Kabanata 27
Ang nag-iisang tunay na Diyos na naghahari sa sansinukob at sa lahat ng bagay—ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw! Ito ang patotoo ng Banal na Espiritu, ito ay di-mapasisinungalingang katibayan! Ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, nagpapatotoo sa lahat ng dako, upang walang sinuman ang magduda. Ang matagumpay na Hari, ang Makapangyarihang Diyos! Nanaig na Siya sa buong mundo, nanaig na Siya sa kasalanan, at natupad na Niya ang Kanyang pagtubos! Iniligtas Niya tayo, ang grupong ito ng mga taong ginawang tiwali ni Satanas, at gagawin Niya tayong ganap upang sumunod sa kalooban Niya. Gumagamit Siya ng makaharing kapangyarihan sa buong lupa, binabawi ang lupaing ito at itinataboy si Satanas tungo sa walang hanggang hukay. Hinahatulan Niya ang mundo, at walang sinuman ang makakatakas mula sa Kanyang mga kamay. Namumuno Siya bilang Hari.
Nagbubunyi ang buong daigdig! Pinupuri nito ang matagumpay na Hari—ang Makapangyarihang Diyos! Magpakailan pa man! Karapat-dapat Ka sa parangal at papuri. Awtoridad at kaluwalhatian sa dakilang Hari ng sansinukob!
Kaunti na lang ang oras. Sumunod sa mga yapak ng Makapangyarihang Diyos at patuloy na sumulong. Maging napakametikuloso, isaalang-alang ang Kanyang pasanin at maging kaisa Niya sa isipan, at gugulin mo ang iyong sarili para sa Kanyang plano ng pamamahala. Huwag kang kumapit sa iyong mga ari-arian. Kaunting-kaunti na lamang ang nalalabing oras. Ihandog ang mga ito! Huwag kumapit sa mga ito! Ihandog ang mga ito! Huwag kumapit sa mga ito!