Kabanata 28

Kapag nakikita mo na ang panahon ay napakaikli at mabilis na kumikilos pasulong ang gawain ng Banal na Espiritu, nagiging sanhi upang ikaw ay magkamit ng gayon kadakilang mga pagpapala at matanggap ang Hari ng sansinukob, ang Makapangyarihang Diyos, na Siyang sumisikat na Araw, ang Hari ng kaharian—ang lahat ng ito ay Aking biyaya at habag. Ano pa bang maaaring makapaghiwalay sa iyo mula sa Aking pag-ibig? Pagnilayan nang mabuti, huwag subukang tumakas, maghintay nang tahimik sa harap Ko sa bawat sandali at huwag laging gumala sa labas. Ang iyong puso ay dapat na malapit na malapit sa Aking puso, at kahit ano pa ang maaaring mangyari, huwag kumilos nang pikit-mata o basta-basta. Dapat kang tumingin sa Aking mga layunin, gawin anuman ang Aking nais, at maging desididong iwan iyong hindi Ko ninanais. Hindi ka dapat kumilos batay sa iyong mga damdamin, bagkus ay magsagawa ng pagiging matuwid, gaya Ko, kahit na sa iyong mga magulang. Dapat mong iwan ang lahat ng hindi umaayon sa katotohanan at dapat mong ialay ang iyong sarili at gugulin ang iyong sarili para sa Akin nang may dalisay na puso na nagmamahal sa Akin. Huwag magpasailalim sa mga paglilimita ng sinumang tao, anumang pangyayari o bagay; hangga’t ito ay umaayon sa Aking mga layunin, isagawa lang ito nang alinsunod sa Aking mga salita. Huwag matakot, sapagkat ang Aking mga kamay ay umaalalay sa iyo, at ilalayo kita mula sa lahat ng masasama. Dapat mong bantayan ang iyong puso, manatiling nasa loob Ko sa lahat ng sandali, dahil ang iyong buhay ay nangangailangang nakasalig sa Aking buhay; kung iiwan mo Ako, kaagad kang malalanta.

Dapat mong malaman na ito na ang mga huling araw. Ang mga diyablo at si Satanas, na gaya ng mga leong umaatungal, umaaligid-aligid sa lahat ng dako, naghahanap ng mga taong masisila. Ang lahat ng uri ng mga salot ay lumilitaw na ngayon, at maraming iba’t ibang uri ng masasamang espiritu. Tanging Ako ang tunay na Diyos; tanging Ako ang iyong kanlungan. Kung magtatago ka ngayon sa Aking lihim na lugar, at nasa loob Ko, saka lang hindi sasapit sa iyo ang mga sakuna, at hindi lalapit ang kalamidad sa iyong tolda. Dapat kang lumapit sa Akin nang mas madalas pa at makipagbahaginan sa Akin sa lihim na lugar; huwag basta-bastang makipagbahaginan sa iba. Kailangan mong maunawaan ang kahulugan sa Aking mga salita—hindi Ko sinasabi na bawal kang makipagbahaginan, kaya lamang ay wala ka pa ring pagkakilala. Sa panahong ito, laganap ang gawain ng masasamang espiritu. Ginagamit ng mga ito ang lahat ng uri ng tao upang magbahagi sa iyo. Ang mga salita ng mga ito ay lubhang kasiya-siyang pakinggan, ngunit may lason sa loob. Ito ay mga balatkayong bala at bago mo ito matanto, itatanim ng mga ito ang lason sa loob mo. Dapat mong malaman na karamihan ng mga tao ngayon ay hindi matatag, na para bang sila ay lasing. Kapag may mga paghihirap ka at ibinabahagi mo ang mga ito sa iba, ang sinasabi nila sa iyo ay mga regulasyon at doktrina lang—mas mainam na makipagbahaginan sa Akin nang direkta. Lumapit ka sa harap Ko at ganap na ilabas mo ang mga lumang bagay sa loob mo; buksan ang iyong puso sa Akin at ang Aking puso ay tiyak na mabubunyag sa iyo. Ang iyong puso ay dapat na maging masigasig sa harap Ko. Huwag maging tamad, sa halip ay malimit na lumapit sa Akin—sa ganoong paraan, pinakamabilis na lalago ang buhay mo. Dapat kang mabuhay sa loob Ko at Ako ay mabubuhay sa loob mo, at Ako ay magiging Hari sa loob mo, na pumapatnubay sa iyo sa lahat ng bagay—pagkatapos ay magkakaroon ka ng bahagi sa kaharian.

Huwag mong maliitin ang iyong sarili dahil ikaw ay bata. Dapat mong ialay ang iyong sarili sa Akin. Hindi Ko isinasaalang-alang kung ano ang panlabas na hitsura ng mga tao o kung ilang taon sila. Isinasaalang-alang Ko lamang kung minamahal nila Ako nang taos-puso, at kung sinusunod nila ang Aking daan, at isinasagawa ang katotohanan na binabalewala ang lahat ng iba pang bagay. Huwag mag-alala tungkol sa kung ano ang magiging bukas o kung paano ang magiging hinaharap. Hangga’t ikaw ay umaasa sa Akin upang mabuhay sa bawat araw, tiyak na ikaw ay Aking aakayin. Huwag manahan sa saloobing, “Ang aking buhay ay lubhang maliit, wala akong nauunawaan,” na isang saloobing ipinadala ni Satanas. Kailangan mo lamang gamitin ang iyong puso upang lumapit sa Akin sa lahat ng oras, at sumunod sa Aking mga yapak hanggang sa dulo ng daan. Kapag narinig mo ang Aking mga salita ng pagsaway at babala, gumising ka at agad na tumakbo pasulong; lumapit sa Akin nang walang hinto, makipagsabayan sa kawan, at manatiling nakatingin sa unahan. Sa presensya Ko, dapat mong ibigin ang iyong Diyos nang buong puso at kaluluwa mo. Pag-isipan ang Aking mga salita nang mas madalas habang nasa landas ng paglilingkod. Sa pagsasagawa ng katotohanan, huwag kang panghinaan ng puso—magkaroon ka ng isang malakas na puso, na may kapasyahan at determinasyon ng isang anak na lalaki; taglayin mo ang isang pusong mahirap talunin. Kung nais mong ibigin Ako, dapat mo Akong bigyang-kasiyahan sa lahat ng bagay na nais Kong isakatuparan sa iyo. Kung nais mong sumunod sa Akin, dapat mong talikdan ang lahat ng mayroon ka, ang lahat ng iyong iniibig; dapat kang magpasakop nang may kababaang-loob sa harap Ko, nang may payak na isipan. Huwag kang magsaliksik o mag-isip nang walang pag-iingat, kundi manatiling nakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu.

Dito ay binibigyan kita ng payo: Siguraduhing mahigpit na humawak sa lahat ng Aking binibigyang-liwanag sa loob mo, at siguraduhing isagawa ang mga ito!

Sinundan:  Kabanata 27

Sumunod:  Kabanata 29

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger