7. Nasusulat ito sa Biblia, “Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (1 Tesalonica 4:16). Pinatototohanan mo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na, ngunit hindi namin narinig ang sigaw, o ang tinig ng arkanghel, o ang pakakak ng Diyos, ni hindi namin nakita ang mga namatay na banal na muling nabuhay. Kaya paano mapatutunayan na ang Panginoon ay bumalik na?

Sagot:

Tama bang husgahan mo kung nagbalik na ang Panginoon batay sa mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabing, “Sapagka’t ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli” (1 Tesalonica 4:16)? Isang malinaw na katotohanan na naglalaman ang Biblia ng mga salita ng Diyos, ng mga salita ng tao, at maging ng mga salita ng diyablong si Satanas. Pagdating sa pagsalubong sa Panginoon, bakit hindi mo sinusunod ang mga salita ng Diyos, bagkus ay sinusunod mo ang mga salita ng tao? Naniniwala ka ba na ang mga salita ng tao ay ang lahat ng katotohanan? At na ang lahat ng ito ay umaayon sa katotohanan? Ang mga salitang binabanggit mo ay binigkas ni Pablo. Si Pablo ay isang tao, hindi siya Diyos, kaya paano magagamit ang kanyang mga salita bilang batayan ng pagsalubong sa Panginoon? Ang mga salita lamang ng Diyos ang maaaring magbigay ng batayan ng mga bagay na may kinalaman sa pagbabalik ng Panginoon. Walang batayan na mas tumpak kaysa sa mga propesiyang personal na sinabi ng Panginoong Jesus, dahil ang mga salita lamang ng Diyos ang katotohanan. Hindi taglay ng tao ang katotohanan, at kahit na ang kanyang mga salita ay binigyang-liwanag at tinanglawan ng Banal na Espiritu, ang mga ito ay hindi katotohanan, lalong hindi dapat ituring at sundin bilang ang katotohanan. Kaya ano ang sinabi ng Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang(Mateo 24:36). Sinabi ito ng Panginoong Jesus nang may ganap na kalinawan at pagkadirekta. Walang nakakaalam kung kailan babalik ang Panginoon, kahit na ang mga anghel sa langit o ang nagkatawang-taong Anak ng tao Mismo. Ang Ama lamang—ang Banal na Espiritu—ang nakakaalam. At sa kasong ito, sa pagsalubong sa Panginoon, ang pinakatumpak na bagay na gawin ay ang maghanap at magsiyasat batay lamang sa mga salita ng Panginoong Jesus. Wala sa mga propesiya ng tao ang tumpak, lalong hindi maaaring magsilbi ang mga ito bilang anumang uri ng batayan. Kaya sinasabi ba ng mga salita ng Panginoong Jesus na babalik Siya nang may sigaw, nang may tinig ng arkanghel, at nang may trumpeta ng Diyos, at na ang mga patay ay babangon? Hindi. At kaya ang iyong konklusyon, batay sa mga salita ni Pablo, na ang Panginoon ay hindi pa nagbalik dahil hindi pa nangyayari ang mga kababalaghan na ito—ay lubos na katawa-tawa.

Sinasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon batay sa mga salita ng Panginoon. Sinabi ng Panginoon, “Narito, Ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15). “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating(Lucas 12:40). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko(Pahayag 3:20). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25). Malinaw ang mga salita ng Panginoon: Pumaparito Siya sa oras na hindi inaasahan ng tao at ipinahahayag ang katotohanan sa ilalim ng mga pangyayaring hindi alam ng sinumang tao o anghel, na nagiging sanhi para marinig ng mga hinirang na tao ng Diyos ang tinig ng Diyos. Kung kailan naririnig ng hinirang na mga tao ng Diyos ang tinig ng Diyos at nakikilala ang Panginoon ay ang oras na itinaas sila sa harap ng trono ng Diyos. Ang mga taong ito na itinaas ang nagsisimulang magpatotoo na ang Panginoon ay nagbalik at na nagpakita Siya at nagsimulang gumawa, sa gayong paraan ay tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). Ang pagsalubong sa pagdating ng Panginoon ay ganoon lang kasimple. Ito ay ganap na nakabatay sa mga propesiya ng Panginoong Jesus, at hindi ito mali ni kaunti; hindi kailangan ng mga tao na magtuon sa pakikinig sa isang sigaw, sa tinig ng arkanghel, o sa trumpeta ng Diyos, o sa pagkakataong makita na bumabangon ang mga patay—ang lahat ng iyon ay katawa-tawa. Mayroon lamang isang batayan para sa patunay ng pagbabalik ng Panginoon, iyon ay ang pagkarinig sa tinig ng Diyos, at ang pagkakita ng mga tao na ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay ang katotohanan, at ang tinig ng Diyos—ito ang pinakamahusay na patunay. Kung hindi mo iyon pinaniniwalaan, tingnan ang lahat ng mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos gamit ang iyong sariling mga mata. Kung kinikilala mong ang mga ito ay ang tinig ng Diyos, at tinatanggap mo ang mga ito, kung gayon ay isa kang matalinong dalaga na nakarinig sa tinig ng Panginoon at sumalubong sa Panginoon. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). Maaari ka ring maghintay hanggang sa makita mo ang katotohanan ng gawain ng Diyos na nagpeperpekto sa isang grupo ng mga tao para maging mga mananagumpay at ng katuparan ng bawat isa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ngunit kung maghihintay ka hanggang sa araw na iyon para tanggapin ang Makapangyarihang Diyos, magiging huli na, at lantaran nang nagpakita ang Diyos sa panahong iyon.

Sinundan:  6. Nabasa natin ang marami sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nagtataglay ang mga ito ng awtoridad at kapangyarihan, at tunay na tinig ng Diyos ang mga ito. Gayunpaman sinasabi ng mga pastor at elder na sa Biblia ay nasusulat ito, “Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito’y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo’y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil” (Galacia 1:6–8). Sumusunod sa mga salitang ito na sinalita ni Paul, sinasabi ng mga pastor at nakatatanda na ang aming paniniwala sa Makapangyarihang Diyos ay naglalayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, at sa daan ng Panginoong Jesus. Sinasabi nila na naniniwala kami sa ibang ebanghelyo, at ito ay pagtalikod, isang pagtataksil sa Panginoon. Bagaman nararamdaman namin na mali ang sinasabi nila, hindi namin masasabi nang sigurado kung sa anong paraan sila mali. Mangyaring magbahagi sa amin tungkol dito.

Sumunod:  8. Naniniwala kami na ang paghahanda ng langis ng matatalinong dalaga ay tumutukoy sa pagiging taimtim sa pagdarasal, sa pagbabasa ng mga Kasulatan, at sa pagdalo sa pagpupulong, masigasig na paggawa para sa Panginoon, at mapagbantay na paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Ito ang ibig sabihin ng pagiging isang matalinong dalaga, at kapag bumalik na ang Panginoon, dapat nating salubungin ang kasintahang lalake at dumalo sa piging ng Cordero.

Kaugnay na Nilalaman

Tanong 13: Lahat kayo ay naniniwala sa Diyos; Ako naman ay kina Marx at Lenin. Dalubhasa ako sa pagsasaliksik ng iba’t ibang paniniwala sa relihiyon. Sa ilang taon ng pagsasaliksik ko, may nadiskubre akong isang problema. Ayon sa relihiyosong paniniwala ay mayroon talagang Diyos. Pero sa dami ng naniniwala sa Diyos, wala pa namang nakakakita sa Kanya. Ang paniniwala nila ay base sa sarili nilang nararamdaman. Kaya nga nakabuo ako ng konklusyon tungkol sa relihiyosong paniniwala: Purong imahinasyon lang ang relihiyosong paniniwala; yun ay isang pamahiin, at walang matibay na basehan sa syensya. Ang modernong lipunan, ay isang lipunan kung saan napakaunlad na ng syensya. Kailangang, nakabase ang lahat sa syensya, para hindi na magkaro’n ng kamalian. Kaming mga miyembro ng Partidong Komunista ay naniniwala sa Marxismo-Leninismo. Hindi kami naniniwalang may Diyos. Ano bang sabi sa The Internationale? “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo, o ng diyos at emperador na kailangang asahan. Upang magkaro’n ng kaligayahan ang tao, mga sarili lamang natin ang ating asahan!” Malinaw sa The Internationale na “Kailanma’y di nagkaro’n ng Tagapagligtas ang mundo.” Ang sangkatauhan ay naniwala noon sa Diyos at naging mapamahiin dahil ang sangkatauhan nung mga panahong iyon, ay humaharap sa kababalaghan ng natural na mundo na ang araw, buwan, mga bituin; hangin, ulan, kulog at kidlat, ay hindi makapagbibigay ng siyentipikong paliwanag. Samakatuwid, sumibol sa mga utak nila ang takot at pagtataka tungkol sa di-pangkaraniwang kapangyarihan. Kung kaya nabuo ang mga pinakaunang konsepto ng relihiyon. Bukod ditto, nung hindi malutas ng mga tao ang kahirapang dulot ng mga kalamidad at sakit, umasa silang makakuha ng ginhawang pangkaluluwa sa pamamagitan ng mataimtim na pagsunod sa Diyos. Ito ang dahilan kaya nabuhay ang relihiyon. Kitang-kita naman, Hindi ito makatwiran at hindi siyentipiko! Sa panahong ito, moderno na ang tao, at namamayagpag na ang siyensya. Sa mga larangang gaya ng aerospace industry, biotechnology, genetic engineering at medisina, mabilis na naging maunlad ang lahat ng tao. Noon hindi ito naintindihan ng sangkatauhan, at hindi nila kayang lutasin ang mga problema. Pero ngayon kaya ng ipaliwanag ng siyensya ang mga problemang ito, at pwede ng umasa sa siyensya para magbigay ng mga solusyon. Ngayong maunlad na ang agham at teknolohiya, kung naniniwala pa rin ang tao sa Diyos, at naging mapamahiin, hindi ba’t ito ay kabaliwan at kamangmangan? Hindi ba’t napag-iwanan na ang mga tao sa panahong ito? Ang pinakapraktikal na gawin ay ang maniwala tayo sa siyensya.

Sagot: Sabi n’yo ang relihiyosong paniniwala ay dahil sa napag-iwanan na ang tao sa siyentipikong kaalaman, at nabuo mula sa takot at...

Tanong 11: Pinatototohanan mo na si Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ang parehong si Cristo, ang una at ang huling Cristo. Hindi ’yan tinatanggap ng ating CCP. Sa The Internationale, malinaw na sinabi “Walang sinumang naging tagapagligtas ng mundo kailanman.” Pilit n’yong pinatototohanan na dumating na si Cristong Tagapagligtas. Paanong hindi kayo tutuligsain ng CCP? Sa palagay namin, ang Jesus na pinananaligan ng mga Kristiyano ay isang karaniwang tao. Ipinako pa nga siya sa krus. Kahit ang Judaismo ay hindi kinilala na Siya si Cristo. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw na pinatototohanan n’yo ay isa lamang palang karaniwang tao. Malinaw na inilalarawan sa mga dokumento ng CCP na may apelyido at pangalan Siya. Totoo rin ’yan. Bakit n’yo pinatototohanan na ang gayong karaniwang tao ay si Cristo, ang pagpapakita ng Diyos? Mahirap paniwalaan ’yan! Gaano man n’yo patotohanan ang katotohanang naipahayag at kung paano nagawa ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hindi kikilalanin ng ating CCP na ang taong ito ay ang Diyos. Palagay ko katulad lang kayo ng mga tao ng Kristiyanismo, Katolisismo, at Eastern Orthodoxy na nananalig kay Jesus, na nananalig na Diyos ang isang tao. Hindi ba kamangmangan ’yan? Ano ba talaga ang Diyos at ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Ibig sabihin ba nito ay ang pagpapahayag lang ng katotohanan at paggawa ng gawain ng Diyos ay pagpapakita ng tunay na Diyos? Yan ang hinding-hindi namin tatanggapin. Kung makakagawa ang Diyos ng mga himala at hiwaga, mapupuksa ang CCP at lahat ng kumakalaban sa Kanya, kikilalanin namin na Siya ang tunay na Diyos. Kung magpapakita ang Diyos sa kalangitan, gagawa ng madagundong na kulog na tatakot sa buong sanglibutan, yan ang pagpapakita ng Diyos. Sa gayo’y kikilalanin Siya ng ating CCP. Kung hindi, hinding-hindi tatanggapin ng CCP na may Diyos.

Sagot: Hindi ko lang maunawaan, bakit palaging galit ang CCP sa Diyos? Bakit nito palaging tinatanggihan ang Diyos? Bakit ito galit lalo na...

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Connect with us on Messenger