Kabanata 31

Hindi Ako kailanman nagkaroon ng puwang sa puso ng mga tao. Kapag tunay Akong “naghahanap” mula sa mga tao, ipinipikit nila nang mariin ang kanilang mga mata at binabalewala ang Aking mga kilos, na para bang lahat ng Aking ginagawa ay isang pagtatangka na palugurin sila, dahil dito, palagi silang nasusuya sa Aking mga gawa. Para bang wala Akong anumang kamalayan sa sarili, para bang lagi Kong ipinangangalandakan ang Aking sarili sa harap ng mga tao, sa gayon ay sumiklab ang galit nilang mga “kagalang-galang at matuwid.” Subalit nagbabata Ako kahit sa ilalim ng gayong masasamang kondisyon, at itinutuloy Ko ang Aking gawain. Sa gayon, sinasabi Ko na natikman Ko ang matamis, maasim, mapait, at maanghang na mga lasa ng karanasan ng tao, at pumaparito Ako sa hangin at sumusuong sa ulan; sinasabi Ko na naranasan Ko na ang mga pag-uusig ng pamilya, naranasan Ko na ang mga tagumpay at kabiguan ng buhay, at naranasan Ko na ang sakit ng mahiwalay sa katawan. Gayunman, nang pumarito Ako sa lupa, sa halip na tanggapin Ako dahil sa paghihirap na dinanas Ko para sa kanila, “magalang” na tinanggihan ng mga tao ang Aking mabubuting layunin. Paanong hindi Ako masasaktan nito? Paanong hindi Ako mamimighati? Nagkatawang-tao ba Ako para lamang magwakas nang ganito ang lahat? Bakit hindi Ako mahal ng tao? Bakit nasuklian ng pagkamuhi ng tao ang Aking pagmamahal? Nararapat ba Akong magdusa sa ganitong paraan? Tumulo ang mga luha ng simpatiya ng mga tao dahil sa paghihirap Ko sa lupa, at nagprotesta na ang mga tao sa kawalang-katarungan ng Aking kasawian. Subalit sino na ang tunay na nakakilala sa Aking puso? Sino ang makakahiwatig sa Aking damdamin kailanman? Minsan nang nagkaroon ang tao ng malalim na pagmamahal sa Akin, at minsang madalas na nanabik sa Akin sa kanyang mga panaginip—ngunit paano maaaring maunawaan ng mga tao sa lupa ang Aking mga layunin sa langit? Bagama’t minsa’y nahiwatigan ng mga tao ang Aking kalungkutan, sino na ang nagkaroon ng simpatiya, bilang isang kapwa nagdurusa, sa Aking mga pagdurusa? Maaari kayang maantig at mabago ng “konsensiya” ng mga tao sa lupa ang Aking nalulungkot na puso? Hindi ba masabi sa Akin ng mga tao sa lupa ang di-masabing pasakit sa loob ng kanilang puso? Ang mga espiritu at ang Espiritu ay umaasa sa isa’t isa, ngunit dahil sa mga harang ng laman, “nawalan ng kontrol” ang utak ng mga tao. Minsan ay pinaalalahanan Ko ang mga tao na humarap sa Akin, ngunit hindi nakahikayat sa mga tao ang Aking mga panawagan na tuparin ang Aking hiningi; tumingin lamang sila sa langit, puno ng luha ang mga mata, para bang may pasan silang di-masabing pasakit, para bang may isang bagay na nakaharang sa kanilang daan. Sa gayon, nagdaop sila ng mga kamay at yumuko sa silong ng langit at nagmakaawa sa Akin para sa mga bagay-bagay. Dahil maawain Ako, ipinagkakaloob Ko ang Aking mga pagpapala sa tao, at sa isang kisapmata, dumating ang sandali ng Aking personal na pagparito sa tao—subalit matagal nang nakalimutan ng tao ang kanyang sumpa sa Langit. Hindi ba ito mismo ang paghihimagsik ng tao? Bakit laging may “amnesia” ang tao? Nasaksak Ko ba siya? Hinampas Ko ba ang kanyang katawan? Sinasabi Ko sa tao ang damdaming nasa kaibuturan ng Aking puso; bakit niya Ako laging iniiwasan? Sa mga alaala ng mga tao, para bang may nawala sa kanila at hindi ito makita kahit saan, ngunit para bang hindi rin tumpak ang kanilang mga alaala. Sa gayon, palaging malilimutin ang mga tao sa buhay nila, at magulo ang mga araw ng buhay ng buong sangkatauhan. Subalit walang ginagawang anuman ang sinuman para lutasin ito; walang ginagawang anuman ang mga tao kundi yurakan at paslangin ang isa’t isa, na humantong na sa malubhang pagkatalo ngayon, at nagsanhi na gumuho ang lahat ng bagay sa sansinukob sa maruming tubig at putik, na wala nang pagkakataong makabawi.

Nang dumating Ako sa gitna ng di-mabilang na mga tao ay ang mismong sandali kung kailan nagpakita ng katapatan ang mga tao sa Akin. Sa panahong ito, sinimulang ilapat ng malaking pulang dragon ang nakamamatay na mga kamay nito sa mga tao. Tinanggap Ko ang “paanyaya,” at Ako ay “umupo sa hapag ng piging” kasama ng tao, na hawak ang “liham ng paanyaya” na ibinigay sa Akin ng sangkatauhan. Nang makita nila Ako, hindi Ako pinansin ng mga tao, sapagkat hindi Ko pinalamutian ng mamahaling kasuotan ang Aking sarili at dinala Ko lamang ang Aking “identity card” para makaupo sa mesa kasama ng tao. Walang mamahaling kolorete sa Aking mukha, walang koronang nakaputong sa Aking ulo, at isang pares lamang ng ordinaryong sapatos na gawang-bahay ang suot Ko sa Aking mga paa. Ang pinakanagpadismaya sa mga tao ay ang kawalan ng lipstick sa Aking labi, at ang katunayan na hindi Ako marunong makipagpalitan ng “magalang na pagbati,” at hindi ang Aking dila ang pluma ng isang may talentong manunulat, at sa halip, tumagos ang Aking bawat salita sa kaibuturan ng puso ng tao. Medyo nakadagdag ito sa “kanais-nais” na impresyon ng mga tao sa Aking bibig. Sapat na ang nabanggit na hitsura para bigyan Ako ng mga tao ng “espesyal na pagtrato,” at sa gayon ay tinrato nila Ako bilang isang simpleng probinsyano mula sa kanayunan na walang kaalaman tungkol sa mundo, at walang karunungan. Subalit nang mag-abot ng “mga regalong pera” ang lahat, hindi pa rin Ako itinuring ng mga tao na kagalang-galang, kundi lumapit lamang sa Akin nang walang anumang pagsasaalang-alang, nang pabagal-bagal at maikli ang pasensya. Nang iunat Ko ang Aking kamay, agad silang nagulat, at lumuhod sila at nagsigawan nang malakas. Kinolekta nila ang lahat ng “perang regalo” sa Akin. Dahil malaki ang halaga, bigla nilang naisip na milyonaryo Ako at hinablot ang gula-gulanit na mga damit mula sa Aking katawan, pinalitan ang mga iyon ng mga bagong damit nang walang pahintulot Ko—subalit hindi ito nakapagpasaya sa Akin. Dahil hindi Ako sanay sa gayon kadaling pamumuhay at kinasuklaman Ko ang ganitong “primera-klaseng” pagtrato, dahil isinilang Ako sa banal na tahanan, at, masasabi, dahil isinilang Ako sa “karukhaan,” hindi Ako sanay sa marangyang buhay na ang mga tao ay naglilingkod nang lubusan sa Akin. Sana lamang ay maunawaan ng mga tao ang mga damdamin sa puso Ko, na matiis nila ang kaunting paghihirap upang matanggap ang mga hindi kanais-nais na salita mula sa Aking bibig. Dahil hindi pa Ako kailanman nakapagsalita tungkol sa teorya, ni wala Akong kakayahang gamitin ang lihim na mga paraan ng sangkatauhan sa pakikitungo sa mundo upang makipag-ugnayan sa mga tao, at dahil hindi Ko kayang iangkop ang Aking mga salita ayon sa ekspresyon ng mukha ng mga tao o sa kanilang sikolohiya, palagi Akong kinasusuklaman ng mga tao, naniniwalang hindi Ako karapat-dapat na makasalamuha, at sinasabi na matalim ang Aking dila at lagi Kong sinasaktan ang mga tao. Subalit wala Akong pagpipilian: “pinag-aralan” Kong minsan ang sikolohiya ng tao, “tinularan” Kong minsan ang pilosopiya ng tao para sa mga makamundong pakikitungo, at minsan Akong nag-aral sa “kolehiyo ng wika” para matutuhan ang wika ng tao, upang maging bihasa Ako sa kaparaanan ng pagsasalita ng mga tao, at makapagsalita nang nababagay sa kanilang ekspresyon ng mukha—ngunit kahit nagsikap Ako nang husto at bumisita sa maraming “eksperto,” nauwi sa wala ang lahat ng iyon. Hindi kailanman nagkaroon ng anumang pagkatao sa Akin. Sa lahat ng taong nagdaan, hindi kailanman nagkaroon ng kahit katiting na epekto ang Aking mga pagsisikap, at hindi Ko kailanman naunawaan ang isang salita sa wika ng tao. Sa gayon, ang mga salita ng tao na “nagbubunga talaga ang pagsisikap” ay “tumalbog” palayo sa Akin, at dahil dito, nagwawakas ang mga salitang ito sa lupa. Nang hindi natatanto ng mga tao, napabulaanan na ng Diyos mula sa langit ang kasabihang ito, at lubos nang napatunayan na ang gayong mga salita ay hindi mapapanindigan. Sa gayon ay humihingi Ako ng paumanhin sa tao, ngunit wala nang magagawa—iyon ang napapala Ko sa pagiging masyadong “mangmang.” Wala Akong kakayahang matutuhan ang wika ng tao, na maging bihasa sa pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo, at na makisalamuha sa mga tao. Pinapayuhan Ko lamang ang mga tao na maging mapagtimpi, na pigilan ang galit sa kanilang puso, at na huwag saktan ang kanilang sarili nang dahil sa Akin. Sino ang nagbunsod sa atin na makihalubilo sa isa’t isa? Sino ang nagbunsod sa atin na magkita-kita sa sandaling ito? Sino ang nagbunsod sa atin na magkaroon ng parehong mga adhikain?

Tumatagos ang Aking disposisyon sa lahat ng Aking salita, subalit hindi ito kayang maarok ng mga tao sa Aking mga salita. Labis lamang nilang binubusisi ang sinasabi Ko—ano ang silbi niyon? Magagawa ba silang perpekto ng kanilang mga kuru-kuro tungkol sa Akin? Maaari bang isakatuparan ng mga bagay sa lupa ang Aking kalooban? Patuloy Kong sinubukang turuan ang mga tao kung paano sambitin ang Aking mga salita, ngunit para bang hindi makapagsalita nang malinaw ang tao, at hindi niya natutuhan kailanman kung paano sambitin ang Aking mga salita tulad ng nais Ko. Tinuruan Ko siya nang bibig-sa-bibig, subalit hindi siya kailanman natuto. Pagkatapos nito, saka lamang Ako may bagong “natuklasan”: Paano maaaring sambitin ng mga tao sa lupa ang mga salita ng langit? Hindi ba nito nilalabag ang mga batas ng kalikasan? Ngunit, dahil sa kasigasigan at pagkamausisa ng mga tao tungo sa Akin, nagsimula Ako sa isa pang bahagi ng gawain sa tao. Hindi Ko kailanman pinahiya ang tao dahil sa kanyang mga kakulangan, kundi sa halip ay tinutustusan Ko ang tao alinsunod sa mga ito. Dahil lamang dito kaya mayroong medyo kanais-nais na impresyon sa Akin ang mga tao, at ginagamit Ko ang pagkakataong ito upang minsan pang pagsama-samahin ang mga tao, upang matamasa nila ang isa pang bahagi ng Aking mga yaman. Sa sandaling ito, minsan pang nabalot ang mga tao ng kaligayahan, ang mga pagbubunyi at tawanan ay lumulutang sa paligid ng iba’t ibang kulay na mga ulap sa kalangitan. Binubuksan Ko ang puso ng tao, at nagkakaroon kaagad ng bagong sigla ang tao, at ayaw na niya Akong pagtaguan, sapagkat natikman na niya ang matamis na lasa ng pulot, kaya nga inilalabas niya ang lahat ng kanyang basura upang ipagpalit—na para bang naging isa Akong kolektahan ng basura, o isang istasyon ng pamamahala sa basura. Sa gayon, matapos makita ang nakapaskil na mga “anunsyo,” lumalapit sa Akin ang mga tao at sabik na nakikilahok. Sa isipan ng mga tao, para bang makakakuha sila ng ilang “souvenir,” kaya lahat sila ay nagpapadala sa Akin ng “mga liham,” upang makalahok sila sa mga aktibidad na Aking itinakda. Sa sandaling ito, hindi sila natatakot na mawalan, dahil hindi malaki ang “puhunan” na sangkot sa mga aktibidad na ito, kaya nga nangangahas silang makipagsapalaran sa paglahok. Kung walang mga souvenir na matatamo mula sa paglahok, lilisanin ng mga tao ang arena at hihingin ang puhunan nila, at kukuwentahin din nila ang “interes” na utang Ko sa kanila. Ito ay dahil tumaas na ang mga pamantayan ng pamumuhay ngayon, umaabot sa “antas ng disenteng kasaganaan” at nagkakamit ng “modernisasyon,” at ang “nakatataas na opisyal” ay personal na “pumupunta sa kanayunan” upang isaayos ang gawain, kaya lumakas kaagad nang husto ang pananalig ng mga tao—at dahil pabuti nang pabuti ang kanilang “pangangatawan,” tinitingnan nila Ako nang may paghanga, at handa silang makipag-ugnayan sa Akin para makuha ang Aking tiwala.

Abril 11, 1992

Sinundan:  Kabanata 30

Sumunod:  Kabanata 32

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger