114 Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Paglikha Niya ng Tao
I
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, at inakay Niya sila magmula noon. Sila'y iniligtas Niya pagkaraan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan. Sa katapusan, dapat pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, ganap na iligtas ang mga tao, at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawaing sinangkutan Niya sa simula pa lamang—ang pagpapanumbalik sa sangkatauhan sa orihinal nitong imahe at wangis. Itatatag ng Diyos ang kaharian Niya at ipapanumbalik ang orihinal na wangis ng mga tao, na nangangahulugang ipapanumbalik ng Diyos ang awtoridad Niya sa lupa at sa gitna ng lahat ng nilikha.
II
Nawala sa sangkatauhan ang may-takot-sa-Diyos nilang puso gayundin ang tungkuling nasa pananagutan ng mga nilikha matapos gawing tiwali ni Satanas, kaya't naging isang kaaway na mapaghimagsik laban sa Diyos. Namuhay pagkaraan ang sangkatauhan sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at sumailalim sa pagmamanipula ni Satanas; sa gayon, walang paraan ang Diyos upang gumawa sa gitna ng mga nilikha Niya, at lalong hindi nila nagawang magkaroon ng takot. Ang mga tao ay nilikha ng Diyos, at dapat sumamba sa Diyos, ngunit totoong tinalikuran nila Siya at sa halip ay sumamba kay Satanas. Naging diyos-diyosan si Satanas sa kanilang mga puso. Sa gayon, nawalan ng puwang ang Diyos sa kanilang puso, na ibig sabihin ay nawalan ng kahulugan ang paglikha Niya sa sangkatauhan. Samakatuwid, upang mapanumbalik ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan, dapat Niyang maipanumbalik ang orihinal nilang wangis at tanggalin sa sangkatauhan ang kanilang tiwaling disposisyon.
III
Upang mabawi ang mga tao mula kay Satanas, dapat Niya silang iligtas mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan Niya unti-unting maipapanumbalik ang orihinal nilang wangis at tungkulin, at sa wakas, ay mapapanumbalik ang kaharian Niya. Ang pangwakas na pagwasak ng yaong mga anak ng paghihimagsik ay isasakatuparan din upang tulutan ang mga tao na maging mas mahusay na sambahin ang Diyos at mamuhay sa lupa nang higit na maayos. Ang kahariang ninanais itatag ng Diyos ay sarili Niyang kaharian. Ang sangkatauhang ninanais Niya ay yaong sasamba sa Kanya, yaong ganap na magpapasakop sa Kanya at magpapamalas ng luwalhati Niya.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama