Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (9)

Dalawang Pamantayan sa Paghusga Kung Pasok Ba sa Pamantayan ang mga Lider at Manggagawa

Napagbahaginan na natin ngayon ang walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa sa kabuuan, at patungkol sa walong responsabilidad na ito, hinimay natin ang iba’t ibang pagpapamalas ng mga huwad na lider. Sa pamamagitan ng paghihimay sa mga ito sa ganitong paraan, mayroon na ba kayong kaunting pagkilatis sa mga huwad na lider? Kung isa kang lider, kaya mo bang iwasang makisali sa mga pagsasagawang ito ng mga huwad na lider? Kaya mo bang sadyang gampanan ang gawain at tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa batay sa mga responsabilidad na napagbahaginan natin? Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, dapat alam na ninyo ngayon sa inyong puso kung paano dapat gampanan ng mga lider at manggagawa ang kanilang gawain, kung anong mga detalye ang kaugnay sa paggampan ng gawaing ito, kung paano nila dapat ipatupad ang gawain, at kung paano nila dapat isagawa ang pagiging mga lider at manggagawa na pasok sa pamantayan. Kung sapat ang kakayahan ng isang tao, kung nagtataglay siya ng partikular na antas ng kapabilidad sa gawain, at nagbubuhat ng pasanin, dapat magawa niyang iwasang magpakita ng mga pagpapamalas na ito ng mga huwad na lider. Gayumpaman, kung ang isang tao ay may kakayahan at nagtataglay ng partikular na antas ng kapabilidad sa gawain, pero hindi siya nagbubuhat ng pasanin, kung gayon, kaya ba niyang maging isang lider na pasok sa pamantayan at na tumutupad sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? (Hindi.) Medyo mahirap para sa kanila na gawin ito. Ipagpalagay na nagbubuhat ng pasanin ang isang lider at hindi naman masama ang pagkatao niya, pero hindi niya lang alam kung paano gampanan ang gawain niya. Kahit paano makipagbahaginan sa kanya, hindi pa rin niya alam kung paano magpatupad o makilahok sa isang partikular na gawain, at hindi niya mahanap ang mga prinsipyo o direksiyon. Hindi rin siya marunong magbigay ng gabay para sa mga partikular na propesyon o gawain. Kapag lumilitaw ang mga isyu, hindi niya matukoy ang diwa ng mga problemang iyon, at hindi niya alam kung paano lutasin ang mga iyon. Dahil dito, madalas siyang napakapasibo at mabagal sa anumang gawaing ginagawa niya o sa anumang isyung inaasikaso niya. Kaya bang tuparin ng gayong tao ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? (Hindi.) Anong uri ng problema ito? Bagama’t ang ganitong uri ng tao ay napakamasigasig, nagbubuhat ng pasanin, at gustong gampanan ang kanyang gawain, napakahina ng kakayahan niya, hindi siya nagtataglay ng kapabilidad sa gawain at hindi niya kayang akuin ang gawain, o gumampan ng partikular na gawain o lumutas ng mga partikular na isyu; iniraraos lang niya ang gawain kapag nakikilahok siya sa anumang gawain, at masyado siyang mabagal mag-isip, manhid, at pasibo. Ang resulta nito ay maraming lumilitaw na isyu, pero wala siyang kakayanang simulang lutasin ang mga ito, hindi niya alam kung saan nagmumula ang mga isyu, at lalong hindi niya alam kung paano pagbahaginan at lutasin ang mga ito, ni hindi niya magawang iulat ang mga isyu sa Itaas at maghanap mula sa Itaas. Samakatwid, hindi niya kayang tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at kahit na mapili siya na maging lider, hindi siya mabuting lider—isa siyang huwad na lider.

Ngayong nagbahaginan na tayo sa walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa, nakabuo na ba kayo ng isang batayang depinisyon ng isang huwad na lider? Paano dapat husgahan ng isang tao kung tinutupad ba ng isang lider ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, o kung huwad na lider ba ito? Sa pinakapayak na antas, kailangang tingnan kung may kakayanan ba siyang gumawa ng tunay na gawain, kung may ganito ba siyang kakayahan o wala. Pagkatapos, dapat tingnan kung may pasanin ba siya na gawin nang maayos ang gawaing ito. Huwag pansinin kung gaano kaganda pakinggan ang kanyang mga sinasabi o kung gaano niya tila nauunawaan ang mga doktrina, at huwag pansinin kung gaano siya kahusay at kagaling sa pangangasiwa ng mga panlabas na usapin—hindi mahalaga ang mga bagay na ito. Ang pinakamahalaga ay kung nagagawa ba niyang isagawa nang wasto ang mga pinakapangunahing aytem ng gawain ng iglesia, kung kaya ba niyang lutasin ang mga problema gamit ang katotohanan, at kung naaakay ba niya ang mga tao tungo sa katotohanang realidad. Ito ang pinakapangunahin at pinakamahalagang gawain. Kung hindi niya kayang gawin ang mga aytem na ito ng tunay na gawain, gaano man kahusay ang kakayahan niya, gaano man siya katalentado, o gaano man katinding paghihirap ang kailangan niyang tiisin o gaano man kalaking halaga ang kailangan niyang bayaran, huwad na lider pa rin siya. Sabi ng ilang tao, “Kalimutan ninyo na wala siyang ginagawang anumang tunay na gawain ngayon. Mahusay ang kakayahan niya at may kakayanan siya. Kung magsasanay siya sandali, tiyak na makagagawa siya ng tunay na gawain. Bukod pa riyan, wala siyang nagawang anumang masama at wala siyang nagawang kasamaan o hindi siya nagsanhi ng mga pagkagambala o kaguluhan—paano Mo nasasabing siya ay huwad na lider?” Paano natin ito maipaliliwanag? Hindi mahalaga kung gaano ka katalentado, kung anong antas ng kakayahan at edukasyon ang taglay mo, kung gaano karaming islogan ang kaya mong isigaw, o kung gaano karaming salita at doktrina ang naaarok mo; hindi alintana kung gaano ka man kaabala o kapagod sa isang araw, o kung gaano kalayo na ang iyong nalakbay, kung ilang iglesia na ang iyong binisita, o kung gaano kalaking panganib ang iyong hinarap at pagdurusang tiniis—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung ginagampanan mo ba ang iyong gawain nang ayon sa mga pagsasaayos ng gawain, kung tumpak mo bang naipatutupad ang mga pagsasaayos na iyon; kung, sa ilalim ng iyong pamumuno, ay nakikilahok ka ba sa bawat partikular na gawain na iyong responsabilidad, at kung ilang tunay na isyu ang talagang nalutas mo; kung ilang indibidwal ang nakaunawa sa mga katotohanang prinsipyo dahil sa iyong pamumuno at paggabay, at kung gaano umusad at umunlad ang gawain ng iglesia—ang mahalaga ay kung nakamit mo ba o hindi ang mga resultang ito. Anuman ang partikular na gawaing kinabibilangan mo, ang mahalaga ay kung palagi ka bang sumusubaybay at nagdidirekta ng gawain sa halip na umaastang mataas at makapangyarihan at nag-uutos lamang. Bukod dito, ang mahalaga rin ay kung may buhay pagpasok ka ba o wala habang ginagawa mo ang iyong tungkulin, kung kaya mo bang harapin ang mga usapin nang ayon sa mga prinsipyo, kung may patotoo ka ba ng pagsasagawa sa katotohanan, at kung kaya mo bang pangasiwaan at lutasin ang mga tunay na isyung kinakaharap ng hinirang na mga tao ng Diyos. Ang ganitong mga bagay at iba pang katulad nito ay pawang mga pamantayan sa pagsusuri kung tinutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad. Masasabi ba ninyo na praktikal ang mga pamantayang ito? At patas sa mga tao? (Oo.) Patas ang mga ito sa lahat. Hindi mahalaga kung ano ang antas ng iyong edukasyon, kung bata ka ba o matanda, kung ilang taon ka nang nananampalataya sa Diyos, ang iyong senyoridad, o kung gaano karami na sa salita ng Diyos ang nabasa mo, wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay kung gaano kahusay mong ginagawa ang gawain ng iglesia pagkatapos kang mapili bilang isang lider, kung gaano ka kaepektibo at kahusay sa gawain mo, at kung umuusad ba ang bawat aytem ng gawain nang maayos at epektibo, at nang hindi naaantala. Ito ang mga pangunahing bagay na sinusuri kapag sinusukat kung natutupad ba o hindi ng isang lider o manggagawa ang kanyang mga responsabilidad.

Sa pamamagitan ng pagbabahaginang kakatapos lang nating gawin, medyo mayroon na kayong malinaw na pagkaunawa at kaalaman tungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pati na ng tumpak na pahayag tungkol sa depinisyon at diwa ng isang huwad na lider. Ang pinakapangunahing pamantayan sa paghusga kung ang isang tao ay isang huwad na lider ay ang tingnan kung kaya ba niyang gumawa ng tunay na gawain, at pagkatapos ay tingnan kung talaga bang gumagawa siya ng tunay na gawain. Ito ang dalawang pangunahing pamantayan: Una, kung siya ba ay may kakayanan, at ang isa pa ay kung siya ba ay may pagkukusang-loob. Kaya ba ninyong tandaan ang mga bagay na ito? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi naman ako lider, kaya bakit dapat kong tandaan ang mga bagay na ito?” Wasto ba ang pahayag na ito? (Hindi.) Bakit hindi ito wasto? Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga katotohanang ito, sa isang banda, makikilala ng mga tao ang kanilang sarili, at sa kabilang banda, makikilatis nila ang ibang tao—ito ang mga katotohanang dapat unawain at taglayin ng mga tao, at hindi puwedeng hindi nila maunawaan ang mga ito. Una sa lahat, kailangan mong sukatin kung ikaw ba ay nagtataglay ng kakayahan at abilidad para maging isang lider ayon sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kung hindi mo taglay ang mga bagay na ito, huwag mong patuloy na naisin na maging lider. Kung hindi ka nagtataglay ng kakayahan para maging isang lider pero gusto mo pa ring maging lider, ambisyon ang tawag doon; sa sandaling maging lider ka, hindi ka magkakaroon ng kakayanang gumawa ng tunay na gawain, at hindi maiiwasang ikaw ay magiging isang huwad na lider. Sinasabi ng ilang tao, “Mahusay ang kakayahan ko; sa lahat, ako ang pinakanamumukod-tangi. Madalas akong nakakaisip ng magagandang ideya, at ng ilang matalino at magandang suhestiyon. Mayroon akong galing sa lahat ng ginagawa ko, at medyo marami akong kaalaman, mga kabatiran, at karanasan. Hindi ba’t ang ibig sabihin ng lahat ng ito ay puwede akong maging lider?” Kung gayon, dapat mo ring sukatin ang sarili mo para tingnan kung mayroon kang pagpapahalaga sa responsabilidad at nagbubuhat ng pasanin. Kung opinyon lamang tungkol sa mga bagay-bagay ang mayroon ka, at nais mo lang na gumawa ng mga bagay-bagay, at palagi kang may malalaking ambisyon pero hindi mo kayang aktuwal na gawin ang mga ito, at hindi ka marunong magsikap at magbayad ng halaga, at ayaw mong magbayad ng anumang halaga—kung palagi mong gusto na magaan ang pakiramdam ng utak at puso mo, kung hilig mo ang walang ginagawa at hindi napipigilan, na magkaroon ng maginhawang buhay, at ayaw mong nag-aalala o nagpapakaabala, at natatakot ka sa sobrang pagod at paghihirap—kung gayon, hindi ka angkop na maging lider, at hindi mo magagawang akuin o gampanan ang gawain ng pamumuno.

Katatapos lang nating ibuod ang dalawang pamantayan sa paghusga kung ang isang lider ay pasok ba sa pamantayan: Kung may kakayanan ba siyang gumawa ng tunay na gawain at kung gumagawa ba siya ng tunay na gawain. Kung nauunawaan ng mga tao ang dalawang pamantayang ito, dapat ganap na maging malinaw sa kanila kung kaya ba nilang maging isang lider, pati na rin kung kaya ba nilang gawin nang maayos ang gawain ng iglesia, lubusang tuparin ang kanilang mga responsabilidad, at maging isang lider na pasok sa pamantayan pagkatapos maging lider. Para sa mga kasalukuyang naglilingkod bilang mga lider at manggagawa, mayroon na ba kayong ilang landas at prinsipyo ngayon para sa kung paano sukatin kung nakagawa ba kayo ng tunay na gawain at kung natupad ba ninyo ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa walong responsabilidad na ito ng mga lider at manggagawa, dapat ay magawa ninyong sukatin kung anong mga pagpapamalas ang ipinapakita ng mga huwad na lider at ibuod kung paano mismo dapat gampanan ng mga lider at manggagawa ang kanilang gawain, pati na kung saan sa inyong gawain kayo nagkukulang, hindi sapat, o hindi gaanong tiyak, at kung paano ninyo dapat gawin ang gawain simula ngayon—dapat mayroon kayo ng mga kabatirang ito kahit papaano. Kung wala kayong mga kongklusyon o kabatiran tungkol sa kung paano maging isang lider o manggagawa o kung paano tuparin ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, nangangahulugan iyon na hindi sapat ang inyong kakayahan para sa gampanin. Higit pa rito, kung lubos kayong nalilito kung paano makilatis ang mga huwad na lider, mas lalong ipinapakita nito na mahina ang inyong kakayahan. Mayroon ding isang espesyal na sitwasyon: May ilang tao, na kahit na napakinggan na nila ang mga pagbabahaginang ito, ay walang determinasyon na magsumikap para sa katotohanan o tumupad sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, na sadyang hindi magawang seryosohin o isapuso ang usapin. Iniisip nila, “Wala akong pakialam kung sino ang huwad na lider. Ano’t anuman, kung magiging lider ako, gagawin ko lang ang anumang ipapagawa sa akin ng Itaas. Hindi ko kakailanganing magsikap nang husto o masyadong mag-isip.” Kapag nakikinig sila ng mga sermon, iniraraos lang nila ito at pinapalipas ang oras, at may bahagya lamang silang nalalaman kung tungkol saan talaga ang sermon, pero masyado silang tamad para ibuod kung anong mga katotohanan at mga hinihingi ng Diyos sa tao ang pinagbabahaginan, at hindi sila handang isapuso ang mga bagay na ito. Iniisip nila, “Masyadong malaking abala na kilatisin ang mga usaping ito. Ano’t anuman, isa lang naman ang hinihingi ko sa sarili ko, at iyon ay ang huwag gumawa ng masama, huwag magsanhi ng mga pagkagambala at kaguluhan, at huwag mamukod-tangi sa karamihan, at sapat na iyon. Napakasimple lang nito! Magandang paraan ito para mamuhay; wala akong masyadong hinihingi sa sarili ko.” Ito lang ang perspektiba nila kahit gaano sila makinig sa mga sermon, at walang sinuman ang makakapagpabago sa kanila; paano ka man makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, anong pamamaraan man ang ginagamit mo para makipagbahaginan, o kung ano ang pinagbahaginan mo, hindi mo maaantig ang puso nila; hindi sila nababahala kung makinig man sila sa mga salitang ito o hindi, para sa kanila, wala itong masyadong ipinagkaiba. Iniraraos lang ng ganitong klase ng tao ang buhay, at wala silang anumang sineseryoso. Maliban sa pakikipagbahaginan tungkol sa walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa—kahit pa magbahaginan tayo tungkol sa lahat ng ito, hindi pa rin sila makakaunawa at makakapagbuod ng anumang prinsipyo o landas. Ang ganitong mga tao ay walang pagmamahal sa mga positibong bagay, hindi sila interesado at hindi sila makapag-ipon ng lakas pagdating sa katotohanan o sa anumang positibong bagay, at sa halip, mayroon silang partikular na interes sa pagkain, pag-inom, at paghahanap ng kasiyahan. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan tungkol sa walong responsabilidad ng mga lider at manggagawa, sa isang banda, naibuod natin ang ilang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, pati na kung paano gumampan ng gawain at tuparin ang mga responsabilidad bilang isang lider o manggagawa; sa kabilang banda, naibuod natin ang ilang partikular na pagpapamalas na ipinakita ng mga huwad na lider. Katatapos lang natin ngayon sa dalawang pangunahing prinsipyo, dalawang pamantayan, para sa pagkilatis ng mga huwad na lider: Una ay kung ang isang tao ay may kakayanan bang gumawa ng tunay na gawain, at ang ikalawa ay kung talaga bang gumagawa siya ng tunay na gawain sa sandaling maunawaan niya ang mga katotohanang prinsipyo. Ang paggamit sa dalawang pamantayang ito ay ang pinakasimple at pinakaangkop na pamamaraan sa kasalukuyan para sukatin kung ang isang tao ba ay huwad na lider o hindi.

Ikasiyam na Aytem: Tumpak na Ipagbigay-alam, Iatas, at Ipatupad ang Iba’t Ibang mga Pagsasaayos ng Gawain ng Sambahayan ng Diyos Alinsunod sa mga Hinihingi Nito, Magbigay ng Patnubay, Pangangasiwa, at Panghihikayat, at Mag-inspeksiyon at Magsubaybay sa Estado ng Pagpapatupad sa mga Ito (Unang Bahagi)

Ang Depinisyon at mga Partikular na Aytem ng mga Pagsasaayos ng Gawain

Ngayon, magbabahaginan tayo tungkol sa ikasiyam na responsabilidad ng mga lider at manggagawa: “Tumpak na ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang iba’t ibang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga hinihingi nito, magbigay ng patnubay, pangangasiwa, at panghihikayat, at mag-inspeksiyon at magsubaybay sa estado ng pagpapatupad sa mga ito.” Kung titingnan ang responsabilidad na ito sa kabuuan, ano ang kailangang ipatupad ng mga lider at manggagawa? (Ang iba’t ibang pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos.) Ang pokus ng responsabilidad na ito ay kung paano ipatupad ang iba’t ibang pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ang pinakamahalagang gawain para sa mga lider at manggagawa. Anuman ang antas ng isang lider o manggagawa, bilang lider o manggagawa, palagi siyang makakatagpo ng mga pagsasaayos ng gawain, pati na ng partikular na gawain ng pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain. Ang pagpapatupad ng iba’t ibang pagsasaayos ng gawain ay nauugnay sa gawain ng bawat lider at manggagawa, at ito ay isang napakahalaga, napakapartikular, at napakabatayang gawain. Kung isasaalang-alang ang puntong ito, hindi ba’t kinakailangang partikular na magbahaginan muna tungkol sa kung ano ang mga pagsasaayos ng gawain? (Oo.) Kung gayon, ano ang ibig sabihin ng mga pagsasaayos ng gawain? Ano ang saklaw at depinisyon ng mga pagsasaayos ng gawain? Sinasabi ng ilang tao, “Hindi ba’t ang saklaw ng mga pagsasaayos ng gawain ay naglalaman lang ng ilang partikular na gampanin at nilalaman na may kaugnayan sa gawain ng iglesia? At hindi ba’t ang mga pagsasaayos ng gawain ay pagsasaayos at pamamahagi lang ng mga gampanin at nilalamang ito?” Ano ang tingin ninyo sa paliwanag na ito? Hindi ba’t puro salita at doktrina lang ito? (Oo, ganoon nga.) At ano ang ibig sabihin ng “mga salita at doktrina”? Ibig sabihin nito, bagama’t tila walang maling salita sa paliwanag na ito, pagkatapos mong marinig ito, hindi mo pa rin ito nauunawaan; katulad lang ito na para bang hindi man lang ito naipaliwanag. Magbigay muna tayo ng depinisyon sa mga pagsasaayos ng gawain batay sa isang nakasulat na paglalarawan, upang magkaroon ang mga tao ng pangunahing konsepto nito, para maunawaan at malaman kung ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay ang mga partikular na plano at hinihingi na ginawa ng sambahayan ng Diyos para sa isang partikular na aytem ng gawain; kailangang ipagbigay-alam at ipatupad ng mga lider at manggagawa ang mga ito, at ang mga ito rin ang mga hinihingi, gampanin, at pamamaraang iniatas sa lahat ng miyembro ng iglesia para sa isang partikular na aytem ng gawain—ito ang depinisyon ng mga pagsasaayos ng gawain. At anong mga aytem ang saklaw ng mga pagsasaayos ng gawain? Alam ng lahat ang pangngalang ito na “mga aytem,” pero hindi ba’t dapat may partikular na nilalaman na nakapaloob sa saklaw ng mga aytem na ito? (Oo.) Anong nilalaman ang alam ninyo? (Mayroong gawain ng ebanghelyo, at mayroon ding gawain ng paggawa ng pelikula.) Dalawang aytem iyon. (Mayroon ding ilang hinihinging kaugnay sa buhay iglesia at sa pagtatatag ng mga administratibong organisasyon ng iglesia.) Ano pang ibang gawain ang mayroon? (Mayroong gawain ng pag-aalis mula sa iglesia, pati na ang partikular na gawaing nauugnay sa mga sistema ng pamamahala ng iglesia.) Ang partikular na nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain ay ang mga sumusunod: unang aytem, ang gawaing administratibo ng iglesia. Ito ang pinakamalaking aytem ng gawain, at kung hindi nagawa nang maayos ang gawaing administratibo, wala talagang magiging gawain ng iglesia. Ikalawang aytem, gawain ng mga tauhan. Isa itong malaking aytem ng gawain. Ikatlong aytem, gawain ng ebanghelyo. Isa rin itong malaking aytem ng gawain. Ikaapat na aytem, iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Medyo malawak ang saklaw ng gawaing ito, at kabilang dito ang paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, pagsasalin, musika, paggawa ng video, sining, at iba pa. Ikalimang aytem, buhay iglesia. Ikaanim na aytem, ang gawain ng pamamahala sa pag-aari. Ikapitong aytem, gawain ng pag-aalis. Ikawalong aytem, mga panlabas na usapin. Ikasiyam na aytem, kapakanan ng iglesia. Halimbawa, kung paano nilulutas ng iglesia ang mga suliraning lumilitaw sa mga tahanan ng mga kapatid, at kung ano ang ginagawa ng iglesia tungkol sa mga ito, pati na ang pagdalaw sa mga kapatid na nasa bilangguan at kung paano dapat alagaan ang kanilang mga pamilya, at iba pa—lahat ng ito ay kabilang sa kapakanan ng iglesia. Ikasampung aytem, mga plano sa panahon ng kagipitan. Minsan, mag-aatas ang iglesia ng mga partikular na hakbang para sa panahon ng kagipitan. Halimbawa, noong mangyari ang pandemya, gumamit ang iglesia ng kaukulang sistema ng pagbubukod-bukod sa mga tao. Ang mga planong gaya nito ay pawang kabilang sa gawain ng panahon ng kagipitan. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay pangunahing kinapapalooban ng sampung aytem na ito. Ang anumang iba pang maliit na aytem o espesyal na sitwasyon ay kasama na sa sampung aytem na ito—karaniwang nakapaloob sa gawain ng iglesia ang sampung pangunahing aytem na ito. Ang mga ito ang karaniwang saklaw ng iba’t ibang pagsasaayos ng gawain na iniaatas ng sambahayan ng Diyos, tama ba? (Tama.) Ngayong nakumpirma na ang mga aytem na ito, dapat ay nauunawaan na ninyong lahat ngayon nang kaunti ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at nalaman na ang mga ito ang pangunahing aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Ito ang saklaw ng mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos patungkol sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ang ipinapahiwatig nito ay na, bilang isang lider o manggagawa, ang saklaw ng gawain mo at ang mga responsabilidad na dapat mong tuparin ay hindi maaaring maihiwalay sa mga aytem na ito na kabilang sa mga pagsasaayos ng gawain—lahat ng aytem na ito ay kinakailangan. Bukod sa mga aytem na ito ng gawain, ng mga bagay na handa mong gawin, gumawa ka nang kaunti ng anumang kaya mong gawin nang maayos, at walang karagdagang hinihingi ang sambahayan ng Diyos para sa paggampan mo ng iyong tungkulin. Kaya, habang ginagampanan mo ang iyong gawain, dapat nagninilay-nilay ka kung paano isakatuparan ang mga aytem ng gawaing ito, kung ano ang hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, kung anong partikular na gawain ang dapat mong gawin, kung paano ito ipatupad, kung naipapatupad ba ito nang maayos, kung kumusta ang kasalukuyang pag-usad, kung nasubaybayan mo ba ang gawain, kung mayroon bang anumang aytem ng gawain na hindi nagawa nang maayos o kung saan mayroong mga paglihis o kapintasan, at kung talaga bang gumagawa ng gawain ang lahat ng lumalahok sa aytem ng gawaing iyon—dapat palagi kang nagninilay-nilay tungkol sa mga bagay na ito. Ngayong nauunawaan mo na ang mga partikular na aytem ng gawaing kabilang sa mga pagsasaayos ng gawain, kinakailangan Ko bang magbigay ng simpleng paliwanag tungkol sa bawat isa sa mga aytem na ito? O marahil ay iniisip ninyo: “Napakaraming taon na naming nararanasan ang mga aytem ng gawaing ito at nauunawaan namin ang lahat ng ito; hindi na kailangang ipaliwanag muli ang mga ito—sa halip ay magbahaginan na lang tungkol sa isang mahalagang bagay. Hindi naman gaanong mahalaga ang paksang ito, hindi mahalaga kung alam namin ang tungkol dito o hindi, at ayaw naming marinig ang tungkol dito”? Kinakailangan pa bang higit na ipaliwanag ang paksang ito? (Oo.) Dahil kinakailangan, pag-usapan natin ito nang simple. Pipili Ako ng ilang aytem na medyo hindi pamilyar sa inyo, na hindi gaanong espisipiko, na medyo abstrak, at magbabahagi Ako tungkol sa mga ito.

I. Gawaing Administratibo

Magsimula tayo sa pagbabahaginan tungkol sa unang aytem, ang gawaing administratibo. Ang gawaing administratibo ay medyo abstrak at hindi sapat na kongkreto, at maraming tao ang hindi nakakaunawa rito. Sa partikular, ang mga nananampalataya sa Diyos sa maikling panahon pa lamang ay wala talagang alam tungkol sa pagbuo ng iglesia at sa gawaing administratibo nito, at hindi nila alam kung ano ang administrasyon. Ang administrasyong ito ay hindi pareho sa mga atas administratibo na inilabas ng Diyos. Ang gawaing administratibong ito ay pangunahing tumutukoy sa mga partikular na tuntunin ng sambahayan ng Diyos sa gawain ng pagtatatag ng mga iglesia. At ano ang nilalaman ng mga partikular na tuntuning ito? Nakapaloob sa mga ito kung paano nahahati-hati ang mga iglesia, kung ilang tao ang nasa bawat iglesia, kung paano pinapangalanan ang mga iglesia, at iba pa. Isinaad sa mga pagsasaayos ng gawain na dapat hatiin ang mga iglesia ayon sa natural na kapaligirang pangheograpiya ng mga ito, kung saan nakaklasipika bilang isang iglesia kapag may 30 hanggang 50 tao ang nakatira nang malapit sa isa’t isa. Halimbawa, sabihin nating ang lugar A ay binubuo ng tatlo o apat na nayon; kung ang mga nayong ito ay mayroong 50 mananampalataya, maaari silang iklasipika bilang isang iglesia. Magkakaroon sila ng sariling oras at lugar para magdaos ng mga pagtitipon, magkakaroon sila ng mga lider at diyakono ng iglesia, pati na ng mga partikular na gawain ng iglesia, at lahat sila ay sama-samang pamamahalaan ng iglesiang ito. Ito ang tuntunin patungkol sa pagkakahati-hati ng mga iglesia at sa bilang ng mga miyembro sa iglesia. Kasabay nito, mapapasailalim ang iglesiang ito sa responsabilidad ng isang partikular na distrito, depende kung saan ito matatagpuan, at ang distritong iyon ang magiging responsable para sa lahat ng iba’t ibang detalye ng gawain sa iglesiang iyon, gaya ng buhay iglesia roon, kung angkop ba ang mga lider at diyakono, ang pamamahagi ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, pagpapatupad sa iba’t ibang pagsasaayos ng gawain, at pagbibigay-alam ng mga hinihingi ng Itaas, at iba pa. May mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para sa mga bagay gaya ng bilang ng mga iglesia na bumubuo sa isang distrito, at bilang ng mga distrito na bumubuo sa isang rehiyon, pati na ng mga rehiyon na responsable para sa mga distrito, at mga distrito na responsable para sa mga iglesia, na mga administratibong yunit. Sa madaling salita, ito ang tinatawag na gawaing administratibo, at ito ay nasa saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Kaya, ano ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa? Dapat nilang hatiin ang mga iglesia batay sa natural na kapaligirang pangheograpiya at lokasyon ng mga ito alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung patuloy na dumarami ang bilang ng mga tao sa isang iglesia sa paglipas ng panahon, dapat muling hatiin ang iglesia batay sa bilang ng mga tao at kapaligirang pangheograpiya. Halimbawa, kung lumago ang isang iglesia mula 50 hanggang 80 tao, dapat itong hatiin sa dalawang iglesia; kung ang dalawang iglesiang ito sa kabuuan ay lumago mula 80 hanggang 150 tao, dapat hatiin ang mga ito sa tatlong iglesia. Kung ang isang iglesia ay lumago sa 70, 80, o 100 tao at hindi pa rin nahahati sa dalawang iglesia, hindi ba’t ipinapakita nito na hindi nauunawaan ng mga lider at manggagawa sa iglesiang ito ang gawaing administratibo ng sambahayan ng Diyos? (Ganoon nga.) Sa ganitong mga pagkakataon, dapat basahin ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain tungkol sa paksang ito—ang handbook ng iglesia tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain ay naglalaman ng mga partikular na tuntunin. Kung hahatiin ang isang iglesia sa dalawang bagong iglesia, kailangang maghalal ang bawat iglesia ng mga kinakailangang lider at manggagawa tulad ng mga lider ng iglesia, mga diyakono, at iba pa. Kaya, ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa? Dapat nilang malaman at maarok ang bilang ng mga tao sa iglesia at ang estado ng pagkakatatag nito. Ito ang gawaing administratibo ng iglesia, at ito ang pinakamalaking aytem ng gawain. Dapat mayroong isang iglesia saanman naroroon ang hinirang na mga tao ng Diyos, at kapag naitatag na ang isang iglesia, dapat umako ng pananagutan ang mga lider at manggagawa para sa bawat aspekto ng gawain ng iglesiang iyon, tulad ng pamamahagi ng mga aklat ng mga salita ng Diyos, pamamahala sa mga miyembro ng iglesia, pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain upang malaman nila kung ano ang nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain. Ang gawaing administratibo ay pangunahing kinapapalooban ng pagtatatag ng mga iglesia, gayundin ng pagtatatag ng mga administratibong organisasyon at mga tauhan ng mga iglesia—lahat ng ito ay partikular na mga gampanin sa loob ng gawaing administratibo. Sinong mga tao ang mas madalas na nahaharap sa ganitong aytem ng gawain? Ang mga iglesia ng bagong mananampalataya, mga pangkat ng ebanghelyo, pati na mga lider ng rehiyon, mga lider ng distrito, at mga lider ng iglesia sa mga lugar kung saan ipinapalaganap ang ebanghelyo, ay pawang mas madalas na nahaharap sa gawaing ito. Dagdag pa rito, kabilang din sa gawaing administratibo ang isang espesyal na trabaho, ang paghiwa-hiwalayin ang mga iglesia bilang mga iglesiang may tungkuling full-time, mga iglesiang may tungkuling part-time, mga ordinaryong iglesia, at mga grupong B, at ito ay isa pang trabaho na dapat gawin ng mga lider at manggagawa. Dapat maarok ng mga lider at manggagawa kung paano paghiwa-hiwalayin ang mga iglesia, at ang prinsipyo ng paghihiwa-hiwalay ng mga iglesia ay ang paghahati-hati sa mga tao sa iba’t ibang iglesia batay sa mga pagkakaiba sa mga tungkuling ginagawa nila, ang ihiwalay ang mga taong gumagawa ng tungkulin sa mga taong hindi, gayundin ang mga gumaganap ng tungkulin nang full time mula sa mga gumaganap ng tungkulin nang part time—ito ay isa pang espesyal at partikular na trabahong administratibo.

II. Gawain ng mga Tauhan

Ikalawang aytem, gawain ng mga tauhan. Ang aytem na ito ay tungkol sa paghahalal, pagtatalaga, at pagtatanggal ng mga lider at manggagawa sa iba’t ibang antas. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay nagbibigay ng mga partikular na tuntunin sa mga sistema ng halalan, kung anong uri ng mga tao ang dapat ihalal bilang mga lider o manggagawa, at ang mga pamamaraan at partikular na hinihingi sa mga halalan. Mayroon ding mga partikular na espesyal na sitwasyon, halimbawa, ano ang dapat gawin kung kakakilala pa lang ng mga kapatid at hindi pa nila gaanong kilala ang isa’t isa, at hindi sila makapili ng mga angkop na lider o manggagawa sa pamamagitan ng halalan? Sa ganoong kaso, ang mga tao ay maaaring iangat o italaga, sinusuri kung sino ang angkop na maging lider, at kinikilala sila nang mas mabuti, nakikipagbahaginan, at nagsasagawa ng mga simpleng pagsusuri, at pagkatapos ay puwede na silang italaga. Dagdag pa rito, kapag nagsasaayos ang Itaas ng isang malaking proyekto o nagtatalaga ng ilang tao bilang mga superbisor, isa itong espesyal na pagsasaayos ng gawain. Mayroon pang isang espesyal na sitwasyon, at iyon ay kapag may nagsusulat ng ulat sa Itaas, na naglalarawan kung paanong si ganito-at-ganyang lider ay hindi gumagawa ng tunay na gawain at tumatahak sa landas ng isang anticristo, at pagkatapos itong makumpirma, nag-aatas ang Itaas ng isang pagsasaayos ng gawain para tanggalin sa posisyon ang lider na naiulat. Ito ay isa pang pagsasaayos ng gawain na nauugnay sa gawain ng mga tauhan. Sa madaling salita, ang gawaing nauugnay sa mga tauhan ay kinapapalooban ng paghahalal, pagtatalaga, at pagtatanggal ng mga lider at manggagawa sa iba’t ibang antas sa iglesia. Ang aytem na ito ng gawain ay medyo simple, at madali itong maunawaan.

III. Gawain ng Ebanghelyo

Ikatlong aytem, gawain ng ebanghelyo. Ang gawain ng ebanghelyo ay ang unang malaking aytem ng partikular na propesyonal na gawain pagkatapos ng gawaing administratibo at gawain ng mga tauhan sa sambahayan ng Diyos. Gumawa ang sambahayan ng Diyos ng maraming sunod-sunod na mga pagsasaayos ng gawain para sa aytem na ito ng gawain, gumagawa ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain tungkol sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, sa heograpikal na saklaw para sa pangangaral ng ebanghelyo, at sa mga paraan at sistema ng pangangaral sa ebanghelyo. Kasabay nito, ang sambahayan ng Diyos ay mayroon ding mga partikular na pahayag sa mga pagsasaayos ng gawain ukol sa lahat ng iba’t ibang aklat ng mga salita ng Diyos, mga pelikula at video, at mga variety show na kinakailangan para sa pangangaral ng ebanghelyo, at maging mga pahayag tungkol sa iba’t ibang uri ng mga karaniwang kuru-kuro at mga madalas na itinatanong ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Maaaring hindi partikular na ipinipresenta nang nakasulat ang ilang pahayag, pero marami sa mga ito ang nasa pasalita at pabigkas na pagbabahaginan. Palaging umuusad at nagpapatuloy ang gawain ng ebanghelyo, at habang umuusad ang gawaing ito, gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain at mga tuntunin patungkol sa mga isyung patuloy na lumilitaw at patuloy na nakakaharap, at naglabas din ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na hinihingi at gampanin para sa mga manggagawa ng ebanghelyo, mga diyakono ng ebanghelyo, at mga superbisor ng gawain ng ebanghelyo. Bagama’t sa huling yugtong ito ay walang gaanong sinasabi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa mga pagsasaayos para sa gawain ng ebanghelyo, ang aspektong ito ng katotohanan ay napakadalas na pinagbabahaginan sa iglesia. Partikular na, nang magsimulang lumaganap ang ebanghelyo sa ibang bansa, gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain para sa gawain ng pagsasalin sa iba’t ibang wika. Ang mga tagasalin at manggagawa ng ebanghelyo na pamilyar sa iba’t ibang banyagang wika ay ibinibigay ang lahat ng makakaya nila para makipagtulungan sa ganitong uri ng gawain, at maraming nailaan ang sambahayan ng Diyos na ganitong mga uri ng yamang-tao para makipagtulungan sa gawain ng ebanghelyo, at naaayon ito sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Sa madaling salita, ang Itaas ay palaging personal na gumagabay, nagtatanong, sumusubaybay, at nangangasiwa sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya, ano ang mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa pagdating sa aytem na ito ng gawain? Ang pagkakaroon ng superbisor para sa gawain ng ebanghelyo ay hindi nangangahulugan na puwedeng hayaan na lamang ng mga lider at manggagawa ang gawain, na hindi ito pagtuunan ng pansin, na hindi mag-usisa tungkol dito, at balewalain lang ito, iniisip na, “Hayaan na lang kung anuman ang kalalabasan ng gawain. Wala naman akong kinalaman diyan. Responsabilidad ko ang buhay iglesia at ang iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Hindi ko na problema kung may mga problema sa gawain ng ebanghelyo.” Ayos lang ba ito? (Hindi.) Ito ay pagiging pabaya sa iyong responsabilidad. Ang pinakamahalagang aytem ng gawain na dapat pagtuunan ng pansin ng mga lider at manggagawa, sa lahat ng gawain ng sambahayan ng Diyos, ay ang gawain ng ebanghelyo. Maaaring hindi ka direktang ginawang responsable para sa aytem na ito ng gawain, pero kailangan mong mag-usisa tungkol sa kung gaano ito umuunlad at kung ano ang estado ng pag-usad nito—dapat mong subaybayan, alamin, at pangasiwaan ang mga bagay na ito. Lalo na pagdating sa ilang mahalagang tauhan, tulad ng mga tagapangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig sa mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, pati na ang mga superbisor ng gawain ng ebanghelyo, kailangan mong palaging maagap na pangasiwaan ang kanilang mga sitwasyon, at kung may lumitaw na mga problema sa mga tauhang ito, dapat mong malutas kaagad ang mga ito—hindi ka dapat maghugas-kamay sa gawaing ito matapos itong italaga sa iyo. Higit pa rito, kailangang regular mong inspeksiyonin at gabayan ang lahat ng tagapangaral ng ebanghelyo na sangkot sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, kabilang na ang mga nasa iglesia at ang mga unang hanay na tagapangaral ng ebanghelyo sa online, pati na ang mga tagadilig sa bawat pangkat. Matagal nang hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos na dapat sumailalim sa espesyal na pagsasanay ang lahat ng tagapangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig. Ano ang ibig sabihin ng espesyal na pagsasanay? Ibig sabihin nito, dapat matiyak na mayroong malinaw na pagkaunawa ang mga tagapangaral ng ebanghelyo at mga tagadilig tungkol sa mga katotohanan ng mga pangitain at na kaya nilang ipaliwanag nang malinaw ang mga bagay na ito. Kung mayroong anumang aspekto ng mga katotohanan ng mga pangitain na hindi pa ganap na malinaw sa kanila, kailangang madalas na magbahaginan tungkol dito, at mas mabuti kung mas detalyado ang pagkaunawa ng mga tagapangaral ng ebanghelyo at ng mga tagadilig. Mayroong mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para dito, tama ba? (Tama.) Ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isang partikular at komplikadong aytem ng gawain na may maraming magkakahiwalay na gampanin. Kailangang matiyak na ang bawat gampanin ay nagagawa nang maayos at mahigpit na nasusubaybayan; ito ang atas ng Diyos. Kailangang magawa nang maayos ang bawat gampanin, at kailangang matiyak na patuloy na bumubuti ang mga resulta ng bawat gampanin—ito lamang ang naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ang lahat ng iba pang uri ng propesyonal na gawain, gaya ng paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, musika, sining, at pagsasalin, ay umiiral para suportahan at alalayan ang gawain ng ebanghelyo, at ang gawain ng ebanghelyo ay ang unang hanay na gawain sa lahat ng gawain. Samakatwid, ang mga gumagawa ng iba’t ibang tungkulin ay dapat gawin nang mabuti ang sarili nilang gawain at magkamit ng mga resultang hinihingi ng Diyos. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng bahagi sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ito ay dahil ang lahat ng ibang uri ng propesyonal na gawaing ito ay umiiral bilang panserbisyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang lahat ng gawaing ito ay dapat nakasentro sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo at nakapagbibigay ng walang-patid na panustos para dito. Sa kasalukuyan, lahat ng materyal, pelikula, at iba’t ibang video na kailangan para sa pangangaral ng ebanghelyo ay pinagsikapang gawin ng marami sa mga hinirang ng Diyos habang nasa likod ng mga eksena. Lahat ng ginagawa ng mga taong ito sa likod ng mga eksena ay nagbibigay ng matinding suporta para sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Noon, ang sambahayan ng Diyos ay wala pang iba’t ibang uri ng mga gawaing pelikula, wala pang maraming awitin, at wala ring masyadong maraming video ng patotoong batay sa karanasan. Umasa lang ito sa patuloy na pakikipagbahaginan ng mga manggagawa ng ebanghelyo. Ang mga manggagawa ng ebanghelyo ay nagsasalita hanggang sa mapagod ang kanilang mga bibig, nang walang nakikitang anumang makabuluhang resulta, at mahirap magkamit ng kahit isang tao. Matapos gumawa ang iglesia ng iba’t ibang uri ng video, naging mas magaan ang gawain ng mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo, at mas madali kaysa dati, at mas bumuti ang kahusayan ng gawain. Ang ilang tao ay matigas ang ulo at konserbatibong mag-isip, at kapag ipinangaral mo sa kanila ang ebanghelyo, kahit gaano ka pa makipagbahaginan tungkol sa katotohanan, hindi ito gumagana, at pinananatili nila ang kanilang mga kuru-kuro at tumatanggi silang tanggapin ito—ano ang gagawin mo kung gayon? Ipapanood mo sa kanila ang isa o dalawang pelikula ng patotoo sa ebanghelyo, at sasailalim sa pagbabago ang kanilang mga kuru-kuro, at magsisimula silang magkaroon ng magandang pakiramdam tungkol sa tunay na daan. Kapag muli silang naghanap, wala nang malalaking hadlang o balakid sa puso nila, at kapag muli kang nakipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan, madali na nila itong matatanggap. Kaya naman, talagang maliwanag ang mga resulta kapag ipinapakita mo sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang mga pelikulang ginawa ng sambahayan ng Diyos, o kapag binabasa mo sa kanila ang mga salita ng Diyos, o kapag ipinapakita mo sa kanila ang mga video ng patotoong batay sa karanasan—ang paggawa nito ay mas epektibo kaysa sa anumang dami ng salitang sasabihin mo sa kanila. Kahit sino pa ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan, ipapanood mo muna sa kanila ang ilang pelikula, at pagkatapos ay ipabasa sa kanila ang marami pang salita ng Diyos, nang sa gayon ay maihanda ang daan para sa kanila. Pagkatapos nito, makipagbahaginan sa kanila tungkol sa katotohanan para lutasin ang kanilang mga kuru-kuro. Sa ganitong paraan, mas magiging maayos ang takbo ng mga bagay-bagay. Sa panahon ngayon, ang mga nagsisiyasat sa tunay na daan ay nakapanood na sa internet ng maraming pelikula at video ng patotoo na gawa ng sambahayan ng Diyos, at partikular na ay nakabasa na sila ng maraming salita ng Diyos; bago pa man sila magsimulang maghanap at magsiyasat, mayroon na silang magandang pakiramdam tungkol sa tunay na daan, at halos kinilala na nila na ito ang tunay na daan. Mayroon ba kayong anumang natuklasan dito? Ang mga pelikulang ito, mga video ng pagbasa ng mga salita ng Diyos, mga video ng patotoong batay sa karanasan, mga video ng himno, at ang iba pang ginagawa ng sambahayan ng Diyos ay napaka-epektibo sa pagpapatotoo sa Diyos! Hindi kailangang mag-aksaya ng laway sa pakikipagbahaginan at pakikipagdebate sa mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo; sa sandaling mapanood nila ang mga video na ito, magagawa nilang tanggapin ang tunay na daan. Dahil dito, napakalaki ng natitipid na oras ng mga nangangaral ng ebanghelyo, at ipinapakita nito kung gaano kamakapangyarihan ang lahat ng alternatibong suporta para sa pangangaral ng ebanghelyo! Napakasagana ng iba’t ibang uri ng mapagkukunan para sa pangangaral ng ebanghelyo! Maraming potensyal na tatanggap ng ebanghelyo ang namamangha kapag nagsisiyasat sila sa gawain ng Diyos online, dahil napakaraming makikita sa website ng sambahayan ng Diyos at napakarami ng nilalaman nito! Masagana ang mga salita ng Diyos, napakaraming klase ng pelikula at video, at napakarami rin ng mga patotoong batay sa karanasan at mayroon ng lahat ng kakailanganin mo. Tunay na ito ang resulta ng gawain at patnubay ng Banal na Espiritu! Lahat ng ito ay talagang nagmumula sa gawain ng Diyos. Gaano man nagpapakalat ng mga tsismis na walang batayan ang malaking pulang dragon at ang mundo ng relihiyon at gaano man dungisan ng mga ito ang gawain ng Diyos, walang epekto ang lahat ng ito. Ano’t anuman, ang mga resultang natamo, at ang mga bungang naani, ng lahat ng aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos ay malinaw na nakikita ng lahat, at ang mga ito ay mga katunayang naisakatuparan ng mga salita ng Diyos.

Sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, ang lahat ng aytem sa gawain ng sambahayan ng Diyos ay inoorganisa sa napakasistematikong paraan at umuusad sa maayos na paraan. Ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo ay isang napakahalaga, pangmatagalan, at napakahirap na aytem ng gawain. Samakatwid, ang mga gumagawa sa gawain ng ebanghelyo, mga superbisor man sila o mga ordinaryong manggagawa ng ebanghelyo, ay dapat makumpirma ang kahalagahan ng gawaing ito sa kanilang mga puso. Bagama’t nasa unang hanay mismo kayo gumagawa ng gawain ng ebanghelyo at gumagawa ng inyong mga tungkulin, sa inyong likuran naman, ibig sabihin, sa likod ng mga eksena, maraming kapatid ang gumagawa ng iba’t ibang uri ng pansuportang gawain, at sila ang puwersang umaalalay sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Nakasentro ang lahat ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, at ang mga tungkuling ginagampanan ng lahat ng hinirang ng Diyos ay nagseserbisyo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Bawat kapatid na gumagawa ng tungkulin ay may bahagi sa gawain ng ebanghelyo, at ang bawat aytem ng gawain ay may malapit at malalim na kaugnayan sa gawain ng ebanghelyo. Sa madaling salita, bawat aytem ng gawain, kabilang na mismo ang gawain ng ebanghelyo, ay isang tungkulin na dapat magawa nang maayos para magpatotoo tungkol sa gawain ng Diyos, ang anumang aytem ng gawain ay may malapit na kaugnayan sa pinakamahalagang gawain, at iyon ay ang pagpapatotoo tungkol sa Diyos. Ito ay ganap na tumpak. Samakatwid, inilalagay ng sambahayan ng Diyos ang gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo sa unahan ng listahan ng lahat ng aytem ng gawain, at ito ang numero uno sa lahat ng iba’t ibang aytem ng gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ay ganap na naaangkop. Ito ay isang malaki, mahirap, at pangmatagalang aytem ng gawain, at ang bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos, bawat isang taong sumusunod sa Diyos, ay kailangang mayroong tibay, pasensiya, at sapat na pananalig para maghanda na gawin nang maayos ang gawaing ito, at lumaban sa mahabang labanang ito. Magpursige man kayo sa loob ng 10 taon, 20 taon, o 30 taon, kailangang palagi kayong maging tapat sa Diyos, ialay ang buhay at buong panahon ng buhay ninyo sa gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo, at maging tapat sa Diyos hanggang sa huli. Isa itong mahalagang responsabilidad na obligadong pasanin ng bawat taong sumusunod sa Diyos, tungkulin ito ng lahat ng tao, at ito rin ang atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa lahat.

Sa pamamagitan ng pagbabahagi Kong ito, nagkaroon ba kayong lahat ng kasigasigan sa puso ninyo, at sinimulan na ba ninyong ituring na mahalaga ang gawain ng ebanghelyo? Sinabi ng ilang tao noon, “Wala akong anumang nauunawaang teknikal na propesyon, hindi ako marunong umarte at hindi ako puwedeng maging artista, wala akong matibay na pundasyon pagdating sa paggamit ng mga salita, kaya hindi ako marunong magsulat ng mga artikulo, hindi ako nakakaunawa ng musika at lalong wala akong alam sa sining. Ito ay dahil hindi ako mahusay sa anumang bagay kaya ako itinalaga sa isang pangkat ng ebanghelyo. Hindi ba’t ang mga pangkat ng ebanghelyo ang katumbas ng napabayaang sulok sa likod ng sambahayan ng Diyos? At dahil napunta ako sa napabayaang sulok, may pag-asa pa ba akong matamo ang kaligtasan?” Ganito ba ang kaso? Kung ganoon talaga ang pagkaunawa mo sa sitwasyong ito, nagkamali ka ng pag-unawa sa Diyos: Ang pangangaral ng ebanghelyo ay ang tungkuling obligasyon ng bawat tao. Kung hindi ka mahusay sa anumang bagay at wala kang anumang nauunawaang teknikal na propesyon, at ang kaya mo lang gawin ay mangaral ng ebanghelyo, ikaw ay isasaayos na gumawa ng iyong tungkulin sa isang pangkat ng ebanghelyo. Ito na ang huling pagkakataon mo, at ito ay ginagawa upang matiyak na hindi ka masasayang, at magagamit ka hangga’t maaari, upang magampanan mo ang iyong papel bilang tao sa abot ng makakaya. Hindi ka mahusay sa anumang bagay at mabagal ang isip mo sa lahat ng ginagawa mo, pero kaya mong gawin nang maayos ang tungkulin ng pangangaral sa ebanghelyo, at kahit pa utusan kang maghanap ng mga potensyal na tatanggap ng ebanghelyo, kaya mo itong gawin nang praktikal, at ipasa ang mga natagpuan mong potensyal na tatanggap ng ebanghelyo sa mga tagapangaral ng ebanghelyo. Kasabay nito, maaari kang unti-unting matuto kung paano ipangaral ang mga salita ng Diyos, ang gawain ng Diyos, at ang mga layunin ng Diyos, at dalhin ang mga tao sa harapan ng Diyos. Hindi ba’t ito ang tungkulin mo? Ang ibang tao ay nagkakaroon ng mga resulta sa pamamagitan ng pakikilahok sa gawaing nakabatay sa teksto, gawain ng paggawa ng pelikula, at iba pang uri ng gawain, pero hindi ka marunong gumawa ng mga bagay na ito, at wala kang mga espesyal na talento o kaloob, subalit iniaalay mo ang iyong lakas sa gawain ng ebanghelyo, ibinibigay mo ang lahat ng iyong makakaya at tinutupad ang iyong tungkulin, at pinapasan mo ang atas na ibinigay ng Diyos sa iyo, hindi ba’t mabubuting gawa ang mga ito? Ang mga ito ay mabubuting gawa rin, at tatandaan ng Diyos ang mga ito. Natutupad nito ang mga salitang ito: Hindi pinag-iiba sa pagiging marangal o mas mababa ang mga tungkuling ginagawa ng mga tao; ang mahalaga lang ay kung tapat ka sa iyong tungkulin at kung ginagawa mo ito sa paraang pasok sa pamantayan. Tinatrato ng Diyos nang patas at pantay ang lahat ng tao; dahil wala kang kayang gawin, hiniling sa iyo na ipangaral ang ebanghelyo—ginawa ito para bigyan ka ng pagkakataong gampanan ang huling posibleng papel mo, sa mga sitwasyong hindi mo magawang umako ng anumang ibang tungkulin. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ka ng isang pagkakataon at kaunting pag-asa; hindi ka pinagkakaitan ng karapatang gawin ang iyong tungkulin. Mayroon pa ring atas ang Diyos para sa iyo, at wala Siyang pagkiling laban sa iyo. Samakatwid, ang mga itinalaga sa mga pangkat ng ebanghelyo ay hindi ipinapadala sa isang napabayaang sulok, ni inaabandona, sa halip, ginagawa nila ang kanilang tungkulin sa ibang lugar. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain para sa gawain ng ebanghelyo, ngayon ba ay mas pinahahalagahan na ninyo ang gawain ng ebanghelyo at wala na kayong mga maling pagkaunawa tungkol dito? (Oo.) Kung gayon, magiging mapagmalaki ba kayo tungkol dito? Anuman ang tungkuling ginagawa ng mga tao, hindi nagbabago ang mga hinihingi ng Diyos sa kanila: Nais ng Diyos ang kanilang katapatan at sinseridad. Kung sasabihin mo, “Mananatili lang akong tahimik, hindi ako magmamalaki, gagawin ko lang ang ipinapagawa ng Diyos sa akin,” pero wala kang katapatan, walang sinseridad, hindi iyon sapat. Paano mo man naaarok ang gawain ng ebanghelyo, sa anumang kaso, kung nagtataglay ka ng katapatan at sinseridad, magiging pasok sa pamantayan ang paggampan mo ng iyong tungkulin. Kahit gaano pa kaayos ang pagtrato mo sa tungkulin ng pangangaral sa ebanghelyo o gaano man kapositibo ang saloobin mo rito, kung hindi mo kayang magtiis ng paghihirap, at wala kang tibay at wala kang katapatan, hindi rin sapat iyon. Kung kaya, hindi mahalaga kung saan ka inilagay, kung anong oras o lugar ka naroroon, kung sinong mga tao ang nakakasalamuha mo, at kung anong tungkulin ang ginagawa mo. Palagi kang nakikita ng Diyos at sinisiyasat ang kaibuturan ng puso mo. Huwag mong isipin na dahil miyembro ka ng pangkat ng mga taga-ebanghelyo ay hindi ka na binibigyang-pansin ng Diyos o na hindi ka Niya nakikita, at kaya puwede mong gawin ang anumang gusto mo. At huwag mong isipin na kung itinalaga ka sa isang pangkat ng ebanghelyo, wala ka nang pag-asa na maligtas, at pagkatapos ay negatibo mo itong haharapin. Ang ganitong mga paraan ng pag-iisip ay parehong mali. Saan ka man inilagay o anuman ang tungkuling isinaayos para gawin mo, iyon ang dapat mong gawin, at dapat mo itong gawin nang masigasig at nang may pananagutan. Hindi nagbabago ang mga hinihingi ng Diyos sa iyo, at kaya, hindi rin dapat magbago ang pagpapasakop mo sa mga pagsasaayos ng Diyos. Ang katayuan ng mga manggagawa ng ebanghelyo ay katulad ng sa mga taong gumagawa ng iba pang mga tungkulin; ang halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa tungkuling ginagawa niya, kundi sa kung hinahangad ba niya ang katotohanan at nagtataglay ba siya ng katotohanang realidad. Ito na ang lahat ng ibabahagi Ko tungkol sa gawain ng ebanghelyo, itong malaki at partikular na aytem ng gawain.

IV. Iba’t Ibang Uri ng Propesyonal na Gawain

Ikaapat na aytem, iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Kabilang dito ang paggawa ng pelikula, gawaing nakabatay sa teksto, musika, sining, pagsasalin, at iba pa. Sinasabi ng ilang tao, “Kaming mga gumagawa ng mga costume ay kasali rin sa gawain ng paggawa ng pelikula. Maituturing bang isang uri ng gawain ang paggawa ng mga costume?” Ang paggawa ng mga costume ay kabilang sa mga uri ng gawain ng paggawa ng pelikula at musika; isa itong uri ng pansuportang gawain na kaakibat ng ganitong mga uri ng gawain. Sa bawat yugto, may partikular na mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos hinggil sa mga partikular na hinihingi para sa ganitong mga uri ng propesyonal na gawain. Ang ilan ay ipinagbibigay-alam nang nakasulat, at ang iba naman ay ipinagbibigay-alam nang pasalita sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan sa mga pagtitipon. Paano man ipinagbibigay-alam ang mga ito, dapat pasanin ng mga lider at manggagawa ang responsabilidad para sa mga ito, itala ang mga partikular na hinihingi na iniatas ng sambahayan ng Diyos para sa aytem na ito ng gawain at ayusin ang mga talang ito, at pagkatapos ay magbigay ng kongkretong pakikipagbahaginan tungkol sa mga ito at makibahagi sa tiyak na pagpapatupad ng mga ito. Isa rin itong malaking aytem ng gawain, at ito ang ikalawang partikular na aytem ng gawain pagkatapos ng gawain ng ebanghelyo. Pagdating sa partikular na aytem na ito ng gawain, hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa lahat ng tauhang nasa iba’t ibang propesyon na patuloy na mag-aral ng propesyonal na kaalamang may kinalaman sa kanilang mga tungkulin, at magsaliksik din ng impormasyon para matiyak kung anong mga bagay ang kapaki-pakinabang para sa gawain ng sambahayan ng Diyos. Kasabay nito, patuloy na nagbabahagi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa mga katotohanang prinsipyo at nagbibigay ng mga kongkretong plano para sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Minsan, ang ganitong mga uri ng gawain ay sabay-sabay na pinagbabahaginan sa mga superbisor at mga miyembro ng pangkat, at minsan naman, pinagbabahaginan ang mga ito para lamang sa mga lider, manggagawa, at superbisor na responsable sa naturang partikular na aytem ng gawain. Ipinagbibigay-alam at pinagbabahaginan man ang mga ito nang nakasulat o sa pamamagitan ng mga pagtitipon, sa anumang kaso, patuloy na pinaghuhusay at ginagawang alinsunod sa pamantayan ang ganitong mga uri ng gawain, at ang mga partikular na pagsasaayos ay palaging ginagawa ayon sa mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Halimbawa, sabihin nating gumagawa ang sambahayan ng Diyos ng isang pelikula na medyo bago ang tema, at talagang propesyonal na kinunan ang pelikula. Matapos ma-upload ang pelikula online, nakakatanggap ito ng mataas na bilang ng mga nakapanood. Sa ganitong sitwasyon, gumagawa ng mga partikular na hinihingi ang sambahayan ng Diyos para sa ganitong klase ng gawain batay sa komento at mga pangangailangan ng gawain ng ebanghelyo. Sa madaling salita, ang aytem na ito ng gawain ay patuloy na ibinubuod at pinaghuhusay, at patuloy rin itong lumalago.

Para sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, hinihingi ng mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos na higit na mag-aral ang mga tao, at maghanap ng mga guro at iba’t ibang uri ng mga mapagkukunan at materyales sa pagtuturo na maaaring pag-aralan. Halimbawa, sa pagkanta: ang paghahanap ng isang guro upang magturo at magbigay ng pagsasanay sa pagkanta ay isa ring partikular na pagsasaayos ng gawain. Pagkatapos marinig ang pagsasaayos na ito, dapat maghanap ang mga lider at manggagawa ng isang guro na angkop sa gawaing ito nang naaayon sa mga hinihingi ng Itaas at paturuan sa kanya ang mga mang-aawit natin, sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mang-aawit na mag-aral ng tamang kaalaman sa pag-awit at tamang paraan ng pagkanta, at siyempre, kailangang makahanap ng mga klasikong gawa na puwedeng pag-aralan. Dapat palaging pag-aralan ang propesyonal na kaalaman tungkol sa komposisyon ng musika at pagkanta ng koro, at palaging hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa mga tao na patuloy na mag-aral ng propesyonal na kaalamang may kaugnayan sa kanilang mga tungkulin, at mag-aral kung paano gamitin ang ilang pinaunlad at praktikal na pamamaraan, at iba pa. Ang mga pagsasaayos at mga hinihinging ito ng gawain ay hindi lang isang beses na iniaatas at pagkatapos ay iyon na ang wakas ng usapin, sa halip, hinihingi sa mga lider at manggagawa na madalas na magbahaginan tungkol sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, gabayan ang mga nasa propesyonal na gawain, binibigyang-daan na patuloy silang mag-aral, at pinagsusumikapang umunlad at patuloy at epektibong humusay ang lahat ng uri ng propesyonal na gawain, at hindi manatiling walang pag-usad. Iniisip ng ilang tao, “Iniaatas sa atin ngayon ang mga pagsasaayos ng gawain, kaya kailangan lang nating isagawa ang mga ito ngayong buwan at tapos na ang usapin. Kung walang sasabihin ang Itaas tungkol dito sa hinaharap, marahil ay hindi na natin kailangang patuloy na isagawa ang mga ito.” Ito ba talaga ang kaso? (Hindi.) Hinding-hindi dapat mag-isip nang ganito ang mga lider at manggagawa, kundi kailangan nilang patuloy na mag-usisa paminsan-minsan at magtanong, “Kumusta na ang pag-aaral ninyo sa propesyong ito? Mayroon ba kayong anumang suliranin? Mayroon bang anumang taliwas o labag sa mga prinsipyo? Sino ang pinakamahusay sa kanyang pag-aaral, sino ang pinakadalubhasa, at sino ang pinakamabilis na natuto? Matapos pag-aralan ang mga teoryang ito, alin sa mga natutunan ninyo ang sa tingin ninyo ay angkop gamitin para sa gawain ng sambahayan ng Diyos?” Bukod pa rito, dapat tanungin ng mga lider at manggagawa ang mga taong nasa mga pangkat ng ebanghelyo na nag-aaral ng mga banyagang wika, “Ilang taon ka nang nag-aaral ng banyagang wikang ito? Kumusta na ang pag-aaral mo kamakailan? Ilang pang-araw-araw na usapan ang maaari mong gawin? Kaya mo bang magsalin ng mga karaniwang espirituwal na termino? Kaya mo bang gamitin ang banyagang wikang ito para ipaalam ang mga katotohanang ito na may kaugnayan sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? Sa kasalukuyan, mas magaling ka ba sa pagsasalita o sa pagsusulat? Kailangan mo ba ng guro para matulungan kang mag-aral? Mayroon pa bang iba na mas angkop at mas sanay sa pag-aaral ng mga banyagang wika? Dumami ba ang ganitong mga uri ng tauhan? Nararamdaman ba ng sinuman na masyadong nakakaabala at mahirap ang pag-aaral ng wika, kaya ayaw na niyang mag-aral nito, at humihinto siya sa kalagitnaan, at gusto na niyang lumipat sa ibang tungkulin?” Ang mga partikular na usaping ito na may kaugnayan sa ganitong uri ng gawain ay kailangang usisain at pangasiwaan paminsan-minsan. Dahil gumawa ang Itaas ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain, dapat maging responsable ang mga superbisor para sa mga partikular na gampaning ito hanggang sa pinakawakas. Huwag pasibong maghintay na mag-usisa ang Itaas; kung hindi mag-uusisa ang Itaas sa loob ng anim na buwan o isang taon, dapat mo pa ring gawin nang maayos ang lahat ng gawain, sa abot ng iyong makakaya, at maging handang tanggapin ang inspeksiyon at gabay ng Itaas sa lahat ng oras—ito ang tamang mentalidad. Ito ay dahil naiatas at naipagbigay-alam na ang mga pagsasaayos ng gawain, at responsabilidad mo ang pagsubaybay sa gawain bilang ang superbisor nito, kaya dapat mong tuparin ang iyong mga responsabilidad. Gayumpaman, kung hindi mo matupad ang iyong mga responsabilidad, wala kang kuwenta, at dapat kang tanggalin at itiwalag. Kaya, ang mga lider at manggagawa ay dapat madalas magnilay-nilay at magbahagi tungkol sa mga partikular na pagsasaayos na ito ng gawain o mga pagbabahaginan mula sa ang Itaas, at pagkatapos ay ipatupad ang mga ito at subaybayan ang gawain ayon sa sitwasyon. Dapat nilang tingnan kung anong uri ng mga gawain ang nakaligtaan nila kamakailan, at hindi nasuri sa loob ng matagal na panahon, at kung aling mga gawain ang hindi nila masyadong kabisado at hindi nila nakumusta kamakailan, at kung kaninong estado ang hindi nila alam bilang resulta ng mga bagay na ito, at pagkatapos ay suriin ang mga ito. Higit pa rito, pagdating sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, mayroon pang isang partikular na pagsasaayos ang sambahayan ng Diyos: Hinihingi nito na patuloy na tuklasin, linangin, at iangat ang mga kaukulang indibidwal na may talento. Kaya, ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa kapag natanggap nila ang pagsasaayos na ito ng gawain? Dapat nilang bigyang-pansin kung mayroon bang sinuman na angkop sa ganitong uri ng gawain. Kung angkop ang ilang tao sa ganitong uri ng gawain pero hindi sila gaanong bihasa sa teknikal na propesyon, kailangan silang agad na malinang at maisaayos na mag-aral at magsanay rito. Sa madaling salita, mahalagang aytem din ng gawain ang iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain. Napakaraming aytem ang kabilang sa gawaing ito, at malawak din ang saklaw nito, at maraming partikular na pagsasaayos ng gawain ang ginawa ng sambahayan ng Diyos para dito. Ang hinihingi para sa aytem na ito ng gawain ay ang palagiang pag-aaral, pagbubuod, at pagpapahusay, at kailangan ding makahanap ng mga angkop na prinsipyo para isakatuparan ang tuloy-tuloy na pag-abot sa pamantayan. Bukod dito, dapat patuloy na linangin ang mga taong may talento na angkop sa paggawa ng mga tungkuling ito. Ito ang pagsasaayos ng gawain para sa malaking aytem na ito ng iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, at madali rin itong maunawaan.

V. Buhay Iglesia

Ikalimang aytem, buhay iglesia. Gumawa ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pagsasaayos at mga tuntunin patungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, patungkol sa pagkakaayos ng buhay iglesia, at sa bilang ng mga taong namumuhay ng buhay iglesia. Mayroon ding mga kaukulang pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos patungkol sa pagkakaayos ng mga pagtitipon at sa nilalaman ng buhay iglesia sa ilalim ng mga espesyal na pangyayari at sitwasyon. Kadalasang iniaatas nang nakasulat ang ganitong mga uri ng pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain para sa buhay iglesia ng mga baguhan sa iba’t ibang bansa—ang pagkakaayos at dalas ng kanilang mga pagtitipon, at ang nilalaman na kanilang kinakain at iniinom sa mga pagtitipon, at iba pa—ay halos pareho sa mga pagsasaayos ng gawain para sa buhay iglesia ng mga lahing Tsino, maliban sa ilang espesyal na sitwasyon. Kabibigay Ko lang sa inyo ng pangkalahatang ideya ng saklaw ng mga pagsasaayos ng gawain na kaugnay sa buhay iglesia—kabilang dito kapwa ang nilalaman ng mga salita ng Diyos na kinakain at iniinom at ang nilalaman sa pagbabahaginan tungkol sa katotohanan sa mga pagtitipon para sa kamakailang panahon, at pati na ang pagkakaayos ng pagbabahaginan sa mga pagtitipon. Halimbawa, ang isang tao ay hindi pinahihintulutang mangibabaw sa pagbabahaginan sa mga pagtitipon, ang limitasyon sa haba ng oras na maaaring makipagbahaginan ang bawat tao, kung paano tratuhin at pangasiwaan ang mga tao na masyadong mahaba magsalita at hindi malinaw na nagpapahayag ng kanilang sarili, at iba pa—may mga partikular na pahayag tungkol sa mga partikular na bagay na ito na nauugnay sa buhay iglesia at sa mga pagtitipon sa mga pagsasaayos ng gawain. Sa isang banda, ang mga lider at manggagawa ay responsable sa pag-aatas at pagbibigay-alam ng mga pagsasaayos na ito ng gawain, at sa kabilang banda, sila ay responsable sa pakikipagbahaginan tungkol sa mga ito nang malinaw sa mga kapatid, binibigyang-daan ang lahat ng miyembro ng iglesia na maunawaan at matanggap ang mga pagsasaayos ng gawain, at pagkatapos nito, kailangan na lamang nilang mahigpit na isagawa at sundin ang mga ito. Lalo na, iyong mga madalas na lumilihis sa paksa, nagsasanhi ng mga pagkagambala, nagsasabi ng mga salita at doktrina, at sumisigaw ng mga islogan kapag nagsasalita sa mga pagtitipon ay dapat paghigpitan, at mayroong mga partikular na tuntunin patungkol sa ganitong mga uri ng mga espesyal na pangyayari sa mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay iglesia ay pangunahing nauugnay sa lahat ng iba’t ibang bagay na may kinalaman sa mga pagtitipon, hindi komplikado ang mga ito, kundi napakasimple, at anuman ang tungkuling ginagawa ng isang tao, kailangan lang niyang sundin ang mga prinsipyo ng mga pagsasaayos na ito ng gawain. Halimbawa, sa mga pagtitipon, kailangan lang sundin ng mga pangkat ng mga taga-ebanghelyo ang mga prinsipyo sa mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay iglesia—walang espesyal sa mga ito. Ang ibang mga pangkat ay gumagampan lang ng iba’t ibang gawain mula sa ibang mga tao, pare-pareho ang lahat pagdating sa mga bagay tulad ng mga pagtitipon, pagbabahaginan sa katotohanan, pagdarasal-pagbabasa ng mga salita ng Diyos, at pagbabahaginan tungkol sa mga personal na karanasan—hindi lumalagpas sa saklaw na ito. Kailangan lamang nilang magsagawa ayon sa mga kasalukuyang tuntunin ng sambahayan ng Diyos patungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, sa uri ng pagbabahaginan, at sa pagkakaayos ng mga pagtitipon. Kung mapapahintulutan ng mga kalagayan, puwedeng magtipon-tipon sa personal ang mga tao, kung hindi, puwede silang magdaos ng mga pagtitipon online. Dapat itong maging napakasimple at malinaw na naitakdang usapin. Ang ilang miyembro ng iglesia ay nakakalat sa iba’t ibang kontinente at bansa, may ilan sa Europa at may ilan naman sa Gitnang Silangan; sa ganitong uri ng sitwasyon, kinakailangan ang mga online na pagtitipon. Ang mga lokal na iglesia na ang bahalang magpasya sa oras at dalas ng kanilang mga pagtitipon; hindi gumagawa ng mga partikular na tuntunin ang sambahayan ng Diyos patungkol sa usaping ito, ni hindi ito nakikialam dito. Bakit hindi nakikialam ang sambahayan ng Diyos sa usaping ito? Ang ilang tao sa iglesia ay hindi full time na gumagampan sa kanilang mga tungkulin; may mga trabaho at pamilya sila, magkakaiba ang kanilang mga indibidwal na sitwasyon, at saka, magkakaiba rin ang mga time zone ng iba’t ibang bansa, kaya, dapat na sila ang pahintulutang magpasya kung ilang beses sa isang linggo sila magtitipon at kung anong oras gaganapin ang bawat pagtitipon. Walang mga partikular na tuntunin ang sambahayan ng Diyos tungkol dito, sa halip, nagbibigay lang ito ng prinsipyo. Nagbigay ng tuntunin ang sambahayan ng Diyos sa saklaw ng kung gaano kadalas magtitipon ang mga bagong mananampalataya kada linggo, at may kaibahan sa bilang ng mga pagtitipon sa pagitan ng mga gumagawa ng kanilang tungkulin at ng mga hindi gumagawa ng kanilang mga tungkulin. Mayroon bang pagsasaayos ng gawain na hinihingi sa mga bagong mananampalataya na magtipon nang pitong beses sa isang linggo? (Wala.) Kung gayon, ano ang batayan ng bilang ng mga pagtitipon ng mga bagong mananampalataya kada linggo? (Nakabatay ito sa oras ng mga bagong mananampalataya.) Ang pagtitipon nang dalawa o tatlong beses sa pinakamadalas sa isang linggo, at kahit isang beses man lang, ay ganap na naaangkop. Sinasabi ng ilang tao, “Wala talagang ginagawa ang mga tao sa lugar namin sa panahon ng matumal na pagsasaka, kaya gusto ng lahat na magtipon-tipon araw-araw—ayos lang din sa amin ang magtipon dalawang beses sa isang araw. Gusto talaga naming magtipon.” Ang puso ng mga bagong mananampalataya ay puno ng kasigasigan, at palagi nilang gustong makaunawa ng higit na katotohanan. Kung paborable sa mga sitwasyon ng kanilang pamilya, mabuting bagay kung hihilingin nilang dumalo sa mas maraming pagtitipon, basta’t hindi ito nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang partikular na bilang ng pagtitipon ng mga tao kada linggo ay dapat pagpasyahan ayon sa mga sitwasyon ng pamilya at trabaho ng hinirang na mga tao ng Diyos sa bawat lugar—hindi gumagawa ng mga partikular na tuntunin ang sambahayan ng Diyos tungkol sa usaping ito. Iyong hinirang na mga tao ng Diyos na may mga kondisyon na gawin ito ay maaaring magtipon nang mas madalas, at makakaunawa sila ng mas maraming katotohanan at mas mabilis na lalago ang kanilang buhay. Mabuting bagay ito. Gayumpaman, iyong mga walang angkop na kondisyon ay hindi magiging akma na makipagtipon sa ganitong paraan, at ayos lang na dumalo sila sa kahit isa o dalawang pagtitipon kada linggo. Ang bilang ng pagtitipon ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar kada linggo ay nakasalalay sa pagpapasya ng hinirang na mga tao ng Diyos, at walang sinuman ang dapat makialam dito. Ang pinakamahalaga ay na idinaraos ang mga pagtitipon upang maunawaan ng mga tao ang katotohanan, at hindi para sa anumang ibang dahilan. Kaya naman, ang bilang ng idinaraos na mga pagtitipon ng bawat iglesia ay pinagpapasyahan ayon sa mga partikular na sitwasyon nito. Kung makakadalo ang hinirang na mga tao ng Diyos sa isa pang dagdag na pagtitipon kada linggo, mas makabubuti iyon para sa kanilang paglago sa buhay. Kung may mga tao na hindi naghahangad sa katotohanan at ayaw dumalo sa mas maraming pagtitipon, hindi ito dapat ipilit sa kanila. Lalo na para sa mga sinusuwelduhang empleyado na medyo mas abala at walang panahon na dumalo sa mas maraming pagtitipon, hindi dapat hingin sa kanila na gawin ito. May kakayahan mang dumalo sa mga pagtitipon ang mga tao o kung ilang beses man silang nagtitipon, ang sambahayan ng Diyos ay hindi nakikialam o nagpapataw ng anumang limitasyon. Ito ay dahil pawang magkakaiba ang mga sitwasyon at pinagmulan ng mga indibidwal na mananampalataya, at kaya, hindi sila dapat pilitin. Tungkol sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, ang sambahayan ng Diyos ay may mga kaukulang tuntunin sa mga pagsasaayos ng gawain nito, at kailangang malinaw ang pagkaunawa rito ng mga lider sa lahat ng antas sa iglesia at ng mga kapatid. Kailangang tumpak na maunawaan ng mga lider at manggagawa kung ano ang partikular na mga gampanin at usapin na dapat isakatuparan ayon sa mga pagsasaayos ng gawain ng Itaas, at kailangang bantayan din ng mga kapatid kung ginagampanan ng mga lider at manggagawa ang gawaing ito. Pagdating sa nilalaman na kinakain at iniinom sa buhay iglesia, at sa mga pagsasaayos ng gawain na may kaugnayan sa mga pagtitipon na kailangang maunawaan at masunod, kailangang magkaroon ng kasunduan ang mga lider at manggagawa sa hinirang na mga tao ng Diyos—talagang hindi puwedeng mayroong pagkakaiba-iba. Ang mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa buhay iglesia ay napakasimple, madaling maunawaan ng mga tao, at hindi malabo.

VI. Pamamahala sa Pag-aari

Ikaanim na aytem, pamamahala sa pag-aari. Bagama’t ang gawain ng pamamahala sa pag-aari ay hindi madalas na naaatasan ng mga pagsasaayos ng gawain tulad ng sa gawain ng ebanghelyo o sa iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, mayroon pa ring mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para dito. Ano ang saklaw ng pamamahala sa pag-aari? Saklaw nito ang kung paano iniingatan ang mga pag-aari, saan nakaimbak ang mga ito, sino ang namamahala sa mga ito, at kung paano inilalaan, pinamamahalaan, at inililipat ang mga ito kapag may lumilitaw na panganib o mga di-kanais-nais na kapaligiran, gayundin ang iba pang mga espesyal na sitwasyon. Sa katunayan, ang mga pagsasaayos ng gawain ay naglalaman ng mga tuntuning nauukol sa lahat ng bagay na ito, at pagdating sa aytem na ito ng gawain, hindi dapat hintayin ng mga lider at manggagawa na magbigay ng direktang utos at mag-atas ng mga pagsasaayos ng gawain ang Itaas bago pa nila pasibong simulang pamahalaan ang mga pag-aari. Kung walang madaliang mga pagsasaayos ng gawain na hinihingi sa iyo na pangasiwaan ang mga pag-aari sa isang partikular na paraan, at sa mga espesyal na sitwasyon kung kailan hindi mo alam kung paano pangasiwaan ang mga pag-aari at hindi ka agad nakatanggap ng mga tugon mula sa Itaas, ano ang dapat mong gawin? Seguridad ang numero unong prayoridad, at responsabilidad mo na pangalagaan ang mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos. Pagdating sa mga aklat ng mga salita ng Diyos na inilimbag ng sambahayan ng Diyos, kasama na ang iba’t ibang uri ng makinarya, pagkain, pera, at iba pang mga pag-aari, dapat ilagay ng mga lider at manggagawa ang lahat ng ito sa mga ligtas na lugar alinsunod sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos, at huwag hayaang mabasa, amagin, o makain ng mga insekto ang mga ito, at lalong huwag hayaang masamsam ng masasamang tao o ng malaking pulang dragon ang mga ito. Dagdag pa rito, bukod sa maayos na pamamahala sa mga pag-aari na ito ng sambahayan ng Diyos, kailangan ding mahigpit na panatilihin ng mga lider at manggagawa ang pagiging kumpidensiyal ng mga ito; pare-parehong hindi dapat makaalam ang mga taong walang kinalaman sa mga bagay na ito tungkol sa mga ito, at ang mga nakakaalam ay dapat maging tikom ang bibig at hindi magsalita nang walang ingat. May mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos tungkol sa aytem na ito ng gawain, at hindi angkop na mag-atas o magsiwalat ng ilan sa mga ito sa pamamagitan ng pagsulat. Kung makakahanap ng mas mabubuting paraan o sistema ang mga lider at manggagawa para sa pamamahala sa pag-aari, siyempre, habang sinusunod ang prinsipyo ng maayos na pamamahala at pangangalaga sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos upang protektahan ang mga ito sa anumang kawalan, maaari nilang talakayin ang usapin kasama ang ibang mga lider at manggagawa at gumawa ng desisyon nang malaya. Isa itong espesyal na aytem ng gawain, at iyong mga hindi tikom ang bibig, iyong mga walang pagpapahalaga sa responsabilidad, iyong mga may di-wastong motibo, iyong mga baguhan pa lang sa pananampalataya at walang pundasyon sa kanilang pananalig, at iyong mga palaging nagkakainteres sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos nang may pag-iimbot, ay pare-parehong hindi dapat makaalam tungkol dito. Ang mga bagay na ito ay hindi puwedeng lantarang isaad sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, pero hindi ba’t dapat alam ito ng mga lider at manggagawa at ng mga mapagkakatiwalaang tagapangalaga? (Oo.) May espesyal na sitwasyon dito. Ipagpalagay nang ang isang bagong halal na lider ay tatlong taon pa lamang nananampalataya sa Diyos, mahusay ang kakayahan niya, napakamasigasig niya, at mukhang maayos naman siya sa panlabas, pero hindi batid kung ano ang karakter niya, kung ano ang pananaw niya sa mga pag-aari, o kung siya ba ay sakim o hindi. Ang mga bagay na ito ay hindi batid at hindi tiyak, at ang taong ito ay hindi kilalang mabuti ng mga kapatid na matagal nang nananampalataya sa Diyos, hindi nila lubusang kilala ang taong ito. Ano ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon? Kapag dumating ang panahon na kailangang ilipat ang gawain sa taong ito, ang lahat ng iba pang gawain ay ipinapasa—dapat din bang ipasa ang gawain sa mga pag-aari sa taong ito? (Hindi.) Bakit hindi? Ang pangunahing gawain ng mga lider at manggagawa ay hindi lamang ang pamahalaan ang mga pag-aari; isang bahagi lang ng kanilang gawain ang mga pag-aari. Kung talagang may nababagay na tao na namamahala sa mga pag-aari at hindi maaasahan itong bagong halal na lider, ayos lang na huwag munang ipasa ang gawaing ito sa lider na ito sa ngayon, sapagkat hindi pa batid kung matagal ba siyang mananampalataya sa Diyos o kung kaya ba niyang manindigan. Noon, may isang taong kahahalal pa lang bilang lider ng iglesia, at pagkatapos akuin ang kanyang posisyon, ang una niyang ginawa ay hingin sa hinirang na mga tao ng Diyos ang mga numero ng bank account at ang mga password ng mga account kung saan iniimbak ang mga handog. Tinanong niya kung sino ang may hawak nitong mga numero at password ng bank account, at pinilit niya sila na agad na ipasa sa kanya ang gawaing ito. Sa ganitong sitwasyon, dapat bang ipasa sa kanya ang gawaing ito? Hindi siya nag-aalala o nababahala tungkol sa anumang ibang gawain, pero talagang seryoso at nag-aalala siya tungkol sa usaping ito—maaasahang tao ba siya? Huwag isipin na maaasahan ang isang tao dahil lang sa siya ay isang lider o manggagawa. Sa realidad, tanging ang mga tagapangalaga na talagang pinili ayon sa mga prinsipyo ang maaasahan—kaya nilang ialay ang kanilang buhay para pangalagaan ang mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos. Ang ganitong mga tao ang pinakamaaasahan. Kung gayon, lahat ba ng lider at manggagawa ay kayang gawin ito? Hindi palaging ganoon ang kaso. Noon, may isang lider ng rehiyon na nahuli ng malaking pulang dragon, at ipinagkanulo niya ang lahat ng pag-aari ng iglesia, kaya’t napakarami ang nawala sa mga ito. Kung hindi niya sana nalaman ang kinaroroonan ng mga pag-aari ng iglesia, hindi niya sana ito naibunyag kahit pa patayin siya sa bugbog, at hindi ba’t hindi sana magkakaroon ng mga kawalan sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos? Ito mismo ay dahil napakarami niyang nalalaman kaya niya isiniwalat ang lahat noong hindi na niya makayanan ang pagpapahirap at mga kahindik-hindik na pambubugbog, kaya napunta ang perang ito sa mga kamay ng malaking pulang dragon. Kung hindi siya pinahintulutang makaalam sa kinaroroonan ng mga pag-aaring ito, at kung ang nangangalaga sa mga ito ay isang maaasahang tao, magkakaroon ba ng mga kawalan sa pera ng sambahayan ng Diyos at sapilitan ba itong makukumpiska ng malaking pulang dragon? Hindi, hindi sana ito nangyari. Isa itong mabigat na aral. Samakatwid, ang pinakamahalagang punto sa pagsasaayos ng gawaing ito ay na dapat iprayoridad ang seguridad, kinakailangang mapanatiling pinakamababa ang dami ng mga kawalan, at ang gawain ay dapat magawa sa anumang ligtas na paraan. Maghanap ng isang taong nagpapakita ng katapatan sa pamamahala ng mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos para mamahala sa mga ito—ito ang pinakamaaasahang hakbang. Bagama’t wala nang ibang kayang gawin ang taong ito, siya ay magiging tapat at tiyak na may kakayahan pagdating sa pangangalaga sa pera, kaya tama lang na gamitin ang taong ito para mangalaga sa mga pag-aari. Dahil ang aytem na ito ng gawain ay nakatuon lang sa iisang gampanin, napakasimple ng mga pagsasaayos nito: Maghanap ng mga tamang tao na mangangalaga sa mga pag-aari at maghanap ng ligtas na lugar na mapag-iimbakan ng mga ito. Dagdag pa rito, mayroon ding mga partikular na tuntunin sa mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos patungkol sa paglalaan at paggastos sa mga pag-aari ng sambahayan ng Diyos; puwedeng gastusin ang pera sa mga kinakailangang gastusin, pero hindi sa mga hindi kinakailangan. May isa pang bagay, mayroong isang mahigpit na sistema ng regulasyon para sa mga gastusing kaugnay sa mga pag-aari, at may mga partikular na tuntunin ang sambahayan ng Diyos para sa iba’t ibang proseso at hakbangin, na nangangailangan ng mga lagda mula sa ilang indibidwal, at iba pa. Mayroong pamamahala, pangangalaga, paggastos, at pati accounting—may mga partikular na pagsasaayos ng gawain para sa lahat ng bagay na ito.

VII. Gawain ng Pag-aalis

Ikapitong aytem, gawain ng pag-aalis. Ang sambahayan ng Diyos ay patuloy rin na gumagawa ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain para sa aytem na ito ng gawain. Sa isang banda, ginagawa ang mga pagsasaayos ng gawain batay sa mga pangangailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos, at sa kabilang banda, ginagawa ang mga ito batay sa klasipikasyon at depinisyon ng iba’t ibang uri ng mga tao, pati na sa pagbubukod ng bawat isang tao ayon sa sarili nilang uri batay sa kanilang mga pagpapamalas sa sandaling mabunyag sila. Ang sambahayan ng Diyos ay may mga prinsipyo sa pangangasiwa sa lahat ng uri ng mga anticristo, masasamang tao, at mga hindi mananampalataya; ang ilan ay inaalis mula sa hanay ng mga gumagampan ng kanilang mga tungkulin, ang ilan ay inaalis mula sa iglesiang may tungkuling full-time at ipinapadala sila sa mga iglesiang may tungkuling part-time o mga ordinaryong iglesia, ang ilan ay inaalis mula sa mga ordinaryong iglesia at ipinapadala sa mga grupong B, at may ilan na direktang pinapaalis o pinatatalsik. Paulit-ulit na gumagawa ng mga pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos para sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia, at mayroon din itong mga partikular na pagsasaayos ng gawain tungkol sa iba’t ibang uri ng mga tao na nakakatugon sa mga kondisyon para paalisin. Batay sa mga saloobin ng mga tao sa paggawa ng kanilang mga tungkulin at sa mga pagsalangsang na nagawa nila habang ginagawa ang kanilang mga tungkulin, pati na sa tiwaling diwa na nabubunyag sa iba’t ibang uri ng tao, sa huli ay lumilikha ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na plano para sa pangangasiwa sa mga taong ito. Samakatwid, ang pangangasiwa ng sambahayan ng Diyos sa iba’t ibang uri ng masasamang tao, mga hindi mananampalataya, at mga anticristo ay ginagawa nang ganap na naaayon sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo, at ito ay ginagawa nang ganap na naaayon sa mga layunin ng Diyos. Pagdating sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, sa isang banda, kinakailangan na magbahaginan tungkol sa mga katotohanang prinsipyo upang maunawaan ng mga tao ang mga ito at matuto silang kumilatis ng iba’t ibang uri ng tao, habang sa kabilang banda, kinakailangang iatas ang mga pagsasaayos na ito ng gawain sa mga iglesia upang mapagbahaginan at maipatupad ang mga ito. Sa anumang kaso, ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay dapat ipatupad sa lalong madaling panahon, at hinding-hindi ito dapat maantala kailanman. Dapat itong magpatuloy hanggang sa wala nang natitirang masasamang tao sa iglesia. Hindi ito nangangahulugan na ang mga lider at manggagawa ay kailangan lang gumampan sa gawain ng pag-aalis sa loob ng ilang panahon sa sandaling mag-atas ang Itaas ng isang pagsasaayos ng gawain na nag-uutos na linisin ang iglesia, at kung matuklasang muli na may masasamang tao na nanggugulo pagkatapos ng pag-aalis na iyon, pero hindi gumawa ang Itaas ng anumang pagsasaayos ng gawain tungkol dito, kung gayon, hindi na kailangang mag-abala pa ang mga lider at manggagawa tungkol sa masasamang taong iyon o alisin ang mga iyon—sadyang hindi iyon maaari. Kailangang patuloy na isakatuparan ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia sa maayos na paraan; hangga’t may mga taong kailangang paalisin o patalsikin, kung gayon, dapat magpatuloy ang gawain ng pag-aalis. Huwag pasibong maghintay na magbigay ng mga utos ang Itaas o na ipagbigay-alam sa inyo ng mga nakatataas na lider ang tungkol sa mga ito, at huwag ding pasibong maghintay na mas maraming kapatid ang mag-uulat sa isang tao. Sa sandaling ilantad at iulat ng hinirang na mga tao ng Diyos ang isang tao, dapat simulang siyasatin at pangasiwaan ng mga lider at manggagawa ang kasong iyon. Kung itinatago ng mga lider at manggagawa ang liham ng ulat at hindi inaasikaso ang isyung ito, dapat silang imbestigahan at pangasiwaan, at kung mapag-alaman na ipinagtatanggol nila ang isang masamang tao, dapat silang paalisin sa iglesia kasama ang masamang taong iyon. Ang sinumang lider o manggagawa na hindi gumagampan sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay isang huwad na lider o manggagawa at dapat tanggalin kaagad. Kung ipinagtatanggol at pinoprotektahan pa nila ang masasamang tao, maaari silang ilarawan bilang isang anticristo at paalisin at patalsikin mula sa iglesia. Ang mga ito ang mga partikular na tuntuning ginawa ng sambahayan ng Diyos patungkol sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia. Ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay isang apurahang prayoridad at napakahalaga nito. Sabihin ninyo sa Akin, hindi ba’t ginagawa ang pag-aalis mula sa iglesia upang dalisayin ito? Kung ang iglesia ay nadalisay na—ibig sabihin, kung walang masasamang taong nagsasanhi ng mga kaguluhan sa loob nito at walang mga hindi mananampalataya na nakahalo sa mga miyembro nito—magiging isa itong tunay na iglesia, at magkakaroon din ito ng mga pinakamainam na resulta sa buhay iglesia. Hindi ba’t magiging isa rin itong malaking hakbang tungo sa pagsasakatuparan sa kaharian ni Cristo? Ang isang dalisay na iglesiang tulad nito ay magiging lubos na kapaki-pakinabang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian, dahil ang lahat ay magtataglay ng katotohanang realidad, ang lahat ay makakapagpatotoo sa Diyos at magagawang ganap bilang mga tao ng Diyos, at wala nang masasamang taong magsasanhi ng mga kaguluhan. Natural, ang ganitong iglesia ang magiging pinakapinagpala. Kaya naman, ang pag-aalis mula sa iglesia ay isang napakamakabuluhang aytem ng gawain at ganap itong ginagawa para gawing mas mapayapa at walang mga kaguluhan mula sa masasamang tao ang kapaligiran kung saan ginagawa ng hinirang na mga tao ng Diyos ang kanilang mga tungkulin. Dagdag pa rito, hindi sumusuporta ang sambahayan ng Diyos sa mga tamad at mga walang silbi, at sa mga linta na nagpapakasasa lang sa kaginhawahan at nakikinabang hangga’t nais nila. Ang lahat ng hindi gumagawa ng kanilang mga tungkulin kahit kaunti at nakakagulo at nakakaapekto sa ibang taong gumagawa ng kanilang mga tungkulin, at ang lahat ng gumagawa ng mga iresponsableng komento, nakikialam, at hindi nag-aasikaso sa kanilang gawain na marapat na gawin sa iglesia, ay dapat ding paalisin. Ganap nang nabunyag ngayon ang lahat ng iba’t ibang uri ng mga tao, ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay kinakailangan, at dapat itong gawin nang masinsinan at maayos. Ang lahat ng masamang tao, anticristo, hindi mananampalataya, walang silbi, at parasitong ito na naibunyag ay ang mga itinataboy ng Diyos, at wala na silang pag-asang maligtas. Kung hindi isinagawa ng iglesia ang gawain ng pag-aalis, makakaapekto ito sa gawain ng pagpapalaganap sa ebanghelyo. Kaya, ang gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay isang mahalagang aytem ng gawain na kailangang apurahang magawa nang maayos sa kasalukuyan. Tanging ang mga lider at manggagawa na makakagawa nang maayos sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ang karapat-dapat linangin at puwedeng magpatuloy bilang mga lider at manggagawa. Ang sinumang lider o manggagawa na humahadlang sa gawain ng pag-aalis mula sa iglesia ay isang balakid at sagabal, at dapat silang ilantad at iulat ng hinirang na mga tao ng Diyos. Dapat munang lubusang paalisin at lutasin ng mga lider at manggagawa sa lahat ng antas ang lahat ng balakid at sagabal na ito sa gawain ng iglesia—ito ay naaayon sa mga layunin ng Diyos. Ito lang ang nakakatulong sa maayos na pag-usad ng iba’t ibang aytem ng gawain ng iglesia, at nakakatulong sa iglesia na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos upang makamit ng Diyos ang lahat ng kaluwalhatian.

VIII. Mga Panlabas na Usapin

Ikawalong aytem, mga panlabas na usapin. Ang gawain ng mga panlabas na usapin ay hindi isang malaking aytem ng gawain, ni hindi rin ito maliit, at mayroong ilang prinsipyo sa loob ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos tungkol sa mga panlabas na usapin. Una ay ang pag-aralan ang tungkol sa mga lokal na batas at mga partikular na lokal na regulasyon. Ibig sabihin, anuman ang ginagawa ng iglesia sa isang partikular na lugar, dapat mo munang matutunan ang mga lokal na batas—ito ang isang prinsipyo. Ang isa pang prinsipyo ay na, kapag nahaharap ka sa mga problemang nauugnay sa mga panlabas na usapin na hindi mo nauunawaan o hindi malinaw sa iyo, dapat kang kumonsulta sa isang abogado at sa mga kaugnay na legal na propesyonal, at huwag maghusga nang walang sapat na kaalaman ng ikaw lang; dapat kang gumawa ng mga partikular na plano para sa pangangasiwa sa mga bagay-bagay ayon sa iba’t ibang pambansang kondisyon sa iba’t ibang bansa. Kaya, paano nabubuo ang ganitong mga plano? Dapat mong sundin ang sinasabi ng abogado at hayaan ang abogado na gumawa ng mga desisyon—huwag gumawa ng mga di-makatwirang paghusga o magdesisyon nang mag-isa. Ang mga pambansang kondisyon, polisiya, batas, at regulasyon ay magkakaiba sa bawat bansa, kaya huwag kang kumilos batay sa iyong imahinasyon. Halimbawa, ipagpalagay nang nakakita ka ng isang taong ninanakawan sa kalye sa Tsina. Itinatakda ng mga batas sa Tsina na ang sinumang dumadaan na nakakasaksi nito ay puwedeng matapang na makialam, hulihin muna ang magnanakaw, at pagkatapos ay dalhin ito sa mga pulis. Kung gagawin mo ito, ikaw ay magiging parang isang bayani, hindi mo kakailanganing magkaroon ng anumang legal na pananagutan, at dapat kang purihin. Ito ang pambansang sitwasyon at sistema sa Tsina, at isa itong uri ng tradisyonal na kultura sa Tsina—inilalarawan ito ng mga Tsino gamit ang magandang pakinggan na katawagan na “tradisyonal na kabutihan.” Gayumpaman, sa Kanluran, lalo na sa mga bansang tulad ng U.S. at Canada, kung pagkakita mo sa isang taong nagnanakaw ng isang bagay ay agad mo siyang huhulihin at hihintayin mo ang mga pulis na dumating para arestuhin siya, mali iyon, labag iyon sa batas. Ito ay dahil isa ka lang ordinaryong mamamayan at hindi isang tagapagpatupad ng batas, at wala kang karapatang arestuhin ang kahit sino; tanging ang mga pulis ang may karapatang mang-aresto. Kapag nakakita ka ng isang magnanakaw, puwede mo itong isumbong sa mga pulis, pero hindi mo puwedeng arestuhin ang magnanakaw nang ikaw mismo. Kung basta-basta mong aarestuhin ang isang magnanakaw, kumikilos ka nang ilegal—ito ang batas sa Kanluran. Hindi angkop na isagawa ang “tradisyonal na kabutihan” ng mga Tsino sa Kanluran; may sariling mga batas ang Kanluran. Kung makakita ka ng isang taong nadapa sa kalye sa isang bansa sa Kanluran, ano ang nakasaad sa batas? Dapat kang lumapit at magtanong, “Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?” Kung sasabihin ng tao na hindi niya kailangan ng tulong, maaari ka nang umalis. Kung makakita ka ng isang taong nadapa pero hindi mo siya tatanungin kung ayos lang siya o kukumustahin, at patuloy ka lang na maglalakad, kung gayon ay nilalabag mo ang batas. Kung mahaharap ka sa gayong sitwasyon sa Tsina, maaaring isa itong panloloko, at walang mangyayari sa iyo kung sakaling hindi mo ito papansinin. Kung magtatanong ka, “Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?” maaaring magdulot ito ng abala sa iyo, maaaring lokohin ka ng taong iyon, at pagkatapos ay hindi ka na muling makakapamuhay nang maayos. Ano ang sinasabi ng dalawang bagay na ito sa inyo? Ganap na magkaiba ang edukasyon sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang lahi, gayundin ang mga kapaligirang panlipunan at mga sistemang panlipunan at, siyempre, ang mga batas at regulasyon. Pagdating sa gawain ng mga panlabas na usapin, sa isang banda, kailangang tumpak na maunawaan ng mga taong gumagampan ng gawaing ito ang mga batas, regulasyon, at probisyon na kaugnay sa gawain ng iglesia, at sa kabilang banda, dapat din nilang ipalaganap ang ilang karaniwang kaalaman sa buhay o mga legal na probisyon na kailangang malaman ng mga kapatid. Samakatwid, ang sambahayan ng Diyos ay mayroong mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa aytem na ito ng gawain na nag-oobliga sa mga taong gumagampan nito na palaging kumonsulta muna sa mga nauugnay na batas at regulasyon ng pamahalaan sa anumang ginagawa nila. Lalo na kapag nahaharap sa mga isyung mahirap lutasin, kailangan nilang kumonsulta sa isang abogado at huwag bulag na gumawa ng sarili nilang mga paghusga o bumuo ng mga solusyon ayon sa pag-iisip at lohika ng mga Tsino—isa itong hangal at mangmang na paraan ng pagkilos. Kapag naunawaan na ninyo ang mga bagay na ito, dapat alam na rin ninyo ang kahalagahan ng gawain ng mga panlabas na usapin, kung anong mga resulta ang nilalayon nitong makamit, at pati na kung gaano kahalaga para sa sambahayan ng Diyos na gawin ang mga pagsasaayos ng gawaing ito. Hindi gaanong malaki ang saklaw ng aytem ng gawaing ito, kaya, sa maraming pagkakataon, sapat na ang malinaw na ipaunawa sa tauhang sangkot sa gawaing ito ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung isa itong bagay na kailangang malaman ng mga kapatid, tulungan silang maunawaan at maarok ito. Napakahalaga rin ng gawain ng mga panlabas na usapin, dahil hindi maaaring hindi nauunawaan ng mga kapatid ang mga batas at regulasyon na kaugnay sa kanilang pamumuhay at paggawa sa ibang bansa. May mga partikular na pagsasaayos ng gawain ang sambahayan ng Diyos tungkol sa kung ano ang hinihingi sa aspektong ito, at talagang kinakailangan itong ipatupad ayon sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung may lilitaw na mga espesyal na sitwasyon, gagawa ang sambahayan ng Diyos ng ilang solusyon para sa panahon ng kagipitan. Kung ang isang trabaho ay nauugnay sa gawain ng mga panlabas na usapin, kailangan ninyong kumonsulta sa mga tauhan ng panlabas na usapin at tingnan kung anong mga partikular na pagsasaayos mayroon ang sambahayan ng Diyos patungkol sa naturang trabaho, huwag bulag na umasa sa inyong imahinasyon at kumilos nang walang sapat na kaalaman. Ang pagkilos sa ganoong paraan ay malamang na magdulot ng problema, at kahindik-hindik ang maaaring mga kahihinatnan. Ang gawain ng mga panlabas na usapin ay isa ring trabaho na may iisang gampanin, hindi ito komplikado, at dapat mong mahanap ang mga pinakapartikular na usapin ng gawain sa mga pagsasaayos ng gawain. Kapag nagsisimula pa lang gawin ng mga tao ang gawain ng mga panlabas na usapin sa ibang bansa, mararamdaman nilang medyo komplikado ito, pero matapos itong gawin nang ilang panahon, nakakahanap sila ng mga gawi at pamamaraan, at tila hindi na ito masyadong komplikado. Noong una, ang mga Tsinong pumunta sa ibang bansa ay iniulat dahil sa pagkakalat, pagtulog nang dis-oras ng gabi, paggising nang napakaaga, pang-iistorbo sa mga tao dahil sa tahol ng kanilang mga aso, pagsasampay ng mga damit sa balkonahe, at hindi wastong pagpaparada ng sasakyan—iniulat sila dahil sa maraming bagay. Sa huli, maraming beses silang iniulat, palaging kumakatok ang mga pulis sa kanilang mga pintuan para bigyan sila ng gabay, at pagkalipas ng mahabang panahon, saka lang nila napagtanto na nasa ibang bansa sila at wala sa Tsina. Unti-unti, naging alerto sila, nagkaroon sila ng kamalayan sa batas, at naunawaan nila ang ilang panuntunan tungkol sa buhay, trabaho, pagmamaneho, at iba pa. Noong unang magpunta sa ibang bansa ang mga Tsino, nakakaunawa lang sila ng ilang batayang etiketa kung paano umasal at wala silang batayang kaalaman tungkol sa karamihan sa mga legal na usapin; para lang silang mga hayop sa gubat, walang anumang kamalayan sa batas. Pagkalipas ng ilang taon, nagkaroon sila ng kaunting kaalaman at nakaunawa ng ilang panuntunan, na para bang sila ay napaamo, at bumuti sila nang kaunti.

IX. Kapakanan ng Iglesia

Ikasiyam na aytem, kapakanan ng iglesia. Gumawa ang sambahayan ng Diyos noon ng mga pagsasaayos ng gawain patungkol sa kapakanan ng iglesia, at kung iyong mga gumagawa ng kanilang mga tungkulin nang full time o ang kanilang mga pamilya ay nangangailangan ng tulong para makaraos sa pang-araw-araw, kailangang lutasin ng mga lider ng iglesia ang isyung ito. Matatagpuan sa mga pagsasaayos ng gawain na ito ang mga partikular na plano at prinsipyo ng pagpapatupad, at nagbigay ang sambahayan ng Diyos ng mga partikular na pahayag at tuntunin. Tungkol sa mga kapatid na nakulong dahil sa pananampalataya nila sa Diyos, sa gayon ay nagsasanhi ng paghihirap sa pang-araw-araw na pamumuhay ng kanilang mga pamilya; mga magulang na gumagawa ng kanilang mga tungkulin sa loob ng mahabang panahon nang malayo sa tahanan at walang sinumang nag-aalaga sa kanilang mga anak; at mga kapatid na may sakit na maraming taon nang gumagawa sa kanilang mga tungkulin, dapat magbigay ng tulong at resolusyon ang iglesia para sa mga ito at sa iba pang mga katulad na paghihirap. Mayroong espesyal na sitwasyong nauugnay sa aytem na ito ng gawain, at iyon ay kapag natutugunan ng ilang pamilya ang mga kondisyon para makapagpatira ng mga kapatid sa kanilang bahay pero wala silang pinagkakakitaan—kung gayon, paano dapat pangasiwaan ang kanilang mga gastusin sa pagpapatira sa mga kapatid? Saklaw ito ng gawain ng kapakanan ng iglesia. Ang mga tuntunin tungkol dito ay matatagpuan sa mga pagsasaayos ng gawain, o maaaring makatwirang maglaan ang mga lider at manggagawa ng pondo ng iglesia ayon sa lokal na sitwasyon upang maisakatuparan ang gawain ng pagpapatira sa bahay—may mga partikular na tuntunin ang iglesia para sa mga bagay na ito. Kung lumitaw ang ilang espesyal na sitwasyon na labas sa saklaw ng mga partikular na tuntuning ito, maaaring magbahaginan at magtalakayan ang mga lider at manggagawa tungkol sa usapin, at gumawa ng kongkreto, makatwirang mga pagsasaayos batay sa mga normal na pamantayan ng pamumuhay sa lugar na iyon. Bagama’t hindi ito isang malakihang aytem ng gawain, ni isang napakahalagang gampanin, isa itong gawain na saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at hindi ito puwedeng makaligtaan. Kung walang sinumang nangangailangan ng suporta para makaraos sa pang-araw-araw o ng tulong pinansiyal, hindi na kailangang mag-abala ng mga lider at manggagawa na humanap ng mga taong nangangailangan. Kung mayroong gayong mga tao, hindi sila dapat iwasan ng mga lider at manggagawa, at lalong hindi nila dapat balewalain ang mga ito, hindi maaaring nakatunganga lang sila, o magkunwaring hindi nakikita ang mga taong ito. Dapat silang kumilos alinsunod sa mga prinsipyo—ito ang responsabilidad nila.

