389 Dapat Sambahin ng Buong Sangkatauhan ang Diyos
I
Ang tunay na paniniwala sa Diyos ay hindi tungkol sa paniniwala sa Kanya para lamang maligtas, at lalong hindi pananalig sa Kanya para lamang maging isang mabuting tao. Hindi rin ito pananalig sa Kanya para lamang magtamo ng wangis ng tao. Sa katunayan, ang pananalig ng mga tao sa Diyos ay hindi dapat tingnan bilang paniniwala lamang na may Diyos, at na Siya ang katotohanan, ang daan, ang buhay. Hindi lang iyon ang lahat. Hindi rin ito tungkol lamang sa pagkilala sa Diyos, at paniniwalang Siya ang may Kataas-taasang Kapangyarihan sa lahat ng bagay, na Siya ay makapangyarihan sa lahat, na nilikha Niya ang mundo at lahat ng bagay, na Siya ay natatangi, at na Siya ang pinakamataas. Hindi ito nagtatapos sa paniniwala sa katunayang iyon.
II
Ang layunin ng Diyos ay na ang iyong buong pagkatao at puso ay dapat ibigay sa Kanya at magpasakop sa Kanya. Ibig sabihin, dapat kang sumunod sa Diyos, hayaan Siyang gamitin ka, at maging masaya ka na makapagserbisyo man lamang sa Kanya ang anumang ginagawa mo para sa Kanya ay ang dapat gawin. Hindi ito nangangahulugan na iyon lamang mga itinalaga at hinirang ng Diyos ang dapat maniwala sa Kanya. Ang totoo, ang buong sangkatauhan ay dapat sumamba sa Diyos, makinig sa Kanya at magpasakop sa Kanya, dahil ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi