791  Kilalanin ang Diyos sa Pamamagitan ng Kanyang Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat ng Bagay

I

Kung gaano karaming pagkaunawa ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao, iyon din ang saklaw ng posisyon na pinanghahawakan Niya sa kanilang mga puso. Kung gaano kalaki ang antas ng kaalaman ukol sa Diyos na nasa kanilang mga puso ay ganoon kadakila ang Diyos sa kanilang mga puso. Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo, kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay wala ring laman at malabo. Ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa sarili mong saklaw, at walang kinalaman sa tunay na Diyos Mismo.

II

Kaya, ang pagkilala sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa praktikalidad ng Diyos at Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ang pagkilala sa mga gawa na ipinamalas Niya sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha—ang mga bagay na ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahangad ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay may direktang kaugnayan kung makapapasok o hindi ang mga tao sa katotohanang realidad.

III

Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan, sa pagkalkula mo sa biyaya ng Diyos, o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos, kung gayon ay sasabihin Ko na ang Diyos na pinaniniwalaan mo'y tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo. Maaari ring sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay isang likhang-isip na Diyos, hindi ang tunay na Diyos. Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Ang Diyos ang Siyang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan at ng lahat ng bagay na nasa Kanyang mga kamay. Ang mga gawain at mga gawa ng Diyos, na Diyos na binabanggit ng Ko ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Ibig sabihin, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga gawa ay ipinamamalas sa lahat ng bagay, sa pagiging buhay ng lahat ng bagay, at sa mga batas ng pagbabago sa lahat ng bagay.

mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Sinundan:  790  Ang Kalooban ng Diyos ay Bukas sa Lahat

Sumunod:  792  Kung Nais Mong Tunay na Makilala ang Diyos

Kaugnay na Nilalaman

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger