800 Tanging Kung Makikilala ng Tao ang Diyos Maaari Siyang Magkaroon ng Takot sa Diyos at Umiwas sa Kasamaan
I
Ang "pagkakaroon ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan" at pagkilala sa Diyos ay di-mapaghihiwalay na konektado sa napakaraming paraan, at ang koneksyon sa pagitan ng mga ito ay malinaw. Kung nais ng isang tao na matamo ang pag-iwas sa kasamaan, kailangan muna siyang magkaroon ng tunay na takot sa Diyos; kung nais ng sinuman na magkaroon ng tunay na takot sa Diyos, kailangan muna siyang magtamo ng tunay na kaalaman tungkol sa Diyos; kung nais ng sinuman na magtamo ng kaalaman tungkol sa Diyos, kailangan muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at pagdidisiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol;
II
kung nais ng sinuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, kailangan muna niyang makaharap ang mga salita ng Diyos, makaharap ang Diyos, at humiling sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataong maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng uri ng sitwasyong sangkot ang mga tao, kaganapan, at bagay; kung nais ng sinuman na makaharap ang Diyos at ang mga salita ng Diyos, kailangan muna siyang magtaglay ng simple at matapat na puso, kahandaang tanggapin ang katotohanan, determinasyong tiisin ang pagdurusa, matibay na determinasyon at tapang na iwasan ang kasamaan, at ang hangaring maging isang tunay na nilikha…. Sa ganitong paraan, sa hakbang-hakbang na pagsulong, lalo kang mapapalapit sa Diyos, lalong magiging dalisay ang puso mo, lalong magiging dalisay ang puso mo. Lalo pang magiging makabuluhan at mas maningning ang iyong buhay at ang kahalagahan ng pagiging buhay, sa iyong pagkakilala sa Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Paunang Salita