X. Mga Plano sa Panahon ng Kagipitan

Ikasampung aytem, mga plano sa panahon ng kagipitan. Ang mga plano sa panahon ng kagipitan ay tumutugon sa mga espesyal na isyu na lumilitaw sa alinmang parte ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Mga problema man itong kailangang agarang lutasin na lumilitaw sa gawain ng ebanghelyo, o sa gawaing administratibo, o sa propesyonal na gawain, o kung pinapangasiwaan man ang isang kasong may kinalaman sa mga anticristo o huwad na lider, o kung may ilang espesyal na sitwasyon kung saan nailihis na mga tao, ang lahat ng ito ay nabibilang sa kategorya ng mga plano sa panahon ng kagipitan. Halimbawa, kung may nagdudulot ng mga pagkagambala at kaguluhan, o kung ang isang anticristo ay nagiging di-makatwiran at diktatoryal at nagtatangkang magtatag ng sarili niyang kaharian, at iba pa, sa sandaling matuklasan ng sambahayan ng Diyos na karapat-dapat lumikha ng isang pagsasaayos ng gawain para sa partikular na pagpaplano tungkol sa isa sa mga sitwasyong ito, gagawa ito ng kaukulang nakasulat na pagbibigay-alam. Ang mga plano sa panahon ng kagipitan ay nakabatay sa mga sitwasyon ng kagipitan na nangyayari sa iglesia sa panahong iyon, at lumilikha ang Itaas ng mga partikular na pagsasaayos ng gawain ayon sa kalubhaan ng mga sitwasyon, at pagkatapos ay iniaatas at ipinagbibigay-alam ang mga ito. Ang partikular na plano ay maaaring nauugnay sa alinmang aytem ng gawain na dapat gawin ng mga lider at manggagawa, hangga’t ito ay isinasaayos ng Itaas at hinihingi ng Itaas na ipatupad ito ng mga lider at manggagawa, dapat itong iatas at ipatupad ng mga lider at manggagawa alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain ng Itaas. Hindi sila dapat maging walang galang tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain na ito. Kapag gumagawa ang Itaas ng ganitong mga uri ng pagsasaayos ng gawain, ang mga ito ay hindi mas mababa sa anumang gawaing administratibo o partikular na propesyonal na gawain. Bagama’t pansamantala lang ang mga pagsasaayos na ito ng gawain, dapat pa ring iatas, ipagbigay-alam, ipatupad, at subaybayan ng mga lider at manggagawa ang mga ito katulad ng mga pormal na pagsasaayos ng gawain, at pagkatapos ay magbigay ng paliwanag at ulat sa Itaas—ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Ang mga plano sa panahon ng kagipitan ay hindi nakatuon sa anumang partikular na aytem ng gawain, ibig sabihin, sa anumang oras na ang Itaas ay magtalaga ng isang gampanin, may hingin, o magbigay ng isang pagsasaayos ng gawain sa mga lider sa lahat ng antas at lugar, hindi dapat balewalain ng mga lider at manggagawa ang ganitong uri ng gawain. Sapagkat ang mga ito ay mga pagsasaayos ng gawain, at iniaatas ang mga ito sa mga lider sa lahat ng antas at sa lahat ng lugar, ang mga ito ay gawain na saklaw ng mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa. Hindi puwedeng walang gawin ang mga lider at manggagawa o iklasipika nila ang gawain batay sa saklaw nito, o kung ito ba ay gawain na nakatalaga sa kanila o hindi, o hindi sila dapat magbakasakali sa tono at pagmamadali ng Itaas sa mga pagsasaayos ng gawain para matukoy kung maagap bang ipapatupad ang mga ito. Hindi dapat mangyari ang gayong mga bagay, sa halip, dapat isagawa ng mga lider at manggagawa ang gawain gaya ng ginagawa nila sa isang pormal na gawain, at tapusin ito habang itinuturing ito na isang mahalagang gampanin at atas—ito ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa. May mga plano sa panahon ng kagipitan sa mga espesyal na sitwasyon, at ito ay gawaing isinasagawa sa mga espesyal na konteksto. Kapag nangyayari ang ilang partikular at espesyal na bagay, gagamitin ng Itaas ang mga konteksto at pangyayaring ito para himukin ang mga lider at manggagawa o ang mga kapatid na gamitin ang pagkakataong ito para kilatisin ang mga tao at bagay sa mas praktikal na paraan gamit ang katotohanan, para matuto kung paano makilala ang mga tao at bagay, at magkamit ng mas malalim na pagkaunawa sa katotohanan. Ang layon ng paggawa nito ay para mabigyan ng kakayahan ang mga tao na makilatis ang mga huwad na lider at anticristo. Bukod dito, ginagawa ito para magkaroon ang mga kapatid ng tahimik, angkop, at hindi nagugulong kapaligiran para sa kanilang buhay iglesia. Sa kabilang banda, ginagawa ito para bigyang-kakayahan ang mga tao na maagap na matuto ng iba’t ibang aral at makatanggap ng pagsasanay; matapos masanay nang isang beses sa ganitong paraan, magkakaroon ang mga tao ng napakalaking pag-usad sa kanilang buhay. Ito ay isang paraan ng pagsasanay ng Itaas sa mga lider at manggagawa sa lahat ng antas at sa mga kapatid, lalo na sa mga kapatid na naghahangad sa katotohanan. Walang masamang hangarin dito, hindi pinapahirapan ng Itaas ang mga tao, o ginagawang komplikado ang mga bagay nang walang dahilan. Bagama’t ang mga ito ay mga plano sa panahon ng kagipitan, na mga pansamantalang pagsasaayos ng gawain, may kabuluhan at halaga pa rin ang mga ito, at umaasa Ako na mauunawaan ito ng mga lider at manggagawa sa lahat ng antas at ng mga kapatid, at na haharapin nila ang mga ito nang tama.

Nakapaglista tayo ng 10 aytem ng mga pagsasaayos ng gawain sa kabuuan, at halos natapos na Ako sa pagbabahagi tungkol sa 10 aytem na ito ngayon. Hindi Ko gaanong naibahagi nang detalyado ang mga ito, pero sapat na ang naibahagi Ko para maunawaan at maarok ninyo kung ano nga ba ang mga pagsasaayos ng gawain at kung anong partikular na gawain ang ginagawa ng sambahayan ng Diyos. Sa kabilang banda, naipaunawa sa inyo kung ano nga ba mismo ang ginagawa ng Diyos sa iglesia at sa mga taong Kanyang hinirang sa pamamagitan ng mga partikular na aytem na ito. Ang gawain ng sambahayan ng Diyos ay hindi pakikilahok sa isang negosyo, o sa politika, o sa mga karapatang pantao, hindi rin ito pakikilahok sa anumang komersiyal na aktibidad; ang mga aytem ng gawain na ginagawa ng sambahayan ng Diyos ay iyong mga matatagpuan sa mga pagsasaayos ng gawain. At kaya naman, ang ilang naghaharing partido at institusyong panlipunan ay palaging nagsusubaybay, nagsasaliksik, at nag-iimbestiga kung ano ang nangyayari sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at marahil sa kanilang pagsusuri dito—sa pamamagitan ng panonood sa mga video at website ng sambahayan ng Diyos—nakumpirma nila na Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay isang totoong pananalig, at na wala itong kinalaman sa anumang politikal na aktibidad ng anumang bansa. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay dumanas ng matinding pang-aapi at pang-aatake ng CCP sa loob ng maraming taon, subalit patuloy pa rin itong nangangaral ng ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos, at nai-upload na nito online ang mga salita ng Diyos, ang katotohanan, at lahat ng uri ng mga video ng patotoo, na nagdudulot ng napakalaki at napakaraming pakinabang sa lipunan ng tao, at ganap na pinatutunayan na patuloy na nagpapahayag ang Diyos ng katotohanan at nagliligtas sa sangkatauhan sa mga huling araw. Patuloy silang nagsasaliksik, at ano ba ang resultang nakukuha nila sa kanilang pagsasaliksik? Hindi ba’t lubha silang nadidismaya? Pinagninilay-nilayan pa nila kung anong bentaha ang maaari nilang mahanap para mabansagan na “kulto” ang ating iglesia, at matawag itong kontra-partido at kontra-estado. Pero ngayon, nakikita nila na hindi nila ito magagawa—batay sa mga pagsasaayos ng gawain na iniatas ng iglesia sa mga nagdaang taon, hindi nila maaaring bansagan ang iglesia nang ganito, at nauwi sa wala ang lahat ng pananaliksik nila. Katulad lang ito noong pinag-aralan ng mga Hudyo ang Panginoong Jesus noong mga panahong iyon. Pinag-aralan ng mga eskriba, Pariseo, at mataas na opisyal ng gobyerno ang mga sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus, at natuklasan nila na wala Siyang ginawa na labag sa batas o na politikal, na ang lahat ng sinabi at ginawa ng Panginoong Jesus ay tama, ang katotohanan, at ganap na naaayon sa mga Kasulatan, at sa huli ay nabigo sila. Nakikita ng mundo ng relihiyon ngayon na gumagawa ang sambahayan ng Diyos ng mas marami pang pelikula at video ng patotoong batay sa karanasan, at lalo ring dumarami ang mga aklat at pagbasa ng mga salita ng Diyos, at kaya, ano ang iniisip nila? Kung hindi nila makita na nagmumula sa Diyos ang lahat ng bagay na ito, talagang lubha silang hangal! Iyong nagmumula sa Diyos ay tiyak na uunlad—ito ang bunga ng gawain ng Banal na Espiritu, at walang sinuman ang makakapagtago nito. Lumaganap na sa buong mundo ang mga salita ng Diyos at nakalatag sa harap ng buong sangkatauhan ang mga katotohanang ipinapahayag Niya; ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay patuloy na dumadaloy nang makapangyarihan, walang bansa o puwersa ang makakakontra dito. Tuluyan nang napahiya at natalo ang malaking pulang dragon! Kahit gaano pa ito kondenahin ng mundo ng relihiyon, hindi nila kayang labanan ang gawain ng Diyos, at sa huli, maaari lamang silang maitiwalag at malunod ng malakas na agos nito.

Tapos na Akong magbahagi ngayon tungkol sa mga aytem ng mga pagsasaayos ng gawain. Hindi ba’t ang lahat ng naibahagi Ko ay ang gawain ng sambahayan ng Diyos? Ang gawaing ito ang nakikita ng inyong mga mata, ang naririnig ng inyong mga tainga, at ang personal ninyong nararanasan at pinahahalagahan—walang anumang lihim tungkol dito. Hawak ng malaking pulang dragon ang lahat ng pagsasaayos ng gawain ng iglesia sa mga nagdaang taon—marami at komprehensibo ang mga pagsasaayos ng gawain na taglay nila. Araw-araw nilang pinag-aaralan ang mga ito, at patuloy nilang pinag-aaralan ang mga ito hanggang sa wakas ay umabot sila sa kongklusyong ito: “Kung patuloy na ipinalalaganap ng mga taong ito ang mga salita ng Diyos at nagpapatotoo sila sa gawain ng Diyos sa ganitong paraan, malaking problema iyon! Kailangang lipulin ang lahat ng taong ito, at hindi sila dapat hayaang makaligtas kahit pa tumakas sila sa ibang bansa.” Kita mo, ang mga diyablo ay hindi katulad ng mga ordinaryong tiwaling tao—kokontrahin nila ang Diyos hanggang sa mapait na wakas. Kapag nakikita ng mga ordinaryong tiwaling tao ang mga patotoo mula sa iglesia, nauunawaan nila ang mga ito, iniisip nila na makatwiran ang mga ito, at hindi sila magsasagawa ng anumang pag-uusig. Gayumpaman, hindi ganito si Satanas at ang mga diyablo. Kapag nakikita nila na sumusunod at nagpapatotoo ka sa Diyos, kamumuhian ka nila, gusto ka nilang patayin, at hindi ka nila pahihintulutang mabuhay. Kung hindi mo gagawin ang sinasabi nila at hindi mo sila sasambahin, hinding-hindi ka nila titigilan, at hindi ka nila hahayaang mabuhay. Tutugisin ka nila hanggang kamatayan saan ka man magpunta; kahit pa pumunta ka sa mga pinakadulo ng mundo, hindi ka nila lulubayan. Ito ang ginagawa ng malaking pulang dragon. Ito ang kabuktutan ni Satanas, at naiiba ito sa mga ordinaryong tiwaling tao. Dapat malinaw sa iyo ang puntong ito.

Paano Tumpak na Ipagbigay-alam at Ipatupad ang mga Pagsasaayos ng Gawain

I. Paano Ipagbigay-alam ang mga Pagsasaayos ng Gawain

Ang 10 aytem na ito ng mga pagsasaayos ng gawain ay ang saklaw at nilalaman ng lahat ng iba’t ibang gawain na ginagampanan ng Diyos sa iglesia at sa hinirang na mga tao ng Diyos. Ang pag-unawa sa nilalaman at saklaw ng gawaing ito ay nakakatulong sa hinirang na mga tao ng Diyos na pangasiwaan ang mga lider at manggagawa sa paggawa nang maayos sa gawaing ito. Sa kabilang banda, ito ay pangunahing tumutulong sa mga lider at manggagawa na maunawaan at maarok ang saklaw ng kanilang mga responsabilidad, at ang gawaing dapat nilang ginagawa at ang mga responsabilidad na dapat nilang tinutupad, at na magkaroon ng tumpak na depinisyon sa titulong “mga lider at manggagawa.” Ano ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa? Anong wangis ang dapat nilang isabuhay? Dapat ba silang maging katulad ng mga opisyal ng isang estado ng gobyerno? (Hindi.) Ang “mga lider at manggagawa” ay hindi isang opisyal na posisyon o titulo. Dapat maunawaan ng isang tao kung ano ang mga lider o manggagawa mula sa mga tungkuling ginagawa ng mga lider at manggagawa, at mula sa atas na ipinagkakatiwala ng Diyos sa kanila, at sa mga pamantayang hinihingi Niya sa kanila. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng medyo kongkretong pagkaunawa ang isang tao tungkol sa designasyon ng “mga lider at manggagawa,” at magiging mas malinaw sa kanya ang depinisyon ng mga lider at manggagawa. Anong mga responsabilidad ang dapat tuparin ng mga lider at manggagawa sa pinakamababa? Dapat tumpak nilang ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang bawat pagsasaayos ng gawain nang ayon sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos, tulad ng binanggit sa ikasiyam na aytem. Anuman ang aspektong nauugnay sa pagsasaayos ng gawain, basta’t ipinagbigay-alam ito sa pamamagitan ng mga lider at manggagawa, ang kailangan nilang gawin ay ipagbigay-alam ang pagsasaayos ng gawain sa mga iglesia nang walang pagkaantala at walang tigil, matapos silang magkaroon ng ganap na tumpak na pagkaunawa rito. Tungkol naman sa kung kanino dapat ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain, kung hinihingi ng sambahayan ng Diyos na ipagbigay-alam ang pagsasaayos ng gawain sa lahat ng antas ng mga lider at manggagawa, kabilang na ang mga tao sa antas ng mga mangangaral, mga lider ng iglesia, at mga diyakono ng iglesia, dapat ipagbigay-alam ang mga ito hanggang umabot sa mga tao sa antas na ito, at iyon na iyon; kung kinakailangang ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain sa bawat kapatid, kailangang ipagbigay-alam ang mga ito sa bawat kapatid nang mahigpit na naaayon sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Kung dahil sa kapaligiran ay hindi madali na ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain nang nakasulat, at ang paggawa nito ay magdudulot ng mga panganib sa seguridad o mas malalaking problema, ang mahalaga at pangunahing nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain ay dapat tumpak na maipagbigay-alam sa bawat tao nang pasalita. Kaya, paano ito dapat gawin para masabing naipagbigay-alam na ang mga pagsasaayos ng gawain? Kung ipinagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain nang nakasulat, kailangang makumpirma na natanggap ng lahat ang mga ito, na alam ng lahat ang mga ito, at na sineseryoso ng lahat ang mga ito; kung ipinagbibigay-alam ang mga ito nang pasalita, sa sandaling naipagbigay-alam na ang mga ito, kailangang paulit-ulit na tanungin ang mga tao kung nauunawaan ba nila nang malinaw ang mga ito at kung naaalala nila ang mga ito, at maaari pang hilingin sa kanila na sabihin ulit ang mga pagsasaayos ng gawain—sa ganitong paraan lamang maituturing na tunay na naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung kaya ng mga tao na ulitin at malinaw na isalaysay kung ano ang mga hinihinging prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, at kung ano ang partikular na nilalaman, pinatutunayan nito na naipagbigay-alam na sa kanilang isipan ang mga pagsasaayos ng gawain, na natatandaan nila ang mga ito, at nauunawaan nang malinaw ang mga ito. Saka lang maituturing na tunay nang naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung ang mga kalagayan, kapaligiran at iba pang gayong salik ay pawang naaangkop sa pagbibigay-alam sa mga pagsasaayos ng gawain nang nakasulat, tiyak na dapat ipagbigay-alam ang mga ito nang nakasulat; kung ang mga ito ay hindi maaaring maipagbigay-alam nang nakasulat dahil hindi ito pinahihintulutan ng kapaligiran at sa halip ay dapat itong ipagbigay-alam nang pasalita, dapat makumpirma na ang ipinagbibigay-alam nang pasalita ay pareho sa mga pagsasaayos ng gawain, na ang mga ito ay hindi baluktot, at walang idinagdag na sariling pagkaunawa sa mga ito, at ang orihinal na teksto ang ipinagbibigay-alam—sa ganitong paraan lamang maituturing na tunay at tumpak na naipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay dapat ipagbigay-alam nang ganap na naaayon sa mga partikular na pagkakasulat ng mga ito; ang mga ito ay hindi dapat ipagbigay-alam sa iresponsableng paraan o nang may mga baluktot o kakatwang pagpapakahulugan batay sa mga personal na pang-unawa at imahinasyon ng mga tao. Pagdating sa tumpak na pagbibigay-alam tungkol sa mga ito, dapat maunawaan ng mga tao ang antas ng kahigpitan para sa pagbibigay-alam ng mga pagsasaayos ng gawain; ibig sabihin, ang pagbibigay-alam tungkol sa mga ito ay kailangang gawin nang tumpak. Sinasabi ng ilang tao, “Kailangan ba naming ipagbigay-alam ang mga ito nang eksakto?” Hindi, hindi naman kinakailangan iyon. Ang pagiging eksakto ay hinihingi sa mga makina; kung maipagbibigay-alam lamang ito nang tumpak ng mga tao, maayos na iyon. Halimbawa, patungkol sa buhay iglesia, hinihingi ng mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos sa hinirang na mga tao ng Diyos na kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa pagkilala sa Diyos—madali bang ipagbigay-alam ito? (Oo.) Ang mga pagsasaayos ng gawain ay nagbibigay sa mga tao ng isang saklaw at maaari nilang basahin ang lahat ng nauugnay na salita ng Diyos. Gayumpaman, kung magkakamali ng interpretasyon ang isang tao sa mga pagsasaayos ng gawain, idinadagdag ang personal niyang pagkaunawa, mga kuru-kuro, at mga imahinasyon, at ipinagbibigay-alam ang ilang karagdagang salita, hindi ba’t nangangahulugan ito na lumihis siya sa mga pagsasaayos ng gawain? Tumpak ba niyang ipinagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain? (Hindi.) Ipinagbibigay-alam niya ang mga pagsasaayos ng gawain nang may sarili niyang mga karagdagan—ito ay pawang walang katuturan. Dapat basahin ng isang tao ang bawat pagsasaayos ng gawain na nagmumula sa ang Itaas nang ilang beses at maging malinaw sa tamang kahulugan nito, ang kahalagahan ng pag-aatas ng pagsasaayos na ito ng gawain, at kung anong mga resulta ang nilalayon nitong makamit, at pagkatapos ay alamin ang wastong paraan ng pagsasagawa sa mga partikular na aytem ng gawain na isinaayos ng ang Itaas, iniiwasan na makagawa ng anumang pagkakamali. Ang pagbibigay-alam tungkol sa pagsasaayos ng gawain pagkatapos mapagbahaginan at maunawaan ang mga bagay na ito ay ganap na tumpak. Ang unang kailangang gawin ay ang ipadala ang mga pagsasaayos ng gawain mula sa mga lider at manggagawa sa mga pastoral na lugar papunta sa lahat ng ibang antas ng mga lider at manggagawa, na siya namang magpapadala sa mga ito, sa wakas, sa superbisor ng bawat grupo sa bawat iglesia. Pagkatapos, kailangang pagbahaginan nang ilang beses sa mga pagtitipon ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos upang maunawaan ng lahat ng hinirang na mga tao ng Diyos ang mga ito at malaman nila kung paano isagawa ang mga ito—kapag nakamit na ang ganitong resulta, saka lang maituturing na naipagbigay-alam na ang mga pagsasaayos ng gawain. Ang mga pagsasaayos ng gawain ay kailangang ipagbigay-alam ayon sa pamamaraan at saklaw na hinihingi ng sambahayan ng Diyos. Siyempre, ang nilalaman na ipinagbibigay-alam ay kailangang tumpak at walang pagkakamali. Hindi dapat basta-bastang bigyan ng mga lider at manggagawa ng maling pakahulugan ang mga ito at idagdag ang sarili nilang mga ideya—hindi iyon tumpak na pagbibigay-alam ng mga pagsasaayos ng gawain, at maituturing itong pagkabigo na matupad ang mga responsabilidad nila bilang lider o manggagawa. Ganito dapat maunawaan ang tumpak na pagbibigay-alam at pagpapatupad sa mga pagsasaayos ng gawain.

Ano ang dapat gawin ng mga lider at manggagawa kung hindi pa rin sila sigurado kung paano tumpak na ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain? Mayroong napakasimple at napakadaling paraan para dito. Pagkatapos matanggap ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, dapat muna silang makipagbahaginan tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain kasama ang iba pang mga lider at manggagawa, tingnan kung ilang partikular na aytem ang hinihingi ng ang Itaas para sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, at isa-isang ilista ang mga ito. Pagkatapos, batay sa mga pagsasaayos na ito ng gawain, dapat nilang isaalang-alang ang aktuwal na sitwasyon ng lokal na iglesia, gaya ng mga kalagayan ng gawain ng ebanghelyo, ang iba’t ibang uri ng propesyonal na gawain, at ang buhay iglesia, pati na ang kakayahan at mga kalagayan ng pamilya ng iba’t ibang uri ng tao, at iba pa, iniuugnay ang lahat ng bagay na ito para makita kung paano ipapatupad ang mga bahaging ito ng gawain. Sa pamamagitan ng pagbabahaginan, kailangang humantong ang lahat ng lider at manggagawa sa isang magkakapareho at tumpak na pagkaunawa sa mga pagsasaayos ng gawain, at magkaroon ng mga kaukulang pamamaraan sa pagbibigay-alam tungkol sa mga ito—sa ganitong paraan lamang tumpak na maipagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kung ang isang lider o manggagawa ay nakatanggap ng mga pagsasaayos ng gawain, at, nang hindi nalalaman kung ano ang partikular na nilalaman ng mga ito, bulag lang na tinitipon ang mga kapatid at iniatas at ipinagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain, naaangkop ba ito? Ang resulta nito ay na makalipas ang isa o dalawang buwan matapos maipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain, natuklasan na may mga paglihis sa kung paano ipinatupad ang mga ito sa bawat iglesia, at, nang masusing tingnan ng lider o manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, saka lamang nila natuklasan na may mga paglihis sa pagbibigay-alam tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain. Kung maingat na binasa at ibinahagi ng lider o manggagawa na iyon ang mga pagsasaayos ng gawain noon, wala sanang problema, pero dahil naging tamad at pabaya sila noong sandaling iyon, nagdulot sila ng maraming pagkakamali at paglihis sa gawain ng iglesia, at pagkatapos, kinakailangan nilang itama ang mga ito. Nagdaragdag ito ng isang ganap na di-kinakailangang hakbang at sayang ito sa oras. Mas maigi sana kung direkta nilang pinagbahaginan nang malinaw ang mga pagsasaayos ng gawain at pagkatapos ay isa-isang ipinagbigay-alam at ipinatupad ang mga ito. Hindi ba’t isang pagkakamali kapag hindi nagawa nang maayos ang gawain? (Ganoon na nga.) Samakatwid, may mga hakbang para tumpak na ipagbigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Kailangang magkaroon muna ang mga lider at manggagawa ng tunay na pagkaarok at tumpak na pagkaunawa sa partikular na nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain, at pagkatapos, kailangan nilang makaisip ng mga partikular na plano sa pagpapatupad, pamamaraan ng pagpapatupad, at mga target na indibidwal para sa pagpapatupad—sa ganitong paraan lamang tumpak na maipagbibigay-alam ang mga pagsasaayos ng gawain. Tama ba na basta na lang bulag na mag-atas at magbigay-alam ang mga lider at manggagawa ng mga pagsasaayos ng gawain kapag mayroon lang silang hindi kompletong pagkaunawa sa mga ito, kapag tila nakakaunawa lang sila sa mga ito, kapag ang mga ito ay malabo at hindi malinaw sa kanila, o kapag sadyang hindi nila nauunawaan ang mga partikular na hinihingi at nilalaman ng mga ito? (Hindi ito tama.) Magagampanan ba nang maayos ng gayong mga lider at manggagawa ang gawain? Malinaw na hindi. Kaya naman, sa mga sitwasyong hindi alam ng mga kapatid kung ano ang mga partikular na hinihinging pamantayan at prinsipyo sa mga pagsasaayos ng gawain, o kung paano mismo isasakatuparan ang mga ito, ang mga lider at manggagawa ay magkakaroon na ng tumpak na pagkaunawa sa mga pagsasaayos ng gawain, pati na ng mga kongkretong plano at hakbang para sa pagpapatupad ng mga ito—sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ng mga lider at manggagawa ang unang hakbang, iyon ay ang pagbibigay-alam tungkol sa mga pagsasaayos ng gawain. Sa sandaling naipagbigay-alam na ang mga pagsasaayos ng gawain, at tumpak nang nauunawaan ng mga kapatid ang nilalaman ng mga pagsasaayos ng gawain, at mayroon na silang kaunting kaalaman sa katuturan, halaga, at mga pamantayan ng paggawa ng sambahayan ng Diyos sa gawaing ito, kung gayon, dapat agad na magbahagi ang mga lider at manggagawa sa kung paano magtalaga ng mga tao at partikular na detalye ng mga gawain, at magbahagi tungkol sa partikular na plano kung sino ang magpapatupad at magsasagawa ng gawaing ito—ito ang mga hakbang para sa paggampan ng gawain. Ano ang palagay mo sa pagsusubaybay sa gawain sa ganitong paraan? Maituturing ba ito na mahigpit na pagsusubaybay sa gawain? Ito ba ay agarang pagsusubaybay sa gawain? (Oo.)

II. Paano Ipatupad ang mga Pagsasaayos ng Gawain

Hindi ibig sabihin na sa sandaling makatanggap ang mga lider at manggagawa ng pagsasaayos ng gawain, kailangan lang nilang ipagbigay-alam at iatas ito, at iyon na iyon. Maituturing ba na naipatupad na ang pagsasaayos ng gawain sa sandaling malaman ng hinirang na mga tao ng Diyos sa bawat iglesia na naiatas ito? Hindi ito tunay na pagsasakatuparan at pagpapatupad sa isang pagsasaayos ng gawain, hindi ito pagtupad sa kanilang mga responsabilidad, ni ang pamantayan na hinihingi ng Diyos sa huli. Ang pagbibigay-alam at pag-aatas ng isang pagsasaayos ng gawain ay hindi ang layon—ang pagpapatupad dito ay ang layon. Kaya, paano dapat partikular na ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain? Kailangang tipunin ng mga lider at manggagawa ang lahat ng kaugnay na mga superbisor at mga kapatid at makipagbahaginan sa kanila tungkol sa kung paano dapat gawin ang gawain, habang kasabay nito ay pumipili ng isang pangunahing superbisor at mga miyembro ng pangkat para magsagawa sa gawain. Ang unang dapat gawin ng mga lider at manggagawa kapag nagpapatupad ng gawain ay ang makipagbahaginan—makipagbahaginan kung paano gagawin ang gawain nang ayon sa mga prinsipyo at nang umaayon sa pagsasaayos na ito ng gawain mula sa sambahayan ng Diyos, at kung paano ito gawin sa paraan na nangangahulugang ang pagsasaayos na ito ng gawain mula sa sambahayan ng Diyos ay naipatupad at naisakatuparan. Habang nakikipagbahaginan, kailangang magmungkahi ang mga kapatid at ang mga lider at manggagawa ng iba’t ibang plano, at sa huli ay pumili ng paraan, sistema, at mga hakbang na pinakaangkop at pinakanaaayon sa mga prinsipyo, pinagpapasyahan kung ano ang unang gagawin, at kung ano ang susunod na gagawin, upang makapagpatuloy ang gawain sa organisadong paraan. Kapag naunawaan na ito sa teorya, at wala nang mga paghihirap o imahinasyon ang mga tao, kapag hindi na sila makakaramdam ng anumang paglaban sa gawaing ito, at nauunawaan na nila ang kahulugan at layon ng pagsasaayos na ito ng gawain ng sambahayan ng Diyos, hindi pa rin maituturing na naipatupad na ang gawain. Dapat ding pagpasyahan kung sino ang pinakaangkop at pinakabihasa sa gawaing ito, kung sino ang kayang pumasan sa responsabilidad ng gawaing ito, at kung sino ang may abilidad na tapusin ang gawaing ito. Kailangang piliin ang mga tao na aako ng gawaing ito, kailangang itakda ang plano ng pagpapatupad at ang takdang panahon na dapat itong tapusin, at kailangan ding ihanda at malinaw na isaad ang mga pagkukunan, materyales at iba pang gayong bagay na kinakailangan para matapos ang gawain—saka pa lang maituturing na naipatupad na ang gawain. Siyempre, bago ang pagpapatupad, kinakailangan ding magsagawa ng partikular na pagbibigay-alam at mga talakayan sa mga taong responsable sa gawaing ito nang paisa-isa, tanungin kung nagawa na ba nila ang ganitong gawain dati at kung ano ang mga pananaw at ideya nila tungkol dito. Kung magbibigay sila ng mga plano at ideya na naaayon sa mga prinsipyo, maaaring gamitin ang mga ito. Dagdag pa rito, sa pagpapatupad ng bawat gawain, kailangan ding maglaan ng atensiyon sa pagtuklas kung gaano karaming problema ba ang aktuwal na umiiral—hindi dapat kaligtaan ang hakbang na ito. Pagkatapos matuklasan ang mga problema, kailangang makapag-isip ng mga paraan para maagap na malutas ang mga problema, at pagkatapos na lubusang malutas ang lahat ng umiiral na problema, saka lang masasabing tunay na naipatupad na ang pagsasaayos ng gawain. Higit pa rito, hindi ba’t kailangan mo ring hanapin kung paano gawin ang gawaing ito nang naaayon sa mga hinihinging prinsipyo ng sambahayan ng Diyos? Dagdag pa rito, kung mayroon bang anumang hinihingi ang sambahayan ng Diyos tungkol sa itinakdang panahon para sa gawaing ito, kung kailan ito dapat matapos, kung mayroon bang anumang kongkretong tuntunin pagdating sa mga propesyonal na kasanayan, at iba pa, ay pawang mga paksa na dapat pagbahaginan ng mga lider at manggagawa kasama ang mga kaugnay na superbisor. Ito ang pagpapatupad. Ang pagpapatupad ay hindi natatapos sa pagbibigay-alam nang pasalita o sa teorya, kundi, kabilang dito ang aktuwal na pag-usad ng kaugnay na gawain, pati na ang mga partikular na problema at paghihirap na kailangang malutas. Ang mga ito ay pawang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga lider at manggagawa kapag ipinapatupad ang pagsasaayos ng gawain kasama ang mga superbisor. Ibig sabihin, bago gampanan ang partikular na gawaing ito, ang mga lider at manggagawa ay dapat magsagawa ng ganitong uri ng pagbabahaginan, pagsusuri, at talakayan kasama ang mga superbisor—ito ang pagpapatupad. Ang pagpapatupad na ito ay ang responsabilidad ng mga lider at manggagawa, at ito ang dapat makamit ng mga lider at manggagawa. Ang magsagawa sa ganitong paraan ay ang gumampan ng tunay na gawain. Ipagpalagay nang sinasabi ng isang lider, “Ngayon, hindi ko rin alam kung paano gawin ang gawaing ito. Ano’t anuman, ipinasa ko na ito sa iyo. Ipinagbigay-alam at iniatas ko na rin ang pagsasaayos ng gawain sa iyo, at nasabi ko na sa iyo ang lahat ng nauugnay na usapin dito. Alam mo man itong gawin o hindi, paano mo man ito gawin, gawin mo man ito nang maayos o hindi, at gaano katagal mo man itong gawin, nasa sa iyo na ang lahat ng iyon. Walang kinalaman sa akin ang mga bagay na ito. Sa paggawa ko ng ganito karaming gawain, natupad ko na ang responsabilidad ko.” Dapat ba itong sabihin ng mga lider at manggagawa? (Hindi.) Kung sasabihin ito ng isang lider, anong klaseng tao siya? Isa siyang huwad na lider. Sa tuwing may mga hinihingi ang ang Itaas at kinakailangang gampanan ang gawain nang alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain, ganap itong ipinapasa ng ganitong uri ng tao sa iba, sinasabi niya, “Ikaw na ang gumawa nito, hindi ako marunong. Tutal, naiintindihan mo naman ang lahat ng ito. Eksperto ka, karaniwang tao lang ako.” Isa itong “sikat na kasabihan” na madalas sinasabi ng mga huwad na lider; naghahanap sila ng palusot at pagkatapos ay tumatakas na.

Sa pagbubuod, hindi responsable sa kanilang gawain ang mga huwad na lider. Hindi mahalaga kung mahusay o mahina ang kakayahan nila, o kung kaya nila ang gawain, ang pangunahing bagay ay na hindi sila nakatutok at hindi nila isinasapuso ang gawain, at palagi silang pabaya. Ito ang mga pagpapamalas ng hindi pagiging responsable. Sabihin nang medyo kulang sa kakayahan at lalim ng karanasan ang isang lider o manggagawa, pero kaya niyang maging tutok sa paggawa at isapuso ang gawain niya. Bagama’t hindi gaanong mahusay ang resultang nakakamit niya sa kanyang gawain, kahit papaano, isa siyang responsableng tao, ibinubuhos niya ang kanyang buong puso sa gawain niya, at ibinibigay ang lahat ng kanyang makakaya. Ang tanging dahilan na hindi niya nagagawa nang maayos ang gawain ay dahil medyo kulang siya sa kakayahan at mababa ang tayog niya. Kung magiging ganap siyang mahusay sa gawain niya matapos magsanay sa loob ng ilang panahon, dapat patuloy na linangin ang ganitong klase ng lider. Kung ang isang lider ay walang kahit katiting na konsensiya o katwiran, at kumakapit lang siya sa kanyang posisyon at nagpapasasa sa mga pakinabang ng katayuan, pero hindi man lang gumagawa ng tunay na gawain, isa siyang tunay na huwad na lider at dapat siyang tanggalin kaagad, at hindi na kailanman muling pahintulutan na iangat o gamitin pa. Ang isang tunay na lider, isang responsableng lider, ay nagbubuhos ng lahat ng makakaya niya sa kanyang gawain—iniaalay niya ang isipan niya rito, naghahanap siya ng iba’t ibang paraan para isakatuparan ang atas ng Diyos, at ginagawa niya ang pinakamalaking pagsisikap na makakaya niya—sa ganitong paraan, tinutupad niya ang kanyang mga responsabilidad. Habang ipinatutupad ang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos, oobserbahan at susubaybayan din ng mga responsableng lider ang estado ng pagpapatupad. Kung lilitaw ang isang di-inaasahang sitwasyon, magagawa nilang gamitin ang mga hakbang at solusyon sa pagtugon, sa halip na tumakas at maghugas-kamay tungkol sa usapin. Ang pagpapatupad ng gawain sa ganitong paraan ay tinatawag na pagiging responsable. Kapag iniatas ang isang pagsasaayos ng gawain, dapat ituring ng mga lider at manggagawa ang gawaing iyon bilang ang pinakamahalagang gawain sa kasalukuyan at pangasiwaan ito; dapat nilang personal na subaybayan ito, maging responsable para dito mula umpisa hanggang katapusan, at bitiwan lang ang gawain kapag nasa tamang landas na ito at kapag marunong na ang mga lider ng bawat pangkat kung paano ito gampanan. Subalit pagkatapos itong bitiwan, kailangan pa ring maunawaan ng mga lider at manggagawa ang estado ng gawain at inspeksiyonin ito paminsan-minsan, sa ganitong paraan lamang matitiyak na maayos na nagagawa ang gawain. Ang mga lider at manggagawa na hindi umaalis sa kanilang posisyon, nagpupursige mula umpisa hanggang katapusan, naglalagay sa gawain sa tamang landas—ito ay tinatawag na paggawa ng tunay na gawain. Sa panahong ito, kailangan ding asikasuhin at suriin ng mga lider at manggagawa ang pag-usad ng iba pang aytem ng gawain. Anuman ang mga paghihirap o problemang lumilitaw sa gawain, dapat mabilis na pumunta ang mga lider at manggagawa sa lugar ng gawain para magbigay ng direksiyon at solusyon. Kailangang tutukan ng pangunahing lider ang pinakakritikal na gawain, at kasabay nito, kinakailangan din niyang subaybayan, unawain, inspeksiyonin, at pangasiwaan ang iba pang gawain ng iglesia at tiyakin na ang lahat ng ito ay magpapatuloy nang normal. Pagdating sa pinakakritikal na gawain, kailangang personal na gumawa ang pangunahing lider sa lugar ng gawain at pamunuan ang gawaing ito, at lalo na pagdating sa mga kritikal na parte ng gawain, tiyak na hindi siya dapat umalis sa lugar ng gawain. Kung hindi sapat ang isang tao, dapat magsaayos ng isa pang tao na makikipagtulungan sa kanya at mamamahala sa gawain—ito ay ang paggawa ng lahat ng makakaya at ang pagkakaisa nang may parehong layon na gawin nang maayos ang kritikal na gawain. Dahil ang sambahayan ng Diyos ay mayroong pinakakritikal na gawain sa bawat yugto at panahon, kung hindi magagawa nang maayos ng pangunahing lider ang kritikal na gawain, nangangahulugan ito na may problema sa kakayahan niya at kailangan siyang tanggalin. Ang pangunahing lider ay dapat mangasiwa sa pinakakritikal na gawain habang ganoon din ang iba pang lider para sa ordinaryong gawain; kailangang matutunan ng mga lider at manggagawa kung paano magbigay prayoridad sa gawain ayon sa kahalagahan at kaapurahan, at paano timbangin ang mga pakinabang at kawalan. Kung magiging bihasa ang mga lider at manggagawa sa mga prinsipyong ito, pasok sila sa pamantayan bilang mga lider at manggagawa.

Karamihan sa mga lider at manggagawa sa sambahayan ng Diyos ay mga kabataan, mga baguhan, at nagsasanay silang gumampan ng gawain, kaya ang pinakamahalagang bagay para sa kanila ay ang matutong maging bihasa sa mga prinsipyo. Maaaring sabihin ng ilan, “Hindi ba’t masyadong mataas ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos sa mga lider at manggagawa?” Hindi naman talaga, sa totoo lang. Paanong naging mataas ang hingin sa mga tao na maging bihasa sa mga prinsipyo? Paano magagampanan nang maayos ng isang tao ang gawain ng iglesia kung hindi siya magiging bihasa sa mga prinsipyo? Paano magiging lider o manggagawa ang isang tao kung wala siyang mga prinsipyo sa pangangasiwa ng mga usapin? Ang pagiging bihasa sa mga prinsipyo ay isang hinihingi para sa mga lider at manggagawa, hindi para sa mga ordinaryong tao; kung hindi kaya ng isang tao na maging bihasa sa mga prinsipyo, hindi niya magagawa nang maayos ang gawain. Ang mga taong masyadong kulang sa kakayahan ay hindi nakakatugon sa mga prinsipyo, hindi sila lilinangin ng sambahayan ng Diyos, at hindi rin sila kalipikado na maging lider. Palaging nararamdaman ng ilang tao na mahirap maging lider, at may dalawang dahilan para dito: Ang isa ay na hindi nila nauunawaan ang katotohanan kahit kaunti at hindi nila kayang gamitin ang katotohanan para lutasin ang mga problema; ang isa pang dahilan ay na kulang sila sa kakayahan, hindi nila alam kung ano ang ibig sabihin ng paggawa ng gawain, hindi nila maipaliwanag nang malinaw ang mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa ng gawain, at ni hindi nila kayang magsalita ng mga doktrina nang malinaw. Ang ganitong mga tao ay hindi angkop na maging lider. Sabihin nang masyadong mahina ang kakayahan ng isang tao, hindi siya marunong gumawa ng gawain, at hindi talaga siya mahusay sa paggawa ng tungkulin niya—ibig sabihin, umaabot ng ilang araw ang paggawa niya ng isang trabaho na dapat ay isang araw lang matatapos, at anim na buwan niyang ginagawa ang isang trabaho na dapat ay isang buwan lang matatapos—ang gayong mga tao ay walang silbi, at wala silang kuwenta. Ang mga taong may napakahinang kakayahan ay hindi kayang gumawa ng anumang tungkulin nang maayos. Kapwa patas at makatwiran na may ganito Akong mga hinihingi sa mga tao, at ang mga ito ay mga bagay na kayang makamit ng mga lider at manggagawa. Pakiramdam ng ilang tao na masyadong mataas ang mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos—ipinapakita nito na masyadong mahina ang kakayahan nila, na hindi sila kalipikado na maging mga lider at manggagawa, at na dapat silang managot at magbitiw. Hindi mo kayang umako ng mga responsabilidad ng isang lider o manggagawa, at hindi ka angkop sa ganitong posisyon, kaya, kahit na isa kang lider, isa kang huwad na lider. Kung ni hindi mo kayang gawin nang maayos ang kahit isang gawain, paano mo pa maaasikaso ang iba pang gawain nang sabay-sabay? Karapat-dapat bang maging lider o manggagawa ang mga taong may napakahinang kakayahan? Kung hindi man lang sila kasinghusay ng isang asong-bantay, hindi sila karapat-dapat na tawaging tao. Kapag nagbabantay ang aso sa isang bahay, hindi lang nito binabantayan ang harap at likod na bakuran, at ang taniman ng gulay, pero kaya pa nitong bantayan ang mga manok, gansa, at tupa ng bahay. Kapag may nakita itong isang estrangherong papalapit, tumatahol ito—hindi nito hahayaang makapasok ang sinuman sa bakuran at marunong itong magbigay ng babala sa amo nito kapag may papalapit na estranghero. Maging ang isipan ng isang aso ay hindi simple. Kung masyadong mahina ang kakayahan ng isang tao at hindi man lang maikukumpara sa isang aso, hindi ba’t walang silbi ang ganoong uri ng tao? Ang ilang tao ay mahilig maglibang at namumuhi sa paggawa, matakaw at tamad sila, at gusto lang nilang maging palamunin sa sambahayan ng Diyos nang walang anumang ginagawa—hindi ba’t mga linta sila? Sa pamamagitan ng paghingi sa mga lider at manggagawa na pangasiwaan ang mga bagay-bagay nang may mga prinsipyo, nililinang at sinasanay sila ng sambahayan ng Diyos na maisagawa ang katotohanan at makapasok sa realidad sa paggampan sa kanilang mga tungkulin. Nagagawa ng ilang lider at manggagawa na hangarin ang katotohanan at magpasakop sa mga pagsasaayos ng sambahayan ng Diyos—ang mga taong ito ay pawang pinagpapala ng Diyos. Ang mga mahilig maglibang at namumuhi sa paggawa, at hindi gumagawa ng anumang tunay na bagay ay kailangang itiwalag. Ang lahat ng walang silbing tao na nag-iimbot ng kaginhawahan, na natatakot sa paghihirap at pagkapagal, na palaging nagrereklamo tungkol sa mga paghihirap at suliranin at hindi kayang magtiis ng paghihirap kahit kaunti ay kailangang itiwalag—walang ni isa ang maaaring manatili! Kung kapag sinisimulan ng mga lider at manggagawa ang kanilang gawain, nahaharap sila sa iba’t ibang suliranin, dapat nilang hanapin ang pinagmulan ng problema at pagkatapos ay alisin ang mga taong humahadlang at naghahanap ng gulo nang di-makatwiran—ang mga balakid at sagabal na iyon. Kapag ang mga natitira ay pawang mga taong kayang tumanggap sa katotohanan, susunod, at magpasakop, higit na magiging madali silang pamunuan. Kapag gumagawa ang mga lider at manggagawa, dapat muna silang malinaw na makipagbahaginan tungkol sa katotohanan upang magkaroon ang mga tao ng daan pasulong pagkatapos silang marinig. Hindi sila dapat magsalita ng mga doktrina, sumigaw ng mga islogan, at lalong hindi nila dapat pilitin ang mga tao na makinig at sundin sila at magsagawa. Kung malinaw na nakikipagbahaginan ang mga lider at manggagawa tungkol sa katotohanan, karamihan ng tao ay magiging handang isagawa ito. Nakakabahala kung hindi malinaw o lohikal na ipinaliliwanag ng mga lider at manggagawa ang mga bagay-bagay subalit hinihingi pa rin nila sa mga kapatid na magsagawa, at hindi alam ng mga kapatid kung paano magsasagawa at hindi nila mahanap ang landas ng pagsasagawa—makakaapekto ito sa mga resulta ng gawain. Hangga’t lohikal na naipapaliwanag at malinaw na napagbabahaginan ng mga lider at manggagawa ang mga katotohanang prinsipyong nauugnay sa bawat partikular na uri ng gawain, karamihan ng tao ay magiging maunawain at makatwiran, at magiging handa silang gawin ang parte nila. Lahat ay handang makinig sa isang tao kung ang sinasabi nito ay tama, naaayon sa katotohanan, at kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia at sa buhay pagpasok ng mga kapatid. Gayumpaman, may pagkakataon na puro salita at doktrina lang ang sinasabi ng ilang lider at manggagawa, at kapag may nagtatanong sa kanila tungkol sa partikular na landas ng pagsasagawa, hindi nila ito maipaliwanag, at sa halip, nagsasalita sila ng magagarbong doktrina at sumisigaw ng ilang islogan, at pagkatapos ay pinapaalis na ang taong iyon. Hindi kumbinsido ang taong iyon, at iniisip nito, “Hinihiling mo sa akin na isagawa ito pero hindi mo naman ito malinaw na naipaliwanag—paano ko ito maisasagawa kung gayon? Wala akong landas na susundan! Tinanong kita dahil hindi ko nauunawaan, pero lumalabas na hindi mo rin pala nauunawaan, at marunong ka lang magsalita ng mga doktrina at sumigaw ng mga islogan. Hindi ka mas magaling kaysa sa akin. Bakit kita susundin? Ang susundin ko ay ang katotohanan, hindi ang pagsasalita mo ng mga doktrina at pagsigaw ng mga islogan!” Nangyayari ang ganitong uri ng sitwasyon. Kung maiiwasan ng mga lider at manggagawa ang pagsasalita ng mga walang kabuluhang doktrina, kung makakapagsalita sila nang totohanan, at malinaw na makikipagbahaginan sa mga prinsipyo at landas ng pagsasagawa, magagawang sumunod ng karamihan ng tao. Samakatwid, ang gawain ng iglesia ay talagang madaling gawin; hangga’t taimtim na naipapatupad ng mga lider at manggagawa ang mga pagsasaayos ng gawain, napanghahawakan ang kanilang mga tungkulin sa gawain, at nakakalahok sa partikular na gawain, tiyak na magagawa nila nang maayos ang gawain. Ang nakakabahala ay kung ang mga lider, manggagawa, at superbisor ay iresponsable at umaastang nakatataas, na marunong lang magsalita ng mga doktrina at sumigaw ng mga islogan, at hindi nakikilahok sa partikular na gawain sa mismong lugar—kung gayon, siguradong magkakaroon ng mga problema sa gawain. Ito ay dahil ang mga nasa ibaba ay hindi nakakakilatis sa ganitong mga uri ng bagay, kailangan nila ng isang taong magtuturo sa kanila ng daan, kailangan nila ng isang sandigan, kailangan nila ng isang taong personal na mamumuno sa kanila at magsasabi sa kanila kung ano ang gagawin, kailangan nila ng isang taong mangangasiwa at mag-iinspeksiyon, kung hindi, hindi maipapatupad ang gawain. Kung inaasahan mo na puwede kang basta na lang sumigaw ng ilang doktrina at islogan mula sa isang posisyon ng katayuan, at pagkatapos ay kikilos ang mga tao sa ibaba at gagawin ang sinasabi mo, mangarap ka lang. Ang mga tao sa ibaba ay parang mga makina: Kung walang magpapagana sa kanila, hindi sila kikilos. Kung ang mga naglilingkod bilang mga lider at manggagawa ay hindi man lang ito makilatis, lubha silang walang kabatiran! Kapag gumagawa ang mga huwad na lider, hindi nila makilatis ang anumang bagay. Hindi nila alam kung anong gawain ang kritikal at kung ano ang gawain ng pangkalahatang usapin, hindi rin nila magawang unahin ang mga gampanin ayon sa kahalagahan at kaapurahan. Anuman ang gawin nila, wala silang mga prinsipyo, hindi nila maipaliwanag nang malinaw ang landas ng pagsasagawa, at nagsasalita lang sila ng mga doktrina at sumisigaw ng mga islogan, nagsasabi lang ng ilang hindi praktikal na bagay. Dahil dito, wala silang magawang anumang gawain at maaari lamang silang itiwalag. Ang mga lider at manggagawa ay kailangang matutong magsaayos at magpatupad ng gawain, at kailangan nilang matutong mag-inspeksiyon at mamuno sa gawain, at personal na lumutas ng mga problemang lumilitaw. Tanging ang ganitong mga lider at manggagawa ang makakagawa ng tunay na gawain at ganap na makakakumbinsi sa mga tao. Kung ang isang lider ay hindi kayang mamuno sa gawain o tumuklas at lumutas ng mga problema, at kung nagagawa lang niyang patuloy na sermonan at pungusan ang iba, at sinisisi niya ang iba kapag siya mismo ang pumapalpak, ito ay pagiging lider na walang kakayahan. Ang gayong lider ay isang taong walang silbi, isa siyang huwad na lider, at dapat siyang itiwalag. Kung hindi ka marunong gumawa ng ilang partikular na gawain, kahit papaano, kailangan mong maghanap ng dalawang angkop na tao na kikilos bilang mga katuwang mo para tulungan kang gawin nang maayos ang partikular na gawaing ito, at, kahit papaano, kailangan mo munang pangasiwaan at alisin ang mga nakahahadlang na tao na lumilikha ng mga kaguluhan. Hindi ba’t ito ang paraan ng paglikha ng mga paborableng kondisyon para magawa nang maayos ang gawaing ito? Kung kapag nakakahanap ka ng mga taong kayang gumawa ng tunay na bagay, agad mo silang iniaangat, at kung agad mong pinangangasiwaan at pinapaalis ang mga nagsasanhi ng mga kaguluhan at pagkagambala, lalong mababawasan ang mga suliranin kapag patuloy mong ginagawa ang gawaing ito. Ang mga lider na lubhang kulang sa kakayahan ay hindi nakakagawa nang ganito. Natatakot silang makasakit ng damdamin ng iba, at kapag nakakakita sila ng isang masamang taong palagiang nagsasanhi ng mga kaguluhan at pagkagambala, hindi nila pinangangasiwaan ito. Hindi rin nila matukoy kung sino ang may kakayahang gumawa ng tunay na bagay, at hindi nila alam kung sino ang nararapat na iangat para mangasiwa sa gawain. Ang ganitong mga lider ay bulag at wala silang kakayahang gumampan ng gawain nila. Kung hindi nauunawaan ng mga lider at manggagawa ang katotohanan o ang mga propesyonal na kasanayan, hindi nila magagawa nang maayos ang gawain nila, kaya dapat madalas magsanay ang mga lider at manggagawa para makagawa ng tunay na gawain. Basta’t nagiging bihasa sila sa mga prinsipyo, basta’t alam nila kung paano unahin ang mga gampanin batay sa kahalagahan at kaapurahan, at marunong silang magtimbang ng mga pakinabang at kawalan, kung gayon, magagawa nila nang maayos ang kanilang gawain at sila ay magiging pasok sa pamantayan bilang mga lider at manggagawa.

Ngayong nakipagbahaginan na Ako tungkol sa nilalaman ng tumpak na pagbibigay-alam, pag-aatas, at pagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain nang alinsunod sa mga hinihingi ng sambahayan ng Diyos, kayong mga lider at manggagawa ay mayroon na ba ngayong pangunahing pagkaunawa sa kung paano harapin at ipatupad ang mga pagsasaayos ng gawain? At mayroon na ba kayo ngayong tiyak na pagkaunawa sa mga responsabilidad at obligasyong dapat ninyong tuparin kapag nagpapatupad ng mga pagsasaayos ng gawain? (Oo.) Ngayong mayroon na kayo ng tiyak na pagkaunawang ito, dapat mong isaalang-alang kung ano ang dapat mong gawin at hanggang saan mo ito kayang gawin, at pagkatapos, dapat magawa mong husgahan kung taglay mo ba o hindi ang kakayahan na maging lider o manggagawa, at kung kaya mo ba ang gawain ng pamumuno. Tungkol naman sa ilang lider at manggagawa na may mahinang kakayahan at hindi gumagawa ng tunay na gawain—ibig sabihin, iyong mga tinatawag nating mga huwad na lider—kapag naunawaan na nila ang partikular na nilalaman ng ikasiyam na responsabilidad ng mga lider at manggagawa, ano ang dapat nilang gawin? Sinasabi ng ilan, “Hindi ko talaga naunawaan ang mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa noon, at nang maging lider na ako, umasa lang ako sa aking mga kuru-kuro at imahinasyon sa paggawa ng ilang gawain para lang magmukhang may ginagawa, at inakala ko na dahil masigasig ako at handang magtiis ng paghihirap, marahil ay pasok ako sa pamantayan bilang isang lider. Natigilan ako matapos makinig sa pakikipagbahaginan ng Diyos sa ganitong paraan. Lumalabas na isa pala akong huwad na lider, masyadong mahina ang kakayahan ko, at hindi ko kayang gumawa ng tunay na gawain. Ni wala akong kakayahan sa pagpapatupad ng kahit isang partikular na pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Inakala ko noon na ang pagbabasa ng isang pagsasaayos ng gawain nang ilang beses, pagpasa nito sa lahat, at paghihimok at pangangasiwa sa mga tao sa ibaba habang ginagawa nila ito, ay nangangahulugan na ipinapatupad ko ang pagsasaayos na iyon ng gawain. Pagkaraan ng ilang panahon, natuklasan ko na hindi nagawa nang maayos ang gawain at na maraming partikular na trabaho ang nakaligtaan, at saka ko lang napagtanto na talagang kulang ang kakayahan ko, at na hindi ako bagay na maging lider.” Kaya, ano ang dapat gawin ng isang taong gaya nito? Ayos lang ba kung sumuko siya sa gawain niya? (Hindi.) Kung gayon, may paraan ba para lutasin ang problemang ito? O hindi na ba ito malulutas? (Hindi, malulutas pa ito. Dapat pagsumikapan ng mga taong iyon na mas maging mahusay nang alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos.) Isa itong positibo at aktibong perspektiba; ito ay isang napakagandang perspektiba. Dapat nilang pagsumikapan na maging mas mahusay nang alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, dapat silang manalig at umasa sa Diyos, at huwag maging negatibo, o sumuko sa gawain nila—ito ang isang solusyon. Magandang solusyon ba ito? (Oo.) Pero ito lang ba ang solusyon? (Hindi, hindi lang ito. Kung masyadong mahina ang kakayahan nila at hindi talaga nila kayang gumawa ng anumang aktuwal na gawain, puwede nila itong panagutan at puwede silang magbitiw sa kanilang posisyon.) Ito ay ang pangalawang solusyon. Kung sinubukan na nila dati, at pakiramdam nila ay hindi nila kayang gawin ang gawain ng pamumuno—ibig sabihin, kung napakahirap nito at masyadong nakakapagod para sa kanila, at lubha silang nababalisa tungkol dito at hindi sila makatulog nang maayos, at araw-araw ay para bang may bundok na nakadagan sa kanila na hindi na nila maiangat ang kanilang ulo o hindi na sila makahinga, at nararamdaman pa nila na mabigat ang kanilang mga binti kapag naglalakad sila—at pagkatapos makinig sa mga partikular na hinihinging ito, mas lalo nilang nararamdaman na napakahina ng kanilang kakayahan at na sadyang hindi nila kayang gawin ang gawain, ano ang dapat nilang gawin? May isang bagay silang magagawa, at iyon ay ang magbitiw kaagad. Kung hindi nila kayang gumawa ng tunay na gawain, hindi sila dapat makaapekto sa gawain ng sambahayan ng Diyos—ito ay ang katwiran na dapat nilang taglayin. Hindi nila dapat bulag na pilitin ang kanilang sarili nang lampas sa kanilang mga limitasyon, igiit na magtangkang gumawa ng isang bagay na lampas pa sa kanilang mga abilidad, o gumawa ng mga kahangalan. Ang mga taong umiiwas na gawin ang mga bagay na ito ang mga tanging nagtataglay ng katwiran. Ang mga taong may katwiran ay may kamalayan sa sarili; malinaw sa kanila ang sarili nilang kakayahan, at alam nila ang sarili nilang mga pagkukulang. Kapag malinaw sa mga tao ang sarili nilang kapasidad, saka lang nila tumpak na mauunawaan kung ano ang kaya nilang gawin, ano ang hindi nila kaya, at kung ano ang pinakaangkop nilang gawin. Bakit kailangang malaman ng mga tao ang sarili nilang kakayahan? Nakakatulong ito sa kanila na matiyak kung anong tungkulin ang dapat nilang gawin, at nakakatulong din ito sa kanila na magawa nang maayos ang tungkuling iyon. Kung nasuri mo na ang iyong sarili at nakita mo na ganito lang ang kakayahan mo at alam mong hindi mo kaya ang gawain ng pamumuno, hindi mo na kailangang suriing muli ang sarili mo at patunayan itong muli. Dapat kang magbitiw kaagad—huwag kang manatili sa posisyon mo at tumangging bumaba; huwag mong hayaang makaapekto ka at makapagsanhi ng mga pagkaantala sa ibang tao habang hindi ka nakakagampan ng partikular na gawain. Hindi ba’t isang daan pasulong ang pagbibitiw? Nakalatag sa harap mo ang dalawang landas na ito, at maaari kang pumili ng isa; hindi ka kulang ng daan pasulong, at hindi lang iisa ang landas. Maaari kang gumawa ng mga praktikal at tumpak na paghusga tungkol sa aktuwal mong sitwasyon batay sa pagkaunawa mo sa sarili mo, at batay rin sa mga pagsusuri sa iyo ng mga kapatid sa paligid mo na nakakakilala sa iyo, at pagkatapos ay gumawa ng tamang pasya. Hindi ka pahihirapan ng sambahayan ng Diyos. Ano ang palagay mo rito? (Mabuti ito.) Sinasabi ng ilang tao, “Gusto kong subukan ulit at magsumikap na pagbutihin pa. Sa tingin ko kaya ko ito. Hindi ko lang talaga gaanong binigyang-pansin ang paghahangad sa katotohanan noong mga nagdaang taon na iyon, at matapos akong maging lider, hindi ko pa rin alam kung paano hanapin ang katotohanan at gumawa ako sa magulong paraan. Inakala ko noon na napakadali lang ng pagiging lider ng iglesia, na ang kailangan lang gawin ay mag-organisa ng mga tao para dumalo sa mga pagtitipon, mamuno sa pakikipagbahaginan tungkol sa katotohanan, maagap na lumutas ng mga problema kapag may lumitaw, at kaagad na magpatupad ng anumang pagsasaayos mula sa ang Itaas, at doon na natatapos ang lahat. Hindi ko talaga inakala na, pagkatapos kong maging lider sa loob ng ilang panahon, matutuklasan ko na napakaraming problema ang hindi ko kayang lutasin, na kapag nagtatanong ang ang Itaas tungkol sa gawain, hindi ko alam kung paano sumagot, at na kapag nagbabanggit ang ilang hinirang na mga tao ng Diyos ng mga tunay na isyu, hindi ako makapagbigay ng sagot. Sa loob ng mga taon na ito na nananampalataya ang mga kapatid sa Diyos, lahat sila ay nakabasa na sa mga salita ng Diyos at madalas silang nakikinig sa mga sermon. Tiyak na nauunawaan nilang lahat ang ilang katotohanan at nagtataglay sila ng kaunting pagkilatis. Kung wala ang katotohanang realidad, talagang hindi ko sila madidiligan o matutustusan.” Ngayon ay malinaw na hindi ganoon kasimple na gampanan nang maayos ang anumang uri ng partikular na gawain sa sambahayan ng Diyos. Sa isang banda, kailangang magtaglay ng kakayahan ang mga tao, samantalang sa kabilang banda, kailangan nilang magdala ng pasanin, at umunawa rin sa katotohanan—ang lahat ng bagay na ito ay ganap na kinakailangan. Hindi maaari na hindi hangarin ng isang tao ang katotohanan o na maging isang taong kulang sa kakayahan, at hindi rin maaari na walang pagkatao at hindi magdala ng pasanin ang isang tao. Ang partikular na gawain ay nangangailangan ng partikular na pamamaraan, at hindi ito ganoon kasimple. Gayumpaman, may ilang tao na nananatiling hindi kumbinsido. Gusto pa rin nilang sumubok ulit, at humihiling sila na mabigyan ng isa pang pagkakataon—dapat bang bigyan ng isa pang pagkakataon ang ganitong mga tao? Kung ang kapabilidad nila sa gawain at ang kakayahan nila ay parehong katamtaman, pero kaya nilang gumampan ng partikular na gawain, at hindi sila pabaya at nakatuon sila sa paglutas ng mga problema para magkamit ng mga resulta sa kanilang gawain, at kaya nilang sundin at magpasakop sa anumang pagsasaayos na ginawa ng ang Itaas, at karaniwang ipatupad ang gawain alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain at mga hinihinging prinsipyo ng sambahayan ng Diyos, at bagama’t hindi nila ginawa nang maayos ang kanilang gawain noon dahil bata pa sila, hindi pa nila nauunawaan ang katotohanan, at mababaw pa ang pundasyon nila, sila ay mga tamang tao, dapat silang bigyan ng isa pang pagkakataon at patuloy na magsanay—huwag silang bulag na tanggalin. Hindi ganoon kadali ang maging lider o manggagawa, at hindi rin ganoon kadali ang maghalal ng isang lider o manggagawa. Ngayon, karamihan ng lider at manggagawa ay may kaunting pagkaunawa sa kanilang mga responsabilidad, at kahit papaano, medyo mas magiging mahusay na sila sa kanilang gawain kumpara sa dati—isa itong katunayan.

Ngayong natapos na Akong magbahagi tungkol sa mga katotohanang prinsipyong kaugnay sa ikasiyam na responsabilidad ng mga lider at manggagawa—tumpak na ipagbigay-alam, iatas, at ipatupad ang iba’t ibang mga pagsasaayos ng gawain ng sambahayan ng Diyos alinsunod sa mga hinihingi nito, magbigay ng patnubay, pangangasiwa, at panghihikayat, at mag-inspeksiyon at magsubaybay sa estado ng pagpapatupad sa mga ito—pawang masigla ang puso ninyo, at mayroon kayong landas ng pagsasagawa. Hindi lamang ninyo natutupad ang inyong tungkulin ngayon at hindi lamang kayo nagkakaroon ng buhay pagpasok, kundi dapat din kayong magkaroon ng kaunting kaalaman o pagkilatis sa mga lider at manggagawa, at kahit papaano, dapat nagtamo na kayo ng kalinawan at pagkaunawa sa mga responsabilidad na dapat tuparin ng mga lider at manggagawa at ang gawaing dapat nilang gawin. Sa madaling salita, nakakatulong at nakakabuti sa bawat isa sa hinirang na mga tao ng Diyos ang malaman kung gumagawa ba ng tunay na gawain ang mga lider at manggagawa o hindi, at sa ganitong paraan, ang pagkaunawa nila sa mga responsabilidad ng mga lider at manggagawa ay hindi na magiging hungkag, kundi magiging mas kongkreto.

Abril 10, 2021

Sinundan:  Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (8)

Sumunod:  Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa (10)

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger