamahala ng Diyos. Ito ay dahil hindi sila namumuhay sa kadiliman, kundi namumuhay sila sa liwanag; hindi sila namumuhay nang walang-kahulugang mga buhay, bagkus ay mga buhay na pinagpala ng Diyos. Tanging ang mga nagmamahal sa Diyos ang nakakapagpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at sila lamang ang makapagmamana ng mga pangako ng Diyos. Ang mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos; sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Ang mga taong tulad lamang nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay kayang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay kayang magpatotoo para sa Diyos at maghari kasama ang Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na nagmamahal sa Diyos ay kayang maglakad sa buong mundo nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang maghari sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Sila ay mga tao mula sa buong mundo na nagsasalita ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, ngunit ang pag-iral nila ay may parehong kabuluhan, at may pareho silang mapagmahal-sa-Diyos na puso; silang lahat ay mga taong nagtataglay ng magkakatulad na patotoo, at may magkakatulad na determinasyon at magkakatulad na minimithi. Makapaglalakad sa buong mundo ang mga nagmamahal sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpala sila ng Diyos, at mamumuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Gumagawa ang Diyos sa yaong mga naghahangad at nagpapahalaga sa Kanyang mga salita. Kapag mas pinahahalagahan mo ang mga salita ng Diyos, mas gagawa sa iyo ang Kanyang Espiritu. Kapag mas pinahahalagahan ng isang tao ang mga salita ng Diyos, mas marami siyang magiging pagkakataon na magawang perpekto ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos yaong mga tunay na nagmamahal sa Kanya, at pineperpekto Niya yaong mga may puso na tahimik sa Kanyang harapan. Dapat mong pahalagahan ang lahat ng gawain ng Diyos, pahalagahan ang kaliwanagan ng Diyos, pahalagahan ang presensya ng Diyos, pahalagahan ang pangangalaga at proteksiyon ng Diyos, at pahalagahan kung paano nagiging realidad mo at nagtutustos sa iyong buhay ang mga salita ng Diyos—ito ay pinakamainam na naaayon sa mga layunin ng Diyos. Kung pinahahalagahan mo ang gawain ng Diyos, ibig sabihin, kung pinahahalagahan mo ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos sa iyo, pagpapalain ka Niya at pararamihin ang lahat ng sa iyo. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga salita ng Diyos, hindi Siya gagawa sa iyo; pagkakalooban ka lamang Niya ng kaunting biyaya para sa iyong pananampalataya, hinahayaan kang magkaroon ng kaunting materyal na pagpapala o binibigyan ang iyong pamilya ng kaunting seguridad. Dapat mong hangaring gawing iyong realidad ang mga salita ng Diyos, na magawang palugurin Siya, at umayon sa Kanyang mga layunin; hindi ka lamang dapat maghangad na tamasahin ang Kanyang biyaya. Wala nang iba pang mas mahalaga para sa mga mananampalataya kaysa matanggap ang gawain ng Diyos, matamo ang pagkaperpekto, at maging mga taong sumusunod sa kalooban ng Diyos. Ito ang layong dapat mong hangarin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos ang mga Nakaaayon sa Kanyang mga Layunin

Habang mas pinalulugdan mo ang Diyos, mas pagpapalain ka ng Diyos, at mas titindi ang iyong sigasig na mahalin ang Diyos; magkakaroon ka rin ng pananalig at determinasyon, at mararamdaman mo na ang buhay na ginugol sa pagmamahal sa Diyos ang pinakamahalaga at pinakamakabuluhang buhay. Masasabing sa sandaling mahalin mo ang Diyos, mawawalan ka ng kalungkutan. Bagama’t may mga pagkakataon na mahina ang iyong laman at marami kang tunay na paghihirap, kung sa mga panahong ito ay tunay kang aasa sa Diyos, makadarama ka ng kaginhawahan, kapanatagan, at suporta sa loob ng iyong espiritu. Sa ganitong paraan, mapagtatagumpayan mo ang maraming sitwasyon, at hindi ka magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa pagdurusang tinitiis mo. Sa halip, gugustuhin mong umawit ng mga himno, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagbahaginan, at isipin ang Diyos, at mararamdaman mo na ang lahat ng tao, pangyayari, at bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay angkop. Kung hindi mo mahal ang Diyos, ang lahat ng titingnan mo ay hindi aayon sa iyong gusto at walang makapagpapalugod sa iyong mga mata; hindi ka magkakaroon ng pagpapalaya at masusupil ka sa loob ng iyong espiritu, at palagi kang magkikimkim ng mga reklamo tungkol sa Diyos, at palagi mong mararamdaman na ang pagdurusang tinitiis mo ay napakatindi, at na labis kang inapi. Kung hindi ka maghahangad alang-alang sa kaligayahan, kundi upang palugdan ang Diyos at upang hindi akusahan ni Satanas, kung gayon ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng matinding sigasig na mahalin ang Diyos. Kapag nagagawa mong isagawa ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at ang lahat ng ginagawa mo ay nakapagpapalugod sa Diyos, ito ay tinatawag na pagtataglay ng realidad. Ang paghahangad na mapalugdan ang Diyos ay ang paggamit ng iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso upang isagawa ang Kanyang mga salita. Kahit kailan, palagi kang mayroong mapagmahal-sa-Diyos na puso sa loob mo, kahit na ang iba ay walang lakas, at inaasam at iniisip mo ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso. Ito ay tunay na tayog. Ang laki ng iyong tayog ay nakasalalay sa laki ng tinataglay mong mapagmahal-sa-Diyos na puso, kung nagagawa mong maging matatag sa oras ng pagsubok, kung nanghihina ka kapag sumasapit sa iyo ang isang partikular na sitwasyon, at kung kaya mong manindigan kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ang pagdating ng mga katunayan ay magpapakita kung anong uri ang iyong mapagmahal-sa-Diyos na puso. Makikita sa marami sa gawain ng Diyos na talagang labis na mahal ng Diyos ang tao. Iyon nga lang, hindi pa ganap na mulat ang mga espirituwal na mata ng tao at hindi niya malinaw na nakikita ang marami sa gawain ng Diyos at ang Kanyang mga layunin, ni ang maraming bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; napakaliit ng tunay na pagmamahal ng tao sa Diyos. Nanampalataya ka na sa Diyos sa buong panahong ito, at sa ngayon ay pinutol na ng Diyos ang lahat ng paraan ng pagtakas. Sa totoo lang, wala kang pagpipilian kundi tahakin ang tamang landas, at ang mabagsik na paghatol at malawak na pagliligtas ng Diyos ang umaakay sa iyo papunta sa tamang landas na ito. Pagkatapos lamang makaranas ng paghihirap at pagpipino nalalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Pagkatapos dumanas hanggang sa ngayon, masasabi na nalaman na ng tao ang isang bahagi ng pagiging kaibig-ibig ng Diyos, ngunit hindi pa rin ito sapat, dahil malaki ang kulang sa tao. Kailangang maranasan ng tao ang higit pa sa kamangha-manghang gawain ng Diyos, at ang maraming matinding pagpipino na inihanda ng Diyos para sa kanya. Saka lamang mababago ang buhay disposisyon ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos

Yamang nananampalataya ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung ihahandog at ilalatag mo ang iyong puso sa harap ng Diyos, sa panahon ng pagpipino ay tiyak na hindi mo ikakaila ang Diyos, o iiwanan ang Diyos. Sa ganitong paraan, ang iyong ugnayan sa Diyos ay magiging mas malapit, at mas normal, at ang iyong pakikipagbahaginan sa Diyos ay magiging mas madalas. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos at ng mas maraming panahon sa ilalim ng gabay ng Kanyang mga salita. Magkakaroon din ng mas marami pang pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw na ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, kundi magagawa mo ring magpatotoo para sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job at ni Pedro. Kapag nagpatotoo ka para sa Diyos, mangangahulugan ito na ikaw ay isang taong tunay na nagmamahal sa Kanya, isang taong masayang mag-aalay ng kanyang buhay para sa Diyos, at na ikaw ay tagapagpatotoo ng Diyos, at ang siyang iniibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nakaranas na ng pagpipino ay matatag, hindi marupok. Kailanman o paano ka man isailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong huwag isipin ang sarili mong buhay, masayang isantabi ang lahat para sa Diyos, at nagagalak na tiisin ang anuman para sa Diyos—sa ganitong paraan, magiging dalisay ang pag-ibig mo at magkakaroon ng realidad ang iyong pananalig. Sa gayon ka lamang magiging isang tunay na iniibig ng Diyos, at isang tunay na nagawang perpekto na ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig

Ang mga taong inililigtas ng Diyos ay ang mga taong nagmamahal sa katotohanan, ang mga may kakayahan at abilidad na makaarok, silang lahat ay mga taong may konsensiya at katwiran, na kayang tuparin ang mga atas ng Diyos at gawin nang maayos ang kanilang tungkulin. Sila ay mga taong kayang tanggapin ang katotohanan at iwaksi ang mga tiwali nilang disposisyon, at sila ay mga taong tunay na nagmamahal sa Diyos, nagpapasakop sa Diyos, at sumasamba sa Diyos. Bagama’t ang karamihan sa mga taong ito ay mula sa ibaba ng lipunan, mula sa mga pamilya ng mga manggagawa at magsasaka, tiyak na hindi sila mga taong magulo ang isip, hangal, o walang silbi. Sa kabaligtaran, matatalino silang tao na kayang tumanggap, magsagawa at magpasakop sa katotohanan. Lahat sila ay mga taong makatarungan, na tatalikdan ang makamundong karangalan at mga kayamanan para sumunod sa Diyos at matamo ang katotohanan at ang buhay—sila ang pinakamadudunong na tao sa lahat. Lahat sila ay matapat na taong tunay na nananampalataya sa Diyos at tunay na gumugugol ng kanilang sarili para sa Kanya. Matatamo nila ang pagsang-ayon at mga pagpapala ng Diyos, at magagawa silang perpekto upang maging Kanyang mga tao, magiging mga haligi ng Kanyang templo. Sila ay mga tao na ginto, pilak, at mamahaling hiyas.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Tanging ang Pagkaalam sa Anim na Uri ng Tiwaling Disposisyon ang Nangangahulugan ng Tunay na Pagkakilala sa Sarili

Kung ang saloobin ng isang tao sa Diyos ay para lamang hangaan Siya o magpakita ng paggalang sa Kanya mula sa malayo, at hindi para mahalin Siya kahit katiting, ito ang resultang naabot ng isang taong walang mapagmahal-sa-Diyos na puso, at wala sa taong iyon ang mga kondisyon para magawang perpekto. Kung hindi kayang matamo ng napakaraming gawain ang tunay na pagmamahal ng isang tao, hindi nakamit ng taong iyon ang Diyos at hindi niya tunay na hinahangad ang katotohanan. Ang isang taong hindi mahal ang Diyos ay hindi mahal ang katotohanan at sa gayon ay hindi makakamit ang Diyos, lalong hindi niya matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang gayong mga tao, paano man nila nararanasan ang gawain ng Banal na Espiritu, at paano man nila nararanasan ang paghatol, ay hindi magawang magkaroon ng may-takot-sa-Diyos na puso. Ito ay mga taong hindi mababago ang kalikasan at may sukdulang nakakasuklam na mga disposisyon. Lahat ng walang may-takot-sa-Diyos na puso ay ititiwalag, magiging mga pakay ng kaparusahan, at maparurusahan tulad ng mga gumagawa ng kasamaan, magdurusa nang higit pa kaysa sa mga nakagawa ng mga bagay na hindi matuwid.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Ngayon, alam na ninyong lahat na ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng laman, ni hindi ito upang pagyamanin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagmamahal sa Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng laman o panandaliang kasiyahan, kahit sa bandang huli ay umabot sa sukdulan ang pagmamahal mo sa Diyos at wala ka nang hinihiling pa, hindi pa rin puro ang pagmamahal na ito na hinahangad mo at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pagmamahal sa Diyos upang pagyamanin ang nakababagot nilang buhay at punan ang kahungkagan sa kanilang puso ay ang uri ng mga tao na nag-iimbot ng kaginhawahan, hindi sila ang tunay na naghahangad na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pagmamahal ay sapilitan, ito ay paghahangad ng kasiyahang pangkaisipan, at hindi ito kailangan ng Diyos. Kung gayon, anong klase ang pagmamahal mo? Ano ang dahilan ng pagmamahal mo sa Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pagmamahal sa Diyos na nasa iyong kalooban ngayon? Ang pagmamahal ng karamihan sa inyo ay katulad ng nabanggit. Mapapanatili lamang ng gayong pagmamahal ang kasalukuyang estado ng mga bagay-bagay; hindi nito makakamit ang kawalan ng pagbabago, ni hindi ito mag-uugat sa tao. Ang ganitong klaseng pagmamahal ay katulad lamang ng isang bulaklak na namumukadkad at nalalanta nang hindi namumunga. Sa madaling salita, matapos mong mahaling minsan ang Diyos sa gayong paraan, kung walang sinumang aakay sa iyo sa landas sa unahan, malulugmok ka. Kung kaya mo lamang mahalin ang Diyos sa panahon ng pagmamahal sa Diyos ngunit pagkatapos ay hindi pa rin nagbabago ang iyong buhay disposisyon, mananatili ka sa ilalim ng balot ng impluwensiya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi ka pa rin makakalaya mula sa gapos ni Satanas at mula sa pagiging laruan nito. Walang sinumang tulad nito ang ganap na makakamit ng Diyos; sa huli, pag-aari pa rin ni Satanas ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan. Walang alinlangan iyan. Lahat ng hindi ganap na makakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, ibig sabihin, babalik sila kay Satanas, at bababa sa lawa ng apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong mga nakamit ng Diyos ay yaong mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kapangyarihan nito. Sila ay opisyal na kabilang sa mga tao ng kaharian. Dito nagmumula ang mga tao ng kaharian. Handa ka bang maging ganitong klaseng tao? Handa ka bang makamit ng Diyos? Handa ka bang tumakas mula sa kapangyarihan ni Satanas at bumalik sa Diyos? Isa ka na ba ngayong Satanas o isa ka ba sa mga tao ng kaharian? Dapat ay maliwanag na ang mga bagay na ito, at hindi na nangangailangan ng karagdagang paliwanag.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pananaw na Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Kung gusto mong magawang perpekto ng Diyos, hindi sapat ang magparoo’t parito lamang, ni hindi sapat ang gugulin lamang ang iyong sarili para sa Diyos. Kailangan mong magtaglay ng maraming bagay upang maging isang tao na ginawang perpekto ng Diyos. Kapag nahaharap ka sa pagdurusa, kailangan mong magawang isantabi ang iyong pagsasaalang-alang sa laman at hindi magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananalig na sumunod sa Kanya, na mapanatili ang iyong dating pagmamahal nang hindi ito hinahayaang magbago o maglaho. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangang hayaan mo Siyang mamatnugot ayon sa Kanyang kagustuhan, at dapat mas gustuhin mong isumpa ang iyong sariling laman kaysa magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong piliing tiisin ang sakit ng pagbitiw sa mga bagay na minamahal mo at tumangis nang may pait, kaysa mabigong mapalugod ang Diyos. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at tunay na pananalig. Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang kapwa taglayin ang determinasyong ito na magdusa at ang tunay na pananalig. Kailangan mo ring magkaroon ng determinasyong maghimagsik laban sa laman; kailangan ay mas gustuhin mong magdusa at dumanas ng mga kawalan sa iyong personal na mga interes, kaysa mabigong matugunan ang mga layunin ng Diyos. Dapat magawa mo ring makaramdam ng pagsisisi sa puso mo: Noong araw, hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos, at ngayon, kaya mo nang magsisi. Hindi ka dapat magkulang sa alinman sa mga aspektong ito—sa pamamagitan ng mga bagay na ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo natutugunan ang mga kondisyong ito, hindi ka magagawang perpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Iyong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

Bilang mga taong naghahangad na mahalin ang Diyos, ang pagpasok sa kaharian at pagiging mga tao ng Diyos ang inyong tunay na hinaharap, at isang buhay na siyang pinakamahalaga at pinakamakabuluhan; walang sinuman ang higit na pinagpala kaysa sa inyo. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat yaong mga hindi nananampalataya sa Diyos ay nabubuhay para sa laman, at sila ay nabubuhay para kay Satanas, ngunit sa kasalukuyan kayo ay nabubuhay para sa Diyos, at nabubuhay upang sumunod sa kalooban ng Diyos. Kaya sinasabi Ko na ang inyong mga buhay ang pinakamakabuluhan. Ang grupong ito lamang ng mga tao, na pinili ng Diyos, ang nakakapagsabuhay ng isang buhay na pinakamakabuluhan: Walang sino pa man sa lupa ang magagawang isabuhay ang isang buhay na may gayong halaga at kahulugan nang gaya sa buhay ninyo. Sapagkat kayo ay napili na ng Diyos at itinaas ng Diyos, at lalong dahil sa pagmamahal ng Diyos, naarok na ninyo ang tunay na buhay, at nalalaman kung paano mamuhay sa paraan na siyang pinakamahalaga. Hindi ito dahil sa naghahangad kayo nang mabuti, kundi dahil sa biyaya ng Diyos; ang Diyos ang nagmulat sa inyong mga espirituwal na mata, at ang Espiritu ng Diyos ang umantig sa inyong mga puso, binibigyan kayo ng magandang pagkakataon na lumapit sa harap Niya. Kung hindi kayo binigyang-liwanag ng Espiritu ng Diyos, hindi kayo magkakaroon ng kakayahang makita kung ano ang kaibig-ibig tungkol sa Diyos, ni magiging posible para sa inyo na mahalin ang Diyos. Ganap na dahil naantig ng Espiritu ng Diyos ang puso ng mga tao kaya ang kanilang puso ay bumaling sa Diyos. May mga pagkakataon, kapag tinatamasa mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong espiritu ay naaantig, at nadarama mo na dapat talagang ibigin mo ang Diyos, na mayroong matinding lakas sa kalooban mo, at na walang anumang bagay ang hindi mo mabitiwan. Kung ganito ang nadarama mo, ikaw ay naantig na ng Espiritu ng Diyos, at ang iyong puso ay nakabaling na nang ganap sa Diyos, at mananalangin ka sa Diyos at sasabihing, “O Diyos! Kami ay tunay na paunang itinadhana at hinirang Mo. Ang Iyong kaluwalhatian ay aking maipagmamalaki, at pakiramdam ko ay isang karangalan na maging isa sa Iyong mga tao. Lubos kong igugugol ang sarili ko at iaalay ang lahat ko upang sumunod sa Iyong kalooban, at ilalaan ko ang lahat ng aking mga taon, at lahat ng lakas na mayroon ako sa buhay na ito, sa Iyo.” Kapag ikaw ay nananalangin sa ganitong paraan, magkakaroon ng walang-hanggang pag-ibig at tunay na pagpapasakop sa Diyos sa iyong puso. Nagkaroon ka na ba ng isang karanasang kagaya nito? Kung ang mga tao ay madalas antigin ng Espiritu ng Diyos, sila ay mag-aalay ng mga panalangin na may espesyal na dedikasyon sa Diyos: “Diyos! Nais kong makita ang araw na makamit Mo ang kaluwalhatian, at nais kong mabuhay para sa Iyo—walang anuman ang higit na karapat-dapat o makahulugan kaysa sa mabuhay para sa Iyo, at wala akong taglay ni katiting na pagnanais na mabuhay para kay Satanas at sa laman. Itinataas Mo ako sa pamamagitan ng pagtutulot sa akin na mabuhay para sa Iyo sa kasalukuyan.” Kapag nanalangin ka na sa ganitong paraan, madarama mo na dapat mo talagang ibigay ang iyong puso sa Diyos, na dapat mong makamit ang Diyos, at kasusuklaman mong mamatay nang hindi nakakamit ang Diyos habang ikaw ay nabubuhay. Pagkasabi ng gayong panalangin, magkakaroon ng di-nauubos na lakas sa kalooban mo, at hindi mo malalaman kung saan ito nagmumula; sa iyong puso ay magkakaroon ng walang-hanggang lakas, at magkakaroon ng pakiramdam na ang Diyos ay labis na kaibig-ibig, at Siya ay nararapat ibigin. Ito ay kapag naantig ka na ng Diyos. Lahat niyaong nagkaroon na ng gayong karanasan ay naantig na ng Diyos. Para sa kanila na madalas maantig ng Diyos, ang mga pagbabago ay nangyayari sa kanilang mga buhay, nagagawa nilang magpasya para ganap na makamit ang Diyos, ang kanilang mapagmahal-sa-Diyos na puso ay higit na malakas, at ang kanilang mga puso ay ganap nang bumaling sa Diyos. Ganap nilang iwinawaksi sa kanilang isipan ang kanilang mga pamilya, ang mundo, mga gusot, at ang kanilang kinabukasan, at handa silang ilaan sa Diyos ang lahat ng lakas na mayroon sila sa buhay. Lahat niyaong naaantig ng Espiritu ng Diyos ay mga taong naghahangad sa katotohanan, at mayroong taglay na pag-asa na magawang perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Kanyang mga Yapak

Ang mga taong nagawang perpekto ay hindi lamang nagtataglay ng normal na pagkatao, kundi nagtataglay ng mga katotohanang nakahihigit sa mga sukat ng konsensiya, na mas mataas pa sa mga pamantayan ng konsensiya. Hindi lamang nila ginagamit ang kanilang konsensiya upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos, ngunit, higit pa rito, nakilala na nila ang Diyos, at nakita na nila na ang Diyos ay kaibig-ibig, at na karapat-dapat Siyang ibigin ng tao, at napakaraming bagay ang kaibig-ibig tungkol sa Diyos at hindi maiiwasan ng tao na ibigin Siya. Ang pag-ibig para sa Diyos ng mga nagawang perpekto ay upang tuparin nila ang kanilang sariling personal na determinasyon. Ang pag-ibig nila ay pag-ibig na kusa, isang pag-ibig na hindi humihiling ng kapalit, at na hindi isang transaksyon. Iniibig nila ang Diyos dahil lamang sa kanilang pagkakilala sa Kanya at wala nang iba pa. Hindi iniisip ng gayong mga tao kung pinagkakalooban ba sila ng Diyos ng mga biyaya, at kontento na sila na mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi sila nakikipagtawaran sa Diyos, at hindi rin nila sinusukat ang kanilang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng konsensiya: “Nagbigay Ka sa akin, kaya minamahal Kita bilang kapalit. Kung hindi Ka nagbibigay sa akin, wala akong anumang maibibigay na kapalit sa Iyo.” Ang mga nagawang perpekto ay laging naniniwala na, “Ang Diyos ang Lumikha, at isinasakatuparan Niya ang gawaing ito sa atin. Dahil mayroon akong pagkakataon, kondisyon, at kalipikasyon na ito upang magawang perpekto, ang dapat kong hangarin ay ang magsabuhay ng isang makabuluhang buhay, at dapat ko Siyang mapalugod.” Katulad lamang ito ng naranasan ni Pedro: Noong siya ay nasa pinakamahinang punto niya, nanalangin siya sa Diyos at sinabing, “O Diyos! Alam Mo na, kahit anong panahon at saanmang dako, palagi akong nangungulila sa Iyo, at na kahit anong panahon at saanmang dako, gusto Kitang ibigin, ngunit ang aking tayog ay napakababa, ako ay masyadong mahina at walang kapangyarihan, ang aking pag-ibig ay masyadong limitado, at ang aking sinseridad sa Iyo ay masyadong kaunti. Kung ihahambing sa Iyong pagmamahal, sadyang hindi ako nararapat mabuhay. Nais ko lamang na ang aking buhay ay hindi mawalan ng kabuluhan, at na hindi ko lamang masuklian ang Iyong pag-ibig, kundi, higit pa rito, mailaan ko sa Iyo ang lahat-lahat ng mayroon ako. Kung mapapalugod Kita, bilang isang nilikha, magkakaroon ako ng payapang isipan at hindi na ako hihiling nang higit pa. Bagama’t ako ay mahina at walang lakas ngayon, hindi ko malilimutan ang Iyong mga tagubilin, at hindi ko malilimutan ang Iyong pag-ibig. Ngayon, wala akong ibang ginagawa kundi ang suklian ang Iyong pag-ibig. O Diyos, lubhang nababagabag ang damdamin ko! Paano ko maibabalik sa Iyo ang pag-ibig sa aking puso, paano ko magagawa ang lahat ng aking makakaya, at magagawang tuparin ang Iyong mga ninanais, at maiaalay ang lahat ng mayroon ako sa Iyo? Alam Mo ang kahinaan ng tao; paano ako magiging karapat-dapat sa Iyong pag-ibig? O Diyos! Alam Mong ako ay mayroong mababang tayog, na katiting lamang ang aking pag-ibig. Paano ko magagawa ang lahat ng makakaya ko sa ganitong uri ng kapaligiran? Alam kong dapat kong suklian ang Iyong pag-ibig, alam kong dapat kong ibigay sa Iyo ang lahat ng mayroon ako, ngunit ngayon ay lubhang mababa ang aking tayog. Hinihiling ko na bigyan Mo ako ng lakas at pananalig, upang higit pa akong makapaglaan sa Iyo ng isang dalisay na pag-ibig, makapaglaan sa Iyo ng lahat ng mayroon ako, at hindi lamang magawang suklian ang Iyong pag-ibig, kundi ang mas mahalaga pa ay maranasan ang Iyong pagkastigo, paghatol, at mga pagsubok, at ang mas matitindi pang sumpa. Pinahintulutan Mo akong mapagmasdan ang Iyong pag-ibig, at wala akong kakayahang hindi Ka ibigin, at kahit na ako ay mahina at walang lakas ngayon, paano ba Kita malilimutan? Ang Iyong pag-ibig, pagkastigo, at paghatol ay lahat naging dahilan upang makilala Kita, ngunit pakiramdam ko rin ay wala akong kapabilidad na matugunan ang Iyong pag-ibig, dahil Ikaw ay napakadakila. Paano ko ba mailalaan sa Lumikha ang lahat ng mayroon ako?” Iyon ang kahilingan ni Pedro, gayumpaman, ang kanyang tayog ay hindi sapat. Sa sandaling ito, naramdaman niya na para bang iniikot-ikot ang isang kutsilyo sa kanyang puso. Siya ay nasa matinding paghihirap; hindi niya batid kung ano ang dapat gawin sa ilalim ng ganoong mga kalagayan. Gayunman ay nagpatuloy siya sa pananalangin, “O Diyos! Ang tayog ng tao ay mababa, ang kanyang konsensiya ay mahina, at ang tanging kaya kong gawin ay suklian ang Iyong pagmamahal. Ngayon, hindi ko alam kung paano tugunan ang Iyong mga layunin, at ang tanging nais ko ay gawin ang lahat ng aking makakaya, ibigay ang lahat ng mayroon ako, at italaga ang lahat ng mayroon ako sa Iyo. Anuman ang Iyong maging paghatol, anuman ang Iyong pagkastigo, nagkakaloob Ka man ng mga bagay sa akin, o bumabawi ng mga bagay sa akin, pakiusap, alisan Mo ako ng kahit katiting na reklamo laban sa Iyo. Maraming pagkakataon, noong ako ay kinastigo at hinatulan Mo, palagi akong may mga reklamo sa loob ko, at hindi ko kayang makamit ang kadalisayan, o mapalugod ang Iyong mga ninanais. Ang pagsukli ko sa Iyong pag-ibig ay nagmula sa kawalan ng ibang pagpipilian, at sa sandaling ito kinamumuhian ko nang higit pa ang sarili ko.” Ang paghahanap niya ng mas dalisay na pagmamahal sa Diyos ang dahilan kung bakit nanalangin si Pedro nang ganito. Siya ay naghahanap, at nagsusumamo, at, higit pa rito, ay sinisisi niya ang kanyang sarili, at umaamin sa kanyang mga pagkakasala sa Diyos. Pakiramdam niya ay may pagkakautang siya sa Diyos, at nakaramdam siya ng pagkamuhi sa kanyang sarili, gayunman, siya ay nalungkot din nang bahagya at negatibo. Laging gayon ang pakiramdam niya, na parang hindi siya makaabot sa mga layunin ng Diyos, at hindi niya nagawa ang lahat ng kanyang makakaya. Sa ilalim ng ganoong kalagayan, ipinagpatuloy ni Pedro ang paghahangad na magkaroon ng pananalig na tulad ng kay Job. Nakita niya kung gaano kalaki ang naging pananalig ni Job, sapagkat nakita ni Job na ang lahat ng pag-aari niya ay ipinagkaloob ng Diyos, at likas para sa Diyos na bawiin ang lahat ng kanyang mga pag-aari, at ibigay ang mga ito ng Diyos sa kahit kanino man Niya naisin—gayon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Si Job ay walang mga reklamo, at nagagawa pa ring magpuri sa Diyos. Kilala rin ni Pedro ang sarili niya, at sa kanyang puso siya ay nanalangin, “Ngayon, hindi ako dapat makontento na suklian ang Iyong pag-ibig gamit ang aking konsensiya at kahit gaano karaming pag-ibig ang ibigay ko pabalik sa Iyo, dahil ang aking mga kaisipan ay lubhang tiwali, at dahil wala akong kakayahang makita Ka bilang ang Lumikha. Dahil hindi pa rin ako karapat-dapat na umibig sa Iyo, dapat kong ilaan ang lahat ng mayroon ako sa Iyo, at gawin ito nang maluwag sa kalooban, dapat kong malaman lahat ng Iyong mga nagawa, at hindi ko dapat gawin ang mga sarili kong pagpili, at dapat kong mamasdan ang Iyong pag-ibig, at makapagsalita ako ng mga papuri sa Iyo, at purihin ang Iyong banal na pangalan, upang Ikaw ay magkamit ng dakilang kaluwalhatian sa pamamagitan ko. Handa akong manindigan sa patotoong ito para sa Iyo. O Diyos! Ang Iyong pag-ibig ay napakahalaga at napakaganda; paano ko gugustuhing mabuhay sa mga kamay ng masama? Hindi ba’t ako ay Iyong ginawa? Paano ako mabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas? Mas gugustuhin kong mabuhay ang aking kabuuan sa gitna ng Iyong pagkastigo kaysa mabuhay ako sa ilalim ng kapangyarihan ng masama. Handa akong ilaan ang aking katawan at puso sa Iyong paghatol at pagkastigo, hangga’t maaari akong malinis, at maiaalay ko sa Iyo ang lahat-lahat ng sa akin, sapagkat kinamumuhian ko si Satanas, at hindi ko gustong mabuhay sa ilalim ng kapangyarihan nito. Sa pamamagitan ng Iyong paghatol sa akin, ipinapahayag Mo ang Iyong matuwid na disposisyon; ganap akong handa, at wala akong kahit katiting na reklamo. Hangga’t kaya kong tuparin ang tungkulin ng isang nilikha, handa ako na gugulin ang aking buong buhay nang kasama ang Iyong paghatol, at na sa gayon ay makilala ko ang Iyong matuwid na disposisyon, at iwaksi ko ang impluwensiya ng masama.” Laging nagdarasal si Pedro sa ganitong paraan, laging naghahangad sa ganitong paraan, at naabot niya ang isang mataas-taas na antas. Hindi lamang niya nagawang suklian ang pag-ibig ng Diyos, kundi, mas mahalaga, natupad rin niya ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha. Hindi lamang sa hindi siya sinasaway ng kanyang konsensiya, kundi nalampasan din niya ang mga pamantayan ng konsensiya. Patuloy na nakaabot sa Diyos ang kanyang mga panalangin, anupa’t ang kanyang mga kapasyahan ay lumago nang lumago, at mas lalo siyang nagtataglay ng mapagmahal-sa-Diyos na puso. Bagaman nagdurusa siya ng matinding sakit, hindi pa rin niya nilimot na ibigin ang Diyos, at patuloy pang hinanap na makamtan ang kaunawaan sa mga layunin ng Diyos. Sa kanyang mga panalangin ay binigkas niya ang sumusunod na mga salita: “Natupad ko ang hindi hihigit sa pagsukli sa Iyong pag-ibig. Hindi ako nagpatotoo para sa Iyo sa harap ni Satanas, hindi ko napalaya ang sarili ko mula sa impluwensiya ni Satanas, at nanatiling namumuhay sa gitna ng laman. Nais kong gamitin ang aking pag-ibig para madaig si Satanas, hiyain ito, at nang sa gayon ay matugunan ko ang Iyong mga layunin. Nais kong ibigay sa Iyo ang buong sarili ko, at hindi ibigay ni katiting man ng aking sarili kay Satanas, dahil si Satanas ay Iyong kaaway.” Habang lalo siyang naghahanap sa daang ito, lalo rin siyang naaantig, at lalong lumalaki ang kanyang kaalaman sa mga bagay na ito. Nang hindi namamalayan, nabatid niyang kailangan niyang kumawala sa impluwensiya ni Satanas, at dapat niyang ganap na ibigay sa Diyos ang kanyang sarili. Iyon ang antas na kanyang naabot. Nilalagpasan niya ang impluwensiya ni Satanas, at naiwawaksi sa kanyang sarili ang mga kasiyahan at mga kagustuhan ng laman, at handa siyang maranasan nang mas malalim kapwa ang pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sinabi niya, “Kahit na ako ay nabubuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, at sa gitna ng Iyong paghatol, gaano man ito kasakit, ayaw ko pa ring mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ayaw ko pa ring mamuhay ng isang buhay kung saan ginagawa akong hangal ni Satanas. Itinuturing kong kaligayahan ang pamumuhay sa gitna ng Iyong mga sumpa, at itinuturing kong pasakit ang pamumuhay sa gitna ng mga pagpapala ni Satanas. Minamahal Kita habang namumuhay sa gitna ng Iyong paghatol, at napupuno nito ng labis na kagalakan ang puso ko. Ang Iyong pagkastigo at paghatol ay katuwiran at kabanalan; ito ay upang linisin ako, at higit pa rito, ito ay upang iligtas ako. Mas gugustuhin kong gugulin ang aking buong buhay sa gitna ng Iyong paghatol nang tinatanggap ang Iyong pangangalaga, kaysa mamuhay nang kahit isang saglit sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Nais kong malinis Mo ako; kahit na ako ay magdusa, ayaw kong magamit at maloko ni Satanas. Ako, ang nilikhang ito, ay dapat na magamit Mo, ariin Mo; dapat din akong mahatulan Mo, at makastigo Mo, at masumpa Mo pa nga. Masaya ang puso ko kapag handa Kang pagpalain ako, sapagkat nakita ko ang Iyong pagmamahal. Ikaw ang Lumikha, at ako ay isang nilikha: Hindi ako dapat magkanulo sa Iyo at mamuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, ni hindi ako dapat magamit ni Satanas. Dapat akong maging kabayo Mo, o baka Mo, sa halip na mamuhay para kay Satanas. Mas gugustuhin kong mamuhay sa gitna ng Iyong pagkastigo, nang walang kasiyahan ng laman, at ito ay magbibigay-kasiyahan sa akin kahit na mawalan ako ng Iyong biyaya. Bagama’t ang Iyong biyaya ay wala sa akin, masisiyahan pa rin ako sa Iyong pagkastigo at sa Iyong paghatol. Ito ang Iyong pinakamainam na pagpapala, ang Iyong pinakadakilang biyaya. Bagaman Ikaw ay palaging maharlika at puno ng poot sa akin, hindi pa rin Kita magawang iwanan, at hindi pa rin Kita maiibig nang sapat. Pipiliin kong manirahan sa Iyong tahanan, pipiliin kong maisumpa, makastigo, at mahampas Mo, kaysa mabuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, o magparoo’t parito at magpakaabala para lamang sa laman, lalong hindi ko pipiliing mabuhay para sa laman.” Ang pag-ibig ni Pedro ay isang dalisay na pag-ibig. Ito ang karanasan ng ginagawang perpekto, at ang pinakamataas na antas ng magawang perpekto; walang buhay na mas makabuluhan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Kaugnay na mga Himno

Ginagawang Perpekto ng Diyos ang mga Tunay na Nagmamahal sa Kanya

Ang mga Tao ay Magagawang Perpekto ng Diyos sa Pamamagitan Lamang ng Paghahangad na Maunawaan ang Katotohanan sa Lahat ng Bagay

Sinundan:  42. Bakit sinasabi na iyong mga sumailalim lamang sa pagbabago ng disposisyon ang kalipikadong maglingkod sa Diyos

Sumunod:  44. Bakit dapat hangarin ng isang tao na makilala ang Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger