207 Alam Mo Ba ang Pinagmumulan ng Buhay na Walang Hanggan?
I
Nanggagaling sa Diyos ang buhay ng tao, umiiral ang langit nang dahil sa Diyos, at dahil din sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos kaya nananatili ang mundo. Walang bagay na nagtaglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, at walang bagay na may lakas ang kayang takasan ang saklaw ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, maging sino man sila, dapat sumuko ang lahat ng tao sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, dapat mamuhay ang lahat sa ilalim ng kontrol ng Diyos, at wala sa kanila ang makakatakas mula sa Kanyang mga kamay.
II
Marahil ang magkamit ng buhay ang ninanais mo ngayon, o marahil ninanais mong makamit ang katotohanan. Anuman ang kalagayan, nais mong matagpuan ang Diyos, matagpuan ang Diyos na maaasahan mo, at na Siyang makapagbibigay sa iyo ng buhay na walang hanggan. Kung nais mong makamit ang buhay na walang hanggan, dapat mo munang maintindihan ang pinagmumulan ng buhay na walang hanggan at dapat mo munang malaman kung nasaan ang Diyos. Tanging ang Diyos lamang ang buhay na hindi nababago, at tanging ang Diyos lamang ang nagtataglay ng daan ng buhay. Dahil ang Diyos ay ang buhay na hindi nagbabago, Siya kung gayon ang buhay na walang hanggan; dahil tanging ang Diyos lamang ang daan ng buhay, ang Diyos Mismo kung gayon ang daan ng buhay na walang hanggan.
III
Hawak ng Diyos ang kataas-taasang kapangyarihan sa bawat isa sa lahat ng bagay, at Siya ang pangunahing sandigan ng tao sa kanyang puso, at bukod dito, namumuhay Siya sa gitna ng tao. Sa ganito lang Niya maihahatid ang daan ng buhay sa sangkatauhan, at maihahatid ang tao sa daan ng buhay. Pumarito sa lupa ang Diyos, at namumuhay sa gitna ng mga tao, upang maaaring makamtan ng tao ang daan ng buhay, at nang sa gayon ay umiral ang tao. Kasabay nito, pinamumunuan din ng Diyos ang lahat-lahat sa bawat bagay, upang padaliin ang pagtutulungan sa pamamahala na ginagawa Niya sa tao. Kaya naman, kung kinikilala mo lamang ang doktrinang nasa langit at nasa puso ng tao ang Diyos, subalit hindi kinikilala ang katotohanan ng pamumuhay ng Diyos sa gitna ng mga tao, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang buhay, at hindi mo kailanman makakamit ang daan ng katotohanan.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan