374  Wala pa Ba Kayong Gaanong Natatamo mula sa Diyos?

1 Bagama’t pinagdaanan ni Job ang mga pagsubok ni Jehova, isa lamang siyang matuwid na tao na sumamba kay Jehova. Sa kabila ng pagdaan sa gayong mga pagsubok, hindi siya nagreklamo tungkol kay Jehova, at pinahalagahan niya ang pakikipagtagpo niya sa Kanya. Hindi lamang hindi itinatangi ng mga tao ngayon ang presensya ni Jehova, kundi tinatanggihan, kinamumuhian, inirereklamo, at pinagtatawanan pa nila ang Kanyang pagpapakita. Hindi ba kayo nagkamit ng marami? Napakalaki ba talaga ng naging pagdurusa ninyo? Hindi ba kayo mas mapalad kaysa kina Maria at Santiago? At talaga bang naging napakaliit lang ng inyong paglaban? Maaari kayang napakabigat at napakarami Kong kinailangan at hiningi sa inyo?

2 Pinakawalan lamang ang Aking poot sa mga Israelitang lumaban sa Akin, hindi direkta sa inyo; ang inyong natamo ay ang Akin lamang walang-awang paghatol at mga pagpapahayag, pati na ang walang-humpay na nagniningas na pagpipino. Sa kabila nito, patuloy Akong nilalabanan at pinabubulaanan ng mga tao, at ginagawa nila iyon nang wala ni kaunting pagpapasakop. May ilan pa na inilalayo ang sarili nila sa Akin at itinatatwa Ako; ang gayong mga tao ay walang pinagkaiba sa pangkat nina Kora at Datan na kumontra kay Moises. Napakatigas ng puso ng mga tao, at ang kanilang kalikasan ay napakasutil. Hindi nila binabago ang mga dati nilang gawi kailanman. Paano malalaman ng mga taong may ganitong disposisyon na daang beses silang naging mas mapalad kaysa kay Job?

3 Paano nila matatanto na ang kanilang tinatamasa ay mga pagpapalang halos hindi nakita sa nagdaang mga kapanahunan, at na hindi pa natamasa ninuman noong araw? Paano mararamdaman ng konsiyensya ng mga tao ang gayong mga pagpapala, mga pagpapalang may lakip na kaparusahan? Ang tanging hinihiling Ko sa inyo ay upang kayo ay maging mga huwaran para sa Aking gawain, mga saksi para sa Aking buong disposisyon at sa lahat ng kilos Ko, at upang kayo ay mapalaya mula sa mga pagpapahirap ni Satanas. Subalit ang sangkatauhan ay palaging nasusuklam sa Aking gawain at sadyang laban dito. Paano Ako hindi mauudyukan ng gayong mga tao na ibalik ang mga batas ng Israel, at ipataw sa kanila ang poot na ipinataw Ko sa Israel?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Inyong Pagkaunawa sa mga Pagpapala?

Sinundan:  373  Bakit Hindi Taos-Pusong Minamahal ng Tao ang Diyos?

Sumunod:  375  Nararapat Ba Talaga Kayong Maging Isa sa mga Tao ng Diyos?

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger