314 Nakita Ko ang Pagmamahal ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol
I
O Diyos! Bagaman nakapagtiis ako ng daan-daang mga pagsubok at kapighatian, at nakaranas pang mabingit sa kamatayan, natulutan ako ng mga ito na tunay Kang makilala at magtamo ng pinakamataas na kaligtasan. Kung ang Iyong pagkastigo, paghatol at pagdisiplina ay lilisan mula sa akin, kung gayon ay mabubuhay ako sa kadiliman, sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Ano nga ba ang mga pakinabang ng laman ng tao? Kung ang Iyong pagkastigo't paghatol ay aalis sa akin, ito ay waring ang Iyong Espiritu ay nagtakwil sa akin, at ito ay magiging waring Ikaw ay hindi ko na kasama. Kung magkagayon nga, paano ako magpapatuloy na mabuhay?
II
Binigyan Mo 'ko ng karamdaman at kinuha Mo ang kalayaan ko, nagawa kong patuloy na mamuhay, ngunit kung sakaling lilisanin ako ng Iyong pagkastigo at paghatol, mawawalan ako ng daan upang patuloy na mabuhay. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol sa akin, mawawala na sa akin ang Iyong pagmamahal. Kay lalim ng pagmamahal Mo sa akin, hindi ko ito mailarawan. Kung wala ang Iyong pagmamahal, ako ay mabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, at hindi na makikita ang Iyong maluwalhating mukha. Paano ako makakapagpatuloy na mabuhay? Halos hindi ako makakapagpatuloy sa gayong kadiliman, sa gayong buhay. Ang makasama Kita ay tulad ng namamasdan Kita, kaya paano Kita maiiwan?
III
Nagsusumamo ako sa Iyo nang napakasinsero, nagmamakaawa ako na 'wag Mong kunin mula sa akin ang pinakamalaki kong kaaliwan, kahit na iilan lang ito sa Iyong mga nakakaginhawang salita. Natamasa ko ang Iyong pagmamahal, at ngayon ay hindi ako puwedeng mawalay sa Iyo; paano na hindi Kita maiibig? Marami akong itinangis na mga luha ng kalungkutan dahil sa Iyong pagmamahal, subalit lagi kong nararamdaman na ang ganitong buhay ay higit na makabuluhan, mas kaya akong pagyamanin, mas kaya akong baguhin, at higit akong tinutulutang makamit ang katotohanang taglay dapat ng mga nilikha.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol